Wednesday, December 19, 2012

Mahal Kita (Finale)

by: Daredevil

Abala ako sa pagbabasa sa aking kwarto nang may marinig akong pagkatok sa pinto.
"Tonton, gabi na bakit nandito ka pa?" ang tanong ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto. Nakasando lang siya na puti at boxer short.
"Hmmm.... pwede papasukin mo muna ako bago ko sagutin yan" ang sabi niya sa akin.
"Ok pasok ka na"

"Nag-aaral ka pa pala" ang sabi niya nang mapansing nakalatag sa study table ang mga ginagamit kong libro sa school.
"Ah oo, alam mo naman na malapit na ang final exams. Ikaw bakit ka naman nagpunta dito?"
"Kung makapagtanong ka naman, parang hindi mo alam ang pakay ko." ang sagot niya sabay higa sa aking kama.
"Ah matutulog ka na naman dito. Sige mauna ka na, tatapusin ko muna itong binabasa ko"

Ilang minuto pa ang lumipas habang nagbabasa pa rin ako, hindi ko naiwasang mapasulyap kay Tonton. Nakatulog na pala ang mokong. At sa pagkakataong iyon tuluyan nang nawala ang aking konsentrasyon sa pagbabasa nang mapukaw ang aking atensyon sa kanya. Nakatihaya siyang natutulog.

Nilapitan ko siya at umupo sa kanyang tabi. Nagsimula na akong makaramdam nang kung anong init sa aking katawan nang mapansin ang kanyang kabuuuan. Tinignan ko siya mula sa mukha. Para siyang isang napakagwapong anghel na natutulog. Pagkatapos ay ang kanyang matipunong kanang brasong nakataas kung saan nakaunan ang kanyang ulo. Kita ko ang kanyang malalagong balahibo sa kanyang kilikili.

At ang lalong nagpainit sa akin ay ang halatang-halata na bukol sa kanyang suot na boxer short. Palibhasa manipis kaya hindi nito naitago ang kalakihan ng kanyang ari.

"Hanggang pagtitig lang ba gagawin mo?"
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig na nagpabalik ng aking ulirat nang marinig ko iyon. Sa aking pagkabigla at pagkataranta ay hindi ko alam ang aking sasabihin sa kanya.

"Ikaw talaga mahilig kang manantsing. Ok lang kung gagawin mo ulit ang ginawa mo sa akin noon." ang sabi niya.
Pakiramdam ko ay napahiya ako sa sinabi niya. "Ah eh, baka naistorbo kita, sige matulog ka na ulit."

Akmang patayo na ako ng bigla niyang hinawakan ang aking kaliwang braso. Maya-maya pa'y hinila niya ako pahiga. Sa bilis ng mga pangyayari namalayan ko na lang na ako na ang nakahiga ngayon habang siya ay nasa aking ibabaw.

Halos matulala na naman ako sa kanyang mukha. Habang siya naman ay pinagmamasdan lang ang aking pagtitig sa kanya. Pagkatapos ay unti-unti niyang nilalapit ang kanyang mukha sa akin. At muli naghinang ang aming mga labi.

Sa pagkakataong iyon naipadama namin ang pagmamahalan sa isat-isa sa pamamagitan ng aming paghahalikan. Hanggang sa may mangyari sa amin.

Hindi pa ako sanay dahil sa unang beses ko pa lang  ito kaya naman si Tonton ang siyang nagdadala ng aming ginagawa. Kita ko sa kanya na sanay na siya. Hindi ko akalain na isang probinsyanong tulad niya ay mulat na sa ganitong bagay.

Niromansa namin ang isat-isa hanggang sa umabot kami sa sukdulan. Hanggang sa kami ay mahimasmasan.

