Tuesday, January 8, 2013

No Boundaries (26-Finale)

By: emray
E-mail: iam.emildelosreyes@yahoo.com
Source: theimmaculatedalisay.blogspot.com


[26]
Pakiusap kay Andrew

Bago tuluyang umuwi sa bahay ay pinutahan niya ang mga kapatid para sabihin sa mga ito ang desiyon niya. Nabuhay ang loob niya ng malamang suportado ng mga kanyang mga plano, gayundin ang kanyang ama na sa unang pagkakataon ay naabutan niya sa bahay na hinihintay siya.

May isang buwan na din ang lumilipas nang magkatampuhan sila ni Andrei. Mula nuon ay hindi pa sila nagkikita, maging ang mga tawag nito ay hindi niya sinasagot. Dalawang araw na lang at kakausapin na siya sa seminaryo para tanungin ukol sa gagawin niyang pagbabalik. Mula ng araw na malamn niya ang tungkol sa kalagayan niya, ang bawat gabi sa kanya ay isang napakalaking pagsubok. Sa bawaty umaga ay tila napakihirap harapin para sa kanya, ngunit tulad nga ng kanyang pananaw sabuhay, hanapin sa puso ang mumunting sisdlan ng pag-asa.

Ayaw niyang pumunta ng seminaryo na hindi nakakausap si Andrei, lahat ng paraan na alam niya ay ginawa niya. Maliban na lang sa isang bagay, alam ni Nicco na maging si Andrew ay galit sa kanya, subalit nagbaka-sakali pa din siya na makausap si Andrei sa pamamagitan ni Andrew. Kaya naman tinawagan niya ang kakambal ni Andrei .

“Kuya Andrew” sabi niya sa kabilang linya.

“Nicco, napatawag ka?” sagot ng malungkot na ting mula sa kabilang linya.

“Pwede po ba tayong magkita” sabi nito.

“Sige, gusto din naman kitang makausap tungkol sa ilang bagay” sabi niuto “mamayang hapon, bandang ala-singko magkita tayo sa lumang bahay ng namin.

Pagkasabi niyon ay pinindot na ni Andrew ang end call.

Nang hapon ngang iyon ay maagang nagtungo si Nicco sa lumang bahay ng mga del Rosario. Naramdaman niyang lalo ang kalungkutan dahil punung-puno ng mga alaala ang lugar na iyon. Iyon ang tagpuan nilang dalawa ni Andrei. Duon sila masayang nag-uusap habang magkayakakp. Naaalala niya ang mga matatamis na salita mula dito. Ang bawat tawa, ngiti at kakulitan ng kanyang Kuya Andrei. Hindi niya namamalayang tumutulo na pala ang kanyang mga luha ng may tumagaw sa pangalan niya.

“Nicco” sabi ng tinig.

Lumundag ang puso niya ng isiping si Andrei iyon, subalit sa paglingon niya.

“Andrew” biglang pumanglaw ulit ang kasiyahang saglit na bumakas sa mukha ng binata.

“Ako nga? Sino pa ba ang inaasahan mo?” sagot ni Andrew “Ano iyon sasabihin mo?” tanong nito.

“Kuya Andrew, pwede mo ba akong tulungan para makausap si Kuya Andrei?” kinalimutan niya ang alinlangan dahil mas mahalaga sa kanya ang makausap ang mahal na si Andrei.

“Bakit mo naman gustong makausap? Hindi mo ba alam na nahihirapan ang Kuya Andrei dahil sa ginawa mo?” tila may paninisi sa tinig nito.

“May dahilan ako kaya ko nagawa iyon.” agad na sagot niya “isang napakabigat na dahilan” muli ay tumulo ng dahan-dahan ang mga luha sa mga mata nito.

“Anong dahilan? Sige sabihin mo sa akin?” pamimilit ni Andrew “baka sakaling maintindihan kita.”

“Isang dahilan na hindi pa kayo handa para malaman, isang dahilan na hindi pa pwedeng sabihin” depensa ni Nicco sa sarili.

“Makasarili ka Nicco, sarili mo lang ang iniisip mo.” Panunumbat ni Andrew.

“Kung pagiging makasarili ang pagprotekta sa mga mo mahal para hindi sila masaktan, sige makasarili na ako” saglit pa dinugtungan ito ni Nicco “kahit pa tawagin niyong kasakiman ang bagay na iyon tatanggapin ko.”

Walang nasabi si Andrew kung hindi “Nicco” ramdam niya ang bigat sa kalooban ng batang si Nicco. Ang galit niya dito ay napalitan tila ng awa at malasakit para dito. Sa pakiramdam niya ay hindi niya kayang makita si Nicco sa ganitong sitwasyon. Agad ay tinapos niya ang usapan at sinabing gagawin niya ang lahat ng makakaya para makapag-usap sila ni Andrei.

“Salamat Kuya Andrew” tanging nasabi ni Nicco.

Agad nilisan ni Andrew ang lugar na iyon, sa sasakyan magmamaneho siya, tanging lungkot ang kanyang nararamdaman. Tumutulo ang luha niya dahil sa nangyari. Hindi niya kayang makitang umiiyak ang kaibigan. Sa isip niya –“Kahit ano pa mang galit ang nasa puso mo, agad itong mawawala kong mahalaga ang taong ito para sa iyo.”

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay may isang taong nasa lugar ding iyon ng mga oras na iyon at naririonig ang kanilang usapan.


[27]
Pagpapalaya ni Andrei at Pagbabalik sa Banal na Buhay ni Nicco

Matapos nga ang pag-uusap na iyon ay nagtext si Andrew kay Nicco kinagabihan. Agad namang binasa ni Nicco ang laman ng text na iyon ni Andrew.
“Niks, pumayag si Kuya, magkita daw kayo sa lumang bahay bukas ng umaga” sabi sa mensahe.
Dali – dali naman niya itong sinagot ng “Sige sabihin mo hihintayin ko siya duon. Salamt Kuya Andrew” pagktapos nuon ay wala ng sagot mula kay Andrew.
Masaya si Nicco dahil muli ay tinawag siyang Niks ni Andrew. Nangangahulugan lamang iyon na unti-unti na siyang nauunawaan ng kakambal ni Andrei. Samantala, pinag-iisipan ni Nicco ang sasabihin kay Andrei ay muli siyang nakaramdam ng pananakit sa kanyang likod. Dumadalas siyang makaramdam ng ganito. Mainam na lang at mabisa ang ibinigay sa kanyang gamot ni Dok Matthew. Hindi nga nagtagal ay nawala ang sakit at dali-dali siyang nakatulog.
Kinabukasan, bago pa man mag-alanueve ay nasa lumang bahay na siya ng mga del Rosario. Pagkapasok niya sa loob ay nakita niya si Andrei na nakaupo sa may hagdanan. Nagtataka siya dahil wala namang nakaparadang kotse sa harap ng bahay. Inisip niyang baka naglakad ito papunta duon. Nakaramdam siya ng tuwa ng muling masilauyan ang minamahal niyang siu Andrei. Higit pa ay nakaramdam siya ng kaba sa kung paani ipapaliwanag dito ang sitwasyon.
Maagang nagising si Andrei, agad siyang nagbihis at agad na tinungo ang kanilang lumang bahay. Napagpasyahan niyang maglakad nalang ng sa ganuon ay may mas mahabang panahon siya para mag-isip kung paano kakausapin si Nicco. Isang oras na din siyang naghihintay ng makitang pumasok na ito sa loob. Agad siyang tumayo at pinuntahan ang nuon ay napatigil na si Nicco. Agad niya itong niyakap at sa sobrang kaligayahan ay hindi niya alam kung papakawalan pa ba si Nicco sa mga bisig niya.
“Nicco ko, I Love You.” sabi ni Andrei.

