Wednesday, December 19, 2012

Pantasya (28)

by: Daredevil

Lumipas pa ang mga araw na umabot din ng mga buwan na naging masaya ang aming pagsasama ni Kuya Carlo. Pakiramdam ko ay nasa akin na ang lahat, pera, masayang pamilya at pag-ibig.

Bumili na kami ng aming dreamhouse kung saan kami titira. Napagpasiyahan kasi naming magbukod na at magsarili para na rin makapagsimula ulit. Simple lang ito na may dalawang kwarto, ang isa para kay Angel at ang isa ay para sa amin ni Kuya Carlo. Magkatabi na kaming dalawa sa pagtulog. Siyempre, hindi mawawala ang aming mga private moments. Halos gabi-gabi na lang kung mangalabit siya sa akin. Siyempre pumapayag ako para kahit papaano ay maibsan ang kanyang pagod sa maghapong pagtatrabaho sa kompanya.

At tulad ng aking napagpasiyahan noon ay pinagpatuloy ko na ang aking pag-aaral. Nag-enrol ako sa isang napakasikat na unibersidad sa Maynila. Sa unang pasok ko doon ay napapansin ko ang hindi magkamayaw na pagtili sa akin ng mga estudyanteng nag-aaral doon. Tanggap ko naman iyon dahil sa aking naging trabaho at isa pa ay sanay na rin ako. At umabot ito hanggang sa classroom.

Sa una ay naninibago ako, marahil siguro dahil sa tagal ng aking paghinto pero pilit akong nagpupursige para matapos ko ang aking kurso.Gusto ko kasing may ipagmalaki naman ako sa aking sarili, na may pinag-aralan ako at nakapagtapos.

Si Kuya Carlo ang naghahatid-sundo sa akin sa pagpasok at pag-uwi. Kakatuwa  siya dahil sa kanyang effort na hindi magpahuli sa oras kahit pa busy siya sa kanyang trabaho. May mga meeting nga siyang hindi dinadaluhan o pinopostpone niya sa ibang araw.

Dahil sa pagpupursige niyang ito ay naging strikto na siya sa akin. Pinapakita niyang siya ang haligi ng tahanan. Lagi niya akong binibilinan na walang lakwatsa, iwas sa barkada at dapat sa lahat ng aking gagawin ay may konsultasyon sa kanya. Puamapayag naman ako sa ganito dahil unang-una ay naiintindihan ko siya. Iniisip lang niya ang aking kapakanan.

Pero sa kabila noon ay pinapaintindi ko sa kanya ang ilang mga bagay. Sinasabi ko sa kanya na sana ay lawakan niya ang kanyang pang-unawa. Naging modelo ako at kilala kaya hindi maiwasang lapitan ako ng mga tao kaya sana ay hindi siya magkimkim o magpakita ng selos. Tiniyak ko naman sa kanya at pinangako na siya lang ang lama ng aking puso.

Tungkol naman kay Angel, nag-aaral na ito ng Grade 1 sa isang private school. Sabay kaming pinagsisilbihan ni Kuya Carlo sa umaga bago pumasok. Siya ang nagluluto ng almusal at naghahanda ng aming susuotin. Minsan nga ay naaawa na ako sa kanya. Alam kong pagod siya sa trabaho pero inaasikaso pa rin niya kami.

Isang umaga ay nauna akong magising sa kanya. Usual kasi na siya ang gumigising sa amin ni Angel. Tinignan ko siya, natutulog pa rin ng mahimbing. Kaya nagpasiya ako na ang kikilos at hayaan muna siyang magpahinga. Ginising ko na rin si Angel.

Habang naghihintay ang bata sa mesa ay nagluluto ako ng almusal. Sinangag ko lang ang natira naming kanin kagabi at nagluto ng stock naming hotdog at itlog sa ref. Maya-maya narinig ko na lang ang mga yabag ng paa pababa ng hagdan na tila nagmamadali at tinungo ang kusina.

"Naku pasensiya na, napasarap lang ako ng tulog. Baby boy bakit di mo naman ako ginising?" ang tanong niya sa akin.
Saglit ko siyang sinulyapan at kita ko ang itsura niyang bagong gising. Hindi pa rin nagbabago ang kanyang kagwapuhan.
"Nagpasiya akong hindi na kita gisingin para naman makapagpahinga ka pa. Gusto naman kitang tulungan."
"Sige na upo ka na dun sa mesa ako na ang magtutuloy niyan" ang sabi niya sa aking habang hinahalo ko ang sinangag.
"Huwag na kaya ko na ito, pagbigyan mo na ako Kuya Carlo" ang malambing kong pahayag.
"Ang bait  talaga ng baby boy ko. Pero pangako ko na hindi na ito mauulit. Palagi na akong giginsing nang maaga" ang sabi niya sa akin saka tinungo ang mesa.

