“Sabi ko na nga ba, mali ang naging desisyon ko na iwan si Lorenso sa puder mo eh!” sigaw ng isang babae.
Nakahiga ako sa isang malambot na kama, may makirot sa kaliwang kamay ko at pangmamanhid sa halos buong katawan ko, unti unti kong dinilat ang mata ko, nasisilaw ako. Masakit ang ulo ko. May makirot sa kaliwang bahagi ng mukha ko. Nang masanay ang mata ko sa liwanag nakita ko ang aking nanay, katabi nito ay ang aking kuya, sa kabilang bahagi ng kwarto ay si Dad.
“this is all your fault!” sigaw ng aking ina sa aking ama. Inaawat ni kuya si Mom at pilit pinapaupo.
“bakit ko to naging kasalanan?” tanong ng tatay ko.
“pabaya ka kasing ama! Wala kang inatupag kungdi ang mga pasyente mo!” sigaw ulit ng nanay ko.
“kinuwa mo si Enso sa custody ko para saan? Para pabayaan siya?!” sigaw ng nanay ko. Di na siguro nakayanan ng tatay ko at nag walk out na ito, at ang nanay ko naman ay napaupo at umiiyak.
“Ma, pahinga ka muna, ako na munang magbabantay kay Enso.” sabi ni kuya. Tumango lang ang nanay ko at lumabas na din ng kwarto.
Ganyan na sila kahit nung magkakasama pa kami sa iisang bahay. Away ng away, sigawan ng sigawan. Ganyan na talaga si Dad, may pusong bato. Si Mom naman bungangera na talaga, at si kuya ang mediator sa lahat ng bagay. Nang maghiwalay sila mom at dad, dahil sa laging pagiging busy ni Dad, kinuwa ni dad ang custody namin. It was like living in hell. Di nakatagal si kuya at lumayas na ito, tinustusan ang sariling pagaaral sa Manila, at dahil maliit pa ako, ako ang naiwan para saluhin lahat ng pagkasama ng ugali ni Dad.
“Enso?” napatingin ako kay kuya.
“kuya.” sabi ko at napahagulgol na ako. Sinubukan ko siyang abutin para yakapin pero di manlang ako makaupo at ng iabot ko ang kanang kamay ko, nagulat ako dahil may nakalagay na swero dito.
“shhhh, pahinga ka lang.” pinahiga ulit ako ni kuya, at naalala ko lahat ng nangyari. Huli kong natatandaan ang pagyakap sakin ni Sam.
“kuya si Sam?” tanong ko kay kuya pero iyak na ako ng iyak. Ramdam kong maga parin ang kaliwang bahagi ng mukha ko. Niyakap ako ni kuya.
“wala na si Sam.” mahinang sagot sakin ni kuya. Kahit papano ineexpect ko na ang sagot na yun, pero napahagulgol parin ako. Iyak ako ng iyak, kahit isang linggo na ang nakaraan, walang tigil parin ang iyak ko.
00000oooo00000
KRINGGGGGGGGGGG! Napabalikwas ako sa kama, naramdaman ko nanaman ang sakit sa kaliwang kamay ko. Pumunta ako sa banyo at binuksan ang medicine kabinet. Nakita ko ang pain reliever na inireseta ng doktor ko, inilagay ko ito sa loob ng bibig ko at nilulon ito. Isinara ko na ang medicine cabinet, nakita ko ang sarili ko sa salamin. May mga bakas pa ng natuyong luha sa mga mata ko. Naaalala ko nanaman si Sam. Ang mga hirit niya, ang mga pagpapakilig niya sakin ang mga kakesohan. Lahat lahat. Pero may isa ring taong pilit sumisiksik sa utak ko, pero pilit itong ipinaluluwa ng puso ko.
00000oooo00000
“haist! Ang galing nung ginawa kanina ni Jon, di ko akalain na yung kulokoy na yun eh capable na gumawa ng ganun.” pagkwekwento ko kay Sam habang papunta kaming mall para maghapunan.
“tapos yung project niya for biology eh interesting din, no wonder kung makakalaban ko siya...” di ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang kabigin ang manibela papunta sa shoulder ng high way.
“ano ka ba Sam! Buti na lang walang sasakyan sa kanan!” sigaw ko sa kaniya, pagtingin ko sa mukha niya madilim ito.
“Sam? May problema ba? Kanina naman nung umalis tayo sa school nangiti ka pa.” di siya sumagot. Matagal kaming nanahimik, galit na galit siya, mahigpit ang hawak niya sa manibela, at daretso lang ang tingin niya.
“Sam kausapin mo naman ako. Ano bang ikinagaganyan mo? May nasabi ba akong di maganda?” tanong ko.
“manhid mo talaga.” nagulat ako sa sinabing yun ni Sam. “you've been talking about Jon for 15 minutes already.” pero imbis na magseryoso ako, tinawanan ko lang siya.
“nagseselos ka?!” sigaw ko sabay tawa ng malakas.
“bakit? Di ko kasi matatanggap kung don mo ako ipagpapalit, loser kaya yun, ang korny korny manamit, kachupoy ang buhok. Di hamak namang gwapo ako dun!” pagmamaktol ni Sam. Dercho lang ako sa pagtawa.
“ano bang nakakatawa?” tanong ni Sam, na medyo natatawa na din.
“ang cute mo pala kasing magselos.” sabi ko at pinisil ko ang ilong niya.
00000oooo00000
“Bwisit na traffic!” Sigaw ng isip ko habang binabaybay ang coastal road, napatingin ako sa mga bahayan sa aking kanan. May isang basketball court don. “panahon nanaman pala ng liga.” sabi ko sa sarili ko, nung makita kong nagpipilahan ang iba't ibang team ng bawat barangay.
00000oooo00000
“HAPPY ANNIVERSARY ENSO!” sigaw ng mga cheer leaders na ikinagulat ko. Laro ng school namin laban sa isa pang school, kasalukuyang halftime noon, kaya kesa makipagdaldalan oh kumain ng hotdogs nagbasa na lang ako ng notes ko. Di mapigilan ang ilan na magtanong kung sino ang Enso na isinisigaw ng cheerleaders, at sa ilang nakakakilala sakin, ay napatingin na lang sakin.
