by: Daredevil
Kinagabihan, habang
mahimbing na natutulog sina nanay at kuya, ay umiiyak pa rin ako. Walang patid
ang pagtulo ng aking mga luha dahil sa sobrang kalungkutan na aking
nararamdaman. Hindi ako dinadalaw ng antok.
"Ano na kaya ang
ginagawa niya ngayon? Baka sa mga oras na ito ay hinahanap na niya ako. Marahil
malungkot siya ngayon, pwede ring galit siya sa akin dahil bigla na lang ako
umalis." ang tanong ko sa aking sarili patungkol kay Kuya Carlo.
"Hindi pa nagtatagal, namimiss ko na siya." Napapabuntung hininga na
lang ako habang nag-iisip.
At dahil sa hindi ako
makatulog ay minabuti ko na lang na sariwain ang aming mga alaala ni Kuya
Carlo. Tinignan ko ang mga kuha naming larawan kasama si Angel sa pamamagitan
ng kanyang niregalo sa akin na iphone. Naroon ang mga bonding moments namin
tulad ng pamamasyal sa malls, parke at mayroon din sa bahay. Siyempre meron din
kaming pribadong mga kuha ni Kuya Carlo tulad ng isang kuha niya na nakahubot
hubad na may pagflex ng kanyang mga muscles at ang aming paghahalikan. Kahit
papaano ay nagagawa pa rin akong pangitiin ng mga alaala naming ito.
Alas-sais ng umaga
nang akoy magising. Medyo masakit ang ulo ko marahil sa kakulangan ko sa tulog
ngunit tiniis ko ito. Maghahanda pa kasi kaming pamilya para sa flight namin
mamayang hapon.
Habang nag-aagahan ay
nag-usap muli kami ng aking kapatid. Si Kuya Arthur ang unang nagsalita.
"Ilang oras na lang ang natitira Rico, talaga bang hindi desidido ka na sa
desisyon mong umalis ng bansa?"
Napatingin naman ako
sa aking kapatid. "Kuya alam kong tutol ka sa aking pasya. Naiintindihan
ko naman ang nararamdaman mo eh. Saka gusto ko ring humingi ng paumanhin sa
abala ko sa iyo. Napilitan ka pang magresign sa pagtuturo mo para lang sa
akin"
"Hindi naman, at
huwag kang mag-alala sa akin. Siyempre kapatid kita kaya susuportahan
kita." ang nakangiti niyang sagot sa akin. "At saka madali namang
makahanap ng trabaho"
Medyo gumaan naman
ang dibdib ko sa mga pahayag ni Kuya. Kaya ngumiti na rin ako.Matapos
mag-agahan ay nag-umpisa na kamisa pag-eempake ng mga gamit. Habang abala sina
nanay at kuya sa pag-aayos ng kanila ay napagpasiyahan kong dumako sa terrace
ng aming tinutuluyan. Ngayon ko lang narealize ang kagandahan ng view ng
Maynila kapag naroon ka sa isang mataas na gusali. Dahil sa hindi ako
makapag-gym ay nagpasiya na lang akong mag ehersisyo sa pamamagitan ng
pagpush-ups at pag-iinat ng mga braso.
Tanghali na nang
lisanin namin ang tinutuluyan naming hotel para pumunta na sa airport. Habang
nasa biyahe ay hindi ko pa rin maiwsan ang maiyak. Inaalo na lang ako ni nanay.
At nang marating
namin ang airport saktong isang oras bago ang schedule ng aming flight, matapos
macheck ang aming mga passport ay naghintay na lang kami sa waiting area.
"Anak, may
pupuntahan lang kami saglit ng kapatid mo" ang biglang paalam sa akin ni
nanay.
Medyo nagtaka naman
ako sa sinabing iyon ni nanay. "Saan pa kayo pupunta? malapit na ang oras
ng flight natin ah"
"Ah...eh...
pupunta kasi ng CR ang kuya mo kaya sasabay na rin ako"
"Ganun ba, teka
sasabay na rin ako" ang sagot ko. Ngunit nang akmang tatayo na ako ay
pinigilan ako ni kuya. "Dito ka na lang. Wala kayang magbabantay ng mga
gamit natin" ang sabi niya sa akin.
