Tuesday, January 8, 2013

Breakeven: Book 01 (06-Finale)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[06]
Ano bang binabalak nitong kumag na ito?”



Tanong ko sa sarili ko habang andun ako at naiwan sa lamesa naming dalawa, akala ko nung una may nasabi akong di maganda kaya bigla itong umalis, pero bigla naman itong sumulpot sa entablado at masayang nagbububulong sa miyembro ng banda, may tinawag pa itong isang tao at na may hawak na saxophone, lalong nangunot ang noo ko.




“One, two, three.” bilang ni Ram at nagsimula ng tumugtog ang banda.




0000oooo0000




“Napapadalas ata ang paglabas niyo?” walang ganang tanong sakin ni Edison habang nilalaro nito ang kaniyang maliit na stuffed toy.




“Ha?' tanong ko naman, kunwari ay di ko naintindihan ang tanong niya dahil atubili ako sa paggawa ng aking article.




“Sabi ko, napapadalas ata ang pagde-date niyo.” ulit nito. Di ako sumagot. Tumayo ito saka nag buntong hininga.




“Ilang linggo na din kayong lumalabas ah, baka nagkakamabutihan na kayo niyan?” sabi nito na talaga namang nakapagpatulala sakin.




Matapos kasi yung unang labas namin ay masyado kaming nag enjoy sa isa't isa kaya naman halos gabi gabi na kaming nalabas, at di lang yun, kada gabi ng aming date ay may bagong pakulo si Ram na talaga namang nakapagpapakilig sakin.




Nagising ako sa aking pagmumunimuni na iyon ng makaramdam ako ng pagtuktok sa noo ko, nasa harapan ko ngayon si Edison, magkatapat na magkatapat ang mukha namin, nakakunot ang noo nito at ang hintuturo ay nasa noo ko at tinutuktok ito.



“Ano bang ginagawa mo?!” tanong ko dito sabay hawi ng kaniyang hintuturo.




“Akala ko kasi nastroke ka na, nakangiti ka kasi tapos di na kurap hindi ka na nga ata nahinga eh.” matawa tawang sabi ni Edison.




“Naalala ko lang kasi yung mga date namin ni Ram.” sabi ko dito, bigla itong tumalikod at bumalik sa kanikanina lang na inuupuan niya. Matagal kaming natahimik, kaya itinuloy ko na lang ang paggawa sa article ko.




“Di mo pa ba sasabihin sa kaniya ang tungkol diyan?” tanong ni Edison sabay turo sa laptop ko pinepertina ang aking ginagawang article.




“There goes the million dollar question.” sabi ko sa sarili ko. Di na ako sumagot sa tanong na iyon ni Edison, nagbuntong hininga ito saka marahas na tumayo at hinatak ang kamay ko.




“Ahhhh! Saan mo ako dadalin?!” sigaw ko dito pero di na ito sumagot.




0000oooo0000



“Saan ba tayo pupunta?” kinakabahan kong tanong habang sinusuot ang seatbelt.




“Basta!” marahas na sabi nito.




“Bakit kailangang magmadali?” muli kong kinalas ang seatbelt ko at inabot ang seatbelt niya at isinuot ito sa kaniya, panandalian itong tumingin sakin saka ngumiti.




“Para maabutan natin.” sagot nalang nito pagkabalik na pagkabalik ng mata niya sa daan at habang sinusuot ko ulit ang seatbelt ko.




Malapit na kami sa MOA nang biglang magliwanag ang kalangitan.




“Dyan ba tayo pupunta?” tanong ko dito habang turo turo ang kalangitan. Tumango lang si Edison.




Di na kami nakapasok sa mga parking lot, tumigil na din ang daloy ng traffic nagsimula ng magsiakyatan ang mga tao sa kanilang mga sasakyan at ang ilan ay nagsilabasan na mula dito. Biglang kinalas ni Edison ang seatbelt niya at lumabas ng sasakyan saka umupo sa bubungan nito, ginaya ko naman siya.




Maganda ang display ng mga fireworks, kasabay nito ang magandang musika, maraming tao ang napapapalakpak sa tuwing magliliwanag ang kalangitan at unti unting babagsak ang namamatay na ilaw mula dito. Tinignan ko si Edison at masayang masaya ito sa napapanood, nakangiti ito na parang bata, napagiti na din ako.




Biglang nagvibrate ag telepono ko sa bulsa, tinignan ko kung sino ang natawag, at ng makita ang pangalan at mukha ni Ram sa screen ay agad ko itong sinagot.




“Hello, San ka?” tanong nito sakin.




“Ah, eh kasama ko si kuya mo, nanonood kami ng fireworks.” sabi ko dito.




“Ah ganun ba? Aayain sana kita lumabas eh.” sabi nito, nanghinayang naman ako pero ng mapasulyap ako kay Edison ay parang nawala ang panghihinayang na iyon.




