Wednesday, December 19, 2012

Mahal Kita (17)

by: Daredevil

"Ano muna ang gusto mong una kong sagutin ung una o pangalawa?"  ang reply ni Tonton sa tanong ng kachat.
"Aha, you mean magkaibang tao pala ang girlfriend mo at someone special, ganoon ba iyon?"
"Yeah. They are different. Obvious naman ang nakalagay na status sa profile ko di ba"
"Its complicated? Ok. So yung girlfriend muna ang gusto kong malaman."
"Girlfriend, kung tatagalugin kasi ang salitang iyan ang ibig sabihin ay kaibigang babae di ba. Kaya ang sagot ko ay meron. Sa bayan namin sa probinsya siya nakatira."

Sa nabasa kong iyon ay bigla akong nakaramdam ng kung anong lungkot. Tama nga ang aking hinala na ito ang dahilan kung bakit ayaw niya kay Trisha, mahal niya kasi iyon at loyal siya sa kanya.

"Aw, ok. Sayang naman. Hindi naman nakakapagtaka dahil sa good looks mo. How about yung someone special?"
"Meron din."
"Sad naman ako niyan kasi wala na palang chance."
"But we can still become friends."
"Yeah sure. So lets go back to the topic. Can you tell something about that person yung someone special mo?
"Sige. Alam mo talagang napakaspecial talaga sa akin ng taong iyon. Hindi sa magpapayabang pero kilala akong chickboy sa probinsya namin dahil sa edad kong ito ay marami na akong naging babae. Hindi ko naman sila sineryoso lahat. Ngunit nang dahil sa taong iyon ay naiba ang aking pananaw. Siya ang nagturo sa akin kung paano ang magmahal."
"So ang ibig mong sabihin ay mahal mo siya?"
"Yeah. Mahal na mahal ko siya."
"Alam ba niya iyon, nasabi mo ba sa kanya?"
"Hindi eh. Ewan ko, wala rin kasi akong idea kung may nararamdaman din siya sa akin."
"Pero dapat sinubukan mo pa rin. Malay mo may gusto rin pala siya sa iyo."
"Matagal ko na ngang pinag-iisipan yan. Nagparamdam na ako sa kanya pero parang di effective eh. At saka nagdadalawang isip din ako. Malaki kasi ang agwat naming dalawa. At kung maging kami man, nararadmaman ko na magiging kumplikado ang sitwasyon namin."
"Talaga. So nasaan siya ngayon?"
"Secret."
 "Ay! grabe ka ha. Sige na, malay mo makatulog ako sa inyong dalawa"
"Siguro next time na lang kapag nagchat ulit tayo."
"Iwas topic ha. Ok sige ingat ka na lang. Log-out na ako, thanks for the time."
"Thanks din sa iyo. Hayaan mo ipapaalam ko na lang sa iyo one day, sana lang ay maging kami na"

Matapos noon ay naglog-out na si Tonton. Ngunit ako ay ganoon pa rin ang nararamdaman. Talagang nalulungkot kasi ako sa mga nalaman ko sa kanilang pag-uusap.

"Josh, may problema ba?" ang agad niyang tanong sa akin marahil napansin niya ang kakaiba kong mood.
"Wala, may naalala lang ako" ang sagot ko sa kanya sabay pakita ng pilit na ngiti.
"Hindi ka na talaga nagbago Josh. Tatanungin nga kita  sana ay deretsuhin mo na ako. Sino ba ako sa buhay mo?" ang tila naiinis na niyang tanong. Kita ko sa kanyang mga mata na seryoso siya.
"Pabigila-bigla ka naman kung makapagtanong at saka alam mo na rin ang sagot sa tanong mong iyan"
"Gusto ko marinig mula mismo sa iyo."
"Saglit nga lang, bakit nagagalit ka sa akin?"
"Ako nagagalit, hindi naiinis lang ako sa inaasal mo. Napapansin ko kasi na lagi ka na lang naglilihim sa akin."
"Wala akong nililihim sa iyo at kung meron man ay karapatan ko namang isarili iyon di ba?"
"Kahit... tungkol ito sa akin?"

Napatingin ako sa kanya na nagtataka sa huling pahayag niya. Pakiramdam ko kasing alam na niya ang lahat. Maya-maya lang ang inis sa mukha niya ay biglang naglaho at naging maamo ito.
"Pasensya ka na Josh, nabigla lang ako. Kasi naman ikaw eh,masyado ka kasing malihim sa akin. Alam ko namang ako ang pinoproblema mo." ang mahinahon niyang pahayag.
"Huwag kang mag-alala, ayos lang sa akin iyon."
______
Kinabukasan araw ng Linggo, saktong umalis ang mag-ina para mamalengke kaya nakatiyempo akong umalis para puntahan si Lalaine para pag-usapan ang mga nangyari. Pinapunta rin namin doon si Trisha.Doon kaming lahat sa kanilang sala.

"Sabi ko na nga ba hindi ako nagkamali, may girlfriend talaga yang si Tonton." ang bungad ni Trisha.
"Alam mo mabait talaga si Tonton ano, kung ibang lalaki lang yan baka na two timer kayo niyan. At least may paninindigan siya di ba at hindi nananakit ng damdamin ng iba" si Lalaine.

"Hindi daw nananakit eh ano itong ginawa niya sa akin." ang sabi ko sa aking sarili. Pero alam ko naman na walang namamagitan sa amin kaya pinilit kong burahin sa aking isipan ang ganoon.
"Oo nga" ang nasabi ko na lang sa kanila. "Teka Lalaine ang galing mo talagang gumawa ng account ha, parang makatotohanan ah."
"Siyempre naman. Yung mga picture doon ay hiniram ko lang sa pinsan ni Trisha"
"Kaya pala maganda rin siya tulad niya" ang sabi ko ulit.
"At kaya madaling mapalagay ang loob ni Tonton." si Lalaine. "Pero Josh, parang may something sa kanya eh. Hindi ko lang masabi ewan naguguluhan ako."
"Ano ang ibig mo sabihin?" ang tanong ko sa kanya.
"Alam mo naman yung mga pinag-usapan namin sa chat di ba. Napansin ko kasing maingat siya sa mga sagot niya."
"So you mean, ayaw niya pa talagang sabihin ang lahat, ang totoo" si Trisha.
"Siguro..baka ganoon. Opinion ko lang to mga friend ah, sa pag-aanalyze ko, hindi alam ng kung sinumang special someone niya ang nararamdaman niya. Kaya niya hindi niya masabi ito pati na rin sa pagchachat namin ay masyado itong kumplikado lalo na kapag naging sila." si Lalaine.
"Natotorpe rin siguro" si Trisha.
"Oo at mas mahal niya ang special someone na iyon sa sinasabing girlfriend niya." si Lalaine ulit.
"Ah pwede ba napakaimposible ng mga sinasabi niyo. Nanay na nga niya ang nagsabi na babaero siya. Kaya yung sinasabi niyang special someone ay pakulo lang niya. Ang totoo ay marami sila"
"Ewan ko sa iyo Josh, napakatanga mo mag-isip. Kung tutuusin dapat ikaw nga ang nakakaalam ng lahat ng tungkol sa kanya dahil kayo palagi ang magkasama." si Lalaine.
"Tama siya Josh. Siguro naman kapag nag-uusap kayo ay may nababanggit siya sa iyong ilang bagay, na maaaring magbigay ng clue sa mga tanong mo"
"Ahm...... wala naman. Naiinis pa nga ako sa kanya eh lagi na lang ako kinukulit ng taong iyan. Kapag nag-aaway kami hindi siya tumitigil ng kakasuyo sa akin para makipagbati ako sa kanya. Malungkot siya kapag galit ako sa kanya."
"Aha!" si Lalaine na napasigaw at napatayo sa kanyang kinauupuan.

Nagulat kami ni Trisha sa ginawa niyang iyon.
"Bago ko sabihin ang aking conclusion eh maghahanap pa ako ng mga proofs. Josh magkwento ka pa nga ng mga ginagawa niya sa iyo" ang tila excited na tanong niya sa akin.
"Ano pa ba ang ikukuwento ko sa iyo eh halos nasabi ko na lahat, yung madalas na pagtabi niya sa akin sa pagtulog, yung pagsisilbi niya sa akin ng pagkain sa umaga, yung pagpasyal namin sa Luneta."
"Teka Josh totoo ba lahat yan? ang hindi makapaniwalang tanong ni Trisha sa akin.
"Oo friend. Matagal na rin niyang kinuwento sa akin ang mga bagay na yan" si Lalaine.
"Eh siya naman ang nagkukusang gawin ang mga bagay na iyon." ang nasabi ko na lang.

"Tama nga ang iniisip ko. Tapos na ang ating problema. Alam ko na ang sagot sa katanungan mo Josh"
"Ano iyon?"
Sa halip na sumagot ay nginitian lang niya ako.

Itutuloy. . . . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com

No comments:

Post a Comment