Tuesday, January 8, 2013

Love at its Best: Book 2 (01-05)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[01]
“Simon Apacible shoots and scores!” nakakairitang sabi ng commentator. “kailangan bang sumigaw ng nakamicrophone?” isip isip ko. Dumadagundong ang buong gymanasium. Nagtitilian ang mga babae at bading at ang mga lalaki naman pumipito at pumpalakpak. Ang iba winawagayway ang mga posters na gawa nila “we just want SAM of that!” sabi nung isang poster “you are the SAM of all things!” sabi nung isang poster. I was never a fan ng sport na to, natalo lang kasi ako sa pustahan, kaya napilitan akong manood. I just don't see the point on wasting precious time watching such non sense and wasting more time in making posters, I'd rather read a 200 page book from cover to cover than watch a game like this.



“Simon Apacible for the WIN!” sigaw nanaman ng commentator, at muli nanamang dumagundong ang gymnasium. Bago ihagis ni Sam ang bola luminga linga muna ito na parang may hinahanap, napa tingin ito sa upper box kung saan ako nakaupo. Kumindat ito at inihagis ang bola papunta sa ring just in time before the shot clock releases its deafening sound. Dumagundong ulit ang buong gymnasium at sabay nito ang pagkahimatay ng babaeng nasa tabi ko. Habang bumababa ako palabas ng gymanasium narinig kong naguusap ang grupo ng mga babae na kanina lang ay katabi ko sa upuan.



“OMG! Did you see that?! Kinindatan ako ni Simon!” tili nito.


“Oo, nga friend nakakahiya ka, hinimatay ka pa ever!” sabi naman ng isa pa nitong kasama.


“tseh! Kahit sino namang kindatan ng isang lalaki na katulad ni Simon na walang kapintasan mahihimatay no!” sabat ulit nung isa.


“I know right?! Its like every orifice in his body shines!” sagot nung isa, habang kinikilig kilig pa na akala mo kinukumbulsyon.

“hokay! Napaka exaherado naman ng pagdedescribe nayun.” sabi ko sa isip ko. Simon Apacible, the campus heart throb, the jock, the central student board vice president, the basketball hero, mabait and active sa lahat ng school activities without slipping out of the College of Medical Technology honor roll. Si Simon Apacible o mas kilala sa tawag na Sam. Ang bestfriend ko.


“BULAGA!” si Sam, sabay akbay sakin at halik sa labi ko.


“Nampucha ka Sam! Papatayin mo ba ako sa takot?! Saka bakit ba ang tagal tagal mo?!” sigaw ko, at sinuntok siya sa balikat.


“oh wag na magalit. Si Coach kasi eh, mineet pa kaming mga players.” sabi ni Sam.


“ah ganun ba? Edi, sige uwi na tayo.” malamig kong sagot.


“hep hep hep! Mag ce-celebrate pa kaya tayo. Nanalo kami oh, saka ang galing galing ko kaya kanina sa laro.” pagmamayabang ni kumag, habang binubuksan ang kotse para makasakay na kami.


Daldal ng daldal si mokong habang nagmamaneho papunta sa pinakamalapit na mall kung saan namin napagusapang kumain, dahil sa wala naman akong mai-contribute nakikinig na lang ako sa kaniya, sus ka boring kaya ng buhay ko, di katulad ng buhay niya, maraming maikwekwento. Napansin siguro ni kumag ang pananahimik ko kaya't kinalas niya ang seat belt niya at bigla akong hinalikan sa pisngi. Mahilig sa nakaw na halik si Sam, simula pa noong highschool. Napatingin ako sa kaniya at ngumiting aso ito. Naaalala ko kung pano nagsimula lahat. Iniwasan ko siya noon dahil hindi ko alam kung ano talaga ang intensyon niya kung bakit siya sweet sakin, kung bakit siya concerned sakin at kung bakit ako ang lagi niyang napipiling kasama. Di na bago sakin ang kwentong pinagtritripan ng mga taong katulad niya ang mga taong katulad ko. Kahit seven years old pa kami magkakilala di ko maiwasang matakot, matakot masaktan.


Nakikipagusap ako sa mga kagrupo ko sa reporting ng biglang lumapit si Sam at sinandal ako sa locker.


“bakit mo ako iniiwasan?!” nakakunot noo na sabi ni Sam.


“ah... eh...” di pa man natatapos ang sasabihin ko ay hinalikan na niya ako, sa harap ng buong school.


“ayan, napatunayan ko na sayong di ako nagbibiro at di kita pinagtritripan, pwede bang wag mo na akong iwasan?! Nahihirapan na kasi ako eh.” mahinahon niyang sabi, at hinila niya ako palayo sa lahat ng mga mapanghusgang mata ng mga kaklase at schoolmates namin noong highschool. Wala paring nagbago hangga't mag college kami. Maraming nagtaas ng kilay, marami din namang natuwa.


“O bakit ka tulala?” pagbasag ni Sam sa pagmumunimuni ko. At habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.


“ah eh wala naman. May naalala lang.” sagot ko sa kaniya.


“teka, bago ko tanungin kung ano ang bumabagabag sayo na yan, nabalitaan ko highest ka raw sa algebra midterm exams ni Santos ah?! Tama palang nagcelebrate tayo ngayon! Sabi pa ikaw daw ang nagtop sa buong college of Physical Therapy at maaaring sa buong rehabilitational department! Congrats!” sigaw nito habang tumatalsik talsik pa ang kanin mula sa bibig niya.


“hindi nga eh, may ka-tie pa ako yung bwisit na si Jon Frederick Dy.” bitter kong sagot sa kaniya.


“haha! Sabi ko na nga ba yun ang bumabagabag sayo eh! Eh ano naman kung may ka tie ka?!” pangungulit ni Sam. Hinuhuli lang pala ako ni kumag.


“ayaw ko nga kasing may nakakahigit ng efforts ko diba?!” sagot ko naman.


“just beat him on the next exam.” sab ni Sam habang sarap na sarap siya sa nginunguyang hipon.


Ako nga pala si Lorenso Santillan, bookwrorm, nerd, not into physical activities, I'm more into mental activities, Perfectionist. Ayaw kong may nakakahigit o nakakatumbas sa mga efforts ko, siguro dahil may gusto akong patunayan sa sarili ko at sa aking ama. Lahat ng medalya, tropeo at plaque na pinamimigay ng school hinahakot ko, dahil gusto ko ipagmalaki ako ng tatay ko at may ipagmalaki ako sa sarili ko. Pero kahit ilang medalya, tropeo at plaque ang maiuwi ko, hindi ito maappreciate ng tatay ko, tuloy ang labas nagiging competitive ako sa academics na kinaiinis ng karamihan at tinotopak ako pag maynakakatumbas ng efforts ko. I always give my 101% pero hindi parin enough un para maappreciate ko ang sarili ko at may maipagmalaki narin sa sarili ko. At yun sa tingin ko ang pilit kong inaabot, ang may ipagmalaki sa sarili ko at maapreciate ako ng tatay ko.


“pwede ba Lorenso! Wala akong panahong tignan ang mga walang kwenta mong mga grades! Kita mong nakasubsob na nga ako dito sa pagtatarbaho at sa sobrang pagod galing sa ospital!”


“Dad all I'm asking is for you to appreciate my hard work and to be proud of me, is that so hard to do? Ano ba naman yung sulyapan mo ang class cards ko at tumango ng konti as a sign that you appreciate my hardwork?! It will just take... what?! 2 minutes?!” sagot ko sa kanya nang di ko mapigilan ang sarili kong galit.


“well I have no time for your petty bullshits! Now please! get the hell away from me!!” walang pakundangang sabi ng tatay ko. Di ako makapaniwala sa pagkakaroon ng pusong bato ng tatay ko na napatitig ako sa kaniya.


“GO!” singhal nito ng mapansing nakatitig ako sa kaniya. Ganyan ang madalas na sagutan namin ng tatay ko, minsan na nga lang kami magkita ganyan pa ang siste, bulyawan.


Marahil napansin ni Sam ang bigla kong pagtahimik, nagulat ako nang bigla siyang magmake face, muntik na akong mabulunan sa ginawa niyang yun, ganyan ang bestfriend ko, di pwedeng hindi ako patawanin tuwing nalulungkot ako, walang sawang nagpapagaang ng loob ko.


“ahahaha! Natalo kita!” sigaw ni mokong habang naglalaro kami ng counter strike nung hapon din na yun pagkatapos namin kumain at magcelebrate ng pagkapanalo nila sa basketball.


“ang gulang mo kasi!” pagmamaktol ko.


“hala! Anong magulang dun ha?! Patayin ka lang talaga! Ahahahaha!”


“ewan ko sayo! Halika na nga umuwi na tayo!” sabi ko.


“hep hep hep hep! Bayad mo dun sa pustahan?!” sabi ni mokong! Nung patayo na ako sa kinauupuan ko.


“hala! Anong pustahan?!”


“yung kiss and hugs pag natalo ka!” pagpapaalala nito sakin.


“ayyy! Imba ka! Imbento amputik!” sabi ko.


“ah basta! May utang ka sakin na kiss at hug” sabi ni mokong sabay ngiting aso.


“ah bahala ka!” sabi ko.


Pero syempre di naman laging holiday sa ganitong relasyon, lalo na at di mawawala ang mga mapanghusgang mata ng mga tao.


“I wonder why Sam hangs out with that loser!” sabi ng isang sosyalerang babae na nakasalubong namin. Habang naglalakad kami sa mall.


“because he's more civilized than you are!” pagtatanggol sakin ni Sam.


Kung nuong mga bata kami sa mga batang bully niya ako pinagtatanggol, ngayon naman sa mga social climbers ng college namin. He's my knight in shining armor, he's the prince charming of my very own fairytale. Pero syempre di ko maiiwasang isipin na bakit nga ba ako ang pinili niyang makasama. “odd couple!” sabi nga nila.


“Bakit tahimik ka nanaman?” kunot noong tanong ni Sam habang nagdradrive pauwi samin. Tahimik lang ako.


“Is this about what that bitch said?!” galit na pahabol tanong sakin ni Sam. Bumuntong hininga siya nang hindi nanaman ako sumagot.


“sa tingin mo ba ikaw lang ang nasasaktan at naapektuhan tuwing may naririnig akong ganon? Syempre ako din, ikaw kaya na taong mahal ko ang tinutumbok at nilalait nila” mahinang sabi nito habang inilapat ang kanyang kanang kamay sa kamay ko.


“sorry Sam, di ko na kasi makaya yung mga panlalait nila eh...”


“shhhh di ko naman sila hahayaan na lagi ka nilang gagantuhin eh, wag ka nang malungkot ok?!” at hinawakan niya ang pisngi ko. Tahimik lang ako, iniisip ang mga sinabi nung babaeng nakasalubong namin nang...


“AMBAHO!” sigaw ko.


“ah...eh... sorry” sabi ni Sam habang pinapatay ang aircon ng sasakyan at binubuksan lahat ng bintana ng kotse.


“umutot ka ba?!” sigaw ko naman habang pinipigilan ang sarili kong mapatawa.


“sorry ah! Andami ko na kasing nakain kanina eh!” sigaw nitong balik at halatang pinipigilan din ang sarili sa pagtawa habang namumula sa pagkahiya.


