Wednesday, December 19, 2012

Tukso (04-06)

by: Daredevil

Part 04

Mukhang naging effective ang ginawa ko sa kanya base sa nakikita ko sa mukha niya. "May Cynthia siya, dapat ako rin para fair di ba, hehehehe." sabi ng nademonyo kong utak.

"Totoo ba yang sinasabi mo, di ako naniniwala" pagmamatigas pa rin niyang sabi.
"Thats true, at wala ka nang magagawa doon," sabi ko.


Kita ko ang bigla niyang panglalambot at pagkalungkot. Medyo nakonsensya naman ako sa kasinungalingan ko pero pinanindigan ko ito para na rin maiwasan ang tukso.

"Ganun pala siguro ang dahilan kung bakit lumalayo ka na sa akin, pero di ako susuko Ric tandaan mo yan." sabi niya sabay umalis ng office ko.
"Salamat umalis na din makakapagtrabaho na ko nito ng maayos" pahabol kong sabi sa kanya habang binubuksan ang pinto palabas.

Kinagabihan, nagpunta na ko ng Starbucks gaya ng usapan namin ni Bea. Nakita ko silang lahat nandun na at ako na lang ang hinihintay.

"Ohhh, nandito na ang VIP, tara inuman na tayo" si Bea.
"Sorry, natagalan ako ang traffic kaya" sabi ko.
"Traffic, gabi na meron pa ba nun" si Nica
"Oo kaya sa EDSA parang di kayo dumadaan doon" sabi ko.
"O siya-siya tara cheers na" yaya ni Althea sabay taas ng aming mga baso.
"Ano na balita friend sa inyo ni Papa Mike." si Bea ulit.

Kinuwento ko naman sa kanilaang mga nangyari pati na ang ginawa kong pagbibiro sa kanya.

"Talaga, nagalit siya hmmmm, I smell something different sa kanya, baka naman in-love siya sa iyo" si Nica sabay kurot sa tagiliran ko.
"Ano ka ba hindi mangyayari iyon, alam ko ung Cynthia na narinig ko sa dad niya kanina ay yung girlfriend niyang sinundan sa Amerika." Impossible yang sinasabi mo.
"Uy nagseselos, ang haba ng hair mo kalbuhin kaya kita dyan" si Bea.
"Ikaw naman, masyado kang assuming pero tama na rin siguro yun para makasigurado para di na maulit ang mga nangyaring kamalasan sa iyo."si Althea.
"Ganun nga yun,sana lang tigilan na niya ako" sabi ko.
"Hay naku friend, para kayong mga teenagers sa pinaggagawa ninyo, FYI hindi na bagay sa inyo yan mga gurang na kayo." si Nica sabay tawa.
"Anong gurang 28 pa lang ako."
"Oo 28 years old na virgin" si Bea sabay tawanan nila.

Marami pa kaming napag-usapan sa gabing iyon kasama na ang tungkol sa bagong produkto ng aking kompanya. Pagkaraan ng halos 4 na oras na inuman...

"Ang dami mo na naman nainom, makakapagdrive ka pa ba niyan" si Nica na nag-aalala.
"Oo kaya ko pa dont worry dear" sabi  kong lasing na.
"Hindi mo na kaya, paano ka kaya makakauwi niyan, ah alam ko na pahiram muna ng cellphone mo." si Bea.

Binigay ko na rin ang cellphone ko. Alam ko na tatawagan niya ang yaya ko para ipasundo ako.Maya-maya nakatulog na ako dahil sa kalasingan. Hindi ko na alam ang mga sumunod  na nangyari.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa sobrang liwanag. Dahan-dahan kong minulat ang mga nasilaw kong mata. Binuksan pala ang bintana ko na di ko kailanman ginawa dahil may aircon naman ako sa kwarto.Nang mapalingon ako sa bandang kaliwa ng kama ko, bigla akong napabangon.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa lalaki.
"Babe, siyempre binantayan kita sa pagtulog mo, ako kaya ang naghatid sa iyo dito kagabi."
"Paano mo nalaman king nasaan ako ha? tanong ko na medyo naguguluhan.
"Tinawagan ako ni Bea at tinuro niya kung saan ka nakatira" si Mike sabay ngisi.
"Siyempre natuwa ako dahil hindi pala totoong may boyfriend ka kaya pumayag ako sa pakiusap niya" dagdag pa niya.

