Tuesday, January 8, 2013

Dreamer (11-15)

By: emray
E-mail: iam.emildelosreyes@yahoo.com
Source: theimmaculatedalisay.blogspot.com


[11]
The Revelation

“Salamat nga pala at hindi ka pumayag na sa inyo tayo matulog.” simula ni Emil sa usapan at pagbasag na din ng katahimikan.

“Alam ko naman kasing hindi ka pa kumportable.” simpatikong sagot ni Benz kay Emil.

“Salamat talaga.” pasasalamat pa din ni Emil. “Saka nga pala, bukas pipirma na ako ng kontrata kaya hindi ako pwedeng sa inyo matulog.” saad pa niya na may isang nakakagigil na ngiti.

“Ayan, ngingiti ka.” wika ni Benz saka nito pinisil ang pisngi ni Emil. “Saan ka nga pala pipirma ulit ng kontrata?” tanong pa nito.

“Sa Metro-Cosmo, nag-apply ako dun kahit contributor lang.” sagot ni Emil. “Iyon kasing isang tao d’yan sinira ang future ko as scriptwriter.” pasaring pa nito at isang mapang-asar na tawa.

“Nagpaparinig ka?” tanong ni Benz kay Emil.

“Bakit? Tinamaan ka ba?” balik na tanong ni Emil. “Iilag kasi sa susunod.” habol pa niya saka nag-iwan ng isang makakaloko at mapang-asar na ngiti.

“Aba’t!” wika ni Benz saka kiniliti si Emil.

“Ano ba!” saad ni Emil. “Mag-drive ka na nga lang.” galit-galitang habol pa nito.

“Asus! Nagkukunwaring galit.” asar ni Benz na may pahabol na nakakagagong tawa.

Kinaumagahan sa loob ng Metro-Cosmo –

“Tagal naman!” asar na usal ni Benz. “Anong oras ba kasi ang usapan ninyo?”

“Bakit ka ba kasi sumama pa kung mag-iinarte ka lang?” tila inis na ding sagot ni Emil.

“Aba at ikaw pa ang galit! Ikaw na nga itong sinamahan ko!” sagot naman ni Benz na tila nairita na sa sobrang tagal.

“Pinilit ba kitang sumama? Hindi naman, ikaw kaya itong nagpumilit na samahan ako!” sagot naman ni Emil.

“Ako na nga itong nagmagandang loob para ihatid ka at nang may sakyan ka pauwi tapos nagagalit ka pa ngayon sa akin!” sagot pa ni Benz.

“Emil, Benz!” bati ng isang lalaki sa dalawa. “Kamusta na? May DOTA ata kayo?” habol pa nitong tanong.

“Ah wala Ken!” sagot ni Benz sabay akbay kay Emil at mahigpit na inilapit sa katawan niya at nagbigay ng isang pilit na pilit na ngiti. “Medyo nangungulit lang kasi si Emil.” habol pa niya.

“Bwisit kang Benz ka! Tanggalin mo yang kamay mo sa braso ng Bien ko!” ngitngit ng kalooban ni Ken subalit kailangan niyang ngumiti ng pagkaplastik-plastik. “Ikaw Emil? Kamusta na?” tanong pa niya sabay titig kay Emil at pinapungay pa ang mga mata.

“Tigilan mo yan Ken! Wag mong landiin si Emil!” ngitngit ng kalooban ni Benz sabay titig ng matatalim kay Ken. “Ayos lang naman si Emil.” si Benz na ang sumagot para kay Emil.

Samantalang si Emil naman ay hindi magawang tumingin ng diretso kay Ken. Nahihiya pa rin siya sa binatang artista. Higit pa dito ay hindi niya kayang kontrolin ang bilis nang pagpintig ng kanyang puso. Hindi niya kayang tumagal sa mga titig na ipinupukol sa kanya nito. Hindi niya kayang suklian ang mga ngiti nitong ibinibigay sa kanya at higit pa ay ayaw niyang lalong mahulog sa kababatang pag-aari na ng iba.

“You’re such a royal Bien! I can’t help myself but to adore you, to admire you and I’m stuck with you! When you will be mine again?” bulong pa ni Ken sa sarili habang binubusog ang mga mata sa anyo ni Emil.

“Emil and Ken!” maligayang pagbati ni Mr. Ching sa tatlo. “Sorry I’m late!” paumanhin pa ng Editor-in-Chief. “Kasama pala ninyo ang most promising director ng dekada!” sabi pa nito na napansin si Benz. “What a great set of people, isang most promising actor, isang most promising director at ang most promising writer in the making nasa loob ngayon ng Metro-Cosmo.” tila naliligayahang bati pa nito.

“Well, sinamahan ko lang naman si Emil.” sagot naman ni Benz.

“Really sorry. Alam kong hindi ko dapat kayo pinaghihintay lalo na at nasa lobby lang kayo. Galing kasi ako sa bakasyon and kakauwi ko lang kaninang madaling araw.” pagkukwento pa ni Mr. Ching habang paakyat sila sa opisina nito.

Hindi na sumama pa si Benz sa opisina ni Mr. Ching. Pinili na lang niyang hintayin ito sa lobby. Wala naman siyang kinalaman sa pirmahan nila ng kontrata, naduon lang siya para samahan si Emil. Gayunpaman ay may isang bagay na dahilan ng pagkabalisa niya, ito ay ang isiping kasama ni Ken si Emil sa loob ng opisina na iyon.

“Napaaga ng one week kay Emil and sa’yo Ken ay one month, kasi gusto ko sabay kayong pipirma ng kontrata sa akin. Kahit na nga ba isang project lang ang pipirmahan ni Ken at least nagkasabay ang dalawang future biggest name sa industry na pumirma sa Metro-Cosmo at sila ang opening namin ngayong taon.” tila papuri ni Mr. Ching sa dalawa.

“Mr. Ching, hindi po makakarating si Tito Don ngayon, nasa bakasyon pa din po kasi. Kung pwede daw po ako na lang ang pipirma para sa kanya kung hindi naman next time na lang daw po siya pipirma.” paumanhin at pagbabalita ni Ken.

“Well, kahit ikaw nalang, since madami namang witness dito.” sagot ni Mr. Ching.

“Mr. Ching, ano po ba ang unang project ko?” simula na tanong ni Emil sa Editor-in-Chief na sa wakas ay nagawa ng makapagsalita.

“Akala ko hindi ka magsasalita ngayon!” tila pang-aasar ni Mr. Ching kay Emil. “Since naitanong mo na din ‘yan, I’m planning to give you one regular column, tipong monthly may susubaybayan ang readers natin na series, associated ka din sa mga current events, issues and problems.” sagot pa ni Mr. Ching. “I’m expecting a lot from you!” habol pa nito.

“Don’t worry Sir! I’ll do my best!” nakangiting sagot ni Emil.

“Oh my Bien, your eyes that causes many to fall, your lips that seduces me to my last breath, your smile that moves away all my worries and you that makes me happy and compete! Bien ko, sabik na sabik na ako sa’yo! Sabik na akong ikulong ka sa mga bisig mo, siilin ng halik ang mga labi mo at ituloy ang pagmamahalan nating hinadlangan ng kahapon.” saad ni Ken sa sarili habang nakatitig at pinagsasawa ang paningin sa itsura ni Emil.

“For your first project Emil!” tila biting wika ni Mr. Ching. “You will work with Ken, featuring his life, his childhood days, his career, family, lovelife, everything.” masayang saad ni Mr. Ching.

“Ken! Kasama kaya ako sa kwento mo? Kung maging ang pangalan ko nalimot mo na! Kasama kaya sa kwento mo ang mga pangako mo sa akin? O maging iyon ay hindi mo na naalala?” malungkot na wika ni Emil sa isipan.

“Oh Bien ko! Nakahanda ka na ba sa pagbabalik ko? Mapapatawad mo kaya ako sa pang-iiwan ko sa’yo? Tatanggapin mo pa kaya ako? Bien, I have nothing unless I will have you.” sabi naman ni Ken sa sarili.

Sa kabuuan ng pirmahan ng kontrata ay nanatiling matipid magsalita si Emil na sa katotohanan lang ay may malaking tama pa din kay Ken at hindi pa din niya kayang makipagtitigan dito o kaya naman ay makipag-usap lalo na sa mga nangyari sa kanila.

“Kamusta na?” simulang bati ni Benz kay Emil.

“Ayos naman!” pilit ang mga ngiting sagot ni Emil.

“Celebrate tayo!” aya ni Benz kay Emil. “Bago ako pumunta sa set ng LD magcelebrate na muna tayo tas isasama kita sa location.” aya pa ni Benz dito.

“Sige Emil, Benz, andito na pala si Julian, mauna na kami” paalam pa ni Ken sa dalawa na sa totoo lang ay ayaw niyang iwanan pa si Emil at ipaubaya ito kay Benz.

“Nagustuhan kaya ni Benz ang regalo ko sa kanya?” wika ni Julian sa sarili. “Ano kaya ang reaksyon ni Emil nang mabasa ang note na ginawa ko? Sayang hindi ko nakita. I’m sure may away ang dalawa ang my plans were just started hintayin pa nila ang mas matinding problema.” tila paghahamon pa ni Julian sa sarili para sa dalawa at saka nag-iwan ng isang nakakaloko at napakahiwagang ngiti bago tuluyang umalis.

“Sige, ingat!” sagot ni Benz na hindi mo na babakasan ng sobrang selos o galit sa nakikitang si Julian at Ken ang magkasama. Hindi man siya sigurado ngunit sa tingin niya ay nagiging malaking tulong sa kanya si Emil lalo na at unti-unti niya itong natututunang mahalin. Tama si Vaughn na tanggapin lang niya ang kapalaran nila ni Julian ay makikita niya ang isang taong mahihigitan pa ito.

Samantalang ngiti lang ang sagot ni Emil. Hindi maunawaan ni Emil kung bakit tila nag-iba na ang pakiramdam niya ngayon. Hindi na ito ganuong kasakit, hindi tulad dati at hindi na din ito ganuong kakirot. Sa totoo lang ay sa isiping may Benz siyang kakapitan ay gumagaan na ang loob niya.

“Bien! Hintayin mo ako!” mahinang bulong ni Ken bago tuluyang umalis. Nakaramdam ng kakaibang kaba si Ken bago tuluyang maihakbang ang mga paa niya palayo kay Emil. Kakaibang panlalamig ng katawan ang naranasan niya na tipong ayaw niyang iwanan si Emil ng mga oras na iyon. Kakaibang kaba na hindi niya mawari kung ano ang dahilan. Ngunit gayunpaman, ay hindi niya kontrolado ang pagpapanggap kung kayat pinili niyang samahan na lang si Julian.

“Ano, tara na!” aya ni Benz kay Emil.

“Pupunta muna ako sa bahay!” tutol ni Emil., “Kakamustahin ko muna si nanay.” sagot pa nito na may isang ngiting hindi ligaya ang mababakas kung hindi pag-aalala.

“Ikaw!” tila nalungkot na sagot ni Benz. “Kung iyan ang gusto mo, kaso hindi kita masasamahan.” saad pa ni Benz.

“Ayos lang iyon!” pinasiglang pilit ni Emil ang pagitan nila ni Benz. “Salamat at sinamahan mo ako!” habol pa nito.

“Walang anuman! Mag-iingat ka!” saad at paalala ni Benz kay Emil.

Nais talaga ni Benz na samahan si Emil. Bukod dito ay kakaibang kaba din ang nadarama niya sa isiping mawawalay sa paningin niya ang binatang manunulat. Ayaw man niya itong iwan mag-isa ay wala naman siya sa posisyon para pigilin itong umalis at piliting sumama sa kanya.

Sa Bulacan, sa bahay nila Emil –

“Bakit ka pa nagbalik na damuho ka?” galit na galit na wika ni Aling Choleng.

“Nanay naman! Ano po ba ang nagawa kong masama at ganyan kayo sa akin?” sagot ni Emil na muling bumalik ang kirot sa puso niya.

“Bobo ka ba? Tanga ka ba? Ikaw nga kasi ang peste sa buhay ko? Ang malas sa buhay ko? Sa tuwing nakikita kita nasusuklam ako!” galit na galit na wika ni Aling Choleng.

“Nanay, kahit ba kaunti talagang hindi ninyo ako maituturing na anak?” sagot ni Emil.

“Peste, lumayas ka na dito! Layas!” giit ni Aling Choleng.

“Nanay naman, kahit kaunting limos lang para sa pagmamahal ninyo.” naiiyak na pakiusap ni Emil.

“Makulit ka din!” sabi pa ulit ni Aling Choleng sabay haltak sa buhok ni Emil at saka ito hinatak palabas ng bahay. “Sabing ayoko nang makita ka pa!” sigaw pa nito.

“Nanay naman, kahit kaunti, kahit kapiraso, huwag naman po kayong maging madamot na mahalin ako!” pakiusap ni Emil sabay yakap sa ina.

“Tinamaan ka ng lintik!” wika ni Aling Choleng sabay tulak kay Emil na sapat na para matumba ito.

Sinaklolohan naman agad ni Vince ang kinakapatid, niyakap niya ito para pakalmahin at pagaanin ang nararamdaman. “Parating na si tatay, tahan na Emil.” wika ni Vince kay Emil habang nakayakap ito sa binata.

Agad namang pumasok sa loob ng bahay si Aling Choleng pagkatulak kay Emil at lumabas itong may dalang itak. “Letse! Punyeta kang hayop ka! Lumayas ka dito kung hindi papatayin na lang kita!” sigaw pa nito sabay angat sa dalang itak.

“Ano ba Choleng?” awat ni Mando sabay hawak sa kamay ng babae.

“Mando tigilan mo ako! Pabayaan mo na ako sa gagawin ko!” nagwawalang sigaw ni Choleng.

“Hayaan nyo na siya ninong!” pigil ni Emil sa ninong niya. “Kung kamatayan ko lang ang magpapasaya kay nanay, sige patayin na niya ako. Kahit na ako n a ang pumatay sa sarili ko.” madiin at buong tatag na wika ni Emil sabay tayo.

“Hindi pwede Emil.” tutol ni Vince. “Mahalaga ka sa akin! Mahalaga ka sa amin!” wika pa nito.

“Hindi Vince!” sagot ni Emil na wari ba ay hindi niya narinig ang huling sinabi nito. “Sawa na din ako na lagi akong sinaktan ni nanay!” simula ni Emil sa drama niya. “Sawa na akong tiisin lahat ng sakit, ang kirot, sawa na akong gamutin ang lahat ng sugat ko sa puso.” sabi pa ni Emil. “Pero sana man lang malaman ko kung bakit ba galit na galit kayo sa akin?” wika pa nito na ngayon ay nalaglag ang mga luhang pinipigilan niyang umagos.

“Wala ka ng pakialam! Sige pakamatay ka na!” tila kumalma ng kaunti si Choleng at nakaramdam ng kaunting awa para sa anak at papasok na muli sa bahay.

“Nanay, sabihin niyo kasi sa akin ng maintindihan ko!” sigaw ni Emil sa patalikod ng ina.

“Huwag mo ng alamin!” sigaw ni Choleng.

“Choleng kung ayaw mong sabihin ako na lang ang magsasabi!” wika ni Mando.

“Tumigil ka Mando!” awat ni Mando saka nito tinakbo palapit.

Sa isang putok nang baril natigil ang away sa pagitan nila at naging sanhi para magsipagtago lahat ng mga usisero at usiserang nakalibot sa kanila.

“Nanay!” sigaw ni Emil saka tinakbo ang ina. Kasunod nito ay isa pa uling putok ng baril. Matapos nito ay bumagsak sa lupa ang katawan ni Emil.

Naging maagap ang paningin ni Emil, agad niyang nakita ang mga naghahabulang tambay na papunta sa gawi nila. Agad din niyang nakita ang hindi sinasadyang paputok ng mga ito ng baril at ngayon ay patungo sa kanyang ina. Naging mabilis at maliksi ang kilos niya at sinalo ang balang sa ina niya dapat ang tama. Ngayon nga ay nakalugmok na siya lupa at malapit nang mawalan ng ulirat. Hindi na niya alam pa kung ano na ang nasa paligid niya. Bago pa man niya ipikit na tuluyan ang mga mata ay nagawa pa niyang magsalita – “Mahal kita nanay!” pagkasabi nito ay dahan-dahan na niyang ipinikit ang mga mata.

Pagkabagsak ni Emil ay agad siyang kinuha ni Choleng na ngayon ay tuluyang lumabot ang puso at unti-unting natunaw ang yelong bumabalot sa kanya. Kinuha niya ang anak at niyakap ng mahigpit.

Si Emil, ngayon nga ay nakabulagta sa sahig, duguan sanhi ng balang tumama sa kanyang likuran. Ang pagmamahal niya sa ina ay hindi matutularan na kahit na nga ba itinatakwil siya nito ay naisip pa din niyang iligtas ito sa tama ng baril. Naliligo sa sariling dugo, at may madalang na paghinga na waring naghahabol ng hangin.

“Emil! Patawarin mo na ako! Mahal na mahal kita anak!” umiiyak na wika ni Choleng.

“Mahal kita nanay!” wika ni Emil.

“Mahal na mahal din kita anak! Please, mabubuhay ka pa!” pakiusap ni Choleng.

Samantalang sina Vince at Mando naman ay agad na sumaklolo kay Emil ang walang malay nang katawan ni Emil ay agad nilang binuhat at isinakay sa tricyle para madala sa ospital at agad na malunasan. Ang ibang mga usisero at usisera naman ay napako sa kinalalagyan at hindi na maikilos ang buong katawan samantalang ang ibang kalalakihan ay agad na hinabol ang mga tambay na nakadali kay Emil.

“Emil, hindi ka pwedeng mamatay. Ikaw ang bubuo sa pangarap ko, ikaw ang bubuo sa buhay ko. Ikaw ang dahilan ng buhay ko! Hindi ka pwedeng mamatay Emil dahil pati ako ay mamamatay!” bulong ni Vince sa sarili na ngayon nga ay hindi na kayang itago pa ang sakit at kirot at ang hindi mapigilang pagluha.

“Mahal na mahal kita Emil. Wag mo akong iiwan.” sabi ulit ni Vince sa sarili na waring kinakausap si Emil.

Hindi pa man nagtatagal ay naging laman na ng balita ang nangyaring iyon kay Emil. Naging sentro ng mga flash reports at pinagkaguluhang news sa mga oras na iyon.

