By:
Dalisay
Blog:
theimmaculatedalisay.blogspot.com
E-mail:
angelpaulhilary28@yahoo.com
[06]
Nagpasyang
maghintay si Gabriel sa kanyang sasakyan. Base sa bihis ni Jordan ay aalis ito.
Sure enough, he emerged with his dog. Tumingin ito sa kanya pero nanlamig lang
siya sa napakalamig na titig nito. May suot na itong sumbrero at may malaking
bag na dala-dala. Sumakay ito sa Toyota Corona na pag-aari nito pagkatapos
ikandado ang gate. Mabilis siyang bumaba ng kotse para kausapin ito ngunit mabilis
nitong binuksan ng bahagya ang bintana sa tabi ni Eneru bilang warning na ayaw
nitong makausap siya.
Pero
hindi siya nagpatinag. Sumilip siya sa salamin ng Corona nito habang ang isang
kamay ay nasa bubong ng sasakyan.
"Dali-
Jordan... Please let me explain. Wala akong intensiyong masama. Please,
maniwala ka," Nagmumukha na siyang tanga. Sigurado siya roon. But he could
not help it. At wala siyang paki-alam kung ano ang maging tingin sa kanya ng
ibang tao sa mga oras na iyon.
Sa
katotoohanan nga, halos mabali na ang leeg ng ilang usisero na nakatingin sa
kanila. Malamang mga napadaan lang at na-curious sa eksena nila ni Dalisay.
Pero
hindi rin naman niya pwedeng hayaan na basta na lamang magalit ito. Nakataya na
ang lahat sa pagkakataong iyon. Ibinaba nito ng bahagya ang salamin sa panig
nito.
"Get
lost, Mister-whoever-you-are!"
"Dalisay
naman!"
"Get
off my car!" galit ng sabi nito.
"No!"
Humarang siya sa sasakyan nito.
Sa
gulat niya ay umatras ng bahagya ang kotse nito at parang bumubwelo. Sasagasaan
kaya siya nito?
Malamang.
Sagot ng isip niya.
He
was sure that he saw Dalisay's determination to hit him with his car. Wala
tuloy siyang nagawa kundi ang tumabi. "Shit!" Ang tanging nasabi niya
ng lagpasan siya nito.
Binalikan
niya ang sasakyan at nagpasyang sundan ito. Hindi pwedeng makalayo ito sa kanya
ng basta-basta. Kailangan niyang magpaliwanag dito. Kahit saan pa umabot ang
paghabol niya rito. Hindi dahil sa gustong-gusto niyang magpaliwanag kundi
dahil wala pang gumagawa sa kanya ng ganoon. No man had ever turned his back on
him before. Lagi na lang ay hinihiling ng mga itong magpaliwanag siya kung
makikipagkalas na siya. At lagi na ay pinaniniwalaan siya ng mga ito. Lagi
siyang pinatatawad ng mga ito.
At
walang nagpamukhang tanga kay Kirby Gabirel Fadriquella. Lahat ng lalaking
magustuhan niya, nakukuha niya. At hindi exception ang Dalisay na ito. Kahit
ito pa ang paborito niyang author. Hindi ito exception to the rule.
"Ang
yabang mo Dalisay!" nagngingitngit niyang sabi.
Sinadya
niyang ipakita ang pagsunod dito. Alam niyang mapapansin siya agad nito.
Napangiti siya ng maisip na kahapon lang ay maayos silang naguusap nito tapos
ngayon ay naghahabulan silang dalawa.
Nakita
niyang bigla itong tumigil sa isang outpost. Akala niya ay nananakot lang ito
pero anong gulat niya ng bumaba ito habang bitbit si Eneru papasok ng istasyon.
"Anak
ng teteng..." Napamura siya.
Gustong-gusto
na niyang lampasan ito pero ayaw niyang mawala ito sa paningin niya. Kailangan
niya itong makausap. Pero nagbago ang isip niya ng makitang may pulis na itong
kasama paglabas at tiningnan ang sasakyan niya. Minalas lang siya ng mag-red
ang traffic light kaya nasundan siya ng isang pulis na naka-motorsiklo.
Sinenyasan siya nitong tumabi. Sumunod na lang siya kaysa lumaki pa ang kaso
niya.
"May
reklamo sa'yo, pare. Lisensiya? wika nito.
"Ano
daw pong reklamo, Chief?" His fished his license out. Ibinigay niya rito.
"Pwede
ka bang maibitahan sa istasyon?" tanong nito pagkatapos tingnan ang
lisensiya niya.
"Bossing,
may kaunting LQ lang kami nung boyfriend ko na yun."
"Boyfriend?
'Langya. Ke' ganda mong lalaki tapos bakla ka rin. Hindi ko nga halos
mapaniwalaan iyong isang iyon kung wala lang ipinakitang ID." natatawang
palatak nito.
"Bakit
Chief? Masama bang maging bakla kung ganito ako ka-gwapo?" maasim ang
mukhang reklamo niya.
Mukha
namang nahalata nitong na-offend siya. "Boyfriend ka nung nagrereklamo? Eh
bakit mo siya hina-harass?" pag-iiba nito ng usapan.
"Hindi
ko siya hina-harass. Sa hitsura kong ito boss, mukha ba akong nagha-harass? May
pinag-awayan lang kami. Maniwala po kayo."
"Sa
presinto ka na magpaliwanag."
Then
he saw Dalisay's car passing by. Nanlaki ang mata niya. "Wait! That's him.
Sige na bossing. Pakawalan mo na ako." pakiusap niya.
"Doon
sa presinto." tila tinatamad na sabi nito.
"Bossing
naman. Kung hina-harass ko siya, dapat naroroon din siya di ba? Bakit siya
umalis? Di ba kailangan din siya roon para sa paliwanag niya?" frustrated
nang sabi niya.
Tiningnan
lang siya ng pulis. Then it hit him, alam na niya kung bakit ganoon ang inaakto
ito. Alam na niya ang gustong mangyari nito. Lagay. Something that he could
never do. He hated it.
Napabuga
siya. "Sige na Chief. Eskortehan niya na po ako sa presinto."
Halos
matawa siya sa ekspresyon nito. Shocked. Mukhang hindi inaasahan na papayag
siyang magpakulong. Mataman muna siyang tinitigan nito bago nagsalita.
"Sige
na nga. Alis." pagtataboy nito.
Napangiti
siya ng lihim.
Akala
mo ha? Ulol! Aniya saka pinaharurot ang CRV.
Ayon
sa kasabihan, ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa
paroroonan. Sa kaso ni Jordan, naroon na siya sa lugar na pupuntahan niya ay
panay pa rin ang lingon niya. Hindi siya makuntento kahit natatanaw na niya ang
parking lot ng Days Hotel sa Batangas. He had to look back every now and then.
Sa
tingin niya ay hindi na siya mahahabol ni Gabriel. Subalit may
pagka-resourceful ang isang iyon kaya naman gusto niyang magpakasiguro. Ayaw na
niyang harapin at kausapin ito. Wala siyang interes na pakinggan ang paliwanag
at paghingi nito ng paumanhin. Okay na sa kanya na naipaalam niya ritong alam
na niya ang totoo.
Pero
nahihiya siya sa sarili. Pakiramdam niya ay napakatanga niya at tila nabiktima
siya ng isang scam. Naiinis siya sa sarili dahil nagtiwala siya kaagad sa isang
taong nagpa-cute lang ng kaunti sa kanya ay tinanggap na niya ng maluwag sa
bahay. Pinagsilbihan. Pinakain. Naawa pa siya rito ng makagat ito ni Eneru iyon
pala nagpapanggap lang ito.
Pero
sa lahat ng iyon ay iisang bagay ang hindi niya matanggap. Ang pagkukwento niya
rito ng mga bagay na tungkol sa sarili niya. Tungkol sa mga ginawa niya. At
tungkol sa mga sikreto niya sa pagsusulat. Paano kung i-publish nito ang mga
iyon? Maaari ba siyang magdemanda? Eh paano kung magmukha lang siyang tanga sa
gagawin niyang pagdedemanda?
Hay!
