By:
Dalisay
Blog:
theimmaculatedalisay.blogspot.com
E-mail:
angelpaulhilary28@yahoo.com
[11]
To
those who believed in me. This chapter is made especially for you. Thanks for
your support guys!
Chapter
11
Pabiling-biling
sa kanyang hinihigaan si Dalisay. Kanina pa siya gising ngunit tinatamad siyang
tumayo. Hindi rin niya iniintindi ang kanina pa kahol ng kahol na si Eneru na
nasa bakuran niya. Patamad siyang nag-inat at nahagip ng tingin ang orasan.
Alas-otso
na.
Usually
ay tapos na siyang mag-ayos sa loob ng bahay sa mga oras na iyon. Nakaligo na
rin siya at naghahanda ng magtrabaho sa kanyang work-room. Pero tinatamad
talaga siya. Hindi naman siya buntis. At lalong wala siyang dinaramdam na kung
anoman. Maliban na lang sa isang bagay.
Antisipasyon.
Isang
buwan na rin ang nakalipas ng huli silang magkita ni Gabriel. Ayaw man niyang
aminin ay gustong-gusto na niya itong makita. Kung sinoman ang nagpa-uso ng
kasabihang "Absence makes the heart grow fonder" ay gusto niyang kutusan
ng malakas at palakpakan at the same time.
Napabuga
siya. Inis na inis sa sariling discriminasyon sa larangan ng pag-ibig. Bakit ba
kasi niya hinayaan na mawala si Gabriel sa kanya? Mabibilang sa patak ng ulan
ang mga pagkakataon na nagkakaroon ng interes sa kanya ang mga lalaki at kapwa
niya bading dahil na rin sa pagiging mistulang anti-social niya.
Napailing-iling
siya at ipinasyang tumayo.
Ang
kinasanayang routine ay hindi muna niya ginawa. Kadalasan, nagsisimula siyang
magligpit ng pinaghigaan at mag-ehersisyo pagkatapos. Maglinis. Magwalis.
Magpakulo ng tubig na may itlog. Maliligo. Maglilinis ng banyo. Magbibihis.
Papatayin ang pinakuluan. Ititimpla ang pinagpakuluan ng itlog sa kape.
Mag-a-almusal. Aasikasuhin si Eneru. Magdidilig. Saka siya tutuloy para
magtrabaho.
Subalit
hindi ngayon.
Lahat
ng kinasanayan niyang gawin ay nilaktawan niya. Just for this day. Wala naman
sigurong mawawala kung hindi niya gagawin ang lahat ng iyon.
Imbes
na magligpit ng pinaghigaan ay bumaba siya at lumaktaw sa pagpapakulo ng tubig.
Pero wala iyong kasamang itlog.
Bagkus,
kinuha niya ang kawali. Isinalang. At nagpasyang mag-omelet.
Kinuha
rin niya ang kaning-lamig. Dinurog at isinangag pagkatapos maluto ng itlog.
Pinatay na rin niya ang takure saka nagtimpla ng kape.
Napangiti
siya.
Hindi
niya sukat akalain na ang pagbali niya sa nakasanayang gawi ay magbibigay ng
kakaibang kasiyahan sa kanya. Isinunod
niya ang paghahain saka lumabas para pakawalan si Eneru na tuwang-tuwa ng
makita siya. Dinamba pa siya nito para dilaan na ikinatawa niya.
"Good
boy." Aniya sa alaga.
Nang
bumalik siya sa kusina ay nag-almusal siya kahit hindi pa nagse-sepilyo at
naghihilamos. Wala namang nakakakita sa kanya kaya dedma lang.
Nang
matapos ay inilagay lang niya sa lababo ang mga pinagkainan. Pinakain din niya
si Eneru saka ito iniwan para iligpit ang mga gamit niya sa kwarto.
Hindi
pa siya nakaka-akyat ng husto ay naririnig na niya ang pag-iingay ng kanyang
cellphone. Nangungunot ang noong dinampot niya iyon nang makapasok.
2
Messages Received.
