Tuesday, January 8, 2013

Fresh Start (01-05)

By: K.G. Fadriquella
Facebook: gabifad@yahoo.com
Blog: gabrielfads.blogspot.com
Source: theimmaculatedalisay.blogspot.com


[01]
“God takes something away from you for a reason, for different reasons that is, but assure that when something has been taken away from you, it may not always be replaced with better trades, but sometimes it goes away to teach you that you are more than what you think you already are”


“Ano yung nabasa ko sa blogsite na yun ha Gab? Pinag pipyestahan nung mga yun yung storya na yun? Paano kung Makita ng kakilala ko yun, edi malalaman nila? Hindi ka nagiisip eh” Isang text lang na galing kay Arvin ang na-receive ko, eh ano bang magagawa ko, ni ayaw nya nga makipag usap sakin, lahat ng tawag ko rejected, pinupuntahan ko sya, ayaw nya naman ako Makita, what the hell! Ako yung may kasalanan alam ko, kaya nga ako yung nag e-effort at alam nya na nag eefort ako, pero bakit parang wala lang.

Phheew! Naalala ko yung huling chapter ng entrance exam, part 7, ang sarap ng ending, parang kami na habang buhay….. pero hindi pala, sabi nga nila, ang relationship may finish line, sabi ko naman, hindi lahat, pero I guess yung akin meron nga!

It all started when I wrote the story “Entrance Exam” sinulat ko yun kasi it was my hobby to write stories and naisip ko bakit hindi ko i-share yung kakaibang story naming dalawa, it was supposed to be a surprise for him, I submitted our story on Bi out lout para ma ishare ko sa iba, I thought he was going to be proud of our story pero iyun pala ang magiging melting point ng lahat. Pero wala akong magagawa, ako ang mali, pero alam ko sa sarili ko na ginawa ko lahat ng kaya ko para ma i-save ko kung ano man ang meron saaming dalawa.

Cry, cry, cry, iyun lang ang kaya kung gawin, walang iba kung hindi umiyak. I worked hard for that relationship, I changed myself for him, kahit I believe na pag mahal mo ang isang tao, hindi ka dapat nya binabago kasi minahal ka nya na ganun ka, bakit kailangan magbago, but I did. 3 months, I felt like I’m so miserable, pero after some time naisip ko din sa sarili ko, why should I castigate myself for a love that has no more chances. Sabi ko sa sarili ko, it’s about time to forget him.

Isang tao lang naman pinagkakatiwalaan ko when it comes to my love problems, Isang sobrang close friend, siguro tawagin nyo nalang syang Chase, si Chase yung lagi ko pinagsasabihan ng lahat ng mga problema ko.

“Chase, should I forget about him?” sabi ko

“Ikaw ba nakikita mo pa na may pakialam pa sa’yo yung lintek na yun? Wala na Gab, wag ka pakatanga dun, andaming nagmamahal sa’yo” he advised

Oo nga pala, madaming nagmamahal sakin, si Chase? Sobrang mahal ko yun, minsan nga iniisip ko maging Bi lang tong si chase tatapatin ko to. Gustong gusto ko sya dati pa kahit nung kami pa (pero syempre loyal ako) sobrang sweet kasi nun, sobrang maalaga, sobrang baet, cute, pero may sabit, may girlfriend ang loko. I don’t know pero out of the blue biglang may lumabas sa mga labi ko na hindi ko expected

“Chase, I like you.” Sabi ko sakanya

“Ulol! Parang tanga ka Gab” sabi nya sakin

“Seriously” he looked puzzled nung sinabi ko sakanya yun, I was expecting na magagalet sya at mag wawalk-out (mahilig kasi mag walk out yun lalo na pag ayaw nya yung pinaguusapan)

“Kirby Gabriel Fadriquella, baka nakakalimutan mo! May girlfriend po ako! At hindi po ako Bi, pasensya na po ah” sabi nya sakin ng medyo may makulit na tono, sabay yakap sakin “andami daming may gusto sa’yo dyan, ako pa ‘tong pinaglololoko mo!” pabiro nyang banat

I really like him, ewan ko ba, parang pag kasama ko sya, he never fails to make me smile, he always gives me reasons to, lalo na nung fresh palang yung break up naming dalawa ni Arvin, Chase was always there for me, sobrang gustong gusto ko sya, pero hindi talaga pwede eh, hanggang barkada lang ang maii-offer nya sakin.

I woke up and I received a text for chase 3 days after naming magusap

“Gab, si Kaye, she broke up with me, shit di ko alam gagawin ko pare” Hindi ko alam kung malulungkot ako dahil nag break sila o papairalin ko yung pagiging demonyo ko at isipin na chance ko na to para sumingit sa buhay nya, ewan! Basta! Kung kailangan maging bi si Chase gagawin ko, maging akin lang sya. (possessive si Kupal!)

Agad kung pinuntahan si Chase sa condo nya para ma comfort syempre, and pagdating ko niyakap ko agad sya at I asked if everthing’s okay

“It’s okay! Andito lang ako para sayo” sabi ko sakanya

“Salamat Gab ah, sobrang salamat talaga” sagot nya

“Promise me you’re gonna be okay” sabi ko sakanya

“I can’t promise you” sagot nya

“Chase! Andito lang naman ako para sa’yo! Alam mo naman na mahal kita!” sabi ko

“Ano ba meron sakin ha? Hindi naman ako gwapo, hindi naman ako sexy, baket ako pa?” sabi nya sakin habang tumutulo yung luha nya

“Baka nakakalimutan mong napakabait mo, matalino, magaling magpasaya, masarap kasama, at para sakin ikaw ang pinaka gwapong tao sa mundo. Mahal kita eh!”

