by: Daredevil
Dumaan pa ang mga buwan, tuloy-tuloy
pa rin ang aking buhay bilang isang modelo. Dahil sa trabaho kong ito ay
nakabili na ako ng bagong kotse at house and lot sa isang subdivision dito sa
Manila. Nagsimula na rin akong magtabi ng pera para sa plano kong pagpapatuloy
ng aking pag-aaral.
Si Jerome naman ay panay ang pagdalaw
sa akin. Napapansin ko nga na halos linggu-linggo na siya nandito sa amin.
Dahil sa pagtataka kong ito ay tinanong ko na siya isang araw habang kumakain
kami ng tanghalian.
"Jerome, mukhang napapadalas ka
na dito ah, baka matanggal ka na sa trabaho mo" sabi ko sa kanya.
"Dont worry, ako ang bahala"
ang kampante niyang sagot.
"Ayaw mo ba nun anak, may
kaibigang dumadalaw sa iyo dito." ang pagsabat ni nanay.
Hindi na ako sumagot pa kahit puno ng
pagtataka ang aking utak. Parang may tinatago si Jerome sa akin. Gayunpaman ay
wala naman akong nakikitang masama kaya hindi ko na ito binigyang pansin pa.
Lumipas pa ang mga buwan ay sumapit na
ang pagtatapos ng aking kontrata. Dahil sa magandang performance ko ay inalok
pa nila akong magrenew ng kontrata ngunit tinanggihan ko na ito dahil sa balak
kong mag-aral muli.
Isang linggo pa ang dumaan at sumapit
ang isang espesyal na araw sa buhay ko, ang aking kaarawan. Kaya samut-saring
pagbati ang aking natanggap mula sa aking mga taga-hanga.
Sa aking ginawang fanpage sa isang
networking site, binasa kong pahapyaw ang kanilang mga mensahe sa akin. May mga
bumabati, pumupuri at nagtatanong kung tuluyan ko na nga bang iiwan ang
pagmomodelo. Nagpost na lang ako ng isang mensahe na naglalaman ng aking
pasasalamat sa kanila.
Sa araw ring iyon ay napagdesisyunan
naming maghanda ng isang malaking salusalo bilang pagdiriwang sa aking
kaarawan. Ginanap ito sa garden ng aming bahay. Inimbitahan namin ang lahat ng
mga kakilala kabilang ang mga kasamahan ko sa trabaho.
Bago mag-umipsa ang selebrasyon ay
isang mensahe ang aking inabot sa kanila.
"Maraming salamat po sa lahat ng
mga dumalo at nakikisalo ngayong gabi. Ang selebrasyong ito ay hindi lang po
para sa aking kaarawan kundi bilang pasasalamat na rin sa naging pagsuporta
ninyo sa akin. Kaya enjoy the night!"
Matapos noon ay sabay-sabay naming
tinaas ang aming mga basong may wine at nagcheers sa bawat isa.
Nag-umpisa na ako sa pag-entertain ng
aking mga bisita. Kahit tapos na ang aking kontrata, hindi pa rin nawala ang
mga nagpapaautograph at nagpapapicture, siguro para lang may remembrance sila.
Ilang minuto pa ang lumipas nang
dumating si Jerome kasama ang ilang mga kasamahan niya sa kompanya na naging
katrabaho ko rin noon.
"Jerome, buti naman at nakarating
ka na." pagsalubong ko sa kanya.
"Oo at gaya ng bilin mo, sinama
ko ang ilan sa mga nakatrabaho mo noon." sagot niya.
"Rico, nice to meet you" ang
sabi nila sabay nakipagbeso sa akin.
"Halina kayo at ksabay-sabay na
tayong kumain" ang sabi ko sa kanila.
Nagsimula na silang mag-usap habang
kumakain. Isa-isang nagsalita ang mga kasama ni Jerome samantalang ako ay
nakikinig lang sa kanila.
"Rico, ang layo na ng narating
mo, mahirap nang mareach."
"Oo nga, hindi ko akalain, na
magiging modelo ang isang dating empleyado ng kompanya."
