Tuesday, January 8, 2013

Breakeven: Book 02 (01-05)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com



[01]
Sabay ng aming mga halinghing at iniipit na ungol ay ang pagbagsak ng aking mga luha. Unti unti kong ibinaba ang aking sarili sa kaniyang naghuhuminding kaselanan. Isang pigil na pagsigaw ang aking ginawad, masyado siyang malaki. Banayad niyang hinawakan ang aking mukha at pinahid ang mga luhang tumutulo mula sa aking mga mata.



“I'm sorry.” at pilit niya akong inalis sa pagkakapatong sa kaniya. Pinigilan ko siya.



“Huli na to. Pagkatapos nito, kung si Martin talaga ang mahal mo ay kusa na akong aalis sa buhay mo.” pagkasabi ko nito ay tuloy tuloy ng pumatak ang aking luha. Tumango lang siya, bilang sagot atsaka pinikit ang kaniyang mata.


Sa buong oras na iyon na nagse-sex kami ay nakapikit lang si Ram. Ang ex-boyfriend ko. iminulat ko ang aking mga mata at bahagyang kinusot ito. Ginagawa kong unan ang matipunong dibdib ni Ram habang nakayap naman sa akin ang kaniyang kaliwang kamay.



Pinagmasdan ko ang maamong mukha ng taong mahal ko. Sa ngayon ay medyo makapal na ang buhok nito, di katulad nung kami pa, pero kayumanggi parin ang balat nito. Inabot ko ang kaniyang maamong mukha at pinadaanan ito ng aking palad na animoy sinasaulo ng aking mga balat sa palad ang kaniyang mukha. Ahit na ang dati ay nangangapal na bigote at balbas nito. Andyan parin ang mga malalambot niyang labi na ang sarap sarap halikan at ang kaniyang matangos na ilong at naniningkit na mata.



“Mahal parin kita.” bulong ko.



Medyo gumalaw si Ram sa kaniyang pagkakahiga at lalong humigpit ang kaniyang yakap sa akin. Sa ngayon ay ako na ang pinakamasayang tao sa mundo, muli kong ibinaling sa kaniyang mukha ang aking paningin. Kumunot saglit ang noo nito atsaka nagsalita.



“Martin.”



Mahina lang ang pagkakasabi ng pangalan na iyon pero iyon ding mahina at malumanay na kaniyang sinabing iyon ang nakabasag sa aking pagiilusyon. Lalong bumigat ang aking pakiramdam, lalong namutawi ang akala ko ay nawala ng sakit sa aking dibdib.




Dahan dahan kong inalis ang kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang pagkakayakap sa akin, at unti unti ng bumangon mula sa kaniyang matiponong dibdib. Mahimbing parin ang tulog nito.




Hinanap ko ang aking mga damit at isa isa itong sinuot. Sa bawat piraso ng damit na aking sinusuot ay di ko mapigilan ang aking sarili na lumuha. Pano kasi, alam ko na sa ginagawa kong iyon ay unti unti ko ring tinatanggap na hindi na maaaring maging kami ulit ni Ram.




Tahimik kong pinagmasdan si Ram.




“5 minutes na lang.” sabi ko sa sarili ko, kasabay nito ang pagtulo ng matatabang luha mula sa aking mga mata. Di ko na ito mapigilan para na itong gripo.




“4 minutes.” bulong ko. Pilit kong inuukit sa aking utak ang kaniyang itsura, habang patuloy paring tumutulo ang aking mga luha.




“2 minutes.” Lumapit ako kay Ram at pinadaanan ko ng aking daliri ang mga labi ni Ram. Dahil alam ko, maaari ito na ang huling pagkakataon na magawa ko ito.




“60 seconds.” inilapat ko ang aking labi sa kaniyang labi.



Sinimulan ko ng tumalikod at maglakad palabas ng kaniyang silid ng marinig ko itong gumalaw at bumulong.



“Martin.”



Sa pangalawang pagkakataon, naramdaman ko nanamang parang may kutsilyo na tumarak sa aking dibdib, sa sobrang sakit ay napahawak pa nga ako dito at mistulang nahihirapang huminga. Sa pangalawang pagkakataon din na iyon ay naramdaman ko ng may iba na talagang minamahal si Ram. Sa pangalawang pagkakataon, di sinasadyang pinamukha sakin ni Ram na hindi ako ang mahal niya.



0000oooo0000



Naririnig ko ang mga saranggola na masiglang lumilipad sa langit at ang mga tawanan ng mga batang nagpapalipad nito.




“Buti pa sila may dahilan para tumawa.” sabi ko sa sarili ko.




Di ko alam kung bakit pero nakita ko nalang ang sarili ko na nakaupo sa isang bench, may hawak na hotdog na nakapaloob sa tinapay nito sa kanang kamay at isang baso ng coke sa kaliwa, di ko natatandaang nagugutom ako pero nakuwa ko paring bumili ng mga ito.




Ibinaba ko ang mga ito sa tabi ko. Panandaliang tinignan ang aking mga palad saka ito ginawang pantakip sa aking mukha. Patuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko.




Sige pa inom pa!” alok ko kay Ram habang hawak hawak ang bote ng beer at patuloy na itinutulak ito papunta sa kaniya.




Baka malasing na ako nito.” sabi niya, sabay ngiti.




Panandalian akong napatigil at tinignan ang ngiting iyon. Ang paborito kong ngiti.



Ram's famous crooked smile.” dikta ng aking isip.




Nabasag lang ang aking pagmumuni muni na iyon nang pumitik si Ram sa aking harapan. Sabay tawa.




Ikaw ata ang lasing na.” sabi nito, pero patuloy ko paring tinitigan ang mukha nito.




Huy! May dumi ba ako sa mukha?!” sigaw nito sakin. Umiling lang ako bilang sagot.




Lumipas ang oras, lalong lumakas ang tugtog sa loob ng club. Lalo ring kumapal ang tao, at kumapal na din ang aming naiinom na bote. Muli kong tinitigan si Ram, idinako nito sa akin ang kaniyang paningin saka ngumiti.




Di ko alam kung bakit ganoon parin ang epekto sakin ni Ram. Isang ngiti lang at talaga namang dumadagundong ang aking puso sa loob ng aking dibdib. Muling inilagay ni Ram ang kaniyang kamay sa harap ng aking mukha at pumitik pitik ulit.




Huy!” sigaw ulit nito sakin.




Walang ano ano ay hinila ko ang kaniyang kamay at inilapat ito sa aking dibdib. Nagulat siya sa aking ginawang yun at pilit na hinila ang kaniyang kamay, pilit binabawi ito, pero lalo ko lang hinigpitan ang aking pagkakahawak sa kaniyang kamay.






Mabilis parin ang pagtibok ng aking puso. Patuloy paring nagtatama ang tingin naming dalawa ni Ram at nasa dibdib ko parin ang kaniyang kamay. Wala akong pakielam kung pagtinginan kami ng mga tao sa paligid.




Ikaw parin yan, sayo parin tumitibok yan.” mahina kong sabi kay Ram. Binigyan lang ako ni Ram ng isang malungkot na ngiti saka binawi ang kaniyang kamay mula sa aking pagkakahawak. Kinuwa ko ang bote ng beer sa aking harapan at tinungga ito.




0000oooo0000



Pasok ka muna.” aniyaya sakin ni Ram sa kanilang bahay.



San si Martin?” matamlay kong tanong dito.



Out of town. Pinadala ng opisina sa Palawan.” sabi ni Ram saka matamlay na pumuntang kusina.



Gusto mo kape bago ka magdrive pauwi?” tanong nito sakin.