Naiinis talaga siya.
Nakapasok
na siya sa lupaing sakop ng hotel ay lumilingon pa rin siya. Naroon kasi siya
para sa isang imbitasyon ng kaibigan na kauuwi lang sa bansa. Isa rin itong writer
na nakabase sa Kingdom of Saudi Arabia.
Pagkabigay niya ng susi sa valet ay mabilis siyang pumasok sa entrance ng
hotel. Papalapit pa lang siya sa reception area ng may tumawag ng atensiyon
niya.
"Dalisay!"
Napalingon
siya sa pinanggalingan ng tinig at napangiti. "Mikey!" natutuwang
sabi niya sabay takbo palapit dito.
"Dalisay.
How nice of you to come." magiliw nitong bati sabay yakap sa kanya.
"Of
course, Mikey. Mapapalampas ko ba ang imbitasyon ng famous kong kaibigan na si
Michael Juha? Siyempre, hindi," natatawang sabi niya pagkatapos kumalas
rito. Tuluyan ng nakalimutan ang taong kanina lang ay nagpapakulo sa dugo niya.
"Nambola
ka pa. Ang ganda mo pala." balik-bola nito sa kanya.
"Oh
what do we have here? A mutual admiration society?" aniya na ikinatawa
nilang dalawa. Doon lang niya napansin na may isa pang lalaki na nakatayo
malapit sa kanila ng kaibigan. Napansin iyon ni Mikey.
"Oh,
siya nga pala. Si Ferdie, buddy ko. Ferdie si Dalisay. Author din siya."
pagpapakilala ni Mikey sa kanilang dalawa.
They
exchanged pleasantries. Napansin niyang tahimik lang din pero palangiti ang
Ferdie na kasama ni Mikey. Mukhang magkakasundo sila nito.
"Nakuha
mo na ba ang susi mo sa room? Inabangan kita talaga dito. Naiinip kasi kami ni
Ferdie sa kwarto." tanong ni Mikey.
"Kukunin
ko pa lang. Mabuti at nakita mo ako rito." sagot niya.
"Hay
naku, kanina pa aligaga iyan." singit ni Ferdie.
"Talaga?"
curious niyang tanong pero ang mata ay agad na inilipat kay Mikey.
"Oo.
Kasi naman, sabi mo ay ipakikilala mo ang boyfriend mo sa akin."
Agad
na napalis ang ngiti niya. Naalala niya na biniro niya nga pala ito na may
ipakikilala siya ritong boyfriend niya kunwari.
"Ano
ka ba Mikey, biro lang iyon." natatawang sambit niya.
"Sure
ka? Ikaw talaga mahilig kang magbiro." natatawang sabi ni Mikey.
Napakunot
ang noo niya. Hindi naman slow ang kaibigan para hindi malamang nagbibiro lang
talaga siya. "Eh wala nga talaga..."
"Ikaw
talaga baby. Iniwan mo na naman ako ng magtampo ka." anang isang tinig na
nagpalamig at nagpatigas ng kalamnan niya. Inakbayan pa siya nito.
"So
who is this cute and lucky guy Dalisay?" kinikilig na sabi ni Mikey.
Nanlalaki
ang matang nilingon niya ang lalaking mapangahas which was a mistake dahil ang
lapit-lapit na ng mukha nito sa kanya. His hot breath sensually fanning his
sensitive face. Titig na titig ito sa kanya. Agad nag-init ang mukha niya sa
proximity nila.
"G-gabriel..."
he said almost whispering.
"Oh,
Nice to know you Gabriel." ani Mikey.
"Same
here, Mikey." anang baritonong tinig ni Gabriel na hindi inaalis ang
tingin sa kanya. Nangingilabot at nanlalambot ang tuhod niya sa ginagawa nitong
pagtitig. At ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya!
Itutuloy...
DISCLAIMER:
All the characters in this story have no existence whatsoever outside the
imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name
or names. They are just distantly inspired by any individual known to the
author, and all the incidents are merely invention.
[07]
"So,
this is the mysterious boyfriend, huh?" nangingiting sabi ni Mikey sa
kanila.
Salamat
sa intervention ng kaibigan niyang ito at nahimasmasan siya sa biglaang
pagdating ng talipandas na si Gabriel.
Halos
magpalpitate siya sa sobrang lakas ng kaba niya. Tinangka niyang kumalas mula
sa pagkaka-akbay ng gwapong nilalang sa kanya pero ayaw siya nitong pakawalan.
Bagkus, lalo pa siya nitong hinigit palapit dito dahilan para masiksik siya ng
matipuno nitong dibdib.
Oh
la la!
Wait!
Erase! Erase!
Paanong
nagugustuhan niya ang pinaggagagawa nito? He had never met such an audacious
guy in his entire life! Sinubukan niya ulit ang pasimpleng pagtulak dito para
makawala but every attempt was futile.
"I'm
afraid so, Mikey. Ito kasing baby ko eh, kapag ginustong magsikreto, siguradong
walang makaka-alam." ani Gabriel na tumaas-baba pa ang kilay.
"Siyanga?
Dalisay?" tanong ni Mikey.
"Ah...
O-oo... ganoon na nga iyon." aniyang pilit pang ngumiti para magmukhang
convincing.
"See?"
mayabang pang wika ni Gabriel.
Since
malabo ang makatakas mula rito ay naisip niyang laruin ang laro ng magaling na
lalaki. Ipinalibot niya ang mga kamay sa katawan nito. Giving him more access
to Gabriel's body. Hindi na nga lang niya pinansin ang kakaibang kilabot na
gumapang sa katawan niya ng ipulupot niya ang mga kamay dito.
It
sent electrical shock waves to his entire system! Hindi niya inakalang ang
simpleng pagganting binabalak ay may hatid na kiliti sa kanya. Dinedma na lang
niya iyon para makapag-concentrate sa plano.
"Of
course, Mikey... ang mga ganito kapoging nilalang ay dapat na itinatago sa
madla. Marami ka kasing makaka-agaw kapag ibinuyangyang mo na lang basta. Hindi
ba, honey?" Isiniksik niya pa ng husto ang katawan dito. His nose was
assaulted by Gabriel's wicked scent. Bigla tuloy nanglabo ang lahat sa kanya.
"Oh
my, a public display of affection. Maganda yan Dalisay, keep it up."
natatawang sabi ni Mikey.
"Oh
I'll definitely make this man "up", all night." mabilis niyang
sabi.
Natawa
ang lahat maliban kay Gabriel na biglang na-tense yata sa tabi niya.
"So
paano, kita-kits tayo later Dalisay. May pupuntahan lang kami saglit ni Ferdie.
May i-mi-meet pa kaming ilang makakasama natin sa araw na ito. Yung ipina-book
kong room sa iyo ay kasya para sa dalawang tao. Although, I'm sure na mas
masikip mas pabor para sa inyo. Mas conducive sa romance." nanunuksong
saad pa ng kaibigan bago umalis.
"Salamat,
Mikey. See you later." aniya.
"Bye
for now."
Nang
makaalis si Mikey at Ferdie ay mabilis niyang itinulak ang pangahas na lalaki.
"How
dare you!"
"Whoa!
Bakit na naman?" nagtatakang tanong ni Gabriel.
"Huh!
At may gana ka pa talagang magtanong kung bakit? Ang kapal ng mukha mong sundan
ako dito at magpakilalang boyfriend ko! Such audacity Mr. Fadriquella!"
Sa
inis niya ay napalitan ang nagtatakang anyo nito ng isang pinipigil na ngiti.
Di yata't na-amuse pa ito sa kanya kaysa magalit din. The nerve!
"Okay!
I'm sorry for being audacious a while ago but you could have corrected me in
front of your friend instead of nuzzling your pert little nose in my pecs.
Bakit di mo ginawa? May nalalaman ka pang you will make sure keeping me
"up" all night." nangiinis na sabi nito as he quoted the word.
Namulang
bigla ang buong mukha niya sa ininsinuate ng magaling na lalaki.
"Hoy!
Hindi ako ang may problema kung bakit di ko itinama ang sinabi mo. I was just
playing your perverted little game as well. Hindi ako patay na patay sa'yong
damuho ka!" defensive niyang sabi.
