by: Daredevil
Kinabukasan ay maaga akong gumising.
Pagbaba ko ay nakita ko ang mag-inang kumakain ng almusal.
"Good Morning Josh. Halika sabay
ka na sa amin" si Antonio na nakangiti.
Hindi ko na siya sinagot pa sa halip
ay umupo na rin ako para kumain. No choice ako dahil nakakaramdam na rin ako ng
gutom.
Matapos mag-almusal ay
nagkani-kaniyang paghahanda kami sa pagpasok.
Nang makabihis ay agad akong dumako sa
bahay ng mag-ina kung saan nakaparada ang motor. Wala pa siya roon pagkarating
ko marahil ay nagbibihis pa rin ako kaya hinintay ko na lang siya. Makalipas
ang sampung minuto nakita ko siyang palabas ng bahay. Agad ko namang napansin
ang kanyang itsura. Ewan ko pero sa tingin ko ay mas lalo siyang gumwapo sa
kanyang suot na uniporme. Parang hindi siya probinsyano sa kanyang porma at
tindig. Dagdagan mo pa ang halimuyak ng kanyang gamit na pabango.
Bumalik ang aking ulirat sa pagkaway
ng kanyang mga kamay sa aking mukha. Nang tumingin ako sa kanya ay nakangiti
siya sa akin sabay sabing "Josh,
natutulala ka na sa akin ha. Tara na baka la mate na tayo"
Sa halip na sumagot ay natahimik ako
bigla. Pakiramdam ko ay tinamaan ako sa pahayag niyang iyon. "Ang yabang
naman nito!" ang nasabi ko sa aking sarili.
"Wala ka bang balak sumakay, ikaw
ang magmamaneho ngayon di ba?" si Antonio na nakangiti pa rin.
"Alam ko, teka bakit may
pangiti-ngiti ka diyan" ang nagtataka kong tanong.
"Wala lang, masaya ako yun lang.
Tara alis na tayo" sagot niya sabay hagis sa akin ng helmet at susi.
Nang makasakay ako sa motor ay agad na
pumuwesto si Antonio sa aking likuran. Nakahawak siya sa bandang likod na
motor. Inumpisahan ko na paandarin ang motor.
Walang kaming imikan habang nasa daan
hanggang sa makarating ng school.
Dahil sa bago lang si Antonio roon ay
nakasunod lang siya sa akin habang naglalakad kami papunta sa aming classroom.
Pagkarating pa lang namin sa corridor
ay sinalubong agad ako ng aking mga kaklase.
"Joshua, long time no see, hindi
ka nagparamdam nung bakasyon ah!" sabi ng kanyang kaklaseng si Tom.
"Ah eh medyo busy lang" ang
naisagot ko lang.
"Busy daw oh, narinig niyo ba yun
mga classmates" si Tom na pumasok sa loob ng room. Agad namang naglabasan
sa pinto ang iba pa naming mga kaklase. Lumapit sila sa akin.
"Alam mo bang ilang beses na kami
natatalo sa DOTA, dahil wala ka." sabi naman sa akin ng isa pa naming
kaklase na si Vic. Hindi naman sa pagyayabang isa ako sa mga magagaling magdota
sa aming section. Sa halos lahat ng pustahan na sinasalihan namin ay laging
panalo dahil sa akin.
"P...P...Pasensya na kayo"
ang paghingi ko na lang ng paumanhin.
"Josh pasok na tayo" ang
pagsabat bigla ni Antonio. Nalimutan ko palang kasama ko siya.
"Oh sino yang kasama mo, wag mong
sabihin na siya ang pinagkaabalahan mo nung bakasyon kaya hindi ka na sumasama
sa amin" si Tom ulit.
"Tol lalaki yan, pero malay niyo
mga classmates tuluyan nang bumigay itong si Josh" sabi naman ni Richard
na nagpatawa sa iba pa naming mga kaklase.
Wala akong nagawa ng mga oras na iyon
kundi ang manahimik na lang. Mahirap na baka
lumaki ang issue lalo na at tungkol ito sa aking tunay na pagkatao. Sa
totoo lang matagal ko nang tinatago ito,
ang tunay na ako.
Kaya ganoon na lang ang pangkakantyaw
ng mga kaklase ko sa akin. First year pa lang ako, napapansin na nila ang aking
mga kilos na di raw normal para sa isang tunay na lalaki, in short may
pagkamahinhin. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan nila ako. Nasasaktan ang aking
damdamin sa halos araw-araw nilang pangungutya. Minsan ay naisumbong ko na sila
sa aming guro pero hanggang pangaral lang sila kaya useless lang. Dahil dito ay
nagpasiya akong baguhin ang aking image. Sinikap kong makisama sa kanila,
sumali sa tropa at makiayon sa anumang gagawin nila. Sa kanila ko natutunan
magcutting classes, umuwi ng gabi at maglaro ng online games at DOTA. Aaminin
ko na nasisiyahan naman ako sa pagsama sa kanila lalo na kapag may gimik.