“haha! Ikaw talaga!” sabi ko.


“anong ako talaga? Ako talaga...ahmmm... cute?” pagpapacute sakin ni mokong.


“hindi! Ikaw talaga ang mabaho umutot!” sabi ko.


“edi ikaw na! Ikaw na ang mabango umutot!” sabi naman niya na may halong pagmamaktol.

Di talaga ako titigilan nitong si Sam hangga't di niya ako napapatawa, dahil naman sa sobrang pagpapasalamat ko, sa simpleng bagay ko lang din siya pinaramdam, sa simpleng paghawak sa kamay niya. Paghawak ko ng kamay niya ay hinigpitan naman nito ang hawak sakin at nginitian ako. “Its these simple sweet deeds that erases every doubt I have about his feelings for me.” ang nasabi ko sa sarili ko.


“ano? Sunduin ba kita mamya para sa recognition day?” tanong ni Sam sakin.


“hindi na, baka sumama si Daddy.” may pagaalangan kong sagot. Napansin niya sigurong di sigurado ang aking sagot na yun.


“Ok, pero kung b..busy ang Dad mo, don't hesitate to call ok? Ako na ang maghahatid sayo.” sabi niya sakin.


“sige sige. Una na ako, magpreprepare pa ako ng suit eh.” ngiti kong paalam sa kaniya, nang tumigil na ang kotse sa harap ng bahay namin.


“yun lang yun? Wala manlang thank you kiss? O kaya good night kiss?” paglalambing ni kumag sakin. Habang nakanguso na at hinahabol ang mga labi ko.


“saka na!” sabi ko at sinupalpal ko ang nakanguso niyang labi gamit ang kamay ko. Hinila niya ang kamay ko at napalapit ako sa kaniya.


“wag ka na kasing pumalag, wala ka namang magagawa eh saka para makabayad ka nadin dun sa pustahan natin.” at hinalikan niya ako sa labi. Sinsero ang halik na yun, punong puno ng emosyon. Kumalas na ako.


“tama na, baka lalo ka pang mainlove sakin.” pagtulak ko sa kaniya palayo at ngumiti ako ng nakakaloko.


“hindi na kailangan, kasi inlove na inlove na ako sayo.” sagot niya sakin.


“cheesy mo!” sigaw ko pabalik. At bumaba na ako at pumasok sa bahay.


OOOOOOO
“Dad.” nagmano ako sa tatay ko sabay abo't ng invitation para sa recognition day.


“what's this?!” sabi ng tatay ko ng pasinghal. Habang inaasikaso ang mga records ng pasyente niya.


“invitation po para sa... sa Recognition day ng Department namin mamya.” kinakabahan kong sabi.


“are you kidding me?! In eexpect mo akong pumunta sa lintik na recognition day na yan at iwan ang mga asikasuhin para sa mga pasyente ko na nagpapakain at nagpapaaral sayo?!” sabi niya sakin. Tatalikod na sana ako. Pero di papala tapos si Dad.


“think! Lorenso, for once in your life think!!” singhal nanaman nito sakin.


Di ko na nakayanan ang sinabi sakin ng tatay ko at tumakbo ako papunta sa labas ng bahay habang naka coat and tie pa, pumunta ako sa may tindahan sa kanto, nagpaalam sa tindera na gagamitin ang kanyang pay phone. Tinawagan ko ang nagiisang sandalan ko sa buhay, ang bestfriend ko, ang buhay ko, ang tanging taong nagmamahal sakin.


“shhhh... don't cry” sabi ni Sam habang yakap yakap ako.


Niyakap ko siya ng mahigpit, laking pasasalamat ko na andito si Sam sa tabi ko, na meron akong isang bestfriend na katulad niya, na meron akong nayayakap at pinaghuhugutan ng lakas ng loob sa tuwing binibigo ako ng pamilya ko na maramdaman ko ang pagmamahal sa kanila. Laking pasasalamat ko na may nagmamahal sakin na katulad niya.


“halika na? hatid na kita sa recognition day mo?” Tumango na lang ako bilang sagot. At nag make face nanaman si kumag para mapasaya ako.


“ganda ganda ng suot mo eh, iiyak ka ng ganyan. Gwapo, gwapo ng bestfriend ko talaga! Kaya andami daming nagkakagusto sayo eh.” sabi ni Sam sabay kurot sa pisngi ko. At sumakay na kami ng kotse niya.


“weh?! Barbero ka talaga!” sabi ko sa kaniya, habang iniistart niya ang kotse para makaalis na kami.


“Oo noh, lalo na yung Jon na yun! Nakuh! Patay na patay sayo yun eh.” panloloko nanaman sakin ni kumag.


“ahahahaha! Di naman kaya!” sabi ko kay Sam habang nagkwekwentong barbero nanaman para lang mapsaya ako. Sabay suntok ko sa braso niya.


“Oo kaya! Crush na crush ka nun, nahuli ko pa ngang nakatitig siya sayo eh, nung nakalayo ka na, kwinelyuhan ko siya tapos sabi ko sa kaniya BACK OFF DUDE, ENSO'S MINE!” sabi ni Sam habang nagmamaneho at tumatawid ng intersection ang kotseng sinasakyan namin. At dahil napasaya nanaman niya ako kahit na sobrang lungkot ko kanina, hinawakan ko na lang ulit ang kamay niya bilang pasasalamat at nginitian lang niya ako. Pero imbis na ngiti ang isukli ko sa kaniya, takot ang rumehistro sakin habang nakikita ko ang rumaragasang truck at ang ilaw ng headlights nito na papalapit samin at babangga sa parte kung saan nakaupo si Sam. Bago pa man bumunggo ang nawalan ng control na truck sa kotse na sinasakyan namin, kumalas si Sam sa seatbelt niya at niyapos ako.


At napabalikwas ako sa kinahihigaan ko, pawis na pawis at nanginginig pa, napahiga ulit ako sa kama at hinanap ang isang unan para dantayan ito. Nararamdaman ko ang mga mata ko na unti unting napupuno ng luha. Isa... dalawa... at hindi na mabilang na luha ang pumatak sa mga mata ko. Kasabay nito ang lungkot at sakit na nararamdaman ng mga taong nawalan ng pinakamamahal. Sakit na nararamdaman ng isang taong nangungulila.



“SAAAAAMMM!” sigaw ko.



“SAAAAAAAAAAAAAMMMMMMMM!” sigaw ko ulit. Kasabay ng sigaw ay ang pagyakap ko ng mahigpit sa unan at ang walang tigil na buhos ng luha ko.


Pero alam ko kahit ilang beses ko pang isigaw ang panagalan ni Sam alam kong di na niya ako maririnig, alam kong wala sasagot sa mga tawag kong ito at alam kong kahit ilang beses ko pang isigaw ang pangalan niya at kahit ganong kalakas man ang sigaw ko ay di na siya babalik.


Saktong Pitong taon na simula nung mamatay ang isang Simon Apacible. Ang bestfriend ko. Ang buhay ko. Hindi ko alam, ngayon pa lang pala magsisimula ang buhay ko.


Itutuloy...


[02]
“damn it!” nasabi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko sa kaliwang kamay ko, sumasakit ito tuwing malamig, o di kaya namay kapag nastre-stress ako, hinaplos haplos ko ang kaliwang kamay ko kung saan may maliit na pilat. Ang pilat na nagpapaalala sakin halos araw araw ng aksidente na kinasangkutan ko noon. Ang aksidenteng kumuwa sa buhay ng bestfriend ko. Pero ang sakit na naramdaman ko noong fresh pa yung sugat at ang sakit na panakanaka kong nararamdaman ngayon, ay walang wala kumpara sa sakit na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko si Sam. Sa bawat araw na gumigising ako, nararamdaman kong may kulang, may kirot sa puso.


Ilang buwan pagkatapos ng aksidente makikita mo parin akong tumatakbo palabas ng bahay sa tuwing may bubusina sa harap ng gate namin, sa pagaakalang si Sam yun dala ang kaniyang kotse at sinusundo na ako para pumasok ng school. Ilang buwan na hindi makausap ng maayos, hindi makakain. Ni hindi ko rin magawanag puntahan ang puntod ni Sam, pilit iniluluwa ng utak ko na wala na siya, na wala na ang bestfriend ko, na wala na ang buhay ko. At hanggang ngayon di ko parin matanggap na wala nang magpapasaya sakin sa tuwing nalulungkot ako. Wala nang magpapagaang ng loob ko sa tuwing pinabibigat ito ng pamilya ko. Wala na... wala na ang buhay ko.


“BEEEP!”


“WTH?!” naibulalas ko. Sabay tingin sa rear view mirror. Malakas ang ulan sa labas ng sasakyan ko.


“anong gusto mong gawin ko, paliparin ang kotse ko?! hayup ka! Kita mong traffic eh!” sigaw ko, kahit alam kong hindi ako maririnig ng nagmamaneho ng kotse na sumusunod sakin.


May mga batang kalye nagtatakbuhan sa harap ng isang bantayog ng bayani na hindi ko kilala. Pinitas ng isang batang babae ang isang bungkos ng bulaklak, kung hindi ako nagkakamali Santan iyon. May isang batang lalaki na biglang sumulpot sa gilid ng sasakyan ko at pinunasan ng twalyang may sabon ang wind shield ko. Ikinumpas ko ang kamay ko at pinaaalis siya, pero hindi siya natinag, sabon parin siya ng sabon ng windshield ko. “the hell?! umuulan utoy, di na kailangan linisin yan.” sabi ko sa sarili ko.


“BEEEP!” binusinahan ko na ang batang lalaki, para umalis na ito. Tinignan niya ako ng masama, at umalis na siya kasama yung batang babae na pumitas ng mga bulaklak ng Santan. Maya maya biglang bumalik ang batang babae at ibinato ang bulaklak ng Santan sa windshield ko sabay dila sakin ng batang babae.


“aba't lokong bata to ah.” at napatingin ako sa bulaklak ng Santan na napadikit na sa windshield ko.


“Santan... santan...” sabi o sa srili ko, bigla ko nanamang naalala si Sam


Nasa clinic kami ng Dad noon, sa ibaba lang ng bahay namin. May mga pasyenteng nakapila sa labas, matanda at bata meron duon. Nagbabasa ako ng libro sa may swing malapit kung saan nakapila ang mga pasyente ni Dad, wala akong kasama noon sa loob ng bahay, si Mom nagtatarbaho sa states as a nurse, mahirap lang kami, kaya't walang yaya, ang nagiisa kong kapatid busy naman sa academics, kaya't madalang din kaming magusap.


“bata!” istorbo sakin ng isang batang lalaki. Di ko ito pinansin, masyado akong nahuhumaling sa binabasa kong “odyssey.”


“hoy bata!” at dahil siguro nainis si mokong, pumitas ito ng isang bungkos na bulaklak ng santan at ibinato sakin. Sapul ako sa may pisngi.


“arekup.” naibulalas ko sabay tingin ng pailalim.


“sorry ah, ayaw mo kasi akong pansinin eh.” sabi ng bata sabay ngiting nakakaloko.


