By: emray
E-mail: iam.emildelosreyes@yahoo.com
Blog: theimmaculatedalisay.blogspot.com
[11]
The Return of Monster Adrian
“Micco” bati ni Adrian kay Micco kinabukasan “kailan ba matatapos ang pagtuturo mo sa mga bata?” tanong niya dito.
“May katagalan pa nang kaunti.” sagot naman ni Micco.
“Pwede mo bang bilisan ang pagtuturo sa mga bata?” suhestiyon ni Adrian kay Micco.
“Bakit?” biglang tanong ni Micco. “Ayaw mo na ba akong makasama” tanong ng isip ni Micco kay Adrian nang maramdaman niyang sa tono ng pananalita nito ay para bang pinapaalis na siya nito sa bahay nila. Biglang lumungkot ang mga mata ni Micco sa ganitong isipin. Gayunpaman ay pinilit niyang itago ito sa pamamagitan ng mga ngiti.
“Suggestion ko lang naman para makabalik ka na kaagad sa ampunan.” maikling sagot ni Adrian.
“Si Kuya Adrian naman, parang pinapaalis na ako.” tila may tampo sa himig ni Micco.
“Hindi, baka kasi gusto mo nang bumalik sa ampunan.” kontra ni Adrian.
Nanatiling tahimik si Micco at walang imik. “Ayaw ko pang bumalik sa ampunan, gusto pa kitang makasama.” sabi ni Micco sa sarili.
“Aalis na ako, huwag na huwag kayong lalabas ng bahay.” sabi ni Adrian kay Micco.
“Tito Adrian” biglang pigil ng mga bata.
“Bakit?” tanong ni Adrian.
“You promised us last night that we will go to Tagaytay.” tampong sagot ni Nicole.
“Sorry my dear” sagot ni Adrian “may emergency lang kasi sa opisina” pahabol ni Adrian.
“But you promised us” kontra naman ni James.
“Tomorrow” sagot ni Adrian “promise!” pangako ni Adrian sa mga bata.
“Tito Adrian” sabi ni Margareth “you said it’s today.”
“Kids” putol ni Micco sa usapan “hayaan na natin si Tito Adrian n’yo, nagpromise naman siya na bukas di ba?”
“Pero Tito Micco!” sabi ni Melissa.
“Sigurado namang bukas matutuloy na kayo” nakangiting wika ni Micco sa mga bata.
“Sige na” paalam ni Adrian “aalis na ako, baka malate pa ako.” paalam ni Adrian at tuluyan na nga itong umalis.
“Micco, bakit ba sa tuwing nakikita kita gumagaan ang loob ko, bakit ba nawiwili akong masdan ang mga mata mo, ang mga labi mo, ang ilong mo, lagi akong dinadalaw ng maamo mong mukha sa mga panginip ko. Ang mga ngiti mong sapat na para alisin ang pagod ko sa araw-araw. Micco, bakit sa dinami-dami ng tao, ikaw lang ang may kayang gumawa sa akin nito.” sabi ni Adrian sa sarili habang nagmamaneho papasok sa opisina.
“Micco, bakit ba sa pakiramdam ko, mahal na kita na hindi. Parang ewan, at ayokong mahalin ka Micco, ayoko.” patuloy pa din na iniisip ni Adrian si Micco.
“Hindi ako bakla, at hinding-hindi magiging bakla.” giit ni Adrian sa sarili “Si Micco ang may kasalanan nito, kung bakit ako naguguluhan ngayon, kung bakit nagulo ang buhay ko ngayon.” patuloy pa din si Adrian at may halong paninisi na kay Micco.
“Micco bakit ba dumating ka pa sa buhay ko?” saad ulit ng isipan ni Adrian.
Samantalang sa bahay na iniwan ni Adrian ay ganito ang naging takbo ng usapan.
“Tito Micco” sabi ni Melissa “nakakainis naman si Tito Adrian.” reklamo nito.
“Oo nga tito Micco” sang-ayon ni Eugene “nangako siya kagabi, tas hindi niya tutupadin.” dugtong pa nito.
“Tama na iyan” saway ni Micco “baka importante lang talaga iyon.” pagtatanggol ni Micco kay Adrian.
“Mas importante sa amin?” tanong ni Charles.
“Siyempre, hindi” sabi ni Micco “wala ng mas importante sa Tito Adrian ninyo kung hindi kayo. Malay ninyo malaking problema pala ang nangyari kaya kailangan niyang pumasok.” pagtatanggol pa din ni Micco.
“Pero excited na kami, sana hindi na lang siya nangako.” pangangatwiran ni Melissa.
“Alam ko na” sabi ni Micco “tayo na lang kaya ang mamasyal?” suhestiyon ni Micco.
“Pero di ba sabi ni Tito Adrian huwag daw tayo lalabas?” tila may pagtutol kay Margareth.
“Oo nga, baka mapagalitan tayo nuon.” sang-ayon ni James.
“Huwag na lang natin sasabihin.” komento ni Melissa.
“Oo nga!” sang-ayon naman ni Eugene.
“Isikreto na lang natin.” pahabol pa ni Charles.
“Pero kinakabahan ako.” sabi ni Margareth.
“Ayaw mo bang mamasyal?” tanong ni Melissa kay Margareth.
“Gusto!” dagling sagot ni Margareth.
“Ayon naman pala!” saad ni Nicole.
“Ano na?” sabi ni Eugene.
“Tito Micco, tara na.” aya ni Melissa kay Micco.
Naghanda na nga ang mga bata at si Micco. Nagpahatid sila sa driver nila Adrian papuntang Zoo.
“Pasensya na kayo” simula ni Micco sa mga bata “ito lang kasi ang alam kong pasyalan dito sa Maynila na pambata.”
“Ayos lang Tito Micco” sabi naman ni Nicole “buti ka nga nadala mo kami dito.” may himig ng pagtatampo sa boses nito.
“Tampururot ka na naman.” sabi ni Micco “kaya ko nga kayo dinala dito para magsaya tayo, saka siguradong matutuloy na kayo bukas.” nakangiting saad ni Micco.
“Tara na sa loob.” aya sa kanila ni Melissa.
Pakanta-kanta pa sila habang lumalakad sa loob ng zoo, takbo dito, takbo duon. Si Micco naman ay ang dakilang taga-habol ng mga bata. Animo ay mga batang paslit na matagal na hindi nakalabas ng bahay. Maghapon silang ganuon, hindi nila namalayan ang oras, kahit ang magutom ay hindi nila naramdaman.
“Mga bata” awat ni Micco sa mga ito “umuwi na tayo, alas-kwatro na ng hapon.” Aya niya dito.
“Ayaw pa namin” halos sabay-sabay nilang kontra.
“Pag dumating ang tito Adrian ninyo at wala pa tayo sa bahay ay tiyak na magagalit sa atin iyon.” paalala ni Micco sa mga bata.
“Pero” putol ni James.
“Oo nga James, mapapagalitan tayo, lalo na si Tito Micco.” sabi ni Melissa.
Nagpaalam na ang mga bata sa mga bagong kalaro na nakilala nila. Agad din naman silang lumabas ng Zoo at sumakay na sa kotse para umuwi.
Samantalang inabot ng hanggang hapon si Adrian bago makauwi. Pinilit niyang makauwi sana ng maaga upang kahit paano ay maipasyal niya ang mga bata sa kahit saan na pwede pang puntahan nila. Laking gulat niya nang wala ni isang bata man lang ang sumalubong sa kanya.
“Manang, nasaan po ang mga bata?” tanong niya agad sa mayordoma nila.
“Ah, eh, ano po kasi Sir.” pautal-utal itong nagsalita. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla.
“Nasaan po kako ang mga bata?” mahinahong ulit niya sa tanong.
“Ano po kasi Sir Adrian” tila putol na sagot ng mayordoma.
Tila nainis si Adrian dahil alam niyang may itinatago ang babae sa kanya – “Nasaan po ang mga bata?” mariin na niyang tanong.
“Do, a deer, a female deer
Re, a drop of golden sun
Me, a name, I called myself
Fa, a long long way to run
So, a needle pulling train”
Agad niyang narinig ang mga batang nagkakantahan na kita ang kasiyahan. Tulad ng mayordoma at nakita agad sa mga ito ang pagkabigla nang makita siya.
“Sige po Sir Adrian.” paalam ng mayordoma kay Adrian.
“Good Evening Tito Adrian.” bati ni Margareth na halatang kinakabahan.
“Saan kayo galing?” tanong ni Adrian kay Margareth.
“Sa kabilang bahay po.” sabi ni James.
“Kila Kuya Carl po.” sagot naman ni Nicole.
“Sa labas lang po kami.” sagot naman Charles.
Sabay-sabay at iba-ibang sagot ng mga bata sa katanungan ni Adrian. Biglang napakunot ang noo ni Adrian at sa isang matigas na tinig at sarkastikong tono ay hinarap niya si Micco na kita ang panginginig sa takot.
“Saan kayo galing ng mga bata?” madiing tanong ni Adrian kay Micco.
“Kila kuya Carl nga po.” sagot ni Melissa.
“Shut up Melissa” sabi niya sa pamangkin “hindi ikaw ang kausap ko.” sabay tapon ng titig kay Melissa.
“Sa” simula ni Micco na paputol-putol at pilit na pinalalakas ang loob “zoo po Kuya.”
“Hindi ba sabi ko huwag kayong lalabas?” singhal niya kay Micco. “Napakatigas naman pala ng kukote mo. Nakakaintindi ka ba?” sigaw pa ni Adrian kay Micco.
Nanatiling tahimik si Micco at tanggap na lang ng tanggap sa kung anuman ang sabihin ni Adrian. Inaya naman ni Melissa ang mga kapatid at pinsan para umakyat sa taas dahil tulad niya ay nakaramdam ito ng takot na bumakas sa kanilang mga murang mukha.
“Gaano ka ba katanga para hindi mo maunawaan iyon?” sabi pa ni Adrian “paano kung may mangyaring masama sa mga bata?” sabi ni Adrian “Ha, sige nga, paano?!” bulyaw pa ni Adrian kay Micco.
“Sorry po Kuya Adrian.” mangiyak-ngiyak na turan ni Micco.
“Huwag mo akong tatawaging kuya, dahil nandidiri ako. Wala akong kapatid na tanga at bobo na kagaya mo.” wika ni Adrian sabay duro sa ulo ni Micco.
“Pati pagsisinungaling itinuro mo sa mga bata?” paninisi ni Adrian “ano pa bang masamang ugali ang tinuro mo sa kanila?” tanong pa nito.
“Magsalita ka!” galit na anas ni Adrian.
Pahikbi-hikbi pa at ang mga pigil na luha ay unti-unti nang umagos mula sa mga mata ni Micco.
“Tito, kami po ang pumilit kay Tito Micco para mamasyal.” singit ni Melissa pagkababa.
“I told you to shut up Melissa!” galit niyang saway kay Melissa.
“Pati ba iyang ugali na iyan si Micco ang nagturo?” tanong ni Adrian kay Melissa.
Natahimik si Melissa at mabilis na umakyat sa kwarto niya.
“Sige” simula ni Micco at pinalakas niya ang loob para makapagsalita “ako na ang may kasalanan. Oo Sir, sorry na po.” sabi ni Micco.
“Tingin mo ba sapat na ang sorry?” tanong ni Adrian kay Micco.
“Sige Sir, aalis na lang po ako dito para umayos na ang lahat.” lakas loob na sinabi ni Adrian.
Nagulat si Adrian sa sinabi ni Micco. Hindi niya inaasahan ang ganitong suhestiyon mula kay Micco. Biglang takot ang naramdaman niya nang malamang iiwanan na siya si Micco. Ngayon nga ay nararamdaman niya sa sariling damdaming tila binuhusan ng malamig na tubig na sapat na para bumalik sa dati ang tino ng kanyang pag-iisip. Pahakbang na siya para yakapin si Micco ngunit – “Huwag Adrian, pagkakataon na para malayo sa’yo si Micco at pagkakataon na din para mawala ang pagmamahal mo sa kanya.” saway ng kabilang bahagi ng kanyang isipan.
“Sige, umalis kana, dapat nuon mo pa ginawa.” sabi ni Adrian na may lumbay sa tinig nito.
Walang pagdadalawang-isip na tumakbo si Micco papunta sa kwarto niya. agad na inimpake ang mga damit at iba pang gamit niya. – “Napakasama mo Adrian, napakasama mo!” sigaw ng damdamin ni Micco “bakit mo naatim na ganituhin ako?” dugtong pa ng isipan niya.
Sandali lang siyang nag-impake, agad din naman siyang bumaba at nakita niya Adrian na nakaupo sa sopa na tila hinihintay ang pag-alis niya. Nakita din niya ang mga batang nakasilip at takot na takot na nasa pinto ng kanilang mga silid. Nginitian lang niya ang mga ito at mabilis na tinakbo ang hagdan at palabas ng pinto.
“Micco, huwag mo akong iwan.” sigaw ng pilit na pinuputol na damdamin ni Adrian. Ang pinipilit nyang pigilin ang mga luhang papatak na mula sa kanyang mga mata.
“Hindi ka bakla Adrian – hayaan mo nang umalis ang lalaking may kasalanan kung bakit ka naguguluhan.” saway naman ng kabilang bahagi ng utak niya.
“Aalis na ako” paalam ni Micco kay Adrian at mabilis na lumabas ng pinto.
“Tito Micco” sigaw ng mga bata sabay habol kay Micco.
“Pabayaan na ninyo iyan.” saway ni Adrian sa mga bata.
Isang ngiti at kaway ng kamay na lang ang ginawa ni Micco at mabilis na niyang nilisan ang lugar na iyon. Ang bahay na kung saan ay naranasan niyang magmahal nang lihim. Isang tunay na pagmamahal na kanyang tinatago hanggang ngayon at kailangan na siyang patayin dahil alam niyang sa simula’t sapul ay wala ng pag-asa.
“Bobo, tanga” sisi ni Micco sa sarili “bakit kay Adrian ka pa tumibok. Sa isang halimaw ka pa umibig at nagmahal.” laman ng isip niya habang nasa biyahe papuntang Fortitude.