Ok lang.” sabi ko saka sumunod sa kaniya sa may kusina.



Tinignan ko si Ram mula sa malayo, magiliw itong nagtitimpla ng kape. Di ko napigilang lumapit at yakapin siya mula sa likod.




Ram.” malungkot kong tawag sa kaniyang pangalan.





Matagal kami sa posisyon na iyon. Nakikiramdam kung sino ang unang kakalas at kung sino ang unang magsasalita. Iniharap ko siya sa akin saka banayad na pinaandar ang likod ng aking palad sa kaniyang pisngi, nakatitig kami sa mata ng isa't isa. Pero kumalas din siya agad.




Mahal parin kita Ram.” bulong ko sa kaniya. Di siya sumagot at iniiwas na niya ang kaniyang tingin sa akin.




I'm sorry...” panimula ni Ram pero hinalikan ko siya bago pa man niya matapos ang kaniyang sasabihin. Mapusok, maiinit at mapangakit ang halik na iyon. Sinubukan niya akong itulak palayo pero ng maglaon ay nagsimula naring lumaban si Ram sa halikan. Hinila ko siya pabalik sa sala at inihiga sa sofa. Di parin napuputol ang halikan naming iyon.




Magkapatong kami sa sofa at mainit paring naghahalikan nang biglang kumalas sakin si Ram. Malamlam na ang mata nito at parang iiyak na.




Di tama ito.” bulong niya habang nakatitig parin sa aking mga mata.




Mahal kita. Walang mali doon.” bulong ko at ilalapat ko ulit sana ang labi ko sa mga labi niya ng bigla siyang umiwas.




But I love Martin at yun ang mali dito.” malungkot niyang sabi. Natigilan ako. Nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa aking mga mata. Muli nanamang nagtama ang aming tingin. Ramdam ko ang sinseridad ng sinabing yun ni Ram, alam kong di siya nagsisinungaling. Mahal niya talaga si Martin. Iniwas ko ang aking tingin sa kaniya. Kutsilyo nanaman ang tumarak sa aking puso.




Ngayon na lang ulit Ram.” matipid kong sabi. Nagulat si Ram at ganun din ako, di ko alam na masasabi ko ang mga iyon.





Ngayon na lang ulit, gusto ko lang matikman ang mga halik mo ulit. Kahit sa huling pagkakataon, gusto ko lang maramdaman yung pagmamahal na nanggagaling sayo.” malungkot ko uli na pahayag kay Ram. Tumingin lang ito sakin, malungkot na tumitig sa aking mga mata atsaka hinawak ang kaniyang magkabilang kamay sa aking pisngi at unti unting inilapat ang kaniyang mga labi sa akin.




Di ko to kayang gawin kay Martin. I'm sorry.”




Pahayag ni Ram sakin habang isa isa na naming hinuhubad ang aming mga saplot. Isa nanamang kutsilyo ang tumarak sa aking puso. Pero manhid na yun. Di ko na pinapansin pa ang sakit.




Ipikit mo na lang ang mga mata mo at isiping si Martin ang kasama mo ngayon imbis na ako.” malungkot na sabi ko.




Di ako makapaniwalang sasaluhin ko lahat ng sakit na ito.



Can you hear how pathetic you sound?” bulong ng isang bahagi ng isip ko, di ko na ito pinansin at pinagpatuloy ang lalong pagpapahirap sa sarili ko.



Kung kapalit naman nito ay maramdaman muli ang pagmamahal kay Ram kahit ngayong gabi lang, kahit ano pang itawag mo sakin, pathetic man o ano, wala akong pakielam.” sabi ko sa sarili ko. Sa buong panahon na nakikipagtalo ako sa sarili kong isip ay tinititigan lang ako ni Ram, saka ipinikit ang kaniyang mga mata. At ito ang huling patunay na wala na nga ako sa kaniyang puso.




Di ko namalayan na inialis ko na pala ang aking mga palad sa aking mukha at matamlay na nakayuko na lang ngayon.



“JOEY NO!!!” sigaw ng isang lalaki na bumasag sa aking pagmumunimuni.



Ibinaling ko sa lalaki ang aking tingin at kumunot ang aking noo sa kaniyang pagsigaw na yon. Nakita ko siyang nagulat, marahil ay nakita ang aking pag-iyak. Napahawak naman ako sa aking psingi at pinahid ang mga luha na patuloy parin sa pagtulo.



“I'm sorry.” sabi nito sakin.



“Huh?” takang tanong ko naman.



“I'll pay for the hotdog.” turo nito sa aking tabi kung saan nandun ang isang malaking aso na nginangata ang kanina lang ay hawak ko na hotdog.



“No. Its ok. He can have it.” sabi ko sabay pakawala ng matamlay na ngiti. Tinignan lang ako ng lalaki at bahagyang kumunot ang noo nito.



“Do you mind if I sit beside you? Parang kailangan mo kasi ng kausap eh.” may pagka atribidong sabi ng lalaki, tinignan ko ito, maputi ito, nakasalamin, medyo matangkad at tama lang ang pangangatawan.



“No. I don't mind.” nagtataka kong sabi.



“Kevin nga pala, Kevin Miranda” pakilala niya sabay abot ng kamay sakin.


“Drei, Adreian Chua.” sabay abot sa kamay niya at inalog ito.


“Si Joey nga pala.” turo niya sa St. Bernard na aso na nginangata parin ang aking biniling hotdog.



Itutuloy...



[02]
Tumabi ang lalaking atribido sa kabilang dulo ng bench at sunod na umupo naman ang kaniyang aso, nasa gitna namin ito ngayon. Pasipol sipol ito na kala mo isang empleyado na katatanggap lang ng kaniyang 13thmonth pay. Tinapunan ko ito ng tingin, di ito tumingin sakin at daretso lang sa panonood sa mga batang naglalaro sa harapan namin, nagulat ako ng biglang dumungaw ang aso at dinilaan ako sa mukha.




“Sorry.” sabi ni Kevin.



“Ganyan talaga si Joey, ayaw niyang may nakikitang umiiyak.” makahulugang sabi nito sakin sabay turo sa kaniyang pisngi, isinunod ko naman ang aking kamay sa aking sariling pisngi at doon ko nalamang natulo parin pala ang aking mga luha.



“Joey, I don't want to see you licking somebody elses' face ok, you have to behave or else I will not let you out for a walk anymore.” sabi ni Kevin sa aso, umingit lang ito at ipinatong ang baba sa aking kaliwang balikat.



Tahimik.




“Love problem?” bulalas ni Kevin sa kabilang dulo ng bench, di ko ito pinansin nung una.



“Drei?” tawag nito sakin.



“I-I'm sorry? Akala ko kasi si Joey parin yung kausap mo eh.” sabi ko dito. At napatawa naman ito.



“Cute.” bulong nito pero nagkunwari akong di ko ito narinig.



“Ano ulit yun?” tanong ko.



“Ah wala, sabi ko cute magpalipad ng saranggola yung mga bata, gusto mo i-try?” tanong nito sakin. Umiling ako pero biglang tumahol si Joey sa tapat ng aking tenga.



“Gusto ka niyang kasama.” sabi ni Kevin.



“Tranlator?” tanong ko sa sarili ko at maya maya pa ay dinilaan nanaman ako ng malaking aso.



0000oooo0000



Paikot ikot si Joey sa baba ng aming pinalilipad na saranggola, para bang pag naabutan niya ito na mababa ang lipad ay tiyak kong sasakmalin niya ito, katabi ko naman si Kevin na nagpapalipad ng saranggola, di ko alam, pero parang nababawasan ang hinanakit na nararamdaman ko habang pinapanood ang saranggola na lumilipad.