"Hindi na nakakapagtaka, eh ang
gwapo naman talaga nitong si Rico"
"Tama, saka yung katawan niya
hayyyyy"
Ngumiti na lang ako sa kanila. At
nagpatuloy sila.
"Uy! mahiya ka naman baka isipin
ni Rico eh pinangnanasaan mo siya"
"Parang ganun na nga" at
nagtawanan kaming lahat.
Maya-maya'y napansin ko si Jerome na
parang di mapakali at panay ang tingin sa kanyang cellphone. "Jerome may
problema ba?" ang tanong ko sa kanya.
"Ah eh wala naman." sagot
niya sa akin sabay ngiti.
"Sigurado ka, kasi napapansin ko
kanina ka pa text ng text at patingin-tingin sa cellphone mo."
"Ahm, salamat sa pag-aalala pero
wala ito. Teka pala may pupuntahan lang ako saglit. Babalik ako agad."
"Ok" ang sagot ko pero
nananatili pa rin ang pagtataka sa isip ko sa nakikita sa kanya.
"Ha! kakarating mo lang ah."
"Importante lang sige mga kasama
alis muna ako saglit." paalam din niya sa kanila.
Tumungo sila bilang pagsang-ayon.
"Sige Rico, see you later"
Napansin ko ang tila pagmamadali niya.
"Ok." ang naisagot ko na
lang. Mabilis siyang naglakad palabas.
Sinamahan ko sa pagkain ang mga
naiwang kasamahan ni Jerome. Nagpatuloy pa ang masayang kuwentuhan. Kung
anu-anong topic ang aming napag-usapan kabilang ang mga di malilimutang
karanasan at lovelife. May mga kantyawan din sa isat-isa at ako man ay hindi
nakaligtas sa kanila.
"Ikaw naman magkuwento Rico
tungkol sa lovelife mo"
"Tol, sure akong masaya ang love
life niyan, sa gandang lalaki niyang yan imposibleng wala siyang
karelasyon."
"Tama, kaya magkwento ka
naman."
Sa oras na iyon ay hindi ko alam kung
ano ang sasabihin ko sa kanila kung magsisinungaling ba ako o aamin na lang ng
totoo kong estado sa buhay pag-ibig. Napakaunfair ko naman kung wala akong
masasabi eh halos lahat sila ay naglahad ng kani-kanilang kuwento. Kaya
napagdesisyunan kong ilahad na lang ang totoo. Bago nagsalita ay tinignan ko
muna silang lahat at kita sa kanila ang paghihintay sa aking kasagutan.
"Honestly guys, wala pa sa isip
ko ang mga gayang bagay sa ngayon. Priority ko kasing tapusin na muna ang aking pag-aaral."
"Totoo, napakaimposible naman
niyan tol" ang sagot ng isa sa kanila na halatang hindi kumbinsido sa
aking sagot.
"Huwag ka nang magtaka eh kung si
Sir Carlo nga, wala ring lovelife ngayon. Sa kabila ng kanyang kagwapuhan ay
malas sa pag-ibig. Napakatanga naman ng mga taong umiwan sa kanya. Kaya hindi
rin kataka-takang ganoon din si Rico." sagot naman ng kanyang katabi.
Lubos kong ikinagulat ang pahayag
niyang iyon and at the same time ay may pagtataka. Si Kuya Carlo, walang
karelasyon ngayon. Maraming katanungan agad ang pumasok sa aking isip. Hindi ko
pinahalata sa kanila ang aking naging reaksyon sa halip ay hinayaan lang silang
ipagpatuloy ang usapan. Kaya sila na rin ang naging daan para mabigyang
kasagutan ang mga katanungan na iyon.
"Ay oo nga. Napapansin niyo naman
diba ang pagiging seryoso niya at malungkutin nitong mga nagdaang araw.
Matagal-tagal na rin ngang hindi ko siya nakikitang ngumingiti."
"Hindi lang yan may pagkakataong
hindi na yan umuuwi pa at inuumaga sa opisina. Paano ay sinusubsob ang sarili
sa trabaho."
