by: Daredevil
Umpisa pa lang ng game ay nagpakitang
gilas na si Kuya Carlo. Sa tuwing makakashoot siya ng bola, napapansin kong
tumitingin siya sa akin at ngumingiti na may kasamang kindat kaya sobrang kilig
ko. Natapos ang first half na lamang ang grupo nila ng 5 puntos.Nagpahinga na
ang grupo nila sa bench. Kita ko na pagod ang aking prince charming kaya to the
rescue ako. Nilapitan ko siya, binigyan ng tubig at pinunasan ang katawang
basang-basa ng pawis. Napatngin naman si kuya sa ginagawa ko sa kanya.
"Rico, ano ba yang ginagawa mo,
daig mo pa ang babae" si kuya. Sasagot sana ako nang biglang nagsalita si
Kuya Carlo.
"Tol relax lang, wala namang
ginagawang masama si baby boy ko and besides nagugustohan ko nga ito parang nawawala na ang pagod
ko." si Kuya Carlo sabay lingon sa akin at ngumiti. Hay parang lalagnatin
na ako sa sobrang kilig.
"Bahala nga kayo diyan" si
Kuya sabay pumunta sa CR.
Tuloy pa rin ako sa aking pagpupunas
ng pawis ni Kuya Carlo nang biglang lumapit sa amin si Jason na parang hindi
maganda ang mood.
"Jason, bakit nandito ka? Ah
siguro i-cocongratulate mo na sina Kuya Carlo dahil alam mong matatalo na
kayo" ang patutsada ko sa kanya. Pero parang wala siyang narinig at
kinausap si Kuya Carlo.
"Tol, napakaswerte mo
talaga" ang nasabi ni Jason. Nagtaka naman ako sa aking narinig.
"Anong ibig mong sabihin
tol?" si Kuya Carlo. Tumingin naman sa akin si Jason at nagsalita.
"Ah wala, sige goodluck sa second
half." si Jason sabay alis pabalik sa pwesto nila.
"Ano kaya ibig niyang sabihin,
alam mo kahapon pa akong nahihiwagaan sa taong iyan. Bigla ba naman akong
hinamon ng pustahan, kahit hindi ko alam ang dahilan pumayag na rin ako baka
kasi isipin niyang duwag ako, at itong basketball ang napagdesisyunan naming
paglabanan." sabi ni kuya Carlo.
"Huwag mo na ngang pansinin ang
walang kwentang taong iyan, magfocus ka nalang sa laro kuya" sabi ko sa
kanya.
"Tama ka baby boy, sige tama na
yan mag-uumpisa na ang game, salamat nang marami" si Kuya Carlo. Bago siya
tumayo, pinisil ulit niya ang aking pisngi. "Pangako, ipapanalo ko ito
baby boy"
Nagsimula na ang second half. Lamang
pa rin ang team nina Kuya Carlo pero nang mag last two minutes na parang
bumabaliktad na ang sitwasyon. Biglang nag-init na si Jason, siya na ang halos
gumagawa ng puntos dahilan upang makatabla ang kalaban. Halos maghiyawan na ang
mga babaeng katabi ko palibhasa mas kilala si Jason sa aming lugar kaysa kay
Kuya Carlo. Medyo kinakabahan na ako nang mga oras na iyon. Maya-maya humingi
ang team nila ng time-out na sakto para malapitan siya.
"Kuya Carlo ayos ka lang ba,
huwag kang susuko, kaya mo yan, tuparin mo ang pangako mo sa akin"
Hindi siya kaagad nakasagot sa akin
dahil sa kanyang paghingal at panghihina pero nang makabuwelo saka siya
nagsalita. "Alam ko iyan baby boy, halika nga ulit papisil ng pisngi
mo" si Kuya Carlo.Agad ko namang nilapit ang aking mukha sa kanya.
"Hmmmmmm, kakagigil ka talaga,
parang nagbalik na ang lakas ko, sige tapos na ang time-out" si Kuya Carlo
na nakangiti sa akin. Hay ang sarap naman ng feeling na sa iyo kumukuha ng
inspirasyon ang iyong crush.
Nang magpatuloy ang laro, pinalaki na
ulit ng team nina Kuya Carlo ang kanilang lamang. Natapos ang laro nang manalo
sila. Tuwang-tuwa akong lumapit sa kanya at wala sa sariling nayakap ko siya.
"Congratulations kuya Carlo ang
galing mo talaga" natutuwa kong sabi sa kanya.
"Hoy, lumayo ka nga diyan,
sinusumpong ka na naman ng kalandian mo" si Kuya. Kakainis, laging
pumapasok sa eksena.