Binuksan
niya ang mga mensahe at nakitang galing iyon kay Doc Roblen at Charles.
Kumusta
ka? Attend ka naman ng meeting. Hindi ka na nakakapunta rito eh. Anang butihing
doctor ni Eneru.
Sige.
Anong oras? Sagot niya.
Binuksan
niya naman ang kay Charles at nakitang ganoon din ang mensahe maliban sa
karugtong nito na may sasabihin daw itong importante. Nag-reply siya ng OK saka
ibinaba ang aparato sa side-table.
Nagliligpit
na siya ng pinaghigaan ng mag-ring ang kanyang cellphone.
It
was Doc Roblen.
Sinagot
niya agad ito.
"Hello,
Doc. Good Morning!" masigla niyang bati.
"Hi!
Buti naman at sumagot ka. Akala ko joke lang yung pagtatanong mo kaya tinawagan
na kita," sagot ni Doc Roblen.
"Pwede
ba namang maging joke yun?"
"I
don't know. May pagka-aloof ka kasi. Hindi ako sanay na sumasang-ayon ka kaagad
sa amin. Anyway, bago pa magbago ang isip mo. Mag-start kami ng meeting ng mga
one o'clock. Same place. Sa Something's Fishy sa Libis. Pumunta ka. May bago
tayong member. Gwapo ito." Sunod-sunod na pag-i-inform sa kanya nito.
Napailing
siya sa tinuran ni Doc Roblen. "I will. Kahit wala pa kayong kasamang
gwapo. I-kumusta mo ako kina Lance at sa iba pa."
"Sure.
See you." Anito at tinapos na ang tawag.
Nangingiting
inilapag niya ulit ang aparato saka itinuloy ang mga gawain. Naglinis na rin
siya sa bahay at naligo.
Pagkatapos
ay saka siya nag-check ng mga e-mails at sinagot ang ilan sa mga iyon. Tinapos
din niya ang mga naka-pending na first page credits para sa mga nobela niyang
katatapos lang gawin.
Napangiti
ulit siya.
He
felt accomplished. Light.
Tiningnan
niya ang oras. Alas-onse na. Sakto lang para magbihis siya at bumiyahe sa
editor niya at pumunta sa meeting nila Doc Roblen na matagal na siyang
niyayayang sumali sa entrepreneur's club na pinamumunuan nito.
NAGHAHANAP
siya ng pagpaparadahan nang makita niya si Charles na naglalakad. Tatawagin
niya sana ito subalit napigilan siya ng makitang may kasama itong pamilyar na
pamilyar hindi lang sa kanyang mga mata kundi pati sa kanyang puso.
Medyo
nangayayat ang ito subalit hindi noon nabawasan ang kagwapuhang taglay ng
nilalang na tinititigan niya. Nagulat pa siya ng makarinig ng malakas na busina
sa kanyang likuran. Napa-preno siya ng malakas. Muntikan na siyang makabangga
pala sa kakatitig kay Gabriel.
Yes.
It was Gabriel who made him unaware of almost everything.
Napapalatak
siya. Mabuti na lang at hindi siya nadisgrasya. Mabilis siyang tumingin sa
panig nila Charles at Gabriel at laking pasasalamat niya na hindi ito
nakatingin sa nangyari.
Hindi
niya sukat akalain na ang simpleng pagtanaw dito ay magdudulot ng ganoong
pakiramdam sa kanya. Mistula siyang school-girl na natulala ng makita ang crush
sa kauna-unahang pagkakataon.
Nang
makaparada ay tinalunton niya ang daan papunta sa Something's Fishy. Natanawan
niya agad ang grupo nila Doc Roblen na nasa loob na ng establisyimento ng
makapasok siya.
Malamig
ang hanging bumungad sa kanya pagpasok doon ngunit hindi iyon ang dahilan kung
bakit siya biglang nanigas sa kinatatayuan.
Sitting
beside Doc Roblen and Charles is the most handsome creature he ever laid his
eyes on. Naka-crew cut ito. Exposing his beautiful eyebrows and chiselled chin.
