Wednesday, December 26, 2012

Ikaw Ang Aking Pangarap (23-26)

by: Fugi

Parang.... Parang may TENSYON

Pagkatapos maayos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin ni ian ay masaya kaming pumunta sa sunod at panghuling subject sa araw na iyon

Nang malapit na kami sa room ay nagpaalam muna si ian na pupunta muna itong palikuran at ako naman ay nauna sa kanya pumasok sa loob ng room. Napansin ko agad si janine sa bandang likuran kaya agad akong dumiretso papunta sa kanya at umupo sa tabi niya


Hindi naman nakaligtas kay janine ang pagbabago sa aura ko, kaya pagkaupong pagkaupo ko palang ay bumulong ito sa akin

Janine: aba! Mukhang ayos ka na ah! Bumalik na ang aliwalas sa mukha mo

Ako: ha!? (maang kong sabi sa kanya)

Janine: pati si ian oh, ayos na din (nakangiti nitong balik sa akin sabay turo sa kapapasok palang na si ian na may nakaplaster na ngiti habang nakatingin sa kinatatayuan namin)

Ako: ikaw ang dami mo ding napapansin ano?? (nakangiti kong tugon dito)

Janine: hindi ka kasi nagsasabi nang mga nangyayari sa iyo, katulad na lang kanina parang may something sa inyo ni ian, ano?? Tama ba ako? Kaya naman pumupuna na lang ako (kasabay ang kakaibang ngiti nito)

Ako: mood swings lang yung kanina ang dami ko lang iniisip (pagdadahilan ko)

Janine: moods swing daw ah! Bakit may dalaw ka?? Buntis? (natatawang biro nito sa akin)

Ako: last na hirit mo na yan ha! (sabay pakawala ng pekeng tawa)

Janine: kasi ayaw pa umamin na may something sa kanila (mahinang bulong nito sa kanyang sarili)

Ako: may sinasabi ka pa?

Janine: wala, nag 3:00 o’clock prayer lang

Ako: four na kaya, adik lang?

Janine: ang bilis naman ng relo mo, three pa lang sa akin

Ako: woooohh, palusot ka pa!

Janine: o e di 4:00 o’clock prayer, pwede namang i-adjust, makabawi ka lang ng hirit dyan ih! (natatawa na nitong sabi sa akin)

Ako: talagang nailusot mo pa yan ah! (natatawa kong balik dito)

Janine: syempre hindi ako papayag na maisahan mo ako (ang may pagkaproud nitong sabi)

Bigla namang singit ni ian ng makalapit na ito sa amin at umupo sa tabi ko

Ian: ano pinag-uusapan ninyo at mukhang nagkakatawanan kayo?

Ako: ah! Wala naman, nababaliw lang itong si janine (nakangiting sabi ko dito)

Janine: paano kasi ian ang galing magjoke ni fugi kaya nagkakatawanan kami (humarap ako kay janine na may nagtatanong na mukha at tinugunan naman ako nito ng mapangasar na ngiti)

Ian: share nyo naman sa akin (nakangiting sambit nito)

Janine: o fugi share mo na mga jokes mo, gusto marinig ni ian o! (gatong nito sa sinabi ni ian kasabay ang nang-aasar na ngiti, ngumiti lang din ako dito na may halong asar)

Wala na akong nagawa kaya nagjoke na ako mga pipz (sana ay magets nyo ang joke ko.. haha)

Ako: a..alam nyo ba yung joke na “HINDI EH!” tsaka “ME TOO”??? (sabay harap ko kay ian)

Ian: HINDI IH! (tapos humarap naman ako kay janine)

Janine: ME TOO....

Natawa naman ako sa isinagot nila (hahahaha), sakto lang sa joke ko (hahaha), lalo ako natawa nang mapansin kong naguluhan sila sa biglaan kong pagtawa

Janine: bakit ka natawa dyan?? Wala pang joke tumatawa ka na agad, adik lang?

Ako: slow mo naman janine (sabay tawa ko at bigla ko narinig ang hagikgik ni ian kaya napaharap ako sa kanya)

Ian: gets ko na (natatawang sabi nito sa akin ng makaharap ako sa kanya)

Ako: salamat naman at nagets mo (at nagtawanan kaming dalawa)

Janine: ang alin ang nagets mo ha ian?? (ang naguguluhang singit nito)

Napaharap kaming dalawa ni ian kay janine tapos nagkatinginan kami ulit ni ian at tumawa dahil sa itsura ni janine (hahahaha)

Janine: pinagtutulungan nyo na naman ako, ang daya! (pagmamaktol niyo na lalo namin ikinatawa)

“Kasi naman kung anu-ano sinasabi mo, may pajoke joke ka pa na sinabi ko tas nung nagjoke nga ako, slow ka naman” natatawang bulong ko kay janine at inirapan lang ako nito na lalo ko lang ikinatawa (kasi kasi.. hahahahaha)

Nang mahimas-masan na ako sa kakatawa ay napansin kong wala pa rin si anthony kaya naman

Ako: nasaan nga pala si anthony? (tanong ko kay janine)

Janine: hindi ako tanungan ng nawawala (ang galit galitan nitong tugon sa akin)

Natatawa naman akong humarap kay ian para tingnan ang reaksyon nito sa inasta uli ni janine pero seryoso na ang itsura nito, hindi ko na lang ito pinansin

Ako: seryoso janine, hindi ba magkasama kayo ni anthony kanina noong iniwan ko kayo?
Janine: noong nagpaalam ka naman ay sumunod din siya may titingnan lang daw, tas hindi naman bumalik

Bigla naman bumukas ang pintuan sa harap at hinilabas nito si anthony

Janine: ayon oh! (sabay turo nito sa kapapasok palang na si anthony)

Agad naman ako bumaling sa kinaroroonan nito at papalapit ito sa kinauupuan naman, medyo seryoso ito na ikinataka ko naman dahil lagi naman itong nakangiti pag nakikita ko

