Wednesday, December 19, 2012

Tukso (10-12)

by: Daredevil

Part 10

Pagkatapos kumain, sinamahan kami ni Yaya Rosie sa tutulugan naming silid. Kita ko ang pagkainis ni Mike dahil hindi kami magkahiwalay kami ng kwarto.

"Yaya Rosie, baka pwede namang magsama na lang kami ni Ric sa iisang kwarto" ang request ni Mike.
"Aba iho, iyan po ang sabi sa akin kanina ni Sir, mabuti pang siya na lang ang kausapin mo" si Yaya.

"Dito ka lang Ric, kakausapin ko lang si Allan saglit." si Mike.
"Teka iho. kakaalis lang ni sir, may binili yata." si yaya ulit.
"Ah ganun po ba sige hihintayin ko na lang siya, sa ngayon magpapahinga muna kami sa magkahiwalay na kwarto" ang naiinis na sabi ni Mike. Wala naman siyang magagawa dahil hindi naman siya may-ari ng bahay.

"Tama ka Mike, sige papasok muna ako para makapagshower" sabi ko sa kanya.

Habang nasa banyo, naiisip ko pa rin ang mga nangyari.Napakaraming mga tanong ang bumabagabag sa isip ko. Una, buo ang pagmamahal ko kay Mike pero bakit parang bigla na lang nabawasan ito ng nagbalik si Allan? Pangalawa ano kaya ang magiging reaksyon ni Mike kap-ag nalaman niya ito?  Hindi ko na alam ang iba pang tanong dahil sa gulung-gulo na ang isip ko. Nang makatapos magshower, nagbihis lanjg ako ng sando at nagsuot ng boxer shorts na pinahiram sa amin ni Allan. Dahil sa hindi pa ako nakakaramdam ng antok, naisipan kong puntahan si Mike sa kanyang kwarto.

"Mike, si Ric ito" ang sabi ko habang kinakatok ko siya sa pintuan. Halos 5 minuto na ako nagkakakatok at wala pa ring Mike na nagbubukas kaya naisipan ko na lang na buksan ito. Kaya pala hindi niya binubuksan, nakatulog na pala siya. Halatang pagod sa biyahe. Hindi ko namana maiwasang pagmasdan ulit siya sa kanyang posisyon. Naaaliw akong pagmasdan ang mala anghel niyang na mukha, bakat ang matipunong katawan sa suot niyang puting sando at nakabakat niyang pagkalalaki sa suto niyang short. Nakakatukso talaga. Bigla akong nakaramdam ng init sa kanya pero naisip kong hindi tama na gawin ko ito sa ibang bahay. Kaya nagpasiya na lang akong lumabas ng bahay para magpahangin. Nagpunta ako sa isang hardin sa likod. Napakasariwa talaga ang hangin dito kumpara sa Maynila kaya nakakarelax. Masaya kong pinagmamasdan ang mga bulaklak at halaman. Maya-maya isang boses ang tumawag sa pangalan ko. "Ricardo"

Napalingon naman ako sa tumawag na si Allan.
"Hello, nakarating ka na pala"bati ko.
"Oo bumili sana ako ng mga alak para makapag-inuman tayo, san nga pala si Mike" si Allan.
"Nakatulog na siya sa pagod" casual kong sagot sa kanya.
"Ganun ba sige tayong dalawa na lang tara doon tayo sa mesa." yaya ni Allan. Hindi na ako nakatanggi sa kanya.

