Wednesday, December 26, 2012

Ikaw Ang Aking Pangarap (06-10)

by: Fugi

---->Si IAN SETH SANDOVAL

Ian’s Sentiment

Akala ko magiging isang normal, walang kwentang araw na naman ito para sa akin tulad ng mga nakaraang araw pagkatapos umalis si Sarah (ang Girlfriend) papuntang ibang bansa. Hindi ko kasi naiisip ang mga ganitong scenario na magkakahiwalay kami kaya naman hindi ko naturuan ang sarili kong wala siya sa buhay ko. Nasanay na akong nandyan siya lagi para sa akin, na siyang naging kalahati ng buhay ko simula ng maging bahagi siya nito. Masakit man pero kailangan ko siyang hayang umalis hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil yun ang gusto ng sitwasyon na ang iniwan lang na option sa akin ay ang patuloy siyang mahalin at ang paghihintay sa muli nyang pagbabalik=’(


Pero mali pala, dahil sa hindi nating inaasahang pagkakataon merong darating sa ating buhay na MAGPAPAREALIZE sa atin na HINDI natatapos ang kagandahan ng buhay pag nakaencounter tayo ng mga problema, nang mga pagsubok na sa tingin natin hindi natin kaya o kung iwanan tayo ng taong mahalaga at pinakamamahal natin sa buhay, na ang taong yon ang pagpapaalaala sa atin na maraming paraan para malampasan ang mga iyon, kelangan lang natin buksan muli ang ating isip at puso para matanggap natin ang lahat nang mga pangyayaring iyon, na para mag move forward tayo sa buhay natin at hayaan nalang ang pagkakataon na siyang gumawa ng solusyon sa mga pagsubok na ibinigay niya sa TAMANG ORAS at PANAHON

Sinong mag-aakala na ngayon ko makikilala ang taong iyon sa katauhan ni FUGI CHIO. Akala ko katulad lang siya nang mga tao sa paligid ko na walang pakialam pero nagulat ako nung sinabi niya ang mga napuna niya sa akin..
            “Nakikita ko kasi sa mga mata mo ang lungkot mo......... lungkot na hindi mo masabi........ lungkot na hanggang ngayon bumabalot sa buong katauhan mo na dahil doon hindi mo magawang ngumuti, ngiti na totoo at walang bahid na pagpapanggap. Tungkol sa ginagawa mo naman, lagi kang nakatingin sa malayo na para bang may hinihintay ka, na may gusto kang makita, na parang ayaw mo malingat sandali at baka hindi mo sya makita. At ang huli ay base na sagot mo na “Wala naman ako ikikwento, walang kwenta ang buhay ko” na nagpaphiwatig na parang may parti sa buhay mo ang nawala, na syang nagbibigay ng kulay sa buhay mo na pinatotohan ng sagot mong ito nung magsorry ako sayo kanina “bat ka nagsosory hindi mo naman ako ginawan ng masama, hindi mo ako sinaktan?”, naparang ang lumalabas ay...ay NAIWAN KA at ang NANG-IWAN sayo ay ang TAONG mahal na mahal.... ang BUHAY mo.”
Hindi pa man kami ganoon katagal na magkakilala, pero nasapol niya agad ang mga dalahin ko, na tama ang mga napansin niya. Kaya naman napatingin ako sa kanya habang mahinahon niyang sinasabi ang mga iyon habang nakatingin sa kapaligiran. Nakita ko sa kanya na CONCERN siya at natuwa akong may taong may pagmamalasakit sa akin.
Kaya naman nasabi ko sa aking sarili na MAGIGING PARTE SIYA ng BUHAY KO (yes! yan ha siya na mismo nagnarate sa iyo na I WILL BE A PART OF HIS LIFE, teka teka pag ako nakapasok sa pag mumuni-muni ni Ian? Hahahaha OK hindi na ako papasok sa pagmumuni niya, epal ko lang hahaha), alam ko magiging..... magiging KAIBIGAN ko SIYA, MALAPIT at MATALIK na KAIBIGAN (o yan napala ko may pagpasok pa ako sa pagmumuni-muni ni Ian at may pag-aasume pa, KAIBIGAN kasi FUGI. Hahhahaha OUCH naman! hehe)
Wierdo man at makulit minsan si fugi pero siya yung hindi nakakainis, natutuwa din ako sa mga kilos niyang isip bata. Parang ang light lang ng aura niya na nakakahawa kaya naman gumagaan din ang pakiramdam ko.
Hindi ko rin nakaligtas sa akin ang maamong niyang mukha habang natutulog siya sa Library, na may naguutos sa akin na pagmasdan siya, na siya namang aking ginawa (hindi ko maintindihan pero natutuwa ako tingnan siya sa ganoon kalagayan) (rebelasyon to ah! Heto na naman ako pumapasok na naman sa paglalakbay diwa ni ian. Hehehe)
Ikinagulat ko din nung dinala niya ako sa Calumpang river. Hindi ko nagets kung bakit dun hanggang sinabi niyang
            “dito, dito siguro pwede mo nang itapon ang mga problema mo, para masama nang maanod sa kung san man, para makapagsimula kang bumuo uli ng magagandang alaala,para masabi mo na uli na may kwenta na uli ang buhay mo at nang maging masaya ka na ulit.. “
Na sa sinabi niyang yon hindi ko na napigilang sabihin sa kanya ang mga problema ko, ang mga dinadala ko. At pagsambit ko ng mga hinanakit ko, katahimikan ang pumailanglang sa pagitan namin at pagkatapos ng sandaling katahimikan, bigla siyang umimik na talaga naman pumukaw sa akin kamalayan........
“Kung ang pagkakataon, sitwasyon o tadhana man ang naghiwalay sa inyo, panigurado sila rin ang gagawa nang paraan para pagtagpuin ang landas nyo (pambasag ko sa katahimikan na namamayani, na nagpatingin naman kay ian sa aking kinaroroonan), ganoon naman daw yon, sinusubok ang tatag ng pagmamahal ninyo para sa isat isa na pagnalampasan ninyo pareho kusa kayong dalawa babalik sa piling ng isat isa. Sabi nga sa nabasa ko “Konektado ang PUSO ng isang TAO sa kanilang mga PAA, kaya hindi nakakapagtaka kung DALAHIN ka nito sa TAONG nakaTADHANA SAYO.” Kaya kung para kayo sa isat isa dadalahin kayo ng mga puso nyo gamit ang mga paa nyo sa piling ng isat isa. Kaya dapat hanggang hindi pa nangyayari yon (sabay tingin ko sa kanya at sya naman ay nananatili nakatingin sa akin), ayusin mo ang buhay mo ngayon para pagnagkita na kayo sa hinaharap isang bagong IKAW ang haharap sa kanya para ipagpatuloy ang naudlot ninyong LOVESTORY.”
Nakatitig ako kay fugi habang sinasambit niya ang mga ito, sa mga ihilahad niya nabuksan ang puso at isipan ko na kailangan kung magpatuloy para sa sarili ko, para sa buhay ko. Naging isang eye opener ang mga sinabi niya para ayusin ang buhay ko. Salamat at dumating ang taong hahawak sa akin pabalik sa realidad, ang taong nakapaloob sa katauhan ng isang Fugi Chio (yes naman ako yun hahaha, pasensya na kahit pagmumuni-muni ito ni Ian, hindi ko talaga mapigilang magside comment,,, paano ang gaganda ng sinasabi niya patungkol sa akin, hehehe.. ano kaya kung nakakapag usap ang pagmumuni-muni ko at pagmumuni-muni niya at ang pagmumuni muni ng lahat ng tao, pihado yung mga SOULMATES o yung TAONG NAKATADHANA sa ATIN ay MABILIS nating MATATAGPUAN, paano kasi mas marami tayong emosyon na hindi ipinapakita at mga salitang hindi maisatinig kaysa sa mga naipaparamdan, naipapabatid at naipapakita sa mga taong nakakasalamuha natin kaya naman lahat nang iyon ay nananatili sa ating ISIPAN at lumalabas lang PAG TAYO ay nag simula nang MAGMUNI-MUNI....... wah.. kamusta naman ang naconclude kong THEORY, ayus ba??? hehehe)
Sa lahat nagnagawa akin ni fugi ngayong araw ang pinakatumatak ay ang pagplay niya ng piano at ang pagkanta niya, na talaga namang nagpahanga sa akin. At syempre nararamdaman ko na yung kinanta niya...
Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to FIX YOU