“got my message?” bati sakin ni Sam nung inintay ko siya pagkatapos ng laro niya.
“yup got it.” ngiti kong sabi.
“nakalimutan mo no?” pangaasar na tanong ni Sam.
“Oo nga eh, bwisit kasing algebra exams yun!” nakita kong nalungkot si kumag. Padabog na binuksan ni kumag ang kotse at ibinato ang bag niya sa backseat. Nagdrive na pauwi si kumag, nakasibanghot nanaman ang mukha. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero hinahawi niya ito. Tinanggal ko ang seatbelt ko at inabot ang bag ko sa back seat.
“ano ba yang ginagawa mo? Umayos ka nga ng upo!” utos sakin ni Sam habang nakasibanghot parin ang mukha. Iniabot ko sa kaniya ang isang maliit na box. Nagulat siya dito, dahan dahan niyang binuksan sa may tapat ng manibela. Napangiti na si kumag.
“tampo tampo ka pang bwisit ka!” naiirita kong sabi. Napatawa siya. Hinawakan niya ang kamay ko, pero this time hinawi ko ito. Tumingin ako sa may bintana. Tumigil bigla ang kotse sa gitna ng kalsada. Nagulat ako. Nagsisimula ng bumusina ang mga sasakyan sa likod namin. Tumingin ako kay Sam, nagulat ako ng hubarin niya ang seatbelt niya at lumapit sakin. Hinalikan ako sa labi, napatagal yun. Busina na ng busina ang mga sasakyan sa likod.
“Ilagay mo naman tong ibinigay mo saking singsing.” sabi ni Sam. Sinuot ko ang singsing at niyakap ulit siya.
“Sam, Mahal na Mahal kita at hindi kita ipagpapalit kahit kanino hangga't nabubuhay ako. Promise.” sabi ko kay kumag, sabay titig sa mukha niya at haplos sa pisngi niya. Kitang kita ko ang saya sa mga mata niya. Hinawakan ko ng isang daliri ang kaniyang labi, napakalambot nito, masarap halikan. At nang magsawa na ako sa kakatitig sa kaniya ay hinalikan ko na siya sa labi.
00000oooo00000
Isang sakit sa kaliwang kamay ko ang bumasag sa pagmumunimuni ko. “urghhh! Bwisit na kamay to! Pag di ka tumigil ipapaamputate na kita!” sabi ko sa sarili kong kamay. Pumunta akong quarters, kumuwa ng isang pain reliever sa bag ko. Nagulat ako ng biglang may kumanta sa likod ko.
Naiinis na ako sa iyo
Akala ko biglang nabuhay si Sam, nakikita ko siya ngayon, nakanta. Ang mukha ni Sam nagiging mukha ni Jon. Umiling iling ako para malaman na hindi ako nananaginip.
Bakit mo ba ako ginaganito
Ikaw ba ay naguguluhan sa 'king tunay na nararamdaman sa iyo
Ano pa bang dapat na gawin pa
Nagpapalakpakan na ang mga doktor na kasma ko sa quarters na yun, kinikilig siguro, tinignan ko ulit si Jon, may pumasok na isa pang nurse na lalaki at kinuwa ang gitara kay Jon. Tuloy parin sa pagkanta si Jon. Tinitigan ko siya. Nakikita ko nanaman sa kaniya si Sam. Umiling ulit ako.
Sa 'king pananamit at pananalita
Upang iyong mapagbigyang pansin aking paghanga at pagtingin sa iyo
Wag mo na sana akong pahirapan pa
Kung ayaw mo sa 'kin ay sabihin mo na
Wag mo na sana akong ipaasa sa wala
Oo na mahal na kung mahal kita
Ano pa bang dapat na gawin ko
Upang malaman mo ang nadarama ko
Upang iyong mapagbigyang pansin
Aking paghanga at pagtingin
Sa iyo
Oo na mahal na kung mahal kita
Nang matapos ang kanta, lalo akong napatitig kay Jon, nginitian niya ako ng pagkatamis tamis. Bumalik ako sa oras na babangga samin ang truck. Kinalas ni Sam ang seatbelt niya at yumakap sakin.
“Mahal na mahal kita Lorenso Santillan.” muli ko nanamang narinig ang boses ni Sam. Nageecho, mukhang galing sa kalooblooban ko, napabuntong hininga ako.
Sumakit nanaman ang pilat sa kaliwang kamay ko. Tumulo ang mga luha ko. Tinignan ko ang pilat at kinapakapa ito ng kanang kamay ko. Napatingin ako kay Jon, napansin kong nakatingin din pala siya sa pilat ko. Alam na niya marahil ang iniisip ko. Malungkot ang mukha.
“Sam, Mahal na Mahal kita at hindi kita ipagpapalit kahit kanino hangga't nabubuhay ako. Promise.”sabi ng aking sariling puso. Tila pinapaalala ang aking pangakong binitiwan.
“I'm sorry Jon, di ko maibibigay ang hinihingi mo.” mahinang sabi ko sa nagiintay na Jon sa harapan ko.
Itutuloy...
[07]
Nakita ko na lang ang sarili kong sinusuntok ang punching bag. Sampung minuto? Kinse minutos? O isang oras na akong nagsususuntok dito? Hindi ko na matandaan, ang alam ko, mahapdi na ang mga kamao ko. Basang basa na ng pawis ang scrub suit ko at ang white coat ko ay may mga bahid na ng dumi. Galit na galit ako. Alam kong gusto ko rin si Jon pero may pwersang tumitigil sakin para ituloy ang nararamdaman ko. Nagagalit ako kay Sam, sa sarili ko at sa tadhana.
“Enso?” tawag ni Jon sa likod ko.
“Is this about Sam?” malungkot na tanong ni Jon. Napatigil ako.
“Sam is no longer with us. Why don't you give yourself a chance to be happy.” sabi ni Enso. Itinuloy ko ang pagsuntok sa punching bag. Humahapdi na ng humahapdi ang kamay ko.
