Tuesday, January 8, 2013

Dreamer (16-Finale)

By: emray
E-mail: iam.emildelosreyes@yahoo.com
Source: theimmaculatedalisay.blogspot.com


[16]
Hindi na nagtagal pa si Ken sa bahay nila Emil at umuwi na din ito ng Maynila. Si Benz naman ay bumalik na din sa condo nito. Nagkausap na din sila Mang Mando at Vince at nabigyan ng linaw ang lahat. Kahit na may sakit, pangamba at pag-aalinlangan sa puso ni Vince ay sinisimulan na niyang tanggapin ang katotohanan sa tunay niyang katauhan. Ilang minuto matapos ang huling tagpong iyon, nakaupo si Emil sa bangko na nasa tapat ng pintuan ng bahay nila, nakatingin sa mga bituing nasa langit na animo’y isang paslit na nangangarap. Tahimik ang buong kapaligiran, nakaikot na ng isang beses ang mundo at ilang oras na lang ay sisikat na ang araw. Tanging mga kuliglig lang ang maririnig habang ang lamig nang sariwang hangin ay dumadampi sa balat dala pa din ng hanging amihan.

“Emil.” mahinang tawag ni Vince sa kinakapatid.

Hindi naman napansin ni Emil na nasa tabi na pala niya si Vince dahil na din sa nahulog na ito sa malalim na pag-iisip at pangangarap sa ilalim ng mga bituin.

“Oh ikaw pala Vince!” may gulat na wika ni Emil. “Bakit gising ka pa?” usisa pa nito.

“Wala lang!” sagot ni Vince na umupo naman sa tabi ni Emil. “Ikaw? Bakit gising ka pa?” balik na tanong pa ni Vince.

“Wala lang din.” napapangiting sagot ni Emil.

“Huh!” pagdududa pa ni Vince. “Ano nga iyon?” pilit ni Vince. “Emil! Emil! Emil! Bakit ba ibang pakiramdam ang dala mo sa akin?” tanong ni Vince sa sarili. “Pakiramdam ko lalo kitang minamahal.” saad pa niya sa sarili habang nakatitig sa mukha ni Emil.

“Hoi!” gulat ni Emil kay Vince. “Nakatitig ka na naman sa akin!” kunot noong habol pa ni Emil.

“Ah, wala!” nag-aapuhap ng sasabihing tugon ni Vince.

“Nababakla ka na naman sa akin ano!” wika pa ni Emil kasunod ang isang mahinang na tawa.

“Sinong nababakla? Ako? Sa’yo?” alarmadong sagot naman ni Vince na nasukol ang tunay na laman ng puso niya. “Asa ka naman!” dugtong pa nito.

“Alam mo, dati pangarap ko lang na magkaroon ng isang pamilya.” pagkukwento naman ni Emil. “Hindi ko naman akalain na gigising ako isang araw na mahal na ako ni nanay at may bonus pa, may tatay na ako.” kwento pa din ni Emil saka tumingin kay Vince.

Bigla namang nahiya si Vince sa mga tingin na iyon mula kay Emil.

“Sobra nga tayong napaglaruan ng panahon.” wika ulit ni Emil. “Sino ba ang makakapagsabing darating ngayon si tatay, na nagising na lang ako na nag-aalala para sa akin si nanay. Dati, lagi akong malungkot pag nakatingin ako sa mga bituin, ngayon ang unang beses na nagkukwento ako ng masaya.” naluluhang saad ni Emil na ramdam na ramdam ang kagalakan sa nagiging takbo ng mga pangyayari.

“Sino din ba ang makakapagsabing ang dating sinungaling na si Emil ay isa na ngayong writer.” pabirong saad ni Vince.

“Sinungaling ba ako?” nagtatakang baling ni Emil kay Vince.

“Siyempre naman, joke lang iyon.” sagot naman ni Vince saka umakbay kay Emil.

“Nananyansing ka lang eh!” turan ni Emil. “Hilig mong mang-akbay!” habol pa nito.

“Para akbay lang eh!” reklamo ni Vince saka hinawakan ang palad ni Emil. “Oh, iyan para makumpleto ang tyansing!” saad pa nito kasunod ang isang mahinang tawa na may simpatikong ngiti.

“Loko!” wika ni Emil saka binawi ang mga kamay.

Hindi naman pinakawalan ni Vince ang mga kamay ni Emil, bagkus ay lalo pa niya itong hinigpitan sa pagkakahawak. Hinuli din niya ang mga mata nito at tinitigan na wari bang ang puso niya ang nangungusap sa binata.

Agad namang iniwas ni Emil ang mga mata dala ng pagkaasiwa. Hinayaan na lang din niya ang mga kamay na hawak ni Vince. Pinilit na din niyang ibahin ang usapan at natatakot siya sa baka kung saan humantong ang lahat.

“Dati ang pangarap ko lang naman maging isang magaling na kwentista. I want people to explore the world and I want the world to explore the people. Gusto kong mag-open ng awareness sa mga tao, kasi naniniwala akong literature is a form of art which is capable to expose societal problem, literature is a reflection of the society and of the reality, literature is an expression of emotion and is a powerful tool to conceal or to open up people.” kwento pa din ni Emil. “Dati pangarap lang, pero ngayon, napatunayan kong may saysay lang ang mangarap kung handa kang kumilos at gumawa ng aksyon para mabigyan ng katuparan.” matalinhaga pang pahayag ni Emil.

“I want to fill this world shades of black and white.” patuloy ni Emil sa pagkukwento.

“I love you Emil!” biglang singit ni Vince.

Biglang naumid ang dila ni Emil at bigla siya nahinto sa pagsasalita. Ito na ang oras na kinakatakutan niya. Ito na ang oras na pinakaayaw niyang mangyari. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Sa sobrang bilis ay hindi niya alam kung aabutan pa ba niya. Mabilis din ang mga pangyayari, nakakabigla, nakakagulat at nakakasira ng bait.

“Joker ka talaga!” saad ni Emil na tila pilit na binabago ang sitwasyon saka lumingon sa gawi ni Vince.

Isang pagkakamali ang ginawang iyon ni Emil dahil agad na nagtama ang mga mata nila at ang anyo ngayon ni Vince ang sasagot sa huling katagang lumabas sa bibig niya. Ang mga mata nitong buong sinseridad na nagpapahayag ng pagmamahal ay ngayong nangungusap sa kanyang kaibuturan at naghihintay nang sagot.

“I mean it!” tutol ni Vince sa pagkontra ni Emil na may simpatikong ngiti. “And I will always mean it!” saka inilagay ang mga palad ni Emil sa may bahagi ng puso niya.

“Vince…” bitin at nagugulumihanang wika ni Emil.

“Please tell me that you love me too.” pakiusap pa ni Vince na pinapungay pa ang mga mata.

“Pero…” bitin ulit na tugon ni Emil.

“Hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko para sa’yo. Mahal kita! Mahal na mahal kita!” buong katapatang pagpapahayag ni Vince ng pagmamahal. “Sa sobrang pagmamahal ko sa’yo ay kaya ko nang kalimutan ang lahat pero hindi ikaw!”

Tumulo na lang ang mga luha sa mata ni Emil. Hindi dahil sa masaya siya kung hindi ay hindi niya alam kung papaanong sasagutin ang tanong na ito sa kanya ni Vince. Mahal niya ang kinakapatid pero hanggang sa pagiging kaibigan at kuya na lamang ito. Hindi na niya kaya pang higitan ang maibibigay niyang pagmamahal para dito. Ayaw naman niyang masaktan din ang damdamin nito dahil sa tingin niya ay hindi niya kakayanin kung makikita itong nahihirapan higit pa at siya ang dahilan. Sa dami-dami ng dahilan ay nangingibabaw pa din ang pagmamahal niya para kay Ken at hindi niya magagawang ipagpalit ang nararamdaman ng puso niya para tanggapin ang inaalok na pag-ibig ni Vince.

Nanatiling nakatahimik lang si Emil. Ilang sandali pa at nagsisimula nang tumilaok ang tandang na alaga ni Mang Mando.

“Sige Emil!” wika ni Vince. “Hindi na kita pipiliting sumagot ngayon, pero sana sabihin mo sa akin ang sagot mo pag handa ka na.” may pilit na ngiting wika pa nito. “Kahit anong sagot mo tatanggapin ko.” pagwawakas pa ni Vince saka tumayo.

“Vince naman eh!” pilit na pilit na sagot ni Emil.

“Basta mahal na mahal kita. Hindi bilang kapatid o kaibigan. Mahal kita at gusto kitang makasama hanggang sa huli kong hininga.” pagkasabi ay lumakad na ito palayo kay Emil.

Si Emil naman ay naiwang nakatulala at nahulog sa mas malalim na pag-iisip.

“Emil!” bati nang nag-iinat pang si Aling Choleng. “Kay aga mo namang nagising.” turan pa nito.

“Wala po nay!” sagot ni Emil saka tumayo sa kinauupuan.

“Natulog ka bang bata ka?” nag-aalalang tanong ng matanda dito.

“Siyempre naman po!” sagot ni Emil.

“Lokohin ba ako?” tila nagtatampong wika ni Aling Choleng. “Iyang bagsak ng mat among iyan ba ang natulog?”

“Hala!” sagot ni Emil. “Natural na kaya to!” saad pa nito.

“Bakit hindi ka natulog? Ano ba ang iniisip ng mahal kong anak?” wika ni Aling Choleng saka nilapitan si Emil.

“Wala nga po!” sagot ni Emil. “Nag-iisip lang po ako ng bagong kwento na isusulat ko.” pangangatwiran pa ni Emil.

“Sige, kunwari naniniwala na ako!” wika ni Aling Choleng na may tampo sa tinig nito.

“Si nanay naman!” paglalambing naman ni Emil saka niyakap si Aling Choleng.

“Anong oras ka ba susunduin ni Kuya Benz mo?” tanong pa ni Aling Choleng sa anak.

“Mamayang gabi pa po iyon!” sagot naman ni Emil. “Si nanay oh, excited!” saad pa nito.

“Siyempre naman!” turan ni Aliung Choleng. “Ang anak ko yata ang nagpataas ng ratings nun tapos hindi pa makakasama sa celebration!” saad pa ng matanda.

“Ang nanay nagpapanggap!” wika pa ni Emil kasunod ang mahinang tawa.

“Ikaw na bata ka talaga!” ganting sagot ni Aling Choleng. “Matulog ka na nga lang!” suhestiyon pa nito.

“Opo!” sagot ni Emil. “Masusunod po!” dugtong pa nito.

Sinunod nga ni Emil ang payo ng ina. Pumasok ito sa kanyang silid at nagtalukbong ng kumot saka nagtutok ng electric fan sa sarili.

“Emil!” sabi ni Emil sa sarili. “Isipin mong gabi pa!” wika nito saka pumikit.

Kinatanghalian –

“Emil!” mahinang tawag ni Aling Choleng sa anak sabay ang mahihina yugyog.

“Bakit po nay?” tanong ni Emil.

“Mananghali ka na muna!” wika ni Aling Choleng. “Saka may gustong kumausap sa’yo.” wika pa nito.

“Sino naman?” nahihiwagaang sagot ni Emil saka bumangon at lumabas ng kwarto.

“Ken?” nagtatakang banggit ni Emil na pupungas-pungas pa.

“Kamusta ka na?” tanong naman ni Ken.

“Obvious ba?” sagot ni Emil. “Bagong gising.” turan pa nito.

“Ganyanan?” madiing tugon ni Ken. “Ginaganyan mo na ako?” wika pa nito.

“Naligaw ka?” tanong pa ni Emil.

“Dinalaw ko lang ang kuya ko kaya dumaan na din ako dito.” sagot naman ni Ken.

“Ayos ka din pala!” turan ni Emil. “Kakahiwalay lang ninyo kagabi kay aga mong bumalik! Umuwi ka pa no!” pang-iinis pa ni Emil.

“Talagang ganun!” sagot naman ni Ken. “Ikaw lang naman talaga ang pinunta ko dito!” bulong ni Ken sa sarili.

“Kumain na muna kayo!” aya ni Aling Choleng sa dalawa.

“Huwag na po tita!” tanggi ni Ken dito.

“Kay arte naman oh!” inis na wika ni Emil dito sabay hila sa kamay ni Ken papunta sa lamesa.

Hinila naman ni Ken pabalik ang kamay niya na naging sanhi para si Emil ay mapaupo sa hita niya. Naging malapit ang katawan ng dalawa. Si Emil ngayon ay nakaupo sa hita ni Ken habang ang isang kamay niya ay nakasampay sa batok nito. Si Ken naman ay nakahawak sa likuran ni Emil, salu-salo ito sa may likuran at ang isang kamay naman ay nasa may balikat nito. Malapit na malapit ang dalawa, maging ang kanilang mga mukha ay isang centimetro lang ang layo.

Sa pagkakadikit ng katawan nila ay kakaibang kiliti ang nararamdaman ni Emil. Lumulundag sa tuwa at ligaya ay puso niyang sabik sa isang Ken na matagal na nawalay sa kanyang piling. Sa pakiwari niya ay may kung ilang milyong langgam ang lumalakad sa buo niyang katawan na nagiging sanhi para kiligin ang buo niyang katauhan na sumasagad sa kanyang kaibuturan. Ang mainit na palad ni Ken na nasa likuran niya ay kakaibang saya ang naidudulot sa buo niyang pagkatao. Ang kamay naman nitong nasa balikat niya ay kakaibang gaan ang hatid at dulot sa kanya. Ayaw na niyang matapos ang sandaling iyon, mas nanaisin niyang manatili sa ganuong porma hanggang sa huling hininga niya.

Si Ken naman, bagamat hindi sinasadya ang nangyari ay natuwa na sa aksidenteng iyon. Ang bigat ni Emil na nasa hita niya ay baliwala lang kung ikukumpara sa ligayang mayroon ang puso niya. Nanginginig ang buo niyang katawan dahil sa kakaibang kabang dulot ni Emil, kaba na may halong ligaya at saya. Sa pakiwari ni Ken ay nais pa niyang mas ilapit si Emil sa kanyang katawan at yakapin ito ng buong higpit. Nais na niyang kabigin ang dalawang kamay upang nang sa ganuon ay mawalan na ng lugar maging ang hangin sa magiging pagdidikit ng kanilang katawan.

At nagtama ang kanilang mga paningin –

Kapwa sila nabalutan ng milyong boltahe ng kuryente. Nanunulay sa bawat himaymay ng kanilang katauhan ang mumunting kislap para mapahinto ang mundo sa pag-ikot. Sa pakiramdam nila ay sila lang ang tao sa paligid.

Dahan-dahang inilapit pang lalo ni Ken ang mukha sa mukha ni Emil. Wala siyang pakialam sa kung sino ang makakakita, ang nais lang niya ay angkinin ang mga labi ng minamahal na si Emil na tiniis niya sa mahabang panahon. Hibla na lamang ng buhok ang pagitan nang kanilang mga labi nang –

“Anak nang!” sigaw ni Aling Choleng kasunod ang pagbagsak ng plato.

Biglang nahulog si Emil sa sahig dala na ng gulat at takot.

“Aray!” sigaw ni Emil.

Waring binuhusan ng malamig na tubig si Ken at bumalik sa ulirat na tinulungan si Emil na tumayo.

“Pasensiya na kayo!” paumanhin pa Aling Choleng. “Dumulas sa kamay ko iyong plato.” paliwanag pa nito.

“Wala po iyon!” sagot ni Ken na hindi magawang tumingin ng diretso kay Emil at sa nanay nito.

Pagkatapos kumain ay naligo na si Emil dahil pinilit siya ni Ken sa sumama sa kanya. Inaya ni Ken si Emil na mamasyal na muna bago pumunta sa inihandang celebration ng LD.

“Saan mo ba ako balak dalin?” tanong ni Emil kay Ken pagkalabas nila ng NLEX.

“Basta quiet ka na lang!” saad ni Ken na may pilyong ngiti pagkadaka ay inihinto na niya ang kotse.

“Bakit ka huminto?” nagtatakang tanong ni Emil.

“Baba na!” nang-aakit na saad ni Ken na may isang napakatamis na ngiti.

Tumingin sa labas si Emil at nagulat siya sa nakita – “Motel?” nagtataka siyang humarap kay Ken. “Anong gagawin naman natin d’yan?” tanong ni Emil na nagbago ang timbre ng boses ngunit mababakasan naman ngayon ng kaba.

“Goodness! Anong balak ni Ken at dito siya huminto.” kinakabahang usal ni Emil sa sarili.

“Ano pa ba ang ginagawa sa loob ng motel?” tanong naman ni Ken kay Emil.

Lalong kinabahan si Emil nang makita ang pagkaseryoso sa mukha ni Ken at ngayon nga ay sigurado siyang hindi ito nagbibiro.

“Malay ko? Hindi pa naman ako napapasok sa ganyan!” nanginginig na sagot ni Emil.

“Malay ko daw oh! Bakit pawis na pawis ka?” saad at tanong naman ni Ken na may pilyong pagkakangiti. “Baba na!” malambing na utos pa nito saka inilapit ang mukha sa mukha ni Emil at hinawakan ito sa kamay.

“Emil! Emil! Emil!” tila pagbubuo ni Emil ng plano sa sarili. “Bababa ka ng kotse saka ka tumakbo ng mabilis.” sulsol niya sa sarili. “Huwag mo munang isusuko ang pagka-inosente mo.” depensa pa niya sa gagawing aksyon.

“Sige na! Baba na!” pamimilit pa ni Ken saka hinimas ng isa niyang kamay ang binti ni Emil at kumindat pa ito.

“Seryoso?” mas nanginig si Emil sa ginawang iyon ni Ken. Naging mas mabilis ang tibok ng puso niya at higit ang nararamdaman niyang pagkabalisa at kaguluhan.

“Mukha ba akong nagbibiro?” tanong ni Ken sa binatang scriptwriter saka lalong inilapit ang mukha niya dito at idinikit ang noo niya sa noo ni Emil at ang ilong niya sa ilong din nito.

“Seryoso nga! Takte ka Ken!” sigaw ng damdamin ni Emil habang nakatitig sa seryosong mga mata ni Ken.

“Bumaba ka na para makadami tayo!” wika pa ni Ken saka ngumiti ng pagkapilyo-pilyo at lalong itinaas ang himas sa binti ni Emil at pinisil-pisil pa ang mga palad nito.

“Tatakbo ka Emil.” saad nang kalooban ni Emil saka humarap sa pintuan ng kotse at nasa aktong bubuksan na ito.

Biglang start ni Ken sa kotse at pinaharurot ang patakbo nito.

“It’s a joke!” saad ni Ken saka tumawa ng malakas. “Naniwala ka no!” pang-iinis pa nito.

Nakahinga ng maluwag si Emil sa pahayag na iyon ni Ken. Wari bang isang napakalaking tinik ang nabunot sa kanya.

“Of course, I won’t do that unless ikaw ang magsabi!” saad naman ni Ken sa sarili.

“Akala ko talaga katapusan ko na!” mahinang usal ni Emil saka napadukdok sa bintana ng kotse.

“First time mo ba kung sakali?” sumeryosong tanong ni Ken sa binata.

“Naman!” wika ni Emil. “Kay tagal kong iningatan ito!” saad pa niya. “Ikaw ba?” balik na tanong pa ni Emil.

“Inosente pa din.” sagot ni Ken at nag-iwan ito ng isang makahulugan at simpatikong ngiti. “Ikaw lang kasi ang may karapatang umangkin sa akin! Sa puso ko at sa katawan ko!” dugtong na bulong naman ni Ken sa isipan.

“Change topic!” giit ni Emil. “Saan mo ba talaga ako dadalin?” tanong nito.

“Kahit saan!” sagot naman ni Ken saka muling inihinto ang kotse. “Nuod tayo sa i-max!” aya pa ni Ken kay Emil.

“Ano naman ang papanuorin natin?” sagot ni Emil.

“Siyempre kung ano ang showing!” sagot ni Ken.

“Loko ka!” balik na tugon ni Emil.

Sa loob ng sinehan –

“Mabuti at walang masyadong tao.” sabi ni Ken.

“Kasi naman ang pangit kaya ng movie na ‘to!” inis na wika ni Emil.

“Refund mo iyong pinambayad ko saka ilibre mo ko dun sa gusto mong panuorin lilipat tayo.” hamon naman ni Ken kay Emil saka nagbitiw ng isang pilyong ngiti.

“Sige na dito na lang!” asar namang sagot ni Emil.

“Good!” tugon ni Ken saka hinatak si Emil.

Ilang sandali pa at nakaupo sila sa pinakamalayo sa lahat, sa gawing kaliwa iyon ng sinehang iyon. Pinaupo ni Ken si Emil sa gawing kaliwa na malapit sa dingding samantalang siya naman ay sa gawing kanan.

