Tuesday, January 8, 2013

Love at its Best: Book 3 (01-05)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[01]
Naramdaman kong may mainit na kung ano ang dumampi sa mukha ko, inimulat ko ang aking mata at sinubukang sanayin ito sa liwanag ng buong kwarto. “umaga na pala.” bulong ko sa sarili ko. sinubukan kong alalahanin ang nangyari kinagabihan, uminom ako, nagpakasaya, nagtapon ng problema. Nasa ganito akong pagmumunimuni ng biglang may gumalaw sa tabi ko. Isang babae, mahaba ang buhok, may mala porselanang balat, balingkinitang katawan at may magandang mukha. Tumingin ako sa paligid, nagkalat ang aming mga damit nung nakaraang gabi sa kabuuan ng kwarto. “naka jackpot nanaman pala ako.” bulong ko sa sarili ko.


Tumayo ako at matahimik na nagpuntang banyo na kalakip lamang ng kwarto ko, binuksan ko ang knob para sa shower, tumapat ako sa ilalim ng bumubuhos na maligamgam na tubig. Pagkatapos kong maligo ay tumapat ako sa harap ng salamin, nakita kong nabalutan ito ng moist, inalis ko ito gamit ang aking kanang kamay.

Bumulaga sakin ang aking repleksyon, ibang iba na ang aking itsura. Wala na ang dating good boy, clean cut look ko. nagpatubo ako ng bigote at balbas sabay pagpapasemi kalbo ko, tumugma naman ito sa kayumanggi kong balat at naniningkit na mata. Rugged look kung bga Tumama ang aking paningin sa isang bagay na nakasabit sa akin leeg, at ang singsing na nagsisilbing pendant nito. Ang singsing na nagpapaalala sakin.


here, I was planning to give you this.” sabi ko kay Migs, sabay abot ng isang kahon na may lamang singsing, pagkatapos niyang sabihin na kailangan na naming tapusin ang kung ano mang meron kami.


I can't accept this.” matipid na sagot ni Migs.


no, keep it. Wala na akong pagbibigyan niyan, and I'll keep mine.” pagpupumilit ko sa kaniya, hinubad ko ang kabiyak ng singsing na ibinigay ko sa kaniya galing sa aking daliri, hinubad ang aking dog tag at ginawa kong pendant ang singsing na dapat sana ay simbolo ng aming pagmamahalan. Tinitignan ako ni Migs, may mga lungkot sa mga mata niya.


And this one will forever remind me of all the pain, all the things and people I've lost and the greatest mistake that love at its best has to offer.” sabi ko habang ipinapakita sa kaniya ang singsing na ngayon ay pendant na ng aking kwintas. At tumalikod na ako mula sa lamesa kung saan namin pinagsaluhan ang first and last valentines date namin.

Ram.” tawag muli sakin ni Migs, pero hindi ko na siya nilingon pa. Nararamdaman ko ang bawat pares ng mga mata ng lahat ng tao na nasa restaurant na yun, iniintay nila ang mga susunod na mangyayari.


I'm sorry.” mahinang sabi ni Migs, galing sa likod ko, narinig kong nahikbi na rin siya. Tuloy tuloy na akong lumabas ng restaurant.


Ramdam ko ang bigat ng aking bawat pagapak palayo kay Migs, siya ring bigat ng aking puso at nadarama. Hanggang makalabas ako ng restaurant ay pinagtitinginan parin ako ng mga tao. Marahil ay nagtataka sila kung bakit luhaan ako. Hanggang ngayon hindi ko parin mapigil ang bawat pagpatak ng luha ko.


ALL I DID WAS TO FALL IN LOVE WITH HIM. What's wrong with that?!” sigaw ng puso ko. di ako makapaniwala na lahat ng sakripisyo at lahat ng pagmamahal na ibinigay ko kay Migs, ay ito pa ang igaganti niya. Sabay ng realisasyon na to ay ang patuloy na pagbagsak ng luha ko.


Di ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, ang tangi kong alam ay gusto kong makalayo sa restaurant na iyon, pakiramdam ko, sa oras na makalayo ako doon ay mababawasan ang aking nararamdamang pighati.


Kahit saan ako magpunta, nakikita ko ang mga magsingirog na naglalamungan, “putangina! Tignan mo nga naman... Irony strikes again!” naibulalas ko sa sarili ko. May mga nakaupo sa bench, may mga naghahalikan sa ilalim ng malalaking puno at ang ilan, nagpapalitan ng cheesy qoutes. Napadaan ako sa ilang bar na maagang nagbubukas “early happy hour for the singles!” nakalagay sa poster ng bar bilang paanyaya sa mga customers. Napadaan ako sa table na kinabibilangan ng isang grupo ng mga lalaki. Marahil napansin nila ang bakas ng mga natuyong luha sa pisngi ko.


Dude ok ka lang?” tanong ng isa.


tol mukha ba siyang ok sayo?!” sarkastikong sagot ng isa.


di bale dude, kung ano man yan, iinom na lang natin yan.” aya ng isa.


Kung tutuusin, dapat matakot ako sa mga ito, hindi ko sila kilala, pero naisipan ko paring tumabi sa kanila at makipaginuman.


smoke pare?” alok sakin ng isa sa aking mga kainuman, sa isang kaha ng sigarilyo na kabubukas palamang niya. Tatanggi sana ako, dahil sa pangakko ko kay Migs na hindi na muli ako maninigarilyo. “what the hell! We are not together anymore, anong pakielam niya kung manigarilyo ulit ako?!” sabi ko sa sarili ko at sabay abot sa stick ng sigarilyo na inaalok sakin.


kaya ako pare, di ako naniniwala sa mga commitments na yan! Kalokohan lang yan! Ayos na ako sa pahalikhalik at payakap yakap, kung nagaya makipag sex, edi go.” pabida ng isa sabay tawa.


Tahimik lang akong nagmamasid sa buong grupo, kada hawak ng isang bote, kada hithit ng sigarilyo at bawat tawa na nanggagaling sa grupo ay nagpapaalala sakin kay Migs. Kahit anong alog ng ulo ko sa kaka iling hindi ko siya basta basta makalimuta. Naiinis ako sa sarili ko. di ko napansin na pinagmamasdan na pala ak ng isa sa mga kainuman ko, napatingin din ako sa kanya at nginitian niya lamang ako. Tinignan ko siya, ang tingin niya ay tumatagos, alam ko nababasa niya ang pinagdadaanan ko ngayon.


guys, its getting late. Tara na punta na tayo sa Tagaytay, kakauspain pa natin sila Amy about sa thesis diba?” sabat ng isa na tila siya ang nerd ng grupo. Isa isa na silang nagtayuan at nagpaalam sakin, kinuwa ng isa ang bill at binayaran ang kanilang nainom. Dudukot na sana ako ng wallet ng bigla niya akong pigilan.


Its on me.” sabi nung lalaking kanina lamang ay animoy ine-xray ako sa pagtitig.


di ko alam kung anong pinagdadaanan mo ngayon pare, pero alam kong mabigat yan. Sana lang marealize mo na di dyan sa problema na yan natatapos ang buhay mo.” sabi nung lalaki sabay tapik sa likod ko.


I'll pay for your drinks, just promise me that you will not go running around doing stupid things.” habol niyang sabi sakin, sabay ngiti. Nagulumihanan man ako sa sinabi niya ay hindi ko na ito masyadong inintindi. Heto nanaman ako magisa. Untiunti nanamang bumibigat ang aking dibdib.




Nagsimula na ulit akong maglakadlakad, I can't help but agree dun sa sinabi ng isang kainuman ko kanina. “Commitment is synonimous with bullshit!” sabi ko sa sarili ko. dito ko simulang napagtanto na, di dapat ako nagkakaganito dahil lang sa isang Migs na nanakit sakin. “I have the looks, I have the body and I have the brain. A Miguel Salvador is not my loss.” confident kong sabi sa sarili ko.


Nagsimula akong maglakad patungo sa kinalalagyan ng kotse ko, nang makita ito ay nagsimula na akong magdrive pauwi, tinignan ko ang sarili sa salamin. “Damn.” sabi ko sa sarili ko, di ko maisip na nakaharap ako sa mga tao at nakipaginuman pa na ganito ang itsura ko. kumuwa ako ng tissue sa may secret compartment ng kotse ko at inayos ang sarili. Napadaan ako sa isang barbershop, bigla kong kinabig ang manibela at pumarada sa harap ng barbershop. Nagbuntong hininga at bumaba ng kotse. Pumasok sa loob ng barbershop at umupo sa isa sa mga bakanteng upuan.


boss anong style gusto mo?” tanong ng narbero.

semikalbo.”


Mukhang nanghihinayang ang barbero na putulin ang makapal kong buhok, pero ginawa niya parin. Sa bawat pagbagsak ng kumpol ng mga buhok ay siya ring pagbagsak ng mga luha ko. “I swear, this will be the last time that my tears will be shed for love.” sumpa ko sa sarili ko. Paglabas ko ng barbershop ay naramdaman ko ang bagong ako.Dumaretso ako sa condo ko, dumeretso sa banyo at naligo, pagkatapos maligo ay dumerecho na ako sa dresser at naghanap ng masusuot. Nang makapili na ay humarap ako sa salamin.


Ito na ang bagong ako.” bulong ko sa sarili ko, at nagbuntong hininga, mabigat parin ang aking pakiramdam, nandun parin ang kirot, andun parin ang pagkamunghi. Tinitigan ko ang aking sariling repleksyon. Semi kalbong buhok, maningkitningkit na mata na lalong naningkit sa kakaiyak kanina, morenong balat, fitted black shirt, leather botton neck jacket, black fitted jeans at white kicks from nike. “I'm ready for a new me.” malungkot kong sabi sa sarili ko.