"Bakit
ka nagba-blush?"
"I'm
not blushing! It's... it's... the... it's the sunset, you dummy!"
"Why
are you stammering?"
"I'm
not!" hiyaw na niya.
Nakarinig
sila ng tikhim mula sa mga nasa paligid. Mukhang nakakuha na sila ng atensiyon
ng dahil doon. Sino nga ba naman ang hindi magtataka kapag narinig ang isang
tulad niya na nakikipagtalo na tila nobya sa isang gwapong nilalang na katulad
ni Gabriel.
"Oh
God!" naiinis niyang sabi.
Nagmartsa
siya papunta sa counter para kunin ang susi ng kaniyang silid. Iniwan niya si
Gabriel na nakatayo at humihingi ng paumanhin ilang nasa paligid na sa
panggigilalas niya ayhindi maganda sa kanyang pandinig.
"I'm
sorry everyone, my boyfriend is not feeling very well. I'm sorry for his sudden
outburst."
Nanlalaki
ang matang binalikan niya ito at hinila sa tenga.
"Aray!
Ano ba? Karinyo brutal ka naman, baby eh."
Oh
he was beet red. That's for sure! Bakit ba kasi napakalakas ng toyo ng isang
ito at tila balewala lang na i-announce nito sa madla na magkarelasyon sila.
Naiinis
na itinulak niya ito papasok sa elevator.
"Sira-ulo
ka talagang lalaki ka. Anong pinagsasasabi mo doon? I'm not your boyfriend and
you're an ass!" galit na niyang sabi.
Akala
niya ay tatahimik na ito pero hindi na siya nakarinig ng kahit na ano mula
rito. Nagtatakang nilingon niya tuloy ang damuho na isa na naman palang
malaking pagkakamali.
Why?
Because he was rendered speechless by the intense look Gabriel was giving him.
Walang galit kundi isang reprimanding look ng isang nakatatanda sa isang bata
ang ibinibigay nito sa kanya. Suddenly, he felt ashamed of what he did. Pero
hindi siya magpapatalo. Siya na nga ang naloko nito hindi ba? Siya pa ba ang
magmumukhang may kasalanan? No way!
"Stop
that!" naiinis na sabi niya.
Pumalatak
ito. "Know what? I expected more from you Dalisay. Hindi ko alam na ganito
kakitid ang isip mo. Bakit hindi mo ba pagbigyan na pakinggan ang paliwanag
ko?"
"Huh?
Kakaiba ka ring magpaliwanag 'no? To the point na patungan mo pa ulit iyon ng
panibagong pangloloko. Ano bang problema mo? Wala naman akong ginagawang masama
sa iyo ah?"
Suddenly,
Gabriel shifted his expression from reprimanding to a guilty one.
"I'm
sorry. Kung pagbibigyan mo lang kasi ako, ipapaliwanag ko kung bakit ko nagawa
iyon. Please?"
Tinitigan
niya ang pleading look naman nito ngayon. Somehow, this man managed to evoke
feelings that were unfamiliar to him. Hindi siya pamilyar sa mga damdaming iyon
dahil ngayon lang niya nararamdaman ang mga iyon but that doesn't mean he
doesn't know what it meant.
It
could only mean one thing. He's in trouble. Mukhang ang lalaking ito ang sisira
sa ipinangako niya sa sarili. Na hindi siya maghahanap ng Prince Charming niya.
Ito ang hahanap sa kanya.
But
come to think of it. Ito ang pumunta sa bahay niya. Ito ang nanggulo sa
nananahimik niyang buhay. To the point na ideklara pa nito sa madla na
magboyfriend sila. Well, wasn't it a bit... sweet?
Mukha
namang walang paki-alam si Gabriel kung makuha ang apology niya o hindi. Kung
siya iyon, dedma kung ayaw mong tanggapin ang apology ko? Iyon ang motto niya.
Pero sa mga actions ni Gabriel, bakit parang ang apology niya ang
pinakamahalagang bagay sa mundo?
Napabuga
siya. Nakatitig pa rin ito sa kanya. Sasagot na sana siya ng tumunog ang
elevator. Nang tingnan niya ang monitor ay nasa palapag na pala sila kung saan
naka-assign ang kwarto niya. Sa halip na sumagot ay humakbang siya palabas ng
elevator.
"Dalisay..."
Nilingon
niya ito.
"I'm
kinda tired from driving Gabriel. Kung magpapaliwanag ka, doon na lang sa
kwarto mo gawin. Inaantok na kasi ako." iyon lang at tumalikod na siya.
Nanlaki
ang mata nito sa narinig. Halos abutan pa ito ng pagsara ng pinto ng elevator
kundi lang sa maagap na pagkilos nito.
"W-wait..."
HABANG
nasa loob ng silid ay hindi mapalagay si Gabriel. Hindi pa kasi niya naranasan
buong buhay niya ang maguluhan ng labis. Ang alam lang kasi niya sa salitang
"confusion" ay nahirapan siyang ispelingin iyon noong grade five
siya. He had always been so sure about everything especially concerning
himself.
Unang
mga taon pa lang niya sa mundong ibabaw ay alam na niyang attracted siya sa
kapwa lalaki. Alam na rin niya nung magsimula siyang mag-aral na hindi siya
uubra sa balarila at panitikan, Filipino man o English. Sigurado siyang crush
niya ang hardinero ng kapitbahay nila na sobrang ganda ng katawan at may
malaking umbok sa tamang lugar. Alam niyang walang maidudulot na mabuti ang
bawal na gamot kaya hindi siya tumikim niyon buong-buhay niya. Besides, men had
always been a more enjoyable thing than anything, another thing he was so sure
of.
Kaya
naman, hindi niya malaman ang pabago-bagong ugali na ipinapakita ni Dalisay sa
kanya. Kanina ay galit na galit ito sa kanya. Then he said he was just playing
along with him. Tapos galit ulit tapos ngayon pakikinggan na raw ang paliwanag
niya?
Which
is which?
Sino
ang totoong Dalisay?
Bakit
ba gulong-gulo na siya ngayon? Sana pala ay hindi na niya pinatulan ang hamon
sa kanya ni Charlie tungkol kay Dalisay. Hindi sana siya naguguluhan ngayon.
Hindi naman kasi siya dating ganito sa mga nakikilala at nakakarelasyon niya.
Madalas siya ang hinuhulaan ang susunod na gagawin pero sa isang ito ay siya
ang nangangapa. Literally.
Tumayo
siya sa sofang kinauupuan. Isa iyong en suite na compliment ng hotel sa
pag-stay ng magaling na author na si Michael Juha. Starstruck pa rin siya sa
mga pangyayari although expected na niyang ang mga katulad ni Dalisay ay may
ganoong klaseng circle of friends.
Ngayon
ay nasa banyo si Dalisay at nagbibihis. Mamaya na raw ito bababa kaya naman
doon na lang daw ito magpaliwanag. He was welcome to stay pero pakiramdam niya
ay pabalat-bunga lang iyon sa panig nito. Na para bang nakikipag-usap ito sa
isang batang makulit.
Makulit
ka naman talaga.
He
smiled. He tried to use the same tactic a while ago but failed miserably. Hindi
talaga umubra kahit na anong gawin niya sa isang ito. Daanin niya kaya sa
dahas?
Not
bad.
Napangisi
siya sa pilyong suggestion ng isip. Nasa ganoong estado siya na napapangiti ng
bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Dalisay.
Naka-shorts
lang ito at puting collared shirt. He looked fresh. Hindi tuloy niya napansin
ang matabang na expression ng mukha nito.
"Spill
it. Makikinig ako." anitong tila tamad na tamad sa mga pangyayari.
"Ah..
eh..." Damn! Hindi niya alam kung paanong magsisimula.
"Well?"
"I-i...
I'm sorry."
"You've
been saying that for the last six hours. Please? Wala na bang iba? Get straight
to the point so we could get this over and done with."
