By:
emray
E-mail:
iam.emildelosreyes@yahoo.com
Source:
theimmaculatedalisay.blogspot.com
[11]
Pagpasok
sa Banal na Buhay ni Nicco
Mahigit
isang buwan na din buhat ng magkita sila Andrew at Nicco ay labis pa din ang
pagsisisi ni Andrew sa kanyang nagawa. Pinanghihinayangan din niya ang
pagkakataon para makilala ang lalaking biglang nagpagulo at nagpakabagabag sa
kalooban niya. Kahit ano mang paghahanap ang gawin niya kay Nicco ay hindi niya
ito matagpuan kahit na sa simbahan ay lagi niya itong hindi naabutan.
Sa
kabilang banda, higit na din sa isang buwan ng huling magkita sila Andrei at
Nicco. Ang huling pagkikitang nagkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa. Nais
mang hanapin ni Nicco si Andrei ay hindi niya alam kuing saan ito hahanapin
maging si Chad ay hindi nadin nakikita pa si Andrei sa San Isidro.
Ganun
pa man, si Andrei ay patuloy na umaasa na sila ay magkikita na muli ni Nicco at
magkakaayos. Labis ang pangambang naiwan kay Andrei dahil sa naganap sa pagitan
nila ni Nicco. Hindi ito mapanatag sa isiping galit sa kanya si Nicco. Hindi
naman niya magawang umuwi sa San Isidro para makipagkita kay Nicco dahil
inaasikaso niya ang kanyang mga papel para sa pag-aaral sa Maynila. Higit isang
buwan din siyang nanatili duon dahil pinapuntahan ng papa niya ang kanilang mga
kamag-anak para bumisita at mangamusta.
Sabado
ng makauwi si Andrei sa San Isidro ay nais niyang makita agad si Nicco, ngunit
pinagpasyahan niyang magsimba muna sa bayan bago puntahan ang binata sa
kanilang bahay. Hindi malaman ni Andrei ang nararamdaman dahil sa palagay niya
ay muli na namang kumakabog ang kanyang dibidib sa hindi maipaliwanag na
dahilan. Habang nasa upuan ay naririnig ni Andrei ang mga taong may iisang
bulung-bulungan.
“Mapalad
ang San Isidro dahil bibiyayaan na tayo ng Panginoon ng kababayang pari.” usal
ng isang ale.
“Tama
ka mare!” sang-ayon ng isa pa.
Samantala,
si Nicco naman ang naatasang magserve sa misang iyon, sapagkat kinabukasan ay
papasok na siya sa seminaryo at ang misang ito ay inaalay ng San Isidro para sa
kanyang maluwalhating pagtahak sa banal na buhay. Sa likod ng simbahan kung
saan manggagaling ang pari ay madami na ang bumabati kay Nicco dahil sa gagawin
nito.
Sa
pagsisimula ng misa ay biglang lumundag ang puso ni Andrei ng makitang si Nicco
ang sacristan ng gabing iyo. Sa isip – isip ng binata “Sa wakas, pinagtatagpo
tayo ng tadhana, hindi ko na kailangang lumayo pa.” Nauupo si Andrei sa
pinakaharap kung kayat madali siyang makikita.
Habang
nasa taas ng altar ay agad na napansin ni Nicco ang binatang si Andrei na
nauupo sa harap. Nagsimula ng kumabog ang kanyang puso ng mapansing lagi itong
nakatingin sa kanya. Hindi malaman ni Nicco ang gagawin kung kayat binigyan
niya ito ng ngiti. Lingid sa kaalaman ni Nicco na ang ngiting iyon ay nagpapula
kay Andrei at sapat na para lalo siyang kasabikan ng binata.
Ang
kasiyahan ng dalawang binata ay tila nabalot ng lungkot ng maalala ang
katotohanang dapat nilang harapin.
“Mga
kababayan ko, ipagdasal natin si Niccollo Emmanuelle Ray de Dios sa kanyang
gagawing pagtahak sa banal na buhay.” sabi ni Fr. Rex “bigyan natin siya ng
masigabong palakpakan”
Tila
nawasak ang mundo ni Andrei sa nakitang iyon. Tila nais niyang umiyak sa
pakiramdam niya ay iiwan siya ng taong mahal niya. Nang hindi na niya makaya
pa, nagpasya si Andrei na lumabas ng simbahan. Gustuhin man niyang umalis na ng
tuluyan ay hindi niya ginawa sapagkat mas nais niyang makausap ang binata at
kahit sa huling pagkakataon ay makita ang mga ngiti nito para maalala sa
araw-araw.
Napalitan
ng lungkot ang nasa damadamin ni Nicco nang mapagtantong dahil sa desisyong
iyon ay hindi niya makikita ulit pa si Andrei. Sa isiping iyon ay tila nadurog
ang puso niya lalo na ng makitang lumabas ang binata sa simbahan. Pakiramdam
niya ay iniwan siya ng isang taong tangay ang puso niya. Gayun pa man, masaya
siya dahil kahit sa huling sandali na iyon ay nakita niya ang lalaking nagbigay
sa kanya ng kakaibang pakiramdam, subalit umaasa siyang sila ay magkakausap.
Hinintay
ni Andrei si Nicco na lumabas sa sakristiya, nais niya talaga itong makausap,
hinintay niyang lumabas ito mula sa lugar na iyon at kahit gaano pa katagal ay
hihintayin niya ito. Samantala sa loob ay naghanda ng isang salu-salo para kay
Nicco at bilang pasasalamat na din sa Panginoon. Kulang isang oras na din ang
lumilipas ng lumabas si Nicco.
“Nicco”
sambit ng isang pamilyar na tinig “kamusta ka na?” at unti-unting nagpakita ang
may-ari ng tinig na iyon.
“Andrei”
tila naliligayahang nasabi ni Nicco “ayos naman ako, ikaw? Akala ko umalis ka
na?”
“Usap
muna tayo gusto mo?” may halong pakiusap sa tinig ni Andrei.
“Sige
ba, hintayin mo ako dito at magpapaalam na ako kila Fr. Rex” masayang sagot ni
Nicco.
Sa
may gilid ng simbahan nag-usap ang dalawa, malayo sa daanan ng tao at sigurado
ang katahimikan. Matagal ding tahimik sa pagitan ng dalawa. Sapat na ang
magkasama sila para bigyan sila ng kaligayahan. “Andrei..” pagbasag ni Nicco sa
katahimikan “sorry nung nakaraang araw ah” dugtong nito “alam ko mali ako,
dapat pinagpaliwanag kita.”