“Isang manunulat ang hindi sinasadyang nabaril sa Malolos, Bulacan kani-kanina lamang. Ayon sa panayam ay hindi inaasahan ang pagputok ng baril na hawak ng isang tambay habang makikipaghabulan sa kapwa niya tambay na nuon ay kanyang kainuman. Ang manunulat na ito ay kinilala sa pangalang Bien Emilio Buenviaje, isang dating scriptwriter sa Last Dance. Kasalukuyang nasa kritikal itong kundisyon at patuloy na nilulunasan sa Bulacan Provincial Hospital. Mark David para sa flash report.” wika sa balita.

Hindi naging mailap kay Ken ang balitang iyon kaya hindi pa man natatapos ang balita ay agad na niyang pinaharurot ang kotse niya patungo sa sinabig ospital. Habang nagmamaneho ay muling bumalik sa alaala niya ang ibang bahagi ng nakaraan –

“Bien!” tawag ni Ken kay Bien. “Tara, pumunta tayo sa ilog.” aya pa niya sa kaibigan.

“Ayoko nga!” tangi ni Bien. “May engkanto daw dun sabi ni Ninong.” tanggi pa nito.

“Hindi naman kaya totoo un!” pagtutol at tila pang-aasar ni Ken kay Bien.

“Kahit na! Basta ayoko.” giit ni Bien.

“Takot ka lang!” tudyo ni Ken. “Duwag si Bien! Duwag! Duwag! Duwag!” pang-aasar pa nito.

Biglang umasim ang mukha ni Bien sa pang-aasar ni Ken at saka siya tumalikod sa kaibigan.

“Bakit parang pinainom ka ng suka?” natatawang tanong ni Ken.

“Kasi naman iniinis mo ako!” sagot ni Bien.

“Sumama ka na kasi sa akin!” pamimilit pa ni Ken.

“Kasi baka mahulog tayo sa ilog!” paliwanag pa ni Bien.

“Iyon lang pala eh.” sagot ni Ken. “Hahawakan ko ang kamay mo para hindi ka malaglag sa ilog.” saad pa ni Ken sabay hawak sa isang kamay ni Bien. “Promise! Hindi kita papabayaan!” tila may paninigurado sa tinig ni Ken.

“Kahit na no!” sagot pa ni Bien sabay tulis ng nguso.

“Please! Akong bahala sa’yo.” buong sinseridad na pamimilit pa din ni Ken at hinawakan pa ang isang kamay ni Bien at inilapit ang mga iyon sa dibdib niya.

“Sige na nga bestfriend! Basta ikaw ang bahala ah!” alangang sagot ni Bien.

“Oo bestfriend! Akong bahala sa’yo. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa’yo.” nakangiting sagot ni Ken.

Ilang sandali pa at narating na ng kabadong si Ken ang ospital na sinabi sa balita.

“Miss!” simula agad ni Ken ng makarating siya sa ospital na pinagdalhan kay Emil.

“Ken?!” tila nagulat na wika ng receptionist ng ospital dahil sa biglang pagdating ng isang artista.

“Miss, where can I find Bien Emilio?” tanong ni Ken na puno ng pag-aalala.

“Sa E.R. po sir.” natutulalang sagot nito.

“Saan iyong papunta sa E.R.” atat na tanong ni Ken na sa tingin niya ay nahihirapan siyang huminga sa alalahaning nasa pagitan ng kamatayan si Emil.

“Turn left, at iyong dulo po ang E.R.” sagot pa nito.

“Salamat!” walang lingong tinakbo ni Ken ang sinabing lugar na iyon sa kanya. Habang tumatakbo papunta sa E.R. ay muli na naman siyang dinalaw ng nakaraan.

“Bien!” palahaw ni Ken.

“Tulong Ken!” sigaw ni Bien. “Hindi ako marunong lumangoy.” habol pa nito.

“Sandali lang Bien.” wika ni Ken saka naghanap ng taling pwedeng kapitan. Nang walang mahanap ay “Ayan na ko Bien!” pagkawika ay agad na tumalon si Ken sa ilog.

“Tulong!” ngayon naman ay sigaw na din ni Ken.

“May dalawang batang nalulunod.” aniya ng isang lalaking nasa lugar na iyon na nakarinig sa sigaw nila.

Agad na tumalon ito sa ilog at saka sila sinagip.

“Ayos lang ba kayo mga hijo?” tanong nito sa dalawang bata. “Sa susunod huwag na kayong lalapit masyado sa gilid.” paalala pa nito.

Nanatiling tahimik ang dalawa.

“Siya, ihahatid ko na kayo pauwi. Saan ba kayo nakatira?” tanong pa nito.

“Hindi po! Kami na lang po ang uuwi.” agad na tutol ni Ken sabay alalay sa takot na takot na si Bien.

“Sigurado ka ba hijo?” paninigurado pa nito.

“Opo!” buong tapang na sagot ni Ken saka inalalayan si Bien.

Pagkarating ni Ken sa lugar na sinabi sa kanya ay agad niyang nakita ang isang babaeng sa tingin niya ay nasa kwarenta na ang edad na patuloy sa pagluha at mababakas ang pag-aalala. Kung tama ang larawan sa alaala niya ay iyon ang nanay ni Emil. Sa likuran naman ng babaeng iyon ay may isang lalaking nasa kwarenta na din sa tantiya niya ang nagpapagaan sa loob ng babae habang ang isa pang babae ay yakap ito. Nasa kabilang bahagi din ng lugar na iyon ay grupo ng mga kabataang sa tingin niya ay kaedad lamang niya at mababakas mo na ang pag-aalala mula sa mukha nila. Umagaw din ng atensiyon niya ang isang lalaki na palakad-lakad na tila hindi mapakali na sa tantiya niya ay matanda sa kaniya ng kaunti.

Nilapitan niya ang lalaking paikot-ikot at dito siya nagtanong.

“Excuse me!” simula ni Ken. “Kilala ba ninyo si Bien Emilio?” tanong pa nito.

Tinitigan naman ng matalim ng lalaki si Ken. “Oo! Kinakapatid ko siya.” sagot nito.

“Kamusta na si Emil?” tanong ni Ken na ipinagwalang-bahala na lang ang mga tinging iyon.

“Sino ka ba?” mataas na tonong tanong ni Vince kay Ken. Agad namang nakapukaw ng atensiyon ang sinabing iyon ni Vince.

“Vince sino bang kaaway mo?” tanong ni Mang Mando sabay lapit sa anak.

“Si Ken!” wika ni Vanessa at patakbong tinungo ang lugar ni Ken at ng kapatid niya. “Si Ken nga!” paninigurado nito.

“Kamusta na po ba si Emil?” tanong ni Ken sa mga ito.

“Teka, bakit mo kakilala si Emil?” sarkastikong tanong ni Vince.

“Aba, kinakapatid ka lang naman, kung makaasta ka parang syota mo si Emil.” pag-aalsa ni Ken sa sarili. “Naging magkatrabaho kami at magiging magkatrabaho ulit.” sagot ni Ken saka binalingan si Vince ng isang mapang-hamong ngiti.

“Yabang mo ah!” wika ni Vince sa sarili sabay ang panginginig ng laman niya at pagkukuyom ng kamao.

“Hindi pa din lumalabas ang doktor.” sagot ni Mang Mando na kita mo ang pag-aalala. “Kinakabahan nga kami.” saad pa din nito na puno ng kalungkutan at pagkabalisa.

Umupo si Ken sa isang sulok ng ospital na iyon. Nag-abang hanggang sa lumabas ang doktor at hintayin ang isang magandang resulta, umaasa siyang maliligtas ang pinakamamahal niya at nakahanda din siya para dito. Labis na kaba ang nasa puso niya, pagkabalisa at pag-aalala. Hindi niya magawang isipin na mawawala sa kanya si Emil. Hindi niya masimulang isipin kung paano mawala si Emil.

“Bakit ka tumalon?” tanong ni Bien kay Ken.

“Kasi natakot ako, baka malunod ka.” sagot ni Ken.

“Marunong ka bang lumangoy?” tanong ni Emil dito.

Iling lang ang naging tugon ni Ken.

“Hindi pala bakit ka tumalon pa? Paano na lang kung may nangyaring masama sa’yo?” pag-aalala ni Bien para kay Ken.

“Kasi nga ayokong may mangyaring masama sa’yo. Malay mo baka bigla akong makalangoy kasi ililigtas kita.” malambing na tugon ni Ken.

“Basta, hindi pa din tama iyong ginawa mo. Sana hinayaan mo na lang ako duon.” napasimangot na sagot ni Bien.

Biglang niyakap ni Ken si Emil. “Hindi ko kaya pag nawala ka!” sabi ni Ken na ibinulong sa kanya ng kanyang batang puso.

Nasa gitna ng pagbabalik-tanaw si Ken ng lumabas ang doktor. Dali-dali namang nagsilapitan ang lahat at sinalubong ito.

“Kamusta na po si Emil?” tanong ni Aling Choleng na sa wakas ay nagawa na ding makapagsalita.

“He needs blood transfusion.” simula ng doktor. “He needs it so badly. Halos ikamatay na niya ang kawalan ng dugo at pag nagtagal pa ay hindi na namin alam kung makakaligtas pa siya.” malungkot na saad ng doktor.

“Kasalanan kong lahat ito Bien!” sisi ni Ken sa sarili. “Kung sa simula pa lang inamin ko na ang lahat sa’yo sana hindi ito nangyayari at sana ay naprotektahan kita, sana ay nasa tabi mo ako bago ito mangyari sa’yo at sana ay nailigtas kita!” dagdag na sisi ni Ken sa sarili.

Sa kabilang bahagi naman ng Pilipinas –

“Guys!” sigaw ni Benz.

“Yes Direk?” sagot nila Marcel.

“Start na tayo.” wika ni Benz.

Hindi pa man sila nakakapagsimula ay patakbo at humahangos na dumating si Mae sa area.

“Bad news!” simula ni Mae. “Si Emil!” saad pa niya.

Agad na nakaramdam ng kakaibang kaba si Benz. Muling nagbalik sa kanya ang kabang nararamdaman bago iwanan si Emil, bago sila magkahiwalay ni Emil.

“Anung nangyari kay Emil?” puno ng pag-aalalang tanong ni Benz.

“Sabi sa news masama daw ang tama niya. Nabaril si Emil!” wika ni Mae.

“Pack-up na muna guys!” walang pagdadalawang-isip na utos ni Benz. “We’ll resume later.” saad pa nito sabay tinakbo ang kotse niya. “I’ll be back, review everything.” tila paalala pa niya bago tuluyang sumakay ng kotse.

“Direk sama kami!” pakiusap nila Marcel.

“Come!” tugon ni Benz. “Sakay na.” aligagang habol pa niya.

Agad namang pinaharurot ni Benz ang kotse na tila ba may mga pakpak ito na nakahandang lumipad anumang oras.

“Saang ospital daw dinala si Emil?” tanong ni Benz kay Mae.

“Bulacan Provincial Hospital daw po.” sagot ni Mae.

“Emil, hindi pwede, basta hindi pwede!” naguguluhang giit ni Benz sa isipan.

Maya-maya pa ay narating na nila ang ospital na sinabi sa balita.

“Miss, nasaan po si Bien Emilio Buenviaje?” tanong agad ni Benz sa receptionist.

“Nasa E.R. pa din po.” tugon naman ng receptionist na higit pang natulala sa pagdating ni Benz.

“Pakaliwa un di’ba?” tila paninigurado ni Benz.

“Opo Sir.” tugon naman ng nurse.

“Salamat!” sagot ni Benz saka tinakbo ang lugar na tinuro sa kanila ng nurse.

Kasunod ni Benz sila Marcel at Mae na gaya ni Benz ay labis din ang pag-aalala para kay Emil. Naging matalik na kaibigan nang dalawa si Emil at mga taong naging malalapit kayu Emil sa crew ng Last Dance.

Agad na nakita ni Benz ay ang nakakumpol na mga tao sa bagong labas na doktor. Tinakbo niya ito na tila hindi na sumasayad sa lupa ang kanyang mga paa.

“He needs blood transfusion.” simula ng doktor. “He needs it so badly. Halos ikamatay na niya ang kawalan ng dugo at pag nagtagal pa ay hindi na namin alam kung makakaligtas pa siya.” malungkot na saad ng doktor.

“Anong blood type po?” tila sigurado si Benz na si Emil ang nasa loob niyon at si Emil ang pinatutungkulan ng doktor na kailangan ng dugo.

Napatingin naman ang ibang nag-aalala kay Emil kay Benz at tinitigan itong maigi na wari ba ay kinikilala.

“Just a type O blood.” tugon ng doktor.

“I will donate for Emil.” sagot ni Benz.

“Benz!” mariing wika ni Ken sabay tingin ng matitiim.

“Walang-hiyang Benz ka! Papaano mo nagawang pabayaan si Bien?” wika ni Ken sa sarili.

Nuon lang napansin ni Benz na nasa umpukan palang iyon si Ken at ngayon nga ay matatalim na ang tingin sa kanya. Napansin din niya ang mga mukha ng mga taong may pag-aaalala na sa wari niya ay pamilya at kaibigan ni Emil. Nahagip ng mga mata niya ang isang babaeng sa wari niya ay nasa kwarenta na na hindi man lang siya pinagtuunan ng pansin. Agad din itong umupo sa pinakamalapit na upuan habang inaalalayan siya ng isa ding babae na sa tingin niya ay magkasing edad lang ang dalawa. Ang umpukan ng mga kabataang hindi na nagawang umalis sa pintuan ng Emergency Room at duon na lamang tila mga nagsipanlumo sa natanggap na balita. Ganuon din ang isang lalaking sa wari niya ay nasa kwarenta na din ang ngayon ay papalapit na sa kanya matapos maiupo ang babaeng una niyang nakita. Higit pa ay napansin niya ang isang lalaking sa tingin niya ay kaedad niya ang ngayon ay tila may panunuri siyang tinititigan mula ulo hanggang paa.

“Ako nga pala si Mando, ninong ni Emil.” simula ni Mang Mando pagkalapit kay Benz.

“Benz po!” tugon ni Benz. “Sa bahay ko po tumutira ngayon si Emil.” habol pa niya.

Napansin niyang mas naging matatalim at mapang-hamon tingin sa kaniya ng lalaking umagaw sa atensiyon niya. Nakita din niya ang naging pagpipigil nito sa isang damdaming nais kumawala.

“Siya nga pala!” saad ni Mang Mando. “Siya ang anak kong si Vince!” wika pa nito sabay turo kay Vince.

“Vince pala ang pangalan mo!” wika ulit ni Benz sa sarili.

“Sige Benz, sasamahan ko muna si Choleng.” paalam ni Mang Mando kay Benz.

Pagkaalis ni Mang Mando ay agad siyang nilapitan ni Ken. “Tol, usap tayo sa walang tao!” tila pag-uutos ni Ken sa kinakapatid na si Benz.

Binagtas nila ang daan at humanap ng isang lugar na walang tao. Sa paghahanap nilang ito ay narating nila ang parking lot ng ospital na iyon.

“Ano ba Ken!” pagpapatigil na wika ni Benz. “Ano ba iyang sasabihin mo?” mariin at galit na wika pa nito.

“Gago ka!” usal ni Ken sabay harap sa kinakapatid at pinasalubungan ito ng isang suntok.

Napuruhan si Benz sa suntok na iyon ni Ken. Pumutok ang labi ni Benz at ngayon nga ay dumudugo na din ito.

“Ano bang problema mo?” tanong ni Benz kay Ken.

“Ikaw!” sagot ni Ken. “Ikaw Benz! Bakit mo hinayaang mangyari kay Emil yon!” tanong pa ni Ken sabay hawak sa kwelyo ng damit ni Benz.

“Tigilan mo nga ako Ken! Wala kang karapatang saktan ako o kaya ay sisihin sa nangyari kay Emil!” tutol ni Benz sabay tulak kay Ken na naging sanhi para mapaupo si Ken sa lupa.

“Kung hindi mo siya iniwang mag-isa sana hindi siya…” hindi na naituloy pa ni Ken ang sisi dahil si Benz naman ang gumanti.

Sinuntok din ni Benz si Ken at tinamaan ito sa pisngi. Pinilit ni Benz na pakalamahin ang sarili para hindi mapuruhan ang kinakapatid niyang si Ken.

“Sino ka ba sa buhay ni Emil ha!” tanong naman ni Benz kay Ken sabay hawak sa kwelyo nito.

“Tumigil nga kayong dalawa!” biglang pag-awat ng isang lalaki sa kanila. “Kung mag-aaway kayo humanap kayo ng ibang lugar!” madiing wika pa nito at madiing hawak sa braso ng hindi magpapapigil na si Benz.

“Pasalamat ka at dumating si Vince!” saad ni Benz.

“Sino ba kasi kayo sa buhay ni Emil?” tanong ni Vince sa dalawa.

“Pare, salamat sa pag-awat pero hindi ko sasabihin kung ano ako sa buhay ni Emil. Siya na ang bahalang magsabi nuon sa’yo” sagot ni Ken saka siya humakbang palayo.

“Gago!” galit na wika ni Benz bago pa man tuluyang makaalis si Ken.

Naging payapa ang pagitan nilang nang makabalik na sila sa loob ng ospital. Pilit nilang kinakalma ang mga sarili para hindi na makagawa pa ng eskandalo at iwas agaw atensiyon sa mga tao. May pilit silang mga ngiti na binibitawan sa lahat nang nakakakita at bumabati sa kanila. Si Ken na may iniingatang reputasyon bilang artista ay higit na pag-iingat ang kailangan at si Benz na isang award-winning na direktor ay kailangang hindi mawala ang kredibilidad. Naguguluhan man si Vince sa kung sino ba ang dalawang ito sa buhay ni Emil ay alam niyang si Emil lang ang may kayang sagutin ang mga katanungan niya.

“We need blood donors.” mga katagang sinasabi ng doktor na naabutan nilang tatlo.

“Willing po ako!” sagot ni Ken.

“Ako din po!” tila ayaw patalong saad ni Benz.

Agad na nagtama ang mga mata ng dalawa at tila ba may kuryenteng nanunulay sa mga iyon na ipinipukol sa mata ng bawat isa. Mga tinging puno nang paghahamon at kay tatalas na tipong nakamamatay.

“Ako na po ang unahin ninyong kuhanan.” singit ni Vince sabay sama sa doktor para ma-test ang dugo nito.

Bagamat type O ang dugong hinahanap ay may kadalian itong makahanap ng donor. Unang kinuhanan ng sample ay si Vince na sinundan naman ni Aling Choleng, pagkatapos ay si Ken na sinundan naman ni Benz. May katagalan din silang naghintay sa resulta, habang nasa gitna nang paghihintay ay hindi na nakatiis pa si Vince kaya naman siya na ang lumapit sa dalawa para malaman ang katotohanan.

“Tol, pwede bang mag-usap tayong tatlo.” pakiusap ni Vince kay Benz.

