Tuesday, January 8, 2013

Task Force Enigma: Cody Unabia (11-Finale)

By: Dalisay
Blog: theimmaculatedalisay.blogspot.com
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com


[11]
"J-jhay-L?"

"Wala ng iba." nakangising-aso na sabi ng lalaki sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?" mabilis na umangat ang depensa niya para dito. Naisip niyang wala na siyang pagpipilian kundi ang tapusin ang naipangako niyang pagtulong kina Cody kahit pa niloko siya nito. Ganoon kahalaga ang palabra de honor sa kanya.


"Malamang ay iinom ng kape. Ano bang klaseng tanong iyan?" mataray na singit ni Marisay Penta sa kanilang dalawa. Nakataas ang kilay ng hitad na lalong nagpatingkad sa katarayang taglay.

Tinapatan niya ng nang-aasar na ngisi ang babae.

"Hindi ko kasi alam na mahilig palang uminom ng kape ang mga alien."

"Sinong alien?" sumisingasing na sabi nito.

"Ewan ko. May nakita ka ba?"

"Ako lang ang kausap mo dito kaya alam kong ako ang pinatatamaan mong bakla ka."

"Uy, nakakahiya naman sa balat mo. Feeling mo ikaw ang kausap ko? Binanggit ko ba ang pangalan mo? Ano nga ulit iyon? Hindi ko kasi maalala eh. parang tunog laos na."

"Aba't..."

"Tama na yan." awat ni Jhay-L sa kanilang dalawa.

Sabay silang napatingin dito ni Marisay.

"Kinakampihan mo ba ang baklitang ito Jhay-L?" naiinis na tanong nito sa kasama.

"Haller. Never akong kakampihan niyan. Hindi kami close." pambabara niya sa mga ito.

"Shut up. Hindi ka kasali sa usapan."  singhal sa kanya ni Marisay.

Naiimberna na si Kearse pero ipinagpatuloy lang niya ang ginagawa. Sira ang diskarte niya kapag nagkataon. Kung bakit kasi naririto ang artistang si Marisay Penta. Wala tuloy siyang magawang segway para maging mabait kay Jhay-L. Sinisira ng babaeng ito ang balak niya.

"Ikaw ang naunang umepal sa usapan namin kaya quits na tayo." balik niya rito.

"Sinabi ng tama na eh." napipika ng sabi ni Jhay-L sa kanilang dalawa.

Nanahimik siya kunwari at ipinagpatuloy ang pagtingin-tingin sa notebook niya. Si marisay naman ay bubusa-busa pa rin sa tabi nito pero di na niya pinatulan. Maya-maya pa ay narinig niya ang boses ni Jhay-L.

"Marisay, mabuti pa siguro ay pumunta ka na sa shooting ng set ninyo. Hihintayin ko na lang yung ipapasabay mo sa aking package" sabi nito sa kasama.

Agad siyang napatingin sa dalawa kaya naman nakita niya ang biglang pag-ilap ng mata ni Marisay. Napatingin sa kanya ito kaya nagkunwari siyang dedma lang sa banga at nadaanan lang ito ng tingin.

"Ah... eh... kuwan... kunin mo na lang kasi sa set. Hindi kasi pwedeng ibalandra basta-basta iyon at baka may maki-alam at masira pa." kagat-labing sabi ng babae.

"No. Dito mo na lang dalhin. Ayoko dun sa set niyo dahil may mga press doon. Alam mo namang ayoko ng camera di ba?" nakasimangot namang paliwanag ni Jhay-L

Naintriga siya bigla. Gumana ang radar niya bilang natural na tsismosa. Mukhang may something sa package na iyon ni Marisay at ayaw ipakita sa madla ang bagay na iyon. Sana lang naririnig iyon ni Jerick sa kabilang linya.

"Naririnig mo ba?" sabi ni Kearse habang nakatingin kay Marisay.

Para kay Jerick yun pero sinadya niyang ipatama ang katanungan sa babaeng kinulang sa IQ ang kanyang tingin para hindi maghinala ito.

"Excuse me?" mataray na tanong ni Marisay.

"Ang sabi ko..." napahinto siya ng makarinig ng hagikgik ni Jerick sa bug na nakakabit sa kanya. "...kung naririnig mo ang sinasabi ni Jhay-L. Nakaka-abala na kasi kayong mag-jowa dito sa harap ko and it's starting to irritate me na." maarte naman niyang sabi.

"Ikaw naman, you're starting to annoy me. Get a life please! Sabad ka ng sabad sa usapan namin ni Jhay-L. Siguro nagpapapansin ka sa kanya no? Sorry ka na lang dear. Di ka niya type dahil hindi bading si Jhay-L ko." maangas na balik sa kanya ni Marisay.

Isang nang-uuyam na tingin at ngiti ang ibinalik niya sa babae bago nagsalita.

"Sa totoo lang. Kahit igapos mo iyan sa katawan mo maghapon, wapakels ako. As in, walang paki-alam. And please, hindi ko pinangarap kumuha ng sakit ng ulo. Por favor!" sabay-sabay pa niyang ginawa ang pagro-roll eyes at kumpas ng kamaya ala Bette Midler sa Gone in the Wind.

"That's it.." gigil na sabi ni Marisay at susugod na sana sa kanya ng pigilan ito ni Jhay-L.

"Hey, that's enough. Mabuti pa at pumunta ka na sa shooting niyo. I'll be there na lang later. Please." paki-usap nito sa babae.

Biglang nanghinayang ang pakiramdam ni Kearse. Kung naiba sana kasi ang sitwasyon, malamang naging magkaibigan sila nitong si Jhay-L. Mukha lang itong antipatiko pero may kabaitan na taglay. Malakas lang siguro talaga ang topak nito.

Kumalma naman ang babaeng palaban pero tiningnan pa siya ng masama. Bumaling ito kay Jhay-L saka nagsalita.

"I'll be waiting honey." saka nito kinintalan ng maalab na halik ang lalaki bago pinakawalan at iniwanan siyang muli ng masamang tingin.

"Bye..." nang-aasar pa niyang sabi.

"Stop it." Malamig na sabi ni Jhay-L.

Nagtaas lang siya ng kilay at tiningnan ito.

"Hu u?" sabi pa ni Kearse.

"Para kang bata. Ang lakas mong mang-asar."

Nagboses bata naman siya.

"I'm sorry. My mama said, don't talk to strangers."

"Really? Where's your mom cute girl?" pagsakay ng loko. Umangat pa ng bahagya ang sulok ng labi nito. Parang porma ng isang tipid na... ngiti?

Natigilan siya.

Statue?

Err-mali pala. Is that true? Ngumiti ba talaga itong kumag na ito? May mali! May mali!

Tiningnan niya ito ng maigi. Hinanap ang maling sinasabi niya.

"Baka matunaw naman ako niyan. You actually formed a habit watching me."

Nahiya siyang bigla sa narinig. Ganoon ba siya ka-obvious?

"Well, hindi rin malakas ang hangin mo eh no?" sabi niya.

Mabuti ng mang-asar kaysa umaming pinagmamasdan niya nga ito.

"Okay lang naman kung aamin ka eh. Ikaw lang naman ang pinapayagan kong titigan ako ng husto."

Napa-angat na naman ang kilay niya. Mga one-inch above eye-brow level. Mukhang madaldal ang isang ito ngayon ah?

Hindi ba iyon naman ang misyon mo? Ang mapalapit sa kumag na iyan? Do it so you can get this over and done with. At nang maharap mo na rin si Cody. Piping pagkausap niya sa sarili.

"Bakit? Chummy ba tayo?" pairap niya kunwaring tugon.

"Anong chummy?" clueless si Jhay-L na nakatingin sa kanya.

"Huh? Di mo alam?"

"Kaya nga kita tinatanong eh."

"Chummy. Close. Close ba tayo?"

Natawa lang ito sa sagot niya.

"Anong nakakatawa?"

"Wala naman." anitong nagpipigil pa rin ng tawa.

"Wala. Baliw ka, ganon?"

"Hindi naman. But I find you cute whenever you talk."

Natigilan na naman siya. Naka-unli yata ang pagkatigil-tigil factor niya ng mga moment na yun. Parang may naalala siyang tao sa mga salitang iyon.

Cody.

Oh no!

Cute daw siya according to Jhay-L.

Does that mean...?

Bisexual rin ito?

Lason! Lason! Lason!

Nakaawang ang labing tiningnan niya ang lalaki sa harapan niya.

Lord, huwag naman po sana. Wala pa namang shortage ng mga lalaki sa mundo. Bakit ba binibigyan mo ako ng mga tagilid ding kagaya ko? Maawa ka naman! Promise, magpapakabait na ako. Hindi na ako kakain ng hilaw na karne ng mga bata. Magpapahuli na rin ako ng mga baklang nananarget ng mga teenager. Ipapahuli ko sila sa Bantay-Bata 163. Sige na po Lord. Please.

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan Kearse. Baka di ko mapigilan ang sarili ko sa ka-cute-an mo." namumula pang sabi ni Jhay-L.

Patay!

Confirmed!

Mukhang kalahi nga ito ni Cody.

Anak naman ng kalungkutang-buhay ito oh!

Nanatili lang siyang nakamata rito na ipinagkamali yata nito na malalim na pag-iisip sa panig niya. Wari ba'y sa sobrang turn-of-events eh inaanalisa niya ang pangyayari. Wala itong kamalay-malay na may pagtatalo ng nagaganap sa kaloob-looban niya.

"Ba-bakit parang ang bait mo yata sa a-akin ngayon?" aniya sa pilit na pinatatatag na tinig sa kabila ng kagustuhan niyang singhalan ito na hindi sila talo.

"Wala eh. Noong una, nagagalit talaga ako sa'yo. Ikaw lang kasi ang sumagot-sagot sa akin kahit pa hindi maganda ang mood ko. Bihira ang hindi natitinag sa kasungitan ko. Pero ikaw, nilait-lait mo pa ako. Ang lakas mong mang-asar and I found out, kaya pala hindi ko makuhang magalit sa'yo ng tuluyan ay dahil gusto na kita." diretsang sabi nito na lalong nagpahindik sa nararamdaman niya.

Nanlaki ang mga mata niya.

Ipinagkamali naman nito na na-shock siguro siya sa revelations na ginawa nito.

"No don't get me wrong Kearse, I like you. Pero hanggang doon lang yun. Ayokong ligawan ka or maging tayo." frantic na sagot nito.

"Huh?" parang disappointed na sagot niya.

"I said, hindi ko gagawan ng paraan na maging tayo kahit gustong-gusto ko pa."

Nangunot ang noo niyang bigla. Parang may tumututol. Hindi niya alam kung ano ang dahilan pero ang gusto niya talagang malaman ay ang dahilan nito sa lahat ng sinasabi nitong ka-ekekan.

"Hindi sa gusto kong maligawan or something ha." defensive na sabi ni Kearse dito.

Jhay-L chuckled. "Or something. Sige, go on." nangingiting sabi pa nito.

"Pero bakit? Bakit ayaw mong gawan ng "paraan" na maging tayo." he quoted the word.

"Simple lang." anito.

"Ano?"

"I like you too much."

At literal siyang napanganga sa kinauupuan niya. Kung maydarating lang na lamok na bakal at dumiretso sa ngala-ngala niya ay malamang na tumagos na iyon sa batok niya. pero wala, kaya masuwaerte ka pa rin kasi kahit inaantok ang author habang itinitipa ito ay naalala niyang friends nga pala kayo. So safe ka.