Nagdrive ako patungo sa naglalakihang bar sa Ortigas, wala akong pakielam kung magisa lang ako. “All I want to do now is to forget.” sabi ko sa sarili ko. Dumeretso ako sa bar at umorder ng drinks and the next thing I know, I was in my bed naked with a guy beside me.

Lumabas ako ng banyo na nagbihis na para sa office. Bago lumabas ng kwarto ay nagsulat ako ng note sa isang post it, Cherry, Mia, Althea di ko na matandaan ang name niya. “I had fun last night.” Harsh alam ko, pero that is how one night stand should be. Bumaba ako at pumunta sa kitchen, nakasalubong ko ang kuya ko, umiinom ito ng kape at nagbabasa ng dyaryo.

“Anong oras ka nanaman umuwi?” tanong sakin ni kuya.

“3am I think.” walang gana kong sagot sa kuya ko, sabay talikod at punta kay manang.

“di ka ba magaalmusal?” tanong ulit ni kuya.

“sa office na lang.” mahinang sagot ko.


Kinuwa ko ang susi ko ng sasakyan at daredaretsong lumabas papuntang garahe. Kinuwa ko ang rayban aviator shades ko at sinuot ito bago ilabas ang sasakyan sa garahe. Bago pa man masaran ni manang ang gate nagbilin ako dito.


“Manang, there's a girl in my room, pakigising na lang. Once she ask about me, tell her I will be in a business trip abroad, for good. Oh basta ikaw na ang bahala manang, basta sabihin mo hindi na niya ako makikita kailanman. And make sure kuya will not know about this ah.” bilin ko sa aming kasambahay.


Agad kong pinaharurot ang aking sasakyan papuntang opisina, simula kasi nung araw na naghiwalay kami ni Migs, naging iba na ang pakikitungo sakin ni kuya, alam niyang may dinadala akong problema. Hindi rin siya sang ayon sa paraan ko para makalimot kay Migs. Madali naman akong nakarating sa opisina, tinignan ko ang aking relos, “7:10am” sabi nito. Pumunta muna ako sa may coffee shop sa baba ng aming opisina.


“Caramel Machiatto, Venti and a belgian waffle with strawberry toppings all for here please.” bati ko sa barista, nakita kong kinilig ito at sinaway ng kaniyang manager. Kumuwa ako ng isang dyaryo at sinimulang suyurin ito. May isang article ang nakakuha ng atensyon ko, tungkol kay Ed at sa nalalapit niyang kasal. Kinuwa ko saglit ang aking kape at waffle saka nagpatuloy sa pagbabasa.


“Excuse me. Pwedeng maki-share?” tanong ng isang lalaki sakin. Maputi ito, matangkad at kung titignan mo parang isang foreigner. Luminga linga ako.


“there's plenty of vacant seats around, why do we have to share this one?” singhal ko sa kaniya. Halatang napahiya ito sa inasta ko. Nagbaba ito ng tingin at nagblush, “gwapo ni mokong shet!” sabi ko sa sarili ko.


“You don't remember me do you?” tanong nito sakin. Nagbato lang ako ng nagtatakang tingin sa kaniya.

“your maid told me that you will be out of town for a business trip... for good.” nagulat ako sa sinabi niyang yun, alam kong nanlaki ang naniningkit kong mata, marami sa naka one night stand ko ang galit kapag nakaharap ulit ako, may ilan na nananampal ang ilan nananapak, depende kung babae o lalaki ang naka one night stand ko na iyon. Pero iba ang isang to, imbis na magalit ay yumuko lamang ito, imbis na ako ang mahiya ay siya pa ang nahiya.


“I'm sorry, but I think that you are aware of how one night stand is.” tumayo ako at kinuwa ang aking kape at belgian waffle. Lalong namula ang lalaki na lumapit sakin, halatang halatang nahihiya sa ginawa niyang pag approach sakin.


Habang naglalakad papuntang opisina ay hindi ko naman mai-alis ang aking isip sa lalaking lumapit sakin sa coffee shop, “iba ang isang to.” sabi ko sa sarili ko. Habang nagiintay sa pagbukas ng pinto ng elevator, napansin kong nagpapapansin ang karamihan sa nakasabay ko sa elevator na yun. Sanay na ako, pero matindi ang rule ko, “No one night stands with the co-workers.” alam ko kasing problema lang yun pagnagkataon.


Paglabas ko pa lang sa elevator ay nakabuntot na sa akin ang aking sekretarya, si Janine di ko man siya lubos na pinapansin, laking pasalamat ko kasi she always keep my schedule organized. She's my walking organizer kung baga.

“Sched?” tanong ko sa kaniya.

“meeting with the new branch manager at 9am, Sir.” sagot nito sakin.

“anything else?” tanong ko ko kay Janine, sabay tingin niya sa paltop niya para sa schedule ko.

“how about papers for signing?” tanong ko ulit sa kaniya, habang tinatahak ang daan papuntang opisina ko.

“yes Sir, you have three portfolios of proposals for reading and signing, Sir.”


“ok, have them ready before 9am.” sabi ko kay Janine.

“oh and one more thing, kindly make a cup of coffee.” utos ko ulit dito, tumingin naman siya sa hawak kong kape at nagtaka.

“its for kuya, Janine. Thanks” sabi ko sabay ngiti.

Di pa man nagiinit ang pwet ko sa silya ay bumukas na ang pinto ng opisina ko with such force na akala mo binuksan ng isang buhawi ang pinto ng opisina ko.


“Ramon Saavedra!” sigaw ng kuya ko, pagpasok ng opisina ko.


“ineexpect ko na dadating ka, though I was expecting that you will knock first before you shout at me kuya.” sagot ko dito sabay ngiti.


“there's a girl in your room! Manang told her some lies! Ineexpect mo pang matuwa ako?! When will you stop this charade, Ram?!” pasigaw paring tanong sakin ng kuya ko, tumayo ako at tumingin sa labas ng bintana, rush hour is on its peak. Nakita kong lumapit sa akin ang kuya at malungkot ang mukha nito, nakikita ko sa one way mirror ng bintana, kung hindi mo kami kilala ay masasabi mong kambal kami, halos dalawang taon lang ang tanda nito sakin, ang pinagkaiba lang clean cut ang kuya at ako ay rugged look.


“how many times have you changed your address? How many times have you changed your phone number? At ngayun na sakin ka nakatira, are you going to drag me with this mess that you are creating?” mahinahong tanong sakin ni kuya, puno ng pagkadismaya ang kaniyang boses.


“nung isang gabi, lalaki ang inuwi mo tapos ngayon babae. Ano bang gusto mong patunayan sa sarili mo Ram? Lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo, hindi ito ang tamang paraan para makakalimot ka. ” sabi ni kuya, malungkot na malungkot na ang mga mata nito. Binasag ang aming paguusap na yun ng katok sa pinto ng opisina ko.


“come in.” sabi ko.


“here are the proposals for signing, Sir.” sabi ni Janine sakin.


“and the conference room is ready for the meeting with the new branch manager, Sir.” sabi ni Janine sabay abot ng kape kay kuya.


“Thanks Janine.” bulalas ko.


“We should get ready for the meeting.” iwas tingin na sabi sakin ni kuya. Napabuntong hininga ulit ako. Pumunta na kami sa conference room at bumati ng good morning sa iba pang branch manager na dumalo sa meeting na iyon.


“Finally, my two beloved children has arrived.” sabi ng tatay namin sabay yakap samin pareho ni kuya. Si Don Emilio Saavedra, ang President CEO ng Saavedra group of comapanies, ang masayahing si Don Emilio, sa sobrang masayahin animo'y wala ng problema, ang ugali ng aming ama na lubos naming kinaiinisan ni kuya.


“Now, we can start with the meeting.” sabi ng tatay ko, napagusapan ang iba't ibang progress ng kumpanya, I was staring at different bar graphs and stupid charts for half an hour nang bigla kong naramdaman na may nakatitig sakin, sanay na ako sa pakiramdam na iyon, baka kako si Janine. Nagbukas na lang ako ng laptop at naglog in sa facebook.


“And now, I would like to introduce our new branch manager ng Makati branch. Mr. Adreian Chua.” napatingin ako sa pinakikilalang bagong staff ng kumpanya, napanganga ako ng bahagya at napansing nakatitig siya sakin. Ngumiti ito, katulad ng ngiti niya kaninang umaga sa coffee shop.


Itutuloy...


[02]
Hook
Poppin bottles in the ice, like a blizzard
When we drink we do it right gettin slizzard
Sippin sizzurp in my ride, like Three 6
Now I’m feelin so fly like a G6
Like a G6, Like a G6
Now I’m feelin so fly like a G6


Gimme that Mo-Moet
Gimme that Cry-Crystal
Ladies love my style, at my table gettin wild
Get them bottles poppin, we get that drip and that drop
Now give me 2 more bottles cuz you know it don’t stop


Hell Yeaa
Drink it up, drink-drink it up,
When sober girls around me, they be actin like they drunk
They be actin like they drunk, actin-actin like they drunk
When sober girls around me actin-actin like they drunk



Punong puno ang dance floor, palibhasa ay magtatapos na ang linggo at ang karamihan ay wala ng pasok bukas. Hawak hawak ko ang isang bote ng beer sa aking kanang kamay habang hawak hawak ng kaliwa kong kamay ang bewang ng babaeng kanina ko pa kasayaw. Malakas ang sound system ng bar, kasabay ng kantang ito ang indayog ng katawan ko at ng aking kasayaw. Mausok dahil sa mga sigarilyo kahit pa centralized ang aircon ng bar.



Sippin sizzurp in my ride, like Three 6
Now I’m feelin so fly like a G6
Like a G6, Like a G6
Now I’m feelin so fly like a G6



Kumawala ako sa aking kasayaw at bumulong sa tenga niya. “I'm gonna get us some drinks.” paalam ko sa kaniya, hindi ko pa din alam ang pangalan nito, aktong patalikod na ako ng bigla niya akong hawakan sa braso at pinaharap muli sa kaniya, hinawakan niya ako sa may batok at hinalikan sa labi, nang maghiwalay kami ay kinuwa niya ang aking kamay at sinulat sa palad ko ang kaniyang number. Inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tenga “call me.” sabi nito. Nginitian ko siya at tumalikod na ako papuntang bar.



