Wednesday, December 19, 2012

Mahal Kita (15)

by: Daredevil

Matapos kong kumain ay nagpasiya akong bumalik sa aking kwarto, ngunit hindi ko iyon magawa dahil kasama ko pa si Tonton.

"Wala ka bang balak umuwi, magpapahinga na ako" ang sabi ko sa kanya.
"Hindi ako aalis hanggat di mo ako pinapatawad" ang sagot niya sa akin.

Parang nakukunsensya na ako sa mga naririnig kong mga sinasabi niya dahil nag-eeffort siyang hinihingi ang aking kapatawaran kahit pa alam namin pareho na wala siyang kasalanan.


"Ok na ako Tonton, wag kang mag-alala hindi na ako galit sa iyo" ang mahinahon kong pahayag.
"Pero iiwasan mo pa rin ako, o kaya ay hindi papansinin"

Kita ko pa rin ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
"Di ba sabi mo na bumalik tayo sa dati, at pumayag na ako so wala ka nang dapat aalalahanin pa" ang sabi ko.
Agad napalitan ng ngiti ang kanyang mukha sa mga binitawan kong salita. At nagtaka ako sa sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako nang napakahigpit ng kanyang mga malalaking braso.
"Tonton naman baka mapisat na ako" ang sabi ko sa kanya. Pero sa totoo lang ay nagugustuhan ko ang ginagawa niya. Pakiramdam ko ay safe ako at protektado.

Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin. Tinignan ang aking mukha at pinisil ang aking pisngi.
"Ang saya ko na ulit dahil bati na tayo. Hmpppppt!!! ang cute mo talaga."
"Ikaw talaga, inuuto mo na naman ako, sige na umuwi ka na inaantok na ako." ang sabi ko sa kanya.
______
Habang nakahiga ako ay iniisip ko ang mga nangyayari at ang mga susunod na posibleng mangyari sa pag-aayos namin ni Tonton. "Ngayong inamin na niya sa akin na hindi niya gusto si Trisha, ano na ang gagawin ko sa kanilang dalawa. Paano na si Trisha? Alam ko na napakalungkot niya ngayon. Isa pa, ano kaya ang dahilan ni Tonton kung bakit di sya kayang mahalin. Siguro may iba siyang kasintahan. Pero wala naman siyang binabanggit sa akin. Baka nagkikita lang sila ng palihim o di kaya ay nasa probinsya nila ito." ang sabi ko sa aking sarili.

Sa kabila ng pag-iisip kong iyon ay nakakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Marahil ay nagseselos pa rin ako pero ano nga ba ang magagawa ko, straight si Tonton at imposibleng magustuhan niya ako o tumbasan man ang pagmamahal ko sa kanya.
______
Kinabukasan nalaman ko kay Lalaine na hindi pumasok si Trisha dahil nagkasakit ito. Nag-alala ako para sa kanya.

"Tonton, wag muna tayong umuwi, dalawin natin si Trisha." ang paanyaya ko sa kanya habang sumasakay na kami ng motor.
"Sige ba?" ang sagot niya sa akin. "Alam mo ba yung bahay niya?"
"Oo, hiningi ko kanina kay Lalaine yung adress" ang sagot ko.
 At nagpasiya na kaming puntahan ang bahay niya.

Pagkarating namin ay nagbuzzer ako, isang babaeng may edad ang lumabas. Napansin kong may kagandahan ito, marahil ay siya ang mommy ni Trisha. Hindi kataka-takang lumaking maganda rin ang kanyang anak.

Lumapit siya sa amin. "Ano ang kailangan nila?" ang tanong niya sa amin.
"Ano po kasi dadalawin lang namin si Trisha, nandiyan po ba siya?" ang sagot ko sa babae.
"Mga kaklase ba niya kayo?"
"Opo"
"Ah nandito siya at nagpapahinga, halika pasok muna kayo" ang paanyaya niya sa amin.
______
"Kamusta ka na Trisha, hindi ka pumasok kanina?" ang tanong ko sa kanya nang makapasok kami sa kanyang kwarto.
"Ok na ako, medyo nahilo lang ako kanina kaya absent ako" ang sagot niya.
"Mabuti naman"
"Salamat pala sa pagdalaw niyo ni..." si Trisha na hindi matuloy ang sasabihin sa halip ay tumingin lang siya kay Tonton.
"Trisha, pasensya na sa mga nasabi ko kahapon. Sana maintindihan mo"
"Ahm Josh pwede iwan mo muna kami ni Tonton, mayroon lang kaming pag-uusapan" ang sabi ni Trisha sa akin. Pumayag na ako para na rin makapag-usap sila nang masinsinan at baka sakaling matuldukan na ang problemang namamagitan sa kanila.Doon muna ako nag-stay sa sala.