"Ayos. Hindi na pala tayo mahihirapan sa kanya. Nagdadalaga ka na nga." tnig iyon ni Jerick na nagpagimbal lalo sa kanya.

"Dalawa na ang umaaligid sa'yo. Mukhang mabilis din ang isang iyan. Parang kawawa naman ang kumpare ko." pagpapatuloy pa nito.

"S-sobra ka naman..." ang tanging nasabi niya sabay higop sa kape niya.

"Hindi naman. Nagsasabi lang ako ng totoo." sabi ni Jhay-L.

Samantala si Jerick sa linya niya ay sumagot ng "Ikaw na nga. The best ka!"

"O siya. Pupuntahan ko pa si Marisay sa set nila." paalam sa kanya ni Jhay-L.

"Huh? Parang ang bilis naman?" kunwaring reklamo niya.

"Okay lang. Baka kasi naiilang ka na sa akin." nakangiting sabi nito.

"Hingin mo ang number." singit ni Jerick na nasa linya pa rin.

"Pahingi ako ng number mo. Okay lang ba?" sabi ni Kearse sa papaalis.

Para namang nanalo sa lotto ang hitsura nito sa sinabi niya. Dagling humugot ng wallet at ibinigay sa kanya ang nakuhang calling card doon.

Jhay-L Lagman
Painter

"So painter ka?"

"Yes. Impressionist ako." matter-of-factly nitong sagot.

"I'm a writer. Romance ang genre ko."

"I know."

"You do?"

"Oo."

"How come?"

"Interested ako sayo di ba? I did my research."

Napatanga na naman siya. Sayang talaga at pamintang buo ito. Hindi niya kayang lunukin kahit pa napaka-gwapo nito. Pero bakit parang kay Cody eh kino-consider pa rin niya ang possibilities nila? Ay ang gulo! Galit siya di ba? Ewan!

"I'll go now. Expect ko na lang text or tawag mo ha." pa-cute nitong pinisil pa ang pisngi niya kaya naiwan siya doong nakatanaw lang dito. Hindi na tuloy niya napansin ang biglang pag-agaw eksena ng malaking bulto ng katawan sa harapan niya.

Nang tingnan niya kung sino ang may-ari nuon ay inasulto siya ng pamilyar na bango ng katawan nito. Bumilis rin ang pagtibok ng puso niya. Bigla rina ng pag-angat ng temperatura niya sa pagkakalapit nilang iyon. Pilit man niyang labanan ang paningin na huwag itong tingalain ay ginawa pa rin niya ang there he was.

Lahat ng galit na naipon kanina ay parang tutuli lang na natanggal na sa tainga niya at dines-regard na ng tuluyan. All he know is that he really dig this man. Come hell or high water.

"Kamusta?" Kearse said when he finally found his voice.

Madilim ang mukha ni Cody. Hindi maipinta. Naalala niya si Jhay-L, painter nga pala iyon. Baka magawan nun ng paraan.

"I'm not fine. Halika na." sabi lang nito sabay hatak sa kanya palabas ng Coffee Haven.

Itutuloy...


[12]
"Masakit na Cody. Bitiwan mo ang kamay ko!"

Naiiritang sigaw ni Kearse ng makalabas sila ng Coffee Haven. Nagtitinginan pa rin ang mga usisero at usiserang customer na nakasaksi sa eksena nila kaya napilitan siyang itulak ito sa van na kinaroroonan ni Jerick.

"Ano bang problema mo?" badtrip pa ring sabi niya.

Nanatili lang itong nakatingin sa kanya ng nakakunot-noo. Madilim na madilim ang mukha na parang gusto siyang sapakin. Gusto niyang manlamig sa tingin na iyon pero galit rin siya dahil naalala niya ang pangloloko na ginawa nito sa kanya.

Ang paglilihim ng tunay na sexual orientation nito sa kanya.

Big deal iyon. Promise. Maaaring di siya mage-gets ng iba, pero kabilang siya sa mga old school na bading sa henerasyon ngayon. Ayaw niya sa Kapwa Ko, Mahal Ko. Ayaw niya ng tansuan. Ayaw niya ng lasunan. Ganoon lang iyon.

"Tell me Cody, bakit ka ba nagkakaganyan?" nauubos na ang pasensiya niya sa pananahimik nito.

"Tinatanong mo pa?" balik-tanong lang na sagot nito.

"Ha? Eh okray ka pala eh. Anong tingin mo sa akin? Manghuhula?"

"Ang problema ko, hindi mo ginagawa ang trabahong ipinangako mo sa amin ng maayos!" mahinang bulyaw nito.

"Ay? Sorry Bossing ha? Hindi ko alam na incompetent pala ako. Wala kasi akong training sa mga ganito. Pasensiya na. Hindi ko naabot ang expectations mo." Kearse said sarcastically.

"Hindi iyon eh. You're actually flirting with our suspect!" tila napupunding sabi na rin nito.

"Ay? Hindi ba ang purpose ng paglapit ko sa kanya eh maging feeling-close? What do you expect me to do? Mag-yoga sa harap niya?"

"Huwag kang pilosopo Kearse. Naiinis na ako sa'yo."

"Mas naiinis ako sa'yo! I'm doing my best to keep my part of the bargain. Hayaan mo ako sa diskarte ko! And for your information, kung naiinis ka na, ako galit ako. Galit ako sa'yo!" humihingal na sabi niya.

Biglang lumamlam ang hitsura ni Cody na kanina lang ay napakadilim. Para bang may nasabi siyang ikinabahala agad nito. Ano? Naloka siya ng sinabi kong galit ako? Ganoon ba iyon Miss Author?

Dedma ang author. Busy siya.

Nagbugha ito ng malakas na paghinga.

"Anong ikinagagalit mo sa akin?"

Bigla siyang tinamaan sa sudden softness na ipinakita ni Cody. Kung kanina galit na galit siya, ngayon naman nalilito na siya. Napaka-unpredictable ng kumag na ito. Ang sarap kutusan at halikan ng sabay.

Humalukipkip siya. Kunwari ay hindi apektado sa biglaang pagbabago ng mood nito.

"Hindi mo alam?" tanong niya.

Nagtaas ito ng kamay. "Promise. Hindi ko alam." sabi pa ni Cody.

Siya naman ang nagbuntong-hininga. Nangmakita niya ito pagkaalis ni Jhay-L ay parang nawala na ang tampo niya rito. Pero ng mag-emote ito ng hindi maganda ay nanumbalik ang galit niya. Tapos, ngayong nagbago na naman ang mood nito, nalilito na naman siya. Ano ba talaga Kuya?

"Task Force Enigma : Cody Unabia ito. Hindi Pinoy Big Brother." epal ng magandang author sa train of thoughts niya.

Tse ka Mama D!

"You didn't tell me you're gay." nabigla siya sa pagiging malumanay ng boses niya.

Nakita niya ang pagkagitla nito. Confirmed!

"Why Cody? Why didn't you tell me you're one of us? Nanananso ka ba talaga?" puno ng panunumbat ang tinig niya.

Hindi kasi niya matanggap na ang lalaking gusto niya ay alanganin ding katulad niya.

Nag-alis ito ng bara sa lalamunan bago nagsalita. Muli, naging madilim ang buong mukha nito.

"Is that why you're mad at me?" Mahina, pero may bigat ang mga salita nito.

"Yes." pag-amin niya.

"I didn't tell you because you didn't even bother to ask. Hindi ko alam na pre-requisite pala ng mga lalapit sa'yo na sabihin agad kung ano ang sexual orientation nila. How did you know anyway?"

"Jerick told me. Pero hindi iyon ang punto. At hindi ko kailan man naisip yang sinabi mong pre-requisite. The point is, you decieved me."

"I did not."

"You did."

"Okay. Siguro nga hindi ko nasabi sa'yo. Pero hindi ba obvious? Hahalikan ba kita kung straight ako?" naiirita na namang sabi nito.

Nagtaas si Kearse ng kilay sa narinig. "What do you mean? Hindi ako pwedeng halikan ng straight guy?"

"I didn't say that."

"Pero iyon ang ipinupunto ng sinabi mo!"

"That was entirely a different thing!"

"No it aint!"

"Bahala ka na nga sa sinasabi mo Kearse." resigned na sabi ni Cody.

"Talaga!"

Napalabi siya sa inis. Ang kapal ng mukha nitong sabihin na hindi siya pwedeng halikan ng straight na lalaki. The nerve. Sinungaling na, malakas pang mang-insulto. Kumukulo talaga ang dugo niya.

"Look Kearse." sabi ni Cody sabay hawak sa braso niya.

Napapitlag siya sa init na dulot ng pagkakadaiti ng kamay nito sa balat niya. Parang may mabilis na enerhiyang bumalot sa bahaging iyon. Hindi niya talaga ma-explain. He hates the idea of still yearning for Cody's touch inspite of beeing fooled by him.

He shivered from the thought. Napilitan siyang tumingin dito.

"Hindi kita niloko. Akala ko kasi, gets mo nang gay rin ako. Nakita mo naman kung paano kita landiin di ba? Naramdaman mo naman sigurong gusto kita sa mga halik ko? Hindi ako basta-basta nanghahalik lang Kearse, not unless I like the person so much." halos desperado nitong sabi.

Napatda siya sa winika nito.

He liked him? Cody liked him?

"And I didn't mean to insult or offend you kanina. I don't know the right words to say Kearse, so please, don't make it hard for me. Madaldal ako pero hindi ako magaling magpaliwanag."

Gustong-gusto ng mapangiti ni Kearse sa naririnig na sinasabi ni Cody pero ayaw ng isang bahagi ng isip niya. Hindi pa rin niya matanggap na naloko siya nito.

"I don't like boys who like boys." sa wakas ay sabi niya.

Mahina lang iyon pero sa reaksiyon ng mukha ni Cody ay parang binagsakan ito ng mortar sa mismong harapan nito.

"Ganoon ba?" bagsak ang balikat na sabi nito.

"Oo."

"Malas talaga ako pumili." mapait na sabi nito.

Pinagmasdan niya ang hitsura nito. Mukha talaga itong naluging bumbay sa ayos nito. Pero sa kabila noon napaka-gwapo pa rin nito.

"Mukha nga." mahina pang sabi niya.

"Please Kearse... don't rub it in." mahinang pakiusap nito.

Ang kanina pang pinipigilan na kilig, ngiti at gigil para sa lalaking ito ay hindi na niya napigil. Inuna niya ang tawa. Tumawa siya ng tumawa ng malakas. Iyong tipong tatalunin si Sisa. Maluha-luha pa siyang lumuhod sa lupa.

"Damn it Kearse! How cruel can you get? Nakuha mo pa akong pagtawanan?" pigil ang galit na sabi ni Cody.

"Eh nakakatawa eh." aniyang tawa pa rin ng tawa.

Naloka na lang siya ng biglang may kumalabog. Nakita niyang sinuntok ni Cody ang pinto ng van. Yupi iyon. Imbes na mag-alala ay lalo siyang natawa. Yumayo na siya.

"Anong ginagawa mo?"

Matalim ang tinging binalingan siya nito.

"I'm still amazed you have the nerve to ask matapos mo akong pagtawanan." gigil nitong sabi.

Tinitigan niya ito. Tinaasan ng isang kilay. His arms akimbo. Parang si Selina lang sa Mula sa Puso.

"Dahil ayokong sinasaktan mo ang sarili mo Cody."

Sarcastic itong ngumiti. "Salamat ha."

"I said I don't like boys who likes boys..."

"Paulit-ulit? Unli?"

Dinedma niya ang sarcastic remark nito.

"But you're the only boy who likes boys that I like."

