Wednesday, December 19, 2012

Tukso (16-Finale)

by: Daredevil

Part 16

Napagpasiyahan kong lumuwas muna ng Maynila at pansamantalang makituloy sa bahay ni Bea. Hinatid ako doon ni Allan. Nang makarating ay nagpaalam siyang uuwi muna at nangakong pupuntahan ako kinabukasan.

"Im not surprised anymore Ricardo" ang agad niyang sagot matapos kong ikwento ang lahat ng mga nangyari.

"Ikaw naman Bea, parang wala ka naman pakialam sa akin." ang malungkot kong pahayag sa kanya.
"Aba, nagtampo ba daw sa akin. Alam mo, hindi na kasi yan bago sa akin. Bilangin mo nga kung ilang beses mo na sinasabi sa akin ang lahat ng mga kabiguan mo sa pag-ibig." si Bea ulit.
"Tama ka friend ewan ko ba, parang kakambal ko na talaga ang malas e. Siguro panahon na para baguhin ko na ang sarili ko"
" Hay naku ilang beses ko na narinig sa iyo yan.
"Hindi Bea, seryoso na ako. Sobrang nadala na kaya ako sa mga nangyari."
"So ano na ang mga plano mo ngayon ha?"
"Ang magsimula, ang ibangon ulit ang aking sarili. Gamit ang mga natitira kong pera ay magtatayo ulit ako ng negosyo."
"Ganun, pero teka nga balik tayo sa kwento mo, binigyan mo ba siya ng pagkakataong magpaliwanag. Baka naman kasi ay may ibang dahilan siya o di kaya'y mali lang ang naging interpretation mo sa mga nakita mo. Sa pagkakakilala ko kasi kay Mike, di siya ganoong tao."
"Hindi ko na alam friend, naguguluhan na rin ako. Sapat na yung nakita kong pagkasweet nilang dalawa para tuluyan na akong hiwalayan siya."

Sasagot pa sana si Bea nang biglang maudlot ng isang tawag mula sa kanyang cellphone.Nang sagutin niya ito ay tumingin siya sa akin. Doon ko nalaman na si Mike ang tumawag. Sinadya niyang i loud speaker ang phone para marinig ko ang kanyang mga sasabihin.Sinabihan ko siyang wag ipapaalam kung nasaan ako.

"Bea, nandiyan ba si Ric. Kanina ko pa siya hindi ma contact e?" ang unang pagtatanong ni Mike.
"Wala dito Mike, bakit mo siya hinahanap?  May problema ba kayong dalawa?" si Bea.
"Alam kong alam mo kung nasaan siya pero naiintindihan ko naman kung ayaw mong sabihin e. Kaya pakisabi na lang sa kanya na sana bigyan niya ako ng chance na magpaliwanag. Bea, hindi ko magagawang saktan siya. Mahal na mahal ko siya e. Sana matulungan mo naman ako."

Ramdam kong naiiyak na siya habang nagsasalita base sa tono ng kanyang boses kaya hindi ko na rin maiwasang maluha muli.
"Hayaan mo Mike, susubukan ko siyang kausapin. Sige Mike, marami pa akong gagawin."
"Salamat Bea" ang huling sinabi niya.

"Ano na ang gagawin mo friend, parang sincere naman siyasa mga sinasabi niya?" ang tanong niya sa akin matapos ang kanilang pag-uusap sa cellphone.
"Hindi pa ako handang harapin siya, siguro kailangan ko lang ng kaunting panahon" ang sagot ko sa kanya.
"Sige ikaw ang bahala. Pwede ba tumigil ka na nga sa kakaemote mo diyan. Malapit na ang Christmas dapat masaya ka. Ah alam ko na, tatawagan ko si Nica at Althea, mag- inuman tayo.

Pumayag na rin ako para naman mabawasan ang bigat ng aking nararamdaman. Napagdesisyunan naming mag Malate.

"Ricardo, wag ka ngang magmukmok diyan halika, sayawan tayo, let's party" si Althea.
"Sige kayo na lang, wala ako sa mood"
"Hayaan mo na nga siya, heartbroken na naman siya kaya tayo na lang tara!" si Bea.

Sa sobrang sama ng loob ko ay napadami ang aking inom. Sa tantya ko ay  naka 3 malalaking bote ng wine ang aking naubos. Dahil sa sobrang kalasingan ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Tuluyan na akong nakatulog.