“Ah ganun ba...”




“Di bale kausap naman kita ngayon eh, masaya na ako doon.” sabi nito pero di yun ang ikinagulat ko, ang ikinagulat ko ay ng bigla itong kumanta.




Lintik na pag-ibig
Parang kidlat
Puso kong tahimik na naghihintay
Bigla mong ginulat



'Di ko man lang napansin ang iyong pagdating
Daig mo pa ang isang bagyong namuo sa malayo
Ihip ng hangin biglang nag-iba
Sinundan pa ng kulog at kidlat
Sa biglang buhos ng iyo sa akin
Ako'y napakanta




Para akong napako sa pagkakarinig ng malamig na boses ni Ram at ang magandang tunog na nanggagaling sa gitara nito, napangiti ako. Naalala ko bigla ang una naming date.





Di naman kagandahan ang boses ni kumag pero kung kumanta ito ng Lintik na Pag-ibig daig pa ang bokalista ng banda kung hiyawan ng mga manonood, maya maya pa ay tinignan ako nito ng daretso habang nakanta.




Kasabay ng alaalang yun ay ang pagliwanag ng kalangitan, kasabay ng pagsabog ng paputok sa kalangitan ay ang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.




Habang nagaayos ako ng mga files sa opisina ni Ram ay biglang may nagpiring sa aking mga mata. Malambot na tela ang ipiniring sakin at mahigpit ito, inalalayan ako ng nagpiring sakin at isinandal sa pader, sinubukan kong tanggalin ang piring pero mabilis ang loko at itinaas ang magkabila kong kamay at inilock ito doon ng sarili niyang kamay. Malaki ang kamay nito kaya't alam kong lalaki ito.




Paparusahan kita hangga't di mo nahuhulaan kung sino ako.”




Pero nung nagsalita ito alam ko agad na si Ram ang nagpipiring sakin, kaya naman nakaisip akong makiride kay kumag.




Superman?” tanong ko dito.




IGHHHH! Mali!” at isang masuyong halik ang ginawad niya sakin. Nagulat ako pero di ko nagawang pigilan pa ito sa plano niya.




Batman?”




IGGGGHHH! Mali ulit!” sabi ulit nito saka masuyo ulit akong hinalikan.



Richard Gutierrez?” di na ito sumagot at hinalikan niya ulit ako mas mainit na ang halik nito.




Alju...” di na ako nito pinatapos at hinalikan ulit ako nito.




Mr. Martin, tingin ko sinasadya mong magkamali.” sabi ni Ram saka pinakawalan ang aking mga kamay at inalis ang piring. Nagtama ang aming mga tingin, nakangiti itong parang nangaakit. Saka masuyong nagdampi ulit ang aming mga labi.




Kasabay nito ang pagdagundong ng aking puso at ang pagliwanag ulit ng kalangitan, pula, berde at asul ang kumulay naman ngayon sa kalangitan.



Pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina ni Ram ay naabutan ko itong nakahiga sa sofa at nakatalukbong dito ang proposals na kanina siguro niya pa binabasa.




Inalis ko ang pagkakataklob ng papel sa mukha nito, muling tumambad sa harapan ko ang napakagwapong mukha nito.




Bakit ka ba naman gumwapo ng ganiyan.” sabi ko.




Nasa ganon akong pagiisip ng biglang dinilat ni Ram ang kaniyang mga mata at inabot ang kamay ko na may hawak na cup ng kape at marahan akong hinila papalapit sa kaniya, nagkapalit ang aming posisyon ako na ngayon ang nakahiga sa sofa at siya na ngayon ang nakadungaw sakin.




Do I smell Caramel Macchiato?” tanong nito sakin habang di piniputol ang aming pagtititigan.




Yup, favorite mo.” mahina kong sabi, ngumiti ito at unti unting nilapit ang mukha niya sa mukha ko. naglapat ang mga labi namin, masuyo pero puno ng emosyon.




Muling dumagundong ang paligid pati na ang aking dibdib, bawat liwanag ng kalangitan siya ring liwanag ng pagkakaintindi ko sa nararamdaman ko sa lalaking nakanta sa kabilang linya.




Musta lunch with kuya?” tanong nito, pero di na ako nakasagot dahil bumida na ang kanta sa commercial sa maliit na screen ng elevator.




Napatingin ako kay Ram at nakita itong magiliw na nakangiti sakin.




Oh, kiss me beneath the milky twilight
Lead me, out on the moonlit floor
Lift your open hand,
Strike up the band and make the fireflies dance
Silver moon's sparkling,
So kiss me.




Tudyo ng kanta sa commercial, parang nagiba ang buong paligid, wala na kami ngayon sa loob ng isang elevator, nasa isa kami ngayong park, kung saan ang tanging buwan lang ang aming ilaw, naramdaman kong ipinatong ni Ram ang kaniyang kanang kamay sa aking kaliwang balikat, matapos nito ay hinaplos niya ang aking pisngi pagkatapos ay pinisil ang aking baba na siya namang iminuestra niya papalapit sa kaniyang mukha.



