Wednesday, December 19, 2012

Pantasya (13)

by: Daredevil

Kinabukasan, pumasok ako sa opisina nang normal, na tinatago ang nararamdaman kong kalungkutan. Mahirap kasi baka magkastress ako sa pagtatrabaho.Isang nakangiting Rico ang pinapakita ko sa aking mga kasamahan.

Halos tatlong oras na akong nagtatrabaho nang wala si Kuya Carlo. Mabuti  na rin iyon baka hindi ko mapigilan ang aking sarili kapag nakita ko siya. Hanggang sa sumapit ang lunchbreak nang hindi siya dumating.

Naghahanda na ako sa pagbaba para kumain nang puntahan ako ni Jerome. "Halika Rico, sabay ulit tayong kumain" ang yaya niya sa akin.
"Nakakahiya na sayo kasi nauubos ang pera mo kapag kasama mo ako"
"Ano ka ba? di ba magkaibigan na tayo kaya huwag mong kokontrahin ang mga ginagawa ko sa iyo" ang sagot niya na nakangiti na.
"Sige, tara na" Sabay na kaming bumaba gamit ang elevator.

Tulad kahapon, sa KFC pa rin kami naglunch.
"Rico, hindi papasok si Sir Carlo ngayon, sabi ng iba nating mga kasama nag indefinite leave daw siya." si Jerome habang kumakain kami. Medyo nakahingas naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Kahit papaano makakapagconcentrate ako sa trabaho at mababawasan ang aking kalungkutan. Pero sa kabilang banda ay nacurious ako sa dahilan ng biglaan niyang pagleave kaya tinanong ko si Jerome.
 "Biglaan naman yata, e baka may dahilan naman siya. Ano kaya iyon?"
"Sa pagkakaalam ko e tungkol ito sa family niya. Madalas kaya siyang nagleleave at iyon ang sinasabi nyang dahilan." sagot ni Jerome habang umiinom ng softdrinks.
Pumasok bigla sa isip ko na kasama niya ang kanyang asawa at anak. Wala naman kasi akong nababalitaan kay Tita Mely tungkol dito. "Baka nga siguro" ang nasabi ko na lang sa kanya.

Halos magdadalwang buwan nang hindi pa nga pumapasok si Kuya Carlo.  Kaya ang sistema, ako ang gumagawa ng kanyang mga trabaho. Minsan, dumadalo rin ako sa mga business meetings at personal na naglilibot sa mga stores para mag inspection. Kahit papano ay marami na rin ako natutunan sa pagpapalakad ng kompanya.

Dahil wala si Kuya Carlo,  malayang akong napupuntahan ni Jerome sa aking pwesto. Palagi kaming sabay kumain at umuwi. Madalas rin siyang bumibisita sa bahay. Sa totoo lang nag-eenjoy na talaga ako kapag kasama ko siya.

Araw ng linggo, personal akong pinuntahan ni Jerome sa bahay para yayaing mamasyal. Agad naman akong pumayag para kahit papano ay makapagrelax ang utak ko sa dami ng mga trabaho sa opisina. Nagpunta kami sa SM na malapit sa aming lugar. Maghapon kaming naglibot. Binibilhan niya ako ng mga pagkain, naglaro sa worlds of fun at nanood ng sine. Sobrang saya ko ng araw na iyon.

"Rico, salamat sa pagsama sa akin" si Jerome habang naglalakad kami sa kanto pauwi sa bahay namin.
"Ako ang dapat magpasalamat sa iyo, alam mo, sobrang nag-enjoy ako sa ginawa natin." ang paglalahad ko.
"Ibig sabihin kung yayayain ulit kita sa susunod ay sasama ka pa rin?" ang nakangitin niyang tanong sa akin.
"Oo naman, basta sa araw lang na wala tayong pasok ano" ang pagsang-ayon ko sa kanya.

Habang nakahiga sa aking kama ng gabing iyon, iniisip ko ang lahat ng mga nangyayari sa akin, ang tungkol kay Jerome. Inaamin ko sa aking sarili na magaan ang loob ko sa kanya dahil sa mga pinapakita niyang ugali. Gentleman, mabait, at may sense of humor kapag kausap. "Ito na kaya ang senyales na dapat ko nang kaluimutan ang first love ko at mag move-on na." ang sabi ko sa aking sarili.

Kinabukasan, pagkarating ko sa trabaho, nalaman ko sa ibang mga empleyado doon na pumasok na ulit si Kuya Carlo. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang balitang sinesante niya si Jerome. Agad ko siyang tinawagan para kumpirmahin ito.

"Jerome, totoo ba sinesante ka ni Sir Carlo" ang tanong ko agad nang sagutin niya ang tawag.
"Biglaan nga eh, hindi ko nga alam ang dahilan. Wala na akong magagawa. Wag kang mag-alala, makakahanap pa naman ako ng ibang trabaho" ang medyo malungkot niyang sagot base sa tono ng kanyang pananalita.
"Sumosobra na siya, hayaan mo kukumprontahin ko siya ngayon" sabi kong medyo may pagkainis. Parang nawala ang takot ko kay Kuya Carlo bilang boss ko.
"Huwag mong gagawin yan baka ikaw naman ang tanggalin niya, paano na lang ang nanay mo" si Jerome.

Natameme naman ako nang mga oras na iyon. Tama siya, paano na lang si nanay at ang mga utang namin kung mawalan ako ng trabaho. Hindi rin ako makakapag-ipon para sa aking pag-aaral sa susunod na taon.
Pero hindi kasi makatwiran ang ginawa niya. Concern lang naman ako kay Jerome. Tulad ko kailangan din niya ng trabaho.

"Salamat sa pag-alala mo sa akin tol. Alam ko na ngayon kung bakit ka nagustuhan ni Jason." sabi niya nang hindi ako nakapagsalita.
"Sige Jerome, kakausapin ko pa rin siya para sayo" ang sagot ko na lang sa kanya sabay end call.

Pumunta na ako sa kanyang opisina na inis pa rin at medyo kinakabahan sa maaring mangyari. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok, pumasok nang marinig ko ang kanyang boses na nagsabing tumuloy ako.

"Maupo ka" sabi niya nang makita ako.
Sisimulan ko na sanang magtanong sa kanya tungkol kay Jerome nang bigla siyang magsalita ulit. "Rico, maganda ang naging performance sa company habang wala ako. Keep up your good work. Hindi nga ako nagkamali sa paghire sa iyo dito. Hanggang ngayon, pinabibilib mo ako." sabi niya na nakangiti.

Parang nalusaw naman ang inis ko sa mga narinig ko sa kanya. Karapat-dapat naman talaga akong purihin sa mga paghihirap ko. Pero hindi ko pinahalata na natutuwa ako, siyempre baka kung ano ang isipin niya. Nanaig pa rin sa akin ang malaman ang dahilan ng pagtanggal niya kay Jerome. Kaya habang abala sa pagbubuklat ng mga papeles sa table niya ay tinanong ko siya.
"Sir Carlo, tungkol po kay Jerome, tatanong ko lang kung bakit mo siya tinanggal."
Tumingin naman siya sa akin, nagtanggal ng salamin at medyo sumimangot. "Nag-aalala ka ba sa kanya" ang sagot niyang patanong din.
"Hindi naman po kasi makatwiran yung ginawa mo sa kanya. Tulad ko, kailangan din niya ang trabahong ito"
Tumayo na siya sa kinauupuan niya, humarap sa bintana na nakatalikod sa kanyang mesa at sumagot. "Nararapat lang yon sa kanya. Hindi siya sumunod sa aming pinagkasunduan. Isa pa wala kang karapatang makialam sa mga desisyon ko, tandaan mo na ako ng boss dito"
"Alam ko po yun. Sige kung ayaw mong makialam ako sa iyo ay aalis na lang ako. Ayoko nang makita ulit ang mga mali mong ginagawa sa mga empleyado. Bukas na bukas din magpapasa ako ng resignation letter." ang wala sa loob kong nasabi marahil sa di nagustuhang pahayag niya.

Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. Lumapit siya sa akin. Palibhasa nakaupo ako, yumuko siya sa akin, nagtapat ang aming mga mukha, nagkatitigan at pigil ang galit na nagsalita. "Kung ganoon concern ka pala sa kanya. May nararamdaman ka na ba sa kanya ha? May namamagitan na ba sa inyong dalawa?"

"Bakit mo naman naitanong ang ganyang mga bagay?" ang sagot kong patanong din.
"Sa ginagawa mo, pinapakita mong pinagtatanggol mo siya. Ang swerte naman niya sa iyo. Samantalang ako,  hindi mo man lang ako nagawang pakinggan mga katwiran ko. Sarado ang puso at isip mo sa mga paliwanag ko."
"Naalala mo pa pala ang mga yon. At saka ibang sitwasyon iyon Sir kaya huwag mong babanggitin ang mga bagay na yan."
"Napakaunfair mo kasi."
"Aba parang ako pa ang sinisisi mo niyan. Huwag mong ikumpara ang sarili mo kay Jerome. Hindi siya katulad mo. Mabait siya sa akin, lagi niya akong pinasasaya.  Ikaw, nagawa mo akong saktan. Sa tingin mo, tama bang ipahiya mo ako sa maraming tao. May kasama ka lang babae, nag-iba na ang pakikitungo mo sa akin. Wala naman akong ginawang masama sa iyo. Alam kong mababaw lang iyon pero ang lakas ng impact noon sa akin." nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

Ang galit sa kanyang mukha ay biglang naglaho at napalitan ng kung anong lungkot. Maya-maya pinunasan niya ang mga luha sa aking pisngi gamit ang kanyang mga daliri at hinaplos ang aking ulo.

Itutuloy. . . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com

No comments:

Post a Comment