Ilang oras pa at nasa harap na siya ng ampunan, umaasa ang puso niyang anduon si Adrian para pigilin ang gagawin niyang pagbabalik sa Fortitude, na hihingi ito nang tawad at susuyuin siyang bumalik sa Maynila kagaya nung una silang mag-away. Hindi siya mapakali sa labas ng Fortitude at hinihintay ang pagdating ni Adrian, iniisip kung paano magpapaliwanag sa superyora at nang marami pang bagay. Hindi nga naglaon at pinagpasyahan niyang pumasok na sa loob at ang pag-asang susundan siya ni Adrian ay unti-unti na niyang kinalimutan.
Madami mang naging tanong sa kanya ay naging maagap naman ang mga dahilan niya. Kalahati sa mga sagot niya ay totoo at ang iba ay gawa na lang niyang dahilan. Pinilit niyang maging masaya at pinili niyang maging masaya sa pagbabalik sa ampunan. Mahalaga sa kanya ngayon ay kung paano haharapin ang isang problemang dapat sa simula pa lang ay sinolusyunan na niya ng tama – iyon ay ang pagsasabi ng totoo sa pamilya niya nang nangyari sa kanyang kamalasan.
[12]
Sorry Micco
Isang linggo at mahigit na din mula nang maghiwalay sina Micco at Adrian. Isang linggo at mahigit na ding pilit kinakalimutan ni Micco si Adrian at ang pag-ibig niya dito at isang linggo at mahigit na din mula ng simulan niyang unti-unting tanggapin na walang mangyayari sa pagmamahal niya kay Adrian o kung anumang damdamin ang nabuo sa puso niya sa loob ng maikling panahon.
“Liz” simula ni Micco nang usapan “tulungan mo naman ako.”
“Paano?” seryosong sagot ni Liz.
“Wala!” sagot ni Micco “kalimutan mo na lang iyon.” saad pa ni Micco kasunod ang isang matipid na ngiti.
Naguguluhan man ay sinuklian ni Liz si Micco nang ngiti din.
“Micco” sabi ng superyora “may bisita ka.”
“Ako?” tila hindi makapaniwala si Micco na magkakaroon siya ng bisita, higit pa ay nakaramdam siya ng kaba dahil baka ang mga magulang niya iyon at sinabi ni Adrian sa mga ito ang nangyari sa kanya at ang mga pagsisinungaling niya.
“Tito Micco” sabay-sabay na bati sa kanya ng mga bata. Ang mga batang napamahal na sa kanya, ang mga batang pamangkin nang lalaking magaspang ang ugali na nagpatibok sa puso niya.
“Anong ginagawa ninyo dito?” gulat na tanong ni Micco at tila nakaramdam ng ligaya sa pag-asang anduon din si Adrian.
“Tito Micco bumalik ka na sa bahay.” sabi ni Melissa.
“Oo nga Tito Micco, malungkot na sa bahay nung nawala ka.” sabi naman ni Nicole.
“Please Tito Micco, bumalik ka na sa bahay.” pamimilit ni Margareth.
“Ang Tito Adrian ninyo?” tila tanong ni Micco sa mga bata.
“Nag-out-of-town po” sagot ni James “kaaalis lang po kanina at sa isang linggo pa ang uwi kaya po sige na sumama ka na sa bahay.”
Nakaramdam ng lungkot ang puso ni Micco dahil bigo siya sa pag-asang magkikita sila ni Adrian at ito na mismo ang susundo sa kanya.
“Hindi talaga pwede.” sagot ni Micco.
“Aya” sabay-sabay na reaksyon ng mga bata.
“Pero dadalawin ko kayo paminsan-minsan pag wala ang Tito Adrian ninyo.” tila pampalubag-loob na suhestiyon ni Micco.
“Pero Tito Micco.” sabi ni Melissa.
“Wala nang pero-pero, baka magalit ang Tito Adrian ninyo sa inyo pagnakita niya ako sa bahay.” sabi ni Micco “Gusto ba ninyong mapagalitan ng Tito Adrian ninyo?”
“Ayaw po.” malungkot na sagot ng mga bata.
“Ayun naman pala eh!” nakangiting wika ni Micco “dadalaw na lang ako pagwala ang Tito Adrian ninyo sa bahay.”
“Pero Tito Micco, pwede po bang dito na kami matulog?” tanong naman ni Nicole.
“Naku, kinakabahan ako.” may pagtutol sa sagot ni Micco.
“Sige na Tito Micco.” pangungulit ni Matthew.
“Sige na naman Micco.” biglang sabat ng mayordoma nila Adrian mula sa likuran.
“Kasama pala kayo manang!” gulat na wika ni Micco.
“Mga bata kasi, naging malulungkutin nang mawala ka sa bahay” kwento ng mayordoma “kaya ngayong wala ang Tito Adrian nila nagpapasama na pumunta dito.”
“Naku” sabi ni Micco “tanong po ninyo kay Sis. Meding.” sagot ni Micco.
“Naku Micco, bago pa man sila makapunta dito ay nagpaalam na sila na dito sila matutulog.” agad na sagot ng mayordoma.
“Planado na pala ang lahat” nakangiting wika ni Micco “sige na, mainam ito ng makilala ninyo ang mga bata dito sa Fortitude.”
“Yehey!” sabay na reaksyon mula sa mga bata.
Sama-sama nilang pinagsaluhan ang mga pagkaing dala ng mga pamangkin ni Adrian. Matapos kumain ay nagturo sina Micco at Liz sa mga bata at saka nakipaglaro sa mga ito. Bakas na bakas sa mga bata sa ampunan ang kasiyahan maging sa mga pamangkin ni Adrian na tuwang-tuwa sa mga bagong kaibigan. Higit na masaya sa kanila ay si Matthew – si Matthew na dating galing ng Fortitude at inampon ni Adrian nang makita nitong bibo ngunit tila may lungkot sa mga mata nito.
“I’m Melissa” pakilala ni Melissa sa isang bata na nakaupo lang sa isang tabi at ngingiti-ngiti.
“I’m Cherry” sagot naman nito na tila nahihiya.
“Bakit ka nahihiya?” tanong naman ni Melissa.
Nanatiling tahimik lang si Cherry. Walang imik na tila ba may dinadala. Napaluha na lang ito nang bigla.
“Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ni Melissa.
“Namimiss ko kasi nanay at tatay ko.” saad ni Cherry.
“Bakit, ano ba ang nagyari sa kanila?” tanong ni Melissa.
“Naaksidente kasi sila, namatay, iniwan nila ako.” sagot naman ni Cherry. “Dati ang saya-saya namin, si nanay ipinaghahanda ako sa umaga, si tatay naman lagi akong kinakarga.” kwento ni Cherry.
“Mahal na mahal nila ako, lagi nilang pinaparamdam sa akin iyon. Pero ngayon” tila biting pagpapatuloy ni Cherry sa kwento niya kasunod ang mga hikbi “pero ngayon, wala na sila, hanggang alaala na lang ako. Wala nang magmamahal sa akin ng tulad ng sa kanila.”
Niyakap na lang ni Melissa si Cherry at tila inaamo-amo. Naalala din niya ang mga magulang bago maganap ang karumal-dumal na aksidenteng iyon. Mahal na mahal din siya ng mga ito, inaalagaan at laging inaasikaso. Naisip niyang pareho sila ni Cherry, iyon nga lang, siya ay may Tito Adrian na kumalinga sa kanya samantalang si Cherry ay sa ampunan na hindi naman niya kaanu-ano. Maswerte siya dahil alam niyang may lolo at lola pa siyang nag-aalaga sa kanya, may Tito Adrian na naging tatay na niya, pero si Cherry, naghihintay sa walang kasiguraduhan. Naalala niya si Matthew na nasa parehong sitwasyon ni Cherry, naghihintay sa wala bago sila dumating. Agad na nakaramdam nang pagsisisi si Melissa sa naging trato niya dito, sa pagmamaldita, pagsusungit at pagsusuplada niya kay Matthew. Ngayon ay mas natuto siyang pahalagahan na maswerte siya kaysa sa iba na nawalan ng mga magulang. Natutunan niyang ipagpasalamat dahil may kamag-anak pa siyang minamahal siya.
“Cherry” bati ni Matthew pagkalapit niya sa dalawa.
“Matthew” nakangiting bati naman ni Cherry “akala ko hindi mo na ako naaalala.”
“Pwede ba naman iyon, ikaw kaya ang bestfriend ko.” sagot ni Matthew.
“I’m sorry Matthew.” sabi ni Melissa sabay yakap sa ampon nilang si Matthew.
“Bakit Ate Melissa?” nagtatakang tanong ni Matthew.
“I’m sorry, kasi hindi naging maganda ang trato ko sa iyo.” sagot ni Melissa.
“Wala iyon Ate Melissa.” sabi ni Matthew.
“Basta sorry.” giit ni Melissa.
“Si Ate Melissa naman, pinapaiyak ako.” sagot ni Matthew.
Kumalas sa pagkakayakap si Melissa at pinahiran ang mga luhang tutulo mula sa mga mata ni Matthew.
“Nga pala Ate Melissa, nagkakilala na pala kayo ni Cherry.” pag-iiba ni Matthew sa usapan.
“Salamat kay Cherry at nakita ko ang pagkakamali ko sa iyo.” sabi ni Melissa.
“Si Ate Melissa naman” saad ni Matthew “Si Cherry po ang bestfriend ko dito. Ang nanay po niya ang dating nag-aalaga sa amin. Lagi ko po din siyang kalaro.” sabi ni Matthew.
“Ganuon ba.” wika ni Melissa. “Sige maglaro na kayo.” sabi ni Melissa sabay alis at lapit sa iba pang mga bata,
Nilapitan naman ni Micco sina Matthew at Cherry.
“Matthew, kamusta ka naman, ang trato nila sa’yo?” tanong ni Micco.
“Mabait po sila sa akin, parang kadugo nga po ang turing nila sa akin.” sagot ni Matthew.
“Buti naman” sagot ni Micco. “Pasensiya ka na, kasi hindi ko natupad ang pangako ko sa’yo na aampunin kita.” sabi ni Micco.
“Kuya Micco talaga, wala iyon.” sagot ni Matthew.
Isang ngiti lang ang sinukli ni Micco dito. Sa katotohanan ay gusto nilang ampunin si Matthew, iyon nga lang ay mas gusto talaga ni Micco sa siya ang gagastos para kay Matthew at hindi na ipapaintindi pa sa mga magulang kung kayat hindi natuloy ang pag-aampon nila dito.
“Nakilala ko na din si Cherry” nakangiting wika ni Micco “iyong madalas mong ikwento sa akin dati.”
“Kuya Micco” sabi ni Matthew na agad na namula ang mga pisngi.
“Huwag kang mag-alala, wala akong kinukwento kay Cherry.” wika ni Micco.
“Di ba Cherry?” sabay lingon kay Cherry na agad namang namula.
“Nandiyan pala kayo” bati naman ni Liz buhat sa likuran.
“Ayiee” sabay na tukso nang dalawang bata nang makalapit na si Liz.
“Ayiee kayo diyan.” sabi ni Liz na agad na namula ang pisngi.
“Di ba ate Liz sabi mo crush mo si Kuya Micco.” sabi ni Matthew.
“Hindi, wala akong sinabing ganuon.” tutol at depensa ni Liz sa sarili.
“Sabi mo pa nga namimiss mo na si Kuya Micco.” sabi naman ni Cherry.
“Kayo talagang mga bata kayo.” sabi ni Liz.
“Naku Micco, huwag kang maniwala sa mga iyan.” sabi ni Liz.
Bumakas naman ang ngiti sa mukha ni Micco sa nalaman niyang ito. “Aba Liz, pinagpapantasyahan mo pa pala ako.” saad nang utak ni Micco.
“Naku Micco, wag kang maniwala sa mga ito.” sabi ni Liz.
“Mga pilyo lang talaga iyan.” sabi ni Micco kasunod ang isang makahulugan at mapang-akit na ngiti.
---------------------------------------------------
Isang linggo na ang nakalilipas buhat ng magkahiwalay sina Micco at Adrian. Isang linggo na ding pilit kinakalimutan ni Adrian si Micco at
“Pare” sabi ni Alex kay Adrian “bakit ba halos isang linggo ka nang badtrip?”
“Badtrip? Sino? Ako?” tila paglilinaw ni Adrian sa kaibigan.
“Oo” sagot ni Alex “bakit may iba pa ba akong kausap?” tanong pa nito.
“Hindi ako badtrip.” sagot ni Adrian “stress lang sa trabaho.” sagot pa nito.
“Kamusta na nga pala kayo ni Micco?” tanong ni Alex.
“Ayun, pinabalik ko na sa ampunan.” sagot ni Adrian “Saka bakit ba naisali mo sa usapan iyon?”
“Kaya pala lagi kang bad mood.” sabi ni Alex na tila alam na niya ang sagot sa sariling katanungan.
“Ano naman ang koneksyon nang pagkawala ni Micco sa pagiging bad mood ko?” tanong ni Adrian kay Alex.
“Alam mo pare” simula ni Alex “sa simula pa lang na makilala ko si Micco at makita ko ang reaksyon mo nung kasama ko siya sa inyo naramdaman ko nang papausbong na ang pagmamahal mo para sa kanya.”
“Di nga?” tila pambabara ni Adrian kay Alex.
“Kita ko din kung paano ka nagbago, working attitudes mo, pakikisama mo sa mga empleyado mo, mga tawa mo pag magkakasama tayo, buong barkada napansin kung paano ka nagbago. Kung paano ka nagbago simula nang dumating si Micco.” sabi ni Alex.
“Pare” sagot ni Adrian “hinding-hindi ako iibig sa isang kagaya ni Micco.” sabi pa ni Adrian.
“Bakit? Dahil pareho kayong lalaki?” tanong ni Alex kay Adrian.
Nanatiling tahimik lang si Adrian at walang sagot sa huling tanong na ito ni Alex.
“Bakit natahimik ka?” tanong ni Alex “Dahil totoo iyong sinabi ko di ba?”
