Wednesday, December 19, 2012

Mahal Kita (03)

by: Daredevil

Halos sasabog na ang utak ko sa sobrang asar nang bumalik ako ng bahay. Sumasagi sa isip ko habang nagmamaneho na hindi muna umuwi at magliwaliw gaya ng parati kong ginagawa pero mas iniisip ko ngayon ay ang mga taong naghihintay ng resulta. Papalapit pa lang ako sa gate ng aming bahay ng maaninag ko agad ang isang lalaking nakatayo sa tapat ng gate na animoy may hinihintay. Nakilala ko lang ito nang lubusan akong makalapit. Binuksan niya ang gate upang maipasok ko na ang sasakyan.

Pagkalabas ko pa lang ng kotse ay agad niya akong nilapitan. "Josh ano..." ang itatanong sana niya pero agad ko itong pinutol. "Sa loob na lang natin pag-usapan."

At ganoon nga ang nangyari, halos magcelebrate ang aking mga magulang sa aking binalita, siyempre pabor sa kanila iyon. Napatingin naman ako kay Antonio, napansin ko ang sobra niyang pagngiti. "Tuwa ka diyan!", sa isip-isip ko lang.

Makalipas ng ilang araw ay pinaghandaan na nina Mama at Papa ang nalalapit na pasukan namin ni Antonio. Oo, kasama ang lalaking probinsyano na iyon. Ewan ko nga pero nahihiwagaan ako sa pinapakitang kabaitan nila sa kanya. Ito namang si Antonio, e feel na feel ang special attention na binibigay sa kaniya base sa nakikita ko sa kanya.

Tatlong araw bago ang pagbubukas ng school year ay lumipad na pabalik ng Singapore ang aking mga magulang. Sa airport bago umalis ay sandamakmak na bilin na naman ang sinabi nila sa akin na halos ikatuliro ko.

"Saglit lang anak ha, may sasabihin lang kami ng Mama mo kay Antonio." paalam ni Papa sa akin. Nagtataka man ay napa oo na lang ako. Tumagal ng halos 15 minuto ang kanilang pag-uusap.
"Sige anak, Antonio, Myrna alis na kami." paalam ni Mama sa amin.

Masayang nag-uusap ang mag-ina sa likod ng kotse samantalang ako wala lang, nagmamaneho. Pero napapansin ko ang sobrang closeness nila sa isa't isa at masaya sila, di alintana na mahirap sila na maraming problemang pinagdadaanan. Ilang minuto pa ang nakalipas ng makabalik kami ng bahay.

At ngayon magsisimula ang napakalaking pagbabago sa aking buhay. Kung dati-rati ay nagdidiwang ako kapag wala na ang mga magulang ko, nandyan yung tatawagan ko ang lahat ng aking mga katropa at magjajamming kami sa bahay, sa mall o sa disco ay iba na ngayon dahil narito na ang mga sagabal. Ano pa bang magagawa ko?

Huling gabi bago magpasukan kinabukasan nang may kumatok sa aking kwarto. Dahil sa pagkaabala sa paglalaro sa laptop ay sinabihan ko na lang siya na tumuloy. Nang lumingon ako ay nakita ko si Antonio na nakaitim na sando at boxer shorts lang. Ewan ko pero biglang naguluhan ang aking utak sa aking nasilayan kaya agad kong binalik ang aking atensyon sa aking ginagawa.

"Josh, pwede ba kitang makausap?" ang bungad niyang tanong.
"Ano yon sabihin mo na agad" ang matabang kong tugon.
Naramdaman kong kinuha niya ang isang silya malapit sa aking study table at nilapit ito sa kama kung saan ako nakadapa habang naglalaro sa laptop. Umupo siya sa tapat ko.

"Gusto ko lang sana itanong kung malaki pa ba ang pag-asang magkasundo tayo, kahit yung tipong maging magkaibigan lang ok na sana sa akin?" ang medyo nahihiya niyang tanong.
Hindi kaagad ako nakasagot sa kanyang tanong nang mapadako ang tingin ko sa kanyang boxer shorts na nakaawang sapat upang masilayan ko ang kanyang puting brief. Pakiramdam ko tuloy ay biglang nagkapalit- palit ang mga parte ng utak ko at napunta sa iba-ibang direksyon. Maya-maya pa'y nakita ko na ang tinatagong malaking umbok ng kanyang pagkalalaki!

"Josh"
"Malaki...."
"Talaga!?!?"

Napatayo siya sa kanyang kinauupuan sapat upang bumalik ako mula sa katinuan mula sa malisyoso kong kautakan kanina.
"Ah, eh sabi ko malaking kalokohan ang magkasundo tayo." ang naisagot ko. Buti na lang at nakaisip agad ako ng palusot.

