by: Daredevil
Naroon na ang lahat ng aming mga
kaklase pagkabalik namin sa room. Habang pumapasok kami, napapansin ko ang mga
tinginan ng mga kaklase naming babae kat Antonio. May mga kumakaway, ngumingiti
at bumabati ng hi. Tinugon naman ito ni Antonio ng isang ngiti din.
Nang makaupo na kaming dalawa sa likod
ay may lumapit kay Antonio na isang kaklase naming babae.
"Hi, Im Trisha, the class
president" pagpapakilala niya kay Antonio sabay lahad ng kanyang mga
kamay.
Nakipagkamay naman sa kanya si
Antonio. "Antonio, you can call me Tonton for short." nakangiti
niyang tugon.
"Ahm, may sulat pala ako for you.
Kung maaari sana ay basahin mo na lang ito after class"ang medyo nahihiya
niyang pahayag habang nakangiti pa rin.
"Ok thanks for this." sagot
naman ni Antonio. Bumalik na si Trisha sa kanyang upuan. Sakto namang dumating
na ang guro namin para sa susunod na subject.
Ganoon pa rin ang ginawa namin,
orientation ng subject, pag-introduce sa mga sarili maliban na lang sa isang
guro namin sa Math na nagsimula agad mag lecture at magbigay ng
assignment. Hanggang sa sumapit ang oras
ng uwian. Nagsilabasan na ang halos lahat naming kaklase. Kami ni Antonio ang
naiwan sa loob.
"Josh, mauna na ako sa parking
lot. Para maihanda ko na ang motor." Si Antonio matapos maligpit ang
kanyang mga gamit. Siya na kasi ang magmamaneho ng motor pag-uwian. Tumango
lang ako bilang sagot. Lumabas na siya ng room. Ako naman ay patuloy pa rin sa
pag-aayos ng mga notebooks ko.
Aktong papalabas na ako ng room ng may
humarang sa pinto. "Woi, Josh uuwi ka na agad tara laro muna tayo ng DOTA,
kailangan ka namin kasi pustahan iyon." si Tom.
"Next time na lang" sagot ko
naman. Naaalala ko kasi si Antonio na naghihintay na sa akin.
"Aba tumatanggi na tol oh."
sagot ni Tom.
"Bakit ha bakla?" si
Richard.
"Baka may date sila ngayon ng
kasama niya" si Tom ulit. Nagtawanan sila.
"Hindi ah!" medyo napikon na
ako sa sinabi ni Tom.
"Sama ka na kasi, sige na"
si Vic.
"Kung ayaw niya sumama, di wag.
Tatanggalin na natin siya sa tropa. Isa pa baka mahawa kami sa kabaklaan
niyan." si Richard. Nagkatawanan ulit sila.
Binalewala ko na lang ang huling
pahayag ni Richard kahit may sakit na dulot sa aking kalooban. Kaya iniwasan ko
na lang sila. Pinilit kong maglakad palabas ng pintuan ngunit nabigo akong
makadaan dahil sa dami nilang nakaharang sa pinto.
"May balak ka pang umiwas
bakla" si Tom.
"Padaanin niyo na ako
please" pagmamakaawa ko nang nakayuko. Medyo naiiyak na kasi ako ng mga
oras na iyon.
"Simple lang naman ang gusto
namin. Pumayag ka na kasing sumama magdota."
Maya-maya'y isang boses ang nakaagaw
ng aming pansin kaya tinignan namin ito.
"Pwede bang padaanin niyo na
siya!"si Antonio na naglalakad palapit sa amin. Ngunit hindi pa rin
natinag ang aming mga kaklase.
"Nandito na ang prince charming
mo bakla" ang kantyaw pa ni Tom. Hindi na ito pinatulan pa ni Antonio sa
halip ay pwersahang pumasok sa loob ng room at hinila ang aking braso para
makalabas.
"Tara na Josh hayaan mo na
sila" si Antonio habang hawak pa rin ako sa braso.