Niyakap ako ni Jon para pigilan ako sa pagsuntok sa punching bag, pinapatahan niya rin ako kasi di ko namalayan na naiyak narin pala ako. Kumawala ako sa kaniya. Nagulat siya sa ginawa kong yun.
“Sam's dead, Enso!” sigaw ni Jon sa likod ko, napahinto ako sa paglalakad. Ang sakit ng sinabi niyang yun.
“I know I can never replace Sam in your heart, pero wala na siya! Andito pa ako, buhay na buhay at handa kang mahalin! Ako na lang ang mahalin mo. Bakit hindi mo tanggapin na wala na si Sam? Bakit hindi mo tanggapin na hindi mo na mararamdaman ang pagmamahal na hinahanap mo galing sa kaniya?!” pahabol na sigaw ni Jon.
“No one can replace Sam!” sigaw ko sa kaniya sabay harap. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata ni Jon.
“You taught me how to live, but it was Sam who taught me about love and how to love at its best. So yes, YOU can never replace Sam. NEVER!” singhal ko kay Jon sabay lakad palayo sa gym.
Di ko maintindihan ang sarili ko, alam kong gusto ko rin si Jon, sinong hindi magkakagusto sa kaniya, gwapo, mabait, matalino at sweet. Pero hindi ko kayang kalimutan si Sam, parang nagtataksil ako sa kaniya tuwing kasama ko si Jon, ayokong makalimutan ang isang Simon Apacible, ang buhay ko.
“Ano ka ba baks?! Di mo naman kakalimutan si Sam eh. Don't you think it's time for you to be happy naman? Don't you think its time for you to let Sam be a part of your past na?” panenernong sabi sakin ni Cha.
“hindi ko pwedeng i-isang tabi lang si Sam.” mahinahong sabi ko kay Cha.
“Sam is dead.” pagpapaintindi sakin ni Cha.
“I know.”
“Jon likes you.”
“I like him too.” sagot ko. At binatukan ako ni Cha ng ubod ng lakas.
“Ang arte mo talaga! Ganito lang yan eh. Natatakot ka lang kasi na mawala yung konting alaala ni Sam na pinanghahawakan mo kaya hindi ka makagawa ng mga bagong alaala kasama si John.” sabi ni Cha, natameme ako sa sinabi niyang yun. Tama siya, yun nga marahil ang problema ko.
Ilang buwan na ang lumipas, pero hindi parin kami naguusap ni Jon, tuwing magkakasalubong kami, laging may isang iiwas. Inaamin ko kahit papano ay namimiss ko din siya. Yung mga hirit niya, yung mga sweet talks, ang mga pagpapakilig niya. Pero mali kasi kung ipipilit ko pa.
Isang araw habang nagra-rounds ako sa hospital at nagsususlat ng bagong order sa mga metal chart, napansin kong dumadalas ang agkirot ng aking kaliwang kamay. Nung mga nakaraang araw di ko na ito masyadong pinapansin, pero iba ngayon. Napansin kong may nakatingin sakin, lumingon ako at nakita ko si Jon sa likod ko, marahil napansin niyang himas himas ko rin ang aking kaliwang kamay. Malungkot ang mga titig ni Jon sakin.
00000oooo00000
“Baks! Punta tayo Tagaytay!” aya sakin ni Cha, habang inaayos ko ang gamit ko para sa paguwi.
“pagod ako whole week Cha, pwedeng next time na lang?” sabi ko kay Cha.
“Baks naman! Saglit lang, road trip lang tayo.” pagpupumilit ni Cha.
“di ko dala sasakyan ko.” sabi ko.
“bus tayo!” matipid na sagot ni Cha. Wala na akong nagawa, nagpunta kami sa may Pasay at sumakay ng bus papuntang Mendez.
“ay manong! Inatyin niyo ako ah, nakakita kasi ako ng donut oh, wait lang bili lang ako saglit!” excited na sabi ni Cha sa konduktor.
“sure Miss Beautiful.” sagot nung konduktor sabay kindat.
“Cha, dun ka na lang bumili sa Tagaytay!” pagpigil ko sa kaniya.
“ano ba baks! Gutom na gutom na ako!” sigaw ni bruha sakin, sabay lakad sa pasilyo ng bus. Pinabayaan ko na lang ang bruha sa gusto niya, binuksan ko ang ipod ko at isinukbit ang earphones. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Napatingin ako dito at nagulat, si Jon pala. Biglang umandar ang bus dahandahan palabas ng terminal at napatayo ako, tinanaw ko kung nakasay na pabalik si Cha, walang Cha na naglalakad sa pasilyo ng bus pabalik sa upuan niya. “Nalintikan na.” sabi ko sa sarili ko. Tumingin ako sa may bintana at nakita ko ang bruha na ngumunguya ng donut at nakangiting pangdemonya.
“umupo ka na, baka biglang magbreak yung bus.” mahinahong sabi ni Jon.
“plinano niyo ba to? Excuse me bababa ako.” sabi ko kay Jon. Pero hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo ulit.
“isipin mo na lang na asa anger management class ka pa ulit namin ni Cha.” mahinahong sabi ni Jon, napatingin ako sa mata niya. Nagmamakaawa ito. Umupo ako at pinabayaan na lang siya sa gusto niya.
“san ba tayo pupunta?” tanong ko kay Jon.
“wag kang magaalala, di PA kita rereypin.” ngumiti ito na pangdemonyo. Ibinalik ko na lang ang earphones sa tenga ko at sumandal, ipinikit ko na ang mga mata ko. Tutal mukhang di naman ako sasagutin ng maayos nitong kumag na to.
Naramdaman ko na lang na bigla akong nilamig. Pagdilat ko nakasandal na pala ako sa balikat ni mokong, “ambango niya” isip ko, tinignan ko siya, tulog din. Di muna ako umalis sa ganoong posisyon. Sa halip mas lalo ko pang idinikit ang ilong ko sa dibdib niya.
“di kaya maubos ang amoy ko niyan?” sabi ni mokong, napadaretso naman ako ng upo bigla. Nagtutulugtulugan lang pala si kumag. Napahiya tuloy ako.
“oh bakit mo inalis ang ulo mo? Sige sandal ka lang. Ok lang.” takang tanong ni Jon, hindi siya nagloloko, seryoso ang mukha niya.