"Ric, si Mike na ba ang bago mong pag-ibig?" tanong niyang nagpabigla sa akin. Napatungo na  lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon.
"Ganun ba, siya naman kasi talaga ang first love mo pero Ric kung alam mo lang ang mga pagdurusa ko nang maghiwalay tayo. Hanggang ngayon may galit pa rin ako as sarili ko sa biglaan kong pagkawala, kaya wala akong magagawa kung ihanay mo ako sa mga walang kwenta mong nakarelasyon. Pero handa akong magpaliwanag sa iyo" si Allan. Hindi ako nagsalita at tinuloy lang ang  pag-inom ng alak senyales ko ng pagpayag sa gagawin  niyang pagpapaliwanag. Hinawakan niya ang  mga kamay ko saka nagpatuloy.
"Ricardo, hindi ko ginusto ang paglayo nating dalawa. Masyadong naging kumplikado ang sitwasyon ko e. Tutol kasi ang aking mga magulang sa ganitong klaseng relasyon palibhasa inudyukan sila ng aming mayayaman at relihiyosong kamag-anak na nagpadala sa akin sa Amerika. Hindi ko na makuhang tumanggi sa gusto nila kasi malaki ang pagkakautang ng pamilya namin sa kanila. Simula noon pinangako ko sa sarili ko na magsusumikap ako nang sa gayon ay makaya ko nang mabuhay ng di nakadepende sa kanila at magawa ko na ang mga gusto ko. Ang paghanga ako sa iyo ang ginawa kong inspirasyon. Nagbunga naman ang mga paghihirap ko. Nagkaroon na ako ng sariling negosyo at nabayaran ko na ang pagkakautang ng aming pamilya kaya wala na silang karapatang pakialaman ang buhay ko." ang mahabang paliwanag ni Allan.
"Maniwala ka Ric na hindi nagbago ang naramdaman ko sa iyo sa halip mas lalong tumindi ito nang makita kita ulit. Ang totoo pinaghahandaan ko pa lang ang muli nating paghaharap. At dahil mas napaaga ito sa hindi sinasadyang pagkakataon sasabihin ko sa iyo na gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa akin" ang dagdag  niyang pahayag.
"Wala na akong nararamdaman sa iyo Allan tapos na tayo" ang deretsahan kong sabi sa kanya sabay alis ng kamay mula sa pagkakahawak.
"Hindi ako naniniwala Ric, sinasabi mo lang iyan dahil kay Mike. Alam ko na may nararamdaman ka pa sa akin at iyon ang gagamitin kong inspirasyon para maangkin ka." si Allan.

Dahil sa may tama na ng alak natulala na lang ako sa mga sunod na ginawa ni Allan. Unti-unti niyang nilalapit ang mukha sa akin at naramdaman ko na lang ang paglapat ng amin mga labi. Hindi na ko nakatanggi dahil sa tukso. Ramdam ko ang pagkasabik sa kanyang mga halik. Siya na rin ang unang naghiwalay noon.

"Alam kong never ka pang nakaranas ng halik sa mga nakarelasyon mo maliban kay Mike. At ngayon hinalikan kita upang mapatunayan ang pag-ibig ko sa iyo Ric. Pasensya ka na kung ngayon ko lang ito ginawa." si Allan.

Naging speechless ako sa ginawa niya. Maliban kay Mike, nagawa rin niya akong halikan. Ang galit ko sa biglaan niyang pag-iwan sa akin noon ay unti-unti nang nawala.
___________________________________________

Naalala ko ang una niyang pagtatapat sa akin na mahal niya ako isang gabi sa aking kompanya. Inabot na ako ng gabi sa dami ng aking trabaho sa opisina nang kumatok siya upang dalhan ako ng kape.

"Sir, magkape po muna kayo" si Allan na sabay abot sa akin ng kape.
"Salamat ikaw tapos ka na yata sa trabaho mo pwede ka nang umuwi" sabi ko sa kanya.

"Opo pero di muna ako uuwi. Kung pwede sana samahan muna kita dito?" si Allan.
"Naku huwag mo na ako alalahanin, safe ako may mga security guard naman dito." pagtanggi ko sa kanya.

"Ok lang sir, nasisiyahan kasi akong nakikita ko ang taong gusto ko e." si Allan. Nabigla naman ako sa huli niyang sinabing gusto niya ako.
"Alam ko pong nabigla kayo at nagtaka sa mga sinabi ko. Mahal ko po kayo sir, bigla na lang ito umusbong dahil sa kabaitan niyong pinapakita sa akin at pamilya ko." ang pag-amin niya. Kita ko sa mata niya na totoo ang sinasabi niya. Doon nagsimulang lumambot ang puso ko para sa kanya.

Naging kami na ni Allan. Pakiramdam ko napunan niya ang uhaw kong pag-ibig sa mga nauna kong nakarelasyon. Napakasweet niya kasi sa akin, minsan hinahatid ko siya sa kanila. Binibigyan ko din ng pinansiyal na tulong ang kaniyang pamilya. Lumalabas din kami paminsan-minsan. Ganito ang naging set-up namin ng halos 4 na buwan. Akala ko magtutuloy-tuloy na ito pero di pala.  Bigla siyang naglaho. Nang puntahan ko ang tinitirhan ng kaniyang pamilya, nalaman kong nangibang bansa na sila. Muli naulit na naman ang mga pagdurusa ko. Isa rin pala siya sa mga gumamit sa akin. Matapos makuha ang aking pera ay bilang mawawala parang bula.
________________________________________

At ngayon makalipas ang tatlong taon, nagbalik siya upang ipaliwanag ang kanyang pagkawala at ibalik ang dati naming samahan.

