by: Daredevil
Part 17
Namamaga ang aking mga mata nang
magising ako kinabukasan. Hindi lang yan, ang bigat din ng pakiramdam ko.
Parang tinatamad nga ako pumasok sa trabaho. Mas gusto ko sanang maghapon dito sa aking kwarto. Pinilit ko na
lang ang aking sarili.
Pagkabangon ko sa kama ay agad akong
naghanda para sa aking morning routine. Naghilamos, nagsipilyo at nagbihis ng
damit at sapatos pang jogging. Nang matapos ay lumabas na ako ng bahay.
Akmang sisimulan ko na ang
pagjojogging nang makuha ng aking atensyon ang taong lumabas sa katapat naming
bahay. Nagulat naman ako sa suot niya.
"Good morning Rico, tara jogging
na tayo" ang sabi niya sa akin.
Imbes na sumagot ay napokus ang tingin
ko sa kanyang itsura. Muli na naman ako nakaramdam ng pagkahumaling sa kanya.
Mistulang puputok na ang kanyang suot na body-fit na t-shirt sa mamasel niyang
katawan att ang kanyang nakabukol na harapan sa suot niyang jersey shorts.
"Hey, Rico sabi ko jogging na
tayo." ang pag-uulit ni Kuya Carlo.Wala na akong nagawa pa.
"Nalaman ko kay tita na tuwing
umaga mo ito ginagawa kaya sinubukan kong makisabay sa iyo. At dahil masaya
pala ito at nakakaenjoy, simula bukas ay palagi na akong sasabay sa iyo."
si Kuya Carlo habang nagjojogging kami.
"O...o...ok" ang sagot ko na
lang.
"Bakit ganyan ka sumagot? Hindi ka ba
masaya na kasama mo ako?" ang sunod niyang tanong at huminto sa
pagjojogging.
"Ah wala naman, medyo hinihingal
lang ako, at saka masaya ako" sagot ko sabay huminga ng mabilis para
papaniwalain siya.
Hindi siya nagsalita bagkus ay
nakatingin lang sa akin. Napansin ko naman na parang may malalim siyang
iniisip. Gustuhin ko mang alamin ay wala akong lakas ng loob na magtanong.
Tumuloy na lang ako sa pagtakbo.
Humabol siya pero hindi na siya
umimik. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa nang mga oras na iyon.
Maya-maya ay huminto siya sa basketball court, ang lugar kung saan nangyari ang
laro nila ni Jason. Pumasok siya sa loob.
"Guys sali naman ako" ang
sabi niya sa mga lalaking naglalaro doon. Sasabihan ko sana siya na may trabaho
pa kami nang unahan niya ako. "Ako ang bahala Rico, isang oras lang to.
Dito ka lang muna." ang sabi niya sa akin.
Wala na akong nagawa pa kundi ang
panoorin siya. Umupo ako sa sementadong upuan sa gilid. Tulad ng dati ay wala
pa rin siyang kupas sa paglalaro. Sobrang na-amaze ako sa kanyang mga moves na
pang NBA ang dating. Hindi ko naman maiwasan ang mangiti sa pagkamangha.
Matapos ang laro ay lumapit siya sa
akin na pawis na pawis at umupo sa tabi ko. "Rico, hindi mo ba ako
pupunasan ng dala mong bimpo?" ang sabi niyang hinihingal sa akin.
Nabigla man, ginawa ko pa rin ito sa
kanya. "Sinasadya niya kayang
ipaalala sa akin ang nakaraan?" ang naitanong ko sa aking sarili.
Sa kabila ng aking pag-iisip ay
nakaramdam naman ako ng pag-iinit ng katawan. Sa pagkakataong iyon habang
pinupunasan ko siya ay pasimple kong hinahaplos at hinahawakan ang katawan ng
taong minamahal at pinagnanasaan ko. Ang
dami ko nang naiimagine ng mga oras na iyon.
"Iyan ang sarap naman, sige wag
kang mahiya, himasin mo lang katawan ko." ang sabi niya. Napahinto naman
ako sa aking ginagawa.