Pagkadating nito sa pwesto namin aya agad naman nitong kinausap si ian

Anthony: pare, pwede bang ikaw na ang umukupa nitong silya na ito (sabay turo sa silya sa dulo malapit sa bintana), mas gusto mo naman sa tabi niyan hindi ba? Nadi-distract lang ako (may kung ano sa tono nito na hindi ko maipaliwanag)

Ang siste kasi, ako ang nasa gita nina ian at janine tapos bakante ang upuan sa tabi ni ian na tapat ay bintana,

Ian: oo naman pare (sabay pakawala ng ngiti nito kay anthony pero parang may kung ano din sa inasta na iyon ni ian)

Agad na kinuha ni ian ang gamit niya at tumayo at lumipat sa kabilang upuan. Pagkaalis na pagkaalis ni ian ay sya namang upo ni anthony sa pwesto ni ian

Anthony: salamat pare! (ang sabi nito kay ian pagkatapos ay sabay baling sa akin ni anthony at pakawala nang isang napakagandang ngiti, ngiting lalong nagpapagwapo sa kanya)

Ako: sa..saan ka ba nagpunta? (nauutal kong tanong sa kanya dahil siguro sa epekto ng maganda nitong ngiting isinalubong sa akin pagkaupong pagkaupo nito sa tabi ko)

Anthony: dyan lang may pinuntahan lang (sabi nito habang nakapaskil pa rin sa mukha nito ang maganda nitong ngiti na ikinailang ko naman, kasi kasi may kung ano sa ngiti na iyon, parang parang.. basta)

Ako: ah! (naitugon ko na lang)

Maya maya bigla nalang itong bumulong sa akin na ikinagulat ko na naman (kasi kasi:])

Anthony: yung date natin bukas ha! (ang mahinang bulong nito)

Hindi ko alam kong tama ang pagkakarinig ko

DATE ba ang sabi ni nya? ang naitanong ko sa sarili ko

Ako: ano yon anthony? (ang nag-aalangan kong tanong sa kanya)

Anthony: yung usapan natin na lalabas bukas pagkatapos ng klase, natatandaan mo pa?
Ako: ah! Oo naman (nakangiti ko nang tugon sa kanya)

Anthony: susunduin kita ulit ha, bawal na tumanggi, usapan na natin iyon (ang sunod-sunod nitong sabi na may kalakip na napakagandang ngiti kaya naman napatango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya, hirap tanggihan ng ngiti na yon.. kasi kasi)

Sa kabilang dako hindi namin napapansin na mataman na inoobserbahan pala kami ni ian....
Ilang sandali pa ay dumating na ang prof namin para sa huling subject na iyon. Naging mabilis naman ang takbo nang oras at agad na natapos ang klase nang hindi namin namamalayan

Agad kong inayos ang gamit ko at nabigla na lang ako na may nakatayo na sa harapan ko at nang mapatingala ako, si anthony pala

Anthony: tara na! (nakangiting sabi nito sabay kuha ng gamit ko), ako na magbibitbit, para hindi ka na makatanggi sa pagsabay sa akin at maihatid na kita (dagdag nito)

Ako: a..anthony! a...ako na magdadala niyan (nagulat ako sa ginawa niya, pero may bahagi na natuwa ako sa kabutihang ipinapakita niya)

Anthony: ako na! tayo na dyan ng makaalis na tayo (nakangiti paring sabi nito)

Ian: pare (pasingit at pagtawag sa atensyon ni anthony), pasensya na hindi makakasabay sayo si fugi, sa bahay kasi sya magdi-dinner inimbitahan kasi sya ni mama ko (may kong ano sa tono niyo pero hindi ko na ito nabigyan pa nang pansin dahil sa nabigla ako sa sinabi nito)

+++++++++++
Ian

Masaya ako at naayos na ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan namin ni fugi, kakaiba talaga ang naiidulot, alam ko may kakaiba pero yung kakaibang pakiramdam na iyon nahindi ko mapangalanan ay nagbibigay sa akin ng kakaibang kaligayan, kaligayahan nagyon ko lang naranasan

Kakaiba talaga si fugi, nasambit ko sa sarili ko

Balik na uli kami sa dati, nagbibiruan, tumatawa, masaya...... masaya na SANA kaso nang mapasok sa usapan si anthony hindi ko alam parang nag-iba ang mood ko, para kasing napaka-concern ni fugi sa isang iyon nang mapuna nito na wala pa ito


Maya-maya nga ay pumasok na ang isang iyon at nang magtama ang tingin namin ay napuna kong may kung ano sa tingin niyang iyon.

Nang makalapit na ito sa aming kinauupuan nila fugi agad itong tumingin sa akin at nagwika nang...

“Pare, pwede bang ikaw na ang umukupa nitong silya na ito (sabay turo sa silya sa dulo malapit sa bintana), mas gusto mo naman sa tabi niyan hindi ba? Nadi-distract lang ako”
May bahid kung ano sa mga binitawan niya, kahit ayaw ko pumayag na rin ako dahil ang naisip ko ay paglumipat ako ay susunod si fugi sa akin para tabi pa rin kami pero mali pala dahil pagkalipat na pagkalipat ko siya namang pag-upo ni anthony sa inalisan ko

Anak ng EPAL naman.... ang nasabi ko sa sarili ko

Naiinis ako sa hindi malaman na dahilan, lalo pang nadagdagan ito ng napuna kong masayang nag-uusap ang dalawa tapos maya maya maya pa ay nagbubulungan na.....
Aaaarrrghhhhhh... sabi ko sa aking isipan

Sobrang hindi ako panatag sa ikinikilos ni anthony kay fugi, ewan hindi ko maintindin

Salamat at nakiayon sa akin ang oras at tumakbo ito ng napakabilis, mabilis sa pangkaraniwan na para siguro ang inis na nararamdaman ko ay hindi na magtuloy-tuloy pa sa galit

Epal kasi itong anthony na ito, nasabi ko sa aking sarili

Nang matapos pagpaalam ay tuluyan nang lumabas ng room ang prof namin, agad akong nag-ayos ng gamit ko, habang ginagawa ko iyon ay narinig kong nagsalita si epal (si anthony) kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong kausap nito si fugi

Niyaya na nito si fugi at sa pagkakarinig ko ihahalid pa ng ungas ito sabay kuha ng gamit ni fugi para siguro hindi na makatanggi

Sa puntong iyon ay agad akong sumingit sa kanilang usap at nagwika nang......

