Tuesday, January 8, 2013

The Newbie, The Sophomore and The Veteran (01-05)

By: Dalisay
Blog: theimmaculatedalisay.blogspot.com
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com


[01]
Success allows people to become who they truly are.”
-Red, Hellcats


Part 1: Aki Shin-obi


“Okay class, that’s all for today. See you on next meeting” pag tatapos ng Instructor sa klase. Sa loob ng 1 hour and 30 minutes ay puro self introduction and classroom rules and regulation ang ginawa. Anu pa nga ba ang mai expect mo eh 1st day of the class, 1st semester.


Siya si Aki, 20, 5’8, chinito, fair complexion. Hindi gym buff, hindi din payatot. A 2nd year Education student. Dapat 3rd year na sya, pero dahil transferee, ayun 2nd year ulet. Bakit kasi di na lang pag isahin ang curriculum ng mga Universities and Colleges dito sa Pilipinas ayan ang lagi nyang komento. Anyways, wala naman syang magagawa sa bagay na un. Bakit ba kasi kelangan pang ilipat ng destino ang Daddy ta Mommy. Lakas maka basag ng trip ang company nila. Sigaw ng isip nya.

Di na rin kasi nya mabilang kung ilang beses silang lumipat ng bahay. Mula ng magka isip sya, mababa na ata ang 2 times na pag lipat ng bahay sa isang taon.

Both of his parents work as a Medical Representative for a well known pharmaceutical company. His Dad work as an Area Manager and his Mom as a Senior Representative. Alam naman natin ang sahod ng mga MedRep. They never had a financial problem as far as he remember. Magaling din kasi ang Mommy nya when it comes to budgeting.

Solong anak sya. His Mom was diagnosed with something on her uterus after giving birth to him. And sabi ng doctor hindi na pwedeng mag buntis pa ang kanyang Mommy. Ayun, wala tuloy syang kapatid.

He grew up with so much love and attention from his parents and relatives. Kahit wala syang kapatid, ni minsan di ko naramdaman na nag iisa sya. He practically had everything that any person would want to have. Sunod sa luho ika nga nila. But he didn’t grew up as a spoiled brat. Lahat ng bagay na meron sya, He make sure na pinag hihirapan ko. Even in his own little way. Lagi nyang pambida sa parents nya ang mga grades nya sa school.. Consistent honor since Grade school until High school. At dahil doon, lahat ng gusto nya.. nakukuha nya.

He was in Senior High School when he admitted to my parents that he’s gay. At first di tanggap ng Daddy nya. Pero eventually, he accepted it with open arms with a promise that his love for him will remain the same and he will support him on anything that he wanted to do.
When he reached college, he decided to take up education instead of a business or liberal arts courses. Bata pa lang sya, gusto ko na nya talagang mag turo. Mag report, mag present in front of others. And again, his parents are very supportive with his decision.

He can still remember when he enrolled sa dating nyang school. The Dean of the College of Education asked me why he wanted to become a teacher. Ang sagot nya, “kasi gusto kong maging instrumento sa pagbabago ng isang tao. Kung kayang baguhin ang isang tao mula sa pagka bata pa lang, hindi malayong magiging maayos ang buhay nito sa hinaharap.”

Misyon ba to? Hindi naman siguro. Nakakatuwa lang siguro na makita mo ang isa sa mga naging estudyante mo na naging successful sa buhay. At alam mo sa sarili mo na kahit papano eh naging parte ka ng tagumpay nya. Yan ang pinaniniwalaan nya.

His 1st 2 years sa unang school na pinasukan nya was okay. Medyo mahirap nga lang, kasi specialty ng school na un ang Education. Kaya lahat ng professors at instructors eh de kalibre. Hindi basta basta. Bawat grade mo, dugo’t pawis ang ilalaan mo. Pero lahat ng paghihirap mo eh recognized. Sabi nga sa English, you reap what you sow.

Ngayong nasa bagong school syang, di nya alam kung anung nag aantay sa kanya. Kung pareho man eto sa dati nyang school.. Well, sanay na sya. Kung medyo petiks at laidback ang environment dito, eh di mas okay. But it doesn’t mean na magpapaka petiks na rin sya. There’s always time to play, but not all the time. Yan ang pilosopiya nya.

Almost lunch na, after ng klase kong un ang susunod ay 2pm na. Enough time to eat and rest a bit. First day pa lang naman eh. Di pa ganun ka stress ang schedule.

He decided to go to the canteen to grab some bite. Daming tao. Usal nya sa sarili. Dahil sa dami ng tao at maiinit na rin sa loob ng canteen lumabas sya para humanap na lng ng ibang kakainan. Fast food na naman sabi nya sa sarili. No choice.

After a few minutes na pag lalakad from school to the nearest fast food store, another few minutes na pag pila sa counter sa wakas makakain na rin sya.

Burger, large fries at large coke. Okay na siguro ito, di naman din sya gutumin na tao.
After 15 minutes tapos na syang kumain. Pahinga konti, text text sa mga kaibigan at sa parents nya na rin.

Isang oras na pala ang nakalipas. He still have an hour and 15 minutes. Not bad sabi nya sa sarili. Enough time to relax kahit konti. Heheheheh!

After 10 minutes narating nya na rin ang building kung saan ang next class nya. While waiting, he deceided to listen to his ipod. Pang relax nya kasi ang music. Though di sya marunong kumanta, he love to listen on feel good music.

After ng ilang songs, biglang na tumugtog ang isang Trance song. Lihim syang napangiti kasi naalala nya ung cheering squad nya nung highschool. Isa kasi ito sa mga songs na ginamit nila during the competition. They were champion for 3 consecutive years. Those good old days nasabi na lang sa sarili. Kahit mahal nya ang cheerleading, he’s not sure kung sasali sya if ever meron ang school na ito. Mas gusto nya kasi ng less stress this school year. Pero bahala na. sabi nya sa sarili.

Few more minutes has past. Ayun, nag labasan na ung mga estudyante sa classroom. Pumasok sya kasabay ang mga ilang estudyante na alam nya na classmates nya. He seated on the end corner of the room. Para naman walang istorbo sa pakikinig. He check on his bag habang nagpapalipas ng oras. Nakita ko ang journal ko, nadala nya pala. So he decided to write something on his journal. Isang maliit na notebook na kulay brown. More like a recycled paper na ginawang bagong notebook.

