Tuesday, January 8, 2013

Task Force Enigma: Rovi Yuno (06-10)

By: Dalisay
Blog: theimmaculatedalisay.blogspot.com
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com


[06]
ERRATUM:

I would like to take this chance to say sorry for mistaking BX's UNTITLED as one of the stories that is coming to its last posting. For that, my friend I'm really sorry.


On the other hand, I would like to Congratulate Jaime for the success of Lance na lang para Pogi that truly inspired a lot of readers if not, touched the very heart of them.

Bati mode:

Single-out ko lang sa pagbati ang isang mambabasa rito sa BOL na si FORD. Thanks for being a wonderful diversion. Nawork-out ang aking tinatamad na brain cells. I owe that to you.

Siyempre, to the readers turned writers, thank you sa pagse-share ng talento. Salamat sa maga papuri ninyo na kaming mga writers dito ang nag-inspire sa inyong mag-share ng story ninyo. Sweethearts, you are all good. We are just here to entertain, thank you sa pagtuturing bilang instrumento ng inyong inspirasyon. In behalf of all the writers here, salamat sa inyong muli.


To ECHO, how about meeting your Lola this weekend. I miss the dear old lady. :)


Happy reading guys... Lovelots...



CHAPTER 6



"NAKATAYO si Bobby paharap sa papasikat pa lang na Haring Araw. Nakatanaw sa malawak at tahimik na karagatan na animo'y may hinihintay. Ikatlong araw na nila sa safehouse na iyon sa Calatagan. Kahapon ay natanong na rin ito ni Rick ng mga impormasyong maaaring makatulong sa kanila. Sa ngayon, kailangan nilang protektahan ang mag-tiya mula sa galamay ni Park Gyul Ho. May mga nagpunta raw kasi sa tinutuluyan ng magtiyahin kahapon ayon na rin sa iniwan nilang magmamasid doon.

Humugot ng malalim na hininga si Rovi bago ipinasyang lapitan si Bobby na hindi pa rin natitinag sa pagkakatayo sa harap ng dagat. Dinala niya ang dalawang mug ng kape at muling tumingin dito. Nakadagdag ito sa dati ng magandang tanawin. Ang pagkakatingin niya sa lalaki ngayon ay parang isang modelong lumabas mula sa magasin.

Naka-board shorts ito na bulaklakin pero hindi nagmukhang masagwa dahil sa totoo lang. Parang gusto niyang maiinggit sa tela ng suot nitong short. Mukha kasi iyong mga binti ng babae sa pagkakahapit sa hita nito. Namumukol ang dapat mamukol. Naalala na naman niya ang eksena sa kwarto nito. Lastug!

Itinaas niya ang paningin sa katawan nito. Nakabukas ang lahat ng butones ng polo nito. Revealing his perfect and gorgeous torso. Kahit nakatagilid ito sa paningin niya ay nakikita niya ang namumutok na pandesal nito sa tiyan. Sturdy features with a look an angel. Iyona ng naisip niya ng ibaling naman niya ang tingin sa maamong mukha nito.

Shit! Si Rico Yan talaga ang kamukha niya. Sigaw ng isip niya. Pero mas, gwapo ng di hamak si Bobby sa aktor at buhay na buhay. Tama! Sang-ayon ng malanding parte ng isip niya. Inaagiw na naman ang utak mo, Rovi. Singit naman ng kabilang bahagi. Napu-frustrate at marahas na napabugha na lamang siya ng hangin habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki.

May ilang dipa na lamang ang layo niya rito ng mapagpasyahan niyang umibis ng direksiyon at ibaba ang mga mug sa isang tabi sa napakatahimik na paraan. Maigi na rin iyon at ng mapraktis niya ang stealth moves na paboritong-paborito niya.

Nang maibaba ang mug ay dahan-dahan niya itong nilapitan ng parang isang pusa at walang kaingay-ingay ang bawat hakbang. May isang metro na lamang siya ng magsalita ito ng hindi tumitingin sa kanya.

"Ano na naman iyang plano mong gawin, Sarhento?" matabang na sabi nito.

Natigilan siya. Hindi agad nakahuma si Rovi. Kinakalawang na ba ang stealths niya? Mukhang kailangan na niyang mag-training uli. Pero hindi, something must've gone wrong. Siguro nakita na siya nito kanina pa at ipinasya lang na magpatay-malisya.

"Kanina ko pa alam na paparating ka." sabi ulit nito na hindi tumitingin sa kanya.

Putsa! Nabasa pa yata nito ang isip niya. Naiirita siyang lumayo rito at kinuha ang mugs ng kape sa buhanginan. Naiinis pa rin siyang bumalik dito na ngayon ay nakaharap na sa kanya at tinititigan siya. Showcasing his chiseled upper-body all for his eye's satisfaction. Busog na busog ang mata niya sa napakagandang tanawin sa harap niya.

Nang itaas niya ang tingin sa mukha nito ay nahimasmasan siya ng kanti pagkakita sa nakakalokong ngiti sa labi nito. Grr.. I'm gonna wipe that stupid grin off your face someay. Nangangalit na sigaw niya sa isip. Pinili niyang gawing blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Iniabot niya ang mug dito, kinuha naman nito iyon pero kasama ang kamay niya. Nalukot muli ang mukha niya sa ginawa nito. Nananadya ang hudyo! Well, kung ganoon, tingnan niya kung kaya ng sikmura nito ang igaganti niya. Napapangiti na humakbang siya palapit dito. Nasa kalahating-dipa na lang ang layo nila sa isa't-isa.

"Oopss. Sorry." nang-iinis na sabi nito at binawi ang kamay sa kanya. Inignora ni Rovi ang kuryenteng pumaikot sa sistema niya sa simpleng pagkakadaiti na iyon ng mga balat nila. Hindi pwede iyon. Erase! Erase!

He chose to remain passive. Walang magandang patutunguhan kung papatulan niya ang pang-aasar nito. "Binigyan lang kita ng kape Bobby. Huwag kang maangas sa akin." matabang niyang sabi rito.

"Talaga lang ha? Eh, bakit kailangan mo pang ilapag muna ito kung ibibigay mo rin lang naman?" nakakalokong sabi nito.

Hindi agad siya nakasagot. Sasabihin ba niyang, "Balak ko kasing gulatin ka sa pamamagitan ng pagbali sa leeg mong talipandas ka!" Naiinis na talaga siya ng husto. Feeling close ang ugok na ito sa kanya. "Bakit ikaw ba hindi feeling close? Bakit mo siya ipinagtimpla ng kape?" Nangiinis na balik ng isip niya sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga at marahas na pinakawalan iyon bago sumagot.

"Gugulatin sana kita kanina para malaman kung may alam ka sa selfe-defense." kalmadong sagot niya. Gusto niyang palakpakan ang sarili at nagawa niya iyon ng walang kahirap-hirap gayong gusto na niyang pilipitin ang leeg nito sa inis.

"Hindi nga, Rovi?" sabi nito sa kanya. Halatang hindi naniniwala. Ngumiti pa ito ng pagkatamis-tamis. Be still, my heart!

"Oo. Marunong ka bang depensahan ang sarili mo?" tanong na lang niya rito ng makabawi ng hininga sa ginawa nitong pagngiti.

"Siyempre naman no. Anong akala mo sa akin? Kaya kong protektahan ang sarili ko gaya ng kahit na sinong lalaki sa mundo." mayabang nitong sabi saka humigop ng kape.

Typical chauvinist. Tingnan nga natin. Gustong-gusto na niyang parusahan ito sa kayabang nitong taglay. "Ows, di nga? Baka naman away-kalye lang ang alam mo?" pang-aasar niya.

"Eh ano naman? Sa kalye ako lumaki, Miss. Para sa kaalaman mo, hindi ako basagulero pero matigas ang kamao ko sa mga naghahamon ng away sa akin. Miss." nakakalokong sabi nito.

Ang walang-hiya! Inalis na nga ang Sarhento at naging Rovi na lang kanina. Ngayon naman, Miss?! Ah! He just waged war! Inalis na niya ang pagkukunwaring hindi naiinis pero kalmado pa rin siyang nagsalita.

"Hindi ka talaga marunong gumalang no?" mababa ngunit mapanganib niyang tugon.

Mukhang na-sense nito ang pagbabago ng tono niya pero sa halip na matakot ay mukhang ikina-excite pa ng kumag. Ibinaba nito ang mug sa lupa, ganoon din siya.

"Bakit? Apektado ka ba, Miss?" panggagatong pa nito sa umaalagwa na niyang inis.

"Sige nga, tingnan natin ang ibubugha mo sa bakbakan?"

"Sigurado ka ba, Miss?" sagot ni Bobby. Nang-aasar pa rin.

"Naku, huwag mo kong alalahanin. Sige na, subukan natin kung kaya mo akong tamaan. Mukha kaisng ang lampa-lampa mo eh." panghahamon niya sa pagkalalaki nito.

Mukha namang epektibo. Lumaki ang butas ng ilong nito sa hayagang insulto niya. Nag-girian sila paikot na para bang may isang malaking bilog kung saan sila nakapaloob. Unti-unti nang sumisikat ang araw.

"Huwag mo akong sisihin kapag napuruhan kita." asar na tugon nito.

"Ang daming daldal. Bading ka ba?" balik ni Rovi dito. Iyon lang ang kailangan niyang sabihin at umunay na ito ng suntok.

Mula sa fighting stance niya ay sinalag niya ng kaliwang braso ang suntok na nagmula sa kanang-kamao nito at sa isang iglap ay binigyan niya ito ng isang bira sa sikmura nito. Napagibik ito at napapaluhod na bumagsak sa buhanginan.

Nakita ni Rovi na halos pangapusan ito ng hininga sa ibinigay niyang jab sa upper abdomen nito. Mukhang napalakas yata masyado. Nangingiwing sabi niya sa isipan. Umubo-ubo pa si Bobby at nagpipilit na tumayo. Ah, mukhang kaya pa niya.

"Tang-ina, ang sakit nun ah." galit na galit na sabi nito.

"Iyon lang, masakit na? Hindi pa nga bigay-todo yun eh." pang-aasar niya rito.

"Humanda ka! Ha!!!" sa nagagalit na ekspresyon ay sumugod ito sa kanya. Bobby charged to him with his might. Pulang-pula ang mukha nito sa galit.