“Ah,
wala iyon. Mahalaga ngayon hindi ka na galit at maari mo ng malaman na malinis
ang puso ko sa kasalanang iyon.” sagot ni Andrei pagkawika ay natahimik ulit
ang pagitan ng dalawa.
“Magpapari
ka pala” untag ni Andrei “bakit hindi mo sinabi sa akin?”
“Hindi
ka naman kasi nagtatanong eh”
“Hindi
mo ba alam na nasakt..” hindi na naituloy pa ni Andrei “wala kalimutan mo na.”
dahil sa kadiliman ay hindi nakita ni Nicco ang pagtulo ng luha sa mga mata ng
binatang si Andrei “mag-iingat ka dun ah at sana magkita pa tayo sa susunod.”
Alam
ni Nicco ang kalungkutan ni Andrei “Salamat sa pag-aalala, at sisiguraduhin
kong magkikita pa tayo. Gagawa ako ng paraan” nakangiti ngunit malungkot ang
tinig ni Nicco “hindi ako papayag na hindi kita makita muli” dugtong ng isip ni
Nicco.
Sabi
naman ng isip ni Andrei “kay bilis mong dumating sa buhay ko, ngayon iiwan mo
ako. Pero sige, sapat ng sabihin mong magkikita pa tayo para bigyan mo ako ng
pag-asa. Tulad nga ng sinabi mo, hanapin sa puso ang mumunting bahagi ng
pag-asa at sa sinabi mong iyan binigyan mo na ako ng pag-asa.”
“Sige
tol, uwi na tayo” aya ni Nicco – kahit kabaliktaran ang nasa isip niya, dahil
ang totoo ay nais niya itong makasama pa kahit habang-buhay.
“Sige
una ka na” may hinhintay pa ako – “Nicco wag mo akong iwan, ikaw lang ang gusto
kong makasama kahit habang-buhay” sigaw ng isip ni Andrei.
Nilisan
na ni Nicco ang lugar. Lingid sa kaalaman nila ay mayroon palang isang taong
kanina pa sila pinakikinggan. Pagkaalis ni Nicco ay agad itong bumati kay
Andrei “Kamusta ka na pare, sabi ko na nga ba, malaki ang tama mo kay Fr. Nicco
eh” may pagbibiro sa tinig nito.
“Chad,
ikaw pala iyan” agad na inayos ni Andrei ang sarili.
“Pare,
ito lang masasabi ko sa’yo. Kung gusto mo talaga si Niks pag-isipan mong mabuti
at pag sigurado ka na hilahin mo na siya pabalik sa iyo. Sabi nga niya, mahirap
gumawa ng bagay na hindi mo pinag-iisipan dahil sa simpleng aksyon mo, pwede
mong gawing kumplikado ang lahat kung mali pala ang hinala at akala mo.”
Pagpapayo ni Chad.
“Salamat
pare, pakiramdam ko mahal ko na siya” sagot ni Andrei “sige tawagin na nila
akong bakla, kutyain, pero hindi ko pwedeng pigilan ang damdaming gustong
kumawala.”
“Alam
ko may nararamdaman din siya para sa’yo, pero dahil sa mga bagy bagay, hindi
niya magawang pakawalan ang damdaming iyon.” pag-alo ni Chad “ikaw, ikaw lang
ang makaktulong para kumawala din ang ganuong damdamin”
“Ako?”
Pagtatanong ni Andrei.
“Oo
pare, dahil ikaw ang damdaming gusto niyang pakawalan.” Sagot ni Chad.
“Sige
pare, uwi na tayo. Pag-isipan mong mabuti. Wag kang mawawalan ng pag-asa. Sa
puso mo, laging may nakalaan para sa tagumpay at kaligayahan.” Pag-aya ni Chad.
“Nicco
fever ba ang San Isidro? Niccong Nicco ka kung mag-isip ah” may ngiting nasabi
ni Andrei dahil na din gumaan ang loob niya sa sinabi ng kaibigan.
“Ikaw
ba naman ang laging kasama nun eh, tingnan ko lang kung di ka mahawa.”
Tumatawang sagot ni Chad.
Pagkauwi
sa bahay ay naging mahimbing ang tulog ni Andrei samantalang hindi mapanatag si
Nicco. Dahil dito ay muli niyang kinausap ang Diyos para sa kapanatagan at
hindi nga naglaon ay nakatulog siya ng mahimbing at magaan ang pakiramdam.
[12]
Si
Nicco, Andrei at Andrew: Muling Pagkikita
Mag-iisang
buwan na din mula nang magpaalam si Nicco sa bayan ng San Isidro para tuparin
ang pangarap niya at ng kanyang pamilya para sa kanya. Mag-iisang buwan na din
buhat ng magpaalam siya kay Andrei na labis na nagpabago sa kanya bilang siya,
na gumising sa isang kakaibang damadamin na nuon lang niya naramdaman. Ilang
araw na lang din at malapit ng magsimula ang pasukan sa mga kolehiyo sa Maynila
kung saan mag-aaral sina Andrei at Andrew. Si Andrew ay patuloy na hinahanap
ang isang mukhang labis na nagbigay sa kanya ng kaba at tuwa sa minsang
pagkikita. Si Andrei naman ay labis ang kalungkutan sa nagyaring paghihiwalay
nila ni Nicco na gumising sa isang kakaibang siya.
Nautusan
ng pamunuan ng San Agustin Seminary na pumunta si Nicco kay Fr. Rex para ihingi
ng payo ang problemang hinaharap ng seminaryo. Labis ang tuwang naramdaman ni
Nicco at sa isip niya “Makikita ko ulit si Andrei, bago ako bumalik sa seminaryo
kailangan kitang makita Andrei.” at napangiti si Nicco sa ganitong isipin at
ngayon nga ay nasa harap na siya ng opisina ng simbahan ng San Isidro at duon
hinihintay si Fr. Rex.
Sa
kabilang banda ay nakatakda ng lumuwas patungong Maynila sina Andrei at Andrew
para duon mag-aral. Napagkasunduan ng dalawa na humingi muna ng basbas kay Fr.