Hindi na ako umimik
pa. Tama rin naman sila kaya hinayaan ko na silang umalis.
Saktong
kalahating-oras na lang bago ang flight ay hindi pa rin bumabalik sina nanay at
kuya. Medyo nakaramdam na ako ng pagkainis. Baka maiwan kami ng eroplano. Kaya
nagpasiya akong tawagan na silang dalawa.
Habang pinipindot ko na ang numero ng cellphone ni Kuya ay bigla kong
naramdaman na may tumabi sa akin.
"Salamat naman
at dumating na...." biglang naputol ang aking pagsasalita sa pagkabigla.
"Bakit ka nandito?" ang aking naitanong sa taong katabi ko ngayon.
"Ikaw ang dapat
kong tanungin. Bakit mo ginagawa ito?" ang sagot niya. Seryoso ang kanyang
mukha.
Hindi agad ako
nakapagsalita.
"Halika sumama
ka sa akin" ang sunod niyang sinabi sabay hatak sa aking braso. Naging
sunud-sunuran na lang ako sa kanya di alintana ang mga gamit naming naiwan.
Naalimpungatan na
lang ako nang makita ang tinutumbok
niyang direksyon. Palabas kami ng airport at deretso sa kanyang sasakyan.
"Pumasok
ka" ang sabi niya na bakas ang authority sa tono nito.
Nang makapasok ay
umupo na rin siya sa drivers sit.
"Ano na Rico,
sumagot ka, bakit mo ginagawa sa akin ito?" ang pagtatanong niya ulit.
"Para sa
ikabubuti ng lahat." sa wakas ay nakapagsaita na rin ako.
Tumingin siya sa
akin. "Ang dali mo namang sumuko. Napakahina mo naman. Hindi mo man lang
ipaglaban ang pagmamahalan natin."
"So wala kang
pakialam sa mga taong nakapaligid sa atin, kung may mangyari sa kanilang
masama"
"Wala akong
sinasabing ganyan Rico. Ang hirap kasi sa iyo sinasarili mo ang problema.
Naiintindihan kita Rico, ang iyong pagmamalasakit sa kanila. Pero paano na lang
ang sarili mong kaligayahan? Paano na lang ako Rico?" ang kanyang
pagsusumamo sa akin.
"Naisip ko lang
naman ang kapakanan nila eh pati ng aking pamilya. Saka tama si Marianne,
sinira ko ang buhay niya. Ayoko na rin na alipustahin niya ang pagkatao ko.
Kaya napagpasiyahan kong lumayo."
Kita ko ang kanyang
pag-iling sa aking sinabi. "Hindi pa ba sapat ang pinapakita kong loyalty
sa iyo, ang tapat kong pagmamahal. Hindi ba dapat ang nagmamahalan ay
nagtutulungan sa hirap at ginahawa, magdadamayan, sabay na haharapin ang mga
pagsubok at problema. Sana sinabi mo sa akin ang tungkol kay Marianne."
"Natatakot kasi
ako" ang aking sagot habang naiiyak na.
"Kaya nagpasiya
kang iwan mo kami ni Angel. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Sobrang
nag-alala ako sa iyo alam mo ba yon. Mabuti na lang at tinawagan ako ni nanay.
Sinabi niya sa akin ang lahat. "
"Kung ganoon
plano pala nila yung pag-iwan sa akin kanina para makapag-usap tayo." ang
sagot kong may pagbubuntung hininga.
Hinawakan niya ang
aking mga kamay at nagtitigan. "Gusto lang nila na maging masaya ka, at
ito ay ang makasama ako. Kaya please lang huwag ka nang umalis." ang
kanyang pakiusap sa akin. Kita ko sa mga mapupungay niyang mata ang sinseridad.
At sa pagkakataong
iyon ay hindi ko na napigilang mapayakap sa kanya at humagulgol. Gumanti siya
sa akin.
"Tama na yan.
Sige na uuwi na tayo" ang pag-aalo niya sa akin habang hinahaplos ang ulo.
Bigla naman akong
kumalas sa kanya dahil naalala ko si Marianne. Akmang magsasalita sana ako nang
takpan niya ng kanyang mga daliri ang aking labi.