“Colt 45.” sabi ko sa barista sabay abot ng credit card.



Kinuwa ko ang kaha ng sigarilyo sa aking bulsa at nagsindi ng isang stick, pinagmasdan ko ang sinulat na number ng babaeng kasayaw ko kanina, Brenda pala ang pangalan nito, inabot sakin ng barista ang mamasamasang malamig na bote ng colt 45, ginamit ko ito pambura ng number ni Brenda na nakasulat sa palad ko.



“poor Brenda.” sabi ng lalaki sa tabi ko. di ko napansin na kanina pa pala ako nito pinagmamasdan.



“not your type, eh?” tanong niya ulit sabay ngisi. Umiling lang ako bilang sagot sa tanong niya.



“I'm Rob.” pakilala ng lalaki sa tabi ko na kanina papala ako inuusisa. Di na bago sakin ang mga ganito, kahit asa straight bar man ako may lumalapit sakin na mga bisexual at nagpaparamdam, minsan pa nauuwi yun sa paguwi namin ng sabay. Inabot ko ang kamay niya at nagpakilala rin.



“Ram.” maikli kong sagot.



“So Brenada's not your type?” tanong niya ulit sakin animo'y may gustong malaman.



“I don't usually date GIRLS.” sagot ko na may halong pagapahiwatig sa gusto niyang malaman, nilapit niya ang mukha niya sakin at bumulong.



“that's convenient, I don't usually date GIRLS too.” sabay ngisi nito sakin na nakakaloko. May inabot siya sa kaniyang bulsa at naglabas ng yosi, kinuwa ko ang lighter sa aking bulsa at sinindihan ang kaniyang yosi. Nagpalitan kami ng ngiti, bilang senyales na nagkakaintindihan kami.



Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, sabay ngumiti, parang nagustuhan niya ang nakita niya. Inusisa ko rin ang kaniyang itsura at hindi naman din ako nadismaya “the perfect epitome of tall, dark and handsome.” sabi ko sa sarili ko.


“straight from the office?” tanong niya sakin dahil sa suot ko parin ang suot ko kanina sa opisina.


“yup. Just trying to shake the after office hour syndrome.” sabi ko sabay tawa niya ng malakas. Lumapit ulit siya sakin at bumulong sa tenga ko.


“I can help you with that.” sabi niya sabay ngiti ulit ng nakakaloko, ngiti lang din ang isinagot ko sa kaniya.


I-I-I-I-I-I
I came to dance-dance-dance-dance
I hit the floor cause that's my plans plans plans plans
I'm wearing all my favorite brands brands brands brands
Give me some space for both my hands hands hands hands.
Yeah, yeah.


Cause it goes on and on and on.
And it goes on and on and on.
Yeah.


I throw my hands up in the air sometimes
Saying ay-oh, gotta let go.
I wanna celebrate and live my life
Saying ay-oh, baby let's go.
Cause we gon rock this club
We gon' go all night
We gon' light it up
Like it's dynamite.
Cause I told you once
Now I told you twice
We gon light it up
Like it's dynamite



Ginising ako ng isang malakas na tunog, kung di ako nagkakamali vacuum yon, madilim ang buong kwarto, wala ni isang bintana sa paligid. Tanging ang TV ang nagbibigay ilaw sa kabuuan ng kwarto, pinagpipipindot ko ang mga switch sa may headboard. Bumukas ang ilaw sa ibabaw ng headboard.



“Shit!” bulalas ko sa sarili ko, tinignan ko ulit ang TV, porn ang palabas doon, ngayon alam ko na kung asan kami at bakit wala ni isa manlang na bintana sa buong kwarto. “motel?” tanong ng isip ko. Agad kong inabot ang relos na nakalapag sa may dresser “8am” sabi nito. May humilik sa tabi ko.



“Double Shit!” sabi ko ulit sa sarili ko. Iniangat ko ang kumot na bumabalot sa kahubadan ko. Dahan dahan kong inalis ang nakayakap na kamay ng katabi ko sa aking bewang, di naman ito nagising sa ginawa ko. nagsimula na akong magbihis at lumabas ng kwarto. Palabas na sana ako ng motel ng matandaan kong may dala nga pala akong sasakyan kagabi. Agad akong bumalik sa may reception area at tinanong ang nandoon.


“excuse me, Miss, I don't know if you still remember me. Pero tanong ko na din, napansin mo ba kung nakakotse kam... ako na dumating dito?” tanong ko sa receptionist.


“natatandaan ko nga kayo Sir, kayo yung may kasamang matangkad na lalaki diba?” sabi ng receptionist na gustong gusto kong busalan ang bibig sa pagiging intrimitida. Pinagtitinginan na ako ng mga tao sa lobby at di lang yun, narinig pa nila na lalaki ang kasama kong nag check in kagabi, sabunutan ko na tong receptionist na to eh. “Daldal! Tsk!” sabi ko sa sarili ko


“Oo, ako nga yun. Ano may dala ba akong sasakyan?” naiiirita kong tanong ulit.


“Wala po Sir, naka taxi po kayo kagabi.” sagot nito at lalong nagtaasan ang kilay ng mga nasa paligid.


Agad akong nagmadaling lumabas. Nang makita ko kung asan ako ay inisip ko agad kung pano bumalik sa bar na pinuntahan ko kagabi. Tumawid ako at pumara ng taxi, kamalasmalasan naman lahat ng dumadaang taxi may sakay.


Shots shots shots shots shots shots
shots shots shots shots shots
shots shots shots shots shots
everybody


Nagulat ako sa biglang pagring ng telepono ko, “Edison Saavedra calling” sabi ng telepono ko, sabay display ng picture ni kuya, sinagot ko ito.


“HELLO! Asan ka na?! Kanina pa nagiintay dito si Dad sa may simbahan!” sigaw sakin ni kuya pagkasagot na pagkasagot ko ng call niya.


“on the way na!” sigaw ko kay kuya sabay baba ng telepono. Kaway kaway ulit ako umaasa na may titigil na taxi.


“nice ring tone.” sabi ng isang pamilyar na boses sa likod ko, bigla akong tumalikod nagkauntugan kami ni Adreian, nabitawan niya ang kaniyang mga hawak, naka walking shorts lang si kumag at white fitted shirt, bakat na bakat ang kaniyang magandang katawan, napatingin ako sa pinupulot niya, sapatos pambabae, nagdikit naman ang kilay ko sa pagtataka.



“Drei!” sigaw ng isang babae sa likod niya. Na mukhang galing sa loob ng condo na katapat lamang ng motel na pinanggalingan ko kanina.



“nakapara ka na ba ng taxi?!” humahangos na tanong ng babae. Tumaas naman ang kilay ko sa nakita dahil wala itong sapatos. Tinaas ng babae ang kaniyang kamay at may tumigil na taxi sa tapat niya.


“thanks Drei! I owe you one!” sigaw ng babae sabay kindat at halik sa pisngi niya, sinara ang pinto at nagsimula ng umandar ang taxi. Humarap na ulit ako sa kalsada at nagtaas ng kamay.


“Ram, Wait! Alam ko ang iniisip mo.” nagsisimula ng magpaliwanag si kumag. Pero its too obvious, meron siyang girlfriend. Tinaas ko ulit ang kamay ko at pumara ng taxi, dineadma ko si kumag. Ilang minuto pa at may tumigil na taxi sa tapat ko.


“Wait, Ram, meron ka bang gagawin mamya? Pwede ka bang ayain mag...” naputol ang sasabihin niya ng aktong sasakay na ako sa taxi.



“Wait! Please! Candy and I are not lovers. I'm willing to explain it all over lunch or dinner kung papayag ka, kung papayag kang makipag date sakin?” sabi ni Drei, tinignan ko si kumag, mukhang seryoso.



“bakit ka magpapaliwanag? Anong meron? And are you seriously asking me out on a date while still holding your girlfriends stilletos?” sunod sunod kong tanong. Napatingin naman siya sa hawak hawak niyang sapatos, napakamot si kumag sa ulo.



“Ram, Wait!” sigaw ng isang lalaki na palabas ng motel. Napatingin ako dito at ibinalik ko ang tingin kay Drei, tinignan niya ang lalaki at pagkatapos sinuri nito ang suot ko at malamang napansin niyang lukot lukot ito.



“is that the same shirt you were wearing yesterday at the office?” tanong sakin ni Drei, nagtataka din ito kung bakit ako tinatawag ng lalaking kalalabas lang ng motel at kung bakit gusotgusot din ang damit nito.



“I'm sorry, but I have to go.” sabi ko kay Drei at sumakay na ako ng taxi, nang umaandar na palayo ang taxi tinignan ko ulit ang dalawang lalaking naiwang nakatayo sa may bangketa.



Napahawak ako sa aking dibdib, nakapa ko ang singsing na nagpapaalala sakin. Napapikit ako at napabuntong hininga. “Manong sa LAX po.” sabi ko sa taxi driver.



Pagkadating na pagkadating ko sa LAX agad kong tinanong ang guard kung meron akong naiwang susi doon, tinignan niya akong mabuti at kasama ng isang ID ay inabot niya ang susi ng sasakyan ko.



Pinaharurot ko ang sasakyan pauwi ng bahay, naligo at nagpalit ng damit pangsimba, iniisip ko parin ang nangyari kanina, si Drei at ang mga sinabi niya, inaya niya ako magdate, pero may girlfriend siya habang nakaharap sa salamin ay di ko alam ang iisipin. Tinamaan ng ilaw ang bagay na nakasabit sa aking leeg, nalungkot naman ako sa nakita kong iyon. Ang singsing.



and this one will forever remind me of all the pain, all the things and people I've lost and the greatest mistake that love at its best has to offer.” Narinig ko ang sarili ko na sinasabi ulit ang mga salitang yun. Naalala ko bigla,“Commitment is synonimous to bullshit.”



Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin. “Drei is Migs on a disguise. Sasaktan ka lang din niya.” nasabi ko sa sarili ko. Agad agad akong umalis sa harapan ng salamin at nagbihis tapos nagdrive papuntang simbahan. Saktong pagdating ko sa simbahan ay binabasa na ang first reading.



“What took you so long?” tanong sakin ni kuya.


“traffic.” sagot ko sa kaniya.


“traffic? Sunday ngayon, traffic??” tanong sakin ni kuya.



“SHHHHH” sabay sabay na saway ng mga tao sa paligid namin. Wala kaming nagawa kundi ang ipagpaliban muna ang aming bangayan. Pahikab hikab ako hanggang dumating sa Homily.



“karamihan sa mga bata ngayon engages in pre marital sex, sometimes with multiple partners pa at yung iba na matatanda nakikiapid...” tuloy tuloy na sabi ng pari, lumakas ang tibok ng puso ko, bumilis ang aking paghinga at nagpapawis ang aking palad hanggang matutunan ko ng isara at iisang tabi lahat ng aking naririnig sa sinasabi ng pari. Deadma lang, kunwari di affected. Dumating na ang komunyon, wala sa isip na pumila ako sa likod ng aking kuya.



“Talagang mangumgumunyon ka pa pagkatapos mong iwan yung kawawang lalaki kanina sa motel? At di ka ba tinamaan sa sermon kanina ni father?” sabi ng lalaki sa likod ko na nun ko lang din naman napansin na si Drei lang pala. Inirapan ko lang siya at tuloy tuloy na umalis sa pila.



“di ko alam na dito rin pala kayo nagsisimba Mr. Saavedra.” bati ni mokong kay dad nang makalabas na kami ng simbahan.



“Mr. Chua, nice to see you here. Sa wakas nagkaroon din ako ng branch manager na may takot sa Diyos.” tuloy tuloy na sabi ni Dad. Napahagok naman ako sa sinabi niyang yun. Di ito nakaligtas kay Drei.


“di ka makapaniwala na may takot ako sa Diyos RAM?” bigay diin na sabi ni Drei sa pangalan ko.



“Where's Candy?” tanong ko kay Drei. Namutla si mokong sa tanong kong yun at nawala ang kaniyang nakakalokong ngiti.


“Who's Candy?” tanong sakin ni Dad at kuya.



“Candy is Drei's LIVE IN PARTNER.” bigay diin ko sa mga huling salita. Nagkatinginan naman si kuya at dad, malamang nadismaya sa nalamang sekreto ni Drei.



“Candy is my sister.” sagot ni Drei na namumutla na.



“C'mon Drei, ok lang naman eh, aminin mo na.” sabi ko sabay pakawala ng mapanginis na ngiti. Wala na siyang nagawa at yumuko na lang.



“Dad, halika na, malamang nagiintay ni si Lola sa Tagaytay. See you in the office tomorrow, Drei” aya ko kila Dad at sabi kay Drei, nang makatalikod na si Kuya at Dad humarap ulit ako kay Drei at bumulong.



“dapat pala ikaw ang tinamaan sa sermon kanina ni Father.” sabay ngisi na nakakaloko.



“its your day,ipanalangin mong di dumating ang bukas, dahil bukas, under na ulit kita.” sabi ni Drei habang pulang pula ang mukha sa pagkainis.



“What?” tanong ko kay Drei, nawala na ang ngiti sa mga labi ko.


“see you tomorrow, Ram.” sabi ni Drei at siya na ngayon ang may panginis na ngiti.



Pumunta kaming Tagaytay na lutang na lutang parin ako sa kakaisip kung ano ang ibig sabihin ni Drei sa sinabi niyang yun bago kami maghiwalay.



Itutuloy...


[03]
Nagtayuan na lahat ng tao sa conference room, di ko naman napansin na tapos na pala ang meeting sa araw na yun.



“Pwedeng sa opisina mo na ituloy ang paglalaro ng plants vs. zombies mo, Ram.” sabi sakin ni kuya. Nang mahuli niya ako na pumapatay ng zombie na gamit ang halaman sa laptop ko habang nagmemeeting sa conference room. Agad akong tumayo at nagmamadaling lumabas para makaiwas sa sermon ni kuya at kay Drei na din na mukhang kanina pa ako iniintay na makorner.



“Ramon, hijo, where's the fire?” tanong sakin ni Dad.



“I would like you to come with your kuya in orienting Mr. Chua...” naputol na sabi ni Dad.



“Drei na lang po, Sir.”



“I have plenty of proposals to read and sign...”



“there's plenty of time for signing proposals, hijo. Tour Drei first then sign the papers.” sabi ng tatay ko. Napatingin ako kay kuya at nagkibit balikat lang ito.



“this is the lounge area, if you want a cup of coffee or if you would like to prepare your lunch, you can do it here.” si kuya habang nagtutour. Nasa likod kami ni kuya, habang tuloy tuloy siya sa pagsasalita, naramdaman kong nakatitig sakin si Drei, kaya't tinignan ko siya. He opened his lips and mouthed “BORING.” sabay ngiti ng pagkatamistamis. Di ko namalayan na napatawa ako sa ginawa niyang yun.



“Nice! Very mature of you, Ram.” singhal sakin ni kuya sabay irap. Nahuli pala ako na natawa sa likod niya habang nagtu-tour siya. Napatingin ako kay Drei at pinipigil nito ang kanyang tawa.



“And this will be your office.” pagtatapos ng tour ni kuya, tumalikod na si kuya at nauna nang umalis sa lugar na iyon, nagmamadali siguro na isumbong ako kay Dad. Sa wakas makakahinga na ako ng maluwag. Tatalikod na sana ako at pupunta na ulit sa opisina ko ng tawagin ako ni Drei.



“Mr. Saavedra, in my office please.” mayabang na sabi ni Drei. Humarap ako papuntang opisina niya sabay irap.


“what's with the face?” pangaasar na tanong sakin ni Drei. Nagbigay ako ng plastik na ngiti sa kaniya.


“That's more like it.” sabi ni Drei pagkangiti ko.


“What do you want Mr. Chua?” sarkastiko kong tanong sa kaniya.


“now that your father welcomed me in this company already, and made my promotion official, I just want to clear things up between us.” sabi ni Drei.


“you're the Assistant branch manager right?” tanong ulit sakin ni Drei.


“yes.” matipid kong sagot.


“and I'm the....?” nangiinis na tanong sakin ni Drei.



“What? Forgot the position my father gave you?” sarkastiko kong sagot.



“hindi, gusto ko lang malaman kung aware ka na mas mataas ang position ko sayo, at kung may problema ka sa kung ano man ang ipaguutos ko sayo ay pwede kang mapatawan ng insubordination.” pangaasar nito ulit sakin, napanganga ako sa ibig niyang ipahiwatig, pero agad kong binawi ang aking composure.


“you have your secretary if you want something to be done.” singhal ko sa kaniya.


“the secretary your father gave me is NOT my type.” nangiinis nananamang sabi ni Drei at dahan dahang lumalapit saakin. Malapit na niya akong ma-corner papuntang sofa. Malagkit ang tingin niya sakin, hinawakan niya ang aking mukha at hinaplos haplos ito ng kaniyang mga daliri, patuloy parin ako sa pagatras...



KABBLAAGGGGG!


Di ko napansin ang coffee table, napatumba ako at tuluyan nang nawala ang composure na iniingatan ko. Humahagikgik si kumag sa nangyaring kahihiyan sakin.


“you're not that tough after all.” naiiling na sabi sakin ni Drei at inabot ang aking kamay para tulungan akong makatayo. Inabot ko ito, pero imbis na hayaan ko siyang tulungan ako na makatayo ay hinila ko siya padapa.


“ang lagay eh ako lang ang babagsak?” nangiinis kong tanong sa kaniya. Tumayo ako at inayos ang sarili.


“have anything else to say?” singhal ko kay Drei na nakahiga parin sa sahig at iiling iling at di makapaniwala na naisahan ko siya. Tumalikod na ako at naglakad palayo sa opisina niya.



Lumipas ang umaga na yun na latang lata ako sa kakaisip sa nangyari sa opisina ni Drei, sinong hindi mapapaisip, yun pala ang ibig niyang sabihin dun sa sinabi niya sakin kahapon sa may simbahan, bago kami maghiwalay. Di ko din halos matapos ang aking trabaho, hindi ko maabsorb. Kasabay pa ng pagkagutom ko. aktong pipindutin ko na ang intercom para utusan si Janine na ikuwa ako ng kahit sandwich manlang sa Vendo machine nang tumunog ito.



“Sir, Mr. Chua wants to see you in his office now.” tunog ng intercom na ikinagulat ko.


“bakit daw?” tanong ko sa aking sekretarya.


“di po sinabi eh, importante lang daw po.” agad agad akong pumunta sa opisina ni Drei, pagpasok ko wala siya doon. Nakaayos na ang kanyang opisina. Madaming libro about business and mga latest trends sa world market. May isang picture frame na kasama sa halera ng mga libro na maayos na nakasalansan, nilapitan ko ito, isang magandang babae ang kasama niya sa litrato na iyo, hindi ito si Candy na siyang nakita ko sa labas ng condo kahapon, mas maganda ang babaeng ito. Uusisain ko pa sana ang litrato ng biglang bumukas ang pinto.



“good. you're here.” nakangiting sabi ni Drei.


“what do you want?” singhal ko sa kaniya.


“tsk.tsk.tsk. Where's your work ethiquette, Mr. Saavedra?” pangaasar na tanong sakin ni Drei.


“what do you want, SIR?” pasarkastiko kong tanong.


