Tuesday, January 8, 2013

Task Force Enigma: Rovi Yuno (01-05)

By: Dalisay
Blog: theimmaculatedalisay.blogspot.com
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com

[01]
Itinukod ni Bobby ang mop sa pader ng cr na iyon sa loob ng isang club sa Quezon city pagkatapos niyang matiyak na malinis na iyon. Nagtatrabaho siya roon bilang janitor sa gabi. Nag-aaral kasi siya sa umaga ng isang non-formal education sa isang government agency. Wala kasi siyang pang-matrikula para sa isang state college or university.


Nagtatapos ang duty niya ng alas-dos ng umaga saka siya uuwi sa tinutuluyan nila ng kanyang tiyahin na matandang-dalaga. Silang dalawa na lang ang natira sa kanilang mag-anak ng matangay ng malaking baha sa probinsiya nila ang buong pamilya nila limang taon na ang nakalilipas. Labis niya iyong dinamdam sapagkat nagsisimula pa lang siyang mangarap ng magandang buhay para sa kanila ng sirain iyon ng sakunang nangyari sa bansa.

Piniga niya ang basahan na ginamit niyang pamunas ng salamin sa cr. Sinipat niya ang relo sa bisig. Ala-una singkwenta y singko na. Tamang-tama lang niya natapos ang gawain. Inalis niya ang malungkot na ala-alang pumukaw sa kanya kani-kanina lang. Masaya siyang lumabas sa parteng iyon ng club. Pinuntahan niya ang kanilang locker room at inabutan doon ang kwelang kasamahan na si Monday.

"O' Tol, tapos ka na?" tanong ni Monday.

"Oo pare. Nakuha mo na ba sweldo mo?" balik-tanong niya.

"Oo 'tol. Ang laki nga ng bawas sa akin. Dalawang late lang naman ako. Namputsa talaga si Miss Kring-kring! Porke't ayoko magpahipo sa kanya eh itinuloy ang pagbabawas sa aking tardiness. Hmp!"

Natawa siya sa obvious na paghihimutok nito pero tinandaan yung sinabi nito. Isang bading si Miss Kring-kring. Isang mataba at malaking bakla. Pero maputi at mahilig maglagay ng kolorete sa mukha. Mapagkakamalan mo ngang babae ito na batang version ni Donya Buding sa lakas ng kinang ng mga alahas na suot-suot nito. Kinabahan siya kasi may late din siya noong nakaraang araw. Baka ganoon din ang gawin nito sa kanya.

"Ikaw 'tol? May late ka ba?" tanong nito na parang nabasa ang iniisip niya.

"Meron p're. Noong Huwebes." naiiling na sabi niya.

Pumalatak ito. "Nakow, ay malamang ga na hiritan ka ng matabang bading na ire. Ala eh, sigurado iyan." sabi pa nito sa puntong batangenyo.

"Hindi naman siguro p're. Saka hindi ako type ni Mam Kring." kabadong tanong niya saka alanganing tumawa.

"Ay hindi ako naniniwala di-yan. Kay gwapo mo kaya 'tol kahit medyo may kaiitiman ka. Di mo lang napapansin pero lagi na lang nakatingin sa'yo ang baboy na i-yon. Ay mukhang takam na takam sa katawan mo at sa bukol mo." saka ito humagalpak ng tawa.

Mas lalo siyang kinabahan kaya ginawa niyang salihan ang pag-tawa nito. Isang beses pa lang siya na-late dahil sa nagkasakit ang tiyahin niya at di niya maiwasang mag-alala sa kalagayan nito. Napa-iling na lang siya habang kinukha ang mga gamit. Nagbihis siya at nagpaalam na dito para tunguhin ang opisina ng manager nila na si Miss Kring-kring.

"Miss Kring?" tanong niya habang kumakatok.

Tahimik sa parteng iyon kasi soundproof ang area sa pasilyo papuntang manager's office. Nakarinig siya ng paanyaya ng pagpasok. Pinihit niya ang seradura at itinulak iyon paloob.

Bumulaga sa kanya ang manager nila na nakakasilaw ang kinang ng yellow summer dress na humahakab sa matabang katawan nito. Sa ibang sitwasyon marahil ay malamang na matawa siya. Mababaw lang kasi ang tawa niya. Pero dahil sa nalaman niyang hiniling nito kay Monday ay nawala ang kasiyahan niya pag nakakakita ng mga nakakatawang tanawin.

"Miss Kring. Kunin ko lang po ang sweldo ko." kabadong sabi niya.

"Maupo ka muna." Malambing na tugon nito.

Inangat nito ang tingin at saka siya pinasadahan ng titig. Kinilabutan siya sa paraan ng titig na iyon. Hindi na bago sa kanya iyon dahil sa club na iyon ay lagi siyang nakakatanggap ng mga ganoong klaseng tingin sa mga kasamahang dancer na babae at yung ibang choreographer na bading. Pati na rin sa tinitirahan nila ng tiyahin.

May hawig kasi siya sa artistang si Rico Yan na minsan ng pinagtawanan ng mga nakakakilala sa kanya. Bobby kasi ang pangalan niya at hawig niya ang kapatid nito. Alaga rin siya sa ehersisyo. May ipagmamalaki rin siya sa bandang ibaba ng katawan niya at hindi daya ang pamumukol noon.

Pero ngayon parang gustong umurong ng alaga niya sa klase ng tingin na ibinibigay nito sa kanya. Binuklat nito ang records nila. Saka ibinalik ang tingin sa kanya.

"May late ka palang isa." nakangiting tanong nito.

"Opo Mam. Noong Huwebes." kinakabang ngumiti siya.

"Pero okay lang po na mabawasan ako." sabi pa niya.

"Pwede naman na hindi ka mabawasan eh." malanding tanong nito.

Patay sigaw ng utak niya. Mukhang hihirit na. Inayos niya ang pagkaka-upo at pinunasan ang gumigiting pawis sa noo niya sa kabila ng pagiging air-conditioned ng kwarto.

Tumayo ito at lumapit sa kanya at ipinatong ang kamay sa balikat niya. Nasamyo ng pang-amoy niya ang matapang na pabango nito. Nalukot ang ilong niya lalo ng tumapat ito sa kanya sa kabilang silya at naupo.

"O-okey lang Miss Kring na bawasan ako. Late naman po kasi talaga ako." alanganin siyang ngumiti.

"Magagawan naman natin ng paraan iyan." tumayo ulit ito at ini-lock ang pinto saka bumalik sa kanya.

Shit! hindi na maganda ito. Tumayo rin siya at sinalubong ito.

"Miss Kring, kunin ko na po iyong sweldo ko kasi may sakit si Tiya." nagmamadaling sabi niya.

"Mamaya ka ng konti umalis. May sasabihin kasi ako sa iyo. Maupo ka muna ulit." saka nito kinuha ang kamay niya at hinila siya paupo.

Mukhang wala siyang kawala sa isang ito. Kapag naman sinaktan niya ito ay malamang na mabugbog din siya ng mga bouncer na kadikit nito sa labas. Limang buwan pa lang siya roon. Mahirap maghanap ng trabaho.

"Bobby ang pangalan mo di ba?" tanong ni Kring.

"Opo mam."

"Pwede kong alisin ang late mo, sa isang kondisyon."

"Ah ano po iyon Mam?" kinakabahang tanong niya.

Inilapat nito ang palad sa maskulado niyang dibdib. Natawa ito.

"Huwag kang kabahan Bobby. Madali lang ang ipapagawa ko sa'yo. Kikita ka pa." sabay kindat nito.

"Ah mawalang-galang na po Mam Kring pero di po ako pumapatol sa bakla." kinakabahan man ay nagawa niyang sabihin dito ang nasa isip.

Nakita niya ang kislap ng pagkagulat sa mata nito. Hindi siguro nito inaasahan iyon. Pero maya-maya ay ngumiti ito. Nagtaka naman siya sa naging kilos nito.

At least nasabi ko na. pangungumbinsi niya sa sarili.

"Nakakatuwa ka Bobby. Paano mong naisip na "iyon" ang ipapagawa ko sa iyo." he quoted in the air and laughed.

Nangungunot-noong tinitigan niya ito. "Eh, ano po ba iyon?" nabawasan na ang kaba niya.

"May ipapakisuyo ako sa iyong bag. Pag labas mo, tumayo ka lang sa poste sa tapat tapos kapag may humintong sasakyan ay sumakay ka kaagad. Huwag mong titingnan ang laman ng ha. Iyong bag, iwan mo sa harap at pagkatapos ay magpababa ka sa restaurant na hihintuan ninyo. Kunin mo iyong bag naman na nasa trunk ng kotse at pumasok ng restaurant. Sabihin mo may reservation ka sa pangalang Levi Cruz at maupo ka doon sandali saka mo iwan iyong bag sa ilalim ng mesa. Pagkatapos noon ay umalis ka na at umuwi. I-text mo ako kung nagawa mo ang lahat ha. Nakuha mo ba?" tanong nito.

"Opo." Naguguluhan man ay sumagot na siya. Bahagya pa niyang pinakawalan ang kanina pang pinipigilan na hininga.

"Good."

"Yun lang po ba?"

"Oo. Sa ngayon. Oh hetong sweldo mo." saka abot sa kanya ng pay envelope niya at pinapirma siya. Nakuha niya iyon ng buo. Iniabot din nito ang bag na pinadadala sa kanya na medyo may kabigatan. Nagpasalamat siya at saka tinungo ang pinto ng pigilan siya ng pagtawag nito.

"Bakit po Mam?" takang tanong niya.

"Hindi kita type." nakakalokong sabi nito. Napahiya siyang konti at saka lumabas ng tuluyan. Naiinis na isinukbit niya ang bag na pinadadala nito. Nakasalubong niya si Monday na naka-duty pa rin hanggang alas-sais. Sumaludo siya rito at lumabas na ng club. Tumayo siya sa pwestong sinasabi nito at saka hinintay ang kotseng hihinto doon.

Nagte-text siya sa tiya niya na pauwi na siya ng may tumapik sa balikat niya. Si Mandarin iyon. Isang belyas. Magandang babae ito at napakalaki ng hinaharap. Mukhang gising na gising ito noong nagsabog ang diyos ng biyaya. Ngumunguya ito ng chiklet.

"Hoy Bakla. Saan ka pupunta?" maangas na sabi nito.

"Diyan lang. At hindi ako bakla." nagtitimping sabi niya.

"Asus. Sigurado akong bakla ka. Eh bakit ba eh hindi ka yata tinigasan noong idikit ko iyong boobs ko sa iyo sabay dakot ng ano mo." nakakalokong wika nito.

"Hindi kasi kita type. Saka baka magka-sakit lang ako sa'yo." mahinang sabi niya. Kahit na naiinis ay di niya magawang patulan ito sapagkat babae pa rin ito.

"Hah, bakit hinihinaan mo pa? Natatakot kang umamin na bakla ka?" sigaw pa nito sa kanya. Nakakakuha na sila ng atensiyon. Hinila niya ang braso nito at inilapit ang mukha sa mukha nito. Nakita niya ang pagpikit nito saka ito binitawan.

"Bakla pala ha. Naghihintay ka lang na mahalikan ko eh." pang-aasar niya rito. Namumula at napapahiyang umalis ito at bumalik sa loob. Nagtawanan ang mga miron sa labas at ang iba ay pumalakpak pa. Nangingiting sumaludo siya sa mga ito.

Doon may humintong kotse at niyaya siyang sumakay. Inilagay niya ang bag sa harap at sumakay sa likod. Pinagmasdan niya ang driver pero di niya maaninag ang mukha nito dahil sa suot na cap. Maya-maya lang ay nasa resto na sila. Bumaba siya saka kinuha ang isa pang bag sa trunk na medyo magaan naman.