Kita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha at umupo na lang ulit. Ako naman ay itinuon ko na ang pokus sa nilalaro. "Ganoon ba? Sige ipapaalam ko na lang sa iyo na simula bukas ay sabay tayo papasok at uuwi." sabi ni Antonio na medyo may lungkot ang tono ng boses.

"Oo, alam ko naman iyon di mo na kailangang sabihin pa. Yun lang ba ang pinunta mo dito?"
"Meron pa isa Josh, bumili si Tito ng bagong motorsiklo para magamit natin."
"Aba, talaga naman ang lakas mo na kay Papa ah" sagot ko. Sa wakas magkakaroon na rin ako ng sarili kong motor tulad ng iba kong mga kaklaseng lalaki.
"Eh nasaan na ang motorsiklo ko" ang sunod kong tanong na may excitement. Wala naman kasi akong napansin na may nakaparada sa labas ng bahay.

Pinuntahan naming dalawa ni Antonio ang lugar kung nasaan nakaparada ang motorsiklo. Naroon pala ito sa as bakuran ng tinitirhan nilang bahay. Habang papalapit kami sa lugar ay lalong tumitindi ang aking excitement.

At nang makarating kami ay agad kong nakita ang kinaroroonan nito. Isang bagong modelo ito na nakikita ko sa mall. Agad akong lumapit at sumakay.

"Susi"
"Ha"
"Siyempre kailangang mabinyagan na itong motor ko." ang medyo pagyayabang kong sagot habang pinagmamasdan maigi ang features nito.
"Bukas na lang Josh"

Medyo nainis naman ako sa sagot niya. "Pati ba naman dito sa motor ko e papakialaman mo pa, bakit di mo na lang intindihin yung para sa iyo."
"Iniintindi ko naman ah"
"Eh bakit mo pinapakialaman mo pa itong sa akin?"
"Kasi sa akin din yan. Binili ni Tito ang motorsiklo na iyan para sa ating dalawa."

Nabigla naman ako sa sagot niyang iyon. Tinignan ko ang paligid, walang ibang motorsiklo ang naroroon. Naisip ko ang mga pwedeng mangyari, isa sa amin ang magiging driver at angkas sa likod. Kapag nakita kami sa school na nasa ganoong set-up ay baka paghinalaan kaming dalawa.

Ngunit may katiting na porsyento ng aking kautakaan ang pumapabor sa ginawa ni Dad. Kung ako ang tatanungin mas gusto ko ay siya ang maging driver tapos aangkas ako sa likod niya. Siyempre may pagkakataong na akong maka-iskor sa kanya. Habang nagmamaneho ay nadyan yung pasimpleng yayapusin ko siya ng yakap mahaplos lamang ang kanyang matipunong katawan na matagal ko nang nakikita at aamoy-amuyin ang kanyang samyo. Pwede din namang pasimple kong hahaplusin ang kanyang mga hita hanggang mapunta sa...

"Josh, Josh, Josh" ang pagyugyog sa akin ni Antonio na nagpabalik muli ng aking diwa mula sa aking imahinasyon."Kanina ka pa tulala diyan ah."
"Wala" napabulyaw kong sagot sa kanya. Ewan ko ba simula nang dumating ang taong ito ay kung anu-anong masasamang bagay na ang pumasok sa aking isipan.
"Ok." ang tugon niyang may pagngisi. Nang tignan ko siya, di ko alam pero may napupuna akong malisya roon ngunit di ko na lang binigyang pansin pa.

"Ang gusto ko sanang sabihin sa iyo kanina dun sa kwarto mo eh kung ano ang magiging set-up natin sa motor na iyan?" ang sunod niyang tanong.
"Teka hindi pa naman ako pumapayag na dalawa tayong gagamit niyan. Siyempre hindi ka naman papayag na angkinin ko yan kaya gagamitin ko na lang ang kotse.
"Hindi mo na pwede gamitin ang kotse."
"Bakit naman?"
"Iyon ang isa sa mga bilin sa akin ni Tito. Na dapat matuto kang maging independent saka mas mababantayan kita ng maigi kapag ganito"
"Arrhhh! Ewan! Sige payag na ako." ang napilitan kong pagsang-ayon.
"Good. So wala nang problema. May mungkahi pala ako kung gusto mo, na palitan tayo sa pagmamaneho ikaw sa umaga ako sa uwian. Ok ba sa iyo yun Josh?" ang tanong niya muling may kasamang ngiti.
"Sige na! Oo na! Panalo ka na!" ang pikon na pikon ko nang sagot.
Sinuklian lang niya ito ng isang pagtawa na dahilan upang alisan siya at umuwi.

Itutuloy. . . . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com

No comments:

Post a Comment