“Sam nga pala ang pangalan ko, sa St. Ambrose ka din nagaaral diba?” pagpapakilala ni Sam. Di ko parin siya pinansin, at tinuloy ko na lang ang pagbabasa ko.


“Suplado ka pala, Tatay mo si Dr. Santillan diba?! Idol ko siya. Swerte mo naman naging tatay mo siya. Paglaki ko gusto ko maging katulad niya.” tuloy tuloy na daldal ni Sam. Andami na niyang naikwento sakin. Madaldal talaga ang mokong. Hindi narin ako nakapagconcentrate sa binabasa ko dahil sa kadaldalan niya, di naman nakakainis ang pagkabibo niya, sa totoo lang natatawa ako sa kaniya.


“ay sige tawag na kami ni inay. Ano nga pala ang pangalan mo?” huling tanong niya sakin.


“Lorenso.” matipid kong sagot.


“ayun nagsasalita ka naman pala eh!” sabay tapik sa likod ko. Nginitian ko lang siya.


“kita na lang tayo sa school ah?!” sabi niya habang nglalakad palayo at nung di na ako sumagot pa...


“arekup...!” nasabi ko nanaman sa sarili ko. Tinignan ko si Sam at nakangiting gago ito. Binato nanaman ako ni kumag ng isang bungkos na bulaklak ng santan. At nagmakeface ito na talaga namang ikinatuwa ko.


“magkaibigan na tayo ah?!” sigaw nito pabalik sakin. At dumila at nangiinis.
Simula noong araw na yun, hindi na kami mapaghiwalay ni mokong, lagi na siyang napunta sa bahay, maski walang check up ang nanay niya kay Daddy, lagi na rin kaming magkadikit sa school, hindi kami basta basta mapaghihiwalay.


“BEEEEEEEEEPPPP!” isang busina nanaman ang pagmumunimuni ko, nagalaw na pala ang mga sasakyan sa harapan ko, nainis na marahil ang driver sa likod ko kaya't binusinahan na ako. Pinaandar ko ang wiper at tuluyan nang naalis ang bulaklak ng santan na dumikit sa windshield ko. “Damn!” naibulalas ko nanaman, sumasakit na naman ang pilat sa aking kaliwang kamay. Malamig nanaman kasi.


Sa wakas nakarating na rin ako sa Ospital na pinagtatarbahuhan ko, malaking ospital ito, maraming nagtatarbaho. Sa dami ng nagtatarbaho dito wala ni isa ang malapit sakin. Doctor terror ang bansag nila sakin dito, para sakin... “I don't give a damn! As long as I do my job and help patients, I'm fine with it. Kahit ano pang itawag nila sakin. Kahit doctor monster pa ang itawag nila sakin, I DON'T GIVE A DAMN!” Yan madalas an sabihin ko sa sarili ko, pampalubagloob. Sa loob ng anim na buwan na pagtatarbaho ko dito, yan ang tangi kong sinasabi sa sarili. Sa totoo lang hindi ko kailangan ng kaibigan dito sa Ospital, maski nuon nasa skwelahan pa ako wala naman din akong kaibigan, so hindi na bago ang pagiging loner ko.


“doc, are you okay?” tanong ng isang nurse sakin, napansin siguro niya na hinihimas himas ko ang kaliwang kamay ko na patuloy parin sa pagsakit habang nagra-rounds.


“sa pagkakaalala ko marami kang pasyenteng dapat problemahin, hindi ba?” pasinghal kong tanong sa nurse na intrimitida.


“opo doc.” sagot ng nanginginig pang nurse sakin.


“then pasyente ang problemahin mo and not my arm.” Sabi ko, sabay bagsak ng metal chart sa harap niya.


“paging Dr. Santillan, you are needed at the Emergency Services Section ASAP” sabi ng babae sa paging system ng Ospital na bumasag sa pangteterror ko sa nurse sa harapan ko.


Agad akong pumunta sa ER at tinignan kung anong nangyayari at kung sino sino ang nandun. “Kaya naman pala toxic, si Migs nanaman ang duty” isip isip ko. Marami akong naririnig na papuri ng ibang doctor kay Migs kesyo listo daw, may initiative at kung ano ano pa.


“Vital signs?” tanong ko kay Migs, nang makitang restless ang pasyente at habang inaasses din ito.


“150/100” sagot nito.


“possible status asthmaticus, prepare for intubation now!” sigaw ko rito, pilit kong tinataranta si Migs, ewan ko pero ang bigat ng loob ko sa taong ito.


“give me a line! PNSS 1Liter now! And prepare a double dose of aminophylline 500:500! And hydrocortisone 250 mg” sigaw ko ulit dito, habang ang junior nurse niya ay pinagsusuction ko ng secretions bago ako mag intubate, di ko mapigilang mainis ng mapansin kong nanginginig ang junior nurse ni Migs.


Tulad ng dati, may gusto akong patunayan sa sarili ko, tulad noong nagaaral pa ako, gusto ko 101% ang ibibigay sa mga pasyente ko. Kaya't ang mga simpleng panginginig at pagaalinlangan ng mga nurse sa paligid ko ay siya namang sobra kong ikinagagalit. “they're putting all my efforts into waste.” isip isip ko. 'Tinignan ko si Migs wala pa atang tatlong minuto ay naka prepare na lahat ng hinihingi ko sa kaniya, ang kulang na lang ay ang ugat na pagsisimulan ng IV line, hinahanap parin niya ito. Di na ako magtataka kung mahirapan siyang mainsertan ng swero ang pasyente, kulang na sa oxygen ang katawan ng pasyente kaya naman lahat ng good vein na tinatawag ay nag collapse na lahat.


“ano ba't di pa nalalagyan ng swero ang pasyente?!” sigaw ko kay Migs, na pinagsisisihan ko naman. Tinignan ako nito ng masama at sumigaw din ng...


“do what you have to do and let me do my job!” singhal nito sakin. At pagkasabi niya nito ay naka-hit ng magandang ugat si Migs at nakapagsimula na ng swero. Sa sobrang inis ko dahil sa pagkakapahiya sakin na yun ay pinaginitan ko na lang ang junior niya na nanginginig parin.


Na stabilize naman ang pasyente at naipasok na sa ICU. Pero hindi ko parin pinalagpas ang pagpapahiya na yun sakin ni Migs.


“Nurses here are so incompetent! Maglalagay ka lang ng line Migs? It took you what?! 5Minutes?! And you!” sigaw ko sa junior niya. “nurse ka ba talaga?! Suction lang di mo pa alam gawin?! Well Migs ikaw ang senior dito, dapat tinuturuan mo ang mga juniors mo about sa mga procedures!” marahil naginit ang ulo ni Migs sa mga sinabi kong yun kaya't di narin ito nakapagpigil.


“With all due respect Dr. Santillan, wala akong nakitang mali sa ginawa ng junior ko.” sagot nito sakin, halatang pinipigil ang namumuong galit sa dibdib niya.


“pano mo nalaman?! Eh busy ka sa paghahanap ng ugat!” singhal ko naman.


“I have my ways to observe my staff Dr. Santillan.” singhal narin ni Migs sakin.


“kaya pala natagalan kang maglagay ng swero, because you were busy observing!” sigaw ko.


“Doctor ka diba?! Bakit di mo ba napansin na all the good veins are collapsed already?! And besides if you are minding your own Job, all the good veins will still be intact if you have inserted the endotracheal tube immediately! Eh hindi, your're busy looking for mistakes ng mga staff mo!” sigaw na nito sakin at nilapit na ang mukha niya sa mukha ko. Tanda ng hindi niya pagpapatalo sakin.


“If you don't like the way I work, why don't you just resign and get out of my area?!” sabi ko bilang pambara naman sa kaniya.


“this is MY area! And an asshole like you is not going to keep me out of here! Now if you don't like how we handle things here, you can go to the management and complain there! A jackass of a Doctor like you doesn't scare me!” sigaw nito, at palakpakan naman ang ibang staff na na andon sa lugar na iyon.


Tama sila, ang isang to ay hindi basta basta, dumaan ang ilang oras at bulong bulungan sa buong ospital ang pagtatalo namin ni Migs na iyon, at hindi ako nagkamali di matatapos ang araw na ito na hindi nila ako pinapatawag sa Directors office.


“Yes I know Dr. Santillan but that doesn't give you the right to shout at them like that, we need nurses like them and based on what the testimonies of the staff who are there, you shouted at them and called them incompetent, gayong wala naman silang maling ginawa. Based on the Incedent reports that was submitted to me, the nurses did a very good job.” mahinahong sagot sakin ng direktor pagkatapos kong ipagtanggol ang aking sarili.


“so am I fired?' matapang na tanong ko.


“not YET” ngiti nito sakin.


“so why the hell am I still here? I have patients to look at.” mapresko kong sabi, bilang pagpapakita na they don't threaten me.


“dahil sa insidenteng ito, kailangan mong mag under go ng anger management, but don't worry, hindi ka aalis sa ospital na ito, taga rito rin ang mag tuturo sayo to control your anger. Hindi rin kalingan malaman ng ibang staff na nag uundergo ka nito.” sabi ng director.


“what if I refuse?” tanong ko.


“then I'm afraid I have to let you go.”


Nagisipisip ako at napagtantong marahil nga ay kailangan ko ito. Nag butong hininga ako at pumayag na sa gusto ng direktor.


“you're not that tough after all” pagbibiro ng direktor.


“taunt me one more time and I will reconsider” ngiti ko dito.


Sumilip siya saglit sa labas ng opisina niya at may tinawag. Laking gulat ko naman ng makita kung sino ang gagabay sakin. Si Jon Frederick Dy, ang mortal kong kalaban sa honor roll noon sa college of Physical Therapy. The guy that made my life in PT a living hell. The competition. There he is, standing with all smiles, flaunting his Perfect Filipino-Chinese heritage. One of the so called “crush ng campus” way back in college and just behind him is Charity Sandoval. The “dream team” kung tawagin dati nung college, kasama nila ang wala ng iba kung hindi si Miguel Salvador, ang taong nakasagutan ko kanina sa ER.


“meet Charity Sandoval, our nurse psychologist and Jon frederick Dy our Disciplinary Officer, while Cha is busy on her nursing duties, Jon here will make sure that you will follow the programme while Cha is out.”


“no need to introduce us sir.” sabi ni Cha sa direktor.


“Oo nga po sir. Me, Cha and doki here, go waaaaaaaaayy back in college.” sabi naman ni Jon.


“its sad that Migs called you an asshole a while ago, edi sana isang major major na reunion ito.” nakakalokong sabi sakin ni Cha.


“Combo ito.” sa isip isip ko, pero naisip ko rin na titiisin ko na lang ang dalawang ito kesa masisante ako at hindi na maipagpatuloy ang pangarap ko, ang pangarap ng buhay ko, ang pangarap ni Sam. Nasa ganito akong pagmumunimuni habang pasakay ako sa elevator, pasara na sana ang pinto nito nang may pumigil dito. Si Jon pala.


“hey doki! Madalas na ulit tayong magkakasama! Parang nung college lang remember?” sabi nito sakin sabay akbay.


“yey!” pasarkasitko kong sabi.


“nga pala, daan ka mamya sa PT Dept. bibigay ko sayo ang program natin kada session.” ngiti parin nitong sabi sakin.