“Si Mr. Ching!” wika ni Ken saka turo sa bandang kaliwa.

“Nasaan?” agad namang nilingon ni Emil ang tinurong iyon ni Ken.

“Wala naman eh!” saad pa ni Emil saka lumingon sa gawi ni Ken.

Sa paglingong ginawa na iyon ni Emil ay hindi niya inaasahan ang naganap. Inilapit ni Ken ang mukha niya sa may balikat ni Emil kung kayat sa pagharap nito ay naglapat ang kanilang mga labi. Nakakagulat! Nakakabigla! Mabilis ang naging takbo ng pangyayari.

Sa pakiwari ni Emil ay para siyang sinisilyaban dahil nanunulay sa bawat himaymay ng kanyang katauhan ang halik na iyon. Ang paglalapat nang kanilang mga labi ay muling bumilis ang tibok ng kanyang puso. Naging maingay din ang bawat pintig nito na tipong bumibingi sa kanyang buong pagkatao. Ramdam na ramdam ng buo niyang katawan ang init na dulot ng halik na iyon na tipong ipinagpapasa-pasahan ang maliliit na boltahe ng kuryenteng dumadaan sa bawat hibla ng kanyang katawan. Muling huminto ang mundo ni Emil habang ninanamnam ang sarap ng una niyang halik.

Si Ken naman ay nabigla sa hindi inaasahang pangyayari. Ang balak lamang niya ay mahuli ang mga mata nito subalit naganap ang isang bagay na matagal na niyang gustong mangyari subalit pinipigilan niya ang sariling gawin. Kakaibang damdamin ang inihatid nito sa kanya, sa tingin niya ay kinumpleto ng halik na iyon ang kayang pagkatao. Tila ba may maliliit na insekto ang gumagapang sa buo niyang katauhan na nagdudulot sa kanya ng kakaibang kiliti na labis niyang naibigan.

Marahang hinaplos-haplos ni Ken ang mukha ni Emil hanggang sa tuluyan na niya itong hawakan at sinimulang pagalawin ang mga labi. Binigyan niya si Emil ng isang marahan ngunit punung-puno nang pagmamahal na halik. Ipinaramdam na niya sa binatang minamahal ang tunay na laman ng kanyang puso sa pamamagitan ng mga halik. Maingat at buong pagmamahal na inaangkin ni Ken ang mga labi ni Emil. Dahan-dahan at masuyo niyang pinapagsawa ang sariling labi sa tamis nang labi ni Emil.

Hindi man marunong humalik ay unti-unti na ding natutuhan ni Emil ang bawat galaw at natutunang gantihan ang halik na ibinibigay sa kanya ni Ken. Hindi na niya alintana pa ang ibang tao dahil naging mas matimbang sa kanya ang pangungulila sa isang pag-ibig na matagal na nawalay. Masaya siya dahil sa ang unang nakaangkin na kanyang iniingatang labi ay ang taong tanging tinitibok ng kanayang puso.

Ilang sandali pa at –

“Sorry!” paumanhin ni Emil matapos unang bumitaw sa isang makamandag na halik na iyon.

Hindi magawa ni Emil na tumingin nang tuwid kay Ken kung kayat pilit niyang iniiwas ang sariling mga mata dito.

Iniangat naman ni Ken ang mukha ni Emil at –

“Thank you!” saad pa ni Ken saka muling hinuli ang mga mata ni Emil. “Sorry kung nabigla ka!” habol pa ng gwapong binata saka pinalamlam ang mga mata na animo’y isang magiting na mandirigma.

Ngiti lang ang sinagot ni Emil. “Ken! Is this real?” mahihinang panggigising pa ni Emil sa sarili.

“Bien! Binigyan mo na naman ako ng dahilan para mas lalo kang kasabikan!” bulong ni Ken sa sarili habang nakatitig kay Emil na ngayon ay nakatingin na sa screen.

Dahan-dahang hinilig ni Ken ang ulo ni Emil sa balikat niya, samantang hinayaan na lang ni Emil sa gawin ni Ken ang kung anumang gusto nito dahil sa katotohanan lang ay matagal na inaasama ang ganuong sitwasyon.

Tahimik lamang ang dalawa hanggang sa paglabas ng sinehan at pagsakay ng kotse. Habang nagmamaneho si Ken papunta sa venue ng party ng LD ay hindi nito matiis ang katahimikankg bumabaliot sa kanila.

“Emil!” simula nin Ken. “Iyong sa kanina.” saad pa nito. “Sorry ah!” paumanhi pa ulit nito. “Pero hindi ko iyon pinagsisisihan.” pahabol na tugon pa din ng kanyang isipan.

“Ayos lang iyon!” sagot naman ni Emil na may kalakip na mga ngiti.

“Sana hindi mabago ang pagkakaibigan natin!” pakiusap naman ni Ken. “Sana hindi magbago pakikitungo mo sa akin!” saad pa nito.

“Siyempre naman!” masayang tugon ni Emil. “Para iyon lang!” wika pa ni Emil. “Gusto mo ulitin pa natin?” biro pa nito kasunod ang isang pilit na pinalutong na tawa.

Nangiti lang si Ken sa pilyong sagot na iyon ni Emil.

Ilang sandali pa at –

“Kuya Benz!” masayang bati ni Emil sa kapatid niya.

“Yes bro!” sagot naman ni Benz. “Ang aga mo naman ata at” putol pa nito sabay tingin ng masama kay Ken “bakit kasama mo pa iyan?” habol pa nitong tanong.

“Kasi Kuya Benz pinuntahan ko lang si Kuya Vince kanina sa Bulacan, kaya isinabay ko na din papunta dito si Emil.” paliwanag naman ni Benz.

“Sabi ko si Emil lang ang pwedeng tumawag sa akin ng kuya!” may diing wika ni Benz. “Iyon ba talaga ang dahilan o iba ang ipinunta mo dun?” tanong pa ni Benz dito.

“Tara na kuya sa loob!” masiglang aya ni Emil sa kapatid papasok.

“Anong ginawa sa’yo ni Ken at ganyan ka kasaya?” tanong naman ni Benz sa kapatid.

“Wala!” maang na tugon ni Emil. “Ano naman ang gagawin niyan sa akin?” dagdag pa nito.

“Siguraduhin mo lang yang sagot mo!” madiing sagot pa ni Benz.

Sumunod na din si Ken papasok sa loob na kakamot-kamot sa ulo.

Sa loob –

“Vaughn!” tawag ni Benz sa isang pamilyar na itsura para kay Emil.

“Siya ba si Emil?” tanong ni Vaughn kay Benz.

“Yes!” sagot ni Benz. “My younger half brother.” saad pa ng binatang direktor.

“Siya di ba ung nameet ko sa bar.” paninigurado pa ni Vaughn.

“Yes, siya nga!” tugon ni Benz.

“Nice meeting you again!” nakangiting saad ni Vaughn saka iniabot ang palad nito kay Emil.

“Si Emil!” masiglang sigaw ni Mae saka tumatakbong lumapit kay Emil.

“Mae!” bati naman ni Emil.

“Si Ken! Si Ken! Si Ken!” sigaw pa ulit nito nang makita kung sino ang kasama ni Emil.

“si Ken nga!” sang-ayon naman ni Marcel na kakalapit lang kay Emil. “Ano naman ang ginagawa ng anak ng direktor ng KNP?” tanong pa nito.

“Wag naman ninyong ganyanin si Ken!” depensa ni Emil dito.

“At ang writer ng KNP ay dinedepensahan ang anak ng direktor nila.” mataray at pabirong turan ni Mae.

“Ginaganyan na ninyo ako ngayon?” wika naman ni Emil na naging sanhi para sa tawanan.

Kasama ni Emil si Ken na pumunta sa mga dati nitong katrabaho sa LD. Hindi na nga nagtagal pa at muling nagsalita ang host ng party na iyon.

“Sino ang gustong magvolunteer para sa isang intermission number?” tanong ni Marcel na siyang host ng celebration party nila.

“Emil!” sigaw ni Mae. “Emil! Emil! Emil!” kantyaw pa nito.

“Oo nga si Emil!” sigaw pa ng isa. “Go! Dreamer boy!” habol pa nito.

“Loko kayo ah!” bwelta naman ni Emil sa mga kantiyaw na iyon.

“Sige na Emil! Tara na dito sa stage.” aya sa kanya ni Marcel.

Hindi na tumanggi pa si Emil at nagpaunlak siya ng isang kanta –

“When you wish upon a star

Makes no difference who you are

Anything your heart desires

Will come to you

If your heart is in your dreams

No regret is to extrere

When you wish upon a star

As dreamers do.

Faith is kind she brings

To those who love

The sweet fulfillment of

Their secret longings

Like a bolt out of the blue

Faith steps and sees you true

When you wish upon a star

Your dreams will come true.”

Isang simpleng kanta ngunit lumalarawan sa isang simpleng si Emil.

“Yuhoo!” sigawan ng mga makarinig sa pagkanta ni Emil at nakatanggap pa ng standing ovation.

Pagkababa naman ng stage ay agad siyang sinalubong ni Ken duon at inalalayan pababa. Tiyempo namang hinatak ni Vaughn si Benz patungo sa kung saan para may ipakiusap kung kayat nakadiskarte si Ken kay Emil.

“Galing naman!” bati ni Ken dito.

“Salamat!” nakangitng tugon ni Emil.

Sa parehong bahagi ng Pilipinas subalit sa ibang tanawin naman –

“Banz sana naman pagbigyan mo ulit ako.” saad ni Vaughn. “Alam ko madaming beses mo na akong ginagawan ng pabor, pangako, pinakahuli na ‘to.” saad pa nito.

“Pero Vaughn!” pangangatwiran pa sana ni Benz.

“Huli na talaga ‘to!” pamimilit ni Vaughn. “Pangako!” paninigurado pa nito.

“Sige!” tila malungkot na pagsang-ayon ni Benz. “Dahil lang sa’yo kaya ko gagawin ‘to!” turan pa ulit ni Benz.

“Sandali lang! Tatawagin ko lang siya!” may pilit na ngiting sambit ni Vaughn saka tinakbo ang kung saan mang lugar.

“Vaughn! Bakit ba lagi na lang ganyan ang ginagawa mo!” bulong pa sa isip ni Benz.

Maya-maya pa ay bumalik na si Vaughn kasama ang isang pamilyar na anyo.

“Benz!” wika ni Julian saka niyakap si Benz.

“Julian!” malumanay sa saad ni Benz.

Lumakad naman sa may hindi kalayuan si Vaughn ngunit sapat na ang layong iyon para madinig niya ang kung anumang pag-uusapan ng dalawa. Lagi at lagi na siya ang nagiging tulay para magkaayos sina Benz at Julian sa tuwing may away ang mga ito. Lagi at lagi din siyang nakikinig sa kung anumang pag-uusapan ng mga ito sa hindi kalayuan. Lagi at laging kinikimkim niya ang sakit at pait na dulot niyon.

Ngayon nga ay kahit alam na niya na muling magkakaayos ang dalawa ay umaasa pa din ang puso niyang hindi iyon ang mangyayari at maririnig niya mula kay Benz na iba na ang mahal nito.

“Julian!” saad pa ulit ni Benz.

“I love you Benz!” simula ni Julian. “Hindi ko kaya namawala ka sa akin Benz!” wika pa ulit ni Julian. “Patawarin mo na ako!”

Nanatiling walang kibo si Benz.

“Please tell me you love me too!” nagmamakaawang turan ni Julian saka hinawakan sa pisngi si Benz. “Naman Benz!” anas pa ulit nito. “Please!” pakiusap ni Julian na kita sa mga mata nito ang sinseridad.

“I’ll do anything Benz!” si Julian pa din. “Basta be mine ulit.” pakiusap pa ni Julian. “Alam ko namang nagkamali ako at pinagsisisihan ko na lahat iyon!” ngayon nga ay nagsimula nang tumulo ang luha sa mga mata ng binata.

“Alam mo Julian!” sagot ni Benz. “I loved you and will always love you.” dugtong pa ng binata.

Sa narinig na ito ni Vaughn ay tila alam na niya ang magiging tagpo niyon. Hindi man niya kaya ay pinilit niyang ikilos ang mga paa para lisanin ang lugar na iyon. Ngunit tila may kung anung pwersa ang nagpipigil sa kanya para umalis at maglakad palayo.

“Come on Vaughn!” angal niya sa sariling paa. “Huwag mo nang saktan pa ang sarili mo!”

“I think there is someone who deserves to be love more than you do.” nakangiting turan ulit ni Benz.

Pagkakarinig na ito ni Vaughn ay lalo siyang napako sa kinalalagayan ay mas nabigyan siya ng pag-asang huwag lisanin ang kinaroroonan.

“Sino Benz?!” madiing tanong ni Julian na naigng sanhi para kumawala ang mga luhang nasa mata niya.

“Vaughn!” sagot ni Benz. “Siguro kung hindi ako pinagtulakan ni Vaughn sa’yo, siya ngayon ang kasama ko. Siguro kung hindi ka niya ipinagtulakan sa akin maligaya kaming dalawa ngayon. Pero hindi Julian, ipinagsama niya tayong dalawa.” kwento pa ni Benz.

“No Benz!” lalong dumalas ang pagtulo ng luha ni Julian. “It’s a joke, am I right?” paninigurado pa ni Julian.

“Sorry, but it is not.” wika pa ni Benz na sumasagot sa katanungan ni Julian.

“Benz!” wika pa ni Julian saka napaupo na sapo ng mga kamay niya ang mukha. “Please don’t do this to me!” pakiusap pa ni Julian.

“Vaughn’s presence is more than enough and Vaughn’s presence is my life!” wika ni Benz.

Samantalang si Vaughn na nakikinig lang sa may hindi kalayuan ay labis na lumigaya ang puso sa mga narinig na iyon mula kay Benz. Hindi niya alam kung papaanong unang magbibigay ng reaksyon. Hindi makapaniwala si Vaughn sa kung anumang narinig niya. Pinanawan siya ng diwa at hindi na niya alam kung ano pa ang nagaganap at kung ano pa ang pinag-uusapan ng dalawa. Sapat na sa kanya ang kung anumang narinig mula sa lalaking matagal na niyang pinaglaanan ng pagmamahal.

“Panaginip ba ito?” tanong ni Vaughn sa sarili. “Pwede bang hindi na ako magising?”

Ilang minuto ding nasa ganuong posisyon si Vaughn nang lapitan siya nang isang lalaki.

“Tara na!” aya sa kanya nito.

Dahan-dahan namang iniangat ni Vaughn ang mukha.

“Benz!” wika niya.

“Baka hinihintay na nila tayo!” nakangiting wika ni Benz.

“Benz!” wika ulit ni Vaughn saka dahan-dahang tumayo. “Ikaw nga Benz!”

“I love you Vaughn and I will always love you!” wika ulit ni Benz saka ginawaran ng halik si Vaughn.

Saksi ang liwanag ng buwan sa pagmamahalang iyon na kinimkim sa loob ng mahabang panahon. Isang napakasayang kwento ng pagmamahalang sa akala ng karamihan ay isang kasalanan.

“Ang pag-ibig na akala ko ay isang pangarap na lang, ngunit heto ka at binibigyan mo ng katuparan.” masuyong sinabi ni Vaughn saka ginawaran nang halik si Benz.

“Mahal na mahal kita Vaughn. Sorry kung ngayon ko lang narealize na mahal na mahal kita.” paumanhin ni Benz dito.

“Mahal na mahal din kita Benz at sorry kung hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin iyon sa’yo.” ganting sagot ni Vaughn.

“Ang saya naman ninyo?” nagtatakang usisa ni Emil sa Kuya Benz niya at kay Vaughn pagkabalik nito sa umpukan.

“May magandang bagay lang na nangyari!” sagot ni Benz.

“Asus!” pagdududa ni Emil sa sagot ng kapatid.


[17]
Vaughn is to Benz: Ken is to Bien?

“Hatid na kita pauwi.” anyaya ni Ken kay Emil matapos ang party.

“Kaya ko ang sarili ko!” tanggi naman ni Emil dito.

“Please!” pangungulit ni Ken saka hinawakan sa mga kamay si Emil at tinitigan sa mga mata.

“Sige na nga!” biglang sambit ni Emil saka iniwas ang mga mata sa titig ni Ken.

“Ano na naman ba yan?” biglang singit ni Benz sa dalawa.

“Kasi kuya nagvovolunteer si Ken na ihatid ako sa Bulacan pauwi.” tila pagsusumbng ni Emil sa kapatid niya.

“Ihahatid ka lang pala eh!” sagot naman ni Benz. “Pumayag ka na!” pahabol pa nito.

“Talaga Benz?” sumiglang singit ni Ken. “Pumapayag ka?” paninigurado pa ng binata.

“Kanina kuya ang tawag mo sa akin, ngayon Benz na lang.” reklamo naman ni Benz dito.

“Sorry Kuya Benz!” paumanhin naman ni Ken kay Benz.

“Sige na, umuwi na kayo at baka nag-aalala na si Tita Choleng.” turan pa ni Benz.

“Ayan Emil!” wika ni Ken saka hinarap ang binatang scriptwriter. “Sa harap ng kuya Benz mo, may basbas niya ang paghahatid ko sa’yo pauwi.” may simpatikong ngiti mula sa binata.

“Sana ang susunod niyang bigyang basbas ay ang pagmamahal ko sa’yo. Bigyang basbas niya na maging akin ka na ng tuluyan.” saka napangiting naisip ni Ken ang ganitong mga bagay.

“Halika na nga at makauwi na!” asar na tugon ni Emil na sa pakiramdam niya ay pinag-lalaruan siya ni Benz at ni Ken.

Sa loob ng kotse –

“Kakaiba ngayon si Kuya Benz ano?” simula ni Ken ng usapan sa pagitan nila ni Emil.

“Oo nga eh!” matipid na sagot naman ni Emil.

“Galit ka ba?” usisa ni Ken kay Emil.

“Bakit naman ako magagalit? Anong dahilan?” sarkastikong sagot ni Emil.

“Aba at!” sibad ni Ken saka walang kaabog-abog at walang pasabing inihinto ang sasakyan.

“Sabi na kasing umuwi ka na at huwag mo na akong ihatid napakakulit mo naman kasi!” inis na turan ni Emil.

“Ano bang masama kung ihatid kita pauwi?” ganti naman ni Ken na pinipilit pa ding maging mabait kay Emil kahit na sa totoo ay naasar na siya sa inaasal ng scriptwriter. “Masama bang mag-alala sa’yo, na baka kung mapaano ka sa daan? Na baka may masamang mangyari sa’yo.” tumaas na tonong tanong ni Ken. “Masama ba kung maging concern ako sa’yo? Sige nga sabihin mo!”

“Masama din bang mag-alala sa’yo pag-uwi mo? Hindi na kita kasamang babalik nang Maynila pagkahatid mo sa akin, mag-aalala ako sa’yo na baka kung mapaano ka!” ganting tugon ni Emil dito. “Sige nga, masama din ba ‘yun?” tanong pa ni Emil sa gwapong artista.

“Sorry Emil!” paumanhin ni Ken saka hinawakan sa mukha si Emil na nagpipigil ng mga luha. “Sorry na!” nakangiti nitong ulit sa sinabi saka tiningnan ang maamong mukha ni Emil.

“Walang masama dun!” turan pa ni Ken saka niyakap si Emil. Ikinulong niya ito sa kanyang mga braso at inaalo-alo na tila isang bata na inagawan ng laruan. “Mag-iingat naman ako pagbalik!” pagpapatahan ni Ken kay Emil na may kasiguraduhan sa tinig nito.

Labis na kaginhawahan ang nararamdaman ni Emil ngayon yakap siya ni Ken. Langhap na langhap niya ang mabangong amoy ng binata at damang-dama din niya ang init ng katawan nito at rinig na rinig niya ang tibok ng puso nito.

“Sige na!” saad ulit ni Ken. “Magmamaneho na ulit ako.” wika pa nito saka inihiga si Emil sa balikat niya at muling pinaandar ang kotse.

“Kung alam mo lang Emil ang kaya kong isuko para sa’yo! Malalaman mong kulang pa ang buhay ko kung ihahambing sa pagmamahal ko para sa’yo.” bulong ni Ken sa sarili.

“Salamat Ken at muli mong ipinapadanas sa nahihimbing na puso ko kung papaano ang lumigaya.” saad naman ni Emil sa sarili.

“Mahal kita! Mahal na mahal!” halos sabay nilang nausal sa sariling mga isipan.

Sa kabilang panig na ulit ng Pilipinas –

“Salamat Benz!” pagbasag ni Vaughn sa katahimikang namamayani sa pagitan nila ni Benz.