Sulat sulat ng konti.. kung anu ano. Bigla nya na miss ang isang taong nagturo sa akin na mag sulat sa journal. Nag bago bigla ang mood nya. Medyo na lungkot ng konti.

He can’t help but to feel sad whenever he remember him. Ang taong naging parte ng buhay nya for 2 years. Nasa kasarapan sya ng pag mu muni ng biglang pumasok ng room ang professor nila. Isang matandang lalaki na mukhang naligo ng pomada. Hehehehe! Doon nya na rin napansin na halos puno na ng estudyante ang loob ng classroom.

Di nya na lang pinansin ang itsura ng professor nila. Sabi nga nila, walang basagan ng trip. Ibinalik nya ang journal ko at inilabas ang kanyang registration form. After a few minutes, start na nag class. Again, just like the previous classes. Introduction, rules and regulations pero may nadagdag. Course outline or ito ung mga topics na kailangang i discuss for the whole semester.

Nag simula na ang introduction ng mga students. Simula sa unahan. Tawanan ng konti dahil sa mga pilyo at pilyang estudyante. Hanggang sa dumating sa dulo. It’s my turn.

Tumayo sya, he cleared my throat. “Good afternoon, I’m Aki Shin-obi Uy. 20 years old a transferee from PNU. Taking up BS Education major in English.

“Well, Mr. Uy since you’re from PNU, I expect a lot from you.” Sabi ng professor.

“I’ll try my best, sir.” Sagot nya

Nang matapos syang makapagpa kilala ay bumalik na ito sa pag kaka upo. Di nya alam na may mga mata pa lang kinana pa nakatingin sa kanya. Tila minamasdan ang bawat galaw nya..

ITUTULOY….


[02]
Part 2: John Austin


“Austin, what’s this?! Nag shift ka na naman nag course?!!” ang mommy ni Austin. “Ayoko na ng Engineering. Nakita nyo naman ung mga grades ko di ba?” si Austin habang nag lalaro ng PSP.

“My God, this is the 3rd time na nag shift ka ng course. Una Business Management then ECE tapos ngayon.. what, Education!! What’s going through your mind?” pasinghala na sabi sa kanya ng kanyang Mama.

“Ma, look. Kaya ko kinuha ang Business Management because of Dad. Then after what happened to him and Kuya you asked me to shift to ECE kasi sabi mo pangarap un ni Kuya. Pero hindi yun ang gusto ko.” Si Austin na ngayon ay naka tingin sa Mama nya.

“Pinag bigyan ko kayo sa lahat ng gusto nyo, maybe this time baka pwede ung gusto ko naman, ung magiging masaya ako.” Pag papatuloy ni Austin.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ng kanyang Mama bago ito nag salita. “I just want the best for you, son. After what happened to your Dad and Kuya.. you’re the only one left to me. I just want you to have the best that this world could offer” ang Mama nya habang hawak ang kanyang balikad.

“Ma, what’s best for me is to do the things that make me happy. To see myself enjoying every single day of my life. To be understand and to be love by the people around me. Un ang best para sa akin.” Si Austin.

Naglakad palayo si Austin patungo sa kanyang kwarto at iniwan ang kanyang Mama sa kanilang salas. Pag dating sa kwarto, pabagsak nyang inihiga ang kanyang katawan. Ipinikit ang kanyang mga mata ngunit di pa man tumatagal na nakapikit ay muling bumalik ang masamang ala-ala. Isang masamang panaginip na lagi syang sinusundan kahit saan man sya mag punta.

Siya si John Austin Hernandez, bunso sa 2 mag kapatid. 20 years old, 5’11, maputi, gym buff. Heartthrob kung maituturing sa kanyang eskwelahan. Pero sa likod ng matikas na pangangatawan at gwapong mukha ay nag tatago ang isang sikreto ni Austin. Lumaki sya na masagana ang buhay. Businessman ang kanyang Ama at may ari ng isang Salon at Spa ang kanyang Ina. Masasabing sunod sa luho silang magkapatid mula pagkabata, ngunit hindi sila nakitaan ng pagpapabaya sa pag aaral. Pareho silang magkapatid na honor student mula pre-school hanggang high school.

Si Marco Kier ang pangalan ng kuya nya. Matanda ng 2 taon sa kanya. Tulad nya gwapo at may ipagmamalaki din si Kier. Ngunit hindi na pinahintulutan ng Diyos na tumagal pa si Kier. 10 years ago ng mangyari ang isang malagim na aksidente na bumago sa takbo ng buhay ng mga Hernandez.
Isang car accident ang nagyari habang papunta sa isang business trip ang kanyang Ama kasama ang kanyang kuya bilang graduation gift dito. Papunta sila ng Subic nang mabangga ng isang bus ang kotseng sinisakyan ng kanyang Ama at kuya. Dead on the spot pareho. Simula noon ay nagbago na ang buhay nila. It took him and his Mom 10 years bago matanggap ang nangyari.

Pero gaya nga ng sabi nila, life must go on. At yun ang ginagawa ni Austin ngayon. He live the normal life again. Para sa kanya, life is too short and too beautiful, crying over a spilled milk wont make any good. Aaminin nya na nahirapan syang tanggapin ang pagka wala ng nag iisa nyang kapatid, kaya lahat ng grades nya mula Business Management course at ECE ay puro pasang awa. Wala syang ganang mag aral. Walang ganang ipag patuloy ang kanyang pangarap. Ang kuya nya ang lagi nyang takbuhan pag may problema sya. Sa school, sa barkada lalo na sa lovelife nya. Oo, tanging kuya nya lang ang nakaka alam ng lihim nya. Isang lihim na hindi nya alam kung matatanggap ng kanyang Mama pag nalaman nya ito. Ngayong wala na ang kanyang kuya, pakiramdam nya, mag isa na sya. Walang kakampi.. walang nagmamahal at umiintindi sa lahat ng nararamdaman nya.

