Tuesday, January 8, 2013

Forbidden Kiss (16-Finale)

By: emray
E-mail: iam.emildelosreyes@yahoo.com
Blog: theimmaculatedalisay.blogspot.com


[16]
Si Ex-Girlfriend Sarah at si Pinsang Glenn

“Micco may bisita ka.” tawag ni Jhell kay Micco.

Nagtataka man ay binaba ito ni Micco. Kahit sa hinagap ay hindi niya inaasahang makikita ang isang mukhang gustung-gusto na niyang makita kagabi pa.


“Kuya Adrian!” pormal na bati ni Micco kahit na nga ba ang katotohanan ay gusto na niya itong takbuhin para yakapin.

“Micco!” bati din ni Adrian na pinipigil ang sarili na huwag yakapin si Micco dahil alam niyang mas malaking problema ang pwedeng idulot nuon.

Kahit na nga ba sabihing wala pang bente-kwatro oras silang hindi nagkikita ay tila ba isang dekada silang hindi nagkikita na. Kapwa nila gustong yapusin ang isa’t-isa at kulungin sa kanilang mga bisig, siilin nang halik ang kanilang mga labi subalit dahil sa isang lihim ang pagsasama nila ay kailangan nilang magpanggap na ibang tao.

“Salamat po Ate Jhell!” pasasalamat ni Micco kay Jhell.

“Walang anuman the best pinsan.” sagot ng dalaga kay Micco at may pahabol na ngiti.

“Ate Jhell!” tawag ni Micco sa pinsan bago umalis.

“Bakit?” dagling sagot ni Jhell.

“Huwag po ninyong sasabihin kahit kanino na may bisita ako.” tila pakiusap ni Micco dahil sa pangambang ipagsigawan nito sa buong baranggay na nasa bahay nila si Adrian.

“Loko” sabi ni Jhell saka lumapit kay Micco at binatukan. “Nagbago na ako. Palibhasa kasi matagal na nagtago kaya wala nang alam. Saka malalate na ako sa trabaho ko alangan namang magsisisgaw pa ako dito.” sabi pa ni Jhell.

“Pasensiya naman!” paumanhin ni Micco.

“Saka malamang nagsawa nang pumunta sa inyo mga kapit-bahay natin, kulang na lang sa inyo na matulog kagabi ah.” sabi pa ni Jhell saka lumakad palayo.

“Salamat po Ate Jhell.” pasasalamat ni Micco.

“Tara muna sa taas.” aya ni Micco kay Adrian.

“I love you!” wika ni Adrian habang papasok na sila nang bahay nila Micco.

“Adik ka!” usal ni Micco. “Mamaya may makarinig sa’yo.” dugtong pa ni Micco na sa totoo lang ay nakaramdam ng kiliti dahil sa sinabing iyon ni Adrian.

“Ano naman kung marinig nila?” tila tanong ni Adrian kay Micco. “May masama ba dun? Lahat naman nang mag-asawa nagsasabi nun di ba?” dugtong pa ni Adrian.

“Ewan ko sa’yo” tanging nasabi ni Micco. “Oo may masama duon, dahil kasalanan sa paningin nila ang pagiging pareho nating lalaki.” – sulsol nang isipan ni Micco.

“Micco” sabi ni Mang Madeng na maagang nakabalik galing bukid “may bisita ka pala.” bati nang matanda.

“Magandang umaga po Sir.” sabi ni Adrian sabay ang pagmamano sa tatay ni Micco.

“Magandang umaga din naman.” ganting bati nito. “Saka huwag mo akong sinasabihan nang Sir, kinikilabutan ako.” dugtong pa ng matanda.

“Pasensiya na po Tito.” paumanhin ni Adrian.

“Tatay na lang ang itawag mo.” suhestiyon ni Micco.

“Oo nga, tutal naman pamangkin mo na si Matthew ngayon at sa inyo tumuloy si Micco at sa bahay mo ulit tutuloy ang bunso namin.” sabi ni Mang Madeng kay Adrian.

“Kung iyan po ang gusto ninyo.” sabi naman ni Adrian.

“Hala!” sabi ulit nang matanda “Pupunta muna ako sa kapatid ko at aayusin namin iyong para sa susunod na eleksyon.” paalam nang ama ni Micco sa dalawa.

“Mag-iingat po kayo!” tila pasikat na pahabol ni Adrian.

“Tatakbo ka na naman?” sabi ni Micco “baka may sumulpot na naman ang mga bago kong kapatid.” birong saad ni Micco dahil sa tuwing malapit na ang eleksyon ay may kakatok sa bahay at magpapakilalang anak nang kanyang ama.

“Wala na!” sagot naman ng tatay niya “nakilala na ninyong lahat.” habol pa nito.

“Basta mas matanda sa akin ayos lang, huwag lang mas bata.” ganti ni Micco.

“Ikaw na bata ka talaga.” sabi ulit ni Mang Madeng. “Hala, sige, ako’y aalis na.” paalam nito at saka tuluyang lumabas nang pinto.

Agad na hinatak ni Micco si Adrian papasok sa kanyang silid. Pagkasara nang pinto ay walang pagdadalawang-isip niyang niyakap ang binata. Ganuon din si Adrian na siniil naman nang halik ang mga labi ni Micco.

“I love you Micco ko!” wika ni Adrian.

“I love you more than you love me!” sagot ni Micco.

“Paano na yan eh I love you more than you love me din.” pagkontra ni Adrian.

“Edi imagine mo na lang kung hanggang saan ang pagmamahal ko sa’yo.” sabi ni Micco.

“Ang baby Micco ko talaga.” sabi ni Adrian sabay yakap nang mahigpit kay Micco.

“Tara na sa labas.” aya ni Micco kay Adrian.

“Dito muna tayo.” tutol ni Adrian. “Gusto pa kitang yakapin.” sabi pa ng binata.

“Pagbalik ko na lang sa bahay mo.” sabi ni Micco.

“Bahay natin!” giit ni Adrian na biglang umasim ang mukha.

“Bakit natin?” biglang tanong ni Micco.

“Lahat nang pag-aari ko, pag-aari mo na din.” sagot ni Adrian na may isang simpatikong ngiti.

“Ang daddy Adrian ko talaga.” malambing na sabi ni Micco. “Siyempre, pinaghirapan mo iyon kaya sa iyo lang iyon.” sagot ni Micco bagamat nakaramdam nang kasiyahan sa sinabing iyon ni Adrian.

“Wag ka nang tumutol!” tila pag-aalsa ni Adrian. “Lahat nang sa akin ay sa iyo na din. Ganuon naman pag mag-asawa. Pati ang puso ko iyo na nang buung-buo. Wala kang kahati, kasalo, kaagaw o kaaway. Higit pa, si Carlos Adriano Silvestrre Guillemas ay iyong-iyo.” tila pagtatapos ni Adrian sa usapan at saka binigyan nang halik si Micco sa noo.

“I love you Micco ko!” pahabol pa ni Adrian.

“I love you too Adrian ko!” sagot ni Micco.

Sinadya ni Adrian na huwag pumasok sa opisina nang araw na iyon. Nais niyang makita si Micco at makasama na muli. Makita at matitigan ang maamong mukha ni Micco sa buong araw. Para sa kanya, higit pa ang ligaya sa ganuong eksena kung ikukumpara sa ibang mga bagay.

Sa buong isang linggo na iyon ay tila ba isang kilometro lang ang San Tadeo mula sa Maynila. Pupuntahan ni Adrian si Micco sa bahay nito at pag malapit nang mag-alas nueve, ang oras nang tulog nila Micco, ay saka lamang ito aalis pabalik nang Maynila.

“Tay, Nay, alis na po ako!” paalam ni Micco sa mga magulang.

“Mag-iingat ka sa Maynila.” bilin sa kanya nang kanyang ina.

“Ako pa!” bibong sagot ni Micco.

“Lagi kang tatawag dito at saka umuwi ka sa linggo.” bilin pa ng ama ni Micco.

“Sabado at Linggo ko na nga lang po matuturuann ang mga bata.” tila reklamo ni Micco. “Lunes na po ako uuwi.” sagot ni Micco.

“May pasok ako nun, paano ko pa makikita ang bunso ko?” may tampong wika nang kanyang ina.

“Nanay talaga!” malambing na sambit ni Micco. “Siyempre hanggang Miyerkules ako dito.” tila pang-aamo niya sa ina.

“Salamat bunso!” tila naging masaya naman ang nanay ni Micco sa sinabing iyon ng bata.

“Sulong! Lumakad ka na!” tila pag-papaalis sa kanya nang kanyang ina.

Ang alam ni Adrian ay kinabukasan pa siya babalik nang Maynila. Ang siste nga nila ay duon ito matutulog sa bahay nila para kinabukasan ay kasama na ito sa paghahatid sa kanya. Binalak niyang huwag ipaalam na ngayon ang balik niya sa Maynila para surpresahin ang mahal niya. Pinilit niyang gayahin ang ayos nang buhok niya na ginawa ng mga stylist sa salon na pinagdalahan sa kanya ni Michelle. Isinuot ang isa sa mga binili nila sa mall at nag-ayos nang husto. Nais ni Micco na makita siya ni Adrian sa pinakagwapo niyang itsura nang sa ganuon ay lalo itong mahumaling sa kanya.

Sa loob nang bus ay hindi niya inaasahan na makakasabay niya ang kuya Glenn niya na sa Maynila nagtatrabaho.

“Kuya Glenn!” bati ni Micco sa papasakay na si Glenn. Palibhasa ay maagang nakarating sa terminal nang bus kaya sa pinaka-unahan naupo. Ngayon nga ay wala pa din siyang katabi sa upuan.

“Ang gwapo naman ngayon nang pinsan ko.” nakangiting wika ni Glenn.

“Tabi na tayo.” sabi ni Micco saka inayos ang katabing upuan at inalis ang ilan niyang gamit na nakalagay duon.

“Salamat!” saad ni Glenn. “Akala ko ba bukas ka pa babalik nang Maynila?” tanong ni Glenn kay Micco pagkaupo.

“Nakakahiya kasi kila Kuya Adrian kung susunduin pa ako.” pagsisinungaling ni Micco.

“Ganuon ba iyon?” tanong ni Glenn na may himig nang paghihinala.

“Ikaw, bakit ngayon ka lang papasok? Hapon na.” pag-iiba ni Micco nang usapan.

“Umuwi ako kagabi kasi naman nag-leave ako ngayon. Bali bukas pa ang pasok ko.” sagot ni Glenn.

“Ganuon ba? Buti na lang nakasabay kita.” pilyong wika ni Micco. “May manlilibre na sa akin nang pamasahe.” sabi ni Micco.

“Ano ka sinuswerte?” sagot ni Glenn.

“Oo naman kasi nakasabay kita para ilibre ako.” sagot ni Micco.

Madami pang pinag-usapan ang dalawa, kung anu-anong mga bagay. Hindi batid ni Micco na may ibang dahilan ang kuya Glenn niya kung bakit ito nag-leave nang araw na iyon at kung bakit sila nagkasabay sa parehong bus.

“Micco” bulong ni Glenn sa sarili “kung hindi lang kita pinsan malamang ay hindi ako nahihirapan ngayon.” kasunod ang isang malalim buntong-hininga nito na napansin naman ni Micco.

“Bakit?” tanong ni Micco. “Ayaw mo ata talaga akong ilibre, sige wag na lang.” sabi ni Micco na biglang kumunot ang noo. Normal na kay Micco ang ganitong mga reaksyon, ang pagiging isip bata niya at alanganing mga kilos na hindi tumutugma sa edad nitong bente anyos.

“Buti naman!” sabi ni Glenn. “Nakaligtas ang sisenta pesos ko.”

“Ayaaa!” usal ni Micco.

“Micco! Mahal kita alam mo ba iyon?” sabi ni Glenn sa sarili. “Hindi ko maintindihan pero simula’t sapul pa ayaw na kitang nakikitang nasasaktan. Ayaw kong may napupuna sa iyo ang iba. Pakiramdam ko ako ang mas nasasaktan. Pero mali itong damdamin ko! Magpinsan tayo at higit pa, pareho tayong lalaki.” dugtong ulit ng isipan ni Glenn.

“Bakit ba napakalaking issue ang pagiging pareho ng kasarian?” wika ulit ni Glenn sa sarili.

“Bakit ganyan ang itsura mo?” tanong ni Micco na may napakatamis na ngiti sa kanyang labi. “Hindi na nga ako nagpapalibre parang biyernes santo pa ang itsura mo.” biro pa ni Micco.

“May iniisip lang ako.” sagot ni Glenn.

“Kasama mo na nga ako, iniisip mo pa ako.” ganting sagot na pabiro ni Micco.

“Kung alam mo lang Micco, ikaw nga ang iniisip ko. Pero heto ka nga, malapit tayo sa isa’t-isa subalit alam kong kailanman ay hindi kita pwedeng angkinin.” bulong ni Glenn sa sarili.

“Ang mga ngiti mong iyan na nagpapagaan sa kalooban ko. Ang mga mata mong kakaiba ang kuryenteng inihahatid sa akin, ang lahat sa iyo Micco. Pero alam kong hindi talaga tayo pwede.” malungkot na pagtanggap ni Glenn sa katotohanan.

“May relasyon ba kayo ni Adrian?” biglang naibulalas ni Glenn. Walang pagdadalawang-isip niyang naitanong iyon at walang pagsisisi niyang itinanong iyon.

Biglang nanginig si Micco at tila nilamon siya nang kaba. Hindi niya alam kung paano sasaguting nang “oo” ang tanong na iyon.

“Oo” sagot ni Micco “boss ko siya at ako ay empleyado. Workplace relationship!” pahabol pa nito. – “Ayos iyon Micco at least oo ang sagot mo at half-truth.” buyo ni Micco sa sarili. Hindi na niya nakuha pang itanong kung bakit dahil ayaw na niyang pag-usapan nila ang mga bagay na iyon at baka magkamali siya nang sagot sa pinsang si Glenn.

“Nga naman!” tanging sambit ni Glenn. “Micco, kahit itago mo sa akin alam ko na may namamagitan sa inyo ni Adrian, higit pa sa pagiging magbossing o kaya ay magkaibigan. Alam kong siya na ngayon ang nasa pwestong dapat ay matagal ko nang ipinaglaban.” – wika ni Glenn sa sarili na tila sinagot ang sariling katanungan.

Si Glenn na ang nagabayad sa pamasahe ni Micco. Buong biyahe silang nakatahimik lang at miminsanang magbiruan. Isang oras din ang naging biyahe nila at sa parehong sa terminal sila bumaba, duon na sila naghiwalay nang daan. Didiretso na si Micco sa opisina ni Adrian para magpakita sa kanyang mahal. Sakto naman niyang nakasalubong si Mang Teban na tila papaalis na sa opisina ni Adrian kaya naman agad niya itong hinarang.

“Micco” bati nang matanda “gwapo natin ngayon!” dagdag pa nito. “Akala ko ba bukas pa ang balik mo?” tanong pa nang matanda.

“Napaaga nga po” pagdadahilan ni Micco na walang sinagot sa tanong nang matanda dahil gusto na niyang makita ang reaksyon ni Adrian pag nakita siya. “Didiretso na po ba kayong umuwi?” tanong ni Micco sa matanda.

“Oo!” sagot ni Mang Teban. “Akin na iyang mga dala mo at ihahatid ko na sa bahay.” nakangiting wika pa nito. “Tiyak na matutuwa si Sir Adrian.” mahinang usal nang matanda.

“Ano po iyon?” tanong ni Micco.

“Tiyak na matutuwa ka ko ang mga bata.” pagsisinungaling ng matanda.

Pagkalagay nang mga gamit niya sa loob ng kotse ay agad siyang pumasok sa loob nang building at dali-daling inakyat ang papunta sa opisina ni Adrian. Kinakabahan siya – naging mas mabilis ang pagtibok nang puso niya.