Oh so kiss me
So kiss me
So kiss me
So kiss me



Di ko maintindihan ang nararamdaman ko habang naalala ang mga nangyaring yon sa pagitan namin ni Ram.



Lintik na pag-ibig
Parang kidlat
Puso kong tahimik na naghihintay
Bigla mong ginulat




At natapos na nga ang kanta ni Ram sa kabilang linya ng telepono.




“Mahal ko na ata si Ram.” sabi ko sa sarili ko, kasabay ng realisasyon na yun ay ang makukulay na paputok na nagbabadyang patapos na ang display at ang pagdagundong ng paligid kasabay nito.


“Wish you were here.” sabi ni Ram sa kabilang linya. Di ako agad nakasagot, tinignan ko si Edison sa aking tabi, tinignan ako nito at ngumiti.



Pero bago ko pa man masagot ang sinabing yon ni Ram ay may kakaiba nang pakiramdam ang bumalot sa aking buong pagkatao, tinignan ko ang aking kaliwang kamay na siyang pinakamalapit kay Edison, nababalot na ito ng kaniyang kamay at pinipisil na iyon, inabot na nito ang aking mukha at unti unting lumapat ang kaniyang mga labi sa aking labi.


Kasabay nito ay ang pagtatapos ng fireworks display, nagliwanag ang buong kalangitan, unti unting nawala ang mga nakakasilaw na ilaw hanggang ang natira na lang ay ang dalawang heart shaped na pinagdikitdikit na beads mula sa paputok. Nagpalakapakan at naghiyawan ang mga tao sa paligid, habang kaming dalawa ni Edison ay masuyo nang naghahalikan sa bubungan ng kaniyang sasakyan.




Itutuloy...



[07]
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan ni Edison pero sa tuwing susulyap ako sa gawi niya ay di maikakaila ang tuwa sa kaniyang mukha.




“Di ba dapat masaya ka, Martin? Ang bestfriend mo ng ilang taon, ang taong minahal mo buong buhay mo, hinalikan ka, hindi na niya kailangan magsabi ng kung ano man ang nararamdaman niya, ipinadama na niya sayo.” sabi ko sa sarili ko.



“Yun na nga eh, BESTFRIEND mo for years, makakaya mo bang mawala yun sa oras na magkasakitan kayo?” sabi ulit ng isip ko.



“Bakit di ka mapakali dyan?” tanong sakin ni Edison.



“W-wala lang.”



“Dahil ba dun sa kiss? K-kung di ka pa ready, ok lang sakin maghintay. ” bigla akong napatingin sa kaniya, iniabot niya ang kanan niyang kamay sakin at hinawakan ulit ang kaliwa kong kamay. Di nanaman ako nakasagot.



0000oooo0000



Wala parin kaming imikan hanggang sa marating namin ang tapat ng bahay.



“Una na ako.” paalam ko dito at bumaba na ng sasakyan niya.



“Martin wait.” habol nito sakin sabay baba sa kaniyang sasakyan.



Hinawakan niya ang aking kaliwang braso at pinaharap sa kaniya.



“Ano bang ikinatatakot mo?” pagkasabing pagkasabi nito ay niyakap niya ako, niyakap ng mahigpit.



“Nararamdaman ko, pareho tayong may nararamdaman para sa isa't isa pero nararamdaman ko rin na may pagaalinlangan ka.” sabi nito sakin.



Ramdam ko ang bawat tibok ng puso niya, sigurado akong yun din ang nararamdaman niya sa pagkakadikit ng dibdib ko sa dibdib niya. Bahagya kaming naglayo iniangat niya ang aking mukha unti unting lumapit ang kaniyang mukha sa aking mukha, masuyo at mainit na ang aming paghahalikan ng biglang bumukas ang front door ng bahay namin at iniluwa nito si Ram.



Masama ang tabas ng mukha nito pero hindi lang galit ang naaaninag ko, may sakit, pagkadismaya at may halo ding naguguluhan. Lumapit ito samin, nagsimula na akong kabahan.



“Nabasa ko ang a-article na ginagawa mo, di ko kasi sinasadyang nasagi ang tab ng laptop mo.” sabi nito habang nahakbang papunta samin ni Edison.



“Alam ko na hindi lang dahil sa article na yun kaya ka... kaya ka nakipaglapit sakin, nararamdaman ko, nararamdaman ko na mahal mo din ako sa bawat halik, bawat yakap at bawat haplos ng kamay mo, alam ko, may nararamdaman ka rin sakin.”