As Bobby approached him, Rovi he spinned with his left foot clockwise and cupped the right wrist of his attacker with his left hand. Swiftly grabbing his wrist with a solid grip then twisted it while moving his left-foot anti-clockwise and knee-led down fast for a throw that caught Bobby for a surprise. Umaringking ito sa sakit ng pagkakapilipit ng kamay. Nakahiga ito sa buhangin habang ang kanyang kanang tuhod ay iniipit ang braso nitong karugtong ng pinipilipit niyang kamay.

"Aaaah! Gago ka, masakit yan!" sigaw nito sa kanya.

Hearing those words ay lalong umapaw ang inis niya rito. "Nakukuha mo pang magmura hayup ka ha." pang-iinis niya. Hindi ito makapalag. Naglalabasan ang ugat nito sa mukha at sentido. Tanda ng tinitiis na sakit. Pinagpapawisan na rin ito.

"Tama na! Tama na! Aray!" namimilipit na sigaw nito.

Binitiwan niya ito saka gumulong palayo at mabilis na tumayo. Dumapa si Bobby habang hinihimas ang nasaktang kamay.

"Ayan lang naman ang kayang gawin sa iyo ng Miss na ito!" mayabang na askad niya rito.

"Hayup ka! Makakaganti rin ako sa'yo!" sigaw nito sa pagkakadapa nito.

"Huh! Nanginginig naman ako sa takot." saka siya humalakhak.

"Puta, binali mo yata ang kamay ko." naiinis na sabi nito. Mamasa-masa ang mata nito sa pinipigil na luha. Sabagay, kahit sino naman maluluha. Pero ang ikinagulat niya ay, kahit sobrang galit na nito. It only mae him more appealing. The more dangerous he looked, the more it excite him. Hala! Naloko na! Napansin niya iyon?

Napatitig tuloy siya sa nakahantad na pang-taas nito. He looked delectable with the sands all over his muscled stomach and perfect chest. Umakyat siguro ang lahat ng dugo niya sa ulo at sa isa pa niyang... ulo? His manhood stood up in attention easily from the visual stimulation in front of him. He swallowed a lump on his throat. Nanuyo yata ang lalamunan niya bigla dahil napakahirap lunukin ng laway niyang biglang naging maramot sa kanya. Marahas siyang tumalikod.

"Hoy! Saan ka pupunta?" sigaw nito.

Lumingon siya ng may pagtataka. Nakatayo na ito bagama't hawak pa rin ang nasaktang kamay. From there, he already gave him his respect. Malakas ito. Hindi basta mapapatumba. He just need training. And He could give him that.

"Bakit? Lalaban ka pa ba?" Rovi's face still passive.

"Oo naman. Anong akala mo, napatumba mo na ko? Di pa uy!" mayabang pa rin nitong sabi sa kanya. Again with that stupid grin on his face.

"Buburahin ko iyang ngiti mong iyan sa susunod na gagawin ko sa iyo. At hindi pa napapatumba? Last I checked, ikaw ang umaaringking sa sakit kanina habang nakadapa sa buhanginan." he retaliated with insult to his ego.

"Huh, sinuwerte ka lang. Mano-mano lang. Walang balian ng kung anu-ano. Sapakan lang. Tang-ina, may training ka lang Miss. Ako, labang-kalye lang alam ko." umaapoy sa galit na sabi nito sa kanya.

"Sure. Kung makakatama ka." panghahamon niya.

Muli sa isang imaginary na bilog ay umikot sila. Desperasyon at galit sa mga mata ni Bobby ang nakikita niya. Gusto niya itong inisin sa pamamagitan ng pagtawa rito at pagpapakita ng pagka-aliw pero minabuti niyang huwag ng dagdagan ang galit nito. Kapag galit ang tao ay dumodoble ang adrenaline nito at lalong lumalakas.

Sumuntok ito. Umiwas siya. Sunod-sunod na suntok ang pinakawalan nito habang iwas lang siya ng iwas. Papagurin niya na lang ito. "Tang-ina! Lumaban ka. Suntok!" galit na galit nitong sabi.

Sa isang suntok na mula sa kanang kamao nito ay sinalag niyang muli iyon. Sinadya niyang bagalan ang pagpwesto ng kanang kamay sa beywang at iminuwestra iyon para sa isang suntok. Nakita niya ang pagbaba ng tingin ni Bobby doon at alam niyang napaghandaan na nito iyon.

Sinuntok niya ito at tulad ng inaasahan ay nasalag nito iyon. Ang hindi nga lang ito inaasahan ay ang sumunod niyang gagawin. Sa isang iglap. Ipinatama niya ang noo sa ilong nito. Isang perpektong head-butt. Ikinaduling niya ng bahagya iyon. Pero dahil sanay na ay madali niyangnabawi ang huwisyo.

Sa isang banda ay nawalan ng lakas ang mga kamay na nakakapit sa braso niya at unti-unting dumausdos ang katawan nito pababa. Duguan ang ilong nito. Knock-out. Napabuntong-hininga siya. Great! Napalakas yata.

Sa mabilis na kilos ay binuhat niya ito at isinampa sa likod. Basic na sa kanya iyon. Kapag may napupuruhan silang kasamahan dati ay ang one-man rescua ang laging option nila para mabilis na makatakas. Tinungo niya ang bahay. Mataas na ang sikat ng araw. Hindi nila iyon namalayan.

Malapit na siya ng bumukas ang pinto at lumabas si Rick. "Anong nangyari diyan?"

"Pinatulog ko." kaswal na sabi niya.

"May bukol ka. Huwag mong sabihing..."

"Oo. The Devil's Kiss. Ang paborito kong pampatulog ng kalaban." putol niya sa sasabihin nito.

"Walang-hiya ka, Pare. Pinatulan mo pa iyan, paano kung napuruhan iyan?" natatawang iling nito.

"Kung ikaw ang naka-sparring nito kanina, malamang tulog ito ng tatlong araw. Swerte siya. Mababa na ang dose oras niyang tulog sa inabot niya." sabi niya rito kahit ang totoo ay mahilo-hilo pa rin siyang konti, dagdagan pa ang dead-weight ni Bobby sa likuran niya.

"O siya sige. Ipasok mo na iyan. Buti hindi pa bumabangon ang matanda." tukoy nito sa tiyahin ng binata.

"Sige." paalam na rin niya.

Pagdating sa looba y ini-akyat na niya agad ito at inihiga pagpasok ng kwarto. Kumuha siya ng basang bimpo at pinunasan ang ilong niotn duguan pa. Nang maampat niya ang pagdurugo ay binihisan niya ito. Puno kasi ng dugo ang polo nito. Malamang ang damit rin niya sa likod.

Pinunasan niya ang mabuhanging katawan nito. Grabeng torture iyon para sa kanya. Imagine, nagpupunas ka ng napakagandang katawan ng isang lalaking walang-malay? Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip niya habang pinupunasan iyon. Natutukso siyang hawakan din ang umbok na iyon na tuksong nakahain sa harap niya.

Lord, tulungan mo ko please! Dasal niya sa isipan. Napansin niyang may mga buhangin din sa bandang tuhod paakyat sa hita nito. Napalunok siya ng husto ng madaiti na naman ang kamay niya sa balat nito. Nagmamadaling pinagpagan niya ang mga parteng iyon. Itinagilid din niya ang katawan nito para pagpagan ang likuran nito.

Pawis na pawis siya kahit nakatutok ang electric fan sa kanila na binuksan niya pagkalapag sa binata. Panay rin ang lunok niya. Kaunting tiis na lang! Sigaw ng isip niya. Nang matiyak niyang wala ng buhangin sa katawan nito ay nagmamadali siyang lumayo. Humakbang siyang paatras para pagmasdan ito.

Napaka-amo ng mukha nito. Malalantik na pilik-mata. Matangos na ilong na bahagyang namamaga at namumula dahil sa head-butt niya at mapupulang labi. Natural ang pagkapula. Napalunok na naman siya. Binatukan niya ang sarili para mawala ang agiw doon na tumatakip sa naturalesa niya.

Nagtagumpay na sana siya kung hindi lang kumilos ito at kumamot sa harapan. Napatulala siya. Ano ba? Parang ngayon ka lang nakakita ng lalaking nagkakamot ah? Virgin? Salakay na naman ng isipan niya.

Lapitan mo na, tulog naman eh. Dadamahin mo lang naman. Sabi naman ng pilyong isip niya. Nalilito na siya sa nararamdaman. Siguro, dahil na rin sa tagal na wala siyang ka-sex. Tinatalo siya ng libido niya. Sa huli, nanaig ang tukso. Lumapit siya sa kinahihigaan nito.

He traced the contour of his angelic face equipped with a luscious lips. What a lethal combination indeed! Napapalunok niyang ibinaba ang mukha para dampian ito ng halik sa labi. Naramdaman niya ang payapang paghinga nito. Itinuloy niya ang pagbaba ng labi sa mga labi nito hanggang sa magdikit ang mga iyon.

Rovi was astounded by the kiss. Napapa-igtad na lumayo siya ng bahagya rito. It sent electrical waves down his spine and through his stomach and then to his aching loins. It was heaven. His lips are sweet. Ayaw niya ng dampi lang. His lips descended to Bobby's once again and claimed it gently. So gentle he left out a soft groan. Like a wounded wolf from a hunter's gunshot.

He let the kiss deepened. Wala na sa isip ang pananamantala sa lalaking bumagsak sa head-butt. To his horror, when he tried to part Bobby's lips with his invasive tongue, the sleeping man's lips sucked it that he was momentarily at a loss for words. The meeting of their mouth sent him to another dimension. He was already oblivious to his surrounding when the realization of how this sleeping man could return his kisses with equal fire and intensity dawned on him.

He abruptly ended the kiss and stared to Bobby. Ganoon pa rin ang paghinga nito. Payapa. Dahil sa mga training niya sa Task Force kaya alam niya kung tulog o nagtutulog-tulugan ang isang tao. And Bobby was not faking his sleep. He must have been dreaming kissing someone else. From that thought, Rovi felt a strong pang in his chest. Something akin to jealousy. Wait a minute? He uttered in his consciousness. I am not falling for this guy already, aren't I?

Flabbergasted, he stood up. Kailangan niyang makalayo rito. Hindi siya pwedeng ma-involved dito. Straight ito. Magiging kumplikado ang lahat. Nalilitong lumabas siya ng kwartong iyon ni Bobby without taking a second glance to the man who evoked feelings familiar to him.

Not again. Not now. Not with Bobby!


Itutuloy...


[07]
Wow! Salamat sa mga nag-welcome ng The Martyr The Stupid and The Flirt. Nakakataba ng puso ang mga comments ninyo guys. Dahil diyan ay may special greeting ako sa ilang mambabasa ko ito sa BOL.

