Wednesday, December 19, 2012

Mahal Kita (21)

by: Daredevil

"Kita ko kay Josh ang pagkadismaya niya sa pagpayag ko dahil sa pagpaunlak ko sa paanyaya ni Trisha. Sana maintindihan niya na walang masama sa ginawa ko. Akala niya nakalimutan ko na yung plano naming pagpunta sa Luneta pero hindi."

"Excited ako dahil ngayon na ang araw na mamasyal kami ni Josh sa Luneta. Kaya gagawin ko ang lahat para matuloy iyon. Mas mahalaga kaya siya sa akin kaysa sa ibang bagay."

"Ginawa ko anglahat ng paraan para makabalik agad. Sa katunayan kung anu-anong alibay ang sinabi ko kay Trisha eh. Napilitan na rin akong pumayag na pagpapicture kasama niya. Handa akong paliwanagan si Josh kung makita niya ang bagay na ito"

"Sa edad kong ito ay kailanman ay hindi pa ako nakapunta ng Luneta. Kaya napakasaya ko ng marating ito. Siyempre nagind doble ito dahil kasama ko si Josh. Pakiramdam ko ay lalong gumaan ang loob ko sa kanya at alam ko ganoon din siya sa akin. Nahihiya ako dahil siya pa ang nanlibre sa akin. Pero lingid sa kanyang kaalaman na parang nakakaramdam na ako ng kakaiba sa kanya. Pinangako ko sa aking sarili na gagantihan ko ang mga ginawa niyang ito sa akin."

"Ang akala ko ay magtutuloy-tuloy na ang magandang pakikitungo niya sa akin. Pero nitong mga nagdaang araw, nagbalik na namn siya sa dati. Kita ko sa kanya na hindi niya nagugustuhan na magkasama kami ni Trisha. Kahit may problema siya sa akin ay hindi niya ito masabi-sabi. Napakamalihim niyang tao. Naiintindihan ko naman siya, kaya kung anu-anong pagpaparamdam na ang ginagawa ko sa kanya para lanmg mag-open siya sa akin."

"Nakumpirma ko sa aking sarili base sa mga ginagawa ni Josh, na pinaglalapit niya kami ni Trisha. Ewan ko pero nakakaramdam ako ng inis hindi sa kanya kundi sa mga actions niya. Ang hirap kasi sa kanya, kahit alam niyang masasaktan siya ay ginagawa pa rin niya ito. Hindi niya alam na ayaw ko rin ng mga ginagawa niya."

"Ang lungkot ko, dumidistansya na kasi sa akin si Josh para kay Trisha. Pinagtabi pa talaga niya kami ng upuan. Ayaw ko ng ginagawa niyang ito. Kaya isang araw nang magkaroon ng pagkakataon, kinausap ko si Trisha at sinabi kong wala akong nararamdaman sa kanya pero pwede naman kaming bilang matalik na magkaibigan. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko iyon pero isa lang ang nasa isip ko, na mas pinahahalagahan ko si Josh."

"Nagalit si Josh sa ginawa ko kay Trisha, marahil naaawa lang siya sa tao pero sana isipin naman niya ang nararamdamamn ko. Hindi naman ako masaya sa ginagawa niya eh tulad ng kanyang dinadahilan. Mas piunapanigan niya si Trisha kaysa sa akin. Hindi ko talaga siya tinigilan para lang mahingi ang kanyang sorry. Talagang hinintay ko pa siya hanggang gabi para lang makipag-usap siya sa akin."

"Unang pagkakataon kong matulog kami ni Josh sa iisang kwarto. Grabe ang sarap sa pakiramdam na katabi mo ang taong special para sa iyo. Sobrang gaan sa pakiramdam. At sa hindi ko inaasahan na may ginawa siya sa akin. Hindi pa naman malalim ang tulog ko para hindi ko maramdaman iyon. Sa totoo lang gusto ko ang ginagawa niya. Usually maiilang ang isang lalaki kapag ginagawa sa kanya ang ganoon pero sa akin, hindi. Parang bukal sa loob ko na magpaubaya. Kaya nakumpirma ko na kung bakit ganoon na lang siya katitig sa akin. Kasalanan ko bang ipanganak na ganito kagwapo, hehehehehe!"