Pumasok siya ng restaurant at sinabi ang kunwaring pangalan saka naupo sa table na nakalaan doon. Ilang saglit lang ang hinintay niya saka pasimpleng iniwan ang bag sa ilalim. Nagkaroon siya ng kutob sa ginagawa niya. Mukhang di maganda iyon. Pero sabi kanina ni Miss Kring ay higit pa sa sweldo niya ang kikitain niya.

nang buksan niya ang pay envelope ay nagulat siya na sobra iyon ng kinse mil. Mukhang naging tauhan siyang bigla ng isang ilegal na gawain. Pero kailangan niya ng pera. May sakit ang Tiya niya. Kailangan nila ng pampa-ospital nito. May leukemia ito. Kailangan nila ng pera na ganoon kalaki para sa pagpapagamot nito.

Kung maghahatid lang siya palagi ng mga bag na iyon at kikita ng malaki eh dedma na lang kung ganoon. Tumayo na siya ng masigurong walang nakakita sa ginawa niyang pag-iwan. Hindi na rin niya nilingon ang restaurant at wala na ang kotse paglabas niya. Nag-taxi siya at umuwi na ng may ngiti at kaunting kaba.


"Its confirmed. May bago silang courier ayon sa informer natin. Lalaki daw." pangungumpirma ni Rovi kay Rick.

Nasa isang espesyal na misyon siya bilang non-commissioned officer ng AFP. Magkasama sila nito sa defunct Task Force Enigma. Isang elite covert operations team ng sandatahang lakas. Binubuo iyon dati ng labing-limang miyembro na nalagas na pagkalipas nang panahon. Ang layunin noon ng grupo ay sugpuin ang krimen na nasa underground at naka-dikit sa mga opisyal ng gobyerno.

Kontrobersyal ang grupo dahil ang bumuo noon ay ang self-confessed gay General dati na ngayon ay retired na na si Gen. Luther Mariano. Matikas itong heneral noong bata pa kaya ng magladlad ito ng kapa sa buong army ay marami ang nagulat. Niyaya pa nito na magladlad ang mga ibang may kakaibang sexual preference din.

Na-pressure siya noon dahil ang sabi ng hepe nila noon ay sisibakin sila sa pwesto kapag nangyari na nagladlad sila. Wala raw bading sa departamento nila. Nagrebelde siya noon at saka sumama ng pasikreto sa grupo ni General Mariano. Nagulat siya na may singkwenta ang taong inabutan niya roon. Pare-prehas sila ng emosyon noon.

Nakakita siya ng kakampi sa mga nagpunta doon. Isa kasi siyang discreet na bisexual. Ayaw naman niyang mawalan siya ng trabaho pero kung ideyolohiya na niya ang nakataya at pagkutya ng pagkatao niya, eh lalaban siya. Mabuti at marami sila roon.

Inilahad ng heneral ang gaol ng meeting na iyon. Gagawa daw sila ng team na llusaw sa katiwalian ng gobyerno at magpoprotekta sa mga naaapi. A secret operational group na ang bubuo ay silang mga bakla, bisexuals at lesbians. Nag-set ito ng training sa isang training camp sa Cebu. Mga foreigner ang trainer nila.

Nagpasiklaban sila ng mga kasama. Tinuruan ng mga survival tactics at combat skills. Pati bomb detonating at gadgets and technological expertise ay itinuro din. Unti-unti ay nababawasan sila sa hirap ng training. Ang sumusuko ay nabibilang sa security and detective agency ng heneral.

Pagkalipas ng isang taon ay sanay na silang lahat sa training a ready for deployment na. Labin-lima sila na natira. Kabilang sina Rick at Ito na noon ay parehas ng Major. Si Cody na isang marines at doktor sa batang edad nito. Si Jerick na kagaya niyang bagong graduate sa police academy. At si Perse na isang kapitan at pulis-probinsya. Nalansag ito ng maging okay na ang gobyerno at nawala na ang ilang kilalang crime-organised group six years ago.

"Bago rin daw ang drop point nila." pagpapatuloy niya ng report dito. Nakatulala lang ito. Mukhang malalim ang iniisip.

"Putek o. Nasa dreamland ka na yata Colonel Puyat ah." pang-aasar niya rito sabay tapik sa hita nitong nakapatong sa lamesa ng opisina nito.

"May bago silang courier at may bagong drop point ayon sa informant mo. Ano pang ibang sinabi mo? Nasa dream land ako? Eh kung barilin kita dyan?" naiinis na ratsada nito.

"Huwag naman Master. Ikaw naman di na mabiro." natatawang nagtaas siya ng kamay.

Kahit alam niyang biro lang ang bantang iyon ay sigurado siyang kaya siyang katayin nito kapag nainis sa kanya. Team leader nila ito dati sa TFE. Kayang-kaya nitong torturin siya kahit manlaban pa siya. Scared!

"Rick-toy, huwag mo na silang isipin. Masaya na sila." sabi niya dito.

"Sino bang tinutukoy mo?" naiinis na tanong nito.

"Eh di sino pa? Yung dalawang iyon." sabay turo niya sa picture frame na may picture nila Pancho, Gboi at Rick. Kuha iyon sa Siargao kung saan nagkasundo ang mga puso nito. It was a celebrated love story. Parehas na umiwas sa media sina Pancho at Gboi at naglayag gamit ang yate ng huli sa lahat ng panig ng Pilipinas. Masaya siya that the murder inclined love story ng mga ito ay nagtapos ng maganda.

"Tang ina. Mag-report ka na nga lang." sigaw nito.

"Anyway." pagpapatuloy niya. "Waiter daw doon sa loob ng club ni Tabachingching ang nagdala kagabi. Anong gagawin natin? Alam na natin ang flow nila. papalit-palit lang sila ng courier."

"Set them up. Magaling ka naman sa disguise. Unahan mo iyong kotseng darating. Kopyahin lahat. Saka natin i-interrogate ang courier nila. Ako na magpapa-amin sa isang iyon." tinatamad na sabi nito.

"Naisip ko nga rin iyan. Sige. Ako ng kikilos. Piece of cake." mayabang na sabi niya.

"Oo na."

"Sige tol. Alis na ko. Huwag ka ng magmukmok." nagtatakbo siya palabas ng bunutin nito ang baril nito.

Natatawang tinungo niya ang sekretarya nito at kumuha ng budget at ng endorsement para makahiram ng sasakyan. Sa grupo ng TFE siya ang nasanay sa disguises at infiltration. Espiya kumbaga. Pero ang paborito talaga niya ay judo at ang butterfly knives na laging baon niya. Asintado siyang pumukol noon. Isa pa niyang paborito ang swiss knife niyang thirty-two tools.

Pagkakuha ng budget at endorsement ay tinawagan niya si Major Perse Verance para sa gadgets naman na kakailanganin niya. Nang masabi ang pakay ay tinungo na niya ang opisina nito. Kailangan na niyang ihanda ang lahat para walang sablay. Sakaling manlaban ang courier na target nila ay patutulugin nila ito. Iniimbestigahan kasi nila ang isang drug trafficking operation sa isang sikat na night club na pag-aari ng big-time drug lord Park Gyul Ho na isang Korean National.

Nagpasya siyang magpakulay ng buhok at magpagupit para sa disguise. May kulay kasi ang buhok niya at itim ang buhok ng driver na gagayahin niya. Mahirap ng mabuko. Nagdaan din siya sa isang store para bumili ng damit na pang-driver. Alas-sais pa lang ng gabi. Ipinasya niyang matulog na lang muna at madaling-araw pa naman ang misyon na gagawin niya. Minutes later he was dozing off.


Itutuloy....



[02]

RRRRRIIIINNGGGG!!!! RRRRRIIIIINNNNGGGG!!!!


Ang ingay na iyon ng alarm clock ang bumulahaw sa tulog ni Bobby. Sinulyapan niya ang maliit na orasan. Labing-lima bago ang alas-siyete ng umaga. Tama lang ang oras ng gising niyang iyon para makapaghanda at makapasok sa non-formal education school na pinapasukan niya. Computer Hardware Servicing ang kinukuha niyang kurso.

Pinilit niyang tumayo at mag-inat. Ginawa rin niya ang routine na kinasanayan niya tuwing umaga. Konting sit-ups at push-up. Ilang counts din ng pagbubuhat sa kanyang dumbbell na nasa silid niya. Dalawampung minuto ang lumipas at pawisan na siyang lumabas saka tinungo ang maliit na kusina nila.

Naroon ang kanyang Tiya Edna na nagsa-sangag ng kanin. Kumulo ang sikmura niya pagkaamoy ng masarap na pagkain. Kumuha siya ng mga plato sa lagayan at pati na rin ng mga kubyertos at baso. Nilingon siya ng inahin.

"Gising ka na pala." magiliw na bati nito sa kanya.

"Opo Tiya. Kanina pa ho." nakangiti rin niyang balik rito. Bunsong-kapatid ito ng kanyang ama. Ito ang nag-alaga sa kanya ng pinalad silang matira sa pananalanta ng isang napakalakas na bagyo noon na tumama sa Gitnang Luzon. Napilitan silang ibenta ang lupain ng makabawi sila at nakipisan sa mga kamag-anak sa Maynila.

Ginawa nito ang lahat para matapos niya ang high school. Pagtuntong niya sa edad na disi-otso ay natapos niya ang pahinto-hintong pag-aaral sa sekondarya. Nagpasya siyang mag-apply muna na magtrabaho sa kung saan-saan para makatulong dito at maka-alis na rin sa mga kamag-anak nila na noo'y dumadaing na rin ng kagipitan gawa ng pagkakapisan nila doon.

Nang maka-ipon ay inaya niya itong pumisan kasama siya sa isang entraswelo na malapit rin sa kanilang mga kamag-anak. Isa't kalahating libo ang bayad doon kada buwan. Hindi pa kasama ang kuryente at tubig. Salamat at may katipiran silang magtiyahin at hindi nila problema ang pagiging aksayado sa mga bagay na kailangan nila.

Humila siya ng silya at ipinagpatuloy ang pagpupunas ng katawan na pinawisan sa ehersisyo. Inilapag ng tiyahin ang umuusok pang sinangag at saka binuksan ang nakatakip na sinangag na dilis, tuyo at piniritong itlog. Naghiwa ito ng kamatis at inilagay sa platito kasabay ang isang platito ng sukang-negros na iniregalo sa kanila ng isang kapitbahay.

Kumalam agad ang sikmura niya sa nakahain ngunit bahagyang nag-alala na baka napagod ang tiya sa dami ng nakahain na iyon. Bawal ang mapagod dito ng husto. "Tiyang, baka naman napagod kayo sa paghahanda ng mga ito. Huwag na kayo masyadong magkikilos." paalala niya habang iniaabot ang bandehado rito.

"Ako nga ay huwag mong masyadong alalahanin Bobby, kay napapagod ako kapag hindi ako nagkiki-kilos. At ano bang nakakapagod sa mga ire. Nagprito lang ako at kaunti lang ang sinangag ko na tirang kanin kagabi." mahabang turan nito.

Napabuntong-hininga na lamang siya. "O siya sige po. Kung talagang mapilit kayo. Pero pumayag na po kayo na samahan kayo rito ni Luningning." tuko'y niya sa isang pinsan na apo pamangkin rin nito sa pinsan. Inaabutan niya ang huli ng maliit na halaga kapalit ng pagtingin-tingin nito sa tiyahin.

"Hay naku. Bahala ka. Basta huwag lang masyadong maingay ang pinsan mong iyon at okay lang na nadirito siya. Aba'y ang lakas manood ng telebisyon hindi ko tuloy marinig ang programa na pinakikinggan ko sa radyo sa hapon. Tili ng tili sa Wowowee." reklamo naman nito ngayon.

Natawa siya. "Hayaan na ninyo Tiyang. At least may kasama kayo rito. Hindi na ninyo kailangan na lumabas pa kung may ipapa-utos kayo sa labas." pang-eenganyo niya rito.

"Sabagay." ayon nito sa wakas. Nagtaas ito ng kilay at saka tumingin sa kanya. "Ikaw ba'y may nobya na?" biglang tanong nito sa kanya.