Natulala lang si Chase habang patuloy parin na bumabagsak ang mga luha nya

“I love you too Gab!”

SHIYIT! I love you too daw ba? O may nakabara sa tenga ko at di ko narinig ng maayos!? Shit talaga. Ano gagawin ko ngingitian ko ba sya? Sasapakin ko kasi baka niloloko nya lang ako, o hahalikan ko sya? Ano? Ano???

Itutuloy…




[02]
“Are you serious?” tanong ko kay Chase.

“Oo, diba gusto mo ko? Eto ako oh! Loveless, Hopeless, hinihintay ka lang na sabihin ulit sakin yun” sagot ni Chase sakin

I got nothing to say that time, ahhhhm sabihin ko ba na “Thank you kasi mahal mo din ako” o kokontrahin ko ba sya at iisipin kong pinagtitripan nya lang ako? Ano? Hala! Basta isa lang nasabi ko

“Mahal kita Chase” sagot ko sakanya habang nakatitig sa mga namumula nyang mata

That day was the best day of my Hopeless romantic life, naalala ko na hindi naman ako ganito dati, Isipin ko nga lang na magkagusto sa lalaki halos isuka ko na yung lahat ng kinain ko ng tatlong araw, pero iba pala talaga magmahal yung katulad mong lalaki, kasi alam mo kung paano mo sya lalambingin, kasi alam mo kung anong ugali ng isang lalaki, alam mo ang weak spot nila, alam mo yung pakiramdam, kasi lalaki din sya, kahit iniwan ako ni Arvin, I know he left me this special lesson, sabi ko nga sa Entrance exam, Love has no boundaries, walang pinipiling kasarian, kasi straight ka man, bisexual, homosexual o kahit ano ka pa man, karapatan mo magmahal at mahalin.




I was happy, sobrang happy, kasi naging kami ni Chase, and Entrance exam, yung story namin ni Arvin was highly appreciated by the blog’s readers, so ako eto, nainspire magsulat ng kung ano ano, pero ang hindi alam ng mga nagbabasa, every story na isinusulat ko, may meaning, may pinaghuhugutan ko, offcourse they don’t know na meron nga, kaya aside from the meaning of the stories I make sure na may lessons ding makukuha at the end of every story na ginagawa ko

First story that I wrote after entrance Exam, is SBLS- Love for Life, na nagturo sa lahat na pahalagahan ang buhay na binigay ng diyos, habang sinusulat ko iyon, kami na ni Chase, pero I still can’t shake Arvin off my head, kaya sa story, may isang lalaking mahilig sa camera, which is si Kevin, sobrang hilig nya sa camera nya, which is bestfriend nya yung camera na yun, nakilala nya si Karl, yung model na nagbago sa buhay nya, which is ako si Kevin sa story and si Arvin si Karl, isang lalaking sobrang binago ako, shit! Naging bi ako ng dahil sakanya, ng dahil sa binigay nyang pagmamahal sakin. At yung camera ni Kevin ay si Chase, kasi kahit namatay na si Karl sa cancer, hindi parin sya makalimutan ni Kevin, at naiwan lang sakanya ang camera nya na laging nagpapangiti sakanya.

I let Chase read all of my stories, sya yung parang nag eevaluate lahat ng mga sinusulat ko, and a big surprise na nagugustuhan nya yung lahat, pero nagulat ako na parang alam nya yung meaning ng mga sinusulat ko, I remembered na nagtext sya sakin after nyang basahin yung Love for Life

“Gabi, parang lakas ng hinugutan mo sa story na yun ah” sabi nya sakin through text

“Ha?” sagot ko sakanya

“so pinapatay mo na si Arvin ngayon?” sabi sakin ni Chase na laking kinagulat ko

“Ano daw?” sagot ko sakanya at parang nagtatanga tangahan lang

“Nevermind, dinner tayo gusto mo?” aya ni Chase saakin

We had dinner at some place near UST, and habang kumakain kami, ewan, sobrang gwapo nya pag tinitignan ko sya at alalang alala ko pa yung pambabara ko sakanya nun

“Hoy Gab! Kumakain ka ba? Di nababawasan yun plato mo” sabi ni Chase

“Malamang, alangan namang kainin ko yung plato, di talaga mababawasan yan” sagot ko sakanya

Nooo,….. hindi sya napatawa, medyo nainis yata sa pambabara ko…. Hala! Sorry na! nagalit ata yung mahal ko…. Haaayyyy

“Sorry..” sabi ko sakanya

“Ha? Bakit?” sabi nya

“Sorry sa joke ko” sabi ko sakanya

“Nyek! Okay lang yun nu kaba? Parang di mo ko kilala”

Palabiro din kasi yang si Chase, kaya nga lagi nya akong napapangiti eh, sya at sya lang talaga ang nakakapagpangiti sakin pag malungkot ako.