"Kaya pala niya hiniram ang cellphone ko kagabi, lagot ka sa aking bruha ka," sabi ng isip ko kay Bea.

"Ok na ako, kaya makakaalis ka na" pagtataboy ko sa kanya.
"Iyan ka na naman, paborito mo talagang gawain yan, ang paalisin ako, alam mo nagtataka ako sa iyo dahil ikaw lang ang naglalakas loob na magpaalis sa gwapong ito" si Mike sabay papogi sign.
"Nyak pogi daw, kumain ka na ba, puro hangin na yata ang tiyan mo na napunta sa utak kaya kung anu-ano pinagsasabi mo" sabi kong napapailing dahil sa kayabangan niya.
"Bakit hindi ba totoo, at saka di pa ako kumakain, tara baba na tayo" yaya niya sa akin sabay tayo.
"Sasabay ka, tinanong mo na ba ako kung papayag ako" sabi ko.
"Alam kong di ka papayag kaya di na ko nagpaalam, at saka ako ang nagluto ng almusal natin,  si yaya pinag day-off ko muna" si Mike.
"Aba, aba di ka lang pala makulit, pakialamero pa. Hindi ka pa rin nagbabago, lahat ng gustuhin mo ginagawa mo."
"Oo naman and I'm happy na natatandaan mo pa iyon hehehe" sabi niya sabay smile.

Wala na ako nagawa pa kundi ang bumaba at kumain ng breakfast kasama niya. Napapatingin ako sa mukha niya habang kumakain. Ang cute talaga niya saka ang bait, pinagluto pa niya ako ng breakfast.
_______________________________________________

Ang pinapakita niyang kabaitan ang dahilan upang mahulog ang loob ko sa kanya. Naalala ko isang araw nung college ang pagiging mabait niya ang naging dahilan para maging kaibigan ko siya. Dumating na kasi ung araw na nabuking niya ang mga sikreto ko. Isang araw na pasimple akong naglagay ng letter sa kanya sa locker dahil na rin sa namimiss na niya ang mga ito, nahuli niya ako.Nang isusuksok ko ang sulat sa gilid ng pinto ng locker bigla kong narinig ang kanyang boses at kinabahan.

"Ikaw pala si Girly ha" sabi niyang nakatingin sa akin. Kakatapos lang pala nila ng practice ng basketball.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa nerbiyos, napapaatras ako dahil lumalapit siya sa akin at ngayong napasandal na ako sa mga lockers lagot na, nakikita kong pinapatunog niya ang mga kamao tanda nang susuntukin niya ako. Nanalangin na ako sa lahat ng alam kong mga santo sa kahihinatnan ko sa kanyang gagawin.

"Matagal mo na pala akong niloloko kaya pala di ka makapagpakita sa akin", si Mike sabay suntok sa bahagi ng locker na malapit sa kanan kong tainga tanda ng pagdadabog.

Nanginginig na ang bibig ko at nagtutunugan na ang mga ngipin dahil sa takot lalo na nang kinuwelyuhan niya ako. Nagsalita siya ulit na ikinabigla ko at di inasahan.

"Ikaw nagpanggap ka pang babae para lang makipagkaibigan sa akin" Si Mike na galit pa rin ang itsura.
"Pero di mo na kailangang gawin iyon, pinahirapan mo lang ang sarili mo, approachable naman ako e" ang bigla niyang pagngiti at pagbabago ng tono ng boses.
"Sa totoo lang  kinutuban na rin ako na ikaw yung nagbibigay ng mga letters kasi yung handwritting. Kakatuwa ka talaga" sabi rin niya sabay pisil sa pisngi ko siguro sa gigil.

