rantstoriesetc.wordpress.com
Nagising ako nang maramdaman ko ang bigat na nakapatong
sa akin. Puro hingal ang naririnig ng aking mga tainga. Kakaibang hapdi na
naman ang bumabalot sa aking puwet. Iminulat ko ang aking mga mata pero wala
akong makita. Sinubukan kong galawin ang
aking mga kamay at paa pero parehas itong nakagapos. Sumigaw ako pero nakatali
rin ang aking bibig. Paano ako napunta rito? Nanaginip ba ako?
Pakiramdam ko ay malalagutan na ako ng hininga sa literal
na pagkirot ng aking katawan. Mainit ang aking pakiramdam na para bang sasabog
na ako anytime. Basa na ang aking piring dahil sa aking pag-iyak. Halos
mapigtas na ang aking ugat sa leeg sa aking pagsigaw. Masyadong masakit ang
aking nararamdaman para maging isang panaginip ito.
Pamilyar na ungol ang aking narinig. Naramdaman ko ang
panginginig ng kanyang katawan bago niya hugutin ang nakapasak sa aking butas.
Naramdaman ko ang pagsirit ng kanyang likido roon. Mabilis niya akong inihiga
ng patihaya at hinawakan ng mahigpit ang aking panga. Lalong lumakas ang
kanyang mga ungol habang nababasa ang aking mukha. May ilang mga talsik ang
tumama sa aking labi at halos masuka ako nang malasahan ko iyon.
Ilang minuto akong nakahiga. Wala akong maramdaman. Alam
kong dapat sumakit ang aking hita na tumama sa sasakyan. Akala ko ay magiging
okay na ako. Wala akong saplot. Malakas at malamig ang buga ng hangin mula sa
aircon pero hindi ko iyon maramdaman. Parang ang kapal ng balat ko. Nang
marinig ko ang mga papalapit niyang yabag, kinabahan ako at naramdaman ko na
naman ang pagkabasa ng aking mga mata. Mahigpit niyang hinatak ang aking buhok
hanggang sa mahulog ako sa kama.
“Didn’t I tell you that you’re gonna regret leaving work?
Tell anyone and Xavier will be dead. Naiintindihan mo?” ang sabi niya.
Parang tumigil ang pagtibok ng aking puso nang marinig
kong binanggit niya ang pangalan ni Xavier. Paano niya nalaman? Mas matatanggap
ko pang patayin na lang niya ako kaysa sa paulit-ulit niya akong babuyin ng
ganito pero nahanap ni Boss John ang kahinaan ko.
Hindi ko alam kung ilang oras akong walang malay at kung
nasaan ako. Nang makatayo ako ay hirap akong maglakad dahil magkadikit ang
aking mga paa. Isa pa, nagpupumiglas ako sa kagustuhang makatakas. O di kaya ay
masaktan lang siya ng bahagya. Pero ako ang nakatanggap ng mas marami pang
pananakit. Tadyak sa aking tagiliran at sapak sa aking mukha. Isang matigas na
bagay ang tumama sa aking ulo. Nawalan ulit ako ng malay.
…
Nagmulat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang
masusuyong haplos sa aking kamay. Amoy gamot ang paligid at parang lumulutang
ang utak ko. Hindi na ako nakapiring. Nasilaw ako sa ilaw sa kisame ng silid.
Puti ang lahat ng nakapaligid sa akin. May isang nakabukas na TV sa aking
gawing kanan pero hindi ko marinig ang tunog nito.
Ibinaling ko ang atensyon sa kamay na nakadaop sa aking
nanghihinang kamay. Malaki at maugat ang mga iyon. Naalala ko ang mga kamay ni
Boss John na umipit sa aking mga panga. Bago ko pa makita ang mukha na
nagmamay-ari ng kamay na iyon ay naihablot ko na palayo ang sariling kamay at
takot na takot na lumayo sa kanya.
Nakilala kong si Xavier siya. Pero hindi mawala ang takot
ko. Para bang si Boss John pa rin ang aking nakikita. Hindi ko alam kung dahil
siya ang laman ng isip ko o talagang magkamukha sila. Ang mga mata nila ay
halos parehas. Ang tanging pinagkaiba lang ay ang paraan ng pagtingin nito sa
akin. Ang kay Boss John ay puno ng pagkahumaling, habang ang kay Xavier naman
ay puno ng pag-aalala, ng pagmamahal.
“Huwag kang lumapit sa akin!!!” ang sigaw ko sa kanya.
Aligaga si Xavier kaya’t mabilis siyang tumakbo sa pinto
at tumawag ng doctor. Agad namang may dumating na nurse at pinakalma ako.
Naging komportable ako nang mapansin kong babae ang nurse na humahawak sa akin.
Muli akong bumalik sa pagkakahiga. Ang daming naglalaro sa aking isip, hindi ko
magawang makapag-focus sa kahit isa sa kanila.