"Bigla na lang siya tumigil sa kalagitnaan ng akng kasarapan. Marahan kong dinilat ang aking mata at nakita kong pumasok siya sa banyo, alam ko na doon na lang niya pinagpatuloy. Kung hihilingin lang sa akin na gusto niyang may mangyari sa amin papayag ako bakit hindi."

"Sa wakas nagkaayos na muli kami ni Josh. Tanggap na rin ni Trisha ang lahat. Naging mabuti ang samahan naming lahat. Madalas na kaming matulog na magkatabi. Pero patuloy pa rin siyang naglilihim sa akin. Ano kaya ang gagawin ko para makumbinse siya?"

"Nagulat ako sa isang taong nag-add sa akin sa FB. Kadalasan kasi ako ang gumagawa noon. Pero sa tingin ko ay mabait naman siya kaya inaccept ko. Ayun nagchat kami. Magaan naman ang loob ko sa kanya kaya nakapag-open ako sa kanya. Nang tanungin niya ako kung may girlfriend ako o someone special, inamin ko sa kanya na meron at sinabi kong magkaiba iyon. Hindi ko lang masabi sa kanya nang deretsahan na ang totoo kong mahal ay ang aking special someone, katabi ko kasi si Josh. Siyempre siya ang tinutukoy ko nun."

"Mahal ko na si Josh, ito na ang aking nararamdaman sa paglipas na mga buwan. Unang pagkakataon kong umibig ng totoo, kakatuwa nga dahil sa isang lalaki pa sa kabila ng pagiging chickboy ko sa aming bayan. Ngayon alam ko na kung ano ang tunay kong pagkatao kaya ganoon na lang kaluwag sa akin ang tanggapin si Josh. Wish ko lang na sana ganoon din ang nararamdaman niya sa akin."

"Alam kong hindi tanggap sa lipunan ang ganitong klaseng relasyon, kaya sinikap kong gumawa ng paraan. Kinausap ko muna si nanay tungkol sa bagay na ito. Nung una nabigla siya dahil hindi halata sa akin ang pagiging silahis ko. Pero ano ba naman ang magagawa niya kundi ang magpaubaya para sa ikaliligaya ko."

"Sa huling pagcontact sa akin ng mga magulang ni Josh, matapos kamustahin ang kanyang pag-aaral, natuwa sila, kahit papaano kasi ay nag-iimprove na si Josh. Ang laki ng pasasalamat nila sa akin. Sobrang saya ko. Kaya I grab the opportunity upang ipagtapat sa kanila ang lahat. Tulad ni nanay ay nagulat silang dalawa. Pero sinabi ko naman sa kanila na hindi ko pa iyon sinasabi kay Josh dahil alam kong wala pa kami sa wastong edad at isa pa ay nag-aaral kami. Ayaw ko namang maapektuhan ang aming pag-aaral. Pinangako ko sa kanila na kapag nagtapos kami ay sisikapin kong maghanap-buhay para buhayin ko siya at makapagsarili kami. Sinabi ko iyon para patunayan sa aking sarili na maganda ang hangarin ko para sa kanilang anak dahil tunay ang pagmamahal ko sa kanya."

"Naging masaya pa ako nitong mga nakalipas na araw. Pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Halos gumuho ang mundo ko, ang aking mga pangarap sa sarili at sa kanya nang marinig ko mismo sa kanyang bibig na hindi niya ako gusto, na hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin. Pakiramdam ko ay pinababa niya ang pagkatao ko sa mga pinahayag niyang katangian sa isang taong magugustuhan niya. Kung sa itsura may laban ako doon pero sa sinabi niyang mayaman. Pinamukha niya sa akin ang estado ng buhay namin ni nanay. Akala ko mahal niya ako dahil sa mga pagtitig niya sa akin pero nagkamali ako. Ako lang pala ang nagmahal sa kabila ng effort kong pinakita sa kanya."

"Ang sakit grabe, ngayon lang ako nabusted ng ganito. Unang pagkakataon kong magmahal pero nasawi agad. Hindi ko siya kayang harapin, ayaw ko munang magpakita sa kanya hanggat hindi pa naghihilom ang sugat na idinulot niya sa aking puso. Wala akong lakas ng loob na sabihin kay Margarette ang lahat sa aming huling pagchat dahil hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ako. Naging karamay ko lang nanay sa aking kalungkutan."

"MAHAL KITA, ito ang gusto kong ipaalam sa iyo noon pa ngunit malabo na masabi ko pa ito dahil sa mga nangyari. Siguro dapat sanayin ko na ang aking sarili na mag move-on."