Tuloy pa rin kaming nag-iinuman nang bigla kong narinig ang boses ni Mike."Allan  nandito lang pala kayo. Mukhang lasing na lasing na si Ric kaya iakyat ko na muna siya sa kwarto niya." si Mike.
"O..o..o..ok sige mabuti para makapagpahinga na siya ang narinig kong pautal na sabi ni Allan. Hindi ko mawari kung ano ang iniisip niya sa mga oras na iyon. Ang pakiramdam ko lang ay para siyang nilayuan ng kaligayahan base sa tono ng kanyang pagsagot kay Mike.

Inakay na ako ni Mike papunta sa tutulugan kong kwarto. Ihiniga niya ako sa kama. Naramdaman ko na lang na tinabihan niya ako at niyakap. Maya-maya bigla siyang pumatong sa akin at hinalikan ako.

Itutuloy............

Part 11

Kahit nasa impluwensya ako ng alak, nararamdam ko ang kakaiba niyang paghalik sa akin. Oo, nagugustuhan ko ito pero sa pagkakataong ito ay hindi ko ito maisapuso, hindi ko lang alam kung bakit. Siya ang unang kumalas sa akin.

"Ano Ric, sino  ang mas magaling humalik sa amin ni Allan?" si Mike na nakatngin sa aking mata. Nabigla naman ako sa sinabi niya.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo Mike" ang nasabi kong naguguluhan.
"Huwag ka nang magmaang-maangan pa kitang-kita ko ang ginawa niyong dalawa sa hardin" si Mike na medyo pagalit na.
"Mike magpapaliwanag ako" ang sabi ko sa kanya.
Bigla namang nagbago ang mood ng mukha niya at sinabing "Huwag kang mag-alala hindi naman ako nagagalit sa iyo, dahil in the first place ako naman talaga ang may kasalanan siguro kung hindi ako nawala nung mga panahong iyon, hindi kayo magkakalapit dalawa"
Umupo siya sa gilid ng kama at nagpatuloy " May kakumpetensya na pala ako sa iyo, tandaan mo to Ric na hindi ako magpapatalo sa kanya"si Mike.

"Hindi mo na kailangang kalabanin siya dahil inaw ang nasa puso ko" sagot ko sa kanya.
"Talaga edi babes na ulit ang tatawag ko sa iyo, basta tatandaan mo na mahal kita" ang masaya na niyang pahayag.

Nagtabi na kami ni Mike sa pagtulog nang gabing iyon. Kinabukasan, bumalik na kami ng Maynila. Hindi na kami nakapagpaalam kay Allan dahil maaga daw itong umalis ayon kay Yaya Rosie at may importante daw na pupuntahan.

"Mike, iuwi mo muna ako sa amin, magpapahinga muna ako ng isang araw pa bago bumalik sa trabaho" utos ko sa kanya. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko ng araw na iyon.
"Ok, teka nga pala babes mukhang matatagalan pa bago ko ibalik ang kotse mo" si Mike na nakangiti habang nagmamaneho.
"Sige gawin mo ang gusto mo, hindi naman ako mananalo sa iyo" sagot ko sa kanya.
"Mabuti na ang nakakasiguro baka mamaya may iba ka nang pasasakayin doon" si Mike.
"Napakaweird mo naman mag-isip" ang natatawa kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin.

Magtatanghali na nang makauwi ako sa aking bahay. Bago bumaba ng sasakyan, isang kiss ang iginawad ni Mike sa akin. Sa pagkakataong iyon nadama ko na ulit ang pagmamahal sa halik niya.

