Tuesday, January 8, 2013

Breakeven: Book 02 (06-Finale)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com



[06]
Hindi ako magkamayaw sa paghilot ng aking kaliwang kamay, masyado kasing naparahas ang paghila doon ni Ram kanina. Dinala ako nito sa conference room at, nakakunot ang noo nito at nakatitig lang sa aking mukha.




“Sabi mo, ipakilala ko siya dito sa mga katrabaho natin?” takang tanong ko dito.



“Yes, pero di ko sinabing makipaghalikan ka sa harap ng buong kumpanya!” sigaw nito.



“Chill! Pinapakita lang ni Kev ang pagmamahal niya sakin, that's all.” sabi ko dito.



“Pagmamahal? It's more of nagpapakita ng pagiging perve!” sigaw nanaman nito.



“Alam mo, di kita maintindihan, diba ito ang gusto mo? Finally may nagkagusto sakin, finally may nagmamahal sakin, finally gusto ng friends natin si Kev para sakin, ano ngayong problema dun?” sunod sunod kong sabi dito.



Tahimik.



“Lalabas na ako, baka hinahanap na ako ni Sir Edison.” paalam ko dito.



“Gusto ba siya ng barkada?” tanong nito sakin bago pa man ako makalabas ng pinto.



“Oo.” matipid kong sagot at narinig ko itong nagbuntong hininga bago ko pa man saran ang pinto sa aking likod.




0000ooo0000



“Di ka ba nahihilo? Drink your meds.” sabi sakin ni Kevin sa text habang nasa meeting, di ko mapigilang mapangiti.



“Kakaririn na ata ni mokong ito.” sabi ko sa sarili ko.



Ngayong kasama ko si Keving sa pagpapanggap na ito ay di ko napigilan ang sabihin sa sarili ko na masaya ako na andyan siya pero naalala ko ulit ang sinabi niya.



Aalis ako, once nakuwa mo na ang gusto mo. Ang gusto mo lang naman ang pagselosin si Ram diba? Gusto mo lang naman na sabihin sayo ni Ram na tama na kasi nagseselos na siya o kaya tama na dahil babalikan ka na niya at tama na ikaw na ang nanalo.”



Masaya ako pag andyan siya kasi nararamdamn kong may nagaalaga ulit sakin, pero si Ram parin ang mahal ko at sa kaniya ko ulit gustong maramdaman ang pagaalaga, sa kaniya ko ulit gustong mabasa ang mga ganitong text, sa kaniya ko ulit gustong makita ang pagaalala kapag di ako kumain.



“Ang tanong gusto ba niya?” tudyo ng utak ko. Napailing ako.



0000ooo0000



“Andito na ako sa lobby.” sabi sa text mula kay Kevin, nagulat naman ako.



“Bakit ka andiyan?” tanong ko dito.



“Susunduin kita.”


Di ko alam pero parang na excite ako na makikita ko ulit si Kevin pagkatapos ng isang buong araw na wala akong inatupag kundi ang makipagmeeting.




“Anong gusto mo for dinner?” tanong ulit nito sa text.



“Ikaw na ang bahala.” sabi ko dito.



“Sige sige sige.” sagot ulit nito, napangiti ako.




Masaya ako at hindi lang isang salita ang mga nababasa ko ngayon sa text, hindi lang “K.” at hindi lang “Can't.” masaya ako at may makakasabay na ulit ako sa pagkain at may nagtatanong na ulit sakin kung anong gusto ko for dinner. Pero hanggang kailan to? Pano kung magsawa na si Kevin dahil kahit anong gawin namin ay di naman na namin mapagseselos si Ram.



0000ooo0000



“Iiwan niya kaya ako?” tanong ko sa sarili ko. Habang iniintay ang elevator na makarating sa lobby.



Parang tumigil ang mundo ko nang bumukas ang pinto ng elevator at makitang nandun si Kevin, naka board shorts lang at simpleng t-shirt at flipflops pero napakagwapo nito sa aking paningin.



“Gwapong nerd.” bulong ko ulit sa sarili ko.



Tinitigan ko ulit ito habang abala ito sa pagpipindot sa kaniyang telepono, nakakunot noo pa nga ito.



“Naglalaro nanaman siguro ng space monkey.” sabi ko sa sarili ko.



Nagangat ito ng tingin at nang makita ako nito ay biglang lumiwanag ang mukha nito. Sinalubong ako nito at kinuwa ang aking mga gamit. Di ko alam kung ano ang sumayad sa kokote ko at inabot ko ang batok nito at hinalikan siya sa labi.




“Oh, para saan yun? Wala naman si Ram sa paligid ah?” tanong nito sakin nang maghiwalay ang aming mga labi, namula naman ako.



“Para saan nga ba yun Drei? Tanong ko sa sarili ko.



“Naku, wag mo akong sanayin ng ganiyan, baka pag tapos na itong kunwari kunwarian natin ay baka hanap hanapin ko yan at agawin na lang kita kay Ram.” sabi nito nang hindi ako makasagot, napangiti naman ako.



Pasipol sipol nanaman ito habang naglalakad kami papunta sa kaniyang kotse, miya mo nanaman ito tumama sa loto.