Mistulang isang bomba na nagpasabog sa aking puso ang mga rebelasyon aking nalaman sa nabasa. Ngayon ko nalaman ang lahat ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat. parang gripo ang pag-agos ng aking mga luha sa mga oras na iyon na walang tigil. Matagal na pala akong mahal ni Tonton. Ako pala ang tinutukoy niyang special someone. Ngayon ko lang napagtanto ang kanyang mga pahiwatig sa akin na manhid daw ako, na hindi ko inaalala ang kanyang nararamdaman ang pagpapakita niya ng kabaitan at pagkasweet sa akin.

Pinatong ko sa mesa ang kanyang journal, sinulyapan ko siyang muli at kinausap habang mahimbing pa rin na natutulog. "Tonton, hindi ko akalain na sa kabila ng lahat, sa hindi ko naman kgwapuhan ay magugustuhan mo ako at mamahalin. Kung alam mo lang na noon pa ay minahal na rin kita pero natatakot akong sabihin sa iyo na baka magbago ang turing mo sa akin o kaya mawala ang ating pagkakaibigan pero nagkamali ako. Dahil sa maling akala ko na may iba kang mahal ay doon pala magtatapos ang ating pagkakaibigan. Patawarin mo ako sa mga nasabi ko sa iyo. Totoo, nagdeny lang ako, itinanggi ang totoo kong nararamdaman. Kung maibabalik ko lang ang oras, pipilitin kong ituwid ang lahat."
______
"Alam mo na pala ang lahat" sabi ng nanay ni Tonton nang mag-usap kami pagkauwi ko sa bahay.
"Hindi ko po akalain eh. Ako rin po mahal na mahal ko po si Tonton." sagot ko naman na naiiyak pa rin."Kaya pala ganoon na lang ang pag-iwas niya sa akin nitong mga nakaraan"
"Iho, nang ikwento sa akin ng anak ko yan, umiiyak din siya tulad mo. Nabigla kasi siya sa mga sinabi mo eh.Kung alam mo lang ang mga plano niya sa iyo kung magkatuluyan kayo."
"Pakiramdam ko hindi ko kayang harapin siya, dahil masakit din sa akin ang ipakita niya ang kanyang galit."
"Sir Josh, gusto mo bang kausapin ko siya para sa iyo?"
"Ganoon po Tita, salamat po." hindi ko napigilang yakapin ang kanyang ina sa kauna-unahang pagkakataon.
"Noon pa man na dumating kami ni Tonton sa pamilya niyo, itinuring na kitang anak." medyo nauutal niyang pahayag marahil sa naiiyak na rin siya.
"Ngayon ko lang po nalaman na napakabuti niyong tao ni Tonton. Sana patawarin po ninyo ako sa mga inasal ko sa inyo"
______
"Josh, ano nangyayari sa iyo, parang wala ka sa sarili mo ah" si Lalaine. "At teka, wala pa rin si Tonton"
"Oo nga, nakakapagtaka, first time niyang mag-absent." si Trisha.
"Sa palagay ko hindi siya papasok. Pagkaalis ko kina Lalaine kagabi ay dumeretso ako sa bahay nila. Naglasing siya kagabi" ang walang kagana-gana kong sagot sa kanila.
"Lasing! Umiinom pala siya, hindi halata sa personality niya ah" si Trisha.
"Oo, alam ko dahil sa sama ng loob niya sa akin iyon. Kaawa-awa nga ang nakita kong itsura niya. Kung makikita niyo lang siya talagang maninibago kayo."
"Talaga, bakit kaya nagkaganoon siya?" si Trisha.
Napabuntong-hininga muna ako bago sumagot. "Alam ko na ang lahat" ang sabi ko sa kanila. "Habang natutulog siya kagabi nabasa ko ang kanyang journal"
"Hala, mali yan friend, privacy ng ibang tao yan pinakialaman mo" si Lalaine.
"Hindi ko na inisip pa iyon dahil sa mga bumabagabag sa akin. Halos masiraan nga ako ng ulo sa mga nabasa ko doon eh"
"Bakit ano ba ang mga nakasulat doon?"

Tumingin lang ako sa kanilang dalawa na naghihintay ng aking sagot. Pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

Itutuloy. . . . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com

No comments:

Post a Comment