We we’re walking on the streets of P.noval, at nagkukwentuhan ng biglang nakasalubong ni Chase ang mga kaklase namin, nagaya sila na mag inom ng konti sa di kalyuang bar at para mag videoke narin (videoke? Hindi ako kumakantaaa hala!) Sumama naman kami agad para uminom narin ako kahit papaano, pero alalay lang baka malasing ako at kung ano pa magawa ko dyan kay Chase

Nasabi ko ban a sobrang ganda ng boses ni Chase? Malamang hindi pa! pero sobrang galing kumanta ni Chase and and ang mas masarap pakinggan yung kinanta nya nung gabing yun. Hindi ko makalimutan yung linyang

“I don’t know but, I think I may be falling for you, dropping so quickly, maybe I should keep this to myself, wait until I know you better”

Kumakanta sya ng “Falling for you ni Colby Calliat at alam ko na para saakin yun (assuming si loko) Paano ba naman, alam ko na nung gabing nagbreak sila nung GF nya, alam ko halos igapang nya lang yung I love you na sinabi nya sakin! Ano ko rebound? Pero dahil mahal ko sya naniwala ako (ayeeee) basta! Pero ngayon, mas convincing na siguro kung sasabihin nya ulit saakin, kasi habang kinakanta nya yun nakatingin sya saakin. At parang ngumingiti sya every time sinasabi nyang “I think I’m falling for you” Basta kung kasama mo kami maginom nun, mahuhulog brief mo! Hahaha LOL

Kinutsa naman sya ng mga kaklase namin

“Para kanino yun Chase ah, kakabreak nyo lang ng Syota mo may bago agad” sabi ng isa naming kaklase

“Para kay Gab syempre” sabi naman ng isa pa naming kasama, alam kasi nila na bestfriends kami at sobrang close and alam ko din naman na nagibibiro lang si classmate

“Haha, oh eh ano naman, mahal ko naman si Gab” sabi ni Chase sakin

Halos inumin ko ng sabay yung tatlong baso ng Red Horse na nasa harapan ko, yung akin, kay Chase at yung sa kasama naming sa sobrang kilig ko FAAAK!!! FUCK TALAGA!!!!! Seryoso na ba to! Halaaaa!

That was my inspiration sa second story na sinulat ko, ang SBLS- Light rail Love, it was a story of destiny, ang mga bagay na nakatakda talagang mangyari, katulad nito, nawala si Arvin pero it was destiny who brought Chase to me, and nandun din yung way na gusto ko na mahalin ako ng isang taong mahal ko, na hindi nagawa sakin ni Arvin, off course hindi pwede malaman ng iba na kami, kundi malalaman na bi sya, so nagtatago kami sa ilalim ng kumot kahit alam ko na mahal na mahal nya ako, iba parin na alam ng iba, para iwas sila, kasi gwapo kaya ni Arvin, pikutin pa ng iba yun kung di alam na kami, sa story, habang kumakanta si Mico one, kinakantahan nya si Mico 2 ng Falling for you, and hindi sya nahiya sabihin sa buong mundo na mahal na mahal nya si Mico 2, pareho kasing Mico yung palayaw nila kaya may code sila na Mico 1 at Mico 2… Basta malaki ang parte ng falling for you sa ka-emohan ng buhay ko.

I was checking my facebook account at syempre sino bang lagi kong I checheck, ang taong hindi ko pa rin makalimutan, at ang taong nagpapasaya sakin, si Arvin at si Chase, upon looking at Arvin’s profile, I noticed na wala, parang hindi na sya nagbubukas ng account, so punta ako sa profile ni Chase, then I saw his post na sobrang kinilig ako “Sobrang happy, sobrang saya ko talaga, Nothing can beat this day, I love you I love you” shit! Ang sarap naman basahin nung status nya, syempre nag assume ako na para sakin yun. Then kinagabihan, inaaya nya ako mag dinner (anong bago! Kahit nung hindi pa kami, sabay naman talaga kami lagi mag dinner)…

Nagpunta ako sa condo nila kasi nagluto daw sila ng mga room mates nya ng kung ano kaya sige punta ako, and pagdating ko, nakita ko si Chase with his 2 room mates and kasama nya si Kaye, yung ex nya, that almost made me break down, bakit parang alam ko kung anong ginagawa ng babaeng yan dito!, SHIT! Binaba ko muna yung mga dala kong gamit at nag paalam na mag yoyosi muna

MAGPIGIL KA GAB…. MAGPIGIL ka! Hindi ka iiyak… hindi mo pa alam kung ano ang ginagawa ng babaeng yan dito…. Basta ang naisip ko, nandito sya para bawiin na si Chase… NO! noooo! Hindi pwede…. Kasi kung hindi sila nagkabalikan, ano? Friends lang?

(To be COntinued...)


[03]
“Yosi lang ako dito sa labas ah” paalam ko

“Ah sige sige” sagot ni Chase
“Hi po Kuya Gab” sabi ni Kaye

“Uyy! Mukang ang saya nyo ah” sabi ko sakanila, sabay ngiti sa mahal ko at kay Kaye

Habang papalabas ako ng kwarto nila ay halos lumabas na yung mga luha na pilit kong itinatago, shit! Yung post na nakita ko sa FB hindi naman pala para sakin, bakit ganito yung buhay, fuck naman talaga oh! Di nagtagal narinig ko na may lumabas sa kwarto nila Chase at sa tunog palang nga mga yapak nya ay alam ko na agad na si Chase yun, na patungo kung saan ako nag yoyosi, nagpunas ako ng mga paparating na luha ko at baka kuyugin ako nito pag nakita nya na umiiyak ako. Pagdating nya palang sa lugar kung saan nakaupo ako at tahimik ay agad nya akong inakbayan

“Sorry Gab ah” sabi nya sakin tapos ay tumingin sya straight to my eyes

“Ha? Bakit naman?” tanong ko sakanya at tinatago ang boses na kaiiyak, kasi baka mahalata nya

“Kami na ulet ni Kaye eh, kasi…” sabi nya

“Hala! Okay lang yun nu ka ba?” singit ko sa paliwanag nya

“Kasi, bestfriend kita Gab, and siguro it’s hard to hear these but…” sabay buntong hininga nya “Maybe, hanggang bestfriend nga lang kaya kong i-offer, Gab, mahal naman kita eh, pero not that level na mag syota, you get me?” sabi nya