Muntik na siyang masamid sa naging katanungan nito. Kinuha niya ang baso saka nagsalin ng tubig para uminom. "Bakit po ninyo naitanong?" natatawang sagot niya.

"Aba'y anim na taon na tayo halos rito ay hindi ko pa nabalitaan na nagkaroon ka ng kasintahan. Bata ka pa naman para magpakasoltero at ang gwapo mo pa. Namana mo ang itsura ng iyong ama." Biglang namasa ang mata nito sa huling sinabi.

"Nagkaroon naman po Tiyang." hinawakan niya ang kamay nito para pakalmahin ng kaunti ang namumuong emosyon sa dibdib nito sa pagka-alala sa kapatid. "Hindi ko lang naipakilala dahil hindi naman masyadong seryoso ang mga relasyong iyon." dugtong niya.

Nagpahid ito ng sumungaw na butil ng luha saka siya hinarap. "Anong ibig mong sabihin na hindi seryoso? Kayo talagang mga bata ngayon. Makikipag-relasyon tapos sasabihin na hindi seryoso. Ganoon na lamang ba iyon? Hindi iyan ang nakagisnan namin tungkol sa pakikipagrelasyon. Dapat ang pakikipagkasintahan ay isang bagay na sagrado para sa dalawang taong nagmamahalan. Hindi isang bagay na babale-walain lamang kapag nagsawa na. Hindi katanggap-tanggap iyon." mahabang turan nito na ikangiwi niya.

Nagkamali yata siya ng sagot. Biglang rumatrat ito ng tungkol sa kasagraduhan ng relasyon. Matandang-dalaga kasi ito na iniwan ang kasintahan ng dahil sa obligasyon sa pamilya. Mula noon ay hindi na ito tumingin sa ibang lalaki. Duda niya ay mahal pa rin nito ang nobyong iniwan. At duda niya, hindi na ito titigil sa kakatalak kaya dapat na siyang maghanda para sa pagpasok.

"Sinasabi ko sa iyo Bobby. Alam ko ang pakiramdam ng nawawalan ng mahal sa buhay. Ang alisin mo sa isip at puso ang pagmamahal sa kanya ay mahirap dahil lamang kailangan mong tugunan ang obligasyon sa pamilya. Nakikinig ka ba? Ha, Bobby? Hoy! Nagsasalita pa ako. Dyaske kang bata ka. Hindi ka pa tapos kumain!" ratatat ni Tiya Edna na tinakbuhan na lamang niya papunta sa common CR na nasa bandang likuran ng tinutuluyan nila.



"MAGALING ang pagkaka-trabaho mo kagabi Bobby. Mayroon ka uling ihahatid mamaya." nakangiting bungad sa kanya ni Kring-kring sa entrance ng club. Tumango siya at nagpasalamat. Galing siya sa eskwelahan at doon na siya dumiretso. Naalala niyang hindi pa niya naide-deposito sa bangko ang natanggap na kinse-mil. Inalis niya ang agam-agam na humaplos sa puso niya sa pagka-alala ng maaaring nasa likod ng operasyong iyon.

"O pare. Nabawasan ka ba ni Miss Kring kagabi?" salubong sa kanya ni Monday.

"Oo tol." pinili niyang magsinungaling.

"Hindi ka ba i-n-offeran? takang-tanong nito.

"Hindi eh. Sabi ko naman sa iyo. Hindi ako typr noon." saka niya dinugtungan ng pekeng tawa ang sinabi.

"Ganoon ba?" parang di makapaniwalang tanong nito.

"Oo pare."

"O siya, doon muna ako sa labas. May pinakakabit si Miss Kring."

"Sige pare."

Pumasok na siya sa locker room at nagbihis para sa shift niya. Maya-maya lang ay busy na siya.



"PASENSIYA na pare." nakangiting sabi ni Rovi sa driver ng itim na Honda Civic na tiyempo niyang nakitang nag-aabang sa may kanto malapit sa club na pag-aari ni Park Gyul Ho.

Aksidente lang ang kanyang pagkakakita sa sasakyan na iyon na itinimbre lamang sa kanila ng informer nila. Kaya nga nilapitan niya iyon agad at kumilos para patulugin ang sakay noon para hindi halata ang cover niya.

Inalalayan niya ito patayo at nagkunwaring lasing saka isinakay sa sasakyang dala niya. Maaga pa naman at alam niyang may malapit siyang reinforcement sa paligid. Nagtext siya kaagad para sa tulong na agad namang sinagot.

Street and landmark? - C

Ang bilis ah. napapangiting sabi niya sa isip.

Nag-reply siya saka ini-upo ang matandang driver sa sasakyang dala niya na mahimbing na mahimbing pa rin. Alas-dos ang labas ng bagong courier na target nilang kidnapin at i-interrogate. Alas-dos singko palang. Kinuha niya ang cellphone ng driver sa dashboard ng tumunog iyon. Galing sa isang hindi naka-rehistrong numero ang mensahe.

Palabas na siya. Nakadilaw. Ang kargamento na dala niya ay ganoon pa rin. Hintayin mo siya pag-dating sa restaurant. IKAW na ang bahala sa kanya. Bago na ang ihahatid mo bukas.

Kung hindi siya sanay na makipag-bunuan o makipagpatayan sa mga halang ang kaluluwa ay malamang na nagtatakbo na siya sa takot. Kung ganoon ay dapat pa palang magpasalamat ang courier na ito. Iyon kasing mga dati nilang tinitiktikan ay bigla na lamang nakandawalaan. Iyon pala ang modus. Magpapalit-palit sila ng tagadala ng kargamento at saka ididispatsa na lamang basta para hindi makapag-salita kung may malaman man.

Hinalughog niya ang laman ng compartment at may nakitang baril doon. Kinapa rin niya ang ilalim ng mga upuan at nakumpirma ang hinala niyang mayroon ding nakatago doon. Nahagip ng mata niya ang paglabas ng isang lalaking nakadilaw at may dalang dalawang bag. Isinuot niya ang cap saka pinausad ang sasakyan palapit dito.


NAGSINDI siya ng sigarilyo paglabas niya. Hindi niya alam pero parang may hindi magandang mangyayari ngayong araw na ito. Kapag kinakabahan siya ay nag-yoyosi talaga siya para mawala ang tensiyon. nakaka-ilang hithit pa lang siya ng biglang may yumakap sa kanya mula sa likuran.

"Shit! Ano ka ba?" nahintakutan na sigaw niya na ikinatawa ng mga nasa paligid.

"Ang OA mo naman. Bading ka yata talaga eh." nakangusong sabi ni Mandarin bagama't may pilyang ngiti sa mga labi.

"Tinakot mo ako." pilit na kumakalmang sabi niya.

"Major major OA ka Bobby. Itong ganda kong ito, nakakatakot? Kaloka ka! Nakakatakot ba ako guys?" maarteng tanong nito sa mga nakatambay sa labas na nakasaksi rin sa pagsigaw niya. Nagsipagsipulan ang mga ito ng itaas pa ng hitad ang palda na hapit na hapit sa mabilog na pang-upo nito. Pati na rin ang disimuladong pag-angat nito sa tube-top nitong kulay pula na halos kumakapit na lang sa puno ng dibdib nito at maghe-hello world na ang hindi dapat mag-hello world.

Nakita nito na nakatitig siya sa mga off-limits na lugar at napalunok. Nang-aakit na sinaway siya nito. "Ikaw ha, di ka pala apektado pero kung makatitig ka. Parang gusto mo ng kainin lahat." saka ito tumawa ng malutong.

Namula ang mukha niya pero hindi siya nagpatalo. Hindi totoong hindi niya tipo ito. Ayaw lang niya ng komplikasyon. Hinri rin siya madaling ma-arouse sa mga katulad nito dahil halos grabe na ang nakikita niya sa loob pa lang ng club. Pero kung ganitong mukhang game naman ito ay bakit hindi niya pagbigyan. lalaki lang siya.

"Eh maganda namang tingnan eh."

"Asus. Akala ko ba ayaw mo? Ininsulto mo pa ako kagabi." nagtatampong sabi nito.

"Hinid totoo yun. nagpapakipot lang ako. Kasi naman ang ganda-ganda mo. Saka may ipinapagawa sa akin si Miss Kring." paliwanag niya.

"Baka naman dyowa mo yang si Kring ha." nakaingos pa rin si Mandarin.

Ipinasya niya na akbayan ito at lambingin ng kaunti. Umani iyon ng palakpakan at sipol sa paligid na para bang nanonood ng shooting. May sumigaw pa. "I-take home mo na yan at baka mai-uwi pa yan ng iba."Sinagot iyon ng mura ni Mandarin.

Maganda itong babae. Maangkad sa karaniwan. Maganda ang pangangatawan na magdadala sa isang lalaki sa pagkawala ng katinuan. May lahing kana yata ito dahil maputi rin ito at mabini rin ang amoy ng katawan hindi kagaya ng ibang kasamahan sa trabaho na nangangamoy ang pabango sa buong lugar. Matapang din ito. Sa kanya lang medyo tiklop.

"Ikaw ha, may nalalaman ka pang pakipot diyan. Di naman kita pipikutin noh. Titikman lang kita." malanding sabi nito saka tumawa.

"Sige, sumama ka na lang sa akin at magtikiman tayo magdamag."

"Game ako riyan. Baka di ka tumagal."

"Nag-red bull ako. Saka lagi akong naka-multi vitamins. Baka ikaw ang di tumagal." bulong niya sa tainga nito at naramdaman niya ang pagtayo ng mga balahibo nito at ang pigil na kilig.

"Timang. naka-recharge ako. Di ako nagpagarahe nitong last week."

"Sige, walang tulugan ha."

"Shoot!"

Dumating ang sasakyan na hinihintay niya. "Sosyal. De kotse ka na ngayon." malanding sabi nito saka sumakay ng sasakyan kasunod siya.

"Hindi akin ito. May ipinasuyo lang si Miss Kring. May dadaanan lang ako. Hintayin mo na lang ako sa labas. Saglit lang iyon." pagkasabing-pagkasabi niya niyon ay ipinagala na niya ang kamay sa katawan nito at siniil ng halik.

Humahagikgik na tinugon siya nito ngunit pinutol-putol siya ng makitang nakatingin sa rear view ang driver. "Manong ha... No peeking." humahalakhak na sabi nito saka siya hinila at hinalikan ng mariin. Isang ungol ng sarap ang kumawala sa labi niya.


WHAT THE HELL?

Hindi kasama ang babaeng ito sa sinabi ng informer nila. At bakit naglalampungan ang mga ito dito. Hindi niya malaman kung matatawa o maiinis. Ipinasya niyang bigyan ng privacy ang dalawa at itinaas ang salamin na naghihiwalay sa front seat at sa backseat. Naka-power lock din iyon saka niya pina-arangkada ang takbo nila. Narinig niya ang tili ng babae at ang pagkalabog sa likuran dulot ng pagkakalaglag sa upuan. Nagpakawala siya ng malutong na halakhak.


[03]
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!"

"Ano ba iyan Manong?" inis na tili ni Mandarin sabay pukpok pa sa salamin na nakapagitan sa kanila ng driver.

Hindi inasahan ni Bobby na bibilis ang takbo nila kaya nagulat siya ng husto ng umarangkada sila. Hindi naman ganoon ang magpatakbo ang driver na iyon kagabi kaya nagtataka siya. Parang may mali sa nangyayari. Sabi niya pa sa sarili.

"Nakaka-inis talaga." maktol pa rin ng kasama.

Napapangiting inalalayan na lang niyang muli ito para maka-upo ng maayos. Ibinaba nito ang paldang lumilis paitaas ng aksidenteng mahulog ito kanina sa upuan dulot biglang pagbilis ng sasakyan. Nanghihinayang siya pero hindi tamang doon sila maglampungan nito. Marami namang motel sa madadaanan nila. Mamaya na lang siguro.