"Ooops. Tama na
yan. Alam kong nangangamba ka pa rin kay Marianne." ang sabi niya sabay
ngiti.
"Nakakulong na
si Marianne. Ang mga magulang na niya ang mismo na nagpahuli sa kanya nang
malaman nilang pinapatay niya ang kanyang asawa. Ayon sa mga pulis ay nilason
daw niya ito sa mismong bahay nila.
At sa rebelasyong
iyon, tuluyang lumuwag ang aking dibdib. Nabura na ang lahat ng pangamba sa
aking isipan kaya nagawa ko nang ngitian siya.
"Iyan, ang
namiss ko." ang sabi niya. Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa
akin. At sa pagkakataong iyon ay naghinang muli ang aming mga labi. Para kaming
hayok sa aming paghahalikan. Siya ang unang kumalas.
"Uwi na tayo.
Naghihintay na sila sa bahay" ang sabi niya sa akin. Medyo nadismaya naman
ako.
"Nakasimangot ka
na naman. Huwag kang mag-alala, mamayang gabi itutuloy natin" ang
nakangisi niyang pahayag at kinurot ako sa pisngi. "Hmmpptt.. ang cute mo
talaga baby boy!"
Napangiti na lang ako
sa ginawa niya. At pinaandar na niya ang sasakyan.
"Welcome
back!" ang masigla at sabay-sabay na bati sa akin nina nanay, kuya, Tita
Mely at Angel pagkapasok namin ni Kuya Carlo sa bahay.
"Salamat"
ang masaya kong sambit.
"So ano pa ang
hinihintay natin, tara at kumain na tayo" si Tita Mely. Naghanda pala siya
ng salo-salo para sa aking pagbabalik.
"Bago tayo
magsimula, may nais sana akong sabihin sa inyong lahat. Una, gusto kong
magpasalamat kay nanay sa pagsabi sa akin ng lahat. Wala akong kaalam-alam na
may mabigat na problema ang aking baby boy tungkol kay Marianne. Kundi dahil sa
kanya, baka tuluyan nang nawala ang aking pinakamamahal. Pangalawa ang tungkol
kay Marianne. Tapos na ang aming problema sa kanya. Kasalukuyan na siyang
nakakulong. Kaya sa mga oras na ito ay magdiwang at magsaya tayo!" ang
pahayag ni Kuya Carlo nang makaupo kaming lahat sa hapag. Pagkatapos ng kanyang
pananalita ay kumain na kami.
Matapos ang hapunan
ay nagkaroon pa kami ng kaunting kasiyahan. Nag videoke pa kaming lahat.
Madaling araw na nang umalis sina kuy, nanay at Tita Mely. Hinatid muna namin
si Angel sa kanyang silid. Nang makatulog na siya ay saka kami tumuloy na sa
aming kwarto.
"Game ka na ba
baby boy?" ang agad tanong niya sa akin.
"Excited
ha" ang naisagot ko lang sa kanya sabay higa sa kama. Agad naman siyang
pumaibabaw sa akin.
"Hindi ba sabi
ko kanina ngayon natin itutuloy, sige na nasasabik na ako oh" ang sabi
niya sa akin na magkatapat ang aming mga mukha.
Dahil sa aming
posisyon, nararamdaman ko na ang kanyang alagang nagsisimula nang manigas
patunay lang na talagang sabik na siya sa akin. Kaya wala na akong nagawa kundi
ang magpaubaya. At muli nilasap namin ang sarap ng aming pagmamahalan.
Masasabi ko sa aking
sarili na nakamtan ko na ang tunay na kaligayahan dahil nalampasan ko na ang mga matitinding pagsubok
sa aking buhay. Sa huli, naging kami pa rin ng aking pinakamamahal at pantasya
ng aking buhay na si Kuya Carlo.
-----Wakas-----
Boring nmn itong kwento n ito,,,nakakairita ksi pag masiyadong OA,ung bida,,nakakasuya ung bida,,
ReplyDeleteCorrect!!! sobrang soft daig pa nag bading na taga parlor!!! at least yung mga yun marunong lumaban eh si Rico parang babaeng iyak lang ng iyak. kainis daig pa Maria Clara
ReplyDelete