"Tignan mo tol, hindi sumasagot,
confirmed na. Miyembro ka na ng federasyon." sabi ni Tom na ang actions ay
parang ginagaya ang isang bading.
Sa pagkakataong iyon ay naramdaman ko
na lang ang pag-akbay ni Antonio sa akin. "Halika na pasok na tayo hayaan
mo na lang sila" ang sabi niya sa akin.
Dumeretso kaming pumasok sa loob at
umupo sa mga bakanteng upuan sa likuran. Habang nakaupo ay nanatili lang akong
nakayuko, pakiramdam ko kasi na nakatingin sa akin ang mga kaklase namin lalo
na ng mga lalaki. Hindi ko kasi maatim na tignan nila ako na may kasamang
panghuhusga. Naririnig ko kasi ang mga mahinang pagtawa nila.
Dahil sa katabi ko si Antonio ay hindi
nakaligtas sa kanya ang kakaiba kong kinikilos. Marahil ay nalaman na niya ang
dahilan noon base sa mga nasaksihan niyang mga eksena kanina.
"Josh" sabi niya na ang tono ng boses ay may pag-aalala.
"Ok lang ako" ang sagot ko
sa kanya.
"Matagal na ba nilang ginagawa sa
iyo ito?" ang sunod niyang tanong.
Hindi ako nakasagot. hanggang sa
dumating ang guro namin para sa unang subject.
Puro orientation lang ng subject at
pagpapakilala sa sarili ang ginawa namin. Ganoon din sa mga sumunod naming guro
hanggang sa sumapit ang oras ng recess.Nauna nang lumabas ang aming mga
kaklase.
Habang pinapasok ko ang aking mga
gamit sa bag," Josh sabay na tayong kumain" ang yaya ni Antonio at
pumayag ako. Sabay kaming nagtungo sa canteen.
Nanbg makabili na ng aming kakainin ay
naghanap kami ng mauupuan. Pero natagalan kaming makahanap ng bakante dahil sa
sobrang dami ng estudyante. Marahil ay sabay-sabay ang oras ng aming mga breaktime. Hanggang sa may mapansin akong kumakaway sa
amin na nagsasabing doon kami umupo. Nakilala ko naman kung sino iyon kaya
niyaya ko si Antonio na doon kami pumwesto.
"Halika dito na kayo sakto
kakaalis lang ng mga kasama ko." ang alok ng isa kong kaklaseng na si
Lalaine. Siya ang pinakaclose friend ko na babae sa aming magkakaklase at
masasabi kong napakabait dahil kailanman ay hindi ko nakitang sumama sa mga
nangkukutya sa akin.
"Salamat" sagot ko. Umupo
kami sa tapat ng inuupuan niya.
"Hi Im Lalaine and youre Antonio
right?" si Lalaine habang sabay-sabay kaming kumakain. Inabot niya ang
kanyang kamay bilang pagpapakilala.Ako naman ay patuloy lang sa pagkain.
"Yes" sagot naman ni Antonio
at nagkamayan silang dalawa.
"Ahm, may nickname ka ba para
iyon na lang ang itawag ko sa iyo, no offense ha pero hindi kasi bagay kasi ang
name mo kung pagbabasehan ang looks mo. Gwapo ka kasi eh" ang
napapangiting pahayag ni Lalaine na halatang di napigilang ang paghanga.
"Its ok, hindi lang naman ikaw
ang nagsasabi ng ganyan. You can call me tonton"
"Ok. By the way kaanu-ano mo pala
itong si Josh? ang sunod niyang tanong.
Pinakinggan ko ang mga sinagot niya sa
tanong na iyon.Bago sumagot ay saglit siyang tumingin sa akin.
"Ah, hindi naman kami
magkamag-anak ni Josh. Kami yung bagong nakatira sa kanilang paupahang bahay.
Galing kaming probinsya. Nakapasok ako dito dahil sa tulong ng mga magulang
niya."
"Ganoon, laking probinsya ka,
pero hindi ko agad nahalata ah kasi sa itsura, tindig at porma mo parang dito
ka lang nakatira sa siyudad. At isa pa napakaswerte mo, sobrang mabait talaga
ang mga magulang ni Josh lalo na yung Papa niya sa pagkakakilala ko sa
kanila." si Lalaine. "At isa pa maganda na rin iyong nandito ka para
may makasama siya and at the same time ay may magbantay sa kanya."