Rex bago sila umalis ng San Isidro. Kaya naman ng umaga ding iyon, ay nagtungo
sila sa simbahan para makipagkita kay Fr. Rex. Ang kalungkutang nararamdaman ni
Andrei ay biglang sumaya ng makita ang isang pamilyar na itsura sa harap ng
opisina. Si Andrew naman ay biglang nakaramdam ng matinding kaba ng maaninagan
din ang parehong taong nakita ni Andrei.
“Sarado
pa ang opisina, napaaga ata ako ng alis sa seminaryo.” pabulong na wika ni
Nicco.
“Oo
nga, napaaga ka, pero ayos lang kasi nakita kita” sabi ng isang tinig “buti na
lang maaga din akong pumunta”
Walang
kabang nilapitan ni Andrei si Nicco at gayon pa man ang pagkakagulat ay nakita
ang mga ngiting gumuhit sa mga labi nito. Si Andrew ay nawala ang kaba at tila
hindi makapaniwala sa nakikitang kakilala ng kuya niya ang taong matagal na
niyang hinahanap. Gayon din si Nicco na parang nagtataka sa dalawang Andrei na
ngayon ay nasa harap niya.
“Andrei?
Sino sa inyo si Andrei” nakangiting wika ni Nicco.
Hindi
tulad dati na may kaba sila sa dibdib tuwing nagkikita, tila ang kaba ay
napalitan na lamang ng hindi mapantayang kaligayahan.
“Oh,
he’s Andrew, my brother, I mean, my twin” sagot ni Andrei sabay tingin sa
kakambal na tila nahihiya.
Hinarap
ni Nicco si Andrew “Please to meet you! I’m Nicco” sabay ngiti sa kakambal ni
Andrei.
“Mga
iho, ano ang ginagawa ninyo dito?” nagtatakang bati ni Fr. Rex sa mga binata na
nuon ay kabababa lamang mula sa kwarto nito sa itaas. Kasunod nito ay tiningnan
niya si Nicco “Aba Nicco, kita mo nga naman bagay na bagay sa iyo ang suot mo
ngayon, para kang isang anghel na binaba sa lupa” pagkasabi nito ni Fr. Rex ay
namula si Nicco.
Nuon
lang napansin ni Andrei at Andrew ang tila kakaibang bihis nito kung ikukumpara
sa nakikita nila dati. “Oo nga Nicco, parang hindi ikaw si Nicco” sambit ni
Andrei.
“Ako
pa din ito. Ibahin mo man ang kasuotan ko, ibahin mo man ang anyo ko, hanggat
nandito ang puso at isip ko, ako pa din si Nicco na kilala mo.” sagot ni Nicco
sabay ang isang napakatamis na ngiti.
“Oh
siya umakyat na tayo sa taas at duon na mag-usap at nagkamustahan” sambit ni
Fr. Rex “sumama na din kayong dalawa” dugtong pa nito.
“Tamang
tama Father, kayo po ang sadya namin dito ni Kuya” kahit may hiya ay pinilit ni
Andrew na makapagsalita.
Makalipas
ang ilang sandali at nakaakyat na sila sa taas.
“Nicco,
ano ba ang sadya mo?” tanong ni Fr. Rex.
“Pinapasundo
po kayo ni Rector sa akin” sagot ni Nicco.
“Pwedeng
tawagan nyo na lang naman ako para hindi nyo na ako sunduin pa.”ni Fr. Rex.
“Medyo
personal po kasi, tungkol sa seminaryo” sagot ni Nicco “unahin nyo na po sila
bago ko ikwento.”
“Ano
ba ang kailanagan nyo sa akin?” sabay lingon kila Andrei at Andrew.
“Hihingi
po sana kami ng basbas sa inyo dahil po sa Maynila na kami mag-aaral” sabi ni
Andrew.
“Pero
uuwi naman po kami ng lingguhan” dagdag ni Andrei, batid ng binata na nalungkot
si Nicco dahil sa pagkawala ng mga ngiti sa labi nito kung kaya bumawi siya sa
pagsasabing uuwi sila ng lingguhan.
“Ah
iyon ba, sige bibigyan ko kayo ng basbas.”
Sinimulan
na ni Fr. Rex ang dasal sa dalawa at pagbibigay basbas ng sa ganuon ay maging
ligtas ang mga ito sa kapahamakan, matatag laban sa mga tukso, malayo sa
kapahamakan at masigasig sa pag-aaral at may lakas ng puso at isipan.
“Kung
nais nyo, hintayin nyo na si Nicco, hahayaan ko muna kayo makapag-usap bago
siya bumalik ng seminaryo” wika ng matandang pari.
“Sige
po” agad at sabay na sagot ng kambal.
Isa
si Fr. Rex sa tinitingala sa San Agustin Seminary kung kaya’t napagpasyahan ng
pamunuan nito na humingi ng tulong sa kanya. Sa loob ng opisina ng pari ay
sinimulan na ni Nicco ang pagkukwento.
“Father,
nagkasunod-sunod po kasi ang problema sa seminaryo. Bago pa man po ako dumating
ay may nahuli silang dalawang seminarista na gumagawa ng di magandang bagay.
Nahuli po sila sa akto ng pagtatalik. Kasalukuyan naman pong kumakalat ang
balita na iyon sa buong San Felipe at pinangangambahang pati sa buong lalawigan
at maging karatig na pook. Kung magkakataon po ay maaring maipasara ang
seminaryo” panimula ni Nicco.
“Ano
pa Nicco? Ikwento mo lahat ng sa gayon ay handa ako para harapin ang pamunuan.”
sambit ni Fr. Rex na may himig ng pag-aalala para sa seminaryong pinagmulan din
niya.
“Isa-isa
na pong nawawala ang mga sponsors ng seminaryo at mga seminarista dahil sa
pangyayaring iyon” may lungkot na pagbabalita ni Nicco “kumakalat din po ang
balita na ang mga nagnanakaw sa mga bahay sa tabi ng seminaryo ay mga
seminarista o tauhan ng seminaryo” dugtong pa ng binatang seminarista “pasensya
na po Fr. Rex un lang po ang maari kong ikwento dahil iyon iba po ay sila na
ang magkukwento dahil maging kami ay hindi namin alam” pagwawakas ni Nicco.
