by: James Cornejo
"Mr. Cornejo! please pay
attention!" ang sabi ni Mrs. Vergara "What seems to be your problem
Mr. Cornejo? kanina ka pa wala sa sarili mo pamula nang dumating ka dito."
"Wala po mam." maikli kong
sagot.
"Maybe mam, we should set this
meeting some other time, I know james will agree to me. Right james?" si
Ezra.
Hindi ko naman napansin ang kanyang
pagsasalita, parang lumilipad pa din ang aking utak sa mga nangyari kanina lang
sa canteen at sa pag alala ko kung paano nga ba nabuo ang aming barkada.
dito na ba magtatapos ang lahat samin?
yan ang paulit ulit na gumugulo sa aking isipan habang nakikipagmeeting kila
mrs. Vergara at Ezra.
"Right james??" malakas na
sabi ni Ezra na nagpabalik sa aking ulirat.
"Huh? ah. eh. ano yun?"
"I think you are right."
tugon naman ni mam Vergara. "okay, let's meet again tomorrow. sa Recess
time nyo nalang. punta kayo dito sa Faculty Room ulit."
Tumayo na si mrs. Vergara at iniwan na
kami ni Ezra.
"Ano bang problema mo bhie?"
sa malanding boses ni Ezra.
"IKAW!" sabay tayo at labas
ng faculty room.
Dumiretso ako sa garden ng school
namin at humanap ng magandang pwesto kung saan makakapagpahinga ang isip ko.
Nakita ko ang isang matanda at malaking puno na kung saan natatakluban nito ang
ilalim niya. Doon ko napagpasyahan na manatili kahit na walang upuan doon.
nakacivilian naman, okay na dito. sabi
ko sa sarili ko nang makalapit ako sa nasabing lugar.
Napakapeacefull ng lugar na ito,
makakapag isip isip ang sino mang mananatili dito, lahat din siguro nang
pwedeng maalala ay maalala sa lugar na ito. Madaming bulaklak sa hardin na ito.
Nagtataka lang talaga ako kung bakit hindi manlang dinadayo ng estudyante ang
lugar na ito.
Muling nanumbalik sa aking isipan ang
mga nangyari samin ni RJ, ang magagandang ginawa niya para sa akin, ang kanyang
mga halik, at ang nangyari sa amin nung sabado ng gabi after ng inuman namin.
ang sarap mo magmahal... ang nasabi ko nalang sa aking isipan habang
inaalala ang magagandang nangyari sa amin ni RJ.
"Andito ka lang pala. Kanina pa
kita hinahanap." sabi ng isang pamilyar na boses.
Nilingon ko naman agad ito at agad
kong nakilala. "oh, ano ginagawa mo dito? pinadala ka ba ng kuya mo
dito?" sabi ko kay Brent.
"Hindi noh." sabay upo sa
tabi ko. "ala kasi ako kilala ngayon sa mga classmates ko, I decided to
meet you guys, pero nakita ko sila sa canteen, parang may problema, ewan,
parang nagsisigawan ata, andami na nga nakikiosyoso sa kanila eh, pati mga
teachers nandun na din. Hinanap naman kita, pero hindi kita nakita dun."
Kwento ni Brent.
"oh, hindi ka lumapit? hindi mo
inalam kung ano problema?" Usisa ko
"Lumapit ako, i kept hearing your
name, i thought you are the problem, pero nung nakita kong kay RJ sila lahat
nakaharap, nalaman ko na si RJ ang problema."
San narinig ko kay Brent, hindi na ako
nagpatumpik tumpik pa, agad na akong tumayo at lumakad patungong canteen. Pero
pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking braso.
"Bitiwan mo ko Brent, kailangan
nila ako doon." sabi ko kay Brent at nagpumiglas, pero talagang madiin ang
pagkakahawak nito sa akin kaya hindi ako nakawala.
"Stay here, I know you needed
someone to talk to." may pagsusumamo niyang sabi sa akin.
"Bitawan mo ko Brent, nasasaktan
ako."
"bibitawan lang kita if you will
stay here. let's talk."
"Okay, I'll stay here, pero ano
ba ang paguusapan natin??"
"yung problema mo. at yung laman
niyan" sabay turo sa aking dibdib.