Nanlaki ang mata ko sa inasal niya. Akala ko talagang nagalit siya. Kaya pala namimiss niya ang mga letters. Bigla naman niyang hinawakan ang dibdib ko.

"O kinabahan ka ba sa akin, takot ka ano, iyan ang parati kong nakikita sa iyo noon pa. Sana man lang baguhin mo na iyan, wag ka namang ganyan sa akin" nakangiti na niyang tugon sabay haplos ng ulo ko. Hindi pa rin ako makapagsalita.
"Tutal alam mo na ang lahat ng saloobin ko sa ginagawa mo sa akin, sana man lang pagbigyan mo na ako maging friend mo" dagdag niya.
"Ah yun ba, sige walang problema friends na tayo" nakangiti kong tugon sa kanya.
"Wow salamat ha, ang tagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito, mababaw ba hehehehe? pero ito ang nararamdaman ko e" si Mike na tuwang tuwa. Kita sa mga mata niya ang kasiyahan.
"Woooooooooooooooh" sigaw pa niyang parang nanalo sa lotto.

Doon ko napatunayan na mabait pala siyang tao. Talagang friendly siya. Sa wakas natapos din ang problema ko noong panahong iyon.
_____________________________________________

Kabaitan, ganyan din ang pinakita ng mga nakarelasyon ko. Isang tukso na dapat kong iwasan. Hindi ako magpapadala sa mga gagawin niya dahil baka masaktan ulit ako sa huli. Hindi na ako bata para magpauto ulit.
Pangako ko sa sarili ko.

"Pagkatapos mong kumain, umalis ka na, maghahanda pa ako sa pagpasok sa opisina at ayaw kong makita ang mukha mo doon, naiintindihan mo ba ha?" sabi ko habang kumakain kami.
"No kahit kailan hindi ko maiintindihan ang pagtrato mo sa akin at wala ka palang choice, ihahatid kita ngayon at susunduin dahil hindi mo magagamit ang kotse mo kinumpiska ko muna" sabi niya sabay subo ng kinakain.
"Shit"

Itutuloy. . . . . . . . .

Part 05

"Uy nagmumura ka na, masama yan." si Mike habang kumakanin pa rin.
"Sino ba naman ang di magmumura sa ginagawa mo? Saan mo pala dinala yung kotse ko?" mga tanong ko sa kanya.
"Bakit ko naman sasabihin sa iyo, dont worry nasa mabuting kamay iyon?" si Mike.
"Alam mo di ka na nakakatuwa, nauubos na ang pasensiya ko sa iyo, kapag napuno ako baka kung ano magawa ko sa yo" naiinis ko nang sabi.
"E di gawin mo, tignan ko lang kung magagawa mo iyon sa isang anghel na katulad ko hehehe." sabi niyang natatawa.
"Ay, anghel saan nanggaling sa ilalim ng lupa" sabi ko sabay tayo upang ilagay ang pinagkainan ko sa lababo.
"Pwede ba huwag na tayong mag-away hindi ka naman  mananalo sa akin tsk, wala ka namang magagawa pa tandaan mo yung sinabi ko sa iyo sa office hahahahah" sabi niya sabay tayo rin para ilagay ang pinakainan din sa lababo.

Tama siya, para kaming aso at pusa. Hindi ko rin kasi maintindihan ang taong ito kung bakit lapit ng lapit sa akin kahit na pinapakita ko na di ako interesado sa kanya. Pero sa loob-loob ko kinikilig ako, parang ang labas tuloy pakipot ako. Sa totoo lang ngayon ko lang ginagawa ito dahil sa mga nauna kong nakarelasyon, kapag nagpapakita kasi sila ng tukso, bumibigay agad ako.