Lumingon naman siya sa akin. "Oh
bakit ka huminto ituloy mo lang"
"Tama na po Sir, baka isipin mo
pong pinagnanasaan kita." sabi ko sa kanya.
Natawa siya sa sagot ko. "Walang
problema sa akin yan Rico at isa pa alam ko namang matagal mo na akong
pinagpapantasiyahan. Sige bahala ka, mahirap magpigil"
Hindi na ako nakapagsalita ulit. Isang
daang porsyento na totoo ang kanyang sinabi. Tumayo na lang ako at nagmadaling
lumabas ng court.
"Teka sandali ui, hintay"
ang pagsigaw niya sa akin habang hinahabol ako.
Nang maabutan, "Rico, bakit
nagkakaganyan ka sa akin?"
Hindi ko siya sinagot sa halip ay
binilisan ko ang pagtakbo. Pero agad niya akong nahabol at hinawakan ang aking
braso.
Nagkatitigan kaming dalawa.
"Rico, please inuulit ko, kung may kinalaman man ako diyan sa mga iniisip
mo ay sabihin mo na sa akin."
"Kung pwede po sana ay sa bahay
na lang tayo magpatuloy" ang nasabi ko na lang sa kanya. Nahihiya kasi ako
sa eskandalong maaaring idulot ng pagsasagutan namin sa daan. Tumango lang siya
bilang pagsang-ayon.
Pagkarating sa bahay ay agad ko siya
niyaya sa aking kwarto. Pagkapasok ay agad siyang humiga sa aking kama hindi
alintana ang kanyang pawisang katawan. Ako naman ay naupo sa isang silyang
malapit doon.
"Kakapagod, sige Rico umpisahan
mo na" si Kuya Carlo na medyo hinihingal magsalita habang nakahiga.
"Ano po kasi hmmmm, paano ba ako
magsisimula?" ang sagot ko sa kanyang naguguluhan.
"Pwede kang magtanong sa
akin" ang sabi niya.
"Tanong ah ok. Ano po ahmmm
kaanu-ano mo yung kasama mong babae sa party?" ang naisip kong unang
itanong sa kanya nang maalala ko ang nangyari noon.
Bago siya sumagot ay bumangon siya sa
kama at umupo. "Yan ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan sa akin,
pinagseselosan mo siya?"
Naooffend naman ako sa tanong niyang
iyon kaya hindi kaagad ako nakasagot. Maya-maya ay inabot niya ang aking mga
kamay at hinawakan iyon.
"Kapatid ko siya sa ama
Rico" ang sunod niyang sinabi. "Nung araw na iyon ay nabalitaan ko
ang malalang niyang sakit."
"Kapatid, e wala namang
nababanggit si Tita Mely tungkol sa bagay na iyan" ang sabi kong hindi
kumbinsido.
"Paano niya sasabihin e hindi ka
naman nagtatanong at isa pa hindi ka naman tumatanggap ng paliwanag."
Tama nga naman siya, naalala ko na
sinarado ko ang aking isip noon sa mga paliwanag niya. "Siyempre nasaktan
ang damdamin ko noon Sir" ang sagot ko sa kanya.
"Masyado ka kasi nag-aassume
kaagad."
"Malay ko bang ganoon. E ano
naman ang sakit ng Dad mo?"
"Cancer. Alam mo kahit anak lang
niya ako sa labas ay hindi niya kami pinabayaan ni Mama. Sobrang mabait siya sa
amin kaya ganoon na lang ako nalungkot sa sakit niya. Dahil sa pagpupursige
naming gumaling siya ay nagtungo kami ng America para ipagamot siya."
Ngayong alam ko na ang dahilan ng
biglaan niyang pagkawala. Nakaramdam naman ako ng kasiyahan sa kanyang
pagtatapat.
"Pero wala naman akong nakitang
senyales ng pag-aalala si Tita Mely." ang sunod kong sinabi.