"Huwag ka namang magalit sa
kapatid mo tol, alam mo bang siya ang dahilan ng pagkapanalo natin" si
Kuya Carlo na nakatingin sa akin.
"Bahala ka nga diyan, lalo mo
lang pinalalaki ang ulo niyan" si Kuya. Sasagot ulit sana si Kuya Carlo
nang biglang lumapit sa amin si Jason.
"Buti nga sa iyo natalo kayo beh!!!"
pang-iinsulto ko kay Jason. Kahit papaano nakakaganti ako sa mga pang-aasar
niya sa akin. Pero parang wala ulit siyang narinig. Nakipagkamay siya kay Kuya
Carlo.
"Congrats Tol, ang galing mo pala
talaga kaya pala di nakapagtatakang maraming nagkakagusto sa iyo." si
Jason at lingon sa akin. Nabigla naman ako sa mga sinabi niya, para kasing ako
ang pinariringgan ng ungas na ito kasi sa akin siya nakatingin.
"Magaling ka rin Tol, sa totoo
lang kahit mas matanda kami sa inyo ay nahirapan pa rin kami" si Kuya
Carlo.
"Sige Tol, mauuna na kami, ang
suwerte mo talaga" si Jason. "Ano ba ang sinasabi ng ungas na itong
swerte daw?" tanong ko sa aking sarili.
Sumabay na ako sa team nilang umuwi.
Base sa naririnig kong kwentuhan mahigit dalawang libo pala ang naging pustahan
nila. Dahil sa pagkapanalo, nagyaya si Kuya Carlo ng isang maliit na
selebrasyon.
Excited akong pumunta sa bahay nila
nang gabing iyon. Sa katunayan, talagang nag-ayos at naglinis ako ng aking sarili.
Nang makapasok na sa loob ng bahay, nakita ko ang mga ka team nila kasama si
kuya na umiinom. Nagtaka naman ako dahil hindi ko nakikita si Kuya Carlo.
Marahil napansin ni Kuya na parang may hinahanap ako kaya nagsalita siya.
"Wala ang kuya Carlo mo umalis
lang saglit may sinundo lang" si Kuya kasama ang mga ka team nila. Medyo
nahiya naman ako sa sinabi niya kaya itinanggi kong hinahanap ko si Kuya Carlo.
"Hindi ko hinahanap si Kuya Carlo
ano, saka huwag mo na nga akong intindihin" sagot ko sa kanya. Natatawa
lang siya sa akin habang umiinom.
Halos isang oras na akong naghihintay
na wala pa ring Kuya Carlo na dumating. Nakaramdam na ako nang pag-aalala sa
kanya. Dahil wala naman akong ideya kung saan siya nagpunta kaya napagpasiyahan
kong hintayin siya sa labas ng kanilang gate. Alas 10:00 ng gabi nang maaninag
ko ang isang taxing parating. Nang huminto ito sa tapat, agad akong lumapit
para alamin kung si Kuya Carlo na ito. Tama, siya nga ang lumabas.
"Kuya Carlo, saan ka galing,
kanina pa ako naghihintay sa iyo" salubong ko sa kanya sabay niyakap ulit.
Hay parang di ko kakayanin na hindi ko siya makita kahit ilang oras lang.
"Sino may sabi sa iyong hintayin
mo ako , sige pasok ka na." sabi niya. Magsasalita ulit sana ako nang
biglang may lumabas na isang babae sa taxi. May kagandahan siya at halatang
mayaman. Agad naman itong humawak sa braso ni Kuya Carlo at hinila papasok sa
loob ng bahay. Sumunod naman siya agad na parang wala ako sa paningin niya
dahil hindi na niya ako pinansin.
Parang sinaksak ang puso ko ng
maraming karayom sa sakit sa hindi magandang pagsagot niya sa akin lalo nang
makita ko na may kasama siyang babae, pero binalewala ko muna ito at inintindi
ko na lang ang sitwasyon. Baka lang pagod ang tao dahil na rin sa laro kanina.
Nagpalipas muna ako ng limang minuto bago bumalik sa loob.
Nang makapasok na sa bahay nila, halos
maluha na ako sa pagkabigla sa aking nakita. Si Kuya Carlo, katabi ang kasama
niyang babae na naka-akbay at nakikipag-usap sa mga kaibigan nila ng kuya ko na
umiinom. Hindi ko ito pinahalata at nakihalubilo ako sa kanila. Tulad ng
ginagawa ko kanina sa laban, lumapit ako Kuya Carlo at niyakap siya. Pero
nadismaya ako sa naging pagtugon niya.