“ah eh, wag na nkakahiya naman sayo.” nahihiya at giniginaw kong sabi. Tumingin ako sa labas at nakita kong nasa Aguinaldo hiway na kami. Iniabot sakin ni Jon ang isang jacket.
“thank you.” mahinang sabi ko. Napatingin ako sa kaniya, seryoso parin ang mukha niya. Nagulat ako ng bigla niya akong hinablot at pilit pinasandal sa balikat niya. Umakbay naman siya sakin, namiss ko ang may yumayakap sakin ng ganon. Aayos sana ako ng upo, pero pinigil ako ni Jon. “dito ka lang.” mahinang sabi niya. Di na ako nakapalag. Di nagtagal nakatulog na ulit ako.
00000oooo00000
I'll be loving you forever
Deep inside my heart
You'll leave me never
Even if you took my heart
And tore it apart
I would love you still...forever
You are the sun
You are my life
And you're the last thing on my mind
Before I go to sleep at night
You're alwayz 'round
When I'm in need
When trouble's on my mind
You put my soul at ease
There is no one in this world
Who can love me like you do
So many reasons that I
Wanna spend forever with you
I'll be loving you forever
Deep inside my heart
you'll leave me never
Even if you took my heart
And tore it apart
I would love you still...forever
Nagising ako sa ingay na ginagawa na yun ni Sam, hindi man maganda ang boses ni kumag, gustong gusto niya paring ginagamit ito.
“Ingay mo naman!” saway ko sa kaniya.
“aba! Ikaw kasi, tinulugan mo ako! Kita mong limang oras na akong nagdadrive dito oh.” nakasibanghot na sagot sakin ni Sam. Tinignan ko siya, halatang nainis ang kumag. Tinanggal ko ang seat belt ko at lumapit sa kaniya, sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at dun pinagpatuloy ang pagtulog.
“Antukin!” mahinang sabi ni Sam. Napangiti naman ako.
00000oooo00000
Naramdaman kong may parang mga buhangin na bumabagsak sa mukha ko. Pagdilat ko andun si Jon na kumakain pala ng buko pie. Tumingin ito sakin at ngumiti.
“bababa na tayo mayamaya.” sabi nito. Umupo ako ng maayos at pinagpag ko naman ang mukha ko ng mga mumo mula sa kinakain niyang buko pie, sabay tingin kay Jon ng masama.
“ay sorry, gusto mo ba?” sabay pagpag niya sa mukha ko. Tinignan ko ang lalagyan ng buko pie na inaalok niya, nakita kong may isang slice na lang ng buko pie ang natira. Umiling ako.
“ok, sakin na to ah.” sabay kain ni Jon sa natirang slice, natawa naman ako, antakaw kasi ni mokong. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti ito ng matamis. At naalala ko ulit ang napanaginipan ko kanikanina lang. Nang matapos ang kinakain, tumayo na si mokong at inabot ang kamay ko.
“halika na, lapit na tayo dun, malapit na tayong bumaba.” at inalalayan niya akong tumayo.
Pagkababa namin ng bus, tumingin ulit siya sakin. Nakita kong may piraso pa ng buko pie sa labi niya, pinunasan ko ito, nagulat kami pareho sa ginawa ko, bumawi na lang ako ng tingin at ibinaling ang tingin ko sa isang pamilyar na bahay sa kabilang kalye. Napakunot ang noo ko. Bahay iyon ng mga lolo at lola ko. Imposibleng alam ni Jon ang lugar na ito, wala akong nabanggit sa kanila ni Cha tungkol dito. Pilit ko ring inaalala kung may nabanggit nga ba ako. Tumawid kami at nag doorbell sa may gate.
“anong gagawin natin dito Jon?” mahinang tanong ko sa kaniya.
“I've been in touch with your brother.” sagot ni Jon. Alam ko na ang ibig niyang sabihin, may isang linggo na ang nakakaraan ng tawagan ako ng tita ko, kapatid ni Daddy, meron daw sakit si Dad, at sana daw ay makadalaw ako dito. Tahimik lang ako, hindi ko magawang tumalikod, alam kong panahon na din para makausap muli si Dad.
Di pa man ako nakakapasok sa bahay ay nanlalamig na agad ako, hinawakan ni Jon ang kamay ko, kinakabahan. Ganun parin kaya si Dad? Siya parin kaya ang tatay kong walang puso? Humigpit ang hawak ni Jon sa kamay ko. Sinalubong kami ni kuya.
“kanina ka pa iniintay ni Dad.” sabi ni kuya, sabay yakap sakin ng mahigpit, hindi siguro niya napansin ang paghawak ng kamay ni Jon sa kamay ko.
“ano bang balita?” tanong ko kay kuya.
“its cancer, liver cancer stage 4.” sabi ni kuya na ikinagulat ko. sinamahan niya kami hanggang sa kwarto ni Dad, di ko naman maiwasang magtaka, kung galit ako kay Dad, mas lalo na si kuya, pero eto siya ngayon mas nauna pang magpatawad kay Dad kesa sakin. Habang papalapit ako ng papalapit kay Dad, nararamdaman kong nanginginig ako. At gustong gusto ng tumulo ng mga luha ko.
“Enso?” mahinang tawag sakin ng aking ama.
“Dad?” sabay lapit sa higaan ni Dad, kitang kita ang pagbagsak ng timbang ni Dad, dumami ang puting buhok, at gumaralgal ang boses.
“musta ka na anak? Balita ko you're doing well sa hospital ah.” at isang ngiti ang ibinigay niya sakin. Tumango lang ako.
“I'm so proud of you, anak.” at naiiyak na ang aking ama. “alam kong di ako naging mabuting ama.”
“shhh Dad ok na yun.” mahinang sabi ko.
“sana mapatawad mo ako.” at nakita kong tumulo ang mga luha sa mga mata ng aking ama. Pinahiran ko ito gamit ang aking kamay, inabot ito ni Daddy at hinawakan.
“salamat anak, salamat. Mahal na mahal kita, kayo ng kuya mo.” tumayo ako at hinalikan si Dad sa noo.