Habang naglalakad kami papuntang
parking lot ay sinulyapan ko ang seryosong mukha ni Antonio na nakatingin lang
sa dinadaanan namin. Biglang bumalik naman sa isip ko ang lahat ng mga nangyari
buong araw. Naalala ko rin ang mga binitawang salita niya kay Lalaine sa
canteen. Alam kong totoo iyon dahil binilinan rin siya ng mga magulang ko ng
ganoon. At nasisiyahan naman ako, kahit papaano ay sinisimulan na niyang
tuparin iyon sa ginawa niya kanina. Maya-maya ay bigla siyang nagsalita na
nagpaputol sa aking pag-iisip.
"Iwasan mo na sila. Hindi
magandang impluwensiya sa iyo ang mga ganoong klaseng tao" ang sabi niya
sa akin.
Hindi ko alam kung magagalit ako sa
sinabi niya o matutuwa. Kung makautos kasi siya ay parang magulang ko, e hindi
ko naman siya kaanu-ano. Ngunit sa kabilang banda naisip ko rin na
pagmamalasakit lang niya iyon.
Nang makarating sa parking lot ay
inabot niya sa akin ang helmet. Dahil siya na ang magmamaneho ng motor, sumakay
ako sa likod niya. Humawak ako sa likurang bahagi nito.
"Pwede kang kumapit sa balikat ko
kung gusto mo."
"Ha!" ang nasambit ko. Medyo
ikinabigla ko kasi ang sinabi niya.
"Mabilis kasi ako
magpatakbo"
"Sige ok na ako dito." ang
nasabi ko na lang. Ngunit sa loob-loob ko ay gusto kong gawin ang gusto niya.
Ewan ko pero nahihiya kasi ako.
"Bahala ka" sabi niya ulit
saka sinimulang paandarin ang makina.
Halos lumipad na kami sa tulin ng
kanyang pagpapatakbo. Medyo kinabahan na ako ng mga oras na iyon baka kasi
maaksidente kami.
"Dahan-dahan naman baka
maaksidente tayo! sabi ko sa kanya.
"Huwag kang mag-alala."
"Ano ka ba, sobrang kinakabahan
na nga ako dito baka mahulog tayo nito dahil sa iyo"
"Ganoon ba, kasi ganito talaga
ako magpatakbo ng motor sa amin."
"Sa inyo, sa probinsya
niyo?"
"Oo, yung mga kaibigan ko doon
may mga motor sila. Hindi nga lang kasing ganda nito"
"Ah"
"Kaya nga sabi ko sa iyo humawak
ka sa balikat ko, kung nahihiya ka sige yumakap ka na lang"
"Hindi na kailangan" ang
nasabi ko na lang. Nahihiya na nga akong hawakan siya sa balikat, yakapin pa
kaya.
Ilang minuto pa ang nakalipas at
nakarating na kami sa amin. Laking pasalamat ko na lang at walang nangyaring
masama sa amin. Bumaba na ako ng motor at inabot sa kanya ang helmet.
Aktong papaandarin na niya ulit ang
motor ng maisip kong biglang magpasalamat sa kanya. Ewan ko nga kung anong
nagtulak sa akin para gawin iyon. Dahil siguro sa appreciation ko sa ginawa
niya kanina.
"Sandali lang"
Lumingon naman siya sa akin.
"Bakit?"
"Ano, ahm... s...sa....salamat
pala kanina" medyo nahihiya kong pahayag.
Nang tignan ko siya para malaman ko
ang reaksyon niya, medyo nabigla ako dahil nakangiti siya sa akin.
"Himala at hindi ka nagsungit
ngayon sa akin. Kakatuwa naman."
"Ha!"
"Sabi ko natutuwa ako dahil hindi
mo ako sinungitan ngayon. Sana magtuloy-tuloy na yan."
Napangiti na lang ako. Parang
nakaramdam naman ako ng kakaiba sa kanya. Sa sinabi niya, tila nalusaw ang
lahat ng inis ko sa kanya noon.