Tumingin lang si Benz sa gawi ni Ken saka tumayo mula sa kinauupuan na senyales nang pagpayag.

Sumunod namang kinausap ni Vince si Ken na nakaupong patalikod sa E.R.

“Tol, pwede ba tayong mag-usap ng masinsinan.” pakiusap ulit ni Vince.

Tulad ni Benz ay walang imik din itong tumayo na senyales na pinapaunlakan niya ang imbitasyon ni Vince.

Sa parking lot kung saan nagsuntukan sila Benz at Ken –

“Umamin nga kayo.” simula ni Vince. “Anung kaugnayan ninyo kay Emil?” tanong ni Vince.

Nanatiling walang imik ang pagitan nilang tatlo. Walang may nais magsalita sa dalawang binatang tinanong ni Vince.

“Ako, aaminin ko” malumanay na simula ni Vince dahil batid niyang wala din siyang makukuhang sagot sa mga ito. “Aaminin kong” at humugot nang isang napakalalim na buntong-hininga si Vince bago muling nagsalita. “hindi lang kinakapatid ang tingin ko kay Emil.”

Biglang napatingin kay Vince ang dalawa.

Muling humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Vince at – “Mahal ko si Emil.” wika ni Vince. “Mahal ko si Emil hindi bilang kaibigan, kapatid, o kaya naman ay kasapi ng pamilya. Mahal ko si Emil bilang siya. Mahal ko si Emil na iyong tipong wala na akong silbi pag nawala siya.” napapangiting saad ni Vince.

Tahimik lang din sina Ken at Benz na wari bang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Vince. Samantalang si Vince naman ay tumingin sa malayo na wari bang may pilit na inaalala.

“Hindi ko naman inaasahan na makakaramdam ako ng ganito. Nuong una akala ko mahal ko si Emil bilang kapatid, na awa ang nararamdaman ko at paghanga na din dahil sa araw-araw na nabubugbog siya ni Aling Choleng, lagi at lagi siyang bumabangon at lumalabas na nakangiti. Nuong una pilit kong ignorahin iyong damdamin ko para sa kanya, pero mahirap pala. Kahit na gusto kong lumayo sa kanya, hindi ko magawa, hindi magawa ng puso kong iwanan at iwasan si Emil.” paglalahad ni Vince.

Sa wakas ay nagawa na ding lumingon ni Vince sa dalawa at harapin ang mga titig ng mga ito. “Alam kong mali, pero may mali pa ba sa pag-ibig? May tama ba talaga sa pagmamahal? Para kasi sa akin, walang tama at mali sa pagmamamahal. Alam mo iyong tipong titibok ang puso ko sa isang tao at ang pinakamahirap na parte ay tanggapin kung sino at ano pa man siya.” paglilinaw ni Vince na mababanaag ang kalungkutan.

“Pero masakit lang, dahil naduduwag ako. Naduduwag akong ipagtapat sa kanya ang katotohanan. Hindi ko kayang harapin ang mundong ginagalawan ko. Hindi ko pa kayang ipaglaban ang taong mahal ko, hindi ko pa kayang ipaintindi sa lahat ang laman ng puso ko.” buong kalungkutang pagwawakas ni Vince.

“Naiintindihan kita pare!” sang-ayon ni Benz. “Kasi ako, hindi ko inaasahang biglang mahuhulog kay Emil. Hindi ko pa alam at hindi pa ako sigurado, ayoko pang sabihin kung pagmamahal nga ba ito. Basta kasi magulo. Ayokong nakikitang lumuluha si Emil, ayokong napupuna ng iba si Emil, gusto ko ako lang ang makakapansin sa kanya. Ayokong napapahiya sa iba si Emil o kaya naman ay ipinapahiya ng iba.” saad ni Benz na wari ba ay nagkalakas ng loob na ikuwento ang nararamdaman niya kay Emil.

“Sa tuwing kailangan ko ng kausap, lagi na lang siyang nandiyan para sa akin. Iyong tipong kahit alam kong asar na asar na siya sa akin, naririto pa din siya, dumadamay. Naalala ko nga iyong minsang sinamahan niya ako sa bar, talagang pinanuod lang niya ako magdamag. Siya na din ang umasikaso sa akin, ang nag-alaga.” paglalahad pa din ni Benz.

“Kaya ba naging kayo?” tanong ni Ken na naging dahilan para titigan siya nang mas maigi ni Vince na hinihintay ang sagot niya.

“Kalma lang mga pare!” pasintabi ni Benz. “Hindi pa nagiging kami. Walang namamagitan sa aming iba.” saad ni Benz. “Nagkagipitan lang nuong nakaraan kaya ko nasabi iyon.” pahabol pa niya.”

“Sa tuwing nakikita ko si Emil, para bang gumagaan ang pakiramdam ko. Alam ko namang mali, pero papaano mo mapipigil pag ito na ang namili?” saad ni Benz sabay hawak sa dibdib niya.

Muling tumahimik ang pagitan nilang tatlo.

“Oi Ken, ikaw naman!” pagbasag ni Benz sa katahimikan.

“Sapat na iyong mga kwento ninyo.” pagtanggi ni Ken.

“Siyempre iba naman ang kwento mo sa kwento namin.” pamimilit ni Vince.

“Walang makakalabas sa mga pinag-usapan natin.” tila paninigurado ni Benz.

“May magagawa pa ba ako!” wika ni Ken saka huminga nang malalim.

“Mahal ko na si Bien, I mean si Emil mula sa pagkabata.” simula ni Ken.

“Huh?!” halos sabay na naibulalas nila Benz at Vince.

“Matagal na kaming magkakilala ni Emil, iyong nga lang nagkahiwalay kami kaya naman nandito ako at bumabalik para sa kanya.” pagsagot ni Ken sa dalawa.

“Akala ko nga hanggang duon na lang itong pagmamahal ko sa kanya, pero hindi pala. Kahit na naging malayo ako sa kanya, siya, lagi at laging tinitibok nang bata kong puso hanggang ngayon. Sa loob ng humigit kumulang labing-limang taong hindi ko nakikita si Emil, lagi at laging siya ang alalahanin ko sa bawat umaga, sa bawat sandali. Pilit kong ibinabalik ang anyo niya sa alaala ko, binubuo ang larawan niya sa utak ko. Kahit sinubukan kong kalimutan na lang siya, hindi ko magawa dahil lagi din naman bumabalik ang nararamdaman ko para sa kanya.” malungkot na pagkukwento ni Ken sabay tingin sa kawalan.

“Heto, dumating na ang pagkakataong pwede ko na siyang angkinin, pero pinigil ko. Nagpanggap akong hindi ko siya naaalala, nagpanggap akong hindi ko naaalala ang mga pangako kong iniwan sa kanya. Nagawa ko lang naman iyon dahil ang gusto ko, kaya ko na siyang ipaglaban sa lahat at ipagtanggol laban sa batikos ng iba sa sandaling aminin kong ako nga ang Ken na minahal niya dati, ang Ken na nag-alay sa kanya ng mga pangako at ang Ken na iaaalay ang buhay para sa isang Bien na siya. Ayokong makitang masaktan si Emil nang dahil sa akin at ayokong masira ko ang pangarap niya dahil sa akin kaya nagawa ko nang ilihim ang lahat. Gusto ko pag sinabi ko sa kanyang ako si Ken na kababata niya ay may napatunayan na ako, na kaya ko siyang bigyan ng magandang buhay, na hindi na ako bata kung hindi isang tunay na lalaking kayang mamatay para sa taong mahal niya. Isa pa, natatakot akong paglayuin kami ng lipunang ginagalawin naming kaya ang gusto ko, magpakatibay at magpakatatag para sa sandaling dumating ang tamang oras, ako na mismo ang lalaban at bubuo ng magandang pundasyon sa pagmamahalan namin para hindi kami mapaglayo ng mga mapanghusgang mata ng mga tao.” puno ng pait na sabi at paliwanag ni Ken.

“Mali ba ang magmahal ang tulad ko nang isang tulad ni Emil?” tila tanong ni Ken sa dalawa. “Kung ang isang walang muwang na si Ken ay minamahal si Bien ano pa kaya ngayon ang isang Ken na malawak na ang pang-unawa na minamahal pa din si Emil.” tila pagsagot niya sa sariling katanungan. “Hindi iyon mali! Konserbatibo lamang sila!” saad pa nito. “Alam kong mahaba man ang gagawin kong paglalakbay, si Emil pa din ang babalikan ko. Iyon ang dikta nang puso ko!” pagwawakas ni Ken.

Muling nabalot ng nakakabinging katahimikan ang pagitan ng tatlo.

“At least clear ang lahat!” wika ni Vince para mabasag ang katahimikan. “Alam na nating tatlo na pare-pareho tayo ng pakay kay Emil.”

“Kaya naman may the best man win!” nakangiting dugtong ni Benz.

“Pumasok na tayo!” anyaya ni Vince sa dalawa. “Baka kailanganin na tayo duon.”

Sakto naman at pagkadating nilang tatlo ay dumating din ang doktor para sa resulta nang blood test.

“Pasensiya na po kayo Aling Choleng pero hindi kayo pwedeng maging donor.” paumanhin nang doktor sa nanay ni Emil.

“Bakit dok?” tanong ni Choleng. “Anak ko si Emil kaya dapat ako ang magliligtas sa kanya. Madami akong kasalanan sa kanya kaya kahit man lang sa ganito mapagbayaran ko lahat iyon.” naluluhang wika ni Choleng.

“Hindi po kayo pwedeng maging donor dahil una, diabetic po kayo at pangalawa, may trace pa po kayo ng alcohol.” paliwanag nang doktor. “Pero don’t worry dahil pumasa po sa test ang tatlo and Benz got the closest sample.

“Miss saan ba dito si Bien Emilio?” tanong nang isang matandang lalaki na naging sanhi para mapukaw nito ang atensiyon nila.

“Pa?!” tila nahihiwagaang sambit ni Benz nang maaninagan kung sino ang paparating.

“Benz anak! Anong ginagawa mo dito?” agad na tanong ni Don Florentino kay Benz nang makalapit ito sa lugar ng anak.

“Benz sino siya?” tanong ni Mang Mando sa binata.

“Ah Mang Mando si papa po.” sagot ni Benz.

“Pa, si Mang Mando po ninong ni Emil saka po si Aling Choleng, nanay po ni Emil iyong kasama ko sa bahay nuong new year.” tila pagpapaala ni Benz sa ama.

“Mando?” tila may kakaiba sa tinig ng Don. “Armando, ikaw ba yan?” tanong pa nito.

“Oo, Armando nga pangalan ko!” may pagtataka sa mukha nito.

“Tapos si Choleng! Consolacion.” tila bumakas naman ang mga ngiti sa labi ng Don sa pagtatagpong iyon.

“Sino ka ba at kakilala mo kami?” tanong ni Mando dito.

“Ako ‘to, si Tino.” waring pagpapakilala niya sa sarili.

“Tino!” tila gulat na gulat na naibulalas ni Mando at biglang nablangko ang mukha ni Choleng at nanghina ang mga tuhod.

“Nasaan na ang anak ko?” tila paghahanap ng Don kay Mando.

Muling nabakas ang lungkot sa mukha ni Mando.

“Huwag mong sabihing…” tila alam na ni Tino ang sagot sa tanong niya. “Na ang Bien Emilio na nabaril at ang Bien Emilio na anak ko ay iisa.” saad ni Tino.

Tango lang ang naging sagot ni Mando sa tinuran na ito ni Tino.

“Anak ko nga ang Bien Emilio na nabaril.” wika ni Tino na ngayon ay mas higit na kaba ang nadarama niya para sa isang inabandonang anak na ngayon ay nasa pagitan na ng kamatayan.

“Ano daw?” wika nang isipan ni Benz. “Si Emil anak ni Papa?” tila paglilinaw pa niya na sa wari niya ay hindi niya kayang matanggap ang katotohanang iyon. “Kapatid ko si Emil.” konklusyon na nabuo sa isipan ni Benz na naging sanhi para lalong malamukos ang mukha niya.

“Teka sandali” naguguluhang bulong ni Ken sa sarili. “Anak ni Tito Florens si Emil?” nahihiwagaang pagharap ni Ken sa katotohanan. “Ibig sabihin magkapatid sila ni Benz.” konklusyon naman ni Ken sa sitwasyon.

“Ano ito ang tatay ni Emil?” tanong ni Vince sa sarili na ngayon naman ay naguguluhan na din. “Tinawag naman siyang papa ni Benz.” saad pa niya sa sarili. “Kung papa ito ni Benz at tatay naman ni Emil, ibig sabihin si Emil at Benz ay magkapatid.” sariling konklusyon ni Vince.

Muling nagulo ang nararamdaman ni Benz sa mga oras na iyon. Hindi niya maiwasang makaramdam nang kung anu-anong bagay ay makaisip nang kung anu-ano. Pakiramdam niya ay sasabog na ang utak niya sa katotohanang bumulaga sa kanya at nagiging masakit sa tenga ang paulit-ulit na pag-ugong na kapatid niya si Emil.

“Benz, pumasok ka na para makuhanan ka na nga dugo.” wika nang duktor sa isang Benz na waring malapit nang bumigay.


[12]
Is This Real

Naguguluhan, nabigla, nagulat at nahulog sa malalim na pag-iisip – iyan ang magandang paraan para ilarawan ang saloobin nila Benz, Ken at Vince. Kapwa sila iisa ang laman ng isip at iisa ang bagay na gumugulo sa kanila. Isang katotohanan ang walang pasabing sumampal sa kanilang mukha. Mga bagay na kanilang naiisip, ang katotohanang si Emil ay kapatid ni Benz. Higit pa ay may hindi maipaliwanag na damdamin si Benz sa bagong tuklas na lihim. Sa balitang dala sa pagdating nang kanyang ama ay siya namang pagpanaw nang kanyang diwa na ngayon ay lumilipad sa kawalan. Ganito ang nasa isipan nila bago tuluyang pumasok sa loob para kuhanan ng dugo.

Pagkapasok ng tatlo ay nagkalakas ng loob si Choleng na lapitan si Tino.

“Choleng!” nangingiti at alangang bati ni Tino kay Choleng.

Isang malutong na sampal ang ipinambati ni Choleng kay Tino.

“Walanghiya ka!” agad na bulyaw ni Choleng. “Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa amin!” sumbat pa nito.

“Choleng.” tanging nasambit ni Tino.

“Iwanan mo na kami ng tuluyan. Huwag ka ng magpapakita pa.” naiiyak na wika ng ina ni Emil kasunod nito ang paghampas sa dibdib ni Tino.

Agad namang inawat ni Mando si Choleng sa ginagawa.

“Choleng, ano ba, tumigil ka na!” pigil ni Mando saka inilayo si Choleng mula kay Tino.

“Pasensiya ka na pare!” paumanhin ni Mando. “Hindi lang handa pa si Choleng na makita ka.” saad pa nito.

“Ayos lang ‘yun pare.” tila nakakaunawang wika ni Tino. “Kasalanan ko naman at kulang pa iyong ginawa niya sa lahat ng nagawa ko.” may pilit na ngiti pa nitong dagdag.

“Gagawa ako ng paraan para magkaayos kayo ni Choleng, hayaan na muna nating maging maayos ang lahat, lalo na si Emil.” tila pagpapakalma ni Mando sa kaibigan.

“Pero” biting wika ni Tino sabay tingin sa gawi ni Choleng “mapapatawad pa ba ako ni Choleng?” tanong ni Tino na tila walang kasiguraduhan.

“Pati ako pare galit sa’yo dahil iniwan mo sila Choleng at anak mo nang walang pasabi. Wala ka man lang paliwanag, basta biglaan ka na lang nawala. Hindi mo naman masisisi si Choleng para labis na masuklam sa’yo. Ilang araw at gabi ka niyang hinintay, umaasa na babalikan mo sila at tutupad ka sa pangako mo. Pero ilang buwan din ang lumilipas, nabalitaan na lang naming na pamilyado ka nap ala.” pagkukwento ni Mando.

“Hindi ko naman gusto iyon pare.” magpapaliwanag na saad ni Tino.

“Pakiramdam namin niloko mo lang kami. Tinulungan ka namin at naniwala sa pakilala mong isa kang witness at hinahabol ka ng sindikato. Kahit alam naming delikado kami, hindi kami nagdalawang-isip na tulungan ka, na patuluyin ka sa bahay. Naniwala kami sa lahat ng kwento mo, na wala kang asawa, mga anak. Naniwala kaming hindi ka nga pamilyado. Ang higit pa, hinayaan mo si Choleng na mahulog sa iyo. Hinayaan mo na magbunga ang pagmamahalan ninyo ni Choleng.” sabi pa ni Mando.

Nanatiling tahimik si Tino sa ginagawang pagbabalik ni Mando sa nakaraan.

“Alam mo naman kung anung hirap ang dinanas ni Choleng para sa pagmamahal niya sa’yo. Alam mo naman kung anung sakripisyo niya sa pagmamahal niya sa’yo. Ipinaglaban ka niya sa pamilya niya, ikaw ang pinili niya. Pinalayas siya sa bahay ng malamang buntis siya at ikaw ang ama. Ikaw ang ama na hindi mo man lang siya magawang pakasalan. Tinanggap ka niya kahit hindi ka niya lubusan na kakilala, tinanggap ka niya at naniwala sa mga kasinungalingang sinabi mo. Ang masakit lang, nagawa mo siyang paasahin, paasahin sa wala. Nakita ko kung papaano dinala ni Choleng ang lahat, ang bigat na nadarama niya, nakita ko kung papaano siya naghirap, nakita ko kung gaano nasayang ang buhay niya, ang buhay nila nang umalis ka.” si Mando ulit.

“Patawad pare!” paumanhin ni Tino na puno nang sinseridad.

“Nauunawaan kita pare, alam ko namang may dahilan ka.” saad pa ulit ni Mando. “Ang mahalaga ay bumalik ka.”

“Naduwag ako pare.” simula ni Tino ng kwento. “Ilang taon ko ding tiniis na itago sa tunay kong pamilya ang sekreto ko. Labing-limang taong lagi at laging si Choleng ang naiisip ko. Pinipilit kong isipin kung ano na ang itsura ng anak ko. Pero pare, nang magkalakas ako ng loob para ipagtapat sa kanilang lahat, wala na kayo sa Pulilan. Hinanap ko kayo at ipinagtanong, pero walang nakakaalam kung saan kayo pumunta. Mula nuon, bawat gabi umaaasa ako na kinabukasan ay kasama ko na ang mag-ina ko. Umaasa akong sa umagang darating ay bigla kong makakasalubong si Choleng at ang anak naming si Bien Emilio.