Bati mode:

To Rovi: I used his name, hope you don't mind. Wala akong maisip eh. :)

To Russ James, salamat sa pagkukumpara ng aking mga isinusulat dito na ka-lebel ng mga pocketbooks. Sana nga ay may magkamali ring mag-publish nito. Haha...

To Fences, na matagal na raw "fan". Salamat sa pagsubaybay mo sa mga akda ko.

To Mrbrickwall, salamat sa pagbabasa.

And to Enso, ang GUMAWA ng poster na ito. Salamat sa iyo baby. Ayan nabati na kita.

Of course, Echo, mahal ko. Pagaling ka.


To Zach, ang paulit-ulit na pasasalamat sa pagpapaunlak na magpost ako rito. :)


To everyone, Enjoy Reading. Lovelots.


CHAPTER 7


NAIINIS na tinalunton ni Rovi ang dalampasigan. Hindi siya makapaniwala sa nangyari kani-kanina lang. Paano niyang nagawang pagsamantalahan ang isang taong natutulog? O mas tamang sabihing pinatulog niya. Naguguluhan na napaupo siya sa buhanginan.

Its been so long since he last kissed a straight guy. At ayaw na niyang maalala ang tagpong iyon pero parang makulit na lamok na pilit na dumadapo sa kanyang balat para makasipsip ng dugo ang pagdagsa ng ala-ala sa kanyang isipan.


Mahigit anim na taon na ang nakakalipas ng minsang hayaan niyang mainvolved ang sarili niya sa isang lalaki. Kay Allan. Kasamahan niya itong pulis. Bago lang sila pareho sa pulisya. Tago pa noon ang kanyang pagkatao. Hindi pa nabubuo ang TFE ng mga panahong iyon.

Magandang lalaki si Allan. Kamukha ni Cogie Domingo. Maaaring mas gwapo pa nga. Nang minsang ipatawag sila ng hepe nila ay nagulat siya ng malamang ito ang ipa-partner sa kanya. Nakikita na niya ito dati pero hanggang tanguan lang ang kanilang nagiging engkwentro sa isa't-isa. Kaya naman talagang laking-gulat niya ng ito ang magiging opisyal na niyang kasama sa mga misyon.

"P01 Pineda, ito si P01 Yuno. Kayo ang bagong magkakasama sa Homicide Division. Paki-kuha na lang sa sekretarya ko ang details ng mga assignment ninyo. Marami kasing bagong kaso kaya hahayaan na namin ang mga baguhan sa pag-aasikaso ng mga iyon. Do you copy?" anang hepe nila.

"Yes Sir." magkapanabay pa nilang tugon nito.

"Okay. Be back here kapag may appropriate actions na kayong naisip in solving these petty crimes. Karamihan sa mga iyan ay gang war lang. Dismissed." halos patamad na lang nitong pahabol na bilin sa kanila.

"Thank you Sir." sabay ulit nilang tugon.

"Anong batch ka Yuno?" tanong ni Allan sa kanya pagkalabas nila ng opisina ng hepe nila.

"Class 2003 lang ako. Saka Rovi na lang pare. Magkapartner na tayo, huwag ka ng masyadong pormal." nakangiti niyang sabi rito.

"Ganoon ba? Buti naman sa'yo na nanggaling iyan. Masyado kasing seryoso ang hitsura mo kanina. Parang nakakahiya kang kausapin sa totoo lang. By the way Class 2002 ako. Sa Caloocan talaga ako naka-destino. Nagpalipat lang ako ng station kasi lumipat kami ng bahay." mahabang sabi nito sa kanya then smiled boyishly. Revealing a perfect set of white teeth.

Napahugot siya ng hininga ng ngumiti ito. Naging uneasy bigla ang pakiramdam niya. Great, just great. Give me a cute guy for a partner. Sabi niya sa isip. Hindi niya namalayan na nagbago pala ang expression ng mukha niya ng mga sandaling iyon. Nangungunot ang noong tinanong siya ni Allan.

"Anong problema pare. Bakit biglang naging parang seryoso ka na naman? May nasabi ba akong mali? nagtatakang tanong nito.

"Ha? A-ah eh wala naman. Medyo sumakit lang b-bigla ang ulo ko." Damn! Bakit siya nag-i-stammer? Parang ngayon lang siya nakakita ng gwapo.

"Whew! Akala ko kung ano na. Pasensiya na p're, medyo may kadaldalan ako eh." nakangisi nitong sabi sa kanya.

"Okay lang iyon pare. Maganda nga iyon. At least may madaldal sa ating dalawa." Huwag ka lang ngingiti ng ganyan kumag ka! Dugtong niya sa isip sa sinabi niya.

"Tara pare. Kape tayo. Alas-tres na naman eh. Mamaya na natin pag-aralan yung reports na sinabi ni Sir. Bonding na rin natin." masiglang yaya nito sa kanya.

Hay! Kung minamalas ka nga naman. Bakit ang bait ng isang ito? Kung hindi lang ito cute sana. "Sige pare. Doon na lang tayo sa canteen." pagpayag niya sa alok nito.

Simula noon ay hindi na sila mapaghiwalay na magpartner. Sabik silang magpakitang-gilas sa departamento nila. Siguro dahil na rin sa kaalamang parehas pa silang bata at kaya pang makipaghabulan sa mga tinutugis nilang kriminal.

Mula sa mga kaso ng gang war na tinugis at nirondahan nila sa may kahabaan ng Congressional Road hanggang sa mga talamak na pananakit ng mga hold-upper sa mga estudyante ng mga sikat na unibersidad ay hindi nila pinalampas.

Katulad ngayon. May nakuha silang prints ng isang hinihinalang Rapist/Serial Killer na nangbibiktima ng mga babaeng ginagabi ng uwi sa may Batasan Hills. Nakatakas ang huling biktima nito sa tulong ng pepper spray na baon nito. Nahawakan ng salarin ang bag ng babae at doon nila nakuha ang finger prints nito. Bagama't may tama ng saksak ang babae sa iba't-ibang bahagi ng katawan ay ligtas na ito at nagawa nitong ilarawan ang talipandas sa cartographic sketch na tumugma naman sa isang delingkwente na nasa files nila.

Na-spot-an nila ang bahay ng suspek sa isang hindi mataong subdivision sa parteng iyon siyudad. Mukhang may kaya ang tinamaan ng magaling. "Redford Loreto ang pangalan ng hinayupak na rapist na yan. Pasukin na natin at baka makatakas pa." mainit na sabi agad ni Allan sa kanya.

"Huwag pare. Katukin na lang natin ng maayos at imbitahan sa presinto. Wala pa tayong warrant." pagpapakalma niya rito.

"Partner, di na kailangan yang warrant na yan. Posotibo na siyang itinuro ng biktima. Ano pa bang kailangan nating pruweba?" pilit pa ring sabi nito.

"Bakit ba atat na atat ka na makorner yan? Alam mo partner, hindi sa ayokong hulihin ang talipandas. Pero may due process tayo. Nandito lang tayo para magmanman. Hindi pa natin pwedeng hulihin iyang si Loreto." mahinahon niyang sabi kay Allan.

"Partner, Rovi. Puro ka by the book. Yan ang hirap sa'yo. Makakatakas pa iyang kumag na iyan eh. Kapag di pa natin sinugod yan ngayon makakatunog na iyan."

Partner, Allan." panggagaya niya rito. "Walang masamang sumunod sa rules. Kaya nga tayo mga alagad ng batas eh. Paano pa kapag tayo mismo ang bumali ng batas na ipinapatupad natin."

"Ang drama mo Rovi. Sinong kukwestiyon sa atin ngayon? Tayo lang nandito. Okay. Ganito na lang. Toss coin tayo. Heads you win. Tails, we're kicking that motherfucker's ass!" Ano game?" sabi nito saka naglabas ng barya.

"Tsk!Tsk! Ang kulit mo p're. Sige, ganito na lang. Hintayin natin na sumagot sa text si Verano. Kapag parating na sila in ten minutes, pasukin na natin. Madali na lang naman yang lusutan kung sakaling magreklamo." sumusukong pagpayag niya sa kakulitan nito. Maano bang mag-break sila ng rules minsan.

"All right! Sabi ko na nga ba hindi ka mananalo sa kakulitan ko. Hmp! Pa-kiss nga." sabay mabilis nitong dampi ng halik sa pisngi nya.

Nanlalaki ang matang napatitig siya rito. Ninakawan siya ng halik ng hudyo! Napahaplos siya sa pisngi niya ng wala sa loob.

"Oh, anong nangyari sa'yo? Nagyon ka lang ba nahalikan sa pisngi?" tanong nito ng mapansin na nakahawak siya sa pisnging hinalikan nito.

"Parang halik lang. Ganyan ka ba pag nahahalikan? Ang arte nito. May papunas-punas pang nalalaman." nang-aasar na sabi ni Allan sa kanya.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Oo nga, bakit para siyang virgin kung maka-arte? Normal lang iyon. Makulit lang talaga si Allan.

"H-hindi naman pare. Yung laway mo kasi eh. Yuck!" sagot niya rito ng makabawi mula sa pagkakabigla.

"Ulol! Hindi basa ng laway ang labi ko." natatawang sabi nito.

"Ungas! Ayan oh, basa." ipinahid niya rito ang palad na may laway nito kunwari.

"Yuck! Kadiri ka Partner!"

"Ungas! Sayo din galing yan!"

"Hehe, joke lang. O paano, sinong papasok sa ating dalawa?" putol nito sa harutan nila.

"Ako na lang. Baka kasi paputukan mo agad yung tao." biro niya kay Allan.

"Tange, papuputukin ko talaga bao ng ulo niyan." sabi nito.

"Eh di wala na tayong suspek. Malamang matanggal pa tayo sa serbisyo."

"Oo nga no? Teka, Partner, sigurado ka ba? Baka naman kinakalawang na ang skills mo sa "B" and "E"? nakakagagong ngumiti pa ito sa kanya.

"Ulol! Ako pa. Huwag ka na ngang makulit diyan at haharapin ko pa ang tinamaan ng magaling." akma na siyang bababa ng bigla siya nitong saklitin sa braso at hinila pabalik.

"Sandali lang partner!" sabi nito.

"O bakit?" nagtatakang tanong niya rito.

"Ako na lang kaya papasok?" sabi ni Allan sa kanya.

"Para ka namang timang eh. Ready na ko. Saka ka pa nangungulit diyan. Nag-text na si Verano oh." saka niya ipinakita ang cp rito.

"O siya, sige." taboy nito sa kanya pagkabasa nito ng mensahe.