“It's nice to see you smile.” sabi ni Kevin sa aking tabi.



“Bakit ka nga pala umiiyak kanina?” tanong ulit nito sakin.



“Ah eh wala naman, saka wala ka na do...”



““ALAGWA! ALAGWA!”” sigaw ng mga bata at nakita ko na lang ang isang malaking saranggola sa hugis na genie na bumabagsak papunta sakin. At isang mahapding pakiramdamn na lang ang naramdaman ko sa aking ulo at ang malalakas na tahol ni Joey ang aking huling narinig bago ako mawalan ng malay.



0000oooo0000



Ramdam ko ang pagbuhat sakin ng isang malaking lalaki, sumisigaw ito pero di ko masyadong maintindihan kung ano ang sinasabi nito, sa aming likod ay may asong tahol ng tahol, sinubukan kong imulat ang aking mga mata pero leeg lang ng lalaking nagbubuhat sakin ang aking naaaninag saka ako nahilo at nawalan ulit ng malay.



Pumasok kami sa isang malamig na lugar, may makirot na bagay akong naramdaman sa aking kanang kamay, parang may karayom na sinusuot sa aking ugat, sinubukan ko itong igalaw pero nanghihina ako.




0000oooo0000



Idinilat ko ang aking mga mata at nasa isang kulay asul na kwarto ako, halos lahat ng bagay sa loob ng kwartong yun ay asul, itinutok ko ang aking tingin sa lalaking nakayukyok sa upuan malapit sa aking hinihigaan, mukhang tulog ito, ipinikit ko na lang ulit ang aking mga mata.



0000oooo0000



“We need to run some more test, and we need to keep him hydrated, mukhang ilang araw ng hindi nakain si Drei, if kumakain hindi naman sapat, I think its not because of the kite hitting his head that made him lose consciousness, sa tingin ko ay di pagkain ng maayos atsaka over fatigue ang dahilan, but still sabi ko nga kanina we still have to run some test.” sabi ng isang babae na hindi ko kilala, di ko na iminulat kasi ang aking mga mata, tinatamad akong i-mulat ito.



“Drei, gumaling ka na please.” bulong sakin ng lalaki, pero di ko parin minulat ang aking mga mata at tinatamad pa ako.





Bakit sabi sakin ng mga katrabaho mo sa office di ka nanaman daw pumasok?!” sabi sakin ni Ram habang pinapanood ko itong nagluluto ng pagkain para sakin.




Hoy! Sumagot ka! Aba Drei, hindi sa lahat ng oras andito kami para sayo!” sigaw ulit nito at umiling iling.



Napangiti ako, eto lang naman talaga ang motibo ko kaya ako nagpapagutom at hindi nagpapakita sa opisina eh, dahil gusto kong magalala sakin si Ram, kahit papano kasi nararamdaman ko na importante ako para dito.



Nako! Papatayin ako nito ni Dalisay eh!” sabi niya na ikinasibanghot naman ng mukha ko.



Ibinilin ka niya sakin, di mo maiaalis sa kaniya ang pagaalala.” sabi nito ulit sakin saka hinawakan ang aking pisngi at kinurot ito.



Daig ko pa may alagaing anak eh! Sige na, babalikan kita mamya at bukas ng umaga.” sabi ulit nito sakin, nginitian ko lang ito, pero bago siya lumabas ng bahay ay nakita ko ang lungkot sa mga mata nito.




Ibinuka ko ang aking mga mata at naramdamang may namumuong mga luha sa mga ito, nakita kong nakadungaw sa mukha ko si Kevin at pinilit ko ulit na makatulog.




0000oooo0000



“Kaano ano niyo nga ho ulit yung pasyente?” tanong ng isang babae, di ko na ito pa pinagtuunan ng pansin at nagpasya ulit na bumalik na lang sa pagkakatulog.



“Boyfriend ko siya.” sagot ng pamilyar na boses ni Kevin, bigla akong napaupo sa sinabi niyang yun, pati ang nurse na siya pa lang kausap ni Kevin ay nagulat.



“ANONG BOYFRIEND?!” sigaw ko kay Kevin, napakamot naman ito sa ulo nangingiti ngiti.



“Ahmm nurse pwede bang maiwan mo muna kami, may paguusapan lang kami nitong honey ko.” malambing na sabi ni Kevin sa nurse, napangiti naman ang nurse na miya mo kinikilig.



“Kinikilig ka pa diyan! Eh kung kuwanin ko yang cap mo at isampal ko sayo, eklaterang to!” sigaw ng isip ko sa atribidang nurse.




“Anong kaguluhan to? Anong boyfriend? Kailan pa?!” sabi ko dito, napadako naman ang aking mata sa suot ni Kevin na t-shirt may natuyo pang dugo dito, kinapa ko ang aking ulo kung saan lumanding ang saranggola.




“5 stitches.” sabi nito at binigyan ako ng isang basong tubig.




“Magpaliwanag ka.” sabi ko sa pagitan ng bawat lagok, ngumiti si loko at napakamot ulit sa ulo.




“You were bleeding like mad, dinala kita sa ER but all they did was put a gauze on your head, sabi nung nurse to stop bleeding daw, but the gauze kept on getting soaked so sabi ko kung ano ang dapat gawin, sabi nung nurse intayin ang immediate family mo, wala naman akong makita sa phone mo kundi ang nakalagay na Wifey, iniisip ko na baka asawa mo only to find out that she's in Marinduque, tas tinawagan ko yung madalas mong tawagan na naka record sa log mo, sabi dun isang Ram Saavedra so I contacted him, only to find out that he's out of town as well at bukas pa makakarating so I came up with the plan na magpanggap and yun nga nagpakilala akong boyfriend mo, para lang payagan nila na tahiin yang ulo mo.” mahabang paliwanag nito, tinapunan ko siya ng isang naniningkit na tingin, napakamot ulit ito sa ulo at nangingiti ngiti si kumag.




“You didn't call anybody else? At abkit kailangang boyfriend? Di ba pwedeng pinsan or something?” tanong ko pa.




“They won't believe me, akala nila dugudugu gang ako. Saka boyfriend ang una kong naisip eh.” natatawang sabi nito at kumamot nanaman sa ulo.




“Thank you.” naibulalas ko na lang, sumeryoso ito saka magiliw ulit na ngumiti.




“Ilang araw na ba ako dito?” tanong ko habang nagtetext sa mga pwedeng makatulong sakin.




“Magdadalawang araw na.” sabi nito, napatingin ako sa damit niya.




“Bakit di ka pa umuwi at magpalit ng damit?” takang tanong ko dito.




“Di kita maiwan eh, si Joey nga iniwan ko sa guard house ng ospital eh.” sabi nito, na touch naman ako.




“Ok na ako Kevin, pwede mo na akong iwan nakakaawa naman si Joey.” sabi ko dito at tumingin lang ito sakin.




“Ok lang naman ako eh.” sabi nito sakin.




“Tumigil ka nga! Magdadalawang araw ng natuyo ang dugo ko dyan sa damit mo oh.” turo ko sa damit nito at napakamot nanaman si kumag sa ulo niya.




“Yung tutoo Kevin, binabalakubak ka ba?” tanong ko dito, nagdikit naman ang kilay nito sa pagtataka habang inaayos ang sarili pauwi.




“Bakit naman?” tanong niya.




“Kanina ka pa kasi kamot ng kamot sa ulo eh.” napatawa siya at nagpaalam na uuwi muna, pero bago yun ay lumapit muna ito sakin at hinalikan ako sa noo.