“love you too Dad, saka sorry din sa lahat ng mga nasabi ko dati. Pahinga na kayo Dad, bukas na tayo magusap, importante makapagpahinga kayo. Bukas ipagluluto ka namin ni kuya ng pancakes and waffles.” at isang ngiti ang binigay ko sa kaniya. Ngumiti si Dad at tumango.
“gusto ko iyan anak. Salamat.”
Lumabas ako ng kwarto ni Dad, huminga ng malalim at di ko na napigilang tumulo ang aking mga luha. Kasunod ko si Jon at si kuya, niyakap ako ni Jon. Napayakap narin ako sa kaniya. Nakita ko namang nakatingin samin si kuya.
“magkatabi ba kayong matutulog?” tanong ni kuya na ikinagulat ko naman.
“Opo”... “hindi ah!” sabay naming sabi ni Jon. Napangiti si kuya.
“I mean uuwi kami.” sagot ko kay kuya, at tinignan ng masama si Jon.
“dito na kayo matulog Enso, halatang pagod pa kayo. Saka sabi sakin nitong si Jon may pupuntahan pa daw kayo bukas.” at ngumiti ito.
“eh san mo patutulugin tong si Jon?” tanong ko kay kuya, kasi medyo may kaliitan din yung bahay.
“magtabi na kayo dun sa guest room. Ok lang na mabuntis ka Enso, may tarbaho nanaman kayo eh, kaya nyo nang sustentuhan ang bata pagnagkataon.” at humalakhak si kuya.
“tado!” sabi ko kay Kuya.
“and besides, Jon looks like the marrying type.” pahabol na pangaasar ni kuya.
“Tantanan! Pwede?!” sigaw kong balik kay kuya. Habang si Jon naman ay nangingiti lang sa gilid.
Habang nasa kwarto kami, wala kaming imikan ni Jon. Nanonood lang ako ng TV, habang siya ay nagpapatuyo ng buhok. Mayamaya nangulit nanaman ang mokong.
“palabiro pala kuya mo no?” tanong nito sakin.
“Oo, kumag yun eh.” sagot ko naman sa kaniya, habang nakatutok ang mata ko sa palabas na Rubi.
“at least siya boto sa akin.” mahinang sabi ni Jon. Napatigil naman ako sa sinabi niyang yun.
“tulog na tayo?” pagiiba ko sa usapan.
“ok sige.” sabi ni Jon, sabay patay ng ilaw.
“ayoko ng nakapatay ang ilaw.” sabi ko. at binuksan ulit ang ilaw sa tabi ng kama.
“eh di ako makakatulog pag nakabukas ang ilaw eh.” sagot ni kumag. At patay ulit ng ilaw.
“eh pano naman ako makakatulog kung papatayin mo yang ilaw?” tanong ko. biglang bumukas ang pinto, at bumulaga si kuya.
“para kayong magasawa!” sabi ni kuya, sabay halakhak at sara ng pinto.
“sige na iiwan na lang na bukas yang ilaw, pero yayakap ka sakin.” kundisyon ni Jon.
“Wag na! Sige patayin mo na lang.” sabi ko.
“ayun naman pala eh, susuko ka rin naman pala eh.” pangaasar ni Jon.
Di pa man nagtatagal ay narinig kong humilik si kumag, at hindi na talaga ako nakatulog.
Itutuloy...
[Finale]
Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa kalapit na kusina, Naririnig ko ang kalansing ng kutsara't tinidor, pumunta muna ako saglit sa kalapit na banyo. “Oo nga pala, nangako ako ng isang masarap na almusal para kay Dad” sabi ko sa sarili ko, nagmadali akong naghilamos at nagsipilyo. Paglabas ko ng kwarto, nakita kong nakaawang ang pinto ni Dad, sinilip ko ito, nagbabasa ng isang medical book at mukhang aliw na aliw, lumapit ako sa kaniya at binati ng goodmorning. Hinalikan ko ito sa noo at pinabayaan nang bumalik sa pagbabasa.
Naglakad ako palayo sa aking ama at pupunta sana sa kusina ng marinig ko si Jon at si kuya na nagtatalo sa pagluto ng pancakes at waffles. May mga bahid ng harina sa pisngi ang dalawa at ang kalat kalat na ng work table, may mga egg shells na nagkalat, nagkalat na rin ang mga bag ng harina at boxes ng mga ready mix. Napatitig ako kay Jon, habang binabasa ang instructions sa likod ng isang ready mix box. Naguguluhan parin ako sa aking nararamdaman, ginagawa ito lahat sakin ni Jon, inaayos niya ang gulo na naiwan ni Sam, he's been helping me with my personal issues, at higit sa lahat mahal niya ako at hindi siya nahihiyang iparamdam ito sakin.
“Alam mo anak, wag mong pigilan ang nararamdaman mo para sa kaniya.” sabi ni Dad na hindi ko namalayan na asa likod ko rin at tinitignan din ang dalwang kulokoy sa pinaggagagawang kalokohan sa may kusina.
“Kahit ano pa man ang dahilan mo sa pagipit ng nararamdaman mo sa kaniya, hindi yun sapat na dahilan para i-deprive ang sarili mo sa pagmamahal na maaari mong matanggap. Everyone deserves to be happy.” mahabang sabi ng aking mahinang ama. Lumabas siya sa pinagtataguan namin.
“Matt, Matt, Matt. You are not born to stay at the kitchen for more than 5 minutes. Hayaan mo na samin ni Enso yan.” pagawat ni Dad kay kuya sa paghahalo ng ingredients. Napatingin ako kay Dad, alam kong nararamdaman niya ang pagaalinlangan ko, at alam niya ang maaring dahilan.
Naging masaya ang agahan na iyon, sa wakas after a long long time, our Dad actually became a Dad. Nagtimpla ng kape si kuya at Jon. Belgian waffle, pancakes and a coffee made my day.
“so Jon, seryoso ka ba dito sa anak ko.” nasamid naman ako bigla dun sa tanong ng tatay ko na yun, biglang bumalik ang pagiging strikto nito.
“opo Sir, though di pa ako sinasagot ng anak niyo.” sa pangalawang pagkakataon nasamid nanaman ako.