Isang mukha ng lalaki na nakamasid sa akin ang agad kong nasilayan ng magising ako kinabukasan. Nang suotin ko ang aking salamin ay agad kong napagtanto kung sino ito, si Allan.

"Good Afternoon Ric" ang masayang bati niya sa akin.
"Ang aga mo naman" ang sagot ko sa kanya sabay bangon mula sa pagkakahiga.
"8am na kaya. Oh ano kamusta  ka na?"
"Eto, malungkot pa rin, mahapdi pa rin ang sugat sa nangyari kagabi"
"Ang lalim naman nun, halika mamasyal tayo." ang yaya niya sa akin.
"Hindi maganda ang pakiramdam ko Ric saka na lang siguro" ang pagtanggi ko sa kanya.
"Sayang naman itong binili ko" sabi niya sabay labas ng dalawang ticket mula sa kanyang bulsa.
"Enchanted Kingdom!" sabi ko nang makita ang inilabas niya.
"Oo, Christmas season na e kaya Tara na!"
Wala na akong nagawa kundi pumayag tutal makakatulong din naman ito para kahit papaano makapag-enjoy  ako.

Dalawa lang kaming bumiyahe papuntang Laguna. Nang makarating sa aming destinasyon, nabigla ako as sobrang dami ng tao. Ganito pala dito kapag magpapasko.

Medyo natagalan kami bago makasakay ng mga rides dahil sa haba ng pila kaya sa buong araw ay tatlong rides lang ang nasakyan namin. Ang roller skater, Anchors away at ang nakakalula at nakakahilong space shuttle. Bukod pa roon ay kumain din kami sa mga fastfood at stalls na naroon. Bumili muna kami ng Buko Pie bago umuwi.
"Mabuti naman at masaya ka na ulit" si Allan habang nagmamaneho ng kanyang kotse.
"Oo, maraming salamat sa iyo, sobrang nag-enjoy ako. Medyo nabawasan ang kalungkutan ko"
"Walang anuman basta ikaw, siyanga pala ano ang mga balak mo ngayong pasko?"
"Ako, ewan ko. Parang walang Pasko sa akin, alam mo namang nag-iisa lang kasi ako sa buhay." ang deretsahan kong sagot sa kanya na dinaan ko sa pagngiti. Pero sa loob-loob ko ay sobrang lungkot ang nararamdaman ko.
"Ahm, Ric kung pwede sana sa amin ka na lang mag Pasko, sumabay ka na sa aming pamilya sa noche buena. Gusto ka na kasi ulit makita ng pamilya ko"
"Salamat sa paanyaya pero, parang nakakahiya naman."
"Hindi ano, isipin mo na lang na bayad namin ito sa utang na loob na ginawa mong pagtulong sa pamilya ko noong naghihirap pa kami."
"Naaalala mo pa pala iyon. Pero natutuwa ako dahil ngayon lang ako nakakatanggap ng appreciation mula sa ibang tao."
"Kulang pa yan sa mga kabaitan mo sa amin" ang huling sinabi niya bago kami makarating sa bahay ni Bea kung saan ako pansamantalang tumutuloy.
"See you na lang sa christmas Eve." pahabol na pahayag pagkalabas ko ng kanyang kotse.
"Ok sige pasok na ko" paalam ko sa kanya.

Naging abala ako sa paglipas ng mga araw, dahil simbang-gabi, naisipan kong pansamantalang magtinda ng puto-bumbong sa isang simbahan malapit sa aking tinutuluyan. Tinutulungan naman ako ng aking mga kaibigan. Kahit papaano maykita ako kahit maliit lang.

At sumapit ang bisperas ng pasko. Tulad ni Allan ay niyaya rin ako ng aking mga kaibigan na magpasko sa kanila. Gusto ko man ay hindi ko sila napagbigyan dahil sa pangako ko kay Allan. Gaya ng napag-usapan namin ay sinundo niya ako.

Pagkarating ng Tagaytay, sinalubong agad kami ng kanyang ina.
"Ikaw na ba yan Sir Ricardo, naku parang walang nagbago sa iyo ah" ang masayang sabi ng kanyang ina nang makita ako.
"Wag niyo na po akong tawaging Sir, Ricardo na lang" ang sagot ko sa kanya.
O siya sige kung yan ang gusto mo. Halina kayo malapit nang mag alas dose.