“Babalik ako, dapat pag nakabalik na ako ikwekwento mo na sakin lahat kung bakit ka naiyak nung isang araw sa park ah?” bulong nito sakin saka ngumiti.




Naalala ko nanaman kung bakit nga ba ako nasa park nung araw na iyon, gusto kong alamin sa sarili ko kung bakit ko pa pinagsisiksikan ang sarili ko kay Ram gayong may Martin na ito at mahal na mahal niya pa ito. Gusto kong alamin sa sarili ko kung bakit di ko magawang bumitaw.




Nasa ganito akong pagmumunimuni ng biglang tumunog ang cellphone ko.




“Malapit na ako, kauuwi ko lang galing Bacolod, ok ka lang ba? Ano ba kasing ginagawa mo sa park na yun at bakit ka nagsasaranggola?” tanong ni Ram sa text message na dumating na iyon.




Napabuntong hininga ako, kundi pa ako maaaksidente di niya ako itetext ng ganitong kahaba, madalas walang reply kung magrereply naman “K.” at “Can't.” lang ang sagot nito, nakakapanlumong isipin na sa mga ganitong pagkakataon lang ito nagbibigay ng pansin sakin, sa mga oras na di ako pumapasok, o kaya sa mga oras na ginugutom ko na ang sarili ko. napabuntong hininga ulit ako.



Ipinikit ko ang aking mga mata at nagpahinga lang saglit.




0000oooo0000



Bigla kong iminulat ang aking mga mata dahil sa pagkakarinig ng isang pamilyar na boses, hinayaan ko munang masanay ang aking mata sa liwanag ng kwarto bago ito luminaw at mabungaran si Ram, nakikipagusap ito sa isang doktor.




“All his exams turned out to be ok, kaya siya tulog ng tulog is because I think di siya nakakatulog ng maayos before the accident at kaya di pa masyadong bumabalik ang lakas niya is because di maayos ang pagkain niya, pero after nun everything's ok, his CT's are normal so as his x-ray, pwede na siyang lumabas ng ospital bukas.” mahabang paliwanag ng doktor, nagpasalamat naman si Ram dito at lumabas na ang doktor mula sa aking silid.



Nagtama ang aming mga tingin, pinipigilan kong lumabas ang mga pesteng luha, may pagaalala ang kaniyang tingin at may halo ito ng lungkot. Dahan dahan itong lumapit, biglang bumukas ang pinto.



“Dyarannnn! Andito na ulit ako! Tignan mo oh, pinadalhan ka ni Joey ng get well soon card.” sabi ni Kevin at inabot sakin ang isang hallmark na card at sa loob nito ay may footprint ang malaking aso na si Joey, napangiti ako.



“Sino siya?” tanong ni Kevin kay Ram.



“Siya si Ram, kaibigan ko. Ram meet Kevin... Si Kevin... b-boyfriend ko.” sabi ko at nagulat pareho ang dalawang lalaking nasa harapan ko.



Itutuloy...


[03]
Nagtitigan ang dalawa, si Ram parang kinikilatis itong si Keven, na panay naman ang kamot sa ulo sa tuwing iismid si Ram.




“So san kayo nagkakilala?” tanong ni Ram.



“Sa Park.”



“Sa Mall.” magkasabay pero magkaiba naming sagot ni Kevin, kumamot nanaman ito sa ulo.



“Ibig naming sabihin, dun sa park ng isang mall.” palusot ko kay Ram, tumango naman si Kevin.



“Kailan pa?” tanong ulit ni Ram.



“Three days ago.”



“Three months ago.” magkaiba nanaman naming sagot ni Kevin, kumamot nanaman ito sa kaniyang ulo.



“Ah ibig namin sabihin, 3 days ago nung maging kami pero 3 months ago pa kami nagkakilala.” sabi ko.



“Sa may park ng isang mall malapit dito.” dugtong pa ni Kevin. Tumango ulit si Ram.




“Ah ganun ba? Ikaw din ba yung tumawag sakin Kevin?” tanong ulit ni Ram, tumingin sakin sandali si Kevin, pinagpawisan ako ng malagkit.




“Ah hindi, concern citizen lang yun, una ka lang natawagan kasi ikaw yung huling tinawagan ni Drei sa log ng phone niya, tas tinawagan na din ako.” palusot ni Kevin, napahawak ako sa kamay nito sa sobrang saya na nakalusot ito sa tanong ni Ram, tumingin naman ito sakin at nagpakawala ng isang matamis na ngiti.




“Mabuti naman at nabawasan na ako ng alagain, alagaan mo yan ah, medyo matigas ang ulo niyan, pagtiisan mo na lang.” sabi ni Ram na kala mo ibinibilin ang anak sa kaniyang kapatid, lumapit ito at ginulo ang aking buhok.



“So anong tarbaho mo, Kevin?” usisa pa ulit ni Ram.



“Ah eh...” kinakabahang sabi ni Kevin at tumingin sakin.



“Vet., ako.” sabi nito saka ngumiti.



Atsaka tuloy tuloy ng nagtanong pa si Ram na kala mo nangi-interrogate ng isang kriminal, pero ayos na din sakin yun kasi mas nakikilala ko si Kevin sa mga tinatanong niya.



“Kung ganon, ikaw na ang bahala dito Kev, sabi ng doktor pwede na raw siyang umuwi bukas.” sabi ni Ram.



“Talaga! Nakuh matutuwa si Joey niyan.” masayang sabi ni Kev.



“Masyado siyang nagalala sayo, alam mo ba yun, Drei?” sabi sakin ni Kev, halatang nagtataka si Ram sa kaniyang naririnig.



“Sino si Joey?” tanong nalang ni Ram.



“Ahhh yung aso ko.” sabi ni Kev, halatang pinipigilan ni Ram ang pagtawa niya at halatang halata sa expression sa mukha nito na nawi-wirduhan siya kay Kev.



“Ahhh. So pano, una na ako.” paalam na lang ni Ram sabay lumapit sakin at hinalikan ako sa labi, nagulat ako sa ginawa niyang yun at agad na napatingin kay Kev na biglang iniwas ang tingin.



“I-i-ingat.” nasabi ko na lang pero di na siya tinignan pa ni Kev, mukhang di naman ito alintana ni Ram kaya't tuloy tuloy na na lumabas ng kwarto.



“Sino ba yung hunghang na yun? Boyfriend mo?!” sabi ni Kev na may tonong sarkastiko.



“Ex boyfriend.” sabi kong pagbibigay diin sa salitang Ex.



Tahimik, napansin kong nagkukutingting si loko sa kaniyang cellphone.



“So bakit mo naisipang, ipakilala ako as your boyfriend?” tanong nito sakin. Matagal ako bago sumagot.



“Siguro, di palang talaga ako makaget-over sa kaniya at sinusubukan ko kung mapagmumukha ko siyang tanga kapag nagselos siya sayo.” sabi ko sabay yuko, nangingilid na ang luha ko, lumapit sakin si Kev at iniangat ang aking ulo tapos tinignan ako ng diretso sa aking mga mata. Kahit nakasalamin ito ay di maikakaila ang emosyon sa mga mata nito, di ko lang malaman kung anong emosyon yun. Maaaring awa.



“Anong gusto mong gawin ko? Gusto mo sapakin ko?!” mayabang na sabi sakin ni Kevin na ikinangiti ko naman, mukha kasi itong dork, dork na cute pero alam ko na kapag itinapat mo ng suntukan ito kay Ram ay baka magkasing match lang sila.



“Yan, mas bagay sayo ang ganyan. Ang nakangiti.” lalo akong napangiti sabay napakunot ang noo sa sinabi niyang yun.




“Ah eh... nabasa mo na ba yung get well soon card na binigay sayo ni Joey? Pinaghirapan niya yan.” lalo akong napangiti.