“Naunawaan ko pare.” tila pagpapakalma ni Mando kay Tino. “Hayaan mo at tutulungan kitang magpaliwanag kay Choleng at kay Emil.” saad pa nito. “Kahit masama din ang loob ko sa’yo, alam kong isang bagay ito na makakabuti sa inaanak kong si Emil.”

Ilang sandali pa at –

“Stable na po ang lagay ng pasyente.” pagbabalita ng doktor pagkalabas sa E.R.

“Salamat sa Diyos!” naibulalas ni Choleng.

“Pwede na po ba siyang makita?” tanong ni Tino.

“Hindi!” si Choleng na ang sumagot. “Kahit kailan, hindi mo pwedeng makita si Emil.” dugtong pa nito.

“Choleng!” awat ni Mando. “Nagsisimula ka na naman.” saad pa nito.

“Aba Mando! Kinakampihan mo pa iyang hayop na manloloko na iyan!” halos maiyak na wika ni Choleng na buong pait at sakit na inusal.

“Hindi naman sa ganuon Choleng. Iniisip ko lang naman ang ikakabuti ni Emil.” paliwanag ni Mando.

“Huwag na magpapakita iyang walanghiyang iyan!” sabi ni Choleng sabay duro kay Tino. “Iyon ang makakabuti sa anak ko.” turan ni Choleng na may diin sa “ko”.

“Choleng, hindi mo ba naisip na kailangan ng ama ni Emil?” tila pagtatanong ni Mando kay Choleng.

“Nabuhay si Emil ng walang amang kinamulatan, hayaan na nating isipin niyang patay na ang walang-hiya niyang ama.” sagot ni Choleng. “Sana Mando maunawaan mo ako.”

“Pero Choleng.” giit ni Mando.

“Pabayaan mo na ako sa desisyon ko Mando kung ayaw mong pati ikaw ay madamay.” pagbabanta ni Choleng.

“Hayaan mo na munang magpaliwanag si Tino.” pamimilit pa din ni Mando.

“Isa pa Mando!” madiing wika ni Choleng.

“Hayaan mo na Mando.” pigil ni Tino. “Wala na nga atang pag-asa na mapatawad mo ako. Pero sana kahit sandali makita ko ang anak ko.” buong sinseridad na wika ni Tino. “Hindi na kita pipilitin na makinig sa paliwanag ko, pero sana hayaan mo naman akong mahawakan ang mga kamay niya at mayakap siya.” tila pakiusap ni Tino.

Buong sinseridad na tiningnan ni Tino si Choleng sa mga mata nito at buong giting niyang ipinahiwatig ang pagsisisi at kagustuhang makita ang anak. Hinawakan niya ang kamay ni Choleng at saka muling nagsalita. – “Please Choleng, alam kong nagkamali ako at alam kong nararapat lang sa akin na magalit ka, na masuklam ka. Nababagay lang din sa akin na kamuhian mo ako at pagdamutan ng karapatan kay Emil. Pero sana naman kahit kaunting awa sa puso mo bigyan mo ako para kahit sandali ay makita, mahawakan at makasama ko ang anak kong matagal na nawalay sa akin.” pakiusap ni Tino.

Wari bang lumambot ang nagyeyelong batong puso ni Choleng sa ginawa na iyon ni Tino. Naramdam niya kung gaano ito nagsisisi at kung gaano nito kagustong makita si Emil. Naramdama niyang nangungulila din ito sa anak na iniwan at ang kagustuhang makabawi at makasama ito.

“Choleng pumayag ka na.” tila pakikiusap na din ni Mando.

“Kayong bahala.” hindi makatingin ng diretso si Choleng kay Tino at tanging ito lamang ang naisagot niya.

“Pa!” tawag kay Tino ni Benz buhat sa likuran.

“Benz anak!” bati nito.

“We need to talk privately pa!” wika ni Benz.

“Sure.” May pilit na ngiting sagot ni Tino.

Saka lumakad ang dalawa palayo sa pintuan ng E.R. at naiwan sina Choleng at Mando na nag-aabang pa din na makita si Emil.

“Choleng, hindi naman sa namamakeelam ako sa inyo.” simula ulit ni Mando sa usapan. “Pero sa tingin ko dapat malaman ni Emil ang katotohanan. Makakabuti para sa kanya ang ganito at ng hindi na siya mag-isip sa kung sino ang tatay niya.”

Tahimik lamang si Choleng ng mga oras na iyon.

“Sa tinagal-tagal na nakakausap ko si Emil, nararamdaman ko kung gaano niya kagusto ang magkaroon ng ama. Ramdam na ramdam ko kung gaano ang pangungulila niya para sa mga magulang. Isa lang ang inaasam ng anak mo Choleng, iyon ay ang magkaroon siya ng isang pamilya na makakasama niya.” saad pa ni Mando. “Hayaan mo na makilala ni Emil si Tino, at alam ko, wala siyang pagdadalawang-isip na tatanggapin ang ama niya.” wika pa nito.

Nagsimulang umagos ang luha mula sa mga mata ni Choleng. Batid niyang maging siya ay naging malaki ang pagkukulang kay Emil at wala siyang karapatang pigilan ang nais mangyari ni Tino na makita ito sapagkat maging siya ay malaki ang kasalanan sa anak. Magkasama man sila ay tila ba wala pa din itong magulang dahil sa pagtrato niya dito.

Sa kabilang banda naman ay narating ng mag-amang Benz at Tino ang dulo ng ospital na iyon. Nagsimula na ding bumalot ang dilim sa buong paligid at unti-unti nang nagliliwanag ang sikat ng buwan.

“Pa!” simula ni Benz. “Tell me the truth. Kapatid kop o ba talaga si Emil?” tanong ni Benz na nais nang kumawala ang mga luha.

“Yes son!” sagot ni Tino sa anak. “It is not my intention na lokohin kayo ng mommy mo.” dugtong pa nito.

“So, kapatid ko nga talaga si Emil.” halos buong sakit na nasambit ni Benz at ang mga pigil na luha ay unti-unti nang dumaloy mula sa kanyang mga mata.

“Anak, ganito kasi iyon.” simula ni Tinos a pagpapaliwanag.

“It’s enough pa!” awat ni Benz. “Nauunawaan ko. Sige na balikan mo na sila duon. Iwan mo na muna akong mag-isa.” pakiusap ni Benz sa ama.

Walang nagawa si Mang Tino kung hindi iwanan na muna si Benz at hayaan itong mag-isa. Hindi niya inaasahan ang ganitong sitwasyon.

Si Benz naman ay agad na hinanap ang kanyang kotse at mabilis na sumakay. Pinaharurot niya ito na wari bang siya lang ang tao sa kalsada. Naisn niyang mnakalayo muna sa lugar na iyon at mapag-isa sa isang lugar na pwedeng ilabas ang lahat ng sama ng loob niya.

Linuha niya ang lanayang cellphone at saka nag-dial –

“Hello! Guys pack-up muna tayo. Next week na natin i-shoot ang last scenes.” utos niya sa kausap na assistant director ng LD.

“Yes Direk!” sagot ng nasa kabilang linya saka nag-end call si Benz.

Hindi pa man nagtatagal ay inihinto na ni Benz ang sasakyan. Hindi niya alam kung saan siya napadpad. Hindi siya pamilyar sa parteng iyon ng Bulacan. Nababalot na ng dilim ang buong paligid subalit dahil sa sinag ng buwan ay naaaninagan niyang nasa gitna siya ng malawak na bukirin. Ang hanging dumadampi sa kanya ay kasing banayad ng musikang masarap pakinggan. Ang kakaibang amoy na sapat na para bigyang laya ang kanyang diwa upang makalipad at ang kakaibang pakiramdam na naidulot nuon sa kanya na sapat na para sandaling mawaglit sa isipan niya ang dinadalang alalahanin.

Naupo si Benz sa may gilid na bukiring iyon, tumanaw sa malayo na wari bang minamasdan ang buong kapaligiran. Pinanatag ang sarili at unti-unting pinikit ang mga mata. Maya-maya pa at –

“Benz?!” tawag ng isang lalaki sa nakaupong si Benz.

“Benz ika nga!” paninigurado nito.

Dahan-dahang iminulat ni Benz ang mga mata niya. Nagulat pa siya ng makita kung sino itong tumatawag sa kanya ngayon.

“Vaughn!” gulat niyang nasambit.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Vaughn.

“Naligaw lang!” sagot ni Benz. “Ikaw, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Benz.

“Dinalaw ko lang ang lola ko.” sagot ni Vaughn. “Di ba sabi ko sa’yo dati na tiga-Bulacan ang Mama ko.” habol pa ni Vaughn saka umupo sa tabi ni Benz.

“Anong lugar nga pala to?” tanong ni Benz.

“Secret, walang clue.” sagot ni Vaughn. “Pupunta punta ka dito tapos hindi mo pala alam kung anong lugar ito.” sagot pa ng binata.

“Naligaw nga ako di’ba?” sarkastikong tugon ni Benz.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ulit ni Vaughn.

“Wala lang.” sagot ni Benz. “Gusto ko lang ng katahimikan.” dagdag pa ng binatang direktor.

“Umamin ka nga pare!” saad ni Vaughn. “May problema ka no!”

“Wala!” dagling sagot ni Benz.

“Lokohin daw ba ako!” sagot ni Vaughn. “Sa tagal na nating magkaibigan at magkasama, kilala na kita.” dagdag na turan pa nito.

Tanging ngiti lang ang sagot ni Benz saka tumingin sa mukha ni Vaughn. Kapwa sila nasisinagan ng buwan kung kaya’t nakikita nila ang anyo ng bawat isa. Sa oras na ito ay kita ni Benz ang sinseridad ni Vaughn at ang kagustuhan nitong makatulong sa kung anumang problema ang mayroon siya.

“Tama ako di’ba!” wika ni Vaughn na ngayon ay tumingin na din sa mukha ni Benz. “Kung gusto mo, pwede mo akong sabihan.” nakangiting saad ni Vaughn.

“Salamat pare!” wika ni Benz.

Naging tahimik ang pagitan ng dalawa pagkasagot ni Benz.

“Alam mo” simula ulit ni Benz “akala mo pag-ibig na, pero hindi pala pwede!”

Napatingin si Vaughn sa winikang iyon ni Benz. Naguluhan siya sa sinabing iyon ng kaibigan.

“Ang tangi ko lang namang gusto ay makasama siya habang-buhay, ang maprotektahan siya sa lahat ng maaaring makasakit sa kanya, ang maging tagapagtanggol niya, hindi ko naman alam na sa kabila ng lahat ng gusto kong mangyari ay wala kahit isa ang pwedeng matupad.” saad ni Benz saka nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

“Kung kailan ako binulungan ng puso ko na siya ang taong para sa akin saka naman ako sasampalin ng katotohanang hindi ko ata kayang matnggap.” at dahan-dahang kumawala ang mga pigil na luha sa pagdaloy mula sa mata ni Benz.

Inakbayan ni Vaughn si Benz at inilapit ito sa katawan niya. Hinagod hagod ang likuran na tila ba pinapanatag nito ang kalooban ng kaibigan.

“Bakit kung kailan handa na akong tanggapin na mahal ko na si Emil saka ko pa malalamang nakababatang kapatid ko pala siya!” buong tatag na pagtatapat ni Benz kay Vaughn.

Hindi man kilala ni Vaughn kung sino itong Emil na sinasabi ni Benz ay pinilit na lang niyang unawain ang kaibigan.

“Kapatid ko ang taong unti-unti ko nang minamahal. Kapatid ko pala ang taong ngayon ay nagpapatibok sa puso ko.” wika ni Benz. “Anong gagawin ko, hindi ko alam kung papaano ko sisismulang pigilan ang damdamin ko para sa kanya. Pare, paano? Tulungan mo naman ako. Akala ko si Emil na ang papalit kay Julian dito sa puso ko pero hindi din pala. Akala ko si Emil na ang sagot sa mga dasal ko pero hindi pa pala.” pakiusap ni Benz kay Vaughn.

“Pare!” simula ni Vaughn. “Malay mo pagmamahal lang pala bilang kapatid ang nararamdaman mo para sa kanya. Siguro nga kahit dati pa may nararamdaman ka na para kay Emil na iyon pero bilang kapatid o kaibigan lang pala. Hindi mo lang napansin iyon hanggang sa maghiwalay kayo ni Julian. Kaya mo siguro naisip na mahal mo siya dahil sa wala na nga kayo ni Julian. I mean is that, akala mo mas malalim na pagmamahal ang nararamdaman mo kasi nga si Emil ang nandiyan at hindi si Julian at nang mawala si Julian ay si Emil naman ang nakasama mo. Siguro, natural na may initial love ka para sa kapatid mo kaya mo nasabing mahal mo si Emil at nabigyan lang ng ibang kahulugan ng maghiwalay kayo ni Julian, pero come to think, kung alam mo bang kapatid mo si Emil iisipin mo na ganuon ang ibig sabihin ng pagmamahal mo sa kanay?”

“Pero paano mo ipapaliwanag na gusto ko siyang makasama habang-buhay, na gusto ko siyang protektahan na gusto ko siyang ipagtanggol?” giit na tanong ni Benz kay Vaughn.

“Hindi mo ba naisip pare na dahil sa magkapatid kayo, may karapatan kang makasama si Emil habang-buhay dahil iisa ang dugong dumadaloy sa inyo. Mas mapoprotektahan mo si Emil ngayon dahil ikaw na ang kuya niya. Mas magagampanan po ang tungkulin mong ipagtanggol si Emil dahil ikaw ang mas nakakatanda niyang kapatid. Mas mainam na sitwasyon ang mayroon kayo ngayon, isipin mo, magiging kayo nga at magagawa mo lahat iyan pero pag naghiwalay kayo sa tingin mo ba may karapatan ka pang pumapel sa ganyang posisyon?” tila pagpapakahulugan ni Vaughn para kay Benz.

Nanatiling tahimik si Benz sa wari ba ay nag-iisip nang pagkalalim-lalim.

“Oo, tama si Vaughn, dati ang tingin ko kay Emil ay nakakabatang kapatid ko. Alam ko na kahit dati pa ay iba na ang dating sa akin ni Emil. May kakaibang bulong na dito sa puso ko para sa kanya, hindi ko lang pinapansin dahil una ay humahanga ako sa kanya bilang tao. Madaming maling akala ang inisip ko dati. Madami akong binigyan nang maling interpretasyon at malamang ito na ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko. Tama si Vaughn, nabigyan lang naman nang kakaibang kahulugan itong pagmamahal ko sa kanya nang mawala sa akin si Julian, inakala ko lang na pagmamahal na itong nararamdaman ko at nakalimutan kong may pagmamahal din para sa kapatid at kaibigan. Tama si Vaughn, dahil sa ako ang kuya ni Emil mas magagampanan ko ang tungkuling nais kong gawin sa kanya.” bulong ni Benz sa sarili.

“Salamat pare!” pasasalamat ni Benz kay Vaughn. “Dahil sa mga sinabi mo alam ko na kung papaano sisimulang mag-move-on.” dagdag pa ni Benz.

“Walang anuman pare!” sagot ni Vaughn.

Sa ospital naman –

“Choleng!” gising ni Mando sa naidlip na si Choleng.

“Bakit?” naaalimpungatang wika ni Choleng.

“Si Emil!” sagot nito. “Si Emil umuungol.” wika pa ni Mando.

“Bilis tumawag ka na ng doktor!” sagot ni Choleng na muling bumalik ang diwa.

“Emil!” sambit ni Choleng saka hinagod ang noo ng anak.

“Choleng!” saad naman ni Tino pagkapasok ng kwarto. “Parating na ang doktor.” saad pa nito saka lumapit sa kanyang mag-ina.

Ilang sandal pa at –

“Ayos naman po ang lagay ni Emil. Kailangan lang niya ng kaunting pahinga at maayos na ang lahat. Wala ng dapat ipangamba, hindi naman ganuon kalala ang naging sitwasyon niya.” tila pagbabalita ng doktor.

“Kailan po kaya siya magigising?” tanong ni Tino.

“Sa nakikita kong recovery niya, siguro bukas baka magising na din siya.” sagot ng doktor saka iniwan sina Choleng, Mando at Tino.

Saglit na umuwi si Vince para kumuha ng ilang damit at magluto nang kakainin nila sa ospital samantalang si Ken naman ay saglit na iniwan si Emil para magwithdraw sa ATM niya para panggastos ni Emil at nang sa ganuon ay maipagbigay alam na sa Editor-in-Chief ng Metro Cosmo ang nangyari kay Emil.

“Choleng!” bati ni Tino kay Choleng pagkalabas ng doktor. “Patawarin mo sana ako!” paumanhin nito.

“Ayos na, pinapatawad na kita.” sagot ni Choleng. “Hindi din naman ako naging mabuting ina kay Emil kaya walang silbi kung magagalit ako sa’yo at wala din akong karapatang ipagdamot siya sa’yo.” tila pagsagot na ni Choleng sa lahat ng katanungan ni Tino.

“Salamat Choleng!” saka niyakap ni Tino si Choleng.

“Magandang gabi po!” bati ni Ken pagkabalik sa ospital.

“Tuloy ka Ken!” wika ni Aling Choleng.

Pagkapasok ay nagmano ang binatang artista sa nanay ni Emil na si Aling Choleng at sa ama nitong si Don Florentino at sa ninong nitong si Mang Mando.

“Hala, matulog ka na muna Choleng, kami na ang bahala kay Emil.” saad ni Mando.

“Magpahinga na po muna kayo.” singit ni Ken. “Ako na po muna ang bahalang magbantay kay Emil.”

“Salamat hijo!” wika ni Mang Tino. “Bakit ba masyadong concern mo kay Emil?” tanong pa ng matanda.

Nakaramdam naman ng kaba si Ken sa tanong na iyon ni Tino. “Mahal kop o kasi si Emil. Mahal na mahal!” nais isagot ni Ken subalit batid niyang hindi pa ito ang oras para sa katotohananh iyon.

“Mahalaga pong kaibigan si Emil para sa akin.” matipid na sagot ni Ken.

“Parang kamakailan lang ata kayo nagkakilala.” sagot naman ni Mang Mando na nagpapahayag ng pagtataka.

“Naging magkaklase na po kami ni Emil nuong grade 1 sa Central.” sagot ni Ken. “Lagi nga po kaming magkasama nun eh!” habol pa nito.

“Ahh!” tila may naalala si Mang Mando. “Ikaw yung madalas niyang ikwento na bestfriend daw niya.” saad pa nito.

“Biruin mo!” saad naman ni Mang Tino. “Matagal mo na palang kakilala ang anak ko!” dagdag pa nito.