“Nakakalungkot,
madami talagang tao ang marurupok. Pinangungunahan sila ng makamundong
pagnanasa at napagwawalang bahala ang dapat sana ay sa nasa tuwid nilang
landas.” nabakas ang kalungkutan ni Fr. Rex “sige iho, lumabas ka na at
maghahanda na ako ng damit at kakausapin si Fr. Matt para halilihan ako bukas.
Mag-usap na kayo nila Andrei sa labas.”
Nagpaalam
na nga si Nicco at nilabas ang kambal na kanina pa naghihintay. Matapos na
magpalit ng damit para hindi masyadong maging kapansin pansin ang bikas niya ay
inaya na niya ang dalawa.
“Tara
na” masayang sambit ni Nicco.
“Sige
ba” agad na sumunod si Andrei.
Napansin
ni Nicco na hindi pa din tumitinag si Andrew “Andrew, halika na sumama ka na sa
amin” sabay ngiti.
Biglang
namula si Andrew at nakaramdam ng hiya at kaba dahil sa ginawa ni Nicco “Ah,
sige” tanging nasambit ni Andrew.
Habang
naglalakad sila ay nagsalita si Andrew “Sorry Nicco” sabi nya “hindi ko
sinasadya ung ginawa ko sa iyo nung nakaraang magkita tayo” dagdag pa niya.
“Ah,
hindi ka dapat sa akin magsorry. Kasalan ko din naman yun. Kung magsosorry ka
dapat kay Andrei kasi siya yung inaway ko dahil dun” sagot ni Nicco na halata
ang kasiyahan.
“Kung
magsosorry ka sa akin hindi ko tatanggapin, ilibre mo na lang kami para
mapatawad kita” masayang bigkas ni Andrei sabay hila sa braso ng kapatid.
Tila
nawala ang hiya at kaba ni Andrew at napalitan na din ng puro kaligayahan “Sige
ba, tara kumain muna tayo” sambit ni Andrew sa masayang tinig.
Masayang
masaya ang tatlo, aakalain mo ngang mula pa pagkabata sila magkakakilala. Kung
magkulitan at alaskahan ay para bang hindi mga nag-aaway. Lumabas ang kakulitan
ng kambal gayundin si Nicco. Sa asaran, laging talo si Nicco pag nagsabay ng
mamuwisit ang kambal. Naging magaan at palagay na ang loob nila sa isa’t—isa.
Wala na din ang kaba at hiya. Higit sa lahat, mas lalo nilang nakilala ang
bawat isa.
Hindi
nila napansin na maghahapon na at kanina pa naghihintay si Fr. Rex sa simbahan.
Napagkasunduan nilang bumalik na ng simbahan at ng sa ganuon ay hindi abutin ng
gabi sa daan sina Fr. Rex at Nicco. Malungkot man sila dahil
maghihiwalay-hiwalay na ay hindi na nila pinansin. Mas mahalaga ang magandang
nagyari sa kanilang tatlo ngayon.
“Magandang
gabi po Fr. Rex” bati ng tatlo
“Sinulit
nyo talaga ang araw ano” masayang bati ni Fr. Rex sa tatlo.
“Opo
nga po eh, sarap nga pong asarin ni Nicco” sagot ni Andrew.
“Lagi
pong talo sa asaran” dugtong ni Andrei.
“Kasi
naman pinagtutulungan nyo ako eh” pagtatanggol ni Nicco sa sarili.
“Kayong
mga bata kayo. Mainam na din at nagkasama-sama kayo bago pa man maging busy sa
pag-aaral” sagot ni Fr. Rex “nagbihis ka na at lalakad na tayo.
“Sige
po Father” sagot ni Nicco.
Makalipas
ang ilang sandali ay lumabas na ng silid si Nicco at tulad kanina at suot nito
ang puting-puti niyang polo at itim na pantalon na typical na sinusuot ng mga
seminarista at pari.
“Sige
Andrei at Andrew, alis na kami” tila may lungkot niyang sinabi.
“Sige
mag-iingat kayo” sabi naman ni Andrew.
“Sana
magkita pa ulit tayo” dagdag naman ni Andrei.
“Wag
kayong mag-alala tiyak magkikita pa ulit tayo” tila pagbibigay pag-asa niya sa
bagong mga kaibigan na batid niya, tulad niya ang malungkot din sa paghihiwalay
nila.
Gabi
na ng makarating ang dalawa sa seminaryo at duon ay sinabi sa kanya ni Fr. Rex
“Iho, may tiwala ako sa kakayahan mong mag-isip at sa paniniwala mo, ipapatawag
kita sa meeting para makatulong na masolusyunan ang problema ng seminaryo.
Matapos
magdasal ay natulog na ang mga seminarista maging ang mga pari para paghandaan
ang maagang misa.
[13]
Pag-amin
ni Andrei
“Nicco
ano ang masasabi mo sa nangyari sa mga kasamahan mong nahuli?” tanong ni Fr.
Rex kay Nicco.
Bagamat
nagulat sa pangyayaring iyon ay nagsalita ang batang seminarista. “Bakit hindi
natin sila bigyan ng pagkakataong magsalita? Tanungin natin kung bakit nila
nagawa yun. Paano natin malalaman ang katotohanan o makapagdedesisyon ng tama
kung sa simula pa lang ay masama na ang husga natin sa kanila?” nanginginig na
sagot ni Nicco.
“Halimbawang
nalaman na natin ang dahilan? Ano ang susunod nating gagawin sa kanila?” tanong
ng Rector.
Kahit
alam ni Nicco na maari niyang ikatanggal sa seminaryo dahil taliwas ito sa
gusto ng nakararaming pari duon ay sinabi niya ang nasa loob ng kanyang puso
“Siguro marapat na bigyan natin sila ng panahon para makapag-isip. Ipabatid
natin sa kanila kung bakit mali iyon? Hindi dapat na iduduldol sa harap nila
ang naging pagkakamali nila, hayaan silang maintindihan kung bakit sila mali.”
“Paano
kung nalaman na nila kung saan sila nagkamali at bakit sila nagkamali? Ano na
sa palagay mo ang dapat gawin?” tanong ni Fr. Cris, isang pari duon na halata
ang pagkadisgusto sa kanyang sinabi.