Bumalik na ako ng aking kwarto para kumuha ng twalya. Pagpunta ko ng banyo, nainis ako dahil inunahan ako ng mokong pero nawala agad iyon ng marinig kong pakanta-kanta siya. Kung di ako nagkakamali isa itong kanta ng Itchyworms na parang patama sa akin. Ewan ko pero sana love song na lang. Arhhhh! mali to, hindi ito pwede, wag magpatukso, kung anu-ano na naman ang iniisip ko. Pero parang naninigas ang paa ko at ayaw akong paalisin sa pinto. Ang ganda kasi sa pandinig ng boses niya.

wag kang maniwala d'yan. 'di ka n'ya mahal talaga
Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya
Iiwanan ka lang n'yan, mag-ingat ka
Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae n'ya

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa 'yo

'di naman ako bolero katulad ng ibang tao
Ang totoo'y pag nandyan ka medyo nabubulol pa nga ako
Malangis lang ang dila n'yan, 'wag kang madala
Dahan-dahan ka lang, baka pati ika'y mabiktima
('wag naman sana)

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa 'yo

'di naman sa sinisiraan ko ang pangit na 'yan
'wag ka dapat sa'kin magduda
Hinding-hindi kita pababayaan!

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa 'yo

Akin ka na lang
Liligaya ka sa pag-ibig ko
Akin ka na lang
Wala nang hihigit pa sa 'yo
Wala nang hihigit pa sa 'yo
(akin ka na lang)

Nakikinig lang ako sa kanyang pagkanta sa banyo. Naimagine ko naman na ako yung sinasabihan niya na akin ka lang pagkatapos ang dapat kong layuan ay yung mga nakarelasyon ko at siyempre siya yung totoong umiibig daw sa akin na dapat kong lapitan. Ay parang ang gulo naman ng interpretation ko ah. Teka, teka bakit ako nag-iisip ng mga ganito dapat di ako bumigay. Hindi dapat ako mahulog sa patibong niya. Pigilan mo sarili mo Ricardo Sandoval.
Maya-maya di ko napansin na natapos na pala siya sa banyo at binuksan ang pintuan, sakto nakita niya ako.
Grabe, mas maganda na ang katawan niya ngayon, halatang alaga sa gym kahit medyo nagkakaedad na siya. Tapos ang bukol sa twalya na kailanman di ko pa natikman sa mga lalaki ko. Ay buhay! tinitigasan na ako syet. Hindi ako nagpahalata sa kanya. Pero.....

"Uyyyyyyy!!! napapatitig siya. Aminin mo kasi na naaakit ka sa akin. Sabi ko naman sa iyo e na tanggapin mo lang ako, matitikman mo ito palagi, magpaparaya naman ako hahahahaha." sabi ng kumag habang hinahaplos ng kamay ang nakabukol niyang harapan.
"Aba, ang kapal talaga ng mukha mo, ako maaakit sa iyo, no way. Saka meron din akong ganyang katawan at pag-aari ano" sabi kong may pagyayabang sabay hampas ng hawak kong twalyasa kanya.
"Tama ka dyan, yan nga ang dahilan kaya gustung-gusto kita hahahahaha" tawa ulit siya.
"Sapak gusto mo, makaligo na nga malalate na ako"

Sa loob ng banyo, naiisip ko  pa rin ang adonis na nakita ko kanina lalo na ang paghimas ng kanyang pagkalalaki na lalong nagpatigas sa aking harapan. Naimagine ko na kasiping ko si Mike. Arrrrhhh, kung anu-ano na naman pumapasok sa utak ko, letseng tukso na iyan" pasigaw kong sabi sabay alog ng ulo at untog sa pader.

"Hoy, ang hirap pigilan ano, pakipot ka pa kasi Babe, sabihin mo lang pagbibigyan kita, matagal ko na kayang hinihintay yun pero alam ko mataas ang pride mo kaya diyan mo na lang palabasin ang libog mo hahahahaha" si Mike na narinig pala akong sumigaw.
"Ulol, hindi ako malibog, tumigil ka nga dyan"

Medyo naririnig ko pa rin ang mahinang paghalakhak ng kumag. Pero di ko na lang iyon pinansin. Tinuloy ko na ang pagligo, nang matapos nagbihis, nagsuklay, nagsipilyo, nagpabango, at nagsuot ng sapatos. Paglabas ko ng pinto ng bahay, nakita ko siya nasa loob na ng kotse. Nang makita ako, lumabas siya at binuksan ang pinto sa kabila.