Napaluha si Nicco at agad na sumagot ng “I Love You more” niyakap din niya ang binatang si Andrei. Tahimik ang plaigid habang dinadama nila ang mga yakap ng bawat isa. “Sorry kuya Andrei sa nagawa ko sa iyo.” wika ni Nicco “alam ko hindi maganda ang gagawin ko na iwan ka.”
“Sssh, you don’t need to explain” agad naman sagot ni Andrei.
“Kuya..” nanatili sila sa ganuong ayos at sa isang mahabang katahimikan. Pakiramdam nila ay ayaw na nilang matapos pa ang muli nilang pagkikita. Subalit unang kumawala sa pagkakayakap si Nicco at nakiusap na pakinggan siya.
“Mahal kita kaya hindi pwedeng hindi mo malaman ang nasa puso ko.” giit ni Nicco.
“Hindi na kailangan, sapat na ang sinasabi ng puso ko para sa iyo. Sapat na ang narinig ko kagabi, sapat na ang mga luhang nakita ko sa iyo, sapat na ang nakita at naramdaman kong bigat ng kalooban mo.” Pagsaway ni Andrei “dahil mahal kita kaya naramdaman ko kung gaano kabigat ang nararamdaman mo. Dugtong pa ni Andrei.
Lumunok muna ng laway si Nicco bago tuluyang makapagsalita “Kuya hindi ko naman gusting gawin ito, kaya lang..” napahinto si Nicco at lalong tumulo ang mga luha sa mata nito.
“I Love You Nicco, more than everything, more than my life” sabay hawak sa balikat ni Nicco at tiningnan ni Andrei sa mga mata ang binata.
“I Love you more than you love me, more than my life, more than any limits. I love you without any hesitations, I love you even if it means sacrifice” sagot ni Nicco “at iyon ang gagawin ko ngayon, kasi mahal na mahal kita. Ayaw kong masaktan ka sa bandang huli kung kailan mas malalim na ang pagtingin mo para sa akin.” dugtong pa nito.
“Alam ko, kaya naman sige, pinapayagan na kita, basta siguraduhin mong magiging masaya ka. Pipilitin kong maging masaya kahit wala ka.” malungkot na sagot ni Andrei.
“Salamat Kuya, sana, sa gagwin kong paglisan ay ipagpatuloy mo ang buhay mo. Makahanap ka ng taong karapat-dapat sa iyo. Karapat-dapat pagtuunan ng pansin. Umaasa ako, sa paglipas ng isang taon mula ngayon ay muli kitang makikita, bisitahin mo sana ako sa seminaryo, sana sa panahong iyon, kasama mo na ang taong pinili mo para pag-alayan ng lahat ng buhay mo.” Wika ni Nicco. Sa isip ni Nicco, “paano ako magiging maligaya kung hindi kita makakasama, kung alam kong mawawala ka na sa akin”
“Sinasabi mo bang kalimutan na kita?” kontra ni Andrei “mahirap kalimutan ang taong nagparamdam sa iyo na may halaga ka. Mahirap kalimutan ang unang tumawag sa iyo sa pangalan mo ng puno ng pagmamahal. Higt sa lahat mahirap kalimutan ang taong naging buhay mo sa mahabang panahon. Ikaw ang tong iyon, ikaw ang unang taong umintindi sa akin.” Pagpipilit ni Andrei. “Pero dahil sa sinabi mo, kahit hindi ko kaya gagawin ko.”
“Salamat Kuya, isipin mo nalang na nagkamali ka sa pagpili mula sa isang libong posibilidad ng makilala mo ako. Hanapin mo ang tunay na dapat sa iyo. Mayroon diyan na mas higit ang kayang gawin para sa iyo.” sabi ni Nicco “Ipangako mo, paglipas ng isang taon pupuntahan ninyo ako sa seminaryo kasama ang taong pinili mo.” Pagpipilit ni Nicco.
“Ipinapangako ko, pupuntahan kita sa seminaryo, pero ang makahanap ng kapalit m,o, mukhang Malabo na iyon” sagot ni Andrei.
“Gusto ko ikwento mo sa taong mamahalin mo ang yugto kung saan magkasama tayo. Hindi ako papaya na mapunta ka sa taong hindi kayang tanggapin ang nakraan mo. Kung hindi niya matatanggap ang nakaraan mo, paano pa niya tatanggapin ikaw at ang kinabukasan mo?” tila paalala ni Nicco “Walang karpaatan ang isang taong mahali ka kung hindi niya kayang mahalin at tanggapin ang nakaraan mo.” pahabol ni Nicco.
“Sige, gagawin ko para sa iyo. Mahal na mahal kita Nicco.” sabi ni Adrei
“Mahal na mahal din kita Andrei ko” sagot ni Nicco.
Sa huling pagkakataon ay nilasap nila ang sarap ng labi ng bawat isa. Nakaramdam ng kagaanan sa kalooban si Nicco ng bigyang laya na siya ni Andrei. Nakaramdam ng kagihawahan sa kalooban ng malamang maayos ang buhay nito kahit wla na siya. Kinabukasan ay hinatid siya ni Andrei sa seminaryo bilang huling pamamaalam na din. Bago bumaba ng kotse ay nag-usap muna ang dalawa.
“Mag-iingat ka lagi kuya Andrei” sabi ni Nicco.
“Basta para sa iyo, mahal kong asawa” nakangiti nitong sagot “wag kang magagalit kung maghanap ako ng kabit, iyon kasi ang bilin mo.” Pabiro nitong sagot. Sa kalooban ni Andrei ay kabaliktaran ang pinapakita niya.
“Asus ang Kuya ko talaga, sige na pasok na ako.” Sabi ni Nicco. Sabay baba sa kotse. Pakiramdam niya ay napakabigat sa pakiramdam ang ginagawa niya. Pinilit niya ang sarili na makababa.
“Basta pag hindi ka tinggap ulit sa loob tawagan mo ako iuuwi na kita ulit” sagot ni Andrei sabay paandar sa kotse para hindi na makita ni Nicco ang mga luha sa mha mata niya.
Habang papasok ay sinalubong siya ng rector at agad na inaya sa kwarto kung saan ay hinihintay na siya ng pamunuan ng seminaryo. Sa loob ng kawarto ay hindi alam ni Nicco ang mararamdaman subalit pinatatag niya ang kalooban.
“Maligayang pagbabalik Nicco” nakangitng bati sa kanya ni Fr. Cris.
Sinuklian lang niya ito ng ngiti.
“Ano ang dahilan mo at naisipan mong bumalik dito?” tanong ng rector.
“Nagabablik po ako dahil ito ang sinasabi ng puso ko. Nagawa ko itong iwan dati sapagkat may nakita akong tao na sa palagay ko ay nakalaan para sa akin. Sa ngayon, naiisip ko pong bumalik sa dating landas na mula sa pagkabata ay nianais ko ng pasukin. Alam ko isa ito sa nakalaan para aking tahakin, kung kayat muli ay binabalikan ko. Isa pa sa taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal at pagpapahalaga, gusto kong mabuhay siya ng normal at maayos. Niais kong mabuhay siyang tanggap ng lipunan. Nais kong mabuhay siya na pasado sa basehan ng moralidad. Mangyayari lamang iyon kung ako na mismo ang lalayo sa kanya.” sagot ng batang si Nicco, bagamat kinakabahan ay handa siyang aminin ang totoo sa harap ng mga pari.
“Isa kang malaking kawalan sa seminaryo Nicco.” sabi ng rector “kaya naman bago ka pa namin kausapin ay may desisyon na kaming nagawa” dugtong pa nito.
Nahulaan na ni Nicco kung ano ang pasya ng mga ito, kaya naman nakaramdam siya ng kasiyahan at kalungkutan dahil naiisip niyang tuluyan na niyang iiwan si Andrei.
“Muli at tinatanggap ka ng seminaryo na ito bilang mag-aaral ng teolohiya.” Sabi ni Fr. Ed na siyang pinuno ng mga seminarista “hindi ka na dadaan pa sa pilosopiya dahil natapos mo na ito sa labas” dugtong pa ng pari.
“Maraming salamat pos a inyo” sabi ni Nicco “Nais ko pong sa nalalabing oras ko ay tahakin ko ang landas na patungo sa Diyos. Nias kong paglingkuran siya at isakripisyo ang lahat para sa kanya.” dugtong pa niya.
Binati siya ng mga pari na kita ang kasabikang muli siyang masilayan. Pagkalabas ng silid na iyon ay nakita niya ang mga dating kasamahan na hinihintay ang kanyang pagbabalik. Binati din siya ng mga ito at nagpakita ng kasiyahan na muliay makakpiling nila si Nicco. Higit sa mga ito ay ang kaligayahan ng nabigyan niya ng pinakamalaking tulong sa pagpasok niya sa seminaryo.
Sa gitna ng kasiyahan ay nakita niya si Dok Matthew.
“Usap tayo sa klinika mamaya” sabi nito. Pagkaraan ay umalis na din ang doktor.
Nang hapon ding iyon ay pinuntahan niya ang kaibigang doktor sa klinika ng seminaryo.
“Maupo ka Nicco.” Sabi nito “Sa ngayong andito ka sa seminaryo, ako ang mag-aalaga sa kalusuigan mo.” Sabi pa ng doktor.
“Salamat po Dok, alam ko makakatulong po kayo para mabawasana ng sakit ng nararamdaman ko.” pasasalamat ni Nicco.
“Tulad ng sinabi mo, wala akong pinagsabihan ng tunay mong kalagayan.” Saad pa ng doktor “ang maitutulong ko lang ay mabawasana ang sakit pero hindi ko natitiyak kung madudugtungan pa ang buhay mo.” malungkot na sabi ni Dok Matthew.
“Tanggap ko nap o ang kamatayan ko, lahat tayo darating sa puntong iyon. Ang tanging magagawa natin ay maging maligaya sa kung anong kapalaran mayroon tayo. Maikli na lang ang buhay ko para maging malungkot pa.” sabi ni Nicco “Mahalaga, bago ako mawala makita ko Andrei na masaya kasama ang taong para sa kanya” sabi ni Nicco.
“Mabait kang talaga Nicco” sabi ng doktor “O siya, bumalik ka na duon, inumin mo ito araw-araw, tatlong tableta, isa sa umaga, tanghali at gabi.” Aalis na ako pamaya-maya.
“Salamat po talaga Dok Matthew.” Pamamaalam ni Nicco.
Naging maganda naman ang paglalagi ni Nicco sa seminaryo, pinilit niyang maging masaya. Iniisip ang magandang buhay ni Andrei na hindi siya kasama. Sa tuwing maiisip niya ang bagay na ito ay iisa lang ang nasasabi niya.
“Mainam na iyong hindi ako ang kasama niya, sigurado naman akong magiging maligaya siya higit pa sa mararamdaman niya pag kasama niya ako.”