“Ako ang dapat na magpasalamat sa’yo!” tugon naman ni Benz dito.

Muling nanaig sa pagitan nila ang katahimikan. Isang nakakabinging katahimikan subalit nagagawa pa ding makapag-usap ng kanilang mga puso.

“Akala ko hanggang sa pangarap na lang na mahalin mo ako.” pagbasag ni Vaughn sa katahimikan. “Hindi ko naman inaasahan na ngayon na matutupad ang pangarap na iyon.” masayang wika ni Vaughn saka tumingin kay Benz. “Salamat ah!” pasasalamat pa nito.

“Ako nga ang dapat magpasalamat sa’yo.” tutol naman ni Benz. “Dahil sa’yo, biruin mo, sa dinami-dami ng tao sa paligid, kung sino pa iyong hindi ko inaasahan, siya pa pala ang pinakamahalaga sa lahat.” saad pa ni Benz. “Sorry Vaughn kasi hindi kita napagtuunan ng pansin kaagad. Hindi ko kaagad nakita ang tunay mong liwanag.” paumanhin pa ni Benz.

“Basta ako masaya na ako!” sabi pa ni Vaughn saka humiga sa damuhan. Pinalipad sa alapaap ang paningin habang minamasdan ang bituin at ninanamnam ang sarpa ng hangin habang nasa tabi niya si Benz. “Masaya na ko kasi dumating ka na sa buhay ko! Masaya na ako kasi natupad na ang isa sa pinakamataas na pangarap ko sa buhay. Masaya ako kasi ang isang pag-ibig na binubulong ko sa mga bituin ay narito na at pag-aari ko.”

“Mas masaya ako!” hindi papatalong tugon ni Benz saka naman humiga din sa damuhan at inunan ang dibdib ni Vaughn. Nakatingin sa mga bituin sa langit at masaya ding inaaliw ang sarili sa piling ng kanayang mahal na si Vaughn. “Nagpapasalamat ako sa bituin dahil ako ang binigay niya sa;yo at tinupad niya ang pangarap mo!” wika pa ni Benz.

“Mahal na mahal kita Benz!” turan ni Vaughn.

“Mahal na mahal din kita Vaughn!” tugon ni Benz saka iniangat ang katawan at humarap kay Vaughn at ginawaran ito ng matamis na halik.

Ang isang masuyong halik ay nagsimula nang gumaslaw ang kilos subalit puno pa din ng pagmamahal. Sa pakiwari ni Vaughn ay handa na siyang tanggapin ang huling hininga matapos ang tagpong iyon.

“Now I’m sure!” saad ni Benz matapos bumitaw sa halik na iyon. “I can’t loose you!”

Ngiti – ngiti lang ang naging tugo ni Vaughn na sapat na para ipakita ang tunay niyang nadarama para sa binatang iniirog.

“Tara na nga!” wika ni Vaughn saka inakbayan si Benz.

“I wanna know what love is

I want you to show me

I wanna feel what love is

And I know you can show me”

Pagkanta pa ni Benz habang naglalakad silang dalawa. Nakaakbay sa kanya si Vaughn habang siya naman nakahawak sa may baywang nito. Binabagtas nila ang daan ng pag-ibig patungo sa isang maligayang bukas na sila ang magkasama. Natatanglawan sila ng buwan na siyang piping saksi sa pag-ibig nila para sa isa’t-isa.

“Ang pag-ibig kong ito

Luha ang tanging nakamit buhat sa’yo

Kaya’t sa maykapal dinadalangin ko

Sana, kapalaran ko’y magbago.”

Ganting kanta naman ni Vaughn para kay Benz.

“Loko ka!” wika ni Benz kasabay ang isang malakas na batok kay Vaughn.

“Bakit?” tanong ni Vaughn. “Anong ginawa ko?” maang pa nitong habol.

“Anong luha ang tanging nakamit ka d’yan!” tugon ni Benz.

“Totoo naman kay!” sagot ni Vaughn. “Luha naman talaga ang dinanas ko dahil sa pagmamahal ko sa’yo.” saad pa nito.

“Sige nga!” tila hamon ni Benz dito. “Ipaliwanag mo nga kung bakit masaya ka ngayon?”

“Luha, kasi dati iniiyakan kita, hanggang ngayon iniiyakan kita at umiiyak naman ako kasi masaya ako sa piling mo.” saad ni Vaughn na may simpatikong ngiti saka humarap kay Benz.

“Ganun pala ‘yun!” nakakalokong sagot ni Benz na may nakakalokong ngiti.

Walang pagdadalawang-isip na niyakap ni Benz si Vaughn. Mahigpit na mahigpit na tila ba wala ng kinabukasan pa. Isang yakap na nagpapadama sa kung hanggang saan nila kayang ipaglaban ang isa’t-isa. Mga yakap kung saan ang kanilang mga puso ay nangungusap sa bawat isa at sabay na pumipintig para sa isa’t-isa.

Balikan natin sina Ken at Emil –

“Hoy Ken!” sigang tawag ni Emil sa binatang artista na nagmamaneho.

“Bakit po?” malambing na sagot ni Ken dito na may kalakip na simpatiko at nang-aakit na ngiti saka tumingin kay Emil.

Nahiya si Emil sa ginawang iyon ni Ken. Hindi niya mawari subalit sa tingin niya ay nahihiya siya sa inasal at sa ginawang pagtugon ng binata.

“Wala!” hiyang-hiyang sagot ni Emil sabay yuko ng kanyang ulo. “Mag-iingat ka mamaya.” saad pa ni Emil.

“Asus!” kantyaw ni Ken. “Iyon lang pala eh!” saad pa ng binata. “Para sa’yo Emil ko mag-iingat ako.” lalong napangiting dugtong pa ni Ken na lalong nakaramdam ng ligaya.

Biglang napakunot ng noo si Emil at saka tumingin kay Ken. “Emil ko ka d’yan!” sarkastiko subalit kinikilig na turan ni Emil. “Ken, inaangkin mo na ako! Inaari mo na nga ba ako? I can’t believe this! Ayiee! Lumalampong!” panunudyo pa niya sa sarili.

“Bakit masama?” tugon naman ni Ken. “If I know tuwang-tuwa ka at gustong-gusto mo!” walang prenong habol pa nito. “C’mon! Say yes! Say yes! Say yes! Mahahalikan kita!” pagsagot naman ni Ken sa sariling tanong.

“Ano naman ang dahilan para kiligin ako? Aber!” tugon ni Emil sa pagsukol na iyon sa kanya ni Ken.

“Halikan kita d’yan eh!” ngingiti-ngiting tugon ni Ken dito.

“Sige nga!” tila paghahamon ni Emil kay Ken. “Hindi mo kaya ‘yun!” tudyo pa ni Emil dito.

Walang anu-ano ay inihinto ni Ken ang kotse saka hinawakan sa mukha si Emil. Inilapit ang mukha niya sa mukha ng binatang scriptwriter, dahan-dahan, paunti-unti.

Napahinto na muli ni Ken ang mundo ni Emil sa tagpong iyon. Muling bumilis ang tibok ng kanyang puso na wari bang hinahabol ng ilang milyong kaba at ang buong katawan niya sa tipong sinugob ng ilang libong batalyon ng mga langgam.

Hibla na lang ng buhok ang pagitan ng mga labi nila sa isa’t-isa lalong naging mas marubdob ang pinitg ng puso ni Emil. Malapit na malapit na nang biglang pakawalan ni Ken ang mukha ni Emil saka niya inilayo ang mukha sa mukha ng scriptwriter.

Nakahinga ng maluwag si Emil subalit may panghihinayang sa puso niya. Inaasahan niyang mangyayari ulit iyong naganap sa sinehan kani-kanina lang, subalit heto’t malapit ng maulit ay saka pa binawi ng kapalaran.

“Sabi ko na nga ba!” simula pa ulit ni Emil ng mabalik sa ulirat. “Hindi mo kaya!” tudyo pa nito na pilit pinapasigla ang aura at itinatago ang kaninang damdamin at panghihinayang.

Isang halik ang biglang pumutol sa dapat sasabihin pa ni Emil dahil walang anu-ano at sa isang napakabilis na pangyayari ay inangkin ni Ken ang kanyang mga labi.

Hindi inaasahan ni Emil ang ganuong aksyon mula kay Ken. Nagulat? Oo. Labis na pagkagulat ang naramdaman niya at kahit nakawala na siya sa labi ni Ken ay hindi pa niya makuhang makapagsalita.

“Huwag mo akong hamunin Bien ko! Dahil kahit anong para sa’yo gagawin ko!” turan ni Ken sa sarili. “Binitin lang kita kanina!” habol pa nito.

“Goodness!” usal ni Emil sa sarili. “Can’t believe!”

“Natahimik ka?” tanong ni Ken na wari ba nanaunudyo kay Emil. “Sabi naman kasi sa’yo, may isang salita ako!” dugtong pa ni Ken. “Gusto mo ulitin ko?” tanong pa nito saka nagbitiw nang isang makahulugang ngiti.

“Sige na, umuwi na tayo.” natutulalang wika ni Emil.

Hindi na napansin ni Emil na napangiti lang si Ken sa naging reaksyon niya sa ginawa nito.

‘Hindi ko alam Emil, pero pakiramdam ko iba ka sa lahat!” lahad ni Ken saka pinatakbong muli ang kanyang sasakyan.

Sina Benz at Vaughn naman ang ating pakinggan –

Nakaupo sila ngayon sa gilid ng pool, nakasawsaw ang mga paa nila sa tubig ay ang hanging banayad na dumadampi sa kanilang balat. Ang matimyas na ugong ng mga puno sa pagsasayaw nito sa hangin at lagaslas ng tubig ang mga tanging bagay na kanilang naririnig.

“Alam mo Benz” sambit ni Vaughn “isa lang ang kinatatakutan ko na mangyari.” tila lumungkot na saad ni Vaughn.

“Ano na naman iyon?” nag-aalalang tugon ni Benz.

“Na magkahiwalay tayo balang araw!” saad ni Vaughn.

“Hindi mangyayari iyon, lalo na pag matindi ang kapit natin sa isa’t-isa at sa pagmamahal natin para sa isa’t-isa. Hindi din mangyayari iyon, lalo na at magbibigay tayo ng tiwala at katapatan. Hindi din iyon mangyayari kung maaalagaan natin ang isa’t-isa.” pangangalma ni Benz dito.

“Hindi lang iyon Benz!” tila tutol ni Vaughn. “Ako sigurado ako sa ganyang bagay at sigurado ako sa laman ng puso ko.” saad pa niya. “Ang mag kinatatakutan ko ay papaano na lang kung paglayuin tayo ng mga magulang natin? Paano na lang kung ang lipunan natin ang magpumilit na paglayuin tayo?” puno ng pangambang sagot pa ni Vaughn.

“Aysus!” napangiting tugon ni Benz. “Futuristic kaagad.” dugtong pa nito. “Alam mo, normal na iyon para sa pamilya natin kasi nga ang gusto nila ay ang kung ano ang sa tingin nila ang makakabuti para sa atin. Hindi natin sila masisisi kung sa una ay paglayuin nila tayo dahil sa tingin nila, base sa kinalakihan nilang pamantayan at paniniwala ay hindi tama ang pagmamahalan natin, pero para saan ba at pwede naman nating patunayan sa kanilang mali iyon, na wala naman talagang masama kung magmahalan tayo. Natatakot din sila para sa atin, natatakot din sila na baka kung ano ang danasin natin, pero tandaan mo, balang araw matatangap din nila tayo at higit pa ay dapat malakas ang kapit natin sa isa’t-isa, huwag tayong bibitiw sa pagmamahal na nasa puso natn.” sagot ulit ni Benz.

“Pero paano naman ang lipunan natin?” tanong pa ni Vaughn.

“Ikaw talaga, masyado mo ng pinoproblema iyan! Hindi nga ba’t ikaw ang nagbukas ng paniniwala kong ito, ikaw ang nagbigay sa akin ng ganitong mga kaisipan. Bakit ikaw pa ang mas natatakot ngayon?” pabirong usal ni Benz.

“Iba pala talaga pag ikaw na ang nasa ganitong kalagayan. Dati kasi madaling magsalita kasi hindi ko pa nararanasan.” sagot naman ni Vaughn.

“Ikaw talaga!” turan ni Benz saka pinisil ang pisngi ni Vaughn.

“Subukan natin ang lahat ng paraan para matanggap nila tayo at kung hindi tayo matatanggap ng lipunan, lumayo tayo sa kanila, iwanan natin sila. Kung hindi nila tayo kayang yakapin, hayaan mo sila! Hindi naman natin kawalan iyon, sila ang may kawalan dahil pinalagpas nila ang isang pagkakataon para sa atin.” makahulugang sagot ni Benz. “Bakit ka matatakot? Mas mahalaga na kasama natin ang ating pamilya at may matinding kapit sa salitang pagmamahal.” tila pagwawakas ni Benz saka ginawaran ng halik si Vaughn sa noo.

“Kaya wala ka ng dahilan pa para matakot.” pagpapakalma ni Benz sa nararamdaman ni Vaughn.

Labis na kaginhawahan ang mayroon ngayon si Vaughn dahil sigurado siyang hanggan’t may pagmamahal, kay nilang lagpasan ang lahat ng mga bagay.

Samantalang si Ken at Emil naman ay sa wakas nakarating na sa Bulacan at sa bahay nila Emil.

“Sige na!” saad ni Emil saka aktong bubuksan ang pinto. “Huwag ka ng bumaba at umuwi ka na!” pag-uutos pa nito.

“Sandali lang!” pag-awat ni Ken saka hinawakan sa kamay si Emil.

“Bakit?” nakramdam nang kabang tugon ni Emil.

“Mag-iingat ka!” buong sinseridad at pag-aalalang sagot ni Ken. “Hindi na kita kasama kaya hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa’yo. Hindi mo na ako kasama kaya hindi na kita maipagtatanggol.” may kalungklutan subalit puno ng pag-aalalang saad pa ni Ken.

Napangiti na lang si Emil sa sinabing ito ni Ken. sa kalooban niya ay labis na pagsasaya dahil sa nabatid na pag-aalala sa kanya ng binata.

“Mas ikaw nga ang dapat mag-ingat!” sabi naman ni Emil. “Kasi ikaw bibyahe ka pa, ako nasa bahay na!” masuyo pa niyang turan. “Gusto mo dito ka na lang matulog?” anyaya pa ni Emil.

Napangiti naman si Ken sa imbitasyong iyon ni Emil, ngunit agad ding napawi dahil –

“Gusto ko sana, kaya lang may lakad pa ako mamaya.” malungkot na sagot ni Ken.

“Basta, lagi mo akong itetext at itext mo ako pag nasa bahay ka na!” tila pag-uutos pa ni Emil.

“Sabi ng Emil ko eh!” malambing na tugon ni Ken.

“Ayan na naman! Emil ko ka d’yan!” saad ni Emil bago bumaba.

Ilang sandali pa at nakaalis na ang kotse ni Ken. Papasok na sa loob ng bahay si Emil nang –

“Emil!” tawag ni Vince mula sa pintuan nila.

“Anong ginagawa mo d’yan?” tanong ni Emil dito.

“Hinihintay ka!” sagot nito. “Masama ba?” dugtong pa ng binata.

“Ayos ah!” saad pa ni Emil. “Salamt sa paghihintay!”

“Sino ang naghatid sa’yo pauwi?” tila galit na tanong pa ni Vince.

“Si Ken!” may ngiting sagot ni Emil.

“Bakit ang tagal mo bago bumaba?” madiin tanong pa ni Vince.

“May pinag-usapan lang kami.” sagot pa ni Emil.

“Hindi ba sapat ang mahabang biyahe ninyo para mag-usap kayo?” sarkastikong tanong ni Vince dito.

“Aba Vince!” tila may pagka-inis na sa boses ni Emil dahil sa usisa na iyon ni Vince.

“Matulog ka na!” tila may paumanhin na sa tinig na iyon ni Vince.

Nilapitan naman ni Emil si Vince at niyakap.

“Salamat po!” saad ni Emil saka pumasok na sa kanyang silid.

Natuwa si Vince sa ginawang iyon ni Emil. Hindi niya inaasahan na yayakapin siya ng taong iniibig. Selos man siya kay Ken subalit mas nanaig ang tuwa at ligaya niya sa pamamagitan ng mainit na yakap na iyon ni Emil.

“Emil! Hihintayin kita hanggang sa kabilang buhay!” saad ni Vince sa sarili.


[18]
Vince versus Ken

Hinintay pa ni Emil nag text ni Ken na nakauwi na ito sa kanila bago natulog ang scriptwriter. Hindi na din nakakapagtaka kung bakit tanghali na itong nagising dahil sa bukod sa puyat ay pagod din ito sa trabaho at sa party ng kanyang Kuya Benz para sa tagumpay ng LD. Matapos makapagdasal ay sinunod niyang tingnan ang kanyang cellphone at pagkakakita ay may 7missed calls at 20 text messages na pawang galing sa iisang tao. Sapat nang malaman na naalala siya ni Ken para maging maganda ang umaga niya.

“Emil!” simulang bati ni Jona kay Emil paglabas nito sa silid. “Mainam at gising ka na. aayain ka sana naming maglibot-libot muna.” aya pa ng dalaga dito.

“Bukas na lang!” tangi ni Emil sa anyaya ni Jona.

“Naman eh! Minsan ka na nga lang makita dito sa atin tapos tatanggi ka pa!” reklamo ni Jona sa kababata.

“Anong ako ang madalas wala? Ikaw kaya ang ngayon lang umwi!” sambit naman ni Emil na pagtutol sa tinuran nito.

“Sige na naman!” pakiusap pa ni Jona. “Promise magiging masaya ‘to.” habol pa ng dalaga.

“Oh, siya!” sabi ni Emil. “Basta ba magiging masaya tayo.” saad pa nito. “Saan ba tayo maglilikot?” tanong pa ni Emil.

“Sa bukid lang saka sa patubig hanggang sa ilog kung aabot tayo.” sumayang pagsagot ni Jona.

“Anong oras naman?” tanong ulit ni Emil.

“Basta pupuntahan ka naming dito.” sagot ni Jona. “Saka wag kang mag-alala, madaming dalang pagkain kaya hindi ka magugutom.” habol pa ng dalaga na may halong tawa.

“Loka! Hindi na ako matakaw ngayon!” saad ni Emil.

“Basta susunduin ka naming!” wika pa ulit ni Jonas aka tuluyang tumakbo palayo na animo’y isang bata.

Natuloy nga ang lakad na iyon kinahapunan. Kasama nila ang buong barkada, kasama siyempre sina Vince, Jona at si Vanessa naman ay nakisabit pa.

“Tagal na din nating hindi nakakapamasyal ng ganito no?!” simula ni Jona ng usapan.

“High school pa ung pinakahuli natin!” sang-ayon ni Emil.

“Buti na lang talaga at naisipan ni Vince na mag-aya dito!” nakangiting sambit ni Jona.

“Talaga?!” hindi makapaniwalang bulalas ni Emil. “Si Vince ang nakaisip mag-aya? Mirakulo!” manghang saad pa ni Emil.

Waring nahiya naman si Vince sa naging reaksyon na iyon ni Emil.

“Bakit? Anong masama kung nag-aya?” sarkastikong saad ni Vince.

“Wala!” tugon ni Emil. “Nagulat lang akpo kasi hindi ba’t dati-rati ay napakahirap mong pilitin para lang sumama kang maggala-gala!” tila pagbabalik-tanaw ni Emil sa nakaraan.

“Tama!” sang-ayon ni Jona. “At kung hindi ka pa pilitin ng husto ay hindi ka sasama!” kasunod nito ay matipid na ngiti.

“Past is past! Dati ‘yun kaya kalimutan na!” giit ni Vince.

“Past is past nga pero it will always be remembered!” kontra ni Emil sa sinabing iyon ni Vince.

“Hala!” awat ni Jona. “Away na’to!” kasunod ang mga tawa.

“Ganyang-ganyan kayo dati!” singit ni Vanessa. “Kung hindi pa magagalit si Kuya Emil o kaya magtatampu-tampuhan hindi sasama si Kuya Vince.” nakangiti pa nitong saad.

“Kasi naman mahal na mahal ng Kuya Vince mo ang Kuya Emil mo kaya ganun!” sagot naman ni Jona.

“Mahal ka d’yan!” tugon ni Emil. “Mahal na mahal asarin!” tutol pa ni Emil saka tumulis ang nguso.

“Tigil na!” awat ulit ni Jona ng makitang sasagot pa si Vince.

Ilang sandali pa at –

“Dito na lang muna tayo!” aya ni Jona sa mga kasamahan.

“Oo nga, nakakapagod ng maglakad!” sang-ayon ni Emil.