"Okay ka lang ba?" tanong niya rito sabay haplos sa pisngi nito.

"Ah, oo. Nakakahiya, nahulog ako." namumulang pahayag nito.

"Okay lang iyon. Hindi mo kasalanan iyon. Baka nagmamadali si Manong."

"Ang sabihin mo, baka naiinggit. Kwidaw ka!" sumimangot pa ito at hinampas ang salamin. "Umayos ka manong. Sasamain ka sa akin talaga!" animong tigre nitong sabi.

Natawa na siya ng tuluyan na umani naman ng matalim na tingin mula sa babae. Nagtaas siya ng kamay tanda ng pagsuko. "Hindi ako ang kalaban mo. Natawa lang ako kasi mukhang kahit anong sigaw mo riyan ay hindi tayo maririnig ng nasa kabila. Mukhang soundproof ang sasakyang ito." natatawa pa ring paliwanag niya.

"Hmp! Bakit kasi kailangang merong ganyan?" naiiritang sabi pa ni Mandarin.

"Siguro kasi ay gusto niya tayong bigyan ng privacy kanina. Nataon lang na napabilis ang takbo niya. Ikaw, kasi hindi ka kumakapit ng maiigi." tudyo niya rito.

Nanlalaki ang matang nagsalita ito. "Hoy! At ako pa talaga ang sinisi mo. Eh ikaw itong kung makasibasib ng halik diyan eh kala mo mauubusan ka."

"Okay. Guilty na ako sa parteng iyon. Pero, nagustuhan mo naman diba?" sabay haplos ng hita nito.

Napangiti ang hitad sa ginawa niya kaya itinaas pa niya ng kaunti ang kamay. Malapit na iyon sa lugar kung saan hindi normal na naroroon ang kamay ng isang lalaki sa katawan ng lalaki ng disimuladong tanggalin nito iyon at iangat para lamang hilahin siya at halikan ng mariin sa labi.

Nag-eskrima ang kanilang mga dila at ang kamay niya ay binawi niya at ipinagapang naman sa dibdib nito. Hindi magkamayaw sa pag-ungol ang babaeng palaban. Gumapang ang kamay nito sa kanyang dibdib pababa sa sinturera niya. Pipigilan sana niya ito ng pumatong ito sa kanyang kandungan.

Halos maduling siya sa sumunod na ginawa nito. Isinubsob nito ang mukha niya sa tayong-tayong dibdib nito. Liyad na liyad ito at waring nag-aamok sa pagkakaliyad. Hindi niya namalayang naibaba na pala nito ang bra sa bewang kasama ang tube nito na pang-itaas.

Dinilaan niya ang korona ng magkabilang bundok. Halinghing na tila kinakapos ng hininga ang naging sukli noon mula kay Mandarin. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa habang ito naman ay kinakapa ang tigas na tigas niyang pagkalalaki sa loob ng kanyang pantalon.

Mabilis nitong natanggal ang buckle ng sinturon niya at naipasok ang mainit nitong kamay sa loob ng kanyang pantalon. Lalong nangalit ang parteng iyon ng kanyang katawan ng tudyuhin nito ang maselang bahagi na iyon. Hustong ibababa na niya ang kayang pantalon para magkaroon ng mùas magandang access ang kamay nito sa kanyang kaselanan ng bigla silang huminto ng malakas.

Napasubsob siya sa malambot na dibdib ni Mandarin habang ito ang tumanggap ng bigat niya sa pagkakadagan niya rito pasandal sa harang na salamin. Animo'y kapawa sila binuhusan ng malamig na tubig at ang humalili ay inis sa kanina'y nagbabaga nilang damdamin.

"Aray ko!" dumadaing sa sakit na sabi ni Mandarin. Ini-ayos niya ito ng upo at inayos naman niya ang sarili at isinara ang zipper ng pantalon.

"Okay ka lang ba?"

"Ay oo! Okay na okay ako. Ikaw na ang mauntog diba? Tapos may nakadagan pa sa'yong mabigat. Malamang okay ka nun? Di ba?" sarkastikong sabi nito.

"Mukha ngang okay ka na." ayon na lang niya. "Ano kayang nangyari?" Tanong niya.

"Ay malamang alam ko yun Bobby. Kasi may mata ako sa likod eh kaya kahit busy ako sa pakikipaglampungan sa iyo kanina eh alam ko yung dahilan ng paghinto nating bigla." naiinis pa ring sagot nito habang inaayos ang sarili.

Naiiling na lamang siyang lumingon sa labas. Tinted ang salamin ng sasakyang iyon na ipnagpasalamat niya dahil sa hindi niya alam kung kakayanin ba niya ang magiging kasunod na eksena kung may nakakita sa kanila kanina ni Mandarin habang nasa gitna ng mainit na tagpo.

Napakunot ang noo niya ng makitang hindi sila sa tapat ng restaurant na dapat nilang hintuan nakatigil. Gaano na ba sila katagal na bumibyahe? Nagkwenta siya sa isip at tiningnan ang relos. Alas-dos kwarenta y otso. Lampas kalahating oras na pala silang nasa biyahe. Ang oras papunta sa restaurant na dapat nilang tigilan ay aabot lamang ng tatlumpong-minuto gamit ang sasakyan.

Kinatok niya ang salamin na nakaharang sa kanila ng malaman niyang ang lock ng pintuan ay hindi niya mabuksan. Nahulaan na niyang naka-power lock iyon. Walang tugon mula sa kabila. Sa halip ay lumabas ito at bumukas ang lock sa side niya. Kinatok nito ang bubong at nagsalita.

"Lumabas na kayo diyan."

Naguguluhan man ay umakma siyang lalabas ng pigilan siya ni Mandarin. "Anong nangyayari?" nagtataka rin ito.

"Ewan ko. Halika na, pero huwag kang lalayo sa akin. Hindi maganda ang kutob ko rito."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" nahihintakutan na nitong sabi.

"Basta. Halika na." at inilahad niya ang kamay rito at inalalayang lumabas.

"Kamusta ang biyaheng-langit ninyo?" nakangising tanong ng driver. Inangat niya ang tingin at inaninang ang mukha nito. Nagulat siya ng makitang ang driver ay bata pa. May hitsura at kumpara sa kagabing naunang nagda-drive sa kaniya ay malaki ang pangangatawan nito at may angas.

"Hindi ikaw ang driver kagabi." mahinahon niyang sabi. Mas sa kumpirmasyon iyon kaysa sa tanong.

"Nadale mo parekoy!" nakangisi pa rin nitong sabi.

"Anong nangyayari?"

"Hindi mo alam?"

"May kutob na ako pero gusto kong makasiguro."

"Oh, so manghuhula ka pala? Sige nga, tingnan natin kung tama ang hula mo sa kapalaran mo?" nang-iinis na sabi nito.

Ipinasya niyang kumalma at analisahin ang pagkakataon. May kasama siyang babae. Ano man ang mangyari, kailangang makatakas ito. Iginala niya ang paningin at natuklasang nasa isa silang hindi mataong lugar. Madilim sa bahaging iyon at ang tanging tanglaw nila ay ang liwanag ng buwan.

"May kinalaman dito ang bag na ihahatid ko dapat sa restaurant." pagpapatuloy niya ng humarap siya rito.

Nagkibit-balikat lang ito.

"Ano mang ang binabalak mo, gusto kong sabihin sa iyo na naghahatid lang ako ng bag na iyon. Hindi ko alam kung ano ang laman niyon at pangalawang gabi ko pa alng ito maghahatid sana. Paki-usap, wala akong ginagawang masama." mas pinili niyang maki-usap. Kung magkakasukatan sila ng lakas ay hindi niya alam kung makakaya niya ito. Lalo pa at nakita niya ang nakasukbit na baril sa beywang nito.

"Alam mo, medyo matalino ka eh. Pero hindi ako naniniwalang hindi mo alam kung ano ang laman ng bag na iyon." nakangisi pa rin ang tinamaan ng magaling.

"Sinabi na niya sa iyo na hindi niya alam ang laman ng pesteng bag na iyon kaya pwede ba, ibalik mo na lang kami sa sibilisasyon. Ang dilim kaya rito." nagtataray-tarayang sagot dito ni Mandarin na pumigil sana sa akmang pagsagot niya sa lalaki.

"ABA at mataray pala ang kasama mo." nangiinis na sabi ni Rovi sa kausap. Napapalatak siya sa isip ng mabistahan niyang ang gwapo pala ng kolokoy na napag-utusan lang na magdala ng bag.

Sayang ang isang ito kung nagkataon. sabi niya sa isip. Kamukha pa anman ni Rico Yan. Dagdag pa niya sa naisip.

"Ano ba kasi ang kailangan mo at pinahinto mo rito ang sasakyan at pinababa mo pa kami. Hohold-up-in mo ba kame? Wala kaming pera no kaya wala kang magaganansiya sa amin." mataray pa ring sabi ng babaeng ito. May naalala siya rito. Yung pinsan niyang si Pixel.

Napangiti siya sa naisip. Halata namang kinakabahan ito pero mataray pa rin. Nagtaas siya ng kilay at hinugot ang baril at inilapag sa ibabaw ng kotse. Walang magazine iyon kaya safe ang ginawa niya.

"Kung hohold-up-in ko kayo ay kanina ko sana kinuha ang baril na ito at itinutok sa inyo. Ayan oh, at inilapag ko pa diyan. Gusto ko lang kayong maka-usap, lalo na itong lalaking ito. sabi niya at tiningnan ang nanakakunot-noong kamukha ni Rico Yan.

"Ah, ganoon ba? Sige lang, mag-usap kayo. Kahit ilang oras pa, hindi naman kami nagmamadali. Di ba Bobby? Kahit pa pag-usapan pa ninyo ang ekonomiya ng Pilipinas, dedma lang. Go! usap na kayo, kaibigan." natatarantang sagot ng hitad. Inaalog pa nito ang kasama sa balikat.

"Anong kailangan mo sa akin?" sabi ng baritonong boses nito.

"Bago iyan ay magpapakilala muna ako. Ako si P03 Rovi Yuno ng QCPD. Matagal ng naka-surveillance ang club na pinagtatrabahuhan mo para sa alleged illegal drug trafficking. Sino ang nag-utos sa iyo na magdala ng bag? At saan-saan ang drop points ninyo?"

"P03 ka? Ibig sabihin Sarhento ka." tanong nito sa halip na sumagot.

"Oo. Ngayon sagutin mo ang tanong ko." utos niya rito. "Ano nga palang pangalan mo?" tanong pa niya kahit narinig na niya kanina kung ano ang itinawag dito ng babaeng kasama nito.

"Bobby po. Yung nag-utos sa akin na magdala ng bag ay si Miss Kring-kring. Yung matabang manager namin sa club. Yung restaurant lang ang pinagdalhan ko ng bag na iniiwan ko sa ilalim ng lamesang naka-reserve para sa pekeng pangalan na sasabihin ko pagpasok doon. Pagkatapos kong ilagay yun doon ng walang makapapansin ay aalis na ako at umuuwi sa amin. Kagaya ng sabi ko kanina. pangalawang beses pa lang iyon kanina." mahabang paliwanag nito.

Alam na nila Rovi ang tungkol doon. Hindi lang nasabi ng informer nila na iisa lang ang drop point. Iyon ay kung tama ang hinala niya. Mukha namang nagsasabi ng totoo ang isang ito. Besides, wala sa hitsura nito na mangloloko ito ng tao.

Ayan ka na naman Rovi. Hindi ka na nadala masyado kang mapagtiwala. Kaya ka naloloko eh. Mahabang tudyo ng isang bahagi ng isip niya.

Ipinilig niya ang ulo at nagkonsentra sa kausap. "Hindi ka ba nagsisinungaling?" dudosong tanong niya.

"Hindi ho ako naturuang magsinungaling ng mga magulang ko hanggang sa mamatay sila." diretsong sagot nito sa kanya.

"Okay. Nagpapakita ba si Park Gyul Ho na may-ari ng club doon?"