Sabay-sabay kaming kumain ng noche buena, ako kasama at ang buong pamilya ni Allan. Nagkuwentuhan kami ng ilang mga masasayang bagay sa buhay nila.

"Alam mo Ricardo, kahit ganyan ang nangyari sa iyo na nawala ang lahat ng yaman mo, ang taas pa rin ng tingin namin sa iyo. Napakabait mo kasing tao. Ewan ko ba kung bakit nangyayari sa iyo ang mga ganoong bagay. Pero alam mo ikaw ang dahilan kung bakit naging matagumpay ang anak ko. Noon kasi, sunud-sunuran lang kami sa isa naming mayamang kamag-anak dahil sa laki ng pagkakautang namin sa kanila."
"Hindi naman po siguro. Nasa determinasyon lang po yan ni Allan."
"Totoo ang sinabi ni nanay. Hindi naman lingid sa aming kaalaman na may gusto sa iyo ang kapatid ko. Sabi nga niya sa amin na kapag nagkita kayo ulit ay hindi na niya hahayaang maghiwalay pa kayo." ang sabi naman ng kanyang kapatid na babae na ngayon ay dalagita na.

Napatingin naman ako kay Allan dahil sa aking mga nalaman. Nakangiti lang siya sa akin. Wala naman akong nasabi pa ng mga oras na iyon.

Pagkatapos kumain ay nagpasiya akong puntahan ang kanilang napakagandang hardin. Mas gumanda pa ito ngayon dahil nadagdagan ito ng ibat-ibang kulay ng ilaw galing sa mga chirstmas lights kasama na ang mga naggandahang mga dekorasyon. Abala ako sa pagmamasid ng paligid nang bigla lumapit sa akin si Allan.

"Merry Christmas" ang bati niya sa akin. Nginitian ko lang siya.
"Halika don tayo sa may mesa" ang yaya niya sa akin.
"Ricardo may ibibigay pala ako sa iyong regalo. Sana magustuhan mo ito" sabi nya nang makaupo kami sabay kuha ng isang maliit na kahon mula sa kanyang bulsa. Nabigla naman ako nang buksan ko ito. Isang mamahaling kwintas.
"Gusto ko isuot mo yan palagi."
"Salamat Allan, nagustuhan ko ito." ang masaya kong sinabi sabay suot nito sa aking leeg.

Maya-maya bigla naman akong nakaramdam ng pagkailang. Nakatitig kasi siya sa akin. Hindi ko mawari kung ano ang iniisip niya. Ilang minuto rin iyon nagtagal hanggang sa magsalita siya ulit.

"Ricardo mayroon pa sana akong sasabihin sa iyo eh"

Itutuloy. . . . . . . .

Part 17

"Time to relax." Ito agad ang naisip ko sa pagpayag sa hiling ni Allan na magcelebrate kami ng new year dito sa Boracay. Ito ang sinabi niya sa akin nung gabi ng araw ng pasko.

Makalipas ng  limang araw, agad kaming nagtungo doon. Sa pagkakita ko pa lang sa lugar, agad akong nakadama ng kasiyahan. Sobrang nagandahan ako sa tanawin, ang napakalinis na dagat at puting buhangin. Isama mo pa dyan ang ilang mga turistang naroroon mapa-Pilipino man o taga-ibang bansa. Nag-eenjoy din sila sa lugar tulad namin ni Allan.

Hapon na iyon, habang nakaupo ako sa buhanginan, lumapit sa akin si Allan na galing sa paglangoy sa dagat. "Ric, halika magswimming tayo"
"Sige ikaw na lang, hindi ako marunong lumangoy" ang pagtanggi ko.
"E di tuturuan kita sige na" ang pagpupumilit niya sabay hila sa braso ko para tumayo.
"Ikaw na muna, papanoorin na lang kita."
"Sige kung ayaw mo, di wag. Sasamahan na lang kita dito" si Allan na umupo sa tabi ko.

"Alam mo Ric, sobrang masaya ako dahil kasama kita ngayon" ang kanyang pagpapatuloy.
"Ganun din ako, at sobrang nag-eenjoy ako dahil kahit papaano ay nababawasan ang bigat ng damdamin ko" ang sagot ko.
"Sa ngayon ba Ric, may nararamdaman ka pa ba sa kanya?"

Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niyang iyon.
"Meron pa nga" siya na rin ang sumagot ng tanong ko. Alam kong nasasaktan siya base sa tono ng kanyang boses.
"Allan, hindi ka mahirap mahalin dahil sobrang mabait kang tao. Kung matuturuan ko lang at madidiktahan ang puso ko sana ikaw na lang ang minahal ko. Pero ganun talaga e, sobrang mahal ko pa rin si Mike" ang deretsahan kong pahayag. Ayaw ko na siyang paasahin pa.
"Alam ko Ric, alam ko" ang medyo naiiyak na niyang sagot.

Sa pagkakataong iyon ay niyakap ko na lang siya. Walang pakialam sa makakakita sa amin. Ito lang kasi ang maisusukli ko sa lahat ng kabaitan niya sa akin. Gusto ko ipakita sa kanya na nadito lang ako bilang kanyang kaibigan. Nararamdaman ko ang medyo mainit na likido sa aking balikat. Tuluyan na pala siyang umiyak.

"Huwag kang mag-alala, nandito lang ako para sa iyo. Makakakita ka rin ng taong karapat-dapat sa pagmamahal mo." ang sinabi ko sa kanya.
Kumalas siya sa pagkakayakap at tumingin sa akin. Basa pa rin ng luha ang kanyang mga mata. Tumango lang siya sa akin.

"Mabuti pa kumain na lang tayo, tara isa-isahin natin ang mga restaurant dito. Treat kita" ang paanyaya ko na lang sa kanya.
Ngumiti na siya sa akin. Pinunasan ang mga luha. "Ano ka ba, hindi ka pwedeng gumastos, ako kaya ang nagsama sa iyo dito" ang tila nagbagong mood ni Allan.

Kinagabihan, sabay kaming naghapunan sa isang restaurant doon, sobrang masasarap talaga ang mga pagkain. Habang kumakain ay nagkukuwentuhan kami.

Pagkatapos noon ay bumalik na kami sa hotel na aming tinutuluyan. May kani-kanya kaming kwarto.
"Good night tol" ang sabi ko kay Allan bago pumasok. Ngumiti siya sa akin.

Pagkabukas ko ng pinto ng silid ko ay agad kong pinindot ang switch ng ilaw. Nang bumukas ito, nagulat ako sa taong nakahiga sa aking kama. Unti-unting nanunumbalik sa akin ang galit sa kanya.

"Ano ang ginagawa mo dito?"ang matigas kong tanong.
Sa halip na sumagot ay mabilis niya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit. "Miss na miss na kita babes" ang sagot niya sa akin.
Pilit ko siyang tinataboy palayo ngunit sadyang malakas siya. "Pwede ba Mike layuan mo nga ako!" ang naiirita kong sabi sa  kanya.
"Hindi ko kayang mawala ka sa akin kaya sinundan kita dito." sabi niya na nakayakap pa rin sa akin.
"Pwes ako kaya ko, tapos na tayo Mike at doon ka na sa Cynthia mo!" ang napapakalas ko nang pahayag.
"Alam ko babes, mahal mo pa rin ako at nararamdaman ko iyon. Please huwag mo nang pahirapan ang sarili mo."
"Pahirapan, di ba ikaw ang dahilan kung bakit nahihirapan ako ngayon." ang naiiyak ko nang sagot sa kanya.

Kumalas siya sa akin ngunit nakakulong pa rin ako sa kanyang katawan. Nakasandal pa rin ako sa pader kung saan nakatukod ang kanyang mga kamay.
"Patawarin mo ako babes kasalanan ko ang lahat, pero sana man lang pakinggan mo ang mga paliwanag ko." ang sabi niyang nakatitig sa akin.
"Hindi na kailangan pa Mike, tulad ng sinabi ko noon, sapat na ang nakita ko sa Batangas" sagot ko na pilit umiiwas ng tingin sa kanya.
"Wala kaming relasyon ni Cynthia!" ang bigla niyang sinabi. Pero hindi agad ako naniwala. Malay ko bang nagsisinungaling lang siya sa akin.
"Talaga lang ha, kaya pala ang sweet niyong dalawa."
"Magkaibigan lang talaga kami, magkababata pero hanggang doon lang iyon." si Mike.
"Sigurado ka e bakit kayo ipakakasal ng Dad mo ha?" tanong ko sa kanya.
"Pinagkasundo lang kami ng aming mga pamilya, Malapit na kaibigan ng Dad ko ang mga magulang niya."
"E bakit parang sinusundan ka niya?" ang tanong ko. Gusto ko ring malaman na ang dahilan ng pagpunta niya sa tinitirhan namin.
"Ang totoo niyan siya ang nagrekomenda sa akin ng bahay natin. Tinulungan niya ako na makahanap na tirahan para lumayo kay Dad."
"Ows, pwede ba Mike wag mo akong bolahin"
"Hindi ka pa ba naniniwala, sige ihaharap ko sa iyo si Cynthia para makapag-usap kayong dalawa."
"Huwag na Mike" ang sagot ko. Inisip ko na nagsabwatan silang dalawa.
"Pwede ba Ric, wag ka nang magpakipot pa. Ang tigas ng ulo mo. Alam ko namang namimiss mo na rin ako." si Mike na may ngiting parang nanunukso.