Nagpapahinga na ako sa aking kwarto nang may biglang nagdoorbell. Agad akong bumaba para harapin ang dumating.
"Hello friend" ang sabi ng tatlong bruhang dumating na sina Bea, Nica at Althea.
"O anong ginagawa niyo dito" sabi ko sa kanila.
"Teka lang parang wala ka sa mood ngayon ha, Aha! may naaamoy akong may kakaiba nangyari sa iyo friend" si Bea.
"Ano ba yang pinagsasasabi mo ha, aso ka ba at ang lakas ng pang-amoy mo? sabi ko sa kaniya.
"Bago ko sagutin yan pwede namang papasukin papasukin mo muna kami" si Bea. Nakalimutan ko na pala silang patuluyin dahil hindi na gumagana ang utak ko sa pagod. Nang makaupo na kami sa sofa, nagpatuloy na si Bea.
"Oo nagiging aso ako pagdating sa iyo kilalang-kilala na kasi kita, kaya huwag ka nang magdeny, ichika mo naman sa amin ang mga nangyari sa inyo ni Papa Mike sa Tagaytay" si Bea.
"Tama ka may nangyari nga si..." ang sasabihin kong biglang sumabat si Althea.
"OMG nagchurvahan na kayo! mabuti ka pa"
"Tumigil nga kayo, kababae niyong tao ang lilibog ng mga isip niyo" sagot ko sa kaniya.
"Tama girl kami pero ikaw pa-girl" si Althea ulit. Hindi ko na pinatulan pa ang sinabi niya at nagpatuloy na ako.
"Ok na sana kami ni Mike nang biglang may nagbalik" pagpapatuloy ko pero biglang sumabat ulit si Althea.
"Yan ka na naman si Mc Arthur na ba talaga iyan"
"Buang, pwede patapusin mo muna ako" sagot ko. Bago ako nagpatuloy huminga muna ako ng malalim.
"Nagkita ulit kami ni Allan" nakita ko ang gulat sa mukha nila maliban kay Bea.
"Naku warlaloo na ito lalo na kapag nalaman ito ni Mike" si Bea.
"Alam na niya ang ugnayan namin" sagot ko.
"Ano reaksyon niya, nagalit ba siya?" sunod na tanong ni Bea.
"Hindi naman, may sinabi lang siya sa akin na gagawin niya ang lahat upang makuha ang pag-ibig ko.
"Aba teka kalbuhin na kaya kita nang tuluyan, para ka nang si Rapunzel sa haba ng buhok mo, daig mo pa kami na pinagaagawan ng dalawang lalaki? " si Bea.
"Kung ako sa iyo friend kay Papa Mike ka na lang dahil naibibigay niya ang mga bagay na hindi mo naranasan sa mga nauna mo" dagdag ni Bea.

"Pero hinalikan din ako ni Allan" ang sagot kong medyo nahihiya sa kanila.

"Ano! ibig sabihin mahal ka talaga niya. Sino ba ang mahal mo sa kanilang dalawa?' si Nica.

"Si Mike na ang mahal ko ngayon, pero natatakot lang ako na masaktan si Allan.
"Bakit ka natatakot, ibig sabihin may nararamdaman ka pa rin kay Allan?" si Nica.
"Ano ka ba wala" sagot ko sa kanila.
"Dapat maayos mo agad iyan." si Nica.

"Basta friend, uulitin namin ang lagi naming paalala sa iyo, sundin mo ang sinasabi ng puso at isip mo, huwag ka nang magpapadala sa tukso.Kung anuman ang desisyon mo susuportahan ka namin" si Bea.

Kinabukasan maaga akong pumasok ng office dahil sa dami ng mga nakabinbing kong trabaho doon. Naglalakad pa lang ako papasok sa aking opisina nang bigla akong salubungin ng aking sekretarya.

"Sir good morning po buti nakarating na kayo" si Jean. Napuna ko naman na parang balisa siya kaya tinanong ko siya agad.
"Bakit Jean may problema ba?" ang tanong ko sa kanya.
"Si Mr. Chua po kasi kanina ka pa hinihintay sa office niyo  at parang galit yata" si Jean.
"Ah sige ako na ang bahala bumalik ka na sa trabaho mo" sabi ko sa kanya. Pumasok na ako sa aking office.

Pagkabukas ko nakita ko si Mr. Chua na nakaupo sa sofa at nakasimangot. Bilang paggalang binati ko siya.

"Good Morning po" bati ko at umupo sa sofang katapat ng inuupuan niya.
"Ricardo, alam mo naman siguro ang mangyayari sa kompanya mo kapag inalis ko ang aking suporta dito" si Mr. Chua.
"Yes sir, bakit po may nangyari bang problema?" ang nagtataka kong pagtatanong dahil sa kakaiba niyang kinikilos.
"Buti naman. kaya sana sundin mo ang aking papakiusap sa iyo. Layuan mo na ang anak ko, hindi ko papayagang masira ang pangalan ng aming pamilya dahil sa isang relasyong hindi tanggap ng lipunan. Iho, marami akong pangarap sa aking anak kaya sana lang putulin mo na ang kung anong meron sa inyo" si Mr. Chua.

Nagtaka naman ako kung paano niya nalaman iyon pero mas nangibabaw sa akin ang lungkot sa mga narinig ko sa kanya. Wala naman akong magagawa, alam ko kasing ang lalaki ay para talaga sa babae. Kahit mahal ko si Mike, magpapaubaya na lang ako, susundin ko si Mr. Chua. Isasakripisyo ko ang aking kaligayahan huwag lang mawala sa akin ang lahat ng pinaghirapan ko nang mahigit ilang taon.

"Ok po sir, lalayuan ko na po si Mike" ang nasabi ko na lang.

"Good, nagkakaintindihan tayo, sige lalakad na ko may importanteng meeting pa akong dadaluhan" si Mr. Chua.