Sa loob ng ilang buwan na pagiging miserable, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng pag gaang ng loob, pilit man itong itanggi ng puso ko pero alam ko na dahil iyon kay Kevin.




0000ooo0000



Di mabura sa mukha ni Kevin ang ngiti habang nagmamaneho pauwi sa aking pad, nag volunteer ito na ihatid ako, nasa likod na bahagi ng sasakyan si Joey na nakadungaw at nasa pagitan namin ni Kevin ang mukha nito, paminsan minsan parin nitong dinidilaan ang aking pisngi lalo na kapag di nakatingin si Kevin.




“Whoah! Dito ka nakatira?!” sabi ni Kevin sabay turo sa matayog na building kung saan may isang unit akong inuupahan.



“Oo.” matipid kong sagot habang inilalayo ang mukha ni Joey sa aking balikat.




0000ooo0000



“Ang gulo naman ng pad mo.” sabi nito sakin ng makapasok kami sa pad ko, habang si Joey ay paikot ikot sa aking sofa.



“Matagal na kasi akong di nauwi dito.” sabi ko dito.




“Oh sino ito? May asawa ka?” tanong ni Kevin sakin nang makita ang wedding picture namin ni Dalisay.



“Shit! Bakit ba di ko a tinapon ang lintik na yan?!” sabi ko sa sarili ko.



“May asawa ka tapos may boyfriend ka? Komplikado naman ng buhay mo, dude.” walang prenong sabi sakin ni Kevin, tinignan ko ito ng masama.



“Ah eh, kung gusto mo mag-share, ah- eh andito lang ako. Hehe.” parang tangang sabi nito para lang makabawi siya.



0000ooo0000



“Alam kong nasaktan ko siya, pero sabi niya magiintay daw siya.” sabi ko habang tinutungga ang happy horse na nakaahin sa pagitan namin ni Kevin.




“Sabi mo kasi tatanggapin mo kung hindi ka na niya maintay eh.” sabi naman nito sakin, napaisip ako.



“Oo nga, pero diba understood na yon?!” sabi ko.



“Sus, Drei, sa love walang understood understood, dapat sinasabi mo ang saloobin mo kundi walang mangyayari, tignan mo yan akala mo nagkaintindihan kayo, ayun edi sumama si Ram sa ibang lalaki.” sabi niya, nasuntok ko ang lamesa at yumuko dito.




“Walang pisikalan, nagiinuman lang tayo eh.” natatakot na sabi ni Kevin na ikinatawa ko naman.



Tumawa kami pareho at tumahol naman si joey na nginangata ang sapatos ni Dalisay sa sofa.




0000ooo0000



Tanghali na ako nagising, narinig kong may kumakaluskos sa sala kaya naman, dahan dahan akong tumayo at kinuwa ang baseball bat sa likod ng headboard ng aking kama. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto.



“Arggghhhhhh!” sigaw ko, nagulat naman si Kevin at umingit si Joey, napahawak ako sa ulo ko na biglang kumirot.




“Inaayos ko lang ang bahay mo, ang kalat kalat kasi daig pa ang hide out ng mga adik, kumain ka na don at iinom mo ng kape yang hang over mo.” sabi sakin ni Kevin habang inaayos ang nakakalat na mga papel sa sala.




“Kumain ka na ba?” tanong ko dito habang nilalantakan ang pagkaing hinanda ni Kevin.



“Oo, nakapag jogging na din ako, nailakad ko na sa labas si Joey, nakapamalengke na ako at ngayon ay naglilinis ng bahay mo.” mahabang litanya nito.



“Baka di na kita mabayaran niyan.” sabi ko dito. Tumawa lang siya.



“Di mo pa ba ipagagawa yang aircon mo?” sabi ni Kevin habang pinupunasan ang pawis niya sa leeg tapos ay hinubad ang kaniyang pangitaas.




“Wow, ulam.” sabi ko sa sarili ko.



“Hoy!” sigaw nito sakin.



“Ha? Ah eh di naman siya sira, tumayo ako at pinuntahan ang aircon saka pinindot ang power nito.” tumunog ito na kala mo nilalagari ang isang bakal at pagkatapos ay bumugha ng alikabok.



“Sira na siya ngayon.” iiling iling na sabi ni Kevin.



0000ooo0000



“Wow, meron pala akong scanner.” pagbibiro kong sabi habang tinutulungan si Kev na maglinis, nakakahon pa ito. Natawa naman si Kevin. Napatigil kami pareho ng biglang may kumatok sa pinto, binuksan ko ito.



“Oh, bakit pawisan ka?” bungad sakin ni Ram. Tinitignan nito ang aking hubad na katawan at nagtataka kung bakit basang basa ito sa pawis at may mga alikabok ng namuo dito, ibinaling niya ang tingin sa loob at nagulat ng makitang andun din si Kevin at nakahubad pangitaas din ito.



“Labing labing moment?” pangaasar na tanong sakin ni Ram. Biglang sumulpot si Kevin sa likod ko at umakbay, naramdaman kong nagdikit ang aming mga balat at nagsama ang aming mga pawis.



“Oo, istorbo ka nga eh.” sabi ni Kevin kay Ram, napaismid naman si Ram at tuloy tuloy na pumasok.



“So this must be Joey.” sabi niya sa aso sabay himas sa ulo nito.



“Great, Dalisay will be delighted to see her Jimmy choo's with bite marks.” sabi ni Ram sabay iginala ulit ang mata sa paligid ng pad ko.



“Nice, nakakita karin ng maglilinis nito, Drei.” nangiinis na sabi ulit ni Ram.



“Bakit ka ba nandito?” naiinis na sabi ni Kevin.



“Wala naman, tinitignan ko kung buhay pa itong kaibigan ko.” sabi ni Ram.



“Ok naman siya.” walang galang na sabi ni Kevin.



“I mean, baka kasi di nanaman siya nakain, di natutulog ng maayos...”



“Well ok naman siyang nakatulog kagabi.” singit ni Kevin.



“I can see that.” di nagpapatalong sagot ni Ram.



Parepareho kaming natigilan ng ibaling ni Ram ang tingin niya sa picture frame ng kasal namin ni Dalisay, napailing ito at ngumiti, inilapat ni Kevin ang kamay niya sa aking balikat.




“The famous wedding picture, di ako makapaniwala na di mo pa tinatapon yan, Drei.”



Itutuloy....


[04]
Matagal nakatitig si Ram sa picture na yun at parang malalim ang iniisip, nasa balikat ko parin ang kamay ni Kev at pinipisil iyon, parang sinasabi na andun lang siya, na hindi niya ako pababayaan. Tahimik lang ang paligid, tanging ang ingit ni Joey ang maririnig, parang naiintindihan ng asong iyon na may tensyong nagaganap.




“Ay, unli? Di ka maka move on?” bulalas na sabi ni Kevin, pinigilan ko ang sarili ko na mapatawa. Tinignan naman siya ng masama ni Ram.



“Madami pa diyang picture frame oh, pwede mo nang i-let go yan, move on na sa next frame. Go on.” pagpapatuloy ni Kev, nakita kong kumislap ang mata ni Ram at alam kong napipikon na ito, humarap na ito kay Kev at sisimulan na sanang makipagsagutan dito ng bigla akong gumalaw.



“Ok, lunch, Kevin, bili ka na ng lunch, I'm sure gutom na tayong lahat.” tumahol naman si Joey bilang pagsang ayon at binigyan ko na si Kev ng pambili at iniabot dito ang t-shirt niya, hinatid ko ito hanggang pinto.



