by: Daredevil
Part 13
"Ayoko Dad, hindi ko siya
pakakasalan." ang matigas na pagtanggi ni Mike. Tumingin siya sa akin.
"Ric, hindi ito totoo, maniwala ka"
"Wala ka nang magagawa anak, naka
set na ang kasal niyo in the next two months. Kahihiyan ito ng pamilya natin
kapag hindi ito natuloy!" ang galit pa ring si Mr. Chua.
"Makasarili kayo Dad, puro pera
at sarili mo lang ang iniisip mo, binabalewala mo na ako bilang anak mo. Basta
walang kasalang magaganap" sagot ni Mike sa kanyang ama.
Lalong tumindi ang galit ni Mr. Chua
base sa nakikita ko sa itsura ng mukha niya ngayon.
"Sige Michael, panindigan mo pa
rin ang kabaliwan mo, tignan lang natin ang mangyayari sa mga susunod na
araw." ang nagbabantang pahayag ni Mr. Chua sabay labas ng opisina kasama
si Cynthia.
"Huwag kang matakot Ric, ako ang
bahala, kahit anong mangyari ipagtatanggol kita" sabi ni Mike pagkaalis ng
ama.
Halos naiiyak na akong yumakap sa
kanya.
"Mike, salamat. Ngayon alam ko na
kung gaano mo talaga ako kamahal at ngayon Its my turn naman para ipakita sa
iyo na kaya rin kitang ipaglaban gaya ng ginagawa mo sa akin. Alam kong may
masamang balak siya sa akin pero
pinapangako ko na buong tapang ko itong haharapin." sabi ko sa kanya.
Kahit papaano, nagkaroon na ako ng lakas na loob na harapin ang problema dahil
sa paninindigang pinakita ni Mike sa kanyang ama.
"Tama Ric, ganyan dapat, huwag
kang mag-alala nandito lang ako palagi na susuporta at magmamahal ng buong puso
sa iyo pangako" sagot niya na nakangiti. Kita ko sa mga mapupungay niyang
mata ang katotohanan sa mga sinasabi nito.
Buong araw akong binantayan ni Mike sa
opisina habang nagtatrabaho. Kapag oras ng break, siya ang nagkukusang bumili
ng kakainin namin sa labas. Hindi ako nakakaramdam ng stress at saglit napapawi
ang mga pangamba dahil kinukuwentuhan niya ako ng kung anu-anong kalokohan na
dahilan upang matawa ako.
Halos dalawang linggo na ganito ang
set-up namin ni Mike sa bahay at opisina. Kahit papaano nagiging masaya ako.
Iniisip ko na nga na para talaga kaming mag-asawa. Doon pa rin siya tumutuloy
at natutulog sa aking bahay pero hanggang doon lang iyon. Wala pa kasing
nangyayaring sex sa amin. Minsan gumagala kami sa mall at nanonood ng sine.
Siyempre hindi mawawala ang inuman kasama ang iba ko pang mga kaibigan na sina
Althea, Nica at Bea.
Saktong sampung araw ang lumipas mula
nang sumugod sa opisina si Mr. Chua
kasama si Cynthia nang makatanggap ako ng isang notice galing sa kanya.
Binabawi niya ang lahat ng mga shares niya sa at ititigil na rin ang pag-invest
sa kompanya. Inaasahan ko na rin na gagawin niya ito. Pero hindi ko pa rin
maiwasang kabahan na baka tuluyan nang bumagsak at mawala ang lahat ng aking
pinaghirapan.
Ilang araw pa ang lumipas nang
maramdaman ko na ang epekto ng ginawang niyang pagpaparusa sa akin. Wala nang
mga bigating negosyante ang nag-iinvest at nagsponsor sa kompanya, marahil ay
naimpluwensiyahan na sila ni Mr. Chua. Bumagsakat nalugi na rin ang sales.
Kahit ganito ang nangyari ay hindi ito
naging hadlang sa pagmamahalan namin ni Mike. Kaya hindi pa rin ako sumuko.
Isang araw, lakas-loob kaming nagpunta ni Mike para kausapin ang kanyang ama.
"Sir, mawalang-galang po, pero
hindi naman po tama na idamay ninyo ang kompanya sa ginagawa ninyong
pagpaparusa sa akin." ang matapang kong sinabi nang magkaharap kaming
tatlo.
"Aba e sino ba ang may-ari di ba
ikaw?" ang medyo natatawang insultong sagot niya sa akin.
