http://rantstoriesetc.blogspot.com
Part 03
Aaminin ko, sa maikling panahong naging close kami ni Syd, unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kanya. Siya lang ang kaisa-isahang nandyan lagi para tulungan ako. Sa text halos nabuo ang friendship namin. Simula pagkagising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi magkatext kami. He is so naive. Wala siyang nakikitang mali sa ginagawa namin kahit na ang mga kaklase namin e nagdududa na sa pagkakaibigan namin dahil nga sa sobrang closeness naming dalawa. Nandyan yung siya ang bibili ng lunch naming dalawa, siya ang magbubuhat ng laptop ko.
Hindi masyadong nag-eexcel si Syd sa klase. Hindi ganoon katataas ang mga marka niya. Dumating yung punto na nag-worry na siya sa performance niya dahil na rin sa dami ng mga estudyanteng natatanggal sa kurso namin.
'Dude, favor naman o.', sabi niya sa akin habang nagsasagot kami ng assignment sa library.
'Hindi ko gagawin 'yang assignment mo, sorry.', pambabara ko sa kanya.
'Hindi yun. Turuan mo ako. Simula umpisa. Bukas, punta ka sa bahay. Tayong dalawa lang.', aya niya.
Biglang bumilis kabog ng dibdib ko.
'Try ko. Baka sumama ako sa mga kaklase natin. Manonood daw sila ng movie. Minsan na lang ako makapag-unwind.', sabi ko.
'Sige na, please? Iti-treat na lang kita. Kahit ano.', pagpupumilit niya.
'Try ko talaga.', sambit ko.
Papayag naman ako sa kanya e. Pakipot lang. Para naman hindi masyadong halatang gustung-gusto ko. Pagdating namin sa klase, ang ingay. Halos lahat pala sa amin ay manonood ng sine sa Sabado.
'Oy, Wul, Syd. Tomorrow ha. Movie time with the whole class', sabi ng isa kong kaklase.
'Hmm. Sorry, may lakad ako. Family outing. Maybe, next time?', sagot ko.
Tiningnan ko si Syd. Nakakatawa yung reaction niya. Di niya alam kung totoo ba yung sinabi ko o alibi lang para makapunta ako sa kanila sa Sabado.
'Ikaw, Syd?', tanong ng kaklase kong nagtanong din sa akin.
'Uh, I'm going to pass. Sorry.', matipid na sagot niya.
'Aww. Sayang. Kayong dalawa lang ni Wul wala. Baka naman magde-date lang kayo ha?', panunukso ng kaklase namin.
Natahimik ang buong klase sa sinabing iyon ng kaklase namin. Alam kong namula ako. Hindi ako maka-react. Ang tawa ni Syd ang bumasag sa katahimikan.
'Hahaha. Guys, you heard the man. He'll be with his family.', ang cool na depensa ni Syd.
'Okay, okay.', ang tanging nasabi ng kaklase namin.
Sakto namang pumasok ang prof at kanya-kanyang ayos ng sarili ang bawat isa.
'So, family outing huh?', pabulong na sarcasm ni Syd.
'Alibi lang yun.', pag-amin ko.
'YES! Thank you so much, Wul. You're a great friend.', sabay kurot sa ilong ko.
'Owww.' Ang sakit nung ilong ko. Ang sakit din na ipagdiinang friend ka lang ng taong minamahal mo.
Part 04
SATURDAY...
On the way na ako papunta kina Syd. Susunduin niya ako sa isang supermarket malapit sa kanila dahil first time ko pa lang makakapunta sa bahay nila. Nandun na siya ng dumating ako. Paano ba naman e late ako ng isang oras. Habang nasa kotse kami...
'Sorry, sobrang late ako. Ang daming tao sa MRT.', paliwanag ko.
'Okay lang. Halos kadarating ko lang din naman.', sabi niya.
'Sino nga palang tao sa inyo ngayon?', tanong ko.
'Maids lang. Nasa work si Daddy. Si Mommy naman nag-mall kasama mga kapatid ko.', kwento niya.
'Ah. Okay.', ang tangi kong nasabi.
Dumating na kami sa bahay nila. And I must say, it is a big one. We had lunch. Then we went to the study room and started reviewing. Ang saya ng feeling na 'yung buong attention niya nasa iyo. Parang kayong dalawa lang sa mundo. Walang sagabal. Walang pwedeng sumira sa inyo.
'Pahinga muna tayo. Grabe, information overload na.', sabi niya.
'Alright. Punta lang ako sa comfort room.', sabi ko.
'Okay. Paglabas mo ng room, kanan ka then yung dulong door, yun yung CR.', turo niya.
'Thanks.', at lumabas na ako.
Naiwan ko pala ang phone ko sa study room. Nag-ring ang phone ko. Si Jan, ang high school friend ko na katulad ko, ang tumatawag. Dahil nga ibang level na ang closeness namin ni Syd, sinagot niya ito. Pero bago pa man din niya masabi na nasa CR ako, tuluy-tuloy si Jan sa pagsasalita.
'Uy, Wul. Ano na-confess mo na ba kay Syd? Ano reaction niya? Nagalit ba? O kayo na?', ang halos walang tigil na tanong ni Jan.
Hindi agad makasalita si Syd.
'I'm sorry. This is Syd. What are you talking about?', ang litong tanong niya.
Pinutol ni Jan ang linya na siya namang sakto sa pagpasok ko sa study room.
'Bakit mo hawak phone ko?', ang mahinahon kong tanong.
Hindi maipinta ang mukha ni Syd na siyang nagpakaba sa akin.
'Uh, may tumawag e. Sinagot ko. Jan yung name na nag-register.', ang cold ng pagkakasabi niya.
'Huh? Bakit mo sinagot? Sana hinayaan mo na lang.', sabi ko sabay kuha sa phone ko.
'Wul, may gusto ka bang sabihin sa akin?', tanong niya.
Halos nabibingi na ako sa katahimikan. Kabog lang ng dibdib ko ang aking naririnig. Sasabihin ko na ba ang totoo o hindi? Parang di ko yata kaya kapag nagalit siya sa akin.
'Huh? Meron. Uhm. Aralin mo lahat ng ginawa natin kanina para di sayang effort natin today at syempre para sa finals e may masagot ka.', ang palusot ko sabay talikod at ayos ng gamit.
Hinatak niya ang braso ko. Medyo may pwersa at nasaktan ako.
'Aray ko. Ano bang problema?', tanong ko.
'Aminin mo. May gusto ka ba sa akin?', diretsahang tanong ni Syd.
Nangingilid ang mga luha sa aming mga mata. Hindi ko alam ang isasagot ko. Pumiglas ako.
'I'm sorry.', sabay takbo palabas ng study room.

No comments:
Post a Comment