---->alam ko para sa akin ito, dahil nararamdaman ko.

Habang iniisip ko ang mga pangyayaring ito hindi ko namalayan na nangigiti na pla ako, ngiti na parang plinaster sa mukha ko hanggang sa nakarating na ako sa bahay namin.

Sumalubong naman sa akin ang aking ina na hindi naman nakaligtas ang aking mga ngiti (ngiti na nakalimutan ko nang gawin sa pag-alis ni sarah at muling nagbalik dahil kay fugi)

Mama Gina: anak mukhang masaya tayo ah! (masayang pagpuna ng ina ni ian)

Ian: naging maganda lang po ang first day of school ko (nakangiting pagsagot naman ni ian sa kanyang ina)
Mama Gina: sana tuloy tuloy na yan anak, masaya akong nakikita kang ganya. Teka anak gusto mo na bang kumain magpapahain ako kay manang
Ian: busog na po ako ma, kakain lang po namin sa labas
Mama Gina: namin??? (natutuwang tanong nang ina)

Ian: sige ma akyat na po ako sa kwarto, papahinga na po ako (pag-iwas sa tanong ng ina), Good night po, dagdag nito
Mama Gina: sige anak, Good night
At pumanhik na nga si ian sa silid niya. Pagkasara niya ng pinto ng kwarto niya naisip niya si Fugi kung nakauwi ba ang huli ng maayos. Kaya naisipan niyang itext si fugi, nang nakapag compose na siya ng sasabihin kay fugi tsaka naman niyang naalala na HINDI niya NAKUHA ang NUMBER ng BINATA...............

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com



by: Fugi

--->Fugi Chio (yes! balik na sa akin)
Mabilis naman ako nakarating sa bahay namin. Pagkapasok na pagkapasok ko, agad na sumalubong sa aking ang sobra sa cute kung pamangkin na si angel at yumakap sa aking mga hita..
/si angel ay 2y/o pala, bibang bata at sobrang cute talaga (syempre nagmana sa cute na cute niyang titi ninong na walang iba kung hindi ako. Hehe), natutuwa din ako sa kung paano ito magsalita (dahil puros dulo lang ang natutuod niya. Hehe), kaya naman lumalabas ang childish in me, pero base sa nakikita ko sa kanya matalinong bata siya paglaki (kaya naman minsan pinapabasa ko na sa kanya mga books ko in preparation sa pag-aaral niya.. hahaha joke lang=)/
Angel: to nong (means tito ninong) bong! bong! (pasalubong daw, pwede na ba akong pediatric interpreter?? Hehehe)
Ako: gey-gey (tawag ko sa kanya) la bong to nong, la ra, di yan lowla (para sa lahat nang tagabasa ang tanslation nya ay “gey-gey wala pasalubong tito ninong, wala pera, hindi binigyan ng lola” pag sagot ko sa kanya to the tune of BABY TALK. Hahaha)
Angel: mot mot man to nong (sabay simangot) /kitams nagkakaintindihan kami hahahaha , nga pla para sa ikabubuti ng lahat ang sabi ni angel ay “damot damot naman tito ninong” hahahaha/
Tawa ako ng tawa pagnakakausap kami ni angel, parang kokey at ako lang.. hahahaha, nakakawala talaga ng stress at ang pinakamasayang makikipag-usap ay sa mag bata, para lang walang problema, ang gaan lang.
Agad ko namang inilabas ang tatlong piraso ng jelly ace sa bulsa ko (kuripot ba?? Paano kasi madami na yan para sa kanya.. hahahaha) na binili ko sa tindahan sa kanto bago pa man ako makarating sa bahay namin.
Ako: gey-gey ay ace (pagpapakita ko sa tatlong jelly ace)
Agad naman uling yumakap si angel sa akin at sa pag-alis ko sa pagkakayakap na kanya bigla ako umupo at inabot ang mga jelly ace sa kanya
Angel: mat mat to nong, san san (sabay abot ng isang jelly ace, nga pala “salamat salamat tito ninong, buksan buksan” yan ang sabi niya
Ako: la kiss to nong (at hinalikan ako ni angel sa pisngi, pagkatapos sabi ko, dito pa sabay turo sa kabilang pisngi pagkatapos sa noo, sa baba, sa ilong at sa labi, lagi naman ganito ang pinagagawa natin sa mga bata ang AROUND THE FACE KISS.. hahahaha imbento ba?? Paano ang idea ay nakuha ko sa around the pose shot ni kaido sa prince of tennis o yung mas kilala sa tawag na boomerang snake,, nanonood ba kayo non?? Hehehe)
Bigla naman lumapit sa amin si mama
Mama: o anak nandito ka na pala, kamusta ang first day? Maayos ba? (pagtatanong ni mama)
Ako: ahm... way better ma as what I expected (sabay ngiti sa kanya) (paano kasi dahil siguro, hindi dahil talaga kay IAN yon.. ayiieee.. hehehe)
Mama: buti kung gaano, gusto mo na ba kumain?? Paghahain na kita
Ako: ma hindi na po, busog na po ako, papahinga na lang siguro ako, napagod po kasi ako (paalam ko kay mama sabay halik sa kanya at buhat kay angel para mag goodnight kiss)
Pagkapanhik ko sa aking kwarto agad akong naglinis ng katawan, sipilyo at nagbihis ng pantulog (laging pajama at muscle shirt na v-neck style o kaya sando ang aking suot sa pagtulog)
Sa akin pagkahiga biglang pumasok sa isipan ko lahat ng nangyari sa napakahabang araw na to (sa sobrang haba umabot ito ng pitong chapters kasama ito.. hahahahaha), sa pag-iisip kung iyon halos 99% ay tungkol kay ian, ang mukha niya, ang mga ngiti niya, kung paano siya magsalita, ang kiliti na idinulot nya noong binubilungan nya ako at ang mala-CHIDURI na kuryete na pumasok sa kaibuturan ng aking katawan hawak niya ako (yes naisikit ko ang naruto,, hahaha). Sa mga naisip ko na iyon hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti... sigurado na ako at hahayaan ko na umusbong at lumago ang kung anumang nararamdaman ko para sa kanya. Wala man patutunguhan, enjoy ko nalang dahil alam ko isa ito sa magpapasaya sa akin sa punto ng buhay kong ito.
Sa hindi maipaliwanag kong nararamdaman bigla nalang akong bumanat sa sarili ko ng.....