"Ako nga po, ngunit hindi niyo po
ba iniisip ang mangyayari sa mga empleyado. Kapag tuluyang na itong magsara
paano na langpo sila, ang kanilang mga pamilya. Sana huwag mo na lang sila
idamay kahit ako na lang"
"Alam mo naman pala iyon, e dapat
sumunod ka sa gusto ko. Sana noon mo pa inisip yan" si Mr. Chua.
"Dad please naman, payagan niyo
na po ang aming relasyon" ang pagmamakaawa na ni Mike.
"Shut up, alam mo ba na napahiya
ako dahil sa iyo. Nag-iisa kong anak na lalaki, ay nagmahal ng kapwa Nakakadiri
ka" ang pasigaw na niyang pahayag sa anak.
Kita ko kay Mike ang sobrang
pagtitimpi. Alam kong pinipigilan lang niya ang sariling galit sa sinabi ng
ama.
"Ricardo, kung iniisip mo ang
kapakanan ng mga tauhan mo, may iba pa namang paraan, nakikita mo naman ang
unti-unti nang pagbagsak ng kompanya kaya para hindi ito tuluyang magsara sa
sobrang pagkalugi ay ibigay mo na lang ito sa akin." sinabi ulit ni Mr.
Chua na nagpagulat sa akin.
Halos manghina na ako ng mga oras na
iyon. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman
ko. Bigla namang nagsalita si Mike.
"Sumosobra na kayo Dad, kung
iyang ang gusto mo, sige ibibigay na sai yo ni Ric ang buong kompanya pero ito
ang tatandaan mo. Kahit ano pa ang gawin mo, hinding-hindi kami matitinag at
walang sinuman ang makapaghihiwalay sa amin. Tara na Ric, umalis na tayo
dito" Sunud-sunuran na lang ako sa kanya.
Sa kotse, "Mike, tama ba yung
naging desisyon nating ibigay na lang ang pamamahala sa kompanya sa Dad mo.
Parang hindi ko matatanggap na mabalewala ang lahat at mawala ang lahat sa
akin." ang medyo naiiyak ko nang pahayag sa kanya.
Huminto siya sa isang gilid ng
kalsada. Pagkatapos ay tumingin sa akin, pinahid ang mga munting luhang namumuo
sa aking mga mata at hinawakan ang aking mga kamay. "Babe, huwag kang
mag-alala, isipin mo na lang na isa itong pagsasakripisyo para sa kapakanan ng
mga nakararami. Kapag si Dad na ang mamamahala, sigurado akong walang mawawalan
ng trabaho. Alam kong maghihirap ka, pero nandito naman ako para tulungan
kitang makapagsimula ulit. Dapat ipakita natin kay Dad na kaya nating
bumangon"
"Maraming salamat" at
tuluyan na akong humagulgol at yumakap sa kanya.
Ilang araw pa ang lumipas at tuluyan
ko nang ibinigay ang pamamahala sa kompanya kay Mr. Chua. Binenta ko na ang
aking bahay at humanap ng mas maliit na matitirhan para makatipid. Hindi naman
kalakihan ang mga naipon kong savings at perang pinagbentahan ng bahay. Iniisip
ko na rin ang gagawin ko para hindi agad ito maubos. Sa tulong ni Mike,
nakahanap kami ng isang bahay sa probinsya.
"Wow, ang ganda naman dito,
hmmmmm ang sarap langhapin ng simoy ng hangin. Sa wakas naramdaman ko na ang
kapayapaan" ang pagkamangha ko at pagkatuwa nang puntahan namin ang lugar.
"Salamat at natuwa ka, dito tayo
magsasamang dalawa, at magsisimula ulit" sagot ni Mike, Inakbayan niya
ako. Maya-maya niyaya na niya akong pasukin ang loob.
"Ano ayos lang ba ang
bahay?" ang tanong niya sa akin.
"Tama lang ang laki nito para sa
dalawang tao. Pero teka bakit isa lang yata ang kwarto"
"Isa rin ang kama na nasa loob.
Siyempre magkatabi tayong matutulog. Hindi na kasi ako sanay na matulog ng
walang kayakap sa gabi" si Mike na may nakakalokong ngiti.
"Sabihin mo, gusto mo lang akong
tsansingan." biro ko sa kanya.
"Buti naman alam mo" ang
natatawa niyang tugon.