“Ano bang gusto niyang Ram na yan ha? Iniinis niya ako.” sabi ni Kev, napangiti naman ako at tinitigan ito.



“What?!” singhal nito sakin.



“Bigay todo ka naman ata sa role mo bilang KUNWARING boyfriend ko?” natigilan si Kev, namula at biglang yumuko. Lalo akong nagtaka sa kinikilos nito.



“Ako nang bahala sa kaniya, pagbalik mo I'm sure wala na siya.” paniniguro ko dito. Tumingin sakin at saka nagpaalam na bababa na.




Bago ako pumasok ulit sa aking pad ay nagbuntong hininga muna ako. Naabutan ko si Ram na nilalaro si Joey.




“Bakit ka ba nandito?” tanong ko dito.



“Masama na bang bisitahin ka?” sarkastikong tanong nito sakin. Tinignan ko lang ito ng masama.



“What?! Malay ko ba kung hinuhuthutan ka lang nung dork na yun?! Malay ko bang serial killer pala yun tapos gusto ka lang patayin?! Malay ko bang Dugudugu gang lang yun?” biglang tumahol si Joey at labas pangil na tinignan si Ram.



“Well, hindi, mabait na tao si Kev at.. at... mahal namin ang isa't isa.” sabi ko dito.



“Bullshit!” sabi nito na ikinanganga ko lang.



“Bakit? Di mo ba inasahan na magiging masaya ako sa iba, maliban sayo? Di mo ba inasahan na makakarekober ako sayo?” tanong ko dito at tinignan lang ako nito ng patagilid.




“Di naman sa ganon, Drei.” Lumapit ito sakin at inilapat ang kaniyang magkabilang kamay sa aking balikat.




“Gusto ko lang makasiguro na magiging masaya ka sa kaniya, na hindi ka niya sasaktan. Pag nasiguro ko na ito, saka magiging panatag ang loob ko.” tuloy pa nito.




“Pumapasa ba naman siya sa panglasa mo?” pangaasar ko dito, napatawa siya.




“So far.” matipid nitong sagot saka tumalikod at muling ginala ang kaniyang mata sa loob ng aking pad, nagbuntong hininga saka naglakad lakad.




“Anong ibig sabihin mong so far?” tanong ko dito.



“Well, gumawa ako ng checklist.” naglolokong sabi nito at inirapan ko naman ito.



“Seryoso.” sabi niya.



“Seryoso?” paglilinaw ko.



“Ano ano aber ang nasa checklist mo?” tanong ko dito.



“Well dapat may stable job siya.”



Tumango ako.



“Check.” sabi ko dito.



“Mabait at maaalalahanin.”



“Check. Ckeck.” sabi ko ulit. Mukhang nafufustrate na si kumag.



“Dapat marunong magluto.” sabi niya.



“Check.” sabi ko ulit sabay turo sa natirang agahan na niluto ni Kevin kanina.



“Dapat alam niya ang kay Dalisay and at least magbigay ito ng interes na gusto niyang makilala si Dalisay.” sabi ni Ram na naniningkit pa ang mata.




“Okay, masyado pang maaga para makilala niya si Dalisay.” sabi ko at binigyan ako ng isang matalim na tingin ni Ram.



“Fine! Fine! Bukas na bukas ipakikilala ko siya kay Dalisay.” habol ko, tumalikod ulit si Ram at inusisa ulit ang mga libro sa aking book shelf.




“Dapat makilala siya ng mga dati kong katarbaho sa company ni Dad at makilatis nila kung okay si Kevin para sayo.” sabi nito na kala mo nakaisa nanaman sakin.



“Kailangan pa ba...” di ko na naituloy ang sasabihin ko ng binigyan nanaman ako nito ng matalim na tingin.



“Fine.” sumusuko kong sabi.




Di ko alm kung malulungkot ako sa ginagawang ito ni Ram, alam kong nagaalala siya at isipin lang ito, na nagaalala siya ay di na mapaliwanag ang aking tuwa. Di ko mapigilang mapaisip kung ano nga ba ang intensyon nito, pero yung mismong pagaalala, yung tipong nagaalala siya para sa akin ay masaya na ako.




“Tapos, dapat fit din, walang bisyo.”



“Check.” wala sa sarili kong sabi.



“At higit sa lahat, syempre, yung hindi ka sasaktan.”



“Check!” sabi ko ulit.



“Kung hindi man kasing gwapo ko ay at least nasa kalingkingan ko.” pagmamayabang nito.



“At bakit?! Cute naman si Kevin, maamo ang mukha, maputi, makinis ang balat di rin naman papahuli sa ganda ng katawan mo at saka...”



“At saka dork?” pagtutuloy nito s hindi ko natapos na sentence.



“A CUTE dork.” pagtatanggol ko.



“Oh please. Mukhang matatapos niyan ang starwars ng pasulong sa isang araw ng walang tayuan eh. Pustahan tayo saulo niya lahat ng characters dun.” pangaalaska ni Ram.



“Eh ano naman ngayon?! Sasamahan ko pa siyang manood ng isang buong araw ng walang tayuan.” sabi ko dito.



“Talaga lang ha? Eh ni hindi ka nga makatagal sa one and a half hour na pelikula eh.” sabi nito sakin at palapit na ng palapit ito sakin tanda ng hindi siya papatalo.



“Para sa kaniya gagawin ko.”



TING! Sa sinabi kong yun ay napakunot ang noo ni Ram, tinignan ako nito at ina-assess ang mukha ko kung totoo ba ang sinabi ko sa kaniya, tinignan ako nito na parang i-ne- X-ray, bahagya pang tumaas ang kilay nito. At nang wala siguro itong makitang pagaalinlangan sa mukha ko tungkol sa sinabi ko ay tumalikod ulit ito.



“Dapat napapakilig ka niya.” tuloy nito.




“He just did a while ago nung pumayag siyang i-bili tayo ng lunch.” sabi ko.



“Dapat good kisser.”



“Check!” at tinignan nanaman ako ng masama ni Ram.



“Dapat gentle sayo at hindi ka pinagbubuhatan ng kamay.” naniningkit ulit na sabi ni Ram.



“Check! Anlambot kaya ng mga kamy niya and he's the perfect gentleman.” sabi ko dito. Napatahimik uli ito at tinignan ulit ako ng masama.



“Para saan nga ulit tong ginagawa natin?” tanong ko ulit dito saka siya muling umiling at napangiti.



“Para makasiguro na magiging maayos ka sa piling niya, na magiging masaya ka.” sabi nito na may halong paniniguro.



“At hindi dahil gusto mo siyang alisin sa buhay ko dahil nagseselos ka?”



“Nope, ni hindi sumagi sa isip ko yan.” sabi nito sakin na ikinataas naman ng kilay ko.



“Ok. Let's continue.” sabi ko na lang.



“Ano ang reaksyon niya nung sinabi mo ang tungkol kay Dalisay?” tanong nito sakin, napalunok ako bigla medyo napatagil din ang sagot ko.



“Tinanong niya kung ano nangyari at nakisimpatya siya.” sabi ko dito.



“Eh nung sinabi mo ang tungkol sakin?” tanong niya ulit, natigilan nanaman ako at bahagyang napanganga.


“Ayun nagselos lalo na nung hinlikan mo ako nung isang araw sa ospital.” sabi ko dito at nangiti ng kaunti, napatawa naman siya.


“Buti naman.” sabi nito.



“Buti naman ano?” tanong ko ulit.



“Buti naman at marunong siyang magselos, kasi kung hindi ay nasisiguro kong hindi pagmamahal ang nararamdaman niya sayo.” napatigil nanaman ako sa sinabi niyang yun at bahagyang napaisip. Muling bumalik sakin ang eksena sa ospital nung isang araw.




Ahhh. So pano, una na ako.” paalam na lang ni Ram sabay lumapit sakin at hinalikan ako sa labi, nagulat ako sa ginawa niyang yun at agad na napatingin kay Kev na biglang iniwas ang tingin.



I-i-ingat.” nasabi ko na lang pero di na siya tinignan pa ni Kev, mukhang di naman ito alintana ni Ram kaya't tuloy tuloy na na lumabas ng kwarto.



Sino ba yung hunghang na yun? Boyfriend mo?!” sabi ni Kev na may tonong sarkastiko.



Ex boyfriend.” sabi kong pagbibigay diin sa salitang Ex.



“Nagselos nga kaya agad si Kevin? Ibig sabihin ba nun gusto niya ako?” tanong ko sa sarili ko, pero umiling din ako agad.



“At meron pang isang test.” basag ni Ram sa aking pagmumuni muni.



“Ano nanaman yan?” kinakabahan kong tanong dito.



“You'll see.” mahanging sabi nito at lumapit sakin, nakunot ulit ang noo ko lalo na nung masyado ng malapit ang aming mga katawan na halos magkadikit na ito, tinignan ako nito sa mata at saka ngumiting nakakaloko.



“Anong binabalak mo, Ram?” tanong ko dito. Ngumiti lang ito.




Narinig ko ng pumihit ang front door, napatingin ako dito kasabay nito ay ang pagyakap sakin ni Ram atsaka sinalubong ang aking mga labi. Tinulak ko ito, pero lalong napasama napahiga na kami pareho sa sofa, nadadaganan ako ni Ram. Nagsimula ng tumahol si Joey sabay nito ay narinig kong nagbagsakan ang ilang bagay, napatingin ako sa gawi ng pinto at nakita ko si Kevin na namumula sa galit at sa paanan nito ang mga pinabili kong pagkain. Agad akong tumayo.



“Kev, wait.” sabi ko.



Pero sumugod na ito papunta sa kinatatayuan ni Ram, amba amba ang isang suntok sabay nito ang pagwawala ni Joey.




Itutuloy...


[05]
Nagulat na lang ako ng maabutan kong nakapatong na si Kevin kay Ram at papapakin na ito ng suntok, sinubukan kong hilahin si Kevin pero di parin ito patinag kaya naman pinigilan ko na lang ang paglanding ng kamao nito sa mukha ni Ram.



“Tama na Kev, please!” sigaw ko at nakaisip ako ng isang paraan para maawat ito, niyakap ko ito at hinila palayo kay Ram.



“Congrats, your boyfriend is really a jelous type and he can also throw a punch, akala ko maglalabas lang siya ng lightsaber or something eh.” pangaalaska nanaman ni Ram habang pinapagpag ang sarili sa mga naninkit na dumi sa kaniyang damit.



“Tarantado ka pala eh!” sigaw nanaman ni Kevin niyakap ko ulit ito para tumigil.



“He passed.” sabi ni Ram sabay kindat sakin.



“Why are you kissing that son of a bitch?” tanong ni Kevin na talaga namang ikinagulat ko.



“Whoah! Relax.” sabi ko dito at sinenyasan na si Ram na umalis na siya.



“Sige, see you later, guys.” magiliw na sabi ni Ram atsaka tuloy tuloy na lumabas ng pad ko.



“Oh, tubig.” sabi ko dito. Kinuwa naman nito ang baso ng tubig at tumungga.



“Akala ko wala na kayo nun?” tanong nito.



“Wala na nga, relax ka lang, sinusubukan ka lang nun.” sabi ko dito sabay tapik sa balikat niya, bigla nito iyong hinila at hinawakan ng mahigpit.



“Ayaw na kitang makikita na nakikipaghalikan don ha?” sabi sakin ni Kevin na may tono ng otoridad sa boses niya.



“Teka teka, nagpapanggap lang tayo remember?” pagpapaalala ko dito.



“Tandaan mo na hindi ko hiningi na ako ang gawin mong kunwaring boyfriend, kaya kung ayaw mong sabihin ko ang totoo sa ex mo, we have to do this MY way. At gusto ko na hindi ka na makikipaghalikan dun sa damuhong yon kahit kailan! Ngayon kumain na tayo!” sabi niya sakin na literal namang ikinanganga ko. Tumahol naman si Joey bilang pagsangayon sa aya ni Kev na kumain na.



“Ano ba itong pinasok ko?” tanong ko sa sarili ko.



0000ooo0000



Para kaming di magkakilala habang nakain ng tanghalian, paminsan minsan ko itong sinusulyapan at sa tuwinang sulyap na iyon ay nakikita ko itong nakasibanghot, paminsan minsan ding magdadabog. Nang matapos ito ay bigla itong tumayo at bago pa man makalayo ay bigla itong nagsalita.



“Lilipat na ako dito bukas.”



“What?!”



“Sabi ko lilipat na ako dito bukas, para mabantayan kita.” napailing na ako ng linawin niya ang aking tinatanong.



“Teka teka, parang things are getting out of control.” sabi ko dito, nagbuntong hininga ito.



“Aalis ako, once nakuwa mo na ang gusto mo. Ang gusto mo lang naman ang pagselosin si Ram diba? Gusto mo lang naman na sabihin sayo ni Ram na tama na kasi nagseselos na siya o kaya tama na dahil babalikan ka na niya at tama na ikaw na ang nanalo.” mahabang sabi nito. Tumango lang ako. Nagbuntong hininga ulit ito at tuloy tuloy ng lumabas ng pad ko kasama si Joey.




0000ooo0000



Dinala na kinabukasan ni Kevin ang kaniyang mga gamit, di ko mawari pero parang ok lang naman sakin na dito siya tumira ang di ko lang lubos maisip ay ang magiging reaksyon ni Ram pag nalaman niyang sa iisang bahay na kami nakatira ni Kevin.




Masaya akong sinalubong ni Joey samantalang si Kevin ay medyo malamig parin ang pakikitungo sakin. Abala si Joey sa pagdila sa aking pisngi ng mapansin kong umupo si Kev sa upuan malapit sa sofa na kinalalagyan namin ni Joey. Nagtanggal ng bara si Kevin sa kaniyang lalamunan, di ko ito pinansin kaya't inulit niya naman.



“Yes, Kev? May sasabihin ka ba?” tanong ko dito na medyo naiirita dahil hindi pa ito makipagusap ng daretso sakin, ibinaba ni Joey ang kaniyang malaking ulo at ginawang unan ang aking hita saka umingit.



“Ayaw mo kasi akong pansinin, kanina pa ako dito ah.” sabi nito na may himig ng pagtatampo.



“Aba, malay ko bang gusto mo palang pansinin kita.” nangingiti kong sabi dito. Umiling ito at nagbuntong hininga.


“Panong gusto mong arrangement sa bayad sa upa at iba pang bills?” tanong nito.



“Ako nang bahala dun.” sabi ko dito at umiling nanaman ito.



“Gusto ko hati tayo.” sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata.



“Ako na ngang bahala don, ang kulit.” sabi ko dito sabay ngumiti.



“Joey, stop it.” sabi nito sa aso, sumunod naman si Joey at tumigil na sa pagdila sa aking pisngi at nagpunta na sa kaniyang higaan, tumabi sakin si kevin at umakbay, lalayo sana ako at aayaw sa ginawa niyang yun ng pigilan ako nito.



“Tandaan mo, ikaw ang may gusto nito kaya I think nasa akin ang desisyon kung pano ang mangyayari sa pagpapanggap mong ito.” sabi sakin ni Kevin.



“Bina-blackmail mo ba ako?” tanong ko dito.



“Siguro.” sabi na lang nito at humagikgik.



“Now I want your head on my shoulder.” sabi nito na pautos, umiling na lang ako at nang mapansin kong sa TV ulit nakatuon ang pansin nito ay lihim akong napangiti saka sinandal ang aking ulo sa kaniyang kaliwang balikat.



0000ooo0000



Napadilat ako ng maramdamang humahagikgik si Kevin, nanonood pala ito ng isang comedy film habang ako naman ay nakatulog, ngayon ay nakasandal na ako sa kaniyang matipunog dibdib. Lalo kong iniyukyok ang sarili dito, ang bango bango kasi nito, lalakinglalaki ang amoy, isa pa ramdam na ramdam ko ang init sa katawan nito lalo pa't isang manipis na putting t-shirt lang ang suot nito.



“Huwag mong panaypanayin yan, baka masanay ako.” sabi niya na bigla ko namang ikinatayo.



“Areko!” sigaw nito ng magkauntugan kami.



“Ok ka lang?” pagaalalang tanong nito habang tinitignan ang tahi sa aking ulo, di ko mawari pero parang natuwa ako sa pagaalala niyang yun. Iba siya sa pagaalala ni Ram, pero halos pareho lang ito sa pakiramdam.



“Oo, ok lang ako. Bakit naman kasi bigla bigla kang magsasalita ng ganun?” tanong ko dito. Hinila lang nito ang aking batok at pinahiga ulit ako sa kaniyang dibdib.



“Dami dami pang sinasabi.” bulong nito.



“Ano kamo?” tanong ko dito.



“Wala!” sabi nito sabay hagod ng kamay niya sa aking buhok. Tinitigan ko ito, parang nung isang araw lang estranghero lang ito para sa akin, isang atribido na masyadong curious kung bakit ako naiyak, isang tao na may hawak na aso na siyang kumain ng nilapag kong hotdog, isang lalaki na maputi may kulot kulot na buhok, nakasalamin na miya mo nerd, isang nerd na gwapo at macho.




“Isang pakielamerong nerd na gwapo.” sabi ko sa sarili ko habang patuloy ito sa paghagod sa aking buhok. Maya maya pa ay tinangay nanaman ako ng antok.



0000ooo0000



Nagising ako kinabukasan na nakasandal parin si dibdib nito, nakabukas parin ang TV pero mahina na ang volume nito. Mahigpit ang pagkakayakap sakin ni Kevin, nakasandal ako sa kaliwang bahagi ng kaniyang dibdib kaya naman ang kaliwang kamay nito ang nakapulupot sa aking dibdib na parang pinipigilan akong mahulog sa sofa. Tatayo na sana ako ng maramdaman kong lalong humigpit ang pagkakakapit nito sakin.



“Papasok pa ako.” bulong ko.



“Dito ka lang.” sabi nito sakin habang nakapikit parin.



“Malelate na ako.”



“Five minutes.” tawad nito, di na ako nakaalis at sa loob ng limang minutong iyon ay lalong humigpit ang kapit nito sakin na lalo namang nakapagpayukyok sa akin sa kaniyang dibdib.



0000ooo0000


“Ihahatid kita.” pagpupumilit nito kinabukasan.



“Hindi na.” sabi ko naman, itiniklop nito ang kaniyang mga kamay sa dibdib at sumimangot. Napairap na lang ako.



“Fine.” sabi ko, lumiwanag naman ang mukha nito sabay hila sakin papuntag kusina at kumain na kami ng agahan.



Parang housewife ang arte ni Kevin, halos lahat siya ang nagaasikaso, pagkain, paglilinis pati ang pagaalaga sakin siya din ang punong abala.



“Tabingi ang neck tie mo.” sabi nito sakin sabay lapit at kinalas ulit ang akin necktie. Tinitigan ko siya, nakangiti ito na parang gustong gusto niya ang ginagawang pagaalaga sakin.



“Bakit mo to ginagawa, Kevs?” tanong ko dito, tinignan naman ako nito.



“Sabi ko nga kasi sayo diba, kung gusto mong pagselosin si Ram at bumalik siya sayo sa pamamagitan ko, kailangan ako ang masusunod kung pano natin iyon gagawin, yun lang naman ang kapalit na hinihingi ko eh.” sabi nito sabay ngiti ulit at ibinalik ang atensyon sa pagaayos ng aking kurbata.



“Pero bakit eto yung gusto mong kundisyon? Bakit kung ikaw ang masusunod, bakit hindi na lang bagong computer o kaya cellphone ang kapalit? Bakit kailangang ang kapalit eh ang pagaalaga mo pa sakin?” tanong ko dito, natigilan naman ito at biglang tumalikod.



“Haha! Ikaw talaga kung ano ano ang naiisip mo, napuruhan ka ba nung saranggola?” pagbibiro nito sakin sabay baling kay Joey. Tatanungin ko pa sana ito ng kausapin niya si Joey.



“Joey, aalis lang kami ha, behave ka lang dito, don't chew anything from Dalisay's wardrobe, especially the jimmy choo's, ok? Love you, baby.” sabii nito sabay yakap kay Joey.




0000ooo0000



“Whoah! Drei! He's a catch!” sigaw ng seketarya ko ng ipakilala ko si Kevs dito, ito kasi ang isa sa mga nasa checklist ni Ram, dapat makilala si Kevs ng dati naming mga katrabaho at aprubahan nila ito.



“Goodlooking and a gentleman.” sabi naman ng isa sa mga taga advertising dept. na ka-close din namin ni Ram. Napakamot lang sa ulo si Kevin at nangingitingiti sa tabi ko.



“Sige na, nagiintay na si Joey sa flat.” sabi ko dito, ngumiti naman ito sakin.



“Walang goodbye kiss?” tudyo ng mahadera kong sekretarya. Binigyan lang ako ni Kevin ng nagtatanong na tingin, wari ba ay nagtatanong ito kung ok lang. Hinawakan ko ito sa batok at masuyong hinalikan sa labi, kakalas na sana ako sa halikang iyon ng si Kevin naman ang humawak sa aking batok at lalalong idiniin ang sarili sakin.




“Witwew!” sipol ng isa pa naming katrabaho, maya maya ay napapikit nadin ako hanggang sa makaramdam ako ng pagtusok ng isang daliri sa aking tagiliran. Di ko ito pinansin nung una pero naging madalas ito at may tumawag nadin sa aking pangalan.



“Drei.” napatigil na kami pareho ni Kevin sa mainit na halikang iyon. Napakamot lang ito sa ulo at nangingitingiti na ikinakunot naman ng noo ko.



“Tama ba ang nakikita ko, nagustuhan ni mokong yun?” tanong ko sa sarili ko.



“That's public display of affection you know, and I think the company has rules pertaining to that.” sabi ng isang lalaki sa likod ko.



Namutla ako at tinignan ang akin sekretarya, alam na niya ang tingin na yun, ang ibig sabihin nun ay...



“Matagal na ba siya dun sa likod ko?”



At sumagot ang aking sekretarya sa pasimpleng pagtungo, bumaling ulit ako kay Kevin at binigyan ito ng isang smack.



“See you later, Hon.” nagulat ito pero ng makita si Ram sa likod namin ay tumango lang ito at ngumiti, dinaanan nito si Ram at tinignan ng masama. Humarap ako kay Ram at binigyan ito ng isang ngiti.



“Halika sa Conference Room, may paguusapan tayo.” sabi ni Ram sakin sabay hila sakin papuntang Conference Room.





Itutuloy...

No comments:

Post a Comment