“cut the crap Jon! We both know we hate each other!” singhal ko sa kaniya. Lumapit ito sakin hanggang may tatlong pulgada na lang ata ang layo ng mukha niya sa mukha ko at napasandal ako sa pader ng elevator.


“I don't hate you Enso, maybe you hate me, but that doesn't matter now, right? Were going to do this wether you like it or not.” sinasabi niya ito habang palapit ng palapit ang mukha niya at patuloy ang pag pin niya sakin sa pader ng elevator. Di ko napansin na nadaganan ko pala ang hold button, ang resulta, naiwanang bukas ang pinto ng elevator. Biglang sumulpot si Cha, sasakay din pala ito sa elevator. Halatang nagulat ang bruha sa nakitang tagpo na iyon, pero sumakay parin siya, at umayos naman si Jon nung mapansing may iba na kaming kasama.


“magandang hapon Cha! Kumusta ka na? still in love with Migs?” sabi ni Jon at ngumisi ito ng nakakaloko.


“oh, Jon andyan ka pala, akala ko may dumi lang. Ako ba talaga ang kinukumusta mo o si Migs? Mabuti lang naman si Migs, he still prefers kuya Ed's dick and not your two timing one.” singhal ni Cha sabay ngiti na pang demonya.


“good afternoon doc. Magiingat ako sa mga sinasamahan ko, if I were you. A two timing jerk will always be a two timing jerk.” pahabol ni Cha nang mapansin niyang andun din ako.


“I will make a mental note of that Cha.” singhal ko sa babaeng bakla.


“you should, and oh along with that, you should also make a mental note ng schedule natin. The first session will be tomorrow at 5pm.” malditang sabi nito.


Bago pa man lumabas ng elevator si Cha ay tumawa ito na pang kontrabida. At tinignan ko ng isang masama pero makahulugan na tingin si Jon.


“I never liked that tramp!” sabi ni Jon sa tabi ko.


“so you and Migs...?” di ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang inipit nanaman ako ni Jon sa pader ng elevator.


“yes, Migs and I were lovers before, binabalaan na kita, baka kasi ma inlove ka sakin, you see lahat ng napapadikit sakin ay naiinlove sakin.” preskong sabi ni Jon habang nilalapit nanaman ang mukha sa mukha ko.


“that will never happen.” singhal ko.


“we'll see.” maikling sabi nito sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko, alam kong hahalikan na niya ako, di ako makapalag he is way too strong and he is pinning the right muscles para hindi ako agad makaalis. Wala na akong nagawa kung di mapapikit at hintayin ang paglapat ng labi niya sa labi ko. At narinig ko siyang humagikgik at pinakawalan na niya ako. Tapos lumabas na siya ng elevator.


Di ko naman mapigilang ngumiwi sa sakit na naramdaman ko sa kaliwang kamay ko. Hinawakan ko na lang ang pilat sa kaliwang braso ko. At mapangiwi ulit sa ideyang dapat kong pakisamahan ang dalawang yun.


“this is going to be one heck of a rollercoaster ride.” bulong ko sa sarili ko sabay buntong hininga.



Itutuloy...


[03]
Its my first session sa aking anger management class. Di parin ako komportable na ang dalawang yun ang magfafacilitate. Nagbuntong hininga ako, kung tutuusin, pwede ko namang tanggihan ang anger management session na ito at magpasisante na lang, pero naisip ko rin, na isa ang ospital na ito sa mga the best na pwede kong mapagtarbahuhan, saka pangit naman kapag nagapply ako sa ibang ospital na may record akong attitude problem, kaya siguro tama narin na solusyonan ko na ang problemang to, kasi kung hindi ngayon, alam kong paulit ulit na may makakaaway ako. Tinignan ko ang relos ko “5pm.” sabi nito, just in time. Pag liko ko sa may hallway nakita kong bukas ang pinto ng HR office, andun na si Cha, may kausap. Tinignan ko ulit ang relos ko “5:01pm.”, “busy pa siguro, balik na lang ako mamya.” sabi ko sa sarili ko.


“What are you playing at, kuya?!” pasinghal na tanong ni Cha. Napatigil ako, di ako makaalis, alam ko na di magandang makinig sa isang private conversation, pero di talaga ako makaalis.


“di ko sinasadya Cha, naguguluhan ako.” sagot naman nung lalaking tinatawag na kuya ni Cha.


“Alam mo bang kamakailan lang, iniwan ni Jon si Migs, dahil sayo?! Pinapili ni Jon si Migs nung birthday ko kung sino mas gusto niya, ikaw o si Jon, nagisip si Migs, and from then on alam na ni Jon na wala na siyang pagasa, kasi kung si Jon nga naman ang tanging mahal ni Migs, dapat hindi na siya magiisip, with a snap of a finger, dapat si Jon na agad ang isasagot ni Migs. Pero hindi nagisip pa siya, kaya umiwas na lang si Jon. Di naman sa gusto ko si Jon para kay Migs, natuwa pa nga ako nung naghiwalay sila eh, kaso nasasaktan si Migs, kuya, feeling niya, naging mali ang desisyon niya na hayaang umalis si Jon.” pasinghal ulit na sabi ni Cha. Lalo akong napako sa kinatatayuan ko.


“Alam ko. Nasabi niya sakin kagabi. Sinabi rin ni Migs na mahal na niya ako.” sabi nung lalaki.


“yun naman pala eh! Anong nangyari? Bakit parang pinagsakluban parin ng langit at lupa si Migs?! Kaninang umaga, tinawagan ko pero parang bangag na bangag at tunog depressed na depressed ang hung hang!” tuloy tuloy na sabi ni Cha.


“So it was Jon who left Migs!” sabi ng nadedemonyo kong utak at pumalakpak nanaman ang tsismoso kong tenga. “may alas na ako kay Jon at Migs.” sabi nanaman ng nadedemonyo kong utak.


“sabi ko kay Migs na mahal ko... si Lei.” mahinang sagot nung lalaki na animo'y nahihiya. “pero I swear, I like Migs, its just that, I love Lei.” pahabol na sabi nung lalaki.


“Ah kaya pala depress depressan ngayon ang bakla, at hindi pa talaga pumasok. Na feel ko na nung una pa lang kuya, nung sa kasal pa lang ni kuya Mau, na gusto ka na ni Migs. Tapos kung akitin mo pa si bakla atag na, tapos ngayon sasabihin mo na hindi mo siya gusto at ang mahal mo si Lei, Shit kuya pamatay yun! Hay nako. Ayusin mo yan kuya. Alamin mo kung anong gusto mo. Sa huli baka parepareho lang kayong masaktan.” sabi ni Cha.

“di ko alam kung anong gagawin ko, Cha.” sagot nung lalaki.


“alamin mo kung ano sinasabi niyang puso mo, for the meantime ako na muna ang bahala kay baklang Migs, aayain ko mamya sa Malate, para makapagunwind.” sagot ni Cha.


“On a Tuesday night?” balik tanong nung lalaki. Mukhang di naman narinig ni Cha ang tanong na yun at hindi na ito sumagot. Tumahimik ng matagal, nagulat ako ng biglang sumulpot ang lalaking kausap ni Cha sa pinto at tinignan ako, sumunod naman si Cha.


“Baks, andyan ka na pala, sige pasok ka lang sa loob, hatid ko lang saglit si kuya.” sabi ni Cha, tumango lang ako. Nang bumalik si Cha sa office ng HR, iiling iling pa ito.


“hay nako, ano ba tong nangyayari sa mundo, si kuya may Lei na at lahat, nagkagusto pa kay Migs, tas ngayong sinabi ni Migs na mahal niya si Kuya, deny ever naman si kuya at mahal niya raw si Lei. Ginagawang kumplikado ang buhay buhay tsk! Tignan mo sa huli hahabol habol din yang si Kuya kay Migs. Ay Baks wag mong ipagsasabi lahat ng narinig mo ah. Secret lang natin yun. Lalo nang wag mong sasabihin kay two timer gay jerk na si Jon ha? Di parin makaget over kay Migelita yun eh, baka jombagin ever si Kuya pag nalaman na sinaktan ni kuya si Migs.” at ngumiting nakakaloko si Cha.


“ano yung tinawag mo sakin?” tanong ko.


“Baks, short for bakla.” sabi ni Cha.


“hin..hindi ako bakla.” mariing sabi ko.


“Baks, wag mo ng itago. The stench is too strong for you to deny.” sabi ni Cha sabay ngiti.


“yeah, whatever.” mariing sagot ko kay Cha. “kuya mo yon?” pahabol tanong ko kay Cha.


“yup. Gwapo no?” sagot ni Cha.


“whatever. Can we start na?” matipid kong sagot.


“of course Baks.” at ngumiti ulit ito.

Sa buong session, pinakwento lang sakin ni Cha ang buhay ko simula pagkabata, at ang ibang questions daw ay sa susunod na session na. Kahit hindi ako kumportable na ikwento ang buhay ko, nagawa ko parin yun. Sa ngayon dalwang tao pa lang ang nakakaalam ng buhay ko, si Cha at si Sam.


“tha'st it for now, yung ibang questions ko ay sa susunod na session na, anong feeling mo ngayon baks?”


“Ok lang naman, medyo magaang sa pakiramdam.” sagot ko.


“kaya naging magaan ang pakiramdam mo, kasi, after seven years nabawasan yung load mo, by sharing it to me. Dapat laging ganyan, dapat lahat ng problem shineshare or vinevent out, kasi kapag hindi nabawasan ang bigat na nararamdaman mo maiipon lahat yan sa dibdib mo, and because hindi mo naman siya mai-share, sa ibang paraan siya lalabas, tulad ng pagsusungit at paninigaw na hindi naman talaga nakakatulong.” pagpapaliwanag sakin ni Cha. Siguro nga tama si Cha, ang huling sinabihan ko ng aking problema ay si Sam pa, siguro nga sa loob ng pitong taon na puro sama ng loob sa pamilya ko, pagiging perfectionist ko at ang di ko parin pagtanggap sa nangyari kay Sam ang nakapagpatigas ng puso ko at nakapagpabago sakin ng husto. Bago pa man ako tuluyang makalayo ng office ng HR, narinig kong may kausap si Cha sa telepono niya.



“hello kuya?! Alam mo ba kung asan si Migs?! Di kasi siya pumasok ngayon, tinatawagan ko sa landline hindi naman siya nasagot, pati yung cellphone niya dinedeadma niya.” si Cha.


“ah ganun ba, sige sige pupuntahan ko na lang sa bahay niya.” sabi ni Cha, at naglakad na ako palayo. Di pa man ako masyadong nakakalayo nang tawagin ulit ako ni Cha.


“Baks!” sabi ni Cha, habang humahangos.


“buti na lang naabutan kita, nakalimutan kong sabihin na wala pala ako bukas, si Jon na ang magfafacilitate ng session mo bukas.” at ngumiti ito, marahil nakita niya ang kaba sa mukha ko.


“ahmm Bak..Baks? sa..Salamat ah.” nauutal kong sabi ko kay Cha.


“no problem, Baks!” at ngumiti ulit ito.