"Sa limang buwan ko doon ay hindi ko pa nakita kahit kailan ang may-ari. Pero nakita ko na siya sa mga pictures na naka-post sa bulletin board ng club."

"Bakit mo tinanggap ang pagdadala ng bag?"

"Malaki ang bayad sa simpleng paghahatid ng bag. Nasa kinse-mil ang bigay nila sa akin para sa madaling trabaho. At saka kailangan ko ng pera para mapatingnan ko ang tiyahin kong may sakit."

"Hindi mo ba alam na hanggang ngayon ka na lang maghahatid at bukas ay burado ka na sa mundo at iba na ang maghahatid ng bag?"

Namutla ito at naguguluhang tumingin sa kasama. "Ano po ang ibig ninyong sabihin?"

Inihagis niya ang cellphone na nakuha niya sa driver ng sasakyan na pinatulog niya kanina. "Basahin mo yung text." Sinalo nito iyon at lalong namutla ng mabasa ang nilalaman ng text.

"Ipapa-patay ka ni Miss Kring pagkatapos mong maghatid?" tanong ng kasama nitong babae kay Bobby.

"I-iyon ang sinasabi ng text." naguguluhang sabi nito.

"Oh my God! Ang sama naman ng baboy na bading na iyon!" nagagalit na sabi ng babae.

"Nasaan ang driver kagabi?" tanong ni Bobby sa kanya.

"Pinatulog ko. Sa kasalukuyan ay hawak na siya ng kasamahan ko. Sinuwerte lang ako at nakita ko siya roon. Nakilala ko na siya sa pictures na ipinadala ng informer namin sa club."

"May informer kayo sa club?" takang tanong nito.

"Oo. Mga dalawang buwan na siya roon."

"Bakit nila ako ipapapatay?" nanginginig ang boses nito. Siguro kahit naman sino ang malaman na dapat ay mamamatay ka na at napigilan lang ay manginginig din. Kahit pa gaano kalaki ang katawan mo.

"Ganoon na ang modus nila para hindi sila matiktikan. Hanggang dalawa o tatlong beses lang sila nagpapahatid tapos ay itutumba na para na rin siguro hindi magka-kumplikasyon sa hinaharap."

"Mga hayup!" sabi ng babae.

"By the way, may plano kami at hihilingin namin ang kooperasyon mo. Maaasahan ka ba namin?"

"Wala naman na akong choice di ba? Sige kung ano man ang maitutulong ko ay gagawin ko sa abot ng makakaya ko."

"Sige, sa ngayon ay kailangan ka naming itago. Pati siya kasi damay na siya rito. May kamag-anak ka pa ba?"

"Wala na ho. Iyong tiyahin ko na lang po na kasama ko sa bahay. Pwede po bang pakisama na rin siya sa akin?"

"Okay. Ibigay mo ang address at kukunin na siya ng mga kasamahan ko ngayon na malapit sa area."

Bumalatay ang pag-aalinlangan sa mukha ni Bobby. Napansin niya iyon kaya nagsalita ulit siya. "Magtiwala ka sa akin. Hindi maaano ang tiyahin mo. Sa tingin mo ba magkukwentuhan lang tayo rito kung balak akong masama? Madali lang sa akin ang itumba kayong pareho. Pero dahil nga nasa panig ako ng kabutihan ay hindi ko gagawin iyon." pangungumbinsi niya rito.

Nagbugha ito ng hangin at tiningnan ang kasamang babae. "Sige na, mukha namang nagsasabi siya ng totoo. Kasi kung di siya pulis, dapat kanina pa tayo tigok dito. Sige na." udyok pa nito.

"Sige Mandarin." at ibinigay nga nito ang address. "Kailan ko po makikita ang tiyang?" tanong agad nito pagkabigay ng address sa kaniya.

Itinext muna niya kay Jerick na malapit sa area ng bahay nila Bobby ang detalye bago sinagot ang tanong ng huli.

"Mga mamayang hapon na siguro." sagot niya saka tinitigan ito. Bakas sa gwapong mukha nito ang pagdududa at pag-aalala.

"Dadalihin namin kayo sa safehouse namin. For the meantime, kumain muna tayo. Gutom na ako eh." Kinuha niya ang baril at niyaya na ang mga ito na pumasok sa kotse. Ibinaba niya ang salamin at ini-start na ang sasakyan.

"Pwede bang dito na lang ang isa sa inyo? Mukha kasi akong driver niyo eh." reklamo niya.

"Sige po. Diyan na lang ako sa harap." sagot ni Bobby. Napangiti siya, paraan lang niya iyon para makatabi ang gwapong si Bobby at mailayo sa kuko ng malanding babae na iyon na Mandarin pala ang pangalan.

"Saka alisin mo na ang po. Hindi naman ako ganoon katanda sa inyo. Ilang taon ka na ba?" hindi halatang inquiry niya sa edad nito.

"Ah, Kayo ang bahala Sarhento. bente-tres na po, este, twenty-three na ako." naiilang na sagot nito.

"Haha, inenglish mo lang eh. Ikaw?" lingon niya kay Mandarin.

"I'm eighteen Sarhento." naka-iwas ang matang sagot nito.

"Weh? Di nga." pang-aasar niya.

"Bakit, di ka naniniwalang disi-otso lang ako?" nanlalaki ang butas ng ilong na sabi nito.

"Hindi eh."

"At bakit aber?!"

"You don't look like it. Ganoon lang kasimple."

"Okay fine. Pasalamat ka at pulis ka. Bente-dos na ako." naka-ingos na sabi nito.

Natawa silang nasa harap. "See, Hindi mahirap aminin ang totoong edad." pang-aasar pa niya.

"Tse!"

"Eh, Kayo Sarhento? Ilang taon na kayo?" tanong ni Bobby.

"Rovi na lang. Bente-otso lang ako." saogt niya.

"Asus! Nagpabata pa."

"Totoo ang sinabi ko. Eto ang id ko." sabay abot dito ng ID niya. Napapahiyang ibinalik ni Mandarin ang Id niya.

"Kitam?"

"Matagal ka ng pulis?" si Bobby.

"Oo. Mga pitong taon na rin. Maaga kasi akong nag-aral at naka-graduate." simpleng paliwanag niya.

"Kaya pala. Ang bata mo kasi para maging Sarhento. Karaniwan, malaki na ang tiyan at napapanot na bago pa ma-promote. Magaling ka siguro."

Mabuti na lang medyo madilim kaya hindi nito napansin na namula siya sa pagpuri nito sa kanya. Hindi siya sanay ng pinupuri. "Sinuwerte lang." sagot na lang niya.

"Mukhang marami kang chicks. Gwapo ka kasi Rovi." napatanga siyang saglit sa sinabi nito. Kung di lang niya alam na nakikipaglampungan ito kanina sa babae sa liko ay malamang na naisip niyang kauri niya ito.

"Di naman, nabiyayaan lang." natatawang sagot niya.

"Pa-humble." bulong ng nasa likuran na narinig niya.

"May sinasabi ka?"

"Ah wala, wala akong sinasabi. Nananahimik nga ako rito eh." ngumiti pa ito ng pagkatamis-tamis.

Naiiling na ibinaling niya ang paningin sa daan. Nag-ring ang cellphone ng driver na pinatulog niya. Nagkatinginan sila ni Bobby. Ipinasya niyang sagutin iyon. "Hello."

"Hello. Nasaan ang hinatid mo? Bakit wala siya sa restaurant kanina?" dire-diretsong sabi ng nasa kabilang linya.

"Hindi ko alam. Hinahanap ko nga siya ngayon. Mukhang tinakasan tayo." pag-arte pa niya.

"Punyeta! Hanapin mo siya at huwag kang magpapakita sa akin hangga't di mo siya nakikita. Kailangan ko siya ng buhay! Malaking halaga ang nakataya rito at hindi kita mapapatawad kapag nalintikan ako kay Mr. Park!" iyon lang at nawala na ito sa linya.

"Confirmed. Ang amo mo ngang Korean ay may milagrong ginagawa sa club na iyon. At mukhang alam na nila Kring ang tungkol sa hindi mo pagsipot. Simula na ito ng pagtatago mo."

"Alam ko. Kung may maitutulong ako ay handa ako."

"Good."

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Rick. "Kasama ko na ang courier. Kaso may sabit. Nalaman na rin nila agad ang pagkawala nito. Saan tayo magkikita?" ire-iretsong sabi niya rito pagkasagot na pagkasagot nito ng telepono.

"Sige, dalhin mo sa Calatagan. Kita tayo doon mamaya."

"Ten-four."

"Kain muna tayo bago dumiretso sa patataguan niyo."

Tumango lang ang dalawa na nahulog na rin yata sa malalim na pag-iisip.


Itutuloy....


[04]
"DITO muna tayo tutuloy."

Nakita niyang inilibot nila Bobby at Mandarin ang paningin sa buong paligid ng safe house na iyon sa Calatagan. Iyon ang pangatlong beses na nakarating siya doon. Mahirap na iyong matunton dahil deserted na ang bahaging iyon at talaga namang tago dahil napapagitnaan iyon ng mga naglalakihang beach resorts.

Panglito rin ang mga nakapalibot na resort dito at parang sinadya na ang pagkakapuwesto noon ay nasa likran ng bahagi ng dambuhalang STILTS Calatagan Beach Resort bagaman may sariling daan ang papunta sa safe house at natatabingan iyon ng nagtatayugang puno ng niyog.

"Ang ganda rito. Kahit masakit pa ang mata ko sa pagkakaputol ng tulog ko eh, parang ang sarap mag-dive sa dagat na naririnig ko. White sand ba?" namamanghang sabi ni Mandarin na pupungas-pungas pa ng lumabas ng kotse.

Si Bobby rin ay kagigising lang. Tinulugan siya ng dalawa pagkatapos nilang kumain sa isang fastfood chain sa may SLEX. Nakita niya na nag-inat ng katawan si Bobby. Gumana ang malawak niyang imahinasyon dahil sa naging pagkakahapit ng t-shirt nito sa maskuladong katawan.

Iniwas niya ang mata at ibinalik iyon kay Mandarin na ngayon naman ay nakakunot ang noong naghihintay ng sagot sa kanya. Inalis niya ang bara sa lalamunan at nagsalita.

"Oo. Karugtong lang ito ng STILTS. White sand lahat iyan." sabi ni Rovi sabay akyat sa hagdanan ng kahoy na bahay. Lumang bahay iyon na dating pag-aari ng isang pamilya ng mangingisda. Wala ngayon ang caretaker dahil tuwing linggo lamang iyon nililinis at Martes pa lang ngayon. Isinuot niya ang susi sa susian at saka ibinukas iyon.

"Halina kayo." sabi niya kina Bobby na ngayon ay bitbit na ang bagpack nito at ang kargamento na dapat ay dadalhin nito sa restaurant.

"Tara na, Bobby." si Mandarin sa lalaki.

Kumapit sa braso ni Bobby si Mandarin na sa pagkakataon ay nakadama ng bahagyang ngitngit si Rovi. Bakit may hawak factor? Lumpo? Mataray na sabi niya sa isip. Nangiwi siya sa naisip. Ano bang nangyayari sa kanya? Nakakita ka siya ng gwapo, nagrebulosyon na ang hormones niya. Hay! Kulang ka lang sa sex! Nang-iinis na wika ng isang bahagi ng isip niya.

Pumasok na silang lahat sa loob. Nauna sa kanya ang dalawa kaya napagmasdan niya ang pang-upo ni Bobby. Perfect. Gumana na naman ang isip niya. Puro pang rated-x agad ang naging laman niyon. Napabungha siya ng hangin. He need to get laid.

Nag-angat si Rovi ng tingin para masumpungan lang ang nakakainsultong ngiti ni Mandarin.

"Like what you see, Sergeant?" sabi nito sa kanya with a saccharine mocking smile.

"Like what?" namamaang niyang tanong.

Lumapit ito at ibinulong sa kanya ang gustong ipahiwatig.