“well, you have my blessing, hijo. Siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan ang isang to.” sabi ni Dad sabay tapik sa balikat ko.
“Dad, I think I know kung bakit natatagalan tong si Enso na sagutin si Jon.” sabat ng kuya ko.
“shut up kuya.” singhal ko kay kuya. Pero si Jon na ang nagtuloy sa ikinatatakot kong sagot.
“he's still in love with Sam.” malungkot na sabi ni Jon.
“I wouldn't blame him...” sabay tingin sakin ni Dad. “Sam was his strength, nung mga panahong dina-down ko si Enso, it was Sam who's always by his side. So I wouldnt blame him for loving Sam, even after Sam died.” naluluhang sabi sakin ni Dad. Napayakap na lang ako sa aking Ama. At napaluha na din.
“So make sure that you are worth Enso's love.” pahabol na sabi ng aking ama kay Jon. At napansin ko si kuya na tumatango tango na lang.
“don't worry Mr. Santillan, I'm willing to show Enso here, how serious I am about my feelings for him.” at sa pangatlong pagkakataon nasamid nanaman ako, at sa pagkakataong ito kailangan na akong dagukan ni kuya para lang makahinga ng maayos.
Pagkatapos ng masayang almusal na iyon ay pinagpahinga na muna namin sa kanyang kwarto si Dad. Kinausap saglit ni Jon si Dad sa loob ng kwarto, parang nagpapaalam, lalapit sana ako ng bigla akong hatakin ni kuya sa isang tabi.
“Jon's a keeper, don't mess up this time.” seryosong bulong sakin ni kuya. Lalo tuloy akong napaisip sa sinabi niyang yon.
00000oooo00000
“San ba tayo pupunta Jon?” tanong ko sa kaniya habang mane-maneho niya ang kotse ni Kuya.
“basta.” matipid na sagot ni Jon. Nagulat ako nang tumigil kami sa tapat ng simbahan.
“dito ka na lang muna. Punta lang akong CR.” paalam sakin ni Jon.
“Iwan ba ako dito?” sigaw ko kay Jon, pero hindi ko na siya napigilan pa.
Mula sa sasakyan ay tinanaw ko ang simbahan, nakagayak ito, “meron sigurong ikakasal.” isip isip ko. dahil sa pagkainip ay lumabas narin ako sa sasakyan, naglakad konti at nilanghap ang sariwang hangin. Nakita ko sa karatula na malapit sa simbahan ang pangalan ng simbahan. “Our Lady of Lourdes Parish church.” di ko mawari pero kinabahan ako. At sa baba ng karatulang yun ang “donated by Mr. and Mrs Apacible.” lalo akong kinabahan at may kasama na ngayong pangingilabot.
“BAKS!” sigaw ng isang pamilyar na boses, na bumasag saking pagiisip.
“Cha?! Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya at ng makalapit sakin si bruha at isang malutong na batok ang binigay ko sa kaniya.
“ARAY! Baks naman kagalang galang ako ngayon oh, can't you see?! I'm wearing a dress made by Gelai Agustin! Kaloka ka! Tas babatukan mo lang ako ng bongga!” sabi ng bruha. Napatingin ako sa kaniya at dun ko lang nakita na nakagown nga ang bruha.
“bakit ka nga andito?! At bakit mo ako iniwan sa terminal ng bus?!” sunod sunod na tanong ko sa kaniya.
“kasal ni kuya Ed. Ok na yun Baks para magkatuluyan na kayo ni Jon! Nasan nga pala si Jon?” sagot sakin ni Cha na ikinataka ko naman.
“si Ed? Ikakasal? Akala ko ba sila ni Migs?!” tanong ko ulit kay Cha.
“aba't naginarte pa pareho, ayun nauwi tuloy sa kasalan sila Lei at kuya. Pero alam ko si Migs ang mahal ni kuya at si Migs naman ay mahal na mahal si kuya Ed.” mahabang sagot ni Cha.
“ha?! E bakit di mo pinigilan?” tanong ko sa kaniya.
“tama ba ang narinig ko, hija?” tanong ng isang magandang babae sa likod ko.
“ah eh, Mama, this is Doc Enso, doc si Mama.” pagpapakilala ni Cha sakin at sa Mama niya na nauutal utal pa.
“I thought Migs is your boyfriend, hija?” tanong ulit ng Mama ni Cha.
“It was all for a show, Mama. Sorry kung nagsinungaling kami.” paghingi ng patawad ni Cha sa Mama niya.
“tama ba ang narinig ko? Si Migs ang mahal ng kuya mo?” tanong ulit ng Mama ni Cha.
“yes Mama.”
“then your kuya is making a big mistake. Asan siya?! Kakausapin ko. hindi pwedeng magpapakasal siya then magsisisi lang siya at the end. I text mo si Migs, tanong mo kung asan siya.” utos ng Mama ni Cha sa kaniya. Tumango lang si bruha.
Umalis sila ng sabay na animo'y wala ako sa tabi nila, “ay iwan ako bigla?” sabi ko sa sarili ko. naglakad lakad ulit ako, at napunta ako sa side chapel, nag antanda at naupo saglit sa mga mahahabang upuan na andun. Naririnig ko ang wedding bells at ang tugtog na hudyat na andyan na ang bride. “napigilan kaya nila Cha si Ed?” tanong ko sa sarili ko, pero hindi ko narin nagawa pang sagutin ang mga katanungan na iyon.
May napansin akong isang parihabang hugis sa pader ng simbahan, napapalibutan ito ng ilang magagandang bulaklak at ilang naka halerang kandila. Nilapitan ko ito. Naninikip ang aking dibdib, bawat apak papunta sa puntod na aking nakita ay pabigat ng pabigat, bawat tibok ng puso ko ay rinig na rinig at damang dama ng katawan ko, kasabay ng mga ito ang patulo ng mga luha ko.
“I Love You Lorenso Santillian.”
“uso pa ba ang harana...”
“hep hep hep! Mag ce-celebrate pa kaya tayo. Nanalo kami oh, saka ang galing galing ko kaya kanina sa laro.”