“Hayaan
silang mabatid kung ano ba talaga ang gusto o mas gusto nila? Kung sa palagay
nila ay gusto pa din nilang ituloy ang pagpapari, wag nating ipagkait ang bagay
na ikaliligaya ng puso nila. Pero dapat lagi nating ipaalala na may katapat
itong sakripisyo. Dahil mahalaga din tayo para mailagay siya sa tamang daan”
sagot ni Nicco, sa loob loob niya “eto na din naman ako, matanggal na kung
matanggal, ang mahalaga nasabi ko ang laman ng puso ko.”
“Ibig
mo bang sabihin na kahit dinungisan niya ang seminaryo ay tatanggapin pa natin
siya? Hindi ka ba nahihiya sa ganoon? Paano kung ulitin nya iyon?” tanong ulit
ni Fr. Cris.
Magsasalita
na sana ulit si Nicco nang sumingit si Fr. Rex “Hindi mo ba narinig ang sinabi
ng bata? Kasama tayo sa pagdadala sa kanya sa tamang landas. Ibig sabihin
nagkaroon din tayo ng pagkukulang kung bakit nila nagawa ang ganuong
pagkakamali.” Pagtatanggol nito kay Nicco.
Natahimik
si Fr. Cris na halata na ang pagkapikon sa ginagawang pagkampi ni Fr. Rex sa
batang si Nicco.
“Sige
iho, ituloy mo.” sabi ng Rector.
“Hindi
po mahirap na tanggapin siya muli. Ang kailangan lang ay ang pang-unawa.
Unawain na sila ay tao lang, marurupok, natutukso at nagkakamali. Sa bawat
pagkakamali, tulungan dapat sila ng mga nakapaligid sa kanya na lumagay sa tama
sa pamamagitan ng pagtanggap sa kanila muli.” sa pagpapatuloy ni Nicco.
Tahimik
ang lahat ng magsalita ulit ang batang seminarista “Ang pagtanggap ay ang
simula ng pagbabagong buhay.” – may sasabihin pa sana ang si Nicco ng may
magsalita.
“Iminumungkahi
kong dapat ay ilaan ang usaping ito sa mga namumuno ng seminaryo” sabi ni Fr.
Froilan na halatang hindi kumbinsido sa sinabi ng bata.
“Hindi
nyo dapat solohin ang usapan, maging ang mga baat ay may sariling palagay ukol
sa usaping ganito. Bakit hindi sila pakinggan? Baka sakaling may mapulot tayo.”
pagdepensa ni Fr. Rex.
May
sasagot pa sana ngunit pinigil na ito ng Rector “Hindi maganda na nakikita
tayong nag-aaway ng ating seminarista.” pag-awat nito sa naging mga sagutan
“sige na iho, lumabas ka na at kami na ang bahalang umayos nito.”
Bago
lumabas ay may narinig pa si Nicco na nagsalita “Pareho kayong pangahas ni Fr.
Rex.”
Ang
mga pangyayaring iyon ang patuloy na naglalaro sa isipan ni Nicco. Ang
pangyayaring muntikan na niyang kinatanggal sa seminaryo. Kahit sabihing pitong
buwan na ang nakakalipas ay apektado pa rin siya ng pangyayaring iyon. Mula
kasi ng araw na iyon, marami na sa mga pari na nagtuturo sa kanila ay
pinag-iinitan siya, subalit ang iba ay humahanga din sa bandang huli.
“7
months, 7 months na akong nandito. Matagal – tagal na din pala.” mahinang usal
ni Nicco habang nasa loob ng kwarto niya. “Salamat kila Kuya Andrei at Kuya
Andrew, binibisita nila ako kada linggo hindi ko tuloy nararamdaman ang
lungkot” nasa ganitong pag-iisip si Nicco ng may tumawag sa kanya.
“Nicco,
Nicco, dali, tawag ka ni Rector.” sabi ni Joshua, kasamahan ni Nicco sa kwarto.
Tulad niya ay gwapo din ito at halatang habulin.
Sanay
si Nicco na laging pinapatawag ng kung sino man sa mga pari at maging ng
rector, subalit ngayon ay tila ba iba ang pakiramdam niya. Pagdating sa loob ng
opisina ay nakita niya ang iba pang seminarista.
“Ngayong
kumpleto na kayo may sasabihin akong maganda sa inyo” panimula ng rector “Kayo
ang mga napili para makauwi sa inyong mga tahanan ngayong pasko. Dalawang linggo
din iyan. Subalit, may kapalit ang pag-uwi nyo. Dapat ay tumulong kayo sa
parokya niyo sa pagsasagawa nila ng selebrasyon para sa kapaskuhan.”
Masayang
masaya ang lahat ng seminaristang napili. Higit sa kanila ang pinakamasaya ay
si Nicco. Maisip pa lang niyang makakasama niya ang mga Kuya del Rosario niya,
lalo na si Andrei ay talagang sobrang ligaya na niya.
Sabado
ng araw na iyon at Linggo kinabukasan, alam niyang dadalaw ang dalawa lalo na
at bakasyon din ang mga ito kaya naman naisip niyang sopresahing sasama siya
pabalik sa San Isidro. Ika-sampu ng umaga kung dumating ang mga kuya-kuyahan
niya, minsan ay kasama si Governor. Ganuong oras din ang tapos ng huling misa
sa seminaryo at ganuong oras din maaaring makaalis ang mga seminaristang
mapapalad. Hindi nga nagtagal at dumating na din ang mga ito kasama si Aling
Martha at si Governor.
“Magandang
umaga po Father” sabay mano, panimulang bati ng mga ito sa rector na
nakasalubong nila sa may gate ng seminaryo.
“Magandang
umaga din po naman” sagot nito “tuloy po kayo Governor” sabay tingin kay Don
Joaquin “susunduin nyo po ba si Nicco?” dugtong ng pari.
“Ano
pong susunduin yun?” halos sabay na tanong ng kambal.
“Hayaan
nyo na lang na siya ang magsabi” sabay tingin sa may daanan papuntang dormitoryo
ng mga seminarista “oh, ayan na pala si Nicco.” Sabay turo sa paparating na si
Niccong maraming dalang gamit.
Nilapitan
ng dalawa si Nicco at tinulungang magdala. “Ano yung sinasabing susunduin ka
daw?” tanong ni Andrei.
“Ah,
alam ko na, pinapalayas ka na dito ano?” pagbibirong wika ni Andrew “sabi ko
naman sa iyo, di bagay dito ang mga may sungay” sabay ang mahinang tawa.