“Oo…. Naiintindihan ko” kahit sobrang sakit ng nararamdaman ko nuon, kasi umasa na ako, siguro kung hindi dumating yung lintek na Falling for you na kanta na yun at yung post sa facebook. Hindi ako umasa ng ganun, tanga kasi ako eh, TANGA! Siang napakalaking tanga. Nakatahimik lang ako ng bigla syang nagbiro

“Ngiti naman dyan! Nawawala yung pag ka cute ng bestfriend ko eh” sabi nya

“Lul! Panget ko nga eh” sabi ko

“Sige pag di ka ngumiti, wala na kayo pagasa ni Arvin!” pabiro nya nanamang banat

“Eh kaw na nga mismo nagsabi! Kalimutan ko nalang sya” sabi ko sakanya

“Eh nagawa naman ba? Kahit yung isip mo pilitin mo syang kalimutan, alam ko na iyan oh yan, iyang lintek nay an (sabay turo sa kaliwang dibdib ko), yung puso mo hindi kaya” sabi pa nya sabay ngiti saakin

Napangiti ako ni Chase sa sinabi nyang yun… Ewan, basta, siguro nga hindi ko kayang kalimutan si Arvin then bigla syang humugot sa may bulsa nya at pagkalabas ay isang silver na kwitas na may Superman na pendant

“Oh! Eto regalo ko sayo yan” sabi nya

“Nyek! Para saan naman to?” tanong ko sakanya

“Yung “S” Sorry yan, sa ginawa ko, and alam ko naman para kang si Superman eh, malakas tsaka matatag, so stop crying, kasi I’m sure, madami ang ayaw na nakikita kang ganyan… isa na ako dun” sabi nya

Awwwww! So sweet, ayan! Ayan! Kaya ako nadedehado sa mga pag over-analyze ko sa mga sinasabi ng isang tao saakin, without even assessing kung ano ba talaga yung ibig sabihin ng mga sinasabi nila, pero ano magagawa ko, isa akong mapagmahal na martyr.

And iyun naman ang nagtulak sakin isulat ang pangatlo kong SBLS, yung let it fall, sa let it fall may isang lalaking nakilala si Rob sa gitna ng bumubuhos na ulan,… eto ilusyon nanaman na ako si Rob, si Jed si Chase, at yung ulan ay ang friendship. minahal nya ng sobra si Jed, pero sa dulo ay mawawala din pala, Let it fall taught everyone na, when you love someone, sabihin mo sakanila and wag ka maghintay na mawalan ka ng chance, sa story binigyan ni Jed si Rob ng isang kwintas na magpapaalala sakanya dito, kahit na namatay si Jed sa dulo, pag hinahawakan ni Rob yung pendant ng kwitas, lagi nyang naalala si Jed, katulad ng superman na binigay sakin ni Chase, oo nga, hindi nagtagal yung kung ano man yung more than the usual friendship thing naming ni Chase, namatay man yung lovestory namin na parang si Jed, pero nandyan padin sya kahit ano ang mangyari binabantayan lang si Rob. And katulad ko rin, kahit sabihin ko na hindi nga kami ni Chase, who cares, bestfriend ko si Chase at I know na pinili nya maging mag bestfriend lang kami over the relationship kasi alam ko ayaw nya din ako masaktan sa dulo, ayaw nya ako paasahin, ayaw nya na maging katulad lang siya ni Arvin, he wants me to be happier kaya nya hindi tinuloy, and pag mag bestfriends lang kami, walang ilangan, walang tampuhan (ahhhm minsan lang) at walang emosyon na kasali pag nagkakasakitan. At lastly, yung ulan ang nagpaparamdam kay Rob na lagi lang nandyan si Jed at hindi sya nito iniwan, just like our friendship, nawala nga yung Boyfriend thing pero yung friendship, SOLID, parang Pyramid, and even when the wind is blowing, haha kumanta?

I just chose to be happy for Chase (as if I have a choice… haha joke) syempre may choice ako na kamuhian sya sa buong buhay ko, pero I chose to accept his descision, kasi he did not do that just for him, pero also for me. Chase putangna ka! Mahal na mahal kita…. Bilang bestfriend syempre.

After that, Chase and me are more than okay, balik sa dating gawi, balik sa kung ano yung meron kami dati, bestfriends lang.

I planned to go home sa bahay namin sa Zambales syempre namimiss ko din ang pamilya ko, 3 kong makukulit na pamangkin, si Kuya ko, si Ate, si Bunso, at si Mama at Papa syempre

Everytime na umuuwi ako sa bahay (which is once in a blue moon lang talaga) I take time to catch up kung ano ba bago sa pinakamamahal kong pamilya, pero kung dati sasama si Arvin sakin para sabay kami bumisita sa bahay namin, wala eh! Ngayon, eto ako sasakay ng Victory liner ng magisa, hayst, kawawang Gabriel, kawawa talaga (wait!) hindi ako kawawa, maraming nagmamahal sakin, yun lang ang depensa ko lagi sa lahat ng nararamdaman kong sakit na dahil parin sa pagkawala ni Arvin, hay! Hay talaga, eto magisa ako sa pangatlo sa huling upuan, walang katabi, umandar na yung bus at nang makarating kami sa parte ng Chinese Gen. may sumakay na isang lalaking na wala naman akong pakialam hanggang umupo sya sa tabi ko at napatingin nalang ako sakanya, sa dami ba naman ng pwedeng upuan sa tabi ko pa? hala! Ano to bakit? Bading ka Bading? Crush mo ko? (haha! ASSSHHHUUMING!) hahaha. Tarantang taranta ang lalaki at parang gusto ng umihi sa kinakaupuan nya, kinuha nya ang cellphone nya sa bag at bigla syang napamura ng mahina

