Wednesday, December 19, 2012

Mahal Kita (22)

by: Daredevil

"Paano ba ako magsisimula?" ang pabulong kong tanong sa aking sarili. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sumambulat sa akin na rebelasyon.

"O ano sagot na dali" si Lalaine na halatang naiinip na sa paghihintay.
"Oh eto na sasabihin ko na excited" ang aking tugon.

At inumpisahan ko na ang pagkukuwento. Habang nagsasalita ay nakayuko lang ako, ayaw ko kasing makita ang magiging reaksyon ng dalawa.
"Ganito iyon, Si Tonton kasi, parang.... may..... gusto.... siya... sa.....sa.....sa...kin" ang paputol-putol kong pahayag.
"Ano!" napatayong reaksyon ni Lalaine. "Oh my gosh!"

"Kaya pala siguro ganoon na lang ang pag-aalaga niya sa iyo. Walang hiya ka friend ikaw pala ang dahilan kung bakit hindi kami nagkatuluyan" ang sabi naman ni Trisha.
"Kung makapagreact ka naman Lalaine, kakahiya sa mga tao." ang sagot ko habang nananatiling nakayuko.
"Ako rin naman eh nabigla. Wala kasi sa personalidad ni Tonton ang magkagusto sa isang tulad ko." ang dagdag kong pahayag.
"Grabe ka Josh, hinawaan mo na si Tonton" si Lalaine ulit. Alam ko na ang kanyang tinutukoy.
"Hindi naman siguro"
"Pero infairness hindi halata kay Tonton ah. Napakabrusko kasing kumilos ng taong iyon tapos may itsura at matalino." si Lalaine ulit. "So bale ikaw talaga friend ang kanyang special someone."
"Tama na nga yan Im hurt na oh" si Trisha. Marahil totoo nga itong sinabi niya dahil sa may gusto siya kay Tonton.
"Oh sige maiba na tayo. Paaano na yan ngayong alam mo na ang lahat, ano na ang gagawin mo ngayon?" ang tanong ni Lalaine na nagpaisip sa akin.
"Hindi ko pa alam. Hindi na kasi kami nagkakausap di ba. Umiiwas na siya sa akin eh. Sana nga magkabati na kami, kahit yung pagkakaibigan lang namin ang maibalik ayos na iyon."
"Ok sige tutulungan ka namin ni Trish. So mag-iisip tayo ng mga paraan. Sa ngayon subukan mo muna siyang kausapin."
"Mukhang malabo pero sige I will try." ang nasabi ko na lang.
______
At tulad ng kanilang sinabi, sinubukan kong kausapin si Tonton.Pagsapit ng oras ng uwian ay dali-dali kong tinungo ang kanylang bahay. Sakto namang nakita ko siya na nakaupo lang sa isang upuang bato sa kanilang bakuran at napansin ko na nakatingin lang siya sa langit na tila may malalim na iniisip. Tinabihan ko siya ng upo.
"Tonton, bakit hindi ka pumasok?" ang malumanay kong tanong sa kanya. Pero wala akong nakuhang sagot. Nanatuli pa rin siyang nakatingin sa kalangitan.
"Ito pala yung mga notes natin. Saka may assignment tayo sa math. Pwede bang turuan mo ako" ang sabi ko pa sa kanya habang nilalabas ko sa dala kong bag ang aking mga notebooks.

Imbes na sagutin ang aking sunod na sinabi ay tumayo siya at dere-deretsong pumasok ng bahay. Sa pagkakataong iyon ay nanlambot ako. Pinahid ng aking mga kamay ay mga luhang dumadaloy mula sa aking mga mata. Masakit kasi ang hindi niya pagpansin sa akin. Nanatili pa ako roon ng ilang minuto hanggang sa sumapit ang dilim.

Habang naglalakad pauwi ng bahay ay patuloy pa rin ako sa pag-iyak.Wala na akong pakialam pa kung may makakakita sa akin dahil mas nangingibabaw sa akin ang kalungkutan kay Tonton. At pagkarating sa bahay ay agad kong kinausap ang kanyang ina.

"Hindi po ako pinansin ni Tonton nay, sinubukan ko po siyang kausapin kanina." ang unang sagot ko sa kanya matapos niya akong tanungin. Tulad ni Tonton nanay na rin ang tawag ko sa kanya base na rin sa mungkahi niya nung huling pag-uusap namin.
"Sana maintindihan mo iho ang nararamdaman ng anak ko. Siguro hindi pa siya. Kahit ako ay hindi rin niya kinakausap kapag ikaw ang paksa." ang malumanay na pahayag ng kanyang ina.
"Alam ko po. Pero sana bigyan niya ako ng pagkakataon na sabihin sa kanya na alam ko na ang lahat..."
"At kahit maibalik lang ang inyong pagkakaibigan" ang dugtong naman ng kanyang ina.
"Opo."
"Hayaan mo iho, kilala ko ang aking anak. Isang araw ay magkakaayos rin kayong dalawa." ang huli niyang sinabi. Muli ay nagyakapan kaming dalawa.
______
Nagdaan pa ang mga araw na hindi pa rin ako pinapansin ni Tonton. Halos lahat na yata ng paraan ay ginawa ko na tulad ng pagtabi at pagsabay ko sa kanya kapag kumakain siya sa canteen ng mag-isa. Kahit nagsasalita ako ay hindi siya umiimik man lang. Hindi ko nga alam kung inaabsorb ng utak niya ang mga sinasabi ko. Sumasama rin ako sa kanya sa paglabas ng school pero hindi ko siya mapilit na sumabay sa akin pauwi.