Ako: pare (pasingit at pagtawag ko sa atensyon ni anthony), pasensya na hindi
makakasabay sayo si fugi, sa bahay kasi sya magdi-dinner inimbitahan kasi sya ni mama ko (dagdag ko sabay pakawala ng nang-aasar na ngiti)

Nagtataka man sa inasta ko sa puntong iyon, pero asar lang talaga ako sa anthony na yan, basta...

Salamat at mabilis na nakaisip nang idadahilan ang utak ko kung hindi baka maiwan na naman ako

Akmang iimik pa ang epal na si anthony ng bigla ulit ako akong nagsalita

Ako: pare, akina ang gamit ni fugi para makaalis na kami, kanina pa kami inaantay ni mama (nakaplaster pa rin sa akin ang nang-aasar na ngiti)

Agad kong inilahad ang kamay ko para kuhanin ang gamit ni fugi kay anthony, alam ko ayaw nitong ibigay pero alam ko din no choice sya at napangiti ako ng palihim sa naisip ko na iyon

Kala mo ikaw lang marunong umepal ha! Sabi ko sa utak ko (hehe)

Pagkaabot nito ng gamit ni fugi sa akin agad ko nang hinarap si fugi at napansin ko sa mukha nito ang pagkabigla siguro dahil sa sinabi ko, wala naman talaga kaming usapan, pero papanindigan ko na baka makahirit pa si epal

Ako: tara na fugi (nakangiti kong sabi dito at kita ko namang nakabawi na ito sa pagkabigla at tinugon ako ng pilit na ngiti, siguro dahil nagtataka pa rin ito)

Nang makatayo na ito ay agad ko itong inakbayan para makaalis na agad kami agad akong nagpaalam kay janine at sa epal na anthony na iyon

Ako: janine una na kami (nakangiti kong sabi dito)

Janine: sige! Ingat kayo ni fugi (nakangiti rin ito)

Ako: ikaw rin, ingat (sabay harap naman kay anthony)

Ako ulit: pare una na kami ni fugi ah! Ingat ka!

Akmang tatalikod na kami ni fugi ng hawakan ni anthony ang braso ni fugi na siya namang naging dahilan para mapatigil si fugi ganon na din ako dahil nakaakbay ako dito

+++++++++++++++

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com



by: Fugi

Akmang tatalikod na kami ni fugi ng hawakan ni anthony ang braso ni fugi na siya namang naging dahilan para mapatigil si fugi ganon na din ako dahil nakaakbay ako dito
+++++++++++++++

-----) Ako na ulit si FUGI ang mag-nanarate:]

PAGTATAKA at... at GULAT, yan ang aking nararamdaman, Pagtataka sa mga sinabi ni ian kani-kanina lang na inimbitahan pala ako ng mama niya na sa kanila mag-dinner eh kanina pa kami magkasama (kasi kasi lagi na lang nangbibigla, hindi tuloy ako prepared.. hahaha) at Gulat dahil sa posisyon namin ngayon na.... na NAKAAKBAY SA AKIN SI IAN TAPOS NAKAHAWAK NAMAN SI ANTHONY SA ISANG BRASO KO na dahilan para mapatigil kami sa pag-exit na sana sa room namin na iyo

Sa ganoong posisyon ay mataman naman na nagtititigan si ian at anthony, at at at sa tinginan na iyon ay parang may kung anong tagisan sa pagitan nilang dalawa na hindi ko naman masabi kung may problema ba silang dalawa sa isat-isa (kainis hindi masagap ng RAY-DAR ko.. hahaha lakas makaDRAGONBALLS lang, YES! naisingit ko! Hehe)

Nabasag naman ang katahimikang hindi ko maiintindihan sa pagitan naming tatlo ng biglang umimik ang asar talong si janine..

Janine: wow lakas maka-POSTER ng pang-TELESERYE ng posisyon nyo ah! Na pinammagatang “HINDI MO SYA MAKUKUHA SA AKIN”,,, ayieeeeeh! (ang may acting pa nitong pagsasabi na sinabayan pa nang nakakalokong ngiti nito habang nakatingin sa akin)

Ako: imbento ka din noh! Last mo na yan (ang medyo naiilang kong pagkakasabi sa kanya at nagpakawala ng pilit na ngiti)

Janine: makaalis na nga istorbo na ako sa taping nyo, ok ok.. lights...... camera ... ac.....tion (kasabay ang paglalakad nito palayo sa kinatatayuan namin at hindi nakawala sa paningin ko ang kakaibang ngiti nito na hindi ko nalang nabigyan pa nang pansin nang biglang maramdam ko ang pagbitaw ni anthony sa pagkakahawak sa braso ko)

Nang mapunta ang paningin ko kay anthony tsaka ko lamang napuna na nasa akin narin pala ito nakatingin at sinabayan pa ng magiliw na ngiti na wala naman kanina nung magkasalubong ang tingin nila ni ian (basta parang may kung ano sa dalawa)

Ako: ah... an..anthony (ang medyo naiilang kong naisatinig kasi kasi naman may kung ano talaga sa kanya ngayon na hindi ko maintindihan, sa tingin niya at sa mga ngiti niyang iyon.. kasi kasi), pa..pasensya ka na kung hindi ako maka...kasabay sayo (nagbabakel kong dagdag)

Anthony: ok lang, INGAT KA HA! (at bigla naman itong tumingin kay ian pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon kasabay nang pagkawala ng magandang ngiti nito)

Ako: o..OO, i..kaw din, wag mabilis magmaneho ah! (kinakabahan kong sabi habang patuloy parin ang pagtatama ng mga mata ng dalawang mokong)

Anthony: oo sabi mo ih! (sabay balik ulit ng tingin nito sa akin pati ang magiliw nitong ngiti)