Sa pagpasok ay una naming hinahatid si Angel dahil mas malapit lang ang kanyang school sa aming bahay. Nang makarating na kami sa aking pinapasukan...
"Baby boy Friday ngayon so 6pm ang labasan mo ha, dapat pagdating ko ay nandito ka na" ang bilin niya sa akin. Kahit paulit-ulit na lang siya ganito ay ok lang sa akin. Nasanay na rin kasi ako sa ginagawa niyang ito.

Oras na iyon ng aming breaktime ay agad akong dumederetso sa likod ng aming school building para mag-internet. Libangan ko na rin ito kapag nandito ako. Dala-dala ko palagi ang aking Macbook na regalo rin sa akin ni Kuya Carlo. Sa buong oras ng breaktime ay kachat ko lang sa facebook, siyempre ang aking pinakamamahal na si Kuya Carlo at paminsan-minsan ay natitiyempuhan ko rin si Jerome kapag online siya. Ngunit ang mas lalong madalang kong makausap ang isa sa aking kaibigan na di ko kailanman nakalimutan na si Jason. Nailahad ko na rin sa kanya ang lahat ng nangyari sa aking buhay hanggang sa kasalukuyan. Masaya naman siya para sa akin. Kinuwento rin niya ang kanyang sitwasyon doon. Talagang busy siya sa kanyang negosyo doon. Nakita ko rin sa ilang mga picture niya doon ang kanyang napangasawang foreigner at ang kanilang anak na lalaki. Masaya rin ako para sa kanya.

Kapag wala kaming pasok tulad ng araw ng Linggo ay lumalabas kaming tatlo para mamasyal at siyempre di namin malilimutan ang magsimba para na rin magpasalamat sa tinatamasa naming kaligayahan sa buhay. Kapag may pagkakataon ay dinadalaw namin sina nanay, kuya pati na rin si Tita Mely.

Isang gabi iyon ng Linggo, kakauwi lang naming tatlo galing sa maghapon na pamamasyal, nakahiga na ako sa aking kama habang hinihintay si Kuya Carlo na nasa banyo para magshower, nagring ang aking cellphone. Isang unregistered number ang aking nabasa sa screen nito. Kahit nagtataka ay sinagot ko na ito.

"Hello"
"Hi Rico, kamusta ka na" isang babae ang sumagot.
"Sino ka?" ang tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba ako naaalaala?" ang sagot ulit ng babae. Pilit ko naman siyang binobosesan. Hinayaan ko siyang magpatuloy. "Masaya ka na ba ngayon?"
"Sino ka ba talaga?"
"Kilalang-kilala mo ako Rico."

Dahil sa sagot niyang iyon ay nakilala ko na siya. Nakaramdam na ako ng kaba.
"Marianne"
"Good at naaalala mo na ako. Masaya ka na ba sa buhay mo ngayon, sa pang-aagaw mo sa pamilya ko!?"

"Marianne ano pa ba ang kailangan mo?"
"Gusto ko lang sabihin na babawiin ko sa iyo ang lahat ng dapat sa akin."
"A-a-anooong ibig mong sabihin?" medyo nauutal na ako dulot ng kaba.
"Layuan mo ang pamilya ko, kung ayaw mong mawala ang mga mahal mo. "

Lalo akong kinabahan at natakot sa mga pahayag niyang iyon. Hindi ko sukat akalain na magbabalik pa pala siya para maghiganti at guluhin ulit ang aking buhay.

"Ano ba talagaaaa ang gu-gus-too mo?"
"Sinira mo ang buhay ko, ang mga  pangarap ko. Kaya muli kong bubuuin iyon. Sa katunayan inumpisahan ko na nga eh sa pagdispatya sa mga sagabal. Ikaw na lang ang natitira Rico. Ikaw na pangunahing dahilan ng lahat ng kamalasang nangyari sa buhay ko, ang lumason sa utak ng aking pamilya!"

Agad ko nang pinutol ang kanyang tawag. Parang di ko na kakayanin pa kung hahayaan ko pa ang sariling pakinggan ang kanyang mga sasabihin. Sumisikip na ang dibdib ko.

Maya-maya, narinig ko ang tunog ng pagbukas ng pintuan ng banyo, senyales na lumabas na si Kuya Carlo. Inayos ko kaagad ang aking sarili at tinago ang aking emosyon. Nagbihis siya ng damit-pantulog at nakangiting tumabi sa akin.

"Lets sleep baby boy" ang masayang pahayag niya. Wala siyang kaalam-alam sa nagbabadyang masamang mangyayari sa amin.

Itutuloy. . . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com

No comments:

Post a Comment