Tuesday, January 8, 2013

Love at its Best: Book 4 (01-05)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[01]
“I'm leaving my rest house in Tagaytay to my son, Paul Andrew Simmons, so that when he needs a breather he could have a place to do it.” Mahabang salaysay ng abogado ng aking ama. Sa kabilang parte ng kwarto ay kitang kita ko ang pagtutol ng aking madrasta.


“What?!” sabi nito. Marahil ay di na niya napigilan at isinaboses na niya kung ano ang bumabagabag sa kaniya.


“Ma...” pag aalo ng aking half brother sa kaniyang ina.


“Marc, ikaw lang ang lihitimong anak. Sinasabi mo bang hayaan na natin ang bastardong yan na i-enjoy ang rest house sa Tagaytay?!” nanggagalaiting sabi ng aking madrasta. Wala ng nagawa ang aking kapatid. Tumayo ako at palabas na sana ng kwarto nang pigilan ako ng bruha.


“San ka pupunta?!” sigaw nito.


“I've had enough!” naiirita kong sabi. Umakyat ako papunta sa aking kwarto at nagalsa balutan. Nakita ako ng aking kuya at pinigilan ako, lahat ng pinapasok kong gamit sa malaking bag ay siya namang inilalabas nito. Di ko narin napigilan ang sarili kong mapaiyak. Hinila ni Kuya ang aking kamay at niyakap niya ako ng mahigpit. Kumalas ako sa kaniya at bumaba na palabas ng bahay.



Bago pa man ako makalabas ng pinto ay nakorner pa ako ng aking Madrasta.


“Wag ka ng magpapakita dito kahit kailan ah?” matabang na sabi nito sakin.


“Sure. Pero di ko maipapangako na di ako tutungtong dito sa araw ng libing mo!” nangiinis kong sabi sa kaniya, saka tuluyang lumabas ng bakuran.


Wala akong mapupuntahang iba, ni ang mga sasakyan palabas ng Village di nakikipagtulungan mag iisang oras na ako dito sa waiting shed wala parin akong masakyan papuntang Tagaytay. Nagsimula nang dumilim ang paligid, kasabay nito ang malakas na hangin, binuksan ko ang malaki kong bag at naghanap ng jacket.


“Mr. Simmons?” tawag ng isang lalaki, napalingon naman akong bigla.


“I know I've seen that duffle bag somewhere.” turo niya sa malaki kong bag na pinamimigay sa College of Nursing sa skwelahan namin. Ngumiti ito at panandaliang naglaho ang kaniyang naniningkit na mata. Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan.


“Halika na, sakay ka na. Wala kang masasakyan ngayon.” sigaw nito sakin mula sa loob ng kaniyang sasakyan. Tumakbo ako papasok ng kaniyang sasakyan saka pinagpag ang mga butil ng tubig sa aking buhok.


“San ka ba kasi pupunta?” tanong sakin ng aking propesor.


Ok class, see these muscles.” muestra ng aking propesor sa Anatomy 101, pambihira ang isang to, kung ang mga normal na propesor at propesora ay nagsisimula sa “good morning.” ang klase, siya may iba't ibang istilo para makuha ang aming atensyon. Ngayong araw ay pumasok siya na naka topless at tanging slacks lamang ang suot at nag fleflex na animo kasali sa isang bikini contest.


Agad agad na naghiyawan ang aking mga kaklaseng babae at mga kaklaseng bading, maski ang mga lalaki ay napahanga sa ganda ng kaniyang katawan.


Kakaiba talaga si Sir Jon, di boring sa klase niya.” sabi ng isa ko pang kaklase pagkatapos ng aming klase. Sino nga bang hindi mapapahanga sa kaniya. Gwapo. Cool. Maganda ang katawan. Matalino, halos lahat na nasa kaniya, nang magpakilala siya samin nung unang araw ng klase ay walang humpay ang tawanan ng buong klase. Hindi rin kaila na grumaduate siya ng Physical Therapy na may matataas na marka.


kung magkakagusto man ako sa isang lalaki, sa kaniya ko pipiliing ma-inlove.” bulong ko sa sarili matapos ang unang araw namin sa kaniyang klase.


Paul Andrew Simmons
BSN 2-B
Anatomy 101
under Sir Jon Frederick Dy


Sulat ko sa aking class card na may halong ngiti.


“May dumi ba ako sa mukha?” nangingiting tanong sakin ng aking propesor. Ngumiti lang ako.


“punta po akong terminal ng bus papuntang Tagaytay.” sagot ko sa nauna niyang tanong.


“Ha? May klase pa bukas ah?” takang tanong nito sakin, di ko naman mapigilang mapaluha.


“Oh bakit?”


“Sir di na po ako papasok.” naiiyak kong sagot. Matagal siyang napatahimik at tumitig sakin. Inabot niya ang aking mukha at pinahid ng kaniyang kamay ang aking mga luha.


“Sama ka muna sakin, Iinom natin yan” napatingin ako sa kaniyang sinabi at napatango na lang bilang pagpayag. Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan niya.


“I'm with my dream guy. Naibulong ko sa aking sarili habang nakatitig sa mga mata niya, nagwawala ang puso sa aking dibdib. Pero kitang kita ko din ang lungkot sa mga mata niya. Sinimulan na niyang hawkan ang aking pisngi at palapit na ng palapit ang kanyang mapupulang labi sa aking mga labi. Hindi parin ako magkamayaw sa pagtitig sa kaniyang naniningkit na mata at matangos na ilong. Bago pa man lumapat ang labi niya sa aking mga labi ay napapikit na ako. Sinimulan na niyang tanggalin ang aking suot na puting uniporme habang marahan niya akong hinahalikan. Ramdam ko rin ang lungkot sa kaniyang bawat paghalik.


Ramdam ko ang bawat pagtangis niya sa kanyang mga haplos. Kasabay ng kanyang bawat ulos ay ramdam ko ang kanyang lungkot, ramdam ko sa bawat pagyakap niya ang pangungulila sa taong mahal niya. Lalong lumakas ang pagtibok ng puso ko, kasabay nito ang malakas na beat na nanggagaling sa iPod na nakainsert sa dock nito.


Natapos kami sa aming ginawang kamunduhan. Walang imikan. Alam namin na ang ginawa namin ay hindi tanggap ng lipunan na ang ginawa namin ay immoral. Ilang beses ko siyang nahuhuling nakatingin sakin, parang may gustong sabihin.


“spit it out, Sir.” nakakaloko kong turan sa aking ginagalang na propesor. Natawa siya, pero kita parin sa mukha niya ang kaba. Alam ko naman na ang ginawa namin ay dala lamang ng bugso ng damdamin at init ng katawan. Niyakap niya ako at bumulong ng pasasalamat. Natawa ako at sabay tawa niya rin.


“Sa susunod may bayad na. Mahal ang talent fee ko.” pagbibiro ko at natawa ulit ito, nagbihis na ako at nagpasyang umuwi na, nalungkot ulit ako.


“may uuwian pa ba ako?” dikta ng isipan ko. Nagulat ako ng bigla akong yakapin ng lalaking kaniig ko lang kanina.


“everything happens for a reason.” makahulugan niyang bulong, habang mahigpit paring nakayakap sakin.


“you're so mellow dramatic.” pagbibiro ko at napatawa naman siya. Ihahatid na sana niya ako palabas ng apartment niya, balak ko sanang magbiro pa ulit nang makita ko ang gulat na rumehistro sa kaniyang mukha.


“So how was it?” isang boses na galing sa lugar na tinitignan ng aking propesor, nagulat ako, di ko inaakalang may ibang tao pa pala sa apartment na yun. Bigla nanaman akong kinabog ng husto. Napatingin ako sa kaniyang tinitignan at may naaninag akong isang lalaki na nakaupo sa high stool at umiinom ng beer.


“that was classic Jon, having sex with someone I don't know in MY house and in MY bed and while MY ipod is playing... classic...” mahinahon na sabi nung lalaki na nakaupo sa may high stool. Sa kabila ng kalmado nitong pagsasalita ay nararamdaman ko ang galit sa bawat salita nito. Bigla akong tinamaan ng pagkahiya at naguilty ako bigla. Mahinahon itong tumayo at naglakad papuntang pinto, bago pa man ito lumabas ng tuluyan ay nahabol ito ng aking propesor at nahawakan pa sa braso, para silang magsyota na nagkaroon ng tampuhan. Dun ko na realize na baka nga magsyota sila. Kinalas ng lalaki ang kamay ng aking propesor sa kaniyang braso at mahinahong nagsalita.


“gusto ko wala ka na dito pagbalik ko, Jon.” mahinahon nitong sabi. Saka tuluyang naglakad palayo.


0000oooo00000


“San ka ba galing Pol?” mahinahong tanong sakin ng aking half brother. Di ko na siya sinagot at pinagtuunan pa ng pansin, pinagpatuloy ko lang ang pagtitig ko sa labas ng bintana ng sasakyan niya. Naabutan niya ako sa labas ng apartment ng aking propesor, nakatulala, hindi makapaniwala sa posibilidad na nakasira ako ng isang relasyon.

“Kamamatay lang ni Daddy. Hindi mo ba balak umu...” panimula niya.


“Your mother said it clearly, she doesn't want to see my face again.”


“Ganun lang talaga yun...”


“nung andyan pa si Dad, tiniis ko. Pero ngayon, ibang usapan na.”


“san ka na ngayon niyan?” tanung ni kuya sakin.


“di ko alam.”


“Wag kang magalala, may naisip akong paraan. Tutulungan kita.”


“Kiko!” sigaw ng kuya ko, di ko parin sigurado kung bakit niya ako dinala dito. Lumapit sa kaniya ang lalaking nagngangalang Kiko, di ko mapigilang humanga dito, gwapo ang isang to pang model ang dating.


“bakit di mo sinabing pupunta ka dito Makoy!” sigaw nito at gumalaw na kala mo kitikiti.


“nakupo, gwapo nga kung kumilos naman... total TO!” sigaw ng isip ko.