Wala ang atensyon nya sa mga nagpapa kilala, ang iba sa kanila kasi ay mga naging kaklase na nya sa ibang minor subjects. Nasa gitna sya ng pag mumuni muni nang isang boses ang pumukaw sa kanyang atensyon. Nang lingunin nya ito ay tila na hipnotismo sya sa kanyang nakita. Tila isang anghel na mula sa langit ang taong kanyang tinititigan. Ang mapupulang labi nito, makapal na kilay na bagay na bagay sa singkit nitong mga mata. Tila parang musikang paulit ulit na tumutugtog sa kanyang tenga ang pangalan ng taong tinitignan nya. Malakas ang tibok ng kanyang dibdib, tila silang dalawa ang tao sa mundo ng mga oras na yon. Hanggang sa matapos mag salita ang taong yun at muling umupo ay hindi pa rin nya pa rin inalis ang pagkaka tingin nya dito.

Aki Shino-bi.. ang tanging sinasambit ng kanyang isipan.. pati ng kanyang puso.

Ngayon na lang ulet sya nakaramdam nito. Love at first sight? Oo, kasi hindi pa sya nagka mali sa naramdaman nya para sa isang tao. Huling beses nyang naramdaman ang kanitong pakiramdam ay sa unang taong minahal nya. Si Gabriel.
Muli nakaramdam sya ng lungkot. Pangungulila. Pag iisa. Parang binalot ng malamig na pakiramdam ang buo nyang katawan. Lagi nya itong nararamdaman pag nalulungkot sya, nag simula ito ng pumanaw ang Ama at Kuya nya. Naramdaman nya ang pag init ng kanyang mga mata..nagbabadya ang mga luha na pumatak mula sa kanyang mga mata.

“Okay, class. I’ll dismiss you earlier since this our first meeting and I’ll see you all next meeting.” Pag a announce ng kanilang professor.

Nagsi tayuan ang mga estudyante. Tamang pagkakataon para pahirin ang mga naiipong luha sa kanyang mga mata.
Lumabas si Austin sa classroom. Patungo kung saan.. maging sya at di nya alam.

ITUTULOY….


[03]
Part 3: Rafael Iñigo


“Again from the TTTTOOPPPP!!!” Sigaw nya. Halos mapatid ang litid nya sa pag sigaw. “Ilang beses bang kailangang ulitin yan?! Simpleng toss lang di nyo pa maayos?! Ilang taon na kayong member ng squad, di nyo pa rin makuha ng tama yan!!

Lahat ay naka yuko. Lalo nag ang 4 na members na nagkamali sa toss nila. Hingal kabayo ang lahat. Walang umiimik. Walang nag tataas ng ulo.
Tuloy pa rin sya sa pag sesermon sa apat. Halos kainin nya ng buo ang mga ito sa sobrang galit nya.

Siya si Rafael Iñigo Cruz. Team Captain and Head coach of DSU Black Condor Pep Squad. 4th year Communication Arts students. Pero ito na ang ikalima at huling taon nya sa Domiquez State University. Nahuli sya ng pag graduate dahil na rin sa pag pe Pep Squad. Nasa High School sya ng mahalin nya ang sports na ito. Dahil na rin sa huyas nya at pag pupursigi ay nakuha nya ang kanyang posisyon nung 3rd year sya kay di sya nakatapos sa takdang panahon. Walang kaso sa kanya dahil na rin s full scholarship at allowance na nakukuha nya mula sa University.

Huling taon na nya. Huling pagkakataon para masungkit ang pinakaka asam na pangarap. Ang makuha ang Championship trophy na matagal ng pinakaka asam. Ilang taon rin nila itong tinangkang makuha. Mula nung 1st year sya ay pinukpok na nila na makuha ito, ngunit sadyang mailap ito sa kanila. Tatlong sunod sunod na taon silang 2nd placer. Ang pinaka mahigpit nilang kalaban.. Mariano Guzman University. Di talaga maikakaila na malupit ang Pep Squad nila. Ilang international cheering competition na rin ang naipanalo ng Mariano Guzman University.

Eto ang pangarap ni Rafael. Bago man lang sya umalis sa school nila ay may maiiwan naman sya na legacy sa kanilang pep squad na hindi naibigay ng mga naunang Head Coach at Team Captain. Kaya ganun na lang ang pagpupursigi nya na ma perfect ang kanilang routine. Isang buwan na lang at Elimination na. After that 3 weeks for the Finals. Kaya nais nyang maging maayos lahat bago sila sumabak sa labanan.

“Hindi tayo titigil hangga’t di natin na pe perfect lahat ng dance steps at stunts natin.” 1 month na lang at Elimination na. Di na basta basta ang mga kalaban natin. Lahat sila nag improve na. Kaya sure ako na pukpukan na ang laban sa elimination pa lang” tuloy tuloy nyang sabi.

Sa totoo lang, mabait na tao si Rafael. Sa edad nya 25 ay sya na ang kuya di lamang sa mga classmates nya pati na rin sa mga ka Team mates nya. Maihahanay na rin sya sa mga campus crushes dahil sa pisikal nitong katangian. He stands 6’0, toned and lean body, Moreno sya na nakuha nya sa kanyang Ama. Ang tawag nga sa kanya ay Derek Ramsey ng Comm. Arts Dept at DSU. Maraming babae at bading ang naghahabol sa kanya. Pero ang puso nya para lamang sa isang tao. Si Darwin. Ang taong pinaka mamahal nya.
Pero hanggang doon lang yun. Dahil hindi pwede maging sila. Si Darwin ang best friend nya simula pa nung High School. Alam ni Darwin ang nararamdaman nya para dito pero bago pa man mangyari ang di dapat mangyari ay pinag usapan na nila ang tungkol dito. Tinanggap ni Rafael ito kahit masakit at nakuntento na lang sya sa pagiging mag best friend nila. Wala namang nagbago sa kanilang pagkakaibigan, at di na rin nila muli pang pinag usapan ang tungkol sa bagay na un. Pero lihim pa ring minamahal ni Rafael si Darwin. Para sa kanya, walang ibang tao ang magpapa tibok ng puso nya katulad ng pagmamahal nya kay Darwin.

Tuloy pa rin ang rehearsal. 6 minutes routine. Hataw ang sayaw. Pyramids, stunts at tosses. Back flip dito. Front walk doon. Yan ang routine nila. Kailangang makipag sabayan sa stunts ng ibang school. Lalo na sa Mariano Guzman. Hindi na nila pa palalagpasin ang pagkakataon na ito. Kitang kita sa mga dancers ang determinsyon at pagka gusto na makuha ang inaasam na tropeyo. Maging si Rafael ay hataw na hataw sa pag sasayaw. Nang matapos ang huling toss natapos ang routine nila ng isang 3 level pyramid. Almost perfect na ang routine. Konting polish na lang.

“Good job guys!!” sigaw nya habang hinihingal pa. “Konting polish pa and we’re all set.” Sabay sabay na nag palakpakan ang lahat ng members ng squad. Konting bilin pa habang lahat ay naka upo ang lahat sa sahig ng gymnasium.

“Practice on Saturday, whole day tayo so magpa alam na kayo sa mga dapat pagpa alaman, Okay?” si Rafael ulet.

YES KUYA RAF!!! Sabay sabay na sigaw nila.

Pagka tapos makapag bihis at mag ayos ng gamit lumubas na ng gym si Rafael. Habang nag lalakad ay napansin nya ang isang pamilyar na tao. Napangiti sya ng ma kompirma kung sino ito.

“Ganda ng routine nyo ah. Pang champion na talaga.” Si Darwin habang sinasalubong nya si Rafael. “Salamat. Teka, bakit nandito ka pa? past 10pm na ah. Di ka ba hahanapin sa bahay nyo?” sunod sunod na tanong ni Rafael.

“Nag paalam ako sa bahay to congratulate you in advance” si Darwin habang naka ngiti sa kanya. “If you guys don’t win the championship this year. Ewan ko na lang” sunod na sabi nito.

“Don’t jinx me, baka di matuloy at elimination pa lang ligwak na kami” si Rafael. Nagtawanan silang dalawa. “Tara na nga, hated na kita sa inyo. Si Darwin. Sumunod naman si Rafael.

Mga 10 minutes ding nag drive si Darwin gamit ang kayang Toyota Camry. Walang imikan habang nasa byahe sila. Pero lihim na kinikilig si Rafael. Mahal nya pa rin ang best friend nya, un ang nasabi nya sa kanyang sarili. Nang makarating na sila sa bahay ni Rafael ay inaya nya itong pumasok sa bahay ngunit tumanggi si Darwin. Nag paalaman ang dalawa. Tuluyang umalis si Darwin habang si Rafael ay hinatid sya ng tanaw. Pumasok si Rafael sa loob ng bahay diretso sa kanyang kwarto. Matapos maka pag shower ay nahiga sya sa kama. Kinuha nya ang kanyang cellphone at nag text.

Salamat sa pag hatid sa akin. See you tomorrow, best.

Pagka sent ng message nya at napapikit na si Rafael. Dala na rin ng pagod sa school at practice ay tuluyan na syang naka tulog.

Ilang linggo na lang at Elimination na. Handang handa na ang lahat para kay Rafael. Handa na syang kunin ang pinakaka asam na kampyonato.

Ngunit hindi pala ito magiging madali para sa kanya.

Anu ang magiging papel ni Aki at Austin sa buhay ni Rafael?


ITUTULOY..


[04]
Part 4: Ang Pagtatagpo


Friday na at huling araw ng klase for the students of College of Education. Walang klase tuwing Saturday aside sa mga may NSTP or ROTC. Patapos na rin huling klase nila.

“Class, next week will be having a group reporting and since there’s 24 of you. I’ll be dividing you in a group of 2. I’ll be announcing the groupings next meeting then we’re going to start the reporting the following meeting the grouping has been announced.” Pag papa alala ng kanilang professor.

“Sana sya maka partner ko” kilig na sabi ng babaeng estudyante sa likuran ni Austin. “Sino naman un? Tanong ng bading na animo’y lalaban sa beauty pageant sa kapal ng make up. “Si Aki, sino pa ba?” sabi ng babaeng kilig na kilig sa pagkaka sabi ng pangalan ni Aki. Biglang napalingon si Austin nang banggitin nila ang pangalan ni Aki. Nagulat naman sila sa pag lingon ni Austin sa kanila.

“Hi, Austin. Gusto mo tayo na lang magka partner?” sabi ng bading sa kanya. “Okay lang sa akin. Kung ikaw ang mapipili ni Sir na ka partner ko.” Sabay tawang sagot ni Austin. Mukhang kinilig naman ang bading sa sinabi niya. Ibinalik ni Austin ang tingin nya sa harapan ng klase. Tuloy pa rin sa pag e explain ang kanilang professor tungkol sa reporting at groupings. Biglang sumagi sa kanyang isip ang sinabi ng babae nyang classmate. Dapat si Aki maging ka partner nya sa reporting. Isang linggo na nyang minamatyagan ito ngunit wala syang lakas ng loob para magpakilala or makipag usap dito. Na totorpe sya in short. Bigla syang nag taas ng kamay bilang tanda na may nais syang itanong sa kanilang professor.

“Yes, Mr. Hernandez?’ agad na pansin sa kanya. “Sir, I would like to ask if we can choose our partner or you’re the only one who’ll choose it for us. Tuloy tuloy nyang tanong. “Well, if you want to choose your partner, I can let you do that provided that you have to impress me on your report. Because the meer fact that you choose that person it simply means that you have a good chemistry or good connection. In that way, you can come up with a good presentation”. Sagot sa kanya ng professor nya.

“I guess that wont be a problem, sir. We give you a good presentation.” Si Austin naman.

“Is that okay with you class?” ang professor nila.
Yes, sir! Sabay sabay nilang sagot.

Lihim na napa ngiti si Austin. Sa wakas makakaroon na sya ng rason para makasama at maka usap si Aki. Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Halong excitement at kaba ang nararamdaman nya.

“Okay Mr.Hernandez, since you’re the one who suggested it. Mauna ka ng pumili ng partner mo.” Ang kanilang professor.
“Ako na lang piliin mo, papa Austin!” sigaw ng isang babae nilang kaklase. Nagtawanan naman ang iba. Pati sya ay natawa ng bahagya. He cleared his throat and stood up from his chair. “I choose Mr. Aki Uy as my partner” si Austin. Pagka sabi nya nito ay bigla nyang nadama ang pag init ng kanyang mukha. Pakiramdam nya ang kulay pula ito. He composed himself, he didn’t mind all the giggling among his classmate. He remained standing.. waitng for Aki’s reply.

“Mr. Uy, Mr. Hernandez wants you to be your partner for our reporting.” pag tawag ng pansin ng kanilang professor kay Aki.

Nabigla si Aki sa narinig. Hindi sya agad naka sagot dahil na rin sa impit na hiyawan ng mga kaklase. Tila nabingi at na pipi sya. Di nya alam kung ano magiging reaksyon nya.

“Ah..eh… Sure. No problem.” Si Aki sabay yuko nya. Hindi nya alam kung bakit ganun ang nararamdaman nya. Pero di na nya ito initinda pa. Kahit sino naman ay pwede nyang maka pareha sa reporting. Hindi sya mahirap pakisamahan. Hindi rin sya mapili sa mga taong makaka sama nya.

“Ang swerte naman nila sa isa’t- isa.” Sabi ng isang nilang kaklase.
“Ako na lang sana naka partner ni Aki.” Sabi naman ng isa pa nilang bading na kaklase.

Tawanan at kulitan ang mga huling minuto ng klase. Natapos na rin pumili ng ka partner ang iba pang estudyante. Pagka tapos ng ilang minuto ay na dismiss na rin ang klase.

Habang nag aayos ng gamit si Aki ay panay ang tingin sa kanya ni Austin. Balak nya itong sabayan pauwi or kung saan man ito pumunta. Bahala na usal ni Austin sa sarili. Tumayo si Aki at aktong palabas na sa classroom ng tawagin sya ni Austin.

“Hey, Aki. You got a minute?” habol nya kay Aki. “Ah..eh.. bakit?” pautal na sagot ni Aki. “I just wanna ask kung okay lang ban a pinili kita as my partner?” si Austin. “Ah, yun ba, oo naman. Actually I was not expecting it but anyways, thanks.” Si Aki.

Dun napansin ni Aki ang angking ka gwapuhan ng kaharap. Nung una ay di nya ito pinapansin. Ilang linggo nya na rin itong kaklase at nakaka salubong sa loob ng campus pero ngayon nya na appreciate ito. Very manly ang itsura. Ang sarap pakinggan ng speaking voice nya. Di nakaka sawang titigan ang mukha nya.

“is everything okay? Natulala ka na dyan” takang tanong ni Austin. Biglang natauhan si Aki. Di nya napansin na matagal na pala syang naka titig dito. Biglang binawi ni Aki ang kanyang tingin, naramdaman nya ang biglang pag init ng kanyang mukha. Anu ba itong nararamdaman nya? Bakit ganito?

“Ah eh..wala naman, pasensya ka na. Ma..may naalala lang kasi ako..” si Aki na ngayon ay pulang pula na.

“Ah okay.. ahmm, Aki pwede bang maki sabay sa’yo pauwi? Kung okay lang sa’yo” si Austin. “Ha?! Ah..eh… anu kasi eh.. ahmm..” si Aki na di malaman ang isasagot sa tanong ng kaharap.

“Ah sige, di bale na lang. Mukhang may pupuntahan ka pa ata. Sensya na sa abala. Sige, una na ako. Kita na lang tayo sa Monday” si Austin na bakas sa mukha ang pagka dismaya. Gustong gusto nyang maka sabay si Aki kahit palabas lang ng gate ng campus nila. Pero mukhang imposible.. mali ata ang timing nya. Napansin naman ni Aki ang pagbabago ng mood ni Austin. Na guilty sya sa nakitang pagka lungkot sa mga mata nito. Napansin nya na lang na naka layo na sa kanya si Austin pababa sa 1st floor ng building kung saan sila nag ka klase. Di na nagawang pigilan pa ni Aki si Austin. Nakaramdam sya ng guilt sa di pag payag sa pag sabay nito pauwi sa kanya.

“Kasi naman, Aki.. sasabay lang yung tao, ayaw mo pa” usal nya sa sarili. Isang buntong huninga ang kanyang pinakawalan saka naglakad pababa sa 1st floor. Iniisip nya pa rin ang reaksyon ni Austin sa ginawa nya dito. Iniisip nya na baka magtampo or magalit ito sa kanya. “Bakit ba nya kasi ako natanong ng ganun? Nakaka gulat kasi. Don’t tell me, katulad ko din sya or pinag ti tripan nya lang ako” kinakausap nya ang sarili habang nag lalakad. Nasa kalagitnaan sya ng pag iisip ng bigla tumulapon ang kanyang katawan kasabay ng mga gamit na hawak nya. Parang humiwalay ang kanyang kaluluwa sa lakas ng pagkaka bangga sa kanya. Nakita nya na lng ang sarili na naka upo sa walkway papuntang gym. Nagkalat ang gamit nya.

“Naku, sorry!! Pasensya kana. Okay ka lang ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic? Sunod sunod na sabi ng taong nakabangga sa kanya. Tila wala pa rin sya sa sarili. Nakatitig lang sya dito. Pakiramdam nya nasa Ancient Greek era sya. Kaharap nya ang isang mala Adonis na lalaki. Tall, dark and handsome ika nga nila. Ipinikit nya ang kanyang mga mata at sa pag mulat nya ay naka luhod na ito malapit sa kanya.

“Hey, are you okay? Am soo sorry about that” and lalaki ulit. “Yeah am okay. I guess..” si Aki. “Pasensya ka na talaga. Eto mga gamit mo. Di ko talaga sinasadya” ang lalaki sabay abot sa kanya ng mga gamit nya. “Naku, wala yun. Di rin kasi ako naka tingin sa dinadaanan ko. Okay na ako. Pasensya rin sa abala.” Si Aki habang patayo. Sandali nyang pinagpag ang kanyang uniform na puro alikabok. Sabay baling ng tingin sa naka bangga sa kanya. Ngumiti it okay Aki sabya sabing “am glad you’re okay.”

Tila para syang bakal na hinihigit palapit sa isang magnet. The guy in front of him is so commanding. Even in his simple way of saying “SORRY” is enough make him mesmerized. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso nya. Tila huminto ng sandali ang mundo nya. Parang walang tao. Sila lang dalawa. Tanging tibok lamang ng puso nya ang narirnig nya. Ngunit bumalik sya sa reyalidad ng mahina syang tapikin nito sa balikat.

“Bro, sorry ulet ah. Sige una na ako. If you feel something or if you’re in pain. Puntahan mo ako sa gym. Andun lang ako. Okay?” sabi nito sa kanya.

“Ah..eh.. sige. Sure. Okay na naman ako eh.” si Aki habang naka titig pa rin sa kausap.
“Sige. Ingat ka, bro. I’ll see you around.” Sabi ng lalaki habang palayo sa kanya.