Tila
siya tinamaan ng hiya sa sinabi nito. Never pa siayng naipahiya ng ganoon
katindi. Grabe na ang isang ito talaga. Huminga muna siya ng malalim at
nagbilang ng hanggang sampu. Taking all the time in the world bago muling
nagsalita.
"Fine!
Kung ayaw mong tanggapin ang sorry ko, bahala ka! Wala pang nakagawa ng ganito
sa akin kundi ikaw lang at hindi ko matanggap iyon. Alam mo ba? Hindi ko
deserve ang ganitong treatment kaya bahala ka na sa buhay mo. You can keep your
damn apology to yourself, for all I care."
But
Gabriel got the shock of his life when he turn to Dalisay and find out that he
was already sleeping.
Great!
Sa
halip na mainis ay napatulala lang siya sa natutulog na manunulat. He looked
peaceful in his sleep. Contrast sa ugali nito kapag gising ito. Ewan niya pero
natutukso siyang lapitan ito. And he did.
Tumalungko
siya para magtapat ang mga mukha nila. Ngayong natititigan niya itong maigi ay
nakikita niya ng husto ang mga nagustuha niya rito.
Nagugustuhan?
Hala ka, Gabriel!
Ikiniling
niya ang ulo. Mukhang inaagiw na ng husto ang utak niya t kung anu-ano na ang
naiisip niya.
Oo
at may crush siya dito pero ang i-pin point ang mismong nagustuhan niya kay
Dalisay? That was not so Kirby Gabriel Fadriquella.
Tatayo
na sana siya ng lumagutok ang isang buto niya sa likuran. Marahil sa sobrang
pagod. Hindi niya inasahan ang sakit na dulot ng pagkakapitik ng isang buto
niya kaya hindi niya napaghandaan ang pagkakasubsob niya sa natutulog na si
Dalisay.
To
make matters worst, his lips was pressed against Dalisay's. Nanlaki ang mata
niya sa reyalisasyon kasabay ng pag-akyat ng kakaibang sensayon sa kanyang
katauhan dahil sa pagkakalapat ng kanilang mga labi.
No
way!
Itutuloy...
DISCLAIMER:
All the characters in this story have no existence whatsoever outside the
imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name
or names. They are just distantly inspired by any individual known to the
author, and all the incidents are merely invention.
[08]
Tulirong
naglalakad sa labas ng hotel si Gabriel pabalik sa kanyang sasakyan. Hindi niya
inaasahan ang pangyayaring naganap sa pagitan nila ni Dalisay kani-kanina lang.
Wala sa loob na nasalat niya ang labi at napangiti.
They
actually kissed!
Hindi
man aware si Dalisay sa pangyayari ay may ipangtutukso na siya rito. Alam
niyang wala itong magagawa kapag sinabi niya ang bagay na iyon at babaluktutin
na kaunti ang katotohanan sa likod nito.
Subalit
ang pagkaalala niya sa 'halik' na iyon ay nagdulot sa kanya ng kakaibang pakiramdam.
Dama niya kaagad ang pag-akyat ng tensiyon sa dugo niya. Nakaramdam din siya ng
bahagyang paninikip ng pantalon. Naiiling na tinalunton niya ang daan papunta
sa kinapaparadahan ng kotse. Kailangan niyang kunin ang spare shirts at jeans
na meron siya.
Pagdating
niya ng kotse ay sinalubong siya ng isang mahinang tahol mula kay Eneru.
Napangiti siya ng maalala kung paano niyang napaamo ito.
Nang
makita niya kasing tumalilis si Dalisay mula sa presinto ay hinayaan niya lang
na maka-ibis ito ng malayo-layo saka siya sumunod nang makawala sa pulis na
nagtangkang mangotong sa kanya.
Nakapaglagay
naman kasi siya ng transmitter sa ibabaw ng sasakyan nito habang tinatangka
niyang magpaliwanag. Salamat sa kaibigan niyang pulis na nagregalo sa kanya
noon. May napag-gamitan tuloy siya.
Nang
masundan niya ang sasakyan ni Dalisay ay naka-park na ito sa compound ng Days
Hotel. Nakita pa niyang nakahiga si Eneru sa backseat. Nang tanggalin niya ang
transmitter ay nagising ito at kumahol. Nanlaki ang mata niya ng makitang
tumalon ito palabas sa bintana ng sasakyan na nasa kabilang panig. Mabilis ang
kilos na tumakbo siya pabalik sa sasakyan at may kinuha mula sa isang plastic
bag at hinagis sa papalapit na hayop.
Sakto
sa bibig nito ang crispy pata na binili niya sa daan. Nginasab ito agad ng aso
at waring nakalimutan na siya. Nang matapos ito ay tila maamong tupa na lumapit
ito sa kanya at anyong nagmamaka-awa na bigyan pa niya ng isa.
Napangisi
siya.
Effective
ang payo ng lolo niya noong bata pa siya. Na kung gusto mong umamo ang mabangis
na hayop sa iyo ay lawayan mo ang pagkaing ibibigay mo sa rito.
Hinaplos
niya ang ulo ni Eneru ng makalapit siya sa sasakyan.
"How's
my boy?"
Bibong
tahol ang isinagot sa kanya ng aso ni Dalisay. Mukhang may magagamit pa siya
para umamo rin sa kanya ang isang iyon. Nangingiting parang ewan si Gabriel.
Hindi niya akalaing sa pagsunod-sunod niya sa paborito niyang author ay
magkakaganito ang buong araw niya. Puno ng adventure. Kinapa niya ang wallet sa
bulsa at tiningnan ang laman nun. Siniguradong naroroon ang kanyang mga credit
cards at sapat na cash.
Kukuha
siya kasi ng room kung sakaling magwala na naman si Dalisay. Bibili pa siya ng
mga gamit niya. Napasubo na siya pero dahil nag-eenjoy siya sa ginagawa ay
lulubusin na niya. Tingnan lang niya kung hindi sumuko sa kakulitan niya ang
pakipot na manunulat.
"Paaamuhin
ko rin ang amo mo, Eneru," nakangiti niyang sabi sa aso na tahimik na
humiga sa backseat ng sasakyan niya.
Pero
natigilan rin siya ng maalala ang ugat ng lahat ng kaguluhang iyon.
Si
Dalisay.
Ang
amo ni Eneru na natutulog ngayon sa sasakyan niya na sinadya niyang paamuhin.
Umepekto
rin kaya rito kapag nilawayan niya ang pagkain nito? O halikan na lang kaya
niya ito ng napaka-torrid to the point na magpapalitan na sila ng laway?
Nandiri
siya sa naisip. Kung anu-ano na ang napagpaplanuhan niya ng dahil lang sa
iisang tao. Ang nakapagtataka pa, parang nawala na ang interes niya sa ibang
lalake.
May
mga nagtete-text sa kanya na mga dati niyang boyfriend kani-kanina lang but he
was ignoring all of them. Lalo na kaninang kaharap at kaakbay niya si Dalisay,
hindi lumiliko sa ibang lalaki ang mga mata niya. Dito lang iyon nakatutok at
tila naturete na siya ng husto rito.
Bakit
kasi hinahayaan mong maturete ka ng husto?
Napabuntong-hininga
siya.
Bakit
nga ba? Oo, crush niya ito, pero hindi lang naman ito ang crush niya, hindi ba?
Saka ano bang ipinagkaiba nito sa iba? Pare-parehas lang naman sila na crush
niya. Ano at nag-i-stand out si Dalisay sa kanila? Ang ibig sabihin ba nito ay
talo na siya sa pustahan?
Napailing
siya. Kahit maging sila pa ni Dalisay, talo pa rin siya. Tama si Charlie,
marami pang planeta ang hindi natutuklasan ng mga dalubhasa at
"Dalisay" ang pangalan ng isa sa kanila.
Naiinis
na bumaba siya ng sasakyan at muling tinungo ang hotel.
NAGISING
si Dalisay na napakakomportable ang pakiramdam. Kaya pala ay nakabalot sa kanya
ang makapal na kumot. Ngunit kasabay ng pagiinat niya ay ang reyalisasyon na
nakatulog siya at nakalimutan kung nasaang lugar siya.