Kung anong gaang ng pakiramdam ko nung nagshare ako kay Cha kahapon, siya naman bigat ng pakiramdam ko ngayon, and hung hang na si Jon na ang magfafacilitate ng session ko ngayon, halos di ako makausap ng mga tao, di ko maayos ang trbaho ko at di ko mapaliwanag kung kinakabahan ba ako o ano. Tinignan ko ang orasan ko “4:55pm.” Lalo akong kinabog. Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Jon sa likod ko.


“hey! Oras na para sa session mo.” sabi sakin ni Jon.


“ah o sige. Sunod na lang ako sa HR office, tapusin ko lang tong progress notes ko sa pasyente.” sabi ko kay Jon habang kinakabog parin ang dibdib.


“hindi tayo dun magse-session eh, inatyin na kita dito.” sagot ni Jon, nagtaka naman ako, pero tinapos ko narin ang ginagawa ko, as usual hindi ako makapagtarbaho ng maayos dahil nakatingin siya sakin.


“pakshet! Bakit ba ganito ang epekto ng mokong nato sakin!” sabi ko sa sarili ko.


“tapos ka na?” tanong ni mokong sabay killer smile. Tumango na lang ako bilang pagsagot ko sa tanong niya.


“teka teka teka, Di ba pwedeng si Bak...si Cha na lang ang magfacilitate ng anger management sessions ko?” tanong ko kay kumag.


“busy siya ngayon eh, in case you don't know siya rin ang HR ng hospital.” nangingiting sabi ni Jon.


“napakadami naman atang posisyon dito ni Cha?” takang tanong ko kay Jon.


“haha, siya rin ang nagmamanage ng canteen.” natatawang sabi ni Jon. At hinatak na niya ako papuntang labas ng ospital.


“san tayo pupunta Jon?” takang tanong ko sa kaniya.


“sa session natin.” maikling sagot ni Jon.


Sumakay kami ng jeep, taka naman ako kung san ako dadalhin nitong si kumag, hindi naman sa pagmamayabang, pero hindi narin ako sanay sumakay ng jeep, kaya naman nung nagkakagitgitan na, sisinghalan ko na sana yung katabi ko dahil sa sobrang ginigitgit na niya ako. Pero pinigalan ako ni Jon at nginitian.


“manong naman masyadng close sa kaibigan ko.” natatawang sabi ni Jon sa manong na gumigitgit sakin.


“ah eh hijo, pasensya na ah, may kalakihan kasi ako eh, teka at uusod ako.” sabi naman ng katabi kong kanina lang ay nanggigitgit. Nahiya siguro.


Biglang pumara si Jon at hinila ako pababa, natatawa namang kinawayan ako ni Manong na katabi ko kanina. Kung hindi ko kasama si Jon, malamang napaaway na ako, malamang nasinghalan ko na ang manong na yun, na kalaunan ay nalaman kong mabait naman pala.


“ikaw talaga, mangaaway ka agad, pwede namang makiusap muna diba?” pagpapacute na tanong sakin ni Jon. Habang hinihila ako paakyat ng hagdan.


“teka lang Jon, san ba tayo pupunta? Naka duty tayo ano ka ba?” pagpapaintindi ko kay Jon.


“we still have...” sabay tingin sa relos niya “50minutes doon sa binigay na isang oras na session satin ng ospital.” at ngumiting gago si kumag.


“saan ba kasi tayo pupunta?” tanong ko ulit kay Jon.


“dyan lang.” matipid na sabi nito.


Nagbayad si kumag ng dalawang ticket para sa LRT, hindi ko narinig ang sinabi nitong lugar. Hinatak niya ako papuntang gate kung san pinapasok ang ticket para makasakay kami ng tren.


“shoot!” sabi ko sa sarili ko.


“oh, anong nangyari?” tanong sakin ni Jon.


“baliktad ata yung, pagkakasuksok ko dun sa ticket.” kinakabahan kong sabi kay Jon. Lumapit na sakin yung mga gwardya. At nagsisimula nang dumami ang tao sa likod ko.


“boss may problema ba?” tanong nung isang gwardya.


“ah eh Sir, baliktad ata yung pagkakasuksok ko dun sa ticket.” sagot ko naman.


“ah eh Sir ngayon ka lang ba sasakay dito sa LRT?” tanong nung isang gwardya. Nagpantig naman yung tenga ko dun sa lintik na gwardyang yun, “anong tingin niya sakin, ignaorante?” sisinghalan ko na sana ito nang biglang sumingit si Jon.


“ah eh, pagpasensyahan nyo na po ang kasama ko mga boss, galing kasing probinsya yan eh.” sabi naman ni Jon. Tinignan ko siya ng masama. Pero mukhang effective ang palusot na ito ni Jon at binigyan ako ng bagong ticket ng mga gwardya. Sumakay na kami sa tren na nung mga oras na yun ay punong puno dahil rush hour pala.


“chill lang.” bulong sakin ni Jon.


“eh ininsulto kaya ako nung gagong yun!” sagot ko sa kaniya, habang dagdag ng dagdag ang tao sa loob ng tren.


“UN AVENUE” sabi ng operator ng LRT.


“EXCUSE ME! EXCUSE ME!” sabay tulak ng isang babae, para makalabas ng pinto. Napalapit ako kay Jon na nuon ay kaharap ko. Halos dalawang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Bigla naman akong lumayo ng konti.


“may tao talagang ganon doki, di man nila alam na nakakapanlait na sila eh tuloy tuloy parin sila sa pagsasalita. Pero ikaw di mo naman agad kailangang idaan sa init ng ulo.” sabi ni Jon at ngumiti ito sakin ng nakakagago nanaman na parang di muntik magkadikit ang mga labi namin kanikanina lang.


“are you saying na ignorahin ko lahat ng panlalait sakin?” maanghang na tanong ko kay Jon.


“di naman sa ganon doki, ang ibig kong sabihin intindihin mo muna sila at kung san nanggaling yung kumento nilang yun, malay mo namang hindi naman pala intensyon nung nagsabi na mainsulto ka.” pagpapaliwanag ni Jon.


“di ko parin maintindihan yung point mo, Jon.” makling sabi ko.


“ito lang ang tandaan mo doki, hindi sa lahat ng pagkakataon dapat pairalin ang init ng ulo. Sa tingin mo ba makakatulong ang pagsusuplada mo dun sa gwardya kanina? Kung itinuloy mo na sinungitan yun, baka mamya di tayo agad nakaalis dun, doki. At baka di napakiusapan agad ang mga yun. Gets mo ba? Atsaka sa dinamidami ba naman ng isla ng pilipinas, sa tingin mo bawat probinsya parepareho ng ugali? Syempre hindi. Ang nakakainsulto sayo, maaring papuri sa iba. Marami ring trabaho sa mundo doki, ang nakakainsulto sa inyong mga doktor maaring hindi nakakainsulto sa gwardya na yun. Malay ba natin na kaya ganoon ang paraan ng pagkakatanong nung gwardya na yun ay dahil madalas siyang nakakencounter ng ganuong sitwasyon, kung saan baliktad ang pagkakapasok ng ticket. Hindi sa lahat ng pagkakataon init ng ulo ang pairalin mo. Try to justify and rationalize situations sometimes.” pagpapaintindi sakin ni Jon. Ngumiti siya saglit. Di ko napansin napatitig na pala ako sa kaniya.


“andito na.... tayo.” sabi ni Jon at ngumiti ito sakin, binawi ko naman ang tingin ko sa kaniya.


“tinititigan mo ba ako?” tanong ni Jon. Habang nalabas kami ng tren.


“hi.. hindi ah! Teka central station to ah?! Ano bang ginagawa natin dito?!” iwas ko sa tanong niya. “shit! Nahuli niya ako, bakit naman ba kasi ako tumitig.” isip isip ko.


“punta tayo sa SM.” sabi nito.


“ha?! Di pa ba tayo magsesession?” tanong ko kay Jon, habang kinakaladkad niya ako papuntang SM.


“basta.” matipid na sabi ni Jon.


Ganun parin ang SM Manila, ubod parin ng dami ng tao, students galing U belt, mga nagrereview from Gapuz saka Pentagon, mostly mga teenagers. Niyaya ako ni mokong na magkape sa starbucks, magkatabi kami ni mokong sa pila. Napansin ko namang may tinetrain na bagong barista ang supervisor dito. Nakita ko kung pano pabulong na sinisinghalan ng bisor ang trainee na barista. Umupo na kami ni Jon, pagkakuwa ng kape.


“napansin mo kung anong epekto ng pagalitan ka ng bisor mo sa harap ng maraming tao?” tanong ni Jon, habang nakaupo kami at ineenjoy ang kape. Parang alam ko kung anong tinutumbok ni Jon.


“tulad mo, ayaw ko naring magtiwala dun sa barista, pano kung sa paghahalo ng kape ko siya magkamali, diba? Ganyan din sa mga staff sa ospital doki, pwede mo naman silang sabihan, pwede mo kaming sabihan, as long as tayo tayo ang nakakarinig. Tulad ng nararamdaman nating alinlangan dun sa barista na yan, yun din ang nararamdamang alinlangan ng mga relatives ng pasyente doon sa mga staff na pinapagalitan mo. Wala ng relatives ang magtitiwala sa mga staff ng ospital pag sa harap mismo ng relatives mo pinagalitan ang mga staff. Wala nang matitiwala sa staff ng ospital, o kaya sa buong ospital pag nagkataon.” mahinahong sabi ni Jon. Habang pabalik kami sa ospital, narealize ko na tama ang mokong, ito yung mga bagay na akala ko, okay lang dati. Di ko alam na ang pagiging perfectionist ko ang siya mismong nakakasira sa lahat. Tahimik lang kaming magkatabi sa LRT nang biglang may tanong na pilit sumisiksik sa isip ko.


“Jon?” panimula ko.


“yes, doki?” at ngumiti ito.


“bakit mo iniwan si Migs?” walang preno kong tanong, nakita kong nabura ang ngiti ni Jon.


“kasi ramdam ko na hindi na ako ang mahal niya.” matipid nitong sagot.


“hindi mo ba siya ipaglalaban? Kasi narini... kasi malay mo naguguluhan parin yung gusto ni Migs ngayon. Malay mo may pag-asa pa.” pagpapaintindi ko kay Jon. “ano ba yun, muntik na akong madulas.” sabi ko sa sarili ko.


“Si Ed na ang mahal niya. Nasasaktan ako, Oo, kesa naman habang buhay akong masaktan kung ipilit ko ang sarili ko sa kaniya. Saka alam ko andyan lang yung taong para sakin. Malay mo doki ikaw yun.” mahinahon at nanggagagong sagot ni Jon sabay tawa ni kumag.


“It only took Migs, days to fall out of love from me. Mahigit isang buwan na ang nakaraan nung sumulpot si Cha kasama ang kuya niya sa pinto ng apartment namin, at simula nun naging kakaiba na ang kilos ni Migs. At alam kong hindi basta basta ang pagtingin na yun ni Migs kay Ed, or else hindi niya ipagpapalit ang matagal na panahon naming relasyon para sa isang crush lang. Mahal na ni Migs si Ed, at wala akong karapatang hadlangan yun. Kaya wala akong nakitang ibang paraan kundi ang umiwas narin kay Migs.” Mahabang sagot ni Jon.