Matagal nang magkakilala ang pamilya nila Ken at Benz. Ang tatay nila ay naging magkabarkada mula nuong high-school hanggang college. Si Direk Donald o Ronaldo, ang tatay ni Ken ay laking Bulacan at si Don Florentino o Florence o Tino, ang tatay ni Benz naman ay sa Laguna. Nagkakilala sa isang kilala at prehistisyosong unibersidad sa bansa bilang bahagi ng basketball team ng kanilang unibersidad. Duon nagsimula ang pagkakaibigan nilang dalawa na hanggang sa ngayon ay makikita. Kinuha ni Don Florentino si Direk Donald para maging Ninong nang kanyang anak na si Benz at ang asawa naman ni Don Florentino bilang Ninang ni Ken.

“Opo nga po Ninong!” sagot ni Ken saka kumuha ng upuan at umupo sa kabilang dulo ng higaan ni Emil.

“Saka nga po pala, nabayaran ko na po iyong bill ni Emil.” pagbabalita ni Ken.

“Nakakahiya naman sa’yo.” wika ni Aling Choleng.

“Hayaan mo na, malaki naman ang kinikita niyan.” sagot ni Mang Tino saka nag-iwan ng makahulugang mga ngiti.

“Hindi po!” tutol ni Ken. “Galing po iyan sa Metro-Cosmo.” pagsisinungaling ni Ken.

“Anong Metro-Cosmo?” tanong ni Aling Choleng.

“Duon na po kasi nagtatrabaho si Emil.” nakangiti nitong tugon.

“Siya!” awat ni Mando. “Matulog ka na Choleng at kami na ang bahal kay Emil.”

“Emil! Ipinapangako, sa oras na idilat mo iyang mga mata kakalabanin ko na ang mundo para sa’yo. Hindi ko na hahayaang may mangyaring masama sa’yo dahil hindi ko kaya ang mawala ka. Ako na ang magiging tagapagtanggol mo sa lahat ng oras at higit pa, kasalanan man ituring itong pagmamahal ko para sa’yo, papatunayan kong hindi naman nagkakamali ang puso ko at walang pagsisisi sa naging desisyon ko at sa pagpili ko sa’yo.” bulong ni Ken sa sarili saka hinawakan ng madiin ang kamay ni Emil at saka niya tinitigan ang maamo at mala-anghel nitong mukha. Wala siyang pakialam sa kung ano ang iisipin ng mga kasama niya sa kwartong iyon, mas mahalaga sa kanya ang maiparating kay Emil ang pagdamay niya at umaasa siyang nararamdaman ito ng binatang minamahal niya ng lubusan.

“Pa!” agad na bati ni Benz pagkabalik niya sa ospital at pagkapasok niya sa silid ni Emil.

“Benz, buti naman at dumating ka na.” bati ni Mang Tino.

“Kamusta na po si Emil.” tanong ni Benz.

Hindi maintindihan ni Benz kung ano ang mararamdaman niya ng mga oras na iyon. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming bumabalot sa kanya sa nakikitang hawak ni Ken ang mga kamay ni Emil. Labis pa din ang kaguluhan na nararamdaman niya. Hindi niya magawang maipaliwanag kung ano ang unang mararamdaman, kung tuwa ba, sakit, pait o ligaya. Kilala niya si Ken kaya alam niyang nasa mabuting kalagayan si Emil kung si Ken ang makakatuluyan nito, subalit may Julian na hadlang sa kanila. May sakit at pait siyang nararamdaman dahil hindi siya handa sa ganuong uri ng rebelasyon at lalo pa ay papahilom pa lang ang puso niya mula sa sugat na iniwan ni Julian at muli namang nasugatn ng katotohanan. Maligaya siya dahil alam niyang sa pagiging kuya niya kay Emil ay habang-buhay niya itong maiingatan at maalagaan.

“Mabuti naman ang kapatid mo!” sagot ni Mang Tino.

Hindi naman magawang makatingin nang diretso ni Ken kay Benz. Hindi niya alam kung papaano pakikiharapan ang taong nakakaalam sa tunay niyang damdamin para kay Emil na nataong kapatid pa nito.

“Uhhh!” ungol ni Emil saka dumilat.

“Emil!” sambit ni Ken na siyang unang bumati kay Emil. “Gising na po si Emil.” pagbabalita pa ni Ken saka lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito.

Nagising na din si Choleng na naiidlip sa tabi ni Emil. “Anak!” naluluhang wika ni Choleng na puno ng kagalakan sa pagdilat ni Emil.

“Mando, nagising na si Emil!” pagbabalita naman ni Tino kay Mando na nasa labas ng silid na iyon ni Emil.

“Nasaan ako?” simulang tanong ni Emil.

“Anak!” wika ni Choleng saka niyakap si Emil.

“Nay!” naluluhang wika ni Emil na sa unang pagkakataon ay natawag siyang anak ng kanyang ina. Ang hinihintay niyang yakap mula dito ay ngayon niya nararanasan.

“Ken! Benz!” bati niya sa dalawa pang tao na nasa silid ding iyon.

“Don Florentino?” nagtatakang bati ni Emil nang makitang nasa silid din niya ang tatay ni Benz.

“Tatay anak!” sagot naman ng Don.

“Tatay?!” lalong naguluhang sagot ni Emil.

“Oo! Tatay!” paglilinaw pa ng Don. “Ako ang tatay mo! Anak kita Emil.” may luha nang kasiyahang sinambit ng Don.

“Oo anak!” singit ni Aling Choleng. “Siya nga ang tatay mo.”

“Tatay?!” tila paglilinaw pa din ni Emil. “Kayo po ang tatay ko?” nangingiti subalit may puwang nang panghihinayang kay Emil saka tumingin kay Benz.

“Oo Emil! Magkapatid tayo!” tila pagsagot ni Benz sa nais iparating ni Emil.

Nakikita ni Emil ang tinatagong pait sa mga mata ni Benz. Nararamdaman din niya ang lungkot na nadarama nito sa mga oras na iyon.

“Kuya mo ako Emil!” saad pa ulit ni Benz.

Ngiti lang ang sagot ni Emil sa tinurang iyon ni Benz. Sa katotohanan lang ay nabulag din siya sa maling akala. Muntikan na niyang mahalin si Benz nang higit pa sa kaibigan, sa palagay niya ay kung maaga siyang bumitiw sa pagmamahal niya kay Ken ay malamang na nahulog na siya kay Benz. Oo, may mga pagkakataong napapabilis ni Benz ang tibok ng puso niya, madaming beses na napahinto ng binata ang mundo niya, pero hindi niya iyon binigyan ng malalim na kahulugan. Para sa kanya ay isa lamang iyong simpleng paghanga para sa isang binatang pinangarap niyang tularan at isang paghanga na normal na sa buhay ng tao. Naguguluhan siya dati kung bakit ganuon na lamang ang nagiging sitwasyon niya kay Benz, subalit ngayon ay batid na niyang lukso iyon ng dugo para sa isang kuya na matagal niyang pinangarap na magkaroon.

“Heto na ang doktor!” wika ni Mando pagkapasok sa silid ni Emil. Nanatiling hawak ni Ken ang kamay ni Emil na tipong ayaw niya itong bitiwan.

Lumabas si Mang Mando nang mapansin niya ang pagdating nang anak na si Vince at ang muli nitong paglabas –

“Kainis!” mahinang usal ni Vince. “Kung makaasta iyong Ken na yon akala mo pag-aari na niya si Emil!” nagkukuyom ang damdaming wika ni Vince.

“May oras din yang Ken nay an sa akin!” wika ulit ni Vince.

“Vince! Anak!” tawag ni Mang Mando.

“Bakit po tay?” tanong ni Vince na panandaliang inisantabi ang inis kay Ken.

“May itatanong lang ako sa’yo.” sabi ni Mang Mando.

“Ano po iyon tay?” tanong ulit ni Vince.

“May gusto ka ba kay Emil?” diretsahang tanong ni Mang Mando sa anak.

Natigilan si Vince sa tanong na iyon ng ama niya – “Pppaaanoo ppo nninyyo nassabbi iyyann.” pautal-utal na tugon ni Vince.

“Anak! Kilala na kita!” saad ni Mang Mando. “Alam ko na halos lahat ng ibig sabihin nang bawat kilos mo.” dugtong pa nito. “At ang ginawa mong paglabas ngayon ay nangangahulugan ng pagseselos mo kay Ken at Emil.” paliwanag pa ng ama niya.

“Tay!” tanging nasambit ni Vince.

“Nauunawaan kita anak kung mahal mo na si Emil. Hindi din kita masisisi kung talagang si Emil nga ang laman ng puso mo.” tila pagpapagaan ng loob ni Mang Mando. “Huwag kang matakot sa akin kung ang dahilan mo ay si Emil ang nasa puso mo. Isa lang ang masasabi ko sa’yo anak, ang limitasyon ng puso ng tao ay pagnamatay na mismo ang tao pero hanggang buhay pa, titibok at titibok iyan kahit para kanino.” nakangiting saad ni Mang Mando. “Pero anak! Siguraduhin mo lang na kaya mong panindigan iyan dahil kung hindi, pinatunayan mong hambog lang ang naghahangad na kagay mo.” paalala pa ng ama niya.

“Salamat po tay!” sagot ni Vince.

Samantalang pagkalabas naman ng doktor –

“Kayo po ba talaga ang tatay ko?” tanong ni Emil.

“Patawad anak kung iniwan ko kayo.” paumanhin nito.

“Wala po kayong dapat ihingi ng tawad sa akin dahil ang nasaktan ay si nanay.” sagot ni Emil.

“Anak ko!” wika ni Choleng. “Patawarin mo din ako kung hindi ako naging nanay sa’yo.” paumanhin naman ni Choleng.

“Wala iyon nanay!” sagot ni Emil. “Alam naman ninyong mahal na mahal ko kayo.” nakangiti at masayang wika pa nito.

“Ayan Emil!” singit ni Benz na may pilit na ngiti. “Kuya mo pala ako! Kaya dapat ako ang masusunod.” wika pa nito.

“Sabi mo kuya!” pabirong sagot ni Emil saka nag-iwan ng isang nakakalokonh ngiti.

“Salamat Ken!” saad ni Emil at pasasalamat para kay Ken.

“Salamat Ken at hindi mo ako iniwan. Salamat Ken dahil naririto ka at sinamahan mo ako. Salamat Ken at inalagaan mo ako ngayon.” bulong ni Emil sa sarili.

“Emil, hindi na kita iiwanan!” mahinang usal ni Ken na tipong siya lang ang nakakarinig sa sinasabi niya.

Kapwa nila naalala ang nakaraan –

“Salamat ha Bien at sumama ka!” pasasalamat ni Ken kay Bien.

“May bayad kaya ang pagsama ko sa’yo.” pabirong tugon ni Bien.

“Aba loko ka!” wika ni Ken saka binatukan si Bien.

“Aray naman! Para binibiro ka lang!” wika ni Bien saka hawak sa batok niya.

“Basta Bien, sana lagi kang nasa tabi ko pag kailangan ko!” wika ni Ken.

“Oo naman Bestfriend!” sagot ni Bien saka hinawakan si Ken sa mga kamay.

“Ako kasi kahit na anong mangyari lagi akong narito para sa’yo!” wika ni Ken saka tinitigan sa mga mata si Emil. Mga mata nila ngayon ay nangungusap para sa isang batang pagmamahal at nangangako ng pagsasama ng walang hanggan.

Nangiti lang si Bien sa sinabing iyon ni Ken – “Ikaw talaga bestfriend nanloloko ka na naman!” sambit ni Bien saka tumuli sang nguso.

“Hindi ako nagbibiro Bien!” turan ni Ken na may pagtutol. Lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Bien at buong giting na inilapit ang mukha niya sa mukha nito.

Papalubog na ang araw at nasa gitna sila ng bukid. Nagniningning ang gintong bukirin na hudyat na malapit na ang anihan, ang mapulang sikat nang araw na tumatama sa kanilang dalawa na tila ba ay nilalamon sila nito at niyayakap. Ang pagsabay ng mga palay sa hihip ng hangin na gumagawa ng mumunting musika na wari ba ay umaawit nang kagalakan para sa batang pag-ibig na mayroon sina Ken at Bien. Ang tuyot na lupa at mga ibong lumilipad sa kalangitan maging ang mga tutubing nakaligid sa kanila ay tila ba mga piping saksi sa isang pangako na panghahawakan nila habang-buhay.

“Bien!” simula ulit ni Ken na lalong inilapit ang mukha at katawan sa mukha at katawan ni Bien. Mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Bien na tila ba ayaw na niya itong pakawalan pa. “Kahit na magunaw ang mundo hindi kita iiwan.” buong sinseridad na pangako ni Ken kay Bien.

“Ako din Ken!” nakangiting wika ni Bien. “Kahit na magunaw ang mundo hindi kita iiwan!” ganting pangako ni Bien kay Ken.

Saka umihip ang hangin na tumangay sa mga ipang nalaglag mula sa mga puno ng palay. Pumalibot ito sa dalawa na tila ba isinaboy nang kalikasan sa kanila tanda nang pakikisaya sa pangakong binitiwan nila. Kasunod niyon ay ang pagpatak ng ulan – unang ulan iyon na tanda nang pagwawakas ng tag-araw at papasok na ang tag-ulan. Ang ulang tila ba basbas nang kalangitan para sa kanilang dalawa at sa wlaang muwang at batang pag-ibig na taglay nila.

Naglaro sila sa gitna ng ulan, naghabulan at nagharutan –

Ang pangakong ito ang kanilang tutuparin ngayon.

Desidido si Ken para bigyang katuparan ang pangako niya kay Bien. Desidido si Ken na ipaglaban ang walang muwang nilang pag-ibig. Desidido si Ken na ipaglaban ang batang pag-ibig na muli at lagi niyang babalikan. Kung sa bata nilang pag-iisip ay naunawaan nilang walang masama sa pagmamahal niya kay Bien ano pa ngayon na mas may isip na siya ay karunungan para maunawaan ang damdamin niya para kay Emil. Umaasa si Ken n asana ay ganuon din ang laman ng isip ng ibang taong nakaligid sa kanila.


[13]
Vince and Ken

Tatlong araw na ang nakakalipas buhat ng mangyari ang aksidenteng iyon kay Emil na kung saan ay napakalaking pagbabago ang ginawa nito sa buhay nila at sa takbo ng mga pangyayari.

“Sigurado ka bang kaya mo na?” nag-aalalang tanong ni Ken kay Emil.

“Oo naman!” dagling sagot ni Emil. “Saka kailangan na nating masimulan iyong projects sa Metro-Cosmo saka dapat makapagsubmit na ako ng first part ng story ko. Malapit na ang release nang January issue nang Metro Cosmo.”

“Nakahanda na ba ang mga gamit mo?” tanong ni Mang Mando kay Emil pagkapasok.

“Opo!” sagot ni Emil saka ito namano sa ninong niya na bagong dating na sinundan naman ni Ken ng pagmamano.

“Tara na at naghihintay na ang sasakyan nating tricycle.” wika pa nito.

“Sige po Ninong.” nakangiting sambit ni Emil.

“Si Tito naman!” tila may tampo sa himig ni Ken. “May kotse naman po ako tumawag pa kayo ng tricycle.” tugon pa ng binatang artista.

“Nakakahiya naman kasi sa’yo Ken.” sagot naman ng ninong ni Emil.

“Wala po iyon sa akin.” sagot ni Ken. “Mas makakatipid pa din po kung sa kotse ko na lang tayo sasakay.” wika pa nito.

“Ikaw na bata ka!” wika pa ni Mando. “Hala, sige, papabalikin ko na sa paradahan iyong tricycle.”

“Tama tito!” napangiting sagot ni Ken. “Saka ayos nga kung sa kotse kasi hindi makakasagap ng pollution si Emil saka mas kumportable pa ang biyahe.”

“Si nanay nga po pala?” tanong ni Emil sa ninong niya.

“Nasa bahay!” sagot ni Mando. “Gusto daw niyang makabawi sa’yo kaya nagpaiwan sa bahay.” sagot nito.

“Si nanay naman!” sambit ni Emil. “Ano naman kaya ang connect nang pagbawi niya sa pagpapaiwan sa bahay.” tugon ni Emil saka tumulis ang nguso nito.

“Ewan ko sa nanay mo!” sagot ni Mang Mando.

“Baka naman may inihahanda sa’yong surpresa.” singit naman ni Ken saka umakbay kay Emil at pinisil ito sa ilong.

“Surpresa ka d’yan!” sagot ni Emil saka gumanti nang pisil sa pisngi kay Ken.

“Hala at umalis na tayo.” aya naman ni Mang Mando.

“Ah ninong!” habol ni Emil. “Si Vince po?” tanong naman ni Emil. “Hindi ko pa po nakikita si Vince mula ng madala ako dito.” wika ni Emil.

Nakaramdam naman nang kirot si Ken sa tanong na iyon ni Emil. Hindi niya mawari ngunit sa tingin niya ay nasaktan siya sa pag-aalala ni Emil kay Vince.

“Bakit nmalamukos iyang mukha mo?” tanong ni Emil.

“Hindi!” maang na sagot ni Ken.

“Tara na nga at umalis na tayo.” sagot ni Ken saka hinatak si Emil palabas.

“Talagang kayong mga bata kayo!” tangnig nasambit ni Mang Mando.

Sa kotse ni Ken – si Ken ang driver samantalang sa likuran naman umupo sina Emil at Mang Mando.

“Sige Ken! Ikaw muna an gaming back seat driver!” pang-aasar ni Emil kay Ken.

“Ang swerte mo naman!” sagot ni Ken. “Isang gwapong leading man pa ang driver mo!” ganting biro ni Ken.

“Ikaw kasi, nagvolunter ka pa!” sagot naman ni Emil dito. “Hala sige! Iuwi mo na kami!” utos ni Emil dito.

“Papaano ko naman kayo iuuwi eh hindi ko naman alam ang bahay ninyo!” sagot ni Ken.

“Patay na!” wika ni Emil.

“Sige na Emil sa harap ka na umupo!” nakangiting wika ni Mang Mando.

“Sige po ninong! Baka kung saan pa tayo mapunta nito.” sang-ayon naman ni Emil.

“Sa tabi ko din pala ang bagsak mo!” turan ni Ken sa sarili na naging sanhi para mapangiti ito.

“Sige na! Palakarin mo na!” wika ni Emil.

Pinatakbo na nga ni Ken ang sasakyan.

“Aba at maingat ka atang magpaandar ngayon.” puna ni Emil kay Ken.

“Siyempre naman!” sagot ni Ken. “Ayoko kasing may mangyaring masama sa Bien ko pag hindi ako nag-ingat sa pagmamaneho.” wika ni Ken sa sarili.

“Siguro natakot ka nang magpaharurot at magyabang sa kalsado ano!” tudyo pa ni Emil dito.