Hindi ko inaasahan na may mangyayaring ganitong pagsubok sa aking buhay dahil first time kong makaranas nang ganito. Buong araw tuloy akong wala sa mood na nagtrabaho. Gabi na nang biglang may tumawag sa aking phone. Nang makita ko ang caller sa screen, naiyak na ako dahil simula ngayon, kahit labag sa loob ko iiwasan ko na siya nang tuluyan at hindi na siya kakausapin pa. Pinabayaan ko na lang na magring ang phone ko. Pagkalipas ng 20 minuto tumigil na rin ito sa pagtunog.

Halos 9:00 na nang gabi nang maisipang kong huminto na at umuwi. Sa mga oras na iyon bigla namang pumasok sa isip ko si Allan. Dati kasi hinihintay niya talaga akong matapos sa pagtatrabaho kahit gagabihin na siya. Kasama na ang mga di malilimuntang moments naming  dalawa na kahit walang sexual contact ay masaya naman ako.Naisip kong bumalik ng Tagaytay para makausap siya.

Palabas na ako ng kompanya nang maalala kong wala pala akong sasakyan kaya naisipan ko na lang na magcommute. Habang naglalakad ako sa papunta sa kanto kung saan mag-aabang ng masasakyan nang may isang kotse ang huminto malapit sa akin. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Nararamdaman kong sinusundan niya ako sa likod kaya napalingon na ako sa kanya. Nakita ko ang isang lalaking nakangiti sa akin at may dalang plastic ng pagkain galing sa Jollibee.

"Ric kamusta ka na, mabuti naabutan pa kita. Pumunta ako sa office niyo kanina nakaalis ka na raw sabi ng guard. Dadalhan sana kita ng pagkain kasi alam kong nagugutom ka na" sabi ng isang nakangiting Allan sa akin.

Nakaramdam naman ako ng kasiyahan sa mga oras na iyon. Naiisip ko pa lang na pupuntahan siya sa Tagaytay pero nandito na siya ngayon sa harap ko. Parang nagbalik ako sa nakaraan sa ginagawa niya. Walang nagbago sa kanya tulad pa rin siya ng dati.

"Salamat Allan" ang sagot ko sa kanya.
"Teka nga pala bakit naglalakad ka lang, di ba may kotse ka?" ang nagtatakang tanong niya sa akin.
"Mahabang istorya " sagot ko sa kanya.
"Tutal wala ka na rin sa opisina niyo pwede bang ako na ang maghatid sa iyo sa bahay mo dun na rin nating kainin itong mga pagkain" offer niya sa akin.
"Sige medyo nagugutom na rin ako e" ang sagot ko sa kanya.

Habang nagmamaneho, napapansin kong panay ang tingin niya sa akin. Maya-maya bigla siyang natawa.

"Ano nangyayari sa iyo, pinagtatawanan mo ba ako?" ang nagtataka kong pagtatanong sa mga kinikilos niya.
"Hindi ah, naiisip ko lang kasi na bumaliktad na yata ang mundo ano. Tignan mo dati ikaw ang naghahatid sa akin pero ngayon ako na hehehehe" si Allan. Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Iyan, dapat lagi kang nakangiti, lumalabas kasi ang pagkacute mo niyan" si Allan sabay hawak sa pisngi ko.
"Tumigil ka nga diyan magfocus ka sa pagmamaneho baka mabunggo tayo." sabi ko sa kanya.

Papalapit na kami sa aking bahay nang may mapuna akong kotse na nakaparada sa tapat ng gate.Dahil medyo madilim, inakala kong isa sa mga kaibigan kong dumating pero habang papalapit na kami nakikita ko ang isang lalaki na nakatayo at nakasandal sa kotse. Medyo kinakabahan na ako dahil nakikilala ko na ang taong iyon na si Mike. Ganun din si Allan.

"Nakikita mo ang lalaking iyon si Mike" si Allan.
"Oo, sige deretso tayo haharapin ko muna siya." ang nasabi ko sa kanya.

Huminto na si Allan sa likod ng kotse ni Mike. Sinabihan ko siyang ako muna ang bababa para kausapin si Mike. Medyo naguguluhan naman siya sa mga ginagawa ko pero nagpasiya akong sasabihin ko na lang sa kanya ang lahat mamaya. Nang makita ni Mike ang paglabas ko, lumapit siya agad sa akin.

"Babes, ayos ka lang ba, pasensiya ka na hindi kita napuntahan sa office niyo. Kaya tinawagan kita pero di mo sinasagot, pinuntahan kita sa office niyo pero nakaalis ka na kaya inabangan na lang kita dito"si Mike na humawak sa kamay ko.