“pero impossible yun. Sa nagyon, ilang buwan pa lang silang nagkakakilala diba? Ganung kabilis? Ngayon mahal na nila ang isa't isa?” tanong ko kay Jon.


“Mahigit isang buwan pa lang ngayon, to be exact” Malungkot na sagot ni Jon habang tumatango tango. Hindi na ako nagtanong ulit hanggang makabalik kami sa Ospital. Nawala na ang ngiti sa mga labi ni Jon. Feeling close naman kasi ako eh, ayan nalungkot tuloy bigla si hunghang.


“Salamat Jon.” tahimik na nasabi ko kay Jon, gaya ng kay Cha naging thankful ako kay Jon dahil marami siyang naituro sakin, kahit sa mga simpleng bagay lang, nabuksan niya ang mga mata ko. Tinuruan niya ako kung pano mabuhay. Kung pano i-control ang galit ko. Kung pano intindihin ang tao sa paligid ko.


“salamat saan?” tanong ni Jon sabay ngiting nakakagago.


“sa session natin.” nahihiya kong sagot.


“anong session?? Nagdate tayo diba?” at ngumiti itong nakakagago sabay kindat. Nauna itong pumasok sa ospital. Napangiti ako sa sinabing yun ni Jon. Pagkatapos ng pitong taon, ngayon lang ulit ako ngumiti.

Napahawak ako sa pilat sa kaliwang kamay ko at nagtaka, for the first time in seven years, ni isang beses sa buong araw na ito, hindi ito sumakit.


Itutuloy.


[04]
“you're kidding, right?!”


Yan ang saktong mga salitang sinabi sakin ng aking ama pagkatapos na pagkatapos kong ilahad sa kanya ang balak kong pagtake ng medicine. Ito ang pangarap ni Sam, at ito ang ipinangako ko sa sarili ko, ako ang magtutuloy sa pangarap niyang maging doktor. Di ko magawang kainin ang nakahain sa harapan ko. Masyado akong nadadala ng pagkakaroon ng pusong bato ng tatay ko.


“if you don't want to finance it, its fine.” maanghang kong sagot.


“I have no problems in financing it, hijo. I'm rich and I can finance anything. It's just that... I don't support you.” pasinghal na sabi sakin ng aking ama, habang sinusubo ang kaniyang salad.


“it's ok, you were never that supportive anyways.” singhal ko sa tatay ko. Tumayo ako at tumalikod sa kaniya.


“kung iniisip mo na magiging magaling kang doktor katulad ko, nagkakamali ka. You were never good at anything, except for being gay!” pahabol na panlalait sakin ng tatay ko. Humarap ako at sinugod siya, kwinelyuhan siya. Sa unang pagkakataon, rumehistro sa mukha niya ang gulat at takot.


“I never wanted to be like you.” singhal ko habang pinipigilan ang sarili na suntukin ang mukha ng tatay ko. Binitawan ko ang kwelyo ng polo niya, sabay talikod at hindi na siya muli pang nilingon.


00000oooo00000


“So you think, naging mas magaling kang doktor kesa sa ama mo?” tanong sakin ni Cha na bumasag naman sa pagmumunimuni ko. Hindi ako agad na nakasagot.


“don't you think you were trying too hard Baks? Trying too hard to be better than your father, na minsan hindi na maganda ang kinakalabasan nito?” sabi ni Cha, na siya namang ikinagulat ko. Sapul, tumutusok sa dibdib ang tanong na yon. Hindi ko nga siguro napansin, masyado akong nabulag ng aking kagustuhan na may patunayan sa tatay ko at sa sarili ko. Alam ko sa sarili ko na hindi ko nahigitan ang aking ama, katulad niya, nagkaroon din ako ng pusong bato.


“Sige, kahit sa next session na natin pagusapan iyan, tutal five minutes nalang naman ang natitira sa ating one hour eh. Kwentuhan mo na lang ako about sa session niyo ni Jon.” ang ngumiting nakakaloko si bruha. Di ko naman namalayan na nakangiti din ako.


“ayieeee! Kinilig?!” sigaw ni bruha with matchig turo pa sakin.


“wha...?!” di ko na naituloy ang sasabihin ko kasi biglang tumayo at nagtititili si bruha!



“I knew it! Nung sa elevator pa lang, kitang kita ko na kung pano kayo magtitigan eh!” sabi ni bruha.


“hindi no!” pagdedeny ko. “shit bakit ko ba naman kasi pinahalata dito sa bruhang to eh!” isip isip ko. Tumayo ako at tumalikod na kay Cha.


“o where are you going?” tanong ni Cha.


“our five minutes is over.” sabi ko kay Cha.



“tignan mo to nahuli ko lang na kinilig siya kay Jon... ikwento mo sakin ang ginawa nyo nung araw na yun!” pangungulit ni Cha. Tumalikod ako at nagmadaling lumabas ng HR office, sabay pasok naman ni Jon, na hindi rin siguro ako napansin.



“Arekup...!” “Aray!” sabay sabi namin ni Jon. Nagkauntugan pa kami, napahawak ako sa braso niya. Pumalakpak si Cha sa likod ko.



“excuse me ha, gorabels lang kayo sa pagmomoment dyan, disappear muna ako.” sabi ni Cha at tumawa nanaman ng pang demonaya. Nagkatinginan kami ni Jon, napatingin ako sa bandang noo niya, namumula ito, magkakabukol pa ata ang mokong.



““ok ka lang ba?”” magkasabay naming tanong, at sabay din kaming napangiti.



“Ayyyiiieee! Sabay, at pareho pa ang iniisip! Kalerkey ito!!!” sigaw ni Cha galing sa dulo ng hallway.



““sorry ah”” sabay nanaman naming sabi ulit ni Jon.



“waaaaaahhhh! Sabay nanaman! Grabeh na itey!” sigaw nanaman ni Cha. Sabay naman kaming napatawa ni Jon.



“So?” panimula ni Jon, na nagpataas ng kilay ko.



“kinilig ka raw?” tanong ni Jon.



“masamang makinig sa pribadong usapan.” sabi ko kay Jon.



“di ko napigilan, lalo na nung tinanong ka na ni Cha about sa session natin.” pagpapaliwanag ni Jon. “so kinilig ka ba talaga?” tanong niya ulit, sabay ngiti ng matamis.


“hindi ah.” hindi ako makatingin ng derecho sa kaniya.


“ahhh, kaya pala namumula ka ngayon.” pangaasar ni Jon sakin. Tumalikod na ako at naglakad na palayo.


“told you, wag ka masyadong dumikit sakin kasi baka mainlove ka eh.” habol sabi ni Jon. “kapal ng mukha!” sabi ng utak ko. Pero nangingiti parin ako. Nagulat ako ng biglang sumulpot si Jon sa harapan ko ulit, humahangos, hinabol pala ako ni mokong.


“paalala ko ang session natin para bukas ah?” sabi nito sabay halik sa pisngi ko. Nagulat naman ako at hindi kaagad nakapagreact, tumalikod si Jon na humahagikgik. Biglang sumakit ang pilat sa aking kaliwang kamay. Biglang nag flashback ang mukha ni Sam, at ang kanyang paboritong gawin sakin, ang pagnakaw ng halik.


Halos di ako makapagtarbaho ng maayos nung araw na yun, laging sumasagi sa isip ko ang ginawa ni Jon, at panakanakang pagsingit ng alaala ni Sam at ang pagsakit ng kaliwang kamay ko. Bwisit kasing Jon yan eh.



00000oooo00000


“anak ng! Antagal mo Simon Apacible!” sigaw ng isip ko habang naghihintay sa tapat ng kotse niya sa may parking lot ng school namin nung college. “Papatayin na ako ng tatay ko Sam.” mangiyakngiyak kong sabi. Nagpractice kasi si kumag ng Basketball, baka sinesermonan nanaman ni coach.


uso pa ba ang harana?” nagulat ako ng biglang may kumanta sa likod ko. Si Sam pala, may hawak na gitara. Naka jersey pa ito at pawis na pawis, halatang galing pa sa practice.


marahil ikaw ay nagtataka”
sino ba 'tong mukhang gago?
nagkandarapa sa pagkanta
at nasisintunado sa kaba

meron pang dalang mga rosas suot nama'y
maong na kupas
at nariyan pa ang barkada
nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along


Natawa ako dahil nagsulputan ang mga ka teamates niya sa basketball. Mga naka jersey pa pero may mga nakasukbit na necktie sa kanilang leeg. Isa isang nagbigay ng rose ang mga kumag.


Puno ang langit ng bituin
at kay lamig pa ng hangin
sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
at sa awitin kong ito
sana'y maibigan mo
ibubuhos ko ang buong puso ko


sa isang munting harana para sayo



Medyo nahihiya na ako, nagtitinginan na lahat ng nadaan sa may parking lot kung saan ako nakatayo. Hindi naman kasi kagandahan ang boses ni kumag, at sintunado pa nga ang gitara na pinapatugtog niya, pero hindi ko na lang yun pinansin.


Hindi ba't parang isang sine
isang pelikulang romantiko
hindi ba't ikaw ang bidang artista at ako ay iyong leading-man
sa istoryang nagwawakas sa pagibig na wagas


Puno ang langit ng bituin
at kay lamig pa ng hangin
sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
at sa awitin kong ito
sana'y maibigan mo
ibubuhos ko ang buong puso ko


sa isang munting harana para sayo


Pagkatapos na pagkatapos niyang kumanta, kasing bilis ng pagsulpot ng teamates niya ang paglaho ng mga ito. Niyakap niya ako. Tinulak ko siya.


“wag ka ng magalit, bumawi naman ako diba?” pagmamakaawa ni Sam.


“di naman ako nagagalit kasi pinagintay mo ako eh.” sabi ko.


“eh bakit mo ako tinulak?” takang tanong ni Sam.


“magshower ka muna.” at tinalikuran siya.


“ah ganun?!” yun na ang huli kong narinig at niyakap na niya ako mula sa likod. Kahit na nagpupumiglas ako, di parin ako nakawala.


“mahal na mahal kita Lorenso Santillan.” bulong niya sakin.


“mahal na mahal din kita.” bulong ko rin sa kaniya.


00000oooo00000


“doc?” paggising sakin ng isang nurse. Nakatulog na pala ako sa may couch ng doctor's quarters.


“ano yun?” mahinahon kong tanong. Simula nung nagunder go na ako ng anger management classes, nabawasan na ang pagsusungit ko at triny kong maging friendly naman.


“ay doc, magpapaasses lang po sa patient, nahihirapan daw po kasing huminga.” nahihiyang sabi ng nurse.


“ah o sige sunod na ako.” sabi ko. “ahmm Amy?” pahabol ko.


“y..yes doc?” nauutal na sabi ng nurse.


“paki dala rin yung metal chart nung patient ah. Thank you.” at nagulat si Amy sa sinabi kong yun. Ang sarap pala sa pakiramdam na nagpapasalamat. “Malaking pagbabago nanaman to sa aking ugali.” Nangingiti kong sabi sa sarili.