“Shit! Puta!” sabi nya, bigla syang tumingin sakin na para bang may gustong itanong, hindi katagalan ay nagsalita sya “Pwede itanong yung oras” sabi nya sakin

“Ahhh, mag 7:00 na” sagot ko sakanya

“Thanks” sabi nya sakin at sabay umalis na ang tingin nya saakin at umupo ng komportable sa upuan nya

Habang nasa NLEX kami ay nakatulog ako, at pag gising ko ay nasa stop over na kami (ay! Parang napikit lang ako sandal, ang bilis ah!) nagising ako hindi dahil huminto yung bus, kung di dahil parang kinalabit ako ng lalaking katabi ko

“Ahhh, cellphone mo oh, nahulog kanina, nahihiya naman ako gisingin ka, kaya eto” sabi nya saakin

“Ahhh salamat ah” laking pasasalamat ko na binalik nya ang phone ko, baka kung iba yun, kuhanin na yun tapos bababa nalang sa bus na parang wala lang, awww! Ang sweet, puta eto nanaman ako

“Taga san ka?” tanong nya saakin

“Taga San Marcelino” sagot ko sakanya

“Oh? Taga dun din ako eh” sabi nya saakin “Hmm, di kita nakikita dun” sabi nya pa

“Ahh, minsan lang kasi ako umuwi, kaya ayun tsaka di ako masyado naglalalabas” sabi ko sakanya

“Aiii! Sorry sorry, Ivan nga pala” pakilala nya saakin, sabay abot ng kamay nya saakin

“Gab” pakilala ko din sakanya sabay bitaw ng isang mala pamatay na ngiti haha, ang cute nya shit! Ang cute tuloy ng ngiti ko!

Nagkakwentuhan kami sa buong natitirang byahe at nalaman ko na sa malapit lang pala na malapit lang ang tinutuluyan nya sa apartment ko sa Manila, Wow! Parang hindi kami nagkikita, pero sa isang Unibersidad sya sa Padre Faura sya nagaaral ng Speech Pathology. And shit! Ang mas malupit, yung bahay nila walking distance lang sa bahay naming (though hindi ganun kalapit, basta pwede lakarin)

“Ahhhm Gab, favor naman oh” sabi nya sakin

“Ano?” tanong ko sakanya

“Are you gonna do anything pag uwi mo? I mean? May gagawin ka ba? Ahhhm parang ano, may gagawin ba? I…i..f you got plans tonight?” tanong nya

“Hmp! Speech patho tapos nag is-stutter pag nakikipagusap” pabiro kong sabi sakanya

“haha! Sorry naman malamig dito sa bus eh” palusot nya, haha I’m sure crush nya ako (joke! Haha) kasi crush ko sya! Bwaha, ano ba yan? Ang bilis naman “So… meron ba?” tanong nya

“Wala naman! Bakit?” tanong ko kay Ivan

“Can I pick you up later? Tambay lang tayo sa may seaside area sa may Olonggapo… and kung okay lang sa’yo let’s drink up” sabi nya sakin

Syet! Gimik agad! Kakakilala palang namin, nakakahiya naman! Pero kahit gusto ko ewan, nahihiya talaga ako… eeeh! Gusto ko sumama pero syempre, basta!

“Ahhhm, hindi ka ba namimiss ng pamilya mo alis ka agad mamaya pagdating mo?” tanong ko sakanya

“Ahhh, wala parents ko dyan, nakatira lang ako sa Lola ko, eh pagdating ko naman dun tulog na yun, kaya ayos lang na bukas na kami magkita” paliwanag nya “Ahhhm! Oo nga no nakalimutan ko uwi ka nga pala satin para sa parents mo, sige sige siguro next time” sabi nya

“Sige na! Oo na! Okay lang kay Mama yun, magtatagal pa naman ako dun eh” sagot ko

“Really? Sasama ka?” exited nyang tanong

“Oo nga po! Kulet! Haha” sagot ko sabay tawa at ngiti sakanya


Is it too fast? Ewan, basta alam ko single ako, at may karapatan ako gawin ang kahit nong gustuhin Ko :) that's for sure

(to be continued...)


[04]
Pagdating namin sa plaza kung saan kami binaba ng bus ay naghiwalay kami pero bago kami maghiwalay, he asked for my number para makontak nya ako syempre

“Gab, okay lang ba kunin ko number mo para text kita if I’m on my way” sabi nya saakin

Agad ko naman binigay yung number ko para makaagready na ako pag nagtext sya

Sumakay ako ng trycicle pauwi sa bahay namin, lintek naman kasing kotse ko, hanggang ngayon sira parin, hindi naman pinapagawa nila Mama, pano, dapat ako nagpapagawa nun, eh kalimutan na nga muna yan ngayon, may Gimik pa ako mamaya

Pagdating ko sa amin, agad ako sinalubong ng mga pamangkin ko, at ni Ate ko

“Kumain ka na?” tanong ng ate ko saakin

“Hindi pa “ sagot ko sakanya

“Oh! Kumain ka na dyan, may ulam pa dun sa table” sabi ni ate

“san si Kuya? Tska si CJ?” hanap ko sa dalawang kapatid ko

“Naku, tulog na yung dalawa, si Mama tsaka si Dade nasa farewell party nung ka batchamte yata ni Dade nung highschool” sabi ni ate

“Ahhhh…” yun lang ang naisagot ko sakanya, di kasi ako makapagisip ng maayos, basta! Ewan!

Ewan hindi naman ako makakain, basta hinihintay ko yung text ni Ivan, exited ako na makasama ko sya tonight ngayon lalo na mahilig ako sa seaside, basta masarap pagmasdan yung tubig ng dagat at pag malakas yung hangin, ang sarap din tignan nung mga alon na nagsasapa ewan, ewan, nature lover din naman ako kahit papano.