“San tayo?” tanong nito sakin.



“Kahit saan.” sabi ko dito, bigla naman itong ngumiti na kala mo nakakaloko.



“Sabi mo yan ah.” pagkasabi noon ay bigla nitong ipinasok ang kotse sa isang drive way ng motel.



“Gago ka! Hindi yan ang nasa isip ko!” sigaw ko dito, umatras naman ito at humagikgik, binigyan ko nalang ito ng isang malakas na pagbatok.



0000ooo0000



Naisipan naming kumain sa isang fastfood chain, kasi ang mga laruang binibigay doon kasama ng isang meal ay mga action figures ng mga tauhan sa starwars, tinitignan ni Kev ang laruan habang nakain ng kaniyang spaghetti at ng mapansing nakatingin ako dito ay saka siya ngingiti.




“Ah eh, Drei may sasabihin sana ko sayo.” sabi nito sakin habang nakain ako ng aking fries.



“Oh, ano yun?” tanong ko dito.



“Tungkol sa...”



“Tungkol sa renta? Sabi ko naman sayo ako na ang bahala doon, ikaw na lang ang bahala sa paglilinis at pagluluto, solve na ako don.” sabi ko dito habang nilalantakan ang fries. Iginawi ko sa mukha ni Kev ang aking tingin at napansing namumula ito.



“May nasabi ba akong mali?” tanong ko dito, umiling lang ito.



“O sige kung ayaw mo namang maglinis, maglaba ka na lang o kaya mamalantsa.”



“Di naman yun eh.” sabi niya habang namumula parin ang mukha nito.



“Ha? Eh ano ba?” tanong ko dito.



“Gusto ko sanang tanungin kung para saan yung halik kanina nung asa lobby tayo ng opisina niyo, nung sinundo kita?” tanong nito sakin, ngayon ako naman ang namula.



“W-wala pa-Pasasalamat.” sabi ko dito.



“Ah ganun ba?” tanong ulit nito habang nakatitig sa aking mga mata na kala mo may gustong makita doon.



“Ah eh, Oo, akala ko naman kung ano itatanong mo.” sabi ko dito sabay tawa.



0000ooo0000


Tahimik lang kami habang nakasakay sa sasakyan niya, di na ito nasipol na kala mo katatanggap lang ng 13thmonth pay, nasa daan na lang ang atensyon nito.



“Natahimik ka ata?” tanong ko dito.



“Pagod lang siguro.” sabi nito sakin.



Pumasok na kami sa aming pad ng wala parin itong imik, ni hindi nito pinansin si Joey, agad kong tinawag ang dambuhalang aso at niyakap, umupo na si Kevin sa sofa at binuksan ang TV. Dumaretso ako sa banyo at nagpalit ng damit. Pagkalabas ko ay natutulog na si Kevin sa sofa, ang puwesto nito ay katulad ng puwesto namin kinagabihan, ang kaibahan lang ay si Joey ang nakasandal sa dibdib nito. Nilapitan ko ito, pinagmasdan ang maamong mukha, tinanggal ko ang salamin niya. Inalis ko ang pagkakayakap nito kay Joey. Parang naintindihan naman ni Joey ang aking gustong gawin kaya't tumayo ito at bumalik sa kaniyang higaan.




Tinignan ko kung napansin ni Kevin ang pagalis ni Joey pero nakapikit lang ito at mukhang tulog na tulog na talaga. Di ko alam kung ano nanaman ang sumagi sa isip ko at humiga na ako sa sofa at isinandal ang aking ulo sa dibdib ni Kevin. Ipinikit ko na ang aking mga mata at iniyukyok ang aking sarili sa matipunong dibdib nito. Iniyakap ko ulit ang kamay nito sakin.



Maya maya pa ay naramdaman ko na ang paghigpit ng yakap nito sakin.




0000ooo0000



“Goodmorning!” bati ni kumag sakin habang may hawak hawak na isang tray ng pagkain pang agahan. Nakahiga parin ako sa sofa at kinukumutan ng isang comforter mula sa aking kama.



“Goodmorning.” sabi ko at sinuklian narin ang kaniyang matamis na ngiti.



“Ikaw ah, namimihasa ka nang matulog sa dibdib ko.” sabi nito na ikinahiya ko naman kasi nakita ko ang marka ng natuyong laway sa parte ng kaniyang t-shirt sa bandang dibdib kung saan nakasandal ang ulo ko.



“Sensya na.” sabi ko dito.



“No worries!” sabi nito sabay kumpas ng kamay na nagsasabing wala iyon. Nagtama ang aming mga mata at alam kong namula ako.



“Asan si Joey?” tanong ko dito.



“Ah eh, andun sa kama mo, dun natulog kagabi. Inagawan mo kasi siya ng puwesto eh.” makahulugang sabi ni Kevin na ikinasamid ko naman.



“Ay sorry, sige mamya sa kama ko na ako matutulog.” sabi ko dito, tumingin ito sakin saka kumunot ang noo.



“Ok lang naman sakin eh.” sabi niya.