"wala akong problema brent, wag
nalang."
"wag ka magsinungaling, mga bata
pa lang tayo, magkakasama na tayo, kaya alam ko kung may problema ka o
wala." sabi niya sakin.
"wag ngayon brent, i'm not yet
ready to talk about it." sagot ko naman dito at binitawan na niya ako.
Hindi ko na nagawang umalis dahil sa nakikita ko namang sinsero itong tulungan
ako sa aking problema, pero gusto ko lang din sigurong magpapilit kaya ko
nasabi ang huli.
"oh c'mon james, kilala kita,
your the type of person na walang balak magsabi ng problema. gusto mo palaging
pinaparamdam lang. it's time to change!" mahanging sabi nito.
"sige brent, sasabihin ko
sayo." nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga bago ituloy ang aking
sasabihin. "brent, what if malaman mo na kami ng kuya mo? anong gagawin
mo?"
"I know james." maikling
sabi nito pero sapat na para manlamig ang aking buong katawan.
"Pa-pa..." nabubulol kong
sabi ng bigla siyang sumingit.
"pano ko nalaman? simple lang,
tiningnan ko CP ni kuya nung natutlog siya." walang kagatol gatol nitong
sabi. "and i think, kaya sinasabi ng mga tropa mo ang pangalan mo kanina
dahil sinabi na ni kuya ang kung ano mang meron sa inyo."
Nagpanting naman ang aking tenga sa
sinabi ni Brent, talagang sinira na ni RJ ang usapan namin na walang
makakaalam. Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Brent, pero ang yakap na ito
ay isang yakap ng pagpapakalma. "shhhhh, wag ka na magalit, hindi
makakatulong sayo yan." bulong pa niya.
Itinulak ko siya na naging dahilan
para mapahiga ito sa damuhan. "Don't act na alam mo lahat Brent.wala kang alam!"
sa galit na boses.
Agad akong tumayo at naglakad palayo
sa kanya, sobrang naiinis ako sa ginawa niya, at sa sinabi niya. Pero may isang
problema pa akong dapat na harapin. Kung pano ko ihaharap ang sarili ko sa
aking mga kabarkada.
Agad kong tinung ang sasakyan na
ipinahiram sa akin ng aking tatay. Pagkasakay ko dito ay agad kong pinaandar at
lumabas ng school. Pumunta ako sa Badminton court para maglaro upang
makapaglabas na din ng stress sa nangyari kanina sa school. (ganun talaga ako,
kapag sobrang stressed out na, naglalabas ako ng sama ng loob through my
hobbies.)
Pagkarating ko sa Badminton Court,
agad kong nakita ang nagturo sa amin ni RJ mag Badminton. Siya ang trainer
namin pamula pagkabata. Si Kuya Paul.
"Kuya Paul, laro tayo." yaya
ko sa kanya. "pero wait lang, bihis lang ako."
"Big time ka ngayon ah, di kotse
ka na." puna niya sa kotseng dala ko.
"hindi, kay daddy yan, pinahiram
lang, dahil dun sa ex ko. samin nakatira ngayon eh." sabi ko sabay punta
sa Shower room para makapagpalit na ng damit at shorts na panglaro.
Pagkatapos ko magbihis ay agad kaming
nagtungo ni kuya paul sa court 3 at nagsimula nang mag warm up.
"Diba may pasok ka?" sabi ni
kuya paul habang nagsstretching.
"Oo kuya, kaso nagkaproblema sa
school eh, kaya dito muna ako."
"ahh, kaya pala. masama nanaman
loob" mahina pero sapat na para marinig ko.
"wag na madaming satsat kuya,
game na!" sigaw ko dito at agad na nga kami nagsimulang maglaro.
Sa unang set ng laro ay ako ang
nanalo, halata mo sa aking laro na may galit akong dinadala. sa bawat
palo/hampas ko sa shuttle cock ay halatang gigil na gigil. Ganoon pa din ang
ginawa ko sa pangalawang set ngunit natalo na ako ni kuya paul hanggang sa 3rd
set. Tuluyan akong nagpadala sa aking damdamin, hindi ko natapos ang 3rd set,
nakita ko ang sarili kong umupo sa Court at lumuluha.