Nagulat na lang ako sa sunod niyang
ginawa. Binuhat niya ako na parang isang sanggol at pinasok sa kwarto. Sabay
kaming bumagsak sa kama, ang resulta, napailalim ako sa kanya. Nagtapat ang
aming mga mukha. Muli parang nahipnotismo ulit ako sa mga titig ng mga
mapupungay niyang mata. Maya-maya hinubad niya ang suot na t-shirt. Nakita ko
ulit ang kanyang matipunong katawan. Bigla naman akong tinigasan na agad niyang
napansin dahil nakaumbok na ito sa aking suot na pantalon.
"Babe,alam kong matagal mo nang
pinagpapantasiyahan ang katawan ko, kaya ngayon nandito ako sa harap mo at iyong-iyo,
malaya mo nang magagawa ang gusto mo sa akin. Pero ako muna ang mauuna. Sobrang
nanggigil na ako sa iyo." si Mike.
Bigla naman akong nag-init ng mga oras
na iyon. Muli nakaramdam na naman ako ng libog sa katawan tulad sa mga dati
kong nakarelasyon. Sa araw na iyon buong puso kong pinagkaloob sa kanya ang
aking sarili.
Tuluyan nang hinubad ni Mike ang
natitira pa niyang suot na pantalon. Kita ko na tigas na tigas na rin pala ang
ari niya. Siya na ang naghubad ng lahat ng suot ko at napapapikit na lang ako
sa ginagawa niyang pagroromansa sa akin.
Itutuloy. . . . . . . . .
Part 14
Masaya ako sa gabing iyon. Sa
kauna-unahang pagkakataon, nalasap ko ang sarap ng pakikipagsiping na kailanman
hindi ko naranasan sa mga nauna kong
nakarelasyon lalo na't galing iyon sa taong totoong nagmamahal sa akin.
Buong-buo ko ibinigay sa kanya ang aking sarili.
Kinabukasan, nagising ako nang wala si
Mike sa aking tabi. Agad akong tumayo para hanapin siya. Nakita ko na lang siya
sa may bakuran na nakaupo lang. Nilapitan ko naman siya at tinabihan.
"Babes, gising ka na pala masarap
ba ang tulog mo?" si Mike nang makita niya ako.
"Oo, at hindi lang yan yung
nangyari sa atin kagabi" ang pabiro kong sagot sa kanya.
"Ikaw talaga, masyado kang
malibog" ang matawa-tawang pahayag niya.
"Aba ako pa ang malibog e sino ba
ang naunang gumawa ng move sa ating dalawa"
Umakbay siya sa akin. "Alam mo,
nagpapasalamat ako sa pagpapaubaya ng katawan mo sa akin. Noon ko pa talaga
pinagnanasaan yan. At saka yung ginawa mo sa akin, napaka heavenly ng
feeling" seryosong paglalahad ni Mike.
"Tama na nga yan, baka kung saan
na naman mauwi ito. Mabuti pa pagplanuhan natin ang itatayo nating
negosyo." ang pag-iiba ko ng usapan.
"May naisip na ako, tutal malapit
lang naman tayo sa dagat, magtinda tayo ng isda. Ako ang manghuhuli, ikaw naman
ang magbebenta. Gagawa na lang ako ng bangkang gagamitin." suggestion ni
Mike.
"Magandang ideya yan. Dapat
mag-umpisa na tayo agad." ang pagsang-ayon ko sa kanya.
Habang kumakain kami ng agahan, may
tumawag sa aking cellphone.
"Hello Bea"
"Ricardo, ano na balita saan na
kayo nakatira ni Mike. Gusto naming bisitahin kayo diyan." sagot ni Bea.
"Oo ba. Nandito kami ngayon sa
Batangas. Papasundo ko na lang kayo kay Mike."
"Ok friend, pupunta na kami diyan
sige bye"
Matapos kumain, umalis na si Mike para
sunduin ang aking mga kaibigan sa Maynila. Hapon na nang makarating sila.
"Wow, friend, ayos tong tirahan
niyo ah, simple pero maganda." ang pagkamangha ni Bea nang makita ang
bahay.
"Infairness ang galing ni Mike
pumili ah, napakaswerte mo na sa kanya friend." si Nica.
"At kayo lang dalawa ang nakatira
dito. Hmmm, aminin mo na friend, nagchurvahan na kayo." ang matawa-tawang
pahayag ni Althea.
"Tumigil nga kayo diyan" ang
nahihiya kong sabi sa kanila.
Nagulat naman ako nang yakapin ako ni
Mike sa likod at sumabat sa usapan. "Bakit ka mahihiya kung totoo
naman?"