Naramdaman siguro nito na may nakatingin dito kaya nagbaling ito ng tingin sa
gawi niya.
Their
eyes met.
Ang
kaninang walang buhay na mata nito ay biglang kuminang pagkakita sa kanya at
pakiramdam niya ay ganoon din siya ng mga oras na iyon.
Nagulat
pa siya ng tawagin siya ni Doc Roblen. "Dalisay! Mabuti at nandito ka
na."
Napapitlag
siya ng kaunti at inayos ang sarili. Ngumiti siya ng tipid at sinagot ito
habang naglalakad. "I promised to come, hindi ba?"
Nang
makalapit siya sa table ng mga ito ay para siyang robot na bilang na bilang ang
gagawin. Nahugot niya ang paghinga ng ipaghila siya ng silya ni Doc Roblen
katapat ang silya ni Gabriel na hindi siya tinatantanan ng tingin. Ilang na
ilang tuloy siya.
"Buti
naman at lumabas ka sa lungga mo," si Lance.
Binalingan
niya ito at binati. "Hindi kasi ako busy," dagdag pa niya.
"Good,"
kibit-balikat na sabi nito.
"Dalisay.
I want you to meet Gabriel. He's our newest member dito sa club. Gabriel, the
incomparable writer Dalisay." Pagpapakilala sa kanya ni Doc Roblen sa
binata.
Ngumiti
sa kanya si Gabriel at inilahad ang kamay sa pagtataka niya. "Hi, I'm
Gabriel."
Na-miss
niya ang boses nito. Muntik na siyang mapaluha ng magpakilala ito sa kanya
kundi lang niya naalala ang kundisyon na ibinigay niya rito.
We'll
treat each other as strangers the next time we meet...
Iniabot
niya ang kamay dito and the moment their palms meet, thousands of electric
shocks was sent into his system. Bahagya pa siyang kinilig. Dalangin lang
niyang hindi nito iyon naramdaman.
"Hello.
I'm Dalisay." Kimi niyang sagot.
"Hindi
ko alam na may sikat pala kayong member," ani Gabriel na hindi binibitiwan
ang kanyang kamay.
"Ah...
Hindi pa siya member dito. Magpapa-member pa lang. Hindi ba, Dalisay?"
sagot ni Doc Roblen sa inquiry ni Gabriel kahit pa walang partikular na
tinatanong ang huli.
"O-oo
nga." Nauutal niyang sabi.
Siya
na ang kusang bumitiw dito kahit pa ayaw niya. Kung pwede lang, kukunin niya
ang lahat ng sadaling maaari silang maghawak o magdikit man lang. Ganoon niya
ito na-miss.
"Ok.
Since nandito na ang lahat. Pwede na tayong magsimula," putol ni Doc
Roblen sa pagmo-moment niya ng mga sandaling iyon.
"T-teka
lang..." Si Charles.
Lahat
ay takang napalingon dito. Maging silang dalawa ni Gabriel. Sa hitsura at
timpla nito, mukha itong constipated na ewan.
"Ano
iyon Charles?" tanong ni Doc Roblen dito.
"Ah...
Eh... Pwede ka bang m-maka-usap, Jordan?" Charles asked nervously.
Nangunot
ang noo niya sa tinuran nito. Ginamit nito ang tunay niyang pangalan kaya
malamang ay importante ang sasabihin nito.
"Why?"
he asked.
"D-doon
sana sa labas. Y-yung tayong dalawa lang." Kabado pa ring sabi nito.
Nagtataka
man ay pumayag siya. Sandali niyang sinulyapan si Gabriel na nang mga oras na
iyon ay bahagyang nagdilim ang anyo.
"W-we'll
be right back." Nahihiya niyang sabi sa mga naroroon.
Nang
makalabas sila ni Charles ay mukha pa rin itong tuliro na palad-lakad. Halos
makarating na sila sa Richmonde Hotel ay hindi pa rin ito nagsasalita.
"Charles!"
tawag niya rito.