“May hihingin sana akong pabor sayo eh.” sabi ni Kuya, sabay tingin sakin. Kumunot naman ang noo ni Kiko at naningkit ang mata sa hinala. Lumayo muna ako sa dalawa at hinayaan silang magusap.


0000oooo0000


“Isa lang naman ang patakaran ko dito. Ang akin ay akin. Yun lang.” nananakot na sabi sakin ni Kiko. Tinignan ko si kuya na may halong kaba. Ngumiti naman ito sakin na kala mo naniniguro na umaayon sa aming lahat ang kaniyang plano.


“saka isa pa pala. Kung maguuwi ka ng babae...”


“ahem!” singit ni kuya, sabay tingin sakin at kumindat.


“oh kung ano pa ang gusto mong i-uwi dito, basta siguraduhin mo na hindi iyon magnanakaw.” sabi ni Kiko, napanganga naman ako sa sinabi niyang yun. Hinila ko si kuya palabas ng bahay.


“sinabi mo?!” sabay haklit sa batok ni kuya.


“Arekup! Eh ano naman kung malaman niya?!” sabay ngiti ni kuya na nakadedemonyo.


“sira ulo ka talaga!” pagmamaktol ko, di naman nakatakas sa paningin ko na sumisilip si kiko sa may bintana. At humahagikgik na kala mo loko.


0000oooo0000


Bigla akong napadilat ng maramdamang parang may nakapatong na tabla sa aking dibdib. Maingay ang paligid, akala mo may generator na pinapaandar sa tabi ko, tumingin ako sa aking kaliwa at nakita duon ang pinagmumulan ng ingay. Dinakma ko ang mukha ni Kiko at tinulak siya palayo sa akin.

Kung hindi lang namatay si Daddy di ko kailangang magtiis ng ganito. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo na sa pagkakahiga. Nagtungo ako sa may banyo at naghilamos, kinuwa ko ang aking iPod at nagpunta na sa kusina, nagtimpla ako ng kape para sa dalwang tao. Lumabas ako sa may bakuran ng bahay ni Kiko at sinamsam ang sariwang hangin. Kitang kita mula dito ang Taal volcano. Sinimulan kong magstretching para masimulan na ang pag ja-jogging.


May narinig akong kumaluskos sa aking likod, bigla akong napaharap at tinanggal muna ang aking earphones. Mukhang engot lang si Kiko, may mga bahid pa ng panis na laway ang palibot ng bibig nito, naniningkit pa ang mata at tirik tirik pa ang buhok nito, katunayan na kababangon lang nito sa higaan. Agad kong inabot dito ang isa pang tasa ng kape. Nanlaki naman ang mata nito sa gulat at ngumiti ng nakakaloko.



“ano nanaman kaya ang iniisip nitong mokong nato?!” isip isip ko. Tumalikod na ako at nagpatuloy sa stretching.


“wag kang umasa na maiinlove ako sayo niyan.” agad naman akong napatigil sa sinabi niyang yun at nagulat. Humagikgik si kumag sa likod ko na parang tanga.


“Typical Homophobe asshole!” bulong ko.


“thank you.” sarkastikong sabi nito. Sinimulan ko ng lumabas para makapag jogging papuntang palace in the sky ng pigilan ako nito.


“Teka. Sasama ako sayo.” inikot ko na lang ang mata ko bilang protesta.


“What?! Binilin ka ng kuya mo sakin!” pagdedepensa nito sakin.


“di mo ba aayusin ang sarili mo bago ka magdidisplay sa labas?” tanong ko dito nang makitang ganun parin ang itsura niya, may tuyong laway parin sa pisngi nito at tayo tayo parin ang buhok nito.


“bakit?! Ok lang naman ang itsura ko ah! Di ka ba naaakit sakin?” sabay pose na parang si Johnny Bravo.


“Total homophobe arse and a mind of a five year old. Great!” bulong ko nanaman sa sarili ko.


0000oooo0000


Pinagtitinginan kami ng mga tao, panong hindi, naka boxers lang si kolokoy at sando samantalang ako ay naka jogging pants at t-shirt. Nakarating kami sa paanan ng burol papunta sa palace in the sky, hingal kabayo si Mokong na tumabi sakin.


“Ano?! kaya mo pa ba ha?! Ha?!” mayabang na tanong sakin ni Kiko.


“Baka ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Hingal kabayo ka na nga oh!” nginitian lang ako ng nakakaloko ni Kiko.


“gusto mo paunahan pa tayong makaakyat diyan oh?!” turo niya sa tuktok kung asan ang people's park. Napailing na lang ako sa yabang ni Mokong. Ngumiti itong nakakaloko sakin bilang panghahamon. Bigla kong nakita sa kaniya ang aking idol, ang aking inspirasyon, ang aking propesor, si Jon Frederick Dy.


“Arekup... Putang!...” sigaw ko sabay biglang tingala, ginising ako ng isang bagay na tumama sa bunbunan ko.


“C'mon sleepy head! I thought were going to race this mother fucking hill!?” sigaw ni Kiko sa may gitna ng burol na tinatakbo namin, aktong babatuhin pa ulit ako nito ng orange mula sa tindahan nang biglang sumulpot ang tindera mula sa likod ng tindahan na may hawak na walis tambo at hinahabol si Kiko. Napahagikgik ako sa tagpong yun.


“Paano ko naiisip na may pagkakahalintulad si Sir Jon atsaka ang kolokoy na ito? Isip grade 2 ang isang to.” bulong ko sa sarili ko habang matamang tinitignan si Kiko na tumatakbo habolhabol ng tindera. Napatawa ulit ako.


Naabutan ko si kolokoy na nagtatago sa likod ng isang puno, nadaanan ko ang tinderang humahabol dito, siguro ng hindi makita si Kiko ay nagpasya na lang bumaba ng burol at bumalik sa tindahan niya.


“Arekup...!” naibulalas ni kumag ng batukan ko siya.


“mas masakit yung binato mo saking orange!” sabi ko sabay amba pa ng isang batok. Kinuwa niya ang kamay kong nakaamba at inilagay niya sa may dibdib niya.


“Mukha ka kasing nananaginip. Ako ba ang pinagpapantasyahan mo?” sabay nguso ni kumag at nananakot na hahalikan ako. Tinulak ko ang mukha nitong nakanguso gamit ang aking palad. Ngumiti naman itong nakakaloko.


“Ibang iba talaga sila. Si Sir Jon pino kumilos, ang isang to? Kilos kitikiti!” bulong ko sa sarili ko. sabay iling.


Biglang may lumipad na kulay orange malapit sa ulo ko. nakita ko si Kiko na may inilalabas pa na orange sa kaniyang boxers, lahat ng nadaan na nakakakita sa kaniyang pagdukot sa loob ng boxer shorts niya ay either naeeskandalo o natatawa.


“pumuslit papala ng ilang prutas si kumag.” isip isip ko at tumawa sabay iling.


0000oooo0000


“Sa susunod kung magrereklamo ka lang ng magrereklamo tungkol sa pagjo-jogging ko mas mabuting wag ka na lang sumama!” pagmamaktol ko kay kolokoy matapos magreklamo ito sa pagod na naranasan niya sa pagsama sakin.


“Di ko naman gusto yon! Kung hindi lang dahil sa kuya mo eh!” matabang na sabi nito sakin. Saka pumasok ng banyo at naligo. Iika ika itong pumasok sa kwarto nang matapos na sa pagligo.


“Mamyang alas diyes pumunta ka sa coffee shop na ito.” sabi ni Kiko sabay bato ng binayuot brochure sakin. Sapul sa ulo.


“bakit?” matabang kong tanong dito.


“Dyan ka magtatarbaho.” turo niya sa brochure. Napagusapan na namin ni kuya yoon, siya ang magpapaaral sakin, di niya sasabihin sa Nanay niya, pero ang baon ko, dapat ako ang humanap ng paraan. Napabuntong hininga ako.


“Bukas din mag eenroll ka sa State U dyan malapit.” bumuntong hininga ulit ako sa sinabi niyang yun.


“Reklamo?!” sigaw ni Kiko sabay pandidilat sakin.


“May magagawa pa ba ako?” bulong ko.


“good.” nagulat naman ako dahil narining pa pala niya iyon.


“a homophobe asshole, a mind of a 5 year old and has the ear of a bat. Great!” bulong ko nanaman sa sarili ko pagkalabas ni Kiko sa front door.

Itutuloy...



[02]
Nakatayo ako sa labas ng isang opisina sa loob ng isang coffee shop. Di ako makapasok agad dahil mukhang abala pa ang taong dapat kong kausapin sa loob nito. Sinong hindi magaalangang pumasok eh rinig na rinig naman talaga ang sigawan sa loob nito.



“Sino ka?” tanong ng isang lalaki sa aking likod, bigla akong napaharap.



“ah eh, mag a-apply sana ako, kaso...” simula ko pero di na niya ako pinatapos.



“ah, edi pumasok ka na.” pangaanyaya niya sakin. Lumapit siya sakin, sobrang lapit akala ko hahalikan na niya ako. May inabot siya sa pintong sinasandalan ko.



“ako nga pala si Panfi.” pakilala niya sabay pihit ng door knob sa pinto na sinasandalan ko. nanlaki na lang ang mata ko at...



“puuuuta...” bulong ko at napahiga na nga ako sa sahig ng ospisina na kanina ko pa minamanmanan.



Bigla akong bumawi at tumayo bigla, nahuli ko naman sa naputol na paghahabulan ang dalawang tao sa loob na kaninay naririnig kong nagsisigawan. Biglang nanlaki ang mata ko na si Kiko pala ang hinahabol at isang mataba at matandang lalaki ang nanghahabol sa kaniya. Kumamot na lang sa ulo si kumag.



“Sino ka?!” sigaw ng matabang lalaki.



“a-ako po si Pol.” kinakabahan kong sabi. Sa gilid ng aking mata ay nakita kong unti unting lumalabas si Kiko ng opisina.