"Salamat... anong sabi mo?" maang na sabi nito.

"Sorry, expired na unli ko."

"Narinig ko iyon. You like me too?" naninigurado nitong sabi. Nabigla pa siya ng makalapit agad ito sa kanya at mahigpit siyang niyakap.

"Hep, hep, di ako makahinga!" angal niya kunwari.

"No. I won't let you go. That has been my promise since I fell in love with you." madamdamin nitong sabi sa gilid ng tainga niya.

Nanayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Napuno ng galak ang puso niya. Ganoon pala iyon, kapag isinuko mo ang kagustuhan ng puso mo at dinedma mo ang dikta ng isip mo magiging ganap kang maligaya. Pero teka? Kanina, like lang ngayon love na? Ano ito, lokohan? Naiinis na itinulak niya ito.

"B-bakit?" nagtatakang tanong ni Cody.

"Umamin ka nga. Paanong love mo na ako samantalang kanina lang like pa lang ang sinasabi mo. Niloloko mo ba ako?"

Natatawang umiling-iling pa si Cody.

"Hay nako, suko na talaga ako sa'yo. Siyempre, may pride naman ako no? Ayoko na sa rejection eh. Dala na ako. Kaya like lang ang sinabi ko sa'yo. Magda-drama ba ako ng ganoon kung di kita mahal? Sasaktan ko ba ang sarili ko dahil lang gusto kita? Hindi ko gagawin iyon unless mahal kita."

"Alam ko nabibilisan ka Kearse, pero totoo. Sa Maynila pa lang tayo alam ko gusto na kita. Pero ng halikan mo ako, ayun naging full blown love na siya."

Napangiwi si Kearse sa terminong ginamit ni Cody. "Para namang malalang sakit yang sinasabi mo."

He chuckled. "Oo nga ano?"

"So love mo na ako?" tanong niya rito. Naniniyak ang tono.

"Oo naman. Sure ako diyan."

Napalabi siya.

"Paano yan? I'm still in the process of accepting the fact that I actually liked you. Promise. Hindi madaling sumuko sa dikta ng puso ko, pero anong magagawa ko? Alangan namang pigilan ko ito." tapat niyang sabi.

Nagpakawala ito ng makalaglag-panty na ngiti saka siya niyakap ulit. Somehow, this guy always managed to disarm him everytime. His embrace makes him melt like marshmallows on fire. His knees trembled and it felt like jell-o all over. Napilitan siyang kumuha ng suporta sa katawan nito.

"Okay lang. I promise to sweep you off your feet everytime we're together. Walang makakalapit na kahit na sinong herodes sa'yo para magpa-cute. Ako lang dapat ang cute sa mata mo."

Kinilig siya ng husto sa sinabi nito. Duda siyang hindi ito mahihirapan sa misyon nitong paibigin siya ng tuluyan. Malamang nga na doon siya agad mapunta. Dahil hindi pa man ito nagpapa-cute, kakaiba na ang pintig ng puso niya. Titig pa lang nito, gusto na niyang tumambling ng three-hundred sixty degrees. What more pa kung sasadyain nito ang lahat para makuha lang ang matamis niyang OO.

Ikaw na nga! singit ng mala-the wicked girl na bahagi ng isipan niya.

Hinigpitan niya rin ang iginanting yakap rito ng may makaagaw ng atensiyon niya. Bahagya niyang inilayo si Cody sa kanya at nalolokang tinanong ito.

"Ano iyon Cody?"

"Alin?" nagtatakang tanong nito.

Inginuso niya ang matigas na bagay na nakadikit sa tiyan niya. Matangkad kasi ito sa kanya kaya damang-dama niya ang bagay na iyon na tila balak butasin ang tiyan niya. Natawa ito.

"Ah iyan ba?"

Natawa na rin siya.

"Oo nga. Iyan nga." Bigla ang paglikot ng imahinasyon niya. He felt big. Nag-flashback sa kanya ang gabing nakita itong nakahubo't-hubad at duguan.

"Hayaan mo lang iyan."

"Bakit naman?"

"Ganyan talaga ang reaksiyon niyan kapag nakadikit ka sa akin. Laging handa." natatawang sambit nito.

Napailing siya sa sinabi nito at kinilig.

"Promise? Baka ini-stir mo lang ako ha?"

"Oo nga. Bakit ano bang plano mo diyan?"

Lumingon siya sa van. Napalingon din ito.

"Baliw. Nandiyan si Jerick." sabi nito.

As if on cue, bumukas ang pinto ng van at bumulaga ang gwapong sarhento.

"Tapos na ba ang drama niyo at balak niyo ng mga rated x dito sa van kahit nandirito ako? Mga imoral!" natatawang sabi nito.

"Tse! Panira ka ng moment." sagot ni Kearse dito.

Natawa lang ang dalawang alagad ng batas. Nagtinginan ang mga ito saka nag-apir ng hindi siya binibitawan ni Cody.

"Hanep pare, parang makakawala ang isang iyan ah." si Jerick.

"Mahirap na. Medyo may kalandian ito eh."

"Hoy! Nandito lang ako." natatawang singit ni Kearse.

"Sorry naman Love." amo sa kanya ni Cody.

"Yuck!" umarteng nasusuka si Jerick.

"Kakainin mo rin iyang sinabi mo pare." balik rito ni Cody.

"That'd be the day." sabi lang ng kaibigan nito.

"Teka lang mga pogi." sabi ni Kearse. "Paano si Jhay-L? Itutuloy ko pa rin ba ang pagsunod sa kanya?"

"Oo Kearse, lalo pa at may gusto pala sa'yo ang mokong na iyon." sagot ni Jerick sa tanong niya.

Napalingon siya kay Cody para tingnan ang reaksiyon nito.

"O bakit? Inaalala mo kung magseselos ako?" nakangiting tanong nito.

"Hindi nga ba?" panunubok niya.

"Never. Unless hindi na kailangang lumandi eh lumalandi ka pa."

"Kapal! Trabaho lang, walang personalan."

"Dapat lang my Love. Dahil kapag sineryoso mo ang pagiging seryoso niya, babalian ko iyon ng tadyang, at ikaw..."

"Anong ako? Anong gagawin mo sa akin." agaw ni Kearse sa sinasabi ni Cody.

He gave him a devilish grin. "I'll lock you up inside your room and fuck you till you're blue. Walang labasan. Wala ring kainan. Ako lang ang kakainin mo. Intiendes?"

Sa halip na matakot ay lalo pa siyang na-excite. Parang gusto niyang sumuway na agad. Napahalakhak siya sa galak.

"You're on." sabi niya.

"Neng, di ka halatang excited." si Jerick.

Natawa lang siya ulit.

"So here's the plan para sa Oplan: Hulihin si Jhay-L Lagman." at inilahad na ni Jerick ang plano na naisip nito para sa panghuhuli sa suspected drug dealer.

Itutuloy...


[13]
“Just don’t forget to press this device whenever trouble trouble arises. Okay?”

Nag-aalalang sabi ni Cody sa kanya habang iminu-muwestra ang isang mukhang remote ng kotse sa harapan niya. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng kilig sa kabila ng panganib na susuongin. Kailangan niyang linlangin at paamuin si Jhay-L Lagman na isang suspected drug dealer para mahuli ito.

“It’s okay Cody. Kakausapin ko lang naman siya at aalamin kung mayroon siyang mga sikretong aktibidades sa loob ng kanyang engrandeng villa di ba?”

“Kearse...” nakakunot noong sambit nito.

“Bakit?”

“Bakit parang... excited ka masyado?”

“Uy hindi ah. Kita mo nga oh, kalmado lang ako.” Eksaherado pa niyang itinuro ang sarili.

“Tumigil ka nga diyan!” nangingiti naman nitong sabi sabay iling.

Bahagya nitong inayos ang mic na nakatanim sa kanyang kwelyo pati na rin ang micro-camcorder na nakalagay sa kunwari ay brooch na nakakabit sa bulsa ng polo niya.

“Behave ka doon ah.” Parang tatay na habilin nito.

“Opo, Daddy.”

“Kapag naglikot ka doon, Daddy will spank you.” Pilyong sabi nito habang pasimpleng hinihimas ang hita niya papalapit sa bandang puwitan.

He was too close for comfort that Kearse find it so hard to resist Cody. Mabilis niyang inilingkis ang kamay sa batok nito at isinabunot ang mga iyon sa malago nitong buhok. Itinapat niya ang ilong sa matangos na ilong nito. Ninamnam niya ang sarap na dulot nuon.

Damang-dama niya rin ang mainit na hininga nitong dumadampi sa kanyang mukha. Bahagya iyong hinihingal. Tanda ng may kung anong pinipigilan ang nagmamay-ari. Nailapat niya ang isang libreng kamay sa dibdib ni Cody. Napangiti siya ng maramdaman ang kakaibang pintig ng puso nito. Saliw iyon sa sariling tibok ng kanyang puso.

“Pwede bang i-spank mo na lang ako Daddy?” malanding sambit ni Kearse.

“No way baby.” Cody replied hoarsely.

“Why not?” hinihingal na niyang tugon.

“I may not stop if I start now.”

“Then why stop?”

Cody made a guttural sound like he was from deep within the depths of the world. “Maraming istorbo sa labas.”

Wala sa loob na napatingin si Kearse sa salaming bintana ng van na kinaroroonan nila. Napatawa siya ng makita ang natatawang reaksiyon ni Jerick na nasa labas lang ng sasakyan. Tinted naman ang salamin pero para bang mas nahihiya siya sa ginagawa  nitong pagtitig mula sa labas.

“S-si Jerick lang iyan eh.” Reklamo niya.

“I know. Mas masahol pa iyan sa napakaraming usisero at usisera combined.”

Bahagya nitong inilayo ang sarili sa kanya pero kitang-kita pa rin niya ang kakaibang kislap ng mga mata nito. The carnal desire that he felt from him was still evident in his eyes. Kearse can’t help but feel a dizzy as if he was shocked by an unknown electircal current. It was as if electricity came from a man and a man. It was all but a shivering delight.

“Ganoon ba?” Aniyang di mapigilan ang frustration sa tinig.

“Better safe than sorry Baby. Baka maidaldal tayo niyan sa lahat.” Sagot nito sabay pisil ng kanyang pisngi.

Naiinis na tinampal niya ang kamay nito.

“O, nagtampo naman agad.”

Tinitigan niya si Cody.

“Hanggang kailan mo pipigilan ang sarili mo Cody? I know you want me.”

Napa-angat ang kilay nito sa sinabi niya. “Aren’t we being conceited here?”

Ibinaba niya ang kamay na nasa dibdib nito at ipinagapang iyon sa crotch area nito. Napangiti siya ng maramdaman ang hindi pa nababantuang pagnanasa na nakakapa niya doon. Napaungol naman si Cody na parang sugatang sundalo.

“I am always conceited Daddy. Lalo pa at alam kong tama ako.” He answered his question with a shiver. Mas siya ang na-excite ng maramdaman niya ang kahandaan nito sa kabila ng kayo ng maong nito. He can’t help but think that maybe, just maybe, he was larger than life.

Nanginginig na inawat siya nito. Kinuha ang kanyang pangahas na kamay at itinaas iyon bago siya siniil ng isang mapusok na halik. It was demanding. Urging him to respond as hot as possible. Their tongues intertwined and he felt heaven.

“Cody...” aniya sa pagitan ng paghinga.

“Kearse...”

“You’re making me crazy Cody.”

“Ako rin. Para kang plema, hindi ka matanggal sa sistema ko basta-basta.”

He ended the kiss abruptly then slapped him gently on the face. “That’s gross Cody!”