“Nah, I just want to eat lunch with you.” nakangiting sabi nito. Antagal bago ko naabsorb ang sinabi niyang yun, I actually considered on walking out on him, pero nakita ko ang plastic na dala dala niya.


“this is not much, pero this is the best tuna sandwich I ever tasted. And I want to share it with you.” napatingin ako sa dala dala niyang plastic. Ito yung mga tipo ng pagkain na tinitinda sa tabitabi.



“I brought my own lunch, thanks for the offer though.” pagtanggi ko sa offer niya. Aktong patayo na ako sa upuan ng biglang kumalam ang sikmura ko.


“I wonder, if you brought your own lunch, bakit di mo pa siya kinakain ngayong magaalas dos na ng hapon?” sabi ni Drei sabay abot ng intercom.



“I'm busy. Sinong tatawagan mo?!” sabi ko sa kaniya nang makita kong pinulot niya ang intercom at nagdial.



“tsss! Busy! Hello Janine? This is Mr. Chua, if you can be a darling and fetch Mr. Saavedra's lunch in his office.” sabi ni Drei na gamit gamit ang intercom ng opisina.



“Oh I see, HINDI pala nagdadala ng lunch si Mr. Saavedra. Ok thanks, Janine.” pagkababa na pagkababa ng intercom ay ngumiti ito sakin na nangungutya.



“now, you wouldn't want to eat sandwiches from the Vendo, right? Those sandwiches taste like grease. Mas pipiliin mo pa ba yung mga yun kesa sa inaalok kong masarap na masarap na tuna sandwich personally made by Aling Bebang.” sabi ni mokong habang binabalatan ang sandwhich at inaamoy amoy pa ito.



“Cute. But I would rather eat GREASE form the Vendo than eat typhoid from aling Bebang's special sandwich.” sarkastiko kong sagot. Tuluyan na akong tumayo at naglakad palayo.




Dinaanan ko si Janine na nagkukutingting ng sched ko sa table niya, at ng makita ako, nagtataka ito dahil pinandilatan ko siya ng mata. Pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina ko saka ko pinakawala ang inis na nararamdaman ko.



“The nerve!” inis na inis kong sabi sa sarili ko. biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Drei.



“if you don't want to eat it in my office, fine! We will eat it here!” at umupo siya sa sahig ng aking opisina at binalatan ang sandwich na binili niya galing kay aling Bebang.



“bakit mo ba ako kinukulit ha?!” naiinis na tanong ko sa kaniya.



“wala naman, ganti lang dun sa paninira na ginawa mo sakin kahapon sa harap ng tatay at kuya mo.” sagot nito sakin.



“yun lang ba? Fine! Sasabihin ko na hindi totoo yung sinabi ko kahapon. There. Happy?!” sabi ko sa kaniya.



“Chill. Satisfied? Yes. Happy? No! I will only be happy if you come and join me eat this lovely tuna sandwich for lunch. I'm not asking you. I am ordering you to, as the branch manager of this office, I order you to eat this sandwich with me!” nangiinsulto niyang sabi sakin. Napairap naman ako at umupo sa tabi niya at kinagatan ang isa sa mga sandwich na binili niya.


“susunod karin pala eh.” tinitigan ako ni kumag habang nginunguya ko ang tuna sandwich, infairness masarap nga ang gawa ni aling Bebang.



“Alam ba ni Mr. Saavedra ang ginagawa mong pakikipaglaro ng apoy?” natatawang tanong sakin ni Drei.


“syempre hindi.” pairap kong sagot sa kaniya, habang dinidilaan ko ang tumulong palaman mula sa sandwhich sa aking daliri.



“good.” matipid na sabi nito.


“bakit naman naging good?” tanong ko sa kaniya.



“para may hawak akong alas sa pambablackmail sayo.” naramdaman kong nawalan ng kulay ang aking mukha sa sinabi niyang yun. Tumayo siya sabay talikod sakin, kitang kita ang tagumpay sa kaniyang mukha. Di ko na nabawi ang nasirang composure. Naisara ko lang ulit ang aking bibig ng biglang bumalik si kumag at kinuwa ang tissue sa plastic na kanina lang ay kinalalagyan ng sandwich ni aling Bebang.



“there.” sabay abot sakin ng mga tissue na binalikan niya. “you might need that.” bulong niya sakin sabay kindat. Pagkasabing pagkasabi niyang yun biglang kumulo ang tiyan ko, napatakbo na lang ako sa CR sa loob ng opisina ko, bago ko pa man maisara ang pinto ng CR narinig kong tumatawa ng malakas si kumag.



Di ko parin matapos tapos ang tinamaan ng lintik na proposals na asa harapan ko maghapon, pabalik balik parin ako sa CR, nagpabili na ako kay Janine ng gatorade para naman kahit papano ay di ako madehydrate. Pumatak ang alas singko at nakaubos na rin ako ng isang piling ng saging para naman kahit papano ay tumigas tigas ng konti ang aking dumi. Lumabas ako ng opisina at tuloy tuloy na sumakay sa elevator, pasara na sana ang pinto ng elevator ng biglang pigilan ito ni Drei sa pamamagitan ng kaniyang paa.



Walang imikan nung una, may pasipol sipol pa si mokong, tinitignan niya ang aking repleksyon. “bwisit ka! Lintik lang ang walang ganti!” isip isip ko. Nakita niya sigurong naniningkit ang mata ko kaya't humarap siya sakin at dinilaan ako na parang bata. Sa sobrang inis ay itinulak ko siya at iningudngod ang mukha sa pader ng elevator.


“TING!” at bumukas na ang pinto ng elevator at bumulaga sakin ang takang takang itsura ng aking ama at ng aking kuya.


“Ramon?!” takang tawag sakin ni Dad at Kuya. Agad akong umayos at humarap sa aking ama at kuya. Kitang kita ang gulat sa mga mata nila, parang wala akong nakita at narinig mula kay kuya at Dad nang tuloytuloy akong lumabas ng elevator. Agad akong pumasok sa loob ng kotse ko at inuntog ang sarili ko sa manibela.


“Anak ng tipaklong! Araw mo ngayon Drei! Makakaganti din ako sayo!” sigaw ko sa loob ng sasakyan ko. Nang mapakalma ko na ang sarili ko, naisipan kong dumaretso na sa isang club para magtanggal ng stress sa katawan, pinihit ko na ang susi sa ignition ng kotse at inapakan ang clutch para mailagay sa reverse ang kambyo, nagsisimula na akong umatras ng biglang may malakas na pagsabog na nanggaling sa likuran ng sasakyan ko.



“Damn it!” sabi ko sa sarili ko, agad agad akong lumabas ng kotse at tinignan ang likurang bahagi ng aking kotse.



“pu#@%&!” sigaw ko.


“oh anong nangyari?” tanong ni Drei na asa likod ko pala.


“pumutok yung gulong eh.” nagpapanic kong sagot, and then napatingin ako dun sa hawakhawak ni mokong. Ngumiti itong nakakaloko ng mapansin niyang napatingin ako sa hawak hawak niyang swiss knife. Biglang naningkit ang mata ko sa galit, kinalma ko ulit ang sarili ko.



“pwede mo ba akong ihatid Drei?” nanunuyo kong sabi kay Drei. Napansin kong abot tenga ang ngiti ni kumag.



“sure.” mahinahong sagot niya sakin. Tinulungan niya akong itulak ang kotse ko para maiayos ng pagkakapark, tinawag ko ang guard at naghabilin na may pinapunta ako para magayos ng gulong ko.



“Saglit lang Drei ha? May bibilhin lang ako sa 7-11.” paalam ko sa kaniya. Nang makabalik ako ay todo ngiti na si kumag sa loob ng sasakyan niya, sinadya kong dumulas ang hawak kong plastic sa kamay ko, at naglaglagan ang mga contents nito.



“beer?” tanong niya sakin.


“yup, dun tayo sa bahay ko. Pasasalamat lang para sa paghatid mo sakin.” sagot ko sa kaniya. Di nanaman nakaligtas sa mga mata ko ang ngiti ni mokong na abot hanggang tenga niya. “mukhang magiging successful ang plano ko ah.” sabi ko sa sarili ko. Nang asa highway na kami sinadya kong kutingtingin ang laman ulit ng plastic at buksan ang isang lata ng beer. Sakto namang napatingin si Drei sa mga kinukutingting ko at di nakaligtas sa mga mata niya ang isang box ng condom.



“para san yan?” nagaalangang tanong sakin ni kumag.



“pasasalamatan nga kita diba?” saby kindat kay kumag. Nakita kong napalunok si kumag.


Napatahimik na lang si kumag habang ako ay pasipolsipol pa, nasa parte na kami ng highway na ubod ng trapik at ang paggalaw ng mga sasakyan ay talaga naman napakabagal. Sa paminsan minsang pagsulyap ko sa kaniya ay halatang di na mapakali si kumag. Binuksan ko na ang pangatlong lata ng beer na binili ko kanina.


“Ang init naman.” sabay kalas ko sa seat belt at adjust sa switch ng aircon, sinadya ko namang itapon sa bandang pundyo ng pantalon ni kumag ang hawak kong beer.


“oh shit!” bulalas ko sabay kuwa ng panyo ko sa bulsa at punas sa pundyo ni kumag, sinadya ko namang masagi ang ari niya, lalong nanigas si kumag sa pagkakaupo niya, at naramdaman ko ring naninigas na ang kanyang ari.


“alam mo Drei nagagandahan ako sa key chain mo, pwede siyang PAMBUTAS ng gulong no?” sabi ko na ikinagulat niya, sabay dakma ko sa ari niya at sa manibela at kinabig ito pakaliwa, narinig ko ang banggaan ng metal sa metal at pagkiskis ng pintura ng isang kotse sa pintura ng kotse ni Drei. Ikinalat ko ang walang laman na lata ng beer sa kotse ni Ram sabay baba, nang mapansin kong lumabas na ang may ari ng kotse na nabangga ni Drei, daredaretso akong naglakad palayo. Natatawa ako sa ginawa kong kalokohan at alam ko nakaganti na ako kay kumag.