Lumapit sakin si Kuya Paul.
"James, hindi naman sagot ang paglalaro sa lahat ng problema mo sa buhay.
Kailangan mo din iconfront ang mga taong dahilan nito." sabi ni kuya paul
at inakay ako papunta sa bench na katabi ng court 3. "Teka, sino yung ex
mo na sabi mo ay nakatira sa inyo?" tanong niya
"si ezra kuya, tanda mo pa?"
sabi ko habang humihikbi.
"alin? yung malandi?" sabi
nito na nakataas ang kilay.
"oo kuya, bakit mo
natanong?"
"sabi na nga ba at sa inyo
didiretso yun eh!"
"Ano ibig mo sabihin kuya?"
"Buntis yon kaya napalayas sa
kanila. hindi ba sinabi sa inyo?" sabi ni kuya.
"nanaman?! tapos ano, papalabasin
niyang ako ang ama?" sabi ko na napataas ang boses. Tila nakalimutan ko
pansamantala ang problema ko kay RJ dahil sa narinig ko kay kuya paul.
"nanaman? bakit, nabuntis na ba
siya dati?" usisa ni kuya paul.
"oo, nagpalaglag na yun dati. sa
barkada ko pa nagpatulong kuya." sabi ko. "kuya, tara sa bahay,
sabihin mo kay daddy yan para mapaalis na siya sa amin. ako nahihirapan sa
bahay ih."
"sige." pagsang ayon naman
nito.
Nagbihis naman ako kaagad at isinama
ko sa bahay si kuya Paul. Sinalaysay niya kay daddy ang lahat at napagalaman
kong barkada pala ni kuya paul ang nakabuntis kay ezra kaya alam niya lahat.
Nagdesisyon si daddy na paalisin na din kaagad si Ezra sa bahay mamaya
pagdating nito at nagsorry siya sakin dahil sa nagawa niyang pananakit sakin
gayung hindi pa naman daw niya pala ganon kakilala ang babaeng inirereto niya
sa akin. Tinanggap ko naman ang kanyang paghingi ng tawad at sumang ayon sa
gusto niyang mangyari, ang mapaalis na agad si Ezra sa bahay. Habang si mommy
naman ay palakpak na pati ang tenga dahil sa naging desisyon ng aking ama.
Noong gabing iyon, napaalis nga namin
sa bahay si Ezra. At naging payapa muli ang aming tahanan.
...Hapunan...
"anak, hindi ko na ulit muna
ipapagamit sayo ang kotse ha, baka kasi kung saan saan ka makarating."
sabi ni daddy.
"pero daddy, sige na, gamitin ko
muna. please." sabi ko
"wag na anak, alam mo ba noon,
kaya binibigyan ng sasakyan ang isang tao ay para mapadali ang buhay."
"dad, i'll be careful. promise.
safe driver naman tong anak mo eh."
"osige, just make sure na hindi
magkakagasgas yang kotse ha. kapag may nakita akong kahit maliit na gasgas
dyan, hindi ko na ipapagamit sayo iyan. nagkakaintindihan ba?"
"yes dad." sabi ko sabay
ngiti.
Pagkatapos ng hapunan ay dumiretso ako
sa kwarto. Naglinis ng katawan at humiga na ulit sa aking kama. Unti unting
nagbalikan sakin ang mga problemang kinakaharap ko pa sa aking mga kabarkada.
shit, oo nga pala. may problema pa nga
pala ako. hai, akala ko pa naman, tapos na lahat. sabi ko sa aking isip.
Inisip ko ang mga pwedeng mangyari at
pwede kong maging reaksyon sa kung ano pa man ang mangyayari sa school bukas.
bigla kong naalala ang sinabi ni kuya paul sa akin kanina: "James, hindi
naman sagot ang paglalaro sa lahat ng problema mo sa buhay. Kailangan mo din
iconfront ang mga taong dahilan nito." At dahil sa mga katagang ito,
napagpasyahan kong iconfront si RJ kinabukasan.
Nakatulog nalang ako sa ganoong
pagiisip.
...Kinabukasan...
Itutuloy. . . . . . . . . . .
jamesstoryline.blogspot.com
No comments:
Post a Comment