Ako: u...una na kami (sabay pakawala ko din ng ngiti bilang tugon sa ngiti niyang iyon)

Ian: oo nga pare, una na kami ni fugi, ingat ha! (biglang pagsingit nito)

Akmang tatalikod na sana uli kami ng bigla na namang humawak si anthony sa braso ko

Anthony: yung usapan natin ha! Sunduin kita, bawal na ang tumanggi ok! (may himig nang kung ano sa sinabi niya pero kaakibat noon ay andoon pa din ang napakaganda nitong ngiti kaya tango at ngiti na lang din ang naisagot bilang pagpayag)

Pagkatapos noon ay agad na din akong binitawan ni anthony at sa puntong iyon ay sya namang paghigpit ng pagkakaakbay ni ian sa akin na nagtulak sa akin na mapalapit ng husto sa kanya (na ikinagulat ko na naman, lagi nalang ako nagugulat, paano kasi hindi nang-iinform:]) at dahil din doon nadala ako sa mabilis na paglakad nito palabas ng room namin na iyon

Pagkalabas na pagkalabas biglang nagsalita si ian na nagpabalik sa akin sa reyalidad

Ian: ano na naman bang usapan yan at kelangan susunduin ka pa ulit ng mokong na iyon, di ba dadalhin mo na si drey (yung motor ko) bukas, wala ka nang maidadahilan sa akin na coding coding ha (ang sunod sunod na litanya nito habang patuloy pa rin kaming naglalakad na sa puntong iyon ay bumagal na at lumuwag na rin ang pagkakaakbay nito)

Ako: ah eh.. (ang panimula ko dahil syempre nagrerecover pa lang ako sa gulat na dinulot ng mahigpit na pagkakaakbay niya kanina)

Ian: i, o, u? ano ba kasi? (ang pagsabat nito)

Ako: sandali lang tatay ha! (natatawa kong biro dito, OA makareact ih!)
Ian: tatay ka dyan, tawa pa (ang nakasimangot nitong sabi,,, sobrang cute nya sa puntong iyon, hehe:])
Ako: paano kasi umandar na naman ang pagkaatat mo, sabat ka agad ng sabat  eh hindi pa nga ako nakakapagsalita tapos ang dami mo na agad nasabi at natanong
Ian: ang bagal mo kasi (katwiran nito)
Ako: paano ang bilis mo (natatawa kong sabi dito)
Ian: bakit nga kasi?
Ako: anong bakit nga kasi? (maang maang kong balik sa kanya habang nakangiti, paano super duper cute nya sa itsura niya kahit nakasimangot, promise! Hehe,, patay na SUPER na DUPER pa.. :])
Ian: hindi ako unlimited ha! Paulit ulit na lang? (ang medyo naaasar na nitong sagot na palihim kong ikinatawa)
Ako: abat nabanat ka ng papaganyan ha! Bakit regular load ka lang ba? (pagsakay ko sa banat nito habang pinipigilan ang pagtawa)
Bigla na lang inalis ni ian ang pagkakaakbay sa akin at naglakad na pauna sa akin
Patay! Napikon na ata, nasabi ko na lang sa sarili ko
Agad ko naman siyang sinundan at nang maabutan ko na siya ay bigla ko na lang hinablot ang kamay niya
Ako: sorry na! niloloko lang (pero hindi ito umimik at pilit na iniiwas ang tingin sa akin), hoy! Hindi na mauulit, sorry na nga (naidagdag ko)
Ian: yung kamay ko (malamig nitong nasabi)
Ako: kamay pa din (biro ko sana para mapangiti ko siya, pero iba ata ang naging dating sa kanya, kasi kasi ako, kainis myself.. hahaha)
Ian: sige mamilosopo ka pa (medyo may galit na nitong sagot sa akin na ikinakaba ko, nagalit na nga ata), yung kamay ko (dagdag nito)
Ako: so....sorry na, promise last joke ko na iyon, hindi na mauulit, sorry! (ang sunod sunod kong naibulalas dahi sa kabang nararamdaman dahil sa tono nang pagsasalita niya)
Ian: yung kamay ko
Ako: ka..kala ko ba hindi ka unli, bakit paulit-ulit ka? (huling hirit ko sa kanya para mapataw siya at hindi na lumala pa, baka mag-away na naman kami eh kababati palang namin, kasi kasi myself tsk tsk..)
Sa pag-aakalang sasakay siya sa huling pagbibiro ko mukhang nagpalala pa dahil tiningnan niya na ako ng masama (kasi kasi sabing last joke na dapat yung kanina, may paghirit pa ako, kasi naman)
Ako: sorry na! magpapaliwanag na ako (huminga muna ako ng malalim bago ko pinag patuloy ang pagsasalita), a.... ano kasi ma... may usapan na kami ni anthony na lalabas bukas pagkatapos ng huling subject, half day lang naman tayo, paano kasi  hindi ako pwede kahapon noong niyayaya niya ako dahil nga bantay bata at bahay ako, inalagaan ko si angel este natin pala dahil asa bahay ka kagahapon di ba? Yun! tapos kaya hindi ko madadala si drey (motor ko) dahil nga sinabi nya na rin na wag ko na lang dalhin dahil yung kotse na lang ang gamitin... yun yung buong paliwanag, sorry na! hindi kita bibitawan pag hindi mo ako pinatawad ngayon (ang pag-eeksplika na may halong pagbabata ko sa kanya)
Mataman lang akong pinapakinggan at tinitingnan ni ian na walang emosyong ipinapakita, at nang matapos ang medyo mahaba haba kung pagpapaliwanag ay wala pa rin itong imik at pawang nag-iisip ng malalim at sa puntong iyon ay ako na ang bumasag ulit sa mamumuong katahimikan

Ako: uy! (sabay paghila ko sa kamay niya na hawak ko para pansinin niya ako), nagpaliwanag na ako ah! Bati na tayo,,, pleeeeease! (sabay hugpong ko ng mga kamay ko kasama nung kamay niya na parang nagdadasal lang at pagplaster nang nagmamakaawang itsura)

At sa maya maya lang biglang gumalaw ang kamay nito na hawak ko at biglang hinawakan nang madiin ang kamay ko sabay talikod nito at hila na sa akin palakad, wala na akong nagawa kung hindi magpadala sa kanya (pabor din naman sa akin yon,, hehehe, JOKE! Haha,,, salamat na lang at walang tao sa puntong iyon.. YES! SAFE!!!!! At kung meron mang makakita sa amin sa puntong iyon, patay sya dahil IKAKAME-HAME WAVE ko sya at gagamitin ko din sa kanya si NADARE... YES! naisingit ko pa to!... hahaha)

Nasa ganyang kabulastugan na naman na pag-andar ang aking utak ng sa wakas ay umimik na si ian....