“Inhale – exhale” wika ni Micco bago tuluyang buksan ang seradura nang pinto. Tatlong ulit niyang ginawa ito. Kinuha ang panyo at pinunasan ang pawis at dahan-dahang binuksan ang pinto –

“Wait Micco!” awat niya sa sarili. “Practice muna nang smile. Sweet smile.”

Ngingiti nga si Micco – “Hindi ganyan, mali! Super sweet smile pa.”

“Kulang pa, more super sweet smile.” saad pa ng isipan niya.

“Tigil na nga ‘to mukha na akong tanga.” mahina niyang wika.

“Go Micco! Moment na!” saad ulit ni Micco sabay bukas nang pinto.

Biglang natigilan si Micco – isang eksenang hindi niya inaasahan ang makikita. Mali – isang eksenang hindi niya naisip na pwede pa lang mangyari.

Agad niyang sinarado ang pinto – mahinahon at dahan-dahan. Kung sa akala niya ay magugulat niya si Adrian ay nagkakamali siya, siya ang nagulat nito. Nagulat siya sa isang pagmamahalang akala niya ay may katuparan na ngunit iba ang sinasabi nang mga pangyayari.

Si Adrian – ang taong nagpangako sa kanya nang pagmamahal at ng kasiyahan ay heto’t may kahalikan na iba. May kahalikan na isang babae na sa tingin niya ay si Sarah. Hindi alam ni Micco kung ano ang unang mararamdaman, galit, sakit, lungkot pait, poot, suklam at pighati. Isa lang ang sigurado niya – gusto na niyang lisanin ang lugar na iyon at sa pinakamabilis na pagkakataon ay makalimutan ang nakita.

“Ang tanga mo Micco!” sisi niya sa sarili habang tumatakbo. “Sino ba ang may sabing pwedeng magkaroon nang magandang ending ang dalawang lalaki? Dapat sa simula pa alam mo na iyan.”

Nagmamadaling tumakbo pababa si Micco. Wala siyang pakialam sa kung sino ang nakakasalubong sa daan, takbo lang ang alam niyang gawin nang mga oras na iyon – takbo na sa pinakamabilis na paraan ay matakasan ang kung anumang sakit na nadarama niya.

Madilim na ang paligid – gayunpaman ay pinipigilan pa din niya ang mga luha mula sa pagpatak nito sa kanyang mga mata.

“Micco” pang-aalo niya sa sarili habang nilalakbay ang kahabaan nang daang hindi niya alam kung saan papunta “life is beautiful. Don’t be discouraged.”

“Life is beautiful pero ruined naman ngayon.” sigaw nang isa sa nadaan niyang mag-syotang nag-aaway.

“Epal ka!” sigaw niya sa mga ito. “Life is beautiful nga. Kokontra ka pa.”

“Gago ka pala!” sabi nang lalaki at aktong susugurin na siya. “Nakikialam ka.”

“Patay kang Micco ka!” mahina niyang usal kasunod ang karipas nang takbo. “Sige lang mag-away na kayo.” sigaw niya sa dalawa.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya nang makitang nakalayo sa siya sa mga ito. Panandalian niyang nalimutan ang sariling problema at ang sakit na nasa kanya dahil sa katangahang ginawa at ngayon nga ay unti-unting nanunumbalik na tila tinitikis siya at sinasakal nang walang pakundangan. Sinapit na niya ang pamosong Manila Bay na sa unang pagkakataon ay nakita niya.

“Adriaaann” sigaw niya nang pagkalakas-lakas habang nakatingin sa may baybayin nang Maynila. Dito na nagsimulang tumulo ang mga luha niya. Wala siyang pakialam sa kung sinuman ang nakakakita at nakarinig sa kanya. Gusto lang niyang mailabas ang lahat nang sama ng loob – ipaaanod at ipatangay sa tubig.

---------------------------------------------------

“Sarah, will you please stop!” tila pag-uutos ni Adrian.

“I love you Adrian!” sabi ni Sarah sabay yakap kay Adrian. “I really love you.” pagsusumamo ni Sarah.

“Tapos na tayo! Kung sa laro, gameover na. Kung sa novel, the end. Kung sa fairytale - ” naputol ang sasabihin ni Adrian nang magsalita si Sarah.

“Sa fairytale and we live happily ever after.” sibat ni Sarah.

“Tama! Tumpak! Kaya nga you deserve to be happy with other man out there.” pangangatwiran ni Adrian at pagtutol sa kung anuman ang nasa isipan ni Sarah.

“Kinapalan ko na ang mukha ko Adrian, kinapalan ko na para magawa ko ito.” sabi pa ni Sarah.

“You don’t deserve me. You deserve someone better.” tila pang-aamo ni Adrian.

“Wala nang iba pa bukod sa iyo.” sabi ni Sarah sabay yakap kay Adrian.

“Stop this insanity Sarah. It’s not working.” sabi ni Adrian.

Walang anu-ano ay hinalikan ni Sarah si Adrian. Sa labi – mariin, magaslaw at punung-puno nang emosyon. Lalaki si Adrian – nadala din ito sa halik ni Sarah, nakaramdam nang kahinaan. Malapit na siyang bumigay ngunit sa isiping si Micco – oo, si Micco na buhay niya ay mawawala sa isang pagkakamaling magagawa niya. Mas nangibabaw ang pagmamahal niya kay Micco kung ikukumpara sa tangka ni Sarah at sa mga balak nito.

“I’m sorry Sarah.” wika ni Adrian sabay hawak sa mukha ni Sarah na tila pinakakalma ito.

“I guessed, I need to quit.” sabi ni Sarah. “Mas mahal mo nga talaga siguro iyong pinalit mo sa akin.” malungkot na wika nito.

“Makakahanap ka din nang para sa’yo. Huwag kang mag-alala.” sabi ni Adrian at muli at sa huling pagkakataon ay ginawaran niya nang halik si Sarah sa noo.

“Pasensiya ka na at naging makulit ako. I’m wishing for your happiness.” tila pagwawakas ni Sarah at nagmamadaling lumabas.

Sa paglabas naman ni Sarah ay siyang pagpasok ni Michelle sa opisina. May pinulot ito sa sahig na saka ipinatong sa ibabaw nang kanyang lamesa.

“Nagkita na po ba kayo ni Micco?” tanong ni Michelle kay Adrian.

“Micco?” tila pagtataka ni Adrian. “Mamaya ko pa susunduin si Micco.” pagsasaad pa nito.

“Siguro kamukha lang ni Micco iyong kanina.” wika ni Michelle.

“Anong kamukha ni Micco?” tanong ni Adrian na biglang nakaramdam nang kakaibang pangamba.

“Sir” simula ni Michelle sa kwento “may nakasalubong ako kanina, akala ko si Micco. Magmamadali nga po, tinawag kong Micco pero hindi lumingon.” sagot ni Michelle.

“Sir, naiwan mo ata ni Ms. Sarah.” saad ulit ni Michelle sabay abot sa panyong napulot niya sa sahig.

Agad naman kinuha ni Adrian ang panyo – “Sige bibigay ko na lang.”

Pagkasabi ay saka lang pinagmasdan ni Adrian ang panyo. Bumilis sa pagpintig ang puso niya, kilala niya ang kakaibang amoy na nasa panyong puti na iyon. Kahit na nga ba simpleng puti na panyo iyon ay alam niyang pagmamay-ari iyon nang taong pinaglalaanan niya nang habang-buhay. Oo, kay Micco ang panyong iyon.

Agad na binukadkad ni Adrian ang panyo para mas makasiguradong si Micco nga ang may-ari nito. “Light of my Life” – mga katagang siya mismo ang nagpaburda bago ibigay kay Micco ang panyong iyon. Tila nanghina ang mga tuhod ni Adrian at agad itong napaupo sa may sofa.

“Sasasaaaan mo nakuha ‘tong panyo?” putol-putol na tanong ni Adrian kay Michelle.

“Sa may pintuan po.” agad na sagot ni Michelle.

Nanatiling nakatahimik na lang si Adrian at nanatiling walang imik at tila may malalim na iniisip.

“Micco” usal niya sa sarili “Nakita kaya niya kung ano ang nangyari?” tanong ni Adrian sa sarili.

“Sige na Michelle, pwede ka nang umuwi.” sabi ni Adrian sa sekretarya nito.

“Maaga pa po!” tila tutol ni Michelle.

“Ayos lang iyon.” sabi ni Adrian. “Wala ka na namang gagawin na dito.”

“Sige po Sir” paalam ni Michelle “salamat po, ingat kayo pagsundo kay Micco.” sabi pa nito saka inayos ang gamit.

Pagkaalis ni Michelle ay agad na tinawagan ni Adrian si Micco. Una ay nagriring ito subalit walang sumasagot. Nakailang beses niyang sinubukang tawagan si Micco hanggang sa –

“The number you have dialed is either unattended or our of coverage area. Please try your call later.” – sabi nang operator na wala nang ring pa mula sa cellphone ni Micco.

“Micco” mahina niyang usal.

Muli niyang idinial ang cellphone, magbabakasakali siyang nasa San Tadeo pa si Micco.

“Jhell” wika ni Adrian.

“Adrian napatawag ka.” sagot ni Jhell.

“Nasa bahay ba si Micco?” tanong ng binata.

“Alam ko kanina pa siya nakaalis dito.” sagot ni Jhell.

“Teka tingnan ko!” pahabol pa ni Jhell.

“Salamat po.” maikling sagot ni Adrian na puno nang pangamba.

Ilang saglit pa at –

“Wala na daw dito.” sabi ni Jhell.

“Ganuon ba” malungkot na saad ni Adrian “Sige baka nasa bahay na iyon. Salamat po ulit.”

“Walang anuman.” sabi ni Jhell.

Sabay pindot ni Adrian sa end call.

Hinarap naman niya ang wireless na telepono sa opisina, idinial ang numero nila sa bahay.

“Hello manang!” simula ni Adrian.

“Sir, napatawag ka po.” sagot nang matanda.

“Nandiyan na po ba si Micco?” tanong ni Adrian.

“Wala pa, pero inihatid na ni Mang Teba iyong gamit niya.” sagot nang matanda.

“Ganuon po ba?” malungkot na namang wika ni Adrian. Lalong tumindi ang pag-aalala niya para dito. Hindi niya alam kung saan sisimulan o paano sisismulan ang paghahanap kay Micco.

“Sabi ni Mang Teban dinaanan ka daw diyan at diyan niya nakasalubong si Micco.” pagbabalita ng mayordoma nila Adrian.

“Saka ko na lang po sasabihin. Salamat po.” sagot ni Adrian sabay baba sa telepono.

“Micco ko, nasaan ka na.” tanong niya sa sarili saka nagmamadaling umalis nang opisina para hanapin ang alam niyang nagtatampong si Micco.

Umuulan sa labas, malakas na malakas. “Micco ko, paano ako magsisimula.” tila kumakausap siya sa hangin. Labis at doble ang pag-aalala niya para kay Micco.

---------------------------------------------------

Nasa gitna nang pag-iisip si Micco nang biglang pumatak ang ulan. Kasabay niyon ang pagvibrate nang cellphone niya. Alam niya kung sino ang tumatawag na iyon ngunit imbes na sagutin ay mas pinili niyang humanap nang pwedeng masilungan. Wala siyang mahanap na masilungan at ang madalang na patak ng ulan ay naging mas mabilis at mas mabigat. Nabasa si Micco – basang-basa, dito na niya isinabay ang pagtulo nang mga luha na kakatigil lang sa pagdaloy. Tumuntong sa harang na naka-ikot sa Manila Bay at tumayo na nakatingin sa dagat, ibinuka ang mga kamay, ninamnam ang lamig na sa tingin niya ay may kakayahang pagyelohin ang sakit at nang hindi na niya maramdaman pa. Pinilit ngumiti – isang ngiti na puno nang pait at hinanakit. Tuluyan pa ding nagriring ang cellphone niya, kanya itong inilabas sa gitna nang ulan at tinitigan niya ito at nag-iisip kung sasagutin ba o hindi. Walang anu-ano ay namatay na ito at ngayon nga ay nasira na ito dahil sa tubig ulan.

“Nabasa ka na lang din naman, bakit hindi ka pa magpakabasa nang tuluyan at baka sakaling unti-unting mawala at mahugasan nang ulan ang sakit na nadarama ko.” wika ni Micco sa sarili. Ilang minuto din siyang nasa ganitong ayos at nasa ganitong anyo.

Ang ulan, tila walang balak tumigil, si Micco na ngayon ay naglalakad at walang kasiguraduhan sa pupuntahan. Pinipilit isipin ang magagandang alaala nila ni Adrian, subalit doble ang sakit na nararamdaman niya sa oras na sumagi sa isipan niya ang nakita kanina. Sa gitna nang paglalakad ay naisipan niyang tumakbo nang mabilis at biglang tumawid sa kalsada, wala siyang pakialam kung masagasaan man siya o mahuli nang pulis.

“At least may tutuluyan at tutulugan ako pag nahuli ako nang pulis.” sabi ni Micco sa sarili na pinipilit sumaya.

May nakita siyang tila abandonadong bahay, may kadiliman sa gawing iyon subalit sapat na para maisilong niya panadalian ang basang-basang katawan at namamanhid na katawan subalit imbalido at namamagang damdamin kumikirot na puso. Umupo siya sa gilid niyon at pinapanuod ang pagpatak nang ulan sa paligid at ang pagdaloy nang tubig mula sa yero nang kinasisilungan niya. Iniyuko niya ang ulo at inipit nang dalawang tuhod ang kanyang ulo. Ang mga luhang tila wala nang ilalabas at iiyak pa ay isa-isang dumaloy mula sa kanyang mga mata. Nanginginig na siya sa ginaw subalit ganuon pa din ang nadaram ng kalooban niya.

Sa gitna nang paglalakad ay hindi alam ni Micco na may nakasunod na sa kanya. Agad na nilapitan ng lalaki si Micco –

“Mukhang may problema ka!” tanong kay Micco nang lalaki sabay na ibinalot sa nakayukong si Micco ang jacket nito.

Agad na iniangat ni Micco ang ulo niya “Kuya Glenn.” wika nito.

“Ayos ka lang ba pinsan?” tanong nito.

“Paano ka napunta dito?” tanong ni Micco. “Paano mo nalamang nandito ako?” sunod na tanong nito.

“Secret, walang clue.” biro ni Glenn. “Napadaan lang ako.” wika ni Glenn na tila isinagot sa tanong ni Micco.

Sa katotohanan ay naisipan lang naman ni Glenn na sundan si Micco. Gusto lang makasigurado ni Glenn sa iniisip tungkol sa pinsan at kay Adrian, higit pa ay gusto niyang makitang nakangiti ito kapiling ang taong mahal na mahal niya. Gusto lang niyang makita ang taong mahal niya na masaya kasama at nasa piling nang ibang tao. Ang pagkakasabay nila sa bus, at parehong binabaan, ang pagsunod sa opisina ni Adrian at ang pagsunod sa Manila Bay at ang pagsunod sa paglalakad-lakad nito hanggang sa marating ang abandonading bahay na iyon, lahat iyon ay sinadya ni Glenn. Gusto niyang sa oras na gaya nito ay may malalapitan si Micco at may isang taong tutulong para pagaanin ang loob nang mahal niyang pinsan.

“Alam ko na ang lahat Micco kaya hindi ka na dapat pang magkwento.” wika ni Glenn sabay upo sa tabi ni Micco.

“Kuya Glenn.” tanging nasambit ni Micco.

“Hindi ko man alam ang nangyari sa inyo, alam ko namang pwede ninyong maayos iyon. pag-usapan ninyo nang masinsinan.” tila suhestiyon ni Glenn.