Itutuloy...


[04]
Nagsisimula ng bumagsak ang mga mata ko habang kaharap muli ang mga taong pinatawag ng aking ama para sa isa nanamang meeting, siniko ako ni kuya para magising, nang tignan ko ito ng masamang tingin, napansin kong titig na titig ito sa mga bar graphs at pie chart na naka present sa overhead projector. Gusto ko sanang mapatawa sa itsura niyang yun, pero pinigil ko ito. Biglang bumukas ang pinto, iniluwa nito si Drei na kala mo sinabunutan ng sampung bakla at di natulog ng sampung taon.



“Sorry I'm late.” mahinang sabi nito. Umupo ito sa tapat ko at nagbukas ng laptop, pero bago iyon tinignan niya ako ng masama. Napangiti naman ako sa inasta niyang yun.


Nang matapos ang meeting ay sinadya kong magpahuli para asarin si Drei, halatang wala parin ito sa sarili ngayon, nang iangat niya ang sleeves niya napansin kong may pasa siya sa braso.



“Musta ang gabi?” nangiinsulto kong tanong.



“You mean how was jail?” nakasimangot na balik tanong niya sakin, nagulat naman ako, hindi ko akalain na sa kulungan hahantong ang birong iyon.



“Suffocating. There. Happy?” sarkastikong sabi sakin ni Drei sabay talikod, naguilty naman ako bigla at sinubukan ko siyang habulin, pero mabilis itong naglakad palayo.



Agad akong nagkulong sa opisina ko at nagmukmok. “syet muntik na akong makasira ng buhay ng tao.” isip isip ko, nagiisip ako ng mga bagay na maaari kong gawin upang makabawi kay Drei, umupo ako sa upuan na nakalaan sa likod ng aking desk, di pa man lumalapat ang pwet ko sa upuan ay sandamakmak na sakit ang naramdaman ko sa aking pangupo at napahiyaw sa hapdi. Tumayo ako at mabilis na naglakad papuntang opisina ni Drei.


Naabutan ko itong nakikipagusap sa telepono at inaayos ang buhok, mukha na siya ngayong nakabawi sa sabunot at puyat, pero hindi nagbabago ang motibo ko sa kaniya gusto ko siyang patayin sa paglagay ng sandamakmak na thumbtacks sa upuan ko sa opisina. Ibinaba ni kumag ang talepono at tumingin sakin, sabay pakawala ng ngiting nakakaloko.



“I learned that in elementary.” sabay ngiting nakakaloko, sinugod ko siya sa may lamesa niya at hinawakan ko siya sa may leeg at sinakal siya at inalog alog.



“papatayin kitang lintik ka!!” sigaw ko sa kaniya, bigla niyang kinabig ang kamay ko at tinulak ako sabay pilipit sa kaliwang kamay ko at tulak sa pader.




“ikaw ang nauna!” siagaw nito sakin. Umikot ako at nang makita ko ang pagkakataon hinead bang ko siya pero mali ang ginawa kong yun dahil nahilo din ako, pero napahiga siya sa sahig dahil sa sakit ng ulo, agad naman akong naglakad palabas ng opisina niya nabuksan ko na ang pinto ng maramdaman kong may humawak sa kaliwang paa ko, napadapa naman ako sa hall malapit sa lamesa ng sekretarya ni Drei. Isang malakas na kalabog ang narinig sa buong floor ng opisina na yun.




“Argggggghhhhhhhh!!” pareho naming sigaw ni Drei tumihaya ako at pumaimbabaw sakin si Drei, hinawakan niya ang magkabila kong tenga at inuntog utog ang ulo ko sa carpeted na sahig ng hallway. May naririnig ako na nagbabalak na umawat saming dalawa.



“ayoko na!” sigaw ko at tumigil naman si Drei at napahiga sa sahig sa tabi ko. sinuntok ko siya sa braso kaso sobrang hina na lang dahil sa pagod at hilo na din.



“ikaw naman kasi ang nauna!” sabat ni Drei sabay suntok din sa braso ko.



“kasi naman nilagyan mo ng pampatae yung sandwhich ni Aling Bebang!” suntok ko ulit sa braso niya na medyo napalakas ata.



“siniraan mo kasi ako kay Mr. Saavedra at sa kuya mo.” sumbat niya sabay suntok ulit sa braso ko at medyo lumalakas na ulit ito. Wala parin kaming pakielam sa mga tao sa paligid pero naririnig ko na ang mga bulungan nila at hagikgikan.



“nilagyan mo ng thumtacks yung upuan ko sa opisina!” sigaw ko ulit sa kaniya, sabay suntok.



“Ibinangga mo ang kotse ko!” sigaw niya sabay suntok ulit ng malakas sa braso ko.



“binutas mo gulong ng kotse ko!” sigaw ko ulit sabay ganti ng suntok sa braso niya.



“nakulong ako dahil sayo!” sigaw niya ulit sakin sabay suntok.



“kaninong katangahan yon?!” balik ko sa kaniya, naginit marahil si kumag sa sinabi kong yun at pumaibabaw ulit siya sakin at inilagay ang dalawang kamay sa leeg ko, ganun din naman ang ginawa ko, pareho na kaming di makahinga dahil sa pagsasakalan namin ng biglang may sumigaw sa likod namin.



“Enough!” sabay kaming napatingin ni Drei sa kung sino mang sumigaw na iyon. Pareho paring nakapulupot ang kamay ko sa leeg ni Drei at ang kamay niya sa leeg ko. Panandaliang tumalikod samin si kuya at may kinausap saglit, nakipagkamay ang mga ito kay kuya sabay lakad papuntang elevator na iiling iling pa.



“Mr. Chua! Ramon! In my office! Now!” sigaw ni kuya saming dalawa ni Drei.



“ikaw kasi.” sabi ko kay Drei.



“anong ako?? ikaw kaya!” balik sakin ni kumag.



Pagkapasok na pagkapasok namin ni Drei sa opisina ni kuya ay nagtatatalak na ito, “childish.”, “unprofessional.”, yan ang mga salitang namutawi nung hapon na iyon, naisip pa nga ni kuya na magunder go kami ng seminar about professionalism, at dahil sa antok narin siguro napahikab ako, tumingin naman sakin si Drei at napatawa ng tahimik, napatingin ako sa kaniya at napangiti.



“Kuya! Shut up! Ok. nagkamali kami ni Drei, pwede bang pagbatiin mo na lang kami and get this over with?!” sigaw ko kay kuya nang hindi ko na masikmura ang pagsesermon niya.



“Fine! Pero makakarating ito kay Dad!” sabi ni kuya sabay dismiss samin. Halatang halata na malalim ang iniisip ni Drei nang palabas kami ng opisina ni kuya, parang aligaga din si mokong, siguro hindi na rin niya natiis at nagtanong na ito sakin.



“Ahmmm.... Ram? P-Pano magalit si Mr. Saavedra?” nagaalangang tanong niya sakin, di ko naman mapigilang mapahagalpak sa tawa.



“You're actually afraid of Dad?” balik tanong ko sa kaniya. Nangingiti na rin si Drei.



“No, I'm actually afraid of getting fired.” mangitingiting sagot ni Drei.



“trust me when I say that Dad doesn't have the balls to fire somebody. Si kuya pwede pa, pero si Dad? Sus, tatawanan ka lang nun.” paniniguro ko kay Drei, nginitian lang ako ni kumag.



“WHAT THE HELL ARE YOU TWO THINKING?! Do you really have to fight while future business partners are here?!” sigaw ng tatay ko samin ni Drei.



“Dad, di naman namin alam na andito yung mga...”



“so you and Mr. Chua decided to kill each other?! Palibhasa di nyo alam na may ibang tao dito sa opisina?!” pagpuputol sakin ni Dad.



“hindi ko na aalamin pa kung ano man ang pinagawayan niyo, but please kapag naisipan niyong magpatayan ulit do it outside the office. You may go now.” pagdidismiss samin ni Dad.



“I thought hindi makabasag pinggan ang Dad mo?” nangingiting tanong sakin ni Drei nang makita niya ang pamumutla ko.



“first time ko siyang makitang ganyan, maybe dahil dun sa nakita tayo ng mga future business partners niya na nagaaway ang sobrang ikinagalit niya.” sagot ko sa kaniya na hindi parin makapaniwala na nagalit sakin ang tatay ko.


“gusto mong magkape?” aya niya sakin, sabay pacute na ngiti. Tinignan ko naman siya, marahil nakita niya na hindi parin ako mapakali sa nangyari sa opisina ni Dad.


“peace offering.” pahabol niyang sabi.



“I'm sorry but I just had coffee, baka magpalpitate na ako.” pagkasabi ko nito ay biglang nalungkot si kumag.



“but I have a better idea.” pahabol ko at bumalik bigla ang ngiti sa mukha ni mokong.


Habang naglalakad kami palabas ng opisina, hindi ko mapigilang mapatingin kay Drei, para siyang bata na binigyan ng kendi, nakangiti, parang walang muwang sa mundo at parang walang problema. Dagdagan pa ng bukol sa noo niya na marahil sanhi ng pag head bang ko sa kaniya.



“may dumi ba ako sa mukha?” tanong niya na bumasag sa pagkakatitig ko sa kaniya.


“ah.. eh.. wala naman.” naramdaman kong pumunta lahat ng dugo ko sa pisngi ko.


“malayo pa ba?” pahabol tanong ko kay mokong at bawi bigla sa pagkakahuli niya sa pagtitig ko sa kaniya.



“malapit na.” sagot ni Drei. Bigla akong napatigil sa paglalakad.



“what? Akala ko gusto mong kumain dito?” takang tanong ni Drei sakin sa bigla kong pagkaparalisa. Napatingin ulit ako sa restaurant sa tapat ng kinatatayuan ko.