"Kung alam mo lang na gabi-gabi
yang nag-iiyak sa pag-aalala. Pinipilit lang niyang maging normal. Rico kung
sino ang mas dapat na masaktan sa ating dalawa ay ako. Nalaman ko kasi sa kuya
mo ang mga nangyayari sa inyo ni Jerome. Masakit sa akin na pagkakamabutihan
ninyo, na may gusto siya sa iyo. Wala man lang ako nagawa dahil nasa malayo
ako." ang mahaba niyang pahayag.
"Nasaktan, ibig bang sabihin ay
may nararamdaman din siya sa akin? Nagseselos kaya siya kay Jason?" ang
tanong ko sa aking sarili. "Ganoon po ba Sir?" ang sinabi ko na lang
sa kanya.
Mas lalo niyang hinigpitan ang
paghawak niya sa mga kamay ko, nakatitig sa akin at nagpatuloy. "Bata ka
pa lang alam ko nang may nararamdaman ka sa akin, na matagal mo na akong
pinagpapantasiyahan. Pero hindi ko iyon binabalewala. Alam lahat iyon ng kuya
mo. Bilib nga ako sa iyo dahil bata ka pa lang ay kilala mo na ang sarili mo at
alam mo na ang gusto mo. Sobrang natutuwa nga ako sa iyo e"
Doon ko napagtanto kung bakit ang
giliw niya sa akin. Wala naman akong naalalang kinukutya niya ako at kinahihiya
maliban sa gabi ng party.
"Ang pagkakamali ko lang ay yung
paninigaw ko sa iyo noon gabi ng party. Patawarin mo ako kung nagawa ko sa iyo
yun. Dala lang kasi iyon ng nararamdaman kong emosyon sa kalagayan ni Dad. Sa
maniwala ka't sa hindi ay pinagsisisihan ko agad iyon."
Kahit naging malinaw sa akin ang lahat
ng kanyang mga sinabi ay nakukulangan pa rin ako. May mga bagay pa ring kasing
gumugulo sa aking isip.At iyon ang susunod kong itatanong sa kanya.
Itutuloy. . . . . . . . .
Special Part
Sa nakikita ko sa reaksyon ni Rico na
nakukulangan pa siya sa aking mga pinaliwanag, na may nais pa siyang malaman
ngunit natatakot lang na itanong sa kadahilanang masaktan lang siya sa aking
magiging sagot. Sumagi na rin sa aking isip ang maaaring maging tanong niya sa
akin.
Sa totoo lang, mas natatakot pa ako sa
maaaring mangyari kapag tinanong niya ito. Ito na siguro ang maging simula ng
pakikipaglayo niya sa akin. Hindi ko kasi kakayanin iyon lalo na't mahal ko
siya.
Oo, mahal ko si Rico, hindi ba
kapanipaniwala? Kahit ako rin ay naguguluhan sa aking pagkatao. Alam ko sa
sarili ko na lalaki ako at maraming naghahabol sa aking mga babae ngunit
nakaramdam ako ng ganito sa kapwa ko.
Bata pa lang si Rico ay sobrang gaan
na ng loob ko sa kanya. Kaya nang malaman ko sa kanyang kuya Arthur ang totoo
niyang pagkatao at ako ang kanyang
pinagpapantasyahan, hindi ko siya nakagawang pandirihan, o layuan.
Sobrang natutuwa ako sa kanya noon at pinaggigigilan ko pa dahil sa pagkachubby
niya.
Madalas nga namin siya pag-usapan ng
kanyang kuya.
Lingid sa kaalaman ni Rico na madalas
kaming mag-usap ng kanyang kuya habang nasa ibang bansa ako, palagi ko siyang
kinukumusta sa kanyang kapatid. Sobrang lungkot ko kasi ng mga panahon na iyon.
Umalis ako ng Pilipinas na hindi man lang nakapagpaliwanag sa kanya, na may
galit siya sa akin. At nang malaman ko na nagkakamabutihan sila noon ni Jason
ay sobrang nasaktan ako. Nakadagdag ito sa pasanin ko. Sumabay pa ito sa
kamatayan ng aking ama.