--------------------Pwede ba KITANG abutin (Ian)?
------------------------------------------------>PANGARAP kasi KITA...

(ayiieee naman ako dun hahahaha hindi ko napigilan ang tawanan ang sarili ko)

Bigla akong may naalala nadapat kung gagawin
Ako: yung RESIBO!! (agad kung kinuha sa bulsa ko ang resibo nung first date? Kuno namin ni ian sa paotsin. Pagkakuha ko nito nagbigay ito ng ideya sa akin ng paggawa ng SCRAPBOOK, scrapbook na magiging punlaan ko ng magiging memorya namin na magkasama, it sounds girlish/OA, pero ito yung mga bagay na sa tingin ko pwede ko lang magawa, na sa pwede kong masabi ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya, na sa paraang ganito merong ako at siya at ang tinatawag na pagmamahal. Hahay...)
At yun nga napagplanuhan kong pumunta bukas ng school para kuhanin ang uniform ko (M-W-F-S nga lang pala ang pasok ko) at pagkatapos dideretso sa mall para bumili ng materials sa paggawa ng scrapbook na magsisimula nang magagandang alala na madadala ko hanggang sa pagtanda...
Pagkatapos nang lahat agad dinakong humiga at nakatulog nang mabilis.
Kinabukasan, medyo tanghali na ako nagising dahil alam naman ni mama ang schedule ko sa pagpasok kaya hindi na niya ako inabala at hinayaang magising nalang sa sariling sikap (hahaha)
Time check: 9:45am
Nagpahinga lang muna ako ng konti dahil sa napahabang pagtulog (parang baliw lang di ba?? Hahaha), pagkatapos ay bumangon at nagtungo sa banyo para maligo na at makapaghanda sa pagpunta sa school para iclaim ang aking uniform. Pagkatapos maligo ay pumunta ako ng aparador para pumili ng masusuot, grey faded jeans (na bitin ulit ala JL), blue v-neck shirt (paborito ko ang v-neck hindi kasi sya nakakasakal) at ung vans ko na white shoe. Dinala ko na din ang bag pack para wala ako bitbit mamaya.
Pagkatapos ay bumaba na ako at nakita ko si mama at angel sa sala nanonood ng tv
Mama: o anak saan ka pupunta?
Ako: sa school ma, nakalimutan ko kuhanin uniform ko (galing kasi magpalimot ni ian.. hehe)
Mama: ah! Kumain ka muna, pinagtabi na kita dyan
Ako: sige po! Gey-gey la kiss ang to nong? (pagtawag ko nang pansin kay angel habang tutok sa panonood ng paborito niyang palabas ang walang kamatayang Dora the Explorer. Hehe)
Hindi ako pinansin ni angel (ganyan yan! Dedma pag si dora na ang bida sa tv. Hahaha), syempre para lang mapansin kailangan manuhol (hehehe)
Ako:  gey-gey no osto bo-bong?, lis ang to nong (ang medyo malakas na pag baby talk ko sa kanya, hindi naman ako nagkamili na kailangan niya lang suhulan para pansinin ako, tumayo ito at nagtatakbo patungo sa akin na siya naman buhat ko sa kanya pagkalapit niya sa akin. Nga pala for the benefit ng mga mambabasa kung meron man... hehe ang sinabi ko kay angel ay “angel ano gusto pasalubong? Aalis ang tito ninong”)
Angel: pa pop po po at at at (parang budoy lang, hahaha) ace ace to nong (ang sabi niya ay “lollipop po at jelly ace tito ninong”)
Natawa naman ako sa inasta niya ang cute diba??
Ako: ge li to nong, pewo pat kiss mo ko, pra bli ta non (ang translations niyan ay “sige bili tito ninong, pero dapat kiss mo ako pra bili kita noon” at kiniss niya ako ng around the face kiss.. hehehe)
Pagkatapos nang parang out of this world naming pag-uusap ni angel, bumalik na uli siya sa kanyang pinapanood na dora at ako naman ay kumain ng agahan slash tanghalian na din. At pagkatapos ay nagpaalam na din ako kay mama na aalis na. hindi ko na dinala si drey (ang motor ko) kasi tirik na ang araw ayaw ko naman na magjacket para may cover ako habang nagmomotor dahil sobrang init kaya nagcommute na lang ako.

Simula sa amin, dalawang beses akong sasakay ng dyip, isang Bauan-Batangas na dyip tapos bababa nang Lawas then maglalakad ng konti tas sasakay naman ng Capitolio-Batangas na dyip. Buti hindi trapik kaya wala pa 30mins ay nasa iskul na agad ako.

Nakalagay sa claim slip na sa Anaprel Bldg. daw makukuha ang uniporme ko kaya naman agad ko tinanong sa guard sa may gate kung saan iyon. At ang bldg. palang iyon ay nasa labas ng campus, pagkapasok ko sa nasabing bldg. ay masasabing luma na iyon, siguro yun yung mga unang naitayo na bldg nila (pero narenovate na naman siya..hehehe). Agad ako nagtanong sa nakita kong gaurd dun kung sa kinukuha yung mga uniporme. Hindi naman nagtagal ay nakuha ko na ang aking all white nursing uniform.
Sa paglabas ko sa building na iyon ay nag abang na ako ng dyip na masasakyan papuntang bayan. Sa aking paghihintay ng masasakyan ay may nakita akong papalapit na lalaki patungo sa kinatatayuan ko. 
Pamilyar siya pero hindi ko maalala, pero hindi ako masyado tumitingin dahil baka nagkakamali lang ako at hindi naman pala ako ang lalapitan niya. Nagulat na lang ako ng tawagin niya ang pangalan ko noong nakalapit na siya
Fugi right? Bati ng unknown guy sa akin
Tumango lang ako bilang tugon at humarap sa kanya na may natatanong na itsura kung sino siya. Bigla naman niyang naunawaan ang ibigsabihin ng itsura kong iyon ka siya na mismo nagpakilala sa sarili niya
Ako nga pala si............

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com



by: Fugi

The Unknown Guy named ANTHONY GUTIERREZ

Ako nga pala si Anthony, Anthony Gutierrez, pagpapakilala ni unknown guy sabay abot ng kamay niya para makipagshakehands
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa (parang Head to toe assessment pero hindi naman ganoon kakompresibo, nakadamit kasi.. hahhahaha biro lang), tingin na nanunuri.
Nang mapatapat ako sa mukha niya (aba pwede! Hehehe)
--------------------------------
Nga pala Trivia ulit:
Yung Head to Toe Assessment na sinabi ko kani kanina lang ay isang comprehensive bodily exam na ginagawa naming mga nurses mula ulo hanggang paa na ginagamitan din nang ibat-ibang uri ng instrumento. Ginagawa namin ito para pag nagtanong ang doktor about sa pasyente makakasagot kami (para hindi kami mapagalitan, tama ba nurses out there?? Hehehe)
-AHA! (hehe sori kuya kim. Hahaha)
----------------------------------