Ian: sasabay din ako bukas, kaya itanim mo na dyan sa consciousness mo na “sasabay ako sa inyo AT WAG NA WAG MO NA ULIT AKONG KALILIMUTAN AT BAKA MAKALIMUTAN DIN KITA” (ang naibulalas nito habang nakatalikod sa akin at talagang may diin sa mga huli nitong sinabi)

Ako: si....6:30am ako da..daanan ni anthony bukas (nauutal kong pagbibigay impormasyon sa kanya, paano kasi,, kasi kasi na nanakot.. hehe), opo! hindi na mauulit yung kanina, takot ko lang sayo (dagdag ko)

Ian: kelangan pang takutin ih!para lang maalala ako (ang may himig tampo tampuhan nitong pagkakasabi at sa puntong iyon alam kong ayos na kami)

Ako: hala ang bata may hinanakit pa din (ang pagbibiro ko na ulit, syempre baka makalusot na sa pagkakataong ito)

Ian:  kala ko ba last mo na yung kanina? at talagang nahirit ka pa rin ha! (ang pagpuna nito)

Ako: ah eh.. (at natawa na nga lang ako dahil alam kong sa mga sandaling iyon.. OK na:]), ian.. yung kamay ko (dahil baka may makakita kung ano pa ang isipin)

Ian: kamay pa din naman ah! (sabay tigil nito at harap na din sa akin)

Ako: hala gaya gaya, script ko yon ah! (at sabay kaming nangiti sa kalokohan namin.. ayiieeeeee!), bati na tayo ha! (dagdag ko)

Ian: Pag-iisipan ko pa (sabay tawa nito pagkatapos ay bitiw nito sa kamay ko at talikod at nagpatuloy sa paglalakad)

Ako: may na lalaman ka pang pag-iisipan (sabay habol sa kanya), basta  bati na tayo at ITANIM mo yan sa CONSCIOUSNESS MO (panggagaya ko naman sa sinabi nito na nagpalingon sa kanya sa akin.. akala mo ha!.. hehehe)

Ian: abat talagang..... (ang sasabihin pa sana nito ng sumingit ako)

Ako: peace (sabay ng peace sign:]), nga pala (pag-iiba ko sa usapan) kanina pa tayong magkasama bakit nitong labasan mo lang sinabi yung tungkol sa pag-imbita ng mama mo na sa inyo ako magdinner? may anuhan ba? At bakit nya ako kilala na? (ang sunod sunod kung naitanong sa kanya)

Ian: ah.. kasi.. ganto iyon,,, tara na nga ang dami mo na mang tanong (at nagtuloy tuloy na nga ulit sa paglalakad ang mokong,, wala na akong nagawa kung hindi ang sundan ito)

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com



by: Fugi

-------> IAN

Hanggang ngayon hindi ko pa rin masabi ang kakaibang pakiramdam na ito, bago lahat, nakakalito pero,,,,, pero basta naiinis lang ako sa tuwing may kung anong namamagitan kay fugi at sa epal na anthony na yan

Lalong lalo na sa naging pahayag ni epal (si anthony) bago kami tuluyang makalabas ni fugi, parang,,,, parang  may patama sa akin at mas nakaagaw ng aking pansin ang sinabi nito na usapan daw nila ni fugi para bukas

Kaya naman pagkalabas na pagkalabas na pagkalabas agad ko itong inulan ng mga tanong, kahit ako ay nagtataka sa inaasta ko, dahil sa tanang buhay ko ngayon lang ako naging ganito, siguro ayon ay dahil....... dahil mahalaga sya (si fugi) sa akin,,,,

MAHALAGANG MAHALAGA, sabi nang isipan ko

Sa pagnanais kong malaman ang usapan na iyon nila ni anthony ay hindi ko tinigilan si fugi sa katatanong, kaso imbis na malaman agad ay nauwi kami sa biruan/asaran/pilosopohan/hiritan, makwela din sa itong si fugi na gustong gusto ko sa kanya kaya pagkasama ko sya ang gaan lang ng atmosphere, pero dahil kasama sa usapan namin ang epal na si anthony, ay inis ang bumalot sa akin kaya hindi ko masakyan si fugi sa mga patutsada nito sa akin

Alam kong alam na ni fugi na naiinis na ako dahil sa hindi nya pagsagot sa tinatanong ko, kaya ng akmang tatalikod at aalis kuno ako (acting lang naman para masagot nya na ako about sa kung ano man ang usapan nila ni anthony), ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko at pinigilan ako, palihim naman akong natawa dahil epektib ang ginawa ko (hehe)

Humingi ito ng sorry at nagpaliwag na din sa wakas pagkatapos ng mahaba-habang pag-acting acting-ngan ko

Nalaman ko na susunduin pala ulit ng epal na anthony na iyon si fugi bukas pagpasok at may usapan na silang lalabas pagkatapos ng klase

Naiinis man sa nalaman at gusto ko syang pigilan na wag na lang sumama sa mokong na iyon ay hindi ko maisatinig dahil baka kung ano nang isipin niya,, kaya sa puntong iyon ay nasabi ko na lang na sasabay na lang ulit ako sa kanila, hindi ko man intensyon ang ipaalaala kay fugi yung nangyaring pagkakaiwan nila sa akin kanina ay nasambit ko ang issue na iyon at nasamahan ko pa ng pagbabanta, hindi ko man talaga sadya pero siguro para hindi lang niya makalimutan, at dahil na rin siguro sa inis na nararamdam ko sa nalaman ay nasambit ko ang mga bagay na iyon

Pagkatapos magkainitindihan ay bigla namang nagsalita si fugi ng...