“Uyyyy” boses ni Kuya ang narinig ko, syet! Nagising si Kuya ko

“Kala ko tulog ka na?” sabi ko sakanya

“Nagising ako, ingay mo eh” sabi nya saakin

Nakakmiss din yan si Kuya, sakanya ko din kasi unang nasabi na Bi ako, hindi kasi pwede malaman sa bahay, and hanggang ngayon, kahit si ate ko or yung bunso naming kapatid hindi alam ito. Paano, bi din si kuya ko, kaya alam ko na maiintindihan nya ako. It was never revealed to my family kasi they expect so much from me, kasi alam na nila na bi nga si kuya, basta parang sakin nila ineexpect lahat ng mga dreams nila ay tutuparin ko, si kuya ko kasi pasaway, nag Engineer kahit gusto ni Dad ko na maging Doktor sya, pero hindi naman nila pwede sisihin si kuya, kasi kumikita naman ng maayos si uya ko sa trabaho nya, kaya kahit di nya nasunod si Dade, at sinunod nya ang gusto nya, naging maayos padin ang buhay nya.

“Kamusta na si Arvin?” tanong ni kuya ko, ahhh, pinaalala pa, matagal na kasi ako hindi nakakauwi and hindi ko naman naibalita sakanya na nagbreak kami ni Arvin

“Wala na! kinain ng galit nya” sagot ko sabay tawa

“Ha? Ano?” tanong ni kuya ko, bigla ko tuloy naalala lahat,

“Nako kuya wag mo na itanong, basta, wala na yun okay na ako” hayysst! Okay nga ba ako? Bigla nawala sa isip ko si Ivan at bigla nanaman bumalik ang isip k okay Arvin, shet! Bakit ba nagkaganun kami, sana naman mawala nato, sana sumaya na ako, kasi alam ko I deserve to be happy.

“Wala na ba kayo Gab?” tanong ni kuya ko

Sabay iling ko lang sakanya na alam ko naintindihan nya na wala na nga

“Ano ba nangyari sainyo?” tanong ni kuya “Alam mo naman pag ganyang problema maasahan mo si Kuya diba?” sabi nya

“Can we talk about this bukas kuya? May lakad pa ako eh, pero thank you kuya ah” sabi ko sakanya

Sobrang cool ni kuya ko no? pero kahit alam nila na ganun si kuya, sobrang discreet din ng kapatid ko, kung tutuusin, mas lalaki pa sakin kumilos yan eh, hindi mo mahahalatang bi sya unless gwapo ka at nginitiian mo sya! Hahaha, gwapo ng boyfriend ni kuya, sa sobrang discreet nilang dalawa, parang barkada lang sila, barkadang naghahalikan tsaka nag sesex hahaha, bakit may barkadang ganun ah? Diba?

“Eh kayo ni Dale? Kamusta na?” tanong ko naman

“Wala! Walang bago malapit na mag 3 years” sabi nya

Hay…. Buti pa si kuya ko, mahal na mahal nila ni Dale yung isa’t isa, shit! Lalo ko tuloy namimiss yung mga times na naiinggit si kuya sakin dahil kay Arvin, hehe, well tapos nay un. Ako naman ang naiinggit sakanya ngayon.

Isang oras na ang nakaraan at hinihintay ko pa rin yung text ni Ivan, ang tagal naman, haha, minamadali. Syota? Ganun? Haha. Hanggang maging halos 3 oras ko na sya hinihintay, halos mamawis na yung kamay ko kasi hindi ko binibitawan yung phone ko, hindi ko naman sya matext kung nasan na sya, hindi ko alam yung number nya at kung alam ko, hindi ko rin naman sya itetext, nakakahiya, sya nalang nagaaya ako pa yung mamimilit. Magkausap lang kami ni Kuya ko sa may terrace sa labas, naikwento ko na rin sakanya lahat ng nangyari at kung paano kami nagkahiwalay ni Arvin

“Okay lang yun Gab, madami pa ibang nagmamahal syao dyan” payo ni kuya ko sakin

Lahat nalang yun ang sinasabi sakin, wag ako malungkot kasi madami namang nagmamahal sakin, hay, sana nga, and ako? Hindi ako napapagod magmahal, kahit ibigay ko lahat para sa pagmamahal, kasi taoyng lahat pinanganak tayo para mahalin tsaka magmahal, at iyun naman ang naging inspirasyon ko para simulan ang SBLS- The Letters, kung saan nagfocus sa isang kakaibang istorya ang bida duon na si JL, na iniwan ng mahal nya, pero nakaktanggap sya ng mga letters ng namatay nyang boyfriend na kinakamusta sya, pero ang point ng story is to make us realize na madaming nagmamahal satin, an gang purspose natin sa mundo ay ang pagmamahal, iyun lang, kasi kahit anong bagay na gawin mo ng may pagmamahal, sigurado, magtatagumpay at magtatagumpay ka, pero hindi ko agad natapos ang The Letters, unti unti ko syang sinulat hanggang matapos ko siya

Shet! Mag alalas 2 na ng madaling araw, apat na oras ko na hinihintay yung text ni Ivan, so hindi na ako umasa na dadating pa sya, ang ginawa ko nalang, nakipagusap nalang ako kay kuya sa terrace, hanggang wala pang sampung minuto makalipas ang alas 2 ay may kotseng pumarada sa harap ng bahay naming

“Bago kotse natin kuya?” tanong ko kay kuya na akala ko ay sila Mama ang sakay ng kotse

“Hindi! Sino ba yan?” tanong ni kuya, maya maya lang ay huminto ang makina at lumabas ang driver ng kotse kasabay ng paghinto ng makina ay sabay ng paghinto ng mundo ko sa nakita ko (joke! Hindi naman tumitigil ang mundo sa pagikot) SHET! Si Ivan! Ang gwapo gwapo, naka polo (ano konek! Haha)

“Oh! Paano mo nalaman bahay namin?” tanong ko kay Ivan

“Kinukwento mo kaya sa bus kanina, or kagabi I mean, oo nga kagabi” sabi nya pa “Hindi ko nga alam kung saan exactly sa street na to buti nakita kita dito sa labas” dagdag nya pa

“Bakit di ka nagtext?” tanong ko sakanya

“Papasukin mo bisita mo Gab” sigaw ni Kuya, ay oo nga naman! Naku basta gwapo bilis magreact ng kapatid ko

“Ahhh, oo nga pala, tara Ivan pasok ka muna, ahhh, si kuya ko nga pala, kuya PJ, si Ivan” pakilala ko kay Ivan sa kuya ko

“Paul pare” lalaking lalaking pakilala ni kuya ko, sabay tingin sakin ni Kuya at ngiti, hala! At aagawan pa yata ako

“Ivan po” pakilala naman ni Ivan sakanya “ay Gab, hindi mo ba narecieve yun mga texts ko? O mali yung number? Kasi I tried to call the number din kaso busy eh” sabi pa nya

“Patingin ako ng number” sabi ko sakanya, pagtingin ko sa tinype kong number kanina ay, pucha! Kaya pala! Mali nga, yung dalawang digits sa dulo napagpalit ko, Shit! Kaya pala wala akong narerecieve, pero okay nadin, effort narin na hanapin nya yung bahay namin, aiiii! I smell LOVE, shet! Ang gwapo ko talaga (haha joke)

Kaya pala ang tagal ni loko, ilang oras din akong parang tangang hinihintay sya ah, lintek naman kasing pag ka disoriented ko kanina, mali pa tuloy naibigay kong number

“Ahhm Gab? Okay na ba? Tara!” aya nya sakin?

“Tuloy pa tayo sa Gapo?” tanong ko sakanya

“Oo naman” sabi nya

Nagpaalam na ako kay kuya at bago ako umalis, sinenyasan ako ni kuya at may ibinulong sya na nabasa ko naman sa mga labi nya “Ingat, galingan mo!” yun ang sabi ni kuya, o tama ba? O hindi, basta kung hindi man exact, ganun yun! Ahahahahaha…. Shet! Akala ko di sya dadating, buti nalang, buti nalang. Ayiiii it’s going to be a long night for me, for us pala, hahaha, self control GAB, self control, that’s all you need.. SHET! Ang gwapo nya! Hahahaha CONTROL sabi eh! Hahaha


(itutuloy...)


[05]
We were driving to Gapo and halos the whole trip he was saying sorry to me, about the wait, lahat, pati sa pagalis naming ng madaling araw na, kesyo baka hanapin daw ako nila mama, tapos nakita pa sya ni kuya ko, basta, puro sorry


“Hui! Wag ka na nga mag sorry dyan! Di naman kailangan eh” sabi ko sakanya


“Kailangan, pinaghintay kita no” sabi nya


“Eh! Tama na kasi, bahala ka bababa ako dito” sabay tawa ko sakanya


“Sige na Sorry na for saying sorry” sabi pa nya


“Ayan nanaman oh!” makulet kong sabi


Dumating kami sa isang seaside tambayan, mga about 2:30 na ng madaling araw


“Ahhhm Gab? I got drinks sa compartment? Nagiinom ka ba?” tanong nya sakin


“Great time to drink, ngayon siguro, kaya tara, bring on the shots baby” makulet kong sagot sakanya


Habang nakaupo sa kinalulugaran naming na kita nag dagat I was just silent, nakatingin sa tubig, ewan, naiisip ko parin si Arvin, hayop na yun, di mawala sa isip ko, kung nakakasigaw lang yung puso ko sabihin nya TAMA NA UTAK! Masyado mo sya iniisip pero sasagutin sya ng utak ko EH ADIK KA PALA EH, mamahal mahalin mo ng sobra tapos ako sisihin mo na iniisip ko sya. Haaaayy! Tama na away, inom nalang para kahit papano, mawala yung iniisip ko na to


“Tahimik ka! May iniisip ka Gab?” tanong ni Ivan sakin


“Ahhhm, complicated, hindi mo maiintindihan” sabi ko sakanya


“Hmmmm, feeling ko alam ko” sagot nya


“Oh sige nga daw!” hamon ko sakanya


“There is this one person na iniisip mo….. di matanggal sa utak mo!.... Tama ba Sir?” sabi nya sakin


“Hmmmm, pwede, ano pa?” tanong ko pa sakanya


“Hindi mo sya ma-let go kasi sobrang halaga nya para sayo” dagdag nya sa naunang sagot


“Siguro, anything else?” kulet ko pa sakanya


“And iniisip mo, kung maibabalik mo lang sya sayo, pwede ka na mamatay?” sabi Pa nya


“Mali!” sagot ko sakanya “Siguro yung naunang dalawa pwede pa, pero yung pangatlo, Malabo bro!” dagdag ko pa


“Ahhh, sorry, kala ko, parehong pareho tayo ng nararamdaman, I just felt we we’re on the same situation” sabi nya sakin


Nagulat ako na tumingin sya papalayo sakin at idinukdok ang muka nya sa mga braso nya


“Hey! Okay ka lang ba Ivan?” tanong ko sakanya


“Yah! Hirap noh bro? mahal na mahal mo tapos kailangan matapos ng ganun lang” sabi nya sakin


Awwww shit! Brokenhearted din ang bago kong tropa! Hay….. Ako nga pala si Superman, Superman to the rescue, I came closer to him and hinimas ko yung likod nya to atleast alleviate the pain na nararamdaman nya


“Kasi Ivan, alam mo, kahit gaano man kamahal ng mga tao ang isa’t isa, pag hindi talaga para sa’yo, hindi mag wowork” payo ko sakanya “Lagi nga nila sinasabi sakin, marami nagmamahal sayo Gab, kaya wag ka malungkot na nawala sya sayo” sabi ko sakanya “And I’m sure madami ding nagmamahal sa’yo”
dagdag kong muli


“Sana dumating na sya no?” sabi nya sakin


“Sino?” tanong ko


“Sya, yung hinihintay ko” sabi nya


“Kasi, don’t wait, dadating yun bro, dadating sya, malay mo, nandyan na siya” sabi ko sakanya


Agad nyang itinaas ang tingin nya sakin at ngumiti sya “Thanks! Sana nga” sabi nya.


Putangna! Gustong gusto ko sya halikan pero baka mapahiya ako, baka straight to, patay tayo dyan! Kaya pairalin muna ang self control sa ngayon. Ahhhhh, Shet! I wanted to comfort him but I don’t know how to without offending him if ever hindi ko sya katulad. Pag niyakap ko baka sabihin may malisya, kaya hanggang pat to back at himas lang sa likod. Whoooo! Himas palang sa likod, I’m getting chills agad, naiimagine ko sya without his shirt! Haha, ano ba yan! Dirty mind… layuan mo ko.


The night went on and nakaka 3 bottles na ko ng putangnang alchohol na to! Hahaha, ethanol sige pa sirain mo ang atay ko, sana mag ka liver syrosis ako, joke! Hahaha, I miss Arvin, I miss him so much, shet talaga. It’s been what? Almost 4 months? 4 months na pala ako nagpapakatanga, hay… hay… hay…. Buntong hinga, hahaha. Napatingin ako sandali kay Ivan at parang iba yung timpla nya ngayon, parang may something, oh wait! Umiinom kami, baka lasing na! wag tanga Gab, nakakalasing talaga ang alak


“Huy! Ivan! Emo! Okay ka lang?” tanong ko sakanya


“Oo naman! Bakit naman hindi” sagot nya


“Wala lang! kala ko lasing ka na!” sabi ko sabay tawa ng malakas


“It will take you forever to get me drunk bro!” pahambog nyang sagot


So forever pala ah! Sige tignan natin, 10 bottles lang yung dala nya nun so after naming maubos yun, we decided to go to the nearest 7/11, luckily merong 7/11 sa may Subic, not SBMA, pero sa Subic city lang, yung bayan hindi sa SBMA mismo, basta, kung hindi alam wag na itanong, haha basta malapit lang sa tinambayan naming pag dating naming dun tinanong nya ako kung ilan pa daw kaya ko, sabi ko kahil ilan pa (yabang) when he cought 10 more bottles and some chips, nagaabot ako sakanya ng 500 pero lintek ayaw tanggapin


“Eto na lang Ivan please” pakiusap ko sakanya


“Ano ka ba? Ako na!” sagot nya


“Please” mas matindi kong pakiusap. Nakakahiya kasi, kanya na yung ride, pati yung ininom namin kanina, tapos ako wala man lang binigay


“Oh sige wag na tayo mamili, Kuya pa cancel na po” pabiro nyang sabi, nahiya naman ako sa cashier na pinunch na


“Oh sige na sige na! ikaw na!” sabi ko


Paglabas namin ay nag dahilan ako na may nakalimutan ako bilin, gusto ko lang kasi sya ibili ng chocolate, isang Van Houten lang, na plain tsaka fruits and nuts, my favorite, para bigay ko lang, just a way to say thank you. Paglabas ko ay inusisa nya agad ako


“Ano ba binili mo?” tanong nya


“Basta! Oh tara na” sabi ko sakanya


“Ahhh Gab! Gusto mo sa Baywatch?” tanong nya


“Sa SBMA mismo?” patanong kong sagot


“Oo, dun lang naman yung Baywatch!” pabiro nyang sagot


“Tara Game!” exited kong sagot


We drove over to SBMA para narin samay Baywatch kami mag shot (kahit alam ko na bawal dun maginom, basta wag papahuli), pag dating namin dun, hindi kami pumunta sa may san area, dun lang kami sa may kotse, he opened up the 2 back seat doors, and dun lang kami nag inom sa may back seat ng kotse nya


“Okay lang ban a dito tayo?” tanong nya


“Oo naman! Bakit naman hindi!” sabi ko sakanya


Halos tig 7 bote na naiimon naming simula kanina pa sa Gapo, and parang wala parin syang tama, ako din, wala pa, dapat lang wala pa, baka pag nalasing ako, anung gawin ko dito. Shit! Hahaha. After mga 30 minutes or so mga 4:30 ng umaga, may isang kotse na pumarada 3 parking spaces from where we are parked. And pucha pinasarado ko agad yung 2 pinto kay Ivan, buti tinted yung kotse nya, semi tinted actually, kaya medyo kita parin kahit konti lang sa labas, madilim naman kaya sana hindi masyado


“Shit!” sabi ko


“Ha? Bakit? Kaninong kotse yan?” tanong ni Ivan


“Ehhhh! Basta!” sabi ko


Putangina talaga! Sa lahat ng lugar dito pa, bakit dito pa! shet! Hindi nya ako pwede Makita, HINDI!!!!!!


(itutuloy...)

No comments:

Post a Comment