Magkatabi pa rin kaming dalawa na nakahiga sa kama. Ang ulo ko ay nakapatong sa kanyang matipunong dibdib samantalang ang isang kamay niya ay humahaplos sa aking buhok na tila nilalaro ito.
"Tonton may gusto sana akong itanong sa iyo?" ang tanong ko sa kanya.
"Sige ano iyon?" ang malumanay niyang sagot.
"Alam mo hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na mamahalin mo rin ako tulad ng nararamdaman ko sa iyo. Gusto ko sanang malaman kung bakit mo ako nagustuhan at minahal?"
"Tulad ng sinulat ko sa journal, nagkaroon agad ako ng atraksyon sa iyo nung unang araw na dumating kami ni nanay dito. Sobrang cute ka kasi eh basta hindi ko maipaliwanag. Noon pa man bata pa lang ako, tulad mo naguguluhan ako sa aking pagkatao. At ngayon ko napatunayan ang pagiging silahis ko."
"Masaya ako na marinig ko yan sa iyo. Pero hindi ko maiwasang mag-alala."
"Ha, ano ba yung iniisip mo?"
"Ang mangyayari sa hinaharap. Sa pagkakaalam ko kasi, na walang patutunguhan ang ganitong klaseng relasyon."
"Tama ka, walang nagtatagal sa ganitong relasyon. Sana huwag mong isipin na mangyayari iyon sa atin. Hindi ako nangangako pero sisikapin kong maging maayos at matibay ang ating pagsasama. Siyempre kailangan kasama ka doon. Dapat magtulungan tayo. Anumang problema o pagsubok ang darating sa atin ay sabay nating aayusin. Kung mayroon man tayong hindi pagkakaunawaan, daanin natin sa maayos na usapan."
"Ok, pero nag-aalinlangan pa rin ako eh."
"Hay naku Josh, ano pa ba iniisip mo?"
"Ikaw, baka magsawa ka sa akin, na maghanap ka ng ibang makarelasyon, isang babae tapos mababalitaan ko na lang na nabuntis mo na ito. Siyempre lalaki ka pa rin, na maghahangad na magkaroon ng isang pamilya."

Bahagyang natawa si Tonton sa aking sinabi.
"Hindi pa ba tayo isang pamilya, si nanay pati na rin ang mga magulang mo na hindi na tutol sa ating relasyon? Wala ka dapat ipag-alala. Sa iyo lang ang aking puso. Mahirap paniwalaan ang aking salita kaya ipapakita ko na lang ito sa gawa. Ikaw naman parang hindi mo nabasa ang journal ko."

Hindi ko naiwasang maiyak ulit pero sa pagkakataong ito ay dahil na ito sa kaligayahan.  At sa gabing iyon naulit muli ang aming pagniniig.
______
Sa mga sumunod na araw ay binigyang atensyon na namin ang nalalapit na final exams. Tinulungan na ako ni Tonton sa pagrereview, tinuruan sa mga asignatura na nahihirapan ako. Hanggang sa sumapit ang itinakdang araw. Laking tuwa ko nang maipasa ko ang lahat ng exams lalo na sa mga parts na kung saan nahihirapan ako.

Sa araw mismo ng aming graduation ay dumating ang aking mga magulang. Si Trisha ang aming naging valedictorian.

Pagkatapos ng seremonya ay nagkaroon kami ng kaunting salu-salo sa bahay. Imbitado ang ilan sa aming mga kaklase, pati na rin ang mga kaibigan ng aking mga magulang. Naging masaya naman ito.
______
"Ano na ang plano niyong dalawa?" ang tanong ni Papa sa amin ni Tonton isang araw.
"Oo nga mga iho, aba isang buwan na at magpapasukan na" ang sabi naman ni Mama.
"Ako po Tita desidido na po akong kumuha ng kursong abogasya."
"Maganda yan anak." ang sagot naman ng kanyang ina.
"Hindi madali ang kurso na yan Antonio" si Papa.
"Alam ko po iyon. Sisikapin ko pong makatapos dahil may gusto akong patunayan." si Tonton saka umakbay at tumingin sa akin. Wala na sa kanya ang pagkailang sa ginagawa niya kahit pa sa harap ng aking mga magulang. Proud pa siya para sa nararamdaman sa akin.
"Ano iyon anak?" ang tanong naman ng kanyang ina.
"Tulad po ng nasabi ko kina Tita, Gusto ko pong ipakita sa kanya na kaya ko. Kukuhanin ko ang kursong ito dahil nais kong ichallenge ang sarili ko. Kapag natapos ko ito at naging isang ganap na abogado na ako, mnakakaya ko nang buhayin si Josh."
"Ngayon pa lang pinabibilib mo na ako Antonio, may paninindigan ka at talagang mahal na mahal mo ang aking anak." si Papa.
"Opo Tito, sobra" si Tonton na nakangiti.

Isang buwan pa ang lumipas at sumapit na ang pasukan. Hindi kami parehas ni Tonton ng unibersidad, siya sa isang law school samantalang ako ay sa isang sikat na unibersidad sa Maynila. Kursong computer science pala ang kinuka ko dahil sa likas kong pagkahilig sa computer.  Kahit ganito ang nangyari, hindi naman ako nag-aalala dahil sa may tiwala ako sa kanya at mahal niya ako.

Ang anumang pagsubok o problemang darating sa aming buhay o sa relasyon namin ay magkasama naming haharapin at pagtutulungan na lutasin.

Simula ngayon hanggang sa hinaharap, isang kataga lang ang nakatatak sa aking isip na kailanman ay hindi mabubura ang...
"MAHAL KITA Tonton"

Itutuloy. . . . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com

No comments:

Post a Comment