Pareho silang natawa sa scenario na iyon. What a way to stop their madness. Kung hindi pa siya nito ikinumpara sa plema ay malamang na hindi sila titigil sa pagpapadama ng init sa isa’t-isa.

Natigil lang sila sa pagtawa ng makarinig ng katok mula sa labas. Si Jerick. Natatawang binuksan ni Cody ang pintuan ng van.

“Baka tapos na kayo sa labing-labing, ha, ‘Tol?”

Cody just grinned habang siya ay patay-malisya na inayos ang nagusot na kwelyo. Napapalatak na lang si Jerick sa nakita. “Huwag niyong sabihin na natapos agad kayo? Quickie na ba ang uso ngayon sa’yo Doktor Kwak-Kwak?”

“Ungas.” Natatawang lumabas ng sasakyan si Cody.

“Tsismoso ka Sarhento.” Sabi naman niya.

Nagulat siya ng ilapit nito ang mukha sa kanya. Bigla siyang kinilig. Paano ba naman ay inakala niyang hahalikan siya nito. Pero inamoy lang nito ang mukha niya. O mas tamang sabihin ay inamoy lang nito ang hininga niya.

“Oy, oy Salmorin, ano yan? Baka gusto mong samain?” nakakunot-noong hila ni Cody sa balikat ni Jerick.

“Grabe ka naman pare.” Natatawang sagot ng sarhento.

“Eh bakit may palapit-lapit pa ng mukha sa baby ko?”

Umaktong kunwari ay nanlaki ang mata si Jerick sabay kunwaring naduduwal. Napasimangot si Cody habang natawa naman siya.

“Ayaw niya ng tawag mo sa akin Daddy.”

Napatingin sa kanya si Cody sabay kindat sa kanya. Kinilig naman siya ng husto.

“Whatever.” Sambit ni Jerick while rolling his eyes.

“So Jerick, ite-text ko na ba si Jhay-L?” sagot niya rito.

“Oo naman. Basta tandaan mo lang yung pointers ko. Ask him indirectly if nasangkot na ba siya sa mga illegal activities. Or kung may sikreto siyang itinatago. And remember, yung nasabi mo sa akin na package na kukunin niya sa shoot ni Marisay Penta, gawan mo ng paraan na malaman ang laman nun.”

Naalala niyang bigla ang pinaghinalaang kilos ni Marisay ng mabanggit ang pagpipilit ni Jhay-L na sa Coffee Haven dalhin ang naturang package. Mukhang may gift siya sa pagiging detective at undercover agent.

“One more thing. Trust your gut feeling. Kung alinlangan ka, abort the mission. Kung trouble na, press this button. Nasa paligid lang kami.” Si Cody naman ang nagpaalala sa kanya.

“Okay.” Excited na sabi niya.

“Sigurado ka na ba Kearse? Wala ng atrasan ito.”

Tiningnan niya ang lalaking minamahal.

“I trust you with my life.”

At itinext na nga niya si Jhay-L Lagman.


“NAKAKALOKA naman ang laki nitong bahay mo.” Hindi mapigilan ang paghangang sabi ni Kearse sa nakikitang karangyaan ng villa ni Jhay-L.

It was a Victorian-inspired villa that stood like a queen. It was very grand. Bunga daw iyon ng pagsisikap ni Jhay-L bilang world-renowned painter. Kung sa panahon ngayon ay ito ang mga kapantay ni Michael Angelo, Da Vinci, Picasso at iba pa.

Sikat na sikat ito world-wide. Pero tulad ng ilang celebreties, mukhang may itinatago rin itong lihim. Siyempre pa, saan pa ba ito kukuha ng koneksiyon kung wala itong kinalaman sa underworld. Mahirap pasukin ang mundo ng mga elitista lalo pa at sa Europa ito nagsimula.

Nilingon niya ito at nakitang nakangiti si Jhay-L sa kanya. It was a genuine smile.

“I’m glad you liked it.” Tugon nito.

“Of course. It was actually an understatement. Masyado itong grandiyoso.” Totoo sa loob na sabi niya.

Napabuntong-hininga lang ito sa sinabi niya. “But it’s so lonely here. Wala akong kasama.”

Sa kabila ng misyon na dapat gawin, hindi maiwasan ni Kearse na makadama ng simpatya sa nakikitang kalungkutan sa mata ni Jhay-L. Mukha namang totoo ang mga iyon. Pilit niyang iwinaksi ang nararamdamng simpatya rito.

“Good Evening Sir.”

Napatingin siya sa bumating lalaki. Isa iyong butler. Sosyal!Piping sigaw niya sa isip.

“Good Evening Marcelito.”

“Good Evening din” epal niya.

Binati rin siya nito.

“This is Kearse Allen Concepcion, my friend. And this is Marcelito, my butler. He runs this house while I’m away.” Pormal na pagpapakilala sa kanya ni Jhay-L.

“I will take care of everything Sir. Would you like to have some tea first?” the butler politely asked.

“Yes, Marcelito.”

“For a while Sir.” Then the help was gone.

“Ang sosyal naman ng bahay mo.” Natatawang tinampal pa niya ang braso nito.

Maagap naman nitong hinuli ang kamay niyang feeling close sa braso nito kaya bahagya siyang natigilan. Napatingin siya sa mata nitong kakaiba ang kislap ng mga oras na iyon. Para bang may sinabi o ginawa siyang kakaiba na nakapagbigay ng kaligayahan dito.

“Ah... bakit Jhay-L?”

“ Nothing... I’m just so happy you’re here.” Then there was this obvious glint of happiness in his eyes.

“Ah...” anak naman ng teteng itong mokong na ito. Ang lakas magpakilig!  “Ako rin naman.” Sabay bitiw niya ng alanganing ngiti.

“Good.”

Naputol ang pagmo-moment nito ng dumating ang serbidora ng tsa’. Napilitan silang maupo para maging kumportable. Hindi pa rin niya mapigil ang pagikot ng paningin sa paligid. Namamangha talaga siya sa nakikita.

“Ang ganda talaga ng bahay mo Jhay-L. Magkano ba ang gastos mo rito?”

Napatikhim ito.

“Mura lang naman ito.”

“Mura? Murahin kita kaya diyan? Echoz!”

“Ikaw talaga.”

“Biro lang naman. Pero I’m sure, hindi biro ang halaga ng bahay na ito.”

“Bakit ba curious kang malaman?”

Natigilan siyang bahagya. Pasimple siyang uminom ng ‘tsa saka ito tiningnan. Nakangiti naman ito at walang bahid ng paghihinala sa mukha.

“Ah... wala lang. Para mapag-ipunan ko?” wala sa hulog na sagot niya.

Natawa ito.

“Palabiro ka talaga.”

“Uy hindi ah. Serious ako. Kaya sige na. Magkano ito?”

Umakto itong may inaalala. “Twenty.”

“Ah... mura lang. Twenty-million. Kayang pag-ipunan. Siguro, pitong manuscripts lang isang linggo keri na yan.” Sabi niya.

“Billion.”

“Dedma.”

“Twenty billion.”

Napadausdos siya sa kinauupuang sofa.

“Seryoso?” nanlalaki ang matang sabi niya.

“Yes.”

Napatayo siyang bigla.

“Oh bakit?” nagtatakang sabi ni Jhay-L.

“Eh baka marumihan.”

“Exaggerated ka naman. Okay lang iyan.”

Napaupo siyang muli.

“Kailangan ko sigurong maging kriminal para magkaroon ng ganito.” Wala sa loob na sabi niya.

Dumilim ang mukha nito sa narinig. Biglang nangalit ang panga.

“B-bakit? May nasabi ba akong mali?”

Tumiim ang anyo ni Jhay-L bago biglang nagpalit ng emosyon. “Wala. I just don’t think na dapat kang gumawa ng masama para lang maabot ang gusto mong maging sa buhay.”

Napaawang ang labi niya. It was an obvious contradiction. Imagine, isang suspected drug-dealer, nagsasalita ng mga ganoong bagay?

“Nakamit ko ang lahat ng ito Kearse ng walang panggagamit sa parte ko at pagsanib sa kung anu-anong kalokohan. Sure, there was a time that I was offered to be a part of an illegal mob but I refused politely. Nang magpilit sila, humingi ako ng tulong sa authorities. So you see, hindi dapat dungisan ang pagkatao mo para lang makamit ang gusto mo.” Pagpapatuloy pa nito.

Magsasalita pa sana siya ng muling dumating si Marcelito.

“Sir, dinner is served.”

Nabaling dito ang atensiyon niya. Parang may nag-iba rito. Wari ba’y ang kanina’y maaliwalas na mukha nito ay napalitan ng pagiging alerto. Nakikinig ba ito sa kanila? Nakadama siya ng kakaiba.

“Good.” Si Jhay-L.

“Hay... sige na nga. Kumain na lang tayo. Gutom na siguro ako kaya kung anu-ano ang pinagsasasabi ko rito.” Aniyang pinilit pagaanin ang sitwasyon.

Inilahad ni Jhay-L ang kamay sa kanya. Nakangiti naman niya iyong tinanggap.

Nang makarating sa hapag ay lalo siyang namangha. Iyong nakikita at napapanood niya sa mga lumang pelikula na napakahabang lamesa ay ang siyang bumungad sa kanya. Literal siyang napanganga.

“Wow!” sambit niya.

“Please take your seat, sir.” Putol ni Marcelito sa pag-aappreciate niya ng mga nakikita.

“Ah okay.”

Nang makaupo ay inalis na ng mga naka-antabay na maid ang takip ng mga pagkain sa hapag. Mula sa pinakamalalaking lobster hanggang sa mga dressed chicken, salad at kung anu-ano pang putahe na hindi pamilyar sa kanyang ordinaryong panlasa ang nakahain.

“Ang dami naman nito Jhay-L. Mauubos ba natin ito.”

Natawa lang ito sa sinabi niya.

“We don’t have to. Kapag may natitira dito ay ipinababalot ko at ipinapadala sa mga street children at homeless families na nasa paligid.”

Napa-ismid siya ng bahagya sa sinabi nito pero itinago niya iyon sa isang huwad na ngiti.

“Wow, that was a very noble thing to do.” Aniya.

“Hindi naman.” Jhay-L replied amiably.

“Hindi mo kailangang magpaka-humble sa harap ko Jhay-L. Come as you are. Mas gusto ko sa tao iyong natural ang ikinikilos at hindi nagpapanggap.”

“Whar do you mean? Are you saying that I’m pretending to be good? Ganoon ba?”

“No.” Ngumiti siya. “I just want you to act naturally. Napaka-stiff mo kasi.” Palusot niya.

“O-okay.” Bigla naman itong nag-blush.

“Oh boy! I’ll bet my bottom dollar, I swear. I saw you blushed.”

Napahalakhak na itong tuluyan. “Don’t tell anyone babe. Or I’ll kill you.”

Bahagya siyang napa-igtad sa sinabi nito. Scared!

“Basta ba ibabalik mo ang katawan ko sa pamilya ko.” Pagsakay na lang niya.

“Ito naman.” Tumigil na ito sa pagtawa. “As if magagawa kong saktan ang taong gusto ko.”

Ewan niya pero bahagya siyang nakadama ng kilig sa sinabi nito. Mukhang at-ease ito sa mga kasambahay dahil nagagawa nitong sabihin at gawin ang mga dapat ikilos ng isang bisexual na gaya nito. He was confident. Pero napag-isip rin niya. Ito ang amo sa bahay na iyon. Natural lang na “no comment” ang drama ng mga kasambahay.