"I saw you staring at Bobby's ass. Can't blame you. It's perfect. I can't wait to grab them myself."

Saka ito lumayo at pasimpleng lumapit sa nakatalikod pa ring si Bobby na wala yatang kamalay-malay sa nangyayari.

"I'm not staring." sagot niya sa malanding babae. Habang sinusubukan na ibalik ang composure na bahagyang nawala ng marinig niya ang sinabi nito.

"Yes you did, Sergeant." maarteng wika nito. Blatantly taunting him.

"I did not." naiinis ng wika niya.

"O sige na nga. Di ka na tumitingin sa..." bitin nito sa sinasabi.

Tiningnan niya ito ng nagbababalang tingin. Tumawa lang tinamaan ng magaling. Noon lumingon si Bobby. "Sinong tumititig kanino?" nagtatakang tanong nito.

"Ah eh wala. Nakita ko kasi si Sarhento na nakatitig sa puwit..." pangbibitin ulit nito sa sinasabi. Binigyan naman niya ito ng matalim na tingin. "...ko" sabay humahagikgik na hinampas nito ang dibdib ni Bobby.

Hini niya alam na pinipigil niya pala ang paghinga niyaa dahil na rin sa kagagawan ng hitad. Nagngingitngit ang kalooban niya pero hindi niya pwedeng ipakita rito na naka-isa ito sa kanya. Hindi pwede. Ipapakita niya rito ang kaya niyang gawin lalo na kung pinagkakatuwaan siya.

"Sino ba naman kasi hindi tititig dyan. Eh ayan o, parang wala kang..." sabi ni Bobby kay Mandarin na para bang nahawa na pagpuputol ng sasabihin. Pero nakita niyang may ibinulong ito sa babae. Marahil iyong karugtong ng sasabihin sana nito dahil nakita niyang namula at bahagyang kinilig ang bruha. Napasimangot siya. Oras na para magpaka-pulis siya. Sumusobra na ang babaeng ito at hindi ginagalang ang propesyon niya.

"Sige na. Mamaya na yang landian niyo. Pumunta na kayo sa kanya-kanya niyong kwarto." ma-awtoridad niyang sabi sa mga ito.

"Killjoy! Palibhasa..." nakalabing sabi nito na pinutol niya ng isang nagbabantang pahayag.

"Kung may sasabihin ka pa eh dito mo na ireklamo sa bakal ko. Masyado kang madaldal. Baka nakakalimutan mong suspek pa rin kayo sa drug trafficking kahit pa inalok ko kayong maging witness." sabi niya habang himas-himas ang Glock 17 niya sa baywang. He suddenly hated the idea to show brusqueness in front of a lady. Lalo pa at lumalabas na nagpa-power trip siya. But he had to stress who is the boss with this tramp. Nakakarami na kasi ang matabil na dila nito.

"Hmp! Wala na po, Sarhento. Saan po ba ang silid namin?" medyo sarcastic pa rin ito. Stressing every word with discreet infuriation. At least, nanahimik ka, talipandas! Ang sabi ng natutuwang bahagi ng isip niya.

"Doon sa dulo ang sa iyo." itinuro niya ang pasilyo na kinaroroonan ng mga silid. "Itong nasa itaas ang kay Bobby. At ako rito sa unang silid sa bago ang sa iyo." maangas pa rin niyang sabi na ang atensiyon ay nakay Mandarin. Para bang hinahamon niyang tanggihan nito ang paglalayo niya rito at kay Bobby.

"Okay. Walang problema." matabang na sbi nito bagaman at naka-irap pa rin sa kanya. Tumuloy na ito sa silid na sinabi niya.

"Sarhento, bakit naman tinakot mo si Mandarin?" nagtatakang tanong ni Bobby sa kanya. Parang wala talagang kaalam-alam na ang sikreto na nilang pinaggirian ni Mandarin ay walang iba kung hindi ito.

"Masyadong maarte eh, hindi uubra sa akin ang arte niyang iyon." depensa niya rito. Ayaw niyang magmukhang bad boy sa paningin nito. "Why, Rovi? You didn't seem to care before on what others might think and say about you. So why start now?" mahabang kastigo ng isip niya.

Yes he did not care. Pero, pagdating sa lalaking ito. Parang gusto niyang lahat dapat ay maayos. Dapat perfect ang tingin nito sa kanya. "Why, do you like him? Is he your boyfriend?" Iyon na naman ang bahagi ng isip niya na nang-aasar. Ipinilig na lang niya ang ulo.

"Ganoon talaga ang mga babae Sarge. Ito naman, parang hindi lapitin ng chicks. Malay mo, pakana niya lang iyon at may gusto siya sa iyo." nakangiting sabi ni Bobby sa kanya.

Literal na napamaang siya rito. Saglit na saglit nga lang. Grabe, mas nahahawig siya kay Rico Yan kapag nakangiti. Malanding sigaw niya sa isip. Putik, bakit kailangan nitong bigyan siya ng mala-close-up smile. Hindi siya ready. Napatikhim siya ng wala sa oras.

"Hindi ako type nun. Maarte lang talaga yun. Pumanhik ka na sa itaas. Ituloy niyo mo na ang tulog para maaliwalas ang isip mo. Kung anu-ano kasing pumapasok diyan." pagtataboy niya rito. Teka, hindi ba siya ang kailangan ng matulog? Naiiling na pumasok siya sa kwartong pinili niya at hindi na sinagot ang pamamaalam ni Bobby. Bagkus, nagtaas na lang siya ng kamay to acknowledge him.



"HINDI siya bading." iyon ang sabi ni Bobby sa isip niya kanina pa.

Narinig kasi niya nng i sinasadya ang pagtatalo ng mga ito. Pati ang pasimpleng pagbulong ni Mandarin dito kanina tungkol sa pagtitig nito sa pang-upo niya. Kung meron man siyang gift iyon ay ang napakalakas na paninig niya. Maliit lang naman ang tainga niya pero kung makasagap iyon ng tunog ay talagang namamangha rin siya.

Siguro dahil iyon sa laki siya sa lugar kung saan kapag tumataas ang ilog dahil sa ulan ay inaantabayanan na nila ang dagundong na maririnig nila. Pati ang mga di inaasahang pagguho ng lupa. Iyon din kasi ang dahilan kung bakit bhay pa siya hanggang ngayon. Naisip niya ang tiyahin. Kasama na raw ito ng mga kasamahan ni Rovi. Sana safe ito. Piping-dasal niya sa isipan.

Nagbalik kay Rovi ang atensiyon niya habang naghuhubad ng t-shirt. Pinagmasdan niya ang katawan. Hindi siya kaputian. Pero marami ang nagsasabing magandang lalaki siya. Gwapo rin ang pulis na si Rovi. Kamukha ito ni Cesar Montano. Yung batang version. Lalaki rin ang porma. Kaya hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Mandarin kanina rito. Baka naman namali siya ng dinig. Baka naman puwit talaga ni Mandarin iyong tinitingnan ni Rovi.

Pero hindi eh, narinig niya iyon ng malinaw, bagaman may kahinaan. Word per word niyang narinig. Hindi siya mahusay magsalita ng english pero nakaka-unawa siya ng mga salita sa wikang iyon. Huwag lang yung tipong pang-quiz bee na ang dating at tiyak na manghihiram siya ng talino kay Pareng Webster at Kumareng Miriam.

Napapalatak siya ng maalalang wala siyang gamit na dala. Paano nga pala iyong bihisan niya? Tsk! Siguro itatanong na lang niya kay Rovi iyon mamamaya. Sa ngayon, nag-aanyaya ang kama sa tabi niya. Napagod siya sa biyahe at ang stress na dulot ng "pagkaka-dakip" sa kanila si Rovi ay ngayon na naniningil. Inaantok na talaga siya ngunit kailangan niyang magpalit para presko sa katawan.

Hinubad niya ang lahat ng suot at itinupi maliban sa brief na dala-dala niya sa loob ng banyo. Nilabhan niya iyon kasabay ng paghihilamos. Nang masigurong malinis na ang salwal at malinis na ang katawan ay lumabas siya ng banyo ng hindi itinatapis ang tuwalya na nakita niya sa loob niyon baagkus ay ipinupunas niya sa katawan.

Kinuha niya ang boxers na hinubad saka isinuot. Papasok pa lang ang isang paa niya sa salwal ng makita niya ang pigura na nasa likod niya at nasa may bandang pinto. Napatayo siyang bigla at hindi malaman kung tatakpan ang sarili mula rito o isusuot ng mabilis ang boxers. Ang huli ang pinili niya.

Nang makahuma ay isinuot niya iyon ng pagkabagal-bagal sa harap nito. Nakita niya ang pagtitig nito sa kabuuan niya na para bang isa siyang experiment at ito ay nasa laboratoryo. Hindi siya nakadama ng pagkabastos at pagkailang. Katawan lang naman iyan eh. Huwag lang siyang hahawak kung hindi, magkakabalian kami ng buto. Mayabang na sabi ng isip niya.

"Sarhento. Ikaw pala." kaswal na bati niya rito. Doon ito nag-angat ng tingin sa kanya.

"Pasensiya na. Kumatok ako, pero walang sumasagot. Kala ko tulog ka." sagot nito. Diretso ang matang nakatitig sa kanya. Wala na agad ang paghangang nakita niya sa mga mata nito kanina lang. Teka, nakita ba talaga iyon o nag-iilusyon lang siya? Nalito siyang bigla. Kung ano man, hindi madaling magpalit ng emosyon. Hindi ganoon kadali dapat iyon.

"Ah ganoon ba. Pasensiya na. Naabutan mo akong burles." panunubok pa rin niya dito. Baka sakaling bumigay ang akting nito kung sakaling magpilit siya.

"Okay lang. Parehas naman tayong lalaki." bale-walang sabi nito. Naisip niyang ibuyanyang pa ang katawan dito. Dahil wala siyang brief at boxers lang ang suot ay umaalog-alog ang pakiramdam niya. Hindi na niya isinuot ang t-shirt.

"Ganoon ba? Eh di hindi na ako magsusuot ng t-shirt. Ang init kasi eh." Umaarteng sabi niya. Nagpaypay pa siya ng kamay.

"Buksan mo ang bintana para mahangin. Saka iyon ang bentilador. Pwede mong gamitin." Napapahiyang nilingon ni Bobby ang mga sinabi ni Rovi. Lumapit siya sa mga iyon. Binuksan ang bintana at isinaksak ang electric fan.

"Bakit kayo naparito? May kailangan ba kayo Sarge?" tanong niya rito.

"Kukunin ko lang iyon bag ng epektos. Ebidensiya iyan. Sisiguraduhin ko lang na safe." magaan na sabi ni Rovi. Parang inaantok na talaga.

"Ah iyon ba? Sandali lang." Kinuha niya ang hinahanap nito saka niya iniabot rito. "Tingnan mo rin iyong trunk ng kotse. Baka naroon iyong isa pang bag. Hindi ako sigurado sa laman noon. Pero tingin ko pera iyon." pag-iimporma niya.

"Sige, salamat. Siyanga pala, parating na ang grupo na may dala sa tiyahin mo. Mga hapon andito na sila." sabi ni Rovi bago tuluyang lumabas. Hinabol niya ito sa may pinto. "Ah Sarhento." sabi niya.

"O, bakit?" takang-tanong ni Rovi sa kanya.

"Salamat." sabi niya sabay ngiti.

Nakita niya ang bahagyang pag-angat ng dibdib nito at ang pagkulimlim ng mukha. Napalunok pa itong bahagya. Nagtaka siya sa kakaibang reaksiyon nito.

"Wala kang dapat ipagpasalamat. Trabaho namin ito." malamig nitong tugon sa kanya.

"Salamat pa rin." nangingiti pa rin niyang sabi.

Iyon lang at tumalikod na ito at bumaba. Pumasok na rin siya at kinabig pasara ang pintuan. Tinuyo niya ng bahagya ang buhok at ilang saglit lang ay iginupo na siya ng antok.