“kanina pa tayong magkasama bakit nitong labasan mo lang sinabi yung tungkol sa pag-imbita ng mama mo na sa inyo ako magdinner? may anuhan ba? At bakit nya ako kilala na? (ang sunod sunod na naitanong nito)”

Wala akong maisagot sa kanya kasi biglaan lang din naman yon, yun lang ang naisip kong paraan para maiiwas siya sa epal na iyon

Imbis na sagutin siya ay agad akong naglakad para makaiwas pa sa mga maaari niyang maitanong pa, at nakita ko namang sumunod na lang si fugi sa akin

Kelangan ko muna palang matawagan si mama para ipaalam ang pagpunta ni fugi sa bahay, nasabi ko sa sarili ko

Kaya agad akong nagpaalam kay fugi para mag puntang restroom

Ako: fugi, ihi lang ako, intayin mo na lang ako dito ha!

Fugi: sige sige (at madalian na akong pumunta ng CR)

Pagkapasok na pagkapasok ay agad kong tinawagan si mama

Agad naman niyang nasagot ang tawag ko

Ako: ma!

Mama: o anak! Bakit ka na patawag may problema ba?

Ako: wala naman po

Mama: kung maka-MA ka kasi parang may nangyari sa iyo (at natawa na ako sa kanya mabiro din kasi ang mama ko), bakit ka ba napatawag anak? (pag-uulit nito) 

Ako: paano kasi ma, tanda nyo ba yung sinasabi kong mabuting kaibigan na nakilala ko, na gusto mo na anyayahan ko na dalhin dyan sa bahay, inimbitahan ko na siya, sabi ko dyan sa magdinner, OK lang ba? (ang mahaba kong nasabi)

Mama: oo naman, gusto kong makilala yang kaibigang nagpapasaya sayo ngayon at pasalamatan sya, asaan na ba kayo?

Ako: dito pa sa campus, pauwi na po

Mama: sige sige, ingat kayo ha! Maghahanda na kami dito
Ako: sige po salamat po ma

-end of call-

Agad ko nang tinungo ang pinag-iwanan ko kay fugi at nang makalapit na ako sa kanya

Ako: fugi, ready ka na ba? Tara na!

Fugi: a.. ano kasi, ba.. bakit kani-kanila mo lang sinabi na pupunta pala tayo sa sa sa in..yo (ang nauutal nitong sabi dahil halatang kinakabahan ako)

Ako: paano kasi nakalimutan ko, nitong pauwi na tayo tsaka ko naalala (pagdadahilan ko), bakit ba mukhang kabado ka?

Fugi: paano kasi, ano kasi

Ako: ano?? (palihim akong natatawa sa itsura niya ngayon, na nahihiyang kinakabbahan at halatang halata ito sa mukha niya at pagsasalita niya, ang... ang cute,, sobrang cute niya talaga)

Fugi: hin..... hindi kasi ako ha..handa? (ang pabulong na nitong nasabi kaya hindi ko masyadong narinig
Ako: ano? Pahina ng pahina ah!

Fugi: kasi kasi ikaw ih! (ang medyo bata na nitong sabi na ikinangiti ko talaga)

Ako: ano ako? (ang nakangiti kong sabi dito)

Fugi: paano kasi binigla mo ako, tapos tapos ano hindi ako handa (sa bata parin nitong tona na ikinatawa ko naman)

Ako: kaawa awa naman ang bata, hindi handa, sya tarauna sa library (ang paggaya ko sa tono nitooo habang pppinipigil ang pppagtttawaaa ko)

Fugi: library?? (sabay ang nagtatakang ekspresyon ng mukha nito)

Ako: magrereview mo na tayo hindi ka kasi prepared (kasabay ang paglabas ng pinipigil ko kanina natawa)

Fugi: hala joke ba iyon?? Tatawa na ba? (ang nakangiti na nitong pagbara sa akin)

Ako: yan ngiti lang, para mas cute ka (sabay talikod ko na, nagulat din kasi ako sa nasabi ko), hala ano yung sinabi ko (bulong ko sa sarili ko), tara na baka matrapik tayo (pag-iiba ko)

++++++++++++++

---------> back to me FUGI the pogi (pag-big-yi na, hehe)

Para akong nabingi sa huling sinabi ni ian na “ngiti lang, para mas cute ka”, tama lang ang lakas ng pagkakasabi niya niyon pero  ang lakas ng impact na parang REI-GUN lang ni URAMESHI (sa mga nalilito si Eugene po iyon ng ghost fighter sa channel 7,kaso kung sa ANIMAX kayo nanonood YUYU HAKUSHO ang title doon tas yun ang pangalan niya,, YES! naikonek ko pa ito, pasensya na may nagequest kasi.. hehehe) sa eardrum ko (kasi kasi :])

Nasa ganoon state ang utak ko nang biglang nagsalita at nagyaya na si ian na nagpabalit sa utak ko sa tamang proseso nito at na pangiti na lang akong sumusunod sa kanya na hindi naman nakaligtas sa paningin ni ian

Ian: bakit kung makangiti ka parang wala nang bukas

Ako: paano ang galing mo kasi magjoke (pagdadahilan ko)

Ian: syempre ako pa (mayabang nitong pagsakay)

Ako: hehe kaya dapat hindi mo na yon uulitin ha! (sabay tapik ko sa balikat nito tapos una ko dito sa paglalakad dahil hindi ko mapigilang mapangiti pa din sa sinabi nito kanina:])

Ian: a bat! (ang simula nito), nahiya naman ako sa mga joke mo (dagdag nito)

Ako: ayon may dyip na tara na, kung ano ano pa ang sinasabi (pag-iwas ko dito, hehe)