Napatingin siya sa mga maid. Nakangiti ang mga ito maliban lang ng tumama ang paningin niya kay Marcelito. Napaka-passive ng mukha nito. It was like, nakikita niya ito pero parang wala rin ito doon. Nangilabot siya ng bahagya saka ipinagpatuloy ang pagbabalat ng lobster na napagdiskitahan niya.

“So Jhay-L, aside from painting, ano ang pinagkaka-abalahan mo?” napili niyang magtanong na lang muna. Mission first.

“Ah... I invested some of my money sa mga established ng companies dito. At saka nagtayo rin ako ng foundation para sa mga homeless people.”

Napatango na lang siya. “Alam mo, you’re too good to be true.”

Napatigil siya. Patay!Iyan ang hirap kapag madaldal ka, ang dami mong nasasabi ng hindi napag-iisipan. Nakangiwi niya itong tiningnan at tama ang hinala niya, nakakunot nga ang noo nito. Waring di nagustuhan ang narinig.

“Ah... don’t get me wrong.” Isip Kearse.

“I mean... parang imposibleng magkagusto sa akin ang isang pilantropo, mayaman, talentado at gwapong katulad mo.”

Nanatili ang pananahimik nito.

“Ang sarap ng lobster.” Dedma sa bangang sabi niya.

“Is that why I’m feeling your hostility towards me despite of your being tactful and friendly?” mababa ang tinig na sabi ni Jhay-L.
Tactful indeed.

“N-no...” tanggi niya.

“Don’t deny it Kearse. Nararamdaman kong malayo ka pa rin sa akin kahit pa napakalapit mo.”

Ginagap nito kamay niya. Ipinalangin niyang huwag nitong mahalatang nanginginig na siya sa kaba. Baka kasi mapurnada ang lahat ng dahil sa kanya.

“Ah... okay. I admit. Medyo ilang pa nga ako sa’yo.”

“Don’t be.” Maagap na wika nito. “I mean no harm Kearse. We may have started on the wrong foot pero we can also start over. Isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa’yo ay di ka nangingilag sa akin. I rarely meet people who would stand in front of me and say what they perceive.”

“O-okay. S-sabi mo eh.” Sabay ngiti ng alanganin.

“Please. Huwag ka na ulit mag-iisip ng kung anu-ano sa akin. Katulad mo lang din ako. Naghahanap ng mamahalin at ng magmamahal.”

Somehow, his words reached him. Sa kabila pala ng rangya ng buhay ni Jhay-L, may mga bagay siyang inilamang dito. Sa bahay nila. Kahit pa sandamakmak ang problema at kunsumisyon niya sa dalawang kapatid at amang drama-king kapag naka-inom ay nananatiling intact at masaya ang pagsasama nila.

“I promise.” Nakangiti na niyang sabi. “Only if...” dugtong niya.

“Only if, what?”

“You tell me what’s your darkest secret.”

Napalitan ng talim ang anyo nito. Naramdaman niya rin ang kakaibang kilos ni Marcelito sa paligid kaya naman napahigpit ang hawak niya sa tinidor na hawak.

“Do I have to?” tanong nito.

“Ikaw ang bahala. Kung ayaw mong mawala ang awkwardness ko saiyo, then don’t tell me.”

Jhay-L sighed in resignation. While he, on the other hand, was trembling underneath the table.

“Okay.”

“Talaga?” Namilog ang matang sabi niya. This is it Cody. Makinig kayo.

Matagal bago ito nagsalita. Umabot ng ten years. Echoz! Mga one minute lang. “I got involved in a drug trafficking syndicate before.”

Bingo!

Nakita niyang umisod si Marcelito palapit sa kanila pero napigil iyon ng itaas ni Jhay-L ang kamay para awatin ito. Bumalik naman ito sa pwesto. Saka lang nalaman ni Kearse na kanina pa pala niya pinipigilan ang sariling paghinga.

“It was three years ago. The Paris Mafia offered that they would make me more famous than Da Vinci if I would let my painting be the courier of their illegal stuff. I refused. They got mad. Sinira nila ang ilang exhibit ko. So I decided to lure them into bait. Little did they know that I already contacted my friends from the police. Even interpol decided to help me because some of their big bosses were wanted internationally.”

“It took me some time and effort to finally bust them out. For good. But of course, marami silang galamay kaya naman ginawan ko ng paraan na maprotektahan ang sarili ko sa lahat ng pagkakataon. That was when I decided to come here in the Philippines too. Mas safe ako dito dahil nga wanted sila sa batas. Naka-timbre na sila sa lahat ng airports papasok dito.”

Na-amaze siya sa mga sinabi nito. Parang di makatotohanan, pero knowing the underground triads and mafias, lahat gagawin ng mga ito. Kahit gaano pa kasikat ang kalaban. Basta makuha lang ang gusto.

“Kaya nga medyo nainis ako sa sinabi mong kailangan mo munang maging kriminal para magkaroon ng ganito. Pwede ka ring magkaroon ng ganito Kearse. Kung pagsisikapan mo.”

Napalunok siya ng wala sa oras.

“Mukhang malayo pa iyon Jhay-L.”

“Pwede naman na padaliin natin iyon.” Nakangiti na nitong sabi.

“Paano?” clueless niyang tugon.

“Be with me. Live here with me.”

And he was dumbfounded. Wala siyang maisip na matinong isasagot. Gannon lang iyon? Magbubuhay siyang parang reyna o hari o kung anumang label ang gusto niyang ikabit sa sarili niyang pangalan. Nakaka-tempt ang offer. Pero biglang sumingit sa isip niya si Cody.

“S-salamat na lang sa offer Jhay-L. Di ko matatanggap.”

Nakita niyang nalambungan ng lungkot ang mata nito pero saglit na saglit lang iyon. Gusto pa nga niyang maniwalang imahinasyon niya lang iyon dahil nakangiti naman ito ng muling magsalita.

“Don’t feel pressured Kearse. Sinabi ko lang sa iyo. Hindi ako nagmamadali.”

Nakahinga siya ng maluwag. At least. Di raw ito nagmamadali.

“May time limit ba? Baka naman may expiration ang offer ha?” napili niyang magbiro.

“Para sa’yo. Maghihintay ako.”

That was sweet. Kung naiba lang ang sitwasyon malamang di pa ito nagsasalita nakapag-“I do” na kaagad siya. Kaso hindi eh. Mahal niya si Cody. At kahit anong mangyari, magdildil man sila ng asin, sila ang magsasama. Awooo!!!

Eklatera talaga ang author na ito.

Nanahimik naman silang dalawa at inabala na kunwari ang mga sarili sa pagkain kahit pa damang-dama niya ang tensiyon sa paligid. May bahagya rin siyang anticipation na nababanaag sa mukha ni Jhay-L. Sa wari ba niya ay naghihintay na magbago siya ng isip at sunggaban na agad ang offer nito.

“Sa ibang story mo i-offer yan. Malamang sunggaban ko. Gawa ka nga ng ibang version ng story na ito Mama D.” Pagkausap niya sa author.

Sorry, you don’t have enough prepaid left to make an outgoing call. Please reload your prepaid account immediately.

“Echozera!!! Kailan ka pa naging operator?” muli niyang sinubukan makipag-usap. “Please na Mama D.”

The number you have dialed is incorrect.

“Shutah ka! Wa-i ako sa pagka-call sa imus. Ikaw nagsusulat ng lahat ng ito. Magtino ka naman Mama D. Naaadik ka na naman sa kape. Tigilan mo na ang pakikipag-kumperensiya sa Kopiko Brown.”

Sorry, the number you have dialed is not a number. Please try a letter.

“Letse! M@TheRF%#%inG s@#O%&B#$@%H!!!”

“Kearse? Kearse?” anang tinig na nagpabalik sa katinuan niya.

“Huh?”

“You spaced out. Akala ko kung ano ng nangyari sa’yo.”

“Ah wala naman... may naisip lang ako.” Pagkakaila niya.

Okray kasi yung author na ito eh.Pagbubusa niya sa isip.

“Ano naman ang iniisip mo? Iyong offer ko ba sa’yo? Sabi ko naman sa’yo di ako nagmamadali.”

“Ah... hindi.” Hanep din sa segway ang isang ito eh.”Curious lang ako sa package na kunuha natin sa set ni Marisay kanina. Saka bakit nga pala wala yung hitad na iyon doon?” pag-iiba niya ng topic.

Napatigil ito. “Oo nga ano? Sabi niya siya ang magbibigay sa akin. At wala pa siya doon.”

“Tama.” Pag-gatong niya. “Hindi ka ba nagtataka? Baka sa sama ng ugali ng babaeng iyon eh bomba na pala iyon. Saan mo ba iniwan iyon?”

“Grabe ka naman. I’ve known Marisay for a year now. Mabait iyon. Matapobre lang ng kaunti.”

“At ipinagtanggol mo pa ha.”

“Selos ka naman.”

“Duh?!” roll-eyes na sabi niya.

“Ito naman. Nangangarap lang na mapapagselos kita. Pagbigyan mo na.”

Sumimangot siya kunwari para ipakitang kinikilig siya. Kunwari din. Baka pagkatapos ng misyon na ito, kunwari na ang pangalan niya.

Yuck!!! Kunwari Allen Concepcion?

“Hindi ka ba curious sa package na iyon?”

“Curious din. Pero sabi naman niya mga beauty regimens lang iyon.”

“Daw? Naniwala ka naman sa isang iyon.”

“Ano pa bang papaniwalaan ko?”

Tinitigan niya si Jhay-L. Mata sa mata. Walang alisan for 30 minutes. Eh napagod siya agad sa naisip kaya 3 seconds na lang.

“Jhay-L, tingnan natin ang laman ng package.”

“No.”

“Bakit naman?”

“Hindi ko ugaling maki-alam ng pag-aari ng iba.”

“Kahit pa kahina-hinala ang mga iyon?”

“I don’t think na kahina-hinala ang mga iyon.”

“Sige na, titingnan lang naman natin eh.”

“No Kearse. Huwag mo ng pag-initan ang mga iyon.”

“Nasaan ba ang mga iyon?”

“Nasa backseat ng kotse ko.”

“Ah okay.”
“Anong okay?”

Nagkibit balikat siya.

“I just thought na dinala natin iyon papasok. Buti nasa labas. Kasi kung bomba iyon, eh sasabog na iyon ngayon.”

“Hindi—“

BOOM!!!

Naputol ang sinasabi ni Jhay-L ng biglang dumagundong ng malakas at nawasak ang pader na malapit sa kanila dahilan para mapatalsik sila. Napuno ng usok at sumirena ang alarm ng buong villa at ng mga kotse sa labas ng villa.

Bago siya nawalan ng malay ay naramdaman niya ang masakit na bahagi ng binti niya na may mabigat na nakadagan at ang umaalingawngaw na tinig ng isang tao na isinisigaw ang pangalan niya.

Si Cody.

Cody! Help!

Itutuloy...



[Finale]
Masakit ang ulong nagmulat ng mata si Kearse. Nahihilo siya. Wari ba’y sumakay siya sa isang napakabilis na tsubibo. Pulos puti ang paligid. Ang dingding. Ang kisame. Ang pinto. Ang ilaw. Puti lahat. Napasisip siya sa kabila ng pumipitik na sakit ng ulo.


Ang villa ni Jhay-L! Sumabog!


“Syet! Tegi na yata ako”. Nasabi niya sa isip.


Iginala pa niya ang paningin pero parang pinipigilan ang leeg niya. Nakaramdam siya ng kirot sa bahaging iyon. Sinubukan niyang tumayo pero parang napakabigat ng pakiramdam niya.