Pagkatapos ay nilapit niya ng bahagya
ang mukha sa akin at kinurot ako sa pisngi. "Hindi mo ako kailangang
pasalamatan. Responsibilidad ko iyon sa iyo."
Hindi ako nakapagsalita.
"Oh ano may sasabihin ka
pa?"
"Ah wala na sige pasok na
ako"
"Ok alis na ako" at
pinaandar na niya ang motor.
______
"Sir Josh ito na po ang meryenda
niyo"
"Salamat po Aling Myrna."
sagot ko naman. Ipinatong niya ang mga sandwiches at juice sa mesa at sinimulan
kong kainin ito.
"Ahm Sir pwede po ba kayong
makausap saglit"
Tumingin naman ako sa kanya.
"Sige po. Upo muna kayo"
"Salamat po." tugon niya.
Umupo siya sa silya na nasa tapat ko.
"Sir, magpapasalamat lang sana
ako"
"Salamat saan?" ang
nagtataka kong tanong sa kanya. Wala naman kasi akong natatandaan na ginawa ko
sa kanya maliban na lang sa pinapakita kong pagkairita sa kanilang mag-ina.
"Nasa hardin kasi ako kanina nang
marinig ko ang pag-uusap ninyo ng anak ko. Alam ko pong ayaw mo sa amin dahil
sa mahirap lang kami at naiinis ka dahil hindi ka sanay makisama sa mga taong
tulad namin. Kaya nga natutuwa po ako ng
makita kong nagkakasundo na kayo."
"Ganoon po ba, mabait naman po
kasi si Antonio." ang naisagot ko sa kanya.
"Ay mabait po talaga yang anak
ko. Kahit kailan ay hindi siya nagbigay ng sakit ng ulo sa amin ng tatay niya
nung nabubuhay pa siya. Masipag, matalino at palakaibigan pa."
Parang nakunsensya naman ako sa
pahayag na iyon ni Aling Myrna. Naisip ko kasi ang aking sarili. Nagbalik sa
akin ang lahat ng mga pinaggagawa ko noon sa mga magulang ko. Talagang
kabaliktaran ako ni Antonio sa pag-uugali.
"Marami rin siyang tagahanga sa amin
sa probinsya. Dahil sa mabuting ugali niya dagdagan pa ng kagandahang lalaki ay
marami siyang naging mga babaeng kaibigan. Kilala na nga siya bilang babaero sa
lugar namin."
"Oo nga naman. Talaga namang
gwapo kasi itong si Antonio kaya di nakakapagtakang magkaroon siya ng maraming
tagahanga" ang nasabi ko sa aking sarili.
"Ah siyanga pala po Aling Myrna,
pasensya na rin po sa naging pakikitungo ko sa inyo" ang paghingi ko ng
paumanhin. Medyo naliwanagan na rin kasi ang isip ko sa kanilang mag-ina.
"Naku po Sir, ok lang po. Pero
may isa lang po akong mahihiling sa iyo."
"Sige po basta kaya ko"
"Alam ko pong masaya ngayon ang
anak ko dahil sa pagbabagong pinapakita mo sa kanila kaya sana palagi na kayong
magkasundo at maging magkaibigan."
"Ah yun lang po pala, sige. Sa
tingin ko po ay madali lang siyang kaibiganin. Nasa akin lang po ang
problema"
"Salamat po Sir, sige balik na
ako sa kusina."
"Ok salamat po"
______
Kinagabihan sa kwarto habang nakahiga
ay naisip kong muli si Antonio pati na ang mga sinabi ng kanyang ina sa akin.
May pagkababaero pala siya, hindi ko
alam kung makikipagkaibigan siya sa isang katulad ko na isang alanganin. Sa
ngayon kasi ang obligasyon lang niya sa akin ang tanging dahilan ng
pag-uugnayan naming dalawa.
Bigla namang lumakas ang kabog ng
dibdib ko na ipinagtaka ko. Hinawakan ko ito. "Bakit ganito kaya ang
nararamdaman ko?" ang naitanong ko sa aking sarili. "Teka hindi ito
pwede. Mali ito."