“Quiet!” sabi ni Ken. “Nagdadrive ako ginugulo mo ako!” wika pa ni Ken. “Hindi ako natatakot na magpatakbo ng mabilis, natatakot akong maaksidente na kasama ka dahil ayaw ko na ikaw ay masaktan.” sabi ulit ni Ken sa sarili.

Ilang sandali pa at nasa bahay na sila Emil –

“Welcome home anak!” pambungad na bati ni Aling Choleng kay Emil.

“Welcome back Emil!” saad naman ni Vince saka ito nagsabit nang lay sa leeg ni Emil.

“Salamat Vince!” sagot ni Emil saka nagbigay ng isang matamis na ngiti.

“Aba at aagawin mo pa ang atensiyon nang Bien ko!” saad ni Ken sa sarili saka tumingin nang masama kay Vince.

“Tingnan ko lang kung makaporma ka pa ngayon kay Emil!” saad naman sa sarili ni Vince saka ginantihan ang titig na iyon ni Ken. “Puputulin ko ngayon ang kayabangan mo!” habol na bulong pa ni Vince sa sarili.

“Sisiguraduhin kong hindi ka makakaporma sa Bien ko!” tila nadinig ni Ken ang bulong ni Vince sa sarili kaya naman nasagot niya agad ang hamon nito.

“Emil!” sambit ni Ken. “Halika na sa loob!” aya naman ni Ken sa binatang scriptwriter saka ito hinawakan sa kamay at inalalayan papasok sa loob ng bahay.

“Emil ako na ang magdadala nang bag mo.” pagboboluntaryo naman ni Vince dito saka kinuha kay Ken ang bag ni Emil.

“Pare ako na lang!” sagot ni Ken na ayaw bitiwan ang bag ni Emil.

“Ako na pare! Baka nabibigatan ka!” wika ni Vince. “Saka nakakahiya sa isang artistang tulad mo.” pang-uuyam pa ni Vince kay Ken.

“Ako na sinabi!” giit ni Ken.

“Hala!” awat ni Emil. “Kung makaasta kayo para kayong mga bata!” nahihiwagaang sagot ni Emil.

“Akin na nga iyan!” madiing wika ni Benz saka kinuha ang pinag-aagawang bag.

“Umayos nga kayo!” bulong pa ni Benz sa dalawa. “Nagmumuka lang kayong katawa-tawa!” habol pa nito.

“Kuya Benz!” masayang bati ni Emil sa kanyang kapatid. “Buti naman at nandito ka! Akala ko may taping kayo ngayon!” habol pa nito.

“Siyempre naman!” tugon ni Benz. “Ngayon kaya ilalabas sa ospital ang mahal kong kapatid kaya dapat nandito ako!” masayang tugon ni Benz na pilit itinatago ang pait nang panghihinayang.

“Hindi lang ang kuya mo ang nandito!” sagot naman ng ama ni Emil. “Pati siyempre ako!” habol pa ni Mang Tino.

“Tay!” lalong masayang sambit ni Emil.

“Halina sa loob Emil!” aya ni Benz sa kapatid saka ito inalalayan pagpasok sa loob ng bahay.

Sumunod naman sa loob sina Vince at Ken ngunit bago pa man makaupo ang dalawa ay muli silang binulungan ni Benz – “ako muna at haharap sa inyo bago ang kapatid ko kaya humanda kayo!” may himig nang pagbabanta kay Benz.

“Kuya naman! Exempted na ako d’yan!” pakiusap ni Ken sa kinakapatid.

“Kailan ka pa natutong tawagin akong kuya?” tanong ni Benz kay Ken. “Si Emil lang ang pwedeng tumawag sa akin ng kuya!” paghahamon pa niya dito.

“Parang hindi ka kinakapatid ah!” may tampo sa himig nito.

“Tama iyon walang exemption, dapat pantay ang laban natin!” wika ni Vince kay Ken.

“Good Vince!” wika ni Benz kay Vince. “Ikaw naman!” saka itinuon ang pansin kay Ken. “Patunayan mong karapat-dapat ka sa kapatid ko bago kita palusutin!” hamon pa nito saka ginulo ang buhok ni Ken.

Muling lumapit si Ken kay Emil pagkaalis ni Benz.

“Ikukuha na kita ng pagkain.” pagboboluntaryo ni Ken kay Emil.

“Ken padala naman ito sa labas!” singit na pakiusap ni Benz kay Ken.

“Pero!” tututol pa sana si Ken subalit –

“Sige na naman!” pakiusap ni Emil dito.

“Naman! Nang-iinis ka ba talaga Benz!” asar na bulong ni Ken sa sarili.

“Hahaha. Buti nga sa iyo!” nagdidiwang ang kalooban ni Vince sa nakitang iyon. Siya naman ang lumapit kay Emil at may dalang inumin.

“Baka nauuhaw ka?” tanong ni Vince saka abot kay Emil nang juice.

“Salamat! Sakto at nauuhaw ako!” singit ni Benz saka kinuha ang juice na dala ni Vince para kay Emil.

“Lintik na!” asar na usal ni Vince sa sarili.

“Hahaha! Akala mo makakalusot ka!” masayang wika ni Ken sa sarili nang makita ang nangyaring iyon kay Vince.

“Emil tara sa labas!” aya ni Ken kay Emil.

“Sige ba!” tugon ni Emil dito.

“Si Ken!” sigaw ni Vanessa papasok kasama ang iba pa niyang mga kaibigan.

“Pa-autograph naman saka pa-picure.” request pa ng grupo ni Vanesa.

“Sige!” alangang sagot ni Ken.

Lumakad naman palayo si Emil para hindi siya makagulo pa sa kinakapatid at sa mga kaibigan niya at kabarkada.

“Good Job Vanessa!” pagbati ni Vince ka kapatid. “Tagalan pa ninyo tulad nang plano natin!” nangingiting wika pa ni Vince saka lumakad papunta kay Emil.

“Tara sa labas!” aya naman ni Vince kay Emil. “Maingay na dito sa loob.” sabi pa nito.

“Sige!” nakangiting tugon ni Emil na unti-unti nang naguguluhan sa sitwasyon.

“Akala mo Vince magtatagumpay ka!” saad ni Ken sa sarili nang mapansing papalabas na sila Vince at Emil na palabas.

“Emil!” tawag ni Ken dito saka nilapitan. “Sama ka sa picture taking nila!” aya ni Ken dito.

“Oo nga Emil para mas memorable!” sang-ayon naman nang mga kaibigan ni Vanessa.

“Naku huwag na baka masyadong mapwersa si Kuya Emil!” kontra ni Vanessa na makita nito ang senyas nang kuya Vince niya.

“Maganda kung kasama ni Emil para may kasama na din tayong sikat na writer sa picture.” tutol nang kaibigan ni Vanessa.

“Oo nga!” sang-ayon naman ng lahat.

“Sige na nga!” sang-ayon naman ni Emil.

“Vince baka naman pwede mo kaming kuhanan!” pakiusap ni Ken dito.

“Akala mo nakaisa kana!” nagsasaya ang kalooban ni Ken nang mga oras na iyon.

“One! Two!” pagbibilang ni Vince “and” biting wika ni Vince saka pindot sa camera.

Todo ngiti naman ang lahat nang –

“Ay battery empty!” sigaw ni Vince.

“Aya!!” sabay-sabay na nasabi nang mga nakangiti nang kukuhanan ng picture.

“Buti nga sa inyo! Buti na lang at nagbattery empty.” wika ni Vince sa sarili.

“Hala! Bakit may banto ata lahat ng tao ngayon?” nahihiwagaang tanong ni Emil sa sarili.

Natapos ang araw na iyon na tila ba nagkukumpetensya sina Ken at Vince para sa aoras ni Emil. Lagi’t-lagi at walang nagtatagumpay sa kanila dahil laging andiyan si Benz para harangin ang mga plano nila kung hindi man ay nandiriyan ang mga sarili nilang plano para mailayo si Emil sa isa pa.

Kinabukasan –

“Are you sure na ready ka na sa first day mo?” tanong ni Mr. Ching kay Emil.

“Yes sir!” bibong tugon ni Emil.

“Good!” sagot ni Mr. Ching. “Umaasa akong magiging maganda ang resulta nang unang project mo dito sa Metro-Cosmo.”

“Before anything sir, heto nga pop ala iyong concept kong kwento para sa column ko sa Metro-Cosmo.” saad ni Emil saka abot kay Mr. Ching nang hawak niyang envelope.

“Very catchy ang title mo.” papuri ni Mr. Ching. “Sa Pagitan ng Tama at Mali or Between the Righteousness and proposed titles mo.”

“Sir, depende pa po iyan sa kung ano ang column ko, English or Tagalog.” sagot ni Emil. “Anyways Sir, included po diyan ang one page synopsis ko.” habol pa ni Emil.

“I’ll read it later but for sure it will be approved.” paninigurado pa ni Mr. Ching. “For now start your interview with Ken and be sure to follow him up to his pictorial.”

“Sure!” sagot ni Emil saka ito umalis na sa opisina ni Mr. Ching at ngayon nga ay tinutungo na niya ang lugar na usapan nila ni Ken.

Ilang sandali pa nga at nasa usapang lugar na si Emil at nakita na din niya duon si Ken. Bihis na bihis ito at ayos na ayos ang pagkakaporma. Bagong gupit din ang binata na mas lalong bumagay sa kanya at nagpatingkad sa kanyang kagwapuhan.

“Tara na!” nakangiting salubong ni Ken saka umakbay kay Emil.

“Tara!” sang-ayon naman ni Emil. “Saan ba tayo unang pupunta? tanong pa nito.

“Sa Bulacan siyempre!” sagot ni Ken. “Let’s talk about my childhood.” turan pa nito saka nag-iwan ng simpatikong ngiti.

“Childhood?!” tanong ni Emil sa sarili. “Ikukwento mo kaya ang nakaraan natin?” tanong pa ni Emil sa sarili. “Maaalala mo na kaya ako?”

“Hoy!” gulat ni Ken kay Emil nang mapansing nahulog ito sa malalim na pag-iisip.

“Oh!” sagot naman ni Emil.

“Anong iniisip mo?” tanong ni Ken.

“Tara na nga at nang makatapos na tayo ngayong araw.” aya ni Emil na hindi na sinagot ang tanong ni Ken.

Habang nasa sasakyan –

“Kwento ka na.” simula ni Emil sa usapan.

“Anong ikukwento ko?” tanong ni Ken.

“Kahit anon a tungkol sa’yo.” sagot naman ni Emil.

“Ayos na interview to, kahit ano ang gusting sabihin.” tila pang-aasar ni Ken kay Emil. “Kaya nga interview kasi magtatanong ka sa akin ng gusto mong malaman.” dugtong pa ni Ken.

“Tinatamad kasi akong magtanong.” sagot ni Emil. “Kaya bahala ka na lang magkwento.”

“Aba at unang araw mo tinatamad ka na kaagad.” pagsasalubong ng kilay ni Ken.

“Joke lang!” sagot ni Emil. “Mamaya na lang ako magtatanong, siyempre kukuha pa ako nh konting background sa’yo.” palusot pa nito.

“Ewan ko sa’yo!” saad ni Ken.

Ilang sandali pa at binabagtas na nila ang isang pamilyar na daan para sa kanilang dalawa at walang anu-ano ay inihinto na ni Ken ang sasakyan.

“Siguro naman hindi na bago sa’yo itong lugar na’to.” wika ni Ken.

“Siyempre naman! Nasa Pulilan na kaya tayo.” nakangiting saad ni Emil.

“Tara na baba ka!” aya ni Ken kay Emil.

“Saan tayo pupumta?” maang na tanong ni Emil.

Hinatak naman ni Ken si Emil pagkababa ng kotse at mabilisnilang tinakbo ang isang direksyong pamilyar sa kanilang dalawa.

“Dito!” sagot ni Ken pagkahinto nila. “Sa Pulilan Central School! Dito ako nag-aral ng grade 1.” nakangiting tugon ni Ken.

“Oo Ken, alam kong dito ka nag-aral ng grade 1. Kaklase mo pa nga ako di’ba!” nais sanang sabihin ni Emil subalit nakakaramdam siya ng hiya na baka hindi siya naaalala nito. Binakasan ng lungkot ang mukha ni Emil sa alalahaning iyon.

“Hindi pwedeng makalimutan ko ang mga masasayang araw ng pagkabata ko na nangyayari lang pag kasama kita, aking Bien.” saad ni Ken sa sarili na nagiging sanhi para magkaroon na kakaibang ngiti ang mga labi ng binatang aktor.

“Bakit nalamukos ang mukha mo?” tanong ni Ken kay Emil.

“Wala!” sagot ni Emil. “Alam mo bang di’yan din ako nag-aral ng elementary.” tila pagmamalaki pa ni Emil.

“Oo Bien alam na alam ko.” unang bagay na pumasok kay Ken pagkasabi ni Emil nang mga salitang iyon.

“Talaga?!” tila gulat na sinabi ni Ken. “I-A ako nung grade one, baka kaklase kita ah.”

“I-A din kaya ako ah!” sagot ni Emil na tila pumatol na lang sa laro ni Ken.

“Anyways, past is past.” sagot ni Ken.

“Alam mo ba nung grade one ako nagmahal na ako?” simula ni Ken sa kwento niya habang papasok sila sa loob ng eskwelahan.

“Talaga?” tanging nasabi ni Emil na makikitang binakasan ng kakaibang ligaya.

“Kaso nakalimutan ko na kung ano ang pangalan niya eh.” pagsisinungaling ni Ken. “Akala ko nga puppy love, pero hindi din pala! Kasi hanggang ngayon, mahal ko pa din iyong tao na iyon.” pagkasabi ni Ken ay tumingin ito sa mga mata ni Emil.

“Hindi nga?” may kakaibang tuwa na naramdaman si Emil sa mga sinabing iyon ni Ken. Alam niyang siya pa din pala ang mahal nito kahit nakalimutan na ang kanyang pangalan. Gusto na sana niyang sabihing siya ang tinutukoy ni Ken subalit…”

“I remember that place!” wika ni Ken saka pumunta sa isang puno na malapit sa isang classroom.

“Hello! I’m Kenneth Cris!” pakilala ni Ken sa isang batang lalaking nakaupo sa may punong malapit sa classroom nila.

“Bien Emilio!!” nakangiting pakilala naman ng isa. “Emil na lang! Iyon kasi ang tawag nila sa akin.” habol pa nito.

“Kenneth Cris nga pala ang real name ko. Pero Ken na lang.” tugon naman ni Ken.

Ngiti lang ang sagot nang mahiyaing si Emil.

“Bien na lang ang itatawag ko sa’yo.” tila suhestiyon ni Ken. “Para katunog ng Ken saka walang katulad na tawag sa’yo.” paliwanag pa nito.

“Ikaw! Bahala ka!” wari bang hindi kumportable si Emil sa bagong kaibigang ito. Nakakaramdam siya ng kaba para sa kaharap na sa tingin niya ay may isang bagong yugto sa buhay niya ang mabubuksan.

“Bakit ang tahimik mo?” tanong ni Ken dito. “Wala ka pa bang kaibigan dito?”

Iling lang ang naging tugon ni Bien sa sinabing iyon ni Ken.

“Alam ko na!” tila may naisip na solusyon si Ken. “Ako na lang ang bestfriend mo! Dapat lagi tayong magkasama saka lagi tayong maglalaro.” saad pa ni Ken. “Dapat aalagaan din kita!”

“Talaga Ken? Gusto mo akong maging bestfriend?” tila hindi makapaniwalang saad ni Bien na ngayon naman ay may hindi mapagsidlang lkaligayahan ang nararamdaman ng bata niyang puso.

“Oo naman!” wika ni Ken saka kinuha ang isang kamay ni Emil. “Tandaan mo, pag may umaway sa’yo isumbong mo sa akin.” nakangiting wika pa nito na buong sinseridad na sinabi kay Bien.

“Salamat Ken!” nakangiting tugon ni Bien na ngayon naman ay kita ang mga biloy niya sa pisngi na lalong nagbigay ng kagwapuhan sa mukha niya.

“Basa ka na ng pawis!” wika ni Ken saka pinunasan nang panyo niya ang pawis ni Bien.

“Ako na ang magpupunas!” saad ni Bien saka kinuha ang panyo kay Ken.

“Ako na!” pigil ni Ken. “Di ba sabi ko aalagaan kita!” nakangiti nitong turan.

Tila nakaramdam ng hiya si Bien sa sinabing iyon ni Ken kaya naman hinayaan na lang niya ito sa ginagawa.

“Alam ko na!” wari bang may naisip na plano si Ken. “Ibaon natin dito sa puno na’to itong panyo ko.” wika ni Ken. “Pati iyong panyo mo ibaon natin dito para magkasama.”suhestiyon pa niya.

“Anong ginagawa mo?” tanong ni Emil kay Ken pagdating sa punong iyon.

“Naalala ko, may binaon kaming panyo dito.” sagot naman ni Ken.

Ilang sandali pa at –

“Sabi ko naman sa’yo Emil mayroon kaming alaala dito.” wika ni Ken pagkakuha ng panyong nakabaon.

“Ken! Pilitin mong alalahanin! Ako si Bien! Ako ang bestfriend mo!” umiiyak ang puso ni Bien sa isiping iba na ang sitwasyon nilang dalawa.

“Emil!” wika ulit ni Ken. “May sasabihin sana ako sa’yo.” saad pa nito.

“Ano iyon?” sagot ni Emil na umaasang may bumalik nang alaala kay Ken.

“Iyong tungkol sa amin ni Julian.” wika ni Ken.

“Ah iyon ba!” nalungkot na saad ni Emil. “Huwag kang mag-alala hindi ko isasama ‘yun sa article ko.” paninigurado ni Emil.

“Not what you think!” tutol ni Ken. “Magpinsan kami ni Julian.” pagsasabi ni Ken ng totoo.

“So?” tanong ni Emil.

“I just want to make things clear.” sabi ni Ken saka nilapitan si Emil, malapit na malapit ang mukha at halos magkadikit na ang katawan at hinaplos ang mukha nito.

Wari bang napako si Emil sa ginawang iyon ni Ken. Pakiramdam niya ay lalamunin na siya ng lupa dahil sa simpleng bagay na ginawa nito sa kanya.

“Pinalabas lang namin ni Julian iyon dahil sa’yo!” tila nadulas ang dila ni Ken sa sinabing iyon. “I mean, dahil mahal pa din ni Julian si Benz.” pagbawi ni Ken.

“Palusot ka pa, nahuli na kita!” napapangiting wika ni Emil sa sarili.

“Did I make things clear?” tanong ni Ken.