“Bakit naman kasi sa dinami-dami nang tao diyan, sa isang tulad pa niya titibok ang puso ko, sa isang kapwa ko pa lalaki.” simula ni Adrian. “Ano na lang ang sasabihin sa aking nila mama at papa? Nang mga pamangkin ko? Nang mga kamag-anak natin? Nang mga kaibigan ko?” tila pagtatanong pa ni Adrian.
“Ano ba ang mas mahalaga para sa iyo? Kaligayahan ng puso mo at pagkabuo ng buong pagkatao mo o ang sasabihin ng ibang tao?” isang makahulugang tanong ni Alex sa pinsan niyang si Adrian. “Ang puso mo lang ang nakakaalam kung kanino ito titibok at tanging ang utak mo lang ang nagdidikta kung tatanggapin mo ba ito.” sabi pa ni Alex.
“Bakit ka maduduwag na ipaglaban ang tunay na laman ng puso mo sa isang kapaligirang puno nang kasalanan at sa isang lipunang nabubulok na? Habang nilalabanan mo ang tunay na laman niyan, lalo ka lang masasaktan, lalo ka lang mahihirapan. Habang pinapatay mo iyan, para mo ding pinapatay ang kaligayahan mo, ang tunay mong kaligayahan. Ipinagkait mo sa sarili mo ang makalasap nang tunay na ligaya.” tila sermon ni Alex kay Adrian.
“Madaling magsalita pare dahil wala ka sa kalagayan ko.” sabi naman ni Adrian.
“Kaya nga ako nakakapagsalita nang ganito dahil pinagdaanan ko na din iyang sitwasyon mo.” sagot ni Alex.
“Anong ibig mong sabihin?” nahihiwagaang tanong ni Adrian.
“Panahon na para malaman mong kagaya mo ako.” sabi ni Alex. “Nang hinayaan kong kumawala ang tunay na laman nang puso ko at natutunan ko siyang ipaglaban, kakaibang saya ang nadarama ko. Ang bawat umaga ko ay siya lang ang dahilan. Ang bawat pagpintig nitong puso ko ay dahil sa kanya.”
“Pero” pagtutol pa ni Adrian.
“Bago mahuli ang lahat, dapat matutunan mo nang tanggapin kung sino ka. Dahil baka pagnagtagal, huli na ang lahat at mas malaking pagsisisi ang mangyari sa iyo.” mabilis na pag-awat ni Alex sa sasabihin pa ng pinsan.
“Salamat pare” tanging nasambit ni Adrian. Hanggang ngayon ay patuloy niyang pinag-iisipan ang sinabing iyon nang pinsan. Ayaw siyang patulugin at hangggang sa mga oras na iyon ay iisa pa din ang laman nang kanyang isipan at ito ay si Micco. Tama nga ang pinsan niya, bakit siya magpapatali na lang habang buhay sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao, ang ibang tao akala mo kung sinong malinis ngunit mas madumi pa pala sa inaasahan. Bakit siya magpapakaduwag sa kung ano ang pilit na isinisigaw sa kanya ng lipunan at bakit siya magpapadala sa agos kung kaya naman niyang labanan ito at lumangoy para iligtas ang sarili sa pagkalunod. Bakit niya hahayaang mawala ang isang pagmamahal na susi sa kanyang habang-buhay na kaligayahan.
Kahit kararating lang nang Baguio ay desidido na siyang bumalik nang Maynila at nang San Carlos para muling bawiin ang isang pagmamahal na pilit niyang itinaboy. Wala siyang pakialam sa kung kahit limang oras man ang biyahe niya sa mas mahalaga na mabawi niya si Micco, kulungin ito sa kanyang mga braso at sa unang pagkakataon ay ihayag dito ang laman nang kanyang puso.
“Pare mag-iingat ka” paalam ni Alex kay Adrian.
“Oo pare” sagot ni Adrian “salamat.”
---------------------------------------------------
“Buti naman at napatulog na natin ang mga bata.” komento ni Liz kadugtong ang isang buntong-hininga.
“Ang kukulit ng mga bata ngayon. Mas makulit sa dati.” sabi naman ni Micco na may pagsang-ayon sa sinabi ni Liz.
“Tara na” aya ni Liz kay Micco “matulog na din tayo.” suhestiyon nito.
“Mabuti pa nga, inabot na din tayo ng ala-una.” sagot naman ni Micco.
“Ahh” pahabol ni Liz “may sasabihin sana ako.” dugtong pa ng dalaga.
Sa katotohanan lang ay nanginginig si Liz nang mga oras na iyon. Kinakabahan, kakaibang kaba ang nararamdaman niya. Sa pakiramdam niya ay tila ba bibigay ang mga tuhod niya. nagdadalawang isip kung itutuloy ba ang binabalak at sabihin kay Micco ang katotohanan o itatago na lang niya ito. Naguguluhan si Liz, alam niyang hindi tama ang gagawain, ngunit tila ba iba ang lakas ng loob niya ng mga oras na iyon kung kayat sa pakiramdam niya ay may kakayahan siyang magsalita sa kung ano ang laman ng kalooban niya.
“Ano iyon?” nakangiting tanong ni Micco.
Sa kabilang banda ay biglang naging mabilis ang pagtibok ng puso ni Micco nang sabihin ni Liz na may sasabihin ito sa kanya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman higit pa sa nakikita niya mula kay Liz, ang seryosong aura nito, hindi siya sanay sa ganitong mga usapan. Kahit na kinakabahan ay pilit pa din niyang pinakalma ang sarili at kumilos nang normal.
“Mahal pa din kita Micco.” walang kaabog-abog na pagtatapat ni Liz.
Nagulat si Micco, hindi niya alam kung papaano sasagutin ang mga sinabing ito ni Liz.
“Alam ko hindi tama na ako pa ang magsabi sa iyo nito. Pero wala namang masama kung malalaman mo di ba?” tila may pagtatanong mula sa dalaga.
“Alam mo Liz, hindi na uso na laging lalaki lang ang nagtatapat ng pagmamahal.” nakangiting wika ni Micco. “Pero – ” biting wika ni Micco.
“Hindi naman ako humihingi nang sagot mula sa iyo. Ang sa akin lang ay sana malaman mo na mula pa nang maghiwalay tayo, naingatan ko pa din ang pagmamahal ko sa iyo.” sabi naman ni Liz.
“Sorry ha,” paghingi nang tawad ni Micco “kasi parang nakalimutan ka na nito.” sabay turo sa puso niya.
“Alam ko naman iyon.” wika ni Liz. “Gusto ko lang na bago mahuli ang lahat ay masabi ko sa iyo ang mga bagay na ito. Tipong wala akong tinatago mula sa’yo. Sa mga oras na nag-uusap tayo wala akong nililihim.” saad pa ni Liz.
“Kita mo ngayon, pakiramdam ko ang gaan nang pakiramdam ko. Pakiramdam ko nabawasan nang mabigat na dinadala ko. Kasi nasabi ko na sa iyo ang bagay na dapat kong sabihin.” nakangiting pagpapatuloy ni Liz.
“Salamat sa pagmamahal mo.” pasasalamat ni Micco. “Pero sa tingin ko, dapat ibaling mo na sa iba iyan. Turuan mo ang puso mong kalimutan na ang pagmamahal mo sa akin, turuan mo na ang puso mong magmahal nang iba. Hindi kita kayang alagaan Liz, nasisigurado kong lagi ka lang iiyak at masasaktan sa akin.” saad pa ni Micco.
“Slow ka ba talaga?” sabi ni Liz sabay ang batok kay Micco.
“Bakit may kasama pang batok?” tanong ni Micco. “Alam mo namang hindi ako sanay sa usapang ganito.” dugtong pa ni Micco.
“Alam mo, sa tingin ko, turuan ko man ang puso kong kalimutan ka o magmahal nang iba, hindi ko magagawa iyon kung hindi ko masasabi ang tunay na laman nito ngayon. Dahil kung nagawa kong lokohin ang puso ko, ang puso ko naman ay hindi ako kayang lokohin dahil sa pangalan mo pa din ang nakatagong sinisigaw nito.” sabi ulit ni Liz.
“May topak ka talaga, palibhasa kasi papasikat na ang araw kaya nagtatransform ka na naman.” biro ni Micco.
“Loko ka talaga.” sabi ni Liz.
“Matulog ka na at magugulo na naman ang mundo mo mamaya.” sabi ni Micco kasunod ang isang ngiti.
“Opo” sagot ni Liz “pero wala sanang magbago sa pagkakaibigan natin.” pahabol pa ni Liz.
“Siyempre wala” mabilis na sagot ni Micco. “Baka ikaw nga diyan ang magbago.” pahabol pa ni Micco.
“Hinding-hindi.” sagot ni Liz sabay punta sa silid nito.
Dahil nga sa ampunan matutulog ang mga pamangkin ni Adrian at ang mayordoma at driver nito ay napagdesiyunan niyang maglatag na lamang sa sala at duon matulog. Dalawang oras na ding tila ayaw dalawin ng antok si Micco. Papalit-palit na din siya nang posisyon sa pagtulog subalit lagi at lagi siyang dinadapuan nang pagkabalisa. Walang anu-ano’y unti-unti nang bumibigay ang kanyang mga mata at napapapikit na nang may biglang kumatok sa pinto.
“Walanju naman” mahinang usal niya sabay bangon at lapit sa pinto. “Bampira ba itong kumakatok na ito.”
“Micco” nakangiting bati nang hindi inaasahang panauhin.
“Kamusta” bati din niya dito na pupungas-pungas pa at tila wala sa katinuan. “Pasok ka muna Sir Adrian.” sabi pa niya.
“Sir Adrian” ulit niya na tila ba nakakita na nang multo. Isang reaksyong sapat na para gisingin ang buong ampunan.
Hindi malaman ni Micco ang gagawin nang mga oras na iyon. Nataranta siya at hindi matuwid-tuwid ang pagsasalita. Halos magkandabuwal siya sa paglakad at nangangatog ang mga tuhod. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at tila ayaw gumana nang kanyang utak. Walang anu-ano’y bigla na lamang siyang binawian nang balanse at mapasubsob sa sahig.
“Anong nangyayari sa’yo Micco?” tanong ni Adrian kay Micco habang salu-salo niya ito.
Ang mukha ni Micco ay nasa malapad na dibdib ni Adrian at habang ang isang kamay ni Adrian ay hawak at naka-alalay sa likuran ni Micco. Ang isa namang kamay ni Adrian ay nakahawak sa ulo ni Micco na tila lalong dinidiin ang ulo nito sa kanyang dibdib. Unti-unting inangat ni Micco ang mga kamay patungo sa balikat ni Adrian at dahan-dahang umayos nang pagkakatayo. Ngayon nga ay ganap na nilang yakap ang isa’t-isa, ang kanilang mga mata ay nagtatama. Tila may milyong boltaheng nanulay sa mga titig na iyon na nagpawala sa kanilang mga puso.
Nanginginig si Micco at ngayon nga ay dobleng kaba ang nadarama niya. Hindi na niya magawang igapos pa ang nagwawalang puso dahil sa nakita na niyang muli ang lalaking inaasam-asam. Higit pa niyang ikinabaliw ang ayos nilang dalawa ngayon, tila ba buong-buo ang pakiramdam niya.
Si Adrian naman ay masayang-masaya na muling masilayan si Micco, higit pa ay mas masaya siya dahil magagawa na niyang pakawalan ang nadarama niya para sa binata. May lakas na siya nang loob para harapin ang katotohanan at ipagtapat ito sa taong handa niyang paglaanan nang habang-buhay. Masayang-masaya si Adrian dahil ngayon nga ay kayakap niya ang taong magpapaligaya sa kanya at bubuo sa isang Adrian.
Unti-unti at dahan-dahang inilalapit ni Adrian ang kanyang mukha sa mukha ni Micco. Kinakabahan man ay desidido siyang angkinin muli ang mga labi nito. Sa kabilang banda ay tila panaginip kay Micco ang nagaganap. Alam na niya ang binabalak na gawin ni Adrian kaya naman ay ipinikit na lamang niya ang mga mata at hayaang ipaubaya kay Adrian ang lahat.
“Micco” tawag kay Micco buhat sa di kalayuan.
“Sayang! Pagkakataon na binawi pa” saad ng isipan ni Micco.
“Micco, gising” sabi ni Adrian nang muling manlupaypay si Micco na tila nakatulog na.
“Bahala ka sa buhay mo, basta ako magkukunwaring nahimatay para hindi ako mapagalitan.” wika ni Micco sa sarili.
Kinaumagahan.
Biglang nagising si Micco sa ingay nang mga bata. Agad siyang napabangon na naging sanhi sa pagkakahulog niya sa sofa na hinihigaan niya.
“Good Morning Tito Micco!” sabay-sabay na bati sa kanya ng mga pamangkin ni Adrian, lahat ay nakangiti at nakaikot sa kanya.
“Good Morning Micco!” wika naman ng isang pamilyar na tinig.
Laking gulat ni Micco nang makita kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Halos hindi siya makapagsalita at tila walang lumalabas sa kanyang boses.
“Patay kang Micco ka!” sabi ni Micco sa sarili.
“Tara na, uwi na tayo!” sabi ni Adrian kay Micco.
“Ano daw? Uwi? Ako? Kasama?” sunod-sunod na tanong ni Micco sa sarili naging dahilan para kumunot ang noo niya.
“Bakit ganyan ang itsura mo?” tanong ni Adrian “Bilisan mo at babalik na tayo ang Maynila.”
“Ha!?” naguguluhang wika ni Micco. “Hindi kasi maabsorb nang utak ko eh, pakilinaw nga.” bulong ni Micco sa sarili.
Tila narinig naman ito ni Adrian – “Sabi ko bilisan mo at babalik na tayo sa Maynila, isasama ka ulit namin. Ikaw na ulit ang music teacher ng mga bata.” masayang pagbabalita ni Adrian. “Siyempre, may bago kang trabaho, ang maging boyfriend ko.” pahabol naman nang isipan ni Adrian.
“Ayoko nga!” sagot ni Micco. “Pilitin mo ako Adrian, papahirapan muna kita.” sabi ni Micco sa sarili.
“Usap muna tayo!” sabi ni Adrian sabay tayo. “Duon tayo sa may labas.” aya pa niya kay Micco.
Pagkalabas.
“Magpapapilit ka pa ba?” simula ni Adrian. “Madali naman akong kausap.” dugtong pa nito.
“Sir Adrian, hindi ba natatakot kang mahawa nang katangahan ang mga pamangkin mo?” sarkastikong tanong ni Micco. “Magsorry ka muna. Wahahaha.” buyo nang isipan ni Micco.
“Sige, ganito na lang” sabi ni Adrian na tila gagawa nang isang kasunduan “iiwan kita dito at didiretso ako nang San Tadeo para ang mga magulang mo na ang sumundo sa’yo dito o sasama ka sa akin sa Maynila.” tila pangungundisyon ni Adrian.
Nanatiling tahimik si Micco sa sinabing iyon ni Adrian. Napalunok na lang ng laway at nataranta sa nangyayari.
“Anong sagot mo?” tanong ni Adrian.
“Ah, eh, ano.” tila naguguluhang sagot ni Micco.
“Bilisan mo, baka magbago ang isip ko at dumiretso na ako sa San Tadeo.” sabi ni Adrian kasunod ang isang mapang-asar na ngiti.
“Sama na ako sa inyo!” agad na sagot ni Micco. “I-black-mail ba ako? May araw ka ding Adrian ka.” sigaw nang damdamin ni Micco.
Wala nang patumpik-tumpik pa at naghanda na sila para lisanin ang Fortitude. Nakipaglaro muna ang mga pamangkin ni Adrian sa mga bata sa Fortitude. Mahaba-habang paghahanda din ang ginawa ni Micco, kaunting sermon muna sa mga madre at kaunting paalala. Pagkatapos makaligo at makakain ng hapunan ay diretso na sila pabalik nang Maynila. Sa harapan naupo si Micco at nanatiling tahimik sa buong biyahe. Alas-diyes na ng gabi nang marating nila ang bahay ni Adrian, agad namang kinausap nang masinsinan ni Adrian si Micco.
“Micco” simula ni Adrian “I’m so sorry.”
“Tama iyan, sige na luhod na, luhod.” sigaw nang damdamin ni Micco na tila nakakalasap na ng tagumpay. Hindi pinansin ni Micco ang mga sinabing iyon ni Adrian.
“Sorry din sa ginawa ko kaninang madaling araw. I can’t control myself.” pagpapaumanhin ulit ni Adrian.
Bigla na namang nagflashback kay Micco ang sinasabing iyon ni Adrian. Tila ba nakaramdam siya nang hiya nang masiguradong hindi iyon panaginip lang. “Patay kang Micco ka, hindi, panaginip lang iyon.” sigaw nang isipan ni Micco.
“Ano iyon?” maang na tanong ni Micco para na din makasigurado.
“Iyong kanina” tila nahihiya din si Adrian kay Micco.
“Ano nga iyon?” pilit ni Micco.
“Iyong muntikan na kitang halikan.” sagot ni Adrian.
“Ayieee, nakakakilig, totoo pala iyon, akala ko panaginip lang.” sigaw nang isipan ni Micco.
“I love you Micco” pag-iiba ni Adrian sa usapan.
“Hah!?” sabi ni Micco.
“I love you Micco” sabay kuha ni Adrian sa mga kamay ni Micco at lumuhod ito pagkatapos ay binigyan nang isang halik sa kamay.
“Nangtitrip ka na naman” sabi ni Micco bagamat nagulat man ay mas lamang ang tuwang nadarama niya.
“Hindi ako nagbibiro” sabi ni Adrian na buong-buo ang sincerity nito sa mukha. “I really mean it and I really feel it.” dugtong pa ni Adrian.
Walang sagot mula kay Micco.
“Tara, sumama ka sa akin.” sabi ni Adrian sabay hatak kay Micco.
Dagli silang sumakay nang kotse at agad itong pinaharurot ni Adrian. Wala pang labing limang minuto ay nasa loob na sila nang isang bar. Hindi maikakailang madalas duon si Adrian dahil kilala siya nang mga empleyado at ng ilang customer.
Hinatak ni Adrian si Micco sa gitna nang dance floor. Agad namang tumutok ang spotlight sa kanilang dalawa. Ang mabibilis na awitin ay biglang napalitan ng mga lovesongs. Nakaramdam man ng hiya ay mas lamang pa din ang ligayang dulot nuon. May nag-abot kay Adrian nang microphone at –
“Ladies and gentlemen, I want you to meet the only person that causes me so much happiness.” simula ni Adrian.
Napayuko na lang si Micco sa hiya. Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa kung anuman ang nagaganap. Ang mga tingin nang tao sa paligid na anino’y tinatalupan siya ng buhay.
“Ayaw niyang maniwalang seryoso ako sa kanya, so, andito ako sa harap ninyong lahat para patunayang totoo ko siyang mahal.” sabi ni Adrian sa lahat ng mga tao.
“Michael Ceasar Caleon delas Nieves, naniniwala ka na bang seryoso ako?” sabi ni Adrian sabay luhod sa harapan ni Micco.
“Ano ba Sir Adrian, nakakahiya” sabi ni Micco na pilit itinatayo si Adrian. “Tumayo ka na nga diyan.”
“I love you Micco” wika ulit ni Adrian na tila hindi narinig ang pakiusap ni Micco. “I won’t last a day without you. I really love you, more than my life, more than anything. I love you and it won’t end.” panunuyo ni Adrian.
“Bibigay na yan!” kantiyaw ng mga tao sa paligid.
“Sige na mahal na din kita basta tumayo ka na diyan.” mabilis na sabi ni Micco.
“Ano nga ulit iyon?” tanong ni Adrian.
“Mahal na din kita.” sabi ni Micco kasunod ang isang ngiti.
“Ano? Hindi ko marinig?” sabi ulit ni Adrian sabay tapat ng microphone kay Micco.
“I love you too!” ulit ni Micco.
“Hindi ko kasi narinig, pakiulit nga.” pamimilit ni Adrian kay Micco.
“Kung hindi mo narinig, wag na lang.” asar na sabi ni Micco.
“Eto naman, siyempre narinig ko.” sabi ni Adrian sabay tayo at yakap nang mahigpit kay Micco.
Dumagundong nang palakpakan sa buong bar na iyon.
“I love you Micco” bulong ni Adrian sa tenga ni Micco habang yakap niya ito.
“Ang swerte mo Micco kay Adrian.” sabi ng isang lalaking lumapit sa kanila.
“Tama! Ngayon pa lang ginawa ni Adrian ang ganito sa buong buhay niya.” sang-ayon nang isa.
Ngiti lang ang tanging sagot ni Micco sa mga ito.
“Congrats pare!” bati ng isa kay Adrian.
“Salamat mga pare sa pagtanggap pa din ninyo sa akin.” pasasalamat naman ni Adrian.
“Wala iyon pare, makikitid lang ang utak nang hindi kayo kayang tanggapin.” Wika nang isa na may kalakip na ngiti.
Ipinakilala ni Adrian si Micco sa mga kaibigan niya, kaunting usapan at sa unang pagkakataon ay nakatikim ng alak si Micco. Isang shot lang ang ginawa niya dahil hindi niya talaga kaya, gayundin si Adrian na isang shot lang din ang ininom para mas malasap niya ang kaligayahan na walang espiritu ng alak. Hindi na nga nagtagal at bumalik na ang dalawa sa bahay nila Adrian. Masaya ang dalawa dahil sa wakas ay alam nilang may patutunguhan ang kung anumang damdaming mayroon sila. Alam nilang may sumusuporta sa mga kagaya nila at patuloy na tatanggap sa kanila. Higit pa, masaya sila dahil alam nilang magsisimula sila nang bagong buhay sa piling ng isa’t-isa.
[13]
Si Michelle at Si Pinsang Glenn sa Mall
“Tabi tayo?” suhestiyon ni Adrian pagkauwi nila galing sa bar.
“Ayoko nga!” sabi ni Micco.
“Sige na.” pamimilit ni Adrian “Please!” kasunod ang isang pilyong ngiti.
“Ayoko!” nakangiting wika ni Micco sabay sara sa pinto ng kwarto niya.
Agad na hinabol ni Adrian ang paglolock ni Micco sa pinto, kaya naman ay napasok din niya si Micco sa loob. Pagkapasok ay agad na isinara at ini-lock ni Adrian ang pinto at agad na sinunggaban si Micco.
“Kay arte ah!” wika ni Adrian kay Micco.
Ngiti lang ang tanging sagot ni Micco sa sinabing ito ni Adrian.
Ngayon nga ay nakapatong na si Adrian kay Micco sa ibabaw ng kama. Hawak ni Adrian ang dalawang kamay ni Micco habang nakadagan siya sa katawan nito. Agad namang nagtama ang kanilang mga paningin, muli ay gumapang ang milyong boltahe ng kuryente sa kanilang katauhan at ang mga titig na iyon ay waring may nanunulay na mumunting mga bagay na nakakapagbigay sa kanila ng kakaibang kiliti. /walang anu-ano ay magkahinang na ang kanilang mga labi.
Bagamat masasabing eksperto na si Adrian sa gawaing ito ay tila ba iba ang pakiramdma niyang sa mga labi ni Micco niya ito ginagawa. Ibang kaligayahan ang taglay niya na sa wakas ay hindi na niya kailangan pang lokohin ang sarili para ikubli ang tunay na laman nito. Alam niyang ang halik na ito ang makakapagsabi na tunay niyang mahal ang taong ngayon ay nasa harapan niya. Kakaibang kasiyahan ang nadarama niya sapagkat sa pagkakatong ito ay alam niyang nasa tamang labi na mga labi niya.
Si Micco na nakaranas na ng halik ay tila ba kakaiba ang nadarama niya ng mga oras na iyon. Sa wari niya ay iyon na ang pinakamasarap na nangyari sa buhay niya. Ang halik ni Adriuan na sapat na para mawala siya sa katinuan. Ang malambot nitong labi na ngayon nga ay inaangkin ang kanyang mga labi. Pakiramdam niya ay buo na ang pagkatao niya, dumating na taong matagal na niyang hinihintay. Ang isang kwneto ng pag-ibig na muntikan na niyang kalimutan at itaboy palayo. Ang isang damdaming akala niya ay walang pag-asa.
Ang mahinay na halik ay wari bang natututunan ang bagong ritmo at hindi naglaon ay natutunan nilang maging mapusok. Ang mga kamay ni Micco ay unti-unting nakawala sa pagkakahawak ni Adrian at ngayon nga ay yapos na niya ang katawan ng binata. Ilang minuto din sila sa ganuong posisyon nang si Micco na ang unang bumitiw. Hihingal-hingal itong kumawala sa isang halik na wari’y wala nang katapusan.
“I’m sorry.” paumanhin ni Adrian.
“Loko” sagot ni Micco “bakit ka nagsosorry?”
“Kasi napagod kita.” sagot ni Adrian.
“Enjoy nga eh!” pilyong sagot ni Micco na may pilyong ngiti.
“Ah ganuon pala, ulitin natin.” sabi naman ni Adrian.
“Ayoko nga.” dagling sagot ni Micco. “Saka tumayo ka nga, ang bigat mo kaya. Hindi ako makahinga” dugtong ni Micco.
Imbes na tumayo ay humilig lang sa pagkakahiga si Adrian at ngayon nga ay yapos naman niya si Micco. Ramdam na ramdam niya ang mainit na katawan ni Micco ang malambot nitong mga palad at ang makinis nitong balat. Gayundin si Micco na bagamat nakatalikod kay Adrian ay ramdam niya ang katawan nito. Ang mainit nitong palad na nakahawak sa kamay niya na yumayakap naman sa katawan niya. Ang braso nito kung saan ay ito ang unan niya at ang mag mumunting halik na iginagawad nito sa kanyang batok na sumasapat na para nagwala ang kanyang puso.
Sandaling tumayo si Adrian, hinubad ang kanyang polo shirt at pantalon. Naiwan namang nakatulala si Micco at kinakabahan, kinakabahan sa kung ano ang maaring mangyari sa kanila.
“Lintek naman” wika ni Micco sa sarili “kaya away kong tumabi iyang gwapong mokong na iyan dito, macho pa pala. Rereypin lang ako niyan.” bulong ni Micco sa sarili ngunit kahit na ganuon ay nakaramdam ng kakaibang kilig si Micco lalo na’t iisipin ang posibleng mangyari.
“Hubad na!” wika ni Adrian na naging sanhi para maputol ang pagpapantasya ni Micco.
“Hah?!” tanging sambit ni Micco.
“Sabing hubad na.” wika ni Adrian sabay lapit kay Micco at ito na ang nag-alis ng damit ng binata.
Ngayon nga ay naka-sando shirt na lang si Micco at boxer short na tipikal niyang ipinanloloob sa mga panlakad niyang damit. Samantalang si Adrian ay topless at fit na boxer shorts at kita naman ang katawan nitong parang nililok nang isang magaling na iskultor. Ngayon nga ay doble na ang kaba ni Micco. Hindi pa siya handa sa kung anuman ang iniisip niya nang mga oras na iyon.
“Tulog na tayo.” aya ni Adrian.
Tila nakahinga ng maluwag si Micco sa sinabing iyon ni Adrian. “Tara” sagot niya. “Pangarap na naging bato pa.” sigaw naman nang isipan ni Micco.
Naunang humiga si Adrian, pagkahiga naman ni Micco ay agad itong niyakap ni Adrian. Tulad kanina ay inuunan ni Micco ang bisig ni Adrian na nakayakap din naman sa kanya. Ang isang kamay ni Micco ay nakapatong sa dibdid ni Adrian habang ang isa ay pilit na inaabot ang mukha ng binata. Kakaibang proteksyon ang nararamdaman ni Micco ng mga oras na iyon. Hindi pagnanasa o pagpapantasya, isang pakiramdam na sa tingin niya ay ligtas siya sa kung anuman mang bagay at protektado siya ng isang taong may hawak sa puso niya.
“I love you Micco ko!” wika ni Adrian na may pahabol na hindi maipaliwanag na ngiti.
“I love you too Sir Adrian!” sagot ni Micco na nahihiya sa bagong sitwasyon nila ngayon.
“I love you Micco ko!” ulit ni Adrian.
Ngiti lang ang ginawang sagot ni Micco.
“I love you ulit Micco ko!” ulit ni Adrian at kagaya nang nauna ay ngiti lang ang ginawang sagot ni Micco.
“Nakakatampo naman!” sabi ni Adrian “napakamanhid mo naman.”
“Hala! Ano ang ginawa ko Sir Adrian?” nagtatakang tanong ni Micco.
“Kita mo na” sagot naman ni Adrian “di ba tayo na? Bakit Sir ang tawag mo?”
“Sorry po Kuya Adrian!” sagot ni Micco.
“Ayoko din ng kuya” sabi naman ni Adrian “madami kang tinatawag na Kuya.”
“Baby na lang?” tanong ni Micco kasunod ang isang mahinang tawa “kaso hindi bagay, kay laki mo na para maging baby.”
“Tapos ikaw ang daddy!” tila pagsang-ayon ni Adrian.
“Eew naman, mas damulag pa ang baby kaysa kay daddy?” sabi ni Micco.
“Ayos lang iyon daddy!” sagot ni Adrian “all is fair in love naman.”
“Anong connect?” sabi ni Micco “ikaw na lang ang daddy!” tila pag-uutos na ni Micco kay Adrian.
“Ikaw ang bahala Micco ko.” sagot ni Adrian.
“Ayan, malinaw na” sabi ni Micco “I love you daddy Adrian.”
“I love you too Micco ko.” sagot ni Adrian kasunod ang isang ngiti sa noo ni Micco.
At hindi nga nagtagal ay nakatulog ang dalawa sa ganuong ayos at posisyon nang mahimbing.
Kinaumagahan ay walang nakitang Adrian si Micco sa tabi niya. Tanging note lang ang nakuha niya na nakadikit pa sa noo niya.
“Walanju naman ang daddy Adrian ko.” sabi ni Micco na imbes na makadami nang inis ay napangiti pa.
Micco ko, sarap na sarap ka kasi sa tulog mo kaya hindi na kita ginising. I love you and I will miss you. I miss you na pala kasi nasa office na ako ngayon habang binabasa mo ito. Breakfast ka na saka wag magpapakagutom o magpapakapagod. Sarap mo pa lang yakapin baby Micco.
Love lots your Daddy Adrian.
“Corny naman” wika ni Micco ngunit sa totoo lang ay kinikilig siya sa ginawa ni Adrian.
Agad namang lumabas si Micco sa kwarto niya at masayang binati ang mayordoma at iba pang katulong nila Adrian.
“Masaya ka ata ngayon Micco?” bati sa kanya ng mayordoma.
“Si manang talaga, lagi naman po akong masaya.” sabi naman ni Micco.
“Parang si Sir Adrian lang kanina.” komento naman ni Connie na isa sa mga katulong nila Adrian.
“Talaga?!” tila lalong umaliwalas ang mukha ni Micco “masaya din si dad – rian.” tila bumaba nang bahagya ang tono ni Micco at nakaramdam ng kaba. – “Tilapiang bilasa ni San Andres, muntikan na” sisi ni Micco sa sarili kasunod an gisang malalim na buntong-hininga.
“Oo naman” sagot ni Connie.
“Anung oras ba kayo umuwi kagabi?” tila tanong ng mayordoma kay Micco. “Saka saan ba kayo galing?” kasunod pa nito.
“Ipinakilala lang po ako sa mga kaibigan niya. Ala-una na po ata nang makauwi kami.” nakangiting wika ni Micco.
“Kaya pala kagigising mo lang.” sabi nang mayordoma.
Huntahan lang ang ginawa nila habang kumakain siya at kahit na nagtatrabaho sila sa loob ng bahay ay todo pa din ang kwentuhan. Ang daming itinanong kay Micco, kung ano ang nangyari sa kanya nung nasa ampunan siya at kung ano ang nangyari nung gabi.
“Micco, nagriring ung cellphone mo” tawag sa kanya ng mayordoma. Palibhasa ay may tiwala siya sa mga kasamahan sa bahay kayat kung saan saan lang nakakalat ang mga gamit niya.
Nagulat siya sa pangalang nakarehistro. – “A Daddy Adrian. Nagalaw pa pala ang cellphone ko bago umalis.” sabi ni Micco sa sarili kasunod ang isang mahiwagang ngiti.
“Hello” sagot ni Micco saka siya lumabas na malayo sa lahat.
“Good Morning Micco ko. Nagustuhan mo ba ang name entry ko sa cellphone mo?” tanong ni Adrian kay Micco.
“Loko ka talaga. Mamaya mabasa nila dito iyon.” sabi ni Micco.
“Ayaw mo nun? Alam na nilang pagmamay-ari na kita kaya kahit yakapin kita o halikan sa harap nila ayos na.” sagot naman ni Adrian.
“Ang daddy Adrian talaga.” malambing na wika ni Micco.
“Pumunta ka dito sa office ko mamayang 5pm.” sabi ni Adrian.
“Ha? Malay ko bang pumunta diyan.” sabi ni Micco.
“Pahatid ka kay Mang Teban pagkauwi ng mga bata.” sabi ni Adrian.
“Hala!” kontra ni Micco.
“Basta pumunta ka.” tila utos ni Adrian kay Micco sabay pindot sa end call.
“Lokong mokong iyon.” asar na wika ni Micco.
“I love you!” pahabol na text naman ni Adrian kay Micco.
“Huwag ka nang magreply, inubos ko na ang load mo kanina.” sunod na text ni Adrian.
Sinubukan ni Micco kung totoo ang sinabi ni Adrian at totoo nga, wala na siyang load. “Hay, ang lokong iyon talaga. Kung hindi ko lang talaga mahal magagalit ako.” wika ni Micco.
Pagkarating ng mga bata ay nagpahatid na siya kay Mang Teban para puntahan sa opisina si Adrian. Nagpaalam na siya sa mga bata at sa ibang tao sa bahay. Tahimik na tao lang si Micco kaya naman walang usapang naganap sa pagitan nila ni Mang Teban.
“Micco” masayang bati ni Adrian.
“Sir Adrian” bati naman ni Micco.
“Kamusta na ang baby ko?” tanong ni Adrian kay Micco.
Nagulat naman si Micco sa sinabing iyon ni Adrian. Higit pa ay nahiya siya dahil lang sila ang nasa opisina nito. Anduon ang sekretarya nito at dalawang lalaki ding sa tingin niya ay mga empleyado din ni Adrian.
“Bakit ganyan ang reaksyon mo? Kinakahiya mo ba ako?” tanong ni Adrian kay Micco.
“Adik ka ba? Ano ba ang tinira mo? Gulong o tsinelas?” pabulong na tanong ni Micco.
“Nothing to worry Micco ko” sabi ni Adrian “alam nila ang tungkol sa atin. Kasasabi ko nga lang bago ka dumating.”
“Oo nga naman” sagot ng isang lalaki na katulad ni Adrian ay matipuno at gwapo din.
“Sige pare mauna na kami” sabi ng isa at lumabas na ang dalawang lalaki.
“Michelle” tawag ni Adrian sa babae “this is Micco.”
“Micco” sabi naman ni Adrian kay Micco “this is Michelle.”
Nagngitian lang ang dalawa.
“Sa tingin mo kaya mong imake-over si Micco?” tanong ni Adrian kay Michelle.
“Sir, mukhang mahirap po” sagot ni Michelle.
“Antipatikang babae ‘to, kala mo kung sinong maganda. Ano gusto niyang palabasin? Pangit ako?” nagngingitngit sa galit na wika ni Micco sa sarili.
“Kasi Sir gwapo na po si Sir Micco.” sabi pa nito.
“Iyon naman pala, lilinawin kasi sa susunod.” wika ulit ni Micco sa sarili.
“Basta, ikaw na ang bahala sa kanya basta before 8:30 nandito na kayo.” sabi ni Adrian sa babae.
“Micco ko, siya na ang bahala sa’yo.” sabi ni Adrian sabay hawak sa kamay ni Micco. “Baka pag may nakita kang gwapo lingunin mo pa, akin ka na Micco kaya huwag nang ambisyunin ang iba.” dagdag pa nito na may pilyong mga ngiti.
“Sira” nakangiting wika ni Micco sabay batok kay Adrian.
“Sweet naman nila.” tila buyo ni Michelle sa dalawa.
“Sige na Michelle, kay Mang Teban na kayo sumakay.” sabi ni Adrian.
“Sige po Sir Adrian.” mapang-asar na paalam ni Micco kay Adrian.
Pagkarating nila sa mall ay tila ba isang galing sa bundok si Micco na tingin dito, at tingin dun. Ang reaksyuon niya ay katulad sa kung ano ang naging reaksyon niya nang isama siya ni Adrian sa isa ding mall. Tila isa siyang bata na aya kay Michelle sa kung saan-saan.
“Kaya pala three hours ang ang binigay sa aking ni Sir Adrian para ayusin ka. Daig mo pa pala ang bata.” wika ni Michelle kay Micco.
“Pasensiya na taong-gubat ako.” sagot ni Micco.
“Naku, tara na.” aya ni Michelle kay Micco habang nakatingin sa mga display na laruan. Hinatak pa niya si Micco para lang naalis ang tila nakaglue na nitong paa sa sahig.
“Bakit ba nagmamadali ka?” tanong ni Micco.
“Mamaya ka na tumingin-tingin Sir Micco.” sabi ni Michelle.
“Aba!” sabi ni Micco “dahil sa sinabi mo kukulitin kita.” nakangiting saad ni Micco.
“Huwag naman Sir Micco baka makagalitan ako ni Sir Adrian.” dagling sagot ni Michelle.
“Basta huwag mo akong tatawaging Sir Micco para sumunod ako sa’yo.” Saad ni Micco.
“Iyon lang pala.” tila nakahinga nang maluwag si Michelle sa sinabing iyon ni Micco.
Apat na fashion boutique ang pinagdalan ni Michelle kay Micco at sa lahat na iyon ay may binili para sa kanya. Kahit na anung tanggi niya ay hindi naman niya kontrolado ang pera kaya laging nabibili ni Michelle ang mga ito. Limang pares din ng mga damit ang nabili sa kanya. Palabas na sila ng salon nang may makitang pamilyar na mukha si Micco. Dali-dali naman niyang kinaladkad si Michelle papasok ulit ng mall sa takot na makasalubong ito. Nagtago sila sa likuran ng estante nang tinapay na nasa entrance lang ng mall. Sa buong akala ni Micco ay nakaligtas na siya kaya naman subalit iyon din ang tinungo ng taong pinagtataguan niya.
“Michelle” sabi ni Micco “dahan-dahan lang ang hakbang palayo.”
Naguguluhan man ay sinunod ni Michelle ang sinabi ni Micco. Para silang may sira sa ulo base sa ginagawa nila. Walang anu-ano at –
“Ooops” sabi ng lalaki.
“Sorry” sabay lingon ni Micco sa nabunggong lalaki. “Patay na!” mahina niyang usal.
“Micco?” tanong ng lalaki.
Isang alanganing ngiti ang pinawalan niya at isang kaway kasunod ang – “Kuya Glenn.”
“Oo nga, ikaw nga Micco.” sabi ni Glenn.
“Bakit ka nandito? Di ba nasa Italy ka?” tila nagugluhang tanong ni Glenn kay Micco.
“Kuya saka na ako magkwento.” tila paalam ni Micco kay Glenn sabay hila kay Michelle.
Imbes na hayaang maka-alis si Micco ay agad na hinawakan ni Glenn ang mga braso ni Micco. – “Hindi, ngayon ka magkwento.” madiing wika ni Glenn.
Sa isang fasfood chain sila pumasok, hindi alam ni Micco kung paano sisimulan ang kwento. Kinakabahan man ay lakas loob pa din siyang nagsimula. Oo, mahirap at madaming tanong sa kanya si Glenn, pero higit pa ang hiningi niya ay pang-unawa at ang maintindihan siya.
“Di ba sinabi ko sa’yo na sa susunod gagamitin mo iyang utak mo.” tila sermon ni Glenn kay Micco. “Wala na, nangyari na. Bakit hindi ka bumalik sa atin?” tanong ni Glenn.
“Ayoko kasing mag-alala pa kayo sa akin.” sabi ni Micco. “Saka gusto ko pag alam kong less reaction na ang magiging impact ako magpapakita.”
“Hindi mo ba alam na mas nag-alala ako ngayon? Sa nalaman ko, na habang naniniwala kaming natuloy ka sa Italy ay nandito ka lang pala sa Pilipinas at hindi naman namin alam.” sabi ulit ni Glenn.
“Sorry po.” tanging naging sagot ni Micco.
“Sorry” si Glenn ulit “the damage has been done.” wika pa nito.
“But it can be fixed and sorry will never be late, but regrets are.” gusto sanang sabihin ni Micco subalit dahil alam niyang nakasalalay sa pinsan niya ang kung mananatiling lihim ang sikreto niya ay pinili na lang niyang manahimik.
“Paano mo kami natiis?” tanong ulit ni Glenn.
“Wala naman po talaga akong balak na lokohin kayo habang-buhay.” sagot ni Micco.
“Excuse me!” paalam ni Glenn “sasagutin ko lang itong tawag. Kanina pa ito eh.” sabi ni Glenn.
“Sige, ano na ang bago mong number?” tanong ni Glenn kay Micco.
Agad naman niyang itinype ito sa cellphone ni Glenn – “09086286919”.
“Sige, text na lang kita. Nagmamadali kasi ako, pag sinabi kong magkita tayo pumunta ka kaagad.” sabi ni Glenn.
“Opo” tila maamong tupang sagot ni Micco.
“Huwag kang mag-aalala, hahayaan kitang ikaw ang magsabi sa kanila ng lahat.” wika ni Glenn pagkatayo.
“Salamat kuya Glenn.” biglang umaliwalas ang mukha ni Micco.
Habang nasa sasakyan na sila papunta sa salon ay tinanong ni Michelle kung sino iyong kausap niya kanina. Bagamat nakalayo ito mula sa table nila ay alam ni Micco na dapat na ding malaman ni Michelle ang lahat. Kaya naman ikunuwento niya kung sino iyong lalaki na iyon at kung bakit ganuon ito kung makipag-usap sa kanya kanina. Hindi naman niya isinalaysay ang kabuuan pero sinigurado niyang mauunawaan ni Michelle ang kwento niya.
Pagkadating sa salon ay agad na pinaupo si Micco at agad na inayusan. Ang buhok niyang may kahabaan na ay tinabas at nilagyan ng korte at ayos. Hindi tipikal na gupit barbero at hindi simpleng ayos. Ayos na babagay sa damit na ipinasusuot sa kanya ni Michelle. Hindi na nga nagtagal pa at tapos nang ayusan si Micco. Ang kaninang simple at gwapong binata ay mas naging gwapo at matikas tingnan. Bumata din ang itsura ni Micco, lalong nagmukang inosente at lalong naging isang unconscious flirt na Micco.
“Akala ko walang masyadong mababago sa ayos mo.” sabi ni Michelle. “Look, malaki din ang naging improvement mo.” sabi pa nito.
“Salamat Michelle.” pasasalamat ni Micco kay Michelle.
“You’re welcome.” sagot ni Michelle na kitang naging masaya din sa itsura niya.
Hindi pa man nagtatagal at nasa opisina na ulit sila ni Adrian. Kinakabahan siya at walang ideya sa kung ano ang mangyayari. Tanging ipinagpapasa-Diyos na lang niya ang kapalaran.
[14]
Time – Out: Paalam muna Adrian
“Sige po Mang Teban, mauna na po kayong umuwi.” sabi ni Adrian sa matandang tsuper.
“Sige po Sir Adrian.” sagot ng matanda “Micco, una na ako, gwapo mo talaga ngayon.” sabi pa ng matanda.
“Naku salamat po Mang Teban.” nahihiyang sagot ni Micco. “Nambobola pa kayo.” pahabol pa nito.
“Michelle” sabi ulit ni Adrian “salamat sa pag-aalaga kay Micco.” sabi ni Adrian.
“Wala po iyon Sir.” sagot ni Michelle.
“Sige na, makakauwi ka na.” wika ni Adrian “sa isang araw ka na din bumalik.” tila pagbabalita ni Adrian.
“Talaga Sir?” hindi makapaniwalang saad ni Michelle.
“Oo” simpatikong pagkumpirma ni Adrian “I’m giving you a break.”
“Salamat Sir Adrian.” sabi ni Michelle “Sige Micco, mauna na ako.” tila paalam ni Michelle.
“Salamat Ate Michelle.” sabi ni Micco bago makaalis si Michelle.
“At ngayon” sabi ni Adrian sabay harap kay Micco “wala na sila, tayo naman.”
Agad na inakbayan ni Adrian si Micco. Tulad ni Micco ay nagpalit din ng bihis si Adrian, bagong tabas din ng buhok at kitang inayos ng maiigi. Kung kanina ay pormal na pormal ang bikas, tila nag-iba ang aura at casual wear na ang suot nito kagaya niya. Mas lumutang ang kagwapuhan ni Adrian sa itsura nito ngayon. Mas lingunin at agaw pansin sa lahat ang kagwapuhan, iyong tipong nakakapaglaway.
“Gwapo naman ng Micco ko.” bati ni Adrian kay Micco.
“Mas gwapo kaya ang daddy Adrian ko.” ganti ni Micco.
“I love you!” wika ni Adrian.
“I love you too!” sagot ni Micco.
“I miss you!” si Adrian ulit.
Ngiti lang ang sinagot ni Micco.
“Ikaw na-miss mo ba ako?” tanong ni Adrian kay Micco.
“Secret” sabi ni Micco “hulaan mo.” kasunod ang pilyong ngiti.
“Secret pang nalalaman. If I know, kanina mo pa ako gustong yakapin.” sabi ni Adrian.
Tila nakaramdam ng hiya si Micco dahil sukol ni Adrian ang nais niyang mangyari. “Hindi kaya.” sabi na lang ni Micco.
Kulitan sila habang nasa loob ng kotse at bumibyahe. Hindi man lang nagawang itanong ni Micco kung saan sila pupunta. May isang oras at mahigit din ata silang nasa byahe nang marating nila ang isang animo’y isang resort. Agad na inaya ni Adrian si Micco sa loob, nagcheck-in at pagkatapos ay dinala ni Adrian si Micco sa likod. Isang beach resort iyon, ramdam ng balat ni Micco ang lamig nang hangin. Naririnig ang mga alon, ang ingay na gawa ng mga kuliglig, ang ihip nang hangin, ang malamyos na tinig nang dagat na tila ba umaawit sa kanila.
Tama lang ang suot nilang damit para sa isang lugar na kagaya niyon. Agad na naghubad nang sapatos si Adrian na ginaya din naman ni Micco. Bitbit nila ito habang naglalakad sa may buhanginan na inaabot naman ng tubig ang kanilang mga paa. Kakaibang ligaya ang nasa puso ni Micco, kakaibang saya dahil ang taong pinakamamahal niya ay kasama niya sa ganuong uri ng lugar. Walang pakundangang binuhat ni Adrian si Micco.
“Pasanin mo na lang ako.” suhestiyon ni Micco.
“Akala ko kasi hindi ka papayag kaya binuhat na lang kita.” pagdadahilan ni Adrian.
“Dapat kasi nagtatanong ka muna.” sagot ni Micco.
“Aba at sumasagot na ang baby sa daddy.” malambing na saad ni Adrian.
“Talagang ganun.” sagot ni Micco.
Ngayon nga ay nakapasan si Micco sa likod ni Adrian. Mas lalong natuwa si Micco sa ayos nilang pareho. Pakiramdam niya ay siya na ang isa sa pinakamaligayang tao sa mundo.
“This is my yacht.” sabi ni Adrian.
“Ariel” tila kinakausap ni Adrian ang yate niya “This is my husband and your new owner, Micco.”
“Parang timang lang.” mahinang usal ni Micco.
“May sinasabi ka Micco ko?” tanong ni Adrian.
“Wala po.” maang na sagot ni Micco.
Sumakay sila nang yate at laking gulat ni Micco sa nakita – may maliit na lamesa sa may pinakaunahan nang yate, may lampara sa gitna at mga puti at pulang rosas din sa ibabaw ng lamesa. Pagkaupo nila sa dalawang dulo nang lamesa ay biglang nagliwanag ang ibabang bahagi ng yate. Pinakinang nito ang paligid at lalong nagbigay nang tingkad sa mga pula at puting rosas na nakaayos sa kabuuan nang yate. Higit pa ay nagulat si Micco sa nakitang may larawan siya na kasinglaki niya at ganuon din si Adrian. May nakasulat sa larawan ni Adrian –
“This guy is deeply in-love with him à ” at may arrow na nakaturo sa larawan ni Micco.
“Cute talaga nang mahal ko.” sabi ni Adrian.
“Salamat.” sagot ni Micco.
“Sandali lang.” paalam ni Adrian kay Micco at pumasok ito sa loob ng yate. Pagkalabas ay may dala-dala itong tray nang mga pagkain.
“Wala kasing waiter kaya ako na ang kumuha.” sabi ni Adrian.
“Ayos lang sa akin.” sambit ni Micco.
Masayang kumain ang dalawa. Nagkwentuhan, inisan at asaran sila na parang mga bata. Maya-maya pa ay inaya ni Adrian na tumayo si Micco.
“Tungtong ka diyan.” aya ni Adrian kay Micco na tumuntong sa may elevated floorboard sa pinakdulo nang yate.
“Ayoko baka malaglag ako.” sabi ni Micco.
“Hindi ka malalaglag, kay taas kaya ng bakal sa harapan.” pamimilit ni Adrian.
“Ayoko nga, natatakot ako.” sabi ni Micco na kitang nanginginig na din.
“Please” tila pamimilit ni Adrian “saka andito naman ako.” saad pa nito kasunod ang isang ngiti.
“Kung hindi lang talaga kita mahal.” sabi ni Micco. “Basta aalalayan mo ako.”
“Mahal kita kaya hindi kita papabayaan.” sagot ni Adrian.
Inalalayan ni Adrian na tumuntong si Micco sa floorboard at nang nang makapanik na ay siya naman ang sumunod. Walang takot niyang hinawakan ang mga kamay ni Micco. Yinakap niya ito nang mahigpit. Pinilit pakalmahin at papanatagin si Micco. Nang maramdamang kalmado na ay dahan-dahan niyang itinaas ang mga kamay nilang padipa.
“Wala man tayo sa Titanic, at least kahit dito maiparanas ko sa’yo ang kaluluwa nang dagat.” bulong ni Adrian kay Micco.
Pakiramdam ni Micco ay ligtas siya kay Adrian kaya ipinaubaya na niya sa binata ang lahat. Ramdam niya ang hangin na dumadampi sa katawan niya at ang init nang katawan ni Adrian at ang init nang pagmamahal nito sa kanya.
“Mahal na mahal kita Micco at isinusumpa ko sa puso nang karagatang tinatahak natin ngayon na habang-buhay na ikaw lang ang magiging laman nang puso ko. Ipinapangako ko sa Diyos na ikaw lang ang mamahalin ko, na aalagaan kita at hindi iiwanan. Ipaglalaban sa kung anumang mga bagay na mananakit sa iyo at ipaglalaban ko din ang pagmamahalan natin. Iaalay ko ang buong buhay ko para sa iyo Michael Ceasar Caleon delas Nieves.” sabi ni Adrian na tila sumusumpa sa gitna nang dagat.
“Mahal na mahal din kita Carlos Adriano Silvestre Guillemas. Isinusumpa ko sa gitna nang karagatang ito na habang-buhay at maging sa kabilang buhay, iisang tao lang ang lalamanin ng puso ko. Sa iisang tao lang ako iibig at magmamahal, walang kapantay, walang katulad at wala nang iba pa. Ipinapangako ko sa Dakilang Maylikha na aalagaan at iingatan kita nang higit sa sarili ko. Ikaw na ang buhay ko, ipaglalaban ko ang pagmamahalan natin laban sa lahat ng pipilit humadlang. Iaalay ko sa’yo nang buong-buo ang buhay ko.” tila pagsagot ni Micco sa sumpa ni Adrian.
Kahit mahirap man ay pinilit ni Adrian na humarap kay Micco, tig-isang sulok sila sa dulo nang floorboard.
“Ayan, mag-asawa na tayo.” sabi ni Adrian at ginawaran niya nang isang halik si Micco.
Natapos ang magdamag na punung-puno nang ligaya at saya ang mga puso nila. Pinagpasyahan nilang sa resort nalang matulog at kinabukasan na umuwi. Gaya nang tulog nila nang nakaraan gabi ay magkayakap silang nakahiga sa kama.
Pagsikat nang araw ay mabilis na kumilos ang dalawa. Dalawang oras din ang bubunuin nila sa biyahe. Hindi na sila nakakain nang maayos kung kayat bago pumasok ng SCTEX ay dumaan muna sila sa isang 24hour fastfood chain. Inihatid muna ni Adrian si Micco sa bahay niya sa Maynila at nagpalit na din siya nang damit. Kakaalis lang nang mga pamangkin ni Adrian nang makarating sila sa bahay. Hindi na nga nagtagal ay muling bumiyahe si Adrian papasok naman sa opisina at si Micco ay tila isang asawa na naiwan sa bahay.
Masaya ang dalawa, walang alam gawin kung hindi isipin ang bawat isa. Inspiradong gumawa at magkikilos. Maaga ding umuwi si Adrian sa bahay, mya pasalubong para sa lahat. Nagulat man at naninibago ay natuwa si Micco dahil sa pakiramdam niya ay sobra niyang namiss ang binata.
Nasa gitna sila nang kasiyahan nang tumawag ang Kuya Glenn niya.
“Kuya Adrian” paalam ni Micco “tumatawag po si Kuya Glenn, sagutin ko muna.”
Tumango lang si Adrian bagamat nagtataka kung bakit alam ni Glenn ang bagong numero niya.
“Kuya Adrian” sabi ni Micco kay Adrian matapos ang tawag ni Glenn. Ikinuwento ni Micco ang nangyaring pagkikita nila ni Glenn sa mall. Ang naging usapan nila at ang dahilang kung bakit ito tumawag ngayon.
“Ayos lang iyon.” sagot ni Adrian na tila kinakalma si Micco.
“Ayos lang po ba kung pupunta siya dito?” tanong ni Micco kay Adrian.
“Walang problema sa akin.” sagot naman ni Adrian.
Itinawag ni Adrian sa guard nang entrance ng subdivision nila na may darating silang bisita para papasukin ito sa loob. Isang oras din ang lumilipas at heto na nga ang kotse ng Kuya Glenn niya sa harapan ng bahay nila Adrian. Bunuksan naman ang gate at mas ikinagulat ni Micco ang nakita. Unang bumaba ang Ate Jhell niya, kasunod ang Ate LJ niya saka pa lang ang Kuya Glenn niya na siyang driver.
“Micco” bati nang isang pamilyar na tinig at saka ito lumabas nang kotse.
“Mano po nanay!” tila nabubulunang wika ni Micco. Nakaramdam ng kaba at pagkabalisa.
Imbes na iabot ang kamay ay isang malutong na sampal ang ginawad nito kay Micco. “Kailan pa kita tinuruang lokohin kami?” tanong nito kay Micco.
“Sorry po nanay.” paumanhin ni Micco sa ina.
“Tigil na iyan” tila awat naman nang tatay ni Micco.
Natigilan man ay pinilit maging pormal ni Adrian. Alam niyang nasaktan si Micco kaya naman nais niyang yakapin ito at pagilin ang mga luhang sa tingin niya ay unti-unting dadaloy sa mga mata nito. Nakaramdam si Adrian nang kaba, isang kakaibang kaba. Hindi niya maipalinawag kung para saan ba itong kaba na ito ngunit mas nangibabaw sa kanya ang takot nab aka bawiin sa kanya si Micco, takot na mawala ang buhay niya at kalahati nang magkatao niya.
“Pasok po muna kayo.” anyaya ni Adrian sa mga bisita.
“Salamat hijo.” pasalamat nang ama ni Micco.
Nang mahimasmasan ang nanay ni Micco ay agad na itong nakipag-usap nang matino.
“Pinaniwala mo kaming lahat na natuloy ang lakad mo sa Italy. Ngayon, masama ang loob ko kasi pakiramdam ko napakawalang-silbi kong ina dahil hindi ka lumapit sa amin.” malungkot na litanya nang nanay ni Micco. Pinipigilan nitong umiyak at tumulo ang luha subalit lubhang mahirap pigilin ang sariling emosyon.
“Ayoko po kasing mag-alala kayo saka nahihiya din ako sa inyo.” putol-putol na paliwanag ni Micco na pinipigilan ding mapaluha.
“Bakit ka mahihiya?” tanong nang nanay ni Micco “bakit mo nasabing pamilyan tayo kung mahihiya ka pa.?” sunod ulit nito.
“Basta po, sorry po.” paghingi nang tawad ni Micco sa ina at nilapitan niya ito para yakapin.
“Sa susunod huwag mo nang uulitin ito.” sabi nang nanay ni Micco.
“Opo” maamong sagot ni Micco.
“Hijo” baling naman ng ama ni Micco kay Adrian “salamat sa pag-aalaga kay Micco, pasensiya na din sa abala.” paghingi pa nito nang tawad.
“Wala po iyon.” sagot ni Adrian.
“Tito Micco, Tito Adrian” bati sa kanila ng mga bata galing sa itaas.
“Mga bata, I want you to meet your Tito Micco’s family.” pakilala ni Adrian sa mga bata.
“Mga pamangkin ko po na tinuturuan ni Micco.” sabi naman ni Adrian sa mga magulang ni Micco.
“Matthew? Ikaw ba yan?” agad na umagaw nang atensiyon nila si Matthew na nakakubli sa likod ni James.
“Opo” nahihiyang sagot ni Matthew.
“Pumunta kami nang Fortitude para kuhanin ka na pero wala ka na duon.” sabi ng nanay ni Micco kay Matthew sabay yakap dito.
“Duon nga din namin nalaman na hindi natuloy si Micco sa Italy.” dugtong pa ng ama ni Micco.
Agad namang napatingin si Micco kay Glenn sa nalaman niyang iyon. Sinagot lang ito ni Glenn nang ngiti at inosenteng mukha.
“Paano po?” tanong ni Micco.
“Si Sis. Meding, sabi niya pumunta ka nga daw duon at siya din ang nagsabing music teacher ka dito.” sabi naman ng nanay ni Micco.
“Hala, sige na isama na natin si Micco sa San Tadeo at makauwi na.” sabi ng ama ni Micco.
Tila nalungkot si Adrian sa nalamang iyon, pakiramdam niya ay guguho ang munod niya dahil sa dalawang araw pa lang sila ni Micco at dalawang araw pa lang niyang natatanggap ang tunay na katauhan niya ay agad namang tila binabawi na ang kaligayahan niya.
“Pero – “ tutol ni Micco.
“Wala nang pero pero, sasama ka sa amin.” tila utos nang nanay ni Micco.
“Kuhanin ko lang po ang mga gamit ko sa taas.” paalam ni Micco. Nalungkot si Micco sa desisyon na iyon nang kanyang mga magulang subalit kailangan na lang niya itong intindihin at unawain. Umakyat siya nang hagdan at bawat tapak nang paa niya ay waring kay bigat. Ayaw niyang iwan ang mga bata, ang bahay at higit sa lahat ang isang tunay na pagmamahal na kay Adrian lang niya natagpuan. Ayaw niyang umalis sa mga bisig nito, pakiramdam niya ay unti-unting nahihirapan siyang makahinga sa isiping magkakalayo na ulit ang mundo nila.
“Sige po kain na po muna kayo.” aya ni Adrian sa mga magulang at sa tatlong pinsan ni Micco.
“Nag-abala ka pa.” sabi ng ama ni Micco.
“Hindi po.” sagot ni Adrian. “Halina na po bago lumamig ang pinahanda ko.” sabi ni Adrian.
“Oo nga naman Tito, nagugutom na din ako.” sabi naman ni Jhell.
“Sige na nga.” sabi naman nang ama ni Micco.
Pagkaupo nila sa hapag-kainan ay dagling umakyat si Adrian, tinungo ang silid ni Micco. Hindi pa siya handang magpaalam dito pero dahil alam niyang mas mabuti ito sa ngayon ay hahayaan na lang niyang makauwi muna ito sa San Tadeo at magtitiis na bisitahin na lang ito duon. Pagkapasok nang silid ay agad niyang niyakap si Micco.
“Mahal na mahal kita.” naluluhang wika ni Adrian.
“Mahal na mahal din po kita.” sagot ni Micco.
“Huwag mong kakalimutang iyong sumpaan natin kagabi.” nakangiting wika ni Adrian na pinapahiran ang mga luha ni Micco.
“Opo” sagot ni Micco “habang-buhay na iyon sa puso ko.”
“Tama iyan.” saad ni Adrian.
“Ikaw naman, huwag kung sinu-sino ang kakalantariin mo.” sabi ni Micco kay Adrian.
“Si Michael Ceasar dels Nieves ba pwede kong kalantariin?” tanong pa ni Adrian.
“Kahit kailan, pwedeng pwede basta iyon lang na gwapo na iyon.” sambit ni Micco.
“Hindi naman gwapo iyon.” dagling sagot ni Adrian.
“Ganun ba? Hindi pala gwapo iyon.” saad ni Micco na nakangiti nga nakataas naman ang kilay.
“Siyempre, pinakagwapo na iyon sa buong mundo. Mahal na mahal ko nga iyon.” sagot ni Adrian at ginawaran nang halik si Micco.
“Huwag kang mag-alala, gagawa po ako nang paraan para makabalik dito.” saad ni Micco.
“Aasahan ko po iyan.” sagot ni Adrian.
“Hala, tulungan mo na muna akong makapag-ayos nang gamit at nang makauwi na ako sa San Tadeo.” sabi ni Micco.
Ilang minuto pa matapos makapagpaalam sa mga bata ay umalis na sina Micco pabalik nang San Tadeo. May tampo man sa kanya ang dalawang pinsang babae ay nakuha naman niya ulit ang loob ng mga ito para mawala ang tampo at mapatawad na siya. Kaya naman bago pa makarating nang San Tadeo ay balik na sa normal ang lahat at ang dating samahan nilang magpipinsan. Sinalubong siya nang mga kapatid at pamangkin pagdating sa bahay nila. Higit pa ay pinagpapasalamat niya at wala ni isang kapitbahay nila ang nakikichisimis at nakikiusyoso.
Malungkot man si Adrian sa pag-alis ni Micco ay pinanghahawakan naman niya ang salita nitong magkakasama silang muli sa iisang bubong, magkatabing matulog habang dinig ang tibok ng puso nang bawat isa. Gayundin naman si Micco na handang tuparin ang pangako niyang pagbabalik kay Adrian.
Kapwa man malungkot at nahihirapang makatulog, maisip lang nilang magkikita silang ulit ay sapat na para pakalmahin at itaboy ang anumang pangamba. Isa pa, mainam at maganda na ding kahit minsan ay magkalayo kayo nang taong mahal mo.
[15]
Ituloy ang Pagmamahalan
Taliwas sa inaasahan ni Micco ang nadatnan niya sa San Tadeo. Oo, nagulat lahat ng mga ito sa naging pagbabalik niya ngunit mayroon pa ding humanga sa katangahang ginawa niya. Mga taong pinilit siyang unawain at intindihin sa kabila nang pagkakamaling ginawa niyang solusyon sa isa pang pagkakamali.
“Micco” sabi ng Tita Eka niya “sana hindi ka na nagpanggap pa na natuloy ka sa Italy. Sana bumalik ka na lang dito.” wika pa nito.
“Oo nga Micco, alam mo bang tuwing sabado malungkot si mama kasi hindi ka niya nakikitang nagbibisikleta.” sabi naman nang Ate Melissa niya na anak ng Tita Eka niya.
“Oo nga Micco, wala nang bumubulahaw sa mahimbing naming tulog sa tanghali. Mamiss namin iyong pagkalakas lakas na kanta mong wala sa tono.” sibat nang isa na nasa himig nang pagbibiro.
“Huwag mong intindihin ang Tito mo, pinapasaya lang niyan kayo.” sibat pa nang isa.
“Madeng” tawag ng isa sa ama ni Micco “ang swerte mo talaga sa mga anak mo lalo na kay Micco.” sabi pa ng isa.
“Oo nga naman” sang-ayon pa naman nang isang nakikitsismis din.
“Andeng” sa nanay naman ni Micco “patawarin mo na. Kayo lang naman ang iniisip niyang bata.” sulsol pa nito.
“Aba, ang mga kamag-anak ko, mababait naman pala.” wika ni Micco sa sarili.
“Pinatawad na namin kanina pa.” sagot ni Andeng.
“Kayo naman kasi makikisitsit na lang kayo hindi pa ninyo iniintindi.” tila pang-aasar nang Tita Eka niya.
“Saka hindi pa ba kayo sanay kay Micco?” tila pagtatanong din ng isang nakikitsismis lang “lagi namang pumapalpak iyang bata na iyan.”
“Tama iyon. Lahat nang plano niyan puro semplang.” sang-ayon nang isa pa na naging sanhi para magkatawanan ang lahat nang nakikitsismis sa bahay nila Micco.
“Aba! Masasama talaga ugali ng mga kamag-anak ko.” pagbawi ng isipan ni Micco sa papuri niya kanina dito.
“Nanay! Tatay!” tawag ni July na humahangos sa pag-akyat nang bahay nila Micco.
“July” sati ng nanay ni Micco “bakit ka pa pumunta dito?”
“Si Micco, nasaan na?” tanong ni July na panganay sa magkakapatid.
“Ayan Ate July” sabi ni Jhell sabay turo sa nakaupong si Micco sa nasa harapan lang niya.
“Ayan kasi ayaw dumilat.” birong sabi ni Micco.
“Anak ka ng tinapay ni San Felipe” sabi ni July sabay ang batok nito kay Micco. “Napakasira-ulo mo talaga.” dugtong pa nito.
“Tilapiang bilasa naman ni San Andres oh!” mahinang usal ni Micco. “Paliwanagan na naman ito. Dapat kasi isang forum na lang para isang paliwanagan na lang.” wika naman ng isipan ni Micco.
“Magpaliwanag ka ngayon!” tila pag-uutos ni July.
“Palibahasa kasi malapit nang malosyang.” bulong ni Micco sa sarili.
“Kasi Ate July ganito iyon.” simula ni Micco sa kwento niya na limampu’t-limang beses na niyang ulitin. Malapit nang umabot sa kalagitnaan ang kwento ni Micco nang walang anu-ano –
“Nay! Tay!” tulad nang Ate July ni Micco ay nagmamadali ding umakyat si September sa bahay nila. “Si Micco po nasaan na?” tanong nito na hindi pa man nakakapasok nang pinto.
“Dahan-dahan lang Ate Sep.” sabi ni Micco sabay tayo.
“Kabayong pilay ka ni Santiago” pambungad ni Sep kay Micco “loko-loko ka na rin ngayon” dugtong pa nito kasunod ang isang tadyak mula dito.
“Arayy” sabi ni Micco at napatalon naman siya sa sakit dahil sa ginawa nang kapatid niyang naka-high-hills pa man din at matulis ang dulo nang sapatos nito.
“Tama na ang pag-iinarte” sabi pa ni Sep “hindi ako maawa sa’yo. Magkwento ka!” tila pag-uutos din nito.
“Naman! Fifty-six na ulit na ito.” tila asar na wika ni Micco. “In fairness nakakasawa nang magkwento.” sabi ni Micco sa mga kapatid niya.
“Kasalanan mo iyan kaya magkwento ka na.” sagot nang Ate July niya.
“Tama.” sang-ayon naman nang Ate Sep niya.
“Mamaya na, hintayin na natin si Ate March. Darating na din iyon.” suhestiyon ni Micco.
“Ay hindi.” madiing sagot nang mga kapatid niya na matitiim ang titig.
“Patay na!” usal ni Micco at sinimulan din niya ang pagkukwento. Tulad nang eksena kanina ay pasagot-sagot din ang mga kapit-bahay nila ay komento nang komento. Halos hindi nababawasan ang mga tao dahil na din siguro sa pagkaing inaabot ng nanay niya sa mga ito. Malapit na siyang mangalahati nang –
“Miccccooooooo” napakalakas na sigaw mula sa labas. Hindi nga nagtagal pa at iniluwa na ang pinto ang Ate March ni Micco. Agad nitong niyakap nang pagkahigpit-higpit si Micco.
Nakaramdam nang tuwa si Micco dahil sa wakas ay dumating na ang kapatid niyang kakampi niya sa lahat. Hindi pa man nagtatagal sa pagkakayakap at –
“Araayy” biglang napabitiw si Micco sa pagkakayakap at namimilipit sa sakit na hawak ang sikmura.
“Tinalupang San Bartolome ka!” usal nito kay Micco.
“Ang sakit!” maluha-luhang wika ni Micco. Kung nasaktan na siya sa batok nang Ate July at mas masakit na tadyak nang Ate Sep niya, di hamak na pinakamasakit ang suntok nang Ate March niya.
“Kulang pa iyan.” wika nito. “Magkwento ka na.” utos din nito kay Micco.
Sa pang-limampu’t pitong beses ay isasalaysay na naman niya ang kwentong kabisado na nang mga tsismosong kapit-bahay nila.