“Kiko!!!” sigaw ng matabang lalaki. Natigilan naman si Kiko na malapit naring makalabas ng opisina.



“SIT!!!” pareho kaming napaupo ni Kiko sa magkabilang upuan na nakalagay sa magkabilang gilid ng lamesa.


“Ako nga pala si Franscisco dela Cruz, ako ang may ari ng coffee shop na ito. Give me your resume' and you can start tomorrow.” sabi nito.



“po?” di ako makapaniwala sa narinig.



“Magsisimula ka na bukas.” nginitian ako ng May ari at tumingin siya kay Kiko.



“Si Kiko na ang bahal...” di na niya natapos ang sasabihin at nag double take na lang ito ng tingin kay Kiko, napatingin narin ako kay Kiko at nakita ko itong natutulog sa upuan nakapaling ang ulo nito sa kanan at natulo na ang laway.



“KIKO!!!” sigaw ng may ari ng coffee shop.



“hindi mo na talaga ako ginalang hayop ka!!!” sigaw ng matabang lalaki.



“Lumayas kayo sa harapan ko! Layassss!!” sigaw parin nito habang lumalabas kami ng opisina. Agad ko namang nakita ulit ang lalaki na tumulak sakin kanina papasok ng opisina, ngumiti ito sakin at magiliw na kumaway.



“ako lang ba, o isip bata talaga lahat ng tao dito?” tanong ko sa sarili ko.



“bukas na kita i-oorient ha?” tinatamad na sabi sakin ni Kiko.



“di naman puyat ang gagong to, bakit naman parang tutulog tulog ito? Baka antukin lang talaga.” sabi ko ulit sa sarili ko.



“ba-bakit di mo sinabi sakin na dito ka rin nagtatarbaho?” tanong ko sa kaniya.



“eh di kung sinabi ko edi hindi ka pumunta dito?” natatamad parin sabi sakin ni kumag, umikot nalang ulit ang mata ko sa inis.



“hello! Kamusta naman sa loob kanina?” tanong sakin ng bagong dating.



“hi Panf...” di ko pa natatapos ang aking sasabihin ng biglang humarang si Kiko sa pagitan namin ni Panfi at binakuran ako palayo dito.



“di ko siya sasaktan, Kiko. Kakamustahin ko lang siya.” natatawang sabi ni Panfi. Pero di ito pinansin ni Kiko at hinila ako nito papunta sa labas ng coffee shop.



“teka lang ano nga ulit ang pangalan mo?” tanong sakin ni Panfi, pero di ko na ito nasagot dahil hinihila parin ako ni Kiko at sumabat nanaman ito.



“Pekto! Pekto pangalan niya!” sigaw ni kumag. Sinubukan kong haklitin ang batok ni Kiko pero di ko ito naabot.



“tigilan mo siya Panfi! Sinasabi ko sayo kung hindi...” di na tinuloy ni Kiko ang sasabihin niya, tinignan ko si Panfi at humingi ng paumanhin sa pamamagitan ng aking mga mata. Kumaway lang ito na nagsasabing wala iyon sa kaniya saka ngumiti ng pagkatamis tamis.



“Ano ba ang problema mo?!” naiirita kong tanong kay Kiko. Tumingin ito ng masama sakin.



“Binilin ng kuya mo na huwag kang pabayaan na kung kanikaninong LALAKI nakikipaghuntahan!” natigilan ako at kinabig ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.



“hindi ba masyado ka naman atang OA?!” napayuko na lang ako sa sobrang inis. Hinatak nanaman ako ni Kiko at patulak na isinakay sa jeep.


0000oooo0000



Magdadalawang linggo na rin ako dito sa Tagaytay, nakapag enrol narin ako, salamat sa suporta ng aking kapatid, pero hindi man ito alam ng madrasta ko ay kinakabahan parin ako na baka malaman niya ito. Ipagpapatuloy ko ang kurso kong nursing sa isang State University dito, habang nagtatarbaho sa coffee shop para kahit papano ay natutustusan ko ang iba ko pang pangangailangan. Hindi man Holiday araw araw kasama si Kiko, ay maswerte parin ako na andiyan siya. Parang kasama ko parin ang kuya ko, mas makulit nga lang ang isang ito.



“GGGGGGRRRRRR...”



“SHHHHHHHHHHH...”



Dinilat ko ang aking mata sa pamilyar na tunog na iyon at pamilyar din na bigat sa aking dibdib, nakaangkla nanaman kasi sakin ang malatrosong braso ni Kiko, iisa lang ang kwarto sa bahay na iyon. Hindi ko magawang lumipat sa rest house na iniwan sakin ng namayapa kong ama dahil baka bumisita doon ang aking madrasta at malaman na magkakunchaba kami ng pinakamamahal niyang anak. Kaya eto kailangan kong magtiis sa mala wolverine na bestfriend ng kuya ko. nagulat na lang ako ng pagpaling ko paharap dito ay nakadilat narin pala ito.



“Goodmorning!” magiliw na bati nito sabay nguso na kala mo hahalikan ako. Sinupalpal ko ang nakanguso niyang ulo gamit ang aking kanang kamay.



“Arekup...” bulalas nito pero tumakbo na ako papuntang CR para di na marinig ang pagaalbroto nito. Pagkalabas ko ng banyo ay naamoy ko ang isang napakabangong amoy ng kape.



“bango.” mahina kong sabi.



“being a barista has its advantages.” pagmamayabang ni Kiko sabay pose nanaman na parang si Johnny Bravo. Umikot nanaman ang mata ko sa socket nito. Lumabas ako sa may terrace at nagsimula na ulit magstretch.


Muli ko nanamang ninamnam ang sariwang hangin at tinignan ang magandang view. Naalala ko ang rest house at sa tuwing naste-stress si Daddy sa aking madrasta ay pumupunta kami doon, ganito din ang view doon.



“POL!”



“Ay putang...!” naibulalas ko ng bigla akong gulatin ni Kiko. Yumakap pa ito sakin at hinalikhalikan ang batok ko. kinagat ko ang braso niyang nakapulupot sa leeg ko at ng bitawan ako ni kumag ay tinulak ko siya, naka boxer shorts parin ito sa kabila ng malamig na klima.



“Ang sakit nun ah?!” sigaw nito pabalik sakin.



“wag ka kasing manggugulat ng ganoon!”



“baka kako kasi nilalamig ka na kaya niyakap kita.” sabi nito na may pakindat kindat pa. At nakangiting aso nanaman.



“ok lang ako, nakapanjama ako at sando, ikaw tong dapat nilalamig diba?” maang kong tanong kay kolokoy. Itinaas nito ang kaniyang kaliwang kamay na parang si Johnny Bravo at nagpopo-pose na parang model.



“di ka ba naaakit sakin?” mapangakit nitong tanong sakin. Napasibanghot naman ako sa tanong niyang yun. Naglakad na ako pabalik sa loob ng bahay.



“hindi.” sagot ko sa kaniya at sikretong napangiti. Bago pa man ako nakalayo kay kolokoy ay narinig ko itong nagbuntong hininga. Lalo akong napangiti. Normal na samin ngayon ang magkulitan na parang mga bata. Naging mas close at naging mas komportable na kami ngayon sa isa't isa, maski sa trabaho ay ganiyan narin kami kung magkulitan.



“Sabi nga pala ni Boss, kay Panfi na niya ako isasabay na shift.” sabi ko habang nagsusuot ng rubber shoes para sa jogging namin ng umagang yun. Nagulat ako ng makarinig ng may nabasag sa may kusina. Si Kiko pala, naibagsak ang kape na dapat ata ay para sakin. Napangiti naman ako ng sikreto, simula kasi nung pinagtimpla ko siya nung una kong umaga dito ay hindi ko na inulit yun, matapos kong marinig ang pamatay na...



wag kang umasa na maiinlove ako sayo niyan.” naramdaman ko nanamang umikot ang mata ko sa naisip kong iyon.



“ayaw mo nun, di mo na ako lagi makakasama.” habang pinupulot ang mga bubog sa sahig. Sumimangot nanaman si mokong at hinaklit ako sa batok.



“gustong gusto mo naman, para di na kita mabantayan at malandi mo na yang Panfi mo!” sigaw nito sakin, natigilan naman ako sa sinabi niyang yun. Tumayo na ako at sinukbit ang iPod ko sa braso ko at inilagay ang earphones sa tenga ko.



“Ayos talagang manira ng araw tong homophobe slash insensitive asshole na yun!” sabi ko sa sarili ko habang sinimulan ko ng takbuhin ang burol na nadiscover ko kung saan konti lang ang taong nagja-jogging at napunta. Tumigil muna ako sa paanan ng burol upang magpahinga saglit at mag hydrate na din. Mas maganda dito sa burol na ito, konti ang tao, iilan ilan lang ang tao at tahimik pa, nagulat na lang ako ng biglang may bumangga sakin.



“Anak ng!” bulalas ko, nagulat na lang ako ng makita ko si Kiko na nandidila at hinahamon akong habulin siya.



“Immature arse!” sigaw ko sa kaniya. Dinilaan lang ulit ako nito, hinabol ko siya.


0000oooo0000


Nakauwi na kami at nagshower at nagbihis para pumasok ng coffee shop. Di ko mawari pero habang nagmamaneho ng motor at nakaangkas si Kiko sa likuran ay parang secured na secured ako. Napatingin ako sa side mirror at nakita si kumag na parang bata na ngayon lang nakalabas ng bahay, hanggang tenga ang ngiti nito at palinga linga na parang sinasaulo ang bawat madaanan namin.



“TIGIL!” sigaw ni kumag sabay palo sa helmet ko.



“bakit nanaman?!” sigaw ko sabay gilid ng minamanehong motor at tumigil.



“Gusto ko ng dirty ice cream!” sigaw nito. Napangiwi naman ako, “Impulsive na batang isip.” Napabuntong hininga ako sa naisip ko, kinapakapa ni kolokoy ang mga bulsa niya tapos biglang nalungkot. Lumuhod ito at yumapos sa mga binti ko.