Babangon
sana agad siya ng maramdaman ang mabigat na bagay sa kanyang tagiliran. Dagli
ang pagbaba nang kanyang mata sa bagay na nakadagan sa kanya.
Kaninong
braso ito?
Nawala
ng tuluyan ang antok niya ng maramdaman ang mainit na dampi ng hininga ng kung
sinomang herodes na nsa likuran niya. Na-shock siyang bigla.
Nasa
kama ako at may katabi na kung sino!
Dahan-dahan
niyang inangat ang braso na nakadagan sa kanya ngunit nabigla siya sa sumunod
na pangyayari. Nilingkis siya ng yakap ng talipandas na nasa likuran niya.
Nakarating ang kamay nito sa kanyang baywang kaya napaigtad siya ng bahagya.
Sino
'to?
"Huwag
ka munang tumayo Miss D. Matulog ka muna. Mamaya pa naman ang usapan ninyo ni
Sir Mike eh," sabi ng lalaki sa likuran niya in a husky tone.
Nanigas
ang buong katawan niya ng makilala ang boses.
Si
Gabriel!
Hindi
siya makakilos sa ginawa nitong pagyakap. Tila ayaw makisama ng brain cells
siya para makaisip siya ng solusyon sa ginagawa nitong panlalamang sa kanya.
Arte
mo teh!
Maarte
na kung maarte. Pero hindi niya gusto ang nararamdaman niya. Hindi siya pwedeng
makaramdam ng ganoon sa ibang lalaki. Iyon bang feeling na tila hinahabol ka ng
demonyo sa sobrang kaba mo kapag malapit siya sa iyo. Ayaw niya niyon.
Choosy?
anang isang bahagi ng isip niya.
Napailing
siya ng bahagya. Sinubukan niyang pakalmahin ang sistema dahil kung anu-ano na
ang pumapasok sa isip niya dahil sa scenario nila ni Gabriel.
"B-bitiwan
mo ako..." mahinang daing niya.
"Hmm?"
he nuzzled his nose to his nape.
Lalo
tuloy nawalan ng kakayahan ang utak niya na mag-isip. Pesteng lalaki ito. Ang
husay mang-akit. At ang nakakaloka. Naaakit siya!
Nag-alis
siya ng bara sa lalamunan.
"Alisin
mo ang kamay mo sa katawan ko, Gabriel." aniya sa mas matigas na tono.
"No."
Gabriel said teasingly. To make matters much complicated, dinaganan siya nitong
bahagya. Making him aware of something he'd never thought he'd feel from him.
Nanlalaki
ang mata ni Dalisay sa pagkakatagilid. Naka-spoon position sila ni Gabriel at
ang hudyo ay ipinaparamdam sa kanya ang "kagitingan" nito! Nagmistula
tuloy siyang may lagnat dahil sa biglang pagtaas ng temperatura niya.
"O,
bakit ang init mo, Miss D? May lagnat ka ba?"
Ang
hayup at nanunukso pa! Hindi na nakuntento sa panunukso sa katawan niya eh
tinutukso pa siya nito ng mga salita. Iyon nga lang, ang talipandas niyang
katawan ay tinatraydor siya.
He
could not believe how easily his body reacted to Gabriel's advances. He didn't
know that he was capable of feeling something this hot. And if truth be told,
he was actually enjoying it.
But
no. Hindi siya aamin kahit kailan sa lalaking ito na naapektuhan siya ng
pang-aakit nito. Lalo na sa ipinagmamalaki nitong kagitingan sa likuran niya.
Kailangang makaganti siya.
With
that in mind, he decided to play Gabriel's game.
Inalis
niya ang comforter at isiniksik ng husto ang katawan dito. Mas naramdaman niya
ang "bulge" na eskandalosong tumutusok sa puwitan niya. Nanginig siya
sa sensasyon na dulot niyon pero nagpakakalma siya. Kailangang maibalik niya
rito ang ginagawa nito kundi ay talo siya.
"Para
ngang nilalagnat ako Gabriel, pwede bang maki-share ng body heat?" aniyang
nilambingan pa ang tono at hinaplos-haplos ang braso nito.
Naramdaman
niya ang tensiyon na biglang bumalot sa katawan ni Gabriel. Mukhang hindi nito
inaasahan ang ginawa niyang pagdikit ditong lalo.
"O-okay
lang..." he replied hoarsely.
Napangiti
si Dalisay. Hinigit pa niya ng husto si Gabriel palapit sa kanya dahilan para
madaganan siyang lalo nito. Nakakubabaw na sa kanya ang kalahating katawan nito
habang nakatalikod pa rin siya rito. Damang-dama niya ang init ng katawan at
hininga nito at ang mabilis na tibok ng puso.
"Salamat
naman Gabriel. Ganyan ka lang ha, huwag mo akong iiwan dito. Teka, baka naman
iwanan mo ako bigla kapag nakatulog na ako?" aniya na biglang pumaling
paharap dito.
Subalit
ang kanyang tangkang pang-aasar sa lalaki ay bumalik sa kanya ng pagharap niya
rito ay nagdikit ang kanilang mga labi.
Nanlaki
ang mata ni Dalisay. Para lamang paruparo na dumampi ang mga labi nila sa
isa't-isa ngunit hinabol iyon ni Gabriel sa panggigilalas niya.
Tila
hindi ito nakuntento sa ginagawa. He cupped his cheeks and drew him closer. He
opened his mouth to claim his. Napasinghap siya na isang malaking pagkakamali.
Heat
rapidly conquered his whole system. Gabriel's kissing him expertly that he
already forgotten why they were there in the first place. All he know is that
he wanted this man so badly. And that was the truth he can't deny.
Truth?
Bigla
siayng nagising sa katotohanan ng maalala ang mga kalokohan ng kahalikan. He
pulled away. Itinulak niya ito ng malakas saka marahas na tumayo.
"How
dare you!"
Pauulanan
niya sana ito nang iba't-ibang klaseng mura ngunit nagulat siya ng makita ang
mga mata nito. It was full of desire. And it was all intended for him.
Napalunok siya. Tila natuyuan ng laway.
"B-bababa
na ako..." iyon lang at kumaripas siya ng takbo palabas. Walang paki-alam
sa kung ano ang hitsura niya.
WALA
na sigurong mas "magiting" pa kay Gabriel ng mga oras na iyon. Kanina
lang ay kahalikan niya si Dalisay at natutuwa siya dahil aware ito sa ginagawa
niyang pang-aakit dito. Sabi na nga ba niya at apektado ito sa kanya kahit
hindi niya sabihin.
Iyon
nga lang, nagback-fire kaagad sa kanya ang ginagawa niya ng patulan nito ang
advances niya. Nang magising ito kanina, sigurado siya na hindi nito malaman
ang gagawin. Dahil katulad niya, nagising na lang din siya na natutulog at
nakayakap dito.
Nang
bumalik kasi siya sa silid nito ay
nahiga siya sa tabi nito para sana gisingin ito. Pero mantika yata matulog si
Dalisay dahil hindi niya ito magising. He ended up sleeping and waking-up
cuddling him.
Nag-enjoy
naman siya ng maramdaman ang pagkataranta nito. Alam niyang natuliro ito ng
bahagya pero sa kung anong dahilan ay napakabilis nitong baligtarin ang
sitwasyon nilang dalawa. Suko na talaga siya sa talent nitong mag-isip ng
mabilis.
Kaya
naman, nang higitin siya nito ng walang comforter sa katawan ay hindi na niya
naitago ang "kagitingan". Lalo pa nang haplusin nito ang kanyang
braso. Lalo tuloy nagwala ang testosterone niya.
Dalisay
smelled like apple and his skin was like a baby's bottom. Naamoy at nasalat
niya iyon while he was breathing in his neck. Inaalarma nito ang lahat ng
sistema niya. And because he was so close, ganun na lang ang pagtitimpi niya na
huwag halikan ito.
Pero
ito ang gumawa ng pinagtatalunan ng isip niya. Kaya naman ng magdampi ng
bahagya ang kanilang mga labi, hinabol niya iyon. Para siyang batang hayok sa
kendi. It was the sweetest he's ever tasted. Pero parang kulang pa rin ang
ginawa niya. Siguro ay dahil na rin sa estado ng libido niya na nasa boiling
point na.