Pagkasakay na pagkasakay ay napansin kong kinukuha na ni ian ang wallet niya kaya naman agad di akong kumilos pa maunahan ko sya sa binabalak niya. Maya maya lang sabay namin nailabas ang mga wallet namin at sa puntong iyon bigla kaming nagkatinginan

Ako: ako na magbabayad (sabay ngiti ko dito)

Ian: A-K-O na, O-K (sabay madahang tabig nito sa kamay ko kung asaan hawak ko ang wallet ko)

Ako: Kanya kanya na lang (suhestyon ko)

Ian: ang kulit ah! Gusto mo bang ibaba kita dito, ako na sabi

Ako: o di ikaw madali naman akong kausap (at natawa na lang ako:])

Mabilis naman ang naging byahe namin mula campus hanggang bayan, pagkababa ay agad kong kinausap si ian

Ako: uy ian,,, bili tayong cake

Ian: aanhin ang cake? (maang nitong tanong)

Ako: ididisplay? Syempre dadalahin sa inyo

Ian: ah! (parang ogag lang nitong reaksyon)

Ako: adik (sabay mahinang suntok sa deltoid area niya na ikinatawa naman niya)

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com



by: Fugi

Ako: paano nang-aasar ka kasi

Ian: kasi nga hindi na kailangan nang kung ano ano pang dadalhin kasi kahit wala noon alam kong magugustuhan ka nila mama, katulad ng pagkagusto ko sa iyo (nagulat na naman ako sa sinabi niya kaya walang sabi sabi ay nagsalita ang bibig ko)
Ako: ah... ah.. ano iyon? (parang tanga ko lang na pagsingit sa kanya, kasi kasi naman:])

Ian: ah.... eh ano bang nasabi ko (bulong nito sa sarili niya)

**********
-----------> IAN (pasok!)

Ako: ang ibig kong sabihin ano, ah! Madali kang pakisamahan at sa ugali mo lang alam ko magugustuhan ka na nila mama, kitams dali nating naging magkaibigan, yon ang ibig kong sabihin (ang paglilinaw ko), anu-ano kasi nasasabi ko (bulong ko naman sa sarili ko)

Fugi: ganoon ba! (parang may tonong disappointment nitong sabi, pero pariramdaman ko lang naman iyon)

Ako: tara na! sakay na tayo (pag-aya ko na kay fugi baka kung saan pa mapunta ang usapan at ipahamak pa ulit ako ng sarili kong dila)

At sumakay na nga kami sa dyip na huminto sa tapat namin

************

---------> nagbabalik na po ulit sa akin, FUGI:]

Ang OA lang makareact fugi ah! Pang-aalaska ko sa sarili ko sa inasal ko kanina, kasi kasi ako

Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni ian sa byahe naming iyon, nahihiya kasi ako sa katangahan ko lang kanina kaya hindi ako makapagbukas nang mapag-uusapan, sa puntong iyon sana kaya kong magTELEPORT (wow!) para mawala na ako sa oras na iyon (kasi naman, last ko na yon!)

Mabilis naman ang naging byahe namin. Agad na pumara si ian nang matapat na kami sa kanto nila. Pagkababang pagkababa ay nagulat na lang ako ng hawakan ako ni ian (kasi hindi na namang nang-inform, kasi dapat may prior notice, hahahaha)

Tara! Tawid na tayo, kasabay ang nakangiting pagpaling nito sa akin at pagtungo na lang ang naitugon ko (gulat eh! Hehe) at pagkatapos ay hinila na niya ako patawid sa kabilang bahagi kung asan ang kanto papasok papunta sa kanila

Pagkatawid ay agad din naman niyang binitawan ang pagkakahawak niya sa akin at nagwikang
Ian: hoy! Ayos ka lang ba? Kanina ka pang walang imik ah! (pagpuna nito)

Ako: ka..kasi nga nangbibigla ka na lang lagi(wala sa sarili kong naibulalas)

Ian: nang bibigla? (nakakunot nito noo)

Ako: ah.. eh kabado lang (pag-iwas ko)

Ian: wag kang kabahan hindi naman nangangain ng bisita si mama (nakangiti nitong sabi sa akin na ginantihan ko na din ng pilit na ngiti)

Nagsimula na nga kaming maglakad patungo sa kinatitirikan ng pamamahay nina ian, maya maya lang ay huminto si ian habang patuloy pa rin akong naglalakad

Ian: fugi dito na tayo (sabay turo nito sa bahay na tinapatan niya)

Agad napan akong napalingon sa kanya at nang mapansi ko ang nakaturo nitong mga kamay ay agad na sinundan ito ng aking mga mata at at tumambad sa akin ang isang napaka-eleganteng tahanan

Ang ganda, pagkamanghang pagkamanghang naibulalas ko (sobrang maganda kasi, gate palang wala nang panama yung mga katabing bahay nila, ang ganda din ng combination ng colors nang pinturang ginamit parang....parang light brown and cream ata tas may shades of black, tapos tapos mat bermuda pa, yung pinasadya talaga tas yung design ng two storey house nila ay ay hindi ko alam kung saan binase ang desenyo pero pangmayaman talaga {pasensya na student nurse lang ako kaya wala ako alam sa mga ganya.. hehe}, tas ang lawak pa)

Lalo lang akong humanga kay ian, kasi nung simula palang hindi siya nagyabang sa estado ng buhay niya at marunong siya makiayon, makisama sa kung ano ang nasa paligid niya:]

Numalik na lang ako sa malalim na pagkamangha sa bahay nila at sa kanya ng magsalita si ian at maramdaman ko ang palad nito sa baba ko

Ian: isara mo nga yang bibig mo, kelangan talaga bukas yan? (natatawang pagpuna nito sa akin)
Ako: ang ganda kasi ng bahay nyo (mangha kong sabi sa kanya), anong kulay ba yung pinturang ginamit at pati tatak at saan binili? (sunod sunod kong tanong sa kanya, hehe, sa mga nagtataka bakit iyon ang naitanong ko yun lang ang afford namin sa ngayon, mukhang mahal yung gate pati yung pabermuda at lalong lalo na yung bahay... hahahaha)