“Naiwan ko ang wallet ko sa bahay. Pwede bang ilibre mo muna ako?” nangingilid luhang makaawa sakin ni kolokoy.



“wala akong pera...” di ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay inalog alog na niya ang mga binti ko.



“Sige na! Ngayon lang eh!!!” pagpupumilit sakin ni kolokoy.



“Oh ayan!” sabay abot sa kaniya ng limang piso.



“Yehey! Ice cream, ice cream, icreaaaammm!” pakanta kanta pang sabi ni Kiko. Nakabili na siya ng Ice cream at nagmaneho na ako papuntang coffee shop. Tinignan ko ulit sa side mirror ang kolokoy at tuwang tuwa ito sa hawak ng ice cream.



“Kung umasta kala mo 5 years old. Anlayo niya talaga sa idol kong si Jon.” napatingin ako saglit sa kalsada tapos tumingin ulit kay kolokoy.



“Kung sa gwapo lang din ang basehan, panalo ang isang to. Pero sa ugali?...” sabi ko sa sarili sabay buntong hininga.



“Asssssoooooo!” sigaw ni kolokoy sa likod ko at napatingin ako sa kalsada, kinabig ko ang manibela at dumaretso kami sa talahiban.



Itutuloy...


[03]
Nagpagulong gulong kami sa talahiban ni Kiko, kasunod namin ang motor na kanina lang ay sinasakyan namin. Nang makahanap ako ng lakas ay tumayo na ako at hinanap si Kiko. Laking gulat ko ng hindi ito gumagalaw malapit sa tabi ng motor, napaluhod na ako sa tabi nito at inalog alog siya, di parin ito nakibo, sinimulan na akong kabahan, inilapit ko ang tenga ko sa kanyang dibdib para mapakinggan kung natibok ang puso niya, nang mailapat ko na ito laking gulat ko ng marinig ang malakas na pagtibok ng puso ni Kiko, kasabay nito ang paggalaw ni kumag at niyakap ako ng mahigpit. Pumalag ako, napadapa ako sa makisig na dibdib ni kumag.



“kung ganito ba naman lagi eh, sana lagi na lang tayong mahulog sa bangin.” bulong ni Kiko, seryoso si kumag. Di na ako pumiglas pa, iniangat ko ang ulo ko at tinignan siya. Iba ang kislap ng mga mata ni Kiko, parang gustong gusto niya ang mga nangyayari parang gustong gusto niya na magkayakap kami.



“K-Kiko.” kinakabahan kong sabi. Inilapit niya ang kanyang mukha sakin, hinaplos haplos ang pisngi ko.



“Shhh! Wag ka ng magsalita.” pumikit na si kumag, pero di ko makuwang pumikit, biglang may kumaluskos sa ulunan ni kumag at lumanding sa noo niya ang isang malaking palaka.



“ARRGGGGGGGGHHHHHHHHHH!” sigaw ni mokong, bigla itong tumayo at kinumpas kumpas ang kamay, pero di parin umalis ang palaka, at sa pagkaatayo niya ay tumalon papunta sa loob ng kaniyang naka tuck in na polo shirt.



“ALISIN MO! ALISSSSSIIIINNNN MOOOOOOO!” sigaw ulit ni mokong at paikot ikot na tumakbo sa talahiban na parang aso na hinahabol ang buntot niya. Napatawa na lang ako ng malakas. Matatakutin kasi si kumag, parang ang tanging hayop lang ata na hindi siya takot ay sa isang aso lamang. Kapag naging dalawa na, asahan mo magtatago na yan sa likod ng taong kasama niya.



0000oooo0000



“San kayo galing? Bakit ganyan ang itsura niyo.” takang tanong ni Panfi samin. Lumapit ito sakin at inalis ang mga tuyong dahon sa buhok ko, di ko naman mapigilang mamula sa pagkapahiya. Biglang sumulpot si Kiko at hinablot ako palayo kay Panfi sabay bakod sa pagitan ko at ni Panfi. Napa-ismid na lang si Panfi.



“Relax ka lang Kiko. Di ko hahalayin si Pol, tinatanong ko lang kung anong nangyari at ganyan ang itsura niyo.” walang ganang pagdidipensa ni Panfi, naningkit naman ang mata ni Kiko na akala mo duda sa sagot ni Panfi.


“Nahulog kasi kami sa bangin...” di ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay bigla nanamang lumapit sakin si Panfi at kinapa kapa ang aking katawan. Namula naman ang mukha ni Kiko.



“Ha? Sa bangin?! Ok ka lang ba ha?” sunod sunod na tanong ni Panfi sakin. Bigla ko na lang naramdaman ang pagtulak ni Kiko at napasandal ako sa pader, humarap si Kiko kay Panfi at nagtitigan sila na kala mo magpapatayan.



“Magtatanong ka lang may pahimas himas ka pa?!” sigaw ni Kiko.



“Tinitignan ko baka may sugat si Pol!” depensa ni Panfi.



“Eh bakit nga kailangan mo pa siyang himashimasin?!” sabi ni Kiko sabay tulak kay Panfi.



“Tsinetsek ko lang kung ok talaga siya!” tulak narin ni Panfi kay Kiko, maya't maya nakita ko ng nagsasakalan ang dalawa at pareho ng pulang pula.



“Bahala na nga kayo riyan.” sabi ko at nagsipagkalas naman ang dalawa sa pagsasakalan. Pumunta na ako sa may locker room at naghanap ng panyo o bimpo para matanggal ang lupa at natuyong damo sa mukha ko.


0000oooo0000



“Bakit hindi mo sabihin sa tatay mo na sa shift mo ulit isabay si Pol?!” naiinis nang sagot ni Panfi kay Kiko.



“Eh alam mo naman na hindi kami magkasundo ng tatay ko diba?!” sigaw ni Kiko. Nakikinig parin ako sa usapan ng dalawa, di ko naman maintindihan si Kiko, ano bang sinabi sa kaniya ni kuya at ganun na lang niya ako protektahan. At ngayong nalipat ako sa shift ni Panfi ay balak pa nitong makipagpalit ulit kay Panfi.



“Alam mo yang anak kong iyan...” panimula ng boss namin sa aking likod na siya namang ikinagulat ko, hingal kabayo na ako sa sobrang gulat ng magpatuloy ito.



“Hindi ko maintindihan kung bakit ganiyan na lang kalayo ang loob sakin niyan.” tinitigan ko ang aming boss, sure he's fat and obnoxious like his son, pero di ko mapigilang maawa sa kaniya tuwing binabastos siya ng anak niyang si Kiko. Hinawakan niya ako sa balikat.



“Sana Pol ikaw na ang bahalang umintindi sa kaniya.” malungkot na sabi ng boss. Napatitig naman ako kay Kiko, di ko maseryoso si kumag, pano ko maseseryoso ang isang ito, eh may mga nakasabit pang mga tuyong damo sa kaniyang buhok at may mga lupa, lupa pa sa damit niya. Napangiti na lang ako sa sarili. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ng boss saking balikat at itinulak na niya ako papasok sa locker room.



“Pakshet! Hobby ata talaga ng tao dito ang manulak.” sabi ko sa sarili ko, bigla namang tumigil sa pagdidiskusyon ang dalawa. Napatingin ako kay Panfi at magiliw itong kumaway sakin, saka mabilis na tumabi sakin at bumulong.



“Ihanda mo na ang sarili mo Pol, malapit na tayong magkasama...” di pa natatapos ni Panfi ang sasabihin nito ay bigla itong tinulak ni Kiko at pumagitna sakin, bumakod nanaman ito na kala mo binabantayan akong maagaw ang basketball kay Panfi. Ngumiti lang ulit si Panfi.



0000oooo0000



“C'mon you can't do this! Kitang kita mo naman kung pano siya tignan ni Panfi.” simula ni Kiko. Di nila masyadong nasara ang pinto ng opisina kaya't rinig na rinig ko ang pinaguusapan nila.



“Boyfriend mo ba siya?” tanong sakin ni Panfi sa aking likuran, na ikinagulat ko.



“Hobby niyo bang manggulat dito?” hawak puso kong sabi kay Panfi. Nginitian lamang ako nito.



“Bestfriend siya ng half brother ko.” sagot ko.



“Bakit ganun ka na lang niya protektahan? Hindi ba masyado ka naman niyang sinasakal?” nakisilip narin si mokong sa pintong nakaawang, nakayapos na si Kiko sa lamesa ng kaniyang ama at inaalog alog na ito, para na itong batang nagtatantrum.



“Inihabilin kasi ako ng kuya ko sa kaniya.” maikli kong sagot at natatawa kong silip ulit sa opisina, dahil para na talagang 2year old si Kiko na hindi napagbigyan ng mga magulang.



“Pinagbabawal din ba ng kuya mo ang pakikipagkaibigan sakin?” tanong parin ni Panfi sakin, na ikinatameme ko naman. Muli akong tumingin sa may opisina.



“Dad naman eh!!!” pagmamaktol ni Kiko habang inaalog alog pa ang lamesa ng kaniyang ama.



“Wala ka na talagang galang! Hala! Labas!” sigaw ng boss namin. Agad naman akong lumayo sa bungad ng pinto at tumabi agad kay Panfi, medyo na out of balance ako kaya medyo napasandal ako kay Panfi.



“Labas tayo mamya ah.” bulong ni Panfi sakin, sabay labas naman ni Kiko sa opisina at nahuli kami ni Panfi na magkasandal. Naningkit nanaman ang mata nito at hinila ako papuntang counter.