“Sa simula pa lang dapat alam ko nang wala kaming patutunguhan. Hindi naman talaga ang lipunan lang ang makakahadlang sa amin, maging kami din ay may kasalanan para sa mga ganitong mga bagay.” simula nang litanya ni Micco.

“Hindi nga lang ang lipunan, kayo mismo. Paano kayo lalaban sa mas malaking lipunan kung sa pagitan na ninyo may pagkukulang na at may hadlang na?” makahulugang payo na ibinigay ni Glenn kay Micco.

“Ako, sigurado ako sa pagmamahal ko sa kanya, sigurado akong hindi ko siya iiwanan. Alam kong kakayanin kong lumaban para sa kanya, alam ko sa sarili ko at tantyado kong sarili kong kakayahan para humarap sa mundo, ang manatiling tapat sa kanya, ang manatiling nagmamahal. Pero siya?” sagot ni Micco na may iniwanang malaking katanungan. “Pero siya ba kaya din iyon para sa akin?”

“Makulit kang bata ka!” sabi ni Glenn. “Kaya nga pag-usapan ninyo.” giit ni Glenn.

“Pag-usapan para madala sa mabulaklak niyang dila? Sa mga retorikang binibigkas niyang galing sa utak. Mga salitang nangungumbinsi kahit wala naman sa puso?” tutol ni Micco.

“Kayang alamin nang puso ang laman nang isang puso.” makahulugang pahayag ni Glenn. “Ang sinasabi nang puso ay tanging ang puso lang ang makakaunawa, kahit gaano kabulag ang isipan.”

Nanatiling pipi si Micco, nakikinig sa anumang sasabihin ni Glenn sa kanya. Nagbubuo nang repleksyon sa sinasabi nang pinsan.

“Mahalaga ka sa akin!” sabi ni Glenn. “Mahal kita Micco” ang nais niyang sabihin na tunay na laman nang puso niya ngunit dahil sa ayaw niyang maguluhan si Micco o kaya ay sa takot na masira ang samahan nilang dalawa ay sa ibang paraan niya ito ipinahayag.

“Alam mo namang simula pagkabata mo lagi na akong nandiyan para sa’yo.” dugtong pa ni Glenn. “Alam mo namang ayaw na ayaw kitang nakikitang ganyan, nandito naman ako para masabihan mo nang lahat.” tila pang-aamo ni Glenn kay Micco.

“Basta pinsan, kahit na anong mangyari ay nandito lang ako.” sabi ni Glenn sabay halik sa mga labi ni Micco.

Hindi alam ni Glenn kung bakit yino ang ginawa niya, ngunit hindi na niya pwede bang bawiin ang ginawa kaya naman sa pinakamabilis na paraan ay pinilit niyang ibahin ang usapan.

“Basta pinsan pag hindi ninyo naayos iyan at pina-iyak ka pa ni Adrian ako ang reresbak para sa’yo.” wika ni Glenn.

“Kuya Glenn talaga.” tanging nasambit ni Micco. Naguguluhan man kung para saan ang halik na iyon ay pinilit niyang baliwalain. Tama ang Kuya Glenn niya na dapat nilang pag-usapan ang lahat, kung ano ang nakita niya at baka mamaya ay mali ang pagkakaintindi niya. Nagkaroon nang pag-asa ang puso ni Micco na maayos ang lahat sa pagitan nila. Nasa kanilang dalawa na lang iyon kung paano aayusin ang lahat.

“Tumigil ka na! Hindi bagay sa iyo ang emo!” wika ni glenn.

“Oo na! Biruin mo isa ka pa lang propeta.” wika naman ni Micco na ganti sa pinsan.

--------------------------------------------------

Hindi nga alam ni Adrian kung saan pupunta at ang masama pa niyon ay mahirap aninagin ang daanan dahil sa mga patak nang ulan. Binalak ni Adrian na una niyang puntahan ang tanging mga lugar sa Maynila na alam niyang alam ni Micco at tatlo lang naman iyon – ang Trinoma Mall, SM Manila at Manila Zoo. Sarado na ang Manila Zoo nang mga oras na iyon kaya naman sa SM Manila siya unang naghanap. Ipinagtanong sa gwardiya at sa kung kani-kanino pa, sa mga sales clerk at sa ibang napapadaan subalit laging iling lang ang sagot sa kanya. Papunta naman siya ngayon nang Trinoma nang maisipan niyang tumawag muna sa bahay at nagbabakasakaling nakauwi na si Micco subalit gaya pa din nang kanina ay wala pa din ito sa bahay.

Agad namang sumagi sa isipan ni Adrian na baka nasa malapit lang ito sa opisina niya at isang lugar na magandang iyakan ay ang Manila Bay. Nagbabaka-sakaling nasa paligid lang si Micco at naglalakad-lakad. Nanatiling sagabal ang mga patak ng ulan at sa pagmamanaeho niya ay may nakita siyang bukod tanging lalaking naglalakad sa gilid nang dagat na basang-basa. Malakas ang pakiramdam niyang si Micco iyon kaya naman agad niyang hinintuan subalit agad itong nawala na ito sa paningin niya. Hindi naging mailap si Micco sa mga mata niya at nakita niya ito sa kabilang bahagi na nang kalsada. Pinaharurot ni Adrian ang kotse at agad na nag-U-turn sa pinakamalapit na U-turn slot.

Nakaramdam nang kakaibang saya si Adrian nang makitang si Micco nga ito. Muling nagliwanag ang mundo niya at inulan siya nang positibong enerhiya. Nakita naman niya si Micco na papunta sa isang abandonadong bahay. Sinundan niya ito at nang makitang nakaupo lang ito sa sulok ay agad siyang bumaba sa kotse para sundan ito at lapitan. Hindi pa man siya nakakalapit nang lubusan ay agad niyang nakitang may lalaking nakatayo sa harap nito at kita niya na binalabalan nito si Micco nang jacket at tinabihan sa pagkakaupo. Nanatili siya sa ganuong ayos na tila ba nagsisilyab ang damdamin niya sa pagkakataong siya dapat ang nasa lugar na iyon na kasama ni Micco. Muli niyang inihakbang ang mga paa papunta sa dalawa nang makitang hinalikan nang lalaki si Micco. Muling napako ang mga paa niya at tila hindi siya makagalaw. Hindi niya namalayang unti-unting pumatak ang luha niya sa isiping malapit nang mawala sa kanya si Micco. Ang sakit na makita itong hinalikan nang iba at ang inggit sa lalaking iyon na kasama ni Micco ngayon.

Tumayo ang dalawa sa pagkakaupo at dito natauhan si Adrian at mabilis na kumilos para lisanin ang lugar na iyon.

“Micco” wika ni Adrian sa sarili “ito ba ang ganti mo sa akin?” tanong pa niya.

“Kahit na anong ganti ang gawin mo basta ba masigurado kong babalik ka sa akin handa akong tanggapin.” usal ulit ni Adrian sa sarili. “Mahal na mahal kita Micco at handa akong mamatay alang-alang sa’yo. Mawawalan nang silbi ang buhay ko kung hindi ka mapapasaakin at kung hindi ikaw ang mamahalin.”

Agad na hininto ni Adrian ang kotse at buong lakas na sumigaw – “Mahal na mahal kita Micco” kasunod ang pagpatak nang mga luha niya at ang pagdukdok sa manibela nang kotse.

Puro busina at mura ang nagpanumbalik sa kanyang katinuan para muling magdrive at ilang minuto din naman ay nakapasok na siya sa loob ng subdivision nila at halos pilit na mga ngiting pasalubong sa mga pamangkin niyang ayaw ipahalata ang kalungkutan. Pinilit niyang ibahin ang usapan at ignorahin ang kahit na anong tanong o detalyeng may kinalaman kay Micco. Ayaw niyang masaktan at maramdaman ang sakit sa isiping mawawala na ito sa kanya.

---------------------------------------------------

“Salamat Kuya Glenn.” pasasalamat ni Micco kay Glenn matapos siyang ihatid nito sa harap nang subdivision nila Adrian. Pinilit niyang sumama ito sa loob subalit tanggi lang ang ginawa nito at dahilan.

“Basta tawagan mo lang ako pag hindi kayo nagkaayos ah.” wika ni Glenn saka umalis.

“Good Evening Sir!” bati kay Micco nang guard. “Sino po ang pupuntahan ninyo sa loob?” dugtong pa nito. Bagamat bago ang guard kaya hindi nito kilala si Micco.

“Kay Mr. Adrian Guillemas po.” sagot ni Micco na may pahabol na ngiti.

“Sandali lang po Sir, itatawag ko po sa kanila.” wika nito. “Ano po ang pangalan ninyo?” tanong pa nito.

“Micco” sagot ni Micco “Micco delas Nieves.”

Ilang sandali ding naghintay si Micco sa sagot ng guard.

“OA ang security. Sa gwapo kong ito, paghihinalaan ako.” wika niya sa sarili na tila hindi na alintana ang katangahan niya sa pagpapaulan.

“Sorry Sir pero huwag daw po kayong papasukin.” sagot nang gwardiya.

“Huh?” naibulalas ni Micco sabay nakaramdam nang lungkot. “Tawagan ninyo ulit, ako ang kakausap.” pamimilit ni Micco. Nakaramdam nang pangamba si Micco na baka tuluyan na siyang iiwanan ni Adrian dahil kay Sarah at ngayon nga ay isang bigo na naman siyang babalik sa San Tadeo. Walang maiuuwing kahit na ano sa mga gamit niya. Agad naman siyang naglakad papalayo sa lugar na iyon at nag-aabang nang masasakyan.

“Tilapiang bilasa ni San Andres, kakatahan ko nga lang papaiyakin na naman ninyo sa ako. Dehydrated na ako.” saad ni Micco.

Walang anu-ano ay bigla na lang nagliwanag ang nilalakaran niya.

Sa kabilang banda naman ay –

“Sino po? Si Micco?” naibulalas nang matanda. “Sige papasukin ninyo.”

Nakaramdam naman nang saya si Adrian nang marinig na nasa may entrance na nang subdivision si Micco. Umaliwalas ang mukha niya at tila napakalaking tinik ang nabunot sa kanya. “Huwag kamong papasukin” biglang nasabi ni Adrian sabay tayo.

“Bakit po?” nagtatakang tanong nang mayordoma.

“Basta!” madiing sagot ni Micco.

“Opo Sir.” nagtatakang pagsunod nang mayordoma.

“Huwag daw pong papasukin sabi ni Sir Adrian.” wika nito sa guard na kausap.

“Manang ipasok ninyo sa kwarto ko lahat nang gamit ni Micco.” nakangiting utos nito sa mayordoma.

Agad na lumabas si Adrian at sumakay ng kotse, pinabuksan ang gate at nagmamadaling pinuntahan ang entrance nang subdivision.

“Lagot kang loko ka!” wika ni Adrian sa sarili.

“Nasaan na si Micco delas Nieves?” tanong ni Adrian sa guard.

“Iyong gwapong mukhang tanga?” sabi nang guard na tila naninigurado.

“Gwapo pero hindi iyon tanga.” madiing wika ni Adrian sabay titig nang matiim sa guard na tila nakaramdam nang asar. “Ako lang ang may karapatang tumawag nang tanga sa Micco ko.” – sulsol nang isipan niya.

“Sorry po Sir.” paumanhin ng guard. “Kakaalis lang po. Duon po pumunta.” sagot nito sabay turo sa gawing kaliwa.

“Ganuon ba.” tila walang pag-aalalang nilabas niya ito. Hindi pa man nakakalayo ay nakita na niya ang isang mukha ngang tangang si Micco na naglalakad. Agad niyang tinapatan nang ilaw nang kanyang kotse at binusinahan nang malakas.

“Anak nang tipaklong na buntis.” wika ni Micco na kita ang pagkagulat.

“Sakay ka na Micco ko!” nakangiting wika ni Adrian saka bumaba sa kotse.

“Ayoko nga!” sagot ni Micco na nakaramdam nang walang pagsidlan na kaligayahan. Kaligayahan sa muli nilang pagkikita ni Adrian.

“Pakipot pa” wika ni Adrian sabay na binuhat si Micco papasok sa kotse.

Kakaibang ligaya na sapat na para alisin ang kung anumang sakit na mayroon sila kani-kanina lang.

Mabagal na pagpapatakbo ang ginawa ni Adrian, mas mabilis pa nga ang naglalakad, sinadya niya ito para maayos ang lahat sa pagitan nila. Habang nasa daan ay pinag-usapan na nila ang lahat at ang mga bagay-bagay. Wala silang inilihim, walang itinago. Naniniwala si Adrian sa sinabi ni Micco subalit may mas malalim siyang naramdaman at sigurado niyang may lihim na pagtingin si Glenn sa Micco niya. Madaling naayos ang gusot sa pagitan nila, tila ba walang nangyari at heto’t bumabalik na naman sila sa dati.

“Sorry talaga Daddy Adrian ko.” sabi ni Micco. “Sana pinagpaliwanag muna kita.,”

“Wala iyon baby Micco ko.” sagot ni Adrian na may simpatikong ngiti. “Basta tandaan mo lang na mahal na mahal kita.” wika nito.

“Echos mo.” tanging sambit ni Micco na sa totoo lang ay nakaramdam nang kilig.

“Dahil di’yan sa kwarto ko na ikaw matutulog.” wika ni Adrian.

“Huh?” gulat na wika ni Micco.

“Walang nang angal pa. Saka mag-asawa na naman tayo kaya dapat magkasama tayo sa iisang kwarto.” wika ni Adrian.

“Ikaw talaga.” sambit ni Micco na hindi alam kung paano itatago ang kaligayahang mayroon siya ngayon.

Pagkarating sa bahay ay bakas sa mukha ni Adrian ang kakaibang ligaya na wala kaninang wala pa si Micco. Ang ligayang si Micco lang ang may kakayahang magbigay sa kanya. Maging ang mga bata ay natuwa sa pagdating na uli ni Micco at agad itnog niyakap kahit basang-basa pa din sa ulan. Agad namang nagbihis si Micco at tulad nga na ng utos sa kanya nang daddy Adrian niya, magkasama na sila sa iisang kwarto.

Tunay nga, ang pag-ibig ay hindi mo lang makikita sa opposite sex, dahil ito ay isang uri nang damdamin at pakiramdam na maaring ibigay o maramdaman kahit kanino. Isang abstraktong salita na sapat na naglalarawan sa napakadaming mga bagay at reaksyong tila ba kakaiba sa normal at nakasanayan.


[17]
Ang Pag-amin at Pagkakahuli

Isang linggo na din ang nakalilipas buhat nang makabalik si Micco sa bahay nila Adrian. Tulad nang pangako sa mga magulang niya ay umuwi ito ng San Tadeo nang Lunes at nanatili duon hanggang Miyerkules. Gaya nang nakagawian, dadaanan ni Adrian si Micco sa bahay nila pagkagaling nang opisina at saka lamang ito uuwi ng Maynila makalipas ang dalawa o tatlong oras. Sa pakiramdam kasi ni Adrian ay kulang na kulang ang araw niya pagwalang Micco siyang nakikita at nakakausap. Pag hindi niya nakikita ang mga ngiti nito o kaya ay naririnig ang maganda at malambing na tinig nang minamahal na si Micco.

“Kamusta na kayo ni Sir Adrian?” tanong ng mayordoma kay Micco isang Sabado nang pumasok ito sa kusina para ikuha nang pagkain ang mga bata at si Adrian na piniling manatili sa bahay at makasama ang mga pamangkin at higit pa ay si Micco.

“Manang talaga!” sagot ni Micco na hindi maipaliwanag ang naging biglaang reaksyon niya. “Gumagawa nang tsismis.” Pahabol pa nito.

“Huli ka! Ikaw na bata ka, magkakaila pa.” sagot naman nang mayordoma kay Micco.