"Oh My Gush friend, hindi ka na
virgin. Congratulations sa iyo." si Bea.
"Pasok na nga kayo, naghanda na
ako ng makakain niyo" ang pag-iiba ko nang usapan. Nangamatis na ang mukha
ko sa sobrang hiya.
Marami pa kaming napag-usapan habang
kumakain. Kinuwento namin sa kanya ang lahat ng nangyari sa kompanya pati na
rin ang mga plano na negosyo namin. Hanggang sa mauwi sa katuwaan at kaunting
inuman. Pasado 10pm na nang umalis sila.
Isang buwan na ang lumipas, naging
maayos naman ang set-up namin ni Mike sa aming bagong tirahan. Nagsisimula nang
lumago ang aming negosyo. Pero kahit abala, hindi pa rin nawawala ang aming mga
private moments tulad ng pamamasyal sa kabayanan at higit sa lahat ang sex.
Akala ko magtutuloy-tuloy na ito, nang
may masagap akong balita mula sa isa sa mga bumibili ng isda sa amin.
"Ricardo, ang ganda pala ng
kasintahan ng kasama mo. Sa tingin ko isa siyang mayaman. Parang sweet nga kasi ang saya-saya nila."
Hindi ko siya agad pinaniwalaan. Ang
alam ko kasi ay nangingisda siya ngayon. "Paano naman po kayo nakakasiguro
sa sinasabi niyo sa akin?" ang paniniguro ko.
"Mukha ba akong sinungaling.
Hindi ako pwede magkamali, kung gusto mo
tanungin mo ang mga kasama niyang mangingisda na naglalaway na rin sa
babaeng kasama niya."
Nagsimula na akong nabahala. Parang
alam ko na ang babaeng tinutukoy niya. Medyo nakaramdam rin ako ng selos sa mga
oras na iyon. Kaya nang maubos ko ang aking mga paninda ay nagmadali akong
umuwi para kumprontahin si Mike.
Papasok pa lang ako ng bakuran nang
bigla akong mapahinto. Halos manigas ang buo kong katawan sa sobrang galit sa
aking nakita. Si Mike, may kasama ngang babae at parang ang saya nilang
nag-uusap. Magkatabi pa sila sa sementadong upuan malapit sa malaking puno ng
mangga. May payakap-yakap ang babae sa kanya na parang ineenjoy pa nila. Lumapit pa ako nang kaunti para kilalanin ang
kung sino ang babaeng ito. Kumpirmado nga ang aking hinala na si Cynthia ito.
Maraming tanong ang agad na pumasok sa isip ko. "Bakit siya nandito?"
"Sila ba talaga ni Mike?" Inisip ko na rin ang posibilidad na baka
matuloy na ang kasal nila. Hindi ko na nagawang lapitan pa sila bagkus, tuluyan
akong tumakbo palayo doon hanggang sa makarating ako sa tabing-dagat. Doon ako
nagsimulang humagulgol.
"Mauulit na naman ba, ang
masaktan muli dahil sa pag-ibig. Wala na ba akong karapatang lumigaya?
Kasalanan ko naman kasi, nagpatalo ako sa tukso. Ang tanga ko Mike, niloloko mo
lang ako. Isinuko ko ang lahat ng karangyaan maipaglaban ang pagmamahal ko
tapos ito pa ang gagawin mo."ang naiiyak ko nang sabi sa sarili ko. Naupo
na lang ako sa buhanginan.
Ilang minuto na akong humahagulgol
habang sapo-sapo ng mga kamay ang aking mukha nang may humaplos sa aking ulo.
Unti-unti kong inangat ang aking mukha para alamin kung sino iyon. Nagtama ang
aming mata, nagkakatitigan. Maya-maya inabutan niya ako ng panyo.
Itutuloy. . . . . . . . .
Sa halip na kunin ko ang inaalok niya
ay niyakap ko siya habang humahagulgol. Sa oras na iyon, hindi ko na inisip ang
biglaan niyang pagsulpot dito at kung paano niya nalaman ang lugar na ito. Ang
mahalaga ay nandito siya, bilang kaibigan. Nagpapasalamat ako kahit papaano ay
may karamay ako sa aking pagdurusa.
"Sige ilabas mo lang yan"
sabi niya sa akin habang hinahagodang aking likuran.