[28]
Paglipas ng Isang Taon: Sina Andrei at Sandra

Pagkahatid ni Andrei kay Nicco ay napag-utusan ito ng Papa niyang harapin ang mga scholars at pinapoag-aral ng pamilya nila. Galing man sa kalungkutan ay pinilit niyang maging maayos sa harap ng mga ito. Labis man ang sakit sa kanyang puso ay sinikap niyang maging mahinahon at pinilit na hindi ipahalata ang nararamdaman. Pagkatapos ng usapan nila sa pagitan ng mga scholars ay may lumapit sa kanyang isang babae.
“Excuse me po sir” magalang na wika nito.
“Andrei na lang” pakiusap nito.
“Sorry po” sabi ng dalaga “Sandra nga po pala”
“Please to meet you Sandra” simpatikong sagot nito “may kailangan ka?”
“Gusto ko lang po sanang magpasalamat sa inyo, dahil sa inyo nagawa kong makatapos ng Business Management” pasasalamat ng dalaga “salamat po talaga ng marami.”
“You’re welcome” at ginantihan ni Andrei ng ngiti ang pasasalamat na iyon ni Sandra.
Biglang nakaramdam ng hiya ang dalaga. Nagpaalam na ang binata subalit muli ay tinawag siya nito.
“Andrei” tawag nito. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin ang kanina pa napapansin.
“Bakit Sandra?” tanong ni Andrei.
Pinilit niya ang sarili na dapat niya itong sabihin “Kasi po, pansin ko napakalungkot mo.” Sabi nito.
“Salamat sa concern” dahil dito ay gumaan ang pakiramdam ni Andrei. Pakiramdam niya ay may bago siyang mapagsaasabihan ng problema bukod kay Andrew. “Gusto mong kumain?” yaya niya dito.
“Nakakahiya po, huwag na lang.” saad ni Sandra.
“Hindi, ayos lang sa akin iyon. Sumama ka, ikaw din hindi ko tatanggapin ang pasasalamat mo.” nakangiting tuuuran ni Andrei.