Kaya nagtitiyaga na lang akong alamin at kamustahin sa kanyang ina ang mga ginagawa niya. Hindi ko rin kasi maikakaila sa aking sarili ang pag-aalala sa kanya lalo na sa mga sinasagot niya sa akin. Minsan nabanggit niya ang hindi agad pag-uwi nito ng bahay. Madalas ay ginagabi siya ng uwi ng lasing. Alam ko na tulad ko ay nag-aalala rin ang kanyang ina sa kanya kaya paulit-ulit akong humihingi ng paumanhin. Siyempre ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon.
______
Sumapit na ang  huling buwan namin bilang mga high school, kahit papaano ay nababawasan ang aking pag-aalala kay Tonton dahil nakikita ko naman na sa kabila ng mga nangyari sa amin ay hindi siya nagpapabaya sa kanyang pag-aaral. Magkagayunpaman ay napupuna ko pa rin ang bahagyang pagbaba ng kanyang mga grado.

Isang araw nag-usap kaming tatlo ni Trisha at Lalaine habang si Tonton naman natatanaw namin mula sa pintuan sa labas na nasa terrace lang sa corridor at nakatingin lang sa malayo.
"Sa susunod na linggo na ang ating final exams. Sa wakas makakagraduate na rin tayo" ang masayang pahayag ni Trisha.
"Ang bilis ng panahon ano di ba Josh" si Lalaine na tinanong ako. Pero hindi ako makasagot sa kanya dahil sa kawalan ko ng mood.
"Sad ka na naman friend. Kung sa bagay, kakalungkot nga naman. Magtatapos na nga tayo pero hindi pa rin kayo nagkakaayos ni Tonton. ang dagdag niya.

At sa mga oras na iyon ay naputol ang aming usapan nang lapitan kami ng grupo nina Tom. Matagal-tagal na rin ako tinigilan ng mga taong ito.
"Lovers Quarrel" ang pag-entra ni tom sa amin.
"Oo nga, napapansin niyo ba mga tol, hindi na nagpapansinan ang magjowa." si Richard.Nagtawanan silang lahat.
"Hoy magtigil na nga kayo diyan." si Trisha."Pinagtripan niyo na naman si Josh."
"Pagbigyan mo na kami Trish, ilang araw na lang kaya tayo nagkakasama." si Tom.
"Kaya kukutyain niyo na naman si Josh. At teka nga ano ba yang pinagsasasabi niyong lovers quarrel. Kayo talaga"
"Bakit hindi ba totoo? Huwag na kayong magkaila, alam na namin. Sa simula pa lang ay nagdududa na kami sa jowa nitong si Josh" ang sagot ni Tom na nakapukaw ng aking atensyon.
"Ano ibig niyong sabihin?" ang tanong ko sa kanya.
"Kinausap dati ng jowa mo si Tom nung minsan na nagkasabay sila sa CR at sinabihan siya na tigilan ka na namin. Alam mo ba ang ginawa niya nung sinabi ni Tom na ayaw niya, kinuwelyuhan ba naman siya. Tapos sinabi niya na mahalaga ka sa kanya kaya walang sinuman ang pwedeng mag-alipusta sa iyo. At ito pa ang nakakabigla mga tol sabihin mo nga Tom" ang mahabang pahayag ni Richard.
Medyo tatawa-tawa pa si Tom bago magsalita habang kami ang lahat ay nag-aabang sa kanyang sagot. "Mga tol, nung tinanong ko siya kung bakit niya ginagawa ito na may kasama pang tukso na baka may gusto siya kay Josh o magjowa sila, at deretsahan siyang nag oo sa akin at wala na raw akong pakialam doon at balewala lang sa kanya kung ipagkalat ko iyon sa lahat. Nung una hindi ako naniwala e pero nang mapansin ako ang pagkasweet nilang dalawa doon ko napatunayan na totoo iyon."

Isa pang nakakagulat na rebelasyon ang hindi ko inaasahang nalaman ko sa kanila. Pilit akong nagpipigil sa muling pagluha habang nililingon ko si Tonton sa labas. Doon ko napatunayan ang totoo niyang pagmamahal sa akin, na handa niya akong ipaglabas at ipagtanggol.

"Bakit ngayon niyo lang sinabi yan?" ang tanong ni Lalaine sa kanila.
"Siyempre, ayaw naming masaktan ang nag-iisang dyosa ng section natin." ang sagot ni Tom na patungkol kay Trisha.
"Kayo talaga mga ungas magsialis na nga myna kayo dito" ang utos ni Trisha sa kanila. Marahil ay napuna na niya ang aking nararamdaman.
"Oh alis na daw muna tayo sabing diyosa. Tara na mga tol" ang sagot ni Richard. Sabay-sabay silang lumabas sa room.
"Ayos ka lang Josh, sige ilabas mo yan nandito lang kami" ang pakikisimpatya ni trisha sa aking nararamdaman.
"Kakatouch naman si Tonton, napakabait niyang tao." si Lalaine. Napatingin na lang kami ni Trisha sa bigla niyang pagtayo sa kinauupuan.

"By hook or by crook dapat magbati na silang dalawa bago matapos ang linggong ito. May naisip na akong plano." ang pahayag ni Lalaine sabay tingin sa akin ng nakakaloko.

Itutuloy. . . . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com

No comments:

Post a Comment