“Anong huli ka?” tanong ni Micco.

“Alam mo hijo, panahon na para malaman mo ang katotohanan.” simula nito. “Nuong araw na naging kayo ni Sir Adrian ay agad niyang sinabi iyon sa amin. Alam mo na, lahat kaming nandito sa bahay ay alam na may namamagitan sa inyo.” nakangiting wika pa nito.

“Weh! Di nga?” tila may pagtataka kay Micco ngunit sa totoo lang ay masaya siya at natutuwa siya kay Adrian dahil sa ginawa nito.

“Kita mo nang bata ka!” sabi pa nang matanda. “Nangingiti ka. Natutuwa ka sa ginawa ni Adrian no.” tanong nito kay Micco na may himig pa nang panunudyo. “Alam ko sasabihan na din niya ang mga bata tungkol sa inyo.” dagdag pa nito.

“Aysus! Para iyon lang.” palusot ni Micco na agad namang namula ang mga pisngi.

“Magdadahilan ka pa! Kita naman sa mukha mo ang pruweba.” tudyo nang matanda na animo ay kinikilig din sa reaksyon ni Micco.

“Hindi kaya!” sagot ni Micco sabay hawak sa pisngi niya.

“Basta hijo, hindi ako tutol sa inyo. Kita ko kung paano nagbago si Adrian mula nang araw na iyon. Madami siyang naging girlfriends at ikaw lang ang bukod tanging nakapagbigay sa kanya nang ganyang ligaya. Pagkagising sa umaga laging nakangiti at siya na mismo ang nagluluto nang kakainin natin, nang kakainin mo. Makikita mo na ang sigla sa mga mata niya, at naniniwala akong dahil din sa’yo kung bakit nakukuha na niyang ngumiti sa bawat araw at sa bawat sandali kahit na nga ba mapag-usapan ang mga kapatid niya.” sabi pa nang matanda.

Nakangiti lang si Micco sa sinasabing iyon nang matanda. May kung anung mumunting mga langgam ang ngayon nagkakagulo sa kanyang puso na naging sanhi para sa kakaibang pakiramdam at kasiyahan na iyon. Tila nakikiliti siya na hindi niya mawari kung ano ba talaga iyon. Ang alam lang niya ay tumatalon ang puso niya at masasabi niyang mahal talaga siya ni Adrian dahil nagawa niyang ipagtapat sa lahat ang pagmamahalan nila at kaya siya nitong ipaglaban sa lahat o sa kung anumang banta sa kanila.

“Basta Micco, lagi ninyong aalalayan ang isa’t-isa.” paalala pa nang matanda.

“Opo!” sagot ni Micco at saka bumalik sa mga pamangkin ni Adrian na dala-dala ang meryenda ng mga ito.

“Ayan na si Tito Micco ninyo.” awat ni Adrian sa mga pamangking nagkakagulo.

“Ikaw ah!” agad na bati ni Micco kay Adrian pagkabalik sa mga bata at kay Adrian.

“Anong ako?” may pagtataka sa mukha nang binata.

“Bakit hindi mo sinabing alam na pala nila manang?” tanong ni Micco kay Adrian matapos ibaba ang pagkaing dala.

“Wala!” sagot ni Adrian na may kasamang ngiti at tila nagpapacute pa kay Micco.

“Anong wala!” sagot ni Micco na may matamis na mga ngiti.

“Mga bata!” agad na tumayo si Adrian.

“Bakit Tito Adrian?” halos sabay-sabay na winika nang mga bata.

“Hoy! Sagutin mo nga ako.” sabi ni Micco kay Adrian sabay hatak dito paupo.

Imbes na padala sa ginawa ni Micco ay tila lumaban pa si Adrian at nanatiling nakatayo.

“Paano kung malaman ninyong mahal ni Tito Adrian si Tito Micco?” tanong ni Adrian sa mga bata.

Bigla namang nakaramdam nang kabang may kahalong ligaya at saya ang kalooban ni Micco. – “Ano ba yang sinasabi mo.” wika ni Micco sabay awat pa din kay Adrian. Naging mabilis ang mga kilos niya para pigilin si Adrian sa nararamdaman niyang binabalak nito. Isang automatikong reaksyon na tila ba may isang lihim na ipagtatapat, isang reaksyong mula sa isang bagay na gustong-gusto niyang mangyari ngunit dala nang pagkabigla ay itinatangging bigla ngunit sa kalooban niya ay pabor siya at sang-ayon dito. Pakipot si Micco, kumbaga nagmumurang kamatis.

“Magtigil ka nga Micco, para kang tanga!” madiing wika ni Adrian na tila ba sinasaway ang tila inihiang pusang si Micco.

“Mahal mo naman talaga si Tito Micco di ba?” sagot ni Margareth.

“Oo nga, saka di ba sinabi ni Papa Jesus na dapat love natin ang isa’t-isa.” sang-ayon naman ni Charles.

“Love din naman namin si Tito Micco.” wika naman ni Eugene.

Napangiti na lang si Adrian sa sagot na ito nang mga bata. Sa katotohanan lang ay balak na niyang ipagtapat ang lahat sa mga pamangkin niya. Alam naman niyang mauunawaan siya nang mga bata, mauunawaan sila nang mga bata at sa kung anumang namamagitan sa kanila ni Micco. Alam niyang matatalino ang mga pamangkin at magagawa nang mga itong maintindihan sila.

Samantalang si Micco ay patuloy pa ding nilalamon nang kaba ang buong kalooban niya. Natutuwa siya at sa tingin niya ay malalim na ang pagmamahal sa kanya ni Adrian, may mga nag-uunahang mga daga sa kanyang dibdib, daga nag kasiyahan at daga nang pangambang baka dahil dito ay biglang magbago ang tingin sa kanila, sa kanya nang mga bata.

“Oo nga, saka love ka din ni Tito Micco.” sabi pa ni James.

“Like his love for us!” sabi pa ni Nicole.

“I mean, hindi ganuong klase nang love.” sagot ni Adrian sa mga bata.

“Eh anong love?” tanong ni Melissa na tila naguluhan.

“Iyong love na gusto mo siyang makasama habang-buhay. Iyong love na hindi kayang i-explain nang mga salita. Iyong love na handa kang ibigay ang buong buhay mo para sa kanya. Iyong love na sa bawat umaga ay siya ang gusto mong unang makita. Iyong love na nagbibigay sa’yo nang inspirasyon, ligaya at kakaibang saya. Iyong love na gusto mong mabuhay dahil sa kanya. Iyong love na pagnawala siya sa’yo ikakamatay mo.” tila pagpapaliwanag ni Adrian sa mga bata.

“Ah” tila naliwanagang reaksyon ni Melissa.

“Gets mo na?” tanong naman ni Adrian.

“Opo!” sagot ni Melissa. “Pero hindi ba Tito Adrian sa lalaki at babae lang iyon pwede?” nagtatakang tanong ni Melissa.

“Oo nga Tito, sabi ni teacher kaya daw may man at woman para sila sa love na ganuon.” sabat pa ni James.

“Alam ninyo mga bata” simula ni Adrian “ito” sabay turo sa puso niya “ay kailanman hindi papasa-ilalim sa dikta nito” sabay turo sa ulo niya pagkasabi nang nito.

“Ano iyon?” naguguluhang tanong ni Melissa.

“Ang nagmamahal ay ang puso, hindi ang utak o ang isipan. Ang isipan natin ay may mga standards nang sinusunod. Wala nang laya para sa kung paano tayo gagalaw o kung paano tayo mag-iisip. Dahil nga sa standards na ‘to na ginawa nang lipunan ay nakukulong na tayo, na-iisolate na tayo sa isang mundong pinapagalaw na ng mga maling paniniwala. Ang puso naman ay buong layang nakakakilos at nakakapili sa kung paano gagalaw o sa kung sino ang mamahalin niya. Ang puso ay walang basehang sinusunod, walang batas na niyayakap. Malayang magmamahal at makakaramdam nang ligaya sa kahit na sino. Malayang titibok sa isang tao, lalaki man o babae. Sa akin, kay Tito Micco ninyo tumibok ang puso ko at ayokong magpadala sa lipunan o sa utak ko para pigilin ang ligayang sa kanya ko lang makukuha.” paliwanag ni Adrian sa mga bata.

“50% Tito hindi ko nagets.” sabi ni Melissa.

“Maiintindihan mo din iyan paglumaki ka na.” sagot no Adrian sabay hawak sa ulo ni Melissa.

“Pero Tito, nakikita ko po na malaki talaga ang nagawa ni Tito Micco sa inyo, kaya ayos lang po iyon sa akin.” nakangiting wika ni Melissa. “Saka mas gusto ko na si Tito Micco kahit kanino di’yan saka alam kong masaya ka kay Tito Micco at masaya na ako pag masaya ang Tito Adrian ko.” sabi ni Melissa.

“Oo nga. Oo nga!” sang-ayon nang mga bata kay Melissa.

“Basta masaya si Tito Adrian, duon kami.” sagot ni James na ginaya ni Nicole.

“Salamat.” tanging nasabi ni Adrian sabay yakap sa mga bata.

Tila napakalaking tinik ang nabunot kay Adrian. Hindi niya pinagsisihan ang ginawang pagsasabi sa mga pamangkin. Masaya siya para sa kanila ni Micco dahil hindi na nila kailangan pang maging maingat sa mga kilos dahil wala na silang aalalahaning mga taong hindi nakakaintindi sa kanila.

“I love you Micco!” sigaw ni Adrian kay Micco.

Ang sigaw ni Adrian na iyon ang nagpanumbalik kay Micco sa mundo. Tila lumulutang siya sa kasiyahan sa ginawang iyon ni Adrian. Nawala ang pangambang baka mabago ang tingin sa kanila nang mga bata. Higit pa ay nawala ang pangamba niyang iiwan din naman siya ni Adrian sa bandang huli. Nawala na ang pag-aalala niyang baka paiiyakin lang siya nito. Naalala niya ang sinabi nang Kuya Glenn niya – tanging ang puso lamang ang makakaintindi sa sinasabi nang puso. Oo retorikal ang sinabi ni Adrian, subalit ramdam naman niyang ang puso nang binata ang nagsasalita at nararamdaman nang puso niya.

“I love you daw!” sabi ni Matthew kay Micco sabay yakap sa kanyang kuya-kuyahan.

“Ui Tito Micco! Anong sagot mo!” wika ni Melissa na lumapit din kay Micco at yumakap.

Ngiti lang ang sinagot ni Micco sa kanila.

“Nahihiya si Tito Micco!” paulit-ulit na buyo at tukso ng mga bata.

“Promise Tito Adrian that you will not tell anyone about this.” paalala ni Adrian sa mga bata.

“Only if Tito Micco will answer your I love you.” wika ni Melissa.

“I agree!” segunda ni Nicole.

“Paano ba iyan Micco.” wika ni Adrian kay Micco sabay lapit dito at akbay.

“Ayiee!” tukso pa nang mga bata.

“Sige na nga!” sagot ni Micco na sa unang pagkakataon ay makakapagsalita na. “I love you too!” sagot ni Micco na bagamat nahihiya ay masayang-masaya naman dahil sa bagong sitwasyon nila sa bahay.

“Ulitin mo, mahina kasi!” sabi ni Adrian.

“Malakas na kaya iyon.” sagot ni Micco.

“Mahina kaya!” giit ni Adrian. “Di ba mga bata? Marinig ba ninyo?” tanong naman niya sa mga bata kasunod ang isang lihim na kindat.

“Opo, hindi namin narinig.” sagot nilang sabay-sabay.

“I love you Micco ko!” sabi ulit ni Adrian.

“I love you too Adrian ko.” sagot ni Micco na nahihiya ngunit masaya at maligaya.

----------------------------------------------------

“Lunes na naman.” malungkot na wika ni Adrian.

“Asus, ang Adrian ko mag-iinarte pa.” sagot ni Micco sa pahayag ni Adrian.

“Kasi naman hindi na naman kita makikita pag-uwi ko. Wala na naman akong yayakapin mamayang gabi.” tila reklamo ni Adrian kay Micco.

“Sa bahay ka na lang kasi matulog.” suhestiyon ni Micco.

“Gusto ko nga iyon, kaso - ” bitin na wika ni Adrian.

“Ang mga bata, baka hanapin ang Tito Adrian nila.” sabay nilang wika kasunod ang mga tawa.

“Ayun naman pala.” tila pagresolba ni Micco sa problema nila. “Kaya magtiis ka muna, dalawang gabi lang naman.” nakangiting wika pa nito.

“May magagawa pa ba ako.” sabi ni Adrian kasunod ang isang malalim na buntong-hininga.

Maagang pumasok si Adrian para sa trabaho samantalang mag-isang bimiyahe si Micco pabalik nang San Tadeo pagkaalis nang mga bata. Pilitin man ni Adrian na siya ang maghatid kay Micco ay puro tanggi lang ang ginagawa ni Micco at pagbabanta na magagalit pa ito kay Adrian. Malapit nang umabot nang isang buwan ang relasyon nang dalawa, mga sampung araw na lang din siguro ang nalalabi at isang buwan na silang nagsimula para sa sinasabing Forbidden Kiss.

Maagang nakarating nang San Tadeo si Micco, gaya nang inaasahan ay wala siyang naabutang tao sa bahay. Tanging ang mga pagkain lang na nakahandan ang nakita niya. Alam niyang para iyon sa kanya. Agad naman niyang nilantakan ang lahat nang iyon, tinikman at nang manawa at mabusog ay tinigilan at natulog.

“ADRIAN ko, sori po qng neun lng kita natxt na nsa bahay na q. umandar po ksi katkwan ko kya inupakn ko muna ung nkhandang pagkain.” text niya kay Adrian.

“Ayus lng iyon Micco ko. Mas mahlaga skin na nakauwi k ng lgtas.” reply ni Adrian.

“I LOVE YOU and I MISS YOU SO MUCH” pahabol pa ni Adrian.

“I love you too! I miss you miss you miss you miss you. Labyu labyu labyu.” reply ni Micco.

“Tulog na po mna q.” paalam ni Micco.

“Sige Micco ko. Pahinga ka mna ng maiigi. Nga pala, uuwi ako sa San Carlos mamaya, hindi na muna kta mapupunthan diyan.” tila paalala ni Adrian.

“Bkt nmn?” tanong ni Micco.

“Secret!” reply ni Adrian.

“Secret ka pang nlalmn. Bakit nga?” pamimilit ni Adrian.

“Kakauspn daw aq ni papa.” pagdadahilang ni Adrian.

“Ganuon! Ayus lng po.” sabi ni Micco.

“Ma2log kna. Wag nang mgreply.” sabi ni Adrian.

“Opo. Labyu ulit.” makulit na reply ni Micco.

“Kulit talga nang asawa ko.” sagot ni Adrian.

“Mana sa’yo. Sige na 2log npo ako.” reply ni Micco.

“Sweetdreams.” reply ni Adrian.

“Sweet lang ang dreams ko pag nanduon ka.” reply na makulit ni Micco.

“Asus! May ganun? Wag nang reply.” sabi ni Adrian.

“Sabi mo.” wika ni Micco sa sarili at saka tuluyang nakatulog. Tanghali nang magising si Micco, pagkatext kay Adrian ay agad na itong nagluto nang kakainin naman nila. Naghanda nang pagkain at saka lumabas nang bahay. Nagbisikleta sa gitna nang bukid. Bagamat kahit tanghali na ay tila nagtatago ang araw. Makulimlim ang panahon at nagbabadya nang pag-ulan. Nakipaghutahan sa mga pinsan niyang nakikita at nakakasalubong. Inabot siya nang hapon sa pamimisikleta at pakikipaghuntahan. Pagkatapos mamisikleta ay muling bumalik sa bahay at naghanda naman para sa hapunan. Gaya nang normal na buhay, sa gabi na dumarating ang kanyang mga magulang. Bukod kasi sa pagiging pulitiko magsasaka nang kanyang ama ay may maliit din itong negosyo na nasa may kapitolyo na malapit naman sa pinapasukang eskwelahan nang kanyang ina na pagmamay-ari nang pamilya nila. Sabay na ang mga ito kung pumasok at kung makauwi.