Tila napako sya sa kanyang kinatatayuan. Bakit ganun ang naramdaman nya nung kaharap nya ang lalaking iyon. May parte sa puso’t isip nya na nagsasabing kailangan nya itong makita ulit. Pero paano? At saan? Bigla nyang naiisip ang sinabi nito sa kanya.

If you feel something or if you’re in pain. Puntahan mo ako sa gym. Andun lang ako.

Napa ngiti sya ng maalala ito. Inaayos nya ang kanyang sarili at tuluyang binaybay ang daan papuntang gym. Excited sya na makita ulet ang lalaking kanina ay nasa harapan nya. Hindi nya alam kung bakit ganun ang nararamdaman nya. Pero kung anuman ito. Wala na syang paki alam, ang mahalag ay makita nya itong muli.

Ngunit lingid sa kaalaman nya ay kanina pa pala naka masid si Austin sa di kalayuan. Bakas dito ang lungkot. Tila tumigil ang tibok ng puso nya sa nakitang eksena kanina. Hindi maalis sa kanyang isipan kung paano titigan ni Aki ang lalaking kaharap kanina. Ibang iba sa pag titig nito sa kanya.

Selos ba itong nararamdaman ko? Oo, selos nga ito. Alam ko sa sarili ko na gusto ko si Aki. At ang gusto ko ay akin lang sya. Sabi nya sa sarili.

Nang marating ni Aki ang gym agad hinagilap ng kanyang mata ang lalaking nag dala sa kanya sa lugar na yun. Nasa gitna sya nag paghahanap nang bigla syang mabulabog ng ingay ng mga drums. Nakita nya na isa-isang lumilipat ang mga babae. Nakita nya rin ang mga lalake na nagba back flip. Doon nya na realized na nag pa practice pala ang cheering squad ng University. Pansamantalang nawala ang atensyon nya sa taong hinahanap. He was amazed and caught himself at awe seeing the routine of their University’s cheering squad. Marami na syang nakitang routine pero this is different. Sobrang flawless ng mga stunts. Sobrang linis ng dance steps.

Tuluyan ng nawala ang atensyon ni Aki sa kanyang pakay sa pag punta sa gym. Nag enjoy sya sa panunuod nya. Hanggang sa matapos ang buong routine. Wala sa sariling napa palakpak sya sa napanuod. Buti na lang may mga grupo ng mga estudyante din na pumalakpak pagka tapos ng routine kung hindi ay napahiya siya. Aalis n asana sya sa gym ng biglang may pamilyar na boses na tumawag sa kanya.

Nang lingunin nya ito ay biglang bumilis ang tibok ng puso nya….muli ay tila tumigil ang mundo at oras ni Aki. Di nya maigalaw ang kanyang katawan. Hindi nya maibuka ang kanyang mga bibig. Muli ay tanging tibok lamang ng puso nya ang kanyang naririning habang nakatitig sa kanya ang lalaking nasa harapan. Naka ngiti sa kanya…Tanging mga mata lamang nila ang nangungusap.. wala ni isang salita ang maririnig sa kanila… patuloy silang naka titig sa isat-isat.

Habang may mga matang na ma tyagang naka tingin sa bawat kilos nila…


ITUTULOY..


[05]
Part 5: Ang Pep Squad: Aki at Austin


Maagang dumating si Rafael sa school. Dumiretso sa sya sa gym kung saan napansin nya ang ilang estudyante. Mga naka P.E. uniform ang iba, marahil ay may klase ang mga ito. Dumiretso sya sa 2nd floor ng gym kung saan sila nag pa practice. Pag dating nya doon ay nakita nya ang ilang member ng squad.

“Ang aga nyo ah. Wala pang 8am ah” bati ni Rafael sa mga ito. Tila naiilang naming tumingin ang mga ito sa kanya na di nakalagpas sa kanya. Kilala nya ang lahat ng miyembro ng squad. Lahat ito ay inabutan nya mula sa mga newbies hanggang sa katulad nyang veteran na. Inayos nya muna ang mga matts at drums na gagamitin. Pagka tapos niya ay saka nya muling hinarap ang mga ito.

“Alam kong may gusto kayong sabihin sa akin. Mabuti pang sabihin nyo na at wag nyo ng paabutin sa team huddle natin. Kung hindi man maganda yan, mas okay na tayo tayo na lang ang nakapag usap.” Tuloy tuloy nyang sabi. Ibang Rafael kasi pag nasa huddle na sya. Wala syang paki alam kung baguhan or veteran member ang kausap nya. Pag mali ito.. pasensyahan. Walang kaibigan. Walang ka batch mate. Pero hindi naman sya galit sa kanila as a person. Galit sya pag mali ang ginagawa ng mga ito. Pero after ng practice, bati bati na ulet.

“Eh..kasi Kuya Raf.. anu… kasi ganito yun.. ahmm.. ikaw na lang mag sabi, Lexy” sabi ni Japet na isa sa mga baguhan. “Bakit ako?! Kayo na. sa inyo ko lang naman nalaman un kanina eh” si Lexy na halos paiyak na. Biglang napataas ang kilay ni Rafael. Alam nyang may problem at kailangan nya itong malaman kaagad.

“Sasabihin nyo ba sa akin or hindi ko kayo isasamang tatlo sa line up for elimination.” May himig na pananakot na sabi ni Rafael. Lalong nataranta ang tatlo. Napayuko si Lexy at si Japet. “Dex, anu bay un ha? Sabihin mo na sa akin or ako mismo ang hahanap ng paraan para malaman kung anuman yang dapat nyong sabihin sa akin” si Rafael ulet.

“Kasi..po.. kuya Raf. Sila Eisen at Gerard po.. anu kasi… aun… ahmm.. naaksidente..nasa ospital po sila ngayon. Si Dex habang naka yuko. Di alam ni Rafael kung maiinis sya or maiiyak. Hindi magandang balita ito para sa team. “Bakit?! Anung nangyari sa kanila?” si Rafael na medyo napataas ang boses na lalong ikina taranta ng 3 members. “Kasi po kuya Raf, nagkaayaan pong uminom kagabi, nalasing po si Gerard. Pinigilan po naming syang mag drive ng motor nya pero makulit po.. Ayun, angkas nya pa si Eisen.” Si Lexy habang naka yuko.