Kita ko ang pag-aalala sa mga mukha  niya pero parang wala itong epekto sa akin dahil naalala ko ang mga pinag-usapan namin ng ama niya kanina. Bigla naman siyang napatingin sa kotseng sinakyan ko.

"Sino ang kasama mo at kaninong kotse ito?" ang tanong niya. Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang biglang lumabas si Allan sa loob. Nang makita siya ni Mike, ang pag-aalala sa kanyang mukha ay napalitan ng galit.

Itutuloy. . . . . . . . .

Part 12

"Ano ang ibig sabihin nito, bakit mo siya kasama at saan kayo nagpunta?" ang sunud-sunod na tanong ni Mike.
"Siya ang nagsundo sa akin sa opisina yun lang" ang casual kong sagot sa kanya.
"Kanina pa ba kayo magkasama kaya pala hindi mo sinasagot ang mga calls ko" si Mike.
"Halika na Allan, wala na akong balak pang magpaliwanag sa kanya." yaya ko kay Allan na pumasok sa aking tirahan. Aktong aakbayan na sana ako ni Allan papasok nang bigla siyang natumba sa semento. Tinulak pala siya ni Mike.
"Walang hiya ka, di ba nag-usap na tayo tungkol sa bagay na ito." galit na sabi ni Mike. Nilapitan pa siya nito at sinuntok ang mukha. Agad ko silang inawat.
"Pwede ba tumigil ka na Mike. Ano ba ang problema mo?"  sabi ko. Tinulungan ko naman si Allan na makatayo.
"Dapat ako ang magtanong sa iyo niyan, bigla ka na lang nag-iba ngayon" galit na sagot ni Mike.
"Siguro Mike, palipasin muna natin ito, pagod na ako, gusto ko nang magpahinga"

"Magpapahinga ka kasama mo ang gagong ito, hindi ako papayag" si Mike.
"Hindi ko naman sinabing kasama ko siya sa pagtulog, bisita ko lang siya ngayong gabi." paliwanag ko sa kanya.
"Tama siya tol, sa katunayan nga sabay lang namin kakainin itong binili ko sa kanyang Jollibee." si Allan sabay kuha sa loob ng kotse ng pagkain.
"Ah ganun pala ha, sige aalis muna ako babalik agad ako" si Mike at sumakay sa loob ng kanyang kotse.
"Tara na Allan, kainin na natin ito sa loob kanina pa ko nagugutom." Pagkapasok sa loob, agad kaming pumunta sa mesa. Habang kumakain, biglang nagtanong si Allan.

"Ayos ka lang ba Ric, ang lalom yata ng iniisip mo?" ang concern na si Allan.
"Ayos lang ako, masyado lang akong pagod. Bilisan na natin para makapagpahinga na ako marami pa akong gagawin sa office bukas" sagot ko sa kanya.Bigla kong naalala ng binanggit ni Mike kanina na pinag-usapan nila kaya tinanong ko kay Allan kung ano ito.

"Allan, ano yung sinasabi ni Mike na pinag-usapan ninyo?" ang curious kong tanong sa kanya.
Bago siya sumagot ay kumain muna ng 2 pirasong french fries. " Yun ba sinabi niya sa akin na titigilan ko na ang panunuyo ko sa iyo. Nangako naman ako sa kanya na gagawin ko iyon pero hindi ko matiis e. Ang hirap kasing pigilan ang damdamin" si Allan habang ngumunguya."Ikaw naman ano ba ang problema sa inyo ni Mike?"
"Sa totoo lang naguguluhan ako ngayon. Maayos na sana ang relasyon namin ngunit may humahadlang. Yung major investor ko sa kompanya, ang ama niya, tutol siya sa amin. Alam mo naisip ko rin na isuko ko na lang siguro ang sarili kong kaligayahan, wag lang mawala ang lahat ng mga pinaghirapan ko pati na rin ang kapakanan ng aking mga empleyado. Kung aalisin ni Mr. Chua ang kanyuang suporta, sigurado akong marami sa kanila ang mawawalan ng trabaho, paano na lang ang pamilya nila di ba?" ang mahabang sagot ko kay Allan.
"Alam mo iyan talaga ang nagustuhan ko sa iyo, masyadong malawak ang pang-unawa mo kaya hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko" Si Allan na nakangiti.

Patuloy pa rin kami sa pagkain nang biglang may narinig akong pumasok ng pinto. Alam ko na agad na si Mike ito dahil siya lang ang taong malayang nakakapasok sa aking bahay. Hinihingal siya at dala-dalang pagkain galing sa Mc. Donalds.Dumeretso siya sa mesa kung saan kami kumakain, itinaboy ang mga kinakain namin at inilapag ang mga dala niya.