“Ganito ba talaga lahat ng namamatay? Mabigat sa pakiramdam?”


Nanakit ang lalamunan niyang bigla. Gusto niyang umatungal ng iyak pero tanging ungol lang ang lumalabas sa kanyang makipot at magandang labi.


“Weh?”


“Sino yun? Eh sa iyon ang naisip kong description ng maganda kong bibig. Eksenadora ka. Mama Dalisay ikaw ba iyan?”


“Wala ng iba.”


“Thank goodness. Pero bakit mo naman ako pinatay dito? Akala ko ba ako ang bida? Bakit ganoon?”


“Hindi ka pa patay. Nasa ospital ka. Kung hahayaan mo akong ipagpatuloy ang pagsusulat at hindi muna ako kakausapin ay malamang na todasin nga kita sa istoryang ito.”


“Ay ganoon ba? Hoxia Zsa Padilla. Magsulat ka na ng bonggang-bongga.”


Busy tone...


“Ay? Telephone ulit?”


Naramdaman niya rin ang pananakit ng mga mata hanggang sa ang mainit na dampi ng pagtulo ng kanyang luha ay maramdaman din niya.


Buhay siya!


Wala naman sigurong patay na umiiyak at mararamdaman pa iyon di ba? Kaya ganoon nga ang ginawa niya. Umiyak siya ng umiyak kahit pa ungol lang ang sinasambit ng kanyang bibig.


“Kearse? Kearse! Thank God at gising ka na!” si Cody!


Bigla itong lumitaw mula sa kanyang tagiliran. Lalo siyang naiyak ng makita ang hitsura nito. Napaka-haggard ng fez. Mukhang limang araw ng hindi naliligo at natutulog. Pero in fairness, kahit tinadtad na ng stubbles at eyebags ang mukha nito ay yummyness pa rin.


Nangangalumata man ay parang hindi nagbago ang hitsura ni Cody para sa kanya. And he felt a strong pang on his chest. He felt lucky to be alive. That relieved emotion on Cody’s face will forever be etched in his memory. Napakasaya niya na sobrang pag-aalala ang nakaukit sa mga mata nito at para lamang iyon sa kanya.


Sure, his family would care for him. But no one --aside from them will show their affection for him—did bother to care, except for Cody.


Niyakap siya nito mula sa kanyang pagkakahiga.


“I thought I’m going to lose you, Kearse.”


Lalo siyang napaluha. Naiinis siya sa sitwasyon dahil gusto niyang magsalita pero hindi siya makapagsalita. Umungol na lang siya ng malakas.


“Yes Cody. I’m still alive. And thank God too. I’m so happy to see you. At bakit hindi ako makapagsalita?” sigaw na lang niya sa isip.


Napatitig naman ito sa kanya. Nagtataka. Pero dahil nga isang doktor, agad itong naka-unawa.


“I know Kearse. Gusto mong magsalita but hindi pa pwede. Naapektuhan ng mga debris na tumama sa ulo mo ang isang bahagi ng utak mo nagko-control ng kakayahan mong magsalita. Don’t worry. May therapist naman na naka-stand by para sa mabilis na recovery mo.”


Napa-iyak na naman siya. Damang-dama niya ang pagmamahal sa bawat salita nito. Hindi niya mapigilang ma-frustrate sa kaalamang hindi niya pa pwedeng sabihin dito kung gaano siya kasaya na buhay siya. Na kasama niya ito. Na ito ang unang namulatan niya ng mata. That he would move heaven and earth para lang mapabilis ang paggaling niya.


“As much as I wanted to kiss you baby, hindi ko magawa. May tubo pa kasi sa bibig mo. May pilay din ang isang braso mo. Swerte na nga at nagising ka pa. Bakit pa naman kasi sinalo mo lahat ng sumabog na pader? Kung hindi ka pa nagising, bubugbugin ko na talaga ang hayop na Marisay na iyon eh.”


Napatitig siya rito. Namamangha siya dahil sa kabila ng pagbabanta sa boses nito ay hindi napalitan ng mas matitindi pang emosyon tulad ng galit ang pinakamasarap at pinakamasuyong pagtitig na inilaan lamang para sa kanya. Punong-puno ng kagalakan ang kanyang puso ng mga sandaling iyon.


“Don’t give me that look Kearse. Baka di ko mapigilan ang sarili ko. I want you and I know you know that. So stop giving me that wanting look.” Namamasa ang matang sabi nito sa kanya. Alam niyang sa kabila ng pagbabanta nito kunwari ay ang pinipigil nitong emosyon. Ayaw nitong makitang nahihirapan itong makita siya sa ganoong kalagayan.


Kaya naman, pinilit niyang pasiglahin ang ekspresyon ng kanyang mata. As much as possible, he doesn’t want to give him pain. Ganoon niya ito kamahal. So, kung hindi magagawan ng paraan na makita nitoa ng kanyang ngiti sa mga labi, ipapakita niya iyon sa kanyang mga mata. Alam niya, makikita nito ang nakangiti niyang mga mata.


And Cody did. The man he dearly love smiled back at him. Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya and Kearse felt a warm hand touching his heart.


“Get well baby. Nang maipakita ko sa’yo kung gaano kita kamahal. For the meantime, hayaan mo munang ikwento ko sa’yo kung ano ang mga naganap.”


He gave him an interested look.


Napangiti itong muli.


“I knew you’d be interested.” Sabi pa nito.


Kumislap ang excitement sa mga mata niya kaya nagpatuloy ito sa pagku-kwento...




“Pare. Sure ka ba sa set-up na ito?” tanong ni Cody kay Jerick habang tsine-tsek ang static ng frequency para masagap ang signal ni Kearse.


“90 percent lang ‘tol.”


“Huh? Hindi 100 percent? Bakit?”


“May kutob akong isa lang pain si Jhay-L Lagman sa lahat ng ito.”


Napakunot ang noo niya. “Kung ganoon ay bakit mo pa isinuong ang buhay ni Kearse dito? Anong kinalaman ni Jhay-L sa lahat ng ito kung hindi naman siya ang dapat nasinu-surveillance natin?”


“Dahil siya ang ugat ng lahat ng ito.”


“What do you mean pare? Pwede ba? Stop talking in riddles.” Nabubwisit ng sabi ni Cody sa kaibigan.


“Relax.” Natatawang sambit ni Jerick.


“Don’t tell me to relax pare. Baka masapak kita diyan. Bakit ilalagay mo sa panganib si Kearse? Hindi naman pala si Lagman ang target ng operasyon na ito.”


“You really care for him that much?” tanong nito sa halip na sagutin siya.


Napipilan siya. Of course. Hindi naman siguro siya mag-aalala ng ganoon kung joke lang ang lahat ng iyon sa kanya. Mahalaga sa kanya si Kearse pati na ang kaligtasan nito.


“Obvious naman ang sagot sa tanong mo pare.” Naiirita niyang sabi.


“Huwag kang magalit sa akin ‘tol. Hindi lang ako makapaniwalang isang katulad lang pala ni Kearse ang katapat mo.”
Nagpanting ang tainga niya sa sinabi nito. Isang mabilis na kilos ang ginawa niya at nagawa niya itong pitserahan. Ila-lock niya sana ang braso sa leeg nito pero mabilis nitong na-block iyon ng isang braso nito habang ang isang kamay ay naka-abot na sa kanyang leeg. Napalunok siya, kung ang intensiyon ni Jerick ay patayin siya, malamang, nung mga oras na iyon ay bumagsak na siya. Pero ng maalala niya ang ibig sabihin ng sinabi nito ay bumalik ang galit niya.


“You better explain what you really mean pare. Baka magkabalian tayo ng buto rito.” Galit na galit na sabi niya.


“Don’t underestimate me pare. Maaaring hindi ako kasing-husay nila Rick at Perse, pero magkakasabay pa rin tayong nag-training. Hindi lang ako simpleng data specialist.” Said Jerick while giving him a mocking grin.


“Alam ko iyon pare. Pero ang tanong ko ang sagutin mo.”


“Chill Cody. Wala akong masamang ibig sabihin sa sinabi ko. Bakit ba pagdating kay Kearse ganyan ka ka-sensitive? In-love ka nga talaga. Ganyan din nun si Rovi kay Bobby. Madaling mag-init ang ulo.”


Bigla siyang natauhan. Lumuwag ang mahigpit na pagkakasakal niya sa kaibigan.


“S-sorry pare. Nabigla lang ako.” Aniya.


Jerick just chuckled. “Okay lang ‘tol. In-love ka eh. Karapatan mong masiraan ng ulo.”


“Gago.”


“Seriously ‘tol. Ang ibig kong sabihin kanina, Kearse wasn’t your type. Alam ko iyon. Hindi lang data ng kalaban o ng mga iniimbestigahan natin ang kinukuha ko. Obsessed ako sa pagkalap ng mga data ninyo. Kung anu-ano ang mga developments sa buhay nating mga taga-TFE. Ako man ay mayroon ding data sa laptop ko. Kaya naman nasabi kong isang katulad lang pala ni Kearse ang makakapagpabago sa iyo ng ganyan.”


Napatitig siya rito ng husto. Hindi niya alam iyon ah? But knowing Jerick, sigurado siyang 100% ang katotohanan sa mga sasabihin nito.


“Mahal mo na siya ‘tol. Hindi na simpleng atraksiyon lang ang nararamdaman mo para sa kanya.”


And Cody was strucked with the truth.


Kaya nga siguro ganoon na lang ang pag-aalala niya para kay Kearse. Kasi mahal na niya ito. Kaya ganoon na lang din ang pagkulo ng dugo niya kapag nalalait at napipingasan ang marangal na pangalan ni Kearse. Kasi mahal na niya ito.


And it actually felt good.


“Silence means yes.”


Hindi pa rin makasagot si Cody. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nain-love siya. In fact, he was always in love. Mabilis kasi siyang mahulog sa mga taong nagpapakita ng concern sa kanya. But that was then. Until Kearse came. Dito, siya ang nagpapakita ng affection. Mas nauuna siya. Siguro kasi ay lahat ng mga naging karelasyon niya ay mga discreet. Samantalang siya, he was out and proud. Kaya naman kapag naghahanap siya ng pagmamahal sa ka-partner niya laging kulang ang mga iyon sa pakiramdam niya. Palagi kasing hindi sila pwedeng maglambingan sa harap ng iba.


But with Kearse, it was different.


Kapag magkasama sila, hindi ito natatakot ipalupot ang mga kamay nito sa katawan niya. Hindi ito natatakot lingkisin siya. Hindi ito natatakot titigan siya ng puno ng pagmamahal. Hindi ito natatakot ipakita ang nararamdaman para sa kanya.


Hindi ito takot.


Pero siya? Bakit siya natatakot aminin sa sarili na mahal na nga niya ito. Dahil ba ayaw niyang ang susunod na pangyayari ay lalayo sa kanya si Kearse kasi nakukulangan ito sa ibinibigay niyang pagmamahal?


Sawa na kasi siyang ibinibigay ang lahat. Ending kasi, siya rin ang nakukulangan sa isinusukling pagmamahal sa kanya. Bakit hindi na lang ba niya tanggapin na maaaring may magmahal sa kanya na kayang tumbasan ang kaya niyang ibigay.


Kailan ba siya makukuntento?


“Earth calling Cody.”


Napabaling siya ng tingin kay Jerick. Isang nakaka-unawang tingin ang ipinupukol nito sa kanya ngayon. Napangiti siya.


“Salamat sa realization pare.”


Tinapik siya nito sa balikat. “You’re welcome ‘tol.”