Habang nakatingin ako sa kanyang mukha....
Parang kilala kita, sabi ko sa lalaking nag ngangalang anthony
Ngumiti siya ay lumabas ang lumabas ang nag-iisang biloy niya sa kanang pisngi at nagwika siya ng....
Kasi classmates tayo, sabi ni anthony habang nakangiti paring magkatinginan kami
Para naman may kung ano sa akin na hindi ko maintindihan bakit para nagagwapuhan din ako sa lalaking ito. Kainis kasi si ian, may kung ano ginising sa akin.. hehehe nanisi na. haha
Ah.. kaya pala pamilyar ka, Fugi, Figi Chio , pagpapakilala ko sa kanya sabay abot sa kanina pang nakalahad na kamay niya sa akin. (lambot ng kamay ah! Mukhang hindi to gumagawa ng house hold chores, hehehe, ganoon daw kasi yon)
Ano nga pla ginagawa mo dito sa school? Tanong niya sa akin habang hindi niya parin binibitawan ang pagkakahawak niya sa kamay ko mula sa shakehands na naganap.
Ah.. eh.. yung kamay ko, ang medyo mahina at nahihiwa kong sabi sa kanya
What? Tanong uli ni anthony, hindi niya ata narinig
Ah... kasi (sabay nguso ko sa kamay namin na magkahawak pa din)
Tiningnan niya ang itinuturo ng nguso ko at nangmakita niya iyon ay naintindihan naman niya siguro ang ibig kong ipahiwatig kaya agad naman siyang kumalas sa pagkakahawak sa akin
Sorry, sabi sa akin ni anthony
(ang sarap kasi hawakan ng kamay mo kaya ayaw ko na bitawan, bulong naman ni anthony)
Kinuha ko uniform ko, biglang sabat ko sa na mumuong katahimikan
Ha? Ang medyo nabigla niyang sagot (siguro dahil sa nahiya siya sa nangyari kanina)
Hindi ba itinanong mo kung bakit ako nandito sa iskul, kinuha ko lang ang uniform ko, sabay ngiti sa kanya
Ikaw bakit ka din andito tanong ko kay anthony..


****************
-------------> Anthony Gutierrez
Nagyong araw na napagpasyahan ko pumunta ng school para lakarin ang pagpapagawa ng sticker para sa aking kotse para makapasok at maipark ko ito sa loob ng school (ganoon kasi ang patakaran yung sticker ang magseserve na I.D. para makapasok ang mga sasakyan ng mga estudyante)
Nang maipark ko sa labas ang ang kotse ko (dahil wala pa ngang sticker), agad ako pumunta sa JPL Bldg sa second floor, sa OSA (stands for: Office of Student Affairs) office, ahil dun daw nagpapagawa noon.
Hindi naman ako nagtagal at nakuha ko din ang agad ang sticker. Agad akong lumabas ng opisina na iyon at nagtungo palabas ng gate.
Akala ko magiging pangkaraniwan lang ang araw na ito para sa akin pero sadya talagang may mga magagandang nangyayari sa bawat araw, at ang arw na ito ay isa sa mga iyon
Nang-igala ako ang mga mata ko, may nakapukaw ng pansin ng mga ito. Isang lalaki na talaga naman nagstand-out sa lahat ng tao na nasa paligid namin. Nakatayo ito sa harap ng isang bldg. at nag-aantay ata ng dyip na masasakyan. Simple lang ito sa suot nitong blue v-neck shirt at style bitin na skinny faded grey jeans at white shoes pero sobrang elegante niya, ang galing niya magdala. Ang cute niya din sa suot niyang eye glass.
Habang tumatagal ang pagtitig ko sa kanya, unti unti ko siyang nakikilala, kaya naman hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at tuluyan na ako naglakad patungo sa kinaroroonan ng lalaking kumuha ng aking atensyon
Nang makalapit na ako..
Ako: Fugi right?
Tumango ito sa akin at humarap sa akin (sobrang amo ng mukha niya, kaya hindi ko mapigil ang mapatitig sa mukha nya)
Nakita ko sa itsura niya na parang nagtatanong kung sino ako (cute nang itsura niyang iyon, kaya hindi ko mapigilang mapangiti)
Ako: Anthony, Anthony Gutierrez (pagpapakilala ko sabay lahad ng kamay ko)
Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa, na parang sinusuri ako at kinikilala. At pagkatapos ng ilang sandali bigla siyang nagwika ng
Fugi: Parang kilala kita (nag-aalangan niyang sabi)
Ako: Kasi classmates tayo (nangingiti kong paglalahad sa kanya, hindi ko mapigilang hindi mapangiti ang cute niya kasi)
Kahapon pa nakuha ni Fugi ang pansin ko, akala ko dahil siya lang yung nakacivilian sa klase kahapon, pero habang tumatagal ay natutuwa akong titigan siya. Nagtataka man ako sa pakiramdam na ito dahil bago ito sa akin, hindi ko na iniitindi ito dahil nagiging masaya naman ako at kakaiba ito at parang si fugi lang ang nagdulot nito sa akin.
Nahihiya lang ako magpakilala kahapon at napansin ko na sa sumunod na naming mga klase ay may kasa-kasama na siya kaklase din naming nag ngangalang ian, kaya lalong nawalan ako ng pagkakataong magpakilala sa kanya. Nagkasya na lang akong pagmasdan siya at ang lahat ng ginagawa niya.
Pero kita mo nga naman sa hindi inaasahang pagkakataon, tadhana na ang gumawa ng paraan para pagtagpuin ang aming landas.
Fugi: Ah.. kaya pala pamilyar ka, Fugi, Figi Chio , pagpapakilala nito sa akin sabay abot sa kanina ko pang nakalahad na kamay (kakaiba ang naidulot nito sa akin, ang gaan at ang lambot ng kamay niya, ang sarap hawakan, kaya naman hindi ko na namalayan na nagtatagal na pala ang hawak ko duon)
----------------------
Nga pala madlang pipz (si fugi po ito pumasok muna ako sa moments ni anthony kasi may gusto lang akong linawin), Paano kasi sabi ko pagmalambot ang mga kamay hindi gumagawa ng gawaing bahay pero exception po yung sa akin ha,, malambot kamay ko kasi inborn na yun... hahahahahahhahaha (back to you anthony)
----------------------

Ako: Ano nga pla ginagawa mo dito sa school? (tanong ko sa kanya habang hawak padin ang kamay niya)
Tumimik naman si fugi kaso hindi ko narinig dahil may kahinaan ito kaya naman sumenyas na lang ito gamit ang kanya labi at inginuso ang aming mga kamay
(Doon ko napansin ang kanyang may pagkapink na mga labi na tama lang ang laki at alam ko sobrang lambot noon kaya nasabi nalang ng isip ko na “ang sarap siguro noong halikan” na talaga namang nagpangiti sa akin)
At nang maintindihan ko ang isinenyas niya ay agad kong tinagal ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya at sa puntong iyon ay nahiya ako sa aking ginawa. Kaya agad ako humingi ng tawad
Ako: sorry (medyo nahihiya kong sabi), sarap kasi hawakan ng kamay mo (pabulong ko namang sabi sa sarili ko)
Fugi: Kinuha ko uniform ko (biglang sabat ni fugi sa na mumuong katahimikan sa pagitan namin)
Ako: Ha? (ang medyo nabigla kong sagot dahil sa nagawa ko kanina)
Fugi: Hindi ba itinanong mo kung bakit ako nandito sa iskul, kinuha ko lang ang uniform ko (sabay ngiti nito sa akin)
(grabe ang ganda niya ngumiti bagay na bagay sa maamo niyang mukha)
Fugi: Ikaw bakit ka din andito (kasunod tanong niya sa akin)

