by: Daredevil
Kasabay ng pagkagulat kong iyon ay ang
sobrang kagalakan na makita ko siyang muli. Sa ilang buwang magkalayo kami ay
walang nagbago sa kanyang itsura. Napakagwapo pa rin niya. Ewan ko ba marahil
sa sobrang saya ay hindi na ako nakapagsalita at natulala na lang sa kanya.
"Happy birthday baby boy"
ang bungad mong bati sa akin na talagang namiss ko. Pakiramdam ko ay nagbalik
ako sa pagkabata. Naiyak muli ako pero sa mga oras na iyon ay tears of joy na.
Ngumiti ka sa akin ng pagkatamis-tamis
na isa sa mga dahilan ng pagkahumaling ko sa iyo.
"Ganito na lang ba tayo
magtititigan, hindi mo man lang ba ako papapasukin sa iyong silid?" ang
tanong mo sa akin ngunit hindi kaagad ito rumehistro sa aking isip. Parang
bumagal na rin ang pag-andar ng aking kautakan.
"Ok fine" ang sunod mong
sinabi. Bigla naman akong nagbalik sa katinuan sa sunod mong ginawa. Pumasok ka
sa aking kuwarto at nilock ang pinto.
Niyakap mo ako ng mahigpit at
pagkatapos ay nagdikit ang ating mga labi. Wala akong magawa kundi ang
magpaubaya. Hindi ko maikakaila sa aking sarili na talagang namiss ko siya.
Ramdam ko sa kanya ang magkahalong init at pagmamahal sa kanyang mga halik.
Ilang segundo rin tumagal ito hanggang sa siya ang unang kumalas.
Tinitigan niya ako. Ako naman ay ganoon
pa rin, hindi makapagsalita. Pagkatapos noon ay itinulak mo ako pahiga sa kama.
Pumaibabaw ka sa akin. Muli ay naghinang ang aming mga labi.
Sa mga oras na iyon ay binalot na ng
aking utak at puso ang matinding init at pagnanasa sa kanya. Habang naghahalikan
ay tinatanggal namin ang aming mga suot na damit hanggang sa mahubo't hubad.
At tuluyan na naming inilabas ang
nag-aalab naming mga damdamin.
______
"Kuya Carlo" tawag ko sa
kanya matapos ang makamundo naming pagtatalik. Magkatabi pa rin kami sa kama na
kapwa nakahubad. Nakapatong ang aking ulo sa kanyang matipunong dibdib habang
hinahaplos niya ng kanyang mga daliri ang aking buhok na tila nilalaro ito.
"Bakit baby boy?"
"Gusto ko lang sabihing masaya
ako dahil nagkasama tayong muli. Sobra kitang namiss."
"Parehas lang tayo. Kung alam mo
lang ang mga ginagawa ko nitong mga nagdaang buwan na wala ka."
Bigla na naman akong kinabahan sa
pahayag niyang iyon. Naalala ko kasi yung kinuwento niya sa akin dati tungkol
sa ginawa niya noong nasa ibang bansa siya.
"Huwag mong sabihin na nambabae
ka na naman. Baka may nadale ka na naman ah" ang sabi ko sa kanya.
"Alam mo Rico, noon pa man
pinangako ko na sa sarili ko na pagbalik ko dito sa Pilipinas ay hindi ko na
uulitin pa ang gawaing iyon. Kaya wag ka nang mag-isip ng ganoon tungkol sa
akin ha" ang sagot niya.
"Mabuti naman kung ganoon kasi
baka hindi ko na kayanin pa kung mauulit pang may sumulpot na babae na nabuntis
mo at yayayain ka ng kasal tulad ng ginawa ni Marianne."
"Itinaas niya ng kanyang isang
kamay na tila nanunumpa. "Promise cross my heart. Hindi na mauulit pa
iyon. Kuntento na ako sa kung anong meron sa akin ngayon, si Angel."
"Ok so ano ba talaga yung ginawa
mo habang wala ako?" ang tanong ko sa kanya.
"Simpe lang ang pagtiyagaan
tignan ang iyong mga larawan. Halos lahat yata ng magazine na ikaw ang cover
binili ko na. Sa laptop at phone ko ay ikaw ang wallpaper. At siyempre
pinapanood kita sa mga event"
Nagulat naman ako sa mga sinabi niyang
iyon. Lalo na sa huli niyang sinabi. "Ikaw talaga ah pinagpapantasyahan mo
ako" ang biro ko sa kanya.
"Parehas lang tayo" ang
sagot niya. Nagkarawanan kami saglit. Maya-maya pa ay naging seryoso muli ang
usapan.