“akala ko gusto mo ng Aling Bebang's special tuna sandwich?” takang tanong ulit sakin ni Drei, at ng hindi ako sumagot ay hinila niya ako.




“dito mo ba talaga binili yung tuna sandwich?” sabi ko habang palinga linga sa paligid. Ang akala kong mumurahing tuna sandwich na punong puno ng typhoid at nabibili lamang sa bangketa ay sa isang mamahaling restaurant pala nabili.



“Oo naman, mahirap kasi sayo, hinusgahan mo na agad, di mo pa alam kung san galing, hindi mo pa alam kung magkano at kung ano ang lasa hinusgahan mo na agad.” nangingiti nitong sabi sakin. Natememe naman ako sa sinabi niyang yun, alam kong may iba pa siyang ibig sabihin dun.



“oh? Natahimik ka diyan?” takang tanong nito sakin pagkatapos sabihin sa waitress ang aming order.



“wala naman may naisip lang.”



“alam mo bang nasaktan ako sa sinabi mo nung nakita kita sa starbucks nung isang araw?” matipid at nahihiyang sabi sakin ni Drei. Natahimik ako lalo at hindi matignan si Drei.



“I was not going to ask you to sleep with me again or ask you why you bailed on me that morning after we had... Gusto ko lang talagang makipagkaibigan. That's all.” nakayukong sabi ni Drei, di ko alam kung gusto kong magpakain sa lupa o malason sa iniinom kong tubig.



“I'm sorry.” matipid kong sagot habang nakikipag titigan sa hawak kong baso.



“nah wla na yun. But if you want to talk about the reason behind it, makikinig ako, pero kung ayaw mo namang i-share, ok lang sakin. Basta if you feel like venting out, andito lang ako.” sabi ni mokong. Nginitian ko lang siya.



All that bullshit's for the birds
You aint nothin but a vulture
Always hopin for the worst
Waiting for me to fuck up 
You’ll regret the day when I find another girl, yeah
Who knows just what I need, she knows just what I mean
When I tell her keep it drama free
Ohohohohohohohoh… (Chuckin up them(deuces)
I told you that im leaving (deuces)
I know you mad but so what?
I wish you best of luck
And now im finna throw them deuces up




Don't know what to feel, wala ako sa mood makipagsayaw ngayon, dito lang ako sa may bar drinking my liver off, masyadong maraming nangyari ngayong araw na ito at alam kong dapat akong magtanggal ng stress kundi mababaliw na ako. Madami ang nagaaya sakin makipagsayaw, makipag usap at makipag-do pero wala talaga ako sa mood.



I was not going to ask you to sleep with me again or ask you why you bailed on me that morning after we had... Gusto ko lang talagang makipagkaibigan. That's all.” Parang sirang plaka na paulit ulit na tumutugtog sa aking isipan.



“masyado na ba ako naging masama and even the purest of intentions like ang pakikipagkaibigan ay pinaghihinalaan ko narin na maaring makasakit sakin?” sabi ko sa sarili ko, sabay tungga ng soda-vodka na kanina ko pa pinapaikot ang baso sa palad ko.



Im on some new shit
Im chuckin my deuces up to her
Im moving on to something better, better, better
No more tryin to make it work
You made me wanna say bye bye, say bye bye, say bye bye to her


Uh, Use to be valentines
Together all the time
Thought it was true love, but you know women lie
Its like I sent my love with a text two times
Call cause I care but I aint get no reply
Tryna see eye to eye but its like we both blind
Fuck it lets hit the club, i rarely sip but pour me some
Cause when its all said and done,
I aint gon be the one that she can always run to
I hate liars, fuck love Im tired of tryin
My heart big but it beat quiet
I don’t never feel like we vibin
Cause every time we alone its a awkward silence
So leave your keys on the kitchen counter
And gimme back that ruby ring with the big diamond
Shit is over, whatchu trippin for?
I don’t wanna have to let you go
But baby I think its better if I let you know



Akto nanamang nilulunod ko ang sarili ko sa mga inumin ng may umupong lalaki sa bakanteng stool sa tabi ko.



“nice hair.” sabi nito sa tabi ko, kilalang kilala ko ang boses na yun, kilalang kilala siya ng buong pagkatao ko, kilalang kilala siya ng puso ko.



“Thanks.” sarkastiko kong sabi sa kaniya, nasa tabi ko ngayon ang taong naging dahilan ng pagiging miserable ko ang taong may kasalanankung bakit pati ang simpleng pakikipagkaibigan ay pinaghihinalaan ko.. Tinignan ko siya at nakatitig lang ito sa inorder niyang inumin.



“Sorry.” matipid niyang sagot.



“nah, you're just being honest.” plastik kong sagot sa kaniya.


“pero bakit nagkakaganiyan ka Ram?” malungkot na tumingin sakin si Migs. Matagal akong natahimik.



“Is this because of what I did? Please tell me. Hindi ko kayang nakikita kang ganyan dahil lang sa pagkakamali...”



“not everything is about you Migs, not anymore. And yes all of this is because you broke my heart. There. I said it. Now, what are you going to do about it?” tinignan ko siya, nanginginig na ang kamay ko sa sobrang galit at ang malala pa parang naging sariwa lahat ng sugat na iniwan sakin ni Migs. Napansin kong nangingilid na ang luha ni Migs, napansin ko ring papalapit na sa kinauupuan namin si Ed.


“Boss, dalawang rhum coke.” tawag ko sa barista, nang maibigay na ng barista ang drinks ay nagpaalam na ako kay Migs.


“I guess you can't do anything about it.” sabay ngiti kay Migs na may halong sarcasm.


“I'm sorry.” matipid nitong sabi, at tumulo na ang luha niya, agad naman niyang pinahid ang luha niya ng makarating na si Ed sa tabi niya.


“I'm really getting tired of that word.” sabi ko kay Migs.


You know I know how
To make em stop and stare as I zone out
The club can't even handle me right now
Watchin you watchin me I go all out
The club can't even handle me right now
The club can't even handle me right now



Agad akong lumapit sa isang grupo ng mga babae na kanina pa nakatingin sa akin at nagbubulungan pa. Nang makarating ako sa tapat ng mesa nila ay kanya kanyang nagpacute ang mga ito. Binigay ang inorder kong isa pang rhum coke sa pinakamaganda sa grupo nila.


Itutuloy...


[05]
Shots shots shots shots shots shots
shots shots shots shots shots
shots shots shots shots shots
everybody


Umalingawngaw ang tunog ng aking telepono sa loob ng aking kwarto. “shit naman! Ang aga aga!” isip isip ko at habang kinakapa ang buong kama ko ng nakapikit.



“Hello!” nakapikit ko paring sagot sa telepono ko.



“Aba Ramon! Alas otso na! Asan ka na ba?! The meeting is going to start in an hour!” sunod sunod na sigaw sakin ni kuya. Inimulat ko na ang mga mata ko at tinignan ang bedside table ko at sinipat ang orasan na nakapatong dito.



“Anak ng tipaklong! Sige kuya I'll be there in...” di ko pa naman na tapos ang sasabihin ko ay binabaan na ako ni kuya ng telepono. Nagmadali na ako sa pagligo, pagbihis at pagaayos sa sarili.



“Ram, di ka na ba magaagahan?” sigaw sakin ng aming kasambahay.



“next time manang, late na ako!” sigaw ko dito habang patakbong pumunta sa garahe, sa likod ko ay narinig kong nagmamadali narin si manang para sa pagbukas ng kotse ko. pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng kotse ko ay initsa ko na lahat ng folders ng reports at signed proposals. Pagkaupong pagkaupo ko sa drivers seat ay pinihit ko na ang susi sa ignition at sandaling pinainit ang makina sabay sukbit ng bluetooth earpiece sabay pindot sa telepono ko para tawagan si Janine.



“Janine, I'm running a bit late...”



“how late Sir?” kinakabahang tanong sakin ni Janine, marahil kinakabahan siya na pumalpak ako sa pagpresent ng pinaghirapan NAMIN na monthly report at proposals.


“About half an hour late...”



“but Sir...” mangiyakngiyak na pagputol ni Janine sakin.



“Will you let me finish first?!”



“I'm sorry Sir.”



“Now, I want you to stay calm. And if you're already calm and your brain is already functioning properly, go to my office, open my laptop then search for the file for todays presentation, set up the conference room and i'll be there in a bit. Don't worry, I got this.” paninigurado ko kay Janine.



“Ok, Sir.”


5minutes after nine na ako dumating sa conference room at laking tuwa ko ng nagawan ng paraan ni Janine na ma-cover up ang aking pagiging late, nagsingit siya ng opening credits sa presentatin ko which shows a short clip about different proposals na pinasa ng mga tao ko at ang ilan na inaprobahan ko.



“Thank me later.” bulong sakin ni Janine ng matapos na ang short clip.



“Good morning every one.” napatingin ako kay Drei at magiliw akong nginitian nito at kumaway pa nga si mokong. “parang bata talaga ang kumag.” isipisip ko, napangiti ako at napatingin kay kuya, hindi naman nakaligtas ang panandaliang pagkatuwa ko kay Drei sa mga mata nito, agad itong nagtaas ng kilay at tumingin kay Drei at sakin ulit.



“As you have seen...” panimula ko. Nang matapos na ang aking presentation agad namang nagpalakpakan ang buong conference room, tanda nang pagiging successful nito. Agad akong naglakad palayo ng podium at umupo sa bakanteng silya sa tabi ni kuya. Uminom ng malamig na tubig at nagbuntong hininga.