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com



by: Fugi

-------------> balik na uli sa bidang si FUGI (at ako yon. Hehehehe)
Ikaw bakit ka din andito tanong ko kay anthony..
Ah.. kumuha ako ng sticker, sabi niya
Sticker? Para saan naman yon, balik kong tanong sa kanya
Para sa kotse ko para makapasok siya sa loob ng campus at makapagpark doon, pagbibigay impormasyon niya sa akin
Ah! Wow yaman ah! D’ oto, ang pagbibiro ko para maiba ang atmosphere dahil sa nangyari kanina
Natawa naman siya sa sinabi ko
Nga pala saan na punta mo ngayon, pagtatanong naman ni anthony sa akin
Papunta na sa bayan, sa Bay Mall (isa sa mga mall dito sa Batangas), sagot sa kanya
Sabay ka na sa akin, paalis na din naman ako, pag-aya niya.
Hindi sige ok na ako, magcommute na lang ako, sabi ko sa kanya (nakakahiya kasi, kakikilala lang namin)
Nagulat na lang ako ng hawak niya ang kamay ko, mismong kamay ko (bilis ah! hehe) at hinila ako para sumunod sa kanya. Wala na ako nagawa kung hindi sumunod.
Agad naman kaming nakapunta sa kung saan man nakapark ang kotse niya. At ang ganda noon pati ang kulay noon, black (hindi kulang alam anong klase yon at ano tawag, basta kotse.. hehehe)
Nagulat na lang ako nang pagbukas ako ni anthony ng pintuan sa harapan sa katabi niya. Agad naman ako pumasok at pagkapasok ko at pagkasara kasara niya ng pinto sa tabi ko nagtatakbo siya papunta sa driver seat (nagmamadali? Hehe.. pero gentleman di ba? =))
Pagkapasok na pagkapasok niya nagulat na naman ako sa ginawa niya (dami ko gulat noh! Hehe kasi naman.. hehe), bigla niya ako SI-NET BEL-TAN (what a spell?? Haha) ang lapit tuloy ng mukha namin sa isat isa (kaya naman napasin ko ang kagandahan ng mukha niya pati yung mga pores niya hehehhehe biro lang) (maalaga ah! Hehe)
Umiwas na lang ako ng tingin at humarap ako sa may bintana (baka kung ano na naman ang gawin niya na kagulat-gulat.. hehehehe), pagkatapos noon at umupo na siya ng ayos nagpasalamat na lang ako sa kanya
Ako: sa.. salamat (ang medyo naiilang kong sabi sa kanya)
Anthony: no worries, ang mahalaga safe ka (sabi niya nakangiting humarap sa akin)
Ngumiti na lang din ako bilang tugon sa kanya at pumaling ng tingin sa bintana. Narinig ko na lang na inistart niya ang makina at konting sandali lang umandar na ang sinasakyan namin.
Medyo mild ang daloy ng trapik (wow meron ba non? Hehe) sa kadahilanang malapit pa kami sa school namin kaya naman napapasulyap ako sa paligid at syempre sa kanya. At sa pasulyap sulyap ko nayon, tsaka lang rumihistro sa isipan ko ang itsura niya.

Ano bang Itsura ni ANTHONY GUTIERREZ?
            Medyo kayumanggi siya (sigguro dahil into sports niya) pero mababakas na parin ang kaputian niya (magulo ba, ay ganoon talaga.. hehehe makakaencounter din kayo ng katulad niya.. hehehe), matangkad din siya sa akin (parang magkaheight sila ni ian sa tangkad na 5’10) makinis din ang balat niya at sa usapang GWAPO (tanda niyo paba repapipz yung “Classifications ko ng Gwapo”? iyong may gwapo na pagnakaside, nakatalikod etc.. ect.. remember nyo na po? Hehehehe PEACE!), si anthony yung cute sa unang tingin pero habang tumatagal pagwapo ng pagwapo o in short “CUTIE-SOME” (imbento uli hahaha, pinagsama ko lang ang cute at handsome, cute naman yung kinalabas nung pinagcombine ko sila hindi ba pipz? hehehehe) (pero mas mataas ng isang baitang ang GWAPONG HINDI NAKAKASAWA o ang GHP na si IAN hehehehe). Katulad po nung iba to follow nalang ang ibang katangian ni anthony, hindi ko pa nakikita ih! (hahaha o wag mag-isip ng masama, walang ibang ibig sabihin yon.. hahhahaha)

Medyo nakakatayo na kami sa iskul nang mapansin ko ang player ng kotse niya
Ako: ah.. anthony pwede buksan ito (sabay turo sa player)
Anthony:  sure (ang magiliw niya sabi sa akin
Ako: ay paano ga (batangueñong batangueño ih! Hehe) ito bukasan (ang medyo bata kong tanong)
Anthony: ganito (sabay may pinidot siya at nag-open na), ano FM o insert thru... (hindi niya pa tapos ang sasabihin niya ng sumabat ako)
Ako: FM (ang medyo bibo kong sagot at inilagay niya nga sa ganoon mode)
Anthony: o ikaw na bahala maghanap ng station kung sa gusto mo (pagpapaubaya niya sa akin)
Para naman akong bata na kumalikot ng kumalikot nung player niya sa paghahanap ng station na may magandang music.
Palipat lipat ako nang station kasi wala magagandang piniplay na mga kanta..
Ano ba yan pangit (maktol ko na parang bata nang mapatapat ako sa isang istasyon na ang kanta ay kastilyong buhangi.. hehehe, inilipat ko uli), hala hindi na maintindihan kabilis bilis kasi (komento ko sa piniplay na rap song sa istasyong nahanap ko), ano ba yan wala maganda mga pinatutugtog ngayon (ang medyo naiinis na parang bata kong sabi sabay harap kay anthony na sa panahon ay natatawa pala sa ginagawa ko...)
Ako: pakipatay na po (ang bata bataan kong pakiusap)
Tawa pa rin ng tawa si anthony dahil sa aking pinaggagawa sabay  pindot ng off botton ng player niya
Ako: bakit ka tumatawa? (ang tanong ko sa kanya)
Anthony: ang cute mo kasi (ang pagkakasabi niya habang patuloy parin sa pagtawa)
Napatigil ako at nagulat sa kanyang sinabi (cute daw ako? Sabi ko sa akin sarili)
Bigla naman napansin ni anthony ang pananahimik at ang gulat na rumihistro sa mukha ko, kaya agad siyang nagsalita
Anthony: ang ibig kong sabihin ang cute ng gingawa mo kanina, parang bata lang (ang paglilinaw niya)
Ako: ah...... (at pakawala ng isang ngiti)

-------> Anthony’s pagmuni-muni
Inalok ko si fugi na sumabay na sa akin nang sinabi nitong paalis na siya ng campus namin (syempre pagkakataon ko na makilala siya ng lubos). Akmang tatanggi pa sana siya nang walang anu-ano ay hinablot ko ang mga kamay niya ay hinila para sumunod sa akin (ang hilang ginawa ko ay dahan dahan lang naman at may halong espesyal na nararamdaman, espesyal pa lamang kelangan ko muna kasing alamin kung ano ba talaga ang feelings ko para sa kanya... ayiiee)
Nang makalapit na kami sa kotse ko (kelangan ko magpa-impres) kaya agad kong pinagbuksan si fugi ng pinto sa harapan ng kotse ko at pagkasara ko nito agaran ako tumakbo papasok sa loob ng sasakyan dahil may naisip na naman akong isang bagay na gagawin sa kanya.
Pagkapasok ko agad akong humarap kay fugi at walang paa-paalam kong lumapit sa kanya para isuot ang seatbelt sa kanya. Sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa na kung hindi umiwas ng tingin si fugi at itinuon ang atensyon sa may bintana, ay baka hindi ko na napigilang nahalikan ko na ito. Sobra ako naaakit sa medyo may pagkapink niyang labi at alam kong malalambot iyon kaya muntikan ko na hindi makontrol ang aking sarili
Agad ko naman pinaandar ang makina at pinaandar agad ang sasakya. Dahil nga malapit pa kami sa campus ay medyo mabagal ang aming andar na siya sigurong naging dahilan para pagpabaling baling ng tingin si fugi hanggang sa napuna niya ang player sa loob ng kotse ko
Nag paalam ito kung pwede daw iyon buksan at sinabi kong oo, nagtaka naman ako kung bakit hindi pa niya ito binubuksan hanggang sa nagsalita ito
Fugi: ay paano ga ito buksan (ang parang bata nitong tanong)
Nangigiti ako sa kung paano ito magsalita sa puntong iyon sabay bukas ng player. Sinabi kong siya na ang bahala maghanap ng station kung sa gusto mo at papipiliin ko pa sana siya kung FM o insert na lang sa i-phone ko pero hindi na ako nito pinatapos dahil masigla itong nagwika ng “FM” na siyang nagpangiti uli sa akin. Nang mailagay ko na ito sa FM mode hinayaan ko na siya manipulahin ito kung saan man niya ito magustuhan.
Para naman itong bata na kumalikot ng kumalikot nung player sa paghahanap siguro ng station na may magandang music. Palipat lipat ito nang station kasi wala magagandang piniplay na mga kanta na akma sa kanyang panlasa.
Pigil sa pagtawa naman ako ng makinig ko siyang nagbibigay ng komento sa bawat istasyong mapuntahan niya
“Ano ba yan pangit (maktol niya na parang bata nang mapatapat sa isang istasyon na ang kanta ay kastilyong buhangi.. hehehe, inilipat niya uli), hala hindi na maintindihan kabilis bilis kasi (komento niya sa piniplay na rap song sa istasyong nahanap niya), ano ba yan wala maganda mga pinatutugtog ngayon (ang medyo naiinis na parang bata niyang sabi sabay harap sa akin na sa panahon ay natatawa sa kanyang ginagawa)
Fugi: pakipatay na po (ang bata bataan kong pakiusap)
Tawa pa rin ako ng tawa dahil sa pinaggagawa ni fugi sabay  pindot ng off botton ng player
Fugi: bakit ka tumatawa? (ang tanong niya sa akin)
Ako: ang cute mo kasi (ang hindi ko napigilang maibulalas dahil sa sayang naidulot niya sa akin)
Napatigil ito at nagulat sa aking sinabi, kaya naging maagap naman akong ngwika nang...
Ako: ang ibig kong sabihin ang cute ng gingawa mo kanina, parang bata lang (ang paglilinaw ko kunyari. hehe)

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com



by: Fugi

------> Ako na ulit.. Si FUGI ang Bida na!
Pagkalayo namin sa iskul agad namang bumulis ang andar namin kaya nakarating agad kami sa mall.

Pagkapasok namin sa main entrance ng mall ay bumungad sa amin ung mga mini tyangi sa loob ng mall (yung mga nagtitinda ng mga relo, laruan, bhuda, lucky charm at kung ano-ano pa), pero ang pumukaw ng aking pansin ay yung mga Acoustic Guitar na naka display.

Agad akong lumapit sa harap non ay pinagmasdan ang mga gitara pero ang pinakanagustuhan ko ay ito...

Habang tinitingnan ko ito may biglang nagsalita mula sa likuran ko..

Bata, galing pumili ah! Sabi ni ng sobrang babang boses ng mama na siguro ay isa sa may-ari ng tindahan na iyon

Humarap ako sa kanya at matipid na ngumiti

Gusto mo ba iyan, ha fugi, biglang turo ni anthony sa gitara na tinitingnan ko kanina

Naku! sayang nahuli kayo may nakauna na dyan at pinareserve na, paglalahad nung mama

Kuya, pwede ko bang hawakan? Tanong ko sa mama na may-ari ata

Hawak lang? parang gusto mo itry iplay base sa mukha mo, sige na papayagan kita kung ano gusto mo hanggat hindi pa nakukuha iyan, pagbibigay pabor sa akin nung mama

Galing mo naman kuya nahulaan mo (natatawa kong sabi sa kanya), sure ka pwede? Paano pagnasira o naputol sa strings (ang pagkumpirma kung pumapayag talaga siya at pagtatanong narin sa posibleng mangyari)

Alam ko magaling ka (ang nangingiting sabi nung mama sa akin), oh dito kana umupo (sabat alok sa akin ni kuya na maupo sa isang beat box)

Salamat po at ngumiti na lang ako nang pagkaluwang luwang na parang batang nakatanggap ng early christmas gift.

Agad ako umupo sa itinuro niya sa akin at nang maka pwesto ay inayos ko naman ang gitara. Since both hand ko naman ay kayang tumipa ng gitara mas pinili ko yung kaliwa tas syempre yung kanan ang sa chords (pinag-aralan ko talaga yon hindi dahil hindi lang astig ang dating kundi dahil sabi nila pag LEFT na HAND daw ang pinagtipa sa GITARA, MUSIKANG may PAGMAMAHAL daw ang maihahatid mo kasi nga ang PUSO ay na sa LEFT,,, LEFT 5th intercostal space midclavicular line (yan po ang exact location nang APICAL PULSE, ni-nosebleed kayo no? hahaha), nakuha nyo ba ang LOGIC?

(mukhang kelangan kong magtrivia ulit ah, OK dahil ramdam ko kayo eto po ang diagram #1. hahahahahaha)


Yung #5 yun po yung landmark ng apical pulse (kung mapapansin nyo po meron pang mga numero’s na 1,2,3,4, bale po mga landmarks din sya para maassest ng kabuuan ng puso pero magfocus na lang tayo sa #5), ito po yung pumipintig ng sobrang bilis at lakas pagnagugulat, natatakot at syempre pag nakikita natin ang ating mga crushes (ayiiee) o pagtayo ay UMIIBIG.
Sana nakuha nyo po ang lessons natin for today. I hope you learned a lot. Hahahahaha (anu ba yan naging educational na ito, hehehe. BALIK na po tayo sa KWENTO)
***********

Habang nakaupo ako at sinasanay ko ang kamay ko sa paghawak sa strings, nag-iisip na din ako ng kantang tutugtugin. Hanggang sa pumasok sa isip ko si IAN.