Napapayag niya si Sandra na kumain sa labas. Sa tagpong iyon ay nakita ni Andrei ang kakulitan nito. Kahit sandali ay nakalimutan niya ang kalungkutang binigay ni Nicco. Sa gabing iyon ay muli siyang nakadama ng kalungkutan sa isiping wala na talaga sa kanya si Nicco. Nagmistulan isang anghel sa kanya si Sandra dahil lagi niya itong tinatagawan pag kainlangan niya ng kausap. Gumagaan ang kalooban niya pag nakaksama ito pag nagkukwento ito. MAs lalong naging malapit ang dalawa. Nang pakiramdma ni Andrei na handa na siyang sabihin kay Sandra ang totoong probelma niya ay ginawa niya. Nalaman niyang ang Sandrang nagustuhan ni Nicco dati ay ang Sandra na kaharap niya ngayon. Ganuon din si Sandra, nagulat siya na ang kanyang Nicco pala ay inibig at minamahal ang Andrei na ngayon ay kaharap niya.
Nang malaman ni Sandra ang tunay na sanhi ng kalungkutan ni Andrei ay tila nadurog ang puso niya. Duon niya napapag-alamang may gusto na din pala siya kay Andrei. Kahit na ganuon ang nangyari, walang nagbago sa samahan ng dalawa. Sa tuwing naaalala ni Andrei si Nicco ay si Sandra ang tinatakbuhan niya. Kahit man masakit para kay Sandra iyon ay inaalo pa din niya at pinapakinggan si Andrei. Higit at lalong humanga na tunay nga ang pagmamahalan ng dalawa ng malamang walang naganap na pagsisiping sa dalawa. Napatunayan niyang malinis ang hangarin at tunay na pagmamahal ang namagitan sa dalawang lalaking minahal at minamahal niya.
Pitong buwan din mula ng magkakilala ang dalawa. Isang pangyayari ang nagpakilala kay Andrei ng bagong pakiramdam. Dalawang linggong hindi nagpakita sa kanya si Sandra. Sa tuwing pupuntahan niya sa bahay ay hindi niya ito naabutan. Hindi din sumasagot sa mga text o tawag niya. Naisip niyang baka nag-sasawa na sa kwento niya si Sandra at ayaw na siyang makita pa nito. Ito ang simula ng pag-usbong ng bagong pakiramdam kay Andrei. Higit niyang naintidihan ang posibilidad na may gusto na siya sa dalaga ng panahong makita niya itong may kasamang lalaki. Sa pakiramdam niya ay nais niyang gulpihin ang lalakkio at sabihing layuan si Sandra. Subalit naisip niyang wala siyang karapatan dahil may Nicco siya at hanggang kaibigan lang kaya niyang ibigay kay Sandra.
Nang sabihini niya sa kakambal ang nararamdaman na iyon ay pinyuhan siya ni Andrew. “Kuya Andrei, matagal ng nagpaalam sa iyo si Nicco, makahanap man ikaw ng iba ay hindi siya magagalit pa dahil siya mismo ang nagsabing humanap ka ng taong makakapagbigay sa iyo ng kaligayahan. Ang dapat mo lang gawin, tuluyang pakawalan sa puso mo si Nicco nang sa ganuon ay lumaya na siya at ikaw. Nang sa ganuon ay mapakawalan mo ang nararamdaman mo para kay Sandra.”
Isang linggong pinag-isipan ni Andrei ang tinuran na iyon ng kapatid. Hindi nga nagtagal ay napagdasisyunan niyang hindi niya kayang mawala si Sandra. Kaya naman inabangan niya ang labasan nito sa trabaho. Pagkakita niya dito ay agad niyang nilapitan at inaya para kumain sa labas. Dito na niya ipinagtapat ang nararamdaman. Sa pakiramdam niya ay napakaligaya niya. Walang mapagsidlan ang ligayang mayroon siya ng sabihin ang totoong nararamdaman kay Sandra. Walang pag-aalinlangang tinanggap ni Sandra ang panliligaw ni Andrei. Labis ang tuwa sa puso ng dalaga. Isang panaginip na natupad ang pakiramdam niya. Isang buwan ang tinagal ng panliligaw na iyon. Hindi na pinalagpas ni Sandra ang pagkakataon. Iyon na ang binigay niyang regalo kay Andrei sa pagpasok ng taon. Kaya naman naging maligaya ang bagong taon nila. Sa isip-isip ni Andrei –“Nicco, salamat sa iyo, handa na akong harapin ka tulad ng pangako ko. Handa ko ng ipakilala sa iyo ang taong kapalit mo sa puso ko.”
Sa kabilang banda ay walong buwan na ang nakakalipas mula ng malaman ni Nicco ang tungkol sa sakit niya. Minsanan na lang kung sumpungin siya ng sakit sa likod at alam iyon ni Doktor Matthew. Sa tuwing bumibisita ito sa semiaryo ay laging si Nicco ang nasa klinika nito. Alam ng madami na malapit ang dalawa kung kayat walang nakaiisp na may sakit ang binatang seminarista.
“Magandang balita kung ganuon.” Sabi ni Dok Matthew “baka sakaling gumaling ka sa sakit mo, pagnagkataon isa itong himala.”
“Talaga po Dok?” tanogn ni Nicco “Salamat naman pos a Diyos kung magkaganun man nmga.”
“Oo, ipagpapaalam kita kila Rector para payagn kang makalabas muna. Sasabihin ko isasama kita sa isang out-reach program” sabi ng doktor.
“Bakit po ano ang gagawin natin sa labas?” tanong ni Nicco.
“Ipapasuri kita, tingnan natin kung may improvement.” Paliwanag ng doktor.
“Talaga po? Salamat po talaga ng madami.” Sabi ni Nicco.
Pinayagan si Nicco para makalabas ng seminaryo. Tatlong araw lang ang paalam nila kung kaya naman sinigurado nilang agad ay masusuri si Nicco. Kahit gabi na ay kinuhanan ng bone marrow sample si Nicco. Kinabukasan ay handa na ang resulta. Subalit ganuon pa din, isang masamang balita pa din ang nalaman nila. Hindi gumagaling si Nicco, lalo lang lumalala. Normal lang na paminsan-minsan na l;ang umandar ang pananakit ng kanyang likod at pagkahilo, subalit darating din ang oras na magiging sobrang sakit nito. Kahit anong gamot ay hindi uubra. Malungkot man sa balita ay pinasaya ni Nicco ang sarili, tanggap na niya ang kapalarang iyon, kaya naman ang tanging magagawa niya ay gumawa ng kabutihan sa kapwa.
Gumawa siya sa seminaryo ng isang organisasyon para makatulong sa mga mahihirap sa karatig nilang pook. Naging masaya si Nicco sa ganuong gawain maging ang mga seminarista. Lalong dumami ang sponsors ng seminaryo. Ang dating pangit na imahe nito ay naging maganda na. nakapglunsad sila ng mga programa para makatulong sa mga street children, sa mga illegal settlers. Napakiusapan din nila ang kapitolyo, si Governor Don Joaquin para makapagpagawa ng tahanan para sa mga batang lansangan at madami pa. naging kaakibat ang seminaryo para malutas ang kahirapan sa buong lalawigan.
Isang taon at dalawang linggo na mula ng magpaalam siya kay Andrei at apat na buwan na mula ng simulan nila ang organisasyonh sa seminaryo. Kinabukasan ay maghahandog sila ng misa pasasalamat at maikling programa para sa mga taong naging malaking tulong sa seminaryo at sa organisasyon. Maagang nagpahinga ang lahat para sa gaganaping pagdiriwang na iyon. Maayos ang pakiramdam ni Nicco at tila ba ay kay lakas lakas niya. Ang lahat ay nasasabik na para sa gaganaping programa bukas. Mag-aalay ng awit, sayawa ang mga seminarista at ang mga batang natulungan ng organisasyon. Kahit pinapatulog na ang lahat ay hindi nila magawa, maging ang mga pari ay tila mas nasasabik pa sa gagawin nila kinabukasan. Napagpasyahan na lang nilang gumawa ng mga bagay na pwedeng souvenir ng pagdiriwang bukas. Naging masaya ang naging paggawa nila. Lalong naging malapit ang mga pari sa mga seminarista. Nagagawa nilang makipagsabayan sa mga kaharutan ang biruan ng mga ito. Isa itong bago sa seminaryo, naging malapit ang mga sen\mnarsta at mga pari. Ala-una na ng umaga, madami na silang nagagawa at tingin nila ay sasapat na sa mga bisita. Isa-isa nang nakatulog ang mga seminarista at mga pari.
Si Nicco bagamat hindi pa nakakadam ng antok ay pinlit makatulog. Katulad ng dati ay kinausap niya ang diyos para mapanatag ang kanyang kalooban. Mag-isa lang si Nicco sa silid ng panahong iyon, ang kanyang dalwang kasama sa kwarto ay nakitulog muna sa ibang silid para magpractice ng gagawin nila bukas. Sa kabilang banda ay may isang tao namang nasasabik na din para bukas.
“Nicco ko, matutupad ko na ang pangako ko sa iyo.” Sabi ni Andrei sa sarili. “Makikita na ulit kita Nicco ko.” Hindi namamalayan ni Andrei na bumabalik ang dating damdamin niya para sa binata. Nasa ganuong pag-iisip siya nang makatulog.
Tatlong oras lang nakatulog si Nicco at ginising siya ng masakit na likuran, batok at leeg. Pakiramdam niya ay tinatanggal iyon ng buong-buo. Kasabay niyon ay may dumaloy na dugo mula sa kanyang bibig. Sa tindi ng sakit ay tila hindi na niya magawang mag-isip sa kung ano ang gagawin. Pinilit niyang abutin ang kahon kung saan nakatago ang kanyang mga gamot na binigay ni Dok Matthew. Nahirapan siyang abutin ang mga ito, sa banmdang huli ay nagawa niyang makuha subalit laloing matindi ang sakit na kanyang nararamdaman. Nanginginig niyang binaksan ang lalagyan, tila ba wala siyang lakas para buksan iyon, pagkakuha ng mga tableta ay agad niyang sinubo subalit hindi pa man nalulunon ay agad ng tinaggay ito ng dugo palabas sa kanyang bibig. Nakatatlong ulit siya subalit ganuon ang nangyayari. Dahil sa sakit ang paraang naiisip niya ay lunununing muli ang dugo ng sa ganuon ay makasama nito ang mga gamot.
Apat na tableta na ay hindi pa rin nababawasan ang kirot. Lima, anim, pito ay wala pa ding pagbabago. Nawawalan na siya ng pag-asa ng unti-unti ay nabawasan ang sakit na ito. Nang maramdman niyang kaya na niya ang sarili ay nilinis na niya ang naging kalat upang nang sa ganuon ay walang makaalam na may iniinda siyang sakit. Sakto namang nakatapos siyang maglinis ng dumating ang mga kasamahan niya.
Sinamantala niyang walang tao sa kapaligiran, tinungo niya ang klinika ng seminaryo. Nagulat siya ng matagpuan duon ang Doktor na naging kaibigan at tagapag-ingat ng knayang lihim.
“Magandang umaga Nicco” bati nito.
“Magandan umaga po doktor.” Ganitng bati nito “Tila kay aga po ninyong naparito?”
“Dapat lang, kasi balak kong suriin muna ang kalagayan mo bago kayo magsimula.” Sabi nito.
“Salamat po doktor” wika niya.
“Ikaw bakit ka naparito? “ tanong niya kay Nicco.
“May sasabihin lang po sana ako.” Sagot niya.
“Ano naman iyon?”
“Salamat pos a inyo. Ibinigay po kayo sa akin para mapagsabihan ko ng nararamdaman ko. Salamat pos a pakikinig sa akin, sa ipinakita ninyo sa aking kabutihan. Salamat po dahil naging kaibigan ko kayo. Salamat po dahil alam ko pinahalagahn po ninyo ako.” Sabi ni Nicco.
Ramdam ng doktor na tuna yang sinabi ni Nicc. “Hindi mo kailangan magpasalamat. Itinuring kitang kapatid ko. Bilang kapatid dapat na tulungan kita.”
“Basta salamat po talaga” giit niya “saka po may sasabihin pa ako sa inyo.” Nag-aalinlangang sabi ni Nicco.
“Ano iyon Nicco?” tanong ng doktor.
Natagalan bago makapagsalita si Nicco “If I can help even to my last breath, I won’t miss this chance. Kaya naman po gusto ko, kung sakaling dumating na ang oras ko, gusto ko idonate sa nangangailang ang mga organs ko na pwedeng mapakinabangan” sabi ni Nicco.
“Too early to give up Nicco. Hindi pa ngayon ang oras mo” naluluhang sinabi ni Dok Matthew.
“Dok, wag kayong umiyak, gusto ko lang masabi iyon bago ako mawala.” May pang-aalo sa tinig nito.
“Nicco naman, magtatagal ka pa.” giit ng doktor.
Isang nakabibinging katahimikan ang namagitan sa dalawa ng muling magsalita si Nicco.
“Dok Matthew, may pabor po sana akong hihilinign, sana po kayo na ang magsabi sa kanila kung paano ko gusting ilibing. Gusto kop o sana ay dalawang araw lang mananatili ang walang buhay kong katawan bago ilibing sa lupa. Sana po ay imbes na mag-aksaya ng pera para sa ataul ay idonate na lang ito sa nangangailangan. Nais ko pong malsap ng katawan ko ang higaan ko sa San Isidro, sapat nap o iyon sa aking para maging higaan nang nahihimlay kong katawan. Hindi kop o nais na magsuot ng ng magandang damit. Sapat nap o sa akin ang sando at shorts ang suot habang nakahimlay. Dumating ako sa lupa ng walang kahit ano maliban sa pagmamahal, gusto kop o na lisanin ang mundong ito ng simple at payak at may baong pagmamahal.” nakangiting wika ni Nicco.
“Napakabait mong bata, sige ako ang bahal sa mga bilin mo.” Sabi ng doktor.
“Salamat po, sige po kita na lang po tayo sa gym mamaya. Babalik nap o ako sa dormitoryo at baka hinahanap na ako duon.” Paalam ni Nicco.
Habang paalis si Nicco ay may nasabi pa ang batang doktor. “Nicco, kakaiba ka sa lahat, marunong kang makuntento sa kung ano ang mayroon ka. Kakaiba ka sa lahat. Iba ang pananaw mo, iba ang lahat sa iyo. Matatag ka, kahit alam mong oras mo na, nakahanda ka na agad sa maikling panahon. Nicco, bihira na lang ang kagayo mo sa mundo.”