Nagsimula na itong lumapit sakin, dahan dahang inilalapit ang kaniyang mukha sa aking mukha, nagsimula na akong magpanic.




“Ah eh, baka kasi naiistorbo ko na kayo, baka gusto talaga ni Joey na sa tabi mo matulog, siguro mas maganda dun na kayo pareho sa kama ko, ako na lang dito sa sofa.” sabi ko habang kinukumpas kumpas ang isang tinidor na may nakatusok na bacon.



“Ok nga lang sabi sakin eh.” sabi nito sakin habang halos isang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa, hinawakan na nito ang aking kamay para mapigilan sa pagkumpas ito, pinaandar nito ang likod ng kaniyang palad sa aking pisngi at unti unti nang isinalubong ang aking labi sa kaniyang mga labi.



Nasa ganun kaming ayos ng biglang tumahol si Joey, bigla naman akong napaiktad na siya namang ikinauntog ng mga labi ni Kevin sa aking baba, mayamaya pa ay tumatahol na si Joey sa tapat ng pinto at mayamaya lang ay may kumakatok na dito. Kumunot ang noo ko at tinungo iyon samantalang si Kevin naman ay umiiling habang pinipigilan ang sarili mapangiti.



Patuloy parin sa pagtahol si Joey at ng buksan ko ang pinto ay saka naman ako napamaang.



“Sino yan, Drei?” tanong sakin ni Kevin.



““Bakit ka nandito?”” sabay na tanong ni Ram at Kevin sa isa't isa.



“Dito ako nakatira. Ikaw, bakit ka andito?” sabi ni Kevin kay Ram na ikinagulat naman ng huli, bumawi sa pagkakagulat si Ram at umisod.



“Namamasyal lang kami ni Dalisay, ang dating may bahay ni Drei.” sabi ni Ram at sumulpot naman sa tabi nito si Dalisay.



“Hello everyone!”



Itutuloy...



[07]
Matagal din kaming nagtitigang apat sa may tapat ng pinto, si Ram may ngiting kala mo nagtagumpay siya sa isang labanan, si Dalisay naman ay di magkamayaw sa pagtingin kay Kevin na kala mo kinikilatis ito habang si Kevin naman ay di mapigilan ang mapakamot sa ulo at kinakabahan na parang magpeperform siya sa harap ng isang libong tao. Kumalma lang ito ng hawakan ko ang kamay niya na hindi naman nakaligtas sa dalawa ko pang ex.




“Pasok kayo.” anyaya ko sa dalawa, nauna nang pumasok si Dalisay, habang nakatalikod ito ay binigyan ko ng masamang tingin si Ram at hinila ito sa hallway.




“Anong pinaplano mo?!” singhal ko dito.




“Sabi ko nga sayo diba, kailangan makilala niya si Dalisay at dapat aprubado siya ni Dalisay.” sabi ni Ram sabay pasok ulit sa pad ko. Bagsak balikat kong sinundan ito.




“Kevin Miranda.” pakilala ni Kevin sabay abot ng kamay kay Dalisay.




“I'm Dalisay Diaz, the ex-wife.” pero di inabot ni Dalisay ang inaabot na kamay ni Kevin sa halip ay niyakap nito ang huli. Niyakap ng mahigpit.




“Whoah! Getting too comfy huh.” sabat ni Ram. Humiwalay naman si Dalisay kay Kevin.




“I'm sure You're hungry, kagagaling mo lang ata ng Marinduque, right? Teka I'll fix you something.” tanong ni Kevin kay Dalisay.




“I'm actually starving.” sabi ni Dalisay na gulat na gulat sa alok na yun ni Kevin. Kinindatan ako nito. Saka sumunod kay Kevin sa kusina. Tinignan ko ng masama si Ram at umiling.




“So pano kayo nagkakilala nitong kumag nato?” tanong ni Dalisay sabay turo sakin, napangiti naman si Kevin.




“Nakita ko siyang nakaupo sa isang bench sa may park...”




“Sa may park ng isang mall.” singit ko para di mapansin ni Ram ang di pagkakapareho ng kwento namin.




“...Park ng isang mall na malapit lang sa dati kong tinitirhan...” pagsangayon naman ni Kevin sa sinabi ko at kinindatan ako, na para bang nagsasabi na kaya na niya iyon.




“Kinain kasi ni Joey ang hotdog na inilapag ni Drei sa tabi niya, nung humingi ako ng tawad nakita kong naiyak siya, kaya napagpasyahan kong kausapin siya, pero napakasuplado, di niya ako masyadong kinakausap, mayamaya ay napansin kong pinapanood niya ang mga batang nagpapalipad ng saranggola at napangiti. Dun ko unang nakita ang pinakamagandang ngiti, kaya't sabi ko sa sarili ko na hindi ko hahayaang di ko na makikita ulit ang mga ngiting yun at inaya ko siyang magpalipad ng saranggola, at dun na nagsimula ang lahat.” pagtatapos ni Kevin.