Napapikit ako habang naiisip ko si IAN, ang itsura nito at ang nangyari sa amin kahapon. Hindi ko namalayang nangingiti na ako at biglang pumasok na lang ang KANTANG ito (iniayos ang kanang kamay para sa chords kasabay ng kaliwang kamay na tumipa ng strings)

Instrumental Intro....
(hindi ko namalayan na napakanta na pala ako, kasi ito yung sinasabi ng puso ko nung lumitaw si IAN sa utak ko)

Nais KONG malaman NIYA
Nag MAMAHAL ako
'Yan lang ang nag-iisang PANGARAP ko
GUSTO ko mang SABIHIN
Di ko kayang SIMULAN
Pag nagkita kayo
Paki sabi na lang
(sabay pause ng kaunti ninanamnam ang pag-iisip kay ian)
na..
Paki SABI na lang na MAHAL KO SIYA
Di na baleng may mahal siyang iba (may girlfriend, ah!)
Paki sabing 'wag siyang mag-alala
Di ako umaasa (weh? Hindi?,, KONTI, konti lang? haha)
Alam kong ito'y malabo
Di ko na mababago
Ganun pa man paki sabi......... na lang
(mahal ko siya, pabulong kung sabi patungkol kay ian.. ayiiee)

-end of Instrumental

Nakarinig ako ng palakpakan na parang palakas ng palakas, kaya naman napamulat agad ako at nasilayan ko si anthony at si kuyang may-ari ng tindahan na nakatayo sa harap ko at pumapalakpak at pagkatingin ko naman sa bandang likuran nila may mga tao na nanonood din sa hindi ko namalayang pagkanta ko.

Kaya naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko kaya napayuko ako

*********
-------->balik tayo kay anthony
Pagkapasok namin ng mall agad nawala sa tabi ko si fugi at nang maglingat ako paningin nakita ko siyang pumunta mga nakadisplay na gitara. Agad naman akong pumunta sa kinalalagyan niya at nang makalapit ako sa kanya nakita kong mataman niyang tinitingnan ang isang acoustic guitar na kulay black

Nilapit siya ng isang lalaki na may-ari siguro nung tindahan na iyon. Nagkaroon sila ng munting conversation habang ako naman ay nakikinig lang

Kita ko kay fugi na parang gusto niya yung gitara kaya itinanong ko siya kung gusto ba niya iyon kaso biglang sumabat ang lalaking may-ari ata na may nakabili na niyo

Narinig ko naman nahumingi ng pabor si fugi kung pwede ba daw niyang hawak yung gitara at pinayagan naman si fugi na hawakan at iplay pa ang gitara. Nakita ko ang kasiyahan sa mukha niya (sobrang cute niya). Pinaupo siya sa isang beat box at pagkaupo bilga nalang niyang pinaglaruan ang gitara, siguro ay sinasanay ang mga kamay niya.

Nakita ko itong pumikit (nag-iisip ata ng kantang tutugtugin) pero napuna ko na bigla na lang ngumingiti, kaya bigla kong kinuha ang cellphone ko ay PI-NIC-TU-RAN ko siya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ang makita siya sa ganoong itsura (sobrang cute niya talaga na parang ayaw na ng mga mata kong tanggalin ang paningin ko sa kanya)

Walang anu-ano bigla niyang tinipa ang intro ng isang kanta habang nakapikit (nakung tutuusin ay sobrang hirap kasi kaliwa pa ang gamit niya kaya naman akong lalong humanga sa kanya, siguro nga sanay na siya sa pag play ng guitar) at pagkatapos noon ay sinabayan niya ito nang pag-awit.

Napukaw ang buong pagkatao ko ng marinig ko ang boses niya, hindi ko maintindihan pero parang unti unti niya akong pinapahulog sa kanya ng hindi niya namamalayan, ang dami kasing surpresa sa katauhan nitong si fugi.

Nang makabawi ako sa aking pagkamangha sa kanya nakita ko na lang si kuya na may-ari na manghang pinapanuod din si fugi at nang mapalingon ako sa likod ko at madami na rin palang taong nakarinig sa ginawa niyang paggigitara kasabay ang pagkanta. Kaya tahimik namin siyang pinagmasdan at pinakinggan hanggang sa matapos siya

At sa pagtipa niya sa closing chords niya ay bigla akong pumalakpak na sinabayan naman ng mga taong nakapakinig sa pinahusay niyang kagalingan na naging dahilan para siya ay mapamulat at nabigla sa kanyang nakita

Hindi naman nakaligtas sa akin ang pamumula niya na naging dahilan para mapayuko siya (sobra cute. Hehehe)

*************
-------->ako na uli si FUGI ang magnanarate (hahaha)

Pagkatapos ng palakpakan ay may narinig akong sumigaw ng “more” na naging simula ng pagkahawa sa ibang nanduon na gayahin ang isinigaw  nitong “more”

Agad naman akong kumilos para makaalis na at sobra na akong nahihiya

Ah.. eh paano yon lang alam kong tugtugin, pasensya na po nagmamadali po kasi kami (ang medyo nahihiya kong alibi sabay hila sa braso ni anthony para makaalis na sa umpukang nilikha ko)

Salamat nga pala kuya, ang medyo pasigaw ko nang sabi sa mama na nagpahintulot sa akin na gamitin ang gitara at ginawaran ko ito ng ngiting pasasalamat (kung pano ang ngiting ito? Hindi ko din alam hahaha) sabay alis na namin sa lugar na iyon)

Nangmakalayo na kami ni anthony sa lugar na yon biglang lumapit si anthony sa tenga ko at bumulong
Anthony: ang galing mo naman, para sa akin ba ang kinanta mo na yun (ang may himig pabiro nitong pagkakasabi)

(Medyo nakaramdaman naman ako ng kiliti sa inasal niyang iyon kaya agad akong lumayo ng konti sa kanya)

Ako: tara na nga dun (pag-iiba ko sabay turo ng national bookstore, syempre bibili ako ng gamit para sa scrapbook na gagawin ko remember? Hehehe)

Agad naman kaming pumunta ng bookstore at nag-hanap na ako ng kakailanganin ko ngbiglang nagtanong si anthony

Anthony: sayang yung gitara may nakauna na makabili, gusto mo pa naman yon di ba?

Ako: ok lang meron na kaya ako ganon din iba lang kulay, maganda oo yung gitara pero hindi ko ipagpapalit yung gitara ko (pagbibigay impormasyon ko sa kanya)

Anthony: ah kaya pala magaling ka tumugtog may sarili kang gitara, napahanga mo talaga ako kanina, kaliwete ka pala?  (puna nito na sinabayan ng tanong)

Ako: actually right-handed naman talaga ako nahili lang ako sa mga leftist para kasing ang astigin tingnan di ba? (balik tanong ko)

Anthony: oo naman (pagsang-ayon niya), pero pag-ikaw na ang gumawa sobra cool at napakacute (pabulong ni anthony patungkol sa akin) at biglang ngiti sa akin

Bigla kung iniwan si anthony ng makita ko na ang bibilhin ko. Agad naman itong napuna ni anthony kaya sinundan niya ako at ng makita ang hawak hawak ko nagtanong ito

Anthony: saan mo naman gagamitin yan?

Ako: ah pinabibili ito ng kapatid ko project nila sa school (pagpapalusot ko)

Agad na nga naming binayaran yung mga binili ko at lumabas ng store na yon. Magpapaalam na sa ako kay anthony na uuwi na pero bigla ako nitong hinila sa papasok sa chowking

Anthony: kain muna tayo gutom na ako, taga saan ka nga pala?