"Akala mo ba sasakay ako diyan in your dreams", sabay deretso palabas ng gate. Binalak ko na sanang magcommute na lang. Pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya  ang kamay ko at hinila papasok sa kotse. Ako naman di na nakatanggi.

"So simula ngayon ako na ang maghahatid sa iyo sa office at magsusundo sa iyo" si Mike habang nagmamaneho.
"Nagtataka na ako sa iyo, wala ka bang ibang ginagawa sa buhay, palagi na lang ako ang iniintidi mo, nagsasayang ka lang ng time sa akin" sabi ko.
"Wala" deretsahang sagot niya.
"Wala, sigurado ka, baka dahil sa ginagawa mo sa akin may napapabayaan ka na" sabi kong may ibig ipahiwatig sa kaniya. Siyempre si Cynthia iyon.
"Sa tingin ko wala, maayos naman ang buhay ko e"

Napaisip ako sa sagot niya, maayos daw ang buhay niya saka wala daw siyang iniintindi. Nahihiwagaan na ako sa kanya. Gusto ko na sanang itanong sa kanya tungkol sa girlfriend niya pero di ko magawa baka isipin niya nagseselos ako.Sinarili ko na lang iyon.

Makalipas ng 30 minuto, nakarating na kami sa opisina ko.

"Huwag ka munang lalabas, mauuna ako." sabi ko sa kanya.
"Hindi sabay tayo lalabas, wala namang dahilan para ikahiya mo ako" pagtanggi ni Mike.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumabas ng kotse, binuksan ang kabilang pinto, hinawakan ako sa kamay at hinila palabas, at inakbayan ako papasok ng lobby ng kompanya. Nailang naman ako dahil sa nakikita kong mga malisyosong tingin sa akin mula sa guard hanggang sa mga tauhan ko. Nang makarating kami sa office ko....

"Ano ba yang ginagawa mo, matsitismis tayo niyan e, baka anong isipin ng mga nakakita sa atin." sabi ko kay Mike na hiyang-hiya.
"Wala ako pakialam kung ano isipin nila, hindi naman ako gumawa ng masama." si Mike.
"At parang nagustuhan mo naman kasi di ka pumalag kanina" dagdag niya sabay kurot sa tagiliran ko.
"Anong nagustuhan, tumigil ka nga dyan" sabi kong natatawa na pero pinipigilan ko.
"Kita mo natatawa ka, ginagawa mong tanga sarili mo eh.Tanggapin mo na lang kasi ako sa puso mo. Kahit magmatigas ka hindi pa rin kita titigilan."si Mike.

Sa totoo lang tama nga yung sinabi niya para di na ko mahirapan pa. Pero naisip ko pa rin na baka mangyari ulit sa akin ang masaktan. Ni hindi ko nga alam kung ano ang mga nangyari sa kaniya nang mawala siya ng mahigit 8 taon. Nadala na talaga ako e.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ayo..." sabi ko pero agad siyang sumabat.
"Ayaw mo sa akin, bakit ba anong problema mo, wala ka namang boyfriend, tall dark and handsome naman ako, matalino, mayaman sabihin mo naman sa akin oh." sabi niya sabay lapit sa akin at haplos ng pisngi ko.

Itutuloy. . . . . . . . .

Part06

Kahit nagugustuhan ko ang paghawak niya sa pisngi ko, agad kong inalis iyon. Pero tuloy pa rin ang pagtitig niya sa akin. Maya-maya nag ring ang cellphone ko.Pumunta ako sa may bintana ng office saka binunot ang phone sa bulsa.