Tumagal nang halos kalahating-oras ang pag-uusap nilang iyon. Sa totoo lang ay nacurious ako kung ano ang napag-usapan nila. Nagpasya na lang ako na tanungin na lang si Tonton mamaya pag-uwi namin.

Maya-maya pa ay binaba na ako ni Tonton at sinabing ako naman daw ang kakausapin ni Trisha. Dali-dali akong umakyat at tumungo sa kanyang silid.

"Josh, una sa lahat magpapasalamat ulit ako sa mga naitulong mo sa akin kahit pa na hindi naging maganda ang pagtrato ko sa iyo bilang kaklase mula nung first year tayo" ang sabi niya sa akin.
"Kinalimutan ko na yun Trisha, ginawa ko lang ang alam ko sa sarili kong tama. Gusto ko lang makatulog sa aking kapwa."
"Napakabait mo pala talaga Josh, yan ang ugaling hindi nakita sa iyo ng iba nating mga kaklase tulad ni Tom."
"Tanggap ko na rin ang pangungutya nila sa akin. Totoo naman kasi na ganito talaga ako, malamya kumilos at mahinhin. Buti na lang at tumigil na sila ngayon, mabuti na ring hindi na nila ako pansinin."
"Oo. Maiba na tayo Josh.Ang totoo niyan gusto kong lang sna itanong sa iyo kung may alam ka sa sinasabi ni Tonton na mahal daw niya."
"May binanggit na siya sa akin tungkol diyan, pero ako rin hindi ko alam kung sino iyon" ang sagot ko sa kanya.
"Ganoon ba? Kung sino man iyon, napakaswerte niya ano, nakakaramdam ako ng inggit dahil napasakanya na ang isang tulad ni Tonton. Wala na siyang hahanapin pang iba.

Medyo tinamaan ako sa sinabing iyon ni Trisha dahil parehas kasi kami ng nararamdaman.
"Tama ka Trisha, hayaan mo once na malaman ko kung sino iyon agad kong sasabihin sa iyo" ang sabi ko na lang sa kanya.

Nabanggit rin sa akin ni Trisha sa pag-uusap namin na papasok na ulit siya bukas.
______
"Tonton, ano ba yung pinag-usapan niyo ni Trisha kanina?" ang agad kong tanong sa kanya nang maka-uwi kami.
"Sinabi lang niya na tanggap na niya ang aking mga sinabi. Pero pinangako ko sa kanya na hindi mawawala ang aming pagkakaibigan. Hindi ko man siya kayang tumbasan ang nararamdaman niya sa akin ay maaari ko nama nsiyang mahalin bilang kaibigan." ang sagot niya sa akin.
"Masaya ako at nagkaayos na kayo"
"So wala na tayong problema, hindi ka na dapat talaga magalit sa akin ah"
"Oo naman"

Sa gabing iyon ay sabay naming ginawa ang aming mga assignments. Siyempre ay hindi mawawala sa amin ang kulitan. May pagkakataong tinutusok niya ako sa tagiliran, ako naman ay natatawa dahil sa kiliti at kilig na rin. Sa mga oras na iyon, napapansin ko sa kanya na talagang masaya siya dahil todo ang kanyang pagngiti at pagtawa na nakakadagdag ng kanyang kagwapuhan.

Pero hindi ko pa rin maiwasang mabahala. Bumabalik kasi sa aking isipan ang posibilidad na may ibang mahal at kasintahan si Tonton dahil sa ginawa niya kay Trisha. Ngunit wala naman akong lakas ng loob na itanong iyon dahil na rin sa hiya na baka kung ano ang isipin niya sa akin.

"Josh, may problema ba?" ang tanmong niya sa akin nang mapansing may iniisip ako.
"Wala naman, masaya lang ako dahil nagkaayos na kayo ni Trisha" ang aking pagpapalusot.
"Hindi yan totoo, alam kong may gumagambala diyan sa isip mo. Sabi ko naman sa iyo di ba na nandito ako, maaaring sabihan mo ng iyong mga problema. Sige na sabihin mo na yan sa akin" ang sabi niya at inakbayan ako.Nakatingin siya sa akin na naghihintay ng aking sagot.

"Itatanong ko na ba sa kanya o hindi? Di bale na lang baka hindi ko lang matanggap ang isasagot niya" ang pag-aalangan kong tanong sa aking sarili.

Wala ito sige na tapusin na nga natin itong mga assigments natin" ang sabi ko na lang sa kanya.

"Sige bahala ka na nga diyan. Ah Josh dito ulit ako matutulog sa kwarto mo ngayon ha"

Itutuloy. . . . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com

No comments:

Post a Comment