Di ko alam kung mata-touch ba ako sa sinabing yun ni Kevin oh iisipin ko bang ang lahat ng sinabi niya ay para lang sa pagpapanggap namin, nagsalubong ang mga tingin namin at binigyan ako nito ng matamis na ngiti, ibinaling ko naman ang aking tingin kay Dalisay at tinignan ang reaksyon nito, parang nananaginip ito na nakatingin kay Kevin at parang kinikilig na di mawari.




“And then a kite dove into Drei's head.” sabat ni Ram.




“Tse! Pasira ka ng moment, Ram! Hangsweet sweet kaya ng sinabi ni Kevin.” sabi ni Dalisay kay Ram at pinandilatan lang ito ng mata ni Ram sabay iling.




“Tapos?” tanong naman ni Dalisay.




“And then everything snowballed.” sabi ni Kevin na napansin kong nagiingat sa sasabihin.




“And napansin kong sa wakas ay nalinis na din itong pad.” sabi ni Dalisay.




“Oo, kasi may pagkaburara talaga si Drei.” sabi ni Kevin sabay hagikgik. Napangiti naman ako. Napamaang ulit si Dalisay at nagulat ata sa naging reaksyon ko.




“Alam mo Kevin, ganyan talaga yang si Drei, kahit nung di pa kami kinakasal, galit na galit yan sakin sa tuwing sinisita ko ang pagkaburara niya. Madalas pa nga akong sabihang nagger, pero ngayong ikaw ang nagsasabi nito sa kaniya, napapangiti na lang siya.” sabi ni Dalisay habang nakatingin sakin at nakangiti.




“Psss.” sabi naman ni Ram sa isang gilid.




“Tell me more.” paguudyok ni Dalisay.




“Well, kapag natutulog siya, di pwedeng wala ako sa tabi niya. Hilig niyang sisiksik at iyuyukyok ang sarili sakin, kahit na napakainit pa ng panahon.” sabi pa ni Kevin habang abala sa pagluluto, napatingin naman ako dito at napamaang sa mga sinasabi nito.




“He also hates coffee for breakfast but loves it after lunch.” sabi pa ulit ni Kevin habang nagbubudbod ng paminta sa kaniyang niluluto. Napatango na lang si Dalisay bilang pagsang ayon.




“Di niya rin gusto ng maalat na pagkain. Ayaw niya ng gatas kasi lactose intolerant siya. Ayaw niya ng pamintang buo dahil ayon sa kaniya, kulangot daw ito na nahulog mula sa ilong ng taga luto.” at sabay tumawa si Dalisay at Kevin napailing na ako.




“Di ko rin alam kung san niya nakuwa ang idea na yun.” gatong ni Dalisay, ngayon di ko na mapigilang ma-touch at magtaka dahil sa saglit na panahon naming magkasama ay andami ng alam ni Kevin sakin.




“Ayaw na ayaw niya sa the Morning Rush nila Chico ang Delamar as radio station tuwing umaga, pero gustong gusto niya naman itong napapakinggan dahil nakikipagtalo siya sa mga commentaries ng mga ito.” natatawang sabi ni Kevin.




“Ayaw daw niya ng color blue, pero color blue halos lahat ng shirt niya sa closet.” dagdag pa ni Kevin.




“Wala daw siyang FB pero updated iyong account niya.” sabi ulit ni Kevin, tuluyan ng napatitig si Dalisay kay Kevin at talaga namang akala mo isang mama na katatapos lang umihi kung kiligin.




“Tikman mo.” aya ni Kevin kay Dalisay habang itinapat sa bibig ng huli ang sandok sa nilulutong putahe, lumiwanag ang mata ni Dalisay.




“Hangsarap!” sabi ni Dalisay kay Ram, di ito pinansin ng huli, tumingin si Dalisay sakin at nag thumbs up. Napangiti akong muli.




Habang nasa hapag kainan ay patuloy parin sa pagdadaldalan si Dalisay at Kevin habang si Ram naman ay parang walang ganang nilalaro ang kaniyang pagkain, nagulat din ako ng ibaling nito ang tingin sakin. Malungkot iyon. Nang matapos na lahat sa pagkain ay nag volunteer na si Ram na siya ang magliligpit habang si Dalisay at Kevin naman ay nagkwekwentuhan sa harap ng TV, pinakilala narin ni Kevin si Joey kay Dalisay.




“Drei, patulungan naman ako sa pagbabanlaw oh.” tawag ni Ram sakin, napatingin naman si Kevin sakin at ngumiti.




Pumunta na ako sa harap ng lababo, wala kaming imikan dalawa ni Ram, parang nakikiramdam kami pareho kung sino ang unang magsasalita.




“Ram.” “Drei.” sabay naming tawag sa isa't isa, napangiti si Ram sabay napayuko.




“Sige ikaw muna.” sabi ko sa kaniya. Habang inaanlawan ang nasabonang baso ni Ram.




“Hindi, sige ikaw muna.” anyaya nito sakin.




Tahimik ulit.




“Kanina nung ikinukwento ni Kevin ang mga nagustuhan niya sayo...” natigilan si Ram, ngumiti na kala mo nahihiya sa mga sasabihin.




“Para kang tanga, Ramon! Kailan ka pa nahiya?!” panunukso ko dito, nawala naman ang ngiti sa mga labi ni Ram.