“Yes Sir!” tugon ni Emil. “Iyong sa amin naman ni Benz hindi din totoo iyon ah!” pagpapaliwanag naman ni Emil.

“I already know that!” wika ni Ken. “Saka nga pala, ayokong masira ang tingin mo sa Kuya Benz mo dahil dun sa sulat, pakana lang iyon ni Julian.”

“Huwag ka nang magpaliwanag.” saad ni Emil saka hinatak si Ken pabalik sa kotse para pumunta na sa next destination nila.

Pagkarating sa sunod na destinasyon –

“Alam mo Emil, isa itong lugar na ‘to sa pinakamemorable sa pagkabata ko.” kwento ni Ken.

“Bakit?” tanong ni Emil.

“Alam mo bang sa lugar na ‘to ko laging dinadala ng bestfriend ko.” simula ni Ken sa kwento. “Biruin mo, ang bata ko pa nuon, halos walang muwang sa mundo saka sobrang inosente pa bigla kong mararamdamang nagmamahal na pala ako, at ang bestfriend ko pa pala ang mahal ko.”

Sandaling natahimik ang pagitan ng dalawa.

“I never know na pagmamahal na pala ang nararamdaman ko para sa bestfriend ko. I don’t know pero unti-unting nadevelop. Hindi ko na nga matandaan kung bakit o kung papaano. Nung magkalayo nga kami lagi na lang na siya ang iniisip ko hanggang ngayon siya pa din. Pinilit ko ding kalimutan na kasi usapang bata nga lang iyon, pero sa tuwing susubukan ko, nasasaktan ako. Hindi ko pala kaya. Sabi ko sa sarili ko, sa oras na magkita kami ulit, dito ko siya unang dadalhin, ipapaalala ko sa kanya na tutupadin ko lahat ng pangako ko, na handa akong ipagsapalaran ang lahat para sa kanya at nakahanda din akong ialay ang lahat lahat kung bibigyan niya ako ng bagong pagkakataon.” paglalahad ni Ken.

“Emil!” wika ulit ni Ken saka humarap dito at hinawakan ang mga kamay. Tiningnan niya ito ng diretso sa mga mata at muling nagsalita – “Pinapangako ko, babalikan ko ang taong una at nag-iisang nagpapatibok ng puso ko!” pagkasabi nito ay inilagay niya sa dibdib ang mga palad ni Emil.

Nanginginig ang buong katawan ni Emil. Hindi niya maintindihan kung bakit ganuon na lamang ang nadarama niyang kaba sa nagiging takbo ng usapan nila ni Ken at sa sitawasyon nila ngayon. Oo, labis na nagagalak ang puso niya dahil alam niyang mahal pa din siya ni Ken subalit may takot na bumabalot sa puso niya na naging sanhi para huwag sabihin sa binata na siya si Bien. May milyong boltahe nang mumunting kuryente ang naglalaro sa kaibuturan ni Emil. Nakikiliti siya nang hindi niya maunawaan, napipi siya at umurong ang dila na hindi magawang makapagsalita.

“Hala, bumalik na nga tayo ng Maynila at duon na lang mag-usap.” sabi ni Ken.

“Sige ba.” nauutal na wika ni Emil.

Si Emil at Ken ang magkasama ng buong araw na iyon. Kulitan dito at harutan duon ang nangyari sa kanila. Ganun pa man ay nakuha naman ni Emil lahat ng impormasyon niya para matapos ang article tungkol kay Ken. Hindi na siya nagpahatid pa dito sa bahay at pinilit na umuwi na lang.

Sa Bulacan pagkauwi ni Emil.

“Emil!” bati ni Vince dito.

“Ikaw pala!” tugon ni Emil.

“May gagawin ka ba ngayon?” tanong nito sa kinakapatid.

“Gagawin?” tila nag-iisip na tugon ni Emil. “Wala naman!”

“Samahan mo naman ako!” may paglalambing sa tinig nito.

“Sige ba!” sagot ni Emil.

Sa isang lugawan dinala ni Vince si Emil –

“Anong ginagawa natin dito?” tanong ni Emil kay Vince.

“Pasensiya ka na ah!” paghingi ng paumanhin ni Vince dito. “Dito lang kita kayang ilibre eh.” paliwanag pa nito.

“May ano?” nagtatakang tanong ni Emil.

“Wala lang!” sagot ni Vince. “Gusto lang kita ilibre. Saka di ba dati madalas kang mag-aya dito.” paglilinaw pa ni Vince.

“Naaalala mo pa pala iyon!” napangiting wika ni Emil. “Tagal ko na nga ding hindi nakakakain dito.” habol pa niya.

Sumaya naman ang aura ni Vince sa naging reaksyon na iyon ni Emil.

“Order ka na!” wika ni Vince dito.

“Ikaw magbabayad?” nakangiting tanong ni Emil.

“Oo naman!” sagot ni Vince. “Akong bahala.”

“Gusto ko Goto, ung madaming tuwalya, saka tokwa’t baboy.” wika ni Emil. “Pati pala halo-halo.” habol pa nito.

“Kaya ka tumataba ang takaw mo kasi!” masayang biro ni Vince sa kinakapatid.

“Reklamo ka d’yan!” wika ni Emil.

Habang kumakain ay masayang minamasdan ni Vince si Emil. Ang mga kilos nito na walang kaarte-arte, ang mga ngiti nitong kaya nang magpalimot sa lahat ng problemang dinadala niya.

“Ano nagustuhan mo ba?” tanong ni Vince habang naglalakad sila pauwi.

“Siyempre naman!” wika ni Emil.

“Good!” tanging nasambit ni Vince.

Pagdating nila sa bahay –

“Tay!” gulat na bati ni Emil sa ama. “Anong ginagawa ninyo dito?” tanong pa nito.

“Kasama pa ninyo si Direk Donald.” nagtatakang tanong ni Emil sa tatay niya nang mapansing kasama din ng ama ang ama ni Ken.

“Nasaan ang Ninong mo?” tanong sa kay Emil ni Mang Tino.

“Nasa trabaho po si Tatay, pauwi na din po iyon!” si Vince na ang sumagot sa tanong na iyon ni Mang Tino saka napatingin sa kasama nito.

“Sino kaya iyong kasama ni Tito Tino?” tanong ni Vince sa sarili.

Sa kabilang bahagi ng Pilipinas –

“Okay and…” sigaw ni Benz. “Cut!” putol nito sa eksena.

“Good work team!” sabi ni Benz. “That is our last shoot for LD.” malungkot na pagbabalita nito.

“We will miss you direk!” sabay sabay na sigaw na mga katrabaho ni Benz.

“Joke ba ‘yun?” tila hindi makapaniwala si Benz sa sinabi ng mga kasamahan niya sa set.

“Yes Direk Benz!” sagot ni Marcel.

“Kayo talaga!” natutuwang wika ni Benz. “Nang-uto lang kayo.” wika pa nito.

“Totoo naman kaya!” giit ni Mae.

“Sana next project tayo ulit ang magkakasama.” wika pa ng isang staff ng LD.

“Sana nga!” tanging nasambit ni Benz. “Sige na pack-up na tayo.” sabi pa nito.

“Yes Direk!” tugon ng lahat.

“Don’t forget na may celebration tayo bukas!” habol pa ni Benz.

“Direk!” tawag ni Marcel. “Dikit na dikit po ang ratings natin sa KNP.” balita naman ni Marcel.

“We should be proud, kasi original story yan ni Emil.” masayang tugon ni Benz dito.

“Kaya nga po eh!” sagot ni Marcel. “Pero nagiging pangit na po iyong kwento ng KNP unlike sa original plot.” sabi pa ni Marcel.

“I know!” sang-ayon ni Benz. “I read the original manuscript of Emil and it is really different for what they are airing.”

“Salamat na din kay Emil para sa inputs niya para sa ending natin.” wika ni Marcel.

“Tawagan mo si Emil at magpasalamat ka!” wika ni Benz.

“Yes Direk!” sagot ni Marcel.

Pagkauwi ni Benz sa condominium unit niya –

“Package?!” nagtatakang kinuha ni Benz ang package na nasa pinto niya.

Pagkapasok ay binuksan niya iyon at binasa ang note.

“Congratulations ‘tol! Vaughn” sabi sa note.

Napangiti na lang si Benz saka idinial ang cellphone niya –

“Hello Vaughn!” sabi ni Benz.

“Benz napatawag ka?” nagtatakang tugon ni Vaughn.

“Salamat sa regalo.” sabi ni Benz.

“Wala iyon! Ikaw pa!” sagot ni Vaughn na kitang naging masaya ang boses nito.

“Nasaan ka ba ngayon?” tanong ni Benz.

“Kakauwi ko lang sa condo ko. Ikaw ba?” sagot ni Vaughn at balik tanong kay Benz.

“Kakadating ko lang din sa condo.” sagot ni Benz. “Tara, gimik tayo.” aya pa ni Benz sa kaibigan.

“Sure!” dagling sagot ni Vaughn.

“Sige, sa dating tambayan!” saad ni Benz.

“I’ll be there the soonest possible.” wika ni Vaughn.

“Ingat ka!” wika ni Benz saka pinindot ang end call.


[14]
Moving-on: Vaughn to the Rescue

“Vaughn” bati ni Benz pagdating sa usapang lugar nila ni Vaughn. “Kanina ka pa ba?” tanong nito sa kaibigan.

“Hindi naman! Kadarating ko lang din.” sagot naman ni Vaughn dito.

“Galing nang Last Dance mo, consistent number one sa ratings ah!” panimulang bati ni Vaughn kay Benz.

“Salamat tol! Pero muntikan na nga iyon sa KNP!” sagot ni Benz.

“Anyways, kamusta ka na nga pala?” tanong ni Vaughn dito.

“Eto, tulad nung nakaraan emo pa din ng konti!” sagot ni Benz.

“Tungkol na naman ba iyan sa nagong pulot mong utol?” tanong ni Vaughn kasunod ang isang malalim na buntong hininga. “Baka nama kay Julian pa din?” wika nito sabay tingin kay Benz at tumitig sa mga mata nito.

“Basta pare!” sambit ni Benz. “Napakagulo!” wika pa nito. “Hindi ko na nga maintindihan pa ang sarili ko. Alam mo ba pare, halo-halo na nadarama ko.” tila pagsusumbong pa ni Benz kay Vaughn.

“Normal lang yan pare, ilang araw pa lang naman ang nakakalipas nang maghiwalay kayo ni Julian tapos ngayon naman nang malaman mong kapatid mo si Emil.” Pagpapanatag ni Vaughn sa kaibigan.

“Sana nga pare!” saad ni Benz. “Alam mo, iyong kay Julian, salamat kay Emil kasi mabilis akong nakapagmove-on. Iyong kay Emil lang talaga ako naguguluhan.” sabi ulit ni Benz. “Alam mo ba iyong pakiramdam na, kuya na nga niya ako. Tanggap ko na na kapatid ko siya, na ako ang kuya niya, pero may kirot pa din pag nakikita kong may pumoporma sa kanyang iba.” tila paglalabas ni Benz ng emosyon kay Vaughn.

“Pare!” tila pagpapayo naman ni Vaughn kay Benz. “Kasi nga sa buong akala mo si Emil na ang papalita kay Julian kay tinuruan mo ang sarili mong mahalin siya nang hindi bilang kapatid. Kaya ngayon, hindi ka sanay na umastang kuya niya at makaramdam na kuya niya.”

“Basta pare!” si Benz ulit. “Ang gulo!” saad ni Benz na may diin sa dulo na tila pagtatapos niya sa usapan nila ni Vaughn.

“Masasanay ka din pare!” pagpapayo pa ulit ni Vaughn.

“Sana pala pare ikaw na lang ang minahal ko!” biglang naibulalas ni Benz. “Shit! Shit! Shit! Benz! Gago ka! Baka mag-isip nang hindi maganda si Vaughn.” bulong ni Benz sa sarili.

“Sana nga pare!” agad namang sagot ni Vaughn. “Goodness! Sa dami nang pwedeng isagot bakit iyon pa Vaughn!” pangaral naman ni Vaughn sa sarili dahil sa hindi sinasadyang naibulalas niya.

“I mean!” halos sabay nilang nasabi na naging sanhi para magkatawanan silang dalawa.

“Sige na mauna ka na!” saad ni Benz.

“Hindi pare!” tutol ni Vaughn. “Ikaw na muna!” saad pa nito.

“Kulit naman!” giit ni Benz. “Ikaw na nga muna!” pilit ni Benz.

“Ikaw na nga lang!” natatawang sabi ni Vaughn.

“Sige na nga ako na lang!” sabay na naman nilang nasabi.

“Adik!” sabi ni Vaughn. “Parang ganito lang tayo nung high school ah!” tila pagbabalik tanaw ni Vaughn sa nakaraan nila ni Benz.

“Oo nga pare!” wika ni Benz. “Kung sana maibabalik ang dati, madami akong itatama!” sambit ni Benz.

“Ako rin pare!” sang-ayon ni Vaughn. “Mas madami akong itatama pare!” wika pa nito. “Madami akong itatama at hindi ko ililihim sa’yo ang tunay na laman ng puso ko. Hindi ko din papabayaang masaktan ka ni Julian, hindi na kita ipagduduldulan pa kay Julian.” wika ni Vaughn sa sarili.

“Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan, sana hindi ko na hinayaang mahulog ang loob ko kay Julian, sana ipinaglaban ko na ang unang laman nang puso ko na sa una pa lang ay tinalikuran ko na.” wika naman ng kabilang bahagi ng utak ni Benz.

“Kasi naman Vaughn, bakit ba ipinagtutulakan mo ako kay Julian?” asar na tanong ni Benz kay Vaughn.

“Alam mo pare, kahit hindi mo sabihin alam kong pinipigil mo lang ang sarili mong mahalin si Julian.” sagot naman ni Vaughn.

“Ano naman?” sarkastikong tanong ni Benz dito.

“Wala namang masama kung magiging kayo.” sagot ni Vaughn. “Ang masama niyan ay pipigilin mo ang sumaya at lumigaya dahil lang sa takot mong harapin ang katotohanan.” dugtong pa nito.

“Sa hindi naman talaga!” palusot ni Benz.

“Asus! Wag nang magkaila!” saad ni Vaughn.

“Sige pare! Dahil sa’yo kaya ko gagawin ‘to. Pagbibigyan kita ngayon pero hindi ka na makakaulit.” wika ni Benz.

“Salamat pare! Siguradong matutuwa si Julian nito.” nakangiting wika ni Vaughn na kahit sa katotohanan ay nalulungkot ang puso niya sa gnawing pagpapaubaya.

“Hoy! Anong iniisp mo?” pagbasag ni Benz sa pagbabalik alaala ni Vaughn.

“Wala lang!” wika ni Vaughn saka pinunasan ang mga luhang pumatak mula sa kanyang mga mata.

“Wala eh umiiyak ka nga ata.” panunuya ni Benz sa kaibigan.

“Wala nga ito!” tugon ni Vaughn.

“Salamat Vaughn!” sambit na muli ni Benz.

“Para saan naman?” maang na tugon ni Vaughn.

“Kasi ikaw, hindi mo ko iniiwan.” wika ni Benz saka tumingin sa mga mata ng kaibigan. “Kasi ikaw, lagi kang nandiyan, tulad ngayon, nandiyan ka, kinakausap mo ako.” puno ng sinseridad ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Benz. “Salamat kasi ikaw, nagagawa mong pagaanin ang loob ko. Kasi ikaw, lagi kong nasasabihan ng mga problema ko.” saad pa ni Benz.

Hindi na kaya ni Vaughn ang mga titig na iyon ni Benz kaya naman siya na ang kusang umiwas sa mga mata nito at naglayo nang kanayang paningin.

“Salamat Vaughn kasi nagagawa mo akong damayan at hindi ka nang-iiwan.” wika pa ulit ni Benz saka hinawakan sa kamay si Vaughn.

“Walang anuman.” putol-putol na tanging naisagot ni Vaughn.

“Hindi kita kayang iwan Benz!” sagot naman ni Vaughn sa sarili.

“Pwede bang ikaw na lang ang mahalin ko?” tanong ni Benz sa sarili niya.

“Tara sa bahay!” aya ni Vaughn kay Benz.

“Ano?” nagtatakang tanong ni Benz na wari ba ay nililinaw pa ang nasi sabihin ni Vaughn.

“Tara sa bahay naming sa Bulacan.” aya nito. “Nanduon si Mama ngayon! Ipapakilala kita, pati na kay lola.” suhestiyon ni Vaughn.

“Gabi nang masyado!” wika nang pagtutol ni Benz.

“Mga katulong ang magbubukas sa atin!” saad naman ni Vaughn. “Saka fan si mama ng Last Dance kaya matutuwa iyon pag nakilala niya ang direktor ng LD.” masayang turan ni Vaughn.

“Sabi mo eh!” walang tutol na pagpayag ni Benz sa alok ng kaibigan.

Sa tagal-tagal na nilang magkaibigan ay hindi pa nakikita ni Benz ang mama ni Vaughn. Tanging ang papa pa lang nito ang mga kapatid ang nakikita niya. Sa Amerika na kasi nanirahan ang mama niya mula nang mag-high school si Vaughn kaya naman walang pagkakataong magkrus ang landas nila ni Benz.

May kahabaan din ang biyahe nila kaya naman pinili ni Benz na umidlip muna dahil pagod din ito sa tape nila sa Last Dance at sa biyahe. Pagdating sa Bulacan -

“Goedenavond ‘Ñora Cecilia.” bati ni Vaughn sa ina.

“Goedenavond zu Vaughn.” ganting bati nito sa anak.

“Ma! Want you to meet Benz.” wika ni Vaughn pagpapakilala kay Benz.

Maingat na iniangat ni Benz ang ulo at mahina niyang nausal – “Tita Choleng?” gulat, mangha at naguguluhang sambit ni Benz pag-angat ng ulo.

Sa kabilang bahagi naman ng Pilipinas –

“Ayan na pala si Mando!” saad ni Tino.

“Mano nga po Ninong!” pagmamano ni Emil sa ninong niya.

“Anong ginagawa mo dito Tino? Wala ka man lang pasabi at gabi nang masyado.” turan pa nito.

“May dapat lang tayong pag-usapan Mando!” saad ni Tino.

“Ano iyon?” tanong nito. “Sino naman iyang kasama mo?” tanong ulit nito saka tumingin sa kasama ni Mando.

“Emil!” tawag ni Tino sa anak. “Sa labas na muna kayo.” pakiusap pa nito.

“Sige po!” sagot ni Emil at agad silang sumunod s autos ng ama.

Nagsimulang kabahan si Mando sa kakaibang inasal ni Tino sa mga oras na iyon. Hindi niya maipaliwanag ngunit sa tingin niya ay may isang mahalagang bagay na mawawala sa kanya.