Tuloy tuloy lang ang mga alaala na paulit ulit na tumatakbo sa isip ko, hindi ako makapaniwala, ang katotohanang pilit iniluluwa ng isip ko simula nang maganap ang aksidente ay naririto ngayon sa harap ko, napaluhod ako, di alintana ang tigas ng sahig, di alintana ang dumi nito, wala paring tigil ang pagpatak ng mga luha ko, habang kinakapa ang pangalan na nakaukit sa lapida. “Simon Apacible.”
“kuya, please I need to get out of this hospital! I need to see Sam!” sigaw ko kay kuya nang maalimpungatan ako.
“Sam is dead, Enso.” sagot ni kuya na ikinatahimik ko.
“kailan ang li..libing?” nauutal kong tanong kay kuya.
“tomorrow.” pagkasabi niyang yun, animo'y hinigop ang lakas sa buong katawan ko, nanlumo sa katotohanang narinig, nanlumo sa ideyang hindi ko na makikita ang pinakamamahal ko. napahagulgol ako. Wala narin akong pagkakataong makadalo pa sa libing, bali ang aking kaliwang paa, at maga parin ang aking kaliwang mukha. Lalo akong nanlumo, maski sa huling pagkakataon di ko na siya makikita.
“Sam, With you is where I'd rather be. But we're stuck where we are and it's so hard, you're so far.”
Sa gitna ng aking pagiyak na realize ko na maaring ito na ang iniintay ng puso ko, ang pagtanggap ng utak ko sa katotohanang hindi ko na makikita pa at mahahawakan si Sam, na hindi ko na mararamdaman ang pagmamahal niya, na isa na lamang siyang alaala. Sa puntong yon natanggap na ng sabay ng puso ko at ng aking utak ang realisasyon, na wala kay Sam ang aking kasiyahan, maari noon naging masaya ako sa kaniya, pero ngayon, kailangan ko na ngang tanggapin sa sarili ko na hanggang alaala na lang ang lahat, at kailangan ko ng bigyan ng pagkakataon ang sarili ko na maging masaya sa iba. Binasag ng isang ingay ang pagmumunimuni kong yon, tumayo na ako at inayos ang sarili. Ngayon alam ko na ang gagawin ko. biglang may yumakap sakin galing sa likod, at alam ko na kung sino yon.
“I'm here, I'm alive, I still breathe, my blood is still circulating, my heart is still pumping, and I'm in love with you.” pinaharap ako ni Jon sa kaniya at kinuwa ang kanang kamay ko at inilapat sa dibdib niya.
“nararamdaman mo ba yun?” tanong ni Jon sakin. Tumango lang ako bilang sagot.
“ikaw ang tinitibok niyan.” inilapat niya ang kamay niya sa dibdib ko.
“I can feel your heartbeat, I know that some part of your heart still beats for Sam and I can't do anything about it, it frustrates me, yes, but I'm willing to take chances, I'm willing to sacrifice and I'm willing to show you not just love but love at its best everyday, if that will make the rest of your heart mine.” mahabang pahayag ni Jon, natameme ako, tuloy parin ang pagtulo ng luha ko, this time not because of Sam this time, its because of Jon. Napatitig ako sa mukha ni Jon, pinahid ng kanyang isa pang kamay ang nadaloy na luha sa aking pisngi, inabot ang aking baba at inilapit ang aking mukha sa mukha niya. Naglapat ang aming mga labi. Alam kong si Jon na talaga, kahapon pa lang nung dinala niya ako kay Dad, at ngayon, tinulungan niya akong tanggapin ang katotohanan tungkol samin ni Sam, alam ko na na siya na nga ang iniintay ko. Siya ang aking lakas sa tuwing naduduwag ako, siya ang nagtuturo sakin kung pano mabuhay ulit, siya ang bagong buhay ko. lumaban na din ako sa halikan naming yun.
“Wow. That was weak.” mahinang sabi ni Jon pagkatapos namin maghalikan, na may halong pagkadismaya.
“what?!” singhal ko kay Jon sa sinabi niyang insulto. “I lack seven years of practice! Be considerate!” pagtatanggol ko sa sarili ko sa sinabi niyang insulto.
“then kiss me again, you can have me as a guinea pig to practice on.” mangitingiting sinabi ni Jon, naglapat ulit ang mga labi namin, this time ako ang nag initiate.
Biglang bumukas ang pinto sa may side chapel, iniluwa nito ang isang babaeng nakagown na puti, kasunod nito ang sabay sabay na pagbitaw ng pagkagulat ng mga tao sa loob ng simbahan at hindi nagtagal ay kasunod na nito ang groom.
“I can't do this Ed. Nararamdaman kong unti unti ka ng dumudulas sakin, ayokong pagsisihan mo itong gagawin natin sa huli.” pagkasabi nito ng bride ay nagsulputan naman ang ina ni Ed at ang parents ng bride.
“the wedding is off.” matapang na sabi ng babae, sa mga nakapalibot na tao sa kanila.
“Ivy...” mahinang tawag ni Ed sa bride.
“di na ikaw yung dating Ed, hindi na tayo yung dating tayo, marami nang nagbago. Di mo man sabihin, nararamdaman ko lahat ng iyon Ed.” lalong nagulat ang ama't ina ng taong tinatawag na Ivy, ang bride.
“thank you, Ivy.” mahinang sabi ni Ed.
“no problem, Ed.” at ngumiti ang bride.
“ganun lang yun?!” sigaw naman ng ama ng bride.
“Dad its ok, ayaw kong ipilit ang hindi talaga pwede.” mahinahong sabi ni Ivy, at nagwalk out ang pamilya ni Ivy, halatang mabigat ang loob sa kahihiyang naganap. Tinignan ni Ivy si Ed, nagtitigan sila.
“ingatan mo si Migs, wag mo siyang sasaktan.” sabi ni Ivy. Gulat ang rumehistro sa mukha ni Ed.
“pano mo...?”
“hindi ako manhid, Ed” mangiti ngiting sabi ni Ivy, at tumalikod na ito.
Natahimik lahat di makapaniwala sa nangyari, dun ko lang napansin na nakatingin sakin si Cha, at ngiting ngiti ito, magkayakap pa kasi kami ni Jon, dun ko lang din naman napansin, at bigla akong bumitaw.