Tapos
bigla itong kumalas sa di malamang dahilan kung kailan balak niya nang
palalimin pa ang halik. Naiiling na iniunan niya ang braso sa ulo.
A
tease! A goddamn tease!
Bumuga
siya ng malakas na hangin.
Hindi
ba nito alam na iyon ang pinaka-ikinaiinis niya sa lahat? Tumayo na lang siya
at nag-decide na sundan ito sa ibaba. Pero bago niya gawin iyon, pumunta muna
siya CR nang silid na iyon.
Itutuloy...
DISCLAIMER:
All the characters in this story have no existence whatsoever outside the
imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name
or names. They are just distantly inspired by any individual known to the
author, and all the incidents are merely invention.
[09]
Malakas
ang tawanan sa parteng iyon ng Clubhouse.
Magarbo
ang pagkaka-set ng buffet at mayroon ding iba't-ibang klase ng alak ang
makikita sa isang lamesa na isini-serve ng mga unipormadong waiters. Inilibot
niya ang mga mata sa paligid upang hanapin ang partikular na taong
nagpapa-tuliro ngayon sa isip niya.
And
he saw him.
Looking
so sweet yet witty in his simple shorts and t-shirt. Napaka-plain kung tutuusin
ng hitsura ngunit hindi maipagkakailang that this man is more than what meets
the eye.
He
sighed.
Wala
siyang makapang lakas ng loob para lapitan ito sa ngayon. Parang nakukuntento
na lang siya na panoorin ang pakikipagtawanan nito sa mga kaibigan. Hinuha
niya, mga manunulat rin ang mga ito. They all share the same aura.
Sweet
but witty.
Unconventional
na combination yet so obvious with the way they moved and talked. Halatang
hindi paloloko ang mga ito sa mga katulad niyang itinuturing na alam na ang
lahat.
Lalakad
na sana paalis si Gabriel sa lugar na iyon ng may tumawag ng kanyang pansin.
"Gabriel?"
Nilingon
niya ang may-ari ng boses. It was Mikey.
"Saan
ka nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap kay Dalisay but he said that you
were sleeping. Come on. Join us." Anito sabay hatak sa kanyang braso. Ni
hindi na siya nakapagsalita sa bilis ng pangyayari.
"Guys...
Here come's loverboy. Siya yung sinasabi ko sa inyo na boyfriend ni Miss
D," pagpapakilala sa kanya ni Mikey sa grupo.
He
was welcomed with "ahh's and ohh's" but he ignored them. Nakatuon
lamang ang pansin niya sa iisang tao. Kay Dalisay na nakamatyag lang din sa
kanya. Giving him an intense look. A look that he knew so well sa loob lamang
ng maiklig panahon na nakasama niya ito. He was shouting from his eyes the
words "Play this game that you started, you freak!"
And
so he smiled. And greeted everyone in front of him.
"Hi
guys! I'm Gabriel." Aniyang inilahad ang kamay sa unang tao sa harap niya.
"His
name's Dhenxo." Came from the sweetest voice he's ever heard. Napalingon
siya rito. Tinaasan naman siya nito ng kilay. Pasimple nga lang.
"Nakakatakot
ka naman Mama," said Dhenxo then shook hands with him.
"Oo
nga. Makapagbigay ng reprimanding look sa jowa eh ganun na lang," anang
isa naman.
"Hi,
I'm Rovi." sabi ng huling nagsalita.
"Hi."
Gabriel replied with a grin. Dinededma ang naiinis na tingin ni Dalisay.
"That's
MM, Puti, and Ford," pagpapatuloy pa ni Rovi.
"It
was nice knowing you guys." Taos-pusong sabi ni Gabriel. Which left him
wondering. Why? Bakit ang gaan ng pakiramdam niya ngayong nakilala niya ang mga
tao na nakapaligid kay Dalisay.
"Likewise,
Gabriel." said Mikey na may iniabot sa kanya.
"Toast
tayo. Para sa MSOB at sa ating lahat." anito na ikinatuwa ng lahat.
Pagkatapos
ng toast ay nilapitan niya ang nagsusungit-sungitan na si Dalisay. Nagulat siya
sa naramdaman habang papalapit dito. It was getting intense as he step further.
Then, finally, he was a foot closer to him. Nakipagtitiga lang siya dito. He
tried to stay and look calm as much as he could muster.
"Hi."
Gabriel said with a smile.
The
proud chin of this sinfully talented man raised a notch higher. Giving him
access to the brown of his eyes. It was blank. Then all of a sudden, it glinted
like a star came across his eyesight.
"Hi
yourself, handsome." sagot nito.
Para
siyang tinadyakan ng kabayo sa dibdib ng ngumiti ito sa kanya.
Hush
dude! Have some shame.
Huminga
muna siya ng malalim bago muling nagsalita.
"Galit
ka pa ba?" he said with uncertainty.
Umiling
ito. "No."
"Peace
na tayo?"
"Yes."
"Sure
ka?" may pag-aalinlangan pa rin niyang sabi.
"Gabriel,
I'm not mad. I'm just a little shocked."
Natigilan
siya sa sagot ni Dalisay. Kung direktor lang siya ng pelikula, bibilihin niya
ang arte nito ngayon. Mukha nga itong na-shock sa hitsura nito.
"Sorry
kung nabigla kita." aniya ng makaapuhap ng sasabihin.
"It's
okay. Baka akalain mo naman napaka-prude ko." Dalisay smiled shyly.
He
was rendered speechless once again. Ano ba itong pinapalabas nito ngayon. Shy
and coy? Hindi ba ito mauubusan ng gimik? Then he realized, they were actually
there for a show!
He
left out a sigh.
"Okay.
Let's talk." sabi niya rito.
Dalisay
suddenly got confused. "But we are talking now."
"I
mean... let's go somewhere quiet."
"Ahh...
okay." Hesitant nitong sambit.
Hahawakan
na sana niya sa kamay si Dalisay ng magsalita ang isa sa kasamahan nila. Come
to think of it. He was actually oblivious of the people they are with. Anong
nangyayari sa kanya?
"Hep,
hep! Bailing out already? Maaga pa para maglaho kayong dalawa. Halos kararating
lang ninyo pareho."
It
was Rovi.
"We're
just going to talk, anak. We'll be back soon." Sagot rito ni Dalisay.
"Go.
Talk. Ayusin niyo kung anumang problema mayroon kayo. Hindi iyong nagpapanggap
kayong okay sa harp namin." said Rovi na ikinagulat niya.
Natawa
lang si Dalisay sa isinagot nito. "Later, 'nak."
Naglakad
sila palayo sa mga ito. Nang makarating sila sa bahaging hindi inaabot ng
maingay na musika at sapat na para magkarinigan sila ay nagsalita siya.
"Did
you say something to them?"
Dalisay
looked at him straight in the eye.
"I
did not."
"Eh
bakit parang may alam si Rovi tungkol sa totoong sitwasyon natin?"
Napabungtong-hininga
si Dalisay saka parang frustrated na nagsalita.
"First
of all, walang "natin" Gabriel. Mabilis lang makadama ang isang iyon
kung may problema sa paligid. Partikular na sa akin. Expect him to do that
kapag nagkakilala kayo ng personal. Second, isn't it about time to unveil our
masks. Napapagod na ako sa pagpapanggap at pagtatakip sa totoong meron sa
pagitan natin. Kapag nalaman nila ang totoo, sino sa tingin mo ang mapapahiya
ng husto? Ikaw ba? You don't know them personally at kahit na maiintindihan pa
nila ako ay tatatak pa rin sa kanila ito. They're not a bunch of idiots and
shallow persons but I have my pride to save in the first place. And
lastly..."
"Stop.
Just stop." pigil niya sa mga sasabihin pa nito.
Dalisay's
mouth formed an "O", probably to say something but decided not to.
"Let
me talk, okay?" medyo desperado na niyang sabi.
Nang
hindi ito magsalita ay nagpatuloy siya.