[29]
Hindi Inaasahang Pagpapakita ng Katotohanan

Pinilit ni Nicco na huwag ipakita ang sakit na nararamdaman niya. Pinilit niyang ikubli ito sa mga ngiting pilit niyang ipininta sa mukha. Nakailang tableta na ba siya ay ganuon pa din ang kanyang pakiramdam. Inisip niya kung magagawa pa ba niyang kumanta sa harap ng mga tao sa kalagayan niya ngayon. Umaasa siyang bago pa man dumating ang mga panauhin ay aayos ang kanyang pakiramdam.
“Magandang umaga Governor Don Joaquin” pagbati ng mga pari at mga seminaristang nag-aabang sa mga panuhin.
“Magandang umaga din naman.” sagot nito “nasaan si Nicco? May sorpresa kaming dala para sa kanya?” usisa ng gobernador.
“Tama nga naman, isang taon na din naming hindi nakikita ang kapatid namin.” dugtong pa ni Andrew “di ba Kuya Andrei? Miss na natin si Nicco kulit.” Sabay ang tingin nito sa kakambal.
“Oo” tanging sagot ni Andrei. Sa totoo lang ay kinakabahan ito sa muling pagkikita nila ni Nicco.
Napansin ni Sandra ang kaba at pagkabalisa kay Andrei kaya naman binulungan niya si Andrei, “Wag kang kabahan, matutupad mo na ang pangako mo sa kanya.” – may himig man ng kaligayahan, sa totoo lang ay nagseselos ito dahil alam niyang mas mahal ni Andrei si Nicco kaysa sa kanya.
Agad nilang napansin si Nicco kasama ang mga batang dati ay nasa lansangan. Halatang kahit lumalakad ay nag-eensayo ang mga ito para sa gagawin nila mamaya dahil kumakanta pa sila ng Do-Re-Mi. Hindi napansin ni Nicco na pinagmamasdan pala sila ng mga taong anduon, kaya naman ng makatapos ang kanta ay pinasalubungan sila ng palakpakan ng mga pauhing nabighani sa kanilang ginawa. Laking gulat na lamang niya sa natanggap na mga papuri para sa mga bata.
Sa may di kalayuan ay tinawag siya ng Rector. Nuon lang niya napansin na kausap pala nito ang gobernador, hinanap niya ang isang mukhang matagal na niyang nais makita. Subalit, sa pakiramdam niya ay wala ito duon. Nakaramdam ng kalungkutan si Nicco subalit ang pinakita niya ay mga ngiti.

