Wednesday, December 19, 2012

Pantasya (16)

by: Daredevil

Matapos ang isang oras na lunchbreak ay sabay kaming bumalik sa opisina. Sa nalalabing oras ng trabaho para sa araw na iyon ay ganoon pa rin si Kuya Carlo sa akin, nakatingin siya sa akin at kapag susulyapan ko siya ay ngingitian ako. Sa loob ko, di ko maiwasang kiligin. Sobrang nadadala ako sa mga ngiti niya sa akin. Mas sasaya sana ako kung malalaman ko ang totoong iniisip at damdamin niya para sa akin pero sa ngayon ay wala pa talaga akong lakas ng loob na itanong iyon.

Hanggang sa sumapit ang oras ng uwian, nag-aayos na ako ng mga papeles sa mesa nang lumapit siya sa akin.

Umubo muna siya na tila nagtatanggal ng bara sa lalamunan bago magsalita. "Rico, halika na sabay ka na sa akin, ihahatid na kita sa inyo. Dadalawin ko rin kasi si mama ngayon."
Nagulat man sa biglaan niyang offer, pumayag na rin ako. Siyempre makakatipid din ako sa pamasahe.

Sabay kaming lumabas ni Kuya Carlo papuntang parking lot. Habang naglalakad, nakatingin pa rin sa amin ang ibang mga empleyado doon. Nagtaka ako kung bakit hindi ko nakita si Jerome, inisip ko na lang na baka nauna itong umuwi dahil siguro sa pinag-usapang naming dalawa.

Sa loob ng kotse panay pa ang pagngiti niya sa akin, para bang hindi nakakaramdam ng pangangawit ng panga.
"Alam mo Rico, sobrang ganda ng araw ko ngayon, dahil pinasaya ako ng isang taong mahalaga sa akin" ang pagbubukas  niya ng usapan habang nagmamaneho.
"Ah eh ganoon po ba" ang naisagot ko lang sa kanya. Pero sa loob ko ay may kaunting sakit akong nararamdaman, malay ko ba kung ang asawa o anak niya ang tinutukoy niya. Hindi ko naman maassume na ako iyon.
"Teka bakit ganyan ang sagot mo, may mali ba sa sinabi ko?" ang tanong niya sa akin.
"W...wa..wala Sir, may iniisip lang ako" ang pag-aalibi ko sa kanya.
"Sigurado ka, alam mo Rico gaya ng sabi ko kanina kung involve ako sa mga iniisip mo, sana hayaan mong malaman ko ito. Sisikapin kong matulungan kita."

Siguro nga ay nakikiramdam na siya sa akin. Marahil ay hinuhuli lang niya ako na sabihin sa kanya ang lahat.
"Hindi po Sir, inaalala ko lang si nanay" ang nasabi ko sa kanya. Napapailing na lang siya sa akin. Halatang hindi kumbinsido sa sagot ko.

Magdidilim na nang makarating kami sa bahay. Sabay kaming bumaba ng kotse.
"Rico, see you mamaya, dadaanan kita bago ako umuwi" ang sabi niya sa akin bago pumasok sa bahay ng kanyang mama sa tapat.

"Uy, sabay sila ni Carlo, kita ko." ang agad na salubong ni nanay pagkapasok ko ng bahay.
"Ano ba kayo nay, sumabay lang siya sa akin, dadalawin lang niya si Tita Mely ano"sagot ko sabay mano sa kanya.
"Ito naman, kunwari ka pang hindi masaya dyan. Hoy, mula pagkabata mo kilalang-kilala na kita. Sus"

Tama si nanay, masaya nga ako pero gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko yun nararamdaman ng todo, parang kulang dahil may limitasyon ang samahan naming dalawa.
"Sige na nay, pasok na muna ako sa kwarto, medyo masakit ang ulo ko" ang paalam ko sa kanya.

Sa loob ng kwarto inumpisahan kong kalikutin ang binigay niya sa aking cellphone.Sobrang nag-eenjoy ako sa kakapindot. Maya-maya may dumating sa aking message.
"d2 na me sa tapat ng gate niyo, pagbuksan mo naman ako oh" ang sabi ng message na obvious namang si Kuya Carlo iyon.

Nabigla  naman ako sa nakita ko pagbukas ng gate. Isang hunk ang lumitaw sa aking harapan. Si Kuya Carlo ay nakasandong puti at boxe shorts na hapit sa kanya dahil sa laki ng kanyang katawan. Kahit alam kong na-achieve ko na rin ang ganoon ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha at magnasa. Gustung-gusto ko na nga siyang yapusin ng mga oras na iyon.Pero pilit kong pinipigilan ang aking sarili.

Marahil napansin niya ang pagtitig ko sa katawan niya. "Ehem, ehem may balak ka bang patuluyin ako" ang sabi niya sa akin. Isang ngiting animoy nanunukso ang nakita ko sa kanyang mukha.
"Pasensiya na po Sir, pasok na po kayo" sabi ko sa kanya.

Agad siyang sinalubong ni nanay sa sala. "Carlo, kamusta na, kumain ka na ba?" ang tanong ni nanay pagkaupo sa sofa.
"Ayos lang po ako. Tapos na ko maghapunan kay mama." sagot niya.
"Aba, masaya ka na ah. Mukhang naging effective" ang sabi ni nanay na nakapagpabigla sa akin.
"Nay ano ang ibig mong sabihin" ang agad kong tanong sa kanya.
Hindi agad nakasagot si nanay sa tanong ko na halatang nabigla rin. Nagkatinginan muna sila ni Kuya Carlo bago sumagot. "Wala yun anak."