“Kesa nakikipaghuntahan ka diyan eh magtarbaho ka na lang dito!” galit na sabi nito sakin at humarap kay Panfi at parang bata na dinilaan ito. Nagtake ng orders si Kiko habang naglilinis ng table sila Panfi ako naman ang bahalang maghalo ng kape. Pinagmasdan ko kung pano kiligin ang mga babae naming customers maging ang mga bakla sa tuwing kukunin ni Kiko ang kanilang mga orders, ang iba pa nga kala mo hihimatayin. Pinagmasdan ko ulit si Kiko at napansing madumi parin ang damit niya at may mga natuyong damo parin sa buhok nito. Napailing na lang ako sa nakita kong iyon.



“Anong nakikita nitong mga to kay Kiko?” sabi ko sa sarili ko sabay iling ulit.



0000oooo0000


Naghahanda na akong mag out sa tarbaho at pumasok sa school ng kornerin ako ni Kiko. Bago pa man ako makalabas ng back door ay iniharang na niya ang kaniyang mala trosong mga braso sa magkabilang hamba ng pinto.



“Susunduin ulit kita mamya.” sabi nito sabay kindat. Di na bago sakin ang araw araw na pagsundo sakin ni Kiko, simula noong magsimula ang klase ko.



“Bahala ka.” matipid kong sabi, hinawi ko ang kaniyang mala trosong kamay na nakaharang sa may pinto. Di pa man ako nakaka layo ay tinawag ulit ako ni Kiko.



“Pol.” napalingon na lang ako, nakatalikod na pala ito sakin.



“Ingat ka.” pagkasabi ni Kiko nito ay pumasok na ito sa loob ng coffee shop, naiwan naman akong naka nganga sa kinatatayuan ko at di mawari ang nararamdaman. Panong hindi eh ngayon pa lang ako sinabihan ni Kiko ng ganon.



“ibig sabihin ba nun?... ERASE! ERASE! ERASE!” sabi ko sa sarili ko.



“Isa lang ang gusto ko, yung mga tipo ni Sir Jon. O mas maganda si Sir Jon na mismo.” muling bumalik sa akin ang itsura niya noong klase namin sa Anatomy 101 nung asa Maynila pa ako. Maputi at makinis na balat, magandang hubong ng katawan, mala anghel na mukha.



“Arekup!” naramdaman ko ang isang malagkit lagkit na bagay ang lumanding sa mukha ko.



“Akala ko ba papasok ka na?!” sigaw ni Kiko sa may pinto.


“Oo nga!” sagot ko habang matamal na pinupunasan ang aking mukha, napatingin ako sa bagay na binato sakin.



“Lagot ka sa tatay mo! Nagsayang ka nanaman ng cinnamon roll!” balik ko sa kaniya.



“Kasi naman may limang minuto ka nang nakatulala diyan! Sino bang pinapantasya mo?! Ako?!” sabay pose nanaman ni kumag na kala mo si Johnny Bravo.



“Tanggalin mo muna yang tuyong damo sa buhok mo at yang lupa sa mukha mo baka pwede pa!” balik ko sa kaniya sabay takbo palayo dito dahil inaamabaan nanaman ako ng isang cinnamon roll ni kumag.



0000oooo0000


Halos makatulog na ako sa sobrang ka boryohan, di ako makapaniwalang pumapayag silang magturo ang ganitong mga propesor dito. Nagbabasa na nga lang ng kanilang lecture parang si Charo Santos pa ang manner ng pagbabasa. Napatingin ako sa may bintana at may nakita akong isang pamilyar na mukha.



“Kiko?” tanong ko sa sarili ko, nakaupo siya sa isang bench sa isang park malapit sa Medicine Building ng skwelahan namin. May mga ilang kolehiyala na nagpapapansin sa kaniya, pero busy ito sa kadidila sa kaniyang dirty ice cream, napangiti sabay iling na lang ako.



Halos hilahin ko na ang oras nung hapon na iyon. May ilan sa aking mga kaklase ang nag me make up na ang ilan ay nagsusuklay at nang biglang tumigil ang aming propesor sa kakadakdak, lahat kami ay napatingin dito. Nakayuko ito at kala mo natutulog.



“Hala! Patay na ata.” bulalas ng isa kong pilyong kaklase. Napailing na lang ako at muling tumingin sa labas. Andun parin si Kiko. Naningkit nanaman ang mata ko.



“Parang kanina niya pa kinakain yun... teka bagong ice cream ba yun?! At dalawa pa! Isip bata talaga!” sabi ko sa sarili ko at napailing na lang. Muli kong sinilip si Kiko sa may bintana at magiliw na kumaway ito sakin, nahulog naman ang dalawang scoop ng ice cream mula sa cone nito dahil sa pagkaway ni Kiko. Matamal na tinignan ito ni Kiko saka nagpapadyak na parang bata. Di ko mapigilang mapangiti.



“Isip bata nga. Pero cute... ERASE! ERASE! ERASE!” saka ko inalog alog ang ulo ko. napatingin ako sa aking katabi at naniningkit ang mata nito sa pagtataka kung bakit ganon ko na lang alugin ang ulo ko. nginitian ko lang ito. Saka nagsimula uling maglecture ang aming propesor na mukhang nakatulog ata sa sarili niyang lecture.


0000oooo0000


Halos mapatakbo ako palabas ng magring ang bell bilang hudyat ng pagtatapos ng klase noong araw na yon.



“Teka, bakit ko kailangang tumakbo? Ibig sabihin ba nun gusto ko nang makasama si Kiko?... ERASE! ERASE! ERASE!” at inalog ko nanaman ang ulo ko. napatingin naman ako sa paligid at nakita ang mga tao sa hall way na yun na nakatingin sakin.



“Anatagal mo naman!” singhal sakin ni Kiko habang patuloy na dinidilaan ang dirty Ice cream na binili niya. Nginitian ko lamang ito. Nagulat naman siya sa ginawa kong iyon.



“Ito oh, dapat may chocolate ice cream yan kaso...” panimula ni Kiko habang inaabot ang cone sakin at habang nakatingin din sa dalawang scoop ng ice cream na natutunaw sa may damuhan. Nanatiling nakayuko si Kiko dahil siguro sa hiya na cone na lang ang maibibigay niya sakin.



“Wala na sigurong pambili ng bagong ice cream.” isip isip ko, pero imbis na ika inis ko iyon ay nagulat din ako sa sarili ko dahil kahit papano ay ikina tuwa ko pa nga iyon.



“Pasensya...” di pa man natatapos ni Kiko ang paghingi niya ng pasensya sa akin ay inagaw ko na sa kanya ang natirang cone at kinain ito.



“Salamat!” sigaw ko sa kaniya at magiliw na ngumiti, umupo siya at tumabi naman ako sa kaniya, palihim kong tinignan si Kiko at napansin kong malinis na ang kaniyang mukha, nagpalit na siya ng damit. Naka black na fitted t-shirt ngayon si kumag na may tatak ng transformers sa harap at naka faded jeans saka isang lumang chuck taylor ang suot niya, pero ng mapadako ang tingin ko sa buhok niya ay napangiti ako bigla. May mga piraso parin ng talahib sa buhok si kumag.



“Bakit ka nangingiti?” kinakabahang tanong nito sakin.



“May talahib ka pa kasi sa buhok.” napatingin siya sakin habang isa isa kong tinatanggal ang mga talahib sa buhok niya, medyo na conscious naman ako sa pagtingin niyang yon kaya tinigilan ko na ito, umupo ng daretso at kinakabahang bumalik sa pagkain ng cone. Ngumiti naman si Kiko at umayos din ng upo, ngayon mas dumikit pa siya sakin at inakbay ang isang kamay sakin. Kinakabahan akong dumaretso ng upo habang patagilid na tinignan si Kiko. Walang nagbago, dinidilaan niya parin ang paubos ng dirty ice cream.



“Parang bata talaga.” isip isip ko pero napangiti din ako, dahil naamin ko sa sarili ko na kahit ganito si kumag ay cute parin ito.



“Para kang statwa dyan. Hinga hinga bah, baka mamatay ka niyan. Relax.” bulong ni Kiko sakin at napatingin ulit ako sa kaniya, nginitian lang ako nito habang nakaakbay parin sakin, sumandal na ako at nagrelax.



“Pol!” tawag sakin ng isang lalaki.


Parang isang anghel na bumaba sa langit. Naka puti ito na fitted v-neck shirt, skinny black jeans at white chucks, mula sa suot nitong t-shirt ay kitang kita doon ang magandang hubog ng katawan nito. Napanganga na lang ako sa aking kagwapuhan na tumawag sakin.



“Panfilo?! Anong ginagawa mo dito?!” singhal ni Kiko sabay tayo at bakod sa pagitan namin ni Panfi.



Itutuloy...


[04]
Napadouble take ako.


Madilim na sa buong paligid, pero nung dumating si Panfi ay akala mo nagliwanag ulit ang kalangitan. Sa loob ng dalawang linggo kong pagstay dito sa Tagaytay ay ngayon ko lang nakitang ganito si Panfi. Kung sa coffee shop ay akala mo uugok ugok ito, ngayong sa harapan namin ni Kiko ay poging pogi ito. May itsura naman talaga si Panfi maski nung asa coffee shop pa kami, pero ngayon parang may nadagdag. Parang lalong naging confident si mokong.



“Si Panfi ba talaga tong asa harap ko?” bulong ko sa sarili ko, napatingin ako kay Kiko at mabilisan niyang kinain ang kaniyang natitirang dirty Ice cream.



“Bakit ka nandito?” maang na sabi ni Kiko kay Panfi.



“Susunduin ko si Pol, may usapan kaming lalabas kami ngayong gabi.” pagkasabi nayun ni Panfi ay humakbang itong palapit sakin. Maagap namang humarang si Kiko sa pagitan namin ni Panfi. Napaikot na lang ulit ang aking mga mata.



“Sinong may sabi sayo na papayagan ko siyang sumama sayo?” naningkit ang mga mata ni Kiko.



“Sasama ako.” mahina kong sabi pero nakapagpatigil yun sa ismidan nilang dalawa. Yumuko na lang si Kiko, marahil ay tinanggap na ang kaniyang pagkatalo. Inabot na ni Panfi ang kaniyang kamay papunta sakin at inaaya na akong sumama sa kaniya. Lumapit na ako kay Panfi, pero sumulyap parin ako kay Kiko, nakayuko parin ito at madilim ang mukha. Nagsimula na akong akayin ni Panfi palayo ng magsalita ulit si Kiko.