“Aba, Fr. Nicco mukha ka ngayong tao.” Panimulang biro ni Andrew.
“Salamat Kuya Andrew sa napakagandang pambungad mo.” pagkasabi nito ay may mahinang tawa. Naalala ni Nicco ang dati, ganuon sila kung mag-asaran. Kay tagal na din ng huli nilang magawa iyon subalit ngayon ay heto, nakikipag-inisan siyang muli sa kanyang Kuya Andrew. Parang may kulang, nilinga niya ang lugar kung may Andrei ba siyang makikita. Paglingon niya sa likuran ni Andrew ay anduon si Andrei at bumati sa kanya.
“Ang Nicco ko, kagalang – galang tingnan ngayon” pagkawika nuon ay niyakap niya si Nicco.
Labis ang naramdamang selos ni Sandra sa tagpong ito, pero sapat na sa kanya ang isiping matagal ng walang ugnayan ang dalawa at natural lang ang ganuon dahil matagal silang hindi nagkita.
“Sandra?” sabi ni Nicco “Ikaw nga Sandra” at niyakap din niya ang kaibigan. Natuwa si Sandra dahil naaalala pa din siya ng lalaking una niyang inibig.
“Siya ang bagong girlfriend ni Kuya” singit ni Andrew.
Kahit may selos ay pinilit niyang otago ito. Sa una pa lang, ito ang gusto niya, matiyak na may aalalay na sa kanyang Kuya Andrei. Nakangiti niyang binati ang dalawa.
“Masaya ako para sa inyo.” sabi niya. Labis na natuwa si Sandra dahil alam niyang pinagkakatiwala na sa kanya ni Nicco ang puso ni Andrei. Si Andrei naman ay nalungkot ng maalalang pagmamay-ari na nga pala siya ng iba.
“Nicco may sorpresa ako sa iyo” singit ng gobernador.
“Pasensiya na po Gob hindi ko na po kayo napansin, Fr. Rex, Aling Martha at Steph” pagpapaumanhin ni Nicco.
“Wala iyon” sagot ni Aling Martha.
“Di ba sabi ko Papa.” giit ni Don Joaquin “may kasama pa kaming iba para bisitahin ka” saad ng butihing gobernador.
“Nicco” sabi ng tinig.
Pagtingin niya ay ang kanyang ama na si Mang Juancho at mga kapatid niya. Nilapitan niya ang mga ito at agad na niyakap. Sa isip niya, labis siyang natutuwa dahil binisita siya ng mga ito. Sapat na ang katahimikan para maramdaman ang kaligayahan nila.
“Salamat po sa inyo, sa kabutihan nyo, salamat po” baling niyang muli kay Don Joaquin.
Ngiti lang ang iginanti ng butihing Don sa kanya.
“Pasok na kayo sa loob at baka pati ako ay maiyak” anyaya ng rector.
“Tama iyon” sabi ni Aling Martha.
“Sandali lang” pigil ni Nicco “Congratulations sa mga Kuya ko”
“Asus ang Nicco ko talaga, naalala pa” sabi ni Andrei “salamat sa pagbati.”
“Salamat at naalala mo” dugtong ni Andrew.
“Sige pasok na po kayo” nakangiting turan ni Nicco.
Hindi nagtagal ay nagsimula na ang misa. Nais sana ni Nicco na maging isa siya sa mga tumulong sa rector, kay Fr. Cris at kay Fr. Ed sa pagdaraos ng misa. Sa kadahilanang marami ang aliw sa kanyang pag-awit isinama siya bilang soloista ng choir ng seminaryo.
Makalipas ang isang oras at kalahati ay sinimulan naman ang palatuntunan. Bago simulan ang palatuntunan ay kinausap muna si Nicco ni Dok Matthew ukol sa pakiramdam nito. Kahit hindi gaanong maganda ay pinagsinungalingan niya ito at sinabing kaya niya at wala siyang dinadamdam na sakit. Pangatlong nagtanghal ang mga dating batang lansangan, si Nicco naman ang kumumpas para sa mga ito. Naging maganda ang kinalabasan. Aakalin mo ngang palabas sa broadway dahil may kasama pang indak at sayaw. Kasunod naman niyon ay ang sayaw mula sa mga seminarista.
Kitang-kita kay Andrei ang pagtitig nito sa minahal niyang si Nicco. Napansin ito ni Sandra at kita na sa mukha nito ang selos. Nahalata naman ni Andrew si Sandra kaya tinext niya ang dalaga.
“Bilas, wag mong pagselosan si Nicco, namiss lang namin si bunso. Pati nga ako tintitigan ko si Niks.” sabi nito Andrew sa text.
“Salamat bayaw” reply niya kay Andrew. Tila napahinahon siya ng text na iyon ni Andrew, pero nakasisigurado siya, mas malalim pa ang nararamdaman ni Andrei.
Kasunod na tinext ni Andrew ang kakambal niyang si Andrei.
“Kuya, tunaw na si Niks, si Sandra naman ang tingnan mo, nagseselos” sabi niya sa kakambal.
Pagkabasa nito ay tiningnan niya si Sandra, nakonsensiya siya sa nagawa niyang iyon. Nakalimutan niyang kasama nga pala niya ang kanyang kasintahan. Hinawakan niya ang mga palad nito at ipinatong sa kanyang hita. Kahit anong gawin niya ay hindi niya mapigilan ang sarili para tingnan si Nicco. Kahit anong saway niya ay para bang kusang kumikilos ang kanyang mga mata para tingnan ito.
Pinakahuling nagtanghal ay si Nicco. Dalawang awitin ang inihanda nito, sa unang kanta ay solo lamang niya at sa pangalawa ay kasama na ang choir ng seminaryo. Madami ang talagang humanga sa talento ng binata. Pagkaraan umawit ay yumukod ito sa mga tao at sinuklian naman ng masigabong palakpakan. Nang mga sandaling iyon ay kumikirot na ang likod niya, subalit sa isiping baka iyon na ang huling pag-awit niya ay binigay niya ang makakaya ng sa ganuon ay maging maganda ito. Mula sa itaas ay kita ni Nicco ang lahat ng panauhin. Masaya ang pakiramdam niya, nakita niya ang kanyang pamilya. Naramdaman niyang mahalaga siya para sa mga ito. Tama ang hula niya dati pa, tama ang paniniwala niya. Ang kabutihan ay magpapakita sa oras na hindi ka umaaasa. May puwang sa puso ng tao ang pag-asa at kabutihan.
Mula din sa itaas ay kita niya ang Andrei niya. Imbes na magselos sa nakikitang hawak nito ang mga kamay ni Sandra ay pumanatag ito at naging masaya. Sa isip-isip niya, ang unang minamahal ko at ang huling minahal at minamahal ko, sila ngayon ang magkasama. Panatag si Nicco dahil alam niyang maalagaan nila ang isa’t-isa.
Pagbaba sa hagdanan ay nagtungo agad siya sa labas. Habang naglalakad ay naalala niya ang napag-usapan nila ni Dok Matthew. Ang usapang bumago sa kanyang desisyon, ang sanhi kung bakit nagawa niyang iwan si Andrei at magbalik loob sa dating daang iniwan niya.
“Tatapatin na kita Nicco” panimula ng doktor “hindi maganda ang lumabas sa mga tests mo” malungkot nitong sabi.
Tahimik lang na nakikinig si Nicco.
Nagpaliwanag pa ang doktor sa maraming mga bagay. Habang naririnig ang mga ito ay nais umiyak ni Nicco. Inipon niya ang lakas para makapagtanong ulit sa doktor. “Ano po ang sakit ko Dok? May lunas pa po ba ako?” tanong nito.
Huminga muna ng malalim ang doktor at sinabing “May bone cancer ka Nicco” sagot ng doktor. Natahimik sa pagitan ng dalawa.
Tuluyan ng umagos ang luha sa mga mata ni Nicco.
Huminga ulit ng malalim ang doktor bago muling magsalita “Nakakalungkot, pero wala ka nang lunas. Umabot ka na sa stage 4, huli na bago magpakita ang mga sintomas sa’yo. Kung napaaga sana ang paggamot sa iyo, malamang na magamot ka pa kahit paano” pagpapatuloy ni Dok Matthew.
Umiiyak man ay pinilit magsalita ni Nicco “Hanggang kailan na lang po ako Dok?” tanong nito.
Tumayo muna ang doktor at lumapit sa kanya “Hindi ko sigurado, hindi ka na aabot pa ng isang taon” sagot nito sabay yakap kay Nicco.
Sa ngayon nga ay iniisip talaga niyang himala at nakalagpas siya ng isang taon, ngunit sa pakiramdam niya ay handa na siya para makapagpahinga. Umupo siya sa may hindi kalayuan, natatabihan siya ng mga rosas na bagong bukadkad. Naamoy niya ang halimuyak ng mga iyon. Ilang sandali pa ay mahina siyang nagsalita.
“Panginoon ko, ngayong naramdaman ko nang may pamilya akong nag-aalala sa akin at nagmamahal, panatag akong masisimulan na nilang ayusin ang buhay nila. Higit pa dito, ngayong alam kong nakita na ni Kuya Andrei ko ang daan at nakita ang nakalaan para sa kanya, alam kong muli na siyang liligaya at makakamit na niya ang ligayang hindi niya makukuha pag ako ang kasama niya.” tumingin muna sa langit ang binata bago ulit magsalita “Panginoon, maaari na akong magpahinga, handa na akong lisanin ang mga taong mahal ko.” Pagkasabi nito ay nakangiting napapikit at unti-unting bumagsak ang katawan ni Nicco sa mga rosas. Kita din sa mga mata nito ang luha na unti-unti ay dumaloy kasabay ang dugo na umagos mula sa kanyang bibig. Ilang sandali pa at bumuhos ang ulan na tila ba nakikiramay sa pagkawala ni Nicco. Unang ulan iyon ng bakasyon iyon.
Tinawag ni Aseph ang kaibigang si Nicco para pumasok na dahil umuulan. Nagtaka ito sa hindi pagsagot ng kaibigan, napansin din niya ang nangyari kay Nicco na napahiga sa mga rosas at tila ngayon ay walang malay. Dali-dali itong pumasok sa gym para tawagin ang rector at mga pari para matulungan si Nicco.
“Rector” basa ng ulan ay tumatakbo ito patungo sa entablado. “Rector” muli niyang tawag dito.
Bago pa man siya makalapit ng entablado naisigaw na niyang “Si Nicco po, si Nicco po” umiiyak at humihingal ay pinilit niyang ibalita ang nangyari.
“Anong nangyari kay Nicco?” tanong ni Fr. Cris.
“Wala na pong malay sa labas” sagot ni Aseph.
Bago pa man makasagot si Aseph ay nakatakbo na palabas si Andrei na sinundan ni Andrew. Sumugod ang dalawa sa ulan, at kitang-kita nila ang walang-buhay na katawan ni Nicco. Kasunod nila si Dok Matthew. Pinulsuhan ni Dok Matthew si Nicco.
“Ano po ang nangyari kay Nicco?” tanong ng kambal na halata ang pag-aalala.
“Wala na ang pulso niya” naluluha man ay sinundan niya ang sinabi “wala na si Nicco.”
Kasunod ng Doktor si Mang Juancho at mga kapatid ng binatang seminarista. Nakasunod na din ang mga pari at seminarista, sina Don Joaquin, Aling Martha, Sandra at Steph maging ang ibang panauhin ay nasa labas nadin at nauulanan. Lahat sila ay narinig ang masamang balitang patay na si Nicco.
“Nicco, bakit napaaga mong nawala. Hindi man lang kita napagtuunan ng pansin. Hindi ko naman akalaing mawawala ka kaagad.” Sabi ng ate Lourdes niya.
“Kung alam ko lang na mawawala ka kaagad, sana pinakita ko na mahal kita, sana sinuklian ko ang pagmamahal mo para sa akin. Hindi man lang ikaw nakalasap ng saya mula sa amin” sabi ng ate Antonette niya.
“Akala ko, akala ko talaga matagal pa kitang makakasama Nicco, hindi man lang ako nakadamay sa iyo sa mga panahong may problema ka. Ang dami naming pagkukulang sa iyo Nicco” ang Ate Nica naman niya ang kasunod.
Lahat ng malalapit kay Nicco ay nagsimula na ding umiyak. Ang kambal na Kuya-kuyahan niya ay niyakap ang walang-buhay niyang katawan at sa mga kapatid nito ay bakas ang pagsisisi sa mga nagawa at naging pagkukulang. Si Mang Juancho ay tila isang batang napaluhod at sa pagkakataong iyon ay nakaramdam siya ng poot sa sarili at hindi niya nagawang maalagaan ang anak. Napayakap si Aling Martha kay Fr. Rex dahil hindi kayang makita ng matanda na nasa ganuong sitwasyon ang batang naging napakabait sa kanya.
Binuhat ng kambal si Nicco at ipinasok sa loob ng gym. Tumawag ang seminaryo ng funerarya para maiayos na ang lamay para sa seminaristang nagpabago sa buhay nila. Ang kambal ay tila kinakausap si Nicco.
“Nicco, nagbibiro ka lang di ba? Gumising ka na? Miss ka na ng Kuya Andrei mo?”
“Oo nga Nicco, magkukulitan pa tayo, aasarin ka pa namin, wag ka ng manloko.” Dugtong ni Andrew.
“Naaalala mo ba yung sinabi ko sa iyo, ung sabi ko? Tinupad ko iyon para sa iyo.” Sabi ulit ni Andrei.
“Nangako ka di bang ikaw ang magkakasal sa amin ni Steph” wika ulit ni Andrew “tuparin mo un.”
Ang ibang mga kaibigan din ni Nicco ay may kanya-kanyang alaala sa binata.
“Hoy, Nicco, sino na ang mangunguna sa organisasyon natin?” sabi ni Aseph na matindi ang pagluha.
“Hindi pwdeng iwan mo kami, wala ng kayang mangungulit sa kwarto. Tatahimik na naman kami niyan eh” sabi ni Ken.
“Mawawalan ako ng kadebate Nicco, sige na naman oh.” Pakiusap ni Carl.
“Nicco, sino na lang ang mag-iisip para magpuyat sa paggawa ng mga kung anu-ano?” singit ni Fr. Cris “Nicco, gumising ka naman, gusto mo bang umalis ng seminaryo? Papayagan kita basta gumising ka?
Sa may pintuan ay anduon sina Sandra at Steph kasama ang ama at mga kapatid ni Nicco. Nakayakap si Sandra kay Steph. “Nicco, hindi ko man lang nasabi sa iyong minahal kita” nahinang usal ni Sandra. Tulad ng iba ay lumuluha din ang dalawang dalaga. Pareho silang naging malapit kay Nicco. Wala silang ibang maisip ngayong kung hindi ang kabaitan nito sa kanila. Mga payo nito sa bawat problema. Mga biro nito at itsura pag napipikon na.
Kasama din nila sina Don Joaquin at Aling Martha. Malaki ang panghihinayang ni Don Joaquin sa pagkawala ni Nicco, tunay at tinuring talaga niya itong anak. Binalak din niyang isunod na ito sa pangalan ng del Rosario. Si Aling Martha naman ay tila nawalan ng anak. Sa kabaitan nito ay paano niya ito malilimutan. Sa tuwing umaga ay dudungaw ito sa bintana at babatiin ang lahat ng dumaan ng magandang umaga. Malambing din ito sa kanya, laging nakangiti at magalang kung kumausap. Alam lagi ni Nicco kung malungkot ang matanda kaya gumagawa ito ng paraan para sumaya siya.
“Ano bang magandang alaala ko sa iyo Nicco?” wika ng ama niya sa tabi “wala, wala akong maalala” puno ng kalungkutan niyang sinabi kasabay ang pagpatak ng mga luha “wala dahil kahit minsan ay hindi ko pinakita sa iyo na mahalaga ka sa akin.” Pagkasabi niyon ay niyakap si Mang Juancho ng kanyang mga anak na babae.
Si Fr. Rex ay kasama ang rector at sabay na nagdadalamhati. Inaalala ang karunungan ng bata, inaalala ang mga sandaling kasama nila si Nicco, mga nagawang kabutihan at mga kakulitan. Naalala kung paano unang napahanga ni Nicco ang rector, kung paano niya ipinagtanggol ang dapat sanay napaalis ng seminarista. Lubhang kalungkutan ang naramdaman nila.
Nasa kalagitnaan sila sa ganuong pag-alala nang magkalakas ng loob si Dok Matthew para magsalita.
“Simula sa una alam ko na ang ganito” panimula niya.
“Pinilit niya akong ilihim ito sa inyong lahat, ayaw niyang makita kayong masaktan kaya niya nagawang huwag sabihin ito sa inyo” dugtong pa niya.
Isang katahimikan ang namayani “kahit ganuon ay pinilit niyang maging matatag, pinilit niyang mabuhay. Gusto niyang bago siya mamatay ay maayos ang buhay ng taong mahal niya.”
“Bago siya mamatay ay ninais niyang maramdaman ang pagmamahal ng isang pamilya”
Sa pagkakarinig nito lalong tumindi ang pagdadalamhati ng kanyang pamilya at ng kambal. Nagpatuloy sa pagkukwento ang doktor. Inilahad ang mga katapangang ginawa ni Nicco.
“Nicco, hanggang sa huli napakabait mo, pinairal mo ang pagiging makasarili mo. Hindi mo kami nagawang pag-alalahanin” sabi ng Ate Nica niya “pero, doble ang sakit na nararamdaman namin ngayon at labis na pagsisisi sa mga nagawa namin sa iyo”
“Patawad kapatid ko, wala kami nuong panahong kailangan mo ng kapatid na tutulong sa iyo, sa mga panahong kailangan mo ng karamay.” sabi ng Ate Lourdes niya.
“Patawad sa lahat ng pagkukulang namin sa iyo” pagwawakas ng Ate Antonette niya.
Pagkababa ni Dok Matthew ay agad niyang inaya si Andrei palayo sa mga tao.
“Andrei, sana ngayon naintidihan mo kung bakit ginawa ni Nicco sa iyo iyon.” Sabi ng Doktor.
“Opo Dok, alam ko na ako lang ang gusto niyang protektahan. Nagpapasalamat ako at isang tulad niya ang minahal ko at patuloy na una sa puso ko” sagot niya “tama si Nicco Dok, kung natanggap ng lipunan ang tungkol sa amin, malamang ngayon naalagaan ko siya hanggang sa huling hininga niya.” dugtong pa nito.
“Andrei, malalim ang pagmamahal sa iyo ni Nicco, kita ko ang kalungkutan sa kanya sa tuwing maaalala ka niya. sa bawat sakit na dinaanan niya, ikaw ang ginagawa niyang lakas. Gusto niya maging maligaya ka. Gawin mo iyon para sa kanya.” Wika ng doktor.
“Opo, pipilitin ko para sa kanya.” Pagkasabi ay binalikan na niya ang katawan ni Nicco.
Nang makarating ang serbisyo ng punerarya ay pinigilan ni Dok matthew ang mga ito para hindi madala ang katawan ni Nicco. Kinausap niya ang mga pari, ang pamilya nito, pinaalam niya ang huling habilin ng binata ukol sa magiging libing niya. Umayon na rin naman ang lahat para igalang ang kagustuhan ni Nicco.
Sa loob ng dalawang araw na iyon ay hindi umalis sa tabi ni Nicco si Andrei. Gayundin si Andrew na madalas ay nasa tabi ng higaan nito. Pinabayaan ni Sandra si Andrei sa ganuong gawain. Alam at tanggap niya na mahal nito si Nicco. Nabatid ng pamilya de Dios at del Rosario ang ukol sa ugnayan ng dalawa, walang pagtutol mula sa mga ito. Alam nilang tunay na pagmamahal ang naramdaman ng dalawa. Tinaggap nila ang naging relasyon ng dalawang binata.
Ang mga seminarista naman ay matiyagang nagbantay sa labi ng binatang nagpabago sa ikot ng seminaryo. Hindi nila hinayaang wlaang magdasal para sa binatang inisip na muling ibangon ang seminaryon naging tahahan nila. Sa binatang pinagsikapang linisin ang pangalan ng seminaryo at nanindigan laban sa mga sumisira dito. Ang mga batang lansangang sa tulong ni Nicco ay gumanda ang buhay ay naruon din, nag-aalay ng mga awitin para sa kanilang Kuya Nicco.
Hindi muna pumasok si Governor Don Joaquin sa kapitolyo para mabantayan ang labi ng anak-anakan, gayundin si Aling Martha at Fr. Rex. Sina Steph, Sandra, Rome at Chad ay ang umaasikaso sa mga bisita at nakikiramay.
Ang kanyang ama din naman ay hindi umalis ng bahay maging ang kanyang mga kapatid. Binatayan nila ang labi ni Nicco na kahit sa huling mga sandali ay maipakita nilang mahalaga ito sa kanila.
Sa loob nga ng dalawang araw ay nailibing si Nicco. Walang magarbong lamay, ataul o damit. Nasunod ang lahat ng kagustuhan ng binata. Isang simpleng burol, ang dapat na sa ataul napunta ay binili ng mga pagkain para sa mga kababayan niyang walang makain. Ang dapat sana ay pambili ng damit ay inilaan para mabigyan ng damit ang madaming kabataang walang pambihis sa sarili nila. Bago ito tuluyang ibaon sa lupa ay minisahan muna ito sa Parokya ng San Isidro. Kita ang pagkapuno ng tao. Lahat ng mga ito ay nakikiramay sa binatang binigyan sila ng pag-asa. Naghandog ng isang programa kung saan pinagsalita ang mga taong malalpit dito. Kanya-kanya silang pahayag ng kabutihan ni Nicco, mga alaalang masasaya, mga alaalang nagpapatunay kung bakit madami ang nagmamahal sa kanya.
Habang tumatagal ay unti-unti nilang pinilit na tanggapin ang pagkawala ng binata, kahit mahirap, alam nilang matututunan din nila iyon. Naniniwala sila, maaring wala ang pisikal na katawan, pero sa alaala at sa puso nila, mananatiling buhay ang Niccong pinakamamahal nila.