"Y-yes?!"
natitigilang sambit nito. Tumigil din ito sa paglalakad.
"Wala
akong planong sundan ang paglalakad mo buong araw. Kaya kung may sasabihin ka,
sabihin mo na agad. Nakakahiya sa mga iniwan natin doon." Naiinis na sabi
niya.
Bantulot
itong humarap sa kanya.
"Anong
sasabihin mo?" His arms akimbo.
Nakita
pa niya ang paglunok nito baga nagsalita. "I-i m-made a mistake. Sana
m-mapatawad mo a-ako."
Lalo
siyang naintriga sa sinabi nito.
"What
do you mean?"
"G-ganito
kasi yun. Nakipagpustahan ako kay Gabriel. Y-yung pinakilala sa iyo kanina. And
the bet was about someone who could not be taken." Nagkakanda-utal na sabi
pa ni Charles.
"What?
Anong konek nun sa akin?" asar niyang sabi.
Paglalakarin
siya nito sa katanghaliang-tapat sa Libis tapos yun lang pala ang sasabihin
nito. Na nakipagpustahan ito kay Gabriel about someone whou could not be taken.
Kaloka.
"Taken
by whom?" tanong niya.
"B-by
him. W-we made a bet na hindi lahat ng bading o bisexual ay makakaya niyang
maging boyfriend. I was so frustrated to prove him wrong. K-kaya naman... Kaya
naman... naisip kita," pagpapatuloy nito.
Kinabahan
siyang bigla. Mukhang hindi niya magugustuhan ang ibig nitong tukuyin.
"W-what
do you mean?" kabado na rin niyang tanong.
"I-i
told him that there is a particular person who could not be taken by his
charms. Na hindi pa niya natutuklasan ang lahat ng planeta. Na hindi niya
kayang gawing jowa ang lahat ng popormahan niya. And I told him that you were
that someone who could not be taken," dire-diretso nitong sabi.
Natigilan
siya. Sinasabi na nga ba niya. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. After
all this time. Isang pustahan lang pala ang nasa likod ng pangungulit sa kanya
ni Gabriel noon. That he was taking him for a fool. At gaga naman siya para
magpa-uto dito na totoo ang lahat ng sinasabi at nararamdaman nito sa kanya
noon. How cruel!
"J-jordan!
Sorry! Sana mapatawad mo ako. I-i lost the bet. Na-in-love sa iyo si Gabriel.
He told me himself. Pero hindi ko kayang maging masaya na nanalo nga ako ng
two-hundred thousand pero pinagpustahan ka naman namin kahit pa totoo naman na
in-love siya sa iyo."
Kung
sa ibang pagkakataon ay nagtatalon siya sa tuwa sa deklarasyon na iyon ni
Charles. But the revelations just now are difficult to swallow. Wala siyang
matanggap sa mga rason na sinasabi sa kanya ng kausap niya ngayon. Pero may
isang bagay na malinaw sa kanya. Pinaglaruan siya.
Ito
at si Gabriel.
"Jordan..."
Hinamig
niya ang sarili.
"Magkano
ulit ang pustahan ninyo?" he asked.
"T-two
hundred thousand. Saka yung Audemars Piguet watch ko."
Napabuga
siya.
"At
least, mahal ang pustahan ninyo," aniya sa kontroladong tinig.
Gusto
niyang palakpakan ang sarili sa pagkakataong iyon dahil hindi siya nagpapadala
sa emosyon niya. Kung iba iyon, malamang umiyak na ng umiyak at nagwala sa
galit. Ngunit hindi siya ganoon.
Not
Dalsiay Diaz.
"I'm
sorry, Jordan." said Charles.
Nagtaas
siya ng mukha. "Save your sorry Charles. Kakausapin ko lang ang kaibigan
mo. Tatanungin. Ako ang magdedesisyon kung patatawarin ba kita o hindi."
aniya rito saka mabilis na tumalikod at bumalik sa lugar kung saan naroon si
Gabriel nang mabangga siya sa isang solidong katawan na gad siyang inalalayan.
"Hindi
na kailangan. I'm already here."