Kaya para mawala na sa utak ko ang
kung anumang nararamdaman ko ay nag-isip
ako ng pagkakaabalahan kong gawin. Napagdesisyunan kong maglaro na ulit ng
paborito kong online game. Ngunit bubuksan ko pa lang ang laptop ko nang
maalala ko ang binigay sa aming assignment sa math.Kaya inuna ko munang gawin
Medyo nahirapan naman ako sa ilang mga
tanong kaya nagpasiya akong puntahan si Antonio para magpatulong. Pagkababa ko
sakto naman nakita ko si Aling Myrna na naghahanda na sa pag-uwi.
"Sir Josh, kung kakain po kayo ng
hapunan nasa ref lang yung pagkain. Sige po alis na ko" si Aling Myrna.
"Saglit lang po sasabay na ako sa
iyo, pupuntahan ko kasi si Antonio, medyo nahihirapan kasi ako sa assignment
namin magpapatulong lang."
Napangiti naman siya sa akin.
"Sige po sir"
Pagkarating namin sa kanilang
inuupahang bahay ay nakita ko siyang busy na nagbabasa ng isang papel. Malamang
na natapos na siya sa aming assigment.
"Anak kasama ko si Sir Josh may
kailangan daw siya sa iyo."
"Talaga nay." sabi niya.
Napansin ko naman ang excitement sa tono
ng pagsagot niya. Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin. Agad siyang
tumayo, lumapit sa akin at inakbayan niya ako. Samantalang dumeretso ang
kanyang nanay sa kusina.
"Oh Josh anong problema?"
tanong niya sa akin.
Sa pagkakataong iyon ay umulit na
naman ang naramdaman ko kanina. "Ito na naman, ano ba ito?"
Tumingin ako sa kanya. At nahumaling
na naman ako sa kanya. Iba talaga ang appeal niya sa akin. Nakasandong puti
siya na nakabakat ang magandang pangangatawan nito at ang maamong mukha. Hay
grabe.
"Oh yan nakatulala ka na naman sa
akin tsk. tsk. tsk!" sabi niya sa akin. Kinurot niya ulit ako sa pisngi.
Agad ko namang sinabi sa kanya ang
pakay ko.
"Iyon lang pala. Madali lang
naman yung mga tanong ni mam. Sige tuturuan kita. Tara doon na tayo sa kwarto
ko.
Umakyat kami sa kanyang maliit na
kwarto sa taas.
"Josh pasensiya ka na sa kwarto
ko" sabi niya sa akin. Napansin ko
naman ang papel na hawak niya habang nag-aayos siya ng mga unan. Naalala kong
iyon ang inabot sa kanya ni Trisha kanina. Binasa pala niya iyon.
Nang matapos sa pag-aayos, Kinuha na
niya ang kanyang notebook at naglabas ng isang papel.
"Halika na mag-umpisa na
tayo" sabi niya sa akin.
Ngunit sa mga oras na iyon ay
nagkaroon ako bigla ng interes sa nilalaman ng sulat na iyon.
"Ah Tonton, parang ang saya mo
ngayon ah"
"Oo naman" ang sagot niyang
nakangiti pa rin. Hawak pa rin niya ang papel.
"Siguro dahil sa nilalaman ng
sulat na iyon akaya siya naging masaya. Baka sinabi ni Trisha doon na may crush
siya sa kanya. Kaya di malabong magkagustuhan silang dalawa. Ayon na rin sa
nanay niya na maraming babaeng
nakikipagkaibigan sa kanya at may pagkababaero. Kung tutuusin naman eh
bagay silang dalawa kasi may mga itsura sila at matalino pa." ang nasabi
ko sa aking sarili.
Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng
hindi maganda. Nagbago ang aking mood. Ang inis ko sa kanya ay parang
nanumbalik. Pero hindi ko iyon pinakita sa kanya.
Itutuloy. . . . . . . . . .
allaboutboyslove.blogspot.com
No comments:
Post a Comment