"Tulok ka talaga!" natatawang sabi niya.

"Sandali! Pampaswerte lang." hinila siya ulit nito.

Lahat ng sasabihin niya ay nakulong lahat sa lalamunan niya dahil nagtagpo ang mga labi nila. Mainit ang halik na iyon. Buti na lang at tinted ang salamin at walang tao sa kalsada. Tinugon niya ng mas mainit ang halik na iyon. Hindi naman nagtagal at pinutol nito ang halikan nila saka nakangising nagsalita.

"Walanghiya! Ganoon pa rin ang epekto Partner! Parang noong una nating ginawa. Naalala mo?" natatawa nitong sabi.

Siya naman, imbes na magtanong ay napapatulala na lamang at sumaglit sa ala-ala ang pagpapanggap nilang mag-jowa para lamang mahuli ang hold-upper sa may UP. Napilitan silang maghalikan noon ng matutukan sila ng kutsilyo ng hinuhuli nila. Natulala ito sa ginawa nila kaya nagawa nila itong pabagsakin ng makakuha ng tiyempo.

"Gago ka talaga." aniya rito ng magbalik ang huwisyo niya. Nagmamadaling bumaba na siya para maisagawa na niya ang pakay. Mamaya na niya ito kakastiguhin. Sa ginawa nito, lalo lang siyang ginanahan sa gagawin niya.

Ito ang ikatlong breaking and entering na gagawin niya. Nakiramdam siya sa paligid. Inilapat niya ang tenga sa pinto para marinig kung may tao sa loob. Nakarinig siya ng mga kaluskos at mga ungol. May tao sa loob at mukhang may milagrong ginagawa. Naririnig din niya ang mahinang volume ng TV.

Inilabas niya ang tools na ginagamit niya sa pag-pick ng lock ng mga pinapasok nila ng walang paalam. Bilang pulis, kasama iyon sa training nila. Narinig niya ang mahinang click ng lock saka niya hinugot ang Glock 21 sa beywang at inumang iyon sa harap ng pintuan habang dahan-dahan niya itong binubuksan.

Nang makapasok siya ay nakalanghap siya ng amoy ng isang bagay na makakapagpa-high sa kanya kung lagi niyang sisinghutin. Marijuana. Natigilan siya ng marinig ang impit na ungol mula sa kwarto. Bukas ang tv sa sala pero walang tao. Ang ungol ay hindi madalas. Parang pigil. Parang hinihingal.

Tinumbok niya ang kwarto at iniikot niya ang seradura ng pinto. Bukas iyon. Dahan-dahan niya itong binuksan at ganoon na lamang ang pagkagimbal niya sa nakita. Isang babae ang nakabusala ng labi at nakagapos ang magkabilang kamay sa headboard ng kama. Nakadilat ang mata nito na may bakas na luha sa pisngi habang may lalaking nakapatong dito at umaayuda ng mababagal na ulos.

Malansa ang amoy ng kwarto. Nakakasulasok. Nang magbaba ng katawan ang lalaking nakapatong ay ganoon na lamang ang gimbal niya ng makitang laslas ang leeg ng babae. Patay na pala ito. At ang lalaking gumagamit dito ay sarap na sarap sa ginagawang pambababoy sa babae.

Napansin niya ang damit sa paligid na nagkalat. Nakilala niya ang uniporme ng babae na malamang ay teller sa isang bangko. Kung bakit ito ginabi ay malamang na gumimik pa ito at minalas na nakita nitong si Loreto.

Maingat siyang lumapit sa lalaking mukhang lulong at sabog na sabog sa ipinagbabawal na damo. Iniumang niya ang baril rito. Saka ito tinawag.

"Loreto. Mukhang sarap na sarap ka diyan ah!"

"Huh!" Bumalikwas ito at tumayo. Hindi malaman kung tatakpan ang sarili o tatakas.

"Hep Hep, Huwag kang magkakamali. Pasmado ako, baka makalabit ko ito." nakakalokong sabi ni Rovi sa pusakal. Tiningnan niya ang katawan ng loko. Natawa siya ng makita ang tigas na tigas na pag-aari nito.

"Walanghiya ka. Kaya pala nangre-rape ka eh wala ka naman palang ipagmamalaki. Aba'y hindi pa umabot iyan sa hinlalaki ko ah." pang-aasar niya rito.

"Huh! Huwag niyo po akong sasaktan. Maawa po kayo!" pagmamaka-awa ng kumag.

Nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito. "Maawa. Eh tarantado ka pala eh." tinadyakan niya ang balls nito. Napa-aringking ito sa sakit.

"Ikaw ba naawa sa babaeng ito? Sa pamilya nito? Huwag kang magsasalita ng pagpapa-awa dahil hindi bagay sayong talipandas ka!" sigaw niya rito.

Idi-nial niya ang cp at tinawagan ang partner niya. Nang sumagot ito ay dali-daling pumasok ng bahay ng malaman ang sitwasyon. Sakto pagdating nito ay nagdatingan na rin ang ibang kasamahan nila na may kasamang warrant.

Agad na pinosasan ang walang-hiya saka tumawag ng SOCO at ambulansiya. Nanginginig siya sa galit ng makalabas sa bahay na iyon. Sa sobrang emosyon na nararamdaman niya ng sandaling iyon ay napasuka siya sa labas ng bakuran.

Naramdaman niya ang paghagod ng kamay sa kanyang likuran. "Ayos ka lang Partner?" si Allan na puno ng simpatya ang mata.

"Eto. Uminom ka." sabay abot nito ng bote ng mineral water sa kanya.

Inabot niya ang bote at nilagok ang laman non. Wala naman siyang naisuka, bagama't mas masakit sa tiyan ang ganoong insidente. Ang pait pa rin ng panlasa niya. First time niyang makakita ng ganoong eksena sa tanang buhay niya. Nakakabaligtad pala talaga iyon ng sikmura. He felt really sorry for the girl.

"Ayos lang yun. At least. Matitigil na ang halimaw na iyon." pang-aalo pa rin nito sa kanya.

Tumingin siya rito at alanganing ngumiti. Nanghihina talaga siya. Kaya nasabi na niya ang request na di niya dapat nasabi.

"Pwedeng pa-yakap? Please partner? Nanghihina ako eh."

Natigilan si Allan. Nakita niya ang pagtaas-baba ng Adam's apple nito. Then his lips formed a pure smile. "Sure Partner." then he hugged him tight.


Itutuloy....


[08]
Gusto kong magpasalamat sa mga nakakadaldalan ko sa FB chat. Sa mga hindi ko pa friends na readers dito ito na po ang pagkakataon para ma-i-add niyo ang kadalisayan ko. angelpaulhilary28@yahoo.com iyan po ang e-mail ko sa lahat ng account ko.

I've been down nitong nakalipas na araw, hindi ko lang ipinapahalata. Pero maraming nagpangyari para sumambulat ang lahat ng iyon kahapon that lead me into crying. Almost maghapon. Hindi po ako nagsusumbong. Nagkukwento lang. Ngayon ay okay na po ako. Tuloy ang buhay. Sa ibang pagkakataon ay maaaring maikwento ko rin sa inyo.

Bati mode:

Jaime: Habang ginagawa ko ito ay naka-post na ang GWAPITO'S BY NIGHT 3 na ikaw ang may akda. Salamat sa iyo at Happy Monthsarry sa inyo ni Mare. :p

James Wood: Hello Woody!

MarQymarc: Salamat sa pag-comment mo.

Jan and Lemuel: Ganoon din sa inyo.

Mr.Brickwall: Hello again.

Fences: Hello dear.

Kearse: Salamat. Alam mo na yun.

Honeybun: Salamat sa pagbabalik mo. Ang pinakamamahal na anak. Lt. Col. Rick Tolentino.

Dhenxo, Rovi, Attorney and Alex: Congrats sa atin. Sa Gwapito's at sa lahat ng iba pang writers dito.

And especially, SON-IN-LAW: Your comments somewhat appeased me. No it was an understatement, I am really flattered I could die. :p Salamat sa friendship. Salamat sa pagbabasa ng aking akda. Love you dear Son in Law.

To Echo: I love you. You are the wind beneath my wings. :))


Enjoy readong guys. :))


CHAPTER 8


"Partner, hindi na ako makahinga." biro sa kanya ni Allan.

"S-sorry, Partner." aniyang namumula.

"Hindi, okay lang. Kamusta ka na?" tanong nito sa kanya sabay haplos ng namamasa niyang pisngi.

Natigilan siya sa inasal nito. Ito rin naman. Nagkatitigan silang dalawa. Ang ang kulay-tsokolateng mata nito ay maalam ang pagkakatitig sa kanya. Parang tinutunaw ang buong pagkatao niya. Naramdaman niya ang panlalambot ng mga tuhod.

"Huwag na huwag kang iiyak sa mga ganoong pangyayari Rovi. Normal lang ang mga ganyang bagay sa trabaho natin." masuyong wika nito.

"Hindi naman ako umiiyak ah. Ikaw kaya sumuka ng wala ka namang isinusuka?" umiingos na sabi niya. Hindi makapaniwalang nagawa niyang ipakita rito ang bahagi ng pagkataong itinatago sa lahat.

"Ganun ba?" tumatawang wika nito.

"Oo. Masakit kaya sa pakiramdam." sagot niya.

"Pero alam mo Partner, bilib ako sa'yo. Hindi ka naramdaman ni Loreto sa pagpasok mo." sabi nito sabay lapit sa kaniya upang akbayan at ginulo ang buhok niya.

"Ah! Ano ba? Nananahimik ang buhok ko eh." natatawang sambit niya.

"Eh kaya nga ginugulo ko eh." sabi rin nitong humahalakhak.

Natatawang kumalas siya rito at tinungo ang sasakyan nila. Hindi nila napansin ang nagtataka at nang-uuyam na ngiti sa labi ng mga nakakakitang kasamahan nila. Nagtatawanan sila ng makarating sa nakaparadang sasakyan.

"Hey lovebirds! Ang sweet naman ninyo."

Nilingon nila ang pinanggalingan ng tinig. Natigilan siya ng makilalang ang kasamahan nilang si Captain Rico Mendoza ang nagsalita. Ito ang head ng Homicide Division sa departamento nila. Ang operation na iyon ay pinamumunuan nito.

"Sir. Kayo po pala." magalang na sabi ni Allan dito.

"Good work, Lovebirds. Mukhang kumportableng-kumportable kayong dalawa bilang magka-"partner". The man grinned maliciously while quoting his last word to give emphasis to his point.