Sa gabing iyon ay nagluto siya nang Calderetang baka at chopseuy. Nagluto din nang sabaw para may mahihigop ang mga magulang pagka-uwi.

“Mano pa nay!” sabi ni Micco sabay abot sa kamay nang kanyang nanay.

“Mano po tay!” sabi naman niya ulti sabay abot sa kamay nang kanyang tatay.

“Kamusta ka na?” agad na tanong sa kanya nang nanay niya.

“Ayos naman po.” sagot ni Micco.

“Mainam naman.” komento nang kanyang nanay.

“Mamaya na po tayo magkwnetuhan. Nakahain na po.” wika ni Micco.

“Sige.” aya naman nang kanyang ina.

Habang kumakain ay saka sila nagkwnetuhan. Masaya silang nag-uusap. Pagkakain ay agad na dumiretso sa sala ang dalawang matanda samantalang naiwan si Micco para mag-urong, o maghugas nang pinagkainan.

Matapos makahugas ay agad na siyang lumabas nang kusina at tumuloy sa sala. Laking gulat niya nang makita ang nanay niyang hawak ang cellphone niya at matalas ang titig sa kanya. Biglang nanlamig ang buong katawan ni Micco at hindi alam kung ano ang unang papasok sa isipan niya.

“Anong ibig sabihin nito?” madiing tanong sa kanya nang kanyang ama na ramdam niya ang galit mula dito.

“Aaanoo poo kkasii.” Putol-putol at hindi maituwid na wika ni Micco. Ang tibok nang kanyang puso ay naging sa pinakamabilis na, ang takot na nararamdman niya ay tila nilalamon na ang buong pagkatao niya. Lahat nang alam niyang pagdadahilan ay tila natunaw sa kawalan. Natatakot na siya, nanginginig, nanlalamig, hindi alam kung paano haharapin ang bagong problemang kinasangkutan. Nais niyang mawalan nang malay subalit ayaw makisama nang kanyang katawan.

“Sumagot ka!” buong lakas at buong galit na wika nang kanyang nanay.

“Kasi naman Micco, hindi ka marunong magbura nang text.” sisi niya sa sarili subalit nanantiling tikom ang kanyang bibig at hindi alam kung paano sisismulan ang paliwanag.

---------------------------------------------------

“Micco ko, papunta na po ako sa San Carlos.” text ni Adrian kay Micco habang binabagtas ang daan papuntang San Carlos.

Nagtataka man dahil sa walang reply galing dito ay inisip na lang niyang baka may ginagawa o kaya ay baka wala nang load. Hindi naman niya magawang tawagan dahil nagmamaneho na siya at alam niyang magagalit ito sa kanya pag ginawa niya iyon.

“Ma, Pa!” bati niya sa mga magulang.

“Wala ka man lang na pasabi?” wika nang Donya na kita ang pagkagulat.

“Balak ko po talagang surpresahin kayo.” sagot ni Adrian.

“Halika na at sabayan mo na kaming kumain.” anyaya naman nang Don.

“Salamat po.” sagot ni Adrian.

Nagkaroon nang maikling kwentuhan habang nag-uusap silang mag-iina. Ngunit habang kumakain ay patuloy pa ding pinag-iisipan ni Adrian kung itutuloy ba ang balak niya o hindi nba muna. Sa tingin niya ay tama na ang oras subalit maaga pa para sa ganuong bagay. Matagal na niyang pinlano ito subalit ngayon lang siya naka-ipon nang sapat na lakas nang loob para gawin itong bagay na ito.

Matapos kumain ay agad niyang tinungo ang kwarto nang mga magulang dahil duon ang mga ito agad na pumunta. Nag-ipon nang lakas nang loob at buong tapang na haharapin ang isang desiyong maaring baguhin ang lahat.

“Ma, Pa” simula ni Adrian “I have something to tell you.”

“Ano iyon hijo.” tanong nang Don kay Adrian.

Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinawalan niya at saka muling nagsalita. – “I love really love someone and I am willing to take him with me for the rest of my life.” wika ni Adrian.

“Does this mean you are asking for our blessings?” tanong naman nang Donya.

“Not necessarily.” sagot ni Adrian.

“Anything just to make you happy.” sagot naman nang Don.

“Who is she?” tanong pa nang Donya.

“Micco!” walang pagdadalawang-isip niyang sinagot.

Bakas ang pagkagulat sa mukha nang mga magulang at ang hindi maipintang reaksyon mula sa mga ito. Walang anu-ano ay isang suntok ang dumampi sa kanyang mukha na binigay nang kanyang ama.

---------------------------------------------------

Paano haharapin nang dalawang nagmamahalan kung ang mga magulang na nila ang tututol sa relasyon nila. Hanggang saan sila kayang dalin nang pag-ibig nila para sa isa-t’isa? Ito na ba ang kabanatang dapat nilang itigil ang Forbidden Kiss na nasimulan na nila? Hanggang saan ba ang kayang lundagin ng relasyong mayroon sila. Ito na ba ang wakas o ang simula para sa mas matibay na Adrian at Micco?


[18]
Ayaw nila Ermats at Erpats

“Anong ibig sabihin nito?” madiing tanong sa kanya nang kanyang ama na ramdam niya ang galit mula dito.

“Aaanoo poo kkasii.” Putol-putol at hindi maituwid na wika ni Micco. Ang tibok nang kanyang puso ay naging sa pinakamabilis na, ang takot na nararamdman niya ay tila nilalamon na ang buong pagkatao niya. lahat nang alam niyang pagdadahilan ay tila natunaw sa kawalan. Natatakot na siya, nanginginig, nanlalamig, hindi alam kung paano haharapin ang bagong problemang kinasangkutan. Nais niyang mawalan nang malay subalit ayaw makisama nang kanyang katawan.

“Sumagot ka!” buong lakas at buong galit na wika nang kanyang nanay.

“Hoy Micco! Tinatanong ka namin.” sabi nang galit na galit niyang ama sabay tumayo at hinawakan siya sa damit.

Dala nang takot ay unti-unting dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung papaano sasagutin ang katanungang hindi niya pinaghandaan.

“Micco naman!” wika nang kanyang ina na higit pa sa galit ang nararamdaman “hindi ka namin pinalaki para pumatol sa kapwa mo lalaki. Hindi ka namin pinalaki para mapariwara ang buhay mo.” saad pa nito.

“Mapapariwara ba ang buhay ko dahil nagmahal ako nang kapwa ko lalaki? Napakababaw namang dahilan iyon.” sagot nang isipan ni Micco. Patuloy pa din sa paghikbi ang piping si Micco. Walang lakas nang loob para magsalita o depensahan ang sarili. Awa ang nararamdaman niya para sa sarili, lungkot para sa kanyang mga magulang, ngunit higit pa ay ang takot na maaaring magwakas na ang kaligayahan niya sa piling ni Adrian.

“Wala kang silbi, ikaw na bata ka.” sigaw ni Mang Madeng sabay hagis kay Micco na naging sanhi para humapas si Micco sa dingding at mapaupo sa sahig.

“Ano na lang ang sasabihin nang lolo at lola mo? Ang mga tito at tita mo? Ang mga pinsan mo? Ang mga pamangkin mo? Ang mga kapatid mo? Anong kahihiyan ang dinadala mo ngayon?” wika ulit ni Aling Andeng.

“Bakit mas mahalaga ba sila kaysa sa sarili kong kaligayahan? Bakit ko kailangang isipin na lang sila lagi?” tila may pagtutol sa isipan ni Micco. “Kahihiyan? Kahihiyan na ba ang tingin ninyo sa akin? Kahihiyan na ba ang ipaglaban ang tunay na nararamdaman nang puso ko? Kahihiyan na bang maituturing ang ginawa kong paglabag sa pamantayan ninyo nang tama at mali?” kaisipang nais isigaw ni Micco.

“Ano na lang ang sasabihin nila, ako na Principal, ako na teacher, ako na may reputasyon, may anak na lalaking pumatol sa kapawa lalaki?” sambit pa nang nanay niya.

“Paano na lang ang sasabihin nang mga kumpare ko?” ang tatay naman ni Micco. “Lagi at laging ikaw ang pag-uusapan ng mga iyon. Kukutyain, at habang buhay na mamaliitin at pagtatawanan.”

“Paano na lang ako sa eleksyon?” wika pa nito.

“Bakit ba hindi ninyo ako maintindihan?” sa wakas ay naibulalas ni Micco.

“At sasagot ka pa!” wika nang ama niya kasunod ang isang malakas na suntok na nagpabiling sa mukha niya.

Ang kawawang si Micco ay patuloy pa din sa pag-iyak at patuloy sa pagkontrol sa damdaming nais nang kumawala sa kanya. Nakakuyom ang mga kamao na tila handang manugod at labis na pagtikom nang kanyang bibig para sa isang pilisopong sagot.

“Magsilayas kayo dito!” sigaw nang tatay ni Micco sa mga usiserong kapitbahay na unti-unting dumadami.

Samantalang ang kanyang ina ay tila nahihirapang pigilin ang sama nang loob na naging sanhi para patuloy ito sa pag-iyak. Ang kanyang ama naman ay isa-isang sinarado ang mga bintana at pintuan para huwag nang makiusyoso pa ang mga kapitbahay.

“Hinay lang Madeng baka mapatay mo si Micco.” suhestiyon nang kapatid ni Madeng na babakasan nang awa para kay Micco.

Hindi makapaniwala ang lahat na si Micco na laging bukambibig nang mag-asawa ay ngayong halos patayin na at naging sanhi nang iyakan.

“Mabuti nang mamatay itong bata na ito kaysa makapagdala pa nang kahihiyan.” sagot ni Madeng na bakas pa din ang walang pagsidlan nang galit.

Ang luhaang si Micco, heto at pinipilit pakalmahin ang sarili. Mahal niya ang mga magu;lang, ayaw niyang masaktan ang mga ito. Ayaw niya sanang sagutin ito nang pabal;ang kaya naman buong lakas siyang nagsalita.

“Patawarin po ninyo ako!” simula ni Micco. “Sorry po at sa maraming pagkakataon ay binigo ko kayo. Kung sa tingin po ninyo ay binigo ko din kayo dahil minamahal ko si Adrian, sorry po kasi hinding-hindi ko iyon pagsisisihan.”

“Miccoooo!” sigaw nang nanay ni Micco.

“Walanghiyang bata ka!” sigaw ulit nang ama ni Micco kasunod ang isa pang suntok sa sikmura naman nito na naging sanhi para mamilipit sa sakit ang kawawang bata.

“Hindi ka namin pinalaki para ganyanin mo kami!” sabi pa nang ama niya. “Walang utang na loob kang hayop ka!” buong lakas pa nitong dugtong.

“Tay! Nay!” pangangatwiran ulit ni Micco “hindi ko kayang lokohin ang puso ko kung sino ang mamahalin ko.” umiiyak nitong pahayag.

“Hindi mo kaya pero kaya mo namang turuan.” pagkontra nang ama niya.

“Kaya ko ngang turuan pero hindi magiging katulad nang kaligayahan ang maibibgay nuon.” sagot ni Micco.

“Pag-aralan mo! Matalino ka! Kay among pag-aralan iyan.” sagot nang ama ni Micco.

“Walang matalino pag pagmamahal na. hindi kayang pag-aralan ang tunay na ligaya.” wika ni Micco.

“Micco please!” ang nanay naman niya ang nagsalita “Micco please stop this.”

“I’m sorry nay, but I can’t. I can’t stop myself from loving Adrian and will never it happened to stop.” pahayag ni Micco.

Ibinalibag ng ama ni Micco ang cellphone nang binata na naging sanhi para magkalagas-lagas ito sabay hila kay Micco papunta sa kwarto nito at saka pinagkandaduhan sa loob.

“Diyan ka lang na hayop ka!” wika nang ama ni Micco sabay na kumuha nang pako at martilyo at kahoy saka pinakuan ang pintuan para hindi makalabas si Micco.

“Hindi ka lalabas diyan hanggang hindi ka natatauhan.” wika pa nito.

“Madeng wag na, hayaan mo na si Micco sa labas.” tila pag-aawat naman ng nanay niya sa tatay niya.

Walang nagawa si Micco kung hindi umupo na lang sa kama niya at duon ibuhos ang lahat lahat.

“Sorry nanay at tatay! Hindi ko naman gusto ang nangyari. Umaasa na lang naman ako na mauunawaan din ninyo ako. Mahal na mahal ko kayo at hindi ko kayang makitang nasasaktan kayo. Pero alam ko naman, baling araw maiintidihan ninyo ako. Alam ko na balang araw maiintidihan ninyo ako.” wika ni Micco sa sarili.

Labis din ang pag-aalala niya kay Adrian, na baka magalit sa kanya ang binata dahil hindi siya nagtetext o hindi siya matawagan o kaya naman ay maging labis ang pag-aalala nito dahil hindi na siya nagpaparamdam. Nag-aalala pa siyang lalo kung papaano nila haharapin ang bagong problemang nasa haparan nila.

------------------------------------------------

“Ma, Pa” simula ni Adrian “I have something to tell you.”

“Ano iyon hijo.” tanong nang Don kay Adrian.

Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinawalan niya at saka muling nagsalita. – “I love really love someone and I am willing to take him with me for the rest of my life.” wika ni Adrian.

“Does this mean you are asking for our blessings?” tanong naman nang Donya.

“Not necessarily.” sagot ni Adrian.

“Anything just to make you happy.” sagot naman nang Don.

“Who is she?” tanong pa nang Donya.

“Micco!” walang pagdadalawang-isip niyang sinagot.

Bakas ang pagkagulat sa mukha nang mga magulang at ang hindi maipintang reaksyon mula sa mga ito. Walang anu-ano ay isang suntok ang dumampi sa kanyang mukha na binigay nang kanyang ama.

“Stupid!” agad na simula nang kanyang ama.

“What’s stupid with that?” tanong ni Adrian.

“What crosses your mind to think about loving that stupid Micco?” tanong nang ama niya.

“Love!” sagot ni Adrian. “It is because of love.” ulit nito.

“Love?” tila pagtatakang naitanong nang ama niya sa kanya.

“He changed me, Micco teaches me how to be happy and how to smile the world again.” depensa ni Adrian.

“Alam mo bang walang patutunguhan ang relasyon ninyo?” sumbat nang ama niya sa kanya.

“Tama kayo! Walang patutunguhan lalo na kung ganyan ang kaisipan nang mga taong nakapalibot sa amin. Pero kaya nga namin itinuloy para patunayan sa inyo, sa inyong hindi nakakaintindi na ang pagmamahal namin ay kayang manatili habang-buhay. Higit pa sa kaya nang iba di’yan.” Pangangatwiran ni Adrian na tila may paghahamon sa ama nito.

“Pero anak” wika nang donya na hindi na nito naituloy dahil sa pagsasalita na din ni Adrian.

“I don’t wanna live in mediocrity. This mediocre world needs people who can stand by their own feet proving that what is normal is not always good but instead, what is to be immoral is actually the good.” sabi ni Adrian.

“If that what you believe then go!” galit na wika nang ama niya. “Don’t expect to gewt naything from me if you will continue this foolishness.”

“I don’t need your money. I can earn it on my own. Kaya kong kumita nang pera pero ang pagmamahal ko sa gay ni Micco ay walang katumbas. Ang kasiyahan nang pera ay panadilan lang, pero ang kasiyahang may Micco sa tabi ko ay hindi mapapantayan nang kahit na ano.” sagot ni Adrian.