Humahangos na pumasok si Seb sa aking kwarto. Nakatingin
lang ako sa kanya nang walang emosyon. Inilapat niya sa aking dibdib ang
kanyang stethoscope. Matapos ang ilang sandali ay bumaling siya kay Xavier na
nakatayo, halatang nagpipigil ng iyak, sa kanyang likod.
“Xav, give us a minute?” Mabilis namang sumunod si
Xavier. Lumabas siya at isinara ang pinto sa kanyang likod. Kinabahan ako
bigla, pero hindi tulad ng kaba na naramdaman ko kapag nandyan si Xavier. Ano
ang alam ni Seb? Base sa mga tingin niya sa akin ay may mabigat siyang
sasabihin.
“Lucas, anong nangyari?” ang mahinahon niyang tanong sa
akin.
“Hindi ko alam. Ang huli ko lang na natandaan e
nasagasaan ako. Hindi naman iyon kalakasan pero natumba ako sa daan.” ang
pagbabalik-tanaw ko.
“Tapos?”
“Tapos…” Naalala ko ang sakit ng pagkakagapos ko. Ang
piring sa aking mga mata. Ang tali sa aking bibig at ang hapdi ng buo kong
katawan. Pero hindi ko kayang sabihin iyon sa kanya. Naalala ko ang boses ni
Boss John sa aking tainga nang banggitin niya ang pangalan ni Xavier. Hindi ko
kayang i-risk na may ibang makaalam.
“Iyon lang ang natatandaan ko.” ang pagsisinungaling ko.
“Come on, Lucas. You can trust me.” ang pasimple niyang
pagpilit sa akin.
“Seb, iyon lang talaga.”
“Alam mo bang malapit sa squatters area dito ka nakita?
Wala kang malay. Hubo’t hubad at nakatali ang kamay at paa. Akala ng mga
nakakita sa’yo ay na-salvage ka. Hindi ko iyon sinabi kay Xavier. Kaya, Lucas.
Tell me what happened. Hindi mangyayari sa iyo iyon kung nasagasaan ka. Don’t
lie to me.”
“I’m not lying… Totoong nasagasaan ako. Pero… Seb, no.
Hindi ko pwedeng sabihin sa’yo.” ang pagdadalawang-isip ko dahil sa takot.
Alam ko ang kakayahan ni Boss John nang sabihin niyang
papatayin niya si Xavier. Kung ako nga, nagawa niyang lapastanganin, anong
pinagkaiba noon sa pagpatay ng tao? Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Lumapit sa
akin si Seb at niyakap ako. Ilang minuto niya akong hinayaang umiyak at panay
lang ang hagod niya sa aking likod. Hindi ako natatakot kay Seb. Sa totoo lang,
magaan ang loob ko sa kanya.
“Lucas, you can tell me. I’m your doctor. I deserve to
know lalo na’t may halong semen ang blood samples na nakuha from your behind.”
ang mahinahon niyang turan.
“No. Baka nagkamali ka lang.”
“Nagtaka rin ako, Lucas. Ilang ulit kong tiningnan ang
samples. Nandoon talaga. Ayokong paniwalaan ang unang pumasok sa isip ko pero…
Lucas, were you raped?”
Para akong binagsakan ng malalaking tipak ng yelo.
Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at huminga ng malalim. Hinanap ng
aking kamay ang kanyang kamay at hinawakan ito ng mahigpit. Sa ginawa kong
iyon, naintindihan ni Seb na “Oo” ang sagot ko sa kanyang tanong. Ayokong
aminin sa aking sarili na biktima ako ng isang karahasang tulad ng ganito.
“You can’t let Xavier know. No, you can’t let anybody
know.” ang pagsisimula ko sa pag-iyak.
“Lucas…” ang pagtutol niya.
“You’re my doctor! I’m your patient. There’s
confidentiality in here!!!”
“I understand. Pero, Lucas, kailangan mo ‘tong i-report
sa pulis.” ang sabi niya habang hawak pa rin ang aking kamay.
“Seryoso ka ba, Seb? Anong gusto mong mangyari?
Pagtawanan nila ako? Na sa laki kong ‘to, naabuso ako ng kapwa ko lalaki?
Maniniwala ba sila kapag may nag-report sa kanilang isang bakla na ginahasa?!”
“May ebidensya tayo.” ang depensa ni Seb.
“That won’t be enough. Hindi nila seseryosohin kung
mag-report man ako. Tsaka… Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ko, ng mga
kapatid ko?”
“Hindi pa rin nila alam ang tungkol sa inyo ni Xavier?”
Umiling ako. Ilang beses ko nang sinubukang umamin sa kanila pero hindi yata
talaga kami magkaibigan ng pagkakataon. Nang bumukod ako sa kanila para magsama
kami ni Xavier, sinabi ko lang na gusto kong makahanap ng lugar na mas malapit
sa aking pinagtatrabahuhan. Nag-asawa na ang kuya ko at sa bahay na kinalakihan
ko sila tumira. Simula noon, ang mga magulang ko ay sa probinsya na nanirahan
para mas payapa raw.