"Hindi
ko intensiyon na pahabain pa ang sinasabi mong pagpapanggap or pahiyain ka kung
sakali sa mga kaibigan mo. But come to think of it. Ikaw pa ang nagpapalawig ng
kung anuma ang totoong meron sa ating dalawa. Ikaw ang nagpapakumplikado ng
lahat."
Magsasalita
sana ito ng awatin niya ulit. "Hindi pa ako tapos. Hindi ba at pwede mo
namang sabihin sa kanila na isa lang akong pesteng lalaki na nagpanggap na
reporter na nabuko mo at nakagat pa ng aso mo para lang makalapit sa'yo? Simple
lang naman yun diba? At totoo naman. So bakit hindi mo ginawa? Kasi..."
"Kasi
ano?" naiinis na sabi ni Dalisay.
"You
started to care for me already. At hindi mo maitatanggi yun." Kumpiyansang
sabi ni Gabriel.
Napanganga
lang si Dalisay sa sinabi niya. And he took advantage of it.
He
lowered his head fast and claimed Dalisay's lips. Akala niya ay papalag ito but
to his delight he was welcomed by his mouth with equal desire and hunger na
kanina pa niya nararamdaman.
He
savored the kiss. It was sweet. Like lemonade. And the feeling that he was
feeling right now is so good. As if a swift yet soft wind was carrying him into
the depths of the world. Wala siyang magawa kundi saluhin ang batok nito at
palalimin pa ang halik na pinagsasaluhan.
It
was like an eternity when the kiss ended. Pareho pa silang pinangangapusan ng
hininga ng matapos sila. He looked into Dalisay's eyes and found out that his
own emotions were reflected into his lovely eyes.
"That
was... that was..." anitong hindi makaapuhap ng sasabihin.
"Good?"
Nngingiting sabi ni Gabriel.
"No..."
Lito nitong sabi.
Nangunot
ang noo niya. Mukhang sisirain pa nito ang magandang pangyayari sa pagitan nila
kani-kanina lang.
"That
was... perfect." Kagat-labi pa nitong sabi.
His
laughter echoed the place. Nakarinig rin siya ng palakpakan mula sa di
kalayuan. It was Dalisay's friend. Napuno ng pagmamalaki ang puso niya. Ibig
sabihin lang niyon, nakamit na rin niya ang planetang hindi pa nadidiskubre ng
mga dalubhasa. Ang taong hindi pwedeng makamit nino man according to Charlie is
now close to being his. He felt triumphant at the moment.
"You
creep. Tuwang-tuwa ka siguro ngayon?" namumulang sabi ni Dalisay.
"Yes.
Sobra. Hindi ko maipaliwanag." Tapat niyang sabi.
"So?
Anong ibig sabihin ng kiss na iyon?" Dalisay asked.
A
glow sparked in his eyes. Finally, ang mga knowing questions na naririnig niya
sa ibang nakarelasyon na niya ay naririnig na niya ngayon kay Dalisay.
"Depende
sa'yo. Ano bang pakahulugan mo sa halik na iyon?" sabi niya. It was a
guided question. To lure Dalisay out of his comfort zone and make him an
ordinary Joe looking for a relationship.
"Nothing."
Shock
was evident on his face when he heard him answer.
"W-what?
You can't be serious?"
He
looked at him mockingly. "Try me?"
He
was again speechless at parang itinulos sa kinatatayuan ng marinig ang sumunod
nitong sinabi.
"I
don't kiss anyone just for the heck of it, Mr. Fadriquella. Given na yung
pagiging magaling mo humalik, ngunit yung ibigay mo pa sa akin ang
responsibilidad na pakahulugan ang halik na pinagsaluhan natin kanina ay ibang
punto na. Ikaw ang nanghalik kaya ikaw ang magbigay ng kahulugan doon. I don't
play with people's minds. I say what I want to say and for me that kiss is
nothing since you yourself cannot tell me what exactly that kiss meant to
you."
Iyon
lang at binirahan na siya nito ng alis. Naiwan siyang nakatulala at tuliro all
at the same time.
Itutuloy...
DISCLAIMER:
All the characters in this story have no existence whatsoever outside the
imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name
or names. They are just distantly inspired by any individual known to the
author, and all the incidents are merely invention.
[10]
I
did it! Haha... Finally, malapit ng matapos ang nobelang ito na napakatagal ng
inabot na panahon para mabuo. :P
Sa
lahat ng mga sumusubaybay na katulad nila Chii-Choi, Erwin, Kapatid at Hardhat.
Maraming Salamat. Pati na sa 70+ viewers ng Chapter 9. Patunay lang na
marami-rami ang hindi nakakalimot sa akin. That made my day.
Here's
the next chapter. Enjoy reading.
P.S.
I dedicate this to Rovi. Yu'll find yourself dear. Promise.
Chapter
10
Galit
na galit na nilisan ni Dalisay ang kasiyahan. Ni hindi na niya nakuhang
magpalam ng maayos kay Mikey at sa iba pang naroroon. Nagpupuyos ang kalooban
niya sa nakakairitang ending ng halikan nila ni Gabriel. Akala niya kanina ay
may magandang patutunguhan ang tagpong iyon. Hindi kasi niya akalaing
magugustuhan niya ng husto ang halik nito.
Ang
arte mo na 'teh.
Napailing-iling
siya. Kinokontra na naman siya ng malanding bahagi ng isip niya.
Oo
na. Maarte na kung maarte. Pero tama bang siya pa ang pag-isipin nito kung ano
ang kahulugan ng mainit na tagpong iyon?
Bilang
"mananakop" ng kanyang hindi masyadong eksperyensyadong mga labi.
Hindi ba at ito ang dapat na sumagot sa tanong niya? Bakit ipinapasa nito sa
kanya ang responsibilidad na pakahulugan iyon?
'Teh,
it was nothing but a kiss. No harm done. Dapat bang bigyan kaagad ng kahulugan
ang bagay na iyon?
Napasimangot
siya sa sinabi ng isang bahagi ng isip niya.
Binilisan
niya ang lakad patungo sa elevator.
Iyon
na nga ba ang sinasabi niya. Kaya nga ayaw niyang may umaaligid na lalaki sa
buhay niya dahil iyon ang problema. Hindi niya hinahanap ang kanyang Prince
Charming, but it doesn't mean na ang unang lalaking magpapakita ng interes sa
kanya ay susunggaban na niya kaagad.
Not
even if it's the hunky Kirby Gabriel Fadriquella?
"Yes,"
mahinang anas niya sa pagitan ng frustration at confusion na nararamdaman ng
mga sandaling iyon.
Echozera!
"No!"
Napapalakas niyang sabi.
Ikaw
na yan.
Napabuga
siya. Kahit kailan talaga, kontrabida ang isang bahagi ng isip niya sa mga
desisyon niya. Kung may nakakarinig lang sa kanya sa mga oras na iyon malamang
ay pinagtatawanan na siya. With that in mind, ipinasya niyang lumingon and he
got the shock of his life to see that there were two teen-age girls behind him,
suppressing their smile.
"What
are you smiling for?" Mataray niyang tanong.
Tinaasan
naman siya ng kilay ng isang dalagita bago sinagot ang pagtataray niya.
"We
are not smiling, Mister."
Marahan
niyang hinarap ang mga ito saka muling nagsalita. "Oh really?"
Putting his arms akimbo he continued. "If you think that I don't know what
your smile is for, you have another think coming. Bakit? Ngayon lang ba kayo
nakakita ng taong nagsasalita ng mag-isa? Hindi ba ninyo alam na pribilehiyo
naming mga nagbabayad ng napakalaking tax ng gobyerno na kausapin ang sarili
kapag may sandamakmak kaming mga problema? Alam niyo ba 'yun? Hindi. Kasi hindi
pa kayo nagbabayad ng tax. Wala pa kayong mga silbi sa bayang ito. Kaya wag
niyo akong lolokohin na hindi ako ang pinagtatawanan ninyo dahil ako lang naman
ang mag-isang nagsasalita dito kanina pa!"
"That's
enough!" Malakas na sabi ng isang tinig na nagpatigil sa kanyang
pagbubusa.