"DAMN!!!" naiinis na sambit ni Rovi. Hindi pa rin humuhupa ang init ng katawan niya at ang paninigas ng ibabang bahagi ng kanyang katawan. Buti na lang at nakalaylay ang t-shirt niyang suot kaya hindi halata ang pamumukol ng kanyang alaga na halata sa kayo ng maong.

He felt terribly hot a while ago. Lalo pa at tuksong bumabalik-balik sa isipan niya ang mabagal na pagsusuot ng boxers ni Bobby. His body is perfection at its best. Walang flabs at halatang batak sa mabigat na trabaho. Well, he also had that kind of body pero siyempre, iba pa rin ang makakita ka ng sa ibang tao. Lalo pa at aware ito na pinapanood mo siya.

Naalala pa niya ang parang nanunukso nitong pagtitig sa kanya habang iniaangat ang boxers para matakpan ang dapat matakpan. He was shocked, no it was an understatement. He was devastated with the thought that by simply seeing Bobby dress-up would make his steely arousal very painful for it was under the confinement of his brief and jeans.

He certainly needed a cold shower. Itinimpla niya ang tubig sa shower ng sariling banyo at hinubad ang lahat ng damit. His member still throbbing and swelling. Naalala na naman niya how well endowed Bobby is. Hindi pa iyon naka-erect ng husto. Hindi katulad niya na kanina pa naka-attention sa loob ng pantalon.

He took the cold shower with gusto. Kailangan niya iyon. Ayaw niyang hawakan o maidaiti man lamang ang kamay sa kanyang junior. Baka kasi mauwi iyon sa pakikipagbuno niya kay Marya. Nakataas ang kamay na nakatukod sa dingding ng banyo habang nakatingala at sinasalubong niya ang malamig na tubig ay nakabuo siya ng desisyon.

He should avoid Bobby. Mas mabilis na matatapos itong kasong ito ay mas maganda para sa kanya. Hindi niya pwedeng i-involve ang sarili rito. Straigh ito. And straight guys could only mean one thing. Trouble. In capital "T".


Itutuloy....


[05]
This was supposed to be posted tomorrow. But my intelligent mind (LOL) tells me otherwise! Kaya heto. Ito na ang update ng story na ito. Congratulations sa mga kapatid ko sa panulat na sina Unbroken and Bx. Nalalapit na ang pagtatapos ng kanilang mga obra. I'm so glad na kayo ay aking mga kaibigan.

Bati mode...

Kearse: Next chapter na yung request mo. LOL

Lorenso: Yung usapan natin dear ha. Matutuwa sigurado si Mama D.

Dhenxo: I-post mo yung itinatago mong obra.

Alex: Hey, ano na ang nangyari sa Inihaw? Sunog na?

Migs: Nag-yes ka na dear.Quiet ka muna ha. Sorpresa yun.

and to Uno: Salamat sa daldalan sa chat. :)


Enjoy Reading guys... :) Lovelots


CHAPTER 5



MALALAKAS na katok ang gumising kay Bobby mula sa pagkakatulog. Pupungas-pungas na tumingin siya sa wall clock sa ding-ding. Ala-una pa lang ng tanghali. Mga limang-oras din siyang nakatulog. Papatayo na siya ng bumukas ang pinto at iniluwa noon si Rovi at dalawa pang lalaking kasama nito. Matitikas din at may magagandang pangangatawan bagama't yung isa ay nakangiti habang ang mas matangkad sa dalawa ay napaka-seryoso at nakaka-intimidate ang dating.

"Kayo pala Sarge. Bubuksan ko na sana kaso naunahan niyo ako." aniya sa mga ito.

Nilangkapan niya ng bahagyang sarkasmo ang tinig para iparating ang disgusto niya sa ideya na malaya ang mga itong makakalabas-masok ng silid na inuukopa niya. Hindi naman siguro masamang magkaroon siya ng privacy kahit pa halos bihag din siya roon kung maituturing.

"Pasensiya ka na. Pero kumatok naman kami. Hindi ka nga lang pwedeng magkaroon ng privacy kasi kailangan namin ng impormasyon sa iyo every now and then." ani Rovi na parang nabasa ang naisip niya.

Nailang siya sa matiim na titig ng mga ito lalo na yung pinakamatangkad. Tiningnan niya ang mga ito isa-isa. Mukhang kung lalaban siya sa mga ito ay mapupuruhan siyang tiyak. Teka, mga kasamahan yata ito ni Rovi. Naalala niyang bigla ang tiyahin.

"Kayo po ba ang kasama ng tiya ko papunta rito?" tanong ni Bobby sa mga kasamahan ni Rovi.

"Hindi. Pero narito na ang tiyahin mo. Nasa ibaba. Siya nga pala, mga kasamahan ko. Sila Tinyente Rick at Sarhento Jerick. May itatanong lang sila sa inyo ni Mandarin mamaya." sagot ni Rovi sa kanya sa halip na ang mga ipinakilala.

Inilahad niya ang kamay kay Rick pero tiningnan lang nito iyon at sa halip ay si Jerick ang kumuha sa kamay niya ng akmang ibababa na niya iyon.

"Hello. Akala ko kanina nabuhay na si Rico Yan." nakangiti nitong sabi sa kanya.

Napatawa siya sa biro nito. "Hawig lang po kami. Mas magandang lalaki naman ako dun." ganting biro niya.

"Nakakita ka lang ng gwapo nagkaganyan ka na. Umayos ka nga. Parang di ka Sarhento sa inaasal mo. At ikaw, chummy ba tayo para makipag-handshake ka?" mahina lang ang boses nito pero damang-dama niya ang iritasyon sa bawat katagang binitiwan ni Rick.

Bahagyang napapitlag si Bobby sa angas na iyon ng Tinyente. Putsa! Kahit pala lalaki siya pwede siyang tumiklop sa ganitong klase ng kabaro niya. Pero siyempre, mas nanaisin pa niyang tumalon sa bangin kaysa ang ipakita sa mga ito na naintimidate siya.

"H-hindi naman sa G-ganoon, T-tinyente." nauutal niyang sabi. Lihim niyang pinagalitan ang sarili.

"Huwag mong pansinin iyan. Kung baga sa babae kasi nagkaka-PMS iyan. Halika, tingnan natin ang Tita mo sa ibaba. Tiyak matutuwa iyon na makita ka." sabi sa kanya nung Jerick sabay hila sa kanya sa braso. Inismiran naman nito ang tinyente.

"And where do you think you're going? Sinabi ko bang pwede mo iyang palabasin ng kwarto? Nang-iinis ka talaga no, Jerick?" mataas ang boses na sabi ni Rick.

Napalingon silang pareho. Siya ay napapahiya ang reaksiyon. Daig pa niya ang batang nahuling nang-uumit ng kendi. Habang si Jerick ay naka-isang linya ang kilay at agad na namula sa galit.

"Sa ibaba. Pupuntahan namin ang tiyahin niya, in case you haven't heard it right. At ipapaalala ko sa iyo Lt. Col. Rick Tolentino. Hindi siya bihag dito. Narito siya para makumbinsi natin na maging isang witness at proteksiyunan. Lumalabas tuloy, na sa inaasal mo ay parang narito siya para magbilang ng araw niya kung kailan siya bibitayin. Ano bang nangyayari sa'yo ha?" mahaba at nagagalit na ring sabi ni Jerick sa kausap.

"Ang sabihin mo, umiral na naman ang kalandian mo! Nakakita ka lang ng gwapo nagkaganyan ka na. You're sick kung inaakala mong papatulan ka niyan. Eh, mukhang straight yan. Malandi!" maanghang na balik ni Rick kay Jerick.

"Malandi? Ang kitid talaga ng utak mo Rick. Wala talagang kupans ang katalipandasan ng pag-uugali mo. And you have a very sick head above your shoulders. Isipin mo na ang gusto mong isipin. Hindi ako apektado. Lalo pa at sa ating dalawa ikaw ang may tantrums dahil bigo ka! Halika na!" mahabang sabi nito kay Rick.

Sa lahat ng iyon ay nakamasid lang sila ni Rovi sa dalawa. Naaaliw na may sinusupil na ngiti sa labi ang reaksiyon ni Rovi habang siya ay nagtataka at namamangha sa mga natutuklasan niya. Malandi? Nakakita ng gwapo? Bading ba itong si Jerick? Ah! Naguguluhan siya.

"Aba't..." may sasabihin pa sana si Rick ng makitang tumalikod na silang dalawa at bumaba habang narinig naman niyang inawat ito ni Rovi.

"Pare, tama na iyan. Kailangan talagang magbangayan kayo ni Jerick sa harap ng ibang tao?" si Rovi kay Rick.

"Hindi ka ibang tao pare." napu-frustrate na wika nito. Bumugha ito ng isang napakalakas na hininga.

Tinapik ni Rovi ang balikat nito at niyayang maupo. Sumunod naman ito sa kanya at padaskol na umupo sa kama habang siya ay sa isang kahoy na silya paharap dito.

"Napapansin ko pare na panay ang asaran ninyong dalawa ni Jerick ah. May kailangan ba akong malaman? May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

"Wala kang kailangang malaman pare. Normal lang yung talakan namin ng ungas na iyon. Parang di ka na nasanay." patamad na sabi ni Rick sa kanya.

"Hindi pare. May itinatago ka sa akin. Kung ano man iyon, I intend to find out. At base sa nakita ko kanina, parang may something sa inyong dalawa ni Jerick. Why, you sounded like a jealous boyfriend a while ago." tukso niya rito. Malakas ang loob niyang gawin iyon dahil sa buong TFE, siya ang pinaka-close dito.

"Barilin kaya kita diyan." asik nito sa kanya.

"Huwag mo ng ikaila pare. May past ba kayo ni Salmorin?" tukoy niya sa last name ni Jerick.

"Huwag ka ring makulit pare. Baka makulitan ako sa iyo at mabalian kita ng buto." naiinis ng wika nito.

"Madaya ka pare. Ako alam mo lahat ang sikreto. Ikaw, hindi? Tapos mangbabanta ka pa? Unfair pare! Unfair ka!" nagda-dramang sabi niya rito.

Isang mahinang suntok sa balikat ang napala niya dahil doon. Natatawang tumayo siya at hinawakan ang braso nito at mabilis na nag-mwestra para sa isang kajutsu throw. Mukhang nabigla si Rick pero sa bilis ng reflex nito at sa mas matinding training na pinagdaanan nito ay mabilis nitong naikawit ang kaliwang paa sa kanyang kaliwang binti para hindi niya maisakatuparan ang pagbalibag dito.

Sa halip, umangkla ang isang libreng kamay nito sa katawan niya habang ang isang paa ay itinukod at ginamit ang kanyang sariling pwersa para mai-angat siya sa ere na hindi niya napaghandaan. Ang nakakawit na paa nito kanina ay nagawa nitong pakawalan ng hindi niya namamalayan kaya ngayon ang katawan niya ay nasa balikat nito ready for a slam.

Hinintay niya ang paglapat ng katawan sa sahig. Sa halip, ang katawan niya ay tumalbog sa kalambutan ng kama. Natatawang bumalikwas siya ng bangon. Hinihingal man ay naiiling na pinapurihan niya ito.

"Kahit kailan talaga... Wala ka ring kupas... Rick... Ha!" sabi niya sa pagitan ng bahagyang paghahabol ng hininga.

"Ganoon pa lang ang ginawa natin hinihingal ka na. Mas bata ka sa akin Rovi. Mag-exercise ka naman para hindi ka ganyan'" pang-aasar nito sa kanya. Parang hindi man lang ito hiningal sa munting taijutsu nila.

"Ungas! Nagdya-jogging ako palagi. Wala lang time masyado sa gym!" depensa niya bagama't nakangiti.

"Kow! Busy ka ba para mawalan ng time? Mukhang iba ang ine-ehersisyo mo pare!" pang-iinis pa rin nito sa kanya.