"Ano ginagawa mo kumakain kami?" ang tanong ko sa kawirduhang ginawa niya.

"E di kakain tayo, halika may dala akong spaghetti, chicken, cheeseburger at french fries.Sinamahan ko na rin ng sundae at coke folat para may dessert tayo. Tara kain na tayo" si Mike. Kinuha niya ang upuan at tinabi sa akin. Pagkatapos, nilayo sa akin ang kinakain kong chickenjoy at inihain ang mga dala niya. Sinubuan pa niya ako ng french fries. Napatingin naman ako kay Allan, kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya at pagtataka.

"Ano ka ba Mike, para kang bata sa mga ginagawa mo?" ang naiirita kong sabi sa kanya.
"Naiilang ka ba sa mga ginagawa ko sa iyo dahil nandito si Allan. Wala siyang pakialam dahil mag boyfriend tayo." si Mike na sinusuan pa ako ng hamburger.
"Baka naman maging babo na ako sa ginagawa mo" sabi ko sa kanya. Natawa lang siyang sumagot. "Mas maganda nga iyon para may lagi akong panggigigilan at malambot na mayayakap sa gabi."
"Tumigil ka nga diyan" Medyo napansin ko naman na parang na out of place si Allan. "Allan pasensiya ka na sa ungas na ito ha"
"Ok lang ako sige tutuloy na ako next time na lang ulit Ric" ang sagot ni Allan.
"Mabuti pang umalis ka na at anong pinagsasasabi mong next time, hindi na mangyayari iyon" si Mike. Bigla naman niya akong inakbayan habang pinapakain at patingin-tingin kay Allan na animoy nang-iinggit. Kita ko kay Allan ang pagpipigil ng kanyang emosyon.
"Sige Ric aalis na ako" si Allan. Tatayo sana ako para samahan siya palabas ng bigla akong niyakap ni Mike.
"Huwag mo na siyang ihatid, alam naman niya ang palabas dito. Kumain na lang tayo." ang nakangiti niyang sabi. Hindi ko na makuhang magmatigas.

Ewan ko ba dahil na rin siguro sa nararamdaman kong pagmamahal sa kanya ay hindi ko makuhang tanggihan at pigilan ang mga ginagawa niya. Pagkatapos namin kumain, niligpit na ni Mike ang mga kinainan. Ako naman ay nagpasiya nang pumunta sa kwarto. Paakyat na ako ng hagdan nang biglang sumabay sa akin si Mike sa hagdan at inakbayan muli papasok ng kwarto.

"Bakit hindi mo ako hinihintay, tabi tayong matutulog ngayon." si Mike.
Naalala ko naman ang mga sinabi ng ama niya kanina sa akin. "Hindi na pwede Mike"
"Anong hindi, lahat ng bagay sa akin pwede unless lang na ang reason mo ay valid." si Mike. Alam ko naman na hindi ako mananalo sa kanya kaya naisip kong tumakbo papasok at i-lock ang pinto. Pero useless din dahil naunahan niya akong makapasok sa kwarto na parang kuneho. Nakangiti siyang humiga ang kama na waring sumesnyas na humiga na rin ako sa tabi niya.
"Shower muna ako at saka sa sahig ako matutulog" pagtatanggi ko sa nais niyang mangyari.
"Ok, pero hindi ako papayag sa sahig ka. We will sleep together with his bed"  sabi niya na may ngiting parang nanunukso.Hindi ko na siya pinansin pa, kumuha na ako ng twalya at pumasok na sa CR.

Sa totoo lang nakakaramdam ako ng kilig sa mga ginagawa niya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit tuluyang nahulog ang damdamin ko, ang pagiging sweet niya. Paglabas ko, nakita ko siyang nakapikit ang mata. Nakatulog na siguro siya. Mabuti na rin iyon para hindi niya malaman na sa sahig ako matutulog.

Nagbihis na ako ng isang sando at boxer shorts. Pagkatapos nilatag ang isang kumot sa sahig. Ilalapag ko na sana ang unan nang bigla may humila sa akin papunta sa kama. Napahiga na lang ako at pumaibabaw siya sa akin. Si Mike pala ito na nakangiti sa akin.

"Akala mo tulog na ako ano, sabi ko sa iyo na dito ka matutulog katabi ko, bakit ang tigas ng ulo mo?" si Mike.Halos Hindi ako nakapagsalita dahil sa anghel na mukhang nakikita ko. Parang nahipnotismo na naman ako.
"Hindi ka na makapagsalita. Good boy." si Mike. Maya-maya bigla na niya akong hinalikan.