[Finale]
Ang Buhay Matapos ang Isang Taon

Isang taon na din ang nakakalipas buhat ng mawala si Nicco.unang taon ng kamatayan nito. Sariwa pa sa alaala ng lahat ng nagmamahal ang Nicco na minahal nila. Ngayon nga ay nakatakda silang bisitahin ang puntod ni Nicco. Alayan ng dasal at panalangin. Pinaghandaan ng tatlong pamilya ang araw na ito. Ang pamilya ng San Agustin Seminary, pamilya del Rosario at pamilya de Dios.
Maagang nagising si Andrei ng araw na iyon. Pinasya niyang pumunta muna sa kanilang lumang bahay para alalahanin ang magagandang alaala ni Nicco na taglay ng lugar na iyon.
“Nicco, natitiyak kong sa pagpili ko sa iyo mula sa isang libong posibilidad ay hindi isang pagkakamali. Nararamdaman kong tama ang ginawa kong piliin ka at ang ginawa ng puso kong mahalin ka ng lubusan.” mahinang turan ni Andrei.
“Kuya Andrei” bati ni Andrew mula sa likod “Ang aga mo dito ah.”
“Hindi naman” sagot ni Andrei “Ikaw? Ano ang ginagawa mo dito?” tanong ni Andrei.
“Wala lang inaalala ko lang ang bahay na ito. Alam ko kasing may alaala din si Nicco sa lugar na ito” sagot ni Andrew sa kakambal.
“Tama ka bro” pagsang-ayon ni Andrei “akala ko dati malulungkot lang ang alaala ko dito, pero dahil kay Nicco, minahal kong ulit ang lugar na ito” dagdag pa niya.
Isang nakabibinging katahimikan ang namagitan sa dalawa.
“Mabait talaga si Nicco kahit hanggang sa huli. Siguro kung andito pa si Nicco, patuloy ko lang na masasaktan si Sandra at baka tuluyan na siyang nawala sa akin.” panimula ni Andrei “kung nagkataon nawala nadin ang isa sa kaligayahan ko. Kung hindi siguro namatay si Nicco, malamng nakatali pa din sa kanya ang puso ko. Malamang ay patuloy akong aasa sa pagbabalik niya sa akin. Marahil hindi ko maibibigay kay Sandra ang pagmamahal na dapat sa knaya. Hindi ko magagawng masuklian ang pagmamahal niya dahil si Nicco ang nasa isip ko. Hanggang sa huli gumawa pa din siya ng kabutihan para sa akin. Gumawa siya ng dahilan para hindi ko masaktan si Sandra.” Pagwawakas niya.