“...Andami niyang alam sayo. Yung iba ni hindi ko naisip na yun pala ang gusto mo.” panimula ni Ram.




“Your point?” tanong ko dito.




“Gusto ko sanang magsorry.” sabi pa ni Ram.




“Para saan?” tanong ko.




“Dahil pinaghinalaan ko pa ang tunay na status niyo, di lang kasi ako makapaniwala na... Parang ang bilis bilis kasi. Nung nakaraang linggo sakin ka lang naasa para sa lunch and dinner, ngayon may taga luto kana.” sabi ni Ram.




“Yun lang ba?” mahinang tanong ko dito.




“Ah eh, saka...” kinakabahang sabi ni Ram.




“Saka parang naapakan ang Ego ko. Di ko kasi akalain na...” di maituloy ni Ram ang sasabihin niya kaya sumabat na ako.




“Di mo akalain na pwede pa akong mainlove sa iba maliban sayo?” may pagaalinlangan ko rin sabi.



“What The Heck?! Ako nga ba ang nagsabi nun?! Sa bibig ko ba lumabas ang mga katagang yun?! Does this mean In love na ako kay Kevin?!” tudyo ng utak ko.




“As selfish as it may sound, yes.” amin ni Ram.



“Di ko alam, pero parang kahit mahal na mahal ko si Martin, gusto ko andyan ka parin na naghahabol, andyan ka parin na bitter, andyan ka parin na umiiyak. Na meron paring umiiyak dahil sakin. I'm sorry.” sabi ni Ram at napayuko na ito. Natahimik ako.




“At aaminin ko, kaya ko ginawa ang checklist na iyon ay para wala kang makita na nararapat para sayo, pero as it turned out, di na kailangan ng checklist di ko na kailangan pang ipitin si Kevin dahil mahal ka talaga nito. Walang duda.” pagamin ulit ni Ram.




“At saka aaminin ko rin na nagseselos ako, masyado ka niyang kilala, samantalang ako nasaktan na kita ng todo, nagkasakitan na tayo at lahat pero ni kalahati ng alam ni Kevin di ko parin alam sayo.” sabi ni Ram.




Tahimik ulit.



“I believe you and Kevin are a perfect match.” sabi ni Ram.



“Saka palagay narin ang loob ko na may magaalaga na saiyo.” habol pa nito.



“Di ko lang siguro maamin noon na, gusto kong andyan ka parin kahit na kami na ni Martin at kahit na sa kagustuhan kong iyon ay nasasaktan na kita. Sorry ulit.” bulalas ni Ram at ng matapos ng sabunin ang huling plato ay niyakap ako nito. Niyakap ng mahigpit.



“Sana dyan ka lang, wag mo akong iiwan, di ko kayang wala ka eh. Ganyan ka kahalaga sakin at ganyan kita kamahal. Sana kahit na may Kevin di mo parin ako makakalimutan, sana friends parin tayo.” Mahabang pahayag nito habang mahigpit paring nakayakap sakin.



“Now give me a kiss.” sabi pa ni Ram, sinuklian ko ang mahigpit niyang yakap at binigyan siya ng isang masuyong halik. Nang kumalas na kami sa pagkakayakap sa isa't isa ay saka ko nakita na andun pala si Kevin sa bungad ng kusina.




0000ooo0000




Medyo iba na ang tabas ng mukha ni Kevin habang nagpapaalam sila Dalisay at Ram, hinatid ko sila hanggang sa lobby ng condo.




“Drei, wag mo na siyang pakawalan. Finally may magaalaga na sayo. Alam kong mahal ka ni Kevin.” sabi ni Dalisay sakin at niyakap ako. Ganun din ang sinabi sakin ni Ram. Pareho naman silang humalik sa aking pisngi atsaka sumakay na ng kanikanilang kotse. Magaang na ang aking loob habang naglalakad papalapit sa mga elevator.



Nang makabalik ako sa condo ay sinalubong ako ni Joey, walang tigil ito sa pagkuskos ng kaniyang mukha sa aking tuhod at naningit. Hinanap ko si Kevin at naabutan ko itong nakasibanghot at nagaalsa balutan na.





Itutuloy...


[Finale]
Nagulat ako nang maabutan ko si Kevin na nagaalsabalutan na, di ko ito magawang pigilan, tumingin ito sakin at halatang halata ang kinikimkim na lungkot. Di ko alam pero parang naputol ang dila ko, parang binawi ng Diyos ang kakayanan kong magsalita. Umupo ako sa dulo ng higaan at pinanood lang siya sa pagiimpake.



“Tapos na yung usapan natin.” sabi ni Kevin na pumipiyokpiyok pa. Di parin ako makasagot.



“Napagselos na natin si Ram. Umamin siyang ayaw ka niyang mawala. Tapos na ang trabaho ko dito.” sabi ulit ni Kevin habang abala parin sa pagkuha ng kaniyang mga gamit. Nagulat naman ako sa sinabi niya.



Di ako makagalaw sa aking kinauupuan, gusto ng sumabog ng aking dibdib, akala ko kasi mahal na talaga ako ni Kevin base sa mga sinabi niya kanina kay Dalisay, yun pala ginagawa niya lang ang trabaho niya.



