Wednesday, December 19, 2012

Pantasya (15)

by: Daredevil

"Sige you may go back to work now" ang huling sinabi sa akin ni kuya Carlo matapos ang aming pag-uusap.

Sinimulan ko nang gawin aking trabaho. Dahil nasa loob na ako ng kanyang opisina ay hindi ko naiwasang mailang at kabahan. Siyempre magkalapit lang kaming dalawa, kaya lahat ng mga actions ko  ay mapupuna niya. Pero sa kabilang banda ay natutuwa ako at magiging ganado dahil buong araw ko na siya makikita.

Habang busy ako sa pagtatype ng mga documents sa laptop ay nararamdaman ko na nakatingin siya sa akin. Nang sipatin ko siya, nakumpirma ko ang aking hinala. Ang posing niya ay parang si Ninoy Aquino sa limandaan na nakangiti siya sa akin.

Maya-maya medyo nawirduhan na ako sa mga kinikilos niya. Sa ilang oras ko nang pagtatrabaho ay wala siyang ibang ginawa kundi ang titigan ako. Kung ice cream lang  siguro ako ay matagal na kong natunaw.

Hanggang sa sumapit ang oras ng breaktime ay ganoon pa rin siya. Hininto ko muna ang aking ginagawa. Akmang magpapaalam na sana ako sa kanya para kumain nang lapitan niya ako.

"Tara na Rico, sabay na tayong mag lunch" ang hindi ko inaasahang pagyaya niya sa akin. Hindi naman ako tumanggi bagkus ay nagugustuhan ko pa nga. "First date namin ito" ang sabi ko sa aking sarili.

Dere-deretso kaming lumabas ng building na magkasabay, walang pakialam sa mga taong nakatingin sa aming dalawa na animo'y pinag-uusapan kami.

Nagulat ako sa pinagdalhan niya sa akin, walang iba kundi sa KFC.
"Dito tayo kakain, tara pasok na" ang sabi niya sa akin.
Hindi ko naman mawari kung bakit dito niya ako naisipang dalhin.

"Hanap ka na ng mapupwestuhan natin sa taas. Ako na ang oorder ng kakainin natin." ang utos niya sa akin bago siya pumila sa counter.

Ewan ko ba kung nagkataon lang, ang nahanap kong kakainan namin ay ang mesang minsan ay napwestuhan din namin ni Jerome. Naisip ko tuloy siya, kung ano na ang ginagawa niya sa mga oras na ito.

Matapos ang ilang minutong paghihintay ay dumating na siya kasama ang isang crew, dala ang napakaraming mga pagkain. Inipalag na nila ang halat ng iyon sa mesa.
"Kain na, wag ka nang mahiya" ang nakangiting alok niya sa akin.

Tila nagbalik ang lahat ng nakaraan sa akin. Naalala ko ang lahat ng ginawa niya sa akin noon, ang pagiging mabait at mapagbigay niya. Ang magiliw na pakikitungo sa akin. Sa nakikita ko ay masaya naman siya sa mga ginagawa niya as akin kaya hindi ko na siya kinokontra pa.

"Ang tahimik mo naman Rico, baka pwede namang magkwento ka" ang pagbubukas niya ng aming usapan habang kumakain.
"Ano naman po ang gusto niyong pag-usapan natin, wala po kasi akong maisip na sasabihin sa inyo" ang casual kong pagsagot sa kanya.
"Kahit ano?"
"Pasensya na po talaga Sir, wala talaga akong maikukuwento pa sa ngayon"
"Ok, siyanga pala, agahan mo ang pasok bukas, may importante tayong business meeting na pupuntahan"
"Sige po Sir" ang nakangiti kong sagot sa kanya.

"Yan, ang gusto ko. Alam mo, masaya ako ngayon dahil nakakangiti ka na ulit sa akin. Sana tuluy-tuloy na yan" ang pahayag niyang medyo nagpabigla sa akin.
"E sino naman po ang hindi sasaya nito, nakatanggap na po ng mamahaling cellphone, nakalibre pa ako ng lunch" ang may biro kong sagot sa kanya.

Tila nahipnotismo na naman ako sa naging reaksyon niya sa aking biro. Kita ko ang mapupungay niyang mga mata, ang dalawang biloy sa kanyang mga pisngi at  ang magaganda niyang ngipin habang tumatawa. "Nasa kanya na ang lahat" ang nasabi ko ulit sa aking sarili.

Pero agad akong natauhan nang biglang kong maalala ang gabing may kausap siya sa kanyang cellphone na tinawag niyang baby. Obvious namang anak niya iyon.Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng inggit sa kanyang asawa. Napakaswerte na isang napakagwapo at gentleman na lalaking tulasd ni Kuya Carlo ang napangasawa niya.

Tumigil siya sa kanyang pagtawa nang mapuna ang pagbabago ng aking mukha. " Oh bakit malungkot ka na naman, may problema ka ba?" ang tanong niya sa akin.

Gusto ko mang sabihin na ang totoo kong nararamdaman at iniisip ng mga oras na iyon ay di ko magawa. Natatakot ako sa kung anumang sasabihin niya. Hindi ko matatanggap ang mga magiging pag-amin niya. Nag-alibi na lang ako sa kanya.
"Wala, naalala ko lang si nanay" ang naisagot ko sa kanya.

Ngunit parang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Tumingin siya sa akin at hinaplos ng marahan ang aking mukha. "Rico, alam kong may iba kandinaramdam. Kung may kinalaman man ako sa mga iniisip mo, sana sabihin mo ito sa akin. Gagawin ko ang lahat para matulungan kita." ang sinsero niyang sabi habang nakatitig sa akin.

Pakiramdam ko'y alam na niya ang mga iniisip ko. Hinihintay lang niyang i-open ko ito sa kanya. Siya lang talaga ang maaaring makatulong sa problema ko. Pero ang tanong ay maaalis kaya niya ang kalungkutan ko gayong huli na ang lahat. Kailanman ay hindi na maaaring maging kami. Imposible namang iwanan niya ang kanyang pamilya para sa akin.

Sa pagkakataong ito ay nais ko na talagang bumigay, pero pilit akong nagpakatatag. Sinuot ang aking maskara. Ikinubli ang lungkot at nagpakita ng saya sa kanya. Inisip ko, dapat maging kuntento na lang ako sa set-up naming dalawa.

Itutuloy. . . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com

No comments:

Post a Comment