“Saglit lang... sasama ako.”



0000oooo0000



“Nakakahiya naman sa syota mo.” naiinis na sabi ni Panfi. Nilingon ko si kiko at mukhang mas nagsasaya pa ito kesa samin ni Panfi. Sumasayaw ito sa dance floor at pinalilibutan ng ilang magagandang babae. Halatang nagpapaimress si kumag, kung kanino? Di ko alam. At mukhang iyon ang ikinaiinis ni Panfi. Walang effort maka magnet ng babae si Kiko.



“yaan mo na, ngayon lang nakawala sa kura...” di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinawakan ni Panfi ang kamay ko.



“Ano ba talaga kayo ni Kiko?” seryosong tanong nito.



“Magkaibigan.” sagot ko.



“kung ganon pwede ba akong...?” di na naituloy ni Panfi ang sasabihin niya dahil biglang nagbagsak ng isang bucket na beer si Kiko sa pagitan namin ni Panfi at sinadya pa nitong daganan ang kamay ni Panfi.



“Areku tangina!” bulalas ni Panfi, pero di to pinansin ni Kiko.



“Treat ko.” pangaasar na sabi nito.



0000oooo0000


“May pasok ako bukas Kiko.” matabang kong sabi kay Kiko. Pero bukas parin siya ng bukas ng beer para sakin. Tinignan ko si Panfi, nahihilo na ata ito, dahil gegewang gewang na ito sa kaniyang silya. Tinignan ko si Kiko at magiliw itong ngumiti sakin.



“Alis na tayo Kiko. Di na kaya ni Panfi.” sabi ko kay Kiko.



0000oooo0000


“Hina niyo namang uminom dalawa!” habang manemaneho ni Kiko ang sasakyan ni Panfi, tinignan ko si Panfi sa back seat at tulog na tulog ito.



“Hala! di ko alam kung san nakatira yan.” kabadong sabi ni Kiko saka itinabi yung sasakyan.



“Iuwi na lang natin sa bahay mo. Kahit ngay...”



“HINDI!” pananabla sakin ni Kiko.



“San mo patutulugin si Panfi? Nakakaawa naman!” balik kong sigaw kay Kiko, nagisip ito saglit.



0000oooo0000



“Potah kabigat naman nitong kumag nato! Idea mo to diba?! Ikaw kaya ang magbuhat?!” at ipinasa sakin ni Kiko si Panfi. May kabigatan nga si Panfi kaya naman halos paluhod ko ng binuhat si Panfi. Humigpit ang yakap sakin ni Panfi na di naman nakaligtas kay Kiko. Tinampal ni Kiko ang kamay ni Panfi, pero di ito gumalaw. Ibinagsak ko si Panfi sa may kama, pero imbis na si Panfi lang ang maihiga sa kama ay napahiga din ako dahil sa sobrang higpit ng yakap nito sakin.



“Hoy! At bakit diyan nakahiga sa kama ko yang ugok na yan?!” naiiritang tanong ni Kiko. Tas biglang naningkit ang mata nito ng makitang lalong hinigpitan ni Panfi ang yakap nito sakin.



“At bakit ganyan makyakap yan?!” sigaw ulit nito. Bigla niya akong hinatak tas tinulak si Panfi, nahulog ito sa kama with matching malutong na tunog ng magtama ang katawan nito at ang sahig. Napadikit ako kay Kiko, masyadong napadikit na, ang ulo ko ay nasa dibdib niya, di niya ito napansin agad, pero ako sobrang namula na ako. Naramdaman kong gumalaw ang dibdib ni mokong na kala mo natawa. Tumunghay ako at nakita kong nakanguso na si kumag at nanloloko na manghahalik, muli ko itong sinupalpal ng palad ko.



Pero iba ngayon, imbis na maglapat ang palad ko at ang mukha ni Kiko, maagap niyang hinawakan ang aking kamay at marahang ipinatong sa kaniyang dibdib, nagulat ako. Unti unting lumalapit ang kaniyang mukha sa mukha ko. Unti unti ring nagbebend ang aking likod, na kala mo si Pilita Corales na nakanta ng matataas na kanta, sinusuportahan ng malatrosong braso ni Kiko ang aking likod at idinikit ang kaniyang katawan sakin.





“NASUSUKA AKO!” sigaw ni Panfi sa sahig. Biglang kumalas si Kiko sa akin na siya naman ikinahulog ko sa sahig.




“Wag ka dyan susuka ugok ka!” sigaw ni Kiko, habang hinihimas himas ko ang aking balakang na napuruhan sa pagbagsak ko.



0000oooo0000


Nagising ako sa ingay ng sigawan ni Kiko at Panfi, kinusot ko ang aking mata at nagsimula ng maginat ng lumanding sa mukha ko ang isang bagay na gawa sa bakal.



“Areku!” sigaw ko at pinandilatan ang dalawa. Nagturuan naman ang dalawa. Umiling ako at tinignan ang bagay na tumama sa mukha ko.



“Sorry Pol, ako talaga yung bumato. Gagantihan ko lang sana si Panfi kasi binato niya ako niyan kanina kaya ako nagising.” pagdedepensa ni Kiko.



“pano para kang makina ng generator kung humilik!” sigaw ni Panfi.



“Buti nga pinatulog pa kita dito sa bahay ko eh!” sigaw ni Kiko.



“baho baho ng bahay mo! Akala mo naman gustong gusto ko dito matulog! Wala lang akong choice!” sigaw ni Panfi, nagulat ako ng biglang sugudin ni Kiko si Panfi at sinakal, inabot naman ni Panfi ang leeg ni Kiko at sinakal din ito.



“Bahala na nga kayo diyan.” mahina kong sabi sabay iling.



Nagsimula na akong magstretch sa may terrace at nakaharap ulit sa Taal Volcano ng marinig ko ang sigawan at batuhan ng dalawa.



“What a lovely way to start the morning.” labas ugat sa sentido kong sabi, habang pinipigilan ang sarili na pumasok ulit at beltukan ang dalawa. Dinampot ko na lamang ang iPod saka isinukbit ito sa aking braso.



“Pol.” tawag sakin ni Kiko sabay kulbit.



“oh?” tanong ko.



“kape oh.” sabay abot sakin ni Kiko ng isang tasa ng kape, kitang kita sa noo ni Kiko ang latay ng alarm clock na ibinato kanina ni Panfi at ang marka sa leeg ng kamay ni Panfi parin.



“dun ka ba ulit magjojogging?” tanong ni Kiko. Sasagot na sana ako ng biglang sumulpot si Panfi.



“Wow! Jogging! Sama ako!” excited na sabi nito.



“Akala ko uuwi ka na?!” matabang na sabi ni Kiko.



0000oooo0000



“Aray.” bulalas ni Panfi habang nagja-jogging kami paakyat ng burol na madalas naming inaakyat ni kiko.



“Oh, sabi ko kasi sayo mag stretching ka ng maayos eh, patignan nga.” sabi ko kay Panfi habang inaalalayan siyang umupo sa isang malaking bato.




“Arte lang yan!” bulyaw ni Kiko sa likod namin.



“Napaka isip bata mo talaga! Kita mong di na nga maipinta ang mukha ni Panfi sa sobrang sakit eh!” singhal ko kay Kiko. Napayuko naman ito at madilim ang mukhang pinagpatuloy ang pagja-jogging papunta sa tuktok ng burol.



0000oooo0000



Hinahanap ko si Kiko para ayain ng umuwi ng makita ko itong nakaluhod sa harapan ng isang estatwa.



“Ako ang nagtanim! Iba ang aani! Unfair Mama Mary! Unfair!” sigaw nito, agad akong lumingon at tinignan kung maraming nakakasaksi sa kahihiyan na ginagawa ni mokong. Kinalabit ko si kumag. Hindi ako nito pinansin. Kinalabit ko ulit, hindi parin ako pinansin, isa pang kalabit...



“Ano ba!? Kita mong nagdadasal ako eh!” singhal ni Kiko sakin.



“Mukhang napuruhan si Panfi. Kailangan na nating bumalik.” palinga linga kong sabi kay Kiko sabay hingi ng paumanhin sa bawat taong nakakakita sa amin.



“Edi umuwi kayo! Tutal parang wala naman ako sa paligid niyo pag naguusap kayo eh! Hala! Uwi! Magdadasal na lang ako dito.” pagtataboy sakin ni Kiko. Di ko na napigilan ang sarili ko at hinaklit ko na ang batok ni kumag.



“Unang una, tumayo ka diyan at nakakahiya! Pangalawa, hindi si Mama mary yan si buddha yan, si budhha! Pangatlo, kailan ka pa natutong maginarte?! Ha?!” sigaw ko sa kaniya habang pingot pingot ang tenga nito, marami sa nakakakita ay natatawa, sinong hindi. Laki ng katawan ni Kiko tas kakaladkarin ko lang siya na parang six year old.



Naabutan namin si Panfi na di na alam kung panong pilipit ang gagawin dahil sa sobrang sakit ng paa nito. Agad na tumawag ng masasakyan si Kiko at dumaretso na kami sa Ospital.



0000oooo0000



“Pano yan di pa tayo magkakasama sa tarbaho, Pol.” matamlay na sabi ni Panfi, tinignan ko si Kiko at parang tanga itong nagmumukmok sa isang sulok.



“Excuse me.” sabi ng doktor at pinakita nito sakin ang x-ray ng paa ni Panfi.



“Mukha namang walang bali, pero I would suggest na huwag niya munang masyadong ilakad ng ilakad yung paa na yun.” tinatamad na sabi sakin ng doktor, magaang ang loob kong bumalik sa cubicle ni Panfi, nagulat naman ako ng makitang nakasara ang kurtina papasok doon.