"Ano ka ba Rico, umayos ka naman,
masyado ka nang nagpapapansin ang landi mo!" ang naiirita niyang reaksyon
sa ginawa ko. Kahit ganoon lang ang sinabi niya malakas ang naging impact noon
sa akin, napahiya ako sa mga kasama nila at dahil doon mas lalong nasaktan ang
damdamin ko. Sanay na akong sabihan ng kuya at inay ko ng malandi pero hindi ko
matanggap na ang taong mahal ko ang magsasabi ng ganoon sa akin.Hindi lang iyan
tinawag na niya ako sa totoo kong pangalan. Lumamig na ang kanyang pakikitungo.
Naisip ko na baka girlfriend niya ang kasama kaya ganun na lang siya umasta. Marahil
nahihiya siya sa ginagawa ko.
Tuluyan na akong naluha sa nangyari at
agad nagtatakbong bumalik sa aming bahay. Naririnig ko naman ang pagtawag sa
akin ni Kuya Carlo pero hindi ko na ito pinansin. Sa kwarto ko, nagpatuloy ako
sa pag-iiyak. Kinabukasan, dahil sa sama ng loob, hindi ako lumabas ng bahay
maghapon, iniiwasan ko rin kasing makita si Kuya Carlo. Kahit sino hindi ko
kinakausap dahil sa kawalan ng mood.
Araw ng lunes, gumising ako na maga pa
rin ang mata, at dahil sa nangyari noong isang gabi ay huminto na ako sa aking
kahibangan ang ihinto ang ginagawa kong pag-aabang kay Kuya Carlo sa umaga.
Kaya maaga ko nang nagagawa ang mga gawaing-bahay.
"Aba anak, himala ano ba ang
nakain mo at bigla kang sumipag, tama yan para pumayat ka naman" si Inay.
"Wala inay, gusto ko lang
magbago" ang wala sa sarili kong sagot sa kanya.
"Maganda yan anak para hindi na
rin kita nahahataw, siyanga pala kilala mo na ba ang babaeng nakatira ngayon sa
bahay ng Kuya Carlo mo?" si Inay.
"Nakatira?" sabi ng isip ko.
Bakit ganito, mas lalo akong nasasaktan. Tama nga ang hinala ko na girlfriend
niya ang babaeng iyon. Bagay naman sila, para silang mga prinsipe at prinsesa
sa mga itsura nila.
"Bakit ka natahimik anak, ano
iniisip mo?" ang nagtatakang tanong ni nanay sa akin.
"Ah wala inay, pakiusap lang po
sana na huwag na natin siyang pag-usapan simula ngayon" sabi ko sa kanya
habang nagwawalis na sala.
"Bakit anak may problema ka ba,
pwede mong sabihin sa akin baka matulungan kita" si inay.
"Hindi pa ako handa e, hayaan
niyo sasabihin ko rin ito sa inyo sa takdang panahon." sagot ko.
"Sige anak, basta tatandaan mo na
nandito lang ako ha, oh pano yan aalis na ako" si inay. Kahit papaano
natutuwa ako dahil sa pinapakitang pagmamahal ng aking ina.
Ilang minuto ang nakalipas ng magising
na si kuya. Agad siyang lumapit sa akin.
"Ok ka lang tol?" ang tanong
niya sa akin. Tumungo lang ako.
"Alam mo ang kuya Car" si
kuya nang bigla ko akong nagsalita para putulin ang kung anumang sasabhin niya.
"Kuya, ayoko nang marinig ang
pangalan niya please lang pwede" ang sagot ko sa kanya.
"Kung iyan ang gusto mo
sige" si Kuya.
Maya-maya habang pinagpapatuloy ko ang
paglilinis ay may narinig akong pagkatok sa pintuan. Bubuksan ko sana ito nang
bigla akong nagtago sa likod ng aming sofa dahil narinig ko ang boses ni Kuya
Carlo na tinatawag si Kuya. Saktong lumabas na ng kuwarto si kuya nang
nakabihis kaya siya na ang nagbukas. Sinulyapan ko sila sa aking pinagtataguan
habang nag-uusap sila sa pinto. Napansin kong medyo malungkot ang mukha ni Kuya
Carlo at palingon-lingon sa paligid ng bahay. Hindi ko na ito binigyang pansin
dahil nangngibabaw pa rin sa akin ang sakit ng ginawa niya. Makalipas ang
limang minuto ay umalis na sila.
Magtatanghali na nang matapos ko ang
lahat ng gawain. Kaya naghanda na ako sa pagpasok. Kahit nakaligo na ako,
halata pa rin ang pamamaga at pamumula ng mata ko kaya nagsuot ako ng shades.
Itutuloy. . . . . . . . .
allaboutboyslove.blogspot.com
No comments:
Post a Comment