Pagkatapos kong magasses sa pasyente at mag order ng bagong gamot napatingin ako sa relos ko “5pm”, “nasaan na kaya ang kumag?” tanong ng isip ko. Minsan inis na inis ako pag nagse-session kami, ngayon naman parang excited na akong makita si Jon. Pagtalikod ko may isang mamang nagabot sakin ng isang sulat.


“punta ka sa hospital gym, dun tayo mag se-session.” sabi ng sulat, na inabot ako ng sampung minuto ata para i-decipher, sobrang pangit ng sulat.


“ancient runes ba ito?” tanong ko sa sarili ko.


Agad akong pumunta sa Gym, nagulat ako dahil isang tao lang ang nandon at sinusuntok niya ang punching bag na animoy galit na galit dito. Nung humarap ito at ngumiti dun ko lang napagtantong si Jon pala iyon. Ang ganda ng katawan, naka tanktop lang na kulay itim at boardshorts na puti ang mokong, ang ganda ng arms, maputi at makinis na balat na may butil butil na pawis.


“doki! Halika dito lapit ka.” magiliw niyang aya sakin.


“ah eh, hi.” bati ko sa kaniya.


“halika dito, I'm sure nasabi na sayo ni monster Cha ang about sa expressing what you feel, venting out all the pent up emotions blah..blah..blah..” pagpapaliwanag nito sakin.


“ah, Oo nasabi niya nga sakin ang about dun.” sabi ko.


“and now, parang return demonstration sa school noon, gagawin natin yung mga sinabi ni monster na yun.” sabi sakin ni Jon.


“ako, whenever I feel yung sobrang galit, dito ko lahat binubuhos, kay pareng punching bag.” At tinapik tapik niya ang punching bag sa tabi niya. Napatitig naman ako sa sinasabi niyang punching bag.


“ah eh, parang di naman ata appropriate yung suot ko ngayon para magpunching bag, Jon.” pagpapaintindi ko kay Jon.



“di yan! Ako nga dati nung nagbre... nung masamang masama ang loob ko kay Mi.. nung masama ang loob ko, kahit naka scrubsuit pa ako binibisita ko itong si pareng punching bag eh, try mo lang, effective siya promise.” sabi ni Jon.


“ah eh, next time na lang kaya.” sabi ko kay Jon.


“naku, ngayon na, ganito lang yan oh.” minuwestra ni Jon ang magkabila kong kamay at sinuntok ang punching bag. Di ko naman maiwasang kilabutan sa pagdikit ng balat naming dalawa. Ang ganda ng bisceps ni mokong.


“di ganyan, para ka namang babae kung sumuntok niyan eh, tas sabayan mo ng pag imagine sa mga taong nakasakit sayo. Tignan mo effective yan, kasi kahit wala ka ng chance na sabihin yung mga bagay na gusto mong iparating dun sa taong ikinasasama ng loob mo, parang nasabi mo na din, parang naiparating mo na din.” pagpapaliwanag sakin ni Jon.



Siguro ito rin yung ginawa niya noong masama yung loob niya kay Migs dati. Tinignan ko ulit ang punching bag. Nakita ko ang mukha ni Dad. Bumalik sakin lahat ng pagiging unfair niya, lahat ng sama ng loob ko. Napansin ko na lang na sinusuntok ko na ang punching bag na parang wala ng bukas. At ng tignan ko ulit ang punching bag, nakita ko na ang mukha ni Sam.


“ang daya mo!” sigaw ng isip ko.


“alam mo namang kailangan kita, alam mong ikaw lang ang nakakaintindi sakin, iniwan mo parin ako.” sigaw na naman ng isip ko, kasabay ng pagtulo ng pawis ko ang pagpatak ng luha ko.


“iniwan mo ako sa ere.” at binigay ko ang isa sa pinakamalakas na suntok ko, kasabay nito ang wala ng humpay na tulo ng luha ko.


Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Jon. Di ko rin napansin pero napayakap na din ako sa kaniya. Effective nga ang exercise na ito, kasi kahit hindi ko maamin sa sarili ko, may naitatago din akong sama ng loob kay Sam, kahit na pilit itong itanggi ng puso't isipan ko, at tinulungan ako ng exercise na ito na ilabas yun, hindi lang pala ang tatay ko ang dahilan ng pagiging ganito ko, may iba pa, at isa na si Sam sa mga yon.


“iyakin ka pala.” pabirong sabi sakin ni Jon, habang nakayakap parin siya sakin.


“ahmmm Jon?” tanong ko sa kaniya.


“oh bakit?” tanong din ni Jon.


“ahhh, pwede mo na siguro akong pakawalan. Ok na ako.” sabi ko, at napatawa naman siya. Kumawala siya sakin. Tinignan ko ang relos ko. “ambilis naman ata ng oras?” sabi ko sa sarili ko. Tumalikod na ako sa kaniya, tapos na ang session namin.


“Sarap mo kasing yakapin eh.” sabi niya sakin, habang naglalakad ako palayo, di ko nanaman napigilang mapangiti.




Itutuloy...


[05]
“You are never to set foot in this house again?! Do you hear me?!” galit na galit na turan ng aking ama kay Sam, nang sabihin namin ni Sam ang tungkol sa aming relasyon.


“for once Dad, try to understand.” nakayukong sabi ko.


“Oo nga po Mr. Santillan, mahal namin ang isa't isa.” sabat ni Sam.


“No! I will never understand! Being a faggot is not understandable!” tumayo siya at hinawakan si Sam sa may kwelyo at kinaladkad palabas ng bahay.


“di ka pa ba nakukuntento for being such a disappointment to me?” maanghang na sabi ng aking ama sakin matapos kaladkarin si Sam palabas ng bahay, sabay talikod at lakad palayo habang umiiling iling pa.


Napatingin ako kay Cha, nagiintay ng tanong mula sa aking paglalahad na yun. Di ko naman mapigilang mapangiti. Ngumunguya ng rebisco chocolate coated wafer si gaga, animoy nanunuod ng magandang palabas sa TV ang pagtitig sakin.


“kaloka naman baks yang tatay mo.” sinabi ni Cha, nasaid na ata ang pagiging professional ni bakla.


Well sabi nga ng teacher namin sa psyche dati, “even listening is therapeutic.” ito marahil ang ginagamit ni bruha, wala na siyang ma-icomment, wala narin siyang mai-tanong, nakikinig na lamang siya.


“biskwit gusto mo?” tanong sakin ni bruha.


“ahhmmm wag na baks, parang mumo na lang din naman yung inaalok mo sakin.” sabi ko kay Cha, at napangiti kami ng sabay.


“kumusta naman ang exercise mo with Jon?” pagiiba ni Cha sa usapan.


“tapos na ba ang session natin? Wala ka na bang ibang itatanong?” pagiiba ko rin sa usapan.


“ok ka na noh! After months of undergoing anger management classes sa isang katulad ko na pinakamagaling ay masasabi kong, there's nothing wrong with you anymore! Di mo ba napapansin? Ok na lahat ng tao sa attitude mo. You're just here para ilabas pa yung ibang natitirang sama ng loob dyan sa dibdib mo.” pagpapaliwanag ni Cha.


Marami na nga ang nagbago, di na ako bugnutin, di na basta basta nagagalit at halos lahat ng staff sa ospital ka-close ko na, meron paring ibang dumidistansya, pero halos lahat kabatian ko na.


“na approve na nga ng direktor na pwede ka ng hindi mag anger management session eh. Si Jon lang talaga yung nagpupumilit na ituloy pa.” sabi ni Cha, habang tinataob ang balat ng rebisco sa bibig niya, nanlaki ang mata nito ng mapagtantong may nasabi siyang hindi dapat sabihin.


“ha?!” takang tanong ko. “Si Jon na lang ang nagpupumilit na mag undergo pa ako ng anger management classes? Bakit?!” tanong ko sa sarili ko.


“ah eh wala. Fishball gusto mo? Meron dyan sa labas. Bilissss!” pagiiba ni Cha sa usapan, at hinila ako ni bruha para kumain ng fishball sa labas ng ospital.


00000oooo00000

“kanina pa kita iniintay ah!” galit na galit na sabi sakin ni Sam.


“sorry naman, nagextend si Sir Magaspac eh.” sabi ko.


“eh bakit yung iba mong classmates nakita ko ng lumabas?” sabi ni Sam, sabay labas ni Jon sa pinto ng classroom. Ngumiti at naglakad palayo. “kayo na lang atang dalawa ni Jon andyan eh!” selos na sabi ni Sam.


“tamang hinala ka nanaman! Nag cut ng class yung iba kong kaklase no!” at napangiti ako, ang cute kasing magselos ni mokong.


“halika babawi ako sayo.” sabi ko.


“libre mo ako?” at ngumiti na si mokong. Bilis talagang magbago ng pinaglalaban tong si mokong basta pagkain ang nakataya.


“Oo.” matipid kong sagot.


00000oooo00000


“dito mo lang pala ako ililibre! Hmpft!” sabi ni mokong habang nakasibanghot ang mukha.


“bakit masarap naman diba? Nakaka benteng fishball ka na nga eh.” sabi ko habang tuwang tuwa akong pagmasdan siyang kumain.


“bakit ganyan mo ako titigan?” tanong ni Sam.


“may sauce ka kasi sa labi.” sabi ko sabay punas.


“ayieee ang sweet sweet naman.” sabi sakin ni Sam. Tinitigan ko ulit siya natutuwa sa pagkain niya ng fishballs, parang bata na non lang nakatikim nito. Pero may mali, hindi na mukha ni Sam ang nakikita ko, mukha na ni Jon...

00000oooo00000


“huy! Doki!” bati sakin ni Jon, nasa may bilihan na pala kami ng fishball. “libre ka naman dyan.” sabi ulit ni Jon. Tinitigan ko si Jon, ganun din, sarap na sarap sa kinakain na fishballs, pero may mali, hindi na si Jon ang nakikita ko ngayon, si Sam na.


“huy doki! Tititigan mo lang ba ako o kakain ka?” takang tanong sakin ni Jon.


“bak.. ah eh doki? Ok ka lang? Namumutla ka.” nagaaalalang tanong sakin ni Cha na lumalantak din ng kwekkwek sa tabi ko.

“Tama ba ang nangyari kanina? Nakikita ko si Sam kay Jon, hindi pwede to.” Sabi ko sa sarili ko. Kumirot nanaman ang pilat na nasa kaliwang kamay ko. Nagpaalam ako sa kanila na babalik muna sa doctor's quarters. Napaupo ako sa tapat ng desk ko. Di ako makapaniwala, si Sam, nakikita ko siya sa katauhan ni Jon. Di rin ako mapakali sa loob ng quarters kaya't lumabas ako para magclinic.


May mga panakanakang nagpapacheck up, kahit papano nawala sa isip ko ang nangyari kanina. Biglang may pumasok na bata sa clinic ko.


“hello.” magiliw kong bati sa bata, nasa edad 4 years old palang ito.


“doki, pinaabot po sainyo.” tinignan ko ang hawak niya. Isa rose. Napatulala ako nang iabot niya ito. Biglang pumasok ang isang babae.


“goodafternoon po doc. Ipapacheck up ko lang po sana itong si Zeke.” sabi nung babae, inilapag ko ang rosas sa ibabaw ng aking table.