“That was quite impressive for a tardy assisstant branch manager.” mangitingiting sabi sakin ni kuya, sinuklian ko lang siya ng isang pilit na ngiti at nagbukas na ng laptop at nag log-in sa facebook. Tumingin ako kay Janine at naka thumbs up ito, nginitian ko lang din ito. Nang maboryo na ako sa susunod na nagrereport na taga ibang branch nagsimula ng bumagsak ang aking mga mata at inaantok na ako, bigtime! Siniko ako ni kuya at napadilat ulit. Pinindot ko ang tab ng aking laptop para maalis ito sa hybernation. Nakita kong may nag private message pala sa akin sa FB.



“your tie is crooked.” tinignan ko kung kanino ito galing at laking gulat ko na galing ito kay Drei. Agad ko namang nakita na may nadagdag nanaman sa daandaang pending friend request ko, nang I click ko ang icon para dito ay lumabas ang pangalan na Adreian Chua. Napatingin ako kay kumag at nangingiti ako ng makita ko itong parang si kuya na titig na titig sa projector, pinagisipan ko kung i-aaccept ko ang invite niya o hindi. Ilang minuto ring nagpabalikbalik ang cursor mula sa accept button at home button tapos sa pending friend request ulit. Napatingin ulit ako kay kumag at nakita kong may kinakalikot ito sa laptop. Napagpasyahan kong i-accept na si mokong. Nagulat ako ng biglang may nag pop up na window. Si Drei sa Fb chat.



-drei-: bored?


Me: who's this? :-)

Alam ko naman na si Drei nga yung ka chat ko, gusto ko lang talaga siyang kulitin.


-Drei-: Mr. Adreian Chua, Branch Manager, Saavedra Group of Companies, Makati Branch.


Pinipigilan ko paring mapangiti kasi baka mapansin ni kuya, tumingin ulit ako sa dulo ng table at nakita parin si Drei na nakatingin sa overhead projector, nagdikit ang kilay ko, sinulyapan niya ako ngumiti tapos kumindat sabay tingin ulit sa overhead projector. Napangiti ako.


Me: pano naman naging Drei?
Ano ba ang pronunciation ng buong pangalan mo?
LOL!

Alam ko naman ang pronunciation ng pangalan niya, inaasar ko lang ang kumag.


-Drei-: A-drei-yan
hahahahaha
Waaaaaaaaaa!




Me: totoo?! Hahahahaha
ay sorry
pero
bwahahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahaha


Tumingin ako sa kinauupuan niya. Tumingin ito sa screen ng laptop niya at kumunot ang noo.


-Drei-: waaaaaaaaaaaa

9:45am
Drei is offline
9:46am
Drei is online

Me: napikon??? nag offline??? hahahahahaha!


-Drei-: hindi ah, panget lang talaga connection ng office.


Me: ahhhh... tuloy natin.
Ganito ba?
A-drey-an?
Ganyan? LOL!


-Drei-: hindi nga! :-P
ganito...
Ey-drei-yan
amp!
Amp!
LOL!


Napatingin ako ulit sa kaniya at napakamot na siya sa ulo, frustrated na frustrated na si kumag, di ko na napigilan ang sarili ko at napatawa na ako. Napatingin ako kay kuya at ang sama na ng tingin nito sakin. Nginitian ko siya at batok lang ang sagot niya sakin. Isinara ko na ang aking laptop dahil sa pinandidilatan na ako ni kuya ng mata. Napatingin uli ako kay Drei at dinidilaan niya ako, malamang nakita niya ang pasimpleng pagbatok sakin ni kuya.



“Sir.” tawag sakin ni Janine mula sa likod ko sabay abot ng isang supot na alam na alam ko kung saan galing at kung ano ang laman noon.



“breakfast. ^_^v ” sabi ng note na nasa loob ng plastik. Napatingin naman si kuya sa note at nagtaas nanaman ng kilay sabay tanggal ng salamin niya at punas sa neck tie nito.


Nang matapos na ang meeting, nagsimula nang magtayuan ang mga tao sa conference room at magdiscuss ng kanikanilang mga opinyon, may ibang nagkakamayan at nagbibigayan ng mga kanya kanyang calling card.



“you've made quite an impression there.” sabi ni Drei sa tabi ko na masuyo ding pinapanood ang mga tao sa silid.



“Thanks.” matipid kong sagot. Napansin kong unti unti nang naglalabasan ang mga tao sa conference room.



“your tie is still crooked.” pagkasabi niya nito ay hinawakan niya ang aking necktie at inayos ito mula sa buhol. Napatingin ako sa mga mata niya at ganun din siya, sandali kaming natigilan pareho.



“ahem! Excuse me, but I have to talk to you, Ram. In private.” sabay tango ni kuya kay Drei. Nakuha naman ni Drei kung ano ang gustong iparating ni kuya sa kaniya. Pagkalabas na pagkalabas nito ng pinto ay isinara niya ito.



“what?!” tanong ko kay kuya ng bigyan niya ako ng isang malisyosong tingin.



“gusto kitang balaan sa kung ano mang yang namamagitan sainyo ni Drei.” panimula ni kuya.



“ay. Paranoid much?” pagbibiro ko.



“I wouldn't want another Miguel Salvador on a disguise ruining your life, Ramon.” depensa ni kuya.



“Relax, OA mo naman kuya. He's just fixing my tie, that's all. ” sagot ko sa kaniya.



“fixing your tie while staring at your eyes. It doesn't look anything like fixing a tie scene, it was more of a pre- kissing scene to me.” sabi ni kuya.



“haha! You're joking right?”



“no I'm not.” sabi ni kuya sabay talikod at labas ng conference room.


Naguguluhan ako habang pabalik ng aking opisina. “bakit kailangan sabihin ni kuya yon? Anong ibig niyang sabihin na kilalanin ko muna si Drei?” tanong ko sa sarili ko. Kargakarga ko ang isang damakmak na proposed designs at illustration boards na ginamit ko kanina sa presentation. “Anak ng tipaklong! Asan na ba yang lintik na si Janine!” sigaw ng utak ko. pagkababangpagkababa ko ng mga dala ko sa table ni Janine ay bumulaga sakin ang mukha ni Drei.



“lunch?” tanong niya sakin.



“nah, madami pa akong gagawin eh.” sagot ko naman.



“tulungan kita.” alok ni Drei sakin.



“may trabaho ka naman diba? Edi yun ang asikasuhin mo.”



“sungit naman nito!” sagot ni Drei sabay talikod, naguilty naman ako sa pagtataboy sa kaniya.



“Wait.” sigaw ko sa kaniya.



“alam kong magbabago ang isip mo.” sabay harap niya sakin at ngumiti ng nakakaloko. Bumalik siya sa kinatatayuan ko at inakbayan ako papunta sa may elevator. Agad kong kinalas ang pagkakaakbay ni mokong sakin, baka kung ano nanaman kasi ang isipin ni kuya pag nakita niya kami.



“Sasakyan mo yan?!” napasigaw ako sa nakita kong motor na tumigil sa harap ko limang minuto ng iwan ako ni Drei at nagpaalam na kukuwanin niya raw saglit ang sasakyan niya.



“sa kapatid ko.” sabay ngiti ni mokong. Lumapit ako at hinimas himas ang salitang Ducati sa gilid ng motor, kulay pula ito.



“hey look, it matches your crooked tie.” sabi ni mokong sabay tingin ko sa necktie ko at napangiti.



“you can drive it if you want.” alok sakin ni mokong na ikinagulat ko.



“really?” pakunwaring may pagaaalangan na tanong ko pero ang totoo excited na excited na ako sabay tupi ng light pink long sleeves ko papuntang siko para mas malaya ang paggalaw ng mga kamay ko sa manibela ng motor.



“heres your helmet.” abot niya sakin nito, pati ang helmet ay pamatay sa itsura.



“nice!” excited kong sabi.



“I didn't know you're a fanatic of nice motorcycles.”



“nah. I just love everything that can travel upto 200 miles per hour or more.” paliwanag ko sa kaniya. Kinuwa ko ang inaabot niyang helmet at sinuot ito sabay paandar ng motor, naramdaman ko na umangkas si Drei sa likod ko at kinatok ang helmet na suot suot ko.



“be careful. Kung hindi man tayo maaksidente, malamang papatayin ako ng kapatid ko kapag ginasgasan mo ito.”



“trust me.” matipid kong sabi.



“the last time I did, I ended up sleeping on a jail cell.” sabi ni mokong sabay tapik sa balikat ko.



“kapit ka.” sabi ko, hindi ko pa man nararamdaman ang kapit niya sa balikat ko ay pinaharurot ko na ang motor.



Tawa ng tawa si mokong pagtigil namin sa harapan ng Manila Ocean Park, hinubad ko ang mabigat na astiging helmet sabay tingin sa kaniya, nakakalokong tumawa si mokong, parang bata na hawak hawak pa ang tiyan.



“anong nakakatawa?” takang tanong ko sa kaniya.



“mabagal ka palang magdrive?!” sabi ni mokong sabay punas ng luha na resulta ng kaniyang katatawa. Tinignan ko ang orasan ko.



“it took us only 30mins.” pagdedepensa ko at napipikon na rin sa pangiinsulto ni mokong.



“with this baby...” sabay tapik niya sa motor. “kung ako yan? 15 minutes andito na tayo kahit galing pa tayong office.” pagmamayabang ni mokong.



“edi ikaw na! Saka natatakot ako na baka mahulog ka.” pagdedepensa ko. Napatigil si mokong sa pangaasar at napatingin sa mata ko, parang tinitignan niya kung nagbibiro ako at parang nasiguro niyang sakin nga naggaling ang mga salitang yun at nasiguro niyang hindi rin ako nagbibiro ay parang kinilig ito na napangiti.



“anong ningingiti ngiti mo dyan?!” takang tanong ko.



“wala nagugutom na kasi ako.” sabi ni mokong at parang bata na niya akong hinila papunta malapit sa Manila Ocean Park.


“may makakain ba tayo sa loob nyan?” at umiling lang siya sa tanong kong yun.


“di naman tayo dyan kakain eh...” mangitingiting sabi ni mokong.



Itutuloy...

No comments:

Post a Comment