Ako: sa San ______ (bawal po sabihin hehe)

Anthony: yun naman pala, kumain na muna tayo tas hatid na kita dahil dadaanan ko din naman yon dahil sa Bauan ako

Ako: ah sige,, libre pamasahe (biro ko sa kanya na ikinangiti niya)

Nang-akmang pipila na ako bigla siyang nagsalita

Anthony: ako na oorder maghanap ka na lang ng mauupuan natin

Ako: sige po sir (sabay kuha ng pera sa wallet ko na pinigilan niya)

Anthony: my treat, ano ba sayo

Ako: hindi pwede (pagtutol ko)

Anthony: wag kana makulit hindi ka mananalo (pagyayabang nito) dali ano ang sayo (ang may awtoridad nitong sabi)

Wala na nga akong nagawa kung di ang sabihin ang order ko

Ako: po..pork chowpan na lang (medyo nahihiya kong sabi)

Anthony: ano toppings? (parang crew lang ng fastfood na yon kung makapagtanong ah! Hahaha)

Ako: sio,, siomai (ang nahihiya ko pa ring sabi)

Anthony: drinks? (hala siguro nagtatrabaho ito dati dito.. hahaha sa isip ko)

Ako: pi...pineapple na lang (naiilang ko pa ring sabi)

Anthony: ilalarge ba?

Hindi ko na napigilang tanungin siya ng

Ako: yung totoo naging crew ka ba dito?? (pagbibiro kong tanong sa kanya)

Tumawa ng medyo malakas si anthony sa tanong ko kaya napatingin yung ibang tao dahilan para sikuhin ko ng madahan siya

Anthony: paano ayaw pa sabihin ang gusto niyang order-in, paisa isa pa, gusto pa yung tinatanong (natatawa nitong sabi sa akin)

Ako: nahihiya kasi ako, ikaw kasi, o sige na pork chow pan, topping siomai, large pineapple at buko pandan (ang may lakas ng loob kong sabi)

Tumawa pa lalo si anthony sa ginawa ko

Ako: o bat ka natatawa?

Anthony: ang cute mo kasi (pabulong niyang sabi)

Ako: ano sabi mo?

Anthony: sabi ko maghanap ka na ng mauupuan natin, dumadami na ang tao oh!

At ginawa ko na nga ang pinag-uutos niya. Dun lang sa malapit sa kanya ang kinuha kung table para hindi mahirap para sa kanya ang maghanap sa akin. Agad naman siya nakapunta sa table namin dala ang food namin.

Mabilis naman naupos ni mokong ang Chicken Luriat na inorder niya (halatang gutom na gutom), habang ako naman ay nilalantakan na ang buko pandan. Nakita ko siyang nakatingin sa akin habang kinakain ko iyon

Ako: bakit po? (Ang parang bata kong tanong sa kanya)

Tumawa na naman ito sa inasal ko bago nagwikang...

Anthony: ang cute mo kasi tingnan para ka kasing bata kung kainin mo yang pandan (nakangiting wika na nito sa akin)

(Sa puntong iyon parang may kung ano akong naramdaman sa sinabi niya, ayun ba ang KILIG na sinasabi nila? Paano kasi kanina naman ay parang walang tapos ngayon parang may kakaiba na, hindi katulad noong nararamdaman ko kay Ian pero parang papunta na din dun, ah basta nalilito na din ako.. siguro PAGHANGA lang dahil mabait, madali rin makagaan ng loob, kwela din at gwapo, totoo naman talaga. Hala ewan hahayaan ko na lang muna mawawala rin siguro ito)

Ako: tulungan mo na lang ako ubusin ito dali (pag-iiba ko ng usapan sabay lagay sa gitna ng table ng buko pandan)

Anthony: sige subuan mo na lang ako wala ako “mini spoon” (ang sabi nito ang hindi ko alam kung joke lang ba yon)

Agad kung kinuha yung spoon na ginamit niya at pinunasan ng tissue sabay abot sa kanya

Ako: o yan damitin mo dali ubusin na natin ito

Natatawa na naman anthony (siguro dahil sa ginawa ko) habang inaabot ang kutsara)

Pagkaubos ng pagkain nagpahinga lang kami ng kaunti at lumabas na ng kainan na yon kasabay noon ay tuluyan na kaming umalis ng mall na yon.

Katulad kanina si anthony uli ang nagbukas ng pintuan ng kotse niya para sa akin, pero inunahan ko na siya at ako na mismo ang nagsuot sa sarili ko ng seatbelt (kinakabahan kasi ako na baka gawin pa uli niya iyon)

Naging tahimik ang simula ng byahe namin nang biglang magsalita ito

Anthony: fugi pwede bang makuha number mo?

Ako: ah eh wala ako phone

Anthony: seryoso? (ang hindi naniniwala nitong tanong)

Ako: oo nga, hindi ko kasi hilig (opo you heard este read it right wala ako cellphone. Hehehe)

Anthony: ay paano ka nakokontak, paano kita, namin matatawagan?

Ako: landline meron naman kami

Anthony: ang weird! Ikaw lang ata ang kilala kong hindi nahilig sa cellphone, siya kukunin ko na lang landline niyo, ok ba?

Ako: ok 727-_ _-_ _

Nang pakita kong malapit na kami sa kanto papunta sa bahay namin. Sinabi ko dito na dun na lang ako sa kanto ibaba. Nag-insist pa ito na ihatid ako hanggang sa bahay ko, kaso hindi na ako pumayag, nakakahiya na kasi. Nang pababa na ako pinigilan niya ako at may isinulat sa papel at iniabot sa akin iyon.

Anthony: sandali, o yan ang number ko landline at mbile number tago mo ha at tawagan mo ako pag may problema ka

Tumango na lang ako at ngumiti at nagpasalamat at nagpaalam na sa kanya. Pagkababa ko inantay ko muna siyang makaandar bago ako naglakad papunta sa bahay namin.

Pagkadating ko sa bahay, as usual dahil tanghali, tulugan ang mga people. Agad akong umakyat sa kwarto ko, naglinis ng katawan nagpalit ng damit at pagkatapos kinuha ang pinamili ko. Sinimulan ko na ngang gawin ang scrapbook. Nang matapos ay itinago ko ito sa secret place mahirap na baka may makakita at pagkatapos ay natulog na din ako dahil napagod din naman ako sa naging lakad namin ni anthony.  Nagising ako ay maggagabi na. pagkababa ko nakita ko agad si angel at tatakbo patungo sa akin syempre para kunin ang pasalubong niya.

Angel: bo bong to nong (pasalubong daw)

Natatawa akong ibinigay ang tatlo uling jelly ace at pagkatapos kusa na ako nitong hinalikan ng around na face niya kiss, hehehe

Pagkatapos naghapunan na kami at pagkatapos niligpit ko ang pinagkainan (ako kasi nakatoka, toka toka kasi kami dalawa ng bunso kong kapatid, kami na lang kasi dahil nagtatrabaho na yung dalawa pa naming kapatid at minsanan na kung umuwi lalo na si kuya miguel, panganay namin dahil nasa ibang bansa ito nagtatrabaho) at pagkatapos nanood ng tv at nakipaglaro kay angel at pagkatapos natulog na may pasok bukas... hahahaha

Goodnight pipz!.

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com




No comments:

Post a Comment