"Bahala ka sa kung anong iniisip mo. Kay Jerick na lang ako magtatanong. Mukhang ayaw mong pag-usapan ang past ninyo." sabi niya rito sabay takbo palabas.

Nakita pa niyang natigilan ito bago pa nakahuma sa sinabi niya. "Ulol ka Rovi. Bumalik ka rito at babalian kita talaga." natatawang bumaba na siya ng tuluyan at isinara ang pinto.


SAMANTALA, masayang sinalubong ni Bobby ang Tiya Edna niya pagkababa, kahit na umuukilkil pa rin sa isipan niya ang nalaman niya at hinala tungkol sa bagong dating na si Jerick.

"Bobby. Anak... Naku, mabuti at ligtas ka." mangiyak-ngiyak na sabi sa kanya ng tiyahin.

"Tiya... Okay naman po ako. Kamusta po ang biyahe ninyo?" nag-aalala niyang tanong rito.

"Okay naman ako anak. Hindi ko lang maintindihan noong una kung bakit napakalayo ng ospital na pinagdalhan sa iyo. Ang sabi sa akin ay naaksidente ka raw sa Batangas. Nagtaka lang ako dahil ang alam ko ay nasa Quezon City ka lang anak." naluluha pa rin nitong sabi. Bakas ang pag-aalala sa mukha.

Hindi malaman ni Bobby ang isasagot sa tiyahin. Obvious na alam nito na may mali sa mga pangyayari. Kasi kung naaksiente siya kagaya ng pagkakasabi ng mga nagdala nito sa kinaroroonan niya ay bakit hindi sa ospital ang naging destinansyon ng mga ito.

"Ah, Tiya, saka ko na po ipapaliwanag ang lahat. Kasama ko po Mandarin na kasamahan ko sa club. Doon po muna kayo sa silid niya. Pangakong ipapaliwanag ko ang lahat ng dapat niyong malaman." mahabang sabi niya rito.

"Ku, ikaw na bata ka. Pinag-alala mo ako ng husto. O siya, sige at napagod ako sa biyahe, saka na ako magtatanong kung bakit wala tayo sa ospital. Ang akin lang ay salamat at walang masamang nangyari sa iyon. Maraming salamat mga amang." nilingon nito ang mga pinasalamatan na ngayon lang niya napansin.

Tinanguan niya ang mga ito at tumalikod na papunta sa kwarto ni Mandarin. Napatingin silang lahat ng kumalabog ang pintuan at kasunod noon ang tatawa-tawang si Rovi na nagmamadaling bumaba.

"Ay sino areng mga lalaking ito anak? Bakit kayo naririto?" mahinang tanong ng tiyahin niya.

"mamaya ko na po ipapaliwanag tiyang. Sa ngayon magpahinga po muna kayo." nakangiti at disimulado niyang yakag dito at ipinagpatuloy na ang pagpunta sa kwarto ni Mandarin. Kinatok niya ang babae at di nagtagal ay bumukas iyon. Ipinakilala niya ang tiyahin dito at saka nagpaalam na pupuntahan niya ang mga nagdala rito para kausapin.



"SARHENTO Jerick, pwede po ba kayong maka-usap?" tanong ni Bobby sa tinawag.

"Ah, tungkol saan?" nagtatakang tanong nito.

"Basta po. At kung maari sana, sa labas na lang tayo mag-usap." sabi niya saka tumingin kay Rovi.

Mukhang nakuha naman nito na nagpapa-alam siya rito kaya tumango na ito at tinungo ang kusina.

"Halika. Doon tayo sa labas." sabi ni Jerick sa kanya.

Nang makarating sa labas ay dumistansya siya ng bahagya dito.

"Ano iyong nais mong ipakipag-usap sa akin?" nakangiti nitong tanong bagama't may pagtataka sa boses.

Nag-alis siya ng bara sa lalamunan at itinapon ang pag-aalinlangan. "Ahm... Iyong tungkol sana sa narinig ko kanina, Sarhento."

"Anong tungkol doon?" sabi nito na mas tumindi ang pagtataka.

"Ah eh, ayon kasi sa narinig ko kanina na pagtatalo niyo nung si Tinyente eh, naisip ko kung b-bakla ka?" may alinlangan niyang tanong.

Nawala ang ngiti sa labi nito. "Paano mong naisip iyan?" sabi nito sa mapanganib na tono.

"Wala naman po akong ibang intensiyon. Naisip ko lang kasi yung sinabi ni Tinyente Rick na nakakita ka lang ng gwapo ay lumandi ka na." nalilitong tanong niya.

"At sa tingin mo, ikaw yung gwapo?" nakataas ang isang kilay na tanong nito.

"Hindi naman po masyado." alanganin siyang ngumiti.

"Huh, eh ano kung bading ako? Anong gagawin mo?" nanghahamong tanong nito.

"Wala naman po. Hindi lang ako kumportable sa bading." may katotohanang sabi niya rito.

"Huwag kang mag-alala tol. Hindi kita type. Pero clear ko lang. Hindi ako bading. Chickboy ako, pwede sa chicks, pwede sa boy." nakangiti ng sabi nito.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" mas nalilito niyang tanong.

"Na pwede siya sa babae, pwede rin sa lalaki. Na isa kaming silahis. Bakit? May reklamo ka?" boses iyon ni Rovi na nasa likuran niya na pala ng hindi niya nalalaman.

"Tumpak pare!" nag-high five pa ang mga ito.

Mas lalo naman siyang nalito. "May ipinagkaiba ba iyon sa bading? Di ba, bakla lang pumapatol sa kapwa lalaki?" nagtatakang-tanong ni Bobby sa dalawang Sarhento.

"Hindi naman kami sa lalaki lang naaakit. Pati rin sa babae. Kung tinitigasan ka sa babae kami rin. Yun nga lang pati sa kapwa namin lalaki." simpleng paliwanag ni Jerick sa kanya.

"Paanong nangyayari iyon?" nalilito pa rin siya. Aware siya sa mga ganoong klase ng tao. Pero ang malaman na ang mga katulad nila Rovi, Jerick at marahil na pati si Rick ay lubhang nakapagpamangha sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa totoo lang. Parang tinamaan siya ng kidlat sa pagkakatayo niyang iyon doon.

"Paanong nangyari? Hindi ako makapaniwalang wala kang ideya sa mga tulad namin." si Rovi na nakataas ang nakakunot-noong sabi sa kanya.

"Meron naman. Kaso,.." pinutol ni Rovi ang sana'y sasabihin niya.

"Kaso ano?"

"Kso, di lang ako makapaniwala na mga ganoon kayo. I mean, mga lalaking-lalaki hitsura niyo." frustrated niyang sabi.

"Bakit? Di ba kami mga lalaki sa tingin mo?" nakakalokong tanong ni Rovi.

"Hindi naman sa ganoon. What I mean is..."

"Uy, english! All right. What do you mean?" nakaka-insultong pigil nito sa sasabihin niya.

Namula ang mukha niya sa pagkapahiya. Hindi na lang niya itinuloy ang dapat na sasabihin. "Ang ibig kong sabihin ay wala sa hitsura ninyo ang pagiging silahis." desperado na niyang paliwanag sa mga ito.

Natatawang pinigilan ni Jerick si Rovi sa akmang pagsasalita. "Huwag ka ng mang-asar pare, kita mong nahihirapan na itong si Bobby. We'll take that as a compliment pare." Baling nito sa kanya.

"Wala pong anuman Sarhento." nahihiyang tumango siya rito. "Sige po." sabi niya ulit saka pumasok sa kanila.

Tumalikod na siya papunta sa loob ng bahay. Nalilito pa rin siya. Paakyat na siya sa kahoy na hagdanan ng bumukas iyon ay iniluwa si Rick. "Ah, Tinyente. Makikiraan po." sabi niya rito.

Walang imik na tumabi ito at lumagpas sa kanya. Akmang papasok na siya ng biglang nagsalita ito. "Pakitawag si Mandarin dito sa labas." iyon lang at walang lingon-likod itong lumapit sa nagtatawanan pang sila Rovi at Jerick.

Nakadama siya ng inis ng makita ang eksenang iyon. Mukhang minamaliit siya ng mga AC/DC na iyon. Naiirita niyang nilagpasan ang mga pulis rin siguro na tinapunan lang din naman siya ng tingin para puntahan sa kwarto si Mandarin.

Lumabas agad ito pagka-katok niya. "Tawag ka ng Tinyente na si Rick." sabi niya rito. "Sige." parang robot na sagot nito sa kanya sa pagtataka niya. Parang uneasy ito.

"Okay ka lang ba?"

"O-oo." Hindi lumilingong sagot nito. Pumasok na siya sa kwarto at kinausap ang tiyahin.



"KAMUSTA ka na Apple?" si Rick kay Mandarin. Nagtatakang tiningnan ni Rovi si Rick.

"A-apple?" takang tanong niya.

"Ah, si Apple nga pala. Siya ang informer sa loob ng club ni Park Gyul Ho." kaswal na sabi ni Rick sa kanya.

"What?" napamulagat siya sa sinabi nito.

"What, what ka diyan. Hindi ka makapaniwala no? Ang galing ko talaga Rick. Hindi ako nakilala ng mayabang mong tauhan." nangiinis na sabi nito sa kanya habang umaangkla kay Rick.

Sumama agad ang timplada niya. Nakakarami na ang babaeng ito.

"Bakit di mo sinabi sa akin Rick na ito pala yung taong itinanim mo sa club ng koreanong iyon." naiinis na sabi niya.

"Hindi ka naman nagtatanong pare." tinatamad na sabi nito.

"I don't believe this. Porke hindi ako nagtatanong..."

"Pwede ba? Huwag ka ng tumalak diyan at ang ingay mo. Nakalimutan mo na ba ang ibig sabihin ng "Undercover"?" sabi nito sa kanya with obvious mockery and disgust.

"Shut up, woman!" naiinis na sabi niya.

"Shut up ka rin!" balik nito sa kanya.

"Hindi ka ba talaga titigil?" nanggigigil na sabi niya.

"Hindi ka ba talaga titigil?" she parroted.

"Bitch!"

"Faggot!"

"That's it. I'm gonna kill you." nagagalit na siya ng husto.

"Oh, sure. C'mon sweetie, let me see you try!" kumalas ito sa pagkaka-angkla kay Rick at pumorma ng fighting pose ala Charlie's Angel.

Inawat siya ni Jerick samantalang iniharang naman ni Rick ang katawan kay Mandarin na Apple pala ang pangalan.

"Guys, stop it. Magkaka-kampi tayo rito. Peace!" sabi ni Jerick.

"You knew about this?" tanong niya rito.

"Yes."

"Shit!"

"What's the fuss Rovi? Kaya nga ito undercover diba? You don't expect Apple to just tell you that she's the one I planted on the club, do you?" tanong ni Rick.

Napahiya siya sa sinabing iyon. Kumakalmang inayos at pinakawalan ang sarili kay Jerick. Nauunawaan naman niya ang punto. Iyon nga lang, malakas mang-asar ang babaeng ito kaya nawalan siya ng paningin sa rason.

"I'm sorry guys. Sige pare, doon muna ako sa loob." sabi niya sa mga ito at naglakad patungo sa bahay.

"Ayun naman pala. Marunong ka naman palang mahiya. Masyado ka kasing mayabang eh, meron ka lang hindi nalaman nanggalaiti ka na agad. Ako nga na maraming alam sa kasong ito eh hindi na nagtanong nung sinabi ni Rick na Sabayan ko ang sa tingin kong bagong courier. Buti nga sayo." nang-aasar pa rin na sabi ni Apple/Mandarin sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito. Nanghahamon ang tingin nito. "You know what. Next time you think you know it all and you are perfect. Try walking on water, bitch!" maanghang niyang balik dito saka tinungo ang bahay.

Naiwan itong nakanganga at napapahiya ang hitsura.

"Serves you right." sabi niya sa isip.


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment