By:
emray
E-mail:
iam.emildelosreyes@yahoo.com
Source:
theimmaculatedalisay.blogspot.com
[01]
Lights,
Camera and Action
“Marcel!”
paanas na tawag nang director sa head scriptwriter. “Sino ba ang gumawa nang
script na’to?” irritable nitong turan.
“Si
Emil po direk!” natatakot na sagot ni Marcel sa kanilang gwapo at halimaw na
punong bathala.
“Punyeta,
tawagin mo nga iyang nagmamarunong na iyan!” utos pa ng gwapong halimaw kay
Marcel.
“Opo
direk!” agad na sagot ni Marcel at dali-daling tinakbo si Emil.
“Bilisan
mo!” paalala nang direktor.
“Emil!
Emil! Emil!” hindi pa man nakakalapit ay agad na tawag ni Marcel kay Emil.
“Bakit
Sir Marcel?” kinakabahang tanong ni Emil.
“Pinapatawag
ka ni direk!” hihingal-hingal na pagbabalita ni Marcel kay Emil.
“Bakit
na naman kaya?” nagtataka at kinakabahang tanong ni Emil.
“Basta,
lapitan mo na lang.” saad ni Marcel na agad naman na sinunod ni Emil.
“Direk
Benz!” simula ni Emil. “Pinapatawag ninyo daw po ako.” magalang na wika nito.
“Scriptwriter
ka bang talaga?” simula ni Benz. “Ang mga linya mo ang kokorni!” wika pa nito
at agad na hinarap ang script na ginawa ni Emil.
“Pero
direk!” tila pagtutol ni Emil sa paratang nang direktor.
“Pakinggan
mo ‘to!” tila pagmamanipula ni Benz sa usapan nila ni Emil para hindi na ito
makapagpaliwanag. “Oh! Laura na aking iniirog, ang abang puso ko nawa ay
dinggin!” tila pamamahiya ni Benz kay Emil.
“Direk,
kasi po” papapaliwanag sanang ulit ni Emil.
“What
the hell! Shut up! Okay!” kontra ni Benz. “Listen! Here’s another one. Paano mo
naatim na ako ay iyong iwanan sa gitna nang kagubatan. Labis ang panglaw ang
nararamdaman ng aking pusong ikaw lamang ang bumubuhay.”
“Ano
tayo? Balagtasan?” tila panunuya ni Benz kay Emil.
“Direk,
let me explain first!” madiing wika ni Emil.
“Okay!”
kibit balikat na may ngiting aso na sagot ni Benz na napansin din ang
pagkakalukot nang mukha ni Emil.
“Hindi
ba Direk kayo ang nagrequest na maging balagtasan iyang scene na iyan?” sagot
ni Emil sabay kuha sa script na hawak ni Benz. “Look direk, may caption dito!”
wika ulit ni Emil sabay turo sa script nang sinasabi niya. “Script for Scene
15: Stage Play.” malakas na pagbabasa ni Emil sa sinasabi niyang caption.
Nakaramdam
naman nang pagkapahiya si Benz at dahil sa kagustuhang ipahiya si Emil ay
nakalimutan niya kung anong eksena ang binabasa niyang script. Agad na namula
si Benz at dali-daling bumawi – “Kasi naman napakaliit nang inilagay mong
caption!” angil nito kay Emil na tila binabaligtad ang sitwasyon.
“Ano
ba ang gusto nitong mokong na ito? Size 150 ang font ng caption?” reklamo ni
Emil sa sarili.
“Sa
susunod kasi aayusin mo ang trabaho mo!” tila pangangaral ni Benz kay Emil
sabay ayos sa polo shirt niyang hindi naman nagulo. “Sige na lumabas ka na!”
mahinahong wika pa nito na ramdam pa din ang kahihiyan.
“Sorry
po Direk!” paumanhin ni Emil kahit na nga ba sa totoo lang ay nagngingitngit pa
din ang damdamin niya sa ginawa ng direktor sa kanya.
“Ayos
ka Emil!” wika ni Marcel. “Napatiklop mo si Direk Benz!” bati pa nito sa
kaibigang scriptwriter.
“Ang
yabang kasi! Akala mo kung sinong magaling na direktor.” nag-aalsa pa din ang
inis sa kalooban ni Emil. “Huwag niyang sabihing baguhan ako at award-winning
script writer na siya!” sabi pa nito.
Hindi
kontrolado ni Emil ang pagsasalita at lalong hindi naman niya inaasahang
susundan siya ni Benz at naririnig nitong lahat ang sinasabi niya tungkol sa
direktor na nakakubli lang sa likod nang pintuan. “Sinong mayabang? Ako?!”
pagtutol nang isipan ni Benz.
“May
ipagmamayabang naman kasing talaga. Biruin mo wala pa siyang isang taon pero
nagkaroon na siya nang big break as a script writer at nakahakot na din nang
awards at direktor na siya ngayon kahit dalawang taon pa lang siya sa
industriya.” tila pagtatanggol naman ni Marcel.
“Tama
iyon! Ililibre kita nang tanghalian mamaya Marcel.” bulong pa din ni Benz sa
sarili habang pilit na ikinukubli ang sarili.
“Young
achiever nga siya pero ang ugali naman niya hell uploader!” kontra naman ni
Emil. “Mas gugustuhin ko na lang na maging janitor na may mabuting puso o kaya
ay pulubi na may magandang ugali kaysa maging young achiever na saksakan naman
nang itim ang budhi!”
“Mabait
naman si Direk, pagpasensiyahan mo na lang.” tila pangangalma pa din ni Marcel
kay Benz.
“Sige
Marcel, irerekomenda ko ang promotion mo basta ipagtanggol mo lang ako sa Emil
na iyan.” buyo ulit nang isipan ni Benz na tila interesado sa mga sasabihin ni
Emil tungkol sa kanya.
“Kayo
pala direk! Anong ginagawa ninyo di’yan?” bati ni Mae na isa din sa mga
kaibigan ni Emil at kapwa scriptwriter din.
“Patay
na!” mahinang usal ni Emil sabay napatiklop at biglang nakaramdam nang kaba na
maaring narinig ng binatang direktor ang lahat nang sinabi niya.
“Kasi
ikaw!” tila may paninisi na wika ni Marcel kay Emil.
“Good
Morning guys!” nakangiti at masayang bati ni Benz sabay ang tingin kay Emil
mula ulo hanggang paa na naging sanhi para lalong bumilis ang tibok nang puso
ni Emil at mangamba sa sariling kaligtasan.
“Good
Morning Direk!” wika nila Marcel at Emil.
Nilapitan
agad ni Benz si Emil at iniangat nito ang nakayukong ulo nang baguhang
scriptwriter. “Magkita tayo mamaya after nang taping.” wika ni Benz at saka
nag-iwan nang makahulugang ngiti kay Emil.
“Opo
Direk.” tila maamong tupa na sagot ni Emil na ngayon nga ay nadoble ang kaba
niya at nangangambang mawalan nang trabaho kung sakaling tama ang hinala niyang
narinig nito ang lahat nang sinabi niya.
“Lagot
kang Emil ka!” tudyo ni Marcel pagkaalis nang binatang direktor.
“Tumahimik
ka na nga di’yan!” tila utos ni Emil sa head nila. “Lalo mo pang dinadagdagan
ang kaba ko!” wika pa niya sabay lunok nang laway.
“Ihahanda
ko na ang despedida mo tol!” biro pa nito at tatawa-tawang iniwan si Emil
mag-isa.
“Paano
na lang!” tila nalungkot na wika ni Emil.
“Inhale!”
at humingang malalim si Emil.
“Exhale!”
at saka ibinuga ang hanging sinagap niya.
“Think
positive Bien Emilio! Punuin mo nang good vibes ang isipan mo!” at unti-unting
pinakalma ni Emil ang sarili para makapagtrabaho nang maayos.
“Hindi
dapat masira ang concentration mo ngayon! Dapat magpasikat ka!” simula ni Emil
para palakasin ang loob.
“Kaya
ko ‘to! Para kay nanay!” at saka lumabas sa location si Emil para sa
pagsisimula nang taping nila.
[02]
Ang
Ambisyoso at Ang Mayabang
Ano
pa ba ang inaasahan mula sa taong nakagawa nang kasalanan sa isang taong mas
mataas sa kanya na kung saan nakasalalay ang trabaho niya? Ano pa nga ba kung
hindi magpakitang gilas at magpasikat sa kanyang trabaho upang ang kasalanan ay
mapalitan nang magandang komento. Iyang bagay na iyan ang ginawa ni Emil sa
buong taping nila. Inaalala ang kanyang ina na nasa malubhang kundisyon at
nangangailangan nang suportang pinansyal kung kaya’t hindi siya dapat ngayon
mawalan nang trabaho.
“And..”
sigaw ni Benz. “Cut!” tila haring pagpuputol nito sa eksenang ginagawa.
“That
was a very nice shot!” pagbati ni Benz. “Congratulations!” masaya pa nitong
sinabi.
“Direk!”
tawag ni Mae sa binatang direktor.
“Yes!”
sagot ni Benz.
“May
humahanap po sa inyo.” pagbabalita pa nang dalaga.
“Sino
daw?” tanong naman ni Benz.
“Julian
po ang pakilala niya.” muling sagot ni Mae.
Umaliwalas
man ang mukha ni Benz ay mababanaag mo pa din ang pagtataka nito at mababasa
ang kaunting pagkadismaya sa nalaman kung sino ang bisita niya.
Samantalang
si Emil naman ay pumunta muna sa van na sinakyan niya papunta sa location
kasama ang ibang crew at maging ng kanilang direktor.
“Nasaan
na ba iyon?” tila yamot na paghahanap ni Emil sa kung anong nawawala.
“Tatanga-tanga
ka kasing Emil ka!” pangaral niya sa sarili. “Pati cellphone iwinawala mo!”
Nasa
kalagitnaan nang matinding paghahanap si Emil nang may sumakay sa harapan nang
kotse. Tinted ang lahat nang bintana at natatakpan nang malaking puno ang
harapan nang kotse kung kaya’t hindi mo talaga makikita o maaninag ang nasa
loob nito.
“Anong
ginagawa mo dito Julian!” simula ni Benz pagkasakay nila sa van na kung saan ay
naruon din si Emil na hindi niya alam.
“’coz
I miss you so much!” walang pag-aalinlangang winika ni Julian.
“Alam
ko naman na miss mo ako. Miss din naman kita, kaso nag-iingat din ako.”
malambing na sagot ni Benz na tila may himig na nang pagpapaliwanag.
“Nag-iingat
din naman ako!” sagot ni Julian na may himig nang pagtatampo. “Sa tingin ko
kasi ikamamatay ko na ang pagka-miss ko nsa iyo.” malambing na pahabol pa nito.
“Asus!
Ang Julian ko may patampo-tampo pa na nalalaman.” wika ni Benz.
Ngiti
lang ang sinagot ni Julian at agad na niyakap nito si Benz. Isang yakap na may
kasamang mga halik. Halik na sa simula ay may hinahon hanggang sa naging
magaslaw at mas mapusok.
Sa
kabilang bahagi naman, bagamat hindi nakikita ni Emil kung sino ang sumakay
nang kotse ay sigurado niyang si Benz ang isa duon. Labis man ang pagtataka ay
wala ito sa isang rebelasyong kanyang nalaman. Isang baritonong tinig ang
nagpahayag nang pagka-miss kay Benz. Nais makasigurado ni Emil kung kayat
dahan-dahan siyang lumapit sa harapan upang makita at makasigurado sa kanyang
hinala.
“Pag
nagkataon, hinbdi ka lang pala halimaw.” pahayag nang isipan ni Emil.
“Bekimonster pa pala!” napangiti siya sa isiping ganuon.
Malapit
na siya sa gawi nang dalawa nang biglang may tumunog na cellphone. Agad namang
lumingon si Benz sa likuran nila upang makita kung may ibang tao ba sa loob ng
van. Sa kabutihang palad ay nagawa agad ni Emil na ikubli ang sarili sa likod
nang upuan.
“Patay
na!” bulong ni Emil sa sarili. “Cellphone ko iyon.” tila may kasiguraduhang
pagdudugtong niya. Butil butil ang pawis ni Emil sa noo at tila naging mas
mabilis ang pagtibok nang kanyang puso. Inihahanda na ang sarili sa kung
anumang palusot ang sasabihin niya sa kanilang direktor.
“Bhe!”
simula ulit ni Julian. “Uwi na ako. Nagtext si mama kailangan daw ako sa bahay
ngayon.” tila nalungkot si Julian sa binalitang iyon.
Nakahinga
naman nang maluwag si Emil dahil nalaman niyang kay Julian pala ang tumunog na
cellphone at hindi na malalaman pa ni Benz na nasa loob din siya nang van at
hindi sinasadyang narinig ang usapan nila ni Julian.
“Ingat
ka bhe!” paalam naman ni Benz.
“I
love you!” wika ulit ni Julian.
“I
love you more!” sagot ni Benz.
“Sa
susunod huwag kang dadalaw sa set nang hindi nagsasabi sa akin.” tila paalala
pa ni Benz kay Julian.
“Sabi
mo!” sagot naman ni Julian bago tuluyang bumaba sa van ang dalawa.
Agad
namang sinilip ni Emil ang dalawa pagkababa nang mga ito sa kotse. Sa
pagkakataong ito nasigurado niyang lalaki din ang Julian na ito. Bagamat tinted
ang salamin ay natantiya ni Emil na kasing-edad lang niya si Julian at makikita
din ang pagiging mayaman at ang hindi maikakailang kagwapuhan.
Higit
pa dito ay naging malalim ang pag-iisip niya sa tunay palang katauhan ni Benz.
Ang kanilang direktor na lalaking-lalaki kung kumilos, gwapo, artistahin ang
itsura, simpatiko, maalalahanin sa mga kasamahan, iyon nga lang ay hilig nitong
pag-initan siya at hindi mo aakalaing may dugong berde ay isa pa lang kasapi
nang ikatlong lahi.
“Saan
ka na naman galing?” bungad ni Benz kay Emil pagkabalik nang binata sa set.
“May
tinatago ka palang lansa!” sulsol ng isipan ni Emil na hindi niya maipaliwanag
ang kasiyahan sa bagong natuklasan.
“Emil!
Saan ka na naman ba nagsuot?” ulit na tanong ni Benz kay Emil.
“Sa
tabi-tabi lang po.” pilit na ngiting sagot ni Emil.
“Lumalala
ang pagiging irresponsive mo!” kunot noong sagot ni Benz sa tinuran sa kanya ni
Emil.
“Irresponsive!”
mahinang sagot ni Emil. “Ikaw na ang magaling!” habol pa nito.
“Ano
kamo?” tila narinig naman ni Benz ang mga sinabing ito ni Emil.
“Wala
po Direk!” agad na sagot ni Emil. “Sabi ko po, hindi na po mauulit. Gagayahin
ko na po ang pagiging responsable ninyo.” pagsisinungaling pa nito at nasa akto
na nang pag-alis.
“Sandali!”
tila pagpigil ni Benz. “Mag-uusap pa tayo mamaya.” paalala ni Benz na may himig
nang pag-uutos.
“Sige
po Direk!” mahinahon na sagot ni Emil at saka tuluyang pinuntahan ang umpukan
nila Marcel na nag-uusap na ukol sa susunod na eksena.
“Ang
cute mo talaga pag naiinis ka!” bulong ni Benz sa hangin pagkalayo ni Emil sa
harapan niya at hindi niya namamalayang nangingiti na siya sa ganuong isipin.
“Mamamatay
ka ding mayabang ka!” anas ni Emil pagkatalikod kay Benz at biglang nalukot na
din ang ekspresyon sa mukha niya.
“Lukot
na naman iyang mukha mo?” bati ni Marcel kay Emil bago pa man makarating sa
pwesto nila ang binatang scriptwriter.
“May
iba pa bang dahilan?” balik na tanong ni Emil kay Marcel.
“Friend”
sabi naman ni Mae “pabayaan mo nalang si Direk.”
“May
iba pa ba akong magagawa?” dagling sagot ni Emil na tila tanggap ang kapalarang
sentro siya nang atensyon ni Benz.
“Emil”
tila pangangalma naman ni Marcel “insecure lang siguro iyon kasi nararamdaman
niyang ikaw na ang katapat niya.” habol pa nito.
“Tama
iyon!” sang-ayon naman ni Mae.
“Kayo
talaga!” nangiting wika ni Emil “Mamaya may makarinig na iba at masabihan pa
akong ambisyoso.” bagamat natuwa si Emil sa papuri nang mga kaibigan ay ayaw pa
din niyang mapansin siya nang ibang kasamahan dahil sa takot na masabihan nang
ambisyoso.
“Hindi
ambisyoso ang tawag duon!” kontra ni Marcel. “Talento!” pagbibigay linaw pa
nito.
“Tumigil
na nga kayo at baka mapansin na naman ako nang mayabang na’yon at masabihang
nakikipagsitsitan lang ako sa inyo.” awat niya sa dalawang kaibigan at muling
itinuon ang atensyon sa trabaho.
“Anak
nang!” putol ni Benz sa eksenang kinukunan.
Nasa
kalagitnaan na ang eksena nang biglang may tumunog na cellphone na naging
dahilan para masira ang kinukuhanang tagpo.
“Kaninong
cellphone iyon?” malakas na sigaw nito na kita ang pagkainis at tila handang
patayin kung sino man ang nagmamay-ari sa cellphone na iyon.
“Sorry
po Direk!” tila paumanhin na sagot ni Emil kay Benz.
“Di
ba SOP na turned-off dapat ang mga cellphone!” asar pa ding wika ni Benz sabay
lingon kay Emil.
“Sorry
po talaga!” wika ulit ni Emil na ang pagpapaumanhin ay nahaluan na nang hiya.
“Sagutin
mo na nang matigil na sa pag-ring.” tila may pag-uutos sa tinig ni Benz at may
diin bagamat nakaramdam nang paglambot para kay Emil ay pinilit niyang huwag
ipahalata..
“Sige
po!” paumanhin pa din ni Emil at saka lumakad palayo sa set at sa mata ni Benz
na sa pakiramdam niya ay natutunaw siya sa titig nito.
Hindi
alam ni Emil kung sa papaanong paraan magbibigay ng reaksyon nang malaman niya
ang balitang para sa kanya.
“Talaga
po?” tila hindi makapaniwalang nawika ni Emil sa sinabi nang nasa kabilang
linya.
“Sige
po, titingnan ko!” wika ulit ni Emil sa taong nasa kabilang linya.
“Tatawagan
ko na lang po kayo. Salamat po.” tila pagwawakas ni Emil sa usapan nila ng
taong nasa kabilang linya at saka muling binalikan ang set para ituloy ang
trabaho.
“Stupid!”
hindi pa man nagtatagal si Emil nang makabalik sa set ay agad na siyang
nakatikim mula kay Benz.
“Sorry
po Direk!” tila natauhang paumanhin ni Emil.
“Para
saan pa ang sorry kung nawiwili ka na at paulit-ulit?” giit ni Benz.
“Hindi
na po mauulit.” tila paninigurado ni Emil sa sagot na iyon. Sa katotohanan lang
ay ang balitang natanggap ang naging dahilan para mawala ang atensiyon niya sa
trabaho.
“Talagang
hindi na mauulit kasi wala ka nang trabaho mula ngayon.” walang
pagdadalawang-isip na sinabi ni Benz kay Emil.
“Di..
di.. direk.” pautal-utal na sagot nang nabiglang si Emil.
“You
heard it right!” tila pagwawakas ni Benz sa usapan nila ni Emil. “Guys, back to
work.” baling naman ni Benz sa ibang crew na kasama nila sa set.
“Direk!”
tila pagtutol ni Marcel sa sinabing iyon ni Benz.
“Kokontra
ka?” mapang-asar na sagot ni Benz kay Marcel na tila sigurado siyang
ipagtatanggol nito si Emil.
“Emil
will be a great loss for the team, for my team.” pangangatwiran ni Marcel.
“Then
leave this project with Emil. It will be fine.” sagot ni Benz.
Tila
napipi si Marcel sa tinuran na iyon ni Benz at mas piniling tumahimik na lang
at sabihan si Emil na mag-impake na paalis.
“Sorry
Emil but you have to go!” malungkot na wika ni Marcel.
“Ayos
lang iyon tol.” bagamat nasaktan ay masaya pa din niyang hinarap ang
katotohanang lilisanin na niya ang mga kaibigan at mga katrabaho. Agad na
tumalikod at pumunta sa van para mag-ayos na nang gamit niya.
Nasa
akto na si Mae at Marcel nang pagsunod kay Emil nang –
“Back
to work!” sigaw ni Benz. “Ang susunod kay Emil mag-impake na din.” sigaw pa
nito.
Tila
natigilan ang dalawa sa planong pagsunod kay Emil.
“Mae,
ikaw muna ang gagawa sa trabaho ni Emil.” tila pag-uutos ni Benz.
“Opo
Direk!” sagot ni Mae.
“Loveless
ka na nga, jobless ka pa ngayon.” wika ni Emil sa sarili. “Kawawa ka namang
bata ka! Zero lovelife ka na nga, zero career ka pa!” tila pilit na pinapatawa
ni Emil ang sarili habang nililigpit ang mga gamit niyang nasa van.
“I
read your stories in your campus’ paper and all I can say is that they are all
beautiful and meaningful.” sabi sa kanya nang nasa kabilang linya.
“Thank
you for good reviews.” tila nakiliting sagot ni Emil sa kausap.
“The
network would like to offer you contract and turn those stories into soaps.”
pagbabalita pa nang kausap ni Emil na secretary ng vice president for
entertainment mula sa kabilang estasyon.
“Talaga
po!” hindi makapaniwalang tugon ni Emil sa magandang balitang ito.
“Yes
and we would like to place your first story on primetime with you as the head
writer.” sabi pa nito kay Emil.
Bigla
namang napalitan ng lungkot ang kasiyahan ni Emil nang maisip niyang - mahal
niya ang trabaho ngayon. Ayaw niyang iwanan ito nang ganuon na lang. Masaya
siya sa piling nang mga kaibigan kung kayat imbes na sumagot nang Oo kahit gusto
niya ay –
“Sige
po pag-iisipan ko. Tatawagan ko na lang po kayo. Salamat po.” tila pagwawakas
niyang tugon sa kausap.
Habang
nag-iimpake ay agad na kinuha ni Emil ang cellphone niya at nag-iisip kung
tatanggapin na ba niya ang inaalok sa kanya nang kabilang estasyon o patuloy na
aasa na nagbibiro lang si Benz. Sa ganitong sitwasyon siya nang mapatingin sa
unahan nang kotse at bumalik sa kanyang gunita ang kung anumang naganap duon
kanina. Ang usapan nila Julian at Benz na hindi naman niya sinasadyang marinig.
“I-blackmail
ko kaya si Direk?” agad na sumagi sa isipan ni Emil.
“Tama!
Sigurado matatakot iyon at magiging mabait na sa’yo.” tila sang-ayon niya sa
sariling suhestiyon.
“Pag
nangyari iyon, wala nang aaway sa’yo.” sulsol pa din niya sa sarili.
“Professional
ka Emil. You should not do things like that.” tila laging kaakibat ang kontra
na naisip ni Emil.
“Matakot
ka sa karma at baka mas malaki ang balik niyan sa’yo.” sang-ayon ulit niya sa
sariling kontra suhestiyon.
Naguguluhan
man ay bumaba na si Emil sa van at muling bumalik sa set para magpaalam sa mga
kasamahan. Wala siyang panahong umiyak o lumuhod sa harapan ninuman para lang
manatili sa trabahong iyon. Iniisip na lang niyang may mas magandang kapalarang
naghihintay sa kanya bagamat alam din niyang malaki ang problemang kakaharapin
niya sa mga darating na araw.
“Boss
Marcel sige po aalis na ako.” paalam ni Emil kay Marcel na sakto namang
katatapos lang kuhanan ang huling mga eksena.
“Sumabay
ka na lang sa amin. Mag-eempake na din kami.” tila anyaya naman ni Marcel kay
Emil na bagamat nalulungkot sa pag-alis nito ay pinilit na pasayahin si Emil.
“Tama!”
sabat naman ni Mae.
“Huwag
na lang!” tutol ni Emil. “Saka hindi na naman ako bahagi nang team, nakakahiya
naman kung sasabayan ko pa kayo.”
“Baka
nabigla lang si Direk.” anas ulit ni Mae. “Mag-uusap pa kayo di’ba?”
“Hindi
na din iyan.” sagot ni Emil. “Saka ipinahiya na niya ako.”
“Friend!”
tila mas lalong nalungkot si Mae.
“Basta
galingan ninyo ang trabaho.” wika ni Emil at saka tuluyang umalis.
Malalim
na ang gabi nang makauwi si Emil sa bahay nila. Tulad nang inaasahan ay nakita
niya ang inang makahiga sa may bangkong malapit sa pintuan, hindi dahil sa
hinihintay siya kung hindi nakatulog ito dahil sa alak. Pagkapasok niya ay
pupungas-pungas na bumangon ang ina niya at agad niyang nilapitan ito para
magmano.
“Mano
po nanay!” wika ni Emil.
“Sino
ka ba? Bakit mo ako tinatawag na nanay?” asar na wika nito sabay binawi ang
kamay. “Wala akong anak! Ikaw na demonyo ka, di ba sabi ko huwag ka nang
babalik dito dahil hindi naman kita kilala.” sigaw pa nito kay Emil.
Kahit
na nga ba lagi niyang naririnig ang ganitong mga kataga mula sa ina ay tila
pinagsukluban pa din siya nang langit at lupa sa mga narinig niya. Hindi niya
maunawaan kung bakit ba ganito ang pagkasuklam sa kanya nang ina na halos
ihambing siya sa diablo.
“Sige,
lumayas ka na!” sigaw ulit nang ina ni Emil.
“Choleng,
ano na naman ba iyang sinisigaw mo diyan?” awat ni Mando kay Choleng na nasa
katabi lang ang bahay.
“Mano
nga po Ninong!” sabi ng nagpipigil sa pagluhang si Emil kay Mando.
“Kaya
naman pala! Pinag-iinitan mo na naman si Emil.” tila nasagot na ang tanong ni
Mando.
“Ikaw
ngang Mando ka! Ilayo mo sa harap ko iyang damuhong iyan.” Tila utos ni Choleng
kay Mando.
“Sige
na Emil pumasok ka na sa kwarto mo.” mahinahong utos ni Mando kay Emil.
“Letse!”
sabi ni Aling Choleng kay Emil. “Lumayas ka dito.” pahabol pa nito.
Hindi
na pinansin ni Emil ang sinabing iyon nang ina at agad na itong lumakad papunta
sa kwarto niya.
“Sabi
ko lumayas ka dito!” sigaw ni Aling Choleng kay Emil at gad na tinakbo si Emil
at hinilang bigla ang maikling buhok nang binata. “Bobo! Tanga! Gago! Demonyo!”
lahat na ata nang pagmumura ay nasabi na ni Aling Choleng kay Emil.
“Nay
masakit po!” sabi naman ni Emil.
“Peste
ka sa buhay ko!” patuloy pa din sio Aling Choleng sa ginagawa kay Emil.
“Choleng!
Ano ba?” awat ni Mando kay Choleng.
“Bitiwan
mo ako Mando kung ayaw mong madamay ka sag alit ko sa walang kwentang iyan!” wika
ni Aling Choleng at saka muling tuluyang tinakbo ang nakalayong si Emil.
“Ahhh”
sigaw matanda na sa kasamaang palad ay nadulas sa sahig at tumama ang ulo sa
dingding.
“Nanay!”
sigaw ni Emil at agad na tinakbo si Aling Choleng.
“Choleng!”
nag-aalalang wika ni Mando sabay salat sa ulo nito.
“May
dugo Ninong!” wika ni Emil na kita ang pagkabigla at pag-aalala para sa ina.
“Diyan
ka lang Emil!” wika ni Mando sabay takbo palabas.
“Nay!
gumising ka!” sabi ni Emil sa walang malay na ina.
Ang
mga sumunod na eksena ay sa ospital na naganap. Agad at mabilis na nakahanap si
Mando nang sasakyan para maihatid nila si Choleng sa ospital. Ngayon nga ay
nag-iisa si Emil at pinipilit mag-isip nang positibo habang sinusuri ang lagay
nang ina.
“Dok!”
bati ni Emil sa bagong labas na doktor.
“She’s
fine!” sagot nang doktor kay Emil.
Nakahinga
naman nang maluwag sina Mando at Emil sa ibinalitang iyon nang doktor.
“But,
there is more and definitely much serious problem.” tila hindi magandang
balitang kasunod nito.
“Ano
po iyon dok?” tanong ni Mando.
“Diabetic
pala ang pasyente and I am afraid na baka mas malala pa ito sa inaasahan at
maging ang paggaling nang sugat niya ay matagalan.” sagot nang doktor.
“Paano
po ang magandang gawin?” wika ni Emil na ngayon nga ay dinodoble ang
pagpapalakas niya nang loob.
“You
should prepare lots of money for her.” wika nang doktor at saka tuluyang
nilisan ang dalawa.
“Diyos
na makabagin!” wika ni Emil sa sarili. “Bakit?” tanong pa niya sa nilalang na
hindi pa niya nakikita ngunit pinapaniwalaan niya.
[03]
Secret
Fantasy: Real Love
“Congratulations
Emil!” bati kay Emil ang kausap niya.
Tila
umaliwalas naman ang mukha ni Emil sa sinabing iyon ni Mrs. Cordia sa kanya.
“The
management likes the story and they wanted this project to be filmed as soon as
possible and the next to air.” wika pa nito sa kanya.
“Thank
you Madam!” tanging nasambit ni Emil.
“Huwag
ka sanang magagalit, pero kami na ang nagline-up sa cast mo.” tila paumanhin
naman ni Mrs. Cordia kay Emil. “Kasi nang ma-aaprove ang kwento mo agad na
kaming pinagpahanap nang casts, kaya kahit hindi ka pa namin nakakausap,
naghanap na kami.” tila pagpapaliwanag naman nito.
“It’s
not a big deal ma’am” nakangiting wika ni Emil.
“This
afternoon, you will meet them. By the way, I’m reminding you na story
conference din mamaya” pagbabalita pa nito kay Emil.
“Sure
Ma’am.” sagot ni Emil na alam nang story con na din ng araw na iyon.
Tulad
nang sinabi ni Mrs. Cordia ay ipinakilala si Emil sa mga makakasama niya sa
bagong trabaho. Ang direktor ang unang ipinakilala kay Emil, kasunod ang ilang
crew, co-writers, at iba pang staff.
“Your
story is so simple and nice. Magaan sa pakiramdam ang flow, purely intellectual
and I’m sure this will change the landscape nang primetime.” pangunang bati kay
Emil ni Direk Donald, ang kanilang direktor.
“Thank
you Sir!” sagot naman nang napangiting si Emil.
Sa
katunayan ay walang balak ni Emil na tanggapin ang trabahong iyon mula sa kabilang
estasyon. Ayaw niyang masabihang traydor, taksil at walang professionalism
lalo’t higit ay kasama pa siya sa isang on-going at running na serye. Dala nang
matinding pangangailangan at walang katiyakan kung talagang kasama pa siya sa
crew nang Last Dance, ang serye kung saan ang direktor ay si Benz, ay nagawa
niyang um-oo para maisatelebisyon ang kanyang akda.
“Emil,
parating na daw ang ilang cast.” pagbabalita ni Mrs. Cordia sa kanilang bagong
alagang scriptwriter.
“Ang
swerte mo naman Emil.” wika ni George, isa ding scriptwriter na makakasama ni
Emil sa trabaho. “Bonga na agad ang unang project mo. Bigatin ang casts at sa
primetime pa.” wika pa ni George sabay taas ng isang kilay.
“Salamat.
Kinakabahan nga ako kasi baka mamaya mag-flop.” sagot ni Emil na biglang
binakasan nang kaba at nangiwi.
“Vaklushi,
don’t worry. I’m sure maghihit tayo. Bettchay ko, magnunumber one tayo.” tila
pang-aamo naman ni George kay Emil.
“Eto
na pala ang bida natin.” pagbabalita ni Mrs. Cordia na naging dahilan para
bumilis ang tibok nang puso ni Emil.
Sa
kabilang bahagi naman nang Pilipinas.
“Ikaw
ba si Julian?” tanong nang isang lalaki na lumapit at dumikit sa naglalakad na
si Julian.
“Oo!”
kinakabahan man ay pilit na sumagot ang binata.
“Sumama
ka sa amin kung gusto mo pang makitang buhay si Benz.” sagot naman nang isang
lalaking sa pakiramdam niya ay tinutukan siya nang patalim.
Biglang
kaba ang nadama ni Julian sa sinabing iyon nang lalaki. Unti-unting pag-aalala
ang naramdaman niya. Natakot hindi para sa sariling buhay kung hindi para sa
buhay ni Benz, ang kanyang pinakamamahal.
“Paano
ko masisiguradong nasa inyo si Benz?” pinatatag ni Julian ang sarili at pinilit
buuin ang tinig para maikubli ang takot at kaba.
Agad
na nagdial nang cellphone ang isang lalaki at – “Hoy, pagsalitain ninyo iyang
baklang iyan.” sabi nito sa kabilang linya.
“Julian,
huwag kang sasama sa kanila.” sagot nang nasa kabilang linya.
“Benz!
Benz! Benz!” tawag ni Julian kay Benz mula sa kabilang linya at higit pa ang
nadarama niyang takot at kaba, sigurado niyang si Benz iyon. Kabisado niya ang
timbre nang boses nang katipan maging ang punto nito at ang pagsasalita.
Agad
na hinawakan nang dalawang lalaki si Julian at saka isinakay sa kotse. Tahimik lang
si Julian na nakasakay sa kotse. Pinag-iisipan kung papaano nila tatakasan ni
Benz ang mga dumakip sa kasintahan at kung papaano niya mauutakan ang mga ito.
Tahimik, nag-iisip, natatakot, kinakabahan – mga damdaming naglalaro sa
nagmamahal na si Julian.
“Baba!”
madiin na utos kay Julian nang lalaking tumangay sa kanya na kung saan ay
nakasalalay ang buhay nila ni Benz.
Agad
na tumalima si Julian at higit pa ang nararamdaman niyang kaba at takot.
Minasdan niya ang paligid, ilang ang lugar na sa tingin niya ay abandonadong
factory. Masangsang ang amoy, nakakatakot ang paligid, tahimik ay malayo na
malayo ang mga bahay. Sa tingin niya ay wala na siya sa Maynila. Kahit na
malamig ang hangin ay malagkit na pawis ang lumalabas mula kay Julian. Marubdob
na pagnanais para masilayan si Benz, makitang nasa maayos ito at masiguradong
walang masamang nangyari dito.
“Boss,
eto na si Julian.” sigaw nang lalaki pagkapasok nila sa loob sabay hagis kay
Julian na naging sanhi para mapaupo ito sa sahig.
“Julian!”
tawag nang pamilyar na tinig kay Julian.
“Benz?”
sagot na patanong ni Julian sabay tayo at pinilit aninagin ang may-ari nang
tinig na iyon.
“Julian!”
tawag ulit ni Benz na ngayon ay naliliwanagan nang sinag nang buwan.
“Benz!”
sagot ni Julian at saka tinakbo ang lugar ni Benz.
Awa
ang isa sa naramdaman ni Julian para kay Benz. Awa dahil sa ayos nitong
nakagapos ang mga kamay at tila hirap na hirap sa kanyang dinadanas. Yakap ang
una niyang ipinasalubong para sa minamahal na katipan, yakap para pawiin ang
lahat nang takot na nadarama nito sa mga oras na iyon.
“Halika
na at lumabas na tayo para tustahin ang dalawang iyan.” wika nang isang lalaki
kasunod ang kalampag nang papasarang pinto.
Dito
na muling natauhan si Julian, natauhan sa katotohanang nasa bingit nga pala
sila nang panganib. Umisip nang paraan para makalabas sila sa loob niyon.
“Masaya
akong mamamatay na kasama ka!” wika ni Benz kay Julian.
“Hindi
Benz!” wika ni Julian. “Makakalabas din tayo.” dugtong pa nito saka kinalag ang
tali sa kamay ni Benz.
“Basta
Julian, mahal na mahal kita!” wika pa ni Benz. “Alalahanin mo, at baunin mo
hanggang sa kabilang buhay ang pagmamahal ko sa iyo.” tila pamamaalam ni Benz
kay Julian.
“Hindi,
huwag kang magsalita nang ganyan.” wika nang pagkontra ni Julian at saka
kumawala ang mga luha sa mata niya. “Makakaligtas tayo.” saka niyakap si Benz.
“Ngiting
matamis ang isinukli ni Benz na may mga kasamang luha.” tila ba tinanggap na
niya ang posibilidad nang katapusan na nilang dalawa. “Mahal na mahal kita.”
wika ulit ni Benz saka hinawakan ang mukha ni Julian na nasisinagan nang buwan,
kasunod ang paggagawad nang halik sa labi nito.
Kita
nilang dalawa ang saya, takot at pangamba. Ang pagnanais na makalabas at
makaligtas silang dalawa ay tila napalitan nang ligaya sa isiping mamamatay
silang magkasama.
“Happy
Anniversary!” wika ni Benz kay Julian.
Sa
totoo lang ay nalimutan na ni Julian na anniversary nga pala nila dahil sa
pag-aalala at ang lugar kung saan siya nacorner nang mga lalaking dumukot sa
kanila ay ang tagpuan nilang dalawa.
“Happy
Anniversary din!” sagot ni Julian.
“I
love you!” wika ni Benz sabay yakap kay Julian.
Biglang
may nahulog na mga talutot nang bulaklak mula sa itaas at humalimuyak ang
kakaibang bango sa loob nang lugar. Unti-unting nagliwanag ang kabuuan niyon at
saka iniluwa ang kakaibang ganda na naitago nang kadiliman kanina.
Napapalamutian nang mga bulaklak at pinagmukhang hardin ang loob nang
abandonadong gusaling iyon. Ang mainit na lugar na tila pugon ay unti-unting
lumamig at guminaw. Bumagsak ang tila niyebe mula sa taas at ang madalang ay
naging mas madami. Matapos ang nakakasilaw na pagliliwanag ay muling lumamlam
ang ilaw. Tanging ang may pinakamaliwanag na lugar ay ang gitna na may
nakahandang lamesa at umaagos na tubig na tila fountain.
Ang
kaninang kaawa-awang Benz ay naging mas pormal at mas maayos na ang itsura
ngayon.
“Happy
Anniversary Julian ko!” wika ni Benz saka hawak sa mga palad nito at inaya sa
lamesa.
Naguguluhan
man ay may kakaibang saya ang nasa puso ni Julian. Hindi niya magawang magalit
sa kasintahan kung labis man siya nitong pinag-alala. Sa pakiramdam niya ay
nasa isa siyang panaginip. Naguguluhan, pero mas lumamang ang kasiyahan.
“I
love you Julian.” wika ulit ni Benz pagkaupo nila.
“Palabas
lang ang lahat ng mga ito para maging memorable ang first anniversary natin.”
nakangiting wika ni Benz.
“Nakakainis
ka!” tanging nasabi ni Julian at saka napangiti sa ginawa ni Benz.
Ngayon
nga ay ninamnam nilang dalawa ang saya nang unang taon nila bilang
magkasintahan at umaasa na mas madaming taon at panghabang-buhay pa ang dadaan
sa buhay nilang sila ang magkasama.
Balikan
na ulit natin ang kabilang panig nang Pilipinas.
“Nasaan
na si Ken?” tila asar na wika ni Mrs. Cordia nang mapansing iisang tao na lang
ang hinihintay nila.
“Madam,
on the way na daw po si Ken.” magalang na wika nang sekretarya nito.
“Ken?”
tila pagtataka sa tinig ni Emil. Bumilis ang tibok nang puso niya para sa isang
pangalang pamilyar sa kanya. Isang pangalang hindi lamang basta pamilyar, isang
pangalan at katauhang malaki ang naging bahagi sa buhay niya.
“See!
Sabi ko sa’yo, bigatin ang cast natin.” malanding wika ni George.
“Si
Ken, isa sa biggest leading man ngayon.” pangungumpirma ni Mrs. Cordia. “Don’t
you know him?” tila pagtatanong pa nito.
“Hindi
po! Medyo nabigla lang po ako.” sagot ni Emil na tila itinago ang laman nang
isipan niya.
“Si
Ken nga! Siya nga! Makakasama ko ulit si Ken! Ang unang bestfriend ko!” wika ni
Emil sa sarili.
“Is
there any problem Emil?” tanong ulit ni Mrs. Cordia na napansin ang tila
nanahimik na si Emil.
“Nothing!”
sagot ni Emil. “Kinakabahan lang po ako, baka kasi hindi ko mameet ang
expectations ninyo.” nangiting wika pa nang baguhang writer.
“Sabagay!”
sang-ayon ni George. “Ikaw ba naman ang ilagay sa primetime at may bigating
casts like Ken na isa sa pinagkakaguluhang leading man ngayon, Jenny na dating
child star at in demand leading lady na, Randy na isa sa mga artistang
inaabangan na din ngayon, Clodette na rising star na din at ultimate sweetheart
nang isang talent search, samahan mo pa nang mga batikan at beteranong, mga
award-winning na artista.” tila pag-iisa-isa ni George sa casting nang Kanluran
ng Pilipinas.
“Madam,
nandito na po si Ken!” masayang pagbabalita ng sekretarya ni Mrs. Cordia.
“Sorry
Mrs. Cordia, we’re late.” wika nang manager ni Ken.
“Sorry
Tita, naipit sa traffic.” paliwanag pa ni Ken.
“Traffic?”
tila may pagtataka sa tono ni Direk Donald.
“Sorry
po direk.” paumanhin ni Ken sa direktor.
“Direk,
pabayaan mo na!” tila pag-awat ni Mrs. Cordia sa balak na isunod ng direktor.
“Number
one rule ko ang professionalism, I don’t want to work with people who does not
know that term.” asar na wika nang direktor.
“Sorry
po talaga direk.” ulit na paumanhin ni Ken.
“Sige
na Ken, take your seat.” sabi ni Mrs. Cordia.
“Before
we start, I want you to meet Bien Emilio.” wika ulit ni Mrs. Cordia pagkaupo ni
Ken sabay turo kay Emil. “He is the newest and definitely one of the best
writers in the industry. The original author of Kanluran ng Pilipinas and will
be the head writer of this soap having the same title.” pakilala pa nang
ginang.
Isang
matipid na ngiti ang iniabot ni Emil sa lahat at tila nahihiya ito sa itsura
niyang nakayuko.
“Bakit
ka nakayuko? Aren’t you happy working with us?” tanong ni Ken.
Sa
katotohanan lang ay nahihiya siya higit pa ay nanduon na si Ken sa harapan
niya. Silang dalawa ang magkatapat sa upuan, ang nagkaharap. Labis labis na
kaba ang nararamdaman niya. Tila ba nabibingi na siya sa lakas nang pintig nang
puso niya.
“Naku
Ken, kinakabahan lang iyan.” singit ni George na saka kumindat sa binatang
artista.
“Bakit
ka naman kakabahan?” tanong ulit ni Ken. “Anyways, I’m Ken. Kenneth Cris
Saludar.” sabi ni Ken at saka tumayo at inabot ang kamay kay Emil.
Lalong
bumilis ang tibok nang puso ni Emil. Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo at
saka lakas loob na tumingin sa mukha ni Ken. Tingin niya at nakakatunaw ang
titig sa kanya nito at ang mga ngiti nitong agad na nagpalunok sa dila niya.
“Emil!”
wika ni Emil na nauutal-utal saka iniabot din ang kamay. “Bien Emilio Buenviaje.”
pagbubuo niya sa pangalan niya at umaasang maaalala siya ni Ken.
Ang
pagdidikit nang palad nilang dalawa ay nagdulot kay Emil na kakaibang ligaya.
Tila tumalon ang puso niya at sa damdaming ngayon na lang niya ulit naramdaman.
Nabuhay ang mga alaalang binuo nang nakaraan. Mga alaalang luminaw ang larawan.
Mumunting kiliti na dumaloy mula sa palad niya paakyat sa puso niya na nagdulot
nang hindi maipaliwanag na saya.
“Sounds
familiar.” wika ulit ni Ken sabay bawi sa kamay niya.
Isang
ngiti lang ang isinukli ni Emil ngunit sa kaibuturan niya – “Yes it sounds
familiar! Hindi lang pamilyar Ken, kakilala mo talaga ako.” nais sana niyang
ibulalas subalit may bahagi sa kanya na tumututol.
Sa
pag-usad nang meeting nila ay pilit na ipinanatag ni Emil ang sarili at alisin
ang kaba, pagkabalisa, alinlangan at pagka-ilang. Nakita niya muli ang
kakulitan ni Ken na sinasabayan at ginagatungan pa nang ilang kasamahan nila.
Naalala niya ang nakaraan na kung saan ay may isang makulit at madaldal na Ken
at may isang walang kibo at tahimik na Bien.
“May
naaalala ako sa’yo.” sabi ni Ken kay Emil pagkalabas nila nang function room
kung saan sila nagmeeting.
“Sino?”
sagot ni Emil na nagulat sa biglang pagsasalita ni Ken. Hindi niya namalayang
katabi na pala niya ito at kasabay na naglalakad. Sa oras na ito ay pakiramdam
niyang panatag na ang loob niya at nawala na ang pagkailang.
“Secret,
walang clue.” sagot ni Ken at saka nagbitiw nang isang pilyong ngiti.
Napasimangot
naman si Emil at muling naalala ang nakaraan kung saan ay lagi siyang inaasar
ng bestfriend niyang si Ken. Ang mapang-asar nitong mga ngiti na magiging
simula nang habulan nilang dalawa at walang katapusang asaran.
“Ewan!”
wika ni Emil na tila nagbago ang timpla.
“Emil!
Emil! Emil!” tawag ni George kay Emil. “Sabay na tayong umuwi. Bulacan ka di
ba.” suhestiyon pa nito.
“Saan
ka ba uuwi?” tanong ni Emil kay George.
“Valenzuela
nga.” sabi ni George na tila nagtatampo. “Kakasabi ko lang sa’yo kanina
nalimutan mo na.” wika pa nito.
“Pasensiya
naman!” paumanhin ni Emil.
“I
smell something pero hindi ko sasabihin.” tila nang-aasar na turan ni George at
pag-iiba usapan.
Nanatiling
walang kibo si Emil.
“Oi,
bakit hindi na nagrereact?” nagtatakang tanong ni George.
“Sabi
mo kasi hindi mo sasabihin kaya hindi na ako magtatanong.” wika ni Emil na may
kasunod na ngiti.
“Suplado
mo naman.” wika ulit ni George.
“Slight
lang!” sagot ni Emil kasunod ang isang tawa na sinundan din nang tawa ni
George.
[04]
Stupid
Bien: Moving-Out
Agad
na nahiga si Emil pagkadating niya sa bahay. Dinalaw na muna niya ang ina sa
ospital subalit sa payo na din nang kanyang ninong ay umuwi na din siya kaagad
para makapagpahinga at nang hindi na magwala pa ang kanyang ina sa ospital.
Wala nang oras para kumain, mas mahalaga para kay Emil ang matulog na at
makapagpahinga dahil maaga siyang kailangan bumangon kinabukasan. Malapit nang
bumigay sa antok si Emil nang biglang nagring ang cellphone niya.
“Walanju
naman!” usal niya bago sagutin ang tawag.
“Hello!”
madiin niyang sagot sa cellphone.
“Galit
ka?” malambing na tanong nang nasa kabilang linya.
Biglang
nawala ang antok ni Emil at nang mga oras na iyon ay tuwa ang naramdaman niya
nang mabosesan ang nasa kabilang linya. Muling sumigla ang nararamdaman ni Emil
sa mga oras na iyon.
“Sino
‘to?” tila pangungumpirma ni Emil sa kausap.
“Nakalimutan
agad!” may tampong wika nang nasa kabilang linya.
“Sa
walang pangalan na lumabas.” tila nagpapacute na turan ni Emil.
“Si
Ken ‘to.” pakilala ni Ken.
“Yes!”
biglang usal ni Emil.
“Bakit?
Anong Yes?” nagtatakang tanong ni Ken.
“Sabi
ko Tess! Tinatawag ko ang Tita Tess ko.” palusot ni Emil.
“Ahh,
so kasama mo ang tita Tess mo sa bahay.” tila paglilinaw ni ken.
“Mag-isa
lang ako sa bahay.” walang pagdadalawang-isip na sagot ni Emil.
“Kala
ko ba tinatawag mo ang Tita Tess mo?” tila tanong nang naguluhang si Ken.
“Basta!”
tila napahiyang sagot ni Emil. “Paano mo nga pala nalaman ang number ko?”
pag-iiba ni Emil sa usapan nila.
“Hiningi
ko kay Tita Luz, also known as Madam Cordia.” sagot ni Ken.
“Bakit
ka naman napatawag?” nangingiting tanong ni Emil kay Ken.
“I’ll
invite you for lunch tomorrow. Kung pwede ka?” tila pag-aalinlangan na tanong
at imbitasyon ni Ken.
“Date!”
agad na usal ni Emil.
“Ano
ka mo?” sabi ulit ni Ken.
“Tangang
Emil! Umayos ka!” saway ni Emil sa sarili.
“Sabi
ko anong date ba bukas.” palusot ulit ni Emil.
“Ahh!”
wika ni Ken. “16 bukas.” sagot naman ni Ken.
“Sige
ba! Tutal naman pagkadaan ko sa network uuwi na din ako.” tila pagpayag ni Emil
sa imbitasyon.
“Sige!
Daanan na lang kita sa network bukas.” tila sumaya ang tinig ni Ken at
kababakasan nang pag-aliwalas.
Sa
kabilang bahagi muli nang Pilipinas.
“Okay
guys!” wika ni Benz. “Last take na tayo tapos pack-up na!” tila pag-aanunsiyo
nito.
“Yes!”
wika ni Mae. “Akala ko aabutan na naman tayo nang sikat nang araw dito.”
komento pa nang dalaga.
“Kung
sana nandito si Emil, malamang maaga tayong natapos.” wika ni Marcel kasunod
ang isang malalim na buntong-hininga.
“Emil
na naman iyang usapan na iyan.” nakangiting wika ni Benz.
“Kasi
naman direk!” tila pangangatwiran ni Marcel.
“Kakausapin
ko din si Emil next week para bumalik. Hayaan na muna ninyong makadanas nang rejection,
para naman sa susunod magfocus na sa trabaho.” tila pagpapaliwanag ni Benz kila
Marcel.
“Talaga
direk?” gulat man ay sumaya at umaliwalas ang mukha ni Marcel.
“Ibig
sabihin palabas lang ninyo iyong ginawa ninyo sa kanya?” tila paninigurado ni Mae.
“Kalahating
oo at kalahating hindi.” sagot nang direktor. “Sayang kasi si Emil, malaki ang
potensiyal niya kaya dapat ma-appreciate niya ang galing niya.” paliwanag ulit
nang binatang direktor.
“Sabi
ko na nga ba!” wika ni Marcel. “Tatawagan ko mamaya si Emil.” suhestiyon pa
nito.
“Huwag
mong tatawagan si Emil.” pagpipigil ni Benz. “Hayaan na lang ninyong ako ang
umayos.” sabi ulit ni Benz at saka iniwan ang dalawa.
“Direk!
Direk Benz!” sigaw nang isang staff ng Last Dance.
“Bakit?”
agad na tugon ni Benz ditto.
“Good
news! Nakakuha tayo nang pinakamataas na rating sa primetime for this year.
Last night sa Mega Manila, according sa ABC Pielsen 43.1% tayo at sa Quantar ay
22.4%. Nationwide Ratings naman ay 33.9% tayo sa ABC at 18.4% sa Quantar.”
masaya nitong pagbabalita.
“Good
news nga, meaning we’re doing good.” masayang reaksyon ni Benz.
“After
nang pack-up magcelebrate tayo.” sabi pa nang batang direktor.
Kinabukasan.
“Hindi
pa sigurado kung anong oras i-air ang Kanluran ng Pilipinas but one thing is
for sure, sa primetime ang slot.” pagbabalita ni Mrs. Cordia kay Emil.
“Madam
Cordia, anong show po ba ang papalitan ng Kanluran ng Pilipinas?” tila
nag-aalalang tanong ni Emil. Higit pa ay ayaw niyang makatapat nito ang Last
Dance dahil ito ay isa sa show na mahal na mahal niya kahit na nga ba
napatalsik siya dito.
“Don’t
worry, gagawa ako ng paraan para hindi mo makatapat ang Last Dance.” tila batid
ni Madam Cordia ang pag-aalala kay Emil.
“Salamat
po!” tila pag-aliwalas nang mukha ni Emil.
“Another
thing!” tila pagbibilin ni Mrs. Cordia kay Emil. “Wag mo na akong tawaging
Madam, Tita Luz na lang.” masaya nitong sabi kay Emil.
“As
you wish Tita Luz.” nakangiting sagot ni Emil.
Nasa
kalagitnaan sila nang pag-uusap nang may kumatok sa pinto.
“Come
in!” wika ni Madam Cordia.
“Good
Morning tita!” at iniluwa ng pinto si Ken. Bihis na bihis at ayos na ayos.
“Good
Morning Ken!” sagot ni Madam Cordia na naging sanhi para lingunin ito ni Emil.
“Whoalala!”
wika ni Emil sa isipan. “Ganito na ba talaga pumorma ang bestfriend ko?” tulala
niyang tanong sa sarili. Muling bumalik sa alaala niya ang nakaraan, ang mga
araw na pawis na pawis silang naghahabulan, puro dumi ang puting uniporme na
kadalasan ay nasisira at napupunit dahil sa kaharutan. Ang mga buhok na hindi
nadadaanan nang suklay at ang halimuyak nang amoy araw. “Malaki na talaga ang
ipinagbago ni Ken!” usal ulit ni Emil sa sarili.
“Good
Morning Emil!” bati ni Ken na siya naming sumira sa pagbabalik tanaw ni Emil.
“Good
Morning!” nahihiyang wika ni Emil sabay bawi ng tingin nang mapansing nakatitig
sa kanya si Ken at nahuli siya nitong natulala sa kanya.
“Ready
ka na?” tanong ni Ken kay Emil.
Napakunot
noo si Emil sa winikang iyon ni Ken.
“Damn!
Don’t tell me na nakalimutan mo na?” tanong ni Ken na medyo naasar sa reaksyon
ni Emil.
“How
dare you Emil!” biglang sisi ni Emil sa sarili. “Paano mo nagawang makalimutang
inaya ka ni Ken for lunch?” nang maalala niyang nangako siya kay Ken.
“Akala
ko nagbibiro ka lang kasi.” pangangatwiran at pagtatakip ni Emil. Sa
katotohanan ay naging masaya si Emil nang oras na iyon at nasigurado niyang
totoo ang imbitasyon nito. Higit pa ay naging palaisipan sa kanya ang reaksyon
nang binatang artista, ang asar nito nang mapakunot ang noo niya.
“Mukha
ba akong nagbibiro?” tanong ni Ken. “Hindi naman ako poporma nang ganito kung
nagbibiro ako. I will not waste my time kung hindi ako seryoso.” tila asar pa
ding wika ni Ken.
“Sorry
na!” paumanhin ni Emil kasunod ang isang ngiti. “Basta wala akong panggastos.”
pinilit na pagaanin ni Emil ang loob ni Ken at pinilit na maging pormal at
alisin ang kaba niya at pagkailang.
“Don’t
worry, ako naman ang nag-invite sa’yo. Ako na ang sasagot.” wika ni Ken saka
napangiti na tila napalambot ng mga ngiti ni Emil ang asar niya para sa
binatang scriptwriter.
“Sabi
mo iyan!” sagot ni Emil.
“May
lakad pala kayong dalawa. Hindi man lang ba ako isasama ha Ken?” tila pagbibiro
ni Mrs. Cordia.
“Tita,
gusto ko lang makilala nang mas maayos si Emil.” tila pagpapaliwanag ni Ken.
“Haven’t
seen you like this way before.” sagot ni Mrs. Cordia. “Mukhang nagiging seryoso
ka na sa trabaho mo and you’re becoming professional and mature enough.” tila
pagpupuna pa ni Mrs. Cordia.
“I
must love my job Tita.” sagot ni Ken. “Sige, pwede na po bang mahiram ko si
Emil?” tila paalam ni Ken kay Mrs. Cordia.
“Sure!”
sagot naman nito. “Be sure to make him feel comfortable. Ikaw na ang in-charge
sa kanya. Nasa process pa din kasi siya nang adjustment.” paalala at
paghahabilin ni Mrs. Cordia kay Ken.
“Tara
na Emil.” aya ni Ken kay Emil.
“Sige
po Tita Luz.” paalam naman ni Emil.
Habang
nasa biyahe ang scriptwriter at ang artista ay nanatili ang katahimikan sa
pagitan nilang dalawa.
“Taga-saan
ka?” pagbasag ni Ken sa katahimikan nilang dalawa habang nasa loob nang
sasakyan.
“Sa
Bulacan lang.” sagot ni Emil. “Ken, talaga bang hindi mo na ako nakikilala?”
tanong nang isipan ni Emil na wari niya ay dinudurog nito ang puso niya.
“Saan
sa Bulacan?” tanong ni Ken kay Emil. “May bahay din kami sa Bulacan, pero
matagal na akong hindi nauuwi duon.” sabi pa ni Ken.
“Sa
Malolos. Malolos, Bulacan. Originally, sa Pulilan talaga kami pero
pagkagraduate ko nang elementary lumipat kami sa Malolos.” sagot ni Emil na
kahit nasasaktan ay hindi niya magawang itanong kay Ken kung kilala ba siya
nito o kung naaalala ba siya. Sa tingin niya ay wala pa siyang lakas nang loob
para itanong sa binatang artista ang katanungang nagpapahirap sa kanya.
“What
a co-incidence?” tila gulat na gulat si Ken sa narinig na sagot ni Emil. “Alam
mo bang sa Pulilan din ang bahay namin sa Bulacan. Iyon nga lang naabandona na
iyon bago pa man ako nakagraduate nang elementary.” biglang naging malungkot na
pagbabalita ni Ken.
“Alam
ko Ken!” nais sanang sabihin ni Emil kay Ken. “Alam ko dahil ako ang kasama mo
bago ka umalis nang Pulilan.” wika nang isipan nang natahimik at nasasaktang si
Emil.
“Biruin
mo, ang scriptwriter ko, lumaki din sa bayang kinalakihan ko. Sa isang bayang
hindi kilala.” sabi pa ni Ken kay Emil.
Ngiti
lang ang tanging isinagot ni Emil sa tinuran na ito ni Ken.
“Finally,
nandito na tayo.” sabi ni Ken at saka ipinark ang kotse.
Namangha
si Emil sa nakita niya. Isang lugar na tanging sa T.V. lang niya nakikita at
isinusulat mula sa imahinasyon. Hindi niya akalaing makakarating siya sa lugar
na ganuon. Hindi ka pa man nakakalapit sa pinto ay may nagbubukas na niyon para
sa iyo, ang mga waiter at waitress na masayang babati sa iyong pagpasok at ang
mga nakangiting mga staff at crew. Sa pag-upo mo naman ay ang napakadaming set
nang silverwares, tatlong uri nang baso, ilang pirasong chinawares at ang menu
na sa katotohanan ay unang beses pa lang niyang makakita.
“O!
Bakit ganyan ang reaksyon mo?” tanong ni Ken kay Emil.
“Wala!
Akala ko kasi panaginip.” sagot ni Emil kay Ken.
“Bakit
naman?” tila nagtatakang tanong ni Ken.
“First
time ko lang kasing makapasok sa ganitong klase nang lugar.” sagot ni Emil.
“Maniwala
ako sa’yo.” tila hindi naniniwalang sambit ni Ken. “Nabasa ko iyong ilang
kwento mo sa school paper ninyo, at detailed ang ganitong mga scene. Pagkatapos
ngayon, sasabihin mong hindi ka pa nakakapasok sa ganitong lugar.” tila hindi
pagsang-ayon ni Ken sa sinabing iyon ni Emil.
“Tiyamba
lang iyon.” sagot ni Emil. “Nahalukay ko lang sa imagination ko.” sagot ni
Emil.
“Sige
kunwari naniniwala ako.” sagot ni Ken kay Emil.
Muling
natahimik ang pagitan nang dalawa matapos ang huling kataga na iyon.
“Wait
lang, may tumatawag.” tila paghingi nang paumanhin ni Ken kay Emil.
“Sige,
okay lang.” sagot ni Emil kasunod ang isang matipid na ngiti.
“Honey,
pasensiya ka na. Kasama ko ngayon iyong scriptwriter namin.” tila paumanhin ni
Ken sa kasusap sa kabilang linya.
Tila
nadurog ang puso ni Emil sa narinig na iyon. “Honey? Honey ba ang sabi niya.
Ibig sabihin may girlfriend na siya.” wika ng isipan ni Emil. “Ambisyoso ka
kasi masyadong Emil ka.” sisi niya sa sarili. “Gago ka! Tanga ka! Dapat kasi
matagal mo nang kinalimutan ang damdamin mo para sa kanya.” giit pa nang isipan
ni Emil. Pinigilan ni Emil ang pagtulo nang mga luha mula sa mga mata. Ayaw
niyang ipahalata kay Ken na nasaktan siya at ayaw na niyang itanong pa nito ang
bakit. Higit pa ay wala na siyang balak pang ipaalala kay Ken ang nakaraan.
Tahimik
lang ang pagitan nang dalawa habang kumakain. Nasa malalim na pag-iisip si Emil
sa mga bagay-bagay. Pagtinatanong siya ni Ken ay tanging sagot lamang ang
ibinibigay niya. Matitipid na sagot. Pansin man ni Ken ang pagbabago sa timpla
ni Emil ay pinilit na lang niyang huwag pansinin. Natapos nang kumain ang
dalawa, inimbitahan ni Ken na ihahatid na niya si Emil subalit tumanggi si Emil
sa pagdadahilang makikipagkita siya kila Marcel at Mae.
“Mag-iingat
ka!” paalala ni Ken kay Emil bago sila maghiwalay na dalawa. Sa isang mall
nagpababa si Emil kay Ken dahil duon daw ang kitaan nilang magkakaibigan.
“Salamat!”
tanging sambit ni Emil.
Pagkaalis
ni Ken ay agad na naupo si Emil sa isang bangko na may lilim. Pinaglaro ang
alaala nang nakaraan.
“Bien,
halika dito.” tawag ni Ken kay Bien.
“Ano
naman ba iyan?” balik na tugon ni Bien kay Ken.
“Basta,
dito.” pamimilit ni Ken kay Bien.
Pagkalapit
ni Bien sa kanya ay agad na may inilabas mula sa bulsa si Ken.
“Para
sa’yo Bien.” sabi ni Ken.
“Di’ba
bigay sa’yo to nang lola mo?” nagtatakang tanong ni Bien kay Ken.
“Sabi
kasi ni lola ibigay ko daw ito balang araw sa taong gusto kong makasama
habang-buhay.” wika ni Ken.
“Bakit
mo naman sa akin ibinibigay ito bestfriend?” tanong ni Bien.
“Kasi
ikaw ang gusto kong makasama habang-buhay.” sagot ni Ken. “Kita mo ansaya natin
pag-magkasama tayo.” sagot ni Ken.
“Salamat
bestfriend.” wika ni Bien.
“Ang
tanga mo talaga Emil.” wika ni Emil sa sarili habang inaalala niya ang
nakaraan. “Gago ka! Tanga ka! Hindi mo man lang naisip na usapang bata iyon.”
sisi pa niya sa sariling katangahan. “Ambisyoso ka lang masyado.” saad pa nang
utak niya.
“Bakit
ka umiiyak Ken?” tanong ni Bien sa kaibigan.
“Aalis
na daw kasi kami dito.” sabi nang umiiyak na si Ken.
“Ha!?”
tila nagulat na sagot ni Bien. “Saan daw kayo pupunta?” tanong pa nito.
“Sa
Amerika daw. Ayaw na kasi ni mama kay papa, saka si papa ibang babae na ang
gusto.” sabi nang batang si Ken.
“Dito
ka na lang Ken.” tila pakiusap ni Bien kay Ken.
“Gusto
ko nga, kaso si mama ayaw pumayag.” umiiyak pa ding wika ni Ken.
“Wala
na akong kaibigan. Wala na akong kakampi. Wala na akong susumbungan ‘pag pinalo
ako ni nanay.” sabi naman ni Bien na umiiyak na din.
“Promise!
Babalikan kita.” tila pangangalma ni Ken kay Bien. “Di’ba sabi ko ikaw ang
gusto kong makasama habang-buhay?” tanong ni Ken.
Tango
lang ang isinagot ni Bien.
“Tutuparin
ko iyon.” sabi ni Ken na tila pinapakalma na si Bien. “Pagdumating ang araw na
iyon, doktor na ako. Madami na akong pera, magkakaroon na tayo nang bahay.
Magandang bahay saka madaming kotse. Makakabili na din tayo nang eroplano, di
ba sabi mo gusto mong lumibot sa buong mundo?” sabi pa nang nangangakong si
Ken.
“Ken!”
tuloy pa din sa pag-iyak si Bien.
Kaparehong
eksena ang nagaganap ngayon. Si Emil, nandito at umiiyak sa sitwasyong
pinapatay na niya ang dating pagmamahal. Nais na niyang makalimutan ang dating
mga alaala. Alaalang naging sanhi nang sakit na nararamdaman niya ngayon.
“Emil!
Bakit ka nagpadala? Bakit ka naniwala? Bakit ka umasa?” sisi ulit ni Emil sa
sarili.
Si
Ken, ang kababata ni Emil na tanging taong tumatawag sa kanya nang Bien.
Magkaklase sila sa Grade 1, ngunit pinaglayo nang tadhana. Naging magkatabi sa
upuan at nagpapakita nang magkaibang ugali. Si Emil o Bien ay tatahi-tahimik,
walang kibo at halos walang-imik kung hindi mo kakausapin. Si Ken naman ang
kabaliktaran na bibong-bibo at hyper-active. Naging magkasundo at magkakampi. Laging
nakasuporta si Ken kay Emil at gauon din naman si Emil kay Ken. Tinawag ni Ken
na Bien si Emil dahil magiging magkatunog daw ang pangalan nila. At si Ken din
ang gumising sa kakaibang damdamin at pag-ibig na nasa puso ngayon ni Emil. Si
Ken ang dahilan kung bakit si Emil ay umiibig sa kapwa niya lalaki. Sa simula
ay usaping bata lamang, walang malisya at walang bahid kasalanan ang ganuong
uri nang damdamin. Subalit habang lumalaki at nagkakaisip, ang damdaming iyon
ay kailangang itago at ilihim higit pa at kung may pangalan at imaheng
iniingatan.
Nasa
gitna nang pagluha si Emil nang may tumawag sa pangalan niya.
“Emil?
Ikaw ba yan?”
Samantala,
habang nagmamaneho naman si Ken matapos nilang maghiwalay ni Emil ay hindi pa
din mawala sa isipan nito ang binata. Nag-aalala siya para sa kalagayan nito.
Nasaktan siya sa nakikitang nahihirapan ang dating kaibigan na pinangakuan niya
nang habang-buhay.
“Gwapo
ka pa din Bien. Lalo kang gumuwapo, lalo kitang kinasabikan at lalo kitang
minamahal.” nakangiting wika ni Ken sa sarili.
“Ngayon,
nasisigurado ko, ako pa din ang mahal mo, nasa akin pa din ang puso mo at
maangkin ulit kita kahit kailan ko gusto. Pero hindi pwedeng malaman mong
naalala ko lahat. Hindi pwede Bien. Sana patawarin mo ako kung ito ang desisyon
ko. Sana maintidihan mo ako pag sinabi ko na sa iyo ang lahat.” tila nakaramdam
naman nang lungkot si Ken sa isiping iyon.
“Magtitiis
akong hanggang magkaibigan muna tayo. At sisiguraduhin kong ako lang ang
mamahalin mo, hanggang sa dumating ang oras na handa na akong sabihin sa iyo
ang lahat at ang buong katotohanan.” pagwawakas ni Ken.
[05]
Ambiton,
Rejection, Revenge
“Huh?!”
biglang napaisip si Emil kung sino ang tumatawag sa kanya.
“Bakit
ka umiiyak?” tanong nito sa kanya.
“Marcel?”
gulat na tanong ni Emil.
“Hoy
Emil, ikaw nga iyan.” masayang salubong ni Mae kay Emil.
“Di
ba tape ninyo ngayon?” tanong ni Emil sa mga kaibigan.
“Dahil
sa success nang Last Dance pinag-break ko muna sila ngayong araw.” singit nang
isang pamilyar na tinig.
“Kayo
po pala Direk Benz.” magalang na bati ni Emil kay Benz.
“Mae,
halika na!” anyaya ni Marcel kay Mae.
“Pero?!”
tila pagtutol ni Mae.
“May
gagawin pa tayo.” wika ni Marcel sabay hatak kay Mae.
Naiwan
nga sila Benz at Emil subalit tahimik ang pagitan nang dalawa.
“I’m
sorry!” wika ni Benz sabay hawak sa kamay ni Emil.
Tila
nagulong muli ang damdamin ni Emil. Ang asar niya para sa direktor ay napalitan
nang kakaibang kaba, pagkabalisa at panginginig nang kalamnam. Iniangat niya
ang mukha subalit para siyang matutunaw nang makitang nakatitig sa kanya si
Benz at punung-puno nang sinseridad ang sinasabi nito at nanunuot sa
kaloob-looban niya ang pinapahiwatig nang binatang direktor.
“I
said, I’m sorry!” pag-ulit ni Benz sa sinabi niya na lalong diniinan ang
pagkakahawak sa kamay ni Emil.
Naguguluhan
din si Benz, hindi niya mawari kung bakit ba napakahalagang malaman niya ang
isasagot ni Emil. Alam niyang mali na hawakan ito sa kamay subalit iba ang
idinidikta nang puso niya. Imbes na bitawan ay lalong pagdiin pa ang ginawa
niya sa kamay ni Emil.
“Pinapatawad
mo na ba ako?” wika ulit ni Benz na patuloy na hinihintay ang positibong
kasagutan ni Emil.
Naguguluhan
si Emil, napahinto ni Benz ang mundo niya, napatigil nang binatang direktor ang
takbo nang oras niya. Natulala niya sa ginawa nito sa kamay niya. Waring ayaw
na niyang matapos ang sandaling iyon dahil unti-unti na niyang nagugustuhan.
Naguguluhan si Emil, kung kanina ay nangungulila kay Ken, ngayon naman ay
ligaya kay Benz ang nararamdaman niya.
“Please
answer me!” pamimilit ni Benz na hindi bumibitiw sa pagkakatitig kay Emil.
Agad
na binawi ni Emil ang tingin dahil sa tingin niya ay hindi siya makakatagal at
bibigay siya sa titig na iyon ni Benz. Ayaw niyang pagsimulan nang malaking
gulo ang isasagot niya dala nang labis na kaguluhan ang nararamdaman niya. Agad
namang inawat ni Benz ang pagbawi nang tingin ni Emil. Dagli niyang hinawakan
sa baba ang baguhang scriptwriter at maingat na iniharap sa kanya ang maamong
mukha nito. Hindi naman makuhang tumingin nang diretso ni Emil dahil sa
kakaibang kiliti na iyon na nararamdaman niya.
“Anak
ka nang nanay mo!” tila naasar na si Benz sa hindi pagsagot ni Emil.
Nagulat
naman si Emil sa biglang pagbabago nang reaksyon na iyon ni Benz. “Sabi ko na
nga ba, ang mayabang at salbahe, mayabang at salbahe na talaga.” pasigaw na
usal ni Emil saka biglang bawi sa kamay niya na hawak pa din ni Benz.
“Ikaw
na nga itong pinapakiusapan, ayaw mo pang sumagot.” wika ni Benz na ayaw
pakawalan ang mga kamay ni Emil.
“Ano
ba Direk, bitiwan mo nga ang kamay ko!” pilit na paghila ni Emil sa kamay niya.
“Hindi
ko bibitawan ito hanggang hindi ka sumasagot.” madiing wika ni Benz.
“Sisigaw
ako pag hindi mo ako binitawan.” tila pagbabanta ni Emil. Bagamat hindi siya
sanay sumuntok o makipag-away, mahina din siya kung ikukumpara kay Benz kaya
ipinanakot na lang niya ang pagsigaw.
“Eh
di sumigaw ka!” sagot ni Benz na tila naghahamon at may kasiguraduhang hindi
iyon gagawin ni Emil.
“Tulong!
Tulong! Tulong!” sigaw ni Emil. “Rape!” habol pa nito.
“Anak
ka talaga nang nanay mo!” wika ni Benz sabay takip sa bibig ni Emil at
kinaladkad ito papunta sa kotse niya.
“Tumahimik
ka nga!” sabi ni Benz kay Emil na ngayon naman ay nakadagan siya dito
magkalapit na magkalapit ang mga mukha.
Muling
tumigil ang oras sa pagitan ng dalawa. Muling nagtama ang kanilang mga paningin
at napako sa isa’t-isa. Dahang-dahang inilapit ni Benz ang mukha niya sa mukha
ni Emil at nakahanda nang angkinin nang mga labi niya ang labi nang binatang
scriptwriter nang –
“Direk!”
sigaw nila Marcel mula sa malayo.
Nakahinga
nang maluwag si Emil dahil ang bantang iyon ay hindi natuloy. Kung nagkataon ay
unang halik niya iyon at sa taong saksakan pa nang yabang at salbahe na labis
niyang kinaiinisan.
Naguguluhan
at hindi maunawaan ni Benz ang sarili. Hindi niya alam kung bakit bigla niyang
naisip na angkinin ang mga labi ni Emil. Isang pagpapasalamat na lang niya at
dumating sina Marcel kung kayat naiwasan niyang gumawa nang isang pagkakamali.
“Nag-alala
kasi kami sa inyo.” simula ni Marcel.
“Bigla
kasi naming narinig na simigaw si Emil kaya pinuntahan namin kayo.” si Mae
naman.
“Wala
iyon.” sagot naman ni Emil. “Si Direk kasi makulit, ayaw bitiwan ang kamay ko
kanina.” katwiran ni Emil.
“Paano
naman kasi pinapakiusapan ka na, ayaw mo pang sumagot.” sagot naman nang
iritableng si Benz.
“Naku,
kung hindi lang talaga kayong parehong lalaki, iisipin kong gusto ninyo ang
isa’t-isa.” tudyo naman ni Marcel.
Biglang
napahinto ang dalawa – sina Emil at Benz. Umugong sa tainga nila ang sinabing
iyon ni Marcel.
“Gusto?
Ako may gusto kay Benz?” tanong ni Emil sa sarili na tila nasukol ang isang
hindi napapansing damdamin.
“Hindi
nga?” saad naman ni Benz sa sarili na katulad ni Emil ay tila nasukol din ang
isang damdaming hindi niya pinagtutuunan nang pansin.
“Kung
babae man ako, hindi ako magkakagusto sa isang mayabang at salbaheng kagaya ni
Direk.” asar na wika ni Emil.
“Aba,
at lalo naman ako! Paano ako magkakagusto sa isang tulad mong saksakan nang
ummm.” ganti ni Benz kay Emil.
“Yabang
mo talaga!” giit ni Emil na asar na asar na.
“Tama
na iyan!” awat ni Marcel sa dalawa.
Bigla
naming nagring ang cellphone ni Emil.
“Hello!”
bati ni Emil sa kabilang linya.
“Emil!
Si Ken naaksidente.” wika nang kausap niya sa kabilang linya.
“Hah?”
gulat na wika ni Emil.
“Nabangga
ang kotse niya. Nasa St. Luke’s siya ngayon.” wika pa nito.
“Sige
po Tita Luz.” sagot ni Emil saka nag-end call.
“Una
na ako. May pupuntahan pa ako.” wika ni Emil na bakas ang pag-aalala at
pagkabalisa.
“Saan
ka naman pupunta?” wika ni Benz na apektado na din sa reaksyon ni Emil.
“Diyan
lang.” sagot naman ni Emil.
“Samahan
na kita.” anyaya ni Benz kay Emil.
“Wag
na!” at nagtapon nang ngiti si Emil para sa binatang direktor.
Puno
nang pag-aalala ang puso ni Emil nang mga oras na iyon. Pag-aalala, pagkabalisa
at higit pa ay ang gulong nasa kaibuturan niya. Sumakay siya nang taxi para
maihatid siya sa St. Luke’s sa lalo’t pinakamadaling panahon. Pagkadating niya
duon ay inabutan niya ang manager nito na siyang sumundo sa kaya sa hallway
nang ospital at si Direk Donald.
“Good
Afternoon Sir!” magalang na bati ni Emil.
“Good
Afternoon Emil!” sagot ng Direktor. “Salamat at napadaan ka sa anak ko.” wika
pa nito at nagbigay nang makahulugang ngiti.
“Anak?!”
tila pagtataka sa tinig ni Emil. “Hindi po ba at si Ken ang nasa loob?” tanong
nang nagugulumihanang si Emil.
“Anak
ko si Ken.” malumanay at nag-aalalang sagot ni Direk Donald. Ibang-iba ito sa
Direk Donald na kaharap niya nuong meeting at sa Direk Donald na kaharap niya
ngayon. Amang nag-aalala para sa anak ang mas nakikita niya at hindi isang
Propesyunal na direktor na nasa set.
“Ganuon
po ba.” sagot ni Emil. “Kaya pala pamilyar sa akin ang itsura ni Direk Donald.
Sabi ko na nga ba at nagkita na kami dati. Siya pala ang papa ni Ken.” wika ni
Emil sa sarili.
Ilang
sandali pa at lumabas na ang doktor.
“Kamusta
na po Dok?” agad na tanong ni Direk Donald sa bagong labas na doktor.
“Ayos
lang siya. Hindi naman seryoso ang nangyari sa kanya. Pasa lang at bali sa
binti.” sagot nang doktor.
Tila
nakahinga nang maluwag silang tatlong naghihintay sa resulta. Hindi pa man
nagtatagal at dumating na din sila Mrs. Cordia na siyang nagbalita kay Emil
nang nangyari.
Ang
Ken na tulog niyang inabutan ay tulog pa din niyang iiwanan.
“Direk,
mauna na po ako sa inyo.” paalam ni Emil sa direktor nila.
“Salamat
sa dalaw.” nakangiting sagot nit okay Emil.
“Wala
po iyon. Babalik na lang po ako bukas para makapagpahinga naman kayo.” sagot ni
Emil.
Dadalawin
na muna niya ang ina sa ospital bago tuluyang umuwi sa bahay. Nais na muna
niyang masiguradong nasa maayos na kundisyon ang ina bago siya tuluyang
makapagpahinga. Gising ang ina nang datnan niya sa ospital. Kausap ang kanyang
Ninong Mando at ang iba pa nitong kumare at kaibigan.
“Mano
po nay!” bati ni Emil sa ina.
Tila
walang narinig si Aling Choleng at patuloy padin sa pakikipagkwnetuhan.
“Mano
nga po!” sabi ulit ni Emil sabay abot sa kamay nang matanda.
“Lintek
ka!” asar na wika ni Aling Choleng. “Sino ka ba at bakit ba tawag ka nang tawag
sa akin nang nanay?” galit na turan nito.
“Nay!”
wika ni Emil na labis na nasaktan.
“Wala
akong anak!” wika ni Aling Choleng na may diin sa wala. “Maliwanag ba?”
“Choleng
tigil na iyan.” awat ni Mando.
“Paalisin
nga ninyo iyang hayop na iyan.” tila pag-uutos ni Choleng kay Mando.
“Choleng,
kahit na anong gawin mo, anak mo pa din si Emil.” tila pagtatanggol ni Mando
kay Emil.
“Putarakya!
Wala nga akong anak!” giit ni Choleng.
Napa-iling
na lang si Mando dahil alam niyang hindi talaga matatanggap ni Choleng ang anak
nito.
“Sige
na Emil, umuwi ka na muna at ako na ang bahala sa nanay mo.” nakangiting wika
ni Mando na tila pinagagaan ang kalooban ni Emil.
“Salamat
po Ninong!” sagot ni Emil.
Mag-isa
na namang nasa bahay nila si Emil. Nakahiga sa kwarto at walang ganang kumain.
Nakabukas ang bintana at dinadama ang malamig na hanging hudyat na nalalapit na
ang kapaskuhan. Nakahiga at nakatingin sa itaas na walang hanggan ang kawawang
si Emil. Nag-iisip nang malalim sa kung anumang bagay na gumugulo sa kanya.
Tila kumakausap sa hindi nakikita at humihingi nang tulong at patnubay. Hindi
niya makaya ang sakit, ang sakit na hindi ka kinikilalang anak nang nanay mo,
ang sakit na hindi mo magawang maramdaman na may ina kang nagmamahal sa iyo.
Unti-unting umagos ang mga luha mula sa mata ni Emil. Ayaw man niyang isipin
ang sakit ay tila pilit nitong dinadalaw ang kanyang kaibuturan. Nasa gitna
siya nang ganitong eksena nang mag-ring ang cellphone niya –
“Hello!”
malumanay niyang bati.
“Salamat
nga pala!” sagot nang nasa kabilang linya.
“Ken?!”
tila sumigla niyang tanong nang mabosesan ang kausap at pinahid ang mga luha sa
mata.
“Galing
naman! Paano mo nahulaan?” tanong ni Ken kay Emil.
“Wala
lang, gumamit lang ako nang instinct.” sagot ni Emil.
“Umiiyak
ka ba?” tanong ni Ken na tila ramdam ang lungkot kay Emil.
“Hindi!”
maang na sagot ni Emil. “Bakit naman ako iiyak?”
“Umamin
ka nga, umiiyak ka.” pamimilit ni Ken kay Emil.
“Kulit,
sabing hindi nga.” pagtatakip ni Emil.
“Pinagalitan
ka na naman ba nang nanay mo?” nais sanang sabihin ni Ken subalit pinili niyang
kontrolin ang sarili dahil masisira ang lahat nang plano niya.
“Sabi
mo, edi wala!” tila hindi pa din kumbinsidong sagot ni Ken. “Nahihirapan ako
Emil, gusto kitang puntahan para yakapin at aluin.” wika nang isang bahagi ni
Ken.
“Kamusta
ka na?” pag-iiba ni Emil sa usapan.
“Ayos
na ako!” wika ni Ken. “Medyo kumikirot lang nang kaunti.” dugtong nang binata.
“Kaw
kasi, hindi ka nag-iingat.” tila paninisi ni Emil kay Ken.
“Ako
pa ang hindi nag-iingat.” sagot ni Ken. “Ikaw ang may kasalanan nito Emil, ayaw
mo kasing tantanan ang isipan ko kaya ikaw ang laman lagi nito. Ikaw ang laman
nito kanina kaya ako naaksidente.” mahinang usal ni Ken.
“Ano
ka mo iyon?” tila narinig ni Emil ang mahinang usal ni Ken.
“Wala,
may dumaang bubuyog kasi dito.” pangangatwiran ni Ken.
“Ah,
akala ko kasi may sinasabi ka.” sagot ni Emil.
“Sabi
ni Papa babalik ka daw dito bukas.” wika ni Ken.
“Oo,
kawawa naman kasi ang Papa mo, walang kasalitang magbabantay.” sagot ni Emil.
“Agahan
mo ah!” tila may pakiusap at lambing sa tinig ni Ken.
“Oo
ba!” masayang sagot ni Emil.
May
kahabaan din na nag-usap ang dalawa. Nahinto lang ito nang may dumating na
nurse para asistehan si Ken sa iba pa nitong pangangailangan at i-check ang
lagay nang binatang artista.
Kinaumagahan.
“Ninong,
kamusta na po si Ken?” tanong ni Benz kay Direk Donald na nakasalubong niya sa
hallway nang ospital.
“Malapit
nang payagang makalabas.” sagot naman ni Direk Donald.
“Sinabi
po sa akin ni Papa na naaksidente nga daw po si Ken kaya po dumaan muna ako
dito bago pumunta nang taping.” wika ni Benz.
“Salamat
hijo!” pasasalamat ni Direk Donald sa inaanak. “Ang Papa mo?” tanong pa nang
direktor kay Benz.
“Mamaya
na daw po siya dadaan.” nakangiting sagot ni Benz.
“Sige
hijo, uuwi muna ako sa bahay para makapagpahinga nang maayos.” paalam ni Direk
Donald kay Benz.
“Mag-iingat
po kayo.” paalala ni Benz sa ninong niya.
Maingat
na binuksan ni Benz ang pintuan para sorpresahin ang kinakapatid. Hindi pa man
niya nabubuksan nang tuluyan ang pintuan ay may narinig na siyang halakhakan at
mga pamilyar na tinig.
“Sira!
Hindi ganyan!” wika nang isang tinig na alam niyang pagmamay-ari ni Ken.
“Hindi
naman kaya!” sabi naman nang isa. “Makulit ka, sinabi ngang ganito.” habol pa
nito.
Biglang
napaisip si Benz kung sino ang nagmamay-ari nang isang tinig na sa tingin niya
ay kakilala niya. Pinilit isipin at –
“Hindi
naman siguro siya iyon. Paano naman sila magkakakilala.” wika ni Benz sa sarili
at saka nilakihan ang bukas nang pinto.
“Sabi
ko sa’yo!” malakas na sigaw ni Emil habang nasa likuran niya si Ken at animo ay
nakayakap sa kanya ang binatang artista.
“Tyamba
lang ‘yan.” sagot ni Ken kay Emil.
Nagulat
si Benz sa nasaksihan. Hindi niya inaasahang tama ang hinala niya sa kung
sinuman ang nagmamay-ari nang tinig na iyon. Higit pa ay hindi niya mawari kung
ano ngayon ang nararamdaman niya sa nasaksihan nang dalawang mga mata.
“Ikaw
pala Benz.” bati ni Ken.
Agad
namang napatingin si Emil sa gawi nang pinto at nakaramdam na muli nang kaba
nang makitang si Benz ang bisita ni Ken. “Direk, ikaw pala!” nahihiyang bati ni
Emil.
“Maaggkakillala
pala kaayoo.” putul-putol na wika ni Benz. Hindi niya maintindihan ang
nararamdaman, ayaw niya ang nakikita ngayon. Ayaw niyang makitang si Ken ay
nasa likuran ni Emil at hawak nito ang mga kamay nang binatang scriptwriter.
Tila ba nagkukuyom ang damdamin niya at nais niyang paghiwalayin ang dalawa.
Imbes
na sagutin ni Ken ang tanong ni Benz ay – “Kumain ka na ba?” tanong nito.
Nakaramdam
nang hiya si Emil nang napagtanto kung ano ang ayos nila Ken. Agad niyang
inalis ang kamay sa pagkakahawak ni Ken at nasa akto nan nang pagbaba sa higaan
nang binatang artista. Naramdaman naman ni Ken ang ginawang pagkilos ni Emil
kung kayat bago pa man tuluyang makabitaw sa pagkakahawak ay mas lalo niyang
hinigpitan at tila ba lalong ikinukulong sa tabi niya ang binatang
scriptwriter. Sa pakiramdam ni Ken ay masaya siyang may ibang tao na nakakakita
sa ganuong ayos nila ni Emil.
“Sige,
nakakaabala ata ako sa inyo.” tila paalam ni Benz sa dalawa.
“Sandali
lang Benz!” pag-awat ni Ken na bagamat naguguluhan sa naging reaksyon ni Benz
ay may isang bagay siyang natuklasan at dapat alamin.
“Bakit?”
maagap na tanong ni Benz.
“Dito
ka muna! Kadarating mo lang, aalis kana kaagad.” mabilis na sagot ni Ken.
“Kamusta
ka na?” tanong ni Benz kay Ken na sa katunayan ay mas interesado siyang malaman
ang lagay ni Emil.
“Ikukuha
ko muna si Direk nang makakain.” singit ni Emil sa dalawa sa usapan nang dalawa
at tila paalam na din na bitawan na siya ni Ken.
“Easy
lang Emil. Dalawang lalaki lang yan! Lalaki ka din!” wika ni Emil sa sarili na
pinipilit alisin ang pagkailang sa presensiya ni Benz at ang bumabalik na kaba
kay Ken.
Hindi
din nagtagal at nagpaalam na si Benz. Si Emil naman ay umalis na din bago
magtanghalian dahil kailangan siya sa network para sa konting pagbabago nang
plano para sa Kanluran ng Pilipinas.
“Team!”
simula ni Mrs. Cordia. “Dahil sa kailangan na nating magtape nang Kanluran ng
Pilipinas para makaabot tayo sa premiere telecast sa third week nang December
at sa nangyari kay Ken. We have no choice but to replace Ken with a new star.”
pagbabalita pa nito sa buong grupo.
Nalungkot
ang lahat sa balitang iyon. Ang inaakala nilang bigating line-up nang cast ay
biglang mababago nang isang aksidente. Nanatiling tahimik naman si Emil sa
balitang iyon. Sa katotohanan ay handa na siya sa ganitong balita subalit iba
pa rin ang epekto pag naganap na at narinig mo na ang inaasahang tagpo.
“Don’t
worry, si Dominic naman ang balak na ipapalit kay Ken.” tila pampalubag ng loob
ni Mrs. Cordia. “Hindi man siya kasing sikat ni Ken, I’m sure, his star will be
as bright as Ken’s because of KNP.” dugtong pa nito.
Hindi
na naging mahaba pa ang usapan. Dumating din si Dominic sa meeting at naayos na
ang lahat ng detalye. Dalawang araw na lang at sisimulan na nila ang taping ng
KNP kaya naman kailangan nang matapos nang grupo nila Emil ang script nang
tatlong episodes bago pa sumikat ang araw.
Nakakapagod
man ay sulit pa din ang lahat ng hirap. Namimiss man ni Emil ang mga dating
katrabaho ay wala na siyang magagawa dahil andito na siya at nagtatrabaho sa
kalabang estasyon. Sa wakas, ikatlong linggo na nang Disyembre, unang araw na
para i-ere ang KNP. Hindi pa din alam ni Emil kung anong oras ang timeslot nang
soap at kung anung show ang makakatapat nito sa kabila. Ang alam lang niya ay
ipapalit ito sa pang-alasdiyes nang gabing soap. Panatag siya na hindi
makakatapat ng KNP niya ang LD ni Benz, Marcel at Mae dahil pang-alasnuwebe ito
nang gabi. Ang makatapat ang dating trabaho ang pinakaiiwasan sa lahat ni Emil.
Kinakabahan din ang buong team higit pa si Emil sa kung papaano tatanggapin
nang mga manunuod ang KNP. Nag-aalalang baka lagapak ang ratings nito.
“Guys!”
sigaw ni George. “Nine daw ang slot ng KNP.” pagbabalita pa nito.
“Ano?
Nine?” tila hindi makapaniwalang wika ni Emil.
“Katapat
natin ang LD.” komento pa ni Dominic.
“Tanong
mo nga ulit.” tila pakiusap ni Emil kay George na garalgal ang tinig sanhi nang
kaba.
“Wag
kang kabahan. Sigurado namang panalo tayo sa ratings.” pangangalma ni Dominic
kay Emil.
Walang
imik o reaksyon si Emil sa sinabing iyon ni Dominic. Nangyari na ang
pinakaiiwasan niya sa lahat. Nanatiling walang imik si Emil hanggang sa
magsimula na ang KNP. Hindi niya lubos maisip na sa dalawang estasyon,
magkatapat na pinalalabas ang parehong show na kasama siyang gumawa. Sigurado
siyang ang ineere sa LD ay ang tape nila bago siya palayasin ni Benz at ang
script na gawa niya ay aabot pa hanggang sa susunod na linggo. Matapos panuorin
nang buong team ang premiere telecast nang KNP ay agad na tinawagan ni Ken si
Emil para batiin. Nagsimula na din silang ituloy ang tape para sa mga advance
episodes na gagawin nila.
“May
good news ako sa inyo.” pagbabalita ni George sa buong team isang oras
pagkatapos nilang panuorin ang telecast nang KNP.
Sa
kabilang bahagi naman nang Pilipinas.
“We
need to work hard. Nakahabol ang kalaban.” tila badtrip na balita ni Benz sa
crew nang LD.
“Hindi
lang nakahabol. Ibinagsak pa tayo.” komento pa ni Marcel.
“Kung
hinayaan na lang kasi si Emil dito.” pahabol pa ni Mae.
“According
sa ABC, LD got 16.9% at ang KNP naman ay 17.1%. Sa Quantar ay LD got 21% at KNP
has 20.9%. The lowest rating na nakuha natin.” malungkot na saad pa nang
nagbalita.
“Galing
nang impact nang KNP ni Emil.” malakas na wika ni Marcel.
“Anong
Emil at KNP?” tanong ni Benz.
“Si
Emil po ang original author nang KNP. Sa palagay ko ay siya din ang tinutukoy
nang kabilang estasyon na bago nilang writer.” sagot ni Marcel.
Sa
sinabing iyon ni Marcel ay tila binuhusan nang malamig na tubig si Benz. Hindi
niya inakalang si Emil pa ang makakatapat niya at ang tatapos sa pamamayagpag
nang LD sa primetime.
Ilang
linggo na ding naka-air ang KNP at kitang-kita na humahabol ito sa ratings. Ang
paunti-unting pag-ungos sa LD ay naging mas malakihan ang lamang hanggang sa
naging doble na. Iniwan na din ni Emil ang KNP, nag-resign siya dito dahil sa
nagyaring pagtatapat nila sa LD. Sa tantiya niya ay may isang buwan din ang mga
episodes na ginawa niya sa KNP. Ayaw na din naman niyang balikan ang LD dahil
mas lalong kawalan nang propesyunalidad kung babalik pa siya. Kahit paano naman
ay may naitabi siyang pera kaya tuloy pa din ang pagpapagamot nang kanyang ina.
Sa
bahagi ng Pilipinas kung saan nag-uusap sina Benz at Julian –
“Please
Julian, intindihin mo muna ako.” pakiusap ni Benz.
“Ano
ba Benz, lagi na lang kitang iniintindi. Maawa ka naman sa akin, lagi na lang
ba ako ang mag-aadjust para sa’yo?” giit ni Julian.
“Lagi
naman akong bumabawi sa’yo di’ba? Tinutupad ko naman ang lahat nang pangako
ko.” pangangatwiran pa ni Benz.
“Isa
lang naman ang hinihiling ko sa’yo Benz. Kahit isang araw lang sa isang linggo
ako naman ang asikasuhin mo.” tila pakiusap ni Julian.
“Julian.”
malambing na wika ni Benz. “Alam mo naming kailangan kong magdoble kayod para
sa LD.”
“LD!
Lagi na lang LD!” wika ni Julian. “Magsama kayo ng LD mo!” galit na galit na
wika ni Julian at padabog na sumakay nang kotse at mabilis na pinaharurot iyon.
Wala
naman nagawa si Benz kung hindi habulin ito nang tanaw. Sinubukan niyang
tawagan subalit turned-off ang cellphone nang binata. Hindi naman niya magawang
puntahan sa bahay dahil call time na niya para sa taping ng LD.
“Magkakayos
din kami.” pampalubag loob ni Benz sa sarili.
No comments:
Post a Comment