“Baka
naman narealize hindi ka para dito kaya aalis ka na no.” nagbibirong wika ni
Andrei “bakit mahal mo na ba ako?” dugtong pa nito sabay tawa ng mahina.
“Ako
ang mahal niyan hindi ikaw” sagot ni Andrew sa kakambal.
Sanay
na ang tatlo sa ganuong biruan at alaskahan. Lalo pa at laging alaska ng dalawa
kay Nicco ay bakla ito kaya magpapari. Lingid sa kaalaman ng dalawa na
naapektuhan siya kapag binibiro siya ng ganuon at tuwing magtatanong ang dalawa
kung mahal ba niya si Andrei ay nais niyang sumagot ng “oo”. Ganon din ang
kambal, nilalabas na lang sa biro ang pagpapahiwatig nila na mahal na nila ang
seminarista lalo na si Andrei na sa simula pa ay malakas na ang tama kay Nicco.
“Magandang
umaga po rector” sabay mano “Magandang umaga din po Governor at Aling Martha”
at pagkawika ay nagmano ang batang si Nicco.
“Pasensya
na po kayo Governor..” hindi naituloy ni Nicco ang sasabihin dahil agad na
sumingit si Don Joaquin.
“Sabi
ko sa iyo, Papa na lang ang itawag mo, tutal Kuya ang tawag mo sa kambal ko.”
Paggigiit ni Don Joaquin.
“Sorry
po papa, pwede po ba akong makisabay sa inyo pauwi ng San Isidro?” magalang na
tanong ni Nicco.
“Kung
ayoko may magagawa ba ako? Dala mo na nga yang mga damit mo eh” sabi ni Don
Joaquin sabay tawa “kita mo, pati si rector nakukulitan na sa iyo kaya
pinapaalis ka na dito” tumawa ang lahat pati na ang rector.
Pamaya-maya
pa ay nagpaalam na ang mga ito sa rector at sa ibang mga pari. “Sige po Father,
uwi na po muna ako sa San Isidro” sabay mano ni Nicco maging ang mga kambal.
“Sige
mag-iingat ka iho. Mag-iingat kayo.” sabi ni Fr. Cris na naging malapit na kay
Nicco “ingatan nyo si Fr. Nicco ah, bihira na ang makulit na gaya niya” sabi ni
Fr. Cris kila Governor Don Joaquin.
“Opo,
alagang alaga iyan lalo na sa kambal ko. Bunso nga namin yan eh” sabi ni Don
Joaquin.
Ilang
oras pa ay nasa San Isidro na sila. Sa bahay hinatid si Nicco. Tulad pa din ng
dati, wala ang tatay niya duon. Hindi malaman ni Nicco kung saan nagpupunta ang
kanyang ama, maaga itong aalis, subalit sobrang gabi kung umuwi. Minsan nga ay
inuumaga na ito. Alam niya na may regular itong trabaho, pero hindi niya alam
ang oras ng pasok at labas nito. Nang tinanong niya ito dati ay napagalitan
lamang siya kaya minabuti niyang wag na lang magtanong ulit, dahil alam niyang
malalaman din niya ito pagnagtagal.
“Governor,
este Papa, salamat po sa paghatid sa akin.” Pasasalamat ni Nicco. “Aling Martha
salamat din po” inabot ng batang senimarista ang kamay ng matandang si Martha.
“Ano
ba yan, hindi man lang nagpasalamat sa akin” may himig pagtatampo na wika ni
Andrei.
“Hindi
na kailangan un. Sino ba kayo?” sagot ni Nicco sabay tawa ng lahat.
“Kayo
talagang mga bata kayo, asaran kayo ng asaran” sabi ni Don Joaquin na sanay na
sa ganuong biruan “wala ka bang balak magpunta muna kay Fr. Rex?” tanong ng
Don.
“Mamaya
po, dadalawin ko lang ang mga kapatid ko” sagot nito.
“Di
ba kami ang mga kapatid mo?” pabirong wika ni Andrew.
“Naku
iho, kay bait mo talaga” pakling sambit ni Don Joaquin, bagamat alam niya ang
kwento ni Nicco base na rin sa kwento nila Andrei at Andrew.
“Sige
una na kami” paalam ng Don, ni Aling Martha at ng kambal.
Ayaw
pang umuwi ng kambal subalit pinilit niya ang mga ito at tinakot na magagalit
siya kapag hindi sila umuwi. Bago matapos ang araw ay binisita niya ang mga
kapatid niya subalit gaya ng mga nauunang pagbisita niya sa kani-kanilang bahay
ay laging aligaga ang mga ito at hindi magkanda ugaga sa ginagawa. Pinuntahan
din niya sila Chad at Rome para mangamusta at sa bandang huli ay kay Fr. Rex.
Inanyayahan
siya na sa Mansion na lang ng del Rosario nagpalipas ng Noche Buena subalit
tinanggihan niya ito. Pati si Fr. Rex ay inaya siyang sa simbahan na lang
manatili pero mas pinili niyang makasama ang ama. Kaya naman nang sumapit ang
gabi bago ang araw ng pasko ay naghanda siya ng kahit kaunti dahil umaasa
siyang darating ang ama. Subalit inabot na ng umaga ay wala siyang nakita
maging ang anino nito. Nakatulog na ang batang seminarista sa sala ng marinig
niyang may paakyat. Nagulat siya ng mapansing si Andrei pala iyon.
“Merry
Christmas Niks” nakangitng bati nito.
Nais
sanang mapaluha ni Nicco subalit pinigilan niya ang emosyon “Merry Christmas
din Kuya Andrei. Nasaan si Kuya Andrew?” tanong nito.
“Wala,
iniwan ko, tumakas nga lang ako. Ayun at tulog na tulog ang loko.” Nakangiting
wika nito “ikaw lang ata mag-isa dito ah”
“Oo,
hindi pa din kasi umuuwi si tatay” nakangiting sagot nito.
“Buti
na lang pala at pinuntahan kita. Kanina ka pa namin gustong puntahan kaso
nahihiya kaming magpaalam kay Papa. Alam mo na.” sabi nito na may pag-aalala sa
tinig.
“Ayos
lang, salamat nga pala sa pagbisita” sagot ni Nicco, subalit sa loob loob niya
“ayos lang sa akin, basta ba ikaw ang kasama ko ngayong pasko.” At bigla siyang
napangiti.