"Bakit lagi na lang ganito ang
nangyayari sa akin, Allan? Sa lahat ng relasyong pinasukan ko, ito ang
pinakamasakit. Ang tanga-tanga ko talaga, masyado akong naging mahina, madaling
matukso" ang umiiyak ko pa ring pahayag.
"Huwag mong sisihin ang sarili
mo, tao ka lang na nagkakamali rin at nagmamahal."
"Tama ka, isang malaking
kahibangan ang pagpili ko kay Mike, ang ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya.
Isinuko ko ang lahat ng aking pinaghirapan, tapos ito ang kapalit"
Nakatingin lang siya sa akin.
Kumalas na ako sa pagkakayakap sa
kanya at nagpatuloy. "Alam mo sobrang nadala na ako. Hindi ko siguro na
kakayanin pa sa susunod na mangyari ulit ang ganito."
Pinunasan niya ng dala niyang panyo
ang mga luha sa aking mukha."Tama na yan, ayokong nakikita kitang ganyan.
Nasaan na ang nakilala kong Ricardo na malakas, masayahin, may paninindigan at
determinasyon."
Naisip ko na may punto siya. Hindi
dapat ako nagkaganito dahil sa pag-ibig, kahit pang ilang beses na akong
nabigo. Nasaan na ang pangako ko sa sarili noon na hindi na ako magpapatalo sa
tukso.
"Salamat Allan, kahit papaano,
gumaan ang pakiramdam ko." ang nakangiti ko nang sabi sa kanya. Sinalaysay
ko sa kanya ang buong pangyayari na naging dahilan ng paghihinagpis ko.
Matapos ng mahabang usapan, nagpasiya
na akong umuwi. Sinamahan ako ni Allan. Habang naglalakad kami pabalik, hindi
ko maiwasang kabahan, para bang may hindi magandang magyayari. Napansin niya
ang pagkabahala ko.
"Ayos ka lang ba?" ang
tanong ni Allan sa akin.
"Huwag kang mag-alala OK lang
ako."
Nang makarating, "Halika Allan,
pasok ka muna. Pagtitimpla kita ng kape" ang pagyaya ko sa kanya.
Napansin ko namang wala si Mike. Hindi
ko rin nakita ang kanyang kotse sa labas. Naisip ko na magkasama sila ni
Cynthia. Kahit nasasaktan, pinakita ko naman ang maayos na pag-entertain ko kay
Allan bilang bisita.
Ilang minuto pa lang kaming nag-uusap
nang may marinig akong taong pumasok. Alam ko na agad na si Mike iyon. Kita ko
ang pag-iba ng timpla ng kanyang mukha nang makita si Allan.
"Bakit ka nandito?" ang
pagalit niyang tanong.
Sasagot na si Allan nang bigla akong
nagsalita. "Bisita ko siya Mike."
"Bisita, hindi ako naniniwala,
talagang sinusundan ka niyan. Ikaw naman Allan, di ba nag-usap na tayo na
lalayuan mo na si Ricardo. Pero ngayon, sinusundan mo siya. Paano mo nalaman
ang lugar na ito?" ang sunud-sunod niyang tanong.
"Hindi ko pa nakakalimutan ang
kasunduan natin at nangako sayo na hindi na ako magpapakita sa kanya. Pero sa
tingin ko tama lang na puntahan ko siya dito. Kailangan ni Ricardo ng karamay
ngayon." ang sagot ni Allan.
"Karamay, a..a...ano ang ibig
mong sabihin?" si Mike na medyo naguguluhan na.
Muli pumatak na naman ang aking mga
luha ngunit nakaya ko pa ring makapagsalita sa kanya ng deretso. "Mike,
tama si Allan. Nagpapasalamat ako at dumating siya. Kahit papaano, gumaan ang
pakiramdam ko"
Biglang naglaho ang galit ni Mike nang
makita niya ang aking pag-iyak. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa aking harap,
palibhasa nakaupo ako. "May problema ka ba babes? Hindi mo na kailangang
ipaalam mo pa ito sa ibang tao. Narito naman ako"
Akmang hahaplusin niya ang aking
pisngi nang pigilan ko ito. Tinabig ko ang mga kamay niya. "Tama na Mike.
Hindi ka makakatulong dahil ikaw! Ikaw ang problema ko." ang napalakas
kong pahayag. Hindi ko na napigilan pa ang aking emosyon.
Tumayo ako at nagpatuloy. "Alam
mo Mike, nagsisisi ako. Nagpakatanga ako. Hindi ko napanindigan ang pangako ko
sa sariling hindi magpatalo sa tukso."