“Napilayan ka na ngang hayop ka puro kamanyakan pa kay Pol ang iniisip mong hunghang ka!” may panggigigil na sabi ni Kiko kay Panfi saka may naririnig akong parang sinasampal saka umiingit na aso, binuksan ko bigla ang kurtina at nahuli si Kiko na sinasampal ang walang kalabanlabang paa ni Panfi.




“Tarantado ka talagang isip bata ka!” sabay habol ko kay Kiko na may padila dila pa.



0000oooo0000


“Pano ba yan boss, wala kang magagawa kundi isabay parin sa shift ko si Pol. Injured si Panfi eh!” may ibang ngiting sabi ni Kiko sa tatay niya.



“Dalawang araw lang naman mawawala si Panfi.” tinatamad na sagot ng kaniyang ama. Nandilim naman ang mukha ni Kiko at pabulong bulong na bumalik sa tarbaho.



0000oooo0000


Eto nanaman ako, boryong boryo na sa propesor kong walang ginawa kundi patulugin kaming mga estudyante niya. Sinadya ko ulit na sa may bintana umupo.



“Ayan para pag dumating na si Kiko... WTF?! Am I actually waiting for Kiko?!” pagrerebulusyon ng utak ko.



“ERASE! ERASE! ERASE!” sabi ko ulit sa sarili ko sabay alog ng ulo ko, napatingin nanaman ako sa aking katabi at kinakabahan akong tinignan nito.



Pagsilip ko sa may bintana ay nandun na si Kiko, nagtama ang aming mga mata at kumaway ito sakin saka magiliw na ngumiti. Umupo na ito sa bench sa tapat ng aking bintana na lagi nitong inuupuan. Magiliw na nagiintay sakin, tatayo lang yan pag iihi o kaya ay may dumaan na dirty ice cream, o kaya may insekto o hayop man na lumapit sa kaniya. Panandalian akong nag take down ng notes, pagsilip ko ulit sa labas ay nakita ko si Kiko na siksik na siksik sa isang dulo ng bench. Yun pala may nakadapong ibon sa kabilang dulo. Napansin kong namumutla na si Kiko, pero ayaw niya paring umalis. Nagtaka naman ako kung bakit. Kadalasan kasi tatayo na yan at magtatatakbo, pero iba ngayon.



0000oooo0000


Nakatakas na ako sa nakakantok na klase namin, halos patakbo kong nilisan ang aming classroom, kung bakit? Di ko rin alam. Naabutan ko si kumag na nakain ng dirty icecream ang isa ay nakapasak sa bibig niya at ang isa ay hawak niya sa kaliwang kamay, nakita ko itong may sinusulat sa isang notebook.


“Huy! Anong ginagawa mo ah?! Pambihira dalawa dalawa nanaman yang hawak mong Ice cream.” agad niyang isinara ang notebook na sinusulatan niya at kinuwa ang ice cream na nakapasak sa kaniyang bibig.


“Wala to!” sabi niya, sinilip ko naman ang notebook at nakita ang cover nito, natatawa ako kasi ang cover ay si Novita at Doraemon. Napailing na lang ako.


“Isip bata talaga.” bulong ko sa sarili ko. Tumayo si kumag at inaabot sakin ang isang ice cream na nakita kong natutunaw na at tumulo na sa kaniyang kamay. Napangiti ako sa damit ni kumag, Power rangers ang tatak nito. Kinuwa ko ang inaabot niyang ice cream at umupo sa bench, tumabi naman sakin si mokong at iniakbay nanaman ang kaniyang kaliwang kamay saking sandalan. Parehas naming pinanood ang lumulubog na araw sa aming kinauupuan.



Itutuloy....


[05]
Nagstrestretch ako ng umagang yun sa may terrace ng bahay ni Kiko, sarap na sarap ako sa dampi ng sinag ng araw sa aking balat, muli kong sinamsam ang sariwang hangin at pilit na sinasaulo ang magandang view na nakalatag sa aking harapan. Hinubad ko ang aking sando para pantay ang nakukuwang bitamina ng aking balat mula sa araw, sinimulan ko naring hubarin ang aking panjama at itinira na lamang ang boxers ko.



“Pol?” tawag sakin ni Kiko sa aking likod, bigla naman akong humarap, yun pala masyado siyang malapit sa aking likod, resulta? Tumapon sa aming dalawa ang dalawang tasa ng kape na itinimpla niya at sa sobrang lakas ng impact ay napatumba siya at lumanding naman ako sa ibabaw niya.



“Anak ng! Kiko bakit ang dulas at ang lagkit mo?!” sa tuwing tatayo kasi ako ay dumudulas ulit ako pabalik sa ibabaw ng katawan ni kumag.



“Tinesting ko kasi yung napanood natin kagabi sa TV, yung honey na nakapagpapaganda ng balat, tapos natapunan pa ng kape, ayan tuloy lalong lumagkit.” umikot nanaman ang mata ko sa sinabing yon ni Kiko. Naramdaman kong parang may tumitigas sa pagitan ng mga binti ko.



“Ambaboy mo Kiko!” sabay sampal sa kaniyang dibdib, humagikgik lang si kumag.



“Pasensya na di ko mapigilan!” pagdedepensa ni Kiko habang patuloy sa paghagikgik.



“Nakakaistorbo ba ako?!” madilim na mukhang sabi ng aking half brother at hinila ako palayo kay Kiko, di nakalagpas dito ang pinaghubaran kong sando at panjama.



“Ay, Oo nga pala Pol. Kanina pa andito si Macoy. Pumunta lang siya sa rest house niyo... AREKUP!” naputol na sabi ni Kiko ng haklitin ni kuya ang batok nito.



“Ipinagkatiwala ko sayo si Pol! Yun pala ikaw din ang tutuhog!” sigaw ni kuya, pero hinaklit ko rin ang batok nito.



“O.A. masyado, O.A.” balik ko kay kuya. Parang tangang humagikgik pareho ang dalawang batang isip.



0000oooo0000



Nagpalit na ako ng damit. Nakapag jogging na din, dahil naman andyan si Kuya kaya't di na muna nakasama si Kiko. Di ko maiwasang maisip ang nangyari kanina.



“Di niya raw mapigilan?” tanong ko sa sarili ko.



“ERASE! ERASE! ERASE!” at mataman ko nana mang inalog ang aking ulo. Pero napangiti parin ako na parang tanga.



“Pol?” tawag sakin ni kuya, agad naman akong lumapit dito at parang nanlulumong umakyat si Kiko sa kaniyang kuwarto, nagtataka man ako ay ikinabit balikat ko na lang ito.



“kaya ako pumunta dito ay para ibigay to sayo.” sabi ni kuya sabay abot ng isang susi sakin.



“Susi?” takang tanong ko sabay abot ng susi na inaabot niya, ibinaliktad baliktad ko ito sa aking kamay.



“Susi ng rest house. Di na daw hahabulin ni Mommy iyan. Solong solo mo na iyon.” nakangiting sabi sakin ng kuya ko. Agad kong sinundan ng tingin si Kiko. Bagsak balikat parin itong naglalakad papuntang kwarto.



0000oooo0000



Buong umaga na akong di kinakausap ni Kiko. Ilag siya sakin sa coffee shop. Maski ang mga babaeng pilit na nagpapapansin sa kaniya ay hindi niya pinagbigyan.



“bakit kaya?” tanong ko sa sarili ko.



Nagkakalampagan lahat ng kasangkapan sa loob ng coffee shop. Nakita ko ang Boss na pumipintig na ang ugat sa sentido dahil sa nangyayari sa kaniyang anak, pero wala itong magawa.



“LQ?” nangiinis na tanong sakin ni Panfi.



“Panfi!” tawag ng aming boss. Agad naman itong pumasok sa opisina nito, sa sobrang taranta pa nga ay nakalimutan nitong saran ang pinto.



“What?!” sigaw ni Panfi na umalingawngaw sa buong coffee shop.



“Pero Boss sabi mo sakin mo na isasabay si Pol, dahil masyadong maraming error na ginagawa si Kiko!” malakas paring sabi ni Panfi.



“Wala tayong magagawa.” mahinang sabi ng Boss, pero hindi natinag si Panfi at inalog alog ang lamesa ni Boss na kala mo mapipilit niya ito sa ganoong paraan. Napailing na lang ako. Ibinalik ko ang tingin ko kay Kiko. Nagsasalin ito ng maiinit na kape sa isang cup, nakatitig lang ito sa isang sulok at tila napakalalim ng iniisip, nagsimula ng umapaw ang kape sa cup kaya naman nilapitan ko na siya.



“Kiko.” tawag ko sa atensyon niya, pero deadma lang.



“Kiko!” sabay hawak ko sa braso niya, pero hinawi niya ang aking kamay.



“FINE! Malunod ka sa kape!” sigaw ko saka tinalikuran siya, nang ma realize niya ang kaniyang ginagawa ay parang gago itong nataranta sa kakapunas ng natapon na kape.



Napadako ulit ang tingin ko sa loob ng opisina, nakasakay na si Panfi sa lamesa ni Boss at inaalog parin ito, bilang protesta sa pagtanggal sakin sa shift niya.



0000oooo0000


Di ko na kinaya ang malamig na pakikitungo sakin ni Kiko, nagpaalam ako kay Boss at lumabas na ng coffee shop, masyado pang maaga para pumunta sa school. Parang tanga nanaman akong nakaupo at nakatunganga sa isang waiting shed. Ipinasok ko ang aking kamay dahil medyo nilalamig na ako. Isang matigas na bagay ang nakapa ng aking kanang kamay. Ang susi sa Rest house. Agad akong pumara ng jeep.



Nakatunganga lang ako sa labas ng bahay at parang tangang nagmamasid dito, andaming nag fla-flashback na alaala. Pero nung oras na para buksan ko ang pinto sa pamamagitan ng susi na binigay sakin ng aking kapatid, walang ibang sumiksik sa isip ko kundi ang mga alaala hindi namin ng aking ama, kundi namin ni Kiko.