“Kasi!” sisi ni Vince sa dalawa. “Ang tagal na ninyong hindi nakakapag-exercise kaya pagod na kayo agad!” asar pa nito sa dalawa.

“Exercise ka d’yan!” wika ni Jonas aka umupo sa may batuhan.

“Hindi ninyo ako gayahin!” turan ni Vince saka nag-flex ng muscles niya. “Laking exercise ‘to!”

“Isa lang ang masasabi ko sa’yo Vince!” saad naman ni Emil. “Tinatangay na kami ng hangin mo!” kasunod nang malutong na tawa na sinabayan pa ng iba at pinagsimulan ng kantyawan.

“Emil!” mahinang tawag ni Jona kay Emil habang nagkakasayahan ang lahat.

“Bakit jona?” tanong naman ni Emil.

“May sasabihin lang sana ako sa’yo kaso medyo personal.” nakikiusap na turan ni Jona.

“Sige!” ayon ni Emil. “Duon tayo!” sabi pa nito saka itinuro ang isang puno.

“I don’t know if I am doing the right thing or am I in the right track.” simula pa ni Jona. “Pero Emil may ipapakiusap lang ako sa’yo.” saad pa ng dalaga saka hinawakan si Emil sa kamay na tila ba ay napakalaking bagay ng ipapakiusap nito.

“Kinakabahan naman ako n’yan!” nasambit ni Emil. “Ngayon lang kita nakitang ganyan ka!” wika pa nito.

“It’s about you and Vince.” simula ng dalaga. “Please Emil! Mahal na mahal ka ni Vince!”

“Ayoko ng ganyang usapan!” pagtutol ni Emil sa magiging takbo ng usapan nila. “Tara na nga, bumalik na tayo sa duon.” wika pa ni Emil na labis na pagkabalisa ang nadarama. Hindi niya inaasahan ang ganuong pahayag mula kay Jona at ayaw niyang isiping nagpapakatulay siya sa pagitan nila ni Vince.

“Emil! Please naman!” pakiusap ulit ni Jona dito.

Nakaramdam ng awa si Emil para sa kaibigan. “So, what do you want me to do?” tanong naman ni Emil para pakalmahin si Jona.

“Alam ko namang mahal mo din si Vince, huwag mo nang pahirapan pa ang tao. Nakikiusap ako sa’yo, huwag mo ng pahirapan pa si Vince.” pakiusap pa ni Jona.

Nakuha na ni Emil ang nais ipabatid ni Jona sa kanya.

“Tell me Jona!” sambit ni Emil. “Bakit mo ginagawa ‘to?” tanong pa ni Emil.

“Sorry friend, ayaw ko lang kasing nakikitang nahihirapan si Vince.” nagpipigil sa pagluha ni Jona.

“Jona! Kilala na kita, at isa lang ang masasabi ko sa’yo!” saad ni Emil. “Mahal mo si Vince kaya mo ginagawa ‘to. Don’t deny it!”

“Naaawa lang talaga ako sa kanya at sa’yo!” pagtatakip ni Jona sa tunay niyang nararamdaman.

“Umamin ka sa’kin!” madiing wika ni Emil saka tumingin sa mga mata ni Jona. “Mahal mo pa si Vince?” tanong ni Emil.

Hindi na kayang magsinungaling pa ni Emil sa kaibigan kaya naman tango lang ang naisagot niya dala na din ng hindi mailarawang emosyon na gumugulo sa kanya.

“Bakit mo ginagawa ‘to?” tanong pa ni Emil.

“Gusto ko lang na makita si Vince na masaya!” sagot ni Jona. “Masaya sa taong mahal niya.”

“Masaya sa taong mahal niya habang nagdudusa ka?” tanong pa ni Emil.

Tumango si Jona bago muling nagsalita – “Kung talagang mahal mo ang isang tao, dapat alam mo din kung papano siya liligaya. Sa kung papaanong paraan mo siya mapapasaya at sa kung sino ba ang magpapaligaya sa kanya. Kung tunay na pagmamahal man ang nadarama mo handa kang nagsakripisyo.” paliwanag ni Jona.

“Alam mo Jona! Mahirap turuan ang puso na magmahalng iba lalo pa at nasa tabi mo lang ang tunay na laman nito.” saad ni Emil.

“Huh?!” naguguluhang reaksyon ni Jona.

“What I mean is, sa tingin ko imposibleng mahalin ko si Vince ng higit sa kapatid, dahil hanggang duon lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Isa pa, parang kawawa naman siya kung siya ang pipiliin ko, pero iba ang tunay na laman ng puso ko. Unfair iyon para sa kanya, hindi din siya magiging masaya, nakuha man niya ako, pero nahihirapan akong mahalin siya. Ang puso ba natuturuan? Awayin na ninyo ako, pero para sa’kin hindi! Kasi ang pagmamahal, hindi iyan pinag-aaralan, para yang isang kidlat na kung saan-saan tatama ng hindi mo alam, akala lang natin natuturuan kasi nadadala tayo ng sitwasyon but to analyze things, it is the paralysis of what is not and the activity of what it ought to be.”

“Kahangalan ang sobrang pagsasakripisyo na tipong ‘til death do your sacrifice!” saad pa ni Emil. “Every human deserves to be happy. Enjoy life! Sacrifice, yes it is part of the process, pero ang mas matinding tama sa’yo niyan ay regret! Regret na may oras ka na para umeksena, pinawalan mo pa!” paliwanag pa ni Emil. “I believe na mahal na mahal mo si Vince, yun nga lang nabubulagan lang siya sa pagmamahal niya sa akin! Siguro mahal nga niya ako, pero bilang kaibigan o kapatid pala.” tila pagpapagana ni Emil sa mga out of this human existence siyang ideya. “Why not grab this chance para mahalin ka niya ulit? Hind naman masama maging opurtunista, basta nasa tama ka ang you are not hurting anyone!” dugtong pa ng binatang scriptwriter.

“Alam mo, hindi naman ako notepad o kaya ay rough draft mo!” tila nakadama ng kagaanan ng loob at kaginhawahan si Jonas a sinabing iyon ni Emil. “Can you please make it simple! Para ka kasing nagsusulat sa journal mo na ikaw lang ang nakakaintindi ng sinasabi mo o kaya ay gumagawa ng script o kwento.” nakataas ang kilay ngunit pabirong turan pa nito.

“Hindi bagay sa’yo!” wika ni Emil. “Magtigil ka na nga sa drama mo!” saad pa nito.

“Saan na ba kayo nakarating?” usisa ni Vince pagkalapit sa kanila.

“Wala ka na dun!” banat ni Emil.

“Talagang wala na ako dun kasi nandito na ako!” ganti naman ni Vince.

“Loko! Mamilosopo daw ba?!” wika ni Emil saka binatukan si Vince at biglang takbo.

“Akala mo hahabulin kita ah!” sigaw ni Vince. “Madapa ka sana!” sigaw pa nito.

“Lumakad na nga tayo!” aya naman ni Jona sa mga kasamahan.

“Sige at baka hindi na tayo makarating sa ilog.” sang-ayon naman ni Emil.

Ilang lakad pa at hakbang ay narating na nila ang dulo ng kanilang nais puntahan. Ang ilog –

“I miss this place!” sigaw ni Emil.

“Sinong bang hindi?” sang-ayon ng iba pa nilang kasama.

“Emil!”tawag ni Vince kay Emil.

“Bakit Vince?” tanong naman ni Emil dito.

“Pwede ba tayong mag-usap?” sabi ni Vince. “Iyong tayong dalawa lang!” habol pa nito.

“Sige ba!” sagot ni Emil.

Sa may gilid nang ilog sila lumugar, naupo sa mga batuhan habang ang kanilang mga paa ay nakasawsaw sa malinis na tubig ng ilog na iyon.

“Ano un?” tanong na ulit ni Emil.

“Tungkol sa sinabi ko sa’yo nung nakaraang gabi!” simula ni Vince. “I really mean it!” saad pa nito.

Humugot muna ng isang malalim na buntong-hingnga si Emil bago muling nagsalita.

“You deserve someone better!” saad ni Emil. “Nasa tabi-tabi lang iyon, naghihintay na ibukas mo ang mga mata mo para sa ibang bagong perspektiba ng buhay!” sambit pa nito habang nakatingin kay Jona na nagtatampisaw naman sa dagat.

“Pero” tutol naman ni Vince.

“Hindi ko kayang dalin sa ibang level ang pagmamahal ko para sa’yo. Mahal kita bilang kapatid at bilang kuya ko!” saad pa ni Emil. “Nagpapasalamat nga ako kasi sa haba ng panahon nating magkasama, lagi kang nandiyan para sa akin, para ipagtanggol ako at para maging kuya ko.” pasasalamat pa ni Emil.

“Wala na ba talagang pag-asa?” malungkot na tanong ni Vince dito.

“Isang matipid na ngiti lang ang tugon dito ni Emil.

“Okay!” tanging nasabi ni Vince saka tumayo. “Pero hindi ibig sabihin nito na sumusuko na ako!” saad pa ni Vince na pilit pinapasigla ang sarili.

“Mahirap lokohin ang sarili Vince!” biglang nasabi ni Emil. “Hindi mo lang siguro napapansin na may ibang taon d’yan sa paligid mo ang tunay na nagmamahal sa’yo at tunay mong mahal! Hindi mo lang mapansin kasi naguguluhan ka pa sa nararamdaman mo para sa akin!” wika pa nito.

“Okay na nga ako di’ba?” sagot ni Vince saka humakbang palayo kay Emil.

Pinipilit pigilin ni Vince ang mga luha sa pagpatak. Sa katotohanan lang ay labis siyang nasaktan sa mga narinig niya mula kay Emil. Hindi niya kayang tanggapin na hindi siya kayang mahalin nito nang higit sa pagiging kapatid. Hindi kaya ng kalooban niya ang kalungkutan.

“Guys!” saad ni Vince pagkabalik sa umupukan. “Mauna na akong umuwi! May gagawin pa pala ako!” paliwanag ni Vince saka biglang tumakbo palayo.

“Hoy Vince! Ang daya mo talaga!” sigaw ng isa nilang kabarkada.

“Vince! Hindi ko naman alam na minamahal mo pala ako! Alam ko, naguguluhan ka lang pero maliliwanagan ka din!” saad ni Emil sa sarili.

Hindi na nga sila nagtagal at nagpasya na ding umuwi. Masaya ang lahat maliban kina Vince at Emil. Hindi nakatulog si Emil nang gabing iyon dahil sa pag-aalala niya sa kinakapatid. Hindi naman niya sinasadyang masaktan ito at higit pa ay hindi naman niya ginusto ang naging sitwasyon nila. Sapat na para pawiin ang kung anumang kalungkutang mayroon siya ay mga text ni Ken sa kanya.

Kinabukasan –

“Nay maaga po akong aalis ngayon!” paalam ni Emil sa ina.

“Sige hijo!” saad naman ni Aling Choleng. “May lakad din nga pala kami ng Kuya Benz mo!” habol pa ng matanda.

“At saan naman kayo pupunta ha nanay?” tanong ni Emil sa ina. “Kayo ah, maglalamyerda kayo noh!” pabirong banat ni Emil sa ina.

“Hindi!” tanggi naman ni Aling Choleng. “Isasama lang daw niya ako sa bahay ng kaibigan niya.” paliwanag ni Aling Choleng.

“Sinong kaibigan?” biglang napaisip si Emil sa kung sinong kaibigan ang tinutukoy na iyon.

“Mamayang hapon pa kami aalis kaya naman magluluto na muna ako ng hapunan mo.” sabi pa ng matanda.

“Naku nay! Makikikain na lang ako kila ninong ng hapunan!” tutol naman ni Emil.

“Ipagluluto na kita! Huwag ka ng tumanggi!” pamimilit ni Aling Choleng.

“Hay naku nay! Bahala nga kayo.” masayang tugon ni Emil saka tumingin sa relos nila sa dingding. “Late na ako nito!” wika ni Emil saka nagmamadaling pumunta ng batalan para maligo at mabilis na nagbihis at agad na umalis.

“Good Morning Emil!” bati ni Ken pagdating ni Emil sa usapang lugar.

“Sorry late na naman ako!” paumanhin ni Emil dito.

“Ayos lang!” saad pa ni Ken. “Sabi kasi sa’yo susunduin na kita sa inyo.”

“Start na tayo!” saad ni Emil.

“Hindi man lang kakamustahin kung ano ba nangyari sa lakad ko kahapon?” may pagtatampo sa tinig ni Ken.

“Asus!” biglang sagot ni Emil. “Naikwento mo na lahat sa text!” nakangiting habol pa nito.

“Basta, iba pa din iyong personal na pag-uusapan!” pilit ni Ken.

“Naku naman oh!” reklamo ni Emil. “Kukulitin pa ako!” sabay ang pagkunot ng noo.

“Ito naman!” sagot ni Ken. “Binibiro ka lang naman! Alam mo namang tiklop ako sa’yo!” dagdag pa nito.

“Tiklupin mo mukha mo!” banat ni Emil.

“Sorry hindi nafofold ang gwapo kong mukha.” ganting biro ni Ken.

“Magkapatid nga kayo ni Vince!” saad ni Emil. “Pareho kayong mayabang na pilosopong wala sa lugar!”

“Tara na nga!” aya ni Ken saka hinawakan sa kamay si Emil.

“Saan na naman ba tayo pupunta?” tanong ni Emil dito.

“Kahit saan basta kasama ka!” sagot ni Ken na may pilyong ngiti.

“Ewan ko sa’yo!” masayang tugon ni Emil.

Pagkasakay nga ng kotse ay agad na inistart ni Ken ang makina at pinaharurot na ito.

“Pwedeng mag-request?” tanong ni Emil na walang kahiya-hiyang nararamdaman.

“Hindi!” sagot ni Emil.

“Hahalikan kita ulit sige ka!” pananakot pa ni Ken subalit gusto naman niyang iyon nga ang mangyari.

“Hindi mo na ako matatakot!” sagot naman ni Emil.

“Sige na!” pamimilit naman ni Ken na biglang lumambing sa binatang writer.

“Hindi pwede! Ayoko! Tapos!” turan ni Emil.

“Ah ganun pala!” wika ni Ken saka biglang inihinto ang sasakyan.

Tulad nang nangyari nung nakaraang gabi ay hinawakan ni Ken si Emil sa dalawang pisngi at kanyang inilpait ang mukha sa mukha nito at nasa katong hahalikan. Walang kakaba-kabang gagawin iyon ni Ken lalo pa at sa pakiramdam niya ay nawili na siyang angkinin ang mga labi ng binatang sinisinta at lalo niyang kinasasabikan at ang pagdating ng oras na pormal nang magiging sila.

Muling naging mabilis ang tibok ng puso ni Emil. Kahit na nga ba sabihin na magiging pangatlong beses nang maaangkin ni Ken ang kanyang mga labi ay waring sa pakiramdam niya ay unang beses pa lang itong mahahalikan. Hindi siya sigurado, pero sa tingin niya ay may relasyon na sila ni Ken, hindi lang relasyon bilang magkatrabaho o magkaibigan, sa tingin niya ay mas malalim pa duon. MU kumbaga, mula sa Malabong Usapan, patungong Magulong Unawaan, hanggang sa Maharot na Usisaan at ang ending ay hiwalayan o magiging sila nang pormal.

Biglang iwas ang ginawa ni Emil, hindi dahil sa ayaw niya o nakakaramdam pa siya ng hiya, bagkus ay natatakot siyang mapunta sa wala ang kung anumang relasyong hahantyngan nila. Para sa kanya ay mas pinili niyang umiwas na lang at ng sa ganuon ay maingatan ang lahat ng bagay na mahahalaga sa kanila kung sakaling duon na nga humantong ang lahat.

“Sige na nga!” wika ni Emil. “Ano ba iyong request mo?” tanong pa nito sabay iwas ng tingin kay Ken at layo sa mukha ng binatang aktor. Ngayon lang niya naramdaman ang hiya para sa binata at hindi pa niya kayang makiharap dito ng maayos.

Kita naman ang pagkadismaya ni Ken sa ginawang pag-iwas na iyon ni Emil. Naudlot na ang sana’y mapagbibigyang kahilingan.

“Pakiss naman ako!” walang prenong turan ni Ken.

“Ano?” nakakabiglang reaksyon ni Emil.

“Joke lang iyon.” bawi ni Ken sa unang sinabi kahit na nga ba sa totohanan ay iyon talaga ang nais niyang hilingin dito. “Kanta ka naman oh!” sagot ni Ken na bagamat nanghihinayang ay pinilit niyang umarte na tila walang nangyari na kahit ano.

“Sus! Iyon lang pala eh!” sagot pa ni Emil. “Anong kanta ba?” tanong pa nito.

“Paru-parong Bukid saka Magtanim ay Di Biro.” pagpapagaan ni Ken sa usapan nilang dalawa.

“Patawa ka no!” may pilit at nakaka-asar na tawang sinabi ni Emil. “Ano nga? Iyong tunay!” sabi pa nito.

“I wanna grow old with you Emil!” sabi ni Ken dito.

“Sa Westlife ‘yun di ba?” paninigurado pa ni Emil dito.

“Seriously, I wanna grow old with you Emil.” sambit ulit ni Ken.

“Kaya nga! Ung sa Westlife nga!” pilit ni Emil.

“I mean” saad pa ni Ken saka tumingin kay Emil at hinawakan ito sa mga kamay. “I wanna grow old with you Emil!” buong sinseridad at pagsuyong sinambit ni Ken.

Bagamat musika ito para kay Emil ay nakaramdam naman siya ng takot para sa kung anung bagay na sa simula’t-sapul ay kinatatakutan na niyang mangyari. Biglang nagbago ang timpla ni Emil at bumakas sa mukha nito ang matinding kalungkutang nadarama.

“Bakit ka biglang nalungkot?” buong pag-aalalang tanong ni Ken kay Emil.

“Wala!” maang na sagot ni Emil.

“Joke lang ‘yun! Dapat nga masaya ka kasi nagpapatawa ako!” pagtatakip pa ni Ken.

“Iyon na lang ang kakantahin ko ah.” saad ni Emil.

“Sige! Basta gandahan mo!” tugon naman ni Ken.

Sinimulan na nga ni Emil ang pagkanta –

Another day

Without your smile

Another day just passes by

But now I know

How much it means

For you to stay

Right here with me

The time we spent apart will make our love grow stronger

But it hurt so bad I can't take it any longer

I wanna grow old with you

I wanna die lying in your arms

I wanna grow old with you

I wanna be looking in your eyes

I wanna be there for you

Sharing everything you do

I wanna grow old with you

A thousand miles between us now

It causes me to wonder how

Our love tonight remains so strong

It makes our risk right all along

The time we spent apart will make our love grow stronger

But it hurt so bad I can't take it any longer

I wanna grow old with you

I wanna die lying in your arms

I wanna grow old with you

I wanna be looking in your eyes

I wanna be there for you

Sharing everything you do

I wanna grow old with you

Things can come and go I know but

Baby I believe

Something's burning strong between us

Makes it clear to me

I wanna grow old with you

I wanna die lying in your arms

I wanna grow old with you

I wanna be looking in your eyes

I wanna be there for you

Sharing everything you do

I wanna grow old with you

Pakiramdam ni Ken ay para siyang hinaharana ni Emil ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa labis na kasiyahan sa isiping si Emil ang kasama niya pagtanda.

Habang kumakanta ay buong puso niya inawit ito para kay Ken. sa katotohanan ay ito talaga ang nais niyang mangyari, ang makasama si Ken hanggang sa kabilang buhay pa. Ngunit, dala ng takot at pangamba ay pinipilit na niyang kalimutan at inuumpisahang ibaon. Subalit sadyang ang puso ay tila isang mabangis na leon na magwawala at nanunugod at pilit na kakawala sa anumang oras.

Matapos makakanta ay naging tahimik na muli ang pagitan ng dalawa. Hindi na nakuha pa ni Ken na magsalita dahil may epekto pa din siya nang kalutangan dahil sa kantang iyon ni Emil.

“Nandito na tayo!” pagbabalita ni Ken.

Nagprisinta na si Ken na siya ang magbubukas ng pinto ng kotse para kay Emil at inalalayan pa niya ito hanggang sa makababa.

Pamilyar ang lugar kay Emil. Sa wari niya ay naging bahagi iyon ng kanyangn nakaraan. Iyon nga lang ay medyo Malabo pa sa kanya ang bawat detalye, ngunit isa lang ang sigurado niya, nasa Bulacan sila at kung tama ang hinala niya ay nasa Pulilan sila – ang lugar kung saan unang umusbong ang pag-ibig sa puso niya at ang lugar na puno ng alaala ng kanyang kamusmusan at ang lugar na puno ng bakas nang samahan nila ni Ken.

“Ken! Ano ba talaga ang takbo ng utak mo?” katanungan ni Emil sa isipan para kay Ken.

“Welcome sa bahay namin!” wika ni Ken pagkabukas niya ng pintuan.

Natatakpan ng mga puting tela ang lahat ng kasangkapan sa loob, ang mga upuan, ang mga muwebles, mga lamesa, ang mg decoration. Makikita mo ding matagal ng hindi nagagamit ang bahay na iyon at walang nakatira sa loob ng mahabang panahon. Puno ng alikabok at sapot ng gagamba at sa wari niya ay may mga multo na din duon.

Kung sa labas ay nakakamangha na dahil sa malawak na hardin na kitang naaalagaan ang iba’t-ibang halamang namumulaklak, mas nakakamangha ang loob niyon. Ang bahay na sinauna pa ang pagkakayari, ang bintana ay gawa sa capiz, ang sahig na gawa sa kahoy at may silong, mga eleganteng chandelier nabagamat natatakpan ng tela at alikabok ay makikita pa din ang kagandahan, ang mataas na kisame at ang istruktura nitong taltong-palapag.

Naaalala na ni Emil, alam na niya kung nasaang lugar siya at ang lugar na ito ay may bakas ng kanyang kahapon.

“Ken, saan ba tayo pupunta talaga ah?” tanong ni Bien kay Ken na naka-angkas sa bisikleta nito.

“Basta!” sagot ni Ken dito. “Hintayin mo na lang kung saan tayo hihinto.” saad pa ng batang si Ken.

“Malayo na tayo sa bahay namin, nakaka-dalawang kanto na din tayo.” waring pagkukwento pa ni Bien. “Saan ba talaga tayo pupunta?” pilit na tanong ni Bien.

Maya-maya pa ay biglang inihinto ni Ken ang bisikleta at –

“Nandito na tayo!” sambit ni Ken.

“Wow!” masayang reaksyon ni Bien. “Ang ganda! Pero ano naman ba ang ginagawa natin dito?” tanong pa ni Bien.

“Dito ako nakatira at ipapakilala kita sa mama at papa ko!” masayang pagbabalita ni Ken.

“Mayaman pala kayo Ken! Ang laki-laki ng bahay ninyo, sana ganyan din ang bahay naming.” sambit ni Bien. “Nakakahiya naman sa mama at papa mo. Uuwi na lang ako.” dugtong pa niya.

“Bakit ka naman mahihiya? Ako nga lagi akong nasa inyo di ba? tugon naman ni Ken na patanong.

“Basta nakakahiya pa rin!” si Bien naman.

“Ano ka ba!” awat ni Ken saka inalalayan si Bien papasok sa gate nila.

“Hoy Emil!” pagsira ni Ken sa pag-alaala ni Emil sa nakaraan. “Lutang ka na naman!” saad pa ng binata.

“May naalala lang ako!” sagot naman ni Emil.

“Start na tayo para maipasyal pa kita dito!” saad pa ni Ken.

“Sige ba!” sagot naman ni Emil.

“Duon na lang tayo sa labas, masyadong maalikabok dito.” suhestiyon naman ni Ken. “Salamat na lang sa kapit-bahay naming at inaalagaan pa ang mga halaman dito.” dugtong pa ni Ken.

“Kahit saan, basta masasagot mo lahat ng tanong ko!” wika ni Emil saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.

“Sandali lang!” saad ni Ken pagkaupo nila sa may terrace ng kanilang lumang bahay. “May tumatawag!” sabi pa nito saka tumayo at sinagot ang tawag.

Naiwan si Emil mag-isa at muling bumalik sa gunita niya ang nakaraan.

“Ken, ang ganda talaga ng bahay niyo at ang bait pa ng mama at papa mo!” bati ni Bien kay Ken habang pababa sila ng hagdan.

“Sabi ni Papa ako daw ang magmamana nito eh!” turan naman ni Ken.

“Swerte mo naman!” tila may inggit sa tinig ni Emil. “Mababait na ang magulang mo tapos may bahay ka pa ng malaki! Hindi katulad ko!” lumungkot sa saad ni Bien.

“Huwag kang mag-alala Bien!” wika naman ni Ken saka hinawakan sa dalawang kamay si Bien at tinitigan sa mga mata nito. “Magiging sa’yo din ang bahay na’to!” wika pa ni Ken saka nagbigay ng isang matamis na ngiti.

“Hah!?” nagtatakang usal ni Bien.

“Basta! Magiging sa’yo din ito!” wika naman ulit ni Ken na pinapatigil na sa pagtatanong pa si Bien.

“Sabi mo eh!” saad ni Bien saka nagbigay ng isang inosenteng ngiti.

“Lutang ka na naman!” gulat ni Ken kay Emil.

Biglang lingon si Emil kay Ken na may blangkong aura.

“Okay na!” saad pa ni Ken. “Simula na tayo!” wika pa nito.

Nagsimula na nga ang usapan ng dalawa. Kinuhanan din niya ng larawan ang ibang bahagi ng lumang bahay na iyon para maisama gagawin niyang artikulo sa Metro-Cosmo. Hindi naman kahabaan pero sapat na para maikwento na ni Ken ang lahat ng tungkol sa buhay niya at ng kanyang pamilya nuong bata pa siya. Nalungkot naman si Emil dahil hindi man lang nagawang ikwento ni Ken ang tungkol sa naging pagkakaibigan nila. Labis ang sakit na mayroon sa puso niya dahil sa pakiramdam niya ay tuluyan ng kinalimutan ni Ken ang lahat tungkol sa pagkakaibigan nito kay Bien.

Habang pababa ng hagdan ay muling nagsalita si Ken.

“Sa susunod na pupuntahan natin may ikukwento pa ako kaya maghanda ka na ng mga tanong mo!” sabi pa ni Ken.

“Sabi mo eh!” may pilit na ngiting sagot ni Emil.

Biglang huminto si Ken sa may paanan ng hagdan na iyon.

“Bakit?” nagtatakang tanong ni Emil.

“Alam mo bang dito ko ititira ang taong mahal ko.” simula ulit ni Ken.

“Maswerteng nilalang!” may kabang hindi maintindihang saad ni Emil.

“May isang tao akong mahal na mahal. Higit pa sa buhay ko na handa kong ialay ang lahat para sa kanya.” buong katapatang sambit ni Ken.

“Interesting!” utal-utal na wika ni Emil na sa totoo lang ay balak niyang ibahin ang aura ng paligid nila subalit ang kaba niya at pagkabalisa ay siya namang pumipigil sa balaking iyon.

“May isang tao akong pinangakuan na mapapasakanya ang bahay na ito!” nakangiting saad ni Ken saka hinarap si Emil.

Nanatiling tikom ang bibig ni Emil na sa wari niya ay alam na niya kung sino ang binabanggit ni Ken. Hindi niya mawari ngunit sa tingin niya ay nakain na niya ang dila niya at natunaw na ang lalamunan nya.

“Kilala mo ba kung sino?” pinalamlam ni Ken ang mga mata saka itinitig sa mga mata ni Emil.

Walang naging sagot si Emil. Tikom ang kanyang bibig dahil hindi niya alam kung paanong magbibigay reaksyon. Umaasa siyang hindi siya ang tinutukoy na iyon ni Ken. Oo, nuong una ay gusto niyang maging sila ni Ken, na maalala nito ang kabataan nila at ituloy ang naudlot nilang pagmamahalan, ngunit dala ng pangamba at takot ay bigla niya itong tinalikuran at pilit na kakalimutan. Mgulo – magulong-magulo ang tunay na nararamdaman ni Emil.

Hinawakan ni Ken ang mga kamay ni Emil at saka nilakipan muna niya ang pisngi ng isang simpatikong ngiti bago tuluyang nagsalita ng buong katapatan at buong sinseridad.

“Ang taong nasa harap ko!” sambit ni Ken. “Ang taong susulat, sumusulat at sumulat ng kwento ng buhay ko! Ang taong hawak ko ang mga kamay ngayon! Ang taong inaangkin ko at mamahalin habang-buhay!”

Huminga ulit ng malalim si Ken bago ituloy ang nais sabihin.

“Ikaw Bien Emilio Buenviaje-Angeles ang taong gusto kong makasama habang buhay at hanggang kabilang buhay!” nakangiting saad ni Ken saka hinalikan ang mga kamay nila Emil.

“Mahal na mahal kita Bien!” buong sinseridad ulit na sinabi ni Ken na may kalakip na simpatiko at malambing na ngiti.

“Ikaw ang taong dahilang sa pagtibok at pagpintig ng puso ko! Ikaw bestfriend Bien ang dahilan ko sa lahat.” habol pa ni Emil.

Hindi namamalayan ni Emil na unti-unti nang dumadaloy mula sa kanyang mga mata ang mga luha. Masaya siya sa pagmamahal na iyon ni Ken para sa kanya dahil iyon ay isang pangarap niya na nabigyan ng katuparan. Masaya siya dahil naaalala ng binata ang pinagsamahan nila at ang batang pangako nila. Sa kabila ng kasiyahan ay naruon ang pangamba at takot sa puso niya na siyang matimbang na lumalamon sa kaligayahang taglay niya. Ito ang sanhi upang ang wagas niyang pag-ibig at kaligayahan ay mapalitan ng kakaibang sakit, pagkabalisa at kaguluhan sa nararamdaman niya.

“Mahal din kita Ken!” sa wakas ay nakapagsalita na din si Emil. “Kaya lang” biting habol ng binata.

“Kaya lang ano?” tanong ni Ken.

“Kaya lang ayokong masira ang lahat ng dahil sa akin! Ayokong mabalewala ang pinaghirapan mo ng dahil sa akin. Ayokong maging ako ang dahilan ng lahat ng magiging kabiguan at pagdurusa mo. Ayokong ako at ang pagmamahal ko ang maging mitsa para tingnan ka ng iba at hindi sa mabuit mong ginawa. Ayokong maging makasalanan ka sa paningin ng iba dahil sa akin.” paliwanag ni Emil. “Ayokong sa bandang huli sa wala din tayo tutungo. Natatakot akong wala tayong kahahantungan. Natatakot akong nawala pa maging ang pagkakaibigan natin.” buong pusong pagpapahiwatig ni Emil sa takot na mayroon siya.

“Magtiwala ka lang Bien!” madiing sambit ni Ken.

“Sorry Ken!” paumanhin ni Emil saka kumalas sa pagkakahawak ni Ken.

“Hindi Ken! Ayoko sanang isipin na mali ang pagmamahal ko para sa’yo dahil nasasaktan ako, pero iyon ang talagang nararamdaman ko. Kaya Ken please!” sentimyento ni Emil na puno ng sakit at paghihirap.

“Bien ko!” buong kalungkutang nasambit ni Ken. “Anong pagkakaiba sa pagmamahal ko sa’yo, sa pagmamahalan natin kumpara sa pagmamahalan ng iba? tanong pa nito.

“Madami!” sagot ni Emil na patuloy sa pagdaloy ang mga luha sa mata. “Sa sobrang dami ay hindi ko kaya ang sakit kung iisa-isahin ko pa.” dugtong pa ni Emil.

“Mali ka Emil!” madiing wika ni Ken na punong-puna ng kalungkutan an gang mga luha sa mata ay isa-isa nang pumatak. “Sa prinsipyo lang nila tayo nagkaiba, sa batayan lang nila tayo naiba.”

Muling pumailanlang ang katahimikan sa pagitan ng dalawa hanggang sa muling nagsalita si Emil

“I’m really sorry.” buong pusong paumanhin ni Emil sa binata saka pinahid ang mga luha ni Ken sa mga mata at muling nagsalita. “Sa prinsipyo nga na sumusugat at papatay sa nagmamahal na ako at sa nagmamahal na ikaw.” pagwawakas ni Emil saka ito tumakbo palayo kay Ken.

“Bien!” sigaw ni Ken saka hinabol si Emil.

Huli na para maabutan pa niya ang binata. Nakasakay na ito kaagad sa jeep at tila nawalan na din siya ng lakas para sundan ito.

Si Emil, kahit na may ibang taong kasakay sa jeep ay hindi mapigilan ang pagluha dahil sakit na naidulot sa kanya ng biglaang desisyon niyang iyon.

“Patawarin mo ako Ken! Ito lang ang alam kong bagay para sa ikakabuti mo. Makakalimutan mo din ako, at mahahanap mo ang taong nababagay sa’yo. Hindi ako ang para sa’yo at kailanman ay hinding-hindi magiging ako. Magiging komplikado at miserable lang ang buhay mo sa piling ko at higit pa, wala akong tiwala sa mata ng lipunang nakamasid sa atin lalo na sa’yo.” sentimyento ni Emil sa sarili.

Alam na ni Emil kung papaano makakauwi sa kanila. Palibhasa ay laking Pulilan din at pamilyar ang mga daan at sakayan at nagagawi din naman siya sa Pulilan kahit minsanan. Kulang isang oras din ang biniyahe niya para makauwi at sinikpa niyang pasayahin ang aura para hindi maghinala ang mga taong nakaligid sa kanya.

“Emil!” masayang bati ni Jona kay Emil.

“Kamusta na Jona?” may pilit na ngiting tugon ni Emil.

“May problema ka ba friend?” nag-aalalang tanong ni Jona nang mapansing may kakaiba sa presensiya ni Emil.

“Wala ‘to!” maang na sagot ni Emil. “Pagod lang ako, naninibago pa kasi sa bagong trabaho eh!” palusot pa niya.

“Ganun ba?” pagpapanggap ni Jona na naniniwala siya kay Emil. “Basta pag may problema ka, tutulungan kita. Hindi naman yata tama na laging ikaw ang bida pag-payuhan na!” habol pa nito.

“Ikaw talaga!” natawang tugon ni Emil. “Oo, basta ba lagi kang nandiyan!” sabi pa nito.

“Sige friend!” paalam ni Jona saka tuluyang umalis.

Wala ang nanay ni Emil ng dumating siya sa kanila. May pagkain nasa mesa pero sa tantiya niya ay hindi dn siya makakakain kay naman pinasya niyang matulog na lang. Napansin din niyang battery empty ang cellphone niya at hindi na niya pinag-aksayahan pa ng oras para i-charge iyon dahil ayaw niyang mabasa ang mga text ni Ken o kaya naman ay sagutin ang mga tawag nito.

Si Ken naman ay pinilit magpakatatag at pinuno ng pag-asa ang buo niyang kalooban at pilit pinasaya ang puso niyang darating dn ang oras at araw na tatanggapin ni Emil ang pagmamahal niya dito. Higit pa at alam niyang mahal din siya nito. Gagawin niyang lahat para maalis ang lahat ng pangamba at takot ni Emil at papatunayan niyang siya ang karapat-dapat niyang mahalin at ibigin.

Hindi na din niya ito tnext o tinawagan dahil mas gusto niyang makapag-isa muna ang minamahal at huwag na munang bigyan ng alalahanin. Pinaandar ang kotse at nilisan ang luma nilang bahay at bago umuwi ay dinaanan muna si Emil sa bahayat siniguradong nasa mabuti na itong kalagayan.

“Ken!” bati ni Vince sa kapatid. “Bigla kang napadalaw.”

“Nasa bahay na ba si Emil?” puno ng pag-aalalang tugon ni Ken.

“Si Emil!” tila may kurot sa pusong sagot ni Vince. “Hindi ko alam!” sarkastikong sagot nito.

“Please!” pakiusap ni Ken. “Huwag na tayong mag-away kay Emil. Let us be fair with each other. Huwag naman sanang tuwing pag-uusapan si Emil laging aangil ang isa sa atin.” buong pusong pakiusap ni Ken sa kapatid.

Nakuha naman ni Vince ang punto ng kapatid. Hindi nga naman tama na nag-aaway sila dahil kay Emil at lalong hindi iyon magandang tingnan lalo pa at magkapatid sila. “Sorry Ken!”paumanhin ni Vince. “Hindi ko kasi alam kung nakauwi na si Emil.” saad pa nito.

“Please! Paki-check naman kuya!” pakiusap ni Ken.

Naawa si Vince sa kapatid dahil sa tingin nito ay may kung anung naganap sa pagitan ng dalawa kanina. Alam niyang nagkaroon ng tampuhan ang mga ito at kita niya kung gaano ang pag-aalala ni Ken para kay Emil. Walang pagdadalawang-isip na pinuntahan ni Vince sa bahay.

“Natutulog na!” wika ni Vince pagkabaliksa bahay nila.

“Salamat Kuya!” napangiting pasasalamat ni Ken. “Alis na ako!” paalam pa nito.

“Sandali lang Ken!” awat ni Vince sa kapatid.

“Bakit kuya?” tanong ni Ken.

“Ano ba ang nangyari sa inyo ni Emil?” kinakabahan man ay pilit na itinanong ni Vince ito sa kapatid.

Hindi alam ni Ken kung dapat ba siyang magkwento sa kapatid lalo’t higit ay alam niyang may pagtatangi din ito para kay Emil. Hindi din siya sigurado kung dapat ba niyang sabihin lahat o piliin lang ang sasabihin. Gayunpaman ay pinagbigyan niya ang kapatid dahil sa pabor nito sa kanya. Batid niyang malalaman din naman ni Vince ang lahat at mas masasaktan ito kung malalaman niyang may itinago siya sa kanya. Buong kwento, bawat detalye. Lahat ‘yun ay sinabi niya kay Vince.

Sa pakiramdam ni Vince ay para siyang tinutusok sa kaloob-looban niya at at hinihimanting ang kanyang puso, lalo na sa bahaging sinabi din ni Emil na mahal niya si Ken. Alam niyang panahon na para gumawa ng desisyon, mahirap man sa kanya ay dapat na siyang mamili.

“Ingatan mo si Emil!” halos maluhang wika ni Vince sa kapatid.

“Kuya?!” nahihiwagaang tanong ni Ken dito.

“Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko ingatan mo si Emil kung hindi ako ang makakatapat mo!” ulit uli ni Vince na may himig pa ng pagbabanta.

“Kuya!” hindi makapaniwalang nausal ni Ken.

“Ipinapaubaya ko na sa’yo si Emil. Ayokong maging malaking hadlang pa sa inyo. Alam ko na mahal na mahal ka ni Emil at alam ko namang ikaw lang ang makakapagpasaya sa kanya.” sabi pa ni Vince. “Pero huwag kang bibitiw! Naguguluhan lang si Emil sa ngayon. Unang beses siyang papasok sa ganyang bagayat sa isang kumplikadong sitwasyon pa. Pero naniniwala akong matututunan ding harapin ni Emil lahat ng takot niya! Kilala ko si Emil, sa simula lang yan!” pagpapayo pa ni Vince sa kapatid na bagamat puno nang pait at sakit ang puso niya ay alam niyang tama ang ginagawa niya. Ayaw niyang maging makasarili, lalo’t higit madaming tao ang masasaktan niya.

“Salamat Kuya!” maligayang saad ni Ken. “Pangako! Aalagaan ko si Emil!” sabi pa nito.

Isang matamis na ngiti ang sagot ni Vince sa kapatid. Matapos ang pag-uusap na ito ay napagpasyahan ni Ken na umuwi na at magpahinga. Sisimulan na din niya ang plano para makuhang muli ang tiwala ni Emil at makuhang muli si Emil na hindi naman nawala sa kanya.

Sa kabilang bahagi ng Pilipinas –

Nang hapon ngang iyon ay pinuntahan ni Benz si Aling Choleng sa bahay nila. Nanay nang maituturing ni Benz si Aling Choleng at maluwag at buong puso niyang tinatanggap ito maging nang kanyang tunay na nanay.

“Tita Choleng!” tawag ni Benz sa nanay ni Emil.

“Ano ka ba Benz, sabing nanay na lang!” wika pa nito.

“Sorry po nanay!” nakangiting paumanhin ni Benz dito.

“Ayos na ba itong suot ko?” tanong pa ng ginang kay Benz.

“Ayos lang po!” magalang na sagot ni Benz. “Ito po, binili ko na din kayo ng damit! Eto na lang posana ang isuot ninyo.” tila pakiusap pa ni Benz dito.

“Sige! Magpapalit na muna ako ng damit.” sagot naman ni Aling Choleng. “Nasaan na nga pala iyong kaibigan mo?” usisa pa nito.

“Nasa bahay na po nila.” tugon ni Benz., “Sa bahay na po tayo didiretso kasi.” habol pa ng binata.

Matapos makapagpalit ng damit ay agad nang umalis ang dalawa. Binabagtas nila ngayon ang daan na hindi na bago para kay Choleng. Patungo sila sa isang lugar na kilala niya at alam na alam niyang puntahan. Ilang minuto din silang nagbyahe na sa wari niya ay mahigit kalahating oras din. Inihinto ni Benz ang sasakyan sa lugar na kilalang-kilala niya. Isang lugar na puno ng kanyang alaala. Napaluha si Choleng sa mga alaalang ibinibigay sa kanya ng nakaraan at lahat ng saya at sakit ay muli niyang nararamdaman. Nakaramdam ng kaba si Choleng, nanginig ang buo niyang katawan.

“Nay! Nandito na po tayo!” balita ni Benz sa ginang sabay lingon dito.

“Bakit po kayo umiiyak? nag-aalalang tanong ni Benz dito.

“Wala ito!” sagot naman ni Choleng saka pinahid ang luha sa mga mata.

Pinagbuksan ni Benz ng pinto si Choleng. Sa una ay naging mabigat ang mga paa ni Choleng na away niyang bumaba sa kotse subalit dala ng pangako sa bagong anak ay pinilit niya ang sarili na itago ang lahat.

“Goedenavond!” bati ni Vaughn kay Benz.

“Good Evening Vaughn!” balik na bati ni Benz dito. “Meet nanay Choleng!” pakilala ni Benz saka turo kay Aling Choleng na nasa likuran lang niya.

“Pasok po kayo Tita!” anyaya ni Vaughn dito.

“Salamat hijo!” putol-putol na wika ni Choleng.

“Huwag kayong kabahan nanay!” pagpapanatag ni Benz sa nanay-nanayan niya.

Pagpasok sa loob ay sinalubong siya ng mga maids nila Vaughn.

“Upo po muna kayo at tatawagin kolang po sila Mama!” saad pa ni Vaughn.

“Benz anak!” sabi ni Aling Choleng. “Sumama ang pakiramdamko, baka naman pwede na tayong umuwi!” pakiusap nito kay Benz.

“Pasensiya na po nanay!” paumanhin ni Benz dito. “Sige po, papaalam lang po ako kila Vaughn tapos po au babalik na tayo.” sabi pa ng binata.

Ilang sandali pa at bumaba na si Vaughn kasama ang kanyang mama at ang kanyang lola na may alalay na pababa at may naghihintay na ding wheel chair sa ibaba ng hagdan.

“Chona?!” naluluhang paniniguradong saad ng mama ni Vaughn nang makalapit na kay Choleng.

“Cecilia!” sagot naman ni Choleng na nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan.

“Chona! Ikaw nga!” sabi ulit ni Cecilia saka tinakbo ito at niyakap.

“Cecilia!” sagot ni Choleng na ngayon nga ay kumawala na ang mga luhang napigil kanina sa pagpatak.

“Bakit hindi ka bumalik?” tanong nito kay Cecilia.

“Nasira ang buhay ko at ayokong magpakita sa inyo na nasira ang buhay ko dahil sinuway ko kayo!” sagot naman ni Cecilia.

“Hinintay ka naming ng mahabang panahon.” sabi pa ni Cecilia. “Alam mo bang bago mamatay ang papa, ikaw lagi ang hinahanap niya at ikaw ang huli niyang hinanap!” balita pa ni Cecilia.

“Patay na ang papa?” gulat na tanong ni Chona. “Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa ginawa kong pagsuway! Naging mapagmalaki ako nun, sana nakinig ako sa kanya, sana hindi ko siya sinuway.” pagsisisi pa ni Choleng.

“Alam mo bang mula ng mawala ka, unti-unting lumambot ang puso niya.” sabi pa ni Cecilia, “Kahit na anong pilit namin sa kanya para puntahan ka na sa bahay-bahayan mo, ayaw niya, kasi ang gusto niya ikaw ang unang lumapit. Pero hindi ka pa din niya pinabayaan, pinaalagaan ka kay Mando ay nagbibigay ng tulong kay Mando para sa anak mo at sa’yo.” dugtong pa nito.

“Hindi ko man lang nagawang magpasalamat!” umiiyak pa ding wika ni Choleng.

“Puno nang pagsisisi si Papa at ang gusto niya ay makahingi siya ng tawad sa’yo dahil hindi ka niya nagawang unawain nang mga panahong kailangan mo nang pang-unawa. Pinagsisisihan niya at ang naisip lang niya ay ang reputasyon ng pamilya at hindi ang kaligayahan mo, nang kanyang mga anak.” sabi pa ni Cecilia. “Nagpapasalamat nga ako sa’yo, kasi dahil sa’yo, lagi na kaming pinapakinggan ni Papa.” nakangiting wika ulit nito na puno ng pasasalamat.

“Si Mama?” tanong pa ni Choleng.

Itunuro lang ni Cecilia ang matandang naka-upo sa wheel chair na ngayon nga ay umiiyak na din. Agad itong tinakbo ni Choleng at mahigpit na niyakap.

“Sorry Ma!” buong pusong paghingi ni Choleng nang tawad sa ina.

Masaya ang pakiramdam nila Benz at Vaughn dahil nagawa nilang mapagkita ulit ang magkakambal na sina Maria Consolacion Buenviaje at Maria Cecilliana Buenviaje-Cruz na nagkahiwalay sa loob ng mahabang panahon.

“Siguradong matutuwa sila Kaka, Diko, Ditse at Sanse pag nalaman nilang nakita ka na namin!” masayang saad pa ni Cecilia.

Dahil na din sa kahilingan nang nanay ni Choleng ay isasama niya ito sa kanila para makita nila si Emil at makuha na din ang lahat ng gamit nila para sa mansiyon na ng Buenviaje tumira.

Puno ng saya ang nasa puso nilang lahat dahil sa nangyaring pagtatagpong iyon. Lumabas na muna sila Vaughn at Benz para bigyang ng oras ang mga ito para makapag-usap at makapagsama. Batid nila kung gaano kahalaga ang bawat sandaling pagsasama ng mga ito.

“Biruin mo kakambal pala ng mama mo ang nanay ni Emil!” simula ni Benz sa usapan.

“Oo nga eh!” sagot pa ni Vaughn. “Sa haba ng panahon na hinanap namin si Tita Chona, hindi ko akalaing ikaw lang pala ang makakasagot ng lahat.” dugtong pa ni Vaughn.

Inakbayan lang ni Benz si Vaughn habang nakaupo sa may hardin nang mansiyon na iyon.

“Bakit ba lagi na lang ikaw ang sagot sa lahat ng problema ko?” sabi ulit ni Vaughn. “Pero mas nagpapasalamat ako, kasi ikaw ang binigay na sagot sa katanungan ng puso ko!” dugtong pa ni Vaughn na may isang nakakawiling simpatikong ngiti.

“Loko mo!” tanggi ni Benz. “Sagot ka d’yan!” tutol ni Benz. “Alam mo, mas malaki ang dapat kong ipagpasalamat, kasi may isang Von James Buenviaje Cruz na habang buhay akong mamahalin at aalagaan.”

“Siyempre naman, may Benz Aaron Tan Angeles din kasing mag-aalaga sa akin habang buhay!” ganting wika ni Vaughn.


[19]
Late and Regrets: Hope from Tragedies

“Emil!” gising ni Aling Choleng kay Emil. “Emil!” sabi pa ulit nito sabay yugyog sa anak.

“Bakit nay?” pupungas-pungas na tanong ni Emil sa ina.

“Bangon ka muna at may ipapakilala ako sa’yo.” masuyong pakiusap ni Aling Choleng sa anak.

“Sige po nay!” sagot ni Emil saka bumangon.

Wala ng tingin pa sa salamin o kaya naman aysuklay at ayos pa ng buhok na lumabas si Emil.

“Kuya Benz! Kuya Vaughn!” bati ni Emil sa dalawa na siyang una niyang nakita.

“Bunso, tara nga dito!” tila utos ni Benz sa kapatid niya.

“Wow naman!” bati ni Emil. “May bunso nang nalalaman!” pang-aasar nito sa bagong tawag sa kanya ng kanyang Kuya Benz.

Mula sa may pintuan ay may dalawang babaing pumasok sa kanilang bahay. Una niyang nakita ay ang matandang naka-wheel chair at matapos niyon ay ang isang babae namang kamukha ng kanyang nanay.

“Nay!” puno nang pagtatakang sambit ni Emil saka tumingin sa ina. “Sino po sila?” naguguluhang tanong po nito.

“Siya ang lola mo at siya naman ang Tita Cecilia mo, kakambal ko.” nakangiting sagot ni Choleng.

“Talaga nay?” masayang saad ni Emil na wari bang nakalimutan niya ang lahat ngdala niyang problema. “Paano kayo nagkita?” tanong pa nito.

“Pasalamat ka sa Kuya Benz mo at sa Kuya Vaughn mo!” sagot ni Aling Choleng.

Napapalatak pang lumapit si Emil sa kapatid at saka ito niyakap. “Salamat Kuya Benz!” pasasalamat pa ni Emil sa kapatid niya.

“Ayos lang ‘yun bunso!” nakangiting sagot ni Benz. “Sa Kuya Vaughn mo? Hindi ka ba magpapasalamat man lang?” tanong ni Benz.

“Siyempre, magpapasalamat din!” nakangiting tugon ni Emil.

“Tama lang!” saad ni Vaughn. “Pasalamat ka din sa pinsan mo!” wika pa nito.

“Pinsan?” muling naguluhang tanong ni Emil.

“Anak ko si Vaughn! Emil.” sagot ni Cecilia sa katanungang iyon ni Emil.

“Biruin mo, natulog lang ako, tapos paggising ko may tita, lola at pinsan na akong bigla.” biro pa ni Emil.

Nilapitan niya ang kanyang lola at saka ito niyakap ng mahigpit. Napaluha ang matanda dahil sa ginawang iyon ni Emil. Ramdam na ramdam niya kung gaano ito kasabik sa lola at ganuon din naman si Emil na ramdam kung gaano kagusto ng matanda ang makita ang apo niya kay Choleng.

Mahabang diskusyon ang naganap sa mag-ina ukol sa gagawing paglipat nila sa mansion ng mga Buenviaje. Ayaw niyang lisanin ang Malolos, subalit dala na din ng kagustuhang mapasaya ang ina at ang kanyang lola ay napapayag siya sa kundisyong hahayaan siyang bumalik-balik sa Malolos para bisitahin ang pamilya ng kanyang ninong Mando at mga kaibigan sa lugar na ‘yun. Matapos makapagpaalam ay agad na silang umalis at pumunta na sa datin niyang bayan.

Habang binabagtas ang daan ay muling nagbabalik kay Emil ang lahat ng alaala ng nakaraan. Ang kalsadang kani-kanina lang ay tinakbuhan niya, ngayon ay muli niyang dinadaanan. Ang bahay nila Ken kung saan din niya ito iniwan ay kanya ding nadaanan. Ang alaala ng kanilang pagkabata ay muling tumitimo sa kanyang isipan na nagdudulot ngayon sa kanya ng labis na pait at sakit. Pagpipigil sa mga luhang ngayon ay itinutulak palabas ng kanyang malungkot na nararamdaman.

“May problema ka?” tanong ni Benz sa kapatid ng mapansin nitong nalamukos ang mukha ni Emil.

“Wala! Wag mo na lang akong intindihin.” pagtanggi ni Emil.

“Sus! Umamin ka nga!” pamimilit pa ni Benz.

“Wala nga!” giit ni Emil.

“Magtatanong na lang ako sa iba kung ayaw mong sabihin!” may pagtatampo kay Benz.

“May ganun!” sagot ni Emil. “Good luck kung may makuha kang sagot!” saad ni Emil.

Namangha si Emil sa nakita, sa laki ng bahay, sa lawak ng hardin, sa mga bulaklak sa paligid na nakatanim, sa landscape nang buong kapaligiran, sa makaluma ngunit modernong arkitektura ng bahay, detalyado subalit simpleng disenyo ng bahay, elegante at hindi nakakasawang tingnan na bahay.

“Dito ba talaga tayo titira?” tanong ni Emil sa ina na waring nananaginip.

“Oo anak!” sagot ni Choleng.

“Duon ka sa dating kwarto ni Vaughn!” saad pa ni Cecilia.

“Pero Ma! Saan naman ako matutulog pag nandito ako?” tila tutol ni Vaughn.

“Hindi na ikaw ang bunso ng pamilya hijo, kaya si Emil na ang matutulog sa silid mo.” sabi pa ni Cecilia. “Ikaw, duon ka sa dating kwarto ng Kuya Glenn mo.” saad pa ng senyora.

“Ayoko nga dun!” kontra ni Vaughn. “Gusto ko dun sa dating kwarto ni Kuya Alex.” tila suhestiyon pa ni Vaughn.

“Ikaw ang bahala, basta ibigay mo kay Emil iyong kwarto mo ngayon.” sabi pa ni Cecilia.

Hindi na pinauwi pa ni Aling Choleng si Benz sa condo nito, duon na lang din niya ito piankiusapang matulog dala na din nang pag-aalala dahil sa masyado nang gabi at delikado na kung bibyahe pa ang binata. Pinili niyang makasama na lang si Vaughn sa kwarto kaysa sa bumukod pa at mas gusto naman talaga niyang mayakap buong magdamag ang taong nagtrali na sa kanyang puso.

Hindi naging mahimbing ang tulog ni Emil nang mga oras na iyon. Bukod sa hindi pa siya sanay sa bagong buhay na nagkaroon siya at naninibago pa ang katawan niya sa higaang nakahanda sa kanya ay labis pa din ang lungkot na mayroon sa puso niya. Lungkot na puno din nang pag-aalala. Pabiling-biling siya sa higaan nang may kumatok.

“Pasok!” saad ni Emil.

“Bunso!” bati ni Benz. “Natutulog ka na ba?” tanong pa nito.

“Hindi nga ako makatulog eh!” malambing na sagot ni Emil.

“Asus!” sabi ni Benz. “Umamin ka nga sa akin!” sabi ni Benz na tila inuutusan si Emil.

“Ano naman ang aaminin ko?” buong kaba niyang tanong.

“What happened?” tanong pa ni Benz.

Nanatiling tahimik lang si Emil.

“Para saan pa at naging kuya mo ako kung hindi mo naman sasabihin ang problema mo?” may tampo sa tinig ni Benz.

“Kuya.” malungkot na wika ni Emil saka tumingin sa mukha ng kuya niya.

“Pagtiwalaan mo ako!” buong sinseridad na giit ni Benz.

“Kuya!” naluluhang wika ni Emil. Wala nang pagdadalawang-isip na sinimulan ni Emil ang pagkukwento. Humantong na din sa punto na napaiyak ng tuluyan ang writer sa dibdib ng kanyang kuya na direktor.

“Kaya pala malungkot ka!” sabi naman ni Benz.

Napatango lang si Emil dahil hindi na din niya alam pa ang sasabihin.

“Ganito kasi ‘yan!” simula ni Benz sa pagpapayo para sa kapatid. “Ikaw ang nagpagulo sa lahat. Bakit ba iniisip mo na agad ang sasabihin ng ibang tao? Isipin mo na muna sana ang kaligayahan mo. Bakit ka kikilos para lang sa kaligayahan ng mga mata nila kung ang puso mo naman ay umiiyak? Bakit mo ipipilit ang social norms sa buhay mo? Sa oras na ipasok mo ang social norms of conservative na ‘yan sa buhay mo, tinatanggalan mo na ang sarili mo ng kalayaan para makapag-isip, kumilos at magsalita.” payo ni Emil sa kapatid. “Hell is other people!” mabigat pa nitong paratang. “Hell is other people in a sense na pinipilit mo na ang sarili mo para kumilos nang naaayon sa gusto nilang makita kahit na nga ba nahihirapan ka! Hell is other people who only see the evilness in you! Hell is other people who does harm to other people. Hell is other people who only see what they wanted to see.” paliwanag pa niya sa mabigat na paratang na ito.

“Nasaktan ako Emil!” simula ulit ni Benz. “Iniisip mong hindi kayo magtatagal dahil sa sitwasyon ninyo, para bang sinampal mo na ako sa mukha na hindi din kami magtatagal ni Vaughn, na maghihiwalay din kami, na iiwan din naming ang isa’t-isa.” sentimyento pa ni Benz. “Para bang tinanggap mo na wala talagang patutunguhan ang same sex relationship dahil sa ginagawa mo ngayon, para bang ipinapamukha mo na sa mundo na walang karapatang magmahal ang lalaki ng kapwa niya lalaki! Para bang ipinagdamot mo na din sa lahat nang nasa third sex ang magmahal nang kung sino man ang gusto nila.”

“Madaya ka Emil!” simula ulit ni Benz. “Madamot ka pa! Ipinagdadamot mo kay Ken ang pagmamahal mo para sa kanya at ang pagmamahal na dapat niyang makuha. Madaya ka kasi niloloko mo ang sarili mong makakalimutan mo ang laman ng puso mo at madaya ka kasi nilalamangan mo si Ken at tinatanggihan mo ang pag-ibig niya kahit gusto mo naman!” may paninisi pang turan ni Benz.

“Nasubukan mo na bang pumasok sa relasyong kinakatakutan mo at nasabi mong hindi nga kayo magtatagal?” tanong pa ni Benz. “Takot ba ang dahilan mo? Ang takot, nakakamatay at ang takot na yan ang magiging sanhi nang habang-buhay mong pagdurusa at panghihinayang. Bakit ka matatakot sa hindi mo pa alam kung pwede mo namang alamin kung ano ang kinakatakutan mo.”

“Sana mag-isip ka ng mabuti!” pagwawakas ni Benz saka tumayo sa higaan ni Emil.

“Ang paglaladlad ay isang habang-buhay na sakripisyo.” sagot naman ni Emil saka unti-unting dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. “Panghabang-buhay na sakripisyo dahil sa oras na ipagsigawan ko sa buong mundo na bakla ako, habang-buhay na din nila akong kukutyain, ituturing na abnormal, lalapastanganin at ituturing na iba sa kanila. Masakit iyon para sa akin kuya Benz! Hindi mo ako kasing-tibay, mahina ako, mahinang-mahina na kahit kaligayahan ipagdadamot ko sa sarili ko.”

“Baluktot na katwiran ‘yan Emil!” may pagdadamdam sa himig ni Benz. “Pero ikaw, kung saan ka dadalin ng katwiran mo! Basta pag-isipan mo lahat ng ipinayo ko sa’yo!” saka tuluyang lumabas sa kwarto si Benz.

“Salamat kuya Benz!” sagot ni Emil bago tuluyang makalabas ang kapatid niyang si Benz.

Buong gabing pinaglaro ni Emil sa isipan ang lahat ng sinabi sa kanya ng kapatid at lahat ng agam-agam niya sa kasarian. Maagang nagising ang tila walang tulog na si Emil dahil kailangan niyang maging maaga sa opisina ni Mr. Ching sa Metro-Cosmo. Sumabay na din siya sa Kuya Benz niya na may bagong project at bagong kontratang pipirmahan. Malinaw na ang lahat para kay Emil ngayon at isang bagay na lang ang dapat niyang gawin, ang ayusin ang lahat ng bagay na nagawa niya. Hahanap lang siya ng tamang tiyempo at bubwelo muna ng maiigi bago simulan ang pagsasa-ayos ng lahat.

“Salamat Kuya!” pasalamat ni Emil sa kapatid pagkababa nito sa Metro-Cosmo.

“Good luck bunso!” tugon naman ni Benz saka kinindatan pa si Emil.

Dahan-dahang pumasok sa opisina ni Mr. Ching at maingat ding sinara ang pinto. Magalang na bumati at malumanay na lumapit sa lamesa nito.

“Dala mo na ba ang kwentong dapat na maisubmit mo ngayon?” tanong ni Mr. Ching.

“Of course Sir!” masayang sagot ni Emil. “Katatapos ko lang po kahapon ng umaga ng Sa Pagitan ng Tama at Mali at ipiprint po iyong article tungkol kay Ken, nasa CD po pareho iyong assigned articles ko. Kahapon lang po kasi natapos iyong interview ko sa kanya.” paumanhin pa ni Emil.

“Good job!” bati ni Mr. Ching sa bagong alagang writer. “Maaga ka sa deadline mo para sa article tungkol kay Ken. I’m impressed!” nakangiting saad ng Editor-in-Chief.

“Thank you Sir!” tugon ni Emil. “Mauna na po ako!” paalam pa ni Emil dito.

“Ingat ka!” paalala pa ni Mr. Ching.

“I will sir!” tugon ni Emil.

Nagmamadaling bumaba ng hagdan si Emil. Patakbo itong bumaba na tila ba may hinahabol. Habang pababa may nakabangga siyang isang lalaki.

“Aray!” sabi ng lalaki. “Mag-iingat ka kasi!” bulyaw pa nito.

“Sorry po!” paumanhin naman ni Emil saka tinulungang tumayo ang lalaki at tumulong pulutin ang mga gamit nitong nailaglag.

“Bien Emilio?” tanong ng lalaki nang mamukhaan ang nakabangga niya.

“Yes! Ako nga!” nagtatakang wika ni Emil.

“Ikaw nga ang hinahanap ko!” masayang saad ulit ng lalaki.

“Bakit?” tanong ni Emil.

“I’ll tell you later.” sagot nang lalaki. “Can you join me for breakfast ngayon?” aya pa ng lalaki.

“What reason?” pangungulit ni Emil.

“Don’t worry, business talk to.” sabi pa ng lalaki. “By the way I’m Jason Robles.” pakilala pa nito kay Emil.

Dala ng curiosity ay sinamahan niyang kumain si Jason.

“Well,” simula ni Jason. “I’m from the independent movie industry and my production team is interested with your Third Row, Third Line.” pagbabalita pa nito.

“Oh!” reaksyon ni Emil. “It surprises me a lot! Sure, no problem!” sagot ni Emil.

“Tiyak na matutuwa ang lahat dahil sa balita mo.” masayang tugon ni Jason dito. “Pero mas magiging masaya kami kung sasama ka sa team.” suhestiyon pa ni Jason.

“I’ll be glad, pero may existing contract pa ako sa Metro-Cosmo.” malungkot na wika ni Emil. “But, kakausapin ko si Mr. Ching, baka naman kasi exempted ang digital film sa contract namin.”

“I’ll wait for your positive response.” turan ni Jason saka ibinigay ang calling card niya kay Emil.

“Here’s mine!” saad naman ni Emil saka sinulat ang number niya sa papel at ibinigay kay Jason.

Itinuloy na nila ang pagkain at nang matapos nga ay naghiwalay din ang landas nila.

“Text text na lang!” sabi pa ni Jason bago tuluyang mahiwalay kay Emil.

Hindi pa man nakakasakay ng bus ay may nagtext na agad sa kanya.

“Bunzo, san kna? Pnapuwi tau ni pa sa laguna naun!” sabi ni Benz sa text.

“Hala! Punthn mo nlng po ako sa terminal.” reply ni Emil.

“I’l b der in 15mins.” sagot naman ni Benz.

“Hulong! I’l w8” reply ulit ni Emil.

“Lokong Benz ‘yun ah!” reklamo ni Emil. “Aba’y nakakalimang bus na ang nakakaalis wala pa din!”

“Sino ako bunso?” tanong ni Benz habang tinatakpan ang mga mata ni Emil.

“Loko mo!” simula ni Emil. “May iba pa bang tumatawag sa akin ng bunso?” balik na tanong pa ni Emil. “Kuya Benz siyempre.” wika pa nito.

“Galing naman!” sagot ni Benz saka inakbayan si Emil. “Tara na!” aya pa nito.

“Fifteen minutes pala ah!” asar na turan ni Emil. “Baka fifty minutes!” saad pa nito.

“Sorry naman!” sagot ni Benz. “Sa Pulilan pa kaya ako galing.” paliwanag pa nito.

“Bakit? Anong ginawa mo duon?” nagtatakang tanong pa ni Emil.

“Eto oh!” wika ni Benz saka binuksan ang pintuan ng kotse niya.

“Emil!” bati ni Aling Choleng. “Halika na!” aya pa nito.

“Aba si nanay!” ganting bati ni Emil. “Nagmumurang kamatis!” buyo pa nito.

“Ikaw na bata ka!” natatawang wika ni Aling Choleng. “Halika na at ng makilala mo ang pamilya ng tatay mo!” aya pa nito sa anak.

Malugod naman silang tinanggap nang pamilya ni Benz. Si Doña Cristina at Choleng na bagamat alangan sa simula ay nagkasundo din naman habang tumatagal. Nakilala din ni Emil ang dalawa pa niyang kapatid, isang Kuya at isang Ate na kapwa may asawa na at maging ang mga pamangkin niya. Masaya silang tinanggap ng mga ito dahil sa simula pa lang pagkabata ay sinabi na sa kanila ng kanilang ama na may kapatid nga sila sa labas.

“Hello!” sagot ni Emil sa tawag galing sa isang hindi rehistradong numero.

“Sino po sila?” tanong ni Emil dito.

“Jason ‘to. Iyong nakausap mo kanina!” sagot pa nito.

“Sorry, hindi ko pa kasi na-sasave yang number number mo.” paumanhin pa ni Emil.

“It’s not a big deal.” sagot ni Jason. “Ang big deal ay pumayag na si Mr. Ching para maging part ka ng production team.” pagbabalita pa ni Jason.

“Talaga?!” halos hindi makapaniwalang naibulalas ni Emil.

“Tawagan mo si Mr. Ching para mai-confirm mo.” sagot pa ni Jason. “Magsisimula na tayong maghanap ng cast and we decided to go in Baguio para magpa-audition.” balita pa ni Jason. “And we thought that it would be better and best if the original author will be part of the selection process.”

“Sure! Kailan ba ang simula?” tanong pa ni Emil.

“Three days from now!” sagot ni Jason.

“Sige, tatawagan ko lang si Mr. Ching and sasama ako sa audition.” balita pa ni Emil.

Nagkausap nga sina Mr. Ching at Emil ukol sa gagawin niyang pag-sama sa isang independent film production at tama nga si Jason dahil pinayagan siya ng Editor-in-Chief na maging bahagi nito. Ngayon nga ay ang araw ng alis niya papuntang Baguio at kasama niya ang Kuya Benz at Kuya Vaughn niya. Ang problema niya kay Ken ay aayusin niya pagkatapos ng nasabing audition.

“Bilisan naman ninyo!” pakiusap ni Emil sa kanyang mga kuya.

“Nagmamadali! May humahabol?” sarkastikong tanong ni Benz.

“At sumasagot ka na ngayon sa bunso mo?” ganting sagot ni Emil. “Hindi tayo ang hinahabol, tayo ang humahabol.”

“Itigil na nga ninyo iyan!” pag-gitna ni Vaughn sa dalawa. “Lalo tayong tatagal.”

“Si bunso kasi, masyadong atat!” nakangiting wika na ni Benz saka niyakap sa patalikod si Vaughn.

“Tumigil ka nga Benz baka makita tayo ng iba!” saway ni Vaughn sa kasintahan.

“Ano naman kung makita nila? May magagawa ba sila kung mahal natin ang isa’t-isa?” tanong pa ni Benz.

“Emil, pagsabihan mo nga itong kapatid mo!” kinikilig na saad ni Vaughn.

“Loko n’yo!” kontra ni Emil. “Halina na nga kayo at baka wala na tayong abutan dun!” aya pa ni Emil sa dalawa.

Tatlong oras at mahigit din silang nagbiyahe papunta sa Baguio. Si Benz ang drayber habang si Vaughn ay nakaupo sa harapan katabi, kaharutan at kalampungan ni Benz at si Emil naman ay nasa likuran at umidlip sandali para mabigyan ng sapat na oras ang dalawa para makapagsarili. Pagkadating sa Baguio ay agad nilang hinanap ang sinabing address ni Jason para sa audition at ang tutuluyan nila. Hindi din naging matagal dahil nakita nila agad ang hinahanap, ibinaba ang gamit sa tutuluyan nila at saka pumunta sa audition room. Nagulat si Emil dahil sa nakitang madami ang nakapila para mag-audition sa gagawin nilang independent film.

“Sakit sa bangs!” komento ni Emil sa unang nag-auditon.

“Yun na ‘yun?” sabi niya sa pangalawa.

“Anong kasunod?” sabi niya sa pangatlo.

“Ngumiti ka na lang hah!” sabi niya sa pang-apat.

“Pwede na!” sabi niya sa pang-lima. “Pwede nang janitor sa kwento.” dugtong pa niya.

Madalas na napapataas ng kilay at napapakunot ng noo si Emil sa mga pinaggagagawa ng mga nag-aaudition. Sa tuwing magbibigay naman siya ng komento ay laging nakangiti, kung kayat hindi mo talaga kayang unawain kung ano ang laman ng isip nito.

“Poker Face ka pala Emil!” sabi ni Jason kay Emil. “Mataas pa ang standards mo!” nakangiti pa nitong turan.

“Bakit naman?” tanong pa ni Jason kay Emil.

“Rejected lahat, pero nakangiti ka kung magbigay ng bad comments.” sagot ni Jason.

Sa katotohanan lang ay habang sinusulat ni Emil ang kwento nang Third Line, Third Row isang tao lang ang laman ng isip niya at sa tingin niya ay nakakaapekto ito ngayon sa ginagawa nilang audition dahil ang hinhanap niya ang ang katangian, hindi ng karakter sa kwento kung hindi ay ang katangian nang taong laman ng isip niya habang sinusulat ang istorya.

“First movie ko ‘to kaya dapat screened lahat.” masayang tugon ni Emil kay Jason. “Saka nakangiti lang naman ako para seryosohin nila iyong sasabihin ko.”

“Ewan ko sa’yo!” natatawang wika ni Jason na hindi makapaniwala sa nakikita niyang Emil. “Ayan na iyong kasunod.” sabi pa nito.

Matapos makapagperform ang gwapong-gwapo at machong-macho na nag-audition ay agad na nagbigay ng comment ang mga kasamahan ni Emil. Lahat nang sinabi ng mga ito ay puro magaganda at pawang papuri lang.

“Clarify ko lang po ah!” simula ni Emil sa komento niya. “Musical, Drama at Comedy po ang dating nitong kwento natin kaya nirerequest kayong kumanta, sumayaw, magpakakwela at umiyak.” paglilinaw pa nito. “I can say leading ka sa karera, but hindi ka pa pasok sa banga.” maikling komento ni Emil.

“Emil!” react ng mga kasamahan niya na nagpapa-audition.

“Sorry pero either sa dalawang lead roles natin hindi pasok.” sabi pa ni Emil.

“What do you want from me?” mayabang at sarkastikong banat ng nag-auditon. “Alam ko namang gusto mo lang akong ikama para matanggap sa role na ‘yan!” sabi pa nito.

Umakyat ang dugo ni Emil sa sinabing iyon ng lalaki. Hindi siya makapaniwalang mababa pala ang tingin sa kanya nito at naisip ang ganuong bagay.

“What do I want from you?” ulit ni Emil sa tanong ng lalaki saka ito tiningnan mula ulo hanggang paa. “Talent” madiing sagot ni Emil. “Kaso wala ka pala nun eh!” habol pa ni Emil.

Tila napahiya naman ang nag-audition dahil sa inasal niya sa harap ng mga ito at mas lalo siyang napahiya nang magsalita na si Emil.

“Hindi mo ako kasing baba!” sabi ulit ni Emil. “Lalong hindi ko kailangan ng callboy sa kwento na’to at sa pelikula na’to. Mas malinis pang maituturing ang mga callboy sa labas kung ihahambing sa’yo. Hindi ako katulad ng iba na after one-night stand pasok na sa role at huwag mo akong itutulad sa iba at hindi ako ang taong iniisip mo.” sabi pa ni Emil.

Nahihiyang lumakad palabas ang lalaki na sinabayan pa ng pagbubod. “Akala mo naman kung sinong magaling!” saad ng lalaki. Narinig ni Emil ang sinabing ito ng lalaki kaya naman sinabayan niya ng pagkanta ang paglabas ng lalaki.

Just go get in

I’m working it out

Please don’t give in

I’ll never let you down

And last we heard

We have second to breath

Just get coming around

What do you want from me?

What do you want from me?

What do you want from me?

Napahinto naman ang lalaki at natulala ang lahat nang nakarinig kay Emil. Matapos kumanta ay nagpalakpakan ang lahat.

Lalong napahiya sa sarili ang lalaki kung kayat bago lumabas ay humingi muna siya ng tawad kay Emil.

“Sorry!” mahinang paumanhin ng lalaki.

“Forgiven!” sagot ni Emil.

Nasa akto na ng paglabas ang lalaki nang muling magsalita si Emil.

“Mr. Josh de Guzman!” tawag ni Emil sa lalaki. “Wait for our call.” habol pa nito. “Pero sana hindi ka na callboy ah!”

Napangiti naman si Josh sa sinabing iyon ni Emil. “Salamat!” saad pa nito saka lumabas.

“Positive!” bati ni Jason kay Emil. “Ikaw na lang kaya ang gumanap?” suhestiyon pa nito.

“Oo nga!” sang-ayon pa ng iba.

“Joke ba ‘yun?” tanong ni Emil.

“Grabe ka!” reaksyon pa ni Jason. “Pinakitaan mo ng talent iyong bata na sa bandang huli tinanggap mo din!” sabi pa ni Jason.

“Sayang naman kasi!” may panghihinayang na wika ni Emil. “Maiimprove pa naman saka pwede naman siya kahit supporting role lang.” nakangiti pa nitong turan.

“Hindi ka nagalit?” tanong pa ni Jason.

“Professionalism!” sagot ni Emil. “Hindi dapat pinepersonal ang trabaho.” sagot pa nito.

“Sige, break na muna tayo!” sabi pa ni Jason. “Tanghali na, nagugutom na ako!” dugtong pa nito.

Habang nasa audition si Emil ay iyon namang paglalambingan nila Vaughn at Benz.

“Benz!” tawag ni Vaughn sa mahal niya. “Mamangka tayo!” aya pa nito.

“Huh!” reaksyon ni Benz. “Ayoko nga!” tangi pa ng binata.

“Sige na!” paglalambing pa ni Vaughn.

“Hindi pwede!” giit ni Benz.

“Ano naman ang gagawin natin dito eh sawa na ako kakapunta ng Baguio.” reklamo ni Vaughn.

“Tatanuran si bunso!” sagot ni Benz.

“Loko!” tugon ni Vaughn saka binatukan si Benz.

“Bakit ka ba namamatok!” reklamo ni Benz.

“Kung kay Emil mo sinabi ‘yan malamang mas matindi pa sa batok ang ginawa sa’yo nun!” sagot ni Vaughn. “Kay laki na nung tao tatanuran mo pa! Kaya lang naman pumayag ‘yun na sumama tayo kasi gusto niya magkasama tayo ngayon!” paliwanag pa ni Vaughn.

“Asus!” sabi ni Benz. “Tampo ka na niyan?” tanong pa nito.

“Ang Vaughn ko talaga!” wika pa ni Benz saka niyakap si Vaughn.

“Tumigil ka nga!” kinikilig na saway ni Vaughn na sa totoo lang ay gusto niya ang ginagawa ni Benz sa kanya.

“Kunwari pa ‘to!” sabi ni Benz na hindi kumakalas sa pagkakayahap. “If I know kinikilig ang tumbong mo!” saad pa ni Benz kasunod ang mahinang tawa.

“Hindi kaya!” tanggi ni Vaughn kahit na natumbok na ni Benz ang nararamdaman niya.

“Hindi daw oh!” kontra ni Benz. “Bakit namumula ka?” tanong pa nito.

“Wala! Malamig kasi dito!” tugon ni Vaughn. “Halika na nga!” saad ni Vaughn sabay hatak kay Benz patayo.

“Benz!” madiing tawag kay Benz ng isang baritono at pamilyar na tinig.

“Pa!” nanginginig na sagot ni Benz.

“Explain!” pigil ang galit na wika nito.

“I will pa!” inakyatan ng takot na tugon ni Benz.

Ganuon din naman si Vaughn na tila naipako na sa kinatatayuan sa nakitang ang papa ni Benz ang kaharap nila at galit na galit na animo’y papatay ng tao.

Sa kwartong tutuluyan nag-usap ang tatlo. Oo, galit na galit si Don Florentino at tama, nakita nga niya ang nangyayari sa dalawa.

“Pa!” simula ni Benz. “I love Vaughn!” saad pa ni Benz saka hinawakan sa kamay si Vaughn.

“Bitawan mo iyan Benz!” sigaw ng Don. “Nandidiri ako!” habol pa nito na kahit ayaw niyang sabihin ang mga huling kataga ay pinilit niyang maiusal iyon.

Waring nasampal nang isang milyong puro piso si Vaughn sa narinig niya mula sa ama ni Benz. Sa pakiramdam niya ay bibigay na ang mga tuhod niya at lalamunin na siya ng lupa dahil sa sinabing iyon ng Don.

“Kung nandidiri kayo, simulan na po ninyong masanay dahil hindi ko iiwan si Vaughn kung iyon ang sasabihin ninyo.” buong tapang na tugon ni Benz.

Nagkukuyom man ang damdamin ay pinigil niya ang sarili para hindi masaktan ang anak.

“Benz! Bakit mo nagawa ‘to?” tanong pa ng Don na kahit gigil na ay babakasan mo pa din ng pag-aalala.

“Alam ko pa na nag-aalala lang kayo para sa akin at kung pag-aalala man ‘yan ay magagawa ninyo akong unawain.” tila simula ng litanya ni Benz sa ama niya.

“Alam mo namang matalas ang dila ng mga tao sa mga ganyan. Matalim ang mga mata ng tao sa mga relasyong pinapasok ninyo.” buong simpatya at pag-aalalang turan ng Don.

“Wala kayong dapat alalahanin pa!” tila pagpapakalma ni Benz sa ama. “Kahit na gaano katalas at katalim, basta’t matibay kami at nagtitiwala, hindi nila kami kayang ibagsak.” paninigurado nito.

“Pero anak!” kontra pa sana ni Florentino.

“Pero pa! Hayaan naman po ninyong patunayan namin sa buong mundo na may karapatan din naman kaming lumigaya sa piling ng taong tunay naming mahal.” pakiusap pa ni Benz na pilit kinukuha ang simpatya ng ama.

Sa totoo lang ay hindi siya tutol sa desisyon ng anak, talagang nabigla lang siya sa nakita niya na hindi sinasadya. Nauunawaan din naman niya ang kalagayan nito kaya imbes na magalit ay inunawa na lang niya ang naging pasya ni Benz.

“Patunayan ninyo muna sa akin na mahal ninyo ang isa’t-isa para makuha ninyo ang basbas ko!” tila may paghamon pa sa tinig ng Don.

“Walang problema pa!” napangiting wika ni Benz.

Ang kaba ni Vaughn ay napalitan na ngayon ng hindi mapantayang ligaya dahil sa naging takbo ng pangyayari.

“Tay!” wika nang papasok na si Emil. “Anong ginagawa ninyo dito?” nagtatakang tanong pa ni Emil.

“Tiningnan ko lang iyong resthouse na pinapagawa ko at nakita ko ang kuya Benz mo kaya ako napadaan na din dito.” paliwanag naman ng Don.

“Ayos ah!” sagot ni Emil.

Nagka-usap pa sila kahit ilang minuto lang saka bumalik si Emil sa audition room para ituloy ang paghahanap nila sa magiging cast ng pelikulang gagawin. Nagpaalam na din ang Don at bumalik na nang Laguna at sina Benz at Vaughn naman ay namasyal nang masayang-masaya dahil sa wakas ay nabawasam ang tinik na nasa daan nila.

“Naman!” wika ni Emil. “Ratsada na tayo ah!” sabi pa nito.

“Hindi ko nga akalaing aabot ng fifty plus ang matatapos natin bago maghapunan.” may pagsang-ayon kay Jason.

“Sabi nila may naghihintay pa daw na mga applicants.” turan pa ni Emil.

“Yes, nasa twenty pa ata sila. Mga humabol.” sabi pa ni Jason. “Siya, magdinner kana para maaga tayong makapagresume.”

“Yes direk!” nakangiting wika ni Emil.

Mabilis lang na kumain si Emil at pagkatapos kumain ay napagdesisyunan niyang agad nang bumalik sa audition area. Sa paglalakad niya papunta sa audition room ay napansin niyang bukas ang kwartong halos katabi lang ng kwarto nilang magkakapatid. Hindi alam ni Emil na may kung anong bagay ang nagtulak sa kanya para alamin ang nasa loob niyon. Lakas loob niyang nilapitan ang pintuan at maingat na sinilip ang bukas na pintuan. Sa laki nang pagsisisi niya ay isang bagay ang hindi niya inaasahang makikita. Labis na pagkabigla ang nararamdaman ni Emil at ang masaya niyang aura ay unti-unti nang nilalamon ng kung anong kalungkutan, pait, sakit at hinagpis. Nag-uunahang tumulo ang luha sa mga mata niya na sa tingin niya ay mga dugong pumapatak. Nawalan na siya ng lakas para mabuhay sa kung ano ang nasisilayang ng mga mata niya at sa naririnig ng kanyang tainga. Si Ken! Oo si Ken ang nasa loob ng silid na iyon.

“Mahal na mahal kita!” masuyong bigkas ni Ken nang mga katagang iyon sabay haplos sa mukha ng isa pang lalaking kasama nito sa kwarto.

Sa pakiramdam ni Emil ay mawawalan na siya ng hininga nang mga oras na iyon. Pinagsukluban siya ng langit at lupa sa naririnig at nakikita.

Dahan-dahang inilapit ni Ken ang mga labi sa labi ng lalaking kasama nito.

Hindi na kaya pa ni Emil ang nakikita kaya naman bigla siyang tumakbo at ang pagtakbo niyang iyon ay nadulot ng isang mahinang ingay na sapat na para mapukaw ang atensiyon nila Ken.

Tumakbo ng mabilis na mabilis na animo’y may hukbong tinatakasan. Tumakbo ng mabilis na mablis na animo’y hinahabol ng kamatayan. Tiniis ang lamig at ginaw ng Baguio at ang romantic place na ito ay ngayong grievance yard ni Emil. Tumakbo na ang tanging nasa isip niya ay makalayo sa lugar at makalimutan ang kung ano mang nakita niya. Ang mabilis na takbo ay bumagal hanggang sa maging lakad. Dumatal siya sa minesview ay tumungo sa pinadulo duon. Nakikita niya ang ilaw ng mga kabahayan at ng mga sasakyan na sa wari niyia ay nakikiluksa din sa kanya dahil ang mga ilaw na ito ay mistulang mga patak nang luha na nagniningning.

Nanginginig sa lamig si Emil at sa sobrang lamig ay kaya nitong ibagsak ang resistensya ng binatang manunulat. Ang mahinang katawan ni Emil ay pilit na lumalaban sa panahong kayang papagyelohin ang luhat subalit hindi kayang igapos ang nagwawalang kalungklutang mayroon ang binata. Sa sobrang lamig ay kaya na nitong papagyelohin ang mga luha ni Emil ngunit hindi ang sakit na dala-dala nito ngayon.

“Ken! Bakit ang bilis!” mahinang anas ni Emil na puno ng galit, poot at sakit. “Bakit Ken?” saka napaupo dala na din ng sobrang panghihina at sa sobrang lamig na dala ng hanging amihan na humahampas sa siyudad ng Baguio.


[Finale]
What Comes After the Next?

Biglang napalingon sila Ken sa labas ng marinig ang kung anumang bagay na kumalansing na iyon. Nakaramdam ng kaba si Ken at hindi niya mawari kung bakit ganuon na lang ang naging panginginig niya.

“Sino ‘yan?” tanong ni Ken.

“Sir Ken!” bati kay Ken ng isang PA. “Simula na po ng last batch ng mag-aaudition.” balita pa nito.

“Salamat!” pasasalamat ni Ken.

Si Ken ang pinakahuling mag-aaudition ng gabing iyon. Kahit na sabihing sikat na siya at isang independent film ang sasamahan niya ay isang malaking bagay pa din ito para sa kanya lalo’t higit ay akda ito ng pinakamamahal niyang si Bien. Isang bagay ang mapasama siya dito nang sa ganuoon ay maging malapit na ulit sa kanya ang binatang manunulat.

“Ken!” gulat na bati ni Jason. “We are so proud na ang isang big star na kagaya mo ay naririto at mag-aaudition.” nakangiting saad pa nito.

“Nasaan si Emil?” simulang tanong ni Ken sa mga nanduon.

“Si Emil ba?” tila paninigurado pa ni Jason. “Nagtext, may emergency lang daw.” saad pa nito.

Nakaramdam ng kalungkutan si Ken sa balitang iyon ni Jason. Inaasahan niya ay muling makikita si Emil at pinaghandaan niya talaga ang audition na iyon, kaya naman kahit nasa kwarto ay todo ensayo siya sa mga linya at sa gagawin niyang monologue.

“Napulot ko nga po itong i.d. niya sa tapat ng pinto niyo.” pagbabalita naman ng P.A. na tumawag sa kanya. “Nagmamadali pa nga pong tumatakbo ng makita ko.” habol pa nito.

Nawala sa tamang ulirat ang isip ni Ken dahil sa sinabing iyon ng PA. Naramdaman niyang siya ang dahilan kung bakit hindi ito nakarating sa auditon at alam na alam niyang nakita nito ang ginawa niyang pag-eensayo kanina at ang ingay na pumutol sa practice nila ay gawa ng taong pinakamamahal.

“Sandali lang pala!” paalam ni Ken. “May nakalimutan lang ako.” saad pa nito saka tumakbo palabas ng audition room.

Tumakbo ng mabilis palabas ng hotel na iyon saka sumakay ng kotse niya. Pinaharurot ang sasakyan na animo’y isang kawatan na hinahabol ng mga pulis. Hindi man alam kung saan pupunta ay mas mahalagang makita niya si Emil kahit libutin niya ang buong Baguio.

“Emil! Saan ka ba nagsusuot?” mahinang usal ni Ken sa sarili.

“Emil bakla! Emil baboy!” tukso kay Emil ng mga kaklase niya.

“Ang taba-taba mo kasi, mukha ka tuloy baboy!” gatong naman ni Ken sa mga nang-iinis sa batang si Emil.

“Baboy! Baboy! Bakla! Bakla!” sigaw pa ng mga ito.

“Oo nga parang bakla si Emil.” lalong panggatong ni Ken sa tuksuhan.

“Isusumbong ko kayo kay ma’am!” sigaw ni Emil saka umiiyak na tumakbo palayo.

Nag-alala si Ken sa nangyaring iyon kaya naman hinabol niya ang kaibigan.

“Bien!” sigaw ni Ken. “Bien!”

Ilang minuto ding naghahanap si Ken subalit walang Bien siyang natagpuan. Wala ng pag-asa si Ken na makikita si Bien at magbabaka-sakaling bumalik na ito sa classroom nila. Habang pabalik ay may narinig siyang mahihinang hikbi. Naramdaman niyang si Bien iyon kaya naman hinanap niya kung saan mula ang ingay.

“Bien!” malungkot na wika ni Ken nang makita si Bien na nakatalungko at humihikbi. “Sorry na!” paumanhin pa ni Ken sa kaibigan.

“Sorryhin mo mukha mo!” pautal-utal na tugon ni Bien.

“Sorry na please!” pakiusap ni Ken. “Kasi naman ikaw eh!” tila sisi pa ni Ken. “Ayaw mo kasing aayusin iyang sarili mo. Ilang beses na kasi kitang pinagsasabihan na umayos ka pero hindi ka naman nakikinig sa akin.” paliwanag pa nito.

“Basta galit ako sa’yo.” sagot ni Bien.

“Sorry na!” giit ni Ken. “Hindi ko na uulitin!” may kasiguraduhan pa nitong saad.

“Talaga?” naniniguradong tanong ni Bien.

“Oo, basta aayusin mo na iyang sarili mo.” nakangiting sagot ni Ken.

Isang ideya ang pumasok sa kukote ni Ken dahil sa alaala ng nakaraan na iyon. Mabilis siyang nag-U-turn at tinahak ang daan pabalik sa hotel at ng madaan siya sa Minesview ay agad siyang huminto at pumasok duon.

Si Emil naman, kahit na giniginaw at nilalamig ay pinilit lumaban sa sama ng panahon. Ilang minuto o oras na din siyang nanduon at ang puso niya ay umaasa sa isang magandang bagay na pwedeng mangyari. Mula sa pagkakatalungko ay dahhhan-dahannn at maingat siyang tumayo. Nanginginig man dahil sa lamig ay buong lakas pa din siyang sumigaw.

“Mahal na mahal kita Ken!!” malakas na malakas niyang sigaw. Buong kalungkutan niyang pagpapahayag sa sariling damdamin saka muli tumulo ang mga luha.

Hindi pa man ay naramdaman na niyang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Isang pamilyar na yakap at pamilyar na init ng katawan na sapat na para talunin ang lamig na hatid ng Baguio. Naramdaman din ni Emil ang paghinga nito malapit sa may tainga niya na nagdulot sa kanya ng kiliti. Ang sakit sa puso niya ay tila ba natutunaw nang tagpong iyon at umaasa na mula ito sa taong nais niyang makasama habang-buhay. Hindi pa man ay wari bang may sinasabi ito na dinaanan sa pagkanta.

“Bakit ba may lungkot sa ‘yong mga mata?

Ako kaya’y ‘di nais makapiling sinta

Hindi mo ba pansin,ako sayo’y may pagtingin

Sana ang tinig ko’y iyong dinggin

Ako ngayo’y hindi mapalagay

Pagkat ang puso ko’y nalulumbay

Sana ay paka-ingatan mo ito

At tandaan mo ang isang pangako.

Pangako, hindi kita iiwan

Pangako, hindi ka pababayaan

Pangako hindi ka na mag-iisa

Pangakong magmula ngayon tayong dalawa

Ang magkasama.”

“Ken?!” naluluhang puno ng kaligayahan niyang paninigurado.

“Mahal na mahal kita Bien!” sagot ni Ken.

Agad namang humarap si Bien at lalong nakaramdam ng kaligayahan ang puso niya sa nakitang si Ken nga ito. Isinandig niya ang ulo sa malapad na dibdib ng mahal niyang si Ken at ang tibok ng puso nito ay nagsilbing musika na pumapawi sa nararamdaman niyang lumbay, sakit, pait at hirap.

Sapat na ang katahimikang iyon para magkaintindihan ang mga puso nilang nabigyan na ngayon ng laya at karapatang mag-sama. Ang lahat ay napawi at ang pangungulila ay nabigyan na ng kasagutan. Ang mahabang panahong paghihintay ni Ken para sa isang Bien ay nandito na at kapiling na niya at ang mahabang panahong paghihintay ni Bien sa pangako ni Ken ay nandito na at sisismulan ng tuparin.

Iniangat ni Bien ang ulo at tumitig sa mga mata ni Ken at nagsalita – “Salamat Ken dahil ang pagmamahal na akala ko ay pangarap na lang ay binigyan mo ngayon ng katuparan.” masaya ang puso at nakangiting turan ni Emil. “Ang pangarap na akala ko ay walang katuparan ngunit heto ka, Kenneth Cris at nagsilbing sagot sa matagal ko nang hinihiling.”

Sumagot lang si Ken ng ngiti, tumingin sa kalaliman ng gabi at tintigan ang mga bituing nasa langit at nagpahayag din ng pasasalamat kay Bien – “Ang gabing ito ang magtatakda para sa isang pangarap na mabibigyan ng katuparan.” saad ni Ken saka tumingin ulit kay Bien. “Ang pangarap na mahalin ang nag-iisang ikaw mo at ang mahalin ako ng bukod tanging Bien Emilio.

Ikinulong ni Ken si Bien sa mga bisig niyang ng mahigpit na mahigpit na sa wari ba ay wala ng bukas at ayaw na niyang pakawalan pa ang binata. Wala silang pakialam sa mga tanog nasa paligid nila at sa kung mayroon mang makakakita sa kanila. Ang pinakamahalaga sa kanila ngayon ay nabigyan nila ng laya ang mga puso para mapili ang tunay nitong nagugustuhan at ang pagkawala nila sa nakasanayan na ng mga taong walang tapang para harapin ang bagon hamon ng pagbabago.

Matapos ang tagpong iyon sa Baguio ay napapayag nila Jason na sina Ken at Emil ang gumanap sa Third Line, Third Row na gagawing pelikula. Agad din naman nilang inamin sa mga magulang ang tunay nilang nararamdaman at namamgitan sa kanila. Sa simula ay may pagtutol subalit dala na din ng natural na pagmamahal ng mga ito at ang pagiging bukas sa mga bagay ay napapayag nila sa kundisyong patunayan ang sarili na tunay at totoong pagmamahal ang nararamdaman nila at ang katapangan nila para ihayag sa buong mundo ang laman ng mga puso nila. Isang hamon na ikinasa sa kanila at kanila namang tinupad.

HULING BUWAN NG ENERO – naging malaking usapan sa buong bansa ang tungkol sa huling pahayag ni Ken na isinulat ni Emil.

“Isang tao na pinangakuan ko ng habang-buhay, ang taong nasa harap ko! Ang taong susulat, sumusulat at sumulat ng kwento ng buhay ko! Ang taong hawak ko ang mga kamay ngayon! Ang taong inaangkin ko at mamahalin habang-buhay! Ang taong nagngangalang Bien Emilio Buenviaje – Angeles ang habang-buhay na ititibok ng puso ni Kenneth Cris Nicolas – Saludar.”

Iyan ang nasa huling bahagi ng artikulong isinulat ni Emil na ngayon nga ay pinakamalaking balita sa buong bansa. Ang araw nga na ito ang unang araw para harapin ni Ken ang unang press conference and interview niya ukol sa kontrobersiyal na nailathala. Ngayon nga ay nakaharap silang dalawa sa mga press at hawak kamay nilang sinusuportahan ang isa’t-isa.

“Ken gaano katotoo ang nasa Metro-Cosmo?” simulang tanong ng isang press kay Ken.

Bago magsalita ay itinaas niya ang kamay kung saan ay hawak niya duon ang kamay ni Bien. “Kung ano ang nakikita ninyo, iyon na iyon.” maikli at nakangiti niyang sagot. “Please allow us to state our sentiments first before asking any questions.” pakiusap pa ni Ken.

Tumahimik ang lahat sa pahayag na iyon ni Ken.

“I, together with my long lost love Bien would like to thank you for attending this press conference. Hindi namin alam kung papaano sisimulan ang kwento o kung papaano magpapaliwanag sa inyo. Iniisip pa nga namin kung talaga bang kailangan pa naming magpaliwanag, but my Bien told me this (saka tumingin muna kay Bien bago magsalita), and I quote, it is necessary for us to explain ourselves in public. Una sa lahat, public figure ka, idolizes by many and follows by many. Kailangan nating malinis ang pangalan mo para maunawaan nila tayo. Aside form that, it is also our task to help people like us para ipaunawa sa mga tao na hindi kasalanan ang sitwasyon natin, na walang masama sa relasyon natin lalo na kung tunay naman ang nararamdaman natin na pagmamahal, end quote. I and Bien are happy with each other; feel satisfied and contented with the love we have and with what we can offer for each. Hindi naman masamang magmahal, hindi naman masamang umibig at lalong hindi masama ang sundin ang isinisigaw ng puso natin. Sa una, may takot, pero iba pala ang pakiramdam pag nakawala ka na sa takot mo. Ibang level of happiness ang mararanasan mo pag hinayaan mo lang ang puso mo. Mahal na mahal ko si Bien at ayokong masayang ang buhay ko na hindi ko siya makakasama. Isa lang ang hinihiling namin sa mga tao, understanding, sana naman maging mulat sila para sa mga uri ng taong kagaya namin, maging mulat sila sa katotohanang nagmamahal din kami at karapatan namin na sundin ang sigaw nang aming damdamin. Masakit at nasasaktan din kami sa mga kumukwestiyon, nagdududa, bumabatikos at minamaliit kami at sa pagsasama namin, tao din kami, nasasaktan, isa lang ang panawagan namin, na sana dumating ang araw na matututo kayong unawain kami.” maikling pahayag ni Ken sa hudyat na para si Emil naman ang maagsalita.

“We are victims!” simula naman ni Emil sa pagpapahayag ng saloobin. “Victims of this society, blinded by false faith and fate, victims of the world’s chained beliefs and shattered anonymity, we are victims not by chance or fate, but victims of unnecessary withholding to what should be left behind, we are victims of civilization’s concealed convictions and by humanity’s folded devotions. Sa wari ko ay madami pa din ang biktimang katulad namin at madami pa din silang takot humarap sa katotohana. Masakit, nahihirapan, natatakot, nasusugatan, nawawala sa katinuan, pinapatay ang sariling kaligayahan, pinapako ang sarili sa krus na gawa ng iba, itinatanggi ang sariling kalayaan, binubulag ang sariling mata, nagpapakabingi at ginagawang tanga ang sarili para lang sa nakakabaliw na paniniwalang kinagisnan at kinalakihan. That’s the feeling before I conceded myself to Ken. Those are feelings na sa tingin ko ay kinakaharap ng maraming kagaya namin na sa simula ay walang lakas ng loob at nawalan na ng tiwala sa salitang pagmamahal.” nakangiting pagwawakas ni Emil.

Matapos makapagsalita ay tumayo na sa upuan ang dalawa at mga kasamahan saka sila inalalayan para makalabas sa hall na iyon. Naiwan ang mga nanduon na walang imik at tahimik. Labis nilang naramdaman ang pagmamahalan ng dalawa at nakikisimpatya na din sila sa dinadanas ng mga ito, maging sa mga katulad nilang nagmamahal lang.

“Galing naman bunso!” naluluhang bati ni Benz sa kapatid na nakasalubong nito sa gilid nang stage.

“Siyempre Kuya! Para sa Ken ko.” sagot ni Emil na buong pagmamahal para kay Ken.

Bago pa man tuluyang makalabas ang grupo ni Ken ay tumanggap muna sila ng masigabong palakpakan mula sa press people. Naramdaman ng press ang sinseridad at ang panggaling ng bawat salita sa puso nila Ken at Bien. Naramdaman ng press kung gaano ang hirap na pinagdadaanan at pinagdaanan nila Ken at Bien. Nakuha nila Ken at Bien ang simpatya ng press dahil bukal sa puso ng mga ito ang mga sinabi nila na nanunuot sa bawat himaymay ng nakakarinig. Narinig din nila ang suporta mula sa mga ito.

“We will never leave you Ken!” sigaw ng isang press.

“Ken and Bien, asahan ninyo ang suporta namin.” sabi pa ng isa.

“Maraming salamat!” sigaw ng pasasalamat ni Ken.

LIMANG BUWAN na nadin ang nakakalipas at sa loob ng panahon na iyon ay hindi na lumalabas pa sa TV o kahit na anong pelikula at magazine si Ken. Nawala na din ang usapan tungkol sa buhay pag-ibig nito at naging tahimik na din ang buhay nila ni Bien. Tumupad si Ken sa usapan at sa lumang bahay nga ng mga Saludar sa Pulilan nanatili at tumira ang dalawa. Nanatili ang suporta sa kanila ng mga magulang at ng mga taong nakakaunawa. Umampon ng dalawang bata at ito ang itinuring na mga anak. Oo, may mga tampuhan, pero para saan ba ang paghihirap nila kung ang isang simpleng tampuhan lang ang sisira sa pagmamahalan nila. Si Ken ay sinisimulang maging isang mahusay na direktor katulad nang ama, ngunit higit pa ay naging isang matagumpay na businessman sa loob ng maikling panahon. Nanatiling writer si Bien sa Metro-Cosmo at sa maikling panahon na iyon ay kinilala nang ibang award-giving body ang mga literary piece niya na naisulat. Tulad dati, si Ken lang ang may karapatang tumawag na Bien sa mahal. Ang dapat na independent film na Third Line, Third Row at napalitan ng Pulang Langit na original story din ni Bien nuong nasa sekundarya. Silang dalawa ang napiling gumanap at ang pelikulang ito ngayon ang pinagkakaguluhan ng mga tao at nakakuha na ng mga citations dahil sa kakaibang tekstura at hagod ng kwento.

Si Benz at Vaughn, ang dalawang ito naman ay nanatiling matatag na nagsasama, masaya sa piling ng bawat isa at laging nagtitiwala at nagmamahal. Nakapagpundar ng sariling bahay at lupa at nakapagtayo ng sariling business. Tinaggap ng kanilang pamilya ang kapalarang mayroon sila at lubos na sumusuporta sa kanila. Nabigyan din ng pagkilala si Benz bilang isang direktor at ngayon nga ay siya ang direktor ng Pulang Langit na pinagbibidahan ng kapatid. Si Vaughn naman pinagbuti ang pamamahala sa theme park na kanilang pag-aari at sinisimulan ng ipatayo ang bagong theme park na ipinapagawa niya sa Bulacan. Tulad nila Ken at Emil ay nag-ampon din ang dalawa ng magiging mga anak nila. Salamat sa kalokohang dahilan ni Emil – “Mag-aampon kami ni Ken para makabawas sa mga ulilang kinalimutan na ng mga magulang nila.”

Si Vince naman ay muling nabuksan ang puso para kay Jona at labis na pagsisisi dahil hindi niya nagawang mapansin ito at naisaisantabi niya ang pagmamahal niya dito dati. Nasa proseso na ang dalawa ng ligawan dahil pakipot pa din si Jona, ngunit nasa balak na nila ang magpakasal pagsapit ng ika-tatlong taon.

Si Julian, oo, masyadong nasaktan sa nangyari, pero may isang tao siyang natagpuan na may kakayahang papaghilumin ang sakit na idinulot ni Benz. Papunta din sana siya ng Baguio para mag-audition subalit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakabangga niya si Josh habang paakyat. Tama, si Josh ang mayabang na aroganteng nag-audition. Nakagaanan niya ng loob ang binata at sa ngayon ay nasa proseso na din ng ligawan.

Walang pangarap na imposible kung susubukan mong kumilos para makamit ito.

No comments:

Post a Comment