"Teka, hindi ko
maintindihan" si Mike na tumayo na rin na nakaharap pa rin sa akin.
"Isang malaking pagkakamali ang
ginawa kong desisyon, ang piliin ka, ang ipaglaban ang pamamahal ko sa iyo
kapalit ng lahat ng mga pinaghirapan ko. Hindi naman lingid sa kaalaman mo ang
mga masasakit kong karanasan sa mga nauna kong karelasyon. Isa ka rin pala sa
kanila."
"Babes, kung tungkol ito kay
Cynthia, magpapaliwanag ako. Please, pakinggan mo naman ako" si Mike na
nagmamakaawa na.
"Ayoko na, masyado na akong
nasaktan. Siguro, kailangan ko munang lumayo."
"Hindi!. Hindi! ako papayag.
Pakiusap, pag-usapan natin ito. Alam kong maaayos natin itong dalawa." si
Mike.
"Tama siya Mike, kailangan niyang
lumayo para makapag-isip at para makapag move-on. Masyadong masakit sa kanya
ang mga nangyari." ang pagsabat ni Allan.
"Huwag kang magsalita, hindi kita
kinakausap!" ang galit na sabi ni Mike kay Allan.
"Pwede ba Mike, tumigil ka na.
Allan, hintayin mo na lang ako sa labas. Mag-iimpake lang ako ng aking mga
damit. Ilayo mo ako dito" sabi ko sa kanilang dalawa.
Agad akong pumunta ng kwarto. Habang
nilalagay ko ang aking mga damit sa isang bag, hindi naman tumitigil si Mike na
suyuin ako.
"Babes, please wag kang umalis.
Hindi ko kaya na mawala ka. I love you"
"I love you mo mukha mo! Hindi mo
na ako mapipigilan pa. Ayaw mo ba nun, malaya na kayong magsasama ni Cynthia.
Madalas na kayong makakapaglampungan sa gabi." ang pangbabara ko sa kanya.
"Hindi babes, sayo ako masaya.
Mali lang ang naging interpretasyon mo sa mga nakita mo sa amin ni Cynthia
kanina." ang pangangatwiran niya.
"Aba ako pa yata ngayon ang mali.
Kung ikaw ang nasa katayuan ko ngayon, ano ang mararamdaman mo kapag nakita mo
ang mahal mong may kasamang iba at sweet sa isat-isa, na masayang
nagyayakapan."
Hindi siya agad nakasagot sa sinabi
ko. Parang tinablan siya.
"Ano di ka makasagot? Tama ako di
ba. Kaya pwede ba, wag mo akong pigilan"
Nang matapos sa pag-iimpake. Binuhat
ko na ang aking bag. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kwarto nang bigla niya
akong niyakap at hinalikan. Pilit nilalayo ko naman ang mukha niya sa akin sa
pamamagitan nag pagtulak ko sa kanyang ulo. Ngunit sadya siyang malakas, di
hamak na mas malaki ang pangangatawan niya sa akin kaya nagawa niya ang kanyang
gusto. Wala na akong nagawa kundi tumugon.
Napaupo na lang kami sa kama.
"Babes, please inuulit ko, wag kang umalis." sabi ni Mike matapos ang
aming halikan.
"Mike saka pagbigyan mo muna ako
sa aking kahilingan. Kung magpapatuloy pa ako dito, lagi kong maalala ang
sakit, ang kalungkutan."
"Babes natatandaan mo ba ang
nangako tayo sa isat-isa na hindi bibitaw na ipaglalaban ang ating
pagmamahalan. Nasaan na ang pangako na iyon?" tanong ni Mike.
"Itanong mo yan sa sarili mo.
Sige Mike, kailangan ko nang umalis." sabi ko sa kanya sabay takbo palabas
ng pinto. Sakto namang nasalubong ko si Allan sa sala.
"Halika na, pupuntahan na sana
kita e" si Allan.
"Sige tara na. Bilisan
natin." sabi ko sabay bigay ng bag.
Nagmadali kaming lumabas at pumasok sa kanyang kotse.
Habang papalayo ang kotse, nakikita ko
si Mike, na tumatakbong tinatawag ang aking pangalan. Nang tuluyang hindi
makahabol, napaupo na lang siya sa kalye. Naluha muli ako marahil sa awa sa
nakikita ko sa kanya. Pero kailangan kong panindigan ang aking desisyon.
Itutuloy. . . . . . . .
allaboutboyslove.blogspot.com
No comments:
Post a Comment