Tumawa nang pagkalakas lakas si ian sa tinatong kong iyon

Ian: ta..tara na nga sa loob (natatawa nitong nasambit), lakas mo rin magbiro eh no! (dagdag nito)

Ako: eh sa maganda naman talaga (katwiran ko sa kanya habang sinundan ko na siya papasok ng gate nilang mamahalin, hehe. Tatawa tawa lang ang mokong sa akin)

Nang makapasok na kami mas lalo kong napagmasdan ang kagandahan ng paligid ng bahay nilang iyon, malawak at halatang planado ang pagkakagawa dahil lahat nang nandoon ay nasa kanya kanyang lugar, hindi pilit na basta na lang mailagay ang mga iyon

Nasa gaoon na naman akong pagkamangha ng biglang magsalita si ian

Ian: laway mo! (nagpipigil tawa nito, ako naman dahil intact ang reflexes (wow!) ko ay agad kong pinahidan ang laway na sinasabi ni ian)

Ako: wala naman ah! (parang bata kong sabi sa kanya na lalo niyang ikinatawa)

Ian: kasi para kang ewan, tara na nga sa loob (natatawa nitong aya na sa akin)

At sumunod na lang ako sa kanya papasok sa bahay nila. Tumambad naman sa akin ang grand piano nila na talaga namang sobrang nagpamangha at nagpakislap ng mga mata ko (gusto ko kasi ng ganoon sa bahay din namin... hehehe), agad akon g lumapit sa piano at hinipo hipo iyon

Ako: grabe ang ganda nito (habang dinadampian ng aking mga kamay ang piano, hindi ko naman namalayan ang paglapit ni ian sa may likuran ko at nagwikang)

Ian: gusto mo bang gamitin (sabay tas nito sa cover nang keys agad naman akong napaharap kay ian dahil sa tuwa na ta-try ko yung piano at sa pagharap kong iyon ay halos magkalapit na ang mukha at katawan namin, kaunting espasyo lang ang namagitan sa amin)

Sa puntong iyon, hindi ko alam ang gagawin, kusang gumana ng hindi pangkaraniwan ang tibok ng puso ko (kasi naman ngayon lang kami naging gaoon kalapit na magkaharapan pa sa isat-isa, siguro pati pores ng bawat isa ay nakikita na namin sa puntong iyon, hehe)

Nagtama ang mga mata namin at sa puntong iyon, sa sandaling iyon at sa pagkakataon na iyon, doon ko na patunayan na na na.... na .. na totoo palang pag... na pag kayo lang ng taong mahalaga sa iyo, yung taong mahal mo ang nasa ganoong posisyon parang.. parang napupunta kayo sa ibang dimensyon (parang DIGI WORLD lang hahaha yes!), dimensyon na parang ginawa lang para sa inyong dalawa, na kung saan wala na kayong iniisip kung ano man ang nasa paligid nyo, basta ang mahalaga yung IKAW at AKO (ayiiee!:])

Bumalik naman ang diwa ko sa realidad ng biglang umiwas ng tingin si ian at nagwikang

Ian: ah... eh.. ti.tingnan ko lang si mama sa kusina ha (kasabay noon ay naglakad na siya papunta kung saan man naroroon ang mama niya)

Hindi na ako nakatugon sa kanyang sinabi at sa pagtalikod at paglakad niyang palayo sa akin ay agad akong napaupo sa upuan ng grand piano nila sabay hawak sa aking dibdib kung na saan ang aking puso dahil parang mahuhulog na sa bilis ng pangyayari kanina at kasabay din noon ay ang pahinga ko ng napakalalim para makabawi ng hangin (kasi kasi naman nakakawala ng hangin sa katawan ang eksena ngayon ngayon lang)

Hooooooooooooo, ang pagbuga ko na senyales na pagka-relieved ko na sa mga oras na iyon

++++++++
------> Sa kabilang banda naman kung asaan si IAN

Pagkalayong pagkalayo ko kay fugi ay agad naman akong napasandal sa dingding sa hindi maintindihang nararamdaman, ang lakas ng epekto sa akin ni fugi at sa puntong halos magkalapit na kami kanina

Ano ba kasi ito? Ang naitanong ko sa sarili ko sabay hawak sa bandang puso ko dahil sa kakaibang pagtibok nito, kakaiba at ngayon ko lang naramdam

Nanatili ako sa ganoong posisyon hanggang makabawi na ako ng lakas at pagkalipas pa ng ilang sandali ay agad ko nang hinanap si mama

+++++++++++

------> Balik na uli sa nakarecover na si FUGI:]

Agad natuon ang pansin ko sa piano at walang ano ano ay inilapat ko na ang mga daliri ko sa keys nito at sinimulang itipa ito at nang makuha ko na ang rhythm (parang si kamyo lang ng fu-do-mi-ne sa prince of tennis alam nyo ba iyon mga pipz?? Hehehe) ay bigla na lang pumasok ang kantang ito sa utak ko na siyang naging dahilan para tipahin ko ang chords nito

~Instrumental intro~

(sa puntong iyon ay napakanta na din ako pero mahina lang)

Tuwing ikaw ay nariyan
Sabay kong nadarama ang kaba at ligaya
Ang 'yong tinig wari ko'y di marinig
'Pagkat namamangha 'pag kausap ka

Kaya nais kong malaman mo
Ang sinisigaw nitong aking puso

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka

Ikaw kaya ay nais din
Akong makapiling at ibigin
O kay sarap namang isipin
Na tayong dalawa ay iisa ang damdamin

Aking hinihiling na sabihin mo
Ang binubulong ng 'yong puso

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko, pangarap ko, pangarap ko

.......ang IBIGIN KA

~End of Instrumental~

Nang matapos ako ay nagitla naman ako sa ingat mula sa pinagbanggan na mga kamay na nagmumula sa aking likuran

Nanghumarap ako tumambad sa akin ang isa na namang nabiyayaan ng ating maykapal nang magagandang katangian (may favoritism eh! Hehehe biro lang po:])

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com



No comments:

Post a Comment