by: Daredevil
Nang matapos kong linisin ang lahat ng
sulok ng aming bahay, naghanda na ako sa pagpasok sa school. Pumasok na ako sa
banyo upang maligo. Bago magbuhos, tinignan ko muna ang aking sarili sa
salamin. Muli nadismaya ako sa aking itsura. Mataba kasi akong bata. Sabi ng
nanay ko hindi naman ako ganito nung baby pa ako. Naging matakaw lang kasi ako
habang lumalaki. Ang tatlong beses na pagkain sa isang araw ay nagiging anim,
breakfast, prelunch, postlunch, meryenda, pre-dinner at post-dinner. Gumamit ba
ng sariling terms hehehehehe. Sa katunayan nga pagkatapos kong makita ang aking
pantasya na si Kuya Carlo sa umaga ay kumakain agad ako ng almusal. Ewan ko ba
ang dali ko kasi makaramdam ng gutom.
" Wala pa ring nagbabago sa
katawan ko, hindi pa rin ako pumapayat kahit nagbawas na ako ng pagkain. Paano
kaya ako magugustuhan ni Kuya Carlo nito" ang sabi ko sa sarili.
Sinimulan ko na ang pagligo. Nang
matapos ay nagsipilyo, nagbihis ng uniporme, at kumain ng tanghalian. Kinuha ko
na ang aking baong 50 pesos at lumabas ng bahay. Habang naglalakad ako papasok
ng school nakita ko na naman ang taong
palaging sumisira sa araw ko na nakatayo malapit sa isang tindahan.
Iiwas sana ako pero huli na dahil tinawag niya ako. Lumapit siya sa akin.
"Oi baboy!" ang tawag niya
sa akin.
"Ano na naman Jason pagtitripan
mo na naman ba ako ha?" paangas kong sagot sa kanya.
"Aba ang angas ah akala mo naman
may ipagmamalaki" ang mayabang niyang pahayag.
Sa totoo lang may karapatan naman
talagang magyabang ang hambog na ito. Guwapo rin kasi siya, maputi, matangos
ang ilong, matangkad at ang buhok na laging nakataas gawa ng paglalagay ng
sandamukal na wax. Ang katawan niya ay nagkakakorte na rin. Kung ano ang
ginanda ng kanyang pisikal na anyo ay siyang masa ang ugali niya.
"O ano, tititig ka na lang ba sa
akin baboy ka" si Jason ulit nang mapansing nakatingin ako sa kanya.
"Aba ang kapal mo naman ikaw
tinitignan ko no way" ang pagtatanggi ko sa sinabi niya.
"Sus kunwari ka pa, naiinggit ka
lang sa akin." si Jason.
"Makaalis na nga baka liparin na
ako dahil sa sobrang lakas ng hangin dito" sabi ko.
"Nagpapatawa ka ba., ikaw
liliparin hahahahaha, Ay teka, ilang carrats na ba yang kwintas mo sa
leeg?" sabi niya nang mapuna ang leeg ko.Kakahiya mang aminin pero may pagkamaitim
kasi ang leeg ko.
Pakiramdam ko nag-akyatan na ang lahat
ng dugo ko sa utak sa sobrang inis sa taong ito na walang ginawa kundi
mambuwisit. Pero nagpigil pa rin ako at nagpasiyang magwalk-out na lang.
"Tignan mo tong baboy na to.
sabay na tayo." sabi niya at sumabay sa akin sa paglalakad.Tumakbo na ako
pero sa bilis niya ay nahabol niya ako at biglang akbay sa akin.
"Ano ba yan amoy ang asim na ng
amoy mo, kahit anong pabango talaga hindi tatalab sa iyo" si Jason.
"Mabaho pala ako ganun e bakit nakaakbay
ka sa akin ha" ang patutsada ko sa kanya.
"Wala kang pakialam, gusto ko e
saka bilisan mo nga mahuhuli na tayo" si Jason.
Madalas ganito ang senaryo kapag
nakikita ko ang ungas na ito. Nang makarating sa school, naghiwalay na kaming
dalawa para magpunta sa kani-kaniyang mga classroom. Sa buong araw na iyon ay
binigyan kami ng 2 quiz na pinerfect ko kaya may mauuwi na ulit ako kay inay
mamaya.
Umuwi agad ako ng bahay dahil naalala
ko ang bibilhing pasalubong sa akin ng aking pantasya na prince charming. Nang
makarating sa bahay, nakita ko si Kuya Carlo kasama ang kuya ko na nag-aaral sa
sala.
"Nandito ka na pala Rico" si
Kuya nang makita ako.
"Kamusta na si Baby boy, halika
nga dito" si Kuya Carlo na pinapaupo ako sa tabi niya. Agad akong tumabi sa kanya.
"Kuya Carlo nasaan ang pangako mo
sa aking pasalubong nakalimutan mo na yata" agad na tanong ko.
"Hindi ah, o nasa lamesa ang
siopao mo. Makakalimutan ko ba yun eh e ang lakas mo sa akin, ang cute talaga
nag baby boy ko!" si Kuya Carlo sabay kurot ng pisngi ko. Pakiramdam ko ay
nasa alapaap na ako sa mga ginagawa sa akin ng aking prince charming. Kinuha ko
na agad ito sa mesa at kinain. Pabalik na ulit sana ako sa tabi ni Kuya Carlo
nang biglang nangialam na naman ang kuya ko.
"Hoy, magbihis ka na nga at
magsaing uuwi na ang nanay" si Kuya. Kahit naiinis e sumunod na ako sa
kanya baka makatikim na naman ako ng palo kay Inay. Tinignan ko muna si Kuya
Carlo bago umakyat para magbihis. Natatawa siya. Ang gwapo talaga niya grabe.
Pagkatapos magbihis ay bumaba na ako
para magsaing. Pagkatapos ay nauna na akong kumain ng hapunan. Kinain ko ang
natirang pagkain kaninang tanghali. Alas otso na nang gabi nang magpaalam na si
Kuya Carlo, marahil tapos na sila ni kuya. Agad naman akong pumunta ng sala para
magpaalam sa kanya.
"Bye Kuya Carlo" ang sabi ko
sa kanya na nakangiti.
"Bye baby boy" sagot na
kumaway pa sa akin.
"Hoy Rico nagpapaalam ka pa e
katapat lang natin ang bahay nila. Ang landi mo talaga!" si kuya.
"Bakit masama ba ha?" ang
sagot ko sa kuya kong kontrabida.
"Mag-aaway na naman ba kayong
magkapatid tsk. Sige na balik na ako sa amin" si Kuya Carlo. Bago siya
pumasok ng gate nila ay natanaw ko siyang kumaway ulit sa akin. Hay kakakilig
talaga.
Makalipas ang 30 minuto ay umuwi na
ang nanay. Pinakita ko naman agad ang mga nakuha kong scores sa kanya tulad ng
pangako ko kanina. Tuwang-tuwa naman siya. Pagkatapos noon ay bumili ako ng
pagkain sa tindahan para sa post-dinner ko. Pagkatapos natulog na ako nang sa
gayon ay maaga akong magising para masulyapan muli ang aking unang almusal,
walang iba kundi ang aking pantasya na si Kuya Carlo.
Itutuloy. . . . . . . . .
allaboutboyslove.blogspot.com
No comments:
Post a Comment