“Akala ko pa naman ikaw na.” bulong ko sa sarili ko at may isang luha ng pumatak sa aking mata. Tumayo ako at nagtungo sa kusina at nagtimpla ng kape. Habang abala parin si Kevin sa pagiimpake.



Lumapit sakin si Joey at umiingit, naiintindihan siguro na hindi na kami araw araw magkikita nito.



“Joey.” tawag ni Kevin sa kaniyang aso.



“Joey, let's go.” umiingit namang umalis sa tabi ko si Joey. Di ko na magawa pang humarap kay Kevin dahil bumabaha na ng luha sa aking psingi.



“Sige Drei, una na kami.” mahinang sabi niya at lumabas na sila ni Joey ng front door. Pagkarinig na pagkarinig ko sa front door sa pagsara nito ay saka nanghina ang aking mga tuhod at napaupo na lang ako sa sahig ng kusina. Itinakip ko ang aking mga palad sa aking mukha.



JOEY NO!!!”


Di ko mawari pero parang nanunudyong pinapaalala sakin ng aking utak ang boses na iyon ni Kevin.



Do you mind if I sit beside you? Parang kailangan mo kasi ng kausap eh.”



Para akong nababaliw nang makita ko ang sarili ko na nangingiti ng maalala ang mga sinabing yun sakin ni Kevin, di ko makakalimutan ang pagiging atribido nito. Naalala ko rin ang mukha nito nang una ko itong marinig na sumisipol sa aking tabi, naalala ko kung panong parang isa itong empleyado na katatanggap lang ng kaniyang 13th month pay.




Joey, I don't want to see you licking somebody elses' face ok, you have to behave or else I will not let you out for a walk anymore.”



Napangiti ulit ako sa aking naalalang iyon, dahil naisip ko na kahit ang pagkausap niya kay Joey ay parang sa tao din ay ni minsan hindi ako nawirduhan sa ginawang niyang yun.



You were bleeding like mad, dinala kita sa ER but all they did was put a gauze on your head, sabi nung nurse to stop bleeding daw, but the gauze kept on getting soaked so sabi ko kung ano ang dapat gawin, sabi nung nurse intayin ang immediate family mo, wala naman akong makita sa phone mo kundi ang nakalagay na Wifey, iniisip ko na baka asawa mo only to find out that she's in Marinduque, tas tinawagan ko yung madalas mong tawagan na naka record sa log mo, sabi dun isang Ram Saavedra so I contacted him, only to find out that he's out of town as well at bukas pa makakarating so I came up with the plan na magpanggap and yun nga nagpakilala akong boyfriend mo, para lang payagan nila na tahiin yang ulo mo.”



Muli akong napangiti sa naalala kong iyon. Nababaliw na ata ako. Umiiyak at nangingiti at the same time.



“Nagsinungaling ka pa talaga para sakin na hindi mo lubusang kilala, tapos tiniis mo ang dugo kong natutuyo na sa damit mo sa loob ng dalawang araw.” sabi ko sa sarili ko. At natuluyan na nga ako, di na ako nagkasya sa pagtawa at pagiyak ng sabay ngayon, kinakausap ko pa ang sarili ko.



Yung tutoo Kevin, binabalakubak ka ba?”



Bakit naman?” tanong niya.



Kanina ka pa kasi kamot ng kamot sa ulo eh.”



Natatawa din ako sa paborito nitong mannerism ang pagkamot sa ulo na kala mo laging binabalakubak.



Tandaan mo na hindi ko hiningi na ako ang gawin mong kunwaring boyfriend, kaya kung ayaw mong sabihin ko ang totoo sa ex mo, we have to do this MY way. At gusto ko na hindi ka na makikipaghalikan dun sa damuhong yon kahit kailan! Ngayon kumain na tayo!”



Natatawa din ako tuwing naaalala ko ang katigasan ng ulo nito.



Kinain kasi ni Joey ang hotdog na inilapag ni Drei sa tabi niya, nung humingi ako ng tawad nakita kong naiyak siya, kaya napagpasyahan kong kausapin siya, pero napakasuplado, di niya ako masyadong kinakausap, mayamaya ay napansin kong pinapanood niya ang mga batang nagpapalipad ng saranggola at napangiti. Dun ko unang nakita ang pinakamagandang ngiti, kaya't sabi ko sa sarili ko na hindi ko hahayaang di ko na makikita ulit ang mga ngiting yun at inaya ko siyang magpalipad ng saranggola, at dun na nagsimula ang lahat.”



“Alam mo Kevin, ganyan talaga yang si Drei, kahit nung di pa kami kinakasal at galit na galit yan sakin sa tuwing sinisita ko ang pagkaburara niya. Madalas pa nga akong sabihang nagger, pero ngayong ikaw ang nagsasabi nito sa kaniya, napapangiti na lang siya.”



“Ano bang ibig sabihin ng mga ito?” tanong ko sa sarili ko.



Well, kapag natutulog siya, di pwedeng wala ako sa tabi niya. Hilig niyang sisiksik at iyuyukyok ang sarili sakin, kahit na napakainit pa ng panahon.”