Mahilo-hilo
man siya ay kilalang-kilala naman niya ang taong nagmamay-ari ng katawang iyon.
Though his senses was assaulted by the man's scent, he wouldn't let it cloud up
his senses. Hindi pwede. Hanggang hindi sila nagkakaliwanagan.
Itutuloy...
DISCLAIMER:
All the characters in this story have no existence whatsoever outside the
imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name
or names. They are just distantly inspired by any individual known to the
author, and all the incidents are merely invention.
[Finale]
Finally,
this I have come up with a proper ending for this story. Sa sobrang tagal kasi
na nag-hiatus ang bida ko dito, hindi na ako nakamove-on. Hahaha... Mind you, I
took it seriously. LOL.
To
Gabriel, keep doing what you are doing right now. I will always cherish the
name Kirby Gabriel Fadriquella in my dreams. Sa panaginip ko, totoo siya.
Although hindi ko itinatanggi ang existence mo, ikaw at siya ay iisa. Love
yourself dear so you could start anew. Malay mo, ikaw ang The One Who Could Not
Be Taken ng taong muling paglalaanan mo ng iyong pagtingin.
Hanggang
sa muli mga kaibigan.
Nagmamahal,
Dalisay.
Chapter
12
"G-Gabriel..."
It
was said in a very soft manner.
Ang
buong akala ni Gabriel ay sasalubungin siya ng katakut-takot na panunumbat mula
kay Dalisay ngunit ilang minuto na ang lumilipas ay hindi pa rin ito kumikibo.
Ilang emosyon na ang nakita niyang nagdaan sa mga mata nito ngunit wala siyang
makitang senyales ng outburst anumang oras.
It
was like he's waiting for something he himself could not fathom. Siya pa na
ipinangalandakan na sa buong mundo ang kahusayan sa pakikipag-deal sa mga
kalahi niyang gustong-gusto niya.
But
he thought wrong.
He
could not handle the simple, plain yet very unpredictable Dalisay Diaz for that
matter. Maling-mali siya.
"Let
me explain, please," he said without any conviction.
What
is there to explain dude? Sabi ng isang bahagi ng isip niya.
Bumaba
ang paningin ni Dalisay sa kamay niyang nakahawak sa braso nito ng muntik na
itong matumba dulot ng pagkakabunggo nito sa kanya kanina.
"L-let
me go." Said Dalisay. Almost whispering.
"No."
He answered.
"Please?"
Napabuga
siya.
Hindi
siya talaga manalo-nalo dito kahit kailan. Sa debate man o sa pakiusapan. So he
did let him go.
For
a while. He said to himself.
"Will
you hear me out first?" tanong niya kay Dalisay.
Tumingin
ito sa kanya at tumango.
Napatingala
siya. Parang gusto niyang kumuha ng lakas sa langit sa mahaba-habang paliwanag
na sasabihin niya rito. Nang handa na siya ay tumingin siyang muli rito at
lakas-loob na nagsalita.
"I
know that this just looks like a re-run of everything. But please, maniwala ka
sa akin kapag sinabi kong hindi ko sinasadyang lokohin ka," panimula niya.
Nanatili
lang na nakatitig at nakikinig sa kanya si Dalisay.
"I
made a bet with Charles without thinking that he might be right. Na hindi lahat
ng bakla, bisexual o kung sino pa mang kalahi ni Adan ang kabisado ko na
pagdating sa pakikipag-relasyon. Na mayroon pa akong hindi nadidiskubreng
planeta sa kalawakan. Na hindi pala pwedeng kahit anong takip na lang sa
kaldero ang pwede kong gamitin. Mali ako. Kasi nariyan ka."
"Noong
nalaman ko na si Dalisay Diaz at yung Jordan na sinasabi niya ay iisa, natakot
ako. Na-insecure. Pero dahil sa nakapag-commit na ako, hindi na ako pwedeng
umatras. I said to myself, ano nga ba ang kaibahan mo? Mukhang wala naman, pero
ikaw lang ang nakapag-paikot sa puwit ko ng ganun-ganon na lang. Ang hirap mong
ispelengin. One minute you're mysterious, then you're like any normal Joe.