“Niks,
may sasabihin sana ako sa’yo.” Napalunok ng laway si Andrei “wag ka sanang
magagalit”
“Sige
ano ba yon?” sagot nito.
Hindi
malaman ni Andrei kung paano sisimulan, pero alam niya sa puso niya na ito na
ang pagkakataon para sabihin ang damdaming iyon. Ngayon ay sigurado na niya ang
nararamdaman.
“I
Love You Niks” sabi nito.
“Joker
ka talaga, ayos lang ako, wag ka nang magpatawa” sagot ni Nicco.
“I
mean it Niks, since then, I fell in love with you.” Paggigiit ni Andrei.
Nabalot
ng katahimikan ang buong paligid. Nagsalita muli si Andrei “I can’t keep it
inside myself anymore. Pakiramdam ko habang tinatago ko ito gusto kong
sumabog.”
“Pero
Andr—“ at hindi na naituloy ni Nicco ang sasabihin.
“Wag
kang mag-alala, alam ko namang may pangarap kang tinutupad. Ang sa akin lang
naman, karapatan mong malaman ang totoo. Ayos lang kung magbago ang tingin mo
sa akin pero sana huwg mo akong iiwasan.” sabi ni Andrei “Hindi ko kayang
iwasan mo ako.”
“Huwag
kang mag-alala Andrei, hindi nagbago ang tingin ko sa iyo.” nakangiting wika ni
Nicco “masaya ko dahil alam ko, mahal ako ng taong mahal ko din.”
Napangiti
si Andrei sa sinabing iyon ni Nicco nang biglang tumunog ang cellphone nito.
“Sandali
lang tumatawag ni Andrew” saad ni Andrei.
“Kuya
nasan ka ba? Hinahanap ka ni Papa, andito sila tita Melba” sabi ni Andrew sa
kabilang linya.
“Sabihin
mo lumabas lang ako para magpahangin. Sige pabalik na ako diyan.” Sagot ni
Andrei.
“Niks
ko, uuwi muna ako, pero babalik din ako mamaya” pagpapaalam ni Andrei.
“Ingat
ka Andrei” sabi naman ni Nicco.
Sa
pag-usad ng mga araw ay wala ngang nagbago sa pagsasama ng dalawa. Kung mayroon
man ay ito ang mas lalong pagiging malapit nila sa isa’t-isa. Kinabukasan ay
bagong taon na at kailangan ng bumalik ni Nicco sa seminaryo ng araw din iyon.
Malungkot man si Andrei sa pag-alis na ito pinangako niya kay Nicco na
dadalawin pa din niya ito ng lingguhan para mabawasan ang kalungkutan nila.
Ngunit bago tuluyang maghiwalay ay nag-iwan ng makabuluhang pahayag si Nicco,
“baka sa susunod na pagbisita mo kasama mo na ako.”
Sa
pahayag na ito ni Nicco ay tila sumaya ang binatang si Andrei at sumagot ng
“Aasahan ko iyan”
“Wag
mo munang asahan baka hindi matuloy, baka sa susunod na buwan” at nakangiting
bumaba ng sasakyan si Nicco. “Ingat kayo” huling pahayg nito bago tuluyang
pumasok sa seminaryo.
Naguguluhan
man si Andrew sa usapan ng dalawa ay binaliwala na lang niya. Nakalubog na ang
araw ng maka-uwi ang kambal. Naging malungkot ang dalawa lalo na si Andrei dahil
wala na si Nicco. Subalit napapasaya naman siya ng makahulugang pahayag nito sa
tuwing maaalala niya.
[14]
Panahon
ng Pagpili ni Nicco
“Niks,
ano na , sasama ka na ba sa amin pag-uwi?” Mahinang tanong ni Andrei kay Nicco.
Mahigit
isang buwan na din ng sabihin ni Nicco ang makabuluhang pahayag na iyon kay
Andrei. Sa totoo lang ay nagdadalawang isip si Nicco ukol sa bagay na iyon.
Iniisip niya kung tama bang iwan ang seminaryo para kay Andrei o ipagpatuloy
ang pagpapari para sa mga taga-San Isidro. Hati ang puso ni Nicco ukol sa bagay
na iyon. Alam niya na nagtatampo sa kanya ang Kuya Andrei niya dahil binigo
niya ito sa pag-asang magkakasama sila at lalabas siya ng seminaryo.
“Kuya,
pasensiya na. hindi po ako makakasama sa inyo.” malungkot na tinig ni Nicco.
“Ganuon
ba? Ayos lang, sa susunod na lang.” nakangiti ngunit kita ang kalungkutan.
Nang
sumunod na Linggo, tanging si Andrei lang ang pumunta ng seminaryo. Bago ito
para kay Nicco kayat tinanong niya ang Kuya Andrei niya “Oh, bakit ikaw lang?
Nasaan si Kuya Andrew?” nakangiti niyang tanong.
“Naiwan
sa Manila, medyo busy” sagot ni Andrei “gusto nga n’ya na makapunta dito”
dagdag pa niya.
“Ganuon
ba sayang naman” wika ni Nicco “Kamusta na ang Andrei ko?” tanong niya kay
Andrei.
“Kailan
mo ba talaga balak sumama sa akin pabalik ng San Isidro?” Imbes na sagutin ay
nagtanong si Andrei “May balak ka bang sumama o pinapaasa mo lang ako sa wala?”
dugtong pa nito.
“Kuya,
hindi ko po talaga sinasadya kung napapaasa kita” malungkot na tinig ni Nicco “Nahihirapan
po kasi akong mag-isip kung ano ang gagawin ko.”
“Ganuon
na nga din yon, para bang pinapaasa mo ako sa wala. Sana sinabi mo na ng mas
maaga ng hindi ako masyadong umaasa sa iyo.” mahinahon ngunit malungkot na
tinig nito.
“Hindi
naman sa ganuon kuya, kaya lang –“ hindi na naituloy pa ni Nicco ang sasabihin
dahil nagpaalam na aalis na si Andrei.
“Sige
sa susunod na lang ulit.” paalam nito “sana may desisyon ka na pagbalik ko. At
tuluyan nang nilisan ni Andrei ang lugar.
Hindi
naman mapanatag ang kalooban ni Nicco dahil sa pangyayari, gusto sana nyang
habulin ang Kuya Andrei nya para yakapin at sabihing sasama na siya dito,
subalit hindi niya magawa dahil lubha pang magulo ang isip niya.