Ang pamilya ni Micco ay sarado konserbatibo tulad nang karaniwang maykayang/ mayamang probinsyano. Kumpleto ang pagsisimba sa isang taon at laging nagdadasal. Hindi marunong magmura at pilit na iniiwasang magmura. Kanya-kanya na sila nang naging ekspresyon sa pagmumura – mga apostol ni Kristo. Ang panganay na si July o Ma. July Anne delas Nieves-Mitra ay isang teacher kagaya nang nanay nila. Nakatira limang bayan ang layo mula sa San Tadeo. May apat na anak at puro babaeng kilos lalaki. Ang Ate Sep naman niya o September Marie Lee delas Nieves-Pascual ay isang doctor turned fashion designer turned businesswoman turned doctor turned fashion designer. May tatlong anak, dalawang babae at bunsong lalaki. Dalawang bayan lang ang layo ng tinitirhan nito mula sa San Tadeo. Panghuli ay si Joyful Mary March delas Nieves-Alcantara na isang maton at man-hater pero may pinakagwapong asawa sa tatlo. Columnist nang isang local newspaper at business woman turned business woman turned business woman – lagi kasing palpak ang mga pinapasok na business. Siga at maton sa pamilya na pinakamalapit kay Micco. May dalawang anak na lalaki at pitong bayan ang layo ng bahay nito mula sa San Tadeo.
“Ang plano ko ay bumalik nang Maynila para maging music teacher ulit na mga Guillemas and I will live happily ever after. At dyan nagtatapos ang kwento ko.” pagtatapos ni Micco sa kwento na tila may pasaring na sa balak niyang mangyari.
“Itigil mo na iyang planong iyan.” agad na tutol nang nanay ni Micco.
“Pero nanay naman” tila paglalambing ni Micco “sige na naman.” pamimilit ni Micco sa nanay niya.
“Mamaya na natin pag-usapan iyan. Kumain muna tayo.” aya pa ni Aling Andeng sa mga anak.
Ang mga tsismosang kamag-anak niya ay tila napurga na sa kwento niya kaya naman isa-isa na itong nabawasan at unti-unting nawala. Tanging natira na lamang sa mga pinsan niya ay sina Jhell, LJ at Glenn. Tulad nang pagbisita nang mga kapatid niya sa kanila ay hakot nito ang buong pamilya, ang asawa at mga anak. Tila ba isang family reunion ang nagaganap dahil kumpleto silang lahat.
“Kayong tatlo” sabi naman ni Mang Madeng “sumalo na din kayo sa amin.” anyaya nito sa tatlong matitibay na pamangkin.
“Sige po ba!” walang pagtutol kay Jhell.
“Hindi na po!” sabay na pagtanggi nila Glenn at LJ.
“Kayo talaga, inaaya na nga tayo tatanggi pa kayo.” kontra ni Jhell sa dalawa.
“Mahiya ka nga, kita mong seryosohan na silang lahat sasawsaw ka pa.” bulong ni Glenn sabay hatak kay Jhell palabas.
“Kayo talagang mga bata kayo.” nakangiting wika ni Mang Madeng.
Sa hapag-kainan ay muling bumanat si Micco – “Kita na ninyo, kung hindi dahil sa akin hindi tayo makukumpleto.” birong wika nito.
“At kung hindi din dahil sa’yo hindi ka masasaktan.” seryosong pangkontra ni July.
“Tumigil ka muna Micco at may kasalanan ka pa.” wika ng ina ni Micco.
“Opo!” maamong tupang sagot ni Micco.
Nakatapos na silang makakain lahat. Tulad nang dati at ang nararapat, kailangan ni Micco na gumawa nang mga bagay para magpagood-shot sa lahat. Siya na ang nagligpit nang pinag-kainan, nag-urong nang mga plato at nag-ayos nang kusina pagkakain.
“Naku, kung hindi lang talaga!” sabi ni Micco sa sarili “Hindi ako gagawa nitong lahat.” sulsol pa ng isipan niya.
“Micco” tawag sa kanya nang ama.
“Hala, may iuutos na naman ito.” wika ni Micco sa sarili na kahit tapos na sa kusina ay hindi pa din lumalabas para makaiwas sa mga utos.
“Bakit po?” tanong ni Micco.
“Pumarini ka muna.” saad nang kanyang ama.
“Opo, sandali na lang po.” sagot ni Micco.
“Ano po iyon?” tanong ni Micco pagkapasok sa sala.
“Maupo ka muna.” sabi nang tatay niya.
“Hindi ka na namin pangangaralan kasi alam naming nalunod ka na sa pangaral.” simula nang Ate July niya.
“Tama!” nakangiting wika niya sa sarili.
“Talaga bang gusto mong bumalik nang Maynila?” tanong naman nang Ate March niya.
Tango lang ang sagot ni Micco na malungkot ang mukha na tila nagpapaawa – “Haha! Magagamit ko na naman ang pagiging artista ko.” wika niya sa sarili. “Alang-alang kay Daddy Adrian ko dapat kong gawin ito.” dagdag pa nito.
“Bakit mo naman gustong bumalik duon?” tanong ng Ate Sep niya.
“Kasi po – “ at isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya “napamahal na din po sa akin ang mga bata. Alam ko din po na dahil nasa Maynila ako mas madali kong maisasakatuparan ang mga pangarap ko. Hanggang ngayon po ay hindi ako bumibitiw para makuha ko ang kung anumang pangarap ko.” maikling sagot ni Micco. “Siyempre para makasama ko si Daddy Adrian.” dagdag naman nang isip ni Micco.
Sa ganitong prinsipyo naiinggit ang mga kapatid ni Micco sa kanya. Ito lang kasi ang talagang naging masikap para makamit ang pangarap niya. Hindi kagaya nilang tatlong babae na kung ano ang gusto nang ama’t ina nila ay iyon ang pinasok nila. Huli na para gawin kung anumang nais nila sa buhay. Ang panganay na pinilit kumuha nang law na hindi naman na tinapos ang law school, ang pangalawang pinagduktor na dahil nga sa hindi niya hilig ay sa kung saan-saan pa sumideline at nag-asawa nang maaga para mamuhay at gawin ang gusto niya at ang pangatlo na pinagmamadre kaya naging man-hater na lumabas din sa kumbento nang makilala ang asawa nito ngayon.
“Sa aming mga ate mo ay ayos lang na bumalik ka sa Maynila.” sabi na Ate July niya.
“Basta ba sisiguraduhin mong tutuparin mo ang pangako na matutupad mo ang pangarap mo.” dugtong pa nang Ate Sep niya.
“At hindi muna uulitin pa ang ginawa mo ngayon.” pahabol nang Ate March niya.
“Pero ewan namin kila nanay at tatay.” paalala naman ni July.
Ayaw nang mga magulang ni Micco ang gusto nitong mangyari sa buhay niya. Ang gusto talaga nila ay magkaanak nang pari. Iyon ang pangarap nila para kay Micco – pasado ito sa labing-dalawang seminaryong kinuhanan niya nang exam, na laging pasok sa top 5 examinees at madaming benefits na makukuha subalit naging mapilit at sa labas nakapag-aral.
“Matagal ko nang tanggap na hindi ka magiging pari” simula nang ama niya “kaya naman ayos lang sa akin kung ano man ang gusto mong gawin.” nakangiting sabi nang ama niya.
Napangiting lalo si Micco sa sinabing iyon ng ama.
“Sa isang kondisyon.” singit nang nanay niya.
“Ano po iyon?” tanong ni Micco.
“Basta ba ipapangako mo na lagi kang uuwi dito sa atin.” sagot ng nanay ni Micco.
“Iyon lang po pala.” sabi ni Micco sabay ang yakap nito sa lahat.
“Salamat po!” naluluhang wika ni Micco sa pamilya niya. “Maraming salamat po at naintindihan ninyo ako.”
“Mahirap anak, ayokong magaya ka sa mga ate mo. Ayokong ang pagkakamali namin, pagkakamali ko sa mga ate mo ay magawa ko din sa iyo.” wika ni Aling Andeng.
“Nanay naman!” wika nang tatlong babae na napaluha sa sinabing ito ng ina.
Natapos ang usapang nang mahigit alas-dose na nang gabi. Imbes na umuwi ang mga kapatid niya ay sa bahay na ito mga nagsipagtulog. Tila handa naman ang lahat at may dala-dalang damit na pamasok kinabukasan. May sari-sariling kwarto ang apat kaya naman hindi na problema kung saan matutulog at may mga damit din naman ito sa bahay kaya hindi na din kailanganing intindihin ang isusuot.
--------------------------------------------------
Sa kabilang banda naman ay hindi mapalagay si Adrian nang umalis na si Micco. Kakaibang kaba at lungkot ang nararamdaman niya. Hindi niya kayang isipin na iyon na ang huling pagkakataong makikita si Micco. Pansin nang lahat ang pag-iiba nang aura nito at ang labis na pag-aalala. Nakailang ulit na niyang tinext si Micco subalit walang reply. Binigyan nang load para nakareply at tinawagan ng ilang ulit. Subalit walang Micco na sumasagot sa tawag niya at nagrereply sa mga text niya.
Higit pa ang takot at pangamba ang nadarama ni Adrian – takot sa kung ano ang nangyari kay Micco, takot nab aka iyon na ang huling beses na masisilayan si Micco. Pinilit man niyang pakalmahin ang sarili subalit hindi nga niya ata kaya. Tawag at text ang ginagawa niya at uymaasang may Micco na magrereply.
Mahigit alas-dose na nga nang gabi at walang Micco na nagtetext sa kanya. Dumating na ang oras para tanggapin niyang hindi na ito magtetext sa kanya at mas malala pa ay hindi na ito makipagkita sa kanya habang-buhay. Umiisip na siya nang plano kung paano mababwi si Micco sa San Tadeo.
“Kung sabihin ko kayang may nangyari na sa min?” suhestiyon ng isip ni Adrian.
“Gago! Walang mabubuntis sa inyo.” kontra nang kabila.
“Kung sabihin mo na lang na mahal na mahal n’yo ang isa’t-isa?” wika ulit niya sa isip.
“Tama! Pwede iyon.” pagsang-ayon niya sa sariling plano.
“Baka ikulong si Micco at hindi na palabasin o kaya ay ipatapon sa malayo.” tutol naman ng kabila.
“Itanan mo na lang kaya?” suhestiyon ulit ng utak niya.
“Baka makasuhan ka nang kidnapping.” tutol ulit ng kabila.
“Ayos na iyon at least magkasama naman kami.” sabi nang kabila.
“Hay! Ang gulo!” biglang naibulalas ni Adrian kasunod ang pagring ng phone niya. Biglang nakaramdam ng tuwa si Adrian sa pangalang nakarehistro at agad niyang tinawagan ito. Walang basa-basa sa kung ano ang laman nang text, agad niyang denial para tawagan ang numerong nagtext sa kanya. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik at nakahinga ng maluwag. Biglaang gaan ang naramdaman niya at tila ba lumulutang na siya sa ikapitong langit.
---------------------------------------------------
Buhat nang umalis si Micco kila Adrian ay hindi pa nito nagagawang tingnan ang cellphone niya. Tanging ang pangaral nang ama at ina ang kaharap niya at mga tanong nang chismosang kapit-bahay at pakielamerang mga kamang-anak na mahal na mahal naman niya.
Hindi na siya nagulat nang makitang may 145 text messages siya at 54 missed calls na galing sa iisang tao. Pinili niyang itext muna si Adrian bago basahin ang mga text nito. Ayaw niyang madagdagan ang oras na mag-alala ito sa kanya.
“Daddy Adrian: sori po sa nangyri knina. Xncia na din po at hnd na kita natxt. SORRY PO!!!” text ni Micco kay Adrian.
Hindi pa man nagtatagal at wala pang isang minuto ay nag-ring na agad ang cellphone ni Micco.
“Hello po Daddy Adrian!” malungkot na wika ni Micco.
“Bakit malungkot ang baby Micco ko?” tanong ni Adrian na nakaramdmam nang kaba.
“Wala lang po.” sagot ni Micco.
“Ano nga iyon?” tanong ni Adrian.
“Basta, huwag na lang po ninyo akong intindihin.” sagot ni Micco.
“Ay! Naging Daddy mo pa ako kung may ililihim ka sa akin?” pamimilit ni Adrian.
“Gusto mo ba talagang malaman?” tanong ni Micco.
“Siyempre naman, basta lahat ng tungkol sa mahal ko.” dagling sagot ni Adrian.
“Babalik po ako sa inyo sa susunod na linggo.” wika ni Micco na masaya na ang tono.
“Talaga?” paninigurado ni Adrian na ngayon ay nagbubunyi ang puso niya sa isiping muli niyang makakasam si Micco.
“Opo!” sambit ni Micco.
“Bakit sa isang linggo pa?” tanong ni Adrian “Bakit hindi ngayon o kaya ay bukas?”
“Sabi kasi nila nanay gusto pa nila akong makasama kaya pumayag ako na sa isang linggo na lang.” sagot ni Micco.
“Hindi bali, maiksi lang ang isang linggo kung ikukumpara sa kasiyahang mararamdaman ko kapag nakasama na ulit kita.” wika ni Adrian.
“Ang Daddy ko talaga.” sagot naman ni Micco na nakaramdam nang kilig sa kalooban niya.
“I love you Micco ko!” sabi ni Adrian.
“Akala ko talaga iiwan mo na ako.” sabi ulit ni Adrian.
“Hindi ba sumumpa tayo sa dagat? Bakit naman kita iiwan? Siyempre tutuparin ko iyon kasi mahal kita.” sagot ni Micco.
“I love you Micco ko!” sabi ni Adrian ulit.
“Pinagalitan ka ba di’yan?” tanong pa nito.
“Siyempre naman” sagot ni Micco.
At naging mahaba pa ang usapan nilang dalawa. Hindi nila alintana ang oras dahil pakiramdam nila ay masaya sila na kahit sa cellphone lang sila magkausap. Unang nakatulog si Micco na kausap pa niya sa cellphone si Adrian at nang maramdmam naman ni Adrian na tulog na ang mahal na si Micco ay pinindot na niya ang end call at natulog nadin dahil may pasok ito kinabukasan.
Masaya ang dalawa dahil alam nilang ang lahat ay magiging maayos at magiging maganda ang takbo. Alam nilang ang pagsasama nilang muli ay isang senyales galing sa langit na ang pagmamahalan nila ay may pag-asang matanggap nang mga tao. Ang inaakalang Forbidden Kiss nila ay magiging katanggap-tanggap sa kapaligiran nilang sakdal mapanghusga.
No comments:
Post a Comment