Naguguluhan ako. Then I found out, I'm liking and hating you all at the same
time. Pero mas lamang yung pagka-gusto ko sa'yo kaysa pagka-bwisit."
Napangiti
si Dalisay pagkasabi niya noon. That gave him enough encouragement to continue.
"I
swear to God. Nung magkatabi tayo sa kama. Nung nagising kang nakayakap ako
sa'yo. Sinadya ko iyon. But you know what? It back-fired. Ang plano kong
pangse-seduce ay bumalik sa akin. Alam kong alam mo iyon. I was so hard when
I..."
"Hep!
Hep! tumigil ka sa parteng iyon. I-skip mo muna," namumula ang mukhang
sabi ni Dalisay sa kanya. Nagtaas pa ito ng kamay para pigilan siya sa anumang
sasabihin pa niya.
He
caught the pertinent hand and held it firmly. Sinigurado niyang mahigpit na
hindi ito makakawala mula sa pagkakahawak niya.
"No.
I want you to hear what I did next," sabi pa niya.
"Gabriel!
Don't you have any decency at all? Nariyan lang si Charles oh," anito na
tumingin pa sa paligid para lang mabigla na wla na ang kinatatakutang audience.
May
mangilan-ngilan na dumadaan pero hindi ito pinagtutuunan ng pansin ni Gabriel.
"Hayaan
mo na siya," said Gabriel. "So, ganoon nga, makulit na Miss. Ang daya
mo. Matapos mo akong halikan, tinakasan mo ako. Alam mo bang binisita ko pa ang
shower room para lang hindi ako kahiya-hiya kapag bumaba ako?"
Namula
ng husto si Dalisay sa mga mga naririnig mula sa kanya. Nag-enjoy siya tuloy ng
husto sa nakikita. Ganito pala ito kapag nahihiya. Sobrang pula.
"Ikaw
ang naghalik," pagtatama nito.
Umiling
siya.
"Grabe
ka, Miss D. Para akong nagso-solve ng puzzle sa ginagawa mo sa akin. Pero alam
mo ang pinaka-gusto ko sa lahat?" tanong niya rito.
Nagtaas
naman ito ng kilay sa tanong niya. It was like telling him to go on and that he
was very curious of what he's going to say.
"Yung
halik mo."
Dalisay
rolled his eyes with his statement.
"Ayaw
mong maniwala? E di try ulit natin," and in a swift move, he cupped
Dalisay's nape and lowered his head quickly to claim the doubtful man's lips.
Napaungol
agad si Gabriel sa sensayon na naramdaman. It was bliss. Ang tagal niyang
hinanap ang katulad ng ganoong pakiramdam sa mga dati niyang karelasyon ngunit
hindi siya nagtagumpay. Mabuti na lang nakipagpustahan siya at nakilala niya
ang taong ito.
Hindi
pa sana siya titigil sa pananakop kung hindi lang siya nakarinig ng malalakas
na sigawan at palakpakan sa paligid.
Si
Dalisay ang unang bumitiw at na-shock ng makita kung sinu-sino ang mga audience
nila. Sila Doc Roblen, Charles at Lance pati na rina ng ilang members ay naroroon
at nanonood sa kanila. Mabilis sanang kakawala sa kanya si Dalisay ngunit
inunahan niya ito. Niyakap niya ang makulit na writer para lang hindi na ito
makawala na sa kanya ng tuluyan.
"G-Gabriel...
Hindi ako makahinga!" reklamo nito.
Natawa
siya. Bahagya niyang niluwagan ang pagkakayakap ngunit tinitigan niya ito upang
ipa-intindi na hindi na ito makakatakas pa sa kanya kahit anong mangyari.
"You're
not going anywhere, Miss D. Huli na kita."
Natatawang
isinubsob ni Dalisay ang mukha sa kanyang dibdib.
"I'm
not going anywhere, Gabriel. Wala akong planong tumakas mula sa'yo."