Noon mga panahong din iyon pinagtapat
ko kay Arthur ang pagmamahal ko para sa kanyang kapatid. At pinangako ko sa
kanya na ako ang mag-aalaga sa kanyang ina lalo na kay Rico kapag nagpunta na siya
ng Maynila.
Lihim sa kaalaman ng mag-ina ang
pagbabalik ko ng Pilipinas dala ang napakabigat na responsibilidad. Kahit anak
sa labas lang ako ng aking ama ay pinamana niya sa akin ang pamamahala sa naiwan niyang negosyo dito. Iniisip
ko ng mga oras na iyon kung papaano ako
haharap at magpapaliwanag kay Rico. Alam ko na mas nadagdagan pa ang galit niya
sa akin sa biglaan kong pagkawala.
Sakto namang tinawagan ako ng kanyang
kapatid at nanghingi ng tulong sa pagpapagamot ng kanyang ina na may sakit. At
iyon ang nagbigay sa akin ng pagkakataon para makalapit ako sa mag-ina. Bumuo
ako noon ng isang plano at para maisakatuparan ko ito ay kinausap ko si Mama.
At ito ay ang akuin na siya ang nagbayad ng pang-ospital ng nanay ni Rico at
bigyan siya ng trabaho sa aking kompanya. Kung ako kasi, siguradong tatanggihan
lang ako ni Rico. Natuwa ako dahil naisakatuparan ko ito.
At nangyari na ang muli naming
pagtatagpo ni Rico. Nang makita ko siya nung araw na nag-apply siya sa aking
kompanya, mas tumindi ang aking nararamdaman para sa kanya. Ibang Rico na ang
lumitaw sa aking harapan. Nawala na ang taba sa katawan, at ang hubog ng
kanyang mga muscles ay katulad nang sa akin. Nang tinanong ko ito sa kanyang
kapatid ay nalaman kong ako ang dahilan ng kanyang pagbabagong anyo. Tinanggap
ko siya agad bilang aking personal assistant.
Kaya sinimulan ko na ang panunuyo muli
sa kanya, na magkaayos kaming dalawa. Pero mukhang hindi ito naging effective
nang makilala niya si Jerome, isa sa aking mga tauhan sa kompanya. Deretsahan
kong sasabihin na nagseselos ako sa kanilang pagkakamabutihan. Kaya nang
malaman ko na may kaugnayan sila ni Jason at di malayong mangyari ay maging
sila ni Rico ay agaran akong gumawa ng desisyon na tanggalin siya.
Ngunit nagkamali ako dahil mas lalong
nagalit sa akin si Rico. Sa pag-uusap namin ni Rico ay nalaman ko ang aking
pagkakamali. Kinabukasan ay agad kong pinabalik si Jerome. Doon nakaisip ako ng
paraan para kay Rico, ang mga kondisyong hindi na siya makikipag-usap kay
Jerome kunh hindi naman tungkol sa trabaho, at sa akin na siya lagi sasama.
Natuwa naman ako dahil wala siyang naging pagtutol.
Nang magsimula ito ay sobrang masaya
ako. Iba pala ang feeling na kasama mo ang iyong mahal. Saglit mong malilimutan
ang stress sa trabaho. Doon ko naisipang bigyan siya ng iphone na ayon sa
kanyang kapatid ay gusto ni Rico.
Ang masaya naming sandali bigla na
lang nagbagodahil sa isang tawag sa telepono. Alam ko nasaktang muli si Rico. Naalala ko kasi na baka isa sa mga dahilan nito ay nung gabing nasa
kanila ako at may tumawag sa aking cellphone na tinawag kong baby. Siyempre
malulungkot siya dahil naulit na naman iyon.
Ito ang hinihintay kong maging tanong
niya sa akin. Natatakot man sa kanyang magiging reaksyon ay pinaghandaan ko na
ito. Lakas-loob na akong aamin sa kanya.
Itutuloy. . . . . . . . .
allaboutboyslove.blogspot.com
No comments:
Post a Comment