It
was Gabriel.
"Let's
go. Mukhang nababaliw na talaga siya," anang isa sa mga dalagita na
pinagagalitan niya.
Napahugot
siya ng malalim na paghinga ng makilala ang nagmamay-ari ng boses na sumaway sa
kanya. Nasa boiling point na talaga siya kanina pa at dumagdag na naman ang
pasaway na lalaking ito. Nakita pa niya ng lampasan ito ng mga dalagitang
kumakaripas ng takbo mula sa mga rantings niya.
"Kawawa
naman iyong mga bata," bungad nito sa kanya.
Ipinasya
niyang huwag itong tingnan.
"Kung
galit ka sa akin, huwag kang mandamay ng mga inosente," patuloy pa nito.
Dedma
pa rin siya sa sinasabi nito.
"You
know, I didn't expect you to be like this."
Nanatili
siyang kunwari ay walang naririnig kahit pa na-curious siya sa sasabihin nito.
"I
thought you were intelligent enough to know that a simple kiss might mean
nothing. Hindi ko akalain na kapag nahalikan ka pala, nagiging clingy ka na.
It's just a kiss, you know," patuloy ni Gabriel.
Napataas
ang kilay niya.
Clingy?
Siya? No way, Hussein!
But
he remained silent. Waiting for the damn elevator to open. Bakit ba parang
dekada na ang nakalipas bago ito tuluyang makababa?
He
heard Gabriel sigh.
"Okay.
Kung talagang ayaw mo akong kausapin, then don't. I won't talk to you anymore.
Hindi ko hahayaan na pagmukhain akong tanga ng isang tao dahil lang sa isang
halik na alam ko namang nagustuhan rin niya. You're such a hypocrite, Dalisay.
I'm beginning to dislike you."
The
words hit home. Sasagot sana siya ng mag-ingay ang pesteng elevator.
Ting!
Napigil
ang lahat ng sasabihi niya ng magsimulang lumabas ang mga taong sakay niyon.
Tiningnan niya si Gabriel. Nakabalatay ang inis sa mga mukha nito ngunit
halatang gwapo pa rin. Nagulat pa siya ng makitang nakasakay na ito sa
elevator.
"Going
up?"
Doon
lang niya na-realize na kanina pa niya ito tinitingnan. And to make matters
worst. He actually liked it. Masarap itong tingnan. Magaan sa pakiramdam.
"Aakyat
ka ba?" Tanong ulit nito.
"Y-yes."
Natataranta niyang sabi saka maliksing pumasok.
Nakakabingi
ang katahimikan na namayani pagkasara ng pinto. Kapwa sila nagpapakiramdaman ni
Gabriel. Dama niya ang tensyon sa paligid. Alam niya iyon sapagkat ilang beses
na niyang naisulat ang mga ganoong tagpo sa mga nobela niya.
Dumako
ang tingin niya sa mga pindutan ng elevator. Naka-ilaw ang floor kung saan
naroroon ang silid niya. Napatingin siya rito.
"Kukunin
ko lang ang mga gamit ko sa itaas. And by the way, nasa sasakyan ko si Eneru.
Paki-kuha na lang dahil aalis na ako pagkakuha ko ng bag ko," animo ay
mind reader na sabi nito.
Napangiti
siya.
Napakunot-noo
naman ito ng tingnan siya.
"What's
funny?" Tanong ni Gabriel.
"Nothing,"
aniyang nagpipigil ng ngiti.
"You're
weird. Don't you know that?"
"So
I was told. And I don't care," nakangiti pa rin niyang sabi.
"You
really are a work of art."
Napangiti
siyang muli ng marinig ang sarcastic remark nito sa kanya.
"Thank
you." Sagot pa niya.
"Stop
mocking me, Dalisay. Or you'll be sorry." Mapanganib na ang tono ni
Gabriel ngunit nakakapagtakang hindi siya natatakot.
"I
want to push my luck, Gabriel. I know you won't hurt me," lakas-loob
niyang sabi.
Napapikit
lang ito ng mariin saka nagbuga ng malakas na hangin.
Napangiti
ulit siya. Hanggang sa magbukas ang elevator sa floor nila ay nakangiti pa rin
siya. Ewan niya kung bakit ngunit may isang bagay ang pilit na naghahari sa
kalooban niya. And he liked it. Call him crazy but he was actually starting to
like Gabriel.
Kaya
siya kanina biglang napangiti.
He
liked it when he was angry because he looked so damn cute. He liked it when he
was confused because he was so adorable. He like his eyes. His nose. His lips.
At lahat ng realization na iyan ay ngayon lang bumubuhos lahat! To think na
nakipaghalikan na siya dito. Not just once, but twice!
Pagdating
sa pintuan ng kanyang silid ay tinipon niya ang lahat ng lakas ng loob na
mayroon siya at hinarap ito.
"I
like you, Gabriel."
Tila
itinulos naman ito sa kinatatayuan sa narinig.
"I
like you. I really do."
Still
no response from Gabriel. His face devoid of any emotion.
"But
I don't think that we should continue what we are doing right now. Even if we
both like each other, it is not enough for us to be bonded. I think we should
go on our separate ways," pagpapatuloy niya.
Doon
tutluyang nagdilim ang paningin ni Gabriel at mabilis na hinaklit ang braso
niya.
"Are
you making fun of me? Ang galing mo ring magpaikot 'no? Anong tingin mo sa
akin? Bata?" Galit na galit na sabi nito.
"Hear
me out first," kalmado niyang sabi. Kahit pa napakamapanganib na ang
hitsura ni Gabriel ay hindi siya nakakadama ng takot. Masakit ang bahagi ng
braso niya na hawak nito ngunit nanatiling kalmante ang pakiramdam niya.
"Kung
maghihiwalay tayo ng landas ngayon at magpapanggap na mga estranghero sa
isa't-isa sa muli nating pagkikita, I think, and I'm sure, we have a better
chance on working our situation out."
Natigilan
ito.
"Ang
hirap kasi ng ganito, Gabriel. We both like each other but we started out in a
wrong foot. Mananatiling nakatatak iyon sa isip ko dahil iyon na ang impression
ko sa'yo. Manloloko. At ako naman ang ipokrito ayon sa bokabularyo mo. So I
thought na mas magandang maghiwalay tayo ng landas ngayon, then, if by chance,
magkita tayo ulit. Let's treat each other like strangers and start anew."
Mahabang paliwanag niya.
Unti-unti
ay lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. Nakahinga naman siya ng
maluwag. Kanina pa pala siya nagpipigil ng paghinga, hindi lang niya nahalata.
"So
magpapa-alam tayo sa isa't-isa then bahala na kung anong mangyayari kapag
nagkita tayong muli. Ganoon ba?" Finally ay nagsalita ito.
Tumango
siya.
"Paano
kung sadyain kong magkita tayo ulit?" tanong ni Gabriel.
Kinilig
siya ngunit hindi nagpahalata.
"That
won't count. Siguraduhin mo lang na di ko malalamang sinadya mo," malandi
niyang sabi.
"I
will make sure you won't." sagot nito sabay kindat.
His
heart made a triple somersault.
"Get
your bag now. Bago pa magbago ang isip ko, Mr. Fadriquella."
Natatawang
kinuha nito ang susi mula sa kanya saka binuksan ang pinto. Pagkakuha ng bag ay
sinamahan niya ito as parking area para kunin si Eneru at papasukin sa sariling
sasakyan.
He
waved goodbye to the man who easily captured his heart.
Lahat
ng standard na isi-net niya at ginawang panuntunan ay itinapon na niya sa
hangin. He was now willing to take a risk. Bahala na ang tadhana. Bahala na si
Batman. I-e-enjoy niya lang muna kung ano man ang kahihinatnan ng mga bagay-bagay
na mangyayari sa paligid niya. Sa pagitan nila ni Gabriel. At sa hinaharap.
Itutuloy...
DISCLAIMER:
All the characters in this story have no existence whatsoever outside the
imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name
or names. They are just distantly inspired by any individual known to the
author, and all the incidents are merely invention.
No comments:
Post a Comment