He also hates coffee for breakfast but loves it after lunch.”



Di niya rin gusto ng maalat na pagkain. Ayaw niya ng gatas kasi lactose intolerant siya. Ayaw niya ng pamintang buo dahil ayon sa kaniya, kulangot daw ito na nahulog mula sa ilong ng taga luto.”



Ayaw na ayaw niya sa the Morning Rush nila Chico ang Delamar as radio station tuwing umaga, pero gustong gusto niya naman itong napapakinggan dahil nakikipagtalo siya sa mga commentaries ng mga ito.”



Ayaw daw niya ng color blue, pero color blue halos lahat ng shirt niya sa closet.”



Wala daw siyang FB pero updated iyong account niya.”



“Bakit parang taliwas lahat ng sinabi ni Kevin kanina kay Dalisay sa mga sinabi nito nang nagpaalam ito sakin kanina?” naguguluhan ko paring tanong sa sarili ko.



At aaminin ko, kaya ko ginawa ang checklist na iyon ay para wala kang makita na nararapat para sayo, pero as it turned out, di na kailangan ng checklist di ko na kailangan pang ipitin si Kevin dahil mahal ka talaga nito. Walang duda.”



Naalala ko bigla ang sinabing yun ni Ram.



“Pero bakit umalis pa si Kevin kung mahal niya ako?” tanong ko ulit sa sarili ko. at biglang nanlaki ang mata ko sa isang realisasyon na lumanding sa utak ko.



Sana dyan ka lang, wag mo akong iiwan, di ko kayang wala ka eh. Ganyan ka kahalaga sakin at ganyan kita kamahal. Now give me a kiss.”



“Tarantado ka talaga, Ram! Alam mo sigurong andun si Kevin kaya humingi ka ng kiss! At ako naman itong si gago, kumiss sayo!” pakikipagtalo ko sa sarili ko.



Agad akong tumayo sa pinagkakayuyok kong sulok, kinuwa ang susi ng sasakyan ko at palabas na sana ng unti ko ng may makita akong isang sulat.



To: Drei,



Sana tama ang desisyon kong pabayaan na kayo ni Ram. Alam kong mahal niyo pa ang isa't isa base sa halikan na nakita ko kanina. Sana lang wag mo akong makakalimutan. Maraming salamat din sa pagkakaibigan.


I Love You.


Kevin.



“Anak ng! Ano ba? Meron bang outbreak ng Assumer's Syndrome ngayon?!” naiinis kong pahayag ukol sa sulat na iyon ni Kevin. Nagisip ako ng magandang gawin ng makita ko ang helmet ko sa tabi ng sobre. Napangiti ako.



0000ooo0000



Pinapaspas ko ang motor at sinisilip ang bawat madaanang taxi.



“C'mon Kevin san ka na?” na fu-frustrate ko ng tanong.



Drei, wag mo na siyang pakawalan. Finally may magaalaga na sayo. Alam kong mahal ka ni Kevin.”



“Argggghhhh! Bakit naman kasi umalis alis ka pa eh?!” naiinis kong sabi sa sarili.



“Bakit ba hindi kita pinigilan? Antanga tanga ko!”


Nasuyod ko na ang buong Metro Manila pero di ko na sila naabutan, hindi ko na ito macontact sa cellphone, sinubukan kong puntahan ito sa clinic pero laging sinasabi ng asa front desk na naka leave daw ito. Halos nawalan na ako ng pagasa. Gumulo na ulit ang pad ko, di na ulit ako masyadong nagkakakain at wala naring nangungulit sakin.



“The best talaga ang Lovelife ko, lagi na lang ankong talo.” sabi ko sa sarili ko.



“Sabi ko naman sayo, payag akong maging kabit ka.” natatawang sabi ni Ram habang pinagluluto ulit ako ng tanghalian.



“Tado! Kasalanan mo to eh!” sigaw ko sa kaniya.



“At bakit ako?!” tanong nito.



“Kung hindi ka nag request ng kiss eh!” sabi ko dito.



“Binigay mo naman! See! Yan ang sinasabi ko sayo eh, kung siguradong sigurado ka sa nararamdaman mo kay Kevin, bakit ka nagpaunlak sa halikan na yun?” may lamang sabi ni Ram.



“Oo nga ano.” sabi ko sa sarili ko.



“Pero siyempre, alam ko rin namang di mo talaga matanggihan ang aking sex appeal.” pagbibiro ulit ni Ram kaya't binato ko na ito ng isang throw pillow mula sa sofa.



“Biro lang!” sigaw nito pabalik. At lumapit sakin.



“Alam mo, kung mahal mo talaga siya at kung alam mong ganun din ang nararamdaman niya para sayo, edi puntahan mo araw araw sa work, alamin mo ang current address, ipagtanong mo ang number.” sabi ni Ram sakin sabay akbay.



“Pero nagawa ko na.” sabi ko dito.




“Nagtagumpay ka ba?” tanong sakin ni Ram. Napaisip ulit ako.