"Ginagawa lang niyang abala
siguro ang kanyang sarili para kahit papaano ay makalimot sa kanyang
problema."
"Ganoon talaga kapag
heartbroken."
"Oo, yung ginawa ni Mam Marianne
sa kanya. Naku kung alam niyo lang ang ginawa niya kay Sir Carlo."
"Ah yung mataray na babaeng iyon
na nagreyna-reynahan sa kompanya na akala mo kung sino."
"Siya nga. Aba pera lang pala ang
habol niya kay Sir. May pamilya na pala ang babaeng iyon sa ibang bansa.
Sorpresang sumugod ang asawa niya sa simbahan sa araw mismo ng kanilang kasal
kasama yung mga magulang niya."
"Kawawa naman si Sir ano."
Halos mawalan ako ng lakas sa mga
rebelasyong aking nalaman sa mga oras na iyon. Halu-halong emosyon na ang aking
nararamdaman. Litong-lito ako kung ano ang aking gagawin.
Naalala ko bigla si Jerome, yung
pagpipigil ko sa kanyang sabihin ang tungkol kay Kuya Carlo. Malamang na
tungkol doon ang nais niyang banggitin sa akin.
"Rico, ayos ka lang ba?"
sabi ng isa sa kanila na marahil ay napansin ang kakaiba kong kinikilos.
"Ah o...o..oo, teka lang ha CR
lang ako saglit. Just enjoy the night." sagot ko sa kanila. Dali-dali
akong naglakad papasok ng bahay.
Sa pinto, "Anak, bakit ganyan ang
mukha mo may problema ba?" si nanay na may hawak na isang tray ng pagkain
na ilalabas para sa mga bisita.
"Wala po nay, akyat lang po muna
ako sa kwarto ko. Kayo na lang po muna ang bahala ni Kuya sa mga bisita. Medyo
sumakit lang ang ulo ko" ang sagot ko sa kanya.
"Sige anak" ang pagtugon
niya na may tonong pag-aalala sa boses.
Pagkarating ko sa aking kwarto ay agad
akong nahiga at nagsimulang ilabas ang aking kinikimkim na emosyon sa
pamamagitan ng pag-iyak. Naisip ko na sa kabila ng tinatamasa kong swerte at
kasiyahan ay may isang taong nangungulila, nalulungkot at ito ang taong
hanggang ngayon ay minamahal ko pa rin. Nakakakunsensya dahil wala ako ngayon
sa tabi niya para magbigay ng lakas ng loob sa kanya. Parang gusto ko na siyang puntahan para
damayan sa mga problema niya.
Nasa ganoon akong sitwasyon ng biglang
magring ang aking cellphone.Si Jerome ito. Nago ko ito sinagot ay inayos ko
muna ang aking sarili. Ayokong mahalata niya ang aking paghikbi.
"Hello Jerome"
"Rico, nakabalik na ako nasaan
ka?" ang sagot niya sa akin.
"Nandito ako ngayon sa kwarto ko.
Magpapahinga muna ako saglit medyo masakit kasi ang ulo ko. Nandyan naman si
kuya at nanay para umasikaso sa inyo."
"Ah ganoon ba sige pupuntahan
kita diyan" huling sinabi niya at nag end call.
Dahil sa sagot niyang iyon ay
nagpasiya akong hintayin na lang siya. Gusto ko kasing kausapin siya ng personal
sa mga nalaman ko tungkol kay Kuya Carlo.
Makalipas ang halos labinlimang minuto
ay may narinig akong pagkatok mula sa pintuan ng aking kwarto.
"Saglit lang Jerome." agad
kong pinunasan ang aking mga matang may luha. Tumayo ako sa aking kama at tinungo
ang pintuan.
At nang buksan ko ito laking gulat ko
sa taong lumitaw sa aking harapan. Halos manigas ako sa aking kinatatayuan at
natulala sa kanyang mukha. Hindi ako makapaniwala sa biglaan niyang pagpapakita
sa akin sa araw mismo ng aking kaarawan.
Itutuloy. . . . . . . . .
allaboutboyslove.blogspot.com
No comments:
Post a Comment