Nakahinga
siya ng maluwag at itinaas ang mukha nito to give Dalisay another round of a
kiss ngunit tumanggi na ito.
"Wala
akong planong maging center of attention dito, Gabriel. Huwag kang PDA.
Nasisira ang reputasyon ko sa'yo." Natatawang sabi nito.
Nakitawa
na rin siya.
"I'm
sorry." Buong sinseridad na sabi niya.
"Don't
be. Besides, hindi iyan ang gusto kong marinig mula sa'yo." sabi nito.
"I
love you..."
"I
love you more. Pilit ko mang itanggi, iyon ang isinisigaw ng puso ko. Wala ng
dahilan pa para hindi ko pakinggan iyon."
Halos
matunaw ang puso niya sa deklarasyon na iyon ni Dalisay.
"Am
I dreaming?" halos pabulong niyang tanong dito.
"Yes,
you are dreaming, Gabriel," Dalisay replied to him.
Nangunot
ang noo niya sa sagot nito.
"Then
I don't want this dream to end. Ayoko ng magising pa," buong kaseryosohan
niyang sabi na tinawanan lang ni Dalisay.
"Sira
ka talaga," sabi pa nito.
"Ikaw
kaya ang sira. Nagpapa-cute lang ako sa tanong ko, pinatulan mo naman."
Nakasimangot niyang sabi rito.
"Susme,
at nag-inarte ang mama. Hindi bagay sa'yo 'oy!" natatawa pa rin nitong
sabi.
"Natatawa
ka pa? Samantalang seryoso akong nagbubuhos ng damdamin ko sa'yo rito.
Pinaglalaruan mo lang ba ako?"
Umingos
lang si Dalisay sa sinabi niya. Halatang hindi sineseryoso ang kaunting
tantrums niya.
"I
agreed that you are dreaming, Gabriel because I know this kind of dream. This
is the kind that you control the outcome. What do you call it again? Lucid
dreaming? Yeah, I think that's it." Nakangiting paliwanag nito sa kanya
habang unti-unting kumakalas mula sa pagkakayakap niya.
"What?"
naguguluhan niyang tanong.
"You
know, the type of dream where the dreamer gets to choose the right ending for
his dream. It's lucid dreaming, Gabriel. And this is the kind of dream that we
are into right now. Walang makakapagbago ng desisyon natin para sa finale ng
panaginip na ito," paliwanag ni Dalisay sa kanya na tila ba isa siyang
bata.
"Hmm...
Ganoon ba yun?" napapantastikuhan niyang sabi. "In fairness, may
natutunan ako sa'yo. Alam ko ang term na iyon pero hindi ko alam na mangyayari
pala iyon sa akin. Dito mismo sa mga oras na ito."
Dalisay
chuckled. Hindi matiis na kurutin ang mga pisngi niya.
"Ang
gwapo mo talaga!" kinikilig pang sabi nito.
Napangiti
siya ng husto. A compliment from the one who taught him almost everything in a
span of months. Who would have thought na ang simpleng pustahan nila ni Charles
ay mauuwi sa maganda ngunit masalimuot na love story nila ni Dalisay.
"Hindi
pa ba tapos iyan?" tanong mula sa grupo nila Doc Roblen na nasa hindi
kalayuan.
Napatingin
sila dito. Pati na rin sa paligid. May mga nakangiti. May nakataas ang kilay.
At meron ding kumukuha ng pictures at videos. Nilingon niya si Dalisay. He was
smiling from ear to ear. Ganoon din ang pakiramdam niya. In fact, gusto niyang
magtatalon sa tuwa. Ibinalik niya ulit ang tingin kila Doc Roblen.
"We're
done. May pinag-uusapan lang kaming ilang bagay," nakangiti niyang
paliwanag sa mga ito.
"Pare,
baka next month ko na ibigay yung two-hundred thousand mo. Walang-hiya ka.
Nakabawi ka kaagad. Akala ko, panalo na ako," ani Charles.
"Tukmol!