“Ano kaya iyong pag-uusapan nila?” tanong ni Vince kay Emil pagkalabas nila sa bahay saka inakbayan ang kinakapatid.

“Ewan ko!” kibit balikat na tugon ni Emil saka nag-iwan ng isang nakakawiling ngiti kay Vince.


[15]
Brotherly Love

“Sino siya pare?” tanong ni Mando kay Tino.

Humugot muna nang isang malalim na buntong-hininga si Tino bago nagsalita – “Siya ang tatay ni Vince.” diretsong sinabi ni Tino kay Mando.

“Anong sinasabi mo Tino?” galit na wika ni Mando.

“Pare, siya si Donald ang tunay na tatay ni Vince.” giit ni Tino.

“Ako ang tunay na tatay ni Vince!” pilit ni Mando. “Ako lang at wala nang iba.” sabi pa nito.

“Pare!” simula ni Donald. “Alam ko namang mapamahal na sa iyo ang anak ko!” sabi pa nito. “Pero, huwag mong ipagkait sa kanya ang karapatan bilang isang anak ko.” sagot pa ni Donald.

“Anak ko si Vince!” pilit na giit ni Mando. Pinipilit niyang huwag bumigay na kahit na nga ba ang katotohanan ay nais nang bumigay ng mga tuhod niya dahil sa nalamang balita na iyon. “Anak ko so Vince at hindi mo anak! Maliwanag!” buong diing wika pa nito na pinipilit palakasin ang sarili.

“Pero pare!” wika ni Tinos aka nasa aktong papalapit kay Mando.

“Huwag kang lalapit!” pigil ni Mando. “Umalis na kayo dito!” saad pa nito.

“Mando naman!” wika ni Tino.

“Sabi ko umalis kayo dito!” nanggigilaiting wika ni Mando.

“Sige, aalis kami ngayon, pero sana isipin mo si Vince. Karapatan ni Vince na malaman ang buong katotohanan. Wala kang karapatan para ipagdamot sa kanya iyon.” pamamaalam ni Tino.

“Hindi Tino!” awat ni Donald. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakikita si Vince!” wika nito. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakikita ang anak ko!” madiing wika ni Donald.

“Itakbo mo ang bata!” wika nang nanghihinang lalaki.

“Teka sandali lang!” tila pagtulong naman ni Mando sa lalaking iyon.

“Iwan mo na ako! Mahalaga mailigtas mo ang bata!” pakiusap pa nito.

Ngunit imbes na sundin ni Mando ang lalaki ay buong lakas pa din niya itong tinulungan. Isinakay sa trike na dala niya at dinala sa pinakamalapit na ospital.

Makalipas ang ilang oras at –

“Kamusta na po siya dok?” tanong ni Mando sa doktor.

“He’s fine!” sagot ng doktor.

Tila nabunutan naman ng tinik si Mando sa balitang iyon ng doktor.

Makalipas ang ilang araw –

“Kamusta ka na?” tanong ni Mando sa tinulungang lalaki.

“Salamat sa pagliligtas.” pasalamat nito. “Nasaan na ang bata?” tanong pa nito.

“Ah si Vince ba? Inaalagaan ng asawa ko sa bahay.” sagot ni Mando.

Wari bang nakahinga ng maluwag ang lalaking iyon sa sinabi ni Mando.

“Ako nga pala si Mando.” pakilala ni Mando sa lalaki.

“Tino!” sagot ng lalaki.

“Ano nga pala ang nangyari sa’yo bago kita iligtas?” pag-uusisa ni Mando.

“May humahabol kasi sa akin!” sagot ni Tino. “Gusto nilang patayin ang bata.” sagot pa nito.

“Ano kamo?” tila naguguluhang tanong ni Mando. “Bakit naman nila gustong patayin ang anak mo?” tanong pa ni Mando dito.

“Hindi ko anak ang bata! Anak yan ng kaibigan ko. Ibinilin sa akin yan ng kaibigan kong hinahabol din ng sindikato.” pagsisimula ni Tino sa kwento niya.

“Taga-saan ka ba?” usisa pa ni Tino dito.

“Laguna!” agad na nagbigay ng tiwala si Tino sa kausap niya. Hindi na niya ipinagdamot pa ang tiwala dito dahil na din sa nagawa siya nitong iligtas sa panganib.

“Anong ginagawa mo dito sa Bulacan?” tanong ni Mando na lalong naguluhan.

“Tumawag sa akin ang kaibigan ko at humingi ng tulong dahil nga sa may gustong pumatay sa kanila. Agad akong pumunta dito, ibinigay niya sa akin ang anak niya at sabing ilayo ko daw. Nang makita kaming patakas na ay kami naman ang hinabol hanggang sa makita mo nga kami.” kwento ni Tino.

Iyon ang bagay na naglalaro sa isipan ni Mando habang nag-uusap silang tatlo, ang tunay na kasaysayan kung bakit napunta sa kanya si Vince. Ipinagkatiwala ni Tino si Vince kay Mando at nangakong babalikan din ito bago sila iwanan.

“Please Mando!” pakiusap ni Donald. “Hayaan mo naman akong makilala ang anak ko.” pakiusap nito.

Samantalang –

“Ano naman kaya ang pag-uusapan nila?” tanong ni Vince sa kinakapatid nito.

“Aba’y malay ko!” sagot ni Emil.

“Halika na nga!” wika pa ni Vince saka inakbayan si Emil.

“Kung makaakbay ka!” bati ni Emil na may isang pilyong ngiti.

“Bakit masama?” sarkastikong sagot ni Vince. “Bakit bawal ba? Sinong maysabi? Si Ken?” saad pa nito.

“Aba!” sagot ni Emil. “Paanong nasama sa usapan si Ken?” saad pa ni Emil na nakaramdam na ng kaba sa pagbanggit ni Vince sa pangalan ni Ken.

“Nakakahalata na kaya ‘tong mokong na’to?” tanong ni Emil sa sarili.

“Shit ka Vince! Bakit iyon ang sinabi mo?!” pangaral naman ni Vince sa sarili.

“Ikaw talaga!” pagbawi ni Vince sa unang sinabi niya. “Hindi ka na nabiro.” pagkasabi ay saka pinisil ni Vince ang ilong ni Emil.

“Ang tangos na ng ilong ko sa kakapisil mo!” pabirong inis na wika ni Emil.

“Pasalamat ka nga at tumangos ang ilong mo dahil sa akin!” sagot ni Vince saka muling inakbayan si Emil. Sa pagkakatang ito ay mas madiin at mas mahigpit ang pagkakaakbay niya dito.

Hindi pa man sila nakakalayo at –

“Sabi ko umalis kayo!” wika ni Mando na naulinigan ni Vince.

“Si tatay iyon ah!” nag-aalalang wika ni Vince.

“Si ninong nga iyon!” sang-ayon ni Emil.

“Puntahan natin!” aya ni Vince saka tumabo pabalik sa bahay nila na nag-aalala para sa ama.

“Try mo kaya akong hintayin!” habol ni Emil sabalit tila walang naririnig si Vince at diretso pa din ito sa pagtakbo.

Maya-maya pa at –

“Hindi Tino!” awat ng lalaking kasama ni Tino. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakikita si Vince!” wika nito. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakikita ang anak ko!” madiing wika pa nito.

“Aaannno ddaaw tatay?!” putol-putol at naguguluhang tanong ni Vince kay Mando.

“Vince!” gulat na gulat si Mang Mando pagkakakita kay Vince. “Wala iyon anak!” wika pa nito.

“Hindi tay!” giit ni Vince. “Ano iyong sinasabi ng lalaking iyan?” hindi makapaniwalang paglilinaw ni Vince.

“Vince hijo!” si Mang Tino. “Eto si Donald.” biting wika pa ng ama ni Emil saka lumingon sa gawi ni Mando. “Ito ang..” putol niyang wika dahil sa pagsingit ni Mando.

“Tumahimik ka Tino!” galit na galit na pagputol ni Mando na kababakasan mo naman ng kaba at pag-aalala. “Ganito kasi iyon anak!” wika pa ulit ni Mando saka lumapit kay Vince.

“Ako ang tatay mo!” singit ni Donald.

“Ano?!” tila ayaw tanggapin ni Vince ang kung anumang narinig niya.

Bigla namang napaupo si Mando sa sinabing iyon ni Donald.

“Tay?!” baling ni Vince kay Mando. “Totoo po ba?” tanong pa nito na halatang may pagpipigil sa pagtulo ng luha.

Tango lang ang sinagot ni Mando.

“Bakit?!” mahinang usal ni Vince. “Bakit ngayon ko lang nalaman?” saad pa nito saka kumawala ang mga luha sa mata niya.

“Anak!” tanging nasambit ni Mando.

“Patawarin mo ako!” wika ni Donald saka lumapit kay Vince.

“Huwag kang lalapit!” pigil ni Vince. “Si tatay lang ang tatay ko!” madiing wika nito.

“Pero anak!” giit ni Donald. “Matagal akong nangulila sa’yo.” pagmamakaawa ni Donald sa anak.

“Huwag mo akong tawaging anak!” sabi ni Vince. “Hindi mo ako anak at hindi kita tatay!” malakas na sigaw ni Vince.

“Pero anak!” singit ni Donald.

“Lumayas ka!” madiing wika ni Vince saka pinuntahan si Mang Mando. “Tay! Kayo ang tatay ko di ba?” tanong ni Vince kay Mang Mando.

Walang nagawa sina Mang Tino at Donald kung hindi iwanan na lang sila Mando at Vince.

Nakasalubong nila Mando at Donald si Emil pagkalabas nila ng pinto. Hingal na hingal ito at kagagaling lang sa pagtakbo.

“Anong nangyari?” tanong ni Emil sa ama niya.

“Patawad anak!” paghingi nito ng dispensa sa anak.

“Anong patawad?” naguguluhang tanong ni Emil saka pumasok sa loob ng bahay ng ninong Mando niya.

“Ninong? Vince?” lalong naguluhan si Emil sa nakita muli siyang lumabas para kausapin ang ama.

Sa bahay nila Emil –

“Tay, ano po ba talaga ang nangyari?” tanong ni Emil sa ama.

“Si Donald ang tunay na ama ni Vince at ngayon nga ay nalaman na ito ni Vince.” sagot ni Tino.

“Ano?” nagulat at nabiglang reaksyon ni Emil.

Naging mahaba man ang usapan at ang pagkukwento sa nakaraan ay naunawaan naman ni Emil ang gustong sabihin ng ama at naunawaan din niya na kailangan ni Vince ng isang kaibigang makakasama at karamay kaya naman –

“Ah Vince!” bati ni Emil nang makitang nakadungaw sa bintana ang kinakapatid.

“Bakit?” tanong ni Vince.

“Pwedeng makiupo?” tanong ni Emil.

“Sige!” wika ni Vince saka umusog ng kaunti para makaupo si Emil.

Nanatiling tahimik ang dalawa –

“Biruin mo” simula ni Emil sa usapan “magkapatid pala kayo ni Ken.” wika ni Emil.

Napakunot ang noo ni Vince sa sinabing iyon ni Emil. “Ano daw? Kapatid ko si Ken?” tanong pa ni Vince sa sarili.

“Alam ko na ang lahat.” tugon ni Emil sa reaksyon na iyon ni Vince. “Maswerte ka nga ngayon kasi magiging dalawa na ang tatay mo.” wika pa ni Emil. “May Ninong Mando ka na, may Direk Donald ka pa.” nakangiting saad ni Emil na wari bang pinapagaan ang loob ni Vince.

“Pasalamat ka nga kasi magiging dalawa ang tatay mo, samantalang ako ngayon ko lang nararanasan ang magkaroon ng magulang.” saad pa ni Emil na tipong nagpapaawa pa kay Vince. “Maswerte ka kasi bukod sa isang mabait at magaling na direktor ang tunay mong ama, isang mabait at maunawaing sikat na artista pa ang kapatid mo.”

“Nasaktan ako Emil!” wika ni Vince sa kinakapatid. “Masakit dito.” wika pa niya saka kinuha ang palad ni Emil at inilagay sa dibdib niya.

“Normal lang yan!” sagot ni Emil. “Hindi mo pa kasi napapakinggan ang buong kwento at sarado pa ang isip mo para makinig. Dapat nga matuwa ka, kasi binabalikan ka ng tunay mong ama at matuwa ka kasi itinuring kang tunay na anak ni ninong.”

“Salamat Emil at nasa tabi kita ngayon.” pasasalamat ni Vince.

“Walang anuman!” wika ni Emil. “Sana matanggap mo si Direk Donald bilang ama mo, at si Ken naman bilang kapatid mo. Parang ako, kahit anong sakit ang dinanas ko, tinanggap ko pa din si tatay bilang tatay ko at si Kuya Benz bilang kuya ko.”

“Salamat talaga Emil!” wika ni Vince saka niyakap si Emil.

“Isa lang ang tandaan mo, kahit na anong sakit ang idinulot ng nakaraan at kahit na anong kamalian ang nagawa ng nakaraan, kaya naman iyang itama ng kasalukuyan.” paalala pa ni Emil.

“Salamat talaga!” saad ni Vince at lalong hinigpitan ang yakap kay Emil.

“Emil!” madiing wika ng isang pamilyar na baritonong tinig.

“Ken!” naalarmang sagot ni Emil na may damdamin nang pagkatakot.

“Anong ibig sabihin nito?” simulang tanong ni Ken.

“Kasi Ken!” simula nang pagpapaliwanag ni Emil.

“Emil! Ipinagpalit mo na ba ako?” wika ni Ken sa sarili.

“It’s not what you think.” tutol ni Emil na wari ba ay nabasa niya ang nasa isipan ni Ken.

“Then?” tanong ni Ken.

“Kailangan lang ni Vince ng kausap.” hindi malaman ni Emil kung bakit ba siya nagpapaliwanag kay Ken.

“At bakit?” sarkastikong tanong ni Ken.

“Kasi magkapatid pala tayo!” mataas na tonong sagot ni Vince.

“Kapatid?” naguluhang sagot ni Ken. “Anong kapatid?” tanong pa niya dito.

“Biruin mo magkapatid pala tayo, hindi ko alam!” simula ni Vince sa kwento. “Itanong mo kaya sa tatay mo kung anong panggugulo ang ginawa niya dito at sinabing anak niya ako.” sarkastiko na ding turan ni Vince.

“Totoo ba Emil?” hindi makapaniwalang tugon ni Ken saka tumingin kay Emil na wari ba ay nangungusap ang mga mata nito para sa katotohanan.

Tango lang ang naging tugon ni Emil.

Kabaliktaran sa inaasahang reaksyon mula kay Ken ay sumigla ang mukha nito –

“Kuya!?” saad ni Ken nagliwanag ang mga mata. “Kung ganun, ikaw nga ang kuya ko!” wika pa nito saka lumapit kay Vince at niyakap.

“Ken?!” nabiglang saad ni Vince.

“Matagal ka nang hinahanap ni Papa at kahit hindi ka namin nakikita pa mahal na mahal na kita bilang kuya ko.” saad ni Ken. “Hindi ko akalaing ikaw pala ang kuya kong matagal nang hinahanap ni papa.” masayang turan ni Ken na lalong hinigpitan ang yakap.

Natuwa naman ang puso ni Vince sa ginawang iyon ni Ken. Sa tingin niya ay nabawasan ang sama ng loob niyia para sa tunay na ama dahil naging pagtanggap sa kanya ni Ken at sa tingin niya ay hindi siya mahihirapang tanggapin ang tunay na pamilya sa nakikita niyang mamahalin siya ng mga ito ng lubusan.

“Magkapatid nga talaga tayo dahil iisa din ang nagustuhan natin.” bulong ni Ken kay Vince.

“Tandaan mo, hindi porke’t kuya mo ako at mas bata ka sa akin, papabayaan ko na lang na mapunta sa’yo si Emil. Hindi kita pagbibigyan tandaan mo yan” ganting bulong ni Vince dito na may hinig nang pagbabanta.

“Lalo namang hindi ko hahayaang mapunta sa’yo ang Bien ko kahit na nga ba kuya kita. Hindi ako magpaparaya kahit na ikaw ang matagal na naming hinahanap na kapatid ko.” sagot ni Ken.

“May the best man win!” sabay nilang wika.

Naguguluhan man ay binalewala na lang ni Emil ang mga huling sinabing iyon ng dalawa.

“Emil!” bati kay Emil nang bagong dating na si Benz. Dumaan na din si Benz kila Emil galing sa lumang bahay nila Vaughn. Balak na din niya itong isama sa condo niya para maki-celebrate sa farewell party ng LD.

“Ikaw pala kuya Benz!” masayang bati na din ni Emil dito. “Akala niyo kayo lang ang magkapatid!” wika pa niya saka tumingin sa dalawa.

“Anong drama meron dito?” tanong ni Benz saka umakbay kay Emil.

“Hindi lang pala tayo ang magkapatid dito.” wika n Emil.

“Sino pa?” tanong ni Benz.

“Sila Ken at Vince!” sagot ni Emil.

“Paanong nangyari?” gulat ding tanong ni Benz.

“Mahabang kwento.” putol ni Ken. “Basta mahalaga, nakita na namin ang long lost brother ko.” saad pa nito.

“Ewan ko sa inyo.” wika pa ulit ni Benz. “Basta ako, masaya ako sa kapatid ko at mahal na mahal ko ang kapatid ko!” turan pa nito saka lumingon sa gawi ni Emil.

“Mahal na mahal ko din ang kuya ko!” masaya at nakangiting sagot ni Emil.

“Salamat na lang kay Vaughn na nagbigay linaw sa lahat!” saad ni Benz sa sarili.

“Ayan, dahil ayos na ang lahat, happy happy na dapat!” suhestiyon ni Emil.

“Oo Emil, sabi mo!” tugon ni Ken na hinawakan ang mga kamay ni Emil saka tumingin sa mga mata nito.

“Nadamay ako!” sagot ni Emil na nahiya sa ginawa na Ken. Pakiramdam niya ay kinukuryente ang buo niyang katawan dahil sa inasal na iyon ni Ken. Sa palagay niya ay may hatid na libong kiliti ang pagdadaiti ng kamay nila ni Ken. Iba sa pakiramdam at lalong iba sa kung anumang kumikinig-kinig sa puso niya.

Sa gitna nang mga pangyayari ay may isang bagay pa din ang naglalaro sa isipan ni Benz at ito ay ang kung anuman ang nakita niya sa lumang bahay nila Vaughn. Hindi niya mawari at lalong hindi niya alam kung papaanong haharapin ang isa pang sikretong kanyang malapit nang matuklasan.

No comments:

Post a Comment