“Sino nang maghuhugas ng pinggan? Sino na ang magliligpit ng mga kinakalat na lego pieces ni kumag? Sino na ang... OH SHIT!” bulalas ko sa sarili ko, hindi ko na naituloy ang pagbukas ng pinto ng rest house at nanlumo ako sa na realize ko.



“I can't believe that actually I'm falling for that creep!” nasabi ko nanaman sa sarili ko, sabay iling ulit.




Pumunta ako sa kalapit na park. Umupo sa isang bench at nagisip isip ako. Tinimbang ko ang mga pro's ang cons kapag pinagpatuloy ko ang nararamdaman ko kay Kiko. At nagulat ako sa naging resulta, mas matimbang ang pro's. Karamihan dito ay galing sa listahan ng cons pero matapos ko itong pagisipan ng isa, dalawa o sampung beses ay inilipat ko ito sa pros. Nagbuntong hininga ako. Isang malalim na buntong hininga.



0000oooo0000


Nagpasya akong bumalik sa coffee shop, masyado pa kasing maaga para pumuntang school atsaka baka masisante ako sa trabaho.



“San ka galing Pol?” bungad sakin ni Panfi pero di ko na ito pinansin. Nabungaran ko si Kiko na naglilinis ng mga bakanteng lamesa. Dahil sa wala naman masyadong customer ay nagpasya akong tumambay sa labas.



Nagiisip ako ng isang magandang distraction para mawala sa isip ko si Kiko at ang posibilidad na maaaring naiinlove na ako sa kumag, sumilip ako sa loob ng shop at nahuling nakatingin sakin si Kiko, malungkot ang mga mata nito. Nang mapansin nitong nakatingin ako sa kaniya, bigla naman itong nagbawi ng tingin. Nagbuntong hininga ako.



“Puta! Nakakabwisit tong ganito.” galit kong sabi sa sarili ko. Inalog alog ko ulit yung ulo ko para mawala na si Kiko sa isip ko. Nabasag lang ng isang nakakakuliling tunog ang aking pagmumunimuni. Isang manong ang may tinutulak tulak na kariton.



“Dirty Icecream.” bulong ko sa sarili ko. Di ko rin napigilan ang sarili ko na lingunin ulit si Kiko. Nakita kong nakangiting aso nanaman ito ng makita ang dirty ice cream, pero agad na nalungkot nung makitang nakatingin ako sa kaniya.



0000oooo0000



Di ko alam kung anong kagaguhan ang pumasok sa utak ko.



“Panfi paki tulungan naman ako dito sa may pinto oh?” sabi ko kay Panfi, may hawak hawak kasi ang dalawang kamay ko, kaya't impossibleng mabuksan ko ito ng ako lang.




“Salamat, nga pala nakita mo ba si Kiko?” agad namang kumunot ang noo ni Panfi at napatingin sa dalawang bagay na hawak hawak ko. Di ko alam pero parang nag iba bigla ang aura ni Panfi, and dating malumanay ngayon may bahid ng lungkot at galit ang kaniyang mga mata, impossibleng malaman kung ano ang mas angat sa dalawa.



“Kakapasok niya pa lang diyan.” sabay turo ni Kiko sa pintong pinabuksan ko sa kaniya.



Bagsak balikat parin si Kiko, malalim ang iniisip.



“Ano kayang problema ni kumag?” tanong ko sa sarili ko.



“Kiko?” tawag ko dito, medyo nagcra-crack pa ang boses ko.




“Kiko. Eto oh, may binili nga pala ako para sayo.” sabay abot ko ng biniling dirty ice cream. Napaharap naman bigla sakin si Kiko. Biglang nanliwanag ang mukha nito. Maski ako ay napangiti narin. Pero bigla niyang binago ang expression ng mukha niya at biglang sumimangot, itinupi ang mga kamay sa kaniyang dibdib at naglakad palayo sakin. Naginit naman ang ulo ko at pumantig ang aking tenga.



“Nagpapakababa na nga ako! Di ko alam ang kinasasama ng loob mo! Pero nagpapakababa na ako!” sigaw ko sa kaniya, tumigil ito bago lumabas ng pinto. Pero tumayo lang siya dun, di ko na napigilan ang sarili ko at naibato ko na ang dirty ice cream sa batok ni kumag at saka lumabas na.



0000oooo0000



Di na ako tumigil pa para tignan ang reaksiyon ni Kiko sa ginawa kong pagbato ng ice cream sa batok niya. Agad na akong nagpaalam sa nagtatakang si Panfi napansin ko lang na tumakbo ito papasok ng pinaggalingan kong locker room.



Bayolente ko nanamang inalog ang utak ko, kailangan ko kasi ng isang matinong pagiisip bago pumasok ng skwelahan.



“ARRRRGGGGGGGHHHHHH!” sigaw ko, bigla namang tumigil ang sinasakyan kong dyip, napatingin ako at nakita ang ilang pasaherong nagtataka at ang ilan ay natatakot at kinakabahan pa nga.



“ah, ehe. Nag re-release lang po ng stress...” palusot ko sa ibang pasahero saka sa driver.



0000oooo0000



Di ko makuwang mag concentrate sa tinututro ng pulpol naming propesor kaya't minabuti ko na lang gumawa ng kung ano ano, paminsan minsan ko paring sinisilip ang bintana, pero wala akong maaninag maski anino ni Kiko.



“Hala, nagtampo na talaga ata... OH SHIT! Siya nanaman ang iniisip ko?!” sabat ko sa sarili ko.



“Pero nakakamiss din pala si Kolokoy.” bulong ko nanaman sa sarili ko at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga, napatingin nanaman ako sa katabi ko na paniguradong pinagiisipan na kung baliw ba ako o hindi, nginitian ko na lamang ito. Di ko na natiis at kumuwa ako ng papel at inilista lahat ng hinahanap ko sa isang karelasyon.



“WTF?! Seryoso?! 13 out of 15 ang score ni kumag?!” bulalas ko sa sarili ko. kumuwa ako ng highlighter at kinulayan ang mga pinkaimportante sa labing limang yun.



“Napapatawa niya ba ako?” “Yes!” parang nung, di sinasadyang nahuli siya ng tindera na nagnenenok ng prutas.

“Feeling ko ba secured ako pag kasama siya?” “Yes!” katulad nung nararamdaman kong security sa tuwing binabakuran niya ako laban kay Panfi, at yung parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kaniya.


“Marunong magluto?” “Yes!” ilang beses na ba siyang nagluto ng hapunan at agahan maski ang meryanda simula nung nakititra ako sa bahay niya?


“Mapagalaga?” “Yes!” di niya ako pinapabayaang mag jogging magisa, di niya rin ako pinapabayaang umuwi ng gabi kada tapos ng klase.


“Nakakapagpaikot ng mata ko sa tuwing nakokornihan ako sa biro nito?” “Yes!” di na mabilang kung ilang beses na ako napairap sa mga crazy antics ni mokong, at ilang beses na rin ako nitong napasuko sa kakornihan niya.



“Oh My Gosh!” bulong ko ulit sa sarili ko. Napasabunot ako sa buhok ko. Parang may bulkan na sumabog sa loob ng dibdib ko, pakiramdam ko ay nagsibulan ang mga bulaklak, naglabasan sa cocoon ang mga dating uod at mga paro paro na ngayon.


“I can't believe this! I'm IN LOVE WITH KIKO.” at ng sabihin ko yun sa sarili ko ay parang lalong gumaan ang pakiramdam ko. Napatigil ako saglit. Naalala ko nung unang araw ko dito sa Tagaytay ng pinagtimpla ko siya ng kape. Tandang tanda ko ang sinabi niya.


wag kang umasa na maiinlove ako sayo niyan.” at um-echo ang mga salitang yun sa loob ng utak ko. Bigla akong tumayo at sinabi sa sarili na...


“Kailangan ko ng tigilan ito, straight siya. Walang patutunguhan itong nararamdaman ko.” agad akong tumingin sa paligid ko at napansing lahat ng tao sa paligid ko ay nakatingin sakin, maliban sa propesor ko na tuloy parin sa litanya niya at animo sinasaulo ang itsura ng projector na asa harapan niya. Walang paalam na akong lumabas ng classroom, di naman ito napansin ng aking propesor at halata sa mukha ng mga kaklase ko ang gulat. Nagtuloy tuloy ako hanggang marating ang bench na laging pinagiintayan sakin ni Kiko. Wala parin ito doon. Yumuko ako at itinakip ang dalawang palad ko sa mukha ko.



“Pwedeng makitabi?” tanong ng isang lalaki na ikinatunghay ko naman. Bumulaga sakin ang nakangiting gagong mukha ni Kiko. May hawak hawak itong dalawang ice cream. Umusod ako at hinayaan siyang umupo sa tabi ko, sinksik na naman niya ako at iniakbay ang isa niyang kamay sa likuran ko, kinuwa ko narin ang ice cream at sinimulan ng kainin ito.



“Wag ka munang umalis ah?” malungkot na sabi ni Kiko sakin. Natigilan ako.


“Yun ba ang dahilan kung bakit di mo ako pina...” di ko na natapos ang sasabihin ko ng isalpak ni Kiko ang ice cream na hawak hawak ko sa bibig ko.



“Wag kang masyadong ma flatter diyan. Malungkot lang talaga pag walang kasama sa bahay.” sunod sunod na sinabi ni Kiko sabay pamumula ng mukha na kala mo isang masamang salita ang kaniyang sinabi. Napangiti na lang ako.



“Boring pag wala ka.” habol pa ni Kiko. Natigilan nanaman ako at sinulyapan siya, daretso lang ang tingin nito. Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kaniya kaya humarap ito sakin at ngumiti. Iniharap niya ang ulo ko sa kaniyang tinitignan sa pamamagitan ng kamay niyang kaninang nakaakbay sakin. Lumulubog na uli ang araw.



Itutuloy...

No comments:

Post a Comment