“Kamusta na sila? Seryoso ba ang damage sa kanila?” sunod sunod nyang tanong. “okay na daw po sila. Ligtas na po. Medyo napuruhan lang sila kasi Si Eisen bali ang kaliwang braso tapos si Gerard puro sugat ang katawan at mukha.” Si Japet.

Napahawak sa ulo nya si Rafael. Si Eisen at Gerard ang 2 sa mga lifters nya. Sila din ang tosser para sa mga importanteng tosses sa routine. Malaking kawalan ang 2 sa squad. 3 weeks na lang at Elimination na. Di na option ang magpalit ng routine, hindi rin pwedeng gamitin ang mga trainees dahil required sa competition na dapat ay naka attend ng Summer Camp last summer. Pwedeng mag palit ng members kung ang ipapalit ay may cheerleading experience na at may proof na naging cheerleader or gymnast sila.

Malabong maging otions ang try-out. Unless makaka kuha sila ng gymnast or former cheerleader mula sa mga mag ta try out. Pero ang possibilities na ito ay Malabo pa sa tubig ng kanal sa gilid ng canteen ng DSU. Walang gymnastic team ang DSU. At lahat ng cheerdancers from different colleges ay nasa team na.

“Sige na. Mag handa na tayo. Ayusin nyo na mga gagamitin natin. Pag uusapan natin ang bagay na ito pag dating ng iba.” Kalamadong sabi nya sa tatlo. Makalipas ang ilang minuto ay naayos na nila ang mga gagamitin. Dumating na din ang iba pang members ng squad pati mga drummers. Bago mag simula ang practice ay sinabi nya sa team ang nangyari sa 2 nilang kasamahan. Lahat ay nagulat at nalungkot sa nangyari. Napagka sunduan nila na pagkatpos ng practice ay sabay sabay silang dadalawin ang 2 nilang team mates. Napagka sunduan rin ng mga mga veterans at ni Rafael na mag pa try out. Kung wala man silang makuha mula doon ay saka na lamang nila pag pa planuhan ang susunod na hakbang.

Natapos ang practice ng alas 3 ng hapon. Pero bago umuwi ang mga veterans ay gumawam muna sila ng mga posters at banners for the try out na mag sisimula sa Lunes. Alas 7 ng gabi ng matapos nilang ikabit ang mga ito. Sabay sabay na rin silang dumalaw sa ospital.

Naka uwi si Rafael sa bahay nila. Pagod na ibinagsak ang kanyang katawan sa kama. Malilim ang kanyang iniisip, alam nyang di madali ang paghawak sa cheering squad. Pero hindi nya akalain na may ganitong kalaking problema na darating. Mas malaki pa sa hindi pag sipot ng tumahi ng uniform nila. Kaya sa araw ng competition ay lumang uniform ang suot nila. Paano nila malalagpasan ang problemang ito? Pero sa gitna ng tanong na bumabagabag sa kanya ay buhay pa rin ang pag asa nya na maayos nila ito. Nakatulugan na ni Rafael ang pag iisip tungkol sa problema nya sa team.

Alas 11 na ng umaga ng sya magising. Pakiramdam nya ay pagod na pagod sya. Mabigat ang pakiramdam nya ng bumangon sya sa kama. Kung hindi lamang Linggo at kailangan nyang mag simba at tapusin ang thesis nya ay di pa sana sya babangon. Dumiretso sya sa banyo upang maligo. Maka tapos makaligo at mag bihis ay diretso syang bumaba sa kusina para mag almusal. Naabutan nya ang kanilang Yaya na nag aayos sa kusina. Inaya sya nitong kumain at sumunod naman sya. Matapos maka kain ay dumiretso sya ulet sa kanyang kwarto. Hinarap nya ang kanyang computer. Nag simula syang mag type sa computer. Di nya namalayan ang oras. Kung hindi pa tumunog ang kanyang cellphone ay di pa nya mamalayan na alas 6 na pala ng gabi.

“Hello.” Sagot nya.

“Papunta na ako dyan sa inyo. Sabay tayong mag simba. Mag ready ka na ah. Bye. See you.” Sabay baba ng kausap sa kabilang linya.

Napangiti na lamang sya. Bumalik sya sa computer para i-save ang mga nai type nya at tuluyan itong pinatay. Dumiretso sa banyo at naligo. Makalipas ang 30 minutos ay nakapag bihis na sya. White polo shirt at gray colored jeans ang isinuot nya terno ang isang white na chuck taylor sneakers.

Konting ayos ng buhok at nagpa bango. Maya maya pa ay narinig nya ang busina ng sasakyan. Andyan na si Darwin. Mag sisimba silang dalawa. It’s been a while since the last time they went to church together. Nung 1st year college pa ata sila huling nag simba together.

Bumababa si Rafael at nag paalam sa kanyang Yaya na mag sisimba sya. Pagka labas nya sa pintuan ay tumabad sa kanya si Darwin na gwapong gwapo sa suot na green collared shirt at white pants. Sandali syang natigilan sa nakita. Napa buntong hininga sya sabay ngiti kay Darwin. 15 minutes drive from Raf’s place to the nearest church. Umabot sila sa 7pm mass. After mag simba ay nag aya si Darwin na kumain ng dinner bago umuwi. Isang seafood restaurant ang kanilang pinuntahan. Kwentuhan, kumain at nag kulitan silang dalawa. Nai kwento rin ni Rafael ang tungkol sa nangyari sa squad.

“Alam kong kaya mo yan. Hindi pa kita nakitang sumuko sa mga ganyang bagay” si Darwin.

“Salamat sa pag papalakas ng loob ko. Sana nga kayanin ko ito” si Rafael.

Isang matamis na ngiti ang sinagot ni Darwin sa kanya. Tanda na panatag ang kanyang best friend na kakayanin ni Rafael kahit anu pang problema ang dumating dito.

Past 10pm na ng makarating sa bahay si Rafael. Matapos maka alis ni Darwin ay tuluyan na nyang ni lock ang gate at ang main door. Sigurado sya na tulog na rin ang Yaya nya.

Pag pasok nya sa kanyang kwarto, nag shower at nag bihis sya ng pantulog. Inayos ang kanyang mga gamit sa school para bukas. Bukas na rin ang try out para sa kapalit ng 2 members nila. He’s hoping that they will find good replacements for those 2 members.

Nagpasya syang matulog matapos masiguro na ayos na lahat ang dadalhin nyang gamit bukas. Kakailanganin nya ng lakas para bukas. Mahabang araw na naman para sa kanya.


Maagang pumasok sa school si Austin. Kagabi pa lang ay gusting gusto na nyang makita si Aki. Ilang araw na rin syang hindi makatulog ng maayos simula ng una nilang pag uusap. Kagabi bago sya matulog ay napag desisyonan nya na sisimulan na nyang suyuin si Aki. Bahala na si Batman ika nya sa sarili. Gusto nya si Aki.. ay hindi pala.. Mahal nya ito. Pag dating nya sa room ay naabutan nya si Aki na nag susulat. Biglang kumabog ng mabilis ang kanyang dibdib, hindi nya alam kung tutuloy bas yang pumasok or mag aantay sya ng kasabay na kaklase. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya bago sya tuluyang pumasok.

“Good morning! Ang aga mo naman, Aki” bati nya ditto kahit halos lumubog na sya sa kinatatayuan nya.

“Good morning din, pakners!” sabay tawang bati ni Aki sa kanya. Natawa naman sya sa sinabi ni Aki. “Uy, good mood ka ata ngayon ah, samantalang last Friday halos ayaw mo akong kausapin” may himig na tampo na sabi ni Austin. “Di naman sa hindi kita gustong kausapin. Nagulat lang ako kasi bigla mo akong i napproach. Un lang un. Ito naman, sorry na.” si Aki sabay ngiti nito kay Austin. Hindi malaman ni Austin kung anu ang kanyang nararamdaman. Ang mga ngiti ni Aki ang pinaka magandang ngiti na nakita nya. Ang mala anghel na mukha nito, ang mapupulang labi nya na sa tingin ni Austin ay napaka sarap halikan. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib nya, biglang nag init ang mukha nya. Bakit ganito na lang ang epekto ni Aki sa kanya.

“Uy, okay ka lang ba? Namumula na mukha mo.” Si Aki na may halong pag tataka. “Ah.. eh.. oo naman. Okay lang ako.” Sabay bawi ng tingin ni Austin. Lihim na natawa si Aki sa itsura ni Austin. Muli nyang ibinalik ang atensyon sa sinusulat. Tinungo ni Austin ang kanyang upuan na may kalayuan sa upuan ni Aki. Naupong sandali si Austin. Kumakabog pa rin ang dibdib nya. Pero masaya sya dahil mukhang komportable na si Aki na kausapin sya. Marahil eto na ang tamang tyempo para ayain si Aki. Isang simpleng lunch lang with him ay ayos na sa kanya. Huminga sya ng malalim. Tatayo na syang muli ng biglang pumasok sa classroom ang ilan sa mga kaklase nila. Napaupo syang muli. “Wrong timing naman itong mga ‘to. Mamaya na nga lang” usal nya sa sarili.

Makalipas ang ilan minuto pa ay na kumpleto na rin ang klase at dumating na rin ang kanilang professor. Nag simula na silang mag klase. Pa minsan minsan ay nililingon nya si Aki habang ito naman ay abala sa pakikinig sa kanilang professor. Muling ibinaling ni Austin ang atensyon sa klase. Pero nasa isip pa rin nya si Aki.

Natapos ang una nilang klase. Pangalawa at pangatlo. Lunch break na. Kanya kanyang labas ang mga kaklase nila sa classroom. Tropa tropa ang magkaka sama. Napansin ni Aki na naka upo pa rin si Austin. Tila may inaayos na gamit. Sa di nya malamng dahilan ay nilapitan nya ito.

“Tara, lunch tayo” aya ni Aki dito. “Ha? Ako ba?” taklang tanong ni Austin. “Oo naman, may iba pa bang tao dito sa room bukod sa atin?” si Aki. “Sige ba. Pero treat ko ah. And I will not take NO as an answer” pabidang sagot ni Austin.

“Nakakhiya naman sa’yo. Wag na. KKB na lang.” pagtanggi ni Aki. “ Asus, tara na. nahiya pa naman itong maha..” nabiglang sabi ni Austin. “Anu yun?” tanong ni Aki. “Wala yun. Tara na sabi ko kasi gutom na ako” pag bawi ni Austin. Sabay silang naglakad papuntang canteen. Habang naglalakad ay nag ti text si Aki habang si Austin naman ay lihim pa rin nyang sinusulyapan ito. Nang marating sila sa canteen ay madali silang naka hanap ng lugar na uupuan. Si Austin ang umorder ng pagkain at si Aki ang naiwan sa upuan. Ilang minuto pa ay bumalik na si Austin at nagsimula na silang kumain.


Samantala….


Paakyat sa 2nd floor ng gym si Rafael. Ngayon ang simula ng 2 day try out nila for their pep squad. Pagdating nya ay nandun na ang iba pang veterans na makaka sama nya sa screening. May ilan na rin an estudyante ang sa tingin nya ay mag t try out. Naupo sya sa gitna ng 2 at tinanong nya kung ready na sila.

Bago magsimula ay inannounce muna nya na tanging lalaki lang ang kailangn nila ngayon sa pep squad. Kaya mula sa 15 na mag ta try out ay 6 na lamang na natira. Nag simula na ang try out. Halos sumakit ang ulo nya sa mga nag try out dahil wala ni isa ay ang naka meet ng expectations nila. Kahit simpleng cartwheel ay hindi magawa ng kahit isa sa kanila.

“Di man lang marunong magbasa ng mga requirements sa announcement” bulong ng isang veteran kay Rafael. Tumango sya. After 30 minutes ay natapos na ang try out. Sinabi nila na i po post nila ang mga pangalan ng mga nakapasa on Friday.

“Don’t lose hope guys. We still have tomorrow, and I’m sure makaka hanap tayo ng replacement nila Eisen at Gerard.” Si Rafael. Sumang ayon naman ang 2 nyang kasama. Sabay sabay silang bumababa mula sa 2nd floor patungo sa kani kanilang klase. Bukas na nila ipagpapatuloy ang paghahanap ng kapalit ng 2 nilang kasamahan.

Ang lingid sa kaalaman ni Rafael ay magbabago ang takbo ng buhay pep squad nya pag nahanap na niya ang ipapalit kina Eisen at Gerard. Isang malaking pagbabago na kahit sya ay hindi nya aakalaing mangyayari.

ITUTULOY…

No comments:

Post a Comment