“ano po bang problema misis?” tanong ko naman sa nanay nung bata.


“ilang araw na po kasi siyang mahina kumain, tapos po sinisinat din siya.” pagpapaliwanag nung nanay.


“Zeke say ahhhh, titignan ko lang ang lalamunan mo.” sumunod naman ang bata. Namamaga ang tonsils nito. Nag explain ako sa nanay ni Zeke kung ano ang magandang gawin at mga gamot na iinumin. Napansin kong may nilalarong eroplanong gawa sa papel si Zeke.


“hey Zeke, iinom ka ng medecine ha? Para gumaling kana.” kinuwa ko ang Rx pad ko sa may drawer ng table ko at laking gulat ko na punong puno ng roses ang drawer. Hinawi ko ang ilang rosas na nakapaibabaw sa Rx pad, “damn di ko makita! Sino ba kasing naglagay ng mga rose nato dito?” sabi ko sa sarili ko. Pagkatapos kong magreseta ay tumayo na ang magina at palabas na sana ng clinic ko ng biglang bumalik ang batang si Zeke at inabot sakin ang kaniyang eroplanong papel. Ngumiti lang ang nanay ni Zeke. Tinignan ko ang papel at nakita kong may nakasulat dito.


I've been meaning to say I LOVE YOU, but I'm afraid of the silence that might follow.” napatulala ako pagkatapos basahin ang nakasulat sa papel na yon. Tumayo ako at sinubukang habulin ang bata, pero di ko na sila makita. Agad akong pumunta sa opisina ni Cha at ipinakita ang sulat na aking natanggap. Binasa niya ito at tumingin sa ilang piraso ng rosas na natanggap ko din.


“kagagawan ni Jon yan.” pairap na sinabi sakin ni Cha.


“ha eh bakit naman niya gagawin to?” tanong ko ulit kay Cha.


“obvius ba? Gusto ka niya doki.” at ngumiti sakin si Cha.


“imposible.” mahinang sabi ko.


“ano ba naman kayong mga beki kayo. Pagwala kayong makitang jowa, hanap kayo ng hanap, ngayong ayan na at nasa harapan niyo na ang future jowa niyo deny to death naman kayo. And besides sino pa ba ang may ganyang kapangit na sulat kungdi si Jon!” pabirong sabi ni Cha.


“bakit kaya pinapaextend ni Jon ang anger management classes mo? Bakit kaya kapareho ng sulat ni Jon ang sulat sa papel na ito, which I may add ay parang kinalahig ng manok? Bakit kaya kanina pa siya nakatayo sa likod mo at nakatitig sayo?” nagulat ako sa huling sinabi ni Cha. Napatalikod ako at andun nga si Jon, nakangiting gago si kumag.


“di ka naniniwalang gusto kita?” tanong sakin ni Jon.


“ah eh, imposible lang kasi.” nahihiyang sabi ko.


“my gosh! You little beki's do what you've got do ha? Disappear muna si akez.” sabi ni Cha at ang bilis nakalabas ni gaga sa pinto.


“di pa ako r..ready kasi Jon, bago palang lahat ng ito sakin.” sabi ko.


“I'm willing to wait.” mahinahong sabi ni Jon.


Pansin ng ilan ang kakaibang closeness namin ni Jon, pero ang iba dahil siguro medyo ilag pa sakin ay walang lakas ng loob magtanong, ang iba naman katulad din ni Cha nagtatanong ng “status?” na ang isinasagot ko lang ay iling or kibit balikat lang. Masigasig si Jon, kala mo boyfriend ko kung magalala at magalaga, minsan iniismidan ko ang efforts niya, minsan naman di ko maitago ang kilig.



“code blue, code blue, paging all ROD's please proceed to room 302, code blue, code blue.” sabi ng paging system ng ospital. Nagmadali akong pumunta sa third floor iniisip ang kaso ng pasyente na naka admit doon sa room na yon.


“Cecilia Tan, 53 year old breast Cancer.” sabi ng utak ko, pilit kong iniisip ang lahat ng naging management sa pasyenteng yun. “what went wrong?” tanong ko sa sarili ko.


Pagbukas ko ng kwarto ng pasyente, nagtaka ako dahil wala ni isang tao dun, walang pasyente, maski ang hospital bed wala doon, agad akong naglakad palabas ng pinto at tinignan ang number sa ibabaw ng pinto. Pumasok ulit ako at dun ko lang napansin na may lamesa pala at dalawang upuan doon. May nakaahin na pagkain, ang table setting ay kala mo isang table setting sa mamahaling restaurant.


“dinner?” tanong ng lalaki sa likuran ko.


Nagulat ako sa tinuran na yun ni Jon, alam kong ilang beses na niya akong niyaya na kumain sa labas, pero ilang beses ko rin itong tinaggihan at ginawa pang dahilan ang aking hectic na schedule. Pinagmasdan ko siya. Nakalong sleeves si kumag na navy blue, nakarolyo ang sleeves nito hanggang siko, slacks at leather shoes, suutan mo nga si kumag ng white na coat mas magmumukha pang doktor to sakin eh, flawless na balat, chinitong mata at mapupulang labi. “Di ako magsasawang tignan ang isang to.” isip isip ko.


“gutom ka na ba?” basag niya sa pagtitig ko sa kaniya.


“ah eh, may nagco-code eh, hahanapin ko pa yung pasyente.” pagpapalusot ko. Umirap si mokong.


“you don't get it?” nakangising tanong sakin ni Jon.


“wha..?” naputol kong sabi.


“di mo ba nakikita? pinapakilig kita dito oh.” sabi ni Jon na nakakunot na ang noo. “lagi mo nalang iniiwasan ang invitations ko sayo na makipagdate, sasabihin mo busy ka, o kaya naman madaming pasyente. Kaya ito naisip ko, dadalhin ko ang date natin sa tarbaho mo. At tungkol dun sa pasyente mo, inilipat muna namin sila sa kabilang kwarto. She's ok, kinunchaba ko siya para dito.”


Di maproseso ng utak ko ang nangyayari. Iniupo na ako ni Jon sa silya at umupo din siya sa silya sa tapat ko. Halatang umorder sa mamahaling restaurant si mokong at dito na lang plinate lahat, bumili din ng wine si mokong. Habang siya ay pormang porma, ako naman ay nakascrub suit na blue at naka coat na white. “mukha akong pulubi sa tabi niya.”


“tatahimik ka na lang ba diyan?” tanong sakin ni mokong.


“wala naman kasi akong sasabihin.” mahinahong sabi ko habang nginunguya ang steak.


“doki, when will you let your defenses down?” tanong sakin ni Jon, napatingin ako sa kaniya, nakatitig pala siya sakin. Di ako makasagot. Di ko alam kung anong isasagot ko.


“sige na nga, kumain na nga lang tayo.” aya niya at nagkwento ng nagkwento si mokong.


00000oooo00000


“huy!” sigaw sakin ni Sam.


“ano?!” sigaw ko din.


“kasi naman andami dami ko ng nakwento, parang wala ka namang naaabsorb!” nakasibanghot na sabi sakin ni Sam.


“wala naman kasi akong sasabihin eh. Saka gusto ko lang pagmasdan yung view.” sagot ko sa kaniya. Tinignan ko ulit ang view. Nakaupo kami sa hood ng kotse ni Sam. Mula sa burol na kinalalagyan ng kotse ni Sam ay makikita lahat ng ilaw mula sa nagtatayugang building ng siyudad.


“ganda dito no?” tanong sakin ni Sam. Habang nguyanguya ang sandwich na baon namin.



“Oo, sana ganito na lang lagi.” at sumandal ako sa balikat niya.



00000oooo00000


Tinanggal ni Jon ang piring ko, may supresa pa pala siya sakin pagkatapos ng dinner, inalalayan niya ako papuntang rooftop ng ospital, nakita ko ang ilaw ng mga nagtatayugang building na kalapit lang ng ospital.



“ganda dito no?” nagecho ang boses ni Sam, parang galing sa puso ko iyong boses na iyon at hindi kung saan lang.


“talikod ka, Doki” sabi sakin ni Jon. Pagtalikod ko, nakita ko ang isang malaking puting tela, sa tapat nito ay isang projector. Isang pelikula ang magsisimula na. “One More Chance.” nakita ko ang dalawang lazy boy sa tapat ng screen. Sa tabi nito ay may lamesa na pinaglalagyan ng popcorn at softdrinks. Kinikilig ako, pero may sumisingit na ibang emosyon. Umupo ako, napansin kong ganun din ang ginawa ni Jon, asa kanan ko siya. Hinawakan nito ang kamay ko.


“tell me when you're ready to let those defenses down.” bulong ni Jon sakin.


00000oooo00000

“weeeeeh! Kinikilig ako baks!” sigaw sakin ni Cha, nung bumisita ako sa opisina niya.


“haha! Sweet si jon, di ko maitatanggi yun.” sagot ko naman kay Cha.


“Naman! So kailan mo siya sasagutin?” tanong sakin ni Cha.


“soon.” pabiro kong sagot.


“weeh! Parang thriller lang sa pelikula ah!” kinikilig na sabi ni Cha. “SOON!” panggagaya sakin ni Cha, sabay muestra ng kamay sa harapan niya na kala mo may dalang poster na may nakalagay na soon.


“anong thriller? Trailer!” maypagkairita kong sabi.


“ganon narin yun! Nagugutom na ako! Tara kain na tayo?!” sigaw sakin ni Cha.


“hindi ba si Migs ang kasabay mong kumain, baks?” tanong ko sa kaniya.


“absent ang bakla. Nageemote sa nangyayari sa lovelife niya.” paliwanag ni Cha.


“ha? Akala ko ba sila ng kapatid mo?” takang tanong ko.


“hay naku, yun ang akala mo! Ikwekwento ko sayo lahat sa hapagkainan baks. Mamaya na ang question and answer, nagrerebelde na ang large intestine ko, kinakain na niya ang small intestines ko.” sabi ni Cha habang naglalakad kami papuntang canteen, sakto namang nadaanan namin ang isang CR.


“Baks saglit lang, wee wee lang ako saglit.” paalam ko sa kaniya.


“kasi naman eh! Nagugutum an akets baks! ok...” sabi ni Cha sabay ngiti.


Pagpasok ko sa loob ng CR, umihi saglit at naghugas ng kamay, naghilamos nadin ako, pag tunghay ko, nakita ko ang kakaibang Enso, may malaking nagbago sa Enso na ito, pero ang Enso na tumitingin sa akin ngayon ay isa ring Enso na naguguluhan. Sa totoo lang hindi pa ako sigurado sa kung ano man ang pwedeng mangyari samin ni Jon, parang may isang pwersa na pumipigil sakin para tuluyang mainlove kay Jon.


“Tama nga kaya si Jon? Is it time to let my defenses down?” tanong ko sa sarili ko.


“Mahal na mahal kita Lorenso Santillan.” muli ko nanamang narinig ang boses ni Sam. Nageecho, mukhang galing sa kalooblooban ko, napabuntong hininga ako.


“Paging Dr. Santillan, paging... please proceed to the cafeteria immediately, nagugutom na po si Ms. Cha Sandoval.” sabi sa paging system ng ospital.



Itutuloy...

No comments:

Post a Comment