"O friend, ano na balita sa inyo, goodbye virginity na ba?" sabi ng tumawag.
"Ano ba iyang pinagsasasabi mo, hindi mo alam kung anong gulo ang ginawa mo sa akin, lagot ka sa akin mamayang bruha ka" sabi ko kay Bea na medyo pagalit.
"Kunwari ka pang maggalit-galitan, aba pasalamat ka pa sa amin at siya ang napili kong maghatid sa iyo, no choice na kami e puro number ng clients ang naka register sa phone mo kaya." si Bea ulit.
"Ah basta, mamaya inuman ulit tayo dun ulit sa Starbucks, sabihan mo na ang buong tropa ha, marami pa tayong pag-uusapan" sabi ko sa kanya.
"Sure, sige see you later" si Bea sabay baba ng phone.

"Mag-iinom ka ulit mamaya?" biglang tanong ni Mike sa akin.
"Oo naman, at wala ka nang pakialam doon." sabi ko.
"Ah ok, sige sasama ako sa inyo mamaya, oooops hindi ka na pwede tumanggi" si Mike sabay wave ng isang hintuturo niya sa akin.
"May magagawa pa ba ako, tutal ayaw mong umalis dyan, bahala ka mainip" sabi ko.
"Ako maiinip, never yun mangyayari basta palagi kong makikita ang iyong mukha" si Mike.
"Bolero, tumigil ka na dyan, huwag kang maingay ha"

Nagsimula na ako sa pagtatrabaho. Habang nagbubuklat at nagsusulat sa mga papeles di ko naman maiwasan ang mata kong tumingin sa taong nakaupo sa sofa. Ang ginagawa niya, nakahiga lang doon, nakapikit ang mata at ang ulo ay nakapatong sa isa niyang braso. Buti naman sa isip-isip ko at least hindi maingay.

Maya-maya, gindi ko maintindihan ang sarili ko, parang namagnet itong papalapit sa kanya. Nang makalapit na ako sa kanya, isang kamangha-manghang mukha ang nakita ko. Para talaga siyang isang anghel na natutulog at ang labi, hay ang sarap halikan. Ewan ko ba pero sa puntong iyon habang napatitig ako sa kanya, naisip ko biglang samantalahin ang pagkakataon. Sinubukan kong ilapit ang mukha ko sa kanya at halikan. Dahan-dahan ko itong ginawa upang hindi siya magising. Palapit na nang palapit ang mukha ko at ang labi namin ay halos 5 sentimetro na lang ang pagitan nang bigla niyang idilat ang mata niya. Bigla ko namang layo ng mukha sa kanya at tumayo.

"O bakit mo tinigil, may sinabi ba ako sa iyo, sige na ituloy mo lang, hindi naman ako magagalit" si Mike na umupo na rin sa sofa at pangiti-ngiti.

Hindi talaga ako nakapagsalita, hindi ko alam kung anong dahilan ang sasabihin ko sa kanya. Naisipan ko na lang na bumalik sa aking ginagawa sa mesa.

"Ano, naiinis ka ba dahil hindi natuloy ang balak mong paghalik sa akin?" si Mike sabay lapit sa mesa ko at umupo sa isang upuan sa tapat ko.
"Alam mo, kung itinuloy mo iyon, masasabi mo sa sarili na ang labi ko ang siyang pinakamasarap halikan." dagdag niya.

"Ha.. ah...eh...kuwan...ano..hmm" kakainis, wala akong masabi.

Nagsimula na siyang tumawa nang tumawa. Ako namutla dahil sa kahihiyang ginawa ko sa kanya. "Bakit pa kasi nagpapakipot ka pa, tignan mo dahil sa pagpipigil mo, hindi mo na alam ang mga ginagawa mo Ric" sabi ko sa isip ko.

"Baka hindi ka na makapagtrabaho niyan, sige labas muna ako saglit, medyo nagugutom na ko e bye" sabi niya sabay tayo palabas ng pinto. Naririnig ko pa rin ang pagtawa niya sa labas habang naglalakad palayo.
"Ay salamat, makakapagconcentrate na rin ako" bulong ko sa sarili ko.

Naguluhan talaga ako sa sarili ko sa nangyari. Bakit ko ba ginawa iyon? Masyado na yata akong naaakit sa kanya. Arrrhhhh!!!hindi to pwede, hindi dapat ako mainlove ulit. Kasalanan naman niya kasi, nagpapacute siya sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya. Hindi. Dindi ito pwede, dapat makaisip agad ako ng paraan.