"Ano ba yang mga sinasabi mo
Lalaine?" ang naging reaksyon ko.Naalala ko kasing ganoon din ang mga
sinabi sa akin ni Mama at Papa.
"Bakit Josh, may nasabi ba akong
mali? Kung tutuusin masaya ako at may makakasama ka na baka sakaling bumalik na
ang dating Josh na nakilala ko."
Napatingin naman sa akin si Antonio.
Napansin siguro ni Lalaine na nagtataka ito kaya nagsalita siyang muli.
"Ah Tonton, alam mo matalinong
bata yan si Josh. Salutatorian nga iyan noong elementary eh sabi ng mama niya
at laging nasasama sa top nung first year kami. Naging kaibigan ko siya dahil
mabait siya, tahimik lang sa klase at palaaral. Tapos nung second year kami
bigla na lang nagbago yan. Hindi na niya na maintain ang mga grades, nagbabaan
sa lahat ng subjects. Minsan hindi na yan pumapasok after recess at may
pagkakataong nag-aabsent talaga. Impluwensya kasi ng mga kaklase naming
lalaki."
Puro tango lang ang naging reaksyon
niya sa pahayag ni Lalaine, na nagpapahiwatig na malinaw sa kanya ang lahat.
Tumingin siya sa akin, ngumiti at nagsalita. "Kung ganoon, marami pala
akong dapat gawin sa iyo."
Tila nahipnotismo na naman ako sa
pagtingin niya sa akin. Sa ilang sentimetro na pagitan ng aming mga mukha ay
kapansin-pansin ang mala-anghel niyang ngiti. Doon ko lang napansin ang ganda
ng kanyang mga ngipin at mata."
"Uy Josh, baka matunaw na si
Tonton sa pagtitig mo sa kanya." si Lalaine na nagpabalik ng aking ulirat.
"Nahuhumaling lang siya sa akin
sa akin" si Antonio na medyo natatawa. Tumingin ako sa kanya. Nakangiti
siya habang sinisipsip ang softdrinks na may pag iling-iling.
"Ah baka may gusto sa iyo"
ang banat ni Lalaine. Napatingin naman ako sa kanya.
"Ano ako magkakagusto sa kanya,
isang probinsyano"
"Eh ano naman kung probinsyano.
At siya na siguro ang nakatadhana sa iyo upang malaman mo na at ilabas ang
tunay mong pagkatao"
"Lalaki ako Lalaine!"
"Naks naman kung makasagot ka
parang may paninindigan ah. Totoo ba yan?" sagot niya na halatang hindi
kumbinsido sa sagot ko. "Alam ko, sinasabi mo lang yan dahil sa pagkutya
sa iyo ng mga kaklase natin"
Sobrang nasapul ako sa sinabing niya.
Kaya nakaramdam ako ng pagkapahiya kay Antonio dahil alam na niya na hindi ako
ganap na lalaki. Baka kung ano ang isipin niya sa akin. Pwede ring magbago ang
pakikutungo niya sa akin tapos sasama siya sa mga kaklase naming lalaki at
dadagdag sa mga manunukso sa akin. At ang mas kinakatakot ko pa ay ang
posibilidad na makarating ito sa aking mga magulang. Baka itakwil nila ako.
"Oh bakit ganyang ang itsura
mo" si Antonio na napansin yata ang reaksyon ko. "Kung anuman yang
mga bumabagabag sa iyo, huwag kang mag-alala nandito lang ako para sa
iyo."
Tila lumuwag ang dibdib ko sa mga
katagang binitawan niya. Ibig bang sabihin nito ay tanggap niya kung ano ako oh
sinabi lang niya ito dahil sa bilin sa kanya ni Papa. Hindi ko tuloy maiwasang
mabahala ulit.
"Narinig mo ba yun Josh, may
tagapagtanggol ka na, hindi ka na ulit pagkakaisahan ng mga kaklase nating
lalaki. Tonton, aasahan ko ang mga sinabi mo ha mangako ka" si Lalaine.
"I promise" nakangiting
niyang tugon na tinaas pa ang kanyang kamay.
"Ok so tara 15 minutes na lang
next subject na natin." si Lalaine sabay tingin sa kanyang relos.
"Bilisan na natin ang pagkain"
Nang matapos ay sabay-sabay na kaming
lumabas ng canteen at naglakad pabalik sa room.
Itutuloy. . . . . . . . . .
allaboutboyslove.blogspot.com
No comments:
Post a Comment