“At least, go to counseling. I’ll make it as private as
possible. Lucas, this is serious.”
“I know. Pag-iisipan ko, Seb. Pero, please. Huwag mong
sabihin kay Xavier. Please.” Tumango siya bago niya ako iwan mag-isa sa kwarto.
Wala pang isang minuto ay nakabalik na si Xavier sa aking tabi. Pasimple kong
inilayo ang aking katawan sa kanya.
“Kailangan mo pa raw mag-stay dito for a few more days
sabi ni Seb.” ang bati niya sa akin.
“Great.” ang sarkastiko kong sagot.
Hindi ko siya pinapansin. Lumipas ang mga oras at
nakaramdam ako ng antok. Hindi ko alam kung anong oras na. Naalimpungatan ako
nang maramdaman kong sobrang lamig na sa aking kwarto. Nakita ko si Xavier na
nakahiga sa sofa malapit sa bintana. Mahimbing ang kanyang tulog pero bakas sa
mukha ang labis na pagod. Nakapatong sa mesa ang laptop at ilang papeles.
Dinala na niya sa hospital ang kanyang trabaho.
“Xav…” ang paggising ko sa kanya mula sa aking kama.
Narinig ko ang paghilik niya kaya naman binato ko sa
kanya ang unang bagay na aking nahawakan. Gulat na gulat siya nang tumama sa
kanyang mukha ang plastic na baso. May kaunti pa itong laman kaya naman nabasa
siya. Medyo natawa ako sa reaksyon niya na para bang nalunod siya.
“Sorry. Hindi ka kasi magising eh.” ang sabi ko.
“Babe, may kailangan ka ba?” ang tanong niya.
“Pakihinaan naman nung aircon. Nilalamig ako.” ang utos
ko.
“Gusto mo tabihan na lang kita?” ang paglalambing niya.
“Nope.” ang direkta kong sagot.
Kinuha ni Xavier ang remote sa tabi ng pinto at hininaan
ang aircon. Humarap siya sa akin. Magulo ang kanyang buhok, bakat sa kanyang
pisngi ang linya ng sofa at gusot ang suot na damit. Naaawa ako sa kanya pero
hindi ko magawang hayaan siya na lumapit sa akin. Hindi ko kaya. Natatakot ako
sa kung anong pwede niyang gawin sa akin.
“Can I at least hold your hand para makatulog ka ulit?”
ang patuloy niyang paglalambing.
“Umuwi ka na para makapagpahinga ka ng maayos. Okay naman
ako dito. May mga nurses naman sa labas.” ang sabi ko.
“Ayoko. Dito lang ako. Ayokong mawala ka ulit sa paningin
ko. Dahil sa pagmamatigas ko, dalawang beses ka nang nagkaganyan. Babe, sorry.”
“Huwag mong sisihin ang sarili mo. It’s not your fault,
okay?” Gustuhin ko mang magalit sa kanya dahil hindi niya ako sinundo nang
ikalawang beses akong binaboy ni Boss John pero hindi ko magawa. Nagbago ang
nararamdaman ko nang malaman kong alam ni Boss John ang relasyon namin ni
Xavier.
Hindi na siya nagpaalam pa at hinawakan na niya ang aking
kamay. Marahan niyang ikiniskis ang kanyang malambot na pisngi doon at makipot
na ngumiti. Tinitigan ko siya. Siya pa rin naman ang taong mahal ko, siya pa
rin ang taong pinaglaban ko. Pero ako pa ba ang taong mahal niya, ang taong
pinili niya kapag nalaman niya ang nangyari sa akin?
“Sorry kung pinili kong kay Seb magpatingin. Honestly, I
did that just to piss you off. Ang kulit mo kasi.” ang pagpapakumbaba ko.
“Shhh. Okay lang iyon. Ang mahalaga ay inalagaan ka niya.
Tsaka, Lucas, kung ano man ang namagitan sa amin noon, tapos na iyon. That’s
part of history. Ang importante e ‘yung ngayon. Your hands are the one I’m
holding.” Inilapat niya sa kanyang dibdib ang aking kamay. Nilabanan ko ang
kagustuhan kong bumitaw. Kinagat ko ang aking labi at ipinikit ko ang aking mga
mata nang maramdaman ko ang kalmadong pagtibok ng kanyang puso.
“Hey, look at me.” ang utos niya.
Marahan kong binuksan ang aking mga mata. Paulit-ulit
kong binabanggit ang kanyang pangalan sa aking isip para paalalahanan ang aking
sarili na siya ang aking kasama at hindi si Boss John. Nangungusap ang kanyang
mga mata. Malakas ang pintig ng kanyang puso.
“Ikaw ang dahilan kung bakit tumitibok ‘to.” ang kanyang
sinabi.
No comments:
Post a Comment