by: Daredevil
Nasa room na kami ni Lalaine na
nakaupo habang naghihintay ng susunod na subject nang magsidatingan ang mga
kaklase namin lalaki. Naisip kong pagtitripan na naman nila ako kaya hinanda ko
na ang aking sarili.
Tama nga ang naging hinala ko. Lumapit
sa tapat ko si Tom. Tumingala ako para tignan siya habang nag-iisip ng mga
sasabihing salita kung sakaling kukutyain na naman niya ako. Ngunit di ako
makapaniwala sa sunod niyang ginawa. Kinuha niya ang kamay ko, nilagay sa
kanyang harapan at pinahimas ang kanyang ari. Agad ko namang inalis ang aking
kamay.
"Malaki ba, ito yung tipo mo di
ba bakla?" ang sabi niya sa akin.
Halong pagkabigla at pagkahiya ang
naramdaman ko ng mga oras na iyon. At lalong itong tumindi nang magsitawanan
ang iba na naming kaklase doon.
"Nagustuhan niya yan tol, tignan
mo naman ang tahimik niya" si Richard naman na lumapit na rin sa amin.
"Hoy sumosobra na kayo tigilan
niyo na nga siya mga wala kayong magawa!" ang biglang pagsabat ni Lalaine.
Tinabihan niya ako.
"Oh bakit ikaw ang nagtatanggol
sa kanya nasaan ba ang syota niya ha" tanong ni Tom.
Inakbayan siya ni Richard. "Ano
ka ba pare e di kasama ang nag-iisang dyosa ng ating section?"
"Tignan mo nga naman ang
pagkakataon, sigurado akong heartbroken ngayon ang bakla dito" si Tom
ulit. Nilapit niya ang mukha sa akin. "Ayos pala ang jowa mo may
pagkachickboy."
Bigla naman siyang tinulak ni Lalaine.
Ano ba Tom, nananahimik na yung tao eh?"
"Aba oo nga pero kanina kung
makasagot parang kaya na niya kami"
Sasagot pa sana si Lalaine nang
biglang pumasok ang aming guro. Agad din silang nagbalikan sa kani-kanilang mga
upuan. Napansin ko namang wala pa sina Trisha at Tonton.
Isang minuto pa ang nakakalipas habang
nagsusulat ng lecture sa history ang aming guro, biglang dating ang grupo ng
mga kababaihan kasama na si Tonton.
"Good afternoon mam, sorry were
late" ang may paggalang na pagbati ni Trisha.
"Ok, you may now take your
sits." ang sagot ng aming guro.
Pagkaupo ni Tonton, "Josh bakit
di ka nagrereply sa mga text ko." Binilhan din kasi siya ng mga magulang
ko ng isang basic nokia phone.
Agad ko namang tinignan ang mga text
niya. Naka apat text siya sa akin. Pero hindi ko pa ito binasa dahil oras ng
klase.
"Huwag ka munang magsalita baka
makita tayo ni mam" ang sagot ko na lang sa kanya. Pero sa loob ko, gusto
kong sabihin sa kanya na bakit mo pa ako inaalala eh kasama mo naman si
Trisha"
______
Makalipas ang halos tatlong oras ay
natapos na ang klase. Nauna nang lumabas ang grupo nina Tom, alam ko namang
nagmamadali ang mga iyon na maglaro ng DOTA. Pasalamat na lang ako at hindi na
nila ako pinagtripan. Lumabas na rin si Lalaine dahil may bibilhin pa raw siya
sa mall. Ngunit si Trisha ay naroon pa rin sa loob, hinihintay siguro si
Tonton. At di nga ako nagkamali, nilapitan siya nito na kasalukuyang
naghihintay sa akin.
"Ton, saan ka ba umuuwi?"
ang tanong niya sa kanya. Katulad kanina ay parang wala na naman siyang
nakikitang kasama niya. Alam ko na sinasadya niya ito.
"Actually, nakatira kami ng nanay
sa isang paupahang bahay ng pamilya ni Josh."
"Ah good. Pwede pala tayong
magsabay sa pag-uwi." ang medyo masaya niyang pahayag.
"Naku sorry Trisha, sabay kami ni
Josh umuwi. Nakamotor kasi kami"
Napansin ko naman ang pagkadismaya sa
mukha ni Trisha na medyo ikinatuwa ko naman ng kaunti.
______
"Ano na Josh sagutin mo na yung
tanong ko. Bakit di ka nagrereply sa mga text ko sa iyo?" ang tanong niya
sa akin habang nagmamaneho. Hanggang ngayon pala ay hindi pa niya nalilimutan
iyon.
"Hindi ko lang alam na may
nagtext sa akin. Naka silent mode kasi phone ko"
"Talaga?" ang sabi niya na
parang hindi kumbinsido sa sagot ko.
"Oo."
Pero sa isip-isip ko "Nakukuha mo
pang mag-alala sa akin ha kahit pa busy kayo sa paglalabingan ni Trisha."
Wala na siyang sunod na tinanong sa
akin hanggang sa makarating kami sa amin. Pagkahinto ng motor ay dali-daling
kong binigay sa kanya ang helmet at pumasok ng bahay.
Matapos kong magbihis ng pambahay ay
saka ko naalalang basahin ang mga text sa akin ni Tonton.