Pinaki-alaman na ulit nito ang gadgets na nasa harapan nito. Sakay sila ng isang van hindi kalayuan sa villa ni Jhay-L Lagman. Napakalaki at grandiyoso noon. May nararamdaman siyang inggit pero kaunti lang. Duda kasi niya kung totoong pinaghirapan nito ang karangyaang iyon.


Maya-maya ay may narinig na silang boses.


“Twenty.” Bungad ng tinig sa aparato.


“Ah... mura lang. Twenty-million. Kayang pag-ipunan. Siguro, pitong manuscripts lang isang linggo keri na yan.” Sabi ng isa pa na nakilala niyang si Kearse. Mukhang si Jhay-L iyong isa.


“Billion.”


“Dedma.”


“Twenty billion.”


Nakarinig sila ng impit na tili ng kung sino.


“Seryoso?” si Kearse ulit.


“Yes.”


Nagtaka siya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.


“Oh bakit?” si Jhay-L.


“Eh baka marumihan.”


“Exaggerated ka naman. Okay lang iyan.”


Clueless ulit na nagkatinginan na sila ni Jerick.


“Kailangan ko sigurong maging kriminal para magkaroon ng ganito.” Anang tinig ni Kearse.


Bigla ang katahimikan na pumailanlang sa linya.


“B-bakit? May nasabi ba akong mali?”


Nagka-idea na siyang bigla sa tinutumbok ng mga salita ni Kearse. Mukhang ginagawa na nito ang trabaho nito kaya naman tinutukan na nila ng husto ang pakikinig sa mga pinag-uusapan. Kinuha pa niya ang headset para mas marinig ng husto ang mga salitang binibitiwan ng dalawa.


“Wala. I just don’t think na dapat kang gumawa ng masama para lang maabot ang gusto mong maging sa buhay.” Salat sa emosyon ang tinig na iyon ni Jhay-L. Parang nakikinita na rin niyang nakataas ang kilay ni Kearse sa naririnig.


“Nakamit ko ang lahat ng ito Kearse ng walang panggagamit sa parte ko at pagsanib sa kung anu-anong kalokohan. Sure, there was a time that I was offered to be a part of an illegal mob but I refused politely. Nang magpilit sila, humingi ako ng tulong sa authorities. So you see, hindi dapat dungisan ang pagkatao mo para lang makamit ang gusto mo.”


Nagpapa-impress ang loko. Tiningnan ni Cody ang katabing si Jerick at katulad niya ay hindi rin gaanong kumbinsido ang ekspresyon ng mukha nito.


Nagpatuloy sila ng pakikinig. May sumingit na boses na nagsasabing nakahanda na ang pagkain. Narinig pa nila ang pagsang-ayon ni Kearse sa nagsalita ng mabaling ang atensiyon nila sa paparating na sasakyan sa di kalayuan.


Tumigil iyon ilang metro ang layo sa gate ng villa. Pagkatapos nun ay lumabas ang isang babae at may dinukot sa bulsa.


“Sino iyon ‘tol?” tanong niya kay Jerick.


Nagkibit-balikat ito saka lumapit sa monitor ng nakaset-up na computer. May pinagpipindot itong file saka may lumabas na picture at profile ng isang babae.


“Siya iyan.” Sabay turo nito sa babae na nasa labas ng sasakyan.


“Maria Dalisay Dealagdon Penta, a.k.a. Marisay Penta. Isang starlet. May previous case na siya bilang con-artist noon. Nasabit na rin sa ilang drug lords ang pangalan niya. Mukhang masama talaga ang kalibre ng babaeng ito.”


Napatangu-tango lang si Jerick mula sa kinauupuan saka nagpipi-pindot na naman ng kung anu-ano. Lumabas ang hacking software sa monitor at nagsimulang i-track ang lahat ng active device sa paligid. Maya-maya ay pumailanlang ang boses ng isang babae.


“I can’t let this happen Mr. Fouchion. Wala sa usapan natin na papatayin si Jhay-L. You only told me to deliver something for him.”


“Yes I did. You actually delivered him his death.” Anang tinig sa kabilang linya.


Nagkatinginan sila ni Jerick. “Mukhang tama ka pare. Namputsa.” Aniya rito.


“Let’s listen pare.”


“No way! Don’t tell me... Don’t tell me... My god!” naghihisteryang sabi ni Marisay saka nagtatakbo papunta sa gate ng villa ni Jhay-L.


“Yes my dear. That package is a bomb.” Saka ang nakakalokong tawa ng lalaking tinawag ni Marisay na Mr. Fouchion.


“Putek! Pare! Si Kearse!” nahihintakutang sabi niya.


Tatakbo na sana siya palabas ng van ng marinig niya ang sinabi ni Kearse mula sa sariling linya na nakakabit dito.


“Jhay-L, tingnan natin ang laman ng package.”


“No.”


“Bakit naman?”


“Hindi ko ugaling maki-alam ng pag-aari ng iba.”


“Kahit pa kahina-hinala ang mga iyon?”


“I don’t think na kahina-hinala ang mga iyon.”


“Sige na, titingnan lang naman natin eh.”


“No Kearse. Huwag mo ng pag-initan ang mga iyon.”


“Nasaan ba ang mga iyon?”


“Nasa backseat ng kotse ko.”


“Ah okay.”


“Anong okay?”


Nagkibit balikat siya.


“I just thought na dinala natin iyon papasok. Buti nasa labas. Kasi kung bomba iyon, eh sasabog na iyon ngayon.”


“Hindi—“


BOOM!!!


At nanlalaki ang matang napatingin na lang si Cody sa villa ni Jhay-L mula sa kinaroroonan. Mabilis siyang tumalon palabas ng sasakyan at tinakbo ang sumabog na bahay. Hindi matumbasan ang kaba niya ng mga oras na iyon.


“Kearse!!! Kearse!!!”


Habang papalapit siya ng papalapit sa natutupok na villa ay lalong tumitindi ang pag-aalala niya. Halos lundagin niya ang bawat nakaharang na halaman, bato at kung anu-ano pa sa dinaraanan niya.


“Kearse!!! Kearse!!!”


Nang sa wakas ay makalapit siya sa gate ay saka niya natuklasang auto-locked iyon. Mabilis niyang pinag-aralan ang mataas na bakod. Ang bakal na gate ay computer ang nagpapa-andar pero mukhang dahil sa pagsabog ng bahay ay automatic na nagshut-down ang power nun kaya hindi iyon basta-basta mabubuksan.


Tiningala niya ang pader na mayroong mga basag na boteng nakatanim sa tuktok. Mukhang wala siyang choice. Kailangan niyang akyatin ang pader at tiisin ang sugat na pwedeng likhain ng mga bubog na iyon. Nagsimula siyang sumampa sa pader. Nakakapangalahati na siya ng muli siyang bumagsak ng dahil sa malakas na pagsabog.


Pagbangon niya ay nakita niyang wasak na ang pader na pinaghihirapan niyang akyatin. Hindi siya makapaniwala sa nakikita pero may idea na siya kung sino ang may gawa nun. Nilingon niya ang posibleng pinanggalingan ng nagpasabog sa makapal na harang na iyon at nakita niya si Jerick na hawak-hawak ang bazooka habang sa isang kamay ay ang walang malay na si Marisay.


Napa-iling na lang siya pero umusal ng pasasalamat saka nagtaas ng kamay na nakathumbs-up. Nagmamadaling pinasok niya ang villa at isinigaw ang pangalan ni Kearse. Nakarating siya sa malaking dining room na ngayon ay punong-puno ng usok at nagkalat na debris.


“Kearse!!!”


Nakarinig si Cody ng mga ungol. Nakita niya ang nagkalat na mga katawan ng mga unipormadong katulong. Napapalatak siya ng makita na duguan ang ilan sa mga iyon.


“Kearse!!!”


Sobrang kaba na niya ng mga sandaling iyon. The house was a total wreck. Imposibleng simpleng pampasabog talaga ang inihanda ng nag-utos kay Marisay. It was meant to kill. Swerte at nasa garahe lang ito, but still, napakalakas ng impact na ginawa ng pagsabog.


“Kearse!!! Kearse!!!”


Inikot niya ang mahabang dining table na bahagya lang natinag ng pagsabog.


“C-cody...”


It was almost a whisper but Cody swore under his faith that he heard his name being called underneath the pile of debris. Halos hindi humihinga na tinungo niya ang malalaking tipak ng semento na iyon. He was praying to high heavens that he heard it wrong. Hindi niya kakayanin kung nasa ilalim nga ng mga batong iyon si Kearse.


“K-kearse... baby! Don’t give up on me babe... I love you! Nandito na si Daddy!” parang tanga niyang sabi habang parang papel lang ang bigat ng mga naglalakihang bato.


Halos panawan siya ng ulirat ng makita ang duguan na mukha ni Kearse. Maingat niya itong dinaluhan. Making sure that no fractured or broken bones will be damaged. As a doctor, mabilis pero sigurado ang bawat galaw niya.


“Kearse... fight for me babe. Huwag mo munang iwan si Daddy!” pagkausap niya rito to which Kearse replied with a soft moan.


“Very good babe...” naiiyak na niyang sambit. “ I love you. Daddy loves you...” then he gently kissed his bloody lips.




“At ganoon nga ang nangyari. Dinala ka namin dito kasama nila Jhay-L at ng iba pang nasugatan. Naririto na rin ang iba pa naming kasamahan sa TFE para sa follow-up investigation. Mukhang isa itong kaso ng paghihiganti. Ayon kasi sa report, isang underground syndicate ang nasa likod ng pagpapasabog sa villa ni Jhay-L.”


“Sinundan pa talaga siya ng isang grupo ng nalansag nilang mafia sa Paris. Buti na lang ay naka-alerto ang interpol at ang mga pulis dito sa atin kasama na ang secret service para sa bagay na ito. Hindi lang nila nahulaan na malulusutan sila ng con-artsit na si Marisay Penta. Siya ang gumawa ng mga hindi kayang gawin ng mafia na iyon.”


Naiiyak pa rin na umungol si Kearse dahil sa kwento ni Cody sa kanya. Hindi niya mapaniwalaan na pati ang pag-uusap nito at ni Jerick ay isasama rin nito sa kwento. He tried to move his unbroken arm but to no avail, hindi siya talaga makakilos.


Mukhang nahulaan naman nito ang gusto niyang gawin.


“Don’t stress yourself baby. Alam kong gusto mo akong hawakan. I also want to touch you. Feel you. Ganoon ko kagusto. Kaya naman bilisan mo ang recovery ha? I can’t wait na mapagsolo tayong dalawa.”


Walang magawa si Kearse kundi ang ikurap ang mga basang mata dahil sa kaligayahan. Nakaramdam siya ng masidhing kagustuhan na gumaling kaagad.


Hinawakan ni Cody ang kamay niya upang marahang pisilin iyon. And he can swear that he felt it. May pumasok na nurse kapagdaka at sinabihan si Cody na tapos na ang oras ng dalaw. Lumapit ito sa kanya at maya-maya lang ay naramdaman niya ang pamimigat ng talukap.


Pero bago siya tuluyang mawalan ng malay ay narinig pa niya ang pangako ni Cody sa kanya.


“Get well baby... Daddy’s waiting for you...”


At tuluyan ng pumikit ang kanyang mata...




“FRIEND! Bakit naman naglalakad ka ng wala ang crutch mo? Pasaway ka talaga.” Naiinis na sabi sa kanya ni Earl.