“Alam mo, base sa tingin ni Kevin sayo alam kong mahal na mahal ka niya, at ganun ka rin sa kaniya. Yun eh kung wala ako sa harapan mo.” sabi ni Ram sabay hagikgik sabay tayo at kinuwa ang aking helmet at susi ng motor.




“Simulan mo na ang pangungulit.” sabi nito sakin.


0000ooo0000


“Please. Alam kong andyan siya, kailangan ko lang talagang makausap siya.” sabi ko sa front desk ng animal clinic ni Kevin.



“Andito nga po, pero maraming pasyente.” sa sinabing yun ng babae ay napalingon ako sa waiting area at kumunot bigla ang noo ko.



“You're a lousy liar, you know that?” sabi ko sa babae sabay turo sa waiting area na walang laman. Napangiti ang babae saka patakbong pumasok sa opisina ni Kevin. Naiwang naka awang ang pinto sa pagmamadali.



“Sabihin mo madaming ginagawa!” pagalit na sabi ni Kevin sa sekretarya. Nagbuntong hininga ako at ng lumabas ang babae ay sinabihan ko na lang ito ng...



“Oo, narinig ko, maraming salamat na lang.”



0000ooo0000



Nakatulala nanaman ako at nakaupo sa isang bench sa park kung saan kami unang nagkakilala ni Kevin, pinapanood ko ulit ang mga batang masayang nagpapalipad ng saranggola.



“I messed up, bigtime.” sabi ko kay Ram kanikanina lang sa telepono nang tanungin nito kung ano nangyari sa pangungulit ko.



“Ganun ba? San ka? Puntahan kita ngayon.” sabi ni Ram.



“Wag na. Kaya ko na to.” malungkot kong sabi sabay buntong hininga.



“I'm sor...” di ko na siya pinatapos pa at binaba ko na ang telepono. Naglakad ako papunta sa hiraman ng mga saranggola at nagpasyang magpalipad na lang nito.



Kasama ng mga batang masayang nagpapalipad ng kanikanilang saranggola akoy nakaupo rin sa damuhan at nagninilaynilay sa nangyayari sa buhay ko. Si Dalisay, Ram at Kevin. Di ko mawari kung bakit palpak ako sa mga ito. Di ko maisip kung anong ginawa kong mali, nang hindi ko na naisip ang mga maaring dahilan ay ipinikit ko na lang ang mata ko at tumingala sa langit.



“Di ka pa ba natatakot sa mga saranggola?” tanong ng isang pamilyar na boses. Idinilat ko ang aking mata, nasisilaw ako sa sinag ng araw pero di ko makita ang lalaking nakadungaw sakin na siyang humaharang sa sinag ng araw at sa akin. Biglang may dumila sa aking mukha.




“Joey!” sigaw ko.



“Namimiss ka na daw niya.” sabi ni Kevin na miya mo translator.



“Miss you too.” sabi ko sa aso at niyakap ito. Napahagikgik naman si Kevin.



“San ka galing kanina?” tanong nito at tumabi sakin. Napatingin naman ako dito at kumunot ang noo ko.



“Ahh, sa isang animal clinic.” sagot ko.



“Ano namang ginawa mo dun?” tanong ulit ni Kevin habang binubunot ang damo malapit sa kaniyang kinauupuan.



“Nangungulit. Di ko kasi kaya na wala yung taong yun na kinukulit ko eh.” sabi ko sa kaniya habang nilalaro si Joey.



“Ahhh, Anong sabi sayo?” tanong ulit ni Kevin na medyo napapangiti na.



“Sabi lang marami siyang ginagawa eh. Nakulitan ata masyado.” sabi ko at napansing napakamot nanaman sa ulo si kumag.



“Pano na yung boyfriend nung nangungulit?” tanong nito.



“Sinong boyfriend?” tanong ko.



“Yung Ram.” biglang nalungkot na sabi nito.



“Di naman sila nagkabalikan eh. Nagkamali lang ng iniisip yung kinukulit ko, nag assume kung baga.” sabi ko at napangiti narin ako. Napatingin sakin si Kevin, halatang hindi niya ine-expect ang sagot kong iyon.


Tahimik.



“Ah ganun ba?” tanong na lang nito matapos ang matagal na pagtahimik.



“Yup yup.” sabi ko habang nilalamutak ang ulo ni Joey.



“Bakit kailangang mangulit? Mahal na ba nung nangungulit yung kinukulit nito?” tanong ulit ni Kevin, tumingin ito sakin at nagiinatay ng sagot.



“Sobra.” sabi ko na lang at naramdaman ko na lang na niyayakap na ako nito ng mahigpit at si Joey naman ay tahol ng tahol sa paligid namin.



“Eh yung taong kinukulit ba mahal niya din ba yung nangungulit?” tanong ko, medyo nangingilid na ang luha ko.



“Oo. Mahal na mahal.” sagot nito, nabitawan ko na ang saranggola na pinapalipad ko, kumawala na ito sa malakas na hangin at malawig na langit, hinawakan ko na ang mukha ni Kevin at tumitig sa mga mata nito.



Ito ang isang bagay na hinding hindi ko pagsasawaan. Ang mahalin si Kevin.




-wakas-

No comments:

Post a Comment