"Rico, patawarin mo sana ako sa
mga ginawa kong kasalanan sa iyo"
"Hindi mo na kailangang sabihin
pa iyan at saka pinatawad na kita. Kung tutuusin ay ako pa dapat ang humingi ng
paumanhin sa iyo. Naawa kasi ako sa mga nangyari sa iyo."
"Naawa?"
"Oo, alam ko na lahat kuya Carlo.
Sinabi sa akin ng mga empleyado mo sa kompanya ang lahat."
"Ganoon ba, hayaan mo na iyon ang
impotante ay magkasama na tayong muli. Tadhana na talaga nating magkatuluyan
dahil sa mga nangyari sa akin."
"Salamat Kuya Carlo"
"Tama na nga muna ang drama. Tara
lumabas na tayo at harapin ang mga bisita." ang sabi niya sa akin.
______
Sabay kaming nagtungo sa garden kung
saan ginaganap ang aking party. At doon ay sinalubong kami ni Jerome.
"Congrats sa inyong dalawa
sir" ang sabi ni Jerome kay Kuya Carlo.
"Salamat sa lahat ng tulong mo
Jerome." sagot niya at nagkamayan silang dalawa.
"Anong ibig sabihin nito?"
ang nagtataka kong tanong matapos marinig ang kaniyang mga sinabi.
"Mahabang kuwento. Mamaya ko na
lang sasabihin sa iyo." ang nakangiti niyang sagot sa akin.
"Oo nga tol, kaya mabuti pa at
sulitin na natin ang kasiyahan ngayong gabi." ang sabi naman ni Jerome sa
akin.
Maya-maya nagsilapitan ang mga empleyado ni
Kuya Carlo.
"Uy! nagkabalikan na sila"
"Tignan niyo naman mga kasama,
bumalik na ulit ang mga ngiti sa mukha ni Sir Carlo"
"Mabuti naman, at least hindi na
kami kakabahang lumapit at kausapin siya
sa trabaho"
"Si Rico lang pala ang gamot sa
nagdurugong puso ni Sir Carlo"
Nagkatawanan lang kaming dalawa ni
Kuya Carlo.
Matapos noon ay nagpatuloy kami sa
pagkukuwentuhan. Siyempre may kaunting inuman na rin. Naputol lang ito sa
paglapit sa amin ni nanay at ng aking kapatid.
"Masaya ako para sa inyong
dalawa." si nanay.
"Tol, wag na wag mo na ulit
sasaktan ang kapatid ko kundi..." ang sabi naman ni kuya sabay patunog ng
kanyang kamao na tila nagpapahiwatig na susuntukin siya. "makakatikim na
nito. At kalimutan mo na kaibigan mo ako"
"Oo tol, pangako." ang sagot
ni kuya Carlo.
Nagtapos ang aking party sa gabing
iyon na masaya at maayos.
______
Kinabukasan, dumalaw ulit si Kuya
Carlo sa aming bahay pero sa pgkakataong iyon ay kasama na niya si Angel.
"Hi Uncle Carlo." ang bati
sa akin ni Angel.
"Hello Angel, halik ka nga kay
Uncle, namiss kita ah. At ang laki mo na" ang sabi ko sa kanya na sinunod
naman. Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Thank you uncle, masaya na ulit
ang daddy ko"
"Wow Angel nakakapagtagalog ka
na" ang gulat kong sambit.
"Tinuturuan na kasi siya ni Mama
na magtagalog. Madali naman siya matuto" ang paliwanag ni Kuya Carlo.
Umupo ako sa sofa at kinandong ang
bata. Hinaplos ko siya sa ulo. Maya-maya nagtanong siya sa akin na hindi ko
inaasahan. "Uncle Carlo, Can I call you Dad?"
Napatingin ako kay Kuya Carlo at
nakita kong nakangisi lang siya sa amin. Naisip kong tinuruan niya ang kanyang
anak.
"Uncle is enough for me my
dear" ang sagot ko sa bata.
"Sige na po Please." ang
tila pagmamakaawa ng bata.
"Sige na pagbigyan mo na ang
bata." si Kuya Carlo na kinukumbinsi ako.
"Wala na akong magagawa sige, you
can call me Dad." ang pagpayag ko.
Kita ko ang kasiyahan sa mukha ni
Angel. "Yehey dalawa na ang daddy ko." Tumayo siya at nagtatatalon.
Nagkatawanan lang kami ni Kuya Carlo sa inasta ng bata.
Itutuloy. . . . . . . . .
allaboutboyslove.blogspot.com
No comments:
Post a Comment