Sasagot sana siya rito sa mas naiinis na tono ng masilaw sa nakakalokang kaputian nito. Ang hitad, naka-red-shirt at red pek-pek shorts. Nakakaloka! Buti hindi ito nag-red shoes.


“Gusto mo talagang mapilay forever ‘no? Di ba ang bilin ng doktor mo eh kailangang may kasama ka kung mapagti-trip-an mo ang maglakad ng walang crutch. Kainis ka ah.” Eksaherado pa itong nagpaypay ng kamay gayong di naman ito pinagpapawisan.


Nasa loob sila ng bakuran ng safe house na pinagdalhan sa kanila ng pamilya niya hangga’t hindi pa nahuhuli ang grupong nagpasabog sa villa ni Jhay-L.


Hindi birong therapy ang kinailangan niyang pagdaanan para lang gumaling ang lahat ng napinsala sa kanya. Mula sa boses niyang kailangang ibalik. Nabali niyang kamay. Pati na ang paglalakad niya, lahat ng iyon, kailangan niyang pagdaanang mag-isa.


Yes. Mag-isa.


For Cody wasn’t there to support him every step of the way. It has been two months since he last saw him. Iyong mismong araw na nagising siya, three days after niyang ma-comatose, iyon na rin pala ang huling araw na makikita niya itong muli.


Akala pa naman niya ay napaka-swerte na niya na nabuhay siya at malamang minamahal rin siya nito. Iyon pala, mukhang pinaasa lang siya nito.


Maski kasi mga kaibigan nito na kasamahan din sa TFE eh hindi na nagpakita sa kanya. Si Jerick na huling dumalaw sa kanya sa ospital ay sinabi lang na busy si Cody sa operation na ipinahawak dito ni Rick at babalik din ito kapag natapos na iyon.


Gusto niya tuloy murahin si Rick kapag nakita niya ito. Alam niya ay ito ang lider ng mga ito sa TFE. Nakaka-irita ang kaalamang nagbibigay ito ng assignment na pwedeng ikamatay ng mga miyembro nito pero sige lang ito at tila wapakels sa maaaring mangyari.


With that in mind ay wala sa loob na naitulak niya si Earl na pa-cute sa tabi niya.


“Ay kabayong walang balakang!” sigaw nito.


“S-sorry friend.” Saka niya ito paika-ikang dinaluhan.


“Heh! Ewan ko sa’yo! Makapanulak ka ng kagandahan ko ganun-ganun na lang.” Reklamo nito.


Natawa tuloy siya habang pinagmamasdan itong tumayong mag-isa. Bubusa-busa pa ito habang pinapagpagan ang sarili.


“Hoy! Ang ingay mo bakla.” Sigaw ng isa sa mga kapatid niya. Si Jaime. Nasa may bintana ito at nakadungaw.


Inirapan ito ni Earl saka pasigaw na nagsalita. “Nahiya naman ako sa pagiging straight mo My Bebeh! Pasalamat ka at mahal kita.”


Nakita niyang namula si Jaime mula sa kinaroroonan nito. Mabilis itong nawala sa paningin nila.


“Ikaw talaga. Kaya mo ng hiyain ng ganun-ganun ang kapatid ko ah.” Puna niya rito.


“Asus. Dapat lang sa kanya yan. Masyadong maarte yang kapatid mo di naman ganun ka-gwapo.” Nakabungisngis na sabi nito.


“Kwidaw ka! Mamaya niyan, reyp-in ka ng isang iyan. Wala kang magawa.”


“Ay game! Tingnan natin kung makalusot pa siya sa kagandahan ko.” Saka humalakhak na sabi ng kaibigan.


“Tse! Goodluck sa’yo.” Nakangusong sabi niya saka pilit na humakbang palayo rito.


“Hoy saan ka pupunta?” sigaw ni Earl. Mukhang hindi namalayan na nakalayo na siya rito.


“Sa bahay mong bulok.”


“Anong kukunin mo?”


“Gitara mong bulok.”


“Ewan ko sa’yo. Baliw ka na naman. Bahala ka na nga sa buhay mo!” sigaw na lang ng kaibigan niya.


Hindi naman siya masyadong lumayo. Sa ngayon ay sa diretsong daan lang siya makakapaglakad ng maayos. Medyo pababa na kasi ang susunod na hahakbangan niya kung magpapatuloy pa siya ng paglalakad.


Masakit ang pagpipilit niyang maglakad pero mas masakit ang kaalamang wala si Cody habang nagpapagaling siya.


He promised him that he’d wait.


He promised him that he’d be there for him when he’s well.


He promised him.


Hindi niya namamalayang basa na pala ang pisngi niya kung hindi pa umihip ang malamig na samyo ng pang-hapong hangin. Pinabayaan niya lang iyon. Kagaya ng pagpapabaya sa kanya ni Cody. Nakapag-desisyon na siya. Magpapagaling na siya ng tuluyan kasabay rin ng paglimot niya rito...


...ng tuluyan.


“I hate you Cody!” sigaw niya.


“I hate you!”


“Kinalimutan mo ako. Pinabayaang mag-isa. Kaya naman kakalimutan na rin kita. You won’t feel my love again. I’ll erase you from my memory. Kahit magpa-untog ako ng ilang beses para lang makalimutan ka, gagawin ko! Magagawa ko iyon. Gagawin ko iyon. Basta makalimutan lang kita!”


Saka siya humahagulgol na napaluhod.


At katulad ng mga nakaraang pagdurusa niya, wala na namang bisig na umalo sa kanya. That is why he decided na iyon na ang huling beses na magsisisigaw siya ng frustration. Iyon na ang huling beses na magpapaka-lukaret siya ng dahil sa nasawi siya sa pag-ibig.


“I hate you...” he whispered softly. “...and I love you.”


Haharapin na niya ang buhay niya. Kesohodang maraming banta doon. Life has to move on at hindi isang Cody lang ang makakapagpahinto nuon.


Tatayo na sana siya ng tumama ang bumbunan niya sa isang matigas na bagay. Napahiyaw siya sa sakit pati na rin ang natamaan ng bumbunan niya.


“Aray! Ano ba iyan?”


Papaulanan na sana niya ng mura ang sinomang herodes na iyon ng makilala ng mata niya ang bulto ng katawan na nasa harapan niya at nagkakamot ng nasaktang mukha.


“C-cody?”


Hindi siya makapaniwala! Para lang siyang nakakakita ng aparisyon. Si Cody. Nasa harap niya! At... dumudugo ang ilong?


“A-anong nangyari sa’yo Cody?” nag-aalalang lumapit siya dito. Hindi alintana ang sakit na dulot ng pwersahang paglalakad.


“C-careful.” Sambit nito.


Hinaplos niya ang duguan nitong ilong. “Masakit ba?”


“Wala yan, kumpara sa mga sinabi mo kanina. Mas masakit iyon.” Nakabadya ang pait sa mga mata nito.


“Huh?” naguguluhang sabi niya.


“Don’t hate me baby. Hindi ko kasi kaya.”


“C-cody...” naiiyak na niyang sabi. Naalala na kasi niya kung ano ang tinutukoy nito. Narnig pala nito ang mga isinisigaw niya.


“I love you baby. And if you’ll take me, willing akong bumawi sa’yo. Huwag mo lang sasabihing galit ka sa akin. Babawi ako. Even if it takes me forever.”


Pinahid niya ng kamay ang dugo sa ilalim ng ilong nito.


“I can’t hate you forever Cody. Because I will be hating myself more in the process. Pero bakit ka nawala ng two months?” aniyang di napigilan ang panunumbat.


Hinapit siya nito ng mahigpit.


“Remember Marisay?” tanong nito.


“Ah... iyong starlet na trying hard?”


“Yes. Pinaamin namin siya kung saan ang hideout ng Paris based na Mafia. Hinuli namin nila Rick ng tuluyan ang mga iyon na pinamumunuan ng dating underling ng isang lider nila. Malaki ang paniniwala kasi nitong Mr. Fouchion na kapag napabagsak si Jhay-L na i-n-offeran nila na maging parte ng kanilang grupo noon ay magbabalik ang kaayusan sa organisasyon nilang nabuwag na.”


“Little did they know that they were building castle in the sand.” Matalinghaga niyang sabi.


“I’m sorry if I kept you waiting, baby. Inabot kami ng two months sa pagbuwag sa grupo nila.”


Kearse looked into those begging eyes. Napatunayan niyang napakahirap magalit ng husto sa taong mahal mo. Na napakahirap manatiling galit sa taong mahal mo dahil sarili mo lang rin ang pahihirapan mo.


Hinaplos niya ang namamagang ilong nito. Hindi siya makapaniwalang naririto na ngayon si Cody at yakap-yakap niya. Na nasa mga bisig siya nito. It was surreal. Yet it was really happening. Hindi siya ginu-goodtime lang.


Maging ang napakagaling na author (ehem!) ng seryeng ito ay pinagbibigyan rin siya. Hindi ito umeentra sa mga pagpapa-cute niya. Hindi rin umeepal sa kanya si Rubi –ang kontrabidang bahagi ng isip niya—sa pagkakataong iyon.


“I’m sorry too Daddy if ever I hurt you. I didn’t mean those words.”


“I know baby. Narinig ko naman ang pambawi mo eh.” Nakangiti na nitong sabi.


Syet!


Napakagwapo talaga nitong mokong na ito kahit pa namumula ang ilong ng dahil sa pagkakabunggo nito sa bumbunan niya. Masuyo niyang hinaplos ang parteng iyon ng mukha nito.


“Sorry din dito Daddy.”


“Okay lang iyan. Pwede na ring ipang-tapat sa head-butt ni Rovi ito.”


Namilog ang mata niya. “Ikaw talaga. Nakukuha mo pang magbiro.”


“Eh wala naman talaga eh. Mas malala pa kaya diyan yung mga tama ng baril na nakukuha ko dati.” Mayabang na sabi nito.


“Ah ganoon? O sige, dagdagan natin.” Saka niya marahang pinisil ang ilong nito.


“Aww...”


“Oh my God. Sorry Daddy.”


Maagap nitong kinuha ang kamay niyang ipinangpisil sa ilong nito. Hinalik-halikan nito iyon that he melted with the sweet gesture.


“Kahit ilang pasakit pa ang gawin mo sa akin Kearse. Kahit ilang torture pa ang gawin mo, mahal na mahal kita kaya kakayanin ko iyon.”


“I can’t bear it Cody. Hindi kaya ng konsensiya ko na saktan ka para lang patunayan na mahal mo ako.”


“Oh yes you can. Sinasaktan mo na ako gnayon pa lang.” Nakangising sabi nito sa kanya.


Napa-isip siya at tinapunan ito ng nagtatakang tingin.


“Wala kang idea?” ang ngiti ay napalitan na ng pilyong ngisi.


“Wala eh.” Clueless na sabi niya.


Hinapit siyang lalo nito at saka lang niya naintindihan ang ibig nitong sabihin. He can feel his growing maleness under the confinement of his jeans. Eskandalosong tumutusok iyon sa may tiyan niya.


Tiningala niya ito.


“Pilyo ka Daddy.”


Humalakhak lang ito. It was music to his ears.


“Sa’yo lang ganyan ang reaksiyon niyan. Promise. Kapag malapit ka, instant ang pag-attention niyan.”


Wala siyang masabi sa sobrang kasiyahan. So after-all, happy ending pa rin pala ang nakatadhana sa kanyang first love. And he have Cody for that. Marahan siyang umusal ng panalangin ng pasasalamat para sa Diyos bago tumugon sa mainit na halik na iginawad sa kanya ni Cody.


Indeed, fairy tales do come true.


F-I-N

No comments:

Post a Comment