Hindi na ako nagpumilit pa. Pero sa isip ko, alam kong may isang bagay akong hindi alam. Sa pagkakataong ito, hahayaan ko muna ito tutal ay malalaman ko pa rin naman ito.

"Carlo, salamat sa perang binigay mo, kahit papaano ay nakabawas ng utang" si nanay ulit na halatang iniba lang ang usapan.
"Si Rico po ang pasalamatan niyo dahil sa magandang performance niya sa kompanya." ang sagot ni Kuya Carlo na nakatingin sa akin.
"Sige maiwan ko muna kayong dalawa diyan at marami pa akong gagawin sa kwarto." ang paalam ni nanay.

"Halika sa kwarto mo", ang yaya niya sa akin.
"Naku Sir, baka gabihin po kayo at isa pa ay matutulog na ako. Di ba sabi mo may pupuntahan tayong meeting bukas." sagot ko.
"Wala nang meeting kinansel ko na for another day. Kung sasabihin mong matutulog ka na dahil maaga ang pasok mo bukas, wag kang mag-alala dahil excuse ka sa akin. Sige naman oh please."
Kita ko sa mukha niya na para siyang batang nagmamakaawa. Kaya napilitan akong pumayag.

"Ganoon pa rin pala ang kwarto mo parang walang nagbago" sabi niya pagkapasok sa loob. Walang sabi-sabing humiga agad siya sa aking kama.
Nakaramdam naman ako ng pagkailang sa ginawa niya. Siyempre matutulog na ako at hindi ako sanay ng may katabi ako kung may balak man siyang dito rin matulog. Isang parte naman ng isip ko ang nagtatanong kung bakit siya nandito kaya tinanong ko siya.
"Sir, bakit pa po kayo nandito, wala po ba kayong ibang gagawin?" ang casual kong tanong sa kanya habang nakatayo pa rin sa tapat ng kama kung saan siya nakahiga.
"Bakit ka nagtatanong ng ganyan, di ba dati pa naman ako nakakapasok dito sa kwarto mo, at saka wala naman akong gagawin sa pagkakatanda ko." ang sagot niya.

Hindi kaagad ako nakapagsalita nang mga oras na iyon nang mapatingin ako sa ibaba niyang bahagi ng katawan. Dahil nakahiga siya at nakaboxers, halatang-halata ang bukol sa kanyang harapan. Parang nag-init akong bigla at di ko rin naiwasang tigasan.Ewan ko ba parang tinutukso ako ng taong ito.
"Mali ito mali!" ang sabi ko sa aking sarili.

Bigla naman siyang umupo sa kama mula sa pagkakahiga at inabot ang aking braso para tumabi sa kanya. Madali niya akong napasunod dahilsa mga iniisip ko kanina.
"Rico, maraming salamat. Sana ganyan ka na palagi" ang sabi niya sa akin ng may ngiti.
Nagbalik na ang ulirat ko sa sinabi niya."Wala po iyon sir. Dapat nga ako pa ang magpasalamat sa binigay mong regalo sa akin."
"Kulang pa yan compared sa sayang binigay mo sa akin. Sobrang pinagaan mo ang kalooban ko Rico. Siyanga pala, diyan muna ako titira kay mama ng ilang araw."

Kinilig naman ako sa sinabi niya. Dahil mapapadalas na talaga ang pagsasama naming dalawa. Pero nagtaka ako kung bakit siya lang. Naisip ko na lang na baka hindi niya sinama ang kanyang pamilya para hindi ko makita.
Bigla naman niyang ginulo ang buhok ko at nagsalita. "Uy nag-iisip ka na naman diyan, sabihin mo na nga kasi sa akin kung ano ang bumabagabag sa iyo"
Ito na naman siya, ang mga pahiwatig niya. Ito na ba ang tamang oras para itanong sa kanya ang lahat. Para malaman ko na kung may magandang kahahantungan itong set-up naming dalawa. Unang araw pa lang kasi namin ay sobrang nag-eenjoy na ako at alam kong ganoon din siya.

Huminga muna ako ng malalim bago mag-umpisang magtanong sa kanya. "Sir Carlo, kung gusto mo po malaman ang totoo, sasabihin ko na po sa iyo."
"Yan, sige umpisahan mo na" ang may ngiti niyang pagsagot. Nakikita ko sa mukha niya ang pagkainteres na makinig sa aking sasabihin.
Uumpisahan ko na sanang magsalita nang biglang mag ring uli ang kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kama. Nang tignan niya kung sino ito, saglit siyang tumingin sa akin at sinenyas niya ang kamay na saglit lang at sasagutin ang tawag. Lumabas siya ng kwarto ko.

Ang napakasaya kong mood ay biglang napalitan ng lungkot at sakit. Siyempre asawa niya yon o anak ang tumawag. Obvious naman kasi ang paglabas niya para hindi ko siya mabuko o malaman ang pag-uusapan nila.

Dahil doon ay naisipan kong magtulog-tulugan na para tuluyan na siyang umalis. Kaya dali-dali akong humiga sa aking kama at tumagilid na nakalukbong ang unan sa mukha.

Makalipas ang sampung minuto nilang pag-uusap ay narinig ko ang tunog ng pagbubukas ng pinto. Alan kong pumasok ulit siya.
"Rico, Rico. Rico" sabi niya na habang niyuyugyog ako. Nagkunwari pa rin akong tulog.
"Alam kong gising ka pa, sige uuwi na muna ako. Maaga kitang dadaanan dito para sabay na tayong pumasok bukas. Bye." ang narinig kong sinabi niya sa akin bago tuluyang lumabas.

Hindi ko naiwasang maluha nang gabing iyon.

Itutuloy. . . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com

No comments:

Post a Comment