Wag kang panira ng moment." Nanlalaki ang matang sabi niya rito.
Natawa
naman si Dalisay at ang iba pa. Everybody seemed to know about the bet already.
Napatingin ulit tuloy siya sa bagong kasintahan ng wala sa oras.
"O
bakit?" nagtatakang tanong nito.
"Bakit
nga pala hindi ka nagalit sa akin? Sa amin ni Charles."
Ngumiti
muna si Dalisay. Saglit na nag-isip bago nagsalita."Actually, I'm really
mad kanina. But I don't have any idea kung bakit ang bilis nawala yung galit ko
pagkakita ko sa'yo. Sabi ko naman di ba? Kakausapin lang kita sana. Tatanungin.
Subalit nung nakita na kita, wala na. Talo na agad ako. Hindi lang ako
nagpahalata kasi baka lumaki ang ulo mo bigla. May pride din naman ako kahit
paano," mahabang sabi nito.
Napapalatak
siya.
"Hindi
nga halata kanina na galit ka. I was really afraid to say something kanina.
Buti na lang naisip kong it's now or never. Wala atrasan ito. Kesohodang
magalit ka pa. Magpapaliwanag at magpapaliwanag pa rin ako sa'yo," sabi ni
Gabriel.
"Which
I'm glad you did," sagot ni Dalisay habang nakatitig ng buong-suyo sa
kanya. "Nawawala kasi ang galit ko kapag nagpapaliwanag ka na. Ako naman
kasi, kapag may ginawa sa akin ang isang tao, I tend to get angry at first but
iniisip ko din kung ano yung mabuti sa kabila ng hindi magandang nagawa sa
akin. Personally, I thought you bring the best and the worst in me kapag
magkaharap tayo."
Tumaba
ang puso niya sa narinig.
"Thank
you." Yun lang ang tangi niyang nasabi na sinagot naman ng ngiti ni
Dalisay.
"You're
welcome. Halika na. Gutom na ako," yaya nito sa kanya.
"Ako
rin."
Nagkakatuwaan
ang lahat ng lumapit silang dalawa sa mga kasamahang naki-usyoso sa kanilang
moment kanina.
"Tapos
na ba? Gutom na rin kami eh." Si Charles.
"Hindi
pa, pare. Simula pa lang ito. Hindi ba, babe?"
Tinaasan
lang siya ng kilay ni Dalisay sa sinabi niya ngunit nauwi rin sa tawa kaagad.
"Babe?"
sabi nito. Tila ninanamnam ang salitang iyon. "I like it."
The
statement received an applause from everyone. Nagkaisa silang i-celebrate na
lang ang pagkaka-ayos nila ni Dalisay pagkatapos ng meeting ng kanilang club.
Hindi magkamayaw si Gabriel sa kakangiti sa durasyon ng salu-salo.
Na
dapat lang naman dahil kundi dahil sa kalokohang pustahan na naisipan ng
kaibigan niya ay hindi siya matututo ng matinding leksiyon. Hindi sa lahat ng
oras ay alam mo ang sagot sa mga bagay-bagay. May mga pagkakataon na bibiglain
ka ng tadhana para iparamdam sa'yo na marami ka pang hindi nalalaman. He have
Charles to thank for that.
Tapos
na ang kanyang paghahanap. Hinding-hindi na siya titingin sa iba. Wala ng
hahanapin pa sapagkat nasa tabi na niya ang taong magbibigay ng kakaibang kulay
sa kanyang buhay. Kapag naiisip nga niya ang mga panahong sinayang niya sa
pagtuklas ng kung anu-ano, nakikita niya ang isang pathetic na nilalang na
nagsasabing in-love siya sa mga karelasyon niya kahit hindi naman. All for the
sake of having a so-called relationship. At least, with Dalisay on his side,
the search for the one who could not be taken is finally over.
WAKAS.
DISCLAIMER:
All the characters in this story have no existence whatsoever outside the
imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name
or names. They are just distantly inspired by any individual known to the
author, and all the incidents are merely invention.
No comments:
Post a Comment