Napatingin ako kay Edison, hindi maipinta ang mukha nito. Ibinalik ko ang tingin ko kay Ram nagiintay ito ng sagot. Di ko alam ang aking gagawin, gusto ng bumuhos ng aking mga luha pero nadadaig ito ng pagkalito ko. Namalayan ko na lang na tumatakbo na ako papasok ng bahay namin, tinatawag ako ng magkapatid sa aking likuran ko, pero di ko na sila nagawang pansinin pa.




0000oooo0000



Di ko parin magawang harapin ang dalawa, limang araw narin ang nakalipas simula nung pilitin ako ng tadhana na pumili kila Edison at Ram at limang araw narin akong nakakulong sa aking kwarto at naguguluhan, di ko narin magawang tapusin ang article, andun lang ako, nakatitig sa cursor habang masigla itong nawawala at bumabalik na kala mo nangiinis pa.



Tumayo ako sa higaan at sinubukang tanawin ang bahay ni Edison mula sa bintana ng kwarto ko, namimiss ko na kasi ito, ito na ang pinakamatagal naming di pagkikibuan at ito narin ang isa sa pinakamabigat naming napagawayan.




“Tignan mo nga naman, ang dahilan lang naman talaga kung bakit di ko maamin kay Edison ang totoo kong nararamdaman ay dahil ayaw ko itong mawala sakin, pero ngayong siya na mismo ang nagsabing may nararamdaman siya sakin ay bakit parang mas lalo akong natakot? Natatakot ba ako dahil baka magkasakitan lang kami pag pinagpatuloy namin to at mawala ang pagkakaibigan namin? Natatakot ba ako na baka siya na ang bestfriend ko na minahal ko ng ilang taon ay ang tao palang makakasakit sakin?” naguguluhan ko paring sabi, ibinalik ko ang aking tingin sa gawi ng bahay nila Edison at nagulat ako na nakatingin ito sa aking kinalalagyan, napaupo ako bigla at sumandal sa dingding malapit sa bintana.




Natatakpan ng magkabila kong kamay ang aking mukha, ayaw kong ipakita sa kanila na nasasaktan ako, ayaw kong ipakita sa kanila na mahina ang loob ko pero patuloy parin sila sa panunukso.



““Lampayatot! Lampayatot!”” sabay sabay na sabi ng aking mga kaklase.



Hoy Carl kalabaw and gang, layuan niyo nga yang kapitbahay ko! Kundi makakatikim kayo sakin!” sigaw ng isang bata na kasing payat ko lang din.



Hoy Mongoloid lumayo ka dito baka gusto mong ikaw ang makatikim sakin saka yang teddy bear mong kulay uhog!” sigaw naman ng kaklase naming bully.



Di ako mongoloid! Singkit lang talaga ako!” sigaw naman ng bata na nakilala ko na, siya yung batang nakatira sa tapat ng bahay namin, Edison ang pangalan nito kung hindi ako nagkakamali.




0000oooo0000



Bakit kasi sinagot sagot mo pa eh.” sumbat ko kay Edison habang naglalapatan kami ng yelo sa mga pasa namin sa mukha.




Sumosobra na kasi sila eh.” sabi nito.




Nadamay ka tuloy.” sabi ko habang idinidiin ang yelo sa pisngi niya.



Wala yun.” sabi nito sabay ngiti, kinalikot nito ang kaniyang back pack at inilabas niya ang manilawnilaw na teddy bear. Tinignan ko ito at bahagyang kumunot ang noo ko.



Nga pala, gusto kong makilala mo si uhhhmmm... si Marti!” sabi nito.




Anlaki laki mo na nag gaganyan ka pa.” sabi ko dito sabay iling, pero dahil sa sinabi niyang yun ay napangiti ako at parang nakalimutan kong may iniinda akong masakit na pasa sa aking mukha.




Oi hindi ah! Bata pa kaya ako, saka si Marti lang ang kaibigan ko eh.” sabi nito sabay nalungkot. Napatingin naman ako sa kaniya at di ko mawari parang naawa ako dito.




Gusto mo tayo na lang ang magkaibigan eh.” sabi ko sa kaniya at lumiwanag naman ang mukha nito.




0000oooo0000



Hala!” sigaw ko ng mahulog ang scoop ng ice cream mula sa cone nito.



Ano ba naman kasing dila ang meron ka?” natatawang sabi ni Edison.



Ano ba yan, malas naman, favorite ko panaman yung chocolate.” sabi ko at napatingin ako kay Edison ng itapat nito sa mukha ko ang ice cream niya.



Ayan oh, di nga lang yan chocolate.” sabi nito sakin, napatingin lang ako sa kaniya.



Kadiri naman yun. Nilawayan mo na yan eh!” sabi ko.



Di pa, etong side pa lang na nakatapat sakin ang dinilaan ko, sabihin mo lang kung ayaw mo.” sabi nito sakin na kala mo nangiinggit, pero di na ako kailangang tanungin ulit, para kaming tanga na nagpapasahan ng apa at dumidila sa iisang ice cream lang.