Sa loob ko ay tama siya. Sobrang namimiss ko siya at ngayong nakita ko na ulit ang kanyang gwapong mukha at mala-adonis na katawan ay tila nahuhumaling na naman ako sa kanya. Pero hindi ako nagpahalata.
"Tama na ang kahibangan mong ito Mike"
"Hindi ako titigil babes. Kilala mo naman ako diba. Lahat ng bagay na gusto ko ay pipiliting kong maangkin."

Totoo ang sinabi niya, college life pa lang ay ganito na talaga siya, ang pagkadesperadong makuha ang isang bagay na nais niya.
"At ngayong nakita na ulit kita ay hindi ko na hahayaang lumayo ka ulit sa akin." ang dugtong niya.

Tumingin ako sa kanya. Kita ko sa mga mapupungay niyang mata ang sinseridad, na totoo ang kanyang sinasabi. Ewan ko ba pero parang naniniwala na ako sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa.

Unti-unting nilapit ang mukha niya sa akin.  Alam ko na agad ang kanyang gagawin. Hindi na ako nakakilos pa sa halip ay tatanggapin ko na lang ito. Ang halik na hinahanap-hanap ko simula nang lumayo ako sa kanya.

Tuluyan nang naglapat ang aming mga labi.

Itutuloy. . . . . . . .

Finale

"Sabi ko sa iyo na gusto mo pa rin ako" ang sabi ni Mike sa akin nang maghiwalay ang aming mga labi.

Sa halip na sumagot ay itinulak ko siya at mabilis na naglakad palabas ng pinto ngunit agad niya itong naharang.

"Babes, hindi ko na hahayaan pang umiwas ka ulit sa akin. Hindi na tayo mga teenagers. Tumatanda na tayo. Gusto mo bang maging malungkot habang-buhay. Ayaw mo na ba maging masaya?" ang sabi ni Mike habang nakasandal sa pinto at nakatingin sa akin.

Tama siya. Sino ba naman ang taong di gusto ng saya. Magbabagong taon pa naman dapat maging happy.

Maya-maya hinawakan ni Mike ang aking mga pisngi ng kanyang mga kamay. Unti-unting inangat ang aking ulo at dahandahang inilapit ang kanyang mukha. Binigyan niya ulit ako ng isang halik.

"Babes, pinapangako ko na hindi ko na uulitin pang saktan ka. Simula ngayon ay magiging masaya ka na sa piling ko." ang sabi niya sa akin nang maghiwalay ang aming mga labi.

Tuluyan na naman akong humagulgol at yumapos sa kanya. Sinuklian naman niya ito ng mas mahigpit pang yakap. Ang sarap sa pakiramdam na nakakulong ka sa malalaking braso at katawan ng taong mahal mo. Ramdam ko na secured ako.

"Mahal na mahal kita Mike. ang hindi ko na napigilan pang sabihin.
"Ganoon din ako babes, salamat naman at pinatawad mo na ako. Tahan na, masyado na tayong nagiging madrama dito. Tara tutal ay nandito na rin naman sa Boracay e pasyal tayo."

Tumingin ako sa kanya nang nakangiti tanda ng pagtanggap kong muli sa kanya. "Sige" ang sagot ko sa kanya.

Bigla ko namang naalala si Allan. Alam ko ang nararamdaman niyang kalungkutan sa mga sinabi ko sa kanya kanina.

"O bakit ganyan na naman ang mukha mo? Hindi ka pa ba masaya?" ang tanong ni Mike nang mapansin akong nag-iisip.
"Naalala ko kasi si Allan. Kasalanan ko kasi kung bakit siya nalulungkot ngayon."
"Yun bang sinabi mong ako ang mahal mo. Tama ka Babes, masakit sa kanya iyon. Teka kung nag-aalala ka para sa kanya e mabuti pang kausapin natin siya."

Pumayag na rin ako sa kanyang mungkahi. Alam ko naman kasing matalik silang magkaibigang dalawa kaya maaaring makatulong si Mike sa pagpapagaan ng kanyang nararamdaman. Sabay kaming nagtungo sa kanyang kwarto na nasa kabila lang. Ako na ang kumatok sa pintuan. Makalipas ang ilang segundo ay binuksan niya ito.

Mas lalo akong nahabag sa nakita kong itsura niya. Sa mata pa lang ,alam kong kagagaling lang niya sa pag-iyak. Hindi siya agad nakapagsalita nang makita si Mike sa aking likuran.

"Tol, musta na, pwede ba tayong mag-usap" ang mahinahong tanong ni Mike kay Allan.
"S...ss....sss...sige halika pasok kayo" ang nauutal niyang pagsagot.

"Allan, may sasabihin lang sana kami...." ang pagbubukas ko ng usapan nang bigla siyang nagsalita.
"Nagkabalikan na kayo, nagkabati, nagkaayos nagkapatawaran. Alam ko na yon Ric, di naman malayo ang kwarto ko sa iyo para hindi ko kayo marinig." si Allan.

Sobrang naapektuhan ako kay Allan. Nakikita ko kasi na pinipigilan lang niya ang kanyang sariling umiyak kahit sobrang siyang nasasaktan  sa tono ng kanyang pananalita.

"Mike, napakaswerte mo kay Ric, sobrang mabait siyang tao at napatunayan ko iyon sa mga ginawa niya saakin noong naghihirap ang aking pamilya. Napakahina nga lang ng loob at madaling matukso, gayunpaman ay mapalad na siya dahil nakita na niya ang totoong magmamahal sa kanya." ang dugtong niya.

Dahil sa unti-unting pag-agos ng mga luha sa kanyang mga mata ay hindi ko na napigilan pang yakapin siya.Tuluyan na siyang umiyak.

"Unang beses pa lang ako nagmahal, masyado na akong nasaktan. Siguro matagal ako bago makapag-move-on ng tuluyan. Hindi pala si Ric ang malas sa pag-ibig kundi ako" ang sabi ni Allan habang magkayakap kami.

"Hindi ka dapat agsasalita ng ganyan Allan. Pero naiintindihan ka namin. Sana huwag kang mawalan ng pag-asa, tulad ko sa kabila ng mga pinagdaanan ko dahil sa tukso ay may darating ding saya.Isang araw sa hinaharap makakatagpo ka rin ng taong totoong magmamahal sa iyo." ang sagot ko sa kanya.

Tumayo si Mike sa kanyang kinauupuan at lumapit sa aming dalawa.
 "Tol, patawarin mo sana ako kung naging magaspang ang aking ugali sa iyo noon. Pero kahit ganoon ang nangyari, maniwala ka na hindi ko binalewala ang pagiging magkaibigan natin. Nandito lang ako, kami ni Ric para sa iyo." si Mike.

Kumalas na si Allan sa pagkakayakap sa akin at tumingin kay Mike. Nakipagkamay sa kanya ito.

At ito na ang umpisa ng pagkakaayos naming lahat. Kinabukasan bisperas pa lang ng Bagong taon ay sinimulan na namin ang kasiyahan. At para makumpleto ito ay pinasunod ko ang aking mga kaibigan na sina Bea, Althea at Nica. Hapon na ng makarating sila.

"Congrats friend, masaya ka na ulit. Kayo na ulit ni Papa Mike." ang unang pagbati sa akin ni Bea.
"Oo, sobrang saya ko na" ang nakanigti kong tugon.
"Mas lalo na ako para nga akong tumama sa lotto!" ang biglang pagsingit ni Mike na nakasunod pala sa aking likuran.
"Ang baduy mo Mike ha, per infairness friend kung alam mo lang kunga gaano ka brutal ang ginawa niya para lang mapilit akong sabihin kung nasaan ka" si Bea.

"Ha! ano yun?" ang tanong ko sa pagkabigla sa sinabi ni Bea.
"Huwag mo na alamin yun Babes, basta ang mahalaga ay nagkabalikan na tayo. Kaya tara tulungan na natin si Allan sa paghahanda natin sa selebrasyon mamaya." ang pag-iwas ni Mike sa usapan.

Pagsapit ng alas dose, sabay-sabay naming sinalubong ang bagong taon. Pinanood namin ang fireworks display, kumain, inuman kwentuhan at ingayan.
"HAPPY NEW YEAR!!!" ang sigaw naming lahat.

Isang araw pa kami nagtagal doon para makapamasyal. Kinabukasan, sabay-sabay kaming lumuwas patungong Maynila.

Si Allan, kahit malu7ngkot pa rin ay nag-umpisa nang mag move-on. Sa kanyang pagbabalik sa Tagaytay ay nagpokus siya sa kanyang negosyo. Ang tatlo ko namang kaibigan ay naghahanap na ng kanilang mga boyfriends. Nalaman ko mula kay Bea na nagsisimula na silang makipag date.

Sa amin ni Mike, bago kami umuwi sa Batangas kung saan kami naninirahan ay pinuntahan munma namin si Cynthia. Masyado kasing nagpupumilit itong si Mike, kahit sinasabi kong ayos na sa akin ang lahat.

Nang makarating sa kanila, nakita ko kung gaano kayaman ang kanilang pamilya kaya hindi na ako nagtaka pa kung bakit pinagkasundo ni Mr. Chua si Mike na ikasal sa kanya.

Kinumpirma ni Cynthia ang lahat ng sinabi ni Mike. Mabait pala siyang babae. Sinabi niya sa akin na mayroon talaga siyang boyfriend at lihim na nagpakasal sa huwes. Nang malaman ito ng kanyang mga magulang ay wala na silang nagawa pa. Ang dahilan ng pagpunta niya noon kay Mike sa bahay namin ay para mangamusta lang at ibalita sa kanya ang mga  nangyari sa kanya. Humingi siya ng paumanhin saakin sa mga nangyari at sa ginawa niya noon kay Mike.

Binanggit din niya sa akin ang kalagayan kompanya. Wala naman daw nagiging problema doon. Sinabi ko sa kanya na hindi ko na iyon iniisip pa. Ang mahalaga sa akin ay si Mike at ang kanyang pag-ibig para sa akin.
Matapos noon ay bumalik na kami.

"Welcome home" ang naibulalas ni Mike pagkarating sa lugar.
"Sarap sa pakiramdam na naririto na ulit ako sa aking paraiso." sagot ko sa kanya.
"Anong ako, natin, paraiso natin ito. Ang lugar na ito ay naging saksi ng ating pagmamahalan."si Mike.
"Oo nga pala ano hehehe" ang natatawa ko na lang sabi.

Walang sabi-sabing bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila papasok sa loob hanggang sa makarating sa kwarto. Itinulak niya ako pahiga sa kama at pumaibabaw sa akin. Nagtapat ang ming mga mukha.

"Ano uumpisahan na ba natin?" ang sabi ni Mike.

Alam ko na ang gusto niyang mangyari. "Teka Mike kararating lang natin galing sa byahe, kung pwede sana mamaya na lang" sagot ko.

"I want to make love on you now. Ilang araw na rin ako tigang dahil wala ka. Kung alam mo lang na sabik na sabik na ako sa iyo" si Mike.

Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Bago pa man magtama ang aming labi ay hinarang ko ito.
"Sandali Mike, kung pwede sana maligo muna tayo."

Inamoy-amoy naman ni Mike ang kanyang katawan. "Wala naman akong amoy ah. Sige na babes pagbigyan mo na ako please." si Mike na nagmamakaawang parang bata.

Idinikit  niya bigla ang kanyang ari sa akin. "Nararamdaman mo ba? Nagagalit na ang aking alaga oh." ang dugtong niya.

"Grabe na ang libog na nararamdaman mo Mike."

"Hindi lang libog, sobrang nag-iinit na talaga ako. Kaya sige na."

Tumango na lang ako bilang pagpayag, tutal kahit ako rin ay namiss ako ang ginagawa naming ito.

"YES!" ang excited niyang sagot sabay siil ng halik sa aking labi. At sa araw na iyon ay pinagsaluhan ulit namin sarap ng aming pag-iibigan.

-----Wakas-----


allaboutboyslove.blogspot.com

No comments:

Post a Comment