“may utang ka pa sakin ah.” bulong ni Jon sakin.
“Si Migs!” biglang sigaw ni Ed, at kala mo isa lamang ang iniisip nila at sabay sabay silang naglabas ng telepono at nagt-txt, si Cha ay tumawag na, pero walang sagot.
“malamang naka silent ang phone nun, di rin naman nag lalagay ng vibrating alert yun.” paliwanag ni Jon.
“Sige na kuya, hanapin mo na siya, kami na ang tatawag kay Migs, pag nakontak na namin siya saka ka namin itetext kung asan siya.” sabi ni Cha.
“wala akong dalang sasakyan.” sabi ni Ed. Napatahimik lahat.
“Ed,” tawag ni Jon, sabay hagis ng susi ng sasakyan ni kuya, na nasalo naman ni Ed.
“don't mess up this time.” pahabol na sabi ni Jon, sabay pakawala ng ngiti. Nagtaka si Ed, marahil iniisip kung bakit nandun si Jon.
“thanks, Jon. I owe you, big time!” sabi ni Ed at tumakbo na papuntang parking lot.
“yung kulay green na honda civic yan! FBS 120!” sigaw ko kay Ed.
“at talaga namang ibinigay mo pa kay Kuya ang ride mo, Papa Jon ha? Does this mean na ok ka na para kay Migs at kuya? Ready ka nang maging past ni Migs? At maging present naman ni Migs si kuya?” pangiinis ni Cha.
“Oo, naman andito na si Enso para maging present and future ko eh.” sabi ni kumag, at yumakap ulit ito sakin.
“ayieeee! Tseh! Kayo na ang masaya!” bitter na sabi ni Cha saming dalawa ni Jon. Napatawa naman kami ni Jon ng sabay.
“pano tayo uuwi niyan?” tanong ko kay Jon.
“bus.” sagot nito.
“pano yung kotse ni kuya?” tanong ko ulit.
“ako na ang bahala doon.” paniniguro niya sakin.
“teka text ko muna sila Dad, magpapaalam na muna ako na uuwi na tayo ng Manila.”
“nasabi ko na yun, bago tayo umalis, pumayag na sila na sakin ka na tumira.”
“aba at sigurado ka na talaga na tatanggapin ko ang panliligaw mo ah, pinaalam mo na agad ako kila Dad, pano pala kung hindi ako pumayag at si Sam parin ang pinili ko.” pasinhal kong tanong.
“imposible! Pipiliin mo ang patay laban sa akin na ubod ng gwapo.” pagbibiro nito.
“aba't tarantad...” di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinalikan na ulit ako ni Jon.
“alam kong papayag ka na, ipinagpaalam na kita sa lahat. Kay Sam, sa kuya mo, sa dad mo at huli, nagpaalam na ako sayo. Naramdaman mo naman na ang tibok ng puso ko. alam mong ikaw lang ang tinitibok nito.” mahabang pagpapaliwanag sakin ni Jon nung naghiwalay ang mga labi namin. Wala na akong nagawa. Mahal ko na nga ang isang to. Nagpunta kaming MOA at tumambay sa may by the bay. Nagulat ako ng biglang kuwanin ni Jon ang telepono niya at may tinext tapos nagpaalam sakin na may kakausapin lang siya saglit.
Napatingin ako sa lumulubog na araw. Ngayon ko lang naappreciate ito, masyado akong nabulag ng mga masasamang kaganapan sa buhay ko sa loob ng pitong taon, na ang mga simpleng bagay na katulad nito ay hindi ko na magawang maappreciate. Madami ng nagbago, alam kong nasa puso ko parin si Sam, pero may puwang din ito para kay Jon. Alam kong hindi magagawang kalimutan ng puso ko si Sam, dahil ito ang nagturo sakin magmahal at si Jon naman ang nagturo sa aking mabuhay at magmahal ulit, kahit na puno ng pasakit ang ibato sakin ng buhay, alam ko andyan na si Jon na magtuturo sa akin para kayanin lahat ng iyon. Iginala ko ang mata ko, nakita ko si Jon na nakaupo sa bench at kausap si Migs. Lumapit ako.
“Jon?” tawag ko. lumingon si Migs, nakita kong nagulat siya sa bigla kong pagsulpot, pero napaltan din yun ng ngiti.
“Migs! Fancy meeting you here.” bati ko sa kaniya. Di ko kailangan makipagplastikan, di ko pa man siya lubusang gusto, pero kung susumahin, kung hindi niya ako inaway noon sa ER, hindi kami magkakalapit ni Jon ng ganito at hindi ko mababago ang pagiging pusong bato ko.
“ano Enso, alis na tayo?” tanong sakin ni Jon. Nagpaalaam na kami kay Migs. Naglalakad na kami palayo ng maisipan kong alaskahin si kumag.
“ikaw ah, baka may feelings ka pa sa isang yun.” sabi ko sa kaniya, sumeryoso ang mukha nito, akala ko nagalit, pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
“itong kamay na ito na ang gusto kong hawakan.” sagot ni kumag na ikinakilig ko naman.
“teka, pano kung biglang umalis si Migs, baka hindi sila magpang abot ni Ed. Sinabi mo bang hindi natuloy ang kasal?” tanong ko kay Jon.
“hindi ko sinabi, hayaan mong masurprise si kulokoy. Teka balik lang ako at para maipaalala na tignan niya ang telepono niya.” bumalik si Jon at kinausap ulit si Migs. Nakita kong nilabas ni Migs ang telepono niya, bumalik papunta sakin si Jon. Nakita kong naglakad palayo si Migs, animo'y pupunta na sa main mall nang biglang sumulpot si Ed na naka barong pa at slacks na itim. Sinigaw nito ang pangalan ni Migs. Inaya na akong umalis ni Jon.
“so pano, iuuwi na kita?” tanong sakin ni Jon, sabay ngiti ng nakakaloko ni kumag. Hindi na ako sumagot pa at hindi narin siya nakapagtanong pa dahil hinalikan ko siya sa labi, hinalikan na parang wala nang bukas.
-wakas-
No comments:
Post a Comment