0000oooo0000



Oh, akala ko chocolate ang favorite mo?” tanong sakin ni Edison habang nabili kami ng dirty ice cream sa labas ng unibersidad na pinapasukan namin.




Cheese na kaya.” sabi ko dito.



Kailan pa?” wala sa sarili nitong tanong sakin habang nadila siya sa sarili niyang icecream. Nagalangan ako, di ko masabi na simula noong nag share kami sa iisang apa ang simula ng pagka humaling ko sa cheese flavor na dirty ice cream.




Matagal na.” at binigyan ko ito ng makahulugang ngiti, napatigil naman ito at panandaliang kumunot ang noo at di naglaon ay ngumiti na din sabay umakbay.



Martin!” tawag sakin ng isa kong kaeskwela sa college ng journalism.



Halika na, nagiintay na sila Seph.” sabi nito sakin.



San kayo pupunta?” tanong ni Edison.



Sa Megamall lang.” sabi ko dito.



Ano nga ulit pangalan mo?” baling ni Edison sa aking kaklase.



Joel.” sagot naman nito.



Sabihin mo hindi sasama si Martin, sabihin mo may date kami.” sabi ni Edison sabay tulak sakin papunta sa sasakyan niya, gusto kong magalit dito pero mas nababalot ako ngayon ng kilig kesa pagkainis.



Mag de-date?” tanong ko dito.



Dapat totohanin mo yan.” sabi ko dito, bigla nitong kinabig ang manibela ng sasakyan niya at tumigil sa tapat ng bilihan ng kwek kwek.



Ano to?” tanong ko.



Mag de-date tayo sabi ko diba?” sagot nito.



Kuripot!” sigaw ko dito.




0000oooo0000



Edison, may sasabihin ako sayo.” nagaalangan kong sabi dito habang nakatihaya kaming dalawa sa bakuran nila at nagbibilad sa araw.



Wala akong pera.” sabi nito.



Gagu! Di naman yun eh.”



Ano ba kasi yun?!” naiiritang sabi nito, habang hinihimashimas ang ulo ng kaniyang teddy bear. Nagbuntong hininga muna ako.



B-bading ata ako.” sabi ko dito, nagiintay ako ng reaksyon niya, biglang inilagay ni Edison ang kamay nito sa kaniyang bibig, halatang pinipigilan ang sarili sa pagtawa.



Edi good.” sabi nito ng makarekober sa pigil niyang pagtawa. Naningkit naman ang mata ko.



Good ka diyan, tangna ka, kung di dahil sayo di ako magiging ganito.” bulong ko.



Ano yun?” tanong nito sakin.



Sabi ko, buti naman at ok lang sayo.” sabi ko na lang.



Ahh, Oo naman.” sabi nito sabay hikab. Napabuntong hininga na lang ako, humawak ulit ito sa bibig niya at tahimik na humagikgik.




0000oooo0000



Ano ba naman tong mga sinulat mo?” bungad nito sakin ng ipadala ko sa kaniya ang finishing article ko bago grumaduate.




Bakit?” kinakabahan kong tanong.



Parang kulang eh.” sabay haplos sa baba niya at nagiisip.



Teka lang.” sabi nito sabay kuwa ng mga libro sa kaniyang bed side table sabay binato sakin.



Ayan basahin mo.” sabi nito sakin.



Lord of the Rings?” takang tanong ko dito.



Di naman kasi yan tungkol sa mga hobbits lang, try to read between the lines, it's all about the heart and the emotions the author tries to instill in us.” sabi nito sakin, bahagya akong napaisip.




“Wala ito sa content ng kwento, kundi sa emosyon na gustong iparamdam ng author.” sabi ko sa sarili ko ng matandaan ang sinabing yun ni Edison.


Parang may kung anong nag-click sa loob ko. Agad agad kong kinuwa ang aking laptop at nakipagbuno dito.




Itutuloy...


[Finale]
Bago ko pa ipadala sa editor in chief ang aking naisulat ay binasa ko ulit ito.


“Ito ang sinasabi sakin ni Edison noon. Ang magaling na author ay siyang nagsusulat mula sa kaniyang puso at ito ang sinasabi ng puso ko.” bulong ko sa sarili ko pagkatapos na pagkatapos ng aking pagbabasa sa ginawa kong article.



Agad agad kong pinadala sa e-mail ng aming editor in chief ang aking article, alam kong tama ang naging desisyon ko, pero ngayon kailangan ko ng harapin ang magkapatid. Di na ako kumatok sa front door nila Edison, madalas naman akong basta na lang napasok dito, tinungo ko ang bawat kwarto sa first floor pero wala siya doon, kaya naman tumuloy na ako sa second floor, sa kwarto niya ko siya naabutan, nakayakap ito sa kaniyang life size na teddy bear at mahimbing na natutulog.



“Edison.” tawag ko dito, bigla naman itong napabalikwas at tinignan ako, malungkot ang mga mata nito, lumapit ito sakin at yumakap ng mahigpit.


“Gusto ko ng dirty ice cream.” sabi ko dito.


“Ha?” sabay tingin sa labas, nagsisimula na kasing kumulimlim ang langit, nagbabadya ito ng ulan at ang pagkain ng dirty ice cream sa ganitong may kalamigan na klima ay di magandang ideya.


“Sige.” sabi nito sabay ngiti.



0000oooo0000



Tahimik lang kaming nakaupo sa isang bench sa may club house ng villge namin, makulimlim parin ang langit, abala parin kami sa pagdila ng aming mga dirty ice cream.


“May gusto sana akong sabihin sayo Edison eh.” panimula ko.


“Ano yun?” tanong nito sa pagitan ng pagdila niya sa kaniyang icecream.


“Natapos ko na ang article.” sabi ko dito. Natigilan ito saglit saka sumagot.


“Congrats.” balik nito sakin saka ngumiti.


Tahimik.


“Natatandaan mo nung sinabi mo sakin na ang magaling na writer ay nagsusulat ng mula sa puso?” tanong ko dito habang nakikipagtitigan sa aking ice cream.


“Oo, kasi ang pangit nung sinulat mong article para sa requirement mo sa completion bago ka grumaduate.” nangingiting sabi nito, ibinaling ko sa kaniya ang aking tingin.


“Di ako makapaniwala na naaalala niya pa yun.” sabi ko sa sarili ko, nangilid ang aking luha at napangiti din.


“Ganun ang ginawa ko sa article na ito.” sabi ko dito, tumango lang siya.


Tahimik.


“Ano naman ang sabi ng article mo?” tanong nito sakin matapos ang ilang minuto.


“Na...” nagalanagan ako at ibinaling ang aking tingin sa damo na asa aking harapan.



“Na mahal ko ang kapatid mo.” sagot ko dito, napatigil ulit siya saglit. Di ko na nagawa pang ipagpatuloy ang pagkain ko sa ice cream ko nagsimula na rin akong manginig at masaktan sa mga sinasabi ko, sa sobrang sakit nawalan na ng lakas ang aking kamay at nabitiwan ko na ang hawak hawak kong apa, itinakip ko na ulit ang aking mga palad sa aking mukha.



Tahimik, tanging hangin lang na tumatama sa mga punong nakapaligid at ang bahagyang pagsunod ng mga puno sa malakas na hangin ang aming naririnig.


“Natatakot ako na kapag ikaw ang pinili ko ay baka magkasakitan lang tayo at sa huli mawala pa ang pagkakaibigan natin, mas natatakot akong mawala ka sa buhay ko, di ko kakayanin yun.” sabi ko dito habang nakasubsob parin ako sa aking mga palad, naramdaman ko ang kaniyang kanang kamay sa aking likuran at hinagod niya ito. Di parin siya nagsasalita.



Nang makabawi na ako ay iniangat ko na ang aking mukha at tinignan siya, patuloy parin siya sa pagkain ng kaniyang ice cream, pero ramdam ko na nasasaktan siya, tinignan nito ang ice cream ko na nahulog at inalok niya sakin ang kaniyang kinakain, Chocolate flavored ito.


“Kailan mo pa nagustuhan ang chocolate?” wala sa sarili kong sabi dito.


“Matagal na.” makahulugang sagot nito, inalok niya ulit sakin ang ice cream pero tinanggihan ko ito, nagbuntong hininga siya at tumayo, nagsimula ng umambon.


“Wala ka bang sasabihin sakin? Di ka ba magagalit? Di mo ba ako sisigawan? Susumbatan? Di mo ba sasabihin sakin na nasasaktan ka?” sigaw ko dito na ikinahinto niya naman, unti unti ng lumalakas ang ulan, tumakbo ako at niyakap siya mula sa likod, naramdaman ko siyang magbuntong hininga.


“Naaalala mo nung unang beses mong nakita si Marti?” tanong nito sakin habang mahigpit parin akong nakayakap mula sa likod niya, tumango lang ako.



“Ang totoo, napulot ko lang siya, pero nung pinakilala ko siya sayo biglang gumuhit sa mukha mo ang saya kaya inangkin ko na lang ito dahil sabi ko sa sarili ko na gusto ko lagi kitang nakikitang nakangiti ng ganon, kaya naisip ko na magsinungaling na lang at sabihing akin yun at ipangalan siya sunod sayo.” sabi nito sakin, nagulat ako, kasabay nito ay ang malakas na buhos ng ulan.


“Noon palang alam ko na na magiging magkaibigan tayo, at di naglaon naging higit pa dito ang tingin ko sayo, di ko ito masabi sayo dahil natatakot ako na baka mawala ka, hanggang sa dumating yung oras na sinabi mong bading ka, natuwa ako at hindi ako nagkamali nung maglaon ay nararamdaman ko ang paglapit ng damdamin mo sakin, pero nakikita ko din na nagaalangan ka, sabi ko sa sarili ko maghihintay ako. Pero alam ko na ngayon kung para saan ang pagaalangan mo, nung una, ayaw kong pumayag na hindi ako ang magiging subject mo sa article dahil natatakot ako na baka mawala ka, na baka ma-inlove ka sa iba, pero matigas parin ang ulo mo at pinabayaan naman kita sa gusto mo. Nung marealize ko na baka nagkakamabutihan na nga kayo ni Ram ay ipinilit ko na mapasaakin ka, pero it was too late, mahal niyo na ang isa't isa. Mas mabuting ako na lang ang masaktan kesa kayo pang dalawa na mahalaga sakin. Ngayon alam ko na di talaga tayo ang nakatadhana. At kung pinilit ko pa ito ay malamang nagkakasakitan na tayong tatlo ngayon. Ayokong mangyari yun.”


Tahimik.


“Siguro ang mali ko lang is that, I had my chance and I took it for granted.” kumalas na ito sa pagkakayakap ko at naglakad na palayo.



“I'm sorry.” sabi ko.



“Don't be, were still friends at alam kong mahal parin natin ang isa't isa bilang magkaibigan.” matipid na sabi nito saka tuluyan nang naglakad palayo.


0000oooo0000


“Huwag kang maingay!” bulyaw ko kay Janine habang kinukuwa ko ang mga naiwan kong gamit sa opisina ni Ram.


“Di naman ako nagiingay eh! Malay ko bang masasagi ko yung tambak ng portfolio!” sinhal nito pabalik sakin.


“Pag ako naabutan dito ni Ram humanda ka sakin.” sabi ko ulit sa kaniya. Nang makuwa ko na lahat ng aking gamit ay nagpasama na ako kay Janine pababa ng opisina, Sabado noon kaya wala masyadong tao, pero di parin kami sigurado na baka biglang magpakita si Ram.


“Di ka ba niya tinatawagan?” tanong sakin ni Janine.


“Last niyang tawag three weeks ago.” sabi ko dito.


“Tapos?”


“Sabi ko wag muna siyang tumawag.” at naramdaman ko nalang ang pagkakahaklit ng batok ko.


“Libre mo ako ng kape! Dapat wala akong pasok ngayon eh.” sumbat ni Janine sakin.


“Fine.” sabi ko na lang. Pumasok kami sa coffee shop na asa lobby lang ng building ng aming opisina.


Nagiintay na kami ni Janine sa gilid ng counter para sa aming mga inorder na kape ng biglang may sumigaw na lalaki.



“Bakit di mo sinabi agad sakin?” di ako agad lumingon, di ko kasi alam na ako pala ang kinakausap nito, siniko na lang ako ni Janine at dun ko napagtanto na si Ram pala ang sumigaw na iyon.



“You've been avoiding me for almost a month now.” sabi ulit nito nang makalapit na ito sakin.


“Di naman, sobra ka naman, sabi ko wag ka lang munang tumawag.” kinakabahan kong sabi at tumingin na sa paligid, nakapako na samin ang mata ng bawat taong andun.


“Ahhh, kaya pala nagpalit ka ng cellphone number saka ng landline.” sabi nito sakin sabay taas ng kilay.


“ah eh...”


“Tapos malalaman ko si Kuya eh broken hearted dahil sayo. Sinabi sakin na may mahal ka raw na iba.” sarkastikong sabi nito sakin, tinignan ko si Janine para humingi ng tulong pero nagbulag bulagan lang ito.



“Tapos malalman ko na lang rin na pinublish na pala ang article mo, na nangyari namang ako ang subject.” nakangisi nang sabi ni Ram, natampal ko na lang ang aking noo.



“Chris paheram nga muna ng mag na yan.” sabi nito sa barista.



“Page 18.” sabi nito.



“Sabi dito... At first it was all for the sake of this article, I was in love with my boss' brother who happens to be my bestfriend of 10 years, but as I was doing a secretarial job under him, I found it hard to help my self from falling in love with him.” pagbabasa ni Ram sa aking article.




Napahawak ako kay Janine dahil parang nawalan na ng lakas ang aking mga paa.



“At eto pa... Our first unexpected date... ” at patuloy lang sa pagbabasa si Ram hanggang makarating ito sa parte na magkahawak ang kamay namin, ang title ng kanta na kinanta niya sakin at ang mismong damit at pabango na suot niya.




Napapikit na lang ako sa kahihiyan na ginagawa nito.



“Di lang yun, dahil na extra pa si Janine, sabi mo dito na ikinuwento mo kay Janine na alam mo ang lahat mapa favorite shirt ko, favorite brand, sizes pati ang color ng under wear, hindi lang din basta channel na mahilig kong panuorin pati mismo ang level ng volume at brightness ng tv habang pinapanood ko ang aking paboritong palabas ay alam mo.” nangaalaska ng tono ni Ram.




And after some time I realized that the person I loved for ten years which is my boss' brother is just an infatuation a mere crush compared to the feelings I have for my boss, after all it's my boss who sings love songs to me everynight before going to sleep, it is my boss who fix breakfast for me, who hold hands with me while driving me home...” sabi nito habang binabasa ang malapit ng matapos na article.




“Ngayon, gusto kong malaman kung bakit di mo sinabi sakin agad?” tanong ulit nito sakin ang mga mata ay nakikiusap. Di ako nakasagot.




Tahimik, matagal kaming nagtitigan.




“Kasi naguguluhan parin ako, nung isinulat ko lang yang article na yan saka ko naintindihan ang nararamdaman ko para sainyong dalawa ni Edison.” napayuko ako sa kahihiyan.




Lumapit sakin si Ram at tumingin ng daretso sa aking mga mata.




“Anong ibig mong sabihin na nung isinulat mo lang itong...?” di ko na pinatapos si Ram.




“Sabi kasi sakin ni... May nakapagsabi kasi sakin na ang magandang basahin ay yung mga tipo ng article na galing mismo sa puso ng nagsulat nito, di ko maintindihan kung anong nararamdaman ko para sainyo ng kuya mo nung una at nung ginagawa ko yang article na yan at nung sundin ko ang payo na magsulat ng mula sa puso, yan ang lumabas.” pagpapaliwanag ko habang unti unting bumababa ang aking tingin sa sobrang kahihiyan.



“Ibig sabihin ba nito na totoo lahat ng nakasulat dito at hindi para makaakit ng maraming mambabasa?” tanong nito sakin.



Lumapit ako sa kaniya at inabot ang kaliwa niyang kamay at inilapat ito sa aking dibdib sa tapat ng aking puso.



“Nararamdaman mo ba ang pagtibok niyan? Anong sinasabi niyan sayo?” tanong ko dito.



“Na nagpapalpitate ka? At di ka na dapat magkape?” pabirong tanong nito sakin at naningkit naman ang mga mata ko.



“Ganyan ang tibok niyan nung sinusulat ko yung lintik na article na yon.” makahulugan kong sabi dito.



Matagal na natahimik si Ram, mula sa aking dibdib ay inilagay nito ang kaniyang kaliwang kamay sa aking baba at ginabayan nito ang paglapit ng aking mukha sa kaniyang mukha.



“I love you.” bulong nito sakin habang unti unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko, inilapat ko ang daliri ko sa kaniyang mga labi, nagulat ito at miyamo nabitin sa halik, tinignan ko siya daretso sa mata.



“I love you too.” bulong ko dito.



Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng coffee shop sa pangunguna siyempre ni Janine, tinignan ko ito at bakas sa kaniyang bibig ang mga salitang. “Beking beki, ang lalandi!” na siya namang natabunan ng ingay ng palakpakan, nagpasya na kaming lumabas ni Ram.



Masaya itong lumabas ng building at bigla naman natigilan. Ngumiti ito sa isang lalaki sa di kalayuan, lumapit dito si Ram at sinalubong naman ito ng lalaki.



“Ram?” tawag ko dito at medyo naguguluhan na din, lumapit na ako sa tabi ni Ram.



“Martin, this is Drei an old friend. Drei, this is Martin my boyfriend.” bahagyang nagulat si Drei sa pagpapakilalang iyon, di ko na ito pinansin pa at inabot na ang kamay ni Drei at nakipag shake hands.


“Nice meeting you.” sabi nito sakin, pero halatang hindi yun ang kaniyang nararamdaman, pansamantala akong lumayo para kumuwa ng taxi dahil medyo marami rin ang aking bitbit at dahil walang dalang sasakyan si Ram.



Nagusap sila saglit, tinignan ko lang sila at nagmasid.



“Siya pala si Drei.” bulong ko sa sarili ko, halatang seryoso ang kanilang paguusap, pinara ko ang isang taxi at swerte namang tumigil ito.



“Ram.” tawag ko dito at inaya ng umalis, sinenyasan ako nito na saglit nalang, at humarap muli kay Drei, seryoso parin sila, maya maya pa ay tumalikod na si Drei, nagsuot ng helmet at sumakay na sa kaniyang magarang motor.



Lumapit na sa akin si Ram, halatang may bumabagabag dito pero nang makita ang aking mukha ay magiliw na itong ngumiti, tumabi ito sakin sa likod ng taxi at mahigpit na hinawakan ang aking kamay.



Tinignan ko ito, daretso lang ang tingin nito at patuloy parin sa pagngiti.




“Pangako ko, hindi ka na masasaktan, Ram.” sabi ko sa sarili ko pero parang narinig ito ni Ram dahil humarap ito sakin at ngumiti

No comments:

Post a Comment