“How could you!” sagot nang ama ni Adrian.

“By the way, I’m not here to ask for your permission. I am here just to let you know how much I love Micco that I am ready to face everyone and face troubles as long as I have him with me.” sagot ni Adrian.

“Lumayas ka dito!” utos nang ama niya.

Ayaw sanang umalis ni Adrian sa bahay nila nang hindi sila nagkakaayos nang pamilya ngunit ang nanay na niya ang nagsabing tutulong ito para maayos muli ang relasyon niya sa ama. Umaasa siyang balang araw ay magkakaintindihan sila at mas naging positibo ito nang malamang kakampi niya ang ina.

“Adrian, anak!” wika nang ina niya. “Ako na ang bahala sa papa mo. Just continue loving Micco and be happy with him. I know, you deserve him and you deserve to be happy.” wika pa nito.

“Thank you ma!” pasasalamat ni Adrian sa ina sabay yakap dito.

Mag-uumaga na din nang makauwi si Adrian sa kanila. Pagkauwi sa bahay ay agad niyang itinext si Micco.

“Micco ko, sory qng neun lng kta ntxt. 2log kna po ba? switdrims. Ilabyu. Imishu. 2log na wg ng reply.” sabi ni Adrian sa text at pinilit nang makatulog.

-------------------------------------------------

“Micco” katok nang nanay ni Micco sa pinto nang kwarto ng anak sabay bukas. Pinalitan na din nang kandado ang tablang pinako sa pinto ni Micco.

“Kumain ka muna.” wika nito sabay gising sa tulog na tulog na si Micco.

Bagamat naalimpungatan ay pinili niyang huwag na lang pansinin ang tawag na iyon nang ina. May naisip siyang magandang plano para mapilit ang mga ito na intindihin sila ni Adrian at kasama dito ang ginagawa niya ngayon. Sa kabila nang lahat nang plano niya ay hindi niya maiwasang maluha sa ginagawang paninikis sa nanay niya at sa isiping may malaking pagsubok siyang pinagdadaanan.

“Sige, kung ayaw mo iiwan ko na lang muna ito dito.” sabi nang nanay niya sabay na lumabas sa kwarto nito.

Alam niyang aalis na ang mga ito at sigurado siyang hanggang tanghalian na ang iniwanang pagkain sa kanya.

“Madeng, hayaan mo nang hindi nakakandado sa labas.” wika nang nanay niya.

“Edi nakalandi na naman iyang anak mong bakla.” sagot naman nang ama niya.

Matapos nito ay ang huli niyang narinig ay ang pagkakalock nang kandado sa pintuan niya at ang mahinang pagkakasara nang pinto.

“Ano naman kung nakakandado sa labas. May PC naman ako saka TV sa kwarto.” bulong ni Micco sa sarili.

Agad na bumangon si Micco at dali-daling binuksan ang computer. Balak niyang sabihan si Adrian sa kung ano ang nangyari dahil natitiyak niyang nag-aalala ito sa kanya at nais din niyang balaan ang mahal na huwag na muna siyang puntahan sa bahay. Kahit na anong pindot ang gawin niya sa power button ay ayaw mabuhay-buhay ang computer. Sinubukan niyang buksan ang TV subalit gaya nang computer ay ayaw ding mabuhay. Sinubuykang bukasan ang ilaw subalit gaya nang mga nauna ay hindi din mabuksan.

“Tilapiang bilasa naman ni San Andres” sambit ni Micco “pinutol pa ata ang kuryente ko.” agad na naupo si Micco sa gilid nang higaan niya at pinagmasdan ang mga pagkaing inihanda para sa kanya. Masasarap, lahat paborito niya at lahat ay sapat na para makaramdam siya nang gutom.

“Micco Micco Micco!” awat niya sa sarili. “Temptation lahat iyan. Masisira ang plano mo pag kumain ka.” saka huminga nang malalim.

Agad na binuksan ang drawer sa study table niya at may kinuhang lata nang biscuit.

“Buti na lang talaga at may naitatago pa akong biscuit dito.” pasasalamat ni Micco. “Okay Micco! Isipin mo na lang na hamonado yang kakainin mo.” saka pumikit ang pobreng si Micco at sinimulan na ngang pangaraping hamonado ang kinakain niyang biscuit.

“Nakaraos din!” wika niya matapos kumain. Agad na kumuha nang tubig sa kanyang sikretong taguan kung saan naglalaman nang madaming stock nang pagkain at mineral water.

“Ano naman ang gagawin ko dito maghapon?” tanong ni Micco sa sarili.

Agad na tumanaw sa bintana at ang tanging nakikita ay ang bakod nilang napakataas na wala namang gate. Dahil wala naman siyang mapapala ay agad na nahiga si Micco at pinilit na makatulog. Dahil hindi din makatulog ay kumanta kanta na lang siya at inaaliw ang sarili sa kung anumang makita niya sa loob nang kwarto.

-------------------------------------------------

“Good Morning my Micco!” maagang text ni Adrian kay Micco.

Sa buong araw ay pinilit na maging normal ni Adrian ang takbo nang buhay niya. kahit na may pangamba sa puso niya at pag-aalala sa walng paramdam na si Micco.

“Galit ka ba sa akin Micco ko?” tanong ni Adrian sa text subalit makalipas ang ilang minuto ay wala pa ding reply mula sa binata. Agad niyang tinawagan ang numero ni Micco subalit hindi niya ito ma-contact. Ayaw nag-ring nang cellphone ni Micco. Agad na nakaramdam nang kaba si Adrian dahil dito. Kahit na anong pilit ang gawin niya para kumalma ay hindi niya maitago ang pagkabalisa. Nasa akto na siya na pupuntahan niya ito sa San Tadeo nang tumawag ang mayordoma nila at sinabing mataas ang lagnat ni Matthew. Inuna na niyang puntahan si Matthew at binalak na ito muna ang asikasuhin.

“Maiintindihan naman siguro ako ni Micco.” usal niya sa sarili.

Buong araw na walang konsentrasyon ang kawawang si Adrian na walang kamalay-malay sa kinatnan ni Micco. Wala sa kundisyon para magtrabaho at kumilos at higit pa ay may labis na pag-aalala sa puso niya at pangamba sa walang paramdam na si Micco. Hindi nakatiis si Adrian kaya naman nang nasiguradong ayos na ang lagay ni Matthew ay pinuntahan niya sa San Tadeo si Micco kahit pasado alas-onse na ng gabi.

------------------------------------------------------

Narinig niyang bumukas na ang pintuan nang bahay nila na hudyat na nakauwi na ang mga magulang niya galing sa trabaho. Nakatanaw naman si Micco sa may bintana at pinpilit na maging masaya. Ilang minuto pa ay naramdaman niyang may nagbubukas na sa pintuan niya. agad siyang tumakbo pabalik sa higaan at saka nagtalukbong nang kumot.

“Micco anak, kumain ka na nang hapunan.” sabi nang nanay niya. Agad namang binakasan nang lungkot ang nanay ni Micco nang makitang hindi man lang nagalaw ang pagkaing iniwan niya dito.

“Para naman sa’yo kaya namin ginagawa ito.” wika nang nanay niya bagot tuluyang iwanan si Micco.

“Kung talagang iniisip ninyo ako sana inintindi na ninyo ako at sinusubukang intindihin. Ngayon lang ako naging masaya na kagaya nito at hinahadlangan pa ninyo.” nais sanang isagot ni Micco.

Gaya nang ginawa niya nuong agahan at tanghalian ay hindi ginalaw ni Micco ang pagkaing dinala sa kanya. Pinagtyagaan pa din niya ang biscuit na itinatago niya. Tulad nang inaasahan ni Micco ay nakarating sa mga kapatid niya ang nangyari sa tulong nang mga tsismosong kamag-anak. Isa-isa itong pumunta sa kanila para dalawin ang mangamusta. Ngayon nga ay sabay-sabay itong pumasok sa silid niya.

“Hoy Michael Cesar” simula ni July “ano na namang drama ang ginagawa mo?” tanong pa nito.

“Ikaw, may kasalanan ka sa amin.” sunod naman ni March.

“Tama! Bakit sa ibang tao pa namin dapat malaman?” sabi pa ni Sep.

“Sis” naluluhang wika ni Micco.

“Bro, hindi ka namin pagagalitan.” tila pangangalma ni Sep.

“Saka wala kaing balak na magalit sa’yo.” sang-ayon naman ni March.

“Ano na ang plano mo?” tanong pa ni July.

“Paano ninyo nalaman?” tanong ni Micco imbes na sagutin ang mga tanong nang kapatid.

“Siyempre si Tita Eka nagtext kagabi. Pinapapunta kami dito at tulungan ka nga daw dahil naawa na siya sa iyo.” sabi ni July.

“Pare-pareho nga kami nang natnggap na text eh.” wika pa ni Sep.

“Para i-confirm tinext ko si Jhell, LJ at Glenn.” saad naman ni March. “I-kinofirm naman nila per okay Glenn ako mag nagtiwala kaya tinext ko sila Ate na kausapin muna si Glenn ngayon.”

“Sa kanya namin nalaman ang lahat nang kalokohan mo.” wika ni Sep.

“Kalokohan ba ang magmahal?” tanong ni Micco sa mga kapatid.

“Sira, siyempre hindi.” sabi ni July.

“Ang kalokohan eh hindi mo sinabi sa amin kaagad.” wika naman ni Sep.

“Sana nakatulong kami sa’yo.’ sang-ayon ni March.

Nakaramdam nang tuwa si Micco nang maramdamang may kakampi na siya para ipagtanggol sa mga magulang. Palibahasa ay nakakasalamuha na ng ibang mga tao, iba’t-ibang klase, iba’t-ibang ugali, iba’t-ibang katauhan at iba’t-ibang kwento, lalong naging bukas ang isipan nilang tatlo sa mga bagay-bagay kaya nauunawaan nila ang sitwasyon ni Micco. Alam nilang walang masama sa pakikipagrelasyon nit okay Adrian at walang masama sa ganuong uri nang pagmamahalan. Sa simula pa lang ay tanggap na nilang maaring humantong sa ganuon si Micco kaya bago pa man nila malaman na may karelasyong kapwa lalaki si Micco ay natanggap na nila ito agad.

“Salamat!” tanging nasambit ni Micco na nagpapahiwatig sa pasasalamat niya sa mga kapatid.

“Ano na ang plano mo?” tanong ulit ni July.

“Hindi iyan kakain pero mayroong nakatago sa drawer.” pagbubuko ni March sabay kuha sa biscuit at tubig nito sa taguan. Alam ni March ang kalokohan ni Micco na ganito. Ang taguan ng pagkain. Palibahasa ay nagkasama nang mas matagal ang dalawa kaya maituturing na mas close sila.

“Alam ko din iyan, kaya naman bumili ako nang iba pa.” wika ni July sabay labas sa malaking bag nang isang lata pa nang biscuit.

“Meron din akong dala dito.” wika ni March at naglabas ito nang mga junkfoods mula sa bag na malaki.

“Akala ninyo kayo lang ang may dala, ako din siyempre.” wika ni Sep na naglabas naman nang dalawang kahon nang tetra pack juices mula sa malaki dng bag.

“Bilisan mo itago mo na.” suhestiyon ni July at agad namang kumilos si Micco para itago ang mga ito.

“Oh eot” sabi ni Sep sabay abot nang cellphone niya. “Itext mo na si Adrian.”

“Huh!” wika ni Micco.

“Wag mong sabihing hindi mo alam number nang syota mo?” tanong ni March.

Napakamot na lang sa ulo si Micco dahil sa totoo lang ay hindi nag niya alam ang numero nito.

“Pandesal ni San Felipe!” wika nang Ate July niya. “Patay kang bata ka, syota mo hindi mo alam ang number. Wala ka ding nakasulat sa papel no!” paninigurado pa ni July.

Iling lang ang sagot ni Micco.

“Asa ka pa eh number nga niya hindi niya kabisado.” sabi ni March.

“Sige dito na lang kami matutulog para kami na lang ang kumausap pag naisipan nang mokong na dalawin ka.” nakangiting wika ni Sep.

“Salamat po!” sabi ulit ni Micco.

“Sige lalabas na kami, liligawan pa namin sila nanay para mabawasan ang parusa mo.” wika pa ni July.

“Sige bro!” paalam ni March. “Enjoy the darkness.” pahabol pa nito.

Tuluyan nang nakalabas ang tatlo, muling naiwan si Micco sa kwarto niya, nakakandado at nag-iisa. Nagawang makatulog ni Micco dahil alam niyang may mga kapatid siyang maasahan at magpapaliwanag sa Adrian niya nang lahat.

Nasa kahimbingan nang tulog si Micco nang may marinig na katok mula sa bintana niya.mahihinang katok at tawag sa pangalan niyia. Walang takot niyang nilapitan ito at sinilip. Laking tuwa niya sa nakita –

Si Adrian, kinakatok siya sa bintana kasama ang Ate March niya. agad din namang pumasok si March sa loob nang bahay nang makitang gising na siya at binigyan sila nang pribadong sandali para makapag-usap.

“Salamat Ate March.” pasasalamat ni Adrian.

“Wala iyon, basta sumaya lang ang bunso namin.” sagot ni March bago tuluyang iwanan silang dalawa.

“I love you Micco ko!” simula ni Adrian sabay halik sa mga labi ni Micco na bagamat may harang na bakal ay sapat na para punuuin ang sarili nila nang kaligayahang dulot nang muli nilang pagkikita.

“Sorry po Adrian ko.” paumanhin ni Micco kay Adrian.

“Bakit ka nagsosorry?” tanong ni Adrian.

“Kasi po alam ko nag-alala ka.” sagot ni Micco.

“Ipinaliwanag na sa akin ang lahat.” sagot ni Adrian.

“I love you!” wika ni Micco.

“I love you too!” sagot ni Adrian sabay hawak sa mukha ni Micco.

Pumatak ang mga luha kay Micco nang sandaling iyon. Hirap man siya sa sitwasyon ay masaya pa din siya dahil kaharap niya ang taong minamahal at nakita nbiyang gumawa ito nang paraan para magkita sila.

“Anong ginagawa mo di’yan?” tanong nang isang tinig buhat sa likuran.

Sigurado si Micco na ang tatay niya ang may-ari nang tinig na iyon. Nakaramdam nang takot si Micco sa kung ano ang maaring magawa nang ama niya kay Adrian.

“Tumakbo ka na!” wika ni Micco.

“Hindi! Ipaglalaban kita.” sagot ni Adrian.

“Kinakausap ko lang po ang mahal kong si Micco.” sagot ni Adrian.

Natuwa si Micco sa sinabing ito ni Adrian. Alam niyang handa siyang ipaglaban nang binata laban sa mga magulang at handa nitong ipaglaban ang pagmamahalan nila. Gayunpaman ay nakaramdam nang takot si Micco para sa minamahal na katipan, hindi niya lubos maisip kung ano ang gagawin niya kung ipabugbog ito nang ama o kaya ay ipatapon sa kulungan.

“Anong mahal ang sinasabi mo?” tanong pa nito at saka tuluyang iniluwa nang liwanag ang may-ari nang tinig.

“Kuya Glenn?” wika ni Micco at nakahinga nang maluwag.

“Ikaw lang pala pareng Glenn.” si Adrian naman. “Anong ginagawa mo dito?” tanong pa ni Adrian.

“Bilisan mo Adrian, nakita ko si Tito Madeng, hinarang si Ate March sa pintuan, nahuli na kayo at papunta na ngayon dito.” sabi ni Glenn.

“Hindi pare, kakausapin ko sila para sa Micco ko.” tutol naman ni Adrian.

“Seryoso na si Tito Adrian!” paalala ni Glenn. “Baka hindi mo magustuhan ang gagawin nun sa iyo, sa inyo ni Micco.” saad pa ni Glenn.

Nakaramdam nang takot si Micco, kilala niya ang ama, kaya nitong ipatorture si Adrian para lang layuan siya. Mabait man ito subalit iba kung magalit.

“Adrian, sige na umalis ka na muna.” aligagang tila pag-uutos ni Micco kay Adrian.

“Pero Micco ko!” tutol ni Adrian.

“Huwag ka ang tumutol. Bukas na natin pag-uspaan ang lahat.” sagot ni Micco. “Mahal na mahal kita Adrian ko.” sabi ni Micco.

“Pare, sa bahay ka na muna matulog.” anyaya ni Glenn. “Bukas na lang kayo mag-usap ni Micco.” suhetiyon pa ni Glenn.

“Masaya ako at nakita na kita ulit.” wika ni Micco bagamat nakakaramdam nang takot ay may kasiyahan naman sa puso niya dahil muling nasilayan ang mahal na si Adrian.

“Mahal na mahal kita!” wika ni Adrian at saka siya hinatak na ni Glenn para dumaan sa likuran nang bahay nila Micco at nang hindi na nila makasalubong pa ang ama nito.

Ilang sandali pa at –

“Micco” bulyaw nang tatay niya sa kanya habang kinakatok ang bintana niya “Micco nasaan na si Adrian?” galit niton tanong.

Nakaramdam naman nang tuwa si Micco nang malamang hindi nag-abot ang landas nang dalawa.

“Huwag kang magkunwaring tulog!” utos pa nito.

“Ano pong sinasabi ninyo?” maang na tanong ni Micco sa ama.

“Si Adrian? Saan mo itinago?” tanong nito.

Pinilit kalmahin ni Micco ang sarili at buong giliw na naman siyang umarte –

“Natutulog ang tao ginigising ninyo!” wika ni Micco.

“Tigilan mo ang kaartehan mo. Nakita ko si Adrian na pumunta dito.” sagot nang ama niya.

“Hanapin ninyo kung makikita ninyo!” tila hinahamong anas ni Micco.

“Sa oras na makita ko iyon lulumpuhin ko talaga iyon nang lubayan ka na.” wikang nagbabanta nang tatay niya.

Magdamag ngang ginalugad ni Mang Madeng ang buong bahay nila at nang masiguradong wala nang Adrian siyang hinahanap ay napilit na din siya ni Aling Andeng na matulog. Tulad nang ginawa kahapon ay ikunulong ulit si Micco sa kanyang silid at dinalan na lanbg duon na pang-agahan at tanghalian. Ang bintanang tanging pag-asa niya para makita si Adrian ay nilagyan nang harang. Labis na kalungkutan naman ang nadama ni Micco sa isiping kahit sa bintana ay hindi na niya magagawang makita pa ang mahal na si Adrian.

“Micco!” tawag sa kanya mula sa labas.

“Micco! Gising ka na ba? Si Kuya Glenn mo ito.” wika naman nang isa pa.

“Micco ko!” sabi ni Adrian.

Agad na bumangon si Micco at nakuntento na sa madinig ang boses nang kanyang mahal.

“Adrian ko, kamusta ka naman?” wika ni Micco na binigyan nang sapat na lakas na loob ang sarili para huwag bigyang nang alalahanin si Adrian.

“Kumain ka na ba?” tanong ni Adrian kay Micco.

“Opo.” pagsisinungaling ni Micco. “Ikaw ba?” tanong pa nito.

“Wag mo na akong alalahanin.” sagot naman ni Adrian. “Mas mahalaga ay ayos ka lang.” saad pa ni Adrian.

“Ang mahal ko talaga.” tila sumayang muli ang puso ni Micco kahit na nga ba may nakaharang sa pagitan nilang dalawa ay hindi naikakaila ang kilig sa ganuong uri ang usapan.

“Micco ko!” pagbasag ni Adrian sa katahimikang namagitan sa kanilang dalawa. “Kakausapin ko na mamaya ang mga magulang mo.” wika pa ni Adrian.

“Pero!” tutol sana ni Micco subalit pinangunahan na siya ni Adrian.

“Ipapakita ko sa kanila na tapat ang pagmamahal ko sa iyo. Handa akong ipaglaban ka, na makita nilang kahit pareho tayong lalaki, kung tunay naman ang pagmamahalan natin ay wala silang dapat na ikahiya o ipangamba. Ipapakita ko sa kanila kung gaano ka busilak ang hangarin ko para sa iyo. Papatunayan ko sa kanila na handa akong mamatay para sa iyo, na walang makakahadlang sa tunay na pagmamahal.” saad agad ni Adrian.

“Mahal ko!” naluluhang winika ni Micco. Natuwa siya dahil lalo pa niyang natiyak kung gaano kalalim ang pagmamahal sa kanya ni Adrian, kung gaano ito handang humarap sa panganib alang-alang lang sa pagmamahalan nilang ayaw tanggapin nang lipunang ginagalawan nila. Ang isang uri nang pagmamahalang, kahit ang mga magulang nila ay nahihirapang unawain.

Kahit na hindi nakikita ni Adrian si Micco ay ramdam naman niya ang sakit at paghihirap nito sa loob nang silid niya. Ramdam din nito ang mga luhang pumatak mula sa mga mata nang binatang sinisinta.

“Huwag kang mag-alala.” tila pangangalma ni Adrian. “Sasamahan ako nang mga tyuhin mo at nang mga kapatid mo. Pati mga pinsan mo sasamahan din ako.” wika ni Adrian. “Tutulungan kita na ipaunawa sa kanila na walang masama sa relasyon natin. Tutulungan natin silang maunawaan tayo.” wika pa ni Adrian.

“Oo nga pinsan, nakausap ko na sila Jhell, LJ, Melissa saka iyong iba pa na sasamahan namin si Adrian mamaya.” sabat ni Glenn na bagamat nahihirapan sa sitwasyon niyang iyon ay pinili niyang maging tulay para sa kaligayahan nang minamahal niyang pinsan.

“Salamat po!” tanging nasabi ni Micco.

Naging mahaba pa ang usapan nilang tatlo. Gayunpaman ay sapat nang malaman nilang kahit papaano ay may liwanag na silang nakikita laban sa problemang dumating sa relasyon nila. Sa gitna nang usapan ay may naisip na plano si Micco subalit hindi na muna niya ito sinabi sa mahal na si Adrian bagkus ay nagpakuha na lang siya nang mga maaring gamitin para maisakatuparan ang binabalak niya. Kahit na anong tanong nila Glenn at Adrian kung ano ang gagawin niya sa mga ito ay puro palusot na lang ang sinasabi niya. Idinaan ang lahat sa maliit na uwang na nasa pinakataas na nang bintanang pinakuan at hinarangan nang tabla.

Dumating na nga ang oras na hinihintay niya. Nakauwi na ang mga magulang sisimulan na niya ang kanyang plano. Agad niyang tinalupan ang bawat butil nang bawang at saka inipit sa kili-kili. Magpapanggap siyang magkakasakit at mawawalan nang malay at malaking tulong ang bawang para magbago ang kanyang temperatura. Ilang minuto din siyang naghintay na katuking nang ina at saka niya itinago ang bawang.

“Everything runs according to my plan.” wika niya sa sarili at pagkabukas nang pinto ay saka biglang bumagsak si Micco. Isang hindi inaasahang pagbagsak sa sahig.

“Miccooo!” agad na naibulalas nang kanyan ina.

“Madeng!” tawag naman nito sa asawa. “Si Micco! Si Micco! Si Micco!” sigaw nito.

“Ano ba iyang Andeng, kung makahiyaw ka.” anas ni Madeng sabay pasok sa silid ni Micco.

“Si Micco biglang bumagsak, mataas pa ata ang lagant.” nag-aalalang wika ni Andeng.

“Anak nang!” naibulalas ni Madeng na agad ding nakaramdam nang pag-aalala para kay Micco. “Mataas nga ang lagnat. Buksan mo ang kotse at isusugod natin sa ospital si Micco.” utos ni Madeng sa asawa saka binuhat ang walang-malay na si Micco.

Kung gising si Micco ay malamang na natutuwa ito ngayon sa nagaganap, subalit ang planong binalak ay hindi umayon sa nais niya dahil nagkatotoong nawalan siya nang malay. Sa katotohanan ay matagal nang iniinda ni Micco ang pananakit nang ulo at ang araw na iyon ang naging pinakamadalas.

Biglang nag-alala si Adrian sa nakitang kaguluhan sa bahay nila Micco. Nanginig ang buo niyang katawan nang makitang si Micco ang walang-malay na isinasakay sa kotse. Dali-dali niyang hinabol ang mga ito kung saang hospital didiretso. Labis na pag-aalala ang nasa puso niya sa isiping may nangyaring hindi maganda kay Micco.


[19]
This is True Love

“Mano po!” lakas loob na nagmano si Adrian sa nanay at tatay ni Micco pagkadating sa ospital.

“Bakit ka nandito?” imbes na iabot ang kamay ay malungkot na wika nang ama ni Micco na walang lugar sa puso niya ang magalit pa, dahil mas lamang ang pag-aalala niya para sa bunsong anak.

Tiningnan lang si Adrian ni Aling Andeng na wari bang sinusuri ang buo niyang pagkatao. Nahiya si Adrian kaya naman iniyuko na lang niya ang ulo at lumakad palayo. Sa totoo lang ang hindi sigurado si Adrian kung tama ba ang gagawin niya ngayon na pakiharapan ang mga magulang ni Micco, ngunit may bahagi sa puso niyang iyon ang nararapat.

Hindi nagtagal ay lumabas na ang doktor na rumesponde kay Micco.

“Kamusta na ang anak ko Doc?” agad na tanong dito ni Mang Madeng.

Agad namang napatayo si Adrian sabay lapit din sa doktor. Mas mahalaga sa kanya ang malaman ang kalagayan nang minamahal. Hindi na niya halos napansin na nanduon na din pala sila Glenn, LJ at Jhell.

“Kamusta na po si Micco?” segunda ni Adrian na kinakabahan base sa anyo ngayon nang doktor.

“He is fine!” wika nito ng doktor. “Halo-halong stress, exhaustion at especially depression ang naging sanhi nang pagkaka-collapse niya.”

Nakahinga naman nang maluwag ang mga magulang ni Micco at si Adrian sa magandang balita na ito nang doktor.

“Nay! Tay!” patakbong tawag nang mga babaeng anak nila Andeng at Madeng na sabay-sabay na nakarating sa ospital na sa tulong ng mga tsismosang kapitbahay ay nalaman na agad nila ang nangyari kay Micco.

“Kamusta na p si Micco?” tanong ni March.

“He is fine!” sagot ni Aling Andeng.

“Buti naman!” wika ni Sep na tila nakahinga na nang maluwag.

“Bakit hindi ninyo kami agad sinabihan?” tanong naman ni July.

“Alam ko namang malalaman n’yo din agad.” sagot ni Mang Madeng.

“Kabisado na talaga ninyo mga kamag-anak natin.” biro ni March na tila pinapagaan ang sandali.

Habang nag-uusap ang lima ay pinasya ni Adrian na lumayo na lang muna at kahit pansamantala ay huwag bigyan nang alalahanin ang mga magulang nang minamahal niyang si Micco. Nilapitan niya sina Jhell, LJ at Glenn.

“Ayo slang iyan!” tila pangangalma ni Jhell kay Adrian.

“Maayos din lahat Sir Adrian.” sabi naman ni LJ.

Hindi naman nagtatagal ay nagulat na lang sila nang si Adrian na mismo ang lapitan nang mga magulang ni Micco. Agad na nagpaalam ang tatlo dahil batid nilang seryosong usapan ang nagaganap.

“Sorry anak!” sabi ni Aling Andeng sabay tapik sa likod nang nakatalikod na si Adrian.

Kakaibang tuwa ang nadarama ni Adrian nang tawagin siyang anak nang nanay ni Micco. – “Anak? Tinawag niya akong anak? Totoo ba ito? Tanggap na ba niya ako? Tanggap na ba niya kami ni Micco?” wika ni Adrian sa sarili.

“Patawarin mo kami at umabot pa tayo sa ganito.” saad pa ni Mang Madeng.

Nakangiting humarap si Adrian sa dalawa. “Wala po iyon. Alam ko namang po na iniisip n’yo lang ang kapakanan ni Micco.” wika ni Adrian.

“Alagaan mo ang bunso namin!” tila habilin naman ni Aling Andeng sabay yakap kay Adrian.

“Opo! Iyon lang po ang gagawin ko habang-buhay.” sagot naman ni Adrian.

“Ang galing talagang magplano ni Micco.” tudyo ni July na papalapit na sa tatlo.

“Oo nga, artista talaga ang loko!” saad naman ni Sep na kasunod na din ni July.

“Dapat talaga pinag-audition na ninyo dati pa para naman may saysay ang kaartehan nuun.” biro din ni March na kasunod na din nang dalawa.

“Kayo talagang mga bata kayo.” saway ni Mang Madeng.

“Halina sa loob at nang makita na namin si bunso.” anyaya ni July.

“Mabuti pa nga.” sang-ayon ni Aling Andeng. Palakad na sila subalit tila hindi pa din tumitinag si Adrian sa pagkakaupo.

“Adrian anak tara na!” aya sa kanya ni Mang Madeng.

“Anak daw!” tudyo nila July, Sep at March.

“Tumigil na nga kayo.” saway pa ni Mang Madeng.

Tila hindi makapaniwala si Adrian sa nangyayari ngayon. Kung panaginip man iyon ay ayaw na niyang gumising dahil masaya siyang malamang tanggap na sila at ang relasyon nila nang mga magulang ni Micco.

“Adrian dito ka na umupo.” aya ni Aling Andeng kay Adrian na umupo sa tabi ni Micco. “Alam ko namang masyado kang sabik kay Micco, kaya dito ka na.” wika pa nang ginang.

“Salamat po!” walang pagdadalawang isip na umupo nga si Adrian sa tabi ni Micco at agad na hinawakan ito sa kamay.

Ilang sandali pa at –

“Micco!” nasambit ni July nang makitang dumilat na si Micco.

“Ate July!” sagot ni Micco.

“Micco!” mahina, ngunit punung-puno nang emosyno at kasiyahan si Adrian sa pagsasabi nito.

“Adrian ko.” nagtataka man ay napangiti si Micco sa nakitang si Adrian nga iyon.

“Sorry anak!” paghingi nang tawad ni Mang Madeng kay Micco. “Kasalanan ko ito.” dugtong pa nito.

“Tay naman! Wala po kayong kasalanan.” wika ni Micco.

“Alam mo anak” simula ni Aling Andeng “naisip kong kahit naman anong gawin namin kung talagang mahal ninyo ang isa’t-isa, hindi naman namin kayo mapaghihiwalay. Ayoko namang habang-buhay na kami na lang ang pinag-bibigyan at iniintindi mo.” saad pa ng matanda.

“Salamat po nanay, tatay.” tanging nasambit ni Micco. Labis na kasiyahan ang nasa puso ni Micco nang mga oras na iyon. Hindi niya alam kung papaano magpapasalamat sa Diyos dahil sa pagpapaunawa sa mga magulang niya nang sitwasyon nila ni Adrian. Masayang masaya siya dahil alam niyang nabawasan na ang balkid sa relasyon nilang dalawa.

“Adrian, iingatan mo si Micco!” paalalang may pag-uutos mula kay Mang Madeng.

“Opo naman Tay!” sagot ni Adrian.

“One big happy family na naman tayo!” sabi ni July.

“This deserve for a group hug!” suhestiyon ni Sep.

“Taralets, group hug na!” sabi pa ni March.

Hindi pa man nagtatagal ay biglang nag-ring ang phone ni Adrian –

“Sandali lang po, sagutin ko lang po muna.” paalam ni Adrian sa pamilya ni Micco.

“Sige.” sagot ni Mang Madeng.

“Micco ko, sagutin ko muna.” nakangiting wika ni Adrian kay Micco.

“Sige po Adrian ko.” apruba naman ni Micco.

---------------------------------------------------

“Yes Ma.” simula ni Adrian sa usapan.

“As I promise, everything is okay.” sagot naman nang knayang nanay.

“Talaga Ma?” tila hindi makapaniwala si Adrian sa narining.

“Oo, in fact your father invites Micco for a dinner tomorrow.” sagot ng Donya.

“I’m not sure about that, Micco is in hospital. What about next week?” sagot ni Adrian.

“What happened to Micco?” tila may pag-aalala na din sa Donya.

“He collapsed, but he is fine now.” sagot ni Adrian.

“Goodness! You should be taking care of your Micco!” tila pagsesermon nito kay Adrian.

“Ma, that’s what I am doing right now.” malambing na sagot ni Adrian.

“Okay, we expect you next week.” sagot ng donya.

“I love you Ma!” wika ni Adrian.

“I love you too son. Okay, I’ll drop the call.” wika nang donya sabay pindot sa end call.

----------------------------------------------------

Tuluyan na ngang nakarecover ang katawan ni Micco. Nakatulong din sa kanya ang pagtanggap nang mga magulang niya sa kanilang dalawa ni Adrian. Nakabalik na din siya sa bahy ni Adrian sa Maynila at nagpatuloy ang pagiging music teacher niya sa mga bata. Biyernes nang gabi, may hindi inaasahang bisita si Adrian.

“Nakauwi na ba si Adrian?” tanong nang Don sa mayordoma ni Adrian.

“Wala pa po, mamaya pa po darating iyon.” sagot naman nang mayordoma sa tanong na bagamat nagulat ay nagawa pa ding ngumiti.

“Nasaan si Micco?” tanong naman nang Donya.

“Nasa taas po at tinuturuan po ang mga bata.” sagot ulit nang mayordoma.

Umakyat ang mag-asawa sa kwartong sinabi nang mayordoma ni Adrian – bubuksan n asana nila ang pintuan nang marinig ang isang pamilyar na awiting matagal na din nilang hindi nadidinig –

“Bituing marikit, sa gabi nang buhay

Ang bawat kislap mo’y ligaya ang taglay

Yaring aking palad, iyong patnubayan

At kahit na sinag, ako’y bahaginan”

Biglang napahinto ang Donya sa pagbubukas nang pinto –

“Bakit?” tanong nang Don.

“Pakinggan mo kung ano ang itinuturo ni Micco sa mga bata.” sagot nang Donya.

“Natanim sa puso, yaong isang pag-ibig

Na pinakasasamba, sa loob nang dibdib

Sa iyong luningning, ako’y nasasabik

Ikaw ang pangarap ko, bituing marikit.”

Bumalik sa gunita nang dalawa ang kabataan, ang panahon nila nang ligawan at ang panahong away-bati ang sitwasyon nila. Ang isang pagmamahalang muntikan nang hindi humantong sa altar, subalit sa puso nang nagmamahal, gagawin ang lahat para lang maisakatuparan laban sa anumang hadlang. Lalo nilang naintindihan ang sitwasyon nina Adrian at Micco at lalo nilang naunawaan na tuna yang pagmamahalan nang dalawa.

Tuluyang binuksan nang Donya ang pinto – maingat at dahan-dahan. Ayaw nilang magambala ang ginagawang pagkanta nang mga bata.

“Lapitan mo ako, halina bituin

Ating pag-isahin, ang mga damdamin

Ang sabik kong diwa’y, huwag mong uhawin

Sa tamis nang iyong pag-ibig.”

Naalala din nang mag-asawa ang mga anak na babaeng una nang binawi sa kanila. Ito ang unang kantang itinuro nila sa mga anak. Ang kantang naging malaki ang bahagi sa buhay nila. Ang panahon kung saan uso pa ang harana sa probinsya, ito ang laging kinakanta nang Don sa tapat nang bahay nang Donya.

“Lapitan mo ako, halina bituin

Ating pag-isahin, ang mga damdamin

Ang sabik kong diwa’y, huwag mong uhawin

Sa tamis nang iyong pag-ibig.”

Matapos ang awit ay pinalakpakan nila ang mga bata, maging si Micco. Labis na ligaya ang nadama nila an gmuling marinig ang kantang sa buong akala nila ay nalimutan na ng panahon. Ang kantang huli nilang narinig ay hindi na nila maalala sa tagal.

“Lolo! Lola!” bati nang mga bata sabay na tinakbo ang dalawang matanda.

“Ang galing ng mga apo ko!” bati nang Donya sa kanyang mga apo.

“Galing po kasi ni Tito Micco magturo.” sabi ni James.

“Pero mas maganda po kung solo lang si Tito Micco.” saad naman ni Melissa.

“Basta magaling kayo.” sabi naman nang Don.

Tila nakaramdam naman nang hiya si Micco sa harap nang mga magulang ni Adrian. Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok nang kanyang puso. Nangatog ang kanyang mga tuhod at nanginig ang buo niyang katawan.

“Micco, you’re such a great person.” bati naman nang Donya.

“Ma! Pa!” bati ni Adrian sa mga magulang. “Napasugod ata kayo?” tanong pa nito.

“Hindi na kasi makapaghintay ang Papa mo kaya kami na ang pumunta dito.” sagot nang Donya.

“You chooses the right person.” wika naman nang Don.

“I told you so!” tila may pagmamayabang na wika ni Adrian.

Hindi naman maintindihan ni Micco kung ano ang pinag-uusapan nang tatlo.

“Siguro sobrang humanga lang sa mga bata iyon kaya nasabing right person daw ako.” wika ni Micco sa sarili.

“Pinahanda ko na po ang hapunan, tara na bumaba na tayo.” anyaya ni Adrian sa mga magulang.

“Micco ko, halika na.” anyaya ni Adrian kay Micco sabay lapit at akbay dito.

“Bakit?” tila lalong pagtataka ni Micco.

“You will know it later.” sagot ni Adrian kasunod ang isang matamis na ngiti.

Maganda ang pakiramdam ni Micco sa kung ano ang sinabi ni Adrian. Nararamdaman niyang may magandang balita na sasabihin ito sa kanya. Isang magandang balitang matagal na niyang inaasahan at gusto niyang mangyari.

“Before we eat, I want to welcome the newest member of our family.” simula nang Don bago kumain.

“Let us have a toss for Micco!” sabi nang Don.

Nagulat naman si Micco sa sinabing iyon nang Don. Hindi niya alam kung ano ang unang mararamdaman, saya ba ang pagtataka. Pero ang alam niya, magtaka man siya ay patuloy sa paglundag ang puso niya sa kung ano man ang posibleng maganap.

“Adrian told us your story and we accept you to be his lifetime partner. Even if it is hard at first, yet we realize that his happiness will only depend to whom he will spend it with. As we see, his happiness depends on you.” sabi nang Donya.

“And we don’t want to be antagonistic in Adrian’s life and we don’t want to see him suffers.” pahabol nang Don.

“Thank you!” naluluhang wika ni Micco. “I don’t know how can I thank you for understanding us.”

“Micco, I love you!” wika ni Adrian sabay lapit sa likod ni Micco at niyakap niya ito.

“Tama na ang drama, kumain na tayo.” wika naman nang Donya.

Masaya nilang pinagsaluhan ang mga pagkaing nakahanda. Higit pa ay labis na kasiyahan ang nadarama ni Micco at Adrian dahil batid nilang ang pinakamatinding pagsubok sa ngayon ay nalampasan na nila. Natanggap na sila nang kanilang mga pamilya at ngayon naman ay lalaban na sila sa mga bumabatikos sa mga kagaya nila. Nakahanda na silang harapin ang mas malawak na mundo at alam nilang sa tulong nang kanilang pamilya at sa tunay na pagmamahalang mayroon silang dalawa ay makakaya nilang labanan ang lahat nang hahadlang sa kanilang tunay na nararamdaman.


[Finale]
Sa Bukas kong Ikaw ang Kasama

“Micco” wika ni Adrian “mahal na mahal kita at nararamdaman kong mas lalo pa kitang minamahal.” wika ni Adrian habang nakasandal sa kanyang dibdib si Micco.

“Mahal na mahal din po kita at nararamdaman kong sa bawat araw na dumadaan ay higit pa kitang minamahal.” sagot naman ni Micco.

Nakaupo sila sa dalampasigan at ginuhitan nila ng puso ang lugar kung nasaan sila. Minamasdan ang papalubog na araw at sinasariwa ang nakraan – nakaraang puno nang hirap at saya, lungkot at ligaya, sakit at ngiti, luha at tawa. Nakasandal si Micco sa dibdib ni Adrian habang hawak naman ni Adrian ang mga kamay ni Micco na siyang iniyakap din niya sa katawan nito. Malamig ang hangin at naririnig nila ang mga alon na dumadampi din sa kanilang mga paa. Sinasabayan pa ito nang mga ibong lumilipad sa langit na tila nakikisaya sa kanila.

“Wag mo po akong iiwan.” wika ulit ni Adrian sabay halik sa noo nang mahal niyang si Micco.

“Hindi kailanman at ayokong nawala ang isang taong katulad mo sa buhay ko. Ang taong bumuo sa pagkatao ko at sa pagiging ako.” sagot ni Micco. “Ikaw din po sana hindi mo ako iiwan.

“Hinding-hindi Micco ko!” sagot ni Adrian. “Hindi ko hahayaang mawala ang taong nagbalik sa akin nang ngiti at nagbigay sa akin ang tunay na ligaya. Muling kinulayang ang mundo ko at binigyan nang buhay.”

“Salamat po sa sampung taon.” wika ni Micco.

Ngiti lang ang sinagot ni Adrian.

---------------------------------------------------

Sampung taon – sampung taon na ang nakakalipas buhat nang malaya nilang hinarap ang mundo bilang sila at hindi na nagkukubli pa sa kasinungalingan at anino nang takot sa lipunang ginagalawan. Sampung taong nakikipaglaban para sa pagmamahalang sa simula ay pangarap lamang. Sampung taon na mula nang pigtasin ang tanikalang nakapalupot sa kanilang mga leeg na nagpipigil para patuloy na itago ang laman nang puso. Sampung taon mula nang maganap ang isang Forbidden Kiss na ngayon ay pinatunayan nilang it is not forbidden but rather a deprivation of what it actually means, the privation of what it ought to be because of the standards that are so problematic.

Sa unang taon nila ay agad silang humarap sa biyaya nang Companionship. Buong angkan na nga halos nilang dalawa ang umakyat sa Baguio para lang sa seremonyang ito. Inaruga at inalagaan ang mga pamangkin ni Adrian bilang mga tunay nilang mga anak. Nag-ampon nang dalawang batang ulila galing sa Fortitude. Ang plano nila ay si Cherry ang kuhanin subalit may umampon ng nauna sa kanila. Tulad nang normal na pamilya at mag-asawa ay may tampuhan, away at hindi pagkakaunawaan, subalit salamat kay Kuya Glenn ni Micco, kay pinsang Alex ni Adrian dahil tila ito ang mga anghel na nagiging katulong nila para maayos ang gulo.

Si Glenn na minamahal din si Micco ay nahulog sa kagandahan at kabaitan ni Michelle. Silang dalawa ang nagkatuluyan at mayroon nang isang anak. Alam ni Michelle ang naging pagtingin ni Glenn para kay Micco – sino ba naman siya para hindi tanggapin ang nakaraan ni Glenn. Isa lamang siyang hamak na nagmamahal na kahit na anong nakaraan ni Glenn ay kaya niyang intindihin at unawain. Alam niyang kung ang nakaraan nito ay hindi niya kayang tanggapin, hindi siya karapat-dapat para kay Glenn sa hinaharap.

Si LJ at Jhell ay kapwa nagkaroon na din ng mga asawa. Nagkaanak at may malaking bahagi din sa pagmamahalan nila Micco at Adrian. Si Liz at Carl naman ay naging magkakilala dahil kay Micco – oo walang bahid malisya ang pagkakaibigan nila Carl at Micco. Naging sila sa bandang huli at ngayon nga ay masayang nabubuhay sa piling nang isa’t-isa at patuloy pa din si Liz sa pagtulong sa Fortitude at naimpluwensiyahan niya sa Carl na tumulong din.

Ang kanilang mga pamilya naman ay tila nagkasundo-sundo. Tinanggap ang bawat isa at naging malapit din naman. Ang ama ni Adrian at ni Micco ay kapwa kongresista na at nagtatagpo sa kongreso. Mahigpit na magkalaban sa plenary subalit matalik na magkaibigan paglabas. Walang plastikan at walang siraan. Ang nanay ni Micco ay nakapagpatayo nang sarili nitong eskwelahan, na humuhubog sa mga estudyante para huwag magpatali sa kung ano na ang nakasanayan. Samantalang ang ina ni Adrian ay naging pangunahing personalidad nang ampunan – Fortitude. Ang mga kapatid ni Micco ay lalong naging maligaya at mas naramdaman ang ligaya nang makamit at napagtanto ang gusto nila sa buhay. Naging mas matibay ang pamilya at ang pagmamahalan.

Limang taon na sila Adrian at Micco nang lumipad ang mga ito sa Canada. Ang isang batas na ayaw ipatupad sa Pilipinas na mayroon sa Canada ang pakay nila. Legal na silang mag-asawa ngayon sa ilalim nang batas. Iyon nga lang ay may kaunting problema dahil sa national differences, ngunit sapat na iyon sa kanila at least may katibayan sila na kilala nang batas ang pagmamahalan nila.

--------------------------------------------------

“Thank you for ten years of holding my heart and keeping it with care. Thank you for teaching me the essence of love – how it feels to love and how it feels to be love. Thank you for showing me the sense of my existence and that is, loving you. Thank you for the days you stood beside me – through thick and thin. Thank you for sharing tears and laughter. Thank you for the shared stories of happiness and sorrows. Thank you for showing me that the world is beautiful by staying beside me. Thank you for letting me cherish every second of my life because of your love. Thank you for the endless encouragements and inspirations. Thank you for the beautiful memories worth to adore.” wika ni Micco.

“Thank you for spending your life with me! I can’t ask anything aside from your love and from you to be mine and be my life.” sambit ni Adrian.

“If I had to choose another life, I’ll rather take the original road to your arms and let my heart to choose forbiddingly. I have no regrets to what had happened ten year ago and I must be in great despair if I pushed that chance of loving you away. I have no doubts about the love and my love is pure and passionate.” saad pa ni Micco. Unti-unting pumatak ang mga luha sa mga mata ni Micco – mga luha nang kaligayahan dahil hanggang ngayon ay mahal nila at mas lalong minamahal ang isa’t-isa. Mga luhang sanhi nang nakaraang hindi naman laging matamis ang nangyayari ay heto sila’t napagtagumpayan ang laban.

Ngiti lang ang sinagot ni Adrian sa sinabing iyon ni Micco. Natutuwa ang puso niya na marinig iyon, ang mga katagang iyon mula sa labi nang minamahal. Ang mga katagang sapat na para pawiin ang lahat nang sakit nanadarama niya sa loob nang smapung taon – ang mga sakit na ibinatong pilit sa kanila nang lipunan para hadlangan ang isang tunay na pagmamahalan. Ramdam niya kung gaano katotoo ang sinasabing iyon ni Micco at ramdam niya ang sincerity nito. Pinunasan niya ang mga luha ni Micco na unti-unting nalaglag mula sa mga nito at hindi naglaon ay maging siya ay napaluha na din.

Ngayon nga ay papalubog na ang araw at sabay nilang itong piunagmamasadan.

No comments:

Post a Comment