Tila nakalimutan ko na ang mga sinabi ni Mr. Chua kanina. Tuluyan nang may nangyari sa aming dalawa. Inilabas naming dalawa ang init ng katawan at bugso ng aming damdamin sa isat-isa. Magkatabi na kaming nakatulog ng gabing iyon na walang saplot.

Kinabukasan, nagising ako nang wala si Mike sa tabi ko. Bigla naman akong nakaamoy ng pagkain. Naisip ko na pinagluto ulit ako ni Mike ng almusal. Napakasweet talaga niya grabe.

Nagbihis na ulit ako at bumaba. Nakita ko si Mike na nakaupo na at kumakain.

"Tara na babes kain na tayo, ihahatid na rin kita sa office niyo." ang nakangiting si Mike. Pinaghainan niya ako ng sinangag at bacon.
Bigla ko ulit naalala ang mga paalala sa akin ng ama niya kahapon. "Mike hindi mo na ako pwedeng ihatid simula ngayon sana maintindihan mo"
"Bakit si Allan na ba ang maghahatid sa iyo?" si Mike na may halong selos sa tono ng boses.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, medyo kumplikado lang ang sitwasyon" sagot ko sa kanya. parang hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang totoo.
"Alam kong may mas malalim pang dahilan babes, please sabihin mo naman sa akin oh" si Mike na hinawakan ako sa kamay. Napilitan na rin akong sabihin sa kanya ang lahat tutal malalaman pa rin niya ito.
"Ganito kasi Mike, tumututol ang Dad mo sa relasyon natin. Kung hindi natin ititigil ito, aalisin niya ang suporta sa kumpanya. Ayaw ko namang mangyari iyon na mawala ang lahat sa akin." ang pagtatapat ko sa kanya. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Mike.

"Iyon pala ang dahilan, hayaan mo babes, ako ang mag-aayos ng lahat basta ipangako mo sa akin na hindi ka bibitiw sa relasyon natin, kasi ako kahit anong mangyari, hindi ko isusuko ang pag-ibig ko sa iyo" si Mike.

Na touch ako sa mga sinabi niya. Siya kasi, may lakas siya ng loob na ipaglaban ang pagmamahal niya sa akin di tulad ko na halos isuko ko na ang sariling kaligayahan.

Hinatid pa rin ako ni Mike sa kompanya nang umagang iyon. Sabay kaming umakyat patungo sa aking opisina. Habang naglalakad, sinalubong kami ng aking sekretarya.

"Good Morning po Sir, kanina pa po kayong hinihintay ni Mr. Chua sa loob. May kasama nga po siyang isang babae." sabi ni Jean.

Nakita ni Mike na bigla akong kinabahan. "Huwag kang mag-alala ako ang bahala, tara pumasok na tayo at harapin sila, ipakita mo na matatag ka" si Mike.
"Oo Mike sige" ang naisagot ko na lang. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Mr. Chua kausap ang isang magandang babae. Nasa makita niya kami agad siyang tumayo at nagsalita.

"Mabuti at nakarating ka na Ricardo at kasama mo pala ang anak ko ha. Talaga yatang may pagkamatigas ang ulo mo." si Mr. Chua na halatang inis sa tono pa lang ng boses.
"Dad, tigilan niyo na si Ric. Payagan niyo na po ang relasyon namin, mahal na mahal ko siya." ang biglang pagsasalita ni Mike.
Sumagot si Mr. Chua ng ubod ng lakas na halos makabasag ng eardrums. "Nahihibang ka na ba Michael, hindi mo alam ang mga sinasabi mo, nakakahiya naman kay Cynthia."

Sa sinabing iyon ni Mr. Chua, nalaman ko na siya pala yung Cynthia na binabanggit niya. Halos hindi na ako makapagsalita ng mga oras na iyon.

"Alam ko ang sinasabi ko Dad, at paninindigan ko ito." si Mike.
"Nagmamatigas ka pa ha, sige tignan lang natin kung ano ang mangyayari sa taong ito." si Mr. Chua na nakatingin siya sa akin.

Halos sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Para kasing kakainin niya ako sa mga titig niya. kaya ako na ang nagpakumbaba. "Pasensya na po kayo, hayaan niyo po ako na lang ang didistansiya sa kanya."

"Ric, ano ba yang sinasabi mo, nangako ka sa akin na hindi mo ako isusuko." si Mike.

"Tumigil ka nga Michael, tama siya, kailangan niyo nang dumistansiya sa isat isa lalo na at nalalapit na ang kasal ninyong dalawa." si Mr. Chua.

Tila isang bomba sa aking pandinig ang mga sinabi niya. Kita ko rin kay Mike ang sobrang pagkabigla.

Itutuloy. . . . . . . .



allaboutboyslove.blogspot.com

No comments:

Post a Comment