“Talagang ganyan Kuya” sagot ni Andrew “Punta tayo sa simbahan” anyaya niya sa kakambal.
Pagdating sa simbahan ay anduon na si Sandra, nakita nila ang dalagang nagdarasal ng taimtim. Tinabihan ito ni Andrei at sinabayan sa pagdarasal. Pagkatapos ng isang panalangfin ay nagwika ito “Tama si Nicco, kusang lalapit ang nakalaan sa atin sa oras na makita na natin ito. Madami ang inilaan para sa atin. Mula sa madaming ito, tayo ang pipili kung ano ang gusto natin. Siguraduhin nating wala tayong magiging pagsisisi sa kung ano man ang mapipili natin at higit pa ay dapat makuntento tayo sa kung ano ang makukuha natin para hindi makaramdam ng kalungkutan. Sa ngayon, masaya ako at may Sandra akong napili mula sa isang libong posibilidad.” pagkawika ay tumingin ito kay Sandra at sabay ang isang napakatamis na ngiti.
Tumalon naman ang puso ni Sandra at higit pa, napatunayan niyang labis na ang pagmamahal sa kanya ni Andrei. Ang tangi lang niyang nasabi para sa binata ay isang malambing na “Oh Andrei ko”
Pagkatapos magdasal ay sinundo na nila si Steph sa bahay at sabay sabay na nagtungo sa sementeryo. Naabutan niula duon ang ama ni Nicco na si Mang Juancho. May dalang isang bata si Mang Juancho. Nasisigurado ni Andrei na si Nicco ang hawak nitong bata. Si Nicco ang bunsong anak ni Mang Juancho sa ikalawa nitong pamilya. Ipinangalan niya ang bata sa namatay na si Nicco para dito ibuhos ang pagmamahal na ipinagkait niya sa kanyang anak.
“Tatay” masayang bati ni Andrei “kay aga po ata ninyo dito” tanong nito.
“Oo nga tatay, naunahan pa ninyo kami” pagsang-ayon ni Andrew.
“Maaga kasi akong nagising, kaya naman pumunta na ako dito” sagot nito “ang papa nyo? Hindi nyo ata kasama?”
“Maya-maya pa poi yon, inumaga na sa pagpirma para diretso ang araw niya dito.” sagot ni Andrew.
“Alam niyo mga anak” panimula niya “pinagsisisihan ko talaga at hindi ko sinabi kay Nicco ang tungkol sa pangalawang pamilya ko. Sana sa simula pa lang ay sinabi ko na sa kanya, para hindi ko siya napabayaan.” pagpapatuloy nito “pinangunahan kasi ako ng takot na baka hindi niya matanggap”
“Tay wag na po ninyong isipin iyon” sabi ni Andrei na may pag-alo “Wala po iyon kay Nicco”
“Sa tingin ko po ay masaya siya dahil alam niyang may mag-aalaga sa inyong panibagong pamilya.” dagdag pa ni Andrew.
Madami din ang nagbago mula ng mamamatay si Nicco. Ang mga kapatid nito ay natitipon sa bahay tuwing linggo. Tinanggap nila ang bagong pamilya ng kanilang ama. Hindi nila nakalimutang magdamayan. Hindi na nila ngayon sinosolo ang mga problema. Isa pa, natutunan nilang pakiramdaman ang bawat isa. Alam na nila kung paano magdamayan. Mas lalong higit, unti-unti nilang naaayos ang mga problema nila dahil tulong-tulong sila sa paglutas nuon. Sama-sama silang muli ay binigkis ng pagkamatay ni Nicco. Lalo’t higit, naging isa silang masayang pamilya.
Bukod sa kanila ay dumagdag ang mga del Rosario sa kanilang pamilya, dalawang pamilya ang binigkis ni Nicco. Higit pa rito, anak ang turing ng Don Joaquin sa mga kapatid ni Nicco at ganuon din ang turing ni Mang Juancho sa mga del Rosario lalo na sa kambal.
Sa pagkamatay ni Nicco, nagising si Don Joaquin na dapat niyang bigyang halaga ang kanyang mga anak. Kaya naman kinausap niya ang mga ito at inayos ang gusot sa pagitan nila. Tama naman ang ginawa ng Don dahil unti-unti ay umayos ang samahan sa kanilang pamilya. Magkakasundo ang lahat ng knayang mga anak. Natutunan din nila ang pagmamahal ng isang pamilya. Isang pamilyang hindi naramdaman ni Nicco.
“Sayang, wala na si Nicco” simula ulit ni Mang Juancho “hindi niya makikita ang pamilyang gusto niyang makita ang pagmamahal na hindi niya naramdaman.” Nagsisimula na namang lumuha ang matanda.
“Tay talaga oh, masaya si Nicco ngayon sigurado ko” pag-alo ni Andrei “dahil nakikita niyang umaayos ang pagsasamahan natin, kahit wala siya, alam kong nararamdaman din niya ang pagmamahal” dagdag pa nito.
“Isa pa po, si Nicco na din ang naging susi para maayos ang gusot sa mga pamilya natin. Siguro ay sinadya ng Diyos na ganitoi ang mangyari para matutunan nating ang mga aral na dsapat naitng malaman” wika ni Andew.
“Marahil ay tama kayo mga anak” sabi ni Mang Juancho.
“Sa bandang huli, kung kailan wala na saka lang naitn malalaman ang halaga. Nakapanghihinayang lang talaga at iniwan tayo agad ni Nicco. Siya pa ang naging sakripisyo para maintindihan natin ang aral na dapat nating matutunan. Nakapagsisisi at napabayaan ko ang anak ko.” sabi pa ni Mang Juancho.
“Sa sinabi po ninyong iyan ay tiyak na mas sasaya si Nicco, dahil nalaman niyang may halaga pala siya.kasi kahit mawala ang isang bagy kung hindi naman ito mahalag sa isang tao ay hindi niya ito hahanapin pag nawala o kaya ay hindi niya mapansin na nawala pala ito.” sabi ni Andrei.
“Tama po iyon tay, hanggang nasa puso natin si Nicco, habang buhay siyang mananatiuling buhay” dugtong pa ni Andrew “kita mo nga naman, nagiging Nicco na din tayong mag-isip” pabiro nitong turan.
Nagtawanan na lang ang tatlo ng dumating ang mga ate ni Nicco. Sinundan ng Don at ni Aling Martha, kasunod si Chad at Rome, si Dok Matthew, si Fr. Rex, Fr. Cris, Fr. Ed, ang rector, iba pang mga pari at mga seminarista. Pati ang mga natulungan ng organisasyong tinatatag ni Nicco. Dumating din para bumisita ang iba pang nagmamahal kay Nicco.
Matapos ang pag-aalay ng panalangin ay nagpalipad ang mga ito ng puting lobo na nagpapakita na “Sige pa Nicco, tumuloy ka sa paglipad. Salamat sa mga itinuro mo sa aming aral. Higit sa lahat, salamat sa pagtuturo mo sa amin ng --
Love knows NO BOUNDARIES
Love is not bounded by any limits
It is for two deeply in loved people
It is for pure and passionate emotion
Love can travel even there is no road to take
It never quits loving
It continually loves even there is no reason to love
It entails contentment and satisfaction
It avoids hurting others
It requires understanding
Love is an infinite journey
It needs sacrifices
It engages pain and sorrows
It never ask for return
It surrenders everything
It removes anger and hatred
It involves loyalty.
Love is the realization of deep feeling for wanting and needing
It must be felt
It must be selfless
It must be faithfully given
It must learn how to forgive purely
It must not ask for anything in return
Love inclines the endless feeling of HAPPINESS.
END

No comments:

Post a Comment