Umalma ang kalooban niya sa ginawa nito. "Thank you Sir. But with all due respect, Sir. Are you implying something to what you just said?" pigil ang ngitngit na sagor niya rito. After all this man was his superior.

"Do I have to explain myself to you Private First Class Rovi Yuno?" maanghang na balik nito sa kanya in a very intimidating tone.

But he knew that he was mocking him and it was not necessary at this point of time. He had to stand-up for his pride and ego. Rovi retaliated to his superior, albeit nervous, He should make this man realize that he was not the type to be mocked easily.

"With all due respect again Sir. I believe that there is a hint of mockery and malice that lie between those words. You wouldn't be calling us "Lovebirds" then quote it as if to emphasize your point of disgust." matapang na wika niya.

"Why, are you denying that you are lovers? Your act a while ago gave credit to what I believe you two are doing behind our backs." maigting na sabi nito. Ayaw magpatalo.

"With all due respect Sir. That's a very strong accusation Sir. Coming from you, a respected Captain. What you said is very uncalled for. That is Class B Misdeameanor for you are practicing the offense called Conduct unbecoming an Officer and a Gentleman." si Allan na hindi nakatiis na sumabat sa kanilang mainit na usapan.

Natigilan ito sa sinabi ng partner niya. Pero agad ding tumawa sa kanila. "Seriously, do you know what you're referring to? You two, of all people is showing dishonor and disgrace to the armed forces while acting like some silly pussies madly in-love with each other. How dare you brought up that offense in me! Don't talk to me about indecency!" nangangalit ng sabi nito.

"Forgive us Sir. But our acts a while ago meant nothing. And of course, not everyone is or can be expected to meet unrealistically high moral standards like you do. But there is a limit of tolerance to what an officer or a gentleman can take. And we can only take too much." mapagpakumbabang sabi ni Allan dito.

Sa pagkakataong ito ay natigilan ng husto ang mapaghinalang Kapitan. Hindi makasagot sa sinabi ni Allan. It was a retaliation to make him come to his senses.

"Hindi po kami mga bakla Sir. At kung sakali mang totoo yun, nakita naman ninyo ang kaya naming gawin. Nagbibiruan lang po kami ni Rovi kanina. First time niyang nakakita ng patay na babaeng ginagahasa. Kahit ako ay maduwal-duwal kanina. Ipagpatawad niyo kung may nakita kayong hindi sakop ng pag-uunawa ninyo." mababang pagpapatuloy ni Allan saka tumingin sa kanya.

"Ah, aherm! Pasensiya na kayo. Hindi kasi ako sanay sa nakita ko. It was a very good job guys. Lalo ka na Rovi. And one thing more..." putol nito sa sinasabi matapos makabawi sa pagkabigla kanina.

"Its okay Sir. Ano po iyon?" nangingiti ng sabi niya.

"You're the only police officers that took a stand against me in a conversation. Nakaka-aliw kayo guys. Mukhang kabisado pa yata ninyo ang articles ng ating code of conduct. Good Work guys. Expect yourselves to be corporals, soon." nangingiting sabi na nito saka tumalikod.

"What? Is that true Sir?" nanlalaki ang matang sabi ni Allan.

"You heard it boys." hindi lumilingong sagot nito sa kanila.

"Sir Thank you, Sir!" sabay pa nilang banggit sabay saludo rito.

Parang nakikitang sumaludo rin ito. Natatawang nagyakap silang dalawa ni Allan. Unaware of the gesture. Tuwang-tuwang nahalikan nito ang pisngi niya. Ikinagulat niya ang aksiyong iyon.

"Hanep! Irerekomenda tayo ni Sir Mendoza para sa promotion. Hanep ang galing natin Partner." tuwang-tuwang sabi nito sakanya sabay yakap ulit habang hindi naman mapakali ang isip niya sa mga ginagawa nito.

Bakit ba kung makahalik ito ay ganun na lang? Napabugha siya ng hangin ng wala sa loob. Napansin iyon ni Allan.

"Bakit partner? Hindi ka ba natutuwa?" nagtatakang tanong nito.

"Huh?" Nahuhulasan niyang tanong rito. Obvious na ba siya masyado?

"Kako, hindi ka ba natutuwa? Mukhang mapo-promote tayo dahil dito." masiglang sabi nito.

"O-oo naman! Mukha ba akong di masaya?" pilit ang ngiting sagot niya.

"Para kasing ang lalim ng iniisip mo kanina eh." sabi nito.

"Hindi naman. Iniisip ko lang kung paano tayong pinaghinalaan ni Sir Mendoza." malungkot niyang sabi.

"Ewan ko sa kanya. Sweet naman talaga tayo sa isa't-isa diba? Saka ano ka ba Partner. Huwag kang paapekto sa kanya. Kita mo natauhan din siya sa sinabi ko." mayabang na sabi nito.

"Sira. Mukha ba tayong bading kanina?" tanong niya rito. Almost choking in his words. Buti na lang hini nito nahalata iyon.

"Huwag mo na sabing isipin iyon eh. Ang mahalaga, alam natin ang totoo. Hindi tayo yung iniisip niya Partner. Sigurado ako sa sekswalidad ko. Kaya kong manghalik ng babae at kapwa lalaki ng hindi tinitigasan." sabi nito sabay kindat sa kanya.

He felt like his heart skipped a beat or two. Nagwalang bigla at nagrigodon ang sutil niyang puso. Pasaway naman ito. Kailangan ba talagang kiligin ako sa kindat na iyon? And what did he meant by that? Casual lang para rito ang mga halik na iyon? Paano yung kanina? May nalalaman pa itong ganoon pa rin ang epekto. Kung alam lang nitong tumambling ang buong mundo niya sa ginawa nitong paghalik sa kanya kanina.

"Buwang. Hindi nga. Bakit ka nga pala nanghalik bigla kanina?" pagpipilit niyang ibalik sa halik ang topic.

"Alin? Iyong kanina? Wala iyon." natatawang sabi nito.

"Anong wala?"

"Wala. As in wala. Di ba sabi ko pampaswerte nga."

"Paanong pampaswerte? Eh hindi naman normal na pampaswerte yun eh." maktol niya.

"Pwes ibahin mo ako partner. Ako lang ang may ganoong klaseng pampaswerte." sabay ngiti nito ng nakakaloko.

Lihim siyang kinilig sa sinabi nito. Aba eh, kung tuwing may misyon sila at iyon ang igagawad nitong "pampaswerte" sa kanya eh, sino ba siya para tumanggi sa grasya.

"Weh, di nga?" pangungulit niya.

"Oo nga? Teka Partner? Huwag mong sabihing apektado ka ng halik ko?" natatawang sabi nito sabay suntok sa balikat niya.

"Ulol! Mukha mo!" ingos niya rito sabay himas ng braso kunwari para itago ang pamumula ng mukha. Nacaught-off guard siya nito sa tanong na iyon.

"Uy si parner namumula." sabay akbay nito sa kanya.

"Pangit! Ako na naman nakita mo." namumula pa ring sabi niya. Unable to meet his eyes ng iangat nito ang baba niya para magtama ang paningin nila.

"Pero promise partner, sayo ko lang sasabihin to." sabi ni Allan sa kanya. Matiim ang pagkakatitig at nawala ang ngiti sa labi.

"A-ano yun?" he stammered.

"Yours is the sweetst lips I ever taste. Parang kendi. Ang sarap tikman. Ang sarap ulit-ulitn." Allan said with sincerity.

Nalulunod siya sa damdaming ipinapadama nito sa kanya. Nalipat ang tingin nito sa labi niya. At ganoon din siya. Hindi niya malaman ang gagawin. Nanuyo ang labi niya sa init na biglang bumalot sa kanya.

"A-allan." Rovi said almost whimpering.

"Rovi." Allan, while looking intently to him. "Amoy pawis ka na." sabi nito sa kanya sabay tawa habang nagmamadaling tumakbo sa kabilang side ng sasakyan.

Napapalatak siya. He was sure, all of the things he said before was partly true. Siguro nalilito rin itong tulad niya. But then, pagkatapos ng saglit na eksena na iyon kanina between them. Realizations flooded him. He was attracted to Allan, albeit confused, he knew that the attraction was growing fast.

Maamin niya kaya sa partner niya na he liked him. Na hindi na isang kaibigan or katrabaho ang turing niya rito. What if itakwil siya nito? What if pagtawanan siya nito? But the way he defended him a while ago contradicts his anxiety over Allan's would be reaction to this matter.

Ah! Fuck! Help me please! Nakapasok na silang pareho sa sasakyan ng magsalita ito.

"Partner, pwede makitulog sa inyo?" sabi nito sa kanya habang ini-start ang makina.

"Huh? Bakit?" napamulagat siya.

"Ikaw naman. Parang ngayon lang ako makikitulog sa inyo." kunwaring maktol nito saka pinaandar ang sasakyan.

"Heh! Sige na nga. Bakit ka nga pala di pwedeng matulog sa inyo?" takang tanong niya.

"Maraming bisita si Ermats. Dun na lang muna ako sa inyo. Mga ilang araw lang. May kwarto ka naman di ba?" tanong nito.

"Oo. Sige lang Partner. Okay lang. Sa lapag ka na lang matulog." sabi niya rito.

"Tingnan mo itong lokong ito. Itong laki kong ito, sa lapag mo ako patutulugin?" nakalabing sabi nito.

Ang cute ng loko!

"Joke lang. Bahala ka, malikot akong matulog." babala niya. Kinikilig na naman siya ng lihim. Sabik sa magiging pangyayari sa pagtulog nila. Hah! Asa ka pa!

"Hindi ka makakapaglikot sa akin. Dadaganan kita eh." nakakalokong sabi nito sabay ngisi sa kanya.

"Tatadyakan naman kita." natatawang sabi niya.

"Tingnan natin tibay mo mamaya." sabay kindat sa kanya.

He stiffened. He felt the sudden stirring of his loins. Putcha! May ibig sabihin ba ito doon? Sure it was no pun intended. Siya lang siguro ang malisyoso. Mabuti at nakaharap ito sa daan kaya hindi na napansin ang pananahimik niya.

Should I tell him later? Paano kung umiwas siya? Ah! Bahala na! Pinagmasdan na lang niya ang paligid at tahimik na sumandal sa upuan. Lahat ng stress sa nangyari kanina ang nagpangyari para maidlip siya sa kinauupuan. Maya-maya he felt butterfly kisses all over his face.

"Rovi. Andito na tayo."


Itutuloy...


[09]
Hay!!! Good Morning Sa'yo! Hahaha... Yan ang paborito kong line ngayon. Kung baga sa kanta, LSS ako diyan. Feeling ko talaga magka-kambal kami ni Carla Abellana. Hep! Hep! Walang kokontra. Ang kumontra, magkakapigsa! LOLZ

Bati mode:

Kay James Wood aka WOODY, ayan may pitak ka na sa bati mode ko. Haha Hindi ako si Dally! Mukha ba akong dolphin? Kaloka to! Sino ba si Midnight Shoulder ha?

To Earl ng Dubai, dear salamat sa pointers tungkol sa Post-mortem care.

To Enso, cool ka lang nak. Ang init ng ulo mo haha...

To Jaime, na kagagaling lang sa sore-eyes. Pagaling ka pa Jai-jai.

To Bx, issue yang kilig na yan Attorney. Bigla kang nagkaroon ng Dally at Woody. haha

To Levi Cyr, na bago kong "anak". Salamat sa pag-add. Nagulat talaga ako. :)

To Echo, hope your fine daddy. You have my prayers and love kahit saan ka man pumunta. Minsan tinanong mo ako kung ano ang mga bagay na ayoko sa'yo. Well, I can name all of the things that I don't like about you but still, I'll stay with you. Okay lang yun. Kahit dumami pa ang mga bagay na ayoko sa'yo. Kasi Mahal Kita. :)


Try following my blogspot na hindi kagandahan. :p

dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
FB: Type niyo lang po Dalisay Diaz. Yung naka-hood na green na super ganda. Ako yun. Haha...


Enjoy...

CHAPTER 9

Nagulantang si Rovi mula sa pagkakahimbing ng maramdaman ang malilit na halik na iyon sa kanyang mukha. Maang na tiningnan niya si Allan na kampanteng nakatunghay sa kanya mula sa kinauupuan nito.

"Buti naman at nagising ka na. Nandito na tayo." nakangiting sabi nito sa kanya.

"Huh? N-nasaan na tayo?" disoriented pang tanong niya.

"Nasa harap na tayo ng bahay niyo." anito na may pinipigilang ngiti sa labi.

"M-may ginawa ka ba h-habang natu-natulog ako?" nagkakandautal niyang sabi rito.

Mahinang tawa ang sinagot nito saka siya tinusok sa tagiliran ng hintuturo. "Ano naman ang gagawin ko sa'yo?" nanunukso ang tinig nito.

"H-hindi ko alam." nahihiyang sabi niya. Tiningnan niya ang mata nito at nakita na naman niya ang pag-guhit ng amusement sa mga ito. Naiinis na tinanggal niya ang seatbelt at lumabas.

"Teka, hoy. Rovi. Bakit ka nainis?" nagtatakang tanong nito.

"Hindi ako naiinis Allan. Wala akong kinaiinisan." sabi niya. Plastic! Piping-sigaw naman ng isip niya.

"Hindi nga? Eh bakit nakasimangot ka paglabas mo ng kotse?" pangungulit pa rin nito sa kanya.

"Hindi nga ako naiinis. Pero kapag di ka tumigil sa pangungulit, baka. Matutuluyan itong inis ko. Promise!" medyo bulyaw niya rito.

"O kita mo. Naiinis ka nga. Ano bang ginawa ko? Wala naman akong ginagawa kanina ah?" puno ng pagtatakang sabi nito.

Wala? Bakit mo ko hinalikan kanina habang tulog ako? Gusto niya sanang isigaw iyon dito ngunit hindi pwede. Magigising ang tatay at nanay niya na natutulog lang sa may bungad na kwarto.

Napabuntong-hininga siya. "Pasensiya na. Pagod lang siguro ito. Huwag ka na lang makulit okay?" paalala niya rito pagkatapos humingi ng dispensa.

"Okay lang yun. Maaksiyon naman kasi ang ginawa natin kanina?" sabi ni Allan na nagtaas-baba pa ang kilay. Sa pakiwari pa niya ay may ibig itong ipahiwatig sa sinabi nito. Parang naging mapanghibo ang dating ng boses nito.

Ikiniling niya ang ulo. Hindi pwedeng pasukan ng kung anu-ano ang utak niya ngayon. Nakakahiya rito. Mukha nga itong hindi apektado sa mga ginagawa nitong "biro" sa kanya, so bakit siya magpapakaloko sa kaiisip kung bakit nito ginagawa iyon. Nabibigyan niya lang siguro ng maling interpretasyon dahil sa unang pagkakataon ay may lalaking nanggugulo ng sistema niya.

"Marahil nga." sang-ayon niya sa sinabi nito.

"Pumasok na tayo Allan." paanyaya niya kapagkuwan.

"Sige. Gutom na rin ako eh. Este, antok na rin pala." anito saka pasimpleng tumawa at ngumiti. A boyish grin that affected his whole sytem like chaos. Naiiling na tinawanan niya ang simpleng pahaging nito ng pagkagutom.

Kumatok siya at tinawag ang kaniyang ina. Mga retiradong pulis ang mga ito. Ang kanyang ama ay naging hepe ng distrito nila habang ang kanyang ina ay isang kabo sa Maynila. Nagkahulihan ang loob ng mga ito ng minsang mag-krus ang landas para sa iisang misyon. Dalawa sila na naging supling nito. Ang bunso niyang kapatid ay nasa probinsiya at nag-aaral ng Edukasyon. Kilala rin ng mga ito si Allan bilang partner niya.

Bumukas ang pinto at bumungad ang kanyang ina na si Helen. "Mano po inay." pagbibigay galang niya.

"Kaawaan ka ng Diyos." sabi nito saka tumingin kay Allan.

"Ginabi ka yata ng uwi Rovi, Allan?" tanong ng kanyang ina na nagpalipat-lipat ang mata sa kanila.

"Ah, may inasikaso po kasi kaming operation kanina. Pasensiya na po kung naistorbo po namin kayo." si Allan ang sumagot sa tanong ng kanyang ina.

"Ah ganun ba? O siya, tumuloy na kayo sa loob. Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa po Inay, katunayan gutom na yung isang tao diyan at nagpaparinig na kanina ng pagkagutom." pang-aasar niya kay Allan.

Namula agad ang mokong at natatawang gumanti ng banat.

"Nagutom po kasi ako Inay sa pag-asikaso ng iyakin niyong anak ng makita yung biktima kanina." nakangisi nitong baling sa kanya.

"Siyanga? Umiyak ka kanina?" naaaliw na sabi ng kanyang ina.

"Hindi po Nay. Nagsuka ako kasi nandiri ako. Hindi ako umiyak." defensive na sagot niya.

"Eh ang sabi nitong partner mo eh nag-iiiyak ka raw." nasa himig ng kanyang ina ang panunukso. Mapagbiro rin kasi ito. At ang mga ganoong usapan pagkatapos ng operations ay normal na para mawala ang trauma na maaaring sinapit ng isang pulis.

"Naniwala naman kayo sa ugok na iyan." natatawang sabi niya.

"Hoy partner, kung alam mo lang yung hirap na dinanas ko habang nagkakandagulapay ka sa pagsuka!" exaggerated na bigkas nito.

"Ungas!"

"Rovi!" reprimanding na wika ng nanay niya. Ayaw nito na makarinig ng kahit na anong uri ng mura.

"Sorry po Nay." nakayukong sabi niya. Tiningnan niya ng pailalim si Allan na nagpipigil ng tawa.

"Maupo na kayo at maghahain lang ako." sabi ng kanyang ina sabay tungo sa kusina.

"Sige po Nay."

Naiwan silang nakatayo sa may sala. Nilingon niya ang pahamak na si Allan kung bakit siya nasaway ng kanyang ina.

"Sorry po Nay." he echoed his lines earlier in a very tiny voice. Mimicking the sound of an eight-year old girl.

"Ah ganoon? Eh kung sa labas ka kaya matulog?" pananakot niya rito.

"Sorry na. Ito naman di na mabiro."

"Ewan. Napagalitan pa ako ni Inay ng dahil sa'yo." naggalit-galitan niyang sabi.

"Ikaw. Para kang timang. Sa labas mo ko patutulugin? Seryoso ka?"

"Oo. Inaasar mo ko eh."

"Asus. Para ka namang misis niyan. Hindi pa nga tayo kasal ina-under mo na ako. Outside the kulambo agad." sabi nito.

Kahit alam niyang biro lang iyon ay may matindi iyong impact sa kanyang pakiramdam. Bakit ba kasi ang lakas mang-asar nito. At ang mga banat, out of this world. Kinikilig tuloy ako ng husto kahit ayaw ko. Pasaway ka Allan!

"Ulol." sabi niya sa mahinang tinig. "Magbihis ka nga muna. Para sakto naka-hain na si Inay pagkatapos natin magbihis." pagpapatuloy niya.

"Sige na nga. Ang sungit mo talaga partner." anitong nakatawa.

"Larga na. Ang daming daldal."

"Yes Sir!" natatawang sabi ni Allan saka pumasok sa kwarto niya. Ilang beses na itong nakapunta roon kaya alam na nito ang pasikot-sikot sa loob ng bahay nila. Para ngang nakakita ng isa pang anak ang tatay niya sa katauhan nito. Pangarap kasi ng kanayang ama na magkaroon ng maraming anak ngunit hindi na pinalad na makabuo ulit ito at ang kanyang ina.

Napa-upo siya sa kahoy na sofa. Magmumuni sana siya kung hindi lang bumukas ang pintuan ng silid ng kanyang mga magulang at lumabas ang ama. Mabilis siyang tumayo at sumaludo rito saka nagmano.

"Kamusta po kayo Itay?"

"Mabuti naman anak. Kauuwi mo lang ba?"

"Opo. Kasama ko si Allan, di raw po muna matutulog at masikip sa bahay nila." pagpapaalam na rin niya.

"Aba ay ayos lang sa akin. Nasaan ba ang kunehong iyon?" naaaliw na sabi nito. Parang sakto sa timing na lumabas si Allan ng silid niya na naka-suot na ng shorts at sando na pag-aari niya. Ang preskong tingnan ng hinayupak at lalong tumingkad ang kagwapuhan at lumitaw ang kakisigan.

Kung gaano kasarap itong tingnan kapag naka-umiporme ay mas masarap itong tingnan ng naka-sando at short lang. Dati pa niya nakikita itong nakasuot ng ganoon kapag natutulog. Hindi nga lang siya sanay pa hanggang sa ngayon. Sinaway niya ang sarili. Muntik na siyang maglaway rito sa harap pa ng tatay niya. Baka kunin nitong bigla ang baril niya sa beywang kung ginawa niya iyon.

"Uy Tay." bati ni Allan sa ama niya.

"Allan-boy! Kamusta ka na? Mukhang kumikisig ka bata?" bati rito ng ama.

"Hiyang lang sa ehersisyo Tay." nahihiyang sabi nito sabay kamot sa batok.

Nakaka-aliw itong tingnan kapag umaaktong nahihiya. Parang hindi bagay rito. Naalala niya ang pagtawag nito sa mga magulang niya. Tay at Nay rin. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na para silang mag-asawa sa ganoong sitwasyon. Nakiki-tatay at nanay rin kasi ito sa kanyang mga magulang.

Asa ka!

Naiiling na nagpaalam siya sa ama at tinungo ang kwarto. nagtaas lang ito ng kamay at naging busy na sa pakikipag-usap sa partner niya. Ang silid niya ay nasa bandang dulo ng pasilyo ng kanilang bungalow-style na bahay. Isinusuot na niya ang kanyang t-shirt na pantulog na makarinig ng malakas na paghinto ng sasakyan sa labas ng kanilang bahay at ang pagsigaw ng kung sino sa pangalan ng ama.

Hindi naglipat ng sandali at umulan agad ng bala sa buong kabahayan nila at niratrat ang bawat bahagi noon. Mabilis siyang dumapa at kinuha ang baril bago padapang ginapang ang sala. Nakita niyang nakadapa rin ang kayang kasamahan na si Allan habang ang kanyang ina ay ganoon din na nasa may pintuan ng kusina.

"Allan!" sigaw niya.

Lumingon ito. May pag-aalala sa mata. Ayos lang ako partner. Huwag ka munang gumalaw. Mukhang marami silang bala!" babala nito sa kanya.

Lumipas ang isang minuto marahil ng pagpapaulan ng bala sa kanila at tumigil iyon. Narinig niya ang pag-arangkada ng sasakyan na ginamit ng mga ito habang tumatakbo siya papunta sa labas hawak ang baril.

Hindi pa nakakalayo ang mga ito masyado ng makalabas siya kaya nagpaputok siya. Ngunit sa kamalasan, wala siyang natamaan. Nanghihinang mapapaupo sana siya sa kalsada na sinisimulan ng dagsain ng mga tao ng maalala ang mga naiwan sa loob ng bahay.

Dali-dali siyang pumasok at nakita niya ang kanyang ina na nakatayo at hindik na nakatitig sa kanyang ama na nakalugmok sa tabi ni Allan na nakadapa naman. Nilapitan niya ang ina at tinanong.

"Inay, okay ka lang ba?"

"Ha? O-oo! A-ang tatay mo! Ang tatay mo Rovi!" hysterical na sabi nito.

"Shit!" Ini-upo niya ito sa upuan at dali-aling dinaluhan ang ama. Kalat na ang dugo sa sahig. May tama ito sa tiyan at sa tagiliran. Inangat niya ang pulsuhan nito at sa kanyang panggigilalas ay wala siyang makapa.

"Itay? Itay!" aniyang tumatangis. Unti-unting nababasa ng luha ang pisngi.

"R-rovi." tinig iyon ni Allan.

"Partner!" baling niya rito.

"A-yos ka lang b-ba? tanong nito sa kanya.

Nagimbal siya ng makita ang hitsura ni Allan ng itinihaya niya ang katawan nito. Ang puting-puti na sando niya ay pulang-pula na dahil sa dugo.

Umaagos pa ang dugo sa labi nito na hindi niya agad nakit dahil nakadapa ito kanina.

"Ayos lang ako partner. Huwag ka na munang magsalita. Parating na ang mga ambulansiya." naiiyak na sabi niya.

"N-nakatawag k-ka n-na ba?" tanong nito na sinamahan ng matamlay na ngiti. Showing his perfect teeth now drenched in blood.

"Shit! Oo nga!" inabot niya ang cordless sa lamesita at nag-dial. Ng makahingi ng tulong ay saka niya iyon ibinaba.

"B-bawal magmura P-partner! Ma-maga-galit si I-inay." pagbibiro pa nito.

"Ang kulit mo! Manahimik ka na muna diyan. Tutuluyan kita, makita mo."

"S-sira... Ma-matutulu--yan na a-ako." sabi nito saka tumawa dahilan para maubo sa pagkasinghot ng sariling dugo.

"Umayos ka Allan. Sasapakin kita." naiiyak na talaga siya.

"A-ang su-sungit mo t-talaga R-rovi. Ka-kaya naman gus-gusto kita eh."

Natigilan siya sa sinabi nito.

"Ano bang kalokohan iyan Allan?" Naguguluhang tanong niya.

"I-ikaw ta-talaga... ang ma-manhid manhi--d mo..."

"Huwag ka na ngang magbiro ng ganyan. Delikado ka na, ganyan pa ang pinagsasasabi mo." bagama't natutuwa ay hindi niya iyon mailubos ng dahil sa kalagayan nito.

"P-partner... Ma-mamat-ay na lang ako. A-ayaw mo pa-pa akong pani-wala-an. G-gusto Ki-kita!" nahihirapan ng sabi nito. Panay na rin ang suka nito ng dugo.

"Mamaya mo na ako biruin. Kapag nagamot ka na. Saka na ha?" naiiyak pa ring sabi niya. Natatakot na siya sa kalagayan nito. Hindi pwedeng mawala ito ng ganoon na lang. Hinwakan niya ang isang kamay nito.

Hinaplos nito ang kamay niya na nakahawak sa kamay nito."H-huwag ka ng ma-mag-e-effort... Pa-patawirin na ako. G-gusto ko l-lang na m-malaman mong gusto kita. H-hindi ko alam kung p-paanong nangyari. B-basta a-ang alam ko. Gustong-gusto kita."
Diretso ang huling salita nito. Lalo siyang napahagulgol sa narinig.

"Gustong-gusto rin kita Partner. Sa totoo lang mahal na nga yata kita." naiiyak niyang turan.

"Sa-salamat at narinig ko iyan. Ba-babauin ko i-iyan sa pag-alis ko." sabi nitong lumuluha na rin. Humalo na ang luha nito sa dugo. Siya naman, kanina pa walang patid ang pag-iyak.

Narinig niya ang sirena ng ambulansiya. Nabuhayan siya ng loob.

"Partner, andyan na ang ambulansiya. Matutulungan ka na. Huwag kang sumunod agad kay Itay. Kukutusan kita!" pinilit niyang magbiro.

"H-hindi ko na ka-kaya Partner."

"Kaya mo. Ang daldal mo pa nga kanina eh. Basta. Kayanin mo." lunod sa luhang sambit niya.

Tumawa ito ng mahina. "Mapilit ka t-talaga Rovi. A-alagaan mo ang s-sarili mo." at lumaylay ang ulo nito sa bisig niya.

"Allan! Allan! Huwag kang magbibiro ng ganyan! Allan!" niyugyog niya ang katawan nito. Dinama niya ang pulso nito na mahinang-mahina na.

"Tulungan niyo kami!" sigaw niya sa kawalan. Nakita niya ang ina na nakatulala. Basang-basa ang mukha ng luha.

Bumukas ang pinto at iniluwa ang mga paramedics at mga pulis na kasamahan. Mabilis na dinaluhan ng mga ito ang ama at si Allan.

"Sir, amin na po ang biktima." sabi nito sa kanya.

"Tulungan niyo siya. Please! Nagmamaka-awa ako!" nagsisisigaw na sabi niya.

"Opo sir." saka nito pinagtulungang malapatan ng lunas si Allan at mabilis pero maingat na mailagay sa stretcher. Ganoon din ang kanyang ama.

Dinaluhan niya ang ina at niyakap. Inilabas sila ng ilang pulis at dinala sa isang sasakyan para maupo saglit. Sasama sana siya sa ospital na pagdadalhan kay Allan kung hindi lang dahil sa ina na wala na yata sa sariling katinuan. Nanalanging na lang siya para sa kaligtasan nito.

Isang malakas na tapik sa balikat ang nagpabalik sa diwa ni Rovi.

"Bakit umiiyak ka?" si Rick.

"Ha?" kinapa niya ang pisngi saka mabilisan iyong pinunasan.

"Bakit ka umiiyak?" nagtatakang tanong nito.

"Wala ito. May naalala lang." umiiwas ang mata na sabi niya.

"Si Allan?"

Natigilan siya. Ang pamilyar na kirot sa pagka-alala ng pangalang iyon ay nanumbalik.

"Saka ka na magpaka-nostalgic. Ayon kay Perse, ready na ang warrant. Pwede na nating sugurin ang club ni Park Gyul Ho. Pwede na ring hulihin si Kring kasi positive na siya ang itinuturo nila Bobby at nung driver na pinatulog ni Cody. Naipadala na ang mga video statement sa pulisya." pigil nito sa pagbalik uli ng mapapait na ala-ala.

"Ha? Ang bilis naman?" takang tanong niya.

"Dati na tayong ganito kumilos pare-koy! Huwag kang ungas!" naiiritang sabi nito.

"Paano nakakuha ng warrant? Eh di ba dapat pag-aralan pa iyon ng mabuti ng fiscal kung may probabale cause nga according sa mga ebidensiya bago mag-file na kaso? Parang ang bilis yata?" aniyang nagtataka talaga.

"Rovi. Naka-drugs ka ba? TFE tayo pare. Walang imposible sa bilis ng galamay natin. Kilos na. Lalakad tayo mamaya." sabi nito sa kanya.

"Sige." napapahiyang sabi niya. Dahil lang sa saglit na pagka-alala ng nakaraan niya eh nawala na rin siya sa hulog. Importante pa naman ang kasong iyon. Naisip niya, mas mabilis na matatapos iyon, mas mabilis na makakalayo siya kay Bobby. With that in mind, napabilis ang lakad niya patungo sa safehouse.

Itutuloy...


[10]
"MAGKAKAROON ng sikretong drug shipment sa parking lot na ito. Isa sa mga sasakyang diyan ang lalapitan ng bago nilang courier. Ilalagay lang daw iyon sa trunk ng kotse at aalis na. Ang tanging tip na nakuha natin ay isang luxury car ang mode of transport nila, so look-out for a suspicious expensive vehicle. I-under surveillance na rin ninyo ang buong area as early as two days kung sino-sino ang nagpa-park doon. Are we clear?" mahabang wika ni Rick sa mga kasamahan nila.

"Yes Sir!"

"Pare, what do you mean? We have to tail all of the luxury vehicles na lalabas sa parking-lot na iyan?" tanong ni Rovi sa team-leader nilang si Rick.

"Yes. Then afterwards, i-tse-check natin ang sasakyan by giving them a surprise check. May search warrant tayo para sa gagawin natin so don't worry. Makiki-coordinate rin ang police sa paligid with regard to this. Remember, this is top secret. Kapag lumabas ang bagay na ito ay malilintikan tayo sa taas. Kailangang mahuli natin ang lahat ng tao ni Park Gyul Ho." paalala ni Rick.

"Sure Pare. Kailan ba tayo nagkaroon ng hit na pumalpak?" sabi ni Cody na nakaupo sa isang sulok at kinukutkot ang kuko. Binato ito ng bote ng mineral ni Rick na agad nitong naiwasan.

"Ang yabang mo Unabia. Eh mag-aabang ka lang naman ng isang magmamadaling sasakyan at aasintahin ang gulong nito." sabi ni Rick dito.

"Ungas ka. Ang hirap kayang mamaril ng gumagalaw na target. Kahit itanong mo kay B1." tumatawang sabi ni Cody.

"Anong kinalaman ko diyan B2? Nananahimik ako dito." sagot ni Rovi sa kaibigan.

"Timang. Ikaw lang karugtong at ka-wavelength ng utak ko rito kaya makisama ka!" natatawang sagot nito sabay bato ng dinampot na bote ng mineral.

Sinalo niya iyon at iinukol ulit dito. " Baliw, di butas ang utak ko kagaya mo."

"Nagpanggap ka pa. Umain ka na Sarhento Pulpol!"

"Kumpara naman sa'yo Doktor Quack Quack! Haha!"

Nagpatuloy ang tuksuhan nila at palitan ng pagbato ng mineral water botle sa isa't-isa kaya hindi nila namalayang nakalapit na sila Perse at Rick sa kanila at binigyan sila ng tag-isang kutos.

"Aray!" magkapanabay pa nilang sambit ni Cody.

"Kayo talaga. Nagmimiting tayo ng matino rito hahaluan ninyo ng mga kagaguhan." sabi ni Rick sa kanila. Nangati yata ang anit niya sa kutos na iyon. Nagpipigil na ngiting nakinig ulit sila sa iba pang commands na ibibigay nito.

"Okay. Since nagprisinta ka na Rovi, ikaw na ang mag-scout sa area na iyon for three days." pagpapatuloy ni Rick.

Napatayo siya sa sinabi nito. "Teka? Kailan ako nag-volunteer?" takang tanong niya.

"Ngayon. May reklamo ka?" sabi nito.

"Ah wala naman. Sabi ko nga." walang magawang sabi niya. Madali lang naman ang ipinapagawa nito.

"Oo nga pala team, kailangan nating gawin ng maayos ito dahil ayoko ng mangyari ang nangyari noon sa pag-raid natin sa club ni Gyul Ho. Sa ngayon, tayong lima lang ang nakaka-alam. Si Jerick ang bahala sa information ng bawat papasok na sasakyan. Yun ang gagawin niya. Si Perse at ako sa pursuit team. Ikaw na sa pagti-tip ng mga aalis na sasakyan. Poposte kami oras na mag-tip ka ng may papa-alis." paliwanag ulit ni Rick.

"Roger pare." sabi nilang lahat.

"All right! Move team. Perse, maiwan ka. May meeting tayo with Gen. Mariano."

"Sige Pare." ayon ni Perse.

"Paano mga tol? Aalis na kami. Iinom pa kami." sabi ni Cody.

"Sige, basta siguraduhin niyo bukas na maayos ang mga utak niyo." paalala nito.

Nagtanguan na lang sila at lumabas na doon para dumiretso sa isang bar. Si Jerick na kanina pa tahimik naman ang inasar nila ni Cody.


"NAMPUTSA!"

Nababagot na sabi ni Rovi sa sarili. Kanina pa siya nakatambay doon sa parking lot na iyon. Nakakailang yosi na rin siya. May mga upuan sa paligid niyon dahil may mga establisyimento na nakatayo doon. May kalakihan ang parking lot at kitang-kita ang lahat mula sa pwesto niya. Nakaupo siya sa isang bench sa harap ng botika.

May nakita siyang binatilyo na papalapit at mukhang bibili sa botika. Halos malunok niya ang usok ng hinitihit na sigarilyo ng marinig na bumili ito ng condom. Dadaan ito sa harap niya kaya nabistahan niyang may hitsura ang binatilyong bumili ng condom.

Sa peripheral vision niya ay nakita niyang may nakamasid ditong isang binatilyo rin na halos kasing-laki rin nito. Nakita niyang sinundan nito ang binatilyong bumili ng condom na mukhang binabasa ang label hanggang sa lingunin nito ang likuran.

"La-lando?" may kalakasang sabi ng sumusunod sa may dala-dalang condom.

"Bu-bugoy?" sagot naman nito sa nalingunan.

Hmm... Mukha namang magkakilala. Kaso parang may mali. May naaamoy akong malansa. sabi ng isip niya.

Kanina pa kasi siya roon at mukhang wala pa namang nangyayaring kakaiba. Ito pa lang kung sakali.

"Uy Lando!" sabi nung tinawag na Bugoy.

"Ah... Mabuti naman." parang natatarantang sabi ni Lando.

Nagiging interesante ito. Itinuon na niya ang pansin sa dalawang ito.

"Sorry ah,... Wala na pala kami ni Jessa." Sabi ni Bugoy.

"Ah, ganun ba?.. I'm sorry to hear that." salat sa emosyon na sabi ni Lando sa kausap.

"Okay lang. Sinunod ko lang payo mo nung... Alam mo na yun." alanganin ang ngiting binitiwan nito.

"Yeah, Kalimutan mo na yun. Sige una na 'ko." nagmamadaling sabi ni Lando.

Nakita niyang nagbaba ng tingin yung Bugoy at biglang nagdilim ang mukha ng makita ang hawak ng kausap.

"Teka, ano yan?" sabi nito.

"Saan?" nagmamaang-maangan na sabi nung Lando.

"Ayan oh. Ibigay mo sa akin yan. Kanino mo gagamitin iyan?" galit na sabi nung Bugoy saka pilit na inagaw ang condom sa kausap hanggang sa magpagulong-gulong ang dalawang binatilyo.

Natatawang tumayo siya para lumapit subalit naunahan siya ng isang lalaki at isang babae na mukhang mag-boyfriend. Hinawakan ng lalaki si Lando sabay hugot mula sa pagkakakapit dito ni Bugoy. Pinigilan naman ng babae ang huli. Natigilan siya sa paglapit.

"Hey! Hey!" sabi ng lalaki. Gwapo in fairness.

"Teka, dito pa kayo nagre-wrestling! Anong school ba kayo?" pasigaw na tanong ng babaeng maganda sana kaso parang amasona kung pumigil ng nag-aaway. Galit na galit ito. Scared!

Muntik na siyang matawa ng malakas gayundin ang lalaking kasama ng babaeng amasona ng lumuhod ang dalawang estudyante.

"Parang awa niyo na po. Nagkakatuwaan lang po kami dito, promise.. diba tol?" nandidilat na sabi nung Bugoy kay Lando.

"Ha?" sagot nito.

"DIBA?!!!!!" sabay batok sa kasama.

"Ah opo.. opo.. Nagkakatuwaan lng kami, bestpren ko po yan eh.." sabi nung Lando sabay pilit na tumawa.

"Teka anu ba mga pangalan niyo" tanong ng gwapong lalaki.

"Brent po, Bugoy nalang" sabay kamot sa ulo.

"Lando po, Lance na lang para pogi." sabay muwestra ng kamay sa ilalim ng baba habang tumatawa.

"Hay naku ewan ko sa inyo, tara na nga Baby Jai, hoy!!! 'Wag na kayo mag aaway ah, papakulong ko kayo" sabay tawa ng malutong ng babaeng amasona pagkayaya sa kasama at binitawan ang si Bugoy.

"Sige, una na kami. Magjowa kayo noh?" sabay tawa ng malakas na lalaki at tumalikod na sa dalawang binatilyo.

Naaaliw na binalikan niya ang pwesto at nagsindi ng panibagong sigarilyo habang nag-uusap pa rin ang dalawang binatilyo.

maya-maya ay napansin niyang may magandang babaeng mula sa kalsada ang patungo sa parking lot. Nahagip ng paningin niya ang pag-alis nila Bugoy at Lando saka niya ibinalik iyon sa babaeng may dalang sports bag.

Hindi bagay sa outfit na heels at haltered mini-dress. Naka-shades ito ng malaki. Pinindot nito ang remote at umingay ang isang vintage cadillac sedan. 1947 Series 75 na model. Napapalatak siya ng maisip ang presyo ng lumang sasakyan na iyon.

Lumapit ang babae at sinusian ang trunk. Kinutuban siya. Lalo na ng umalis ang babae pagkatapos noon at umalis ng parking lot. Maya-maya umandar ang sasakyan kahit wala siyang nakitang pumasok doon. Dali-dali niyang inalerto sila Rick mula sa mic niya.

"Eagle 1 this is Delta 1, Eagle 1 this is Delta 1 do you copy? mahinang sabi niya.
Diniinan ang ear-piece na nakakabit sa tenga.

"Narinig niya ang static pagkatapos ang boses ni Rick. "Copy. This is Delta 1. Anong meron?" excited na tanong nito.

"May papa-alis na cadillac. Vintage type. May inilagay na sportsbag sa likod ng sasakyan. Yung babae susundan ko. Kayo na bahala sa sasakyan. Confirmed ang sinabi ng asset natin." mabilis na sabi niya saka tinakbo ang nilikuan ng babae.

Nakita niyang nagmamadaling naglalakad ito sa pathway. Mabilis siyang sumunod at pasimpleng ibinaba ang sumbrelong suot saka mabilis na bumili ng diyaryo sa bangketa at ipinagpatuloy ang pagsunod.

Tumigil ito sa isang waiting shed at pumara ng taxi. Mabilis siyang tumakbo na sakto sa pagbukas nito ng pintuan ay hinawakan ito sa braso saka mabilis na ipinasok sa sasakyan. Tumili ito sa pagkagulat. Mabilis siyang sumunod dito saka isinara ang pinto. Ini-lock din niya ang nasa panig nito.

"Manong andar! Pulis ako!" sabay pakita ng badge dito.

"Ano ba? Bakit ka ba nanunulak? Sino ka? Nang-aagaw ka ng taxi!" sunod-sunod na tanong nito. Hinubad nito ang shades at nagulat siya ng tumambad ang mukha nito.

"A-apple?" gulat na sabi niya.

Namutla ito pagkarinig ng pangalang sinabi niya.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment