by: Daredevil
Sumampa na kami sa maliit niyang kama
at simulan ang paggawa ng assignment. Pinaliwanag niyang muli sa akin ang mga
tinuro ng aming guro kanina. Nabilib naman ako sa kanya. Talaga ngang matalino
siya. Hindi ko na naman tuloy maiwasang maikumpara siya kay Trisha.
"Bagay talaga silang
dalawa." ang nasabi kong muli sa aking sarili.
Kahit papaano naman ay pinilit ng utak
kong iabsorb ang mga paliwanag niya sa akin kaya nasagutan ko naman ang aming
assignment. Makalipas ang isang oras ay natapos na ito. Dahil nga sa hindi na
maganda ang aking mood ay nagpaalam na agad ako para umuwi.
"Sige uwi na ako salamat"
ang sabi ko sa kanya.
Tumayo na ako sa kanyang kama, kinuha
ang aking notebook at naglakad palabas ng kanyang kwarto. Aktong papalabas na
ako ng pintuan nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko na naging dahilan para
huminto ako saglit. "Josh"
Hindi na ako humarap pa sa kanya.
"Uuwi na ako maaga pa tayo bukas." At tuluy-tuloy ko ng binuksan ang
pinto at deretsong bumaba.
Mabilis akong naglakad pabalik ng
aming bahay. Nang makarating sa aking kwarto ay agad akong humiga, iniisip ang
mga nangyari sa buong maghapon.
"Kanina lang ang gaan na ng loob
ko sa kanya pero biglaan na lang ako nainis muli sa kanya. Hindi ko
maintindihan itong nararamdaman ko." sabi ko sa aking sarili.
Halos hindi ako nakatulog nang gabing
iyon dahil sa gulo ng aking pag-iisip. Dahil dito ay naisipan kong tawagan si
Lalaine. Nakalimang ring ang kanyang phone bago sinagot.
"Hello Josh, napatawag ka gabi na
ah!"
"Ah eh pasensya ka na, hindi kasi
ako makatulog, kung pwede sana kita puntahan diyan sa inyo kung ok lang"
"Sa ganitong oras! bakit ano na
naman ang problema mo?"
"Basta, kaya nga pupunta ako
diyanpara pag-usapan natin. Please wala lang kasi akong ibang masasabihan
eh"
"Sige na hihintayin kita. Bilisan
mo ha" ang kanyang pagpayag. Ganyan kabait si Lalaine sa akin kaya isa
siya sa naging bestfriend ko sa school.
______
Nang makarating sa kanilang bahay ay
agad kaming dumeretso sa kanyang kwarto.
"Oh umpisahan mo nang ikwento
yang ineemote mo"
"Bago yan eh may nais muna akong
itanong sa iyo."
"Ano iyon?
"Kung nagkausap kayo ni Trisha
kanina. Kung mayroon siyang nabanggit sa iyo"
"Bakit mo naman biglang naitanong
ang mga bagay na yan?" ang nagtatakang tanong ni Lalaine.
"Ano kasi ahm paano ko ba to
sasabihin?" ang nalilito kong sagot kaya napapakamot na lang ako ng ulo.
"Oh ano na sagot!" ang tila
naiirita niyang pahayag sa hindi ko pagsasalita.
Kaya wala na akong nagawa kundi ang
deretsuhin siya. "Yung tungkol sa sulat na inabot niya kay Tonton
kanina"
Tiningnan ko ang reaksyon ni Lalaine
sa pahayg kong iyon. Nahalata ko sa kanya na nakuha niya ang ibig kong
ipahiwatig.
"Ah yun pala. Alam ko na curious
ka sa nilalaman ng sulat na iyon."
Tinignan niya ng malapitan ang aking
mukha." Siguro nagseselos ka ano"
"Hindi ah! Grabe ka naman
makapag-isip diyan" ang may pagdepensa sa sarili kong sagot.
"Nagsisinungaling ka! Ni hindi ka
nga makatingin sa akin ng deretso oh."
Nanatili ako sa pagkakayuko ng mga
oras na iyon dala ng hiya sa mga sinabi niya.
"Naku ikaw talaga. Pilit ng pilit
magtago ayan gulung-gulo na sa sarili. Alam mo, ikaw lang ang nagbibigay ng
problema sa sarili mo"
"Tama ka friend kaya hindi ako
makatulog dahil sa dami ng aking iniisip."
"Oh siya ikwento mo muna sa akin
ang dahilan kung bakit mo naitanong ang tungkol sa sulat na iyon."
At ikinuwento ko sa kanya ang mga
nangyari kanina sa bahay ni Antonio.
"Yun pala, eh bakit di mo siya
tinanong"
"Ano ka ba nakakahiya yun at baka
kung ano pa isipin nun sa akin"
"Ok. wala namang nasabi sa akin
si Trisha at hindi ko alam kung ano ang nilalaman ng sulat na iyon. Basta ang
narinig ko lang kanina sa pag-uusap nina Trisha kanina na may ibibigay siyang
sulat sa kay Tonton. Base sa kanilang usapan, gusto nitong si Trisha na
makipagkaibigan kay Tonton kaso nahihiya siya dahil may pagkasuplado daw ito.
Mukhang may crush na yata siya sa kanya."
Sa sagot na iyon ni Lalaine ay
nagkaroon agad ako ng hinuha na tungkol nga doon ang nilalaman ng sulat. Muli
ko na namang naalala ang binanggit sa akin ng kanyang ina. Siguradong
tatanggapin ni Tonton ang inaalok na pakikipagkaibigan ni Trisha at di malayong
magkagustuhan silang dalawa.
"Friend kung makapag-isip ka
naman eh parang apektado ka" si Lalaine na inoobserbahan pala ako.
"Hindi naman may naalala lang
ako" ang sagot ko sa kanya.
"Ano na naman ba iyon ha?"
"Naisip ko bigla na baka iyon nga
ang laman nun. Sigurado akong tatanggapin niya iyon at di malayong
magkadebelopan silang dalawa. Ayon kasi sa nanay niya na may pagkababaero
siya" ang tila nanlalambot kong pahayag.
"Eh ano naman, walang masama kung
maging sila. Lalaki siya kaya natural lang na magkagusto siya sa babae lalo na
kay Trisha na pang pageant ang ganda at matalino pa."
Tila may tumamang sibat sa aking puso
sa sinabi niyang iyon dahil tama siya. Wala naman akong magagawa kung mangyari
iyon.
"Kaya huwag ka nang malungkot
diyan. Sige ganito na lang bibigyan kita ng payo makinig kang mabuti" sabi
niya sa akin. Tumingin ako sa kanya bilang pagpapakita ng interes sa kanyang
ipapayo.
"Una sa lahat sasabihin ko na
masaya ako dahil sa nakikita ko sa iyo ay tanggap mo na ang iyong pagkatao at
alam mo na ang gusto mo sa iyong sarili. At base sa aking observation ay may
lihim kang pagtingin kay Tonton."
"Hindi ah!" ang bigla kong
pagsingit bilang pagdeny sa kanyang sinabi.
"Kung yan ang gusto mong sabihin
fine. Pero alam kong hindi yang ang gustong sabihin ng iyong puso."
Napayuko na lang ako ng mga oras na
iyon.
"Natatakot ka kasi. Huwag mong
kasing isipin ang sasabihin o panghuhusga ng iba. Sa halip ipakita mo na hindi
ka apektado. Lumaban ka. Tandaan mo na kapag natuto kang tanggapin ang sarili
mo, maniwala ka naku walang hanggang kasiyahan ang mararamdaman mo. Isa pa Josh
yung tungkol naman kay Tonton, para sa akin lang ha, kung maging kayo man in
the future ay mabuti iyon pero sa ngayon ay malabo itong mangyari. Kaya dapat
maging matatag ka. Wala ka nang magagawa kundi ang tanggapin na lang ang set-up
ninyong dalawa bilang magkaibigan. Pasalamat ka na lang na nandiyan siya para
samahan, gabayan at bantayan ka." ang mahabang payo niya na nakatulong
kahit papaano sa akin.
_____
Habang nasa taxi pabalik sa bahay ay
lubos kong pinag-isipan ang lahat ng sinabi sa akin ni Lalaine. Wala akong
naging pagtutol sa mga payo niya sa akin bagkus nakatulong pa ito sa aking
sarili. Kaya napagdesisyuan ko ang ilang mga bagay. Dapat ko nang baguhin ang
aking saril. Pipilitin kong burahin sa isipan ng mga tao sa aking paligid ang
imahe ng Josh na nakita nila noon.
Kinabukasan ganoon pa rin ang naging
set-up namin ni Antonio, sabay pa rin kaming pumasok sa school. Pero sa
pagkakataong ito ay medyo dumidistansya na ako sa kanya. Ayaw kong mapalapit ng
husto sa kanya mahirap na baka ako lang ang masaktan sa huli. Kapag nagtatanong
siya ay sinasagot ko naman ng maayos ngunit pormal lang. Kahit papaano,
pinapakita ko sa kanya na hindi ako nagagalit o naiinis.
Pagkarating namin sa room agad na
naman sumalubong sa akin ang pangangantsaw ng mga kaklase naming lalaki.
"Nandito na si Josh pati ng syota
niya." sigaw ni Tom sa mga kaklase na dahilan upang tumingin sila sa amin.
"Mang-aasar ka na naman ba?
Sige ipagpatuloy mo lang kung yan ang
magpapasaya sa iyo. Pero ito lang ang masasabi ko, ano ngayon kung bakla ako
wala kayong pakialam ganito ako. Dito ako masaya." ang lakas ng loob kong
pahayag sa kanila. Halos wala silang nasabi sa akin marahil ay sa pagkabigla sa
pinakita ko.Si Lalaine naman ay nag thumbs-up sign sa akin.
Ngunit iba ang naging reaksyon ni
Tonton. Nakita kong nakangiti siya sa akin. Pagkatapos ay inakbayan niya ako na
para bang masaya. Hindi ko na ito pinansin pa.
Nakakailang segundo pa lang kami sa
pagkakaup habang naghihintay ng aming guro nang tumayo si Tonton at pumunta sa
unahang row at nilapitan si Trisha. Nakita kong binalik sa kanya ang sulat na
ibinigay sa kanya kahapon. Pero gaya nga ng aking desisyon ay hindi ako
nagpaapekto sa simpleng bagay na iyon.
______
Oras na ng recess, naglalakad ako
kasama sina Tonton at Lalaine papuntang canteen nang salubungin kami ng mga
grupo ng kababaihan kasama si Trisha.
"Hi Antonio, kakain ka na rin ba,
tara sabay ka na sa amin" sabi ni Trisha sa kanya na para bang wala siyang
nakikitang kasama niya.
"Thanks for the offer. Sama na
rin natin sina Josh." ang nakangiting sagot ni Tonton. "Ano Josh,
Lalaine sabay-sabay na tayong lahat?" ang dugtong niyang taong.
Tumingin ako kay Lalaine pagkatapos
kay Trisha. Napansin ko ang kakaiba niyang pagtitig sa akin. Nakangiti siya
pero mahahalata mong hindi totoo iyon. Parang ang taray pa rin tingnan. Marahil
ay tutol siya sa mungkahi ni Tonton.
"Ah eh salamat na lang. Sige
sabay ka na sa kanila. Kami na lang ni Lalaine ang magsasama. Tamang-tama
lalabas kasi kami ng school para doon kumain at para narin bumili ng
desert." ang sagot ko na lang sa kanya. Pasimple kong kinurot sa tagiliran
si Lalaine para sumang-ayon.
"Oo. Madalas kasi naming ginagawa
yan ni Josh. Tamang-tama kasi mainit ang panahon." si Lalaine.
"Ah eh ganun ba sige Josh kita na
lang tayo mamaya sa room" ang sagot ni Antonio. Sa loob ko medyo nadismaya
ako sa sagot niya. Inaasahan ko kasing tatanggihan na lang niya si Trisha at
magpupumilit na sa amin sumama ngunit kabaliktaran ang nangyari.
"Ok good so lets go" ang
nakangiting sabi ni Trisha. Alam ko na naging masaya siya sa sinabi ko.
______
Pinanindigan namin ni Lalaine ang
sinabi namin kanina sa kanila. Kumain kami sa isang karinderya doon at
pagkatapos ay bumili ng tig-isang
cornetto sa isang convenience store malapit sa school.
"Bilisan natin Lalaine puntahan
natin sila sa canteen." ang sabi ko sa kanya.
"Oo alam ko hindi ka makatiis at
gusto mo silang tignan doon" ang sagot niya sa akin.
"Hindi sa ganun may bibilhin rin
kasi ako doon"
"Ewan ko sa iyo palusot ka pa.
Pero naiintindihan kita"
"Huwag ka nang magsalita dyan
tara dalian mo"
Binilisan na namin ang paglalakad
hanggang sa makarating doon. Minungkahi niyang silipin muna sila mula sa labas.
Kata tinignan namin sila mula sa bintana. Maswerte namang nakita agad namin
sila. Lima silang lahat doon at masayang nagkukuwentuhan habang kumakain.
Magkatabi silang dalawa ni Trisha. Inaamin kong hindi ko nagugustuhan ang
nakikita at medyo nasasaktan ako.
"Hayaan mo na sila" ang sabi
ni Lalaine.
"Oo, tignan mo bagay sila
palibhasa may mga itsura at matalino" seryoso at may lungkot kong sagot.
"Nag-eemote ka na naman diyan.
Tara na nga balik na tayo sa room." Hinatak niya ang kamay ko na dahilan
upang mapilitan akong sumunod sa kanya.
Itutuloy. . . . . . . . . .
allaboutboyslove.blogspot.com
No comments:
Post a Comment