Tinuloy ko na ang pag-aayos ng mga papeles. Makaraan nang mahigit na isang oras, biglang bumukas ang pinto. Sino pa ba walang iba kundi si Mike pero may dala siyang pagkain galing Jollibee.

"Babe, stop ka muna diyan, tara kain na tayo, binilhan kita ng paborito mong chickenjoy" si Mike sabay abot sa akin ng pagkain.
______________________________________________

Bigla ko na namang naalaala ang jollibee. Simula kasi nang maging official friends kami, doon niya ako agad unang dinala para ilibre ng meryenda. Kita talaga sa kanya ang sobrang kasiyahan.

"Ricardo, tutal friends na tayo, pwede sigurong Ric na lang itawag ko sa iyo kasi nahahabaan ako sa name mo eh" si Mike habang naglalakad kami palabas ng gym nila.
"Oo naman" pagpayag ko.
"Salamat, so Ric dahil friends na tayo hayaan mong ilibre kita sa Jollibee" yaya ni Mike.
"Huwag na kakahiya naman sa iyo malapit na rin naman ang uwian sa amin na lang ako kakain hehehe" pagtanggi ko.
"Pumayag ka na plsss, bahala ka magtatampo ako sa iyo" si Mike na nagmamakaawa.
"Sige na nga" pagpayag ko na rin.
"Yehey, pumayag na rin siya, tara na bilisan na natin ang paglakad." si Mike.

Nang makarating kami sa Jollibee....

"Ric hanap ka na nang mauupuan natin ako na ang oorder. Ano nga pala ang gusto mo?" si Mike.
"Chickenjoy lang" sagot ko sa kanya.
"Ok wait for me" si Mike sabay pumila sa counter. Makalipas ang mahigit 5 minuto, bumalik na siya dala ang order namin..
"Aba, ang dami nito Mike mauubos ba natin ito" tanong ko.
"Ano ka ba celebration natin ito eh, the official day ng pagsisimula ng ating friendship. Sige na kumain ka na." si Mike.

Pagkatapos kumain, nagpaalam na ako sa kanya na uuwi na.

"Mike salamat pala sa treat ha, sige uuwi na ako" paalam ko sa kanya.
"Thanks sa friendship ha, di mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya, sige see you tomorrow" si Mike.
"Bye" sabay lakad ko papuntang sakayan.

Nakatingin lang siya sa akin habang naglalakad ako palayo. Nung nasa jeep na ako nakareceive ako ng message galing sa kanya, Naalala ko na ito palang number ko ang binigay ko sa kanya nung nagpapanggap ako.

"Thanks ulit Ric excited na ako bukas kasi simula iyon ng pagbabago.Ingat ka sa biyahe" text ni Mike.

Napangiti na lang ako. Tama siya, may malaking magbabago kinabukasan. Maging ako ay excited na.

Ang sarap talaga balikan ang nakaraan.
_______________________________________________

"Uy kanina ka pa nakatunganga diyan, lumalamig na yung pagkain" si Mike habang kumakain ng hamburger.
"Hindi mo ba ito nilagyan ng gayuma ha" tanong ko.
"Hindi ko na kailangan pang gawin iyon dahil sa mga nangyayari, nagagayuma na kita. Kahit di mo aminin sobrang naaakit ka na sa akin" si Mike habang umiinom ng coke.
"Anong naaakit, hindi pwede mangyari iyon, masyado ka namang assuming diyan" pagtanggi ko.
"Sige tanggi lang bibigay ka rin someday" si Mike.
"Anong someday baka noway" sabi ko, Tumawa lang siya.

Natapos din ang oras ng trabaho ko sa office. Dahil sa wala akong kotse, napilitan akong sumabay sa kanya pauwi. Nasa loob na kaming dalawa at handa na sana niyang istart ang makina nang biglang may tumawag sa kanya. Nang sagutin niya ito, bigla siyang napatingin sa akin na parang may tinatago at lumabas ng kotse para kausapin ang tumawag.