"Josh san ka?"
"Ui reply ka naman oh"
"Yaw mo reply, geh ganito na lang
pag inasar ka ulit ng mga classm8 ntin text mo na lang me"
"Ingatz ka" ang huli niyang
text na may smiley face.
Medyo nakaramdam naman ako ng kilig sa
mga text niyang iyon dahil mayroon pala siyang pagmamalasakit sa akin. Ngunit
sa kabilang banda ay naisip kong hanggang doon na lang talaga ang turing niya
sa akin. Isang kaibigang tagabantay at tagagabay. Masakit man pero gaya nga ng
payo ni Lalaine, dapat tanggapin ko ito.
Matapos kong magmeryenda ay nagpasiya
akong buksan na ang aking laptop at maglaro ng paborito kong online game tutal
ay wala naman kaming assignment sa araw na iyon.
Halos isang oras na akong busy sa
paglalaro nang may narinig akong pagkatok sa pintuan. Sinabi ko na lang na
pumasok siya sa pag-aakalang si Aling Myrna ang taong iyon ngunit si Tonton
pala.
"Ano ginagawa mo dito may
problema ka ba?" ang tanong kong hindi nakatingin sa kanya. Nakapokus pa
rin ako sa aking ginagawa.
"Gusto sana kitang yayaing
mamasyal tutal wala naman tayong assignment ngayon saka gusto ko rin
makapaglibang" si Tonton.
Sa sinabi niyang iyon ay napatingin
ako sa kanya. Seryoso ang kanyang mukhang nakatingin sa akin. Hindi ko
inaasahang magyayaya siya ng ganoon.
"Busy ako eh saka may pasok pa
bukas. Sa weekend na lang" ang sagot ko sa kanya.
Biglang naman siyang natuwa, marahil
sa sagot ko. "Sure yan Josh ah, promise mo yan sa akin tatandaan ko
yan" si Tonton na may tonong pagtitiyak.
Tumango na lang ako at nginitian siya.
Pumayag na rin ako, parang sukli ko na rin ito sa pagmamalasakit sa kanyang mga
text sa akin.
Lumipas pa ang tatlong araw, ganoon pa
rin kami ni Tonton. Ganoon pa rin ang mga kaklase ko sa akin pero sa
pagkakataong iyon ay medyo napagtatanggol ko na ang aking sarili. Ngunit sa mga
panahong iyon, napapansin namin ang madalas na pag-uusap ng dalawa lalo na
kapag wala ang teacher o breaktime.
Pakiramdam ko sa aking sarili na
habang nagtatagal ay tumitindi ang sakit ng aking damdamin. Sa nakikita ko na
lalong silang nagiging close sa isat-isa. Nahahalata naman ito ni Lalaine kaya
paulit-ilit niyang pinaaalala sa akin ang kanyang mga pinayo.
Biyernes na nang hapon, naglalakad na
kami ni Tonton papuntang parking lot nang biglang habulin siya ni Trisha.
"Ton wait!" ang narinig kong
sigaw niya sa di kalayuan. Huminto kami sa paglalakad.
Nang makalapit siya, "Ton I just
want to invite you sa aming bahay bukas para makapaglunch kasama ng iba pa
nating classmates. Kakarating lang kasi ni Dad galing US so naghanda si Mom ng
kaunting salu-salo. Gusto ka rin nila makilala"
Sa imbitasyon na iyon ni Trisha,
naalala kong din . nakaplano pala kaming mamasyal ni Tonton bukas. Kaya
hinintay ko ang magiging sagot niya.
Tumingin muna siya sa akin at
pagkatapos kay Trisha. "Sige no problem." ang sagot niya na
nakangiti.
"Ok thanks so dito ka na lang sa
school mag-abang. Sabay-sabay tayo ng friends kong pupunta doon"
Kung gaano kasaya si Trisha ay siyang
kabaliktaran ng nararamdaman ko. Sobrang malungkot at dismayado ako. Marahil ay
nakalimutan na niya ang aming usapan. Nagsisi nga ako dapat hindi na lang ako
pumayag sa pagimbita niya kung di pala niya ito tutuparin.
"Sige kita-kits na lang
bukas" ang magiliw na sagot ni Tonton.
Matapos noon ay nagpatuloy kami sa
paglalakad.
Sa motor habang nakasakay, namamayani
ang katahimikan sa aming dalawa. Ayaw kong magsalita dahil nga sa nararamdaman
ko. Ewan ko lang sa kanya kung ano ang iniisip niya.
Ilang minuto pa ito tumagal hanggang
sa siya na ang bumasag nito marahil hindi na nakatiis. "Josh ang tahimik
mo diyan naninibago naman ako sa iyo"
"Ayos lang ako, pwede ba
magconcentrate ka na lang sa pagmamaneho."
"Akala ko ba ok na tayong dalawa,
bakit parang nagsusungit ka na naman sa akin?"
"Di ba ganito naman talaga ako
buhat pa ng dumating kayo sa pamilya namin."
"Ok" napansin ko na may
lungkot sa kanyang pagsagot. Ewan ko baka ako lang ang nag-iisip nun.
Itutuloy. . . . . . . . . .
allaboutboyslove.blogspot.com
No comments:
Post a Comment