Nang
sumunod na Linggo ay walang Andrei o Andrew na nagpakita sa kanya. Labis itong
pinag-alala ni Nicco. Iniisip kung galit ba sa kanya ang Kuya Andrei niya o
baka naman inisip na wala na itong pag-asang umalis siya ng seminaryo. Tila ba
binagsakan ng langit at lupa ang kalooban ni Nicco sa ganuong isipin. Pilit man
niyang sawayin ang sarili ay hindi niya magawa sapagkat iyon ang nararamdaman
niya.
Nasa
ganuon siyang pag-iisip ng may nagsalita – “Tila malungkot ka?” sabi ni
Matthew.
“Kayo
po pala Dok.” sabi ni Nicco.
“Sarap
umiyak dito sa hardin diba? Kahit naman sino, kailangang umiyak. Bahagi na iyon
ng pagiging tao” sabi ng doktor.
Nanatiling
tahimik ang lahat ng magpaalam ang doctor kay Nicco. Pagkaalis ng Doktor ay
duon nagsimulang dumaloy ang luha sa mga mata ni Nicco.
“Tama
si Dok, kahit sino kailangan umiyak. Hindi ka dapat magpanggap na masaya ka
kung malungkot ka naman talaga. Mahirap magpigil nang nararamdaman dahil kahit
kailan, mahirap dayain at lokohin ang sarili mong puso.” Sabi ni Nicco sa
sarili.
[15]
Ang
Pagdating ni Dok Matthew
“Sarap
umiyak dito sa hardin diba? Kahit naman sino, kailangang umiyak. Bahagi na iyon
ng pagiging tao” sabi ng doktor.
Si
Dr. Matthew Cervantes Jr. ay ang bagong doktor ng seminaryo. Bukod sa
pagsisilbi niya ng libre sa seminaryo ay regular na doktor din siya sa isang
ospital sa Maynila. Isang dating seminarista na lumabas ng seminaryo para
hanapin ang isang bagay na tunay na ikaliligaya ng puso niya. Sa pagbabalik
niya sa kanyang bayan ang Santiago ay duon niya nakita ang madaming kakulanga
ng lipunan. Napagtanto niya na madami sa mga kababayan niya ang namamatay ng
hinid man lang nakakakita ng doktor sa tanang buhay nila. Sa pag-iral ng likas
na kabaitan ay naantig ang kanyang puso upang tumulong sa mga ganitong uri ng
tao. Hindi naglaon ay nakita niya ang sarili na pinag-aaralan ang medisina.
Kahit
tutol ang kanyang pamilya sa bagong landas na tinatahak ay pinanindigan niya
ito. Hindi siya natakot na mawala ang kung ano pa man sa kanya. Sa ngayon, mas
iniisip niya ang pagtulong sa mga kapwa. “Hindi ko ipagkakait ang tulong sa
nangangailangan sa paraang alam kong kaya kong gawin.” Ito ang naging
pamantayan niya sa pagtulong sa kapwa.
Ngayon
ngang nakapagtapos na siya ng medisina at isa ng ganap na doktor ay pinili
niyang maging doktor sa isang pampublikong ospital at isang volunteer doctor na
pumupunta sa mga mahihirap na lugar para mag-abot ng tulong. Hindi din niya
ipinagkait ang libreng serbisyo sa kanyang dating tahanan, ang San Agustin
Seminary. Pinupuntahan niya ang seminaryo ng dalawang beses sa isang linggo.
Buhat ng una silang makapg-usap ni Nicco ay naging malapit na ang bata sa
kanya.
Dalawang
buwan na ang lumilipas at walang kambal na nagpakita sa seminaryo. Labis na
kalungkutan ang nararamdaman ni Nicco. Lalo’t higit sa isiping galit sa kanya
ang Kuya Andrei niya. Linggo nuon, nasa hardin si Nicco, parehong lugar kung
saan niya unang nakausap ang doktor. Umiiyak ng palihim ang batang si Nicco ng
muli ay makita siya ng doktor.
“Ano
ang problema iho?” tanong ng doktor sa kanya.
“Wala
naman po.” Sagot nito.
“Kung
wala, bakit ka umiiyak?” tanong nito “hindi pwdeng umiiyak ka ng walang
dahilan” dugtong pa nito. “Lagi kitang nakikitang umiiyak sa lugar na ito” ibig
sabihin may problema ka.
At
duon nga ay ikinuwento ni Nicco sa Doktor ang lahat. Kahit may pag-aalinlangan
sa kanya ay ginawa pa din niyang magtiwala sa doktor dahil alam niyang
makakatulong ito sa kanya.
“Isipin
mo, ano ba talaga ang mas matimbang sa iyo? Saan ka ba mas liligaya? Bakit
hindi mo subukang pagdaanan ang parehong landas. Ngayon ay tinatahak mo ang
unang option mo, nakikita ko masaya ka pero may kirot at hapdi sa puso mo.
Bakit hindi mo subukang lumabas? Tahakin mo ang isa pang option. Malay mo,
sumaya ka na walang kirot sa puso mo.” sambit ng doktor.
“Dok,
nagsimula lang naman po ito nung umamin sa akin si Kuya Andrei at mas
naramdaman ko ang kalungkutan nung hindi niya ako dinadalaw.” Sagot ni Nicco.
“Tamang
pagkakataon na para subukan mo ang isang landas.” Dagling pagsagot ng pari.
“Kung sakali mang hindi ka lumigaya sa labas, bukas ang seminaryo para
tanggapin ka.”
Napangiti
si Nicco na para bang gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa palagay niya ay
binigyan siya ng senyales mula sa taas kung ano ang gagawin niya. Naisip na
lang niyang, mas madali pala ang magpayo kaysa sa isabuhay mo ang pinapayo mo.
“Salamat
po Doc Matthew” sabi ni Nicco “buti na lang po at andyan kayo”
“Salamat
din sa tiwala mo sa akin” sagot ng doktor “walang makakalam ng pinag-usapan
natin”
Mula
nuon ay tila gumaan na ang pakiramdam ni Nicco, at unti-unti sa bawat linggo,
alam na niya ang isasagot sa kanyang minamahal na kuya Andrei kung sakaling
bumisita ito at magtanong sa kanya.
No comments:
Post a Comment