Ang daming pumasok sa isip ko sa ginawa niya. "Ayan, tumawag na ang girlfriend niya, paano ka na iiwanan ka na niyan, ikaw kasi dapat pinilit mo siyang umalis? Kita mo nasasaktan ka na naman. Hindi ka pa ba nadadala?" mga naiisip ko ng mga oras na iyon.

Mahigit isang minuto rin silang nag-usap. Maya-maya pumasok na ulit siya sa loob.

"Lets go. ihahatid kita sa inyo tapos uuwi  muna ako dahil may importante lang akong aasikasuhin" si Mike.

Ok na sana ang mood ko pero bigla itong nabago dahil sa isang tawag. Kaya hindi ko magawang humarap sa kanya habang nagmamaneho. Pero nararamdaman ko na  meron siyang tinatago kahit di ko nakikita ang mukha niya. Nakarating naman ako sa amin nang maayos. Kusa na akong bumaba at dumeretso agad papasok ng gate. Hindi ko na pinakinggan ang mga sinabi niya.

Pagpasok sa loob, agad akong umupo sa sopa. Ito na naman, hindi pa nga nagtatagal, nasaktan na ako muli. Kasalanan ko kasi, bumibigay agad ako sa tukso. Arhhhhh! ano ba itong nararamdaman ko? Dapat magpakasaya muna ako para makalimot. At bigla kong naalala ang inuman namin mamaya. Agad kong tinawagan si Bea.

"O friend, nasabihan ko na sila, pumayag sila." si Bea.
"Mabuti naman para na rin makamimot sa problema" sabi kong medyo matamlay.
"Ano na naman iyang problema mo friend, dont tell me na naulit na naman ang kamalasan mo?" si Bea.
"Mamaya na tayo mag-usap see you later na lang" sabi ko sabay lapag ng phone sa sofa.

Naisipan kong magshower para pantanggal stress. Pagkatapos, nagpahinga saglit sa kwarto at nang mag gabi, nagbihis na ako para sa inuman. Nagtaxi na lang ako papuntang starbucks.

"As usual nahuli na naman ang VIP," si Nica.
"Kasalanan mo ito Bea dapat di mo na lang siya tinawagan" paninisi ko.
"Hindi ko maintindihan friend, ano ba ang nangyari sa inyo ni Papa Mike?"

Kinuwento ko na sa kanila ang lahat ng nangyari maghapon.

"Hindi namin alam ang iisipin sa mga nangyari sa iyo friend, ano na ang gagawin mo ngayon?" si Althea.
"Ewan ko, natatakot na akong masaktan muli di ko na alam kung ano ang gagawin ko e" sagot ko sabay tungga ng alak.
"Ngayon pa lang dapat makaisip na tayo ng paraan, for the meanwhile dapat magpakasaya muna tayo, kalimutan ang problema, mag-enjoy." si Nica.

Kahit nagkakasiyahan na sila, hindi ko makuhang makisali sa kanila. Naiisip ko pa rin ang nangyari kanina. Nakumpirma ko na sa sarili ko na mahal ko si Mike. Kaya siguro ako nakakaramdam ng ganito.

"Friend, smile ka naman dyan" si Bea.
Dahil na rin sa nainom at sa halo-halong emosyon, bumigay na ako. Lumabas na ang lahat ng hinanakit ko sa pamamagitan ng pag-iyak. Napayakap ako kay Bea.

"Friend mahal ko na siya, mahal na mahal, pero bakit ganito, laging pinagkakait sa akin ang maging maligaya sa pag-ibig" humahagulgol kong sabi. Nilapitan din ako nina Althea at Nica para yakapin.
"Tama na friend naiintindihan ka namin, sige ilabas mo lang iyan" si Bea.
"Sino yung mahal mo at bakit ka umiiyak?" ang tanong nang biglang sumulpot na tao sa amin.

Napatingin naman ako